Paglaya Mula sa Tanikala ng Pagkakagapos

Hulyo 23, 2020

Ni Zhou Yuan, Tsina

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ngayon ang panahon na tinutukoy Ko ang katapusan ng bawat tao, hindi ang yugto na sinimulan Kong hubugin ang tao. Isinusulat Ko sa Aking talaang aklat, isa-isa, ang mga salita at kilos ng bawat tao, ang kanyang piniling landas sa pagsunod sa Akin, ang kanyang likas na mga katangian, at kung paano sila umasal sa dakong huli. Sa ganitong paraan, anumang uri ng tao sila, walang sinumang makatatakas sa kamay Ko, at ang lahat ay makakasama ng kanilang kauri ayon sa itinalaga Ko(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan). “Natutukoy ang kalalabasan ng lahat ayon sa diwang nagmumula sa kanilang asal, at palagi itong angkop na natutukoy. Walang sinumang makapapasan sa mga kasalanan ng iba; higit pa, walang sinumang makatatanggap ng kaparusahan na nauukol sa iba. Ito ay lubos. Ang mapagmahal na pag-aaruga ng isang magulang sa kanyang mga anak ay hindi nagpapahiwatig na makakaya niyang gampanan ang mga gawang matuwid sa halip ng kanyang mga anak, o ang masunuring pagkamagiliw ng isang anak sa kanyang mga magulang ay nangangahulugang makakaya niyang gampanan ang mga gawang matuwid sa halip ng kanyang mga magulang. Ito ang tunay na pakahulugan ng mga salitang, ‘Kung gayon ay magkakaroon ng dalawa sa larangan; ang isa ay kukunin, at ang isa ay iiwan. Maggigiling sa kiskisan ang dalawang babae; ang isa ay kukunin, at ang isa ay iiwan.’ Hindi madadala ng mga tao sa pamamahinga ang mga anak nilang gumagawa ng masama batay sa malalim nilang pagmamahal sa kanila, o hindi madadala ng sinuman sa pamamahinga ang kanyang asawa batay sa matuwid nilang asal. Isa itong administratibong panuntunan; hindi maaaring magkaroon ng mga pagtatangi para sa sinuman. Sa huli, ang mga gumagawa ng pagkamatuwid ay mga gumagawa ng pagkamatuwid, at ang mga tagagawa ng masama ay mga tagagawa ng masama. Tutulutang makaligtas sa kalaunan ang mga matuwid, samantalang wawasakin ang mga tagagawa ng masama. Ang mga banal ay mga banal; hindi sila madumi. Ang madudumi ay madudumi, at walang isa mang bahagi nila ang banal. Ang mga taong wawasakin ay ang lahat ng mga buktot, at ang mga makaliligtas ay ang lahat ng mga matuwid—kahit pa gumaganap ng mga matuwid na gawa ang mga anak ng mga buktot, at kahit pa gumagawa ng masasamang gawa ang mga magulang ng mga matuwid. Walang ugnayan sa pagitan ng isang naniniwalang esposo at ng hindi naniniwalang esposa, at walang ugnayan sa pagitan ng mga naniniwalang anak at mga di-naniniwalang magulang; ganap na hindi magkaayon ang dalawang uring ito ng mga tao. Bago pumasok sa pamamahinga, may pisikal na mga kamag-anak ang isang tao, ngunit sa sandaling pumasok sa pamamahinga ang isang tao, wala na siyang anumang pisikal na mga kamag-anak na masasabi(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama). Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay ang pagsama-samahin ang tao ayon sa uri nila. Siya ang nagsasabi ng kahihinatnan at patutunguhan ng bawat tao base sa ugali at kalikasan at diwa nila. Walang makapagbabago ng bagay na ito at natutukoy ito ng matuwid na disposisyon ng Diyos. Gusto ng Diyos na tratuhin natin ang iba ayon sa Kanyang salita at mga prinsipyo ng katotohanan. Hindi natin pwedeng paboran ang sinuman base sa emosyon, kahit na ang mga mahal natin sa buhay. Salungat iyon sa katotohana at paglabag sa disposisyon ng Diyos.

