Alam Ko ang Paraan para Malutas ang Tiwaling Disposisyon

Marso 8, 2022

Ni Ramses, Mexico

Lumaki ako sa isang Katolikong pamilya, at maliit pa ako ay naniniwala na kaming lahat sa Panginoon. Nang lumaki ako, natanto ko na nagsisimba lang ang ilang mananampalataya tuwing Linggo, pero palagi pa ring naninigarilyo, umiinom, at nakikipagkasiyahan gaya ng mga hindi nananalig. Pakiramdam ko’y hindi nila sinusunod ang mga ipinagagawa ng Panginoon, na gumagawa sila ng kasalanan. Madalas din akong magkasala. Nagsisinungaling ako noon, nagagalit, at naiinggit. Kahit ikinumpisal ko na ang mga kasalanan ko sa pari, hindi ko talaga maiwasang paulit-ulit na magkasala, mangumpisal, at magkasalang muli. Litung-lito ako. Kaya nagpasya akong lisanin ang simbahan namin at sumapi sa ibang simbahan para hanapin ang landas ng pag-iwas sa kasalanan.

Kalaunan, nakilala ko si Brother Raul sa trabaho, na matagal nang Kristiyano. Sabi niya’y nakadalo na siya sa iba’t ibang simbahan, pero tumigil na siya sa pagdalo dahil wala siyang matutuhan sa mga sermon ng mga pastor, at lagi silang humihingi ng mga alay. Pera lang ang gusto nila, at kapag gustong magpatulong ng mga kapatid sa kanila sa isang problema, sinasabi lang nila, “Tanungin mo muna ang mangangaral, at ipaalam mo sa akin kung hindi mo pa rin ito malutas.” Talagang nalito ako roon. Bakit may nangyayaring ganoon sa isang simbahan? Pagkatapos noon nagpunta ako sa lima o anim na iba pang simbahang Kristiyano at nakita ko na tulad talaga sila ng inilarawan ni Brother Raul. Naalala ko na sa isang pulong, naglalaro ng chess ang ilang mananampalataya at nagkakainan. Nakita ko na wala ang gawain ng Banal na Espiritu sa mga simbahan, kundi naging mga lugar ng libangan ang mga iyon para sa mga relihiyosong tao. Ayaw ko nang magsimba. Pero naalala ko ang sinabi sa Bibliya na: “Huwag nating pabayaan ang ating pagkakatipon-tipon, na gaya ng gawi ng iba; kundi payuhan ang isa’t isa; at lalo na kung inyong nakikita na nalalapit na ang araw” (Mga Hebreo 10:25). Kaya nalito talaga ako. Saan ako makikitipon? Mahigit 1,000 ang mga denominasyong Kristiyano, kaya napakahirap maghanap ng isa na may patnubay talaga ng Diyos at gawain ng Banal na Espiritu. Kahit si Brother Raul ay hindi alam kung saan pupunta. Kaya nagpasya kaming lisanin ang aming kongregasyon at gamitin ang libreng oras namin sa pag-aaral ng Bibliya. Madalas kaming magbasa ng Bibliya nang magkasama at magbahaginan ng aming pagkaunawa, tinutulungan at sinusuportahan ang isa’t isa.

Ilang taon akong ganoon, nagdarasal at nagbabasa ng Kasulatan araw-araw. Ang talagang nakadismaya sa akin ay kapag may nangyari na isang bagay na hindi ko gusto o nakompromiso ang aking mga interes ay hindi ko pa rin makontrol ang galit ko. Kung minsan, kapag magkasama kaming nagtatrabaho ni Brother Raul, kapag hiniling niya sa akin na gawin ang isang bagay at hindi ko siya lubos na naunawaan, malupit niya akong kinakausap, at talagang nagagalit ako. Naisip kong malinaw na hindi siya maayos makipag-usap, at sinigawan niya ako, at tinratong parang tanga, at hindi ko kailangang tiisin iyon. Kaya sinigawan ko rin siya. Talagang nag-aaway kami at hindi namin mapigilan ang galit namin. Sa huli’y naghihiwalay kami nang galit. Ayaw kong makinig sa kanya o magpaliwanag sa kanya. Pero pagkatapos kumalma, kinikilala namin ang mga pagkakamali namin, at humihingi kami ng tawad sa isa’t isa. Alam kong hindi ko pa napapalaya ang sarili ko sa kasalanan, na patuloy lang akong magkakasala at susuway sa Diyos, kaya nagdasal at nangumpisal ako sa Diyos, at sinikap kong magpigil. Pero gaano man ako magsikap, patuloy lang akong nagkakamali, nagkakasala sa araw, nangungumpisal sa gabi. Labis akong nalungkot at nakonsensya sa paulit-ulit na gawaing ito, at sobrang dismayado ako sa sarili ko. Itinanong ko sa sarili ko kung bakit hindi ko mapigilang magkasala. Pinag-usapan namin iyan ni Brother Raul nang maraming beses at nalaman namin na hindi kami makapagpigil, na malinaw ang aming pagmamagaling, kayabangan, at pagpapahalaga sa sarili, at na hindi pa namin natatakasan ang gapos ng kasalanan.