Tatlong taon na ang nakararaan, patapos na ang pagpupulong noon nang kausapin ako ng isang lider: “Ang daddy mo, lagi niyang pinag-aaway ang mga kapatid. Ginugulo niya ang buhay-iglesia. Nagbahagi kami kasama siya, sinuri ito, at binalaan namin siya, pero ayaw niyang magsisi. Inireport ng mga kapatid na ginawa niya na iyon dati sa ibang lugar habang ginagawa ang kanyang tungkulin. Mangangalap kami ng patunay tungkol sa mga masasamang gawa niya” Kumabog ang puso ko nang narinig ko ito at naisip ko, “Ganoon ba talaga kasama iyon?” Pero naisip ko rin na habang nasa pagtitipon, ginugulo nga ni dad ang buhay-iglesia at ayaw niya sa katotohanan. Sa mga pagtitipon ay hindi siya nagbabahagi ng salita ng Diyos, at walang kinalaman sa katotohanan ang tinatalakay niya, pinupukaw ang mga tao kaya hindi na sila panatag na makapagnilay ng mga salita ng Diyos. Binanggit ko ito sa kanya pero ayaw talaga niyang makinig. Kung anu-anong palusot ang sinabi niya. Sinabi ko sa pinuno ng iglesia ang tungkol sa sitwasyon. Pagkatapos noon ay nagbahagi siya kay daddy, ilang beses din siyang tinulungan, at ipinaliwanag niya ang diwa at kahihinatnan ng pag-uugali niya. Pero hindi ito tinanggap ni dad. Patuloy lang siya sa pagpapalusot at pakikipagtalo. Ayaw talaga niyang magsisi. Tingin ko ay mas lumala ang sitwasyon dahil inireport na ito ng mga kapatid ngayon. Naalala ko na may dalawang tao sa iglesia na sinasabing masasama at tinanggal sila dahil ayaw nilang isagawa ang katotohanan, bagkus ay laging ginugulo ang buhay-iglesia, at ayaw magsisi. Kung katulad nilang dalawa si daddy, hindi ba dapat tanggalin din siya? Kung magkakatotoo iyon, tapos na ang daan ng pananampalataya niya. Maililigtas pa rin ba siya? Dahil doon ay mas nabagabag ako, at naramdaman ko na parang may pumipiga ng puso ko.

Kinagabihan, hindi ako mapakali sa kama, nahirapan talaga akong matulog, iniisip ko ang sinabi ng iba kay daddy. Alam kong pinoprotektahan lang nila ang buhay-iglesia mula sa mga panggagambala, pinahahalagahan ang pagpasok sa buhay ng mga kapatid, at naaayon ito sa kalooban ng Diyos. Alam ko ang tungkol sa ugali ni daddy kaya naisip ko kung dapat ko ba siyang isumbong sa lider. Naisip ko kung gaano niya ako minahal at inalagaan noong bata pa ako. Kapag nag-aaway kami ng kapatid kong lalaki, ako lagi ang pinoprotektahan niya ako man ang mali o hindi. Kapag naman malamig at wala akong mainit na kubrekama sa paaralan, magbibisekleta siya nang lampas animnapung milya para dalhan ako ng kumot. Madalas na nasa malayong lugar si mommy noon dahil sa paggawa ng tungkulin, kaya madalas si daddy ang nagluluto at nag-aalaga sa akin. Habang iniisip ko ito, hindi ko mapigilang maiyak. Naisip ko, “Ang daddy ko ang nagpalaki sa akin. Kung ilalantad ko siya at nalaman niya ito, baka sabihin niyang wala akong konsensya at na wala akong puso? Paano ko siya haharapin sa bahay pagkatapos ko siyang ilantad?” Isinulat ko ang tungkol sa pag-uugali ni daddy, pero hindi ko maituloy. Naisip ko, “Paano kung isulat ko ang lahat ng alam ko tapos ay patalsikin siya? Huwag na nga. Hindi ko na ito isusulat.” Gusto kong makatulog nang mahimbing para makatakas sa realidad, pero hirap na hirap ako. Hindi ako mapalagay at nakokonsensya ako. Hindi maganda ang pag-uugali niya ngayon at may kaunti akong alam sa mga ginawa niya dati. Kung kikimkimin ko lang iyon, parang itinago ko ang katotohanan, hindi ba? Gulung-gulo talaga ang kalooban ko. Kinailangan kong humarap sa Diyos sa panalangin. Dasal ko, “Diyos ko, alam ko po ang ilan sa mga kasamaan ni daddy, at alam kong kailangan kong panindigan ang gawain ng iglesia at maging totoo sa kung ano ang alam ko, pero ayoko pong gawin iyon dahil patatalsikin siya. Diyos ko, gabayan Mo ako para maisagawa ko ang katotohanan, maging matapat ako, at mapanindigan ang gawain ng iglesia.” Napayapa ako pagkatapos kong magdasal. Tapos ay binasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Lahat kayo’y nagsasabi na isinasaalang-alang ninyo ang pasanin ng Diyos at ipagtatanggol ang patotoo ng iglesia, ngunit sino ba talaga ang nagsaalang-alang sa pasanin ng Diyos? Itanong mo sa iyong sarili: Ikaw ba’y isang tao na nagpakita ng pagsasaalang-alang para sa pasanin Niya? Makakapagsagawa ka ba ng katuwiran para sa Kanya? Makakapanindigan ka ba at makakapagsalita para sa Akin? Maisasagawa mo ba nang matatag ang katotohanan? Ikaw ba’y may sapat na lakas ng loob na labanan ang lahat ng gawa ni Satanas? Makakaya mo bang isantabi ang iyong mga damdamin at ilantad si Satanas para sa kapakanan ng Aking katotohanan? Mapapahintulutan mo ba ang Aking mga layunin na matupad sa iyo? Naihandog mo na ba ang iyong puso sa pinakamahalagang sandali? Ikaw ba’y taong gumaganap sa Aking kalooban? Itanong mo sa iyong sarili ang mga katanungang ito at madalas mo silang isipin(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 13). “Ang mga tao’y lahat namumuhay sa emosyon—kaya nga hindi iniiwasan ng Diyos ang isa man sa kanila, at inilalantad ang mga lihim na nakatago sa puso ng buong sangkatauhan. Bakit hirap na hirap ang mga tao na ihiwalay ang kanilang sarili sa kanilang damdamin? Higit pa ba ito kaysa sa mga pamantayan ng konsiyensya? Maisasakatuparan ba ng konsiyensya ang kalooban ng Diyos? Matutulungan ba ng damdamin na malagpasan ng mga tao ang kahirapan? Sa mga mata ng Diyos, ang damdamin ay Kanyang kaaway—hindi ba ito malinaw na nakasaad sa mga salita ng Diyos?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob”, Kabanata 28). Wala akong sagot sa mga tanong na ito sa salita ng Diyos. Alam na alam kong hindi hinangad ni dad ang katotohanan, at ginulo niya ang pagkain at pag-inom ng iba sa salita ng Diyos. Wala siyang pinakinggang pagbabahagi ng iba, hinusgahan ang mga tao sa likod nila, at naghasik ng alitan. Pero dahil sa emosyon ko, nalimutan kong nagulo ang pagpasok sa buhay ng mga kapatid. Ayoko lang na magtapat sa pinuno para maprotektahan si daddy. Hindi ko isinagawa ang katotohanan at hindi isinaalang-alang ang kalooban ng Diyos. Naisip ko ang dalawang masamang taong tinanggal noon ng mga tao sa iglesia. Ayaw nilang isagawa ang katotohanan at ginulo ang buhay-iglesia kaya nagalit talaga ako, at makatuwiran at labis kong inilantad ang kasamaan nila. Kaya bakit hindi ko magawang maging matapat sa pagsusulat ng ugali ni daddy? Nakita ko na hindi ako tapat na tao, at hindi ako patas. Hindi ko isinagawa ang katotohanan o pinanindigan ang iglesia at ito ay isang napakahalagang sandali. Sa halip, pinagtakpan ko ang daddy ko dahil sa emosyon ko, itinago ang kanyang mga kasamaan, at kinalaban ko ang mga prinsipyo ng katotohanan. Hindi ba’t pagpanig iyon kay Satanas at pagkalaban sa Diyos? Nang natauhan ako, nagdasal at nagsisi ako sa Diyos. “Ayoko nang magpadala sa aking emosyon. Gusto kong maging tapat pagdating kay daddy.”