Minsan, habang magkasama naming pinag-aaralan ang Bibliya, nakita namin ang mga talatang ito: “Kayo nga’y magpakabanal, sapagkat Ako’y banal(Levitico 11:45). “Kung walang kabanalan, walang taong makakakita sa Panginoon(Mga Hebreo 12:14). Napaisip kami sandali sa mga talatang ito. Sinabi sa amin ng Panginoon na kailangan kaming maging banal, pero nabubuhay kami sa kasalanan. Paano kami magtatamo ng kabanalan? Wala kaming susundang landas. Tinanong ko ang isang pastor tungkol dito, at sabi niya, “Hangga’t nabubuhay tayo sa katawang-tao, hinding-hindi natin matatamo ang kabanalan. Pero tinubos tayo ng Panginoong Jesus sa ating mga kasalanan. Napatawad na ang ating mga kasalanan, at hindi na makasalanan ang tingin sa atin ng Panginoon. Pagbaba Niya sakay ng ulap, itataas Niya tayo sa kaharian ng langit.” Napanatag ako nang marinig ko ito, pero nalilito pa rin ako: Ang Panginoon ay banal, pero palagi tayong nabubuhay ngayon sa kasalanan. Dadalhin Niya ba talaga tayo sa Kanyang kaharian pagbalik Niya?

Isang araw noong Hulyo 2019, sa isa sa regular naming pag-aaral ni Brother Raul ng Bibliya, nag-web search kami ng “Bibliya,” at nakita namin ang pelikula ng Ang Simbahan ng Makapangyarihang Diyos na Umabot sa Huling Tren. Nagulat talaga ako matapos mapanood ang pelikula. Magandang pelikula ito at talagang nagbigay ng kaliwanagan ang ibinahaging mga katotohanan, lalo na sa parte kung saan sinabi ng isang sister na “Ginawa ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos. Pinatawad lang Niya ang mga kasalanan ng mga tao, pero hindi Niya nilutas ang ating pagiging likas na makasalanan, kaya patuloy tayong nagkakasala at lumalaban sa Diyos. Kung titingnan ang mga naniniwala sa Panginoon, mula sa mga lider ng simbahan hanggang sa mga regular na mananampalataya, sino sa kanila ang makapagsasabi na wala silang kasalanan? Wala ni isa. Walang tao ang hindi nakagapos at pinipigilan ng kasalanan. Tayong lahat ay puno ng kayabangan, pagkamakasarili, katusuhan, at kasakiman. Hindi natin mapigilang magkasala kahit na ayaw natin. Ang ilan ay mukhang mapagkumbaba at maamo, pero puno ng katiwalian ang puso nila. Hindi tayo ang mga taong gumagawa ng kalooban ng Diyos, at hindi tayo marapat na pumasok sa kaharian ng langit. Kaya nga kailangang ipagpatuloy ng Diyos ang Kanyang gawain para mailigtas ang sangkatauhan sa mga huling araw ayon sa plano Niya, para magawa ang isang yugto ng gawain ng paghatol sa pundasyon ng pagpapatawad sa mga kasalanan para linisin tayo at lubos na iligtas para makaiwas tayo sa kasalanan at maging dalisay, tapos ay makapasok sa kaharian ng Diyos at magkamit ng buhay na walang hanggan.” Lahat ng sinabi sa pelikula ay totoo. Tuwang-tuwa ako talaga, dahil noon lang ako nakarinig ng ganoon. Paano sila nakapagbahagi ng ganoon karaming naiibang kaliwanagan? Saan nila kinuha ang mga iyon? Nakita kong binabasa nila ang isang aklat na pinamagatang Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao. Ang nilalaman nito ay puno ng kapangyarihan at awtoridad, at mga bagay na noon ko lang narinig. Gusto kong marinig ang iba pa tungkol dito. Nang matapos ang pelikula, kinontak namin ang Ang Simbahan ng Makapangyarihang Diyos at nagsimula kaming dumalo sa mga pagtitipon online, magbasa at magbahagian ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos.

Isang araw, nabasa ko ito sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Bago tinubos ang tao, marami sa mga lason ni Satanas ang naitanim na sa kalooban niya at, pagkatapos ng libu-libong taon ng pagtiwali ni Satanas sa kanya, nasa kanyang kalooban ang matatag na kalikasang lumalaban sa Diyos. Samakatuwid, kapag natubos na ang tao, ito ay walang iba kundi isang kaso ng pagtubos kung saan ang tao ay binili sa mataas na halaga, ngunit ang may lason na kalikasan sa kanyang kalooban ay hindi pa naaalis. Ang tao na lubhang nadungisan ay kailangang sumailalim sa isang pagbabago bago maging karapat-dapat na maglingkod sa Diyos. Sa pamamagitan ng gawaing ito ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang marumi at tiwaling diwa sa kanyang sariling kalooban, at magagawa niyang lubos na magbago at maging malinis. Sa ganitong paraan lamang maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng luklukan ng Diyos. Lahat ng gawaing ginagawa sa araw na ito ay para malinis at mabago ang tao; sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita, pati na rin ng pagpipino, makakaya ng tao na maiwaksi ang kanyang katiwalian at maaaring madalisay ang tao. Sa halip na ituring ang yugtong ito ng gawain bilang pagliligtas, mas akmang sabihin na ito ay ang gawain ng pagdadalisay. Ang totoo, ang yugtong ito ay panlulupig at ang pangalawang yugto rin ng gawain ng pagliligtas(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4). “Ang Cristo ng mga huling araw ay gumagamit ng iba’t ibang katotohanan para maturuan ang tao, para ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ng tao ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas, at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas Niya nang pangmatagalan. Ang lahat ng ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang matatawag na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto tungkol sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtan ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, nakita ko na ang Panginoong Jesus ang gumawa ng gawain ng pagtubos, na tumubos lang sa atin kaya wala na tayong kasalanan, pero hindi naalis ang pagiging likas na makasalanan ng sangkatauhan. Kaya patuloy tayong nagsisinungaling at nagkakasala, at nagpapakita ng katiwalian. Nang pag-isipan ko ito, nalaman ko na totoo ito. Tuwing iinit ang ulo ko, pinagsisisihan ko ito kalaunan. Pero tuwing may nangyaring hindi ko gusto, hindi ko mapigilang magalit. Natanto ko na kung hindi ko malulutas ang aking pagiging likas na makasalanan, hinding-hindi ako makakalaya mula sa pagkakasala, at sa gayo’y lalabanan ko ang Diyos sa isip, salita, at gawa. Mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nakita ko na sa mga huling araw ay inihayag na Niya ang katotohanan para ilantad at linisin ang sangkatauhan. Dahil sa labis na kagustuhang malaman ang gawain ng paghatol ng Diyos, nagbasa ako ng maraming iba pa kalaunan tungkol sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at nakita na ibinubunyag Niya ang lahat ng tungkol sa likas na pagiging makasalanan ng sangkatauhan. Ipinapakita Niya sa atin kung paano ginagawang tiwali ni Satanas ang tao, paano tayo makakaiwas na magkasala at malilinis, kung sino ang makakapasok sa kaharian ng langit, sino ang mapaparusahan, at ang mga kahihinatnan ng iba’t ibang uri ng mga tao. Nasa paghatol at paglalantad ng mga salita ng Diyos sa sangkatauhan ang Kanyang pagmamahal at pagliligtas. Gaano man kalupit ang tinig Niya, lahat ng iyo’y para maunawaan natin ang katotohanan, para malinaw nating makita ang katotohanan kung paano tayo nagawang tiwali ni Satanas, kamuhian natin talaga ang ating sarili, at pagkatapos ay magsisi tayo’t magbago. Masayang-masaya ako nang maunawaan ko ang lahat ng ito at nanabik ako sa iba pang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Nagalak din talaga ako na dumalo sa mga pagtitipon at pagbabahaginan ng mga salita ng Diyos kasama ng mga kapatid, at umasa na maranasan ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos para malutas ko ang aking tiwaling disposisyon.

Nahalal akong lider para sa isang iglesia ng mga baguhan tapos noon. Minsan, nilapitan ako ng isang sister para hingan ng tulong sa mga problema niya habang ginagampanan ang kanyang trabaho, at pinayuhan ko siya kung ano ang dapat niyang gawin. Matapos marinig ng sister na ito at ng isa pang sister ang payo ko, pumayag silang gawin iyon. Sa oras na ito, tinawag kami ng isang lider at hiniling sa akin ng dalawang sister na ibahagi ko rin ang mga ideya ko sa kanya. Matapos ko itong ipaliwanag, walang sinabi ang lider, at binigyan lang kami ng isang dokumento na rerebyuhin, at pagkatapos ay sinabi niya sa amin kung paano namin ito dapat gawin. Nainis ako nang kaunti. Parang hindi niya talaga naunawaan ang ibig kong sabihin. Ipinaliwanag ko na sa dalawang sister na iyon ang dapat gawin, at naglaan ako ng maraming oras sa pag-iisip kung paano dapat gawin ang tungkulin. Nasayang lang ba talaga ang lahat ng pagsisikap na iyon? Walang pagtitimpi kong sinabi sa lider, “Naunawaan mo ba ang sinabi ko? Nagkasundo na tayo tungkol dito at nagkaunawaan na tayo.” Sinabi sa akin ng lider, “Okey ang iminungkahi mong solusyon, pero hindi ito ganoon kabilis gawin.” Tapos ay sinabi niya sa amin ang isang mas mabilis at mas simpleng paraan para maisagawa ang tungkuling iyon. Naisip ko talaga na maganda ang solusyon niya, pero hindi ako ganoon kasaya. Inisip ko kung ano ang iisipin sa akin ng dalawang sister kung hindi ginamit ang paraan na pinaglaanan ko ng oras para isipin. Iisipin ba nila na wala talaga akong silbi at ni hindi ko naisaayos ang isang maliit na gawain? Masyadong nakakahiya iyon. Lalong sumama ang pakiramdam ko nang mas pag-isipan ko iyon. Kalaunan, ipinagawa ng lider ang tungkuling iyon sa amin ng dalawang sister na iyon. Talagang nilabanan ko iyon at hindi talaga ako nakipag-usap sa kanya nang may kabaitan. Kalaunan, nakumpleto ko ang tungkulin, pero sa buong proseso ay nagpakita ako ng katiwalian dito kaya naligalig at nakonsiyensya ako. Pagkatapos, naisip ko na ginampanan ng lider ang kanyang responsibilidad at nagbigay siya ng ilang mabubuting mungkahi para maging mas mabilis ang gawain. Nakabuti ito sa gawain ng iglesia. Pero hindi ko ito matanggap, at nagalit pa ako dahil dito. Tinanong ko ang sarili ko kung bakit hindi ko matanggap ang angkop na mga opinion at nagalit pa ako dahil sa mga ito. Kinailangan kong alamin ang pinag-ugatan noon, para makalaya ako sa kalagayang ito sa lalong madaling panahon.

Nang gabing iyon, sinaliksik ko ang website ng iglesia para sa mga sipi ng mga salita ng Diyos tungkol sa galit, at nakita ko ang isang ito: “Sa sandaling magkaroon ng katayuan ang isang tao, madalas ay mahihirapan na siyang kontrolin ang kanyang damdamin, kaya’t masisiyahan siyang samantalahin ang mga pagkakataon upang ipahayag ang kanyang pagkayamot at ilabas ang kanyang mga nadarama; madalas siyang magpupuyos sa matinding galit nang walang malinaw na dahilan, nang sa gayon ay maihayag ang kanyang kakayahan at maipaalam sa ibang tao na ang kanyang katayuan at pagkakakilanlan ay iba roon sa mga ordinaryong tao. Siyempre, ang mga tiwaling tao na walang anumang katayuan ay malimit ding mawalan ng kontrol. Ang kanilang galit ay kadalasang dulot ng pinsala sa kanilang mga pansariling kapakanan. Upang mapangalagaan ang kanilang sariling katayuan at dignidad, madalas nilang nailalabas ang kanilang mga nararamdaman at naibubunyag ang kanilang mapagmataas na kalikasan. Ang tao ay magpupuyos sa galit at ilalabas ang kanyang mga nadarama upang maipagtanggol at mapagtibay ang pag-iral ng kasalanan, at ang mga pagkilos na ito ang mga paraan kung paano ipinahahayag ng tao ang kanyang pagkayamot; puno ang mga ito ng karumihan, ng mga pakana at mga intriga, ng katiwalian at kasamaan ng tao; at higit sa lahat, puno ang mga ito ng mga matayog na mithiin at pagnanasa ng tao(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II). Matapos mabasa ang mga salita ng Diyos, nakita ko na may dahilan kaya madaling sumiklab ang galit ng mga tao. Kapag nakompromiso ang ating mga interes o reputasyon, ibinubulalas natin ang ating pagkayamot, ipinapakita ang init ng ating ulo, at nawawalan tayo ng normal na katinuan ng tao. Ang ipinapakita natin ay mga satanikong disposisyon at mga negatibong bagay. Sa pagninilay sa aking sarili dahil sa mga salita ng Diyos, nakita ko na nang tanggihan ang mga ideya ko, talagang lumaban ako. Malinaw sa akin na mas maganda ang ideya ng lider kaysa sa ideya ko, na magiging mabilis at simple iyon, pero nagalit pa rin ako at nag-alala na iisipin ng iba na wala talaga akong silbi. Kaya masungit kong kinausap ang lider. Sa puntong iyon nakita ko na talagang mapagmataas ako, at masyado akong nakatuon sa aking pangalan at katayuan. Palagi kong naramdaman noon na maganda ang pananaw ko, at ayaw kong makinig sa iba. Hindi ko isinaalang-alang kung ano ang makakabuti sa gawain ng iglesia. Nakita ko na wala talaga sa katwiran ang kayabangan ko at labis pa nga akong nahirapang tanggapin ang isang mabuting payo. Nang maisip ko iyon, napuno talaga ako ng pagsisisi. Nagdasal ako sa Diyos para magsisi, hinihiling sa Kanya na gabayan akong mas makilala ang aking sarili at maalis ang kayabangan ko.

Kalaunan, nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Maraming uri ng mga tiwaling disposisyon na kabilang sa disposisyon ni Satanas, pero ang isa na pinakahalatang-halata at pinakanamumukod-tangi ay ang mapagmataas na disposisyon. Pagmamataas ang ugat ng tiwaling disposisyon ng tao. Kapag mas mapagmataas ang mga tao, mas hindi sila makatwiran, at kapag mas hindi sila makatwiran, mas malamang na lumaban sila sa Diyos. Gaano kaseryoso ang problemang ito? Hindi lang itinuturing ng mga taong may mapagmataas na disposisyon ang lahat ng iba pa bilang mas mababa kaysa sa kanila, kundi, ang pinakamasama, hinahamak pa nila ang Diyos, at wala silang may-takot-sa-Diyos na puso. Bagama’t maaaring mukhang naniniwala sa Diyos ang ilang tao at sinusunod Siya, ni hindi nila Siya itinuturing na Diyos. Pakiramdam nila palagi ay taglay nila ang katotohanan at napakataas ng tingin nila sa kanilang sarili. Ito ang diwa at ugat ng mapagmataas na disposisyon, at nagmumula ito kay Satanas. Kaya, kailangang malutas ang problema ng kayabangan. Ang pakiramdam na mas magaling ka kaysa iba—maliit na bagay iyan. Ang kritikal na isyu ay na nakakapigil sa isang tao ang kanyang mapagmataas na disposisyon na magpasakop sa Diyos, sa Kanyang kapamahalaan, at sa Kanyang mga pagsasaayos; laging hilig ng ganitong tao na makipagpaligsahan sa Diyos para sa kapangyarihan at kontrol sa iba. Ang ganitong tao ay walang pusong may takot sa Diyos ni katiting, ni hindi niya mahal ang Diyos o nagpapasakop sa Kanya. Ang mga taong mapagmataas at may labis na pagtingin sa sarili, lalo na iyong mga nawalan na ng katinuan sa sobrang mapagmataas, ay hindi kayang magpasakop sa Diyos sa kanilang paniniwala sa Kanya, at sarili pa nga nila ang kanilang pinararangalan at pinatototohanan. Ang gayong mga tao ang pinakalumalaban sa Diyos at talagang hindi nagtataglay ng may-takot-sa-Diyos na puso. Kung nais ng mga tao na magkaroon ng may-takot-sa-Diyos na puso, kailangan muna nilang lutasin ang mapagmataas nilang disposisyon. Habang mas masinsinan mong nilulutas ang mapagmataas mong disposisyon, mas lalong magkakaroon ka ng may-takot-sa-Diyos na puso, at saka ka lang makakapagpasakop sa Kanya at makakapagtamo ng katotohanan at makikilala Siya. Ang mga nagkakamit lamang ng katotohanan ang siyang tunay na tao(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Medyo pinag-isipan ko ang siping ito at nakita ko na ang dahilan kaya hindi ko maharap nang tama ang mga mungkahi ng iba ay dahil mapagmataas ang aking disposisyon. Gusto kong makinig sa akin ang ibang mga tao, pero hindi ako handang tanggapin o pakinggan ang payo ng iba. Ganoon ako noong kasama kong nagtatrabaho si Brother Raul. Napakabayang ko noon kaya hindi ako handang sumunod sa mga tagubilin niya, at lalong hindi ko matagalan na nagsasalita siya sa akin nang may pagalit na tono. At sa mga pakikipag-ugnayan ko sa asawa ko at sa iba pa sa pang-araw-araw na buhay, lagi kong inaakala na ang mga ideya ko ang pinakamagaling, na tama ako, kaya dapat nilang pakinggan at gawin ang sinasabi ko. Matapos akong magkaroon ng pananampalataya at tumanggap ng tungkulin na kasama ang mga kapatid, patuloy akong namuhay sa kayabangan at ayaw kong tanggapin ang mga mungkahi ng ibang mga tao. Kahit na alam kong hindi maganda ang paraan ko, ginusto ko pa ring gawin ang mga bagay-bagay nang ayon sa gusto ko at makinig sa akin ang iba. Napakayabang ko na wala na ako sa katwiran. Dahil sa likas na kayabangan ko, hindi makatwiran ang pagtingin ko sa mga bagay-bagay. Pakiramdam ko’y lagi akong tama, pero ang totoo’y madalas na mas maganda nga ang mga ideya ng ibang mga tao at mas malawak ang pananaw nila. Halimbawa, dahil lagi kong iniisip na tama ako, madalas na ipinagagawa ko sa asawa ko ang ayon sa plano ko, pero hindi maganda ang kinakalabasan nito. Ganoon din ito. Simple ang paraan na iminungkahi ng lider, matipid sa oras, at makapagbibigay ng mas magagandang resulta, samantalang ang paraang ibinahagi ko sa dalawang sister ay mas kumplikado at matagal gawin. Ipinakita sa akin ng mga katibayan na wala akong dahilan para maging napakayabang. Dapat na maging praktikal ako, magpigil, at malaman kung saan ako lulugar. Kung patuloy akong namuhay nang ganoon kayabang, magiging tulad ako ng arkanghel, na walang paggalang sa Diyos, nilalabanan Siya at lumalabag sa Kanyang disposisyon, at dahil dito ay parurusahan at susumpain Niya ako. Nang maisip ko ito, mabilis akong nagdasal sa Diyos: “Diyos ko, ayaw ko nang mamuhay ayon sa aking mayabang na disposisyon. Nais kong magsabuhay ng normal na pagkatao, makinig sa mga mungkahi ng mga kapatid sa aking tungkulin, makipagtulungan nang maayos sa kanila, at gawin ang aking tungkulin para mapalugod ang Iyong kalooban.”

Binasa ko ang dalawa pang sipi ng mga salita ng Diyos pagkatapos noon: “Ang mayabang na kalikasan ay ginagawa kang mapagmatigas. Kung mayroon kang mayabang na kalikasan, kikilos ka nang basta-basta at padalos-dalos, nang hindi iniintindi ang sinasabi ninuman. Kung gayon, paano mo lulutasin ang iyong pagiging pabasta-basta at padalos-dalos? Sabihin na, halimbawa, na may nangyari sa iyo at may sarili kang mga ideya at plano. Bago mo pagpasyahan kung ano ang gagawin, dapat mong hanapin ang katotohanan, at dapat ka man lang magbahagi sa lahat tungkol sa iniisip at pinaniniwalaan mo tungkol sa bagay na iyon, na hinihiling sa lahat na sabihin sa iyo kung tama ang iyong mga iniisip at kung naaayon ang mga ito sa katotohanan, at na magsagawa sila ng mga pagsusuri para sa iyo. Ito ang pinakamagandang pamamaraan para malutas ang pagiging pabasta-basta at padalos-dalos. Una, maaari mong ipaliwanag ang mga pananaw mo at hanapin ang katotohanan—ito ang unang hakbang ng pagsasagawa para malutas ang pagiging pabasta-basta at padalos-dalos. Nangyayari ang ikalawang hakbang kapag nagpapahayag ang ibang mga tao ng salungat na mga opinyon—paano ka magsasagawa para maiwasang maging pabasta-basta at padalos-dalos? Dapat ka munang magkaroon ng saloobing mapagpakumbaba, isantabi ang pinaniniwalaan mong tama, at hayaang makapagbahaginan ang lahat. Kahit naniniwala ka na tama ang iyong paraan, hindi mo ito dapat ipagpilitan. Iyan ay isang uri ng pagsulong; ipinapakita nito na hinahanap mo ang katotohanan, ng pagtanggi sa iyong sarili, at ng pagbibigay-kasiyahan sa kalooban ng Diyos. Kapag nagkaroon ka na ng ganitong saloobin, kasabay ng hindi pagkapit sa sarili mong mga opinyon, dapat kang magdasal, hanapin ang katotohanan mula sa Diyos, at pagkatapos ay humanap ng batayan sa mga salita ng Diyos—tukuyin kung paano kikilos batay sa mga salita ng Diyos. Ito ang pinakaangkop at tumpak na pagsasagawa(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). “Ang pinakamahirap ayusin na problema para sa tiwaling sangkatauhan ay ang paggawang muli ng dati nilang mga pagkakamali. Para maiwasan ito, dapat munang mabatid ng mga tao na hindi pa nila natatamo ang katotohanan, na wala pang nagiging pagbabago sa kanilang disposisyon sa buhay, at kahit na naniniwala sila sa Diyos, namumuhay pa rin sila sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas, at hindi pa naliligtas; malamang na pagtaksilan nila ang Diyos at lumihis sa Diyos sa anumang oras. Kung may nararamdaman silang ganitong krisis sa kanilang puso—kung, gaya nga ng madalas sabihin ng mga tao, handa sila sa panganib sa panahon ng kapayapaan—magagawa nila kahit papaano na kontrolin ang kanilang sarili, at sakali mang may mangyari sa kanila, mananalangin sila sa Diyos at aasa sa Kanya, at magagawa nilang maiwasang gawin ang gayon ding mga pagkakamali. Dapat mong makita nang malinaw na hindi pa nagbago ang iyong disposisyon, na labis pa ring nakaugat sa iyo ang kalikasan ng pagtataksil laban sa Diyos at hindi pa naalis, na may panganib pa ring pagtaksilan mo ang Diyos, at nahaharap ka sa patuloy na posibilidad ng pagdanas ng kapahamakan at pagkawasak. Totoo ito, kaya dapat kayong mag-ingat. May tatlong pinakamahahalagang punto na dapat tandaan: Una, hindi mo pa rin kilala ang Diyos; pangalawa, walang naging anumang pagbabago sa iyong disposisyon; at pangatlo, hindi mo pa naisasabuhay ang tunay na wangis ng tao. Nakaayon sa mga katunayan ang tatlong bagay na ito, totoo ang mga ito, at dapat maging malinaw ang mga ito sa iyo. Dapat may kamalayan ka sa sarili mo. Kung bukal sa loob mong ayusin ang problemang ito, dapat kang pumili ng sarili mong kasabihan: Halimbawa, ‘Ako ang dumi sa lupa,’ o ‘Ako ang diyablo,’ o ‘Madalas akong bumalik sa dati kong mga gawi,’ o ‘Lagi akong nasa panganib.’ Angkop na maging pansarili mong kasabihan ang alinman sa mga ito, at makakatulong kung lagi mo itong ipinapaalala sa iyong sarili sa lahat ng oras. Ulit-ulitin mo ito sa iyong sarili, pagnilay-nilayan ito, at baka sakaling mabawasan ang mga nagagawa mong pagkakamali, o matigil na sa paggawa ng mga pagkakamali. Anu’t anuman, ang pinakamahalaga ay ang gumugol ng mas maraming oras sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos at ang maunawaan ang katotohanan, ang maunawaan ang sarili mong kalikasan at matakasan ang iyong tiwaling disposisyon. Saka ka lamang magiging ligtas(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pamamagitan Lamang ng Paghahanap sa Katotohanan Matatamo ng Isang Tao ang Pagbabago sa Kanyang Disposisyon). Tinulungan ako ng mga salita ng Diyos na maunawaan na para malutas ang kayabangan ko, kailangan kong matutong makipagtulungan sa iba, maghanap at makibahagi. Dapat kong ibahagi ang aking mga ideya sa mga kapatid sa mga talakayan tungkol sa trabaho, at mapagpakumbabang hingin ang mga ng iba. Naiiba man ang mga iyon sa iminungkahi ko, dapat kong isantabi ang iniisip kong tama. Dapat akong magdasal at maghangad batay sa sinabi ng iba at hayaang gabayan at liwanagan ako ng Diyos na makitakung ano ang tama, kung ano ang angkop, at kung ano ang sarili kong mga pagkukulang at kapintasan. Kahit na sa tingin ko ay tama ang sinasabi ko, hindi ako dapat kumapit nang mahigpit sa mga ideya ko, dapat kong hangarin ang katotohanan, at hangarin ang kalooban ng Diyos. At kapag nakikita kong mas tama ang ideya ng iba kaysa sa akin, dapat akong matutong isantabi ang sarili ko at tanggapin ang sinasabi nila. Naaayon iyan sa kalooban ng Diyos at pinipigilan akong makagawa ng mali. Dagdag pa riyan, may isinulat akong salawikain para sa sarili ko tungkol sa mapagmataas kong kalikasan: “Wala akong halaga, at hindi ako dapat maging mayabang. Inilalagay ko palagi ang sarili ko sa panganib dahil hindi ako makapagpigil.” Naipaalala nito sa akin ang kahihiyang dulot ng aking mga pagyayabang, at ipinaalala sa akin ang panganib at mga kahihinatnan ng pamumuhay sa kayabangan. Tapos noon, nagsimula akong magtuon sa pagsasagawa ng mga salita ng Diyos at pakikinig sa mga ideya ng iba. Kapag may nag-aalok ng mungkahi o opinyon na naiiba sa akin, sa bahay man o sa isang tungkulin na kasama ang mga kapatid sa iglesia, sinisimulan kong kalimutan ang aking sarili. Nakita ko na talagang mas malawak ang mga ideya ng ibang mga tao kaysa akin, at natutunan kong tanggapin nang taos-puso ang mga ideya nila at ipatupad ang magagandang mungkahi. Matapos isagawa iyon, natanto ko na nabawasan na ang pag-init ng ulo ko sa mga kapatid at kaya ko nang pakinggan at tanggapin ang sinasabi ng ibang mga tao. Mas napanatag din ako kaysa dati. Nagpasalamat ako sa Diyos mula sa kaibuturan ng puso ko!

Kalaunan, nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Hindi mababago ng mga tao ang sarili nilang disposisyon; kailangan silang dumaan sa paghatol at pagkastigo, at sa pagdurusa at pagpipino, ng mga salita ng Diyos, o sa pakikitungo, pagdidisiplina, at pagtatabas ng Kanyang mga salita. Pagkatapos noon, saka lamang sila magiging masunurin at matapat sa Diyos, at hindi na magpapadalus-dalos sa pakikitungo sa Kanya. Sa ilalim ng pagpipino ng mga salita ng Diyos nagbabago ang disposisyon ng mga tao. Sa pamamagitan lamang ng paglalantad, paghatol, pagdidisiplina, at pakikitungo ng Kanyang mga salita sila hindi na mangangahas na kumilos nang walang pakundangan kundi sa halip ay magiging matatag at mahinahon sila. Ang pinakamahalagang punto ay na nagagawa nilang magpasakop sa kasalukuyang mga salita ng Diyos, at sa Kanyang gawain, kahit hindi ito nakaayon sa mga kuru-kuro ng tao, nagagawa nilang isantabi ang mga kuru-kurong ito at maluwag sa loob na magpasakop(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Taong Nagbago Na ang Disposisyon ay Yaong mga Nakapasok Na sa Realidad ng mga Salita ng Diyos). Ipinakita sa akin ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos na hindi tayo makakaasa sa sarili nating lakas o tiyaga para kontrolin o baguhin ang ating mga disposisyon. Lahat ng pagsisikap na iyon na pigilan ang sarili ay kaya lang baguhin ang ilang pag-uugali, pero hindi gaanong nagtatagal ang mga pagbabagong iyon. Kung nais nating magkamit ng tunay na pagbabago ng disposisyon, kailangan nating tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, ang pagwawasto at pagtatabas, ang pagtutuwid at pagdidisiplina, pati na ang mga pagsubok at pagpipino. Iyan lamang ang paraan para totoo nating malaman ang ating satanikong kalikasan at malinaw na makita ang mapanganib na mga kahihinatnan ng pamumuhay ayon sa ating mga satanikong disposisyon. Sa gayo’y talagang mamumuhi at magpapabaya tayo sa ating sarili, at tunay tayong magsisisi at magbabago.

Nagpapasalamat ako sa Makapangyarihang Diyos para sa pagbibigay sa akin ng pagkakataong maranasan ang Kanyang paghatol at pagkastigo sa mga huling araw para malaman ko ang mga katotohanan, at makilala ang aking sarili at malutas ang aking katiwalian. Pakiramdam ko’y napakasuwerte ko. Hindi na ako naguguluhan at nalilito dahil naihayag na ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang ugat ng ating kasalanan, at ang mga pagpapamalas ng ating iba’t ibang tiwaling disposisyon. Binigyan din Niya tayo ng isang landas para maitakwil ang kasalanan at makamit ang mga pagbabago sa disposisyon sa buhay. Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay mayaman at sagana, at ibinibigay nito ang lahat ng kailangan natin. Ibinibigay nito ang mga sagot para sa lahat ng ating tanong at paghihirap. Basta’t taos-puso nating binabasa at tinatanggap ang mga salita ng Diyos, mauunawaan natin ang ating katiwalian at pagiging suwail, at matatagpuan natin ang landas sa paglutas ng ating tiwaling disposisyon. Salamat sa Makapangyarihang Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Kasama Nang Muli ng Diyos

Ni Jianding, Estados Unidos Ipinanganak ako sa isang Katolikong pamilya, at mula sa murang edad ay tinuruan ako ng ina ko na magbasa ng...

Narinig Ko Na ang Tinig ng Diyos

Ni Mathieu, France Tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw mahigit dalawang taon na ang nakakalipas. Sa totoo...

Saan Nagmula ang Tinig na ito?

Ni Shiyin, Tsina Isinilang ako sa isang pamilyang Kristiyano, at marami akong mga kamag-anak na mangangaral. Nanampalataya ako sa...