Pagkadasal ko, inalala ko ang ilan sa mga kasamaan ni daddy at isa-isa kong inilista ang mga ito. Habang naglilingkod bilang isang gospel deacon, naging mapanghusga siya sa kanyang kapareha na si Brother Zhang. Hinusgahan at minaliit siya ni daddy sa harap ng mga kapatid. Naapektuhan si Brother Zhang at naging negatibo ang lagay. Iwinasto ng lider si dad pero ayaw niyang makinig. Nang tinukoy ng mga kapatid ang mga isyu sa kanya, hindi niya tinanggap ang anuman sa mga iyon. Lagi siyang nakatuon sa kamalian ng iba at lagi niyang pinagsasamantalahan ang mga kahinaan nila at lagi niyang sinasabi, “Ilang taon na akong nananalig. Alam ko na ang lahat ng iyan!” Nang nakita niyang aktibo ako sa tungkulin ko, hinimok niya akong mag-asam ng pera at makamundong mga bagay, at puro negatibo ang sinasabi niya para mawalan ako ng gana sa tungkulin ko. Nang nasangkot siya sa isang car accident, pinuntahan siya ni Brother Lin n amula sa iglesia para kamustahin siya at magbahagi ng katotohanan, at kailangan daw niyang magnilay-nilay at matutuhan ang araw niya, pero hindi niya ginawa ang anuman sa mga ito. Iba ang sinabi niya sa mga tao, nagkalat ng tsismis si daddy na kinutya siya ni Brother Lin. Iyon ang dahilan kaya hinusgahan ng ilang kapatid si Brother Lin. Natigilan ako at nagalit habang iniisip ang lahat ng iyon. Naisip ko, “Si Daddy ba talaga ito? Hindi ba masamang tao ito?” Lagi kong inakalang sa mga taong nananalig siya, ginagawa niya ang kanyang tungkulin at nagpapalaganap ng ebanghelyo, kaya niyang magdusa at magbayad ng halaga. Naantig ako sa kung ano siya sa panlabas, akala ko totoong nananalig si dad. Kaya hindi ko binigyang-pansin ang pag-uugali niya. Masyado akong naging hangal at bulag. Ngayon, labis ko nang pinagsisisihan ang pagpapadala sa emosyon at pagprotekta sa kanya. Tapos ay nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos: “Yaong mga nagbubulalas ng kanilang makamandag at malisyosong pananalita sa loob ng iglesia, na nagkakalat ng mga tsismis, nagpupukaw ng kawalan ng pagkakaisa, at iginugrupu-grupo ang mga kapatid—dapat ay natiwalag na sila sa iglesia. Subalit dahil ibang panahon na ngayon ng gawain ng Diyos, hinihigpitan ang mga taong ito, sapagkat tiyak na aalisin sila. Lahat ng nagawang tiwali ni Satanas ay may tiwaling disposisyon. Ang ilan ay walang anumang taglay kundi mga tiwaling disposisyon, samantalang ang iba ay hindi ganito: Hindi lamang sila mayroong tiwali at napakasamang disposisyon, kundi napakamalisyoso rin ng kanilang likas na pagkatao. Hindi lamang nahahayag sa kanilang mga salita at kilos ang kanilang tiwali at napakasamang disposisyon; ang mga taong ito, bukod dito, ang totoong diyablong si Satanas. Ang pag-uugali nila ay nakakaabala at nakakagambala sa gawain ng Diyos, nakakasama sa pagpasok ng mga kapatid sa buhay, at nakakasira sa normal na buhay ng iglesia. Sa malao’t madali, ang mga lobong ito na nakadamit-tupa ay kailangang mapalayas; hindi dapat kaawaan at tanggapin ang mga utusang ito ni Satanas. Ito lamang ang pumapanig sa Diyos, at yaong mga hindi nakakagawa nito ay nagtatampisaw sa putikan na kasama ni Satanas(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Babala sa mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan). Kung ikukumpara ang pag-uugali ni daddy sa mga salita ng Diyos, nakita ko na hindi lamang siya basta nagpapakita ng isang tiwaling disposisyon, kundi isang malisyosong kalikasan. Masigasig siya sa panlabas at kayang magpakahirap para sa tungkulin niya, at magpalaganap ng ebanghelyo kahit na inuusig ng Partido Komunista ng China, pero hindi niya kayang tanggapin ang katotohanan. Namumuhi pa nga siya sa katotohanan. Inilantad ng mga kilos niya ang tuso at karimarimarim niyang kalikasan. Isa siyang masamang tao na panig kay Satanas, kaya dapat siyang itiwalag. Kahit anak pa niya ako, maling magpadala ako sa emosyon. Kailangan kong tumayo sa panig ng Diyos sa aking pananampalataya, at ilantad at itakwil si Satanas. Naisip ko ang mga kapatid sa grupong pinamumunuan ko na walang alam tungkol kay dad. Kailangan kong magbahagi sa kanila at ilantad ang kasamaan ni daddy para hindi na sila maloko ng dad ko. Pero labis akong nag-alala: “Nanalig ang ilan sa kanila dahil sa daddy ko at maganda ang relasyon nila sa kanya. Kung ilalantad ko siya, sasabihin nilang wala akong konsensya at puso, hindi ba? At kapag itiniwalag siya at nawalan ng pagkakataong maligtas, siguradong napakasakit nito para sa kanya.” Labis kong ikinalungkot ang pag-iisip nito at nawalan na ako ng ganang magbahagi. Hindi ako nakatulog sa kaiisip noong gabing iyon, naisip ko kung hindi ko ilalantad ang kasamaan ni daddy at malilinlang niya ang mga kapatid at papanig sila sa kanya, siguradong magiging masama rin sila. Kung hahayaan ko lang sila na mailigaw at hindi ako magbabahagi sa kanila, ipinapahamak ko sila, hindi ba? Dahil sap ag-iisip noon sinisi ko ang sarili ko, kaya nagdasal ako sa Diyos: “Diyos ko, ang dami ko pong inaalala ngayon. Palakasin Niyo ako at ang pananampalataya ko, gabayan Ninyo akong maisagawa ang katotohanan at mailantad ang masamang taong ito.”

Pagkatapos kong magdasal, binasa ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Sa mga salita ng Diyos, anong prinsipyo ang binabanggit tungkol sa kung paano dapat pakitunguhan ng mga tao ang isa’t isa? Mahalin ang minamahal ng Diyos, at kamuhian ang kinamumuhian ng Diyos. Iyon ay, ang mga taong minamahal ng Diyos, na tunay na naghahabol ng katotohanan at gumagawa ng kalooban ng Diyos, ang mismong mga taong dapat mong mahalin. Ang mga hindi gumagawa ng kalooban ng Diyos, yaong mga namumuhi sa Diyos, yaong mga sumusuway sa Kanya, at yaong mga kinasusuklaman Niya ay mga taong dapat din nating kasuklaman at tanggihan. Ito ang hinihingi ng salita ng Diyos. Kung hindi naniniwala ang iyong mga magulang sa Diyos, kinamumuhian nila Siya kung gayon; at kung kinamumuhian nila Siya, tiyak na kinamumuhian sila ng Diyos. Kaya, kung sinabi sa iyong kamuhian mo ang iyong mga magulang, magagawa mo ba ito? Kung nilalabanan nila ang Diyos at nilalapastangan Siya, tiyak na sila ang mga taong kinamumuhian at isinusumpa Niya. Sa ilalim ng gayong mga pangyayari, paano mo dapat tratuhin ang iyong mga magulang kung hinadlangan nila ang paniniwala mo sa Diyos, o kung hindi nila ito ginagawa? Noong Kapanahunan ng Biyaya, sinabi ng Panginoong Jesus, ‘Sino ang aking ina? At sino-sino ang aking mga kapatid? … Sapagka’t sinomang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit, ay siyang aking kapatid na lalake at aking kapatid na babae, at ina.’ Umiiral na ang kasabihang ito noon pang Kapanahunan ng Biyaya, at lalo pang mas angkop ang mga salita ng Diyos ngayon: ‘Mahalin kung ano ang minamahal ng Diyos, at kamuhian kung ano ang kinamumuhian ng Diyos.’ Diretsahan ang mga salitang ito, ngunit madalas na hindi napapahalagahan ng mga tao ang tunay na kahulugan ng mga ito. Kung isinumpa ng Diyos ang isang tao, ngunit sa panlabas ay tila mabuti naman siya, o kung isa siyang magulang o kamag-anak mo, maaaring hindi mo magawang kamuhian ang taong iyon, at maaari pang nagkakapalagayan kayo ng loob at malapit kayo sa isa’t isa. Kapag naririnig mo ang ganoong mga salita mula sa Diyos, nababalisa ka at hindi mo kayang patigasin ang puso mo sa taong iyon o iwanan siya. Ito ay dahil mayroong kinaugaliang kuru-kuro rito na gumagapos sa iyo. Iniisip mo na kung gagawin mo ito, magagalit sa iyo ang Langit, parurusahan ka ng Langit, at isasantabi ka pa ng lipunan at iisipin ng mga tao na nagkasala ka. Bukod pa roon, ang mas pragmatiko pang problema ay na dadalhin iyon ng iyong konsensya. Nagmumula ang konsensyang ito sa itinuro sa iyo ng mga magulang mo mula pagkabata, o mula sa impluwensya at pagkahawa sa kultura ng lipunan, na alinman dito ay nagtanim ng ganoong ugat at paraan ng pag-iisip sa kalooban mo kung kaya hindi mo maisagawa ang salita ng Diyos at magawang mahalin kung ano ang minamahal Niya at kamuhian kung ano ang kinamumuhian Niya. Subalit, sa kaloob-looban mo, alam mong dapat mo silang kamuhian at tanggihan, dahil nagmula sa Diyos ang buhay mo, at hindi ibinigay ng mga magulang mo. Dapat sambahin ng tao ang Diyos at ibalik ang sarili niya sa Kanya. Bagama’t kapwa mo sinasabi at iniisip iyon, sadyang hindi ka makapagbago at sadyang hindi mo iyon maisagawa. Alam mo ba kung ano ang nangyayari dito? Iyon ay na naigapos ka na ng mga bagay na ito, nang kapwa mahigpit at malalim. Ginagamit ni Satanas ang mga bagay na ito upang igapos ang iyong mga saloobin, ang iyong isip, at ang iyong puso upang hindi mo magawang tanggapin ang mga salita ng Diyos. Ganap ka nang napuspos ng ganoong mga bagay, hanggang sa puntong wala ka nang puwang para sa mga salita ng Diyos. Higit pa roon, kung susubukan mong isagawa ang Kanyang mga salita, magkakabisa ang mga bagay na iyon sa loob mo at gagawin kang di-umaayon sa Kanyang mga salita at mga hinihingi, sa gayon ay gagawin kang walang kakayahang pakawalan ang iyong sarili mula sa mga buhol na ito at walang kakayahang makawala sa pagkakagapos na ito. Walang pag-asa ito, at, nang walang lakas na magpumiglas, susuko ka paglaon(“Makikilala Mo ang Iyong Sarili sa Pamamagitan Lamang ng Pagkilala sa Iyong mga Maling Pananaw” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Pagkatapos ay naintindihan ko na ang hinihingi sa ating prinsipyo ng Diyos sa pakikitungo sa iba ay ang mahalin ang minamahal Niya at kamuhian ang kinamumuhian Niya. Ang mga nagmamahal sa katotohanan at kayang gawin ang kalooban ng Diyos ang dapat tratuhin nang may pagmamahal, habang ang masasamang tao na galit sa katotohanan at tumatanggi sa Diyos ang dapat nating kamuhian. Ito lang ang gawaing ayon sa kalooban ng Diyos. Pero lagi akong napipigil ng emosyon ko pagdating kay dad. Pinagtakpan at pinrotektahan ko siya. Hindi ko nagawang mahalin ang minamahal ng Diyos at masuklam sa kinasusuklaman ng Diyos. Dahil iyon sa mga lumang satanikong kuru-kuro na naghari sa puso ko: “Mas matimbang ang dugo kaysa tubig” at “Ang tao ay hindi patay; paano siya magiging malaya mula sa emosyon?” Hindi ko makilala ang mabuti sa masama. Naisip ko na kakatwa at hindi makatwiran. Natakot akong pintasan at kondenahin ng ibang tao. Para lang maprotektahan ang kapamilya, hindi ko pinanindigan ang katotohanan at hindi ko inilantad ang isang masamang tao, hindi ko inisip ang gawain ng Diyos at ang pagpasok sa buhay ng mga kapatid. Hindi ako naging makatuwiral at nagkulang ako sa pagkatao. Pinigilan ako ng luma’t satanikong kuru-kuro na isagawa ang katotohanan, kaya pumanig ako kay Satanas at tinanggihan ang Diyos, kahit na hindi ko binalak iyon. Sa katunayan, hindi kailanman sinabi ng Diyos na dapat tayong maging maingat sa pakikitungo sa mga demonyo at masasamang tao, hindi rin Niya sinabing imoral ang pagtanggi sa mga mahal sa buhay na kampon ni Satanas. Sa Kapanahunan ng Kautusan, namatay sa kalamidad ang mga anak ni Job na hindi nananalig, pero hindi siya nagreklamo sa Diyos tungkol sa kamatayan ng kanyang mga anak nang dahil sa emosyon. Sa halip, pinuri niya ang pangalan ng Diyos. Sa Kapanahunan ng Biyaya, hinadlangan si Pedro ng mga magulang niya na manalig, kaya naman tinalikuran niya sila at umalis ng tahanan nila, iniiwan ang lahat para sundin ang Diyos, kaya nakamit niya ang papuri ng Diyos. Dahil sa mga karanasan nina Job at Pedro, naintindihan ko nang bahagya ang hinihingi ng Diyos na mahalin ang minamahal Niya at kamuhian ang kinamumuhian Niya.

Tapos ay nagbasa pa ako ng mga salita ng Diyos: “Sino si Satanas, sino ang mga demonyo, at sino ang mga kaaway ng Diyos kundi ang mga mapanlaban na hindi naniniwala sa Diyos? Hindi ba sila yaong mga taong masuwayin sa Diyos? Hindi ba sila yaong mga umaangkin na may pananampalataya, subalit salat sa katotohanan? Hindi ba sila yaong mga naghahangad na matamo lamang ang mga pagpapala samantalang hindi magawang magpatotoo para sa Diyos? Nakikihalubilo ka pa rin ngayon sa mga demonyong iyon at nag-uukol ng budhi at pagmamahal sa kanila, ngunit sa pangyayaring ito, hindi ka ba nag-aabot ng mabubuting layon kay Satanas? Hindi ka ba nakikisama sa mga demonyo? Kung hindi pa rin magawa ng mga tao sa mga araw na ito na makita ang kaibhan ng mabuti at masama, at patuloy na bulag na maging mapagmahal at maawain nang walang anumang layon na hangarin ang kalooban ng Diyos o magawang kupkupin bilang kanila sa anumang paraan ang mga layunin ng Diyos, magiging higit na kahabag-habag ang kanilang mga katapusan. … Kung bumabagay ka sa mga yaong kinamumuhian Ko at hindi Ko sinasang-ayunan, at nag-uukol pa rin ng pagmamahal o pansariling damdamin sa kanila, hindi ka ba masuwayin sa gayon? Hindi mo ba sinasadyang labanan ang Diyos? Nagtataglay ba ng katotohanan ang gayong tao? Kung nag-uukol ng budhi ang mga tao patungkol sa mga kaaway, pagmamahal sa mga demonyo, at habag kay Satanas, hindi ba nila sinasadyang gambalain ang gawain ng Diyos sa gayon?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama). Pagkabasa ko nito, nabalisa ako nang labis at nakonsensya. Alam kong ayaw ni daddy sa katotohanan at palagi siyang nanggugulo sa buhay-iglesia, at masama ang kanyang kalikasan at diwa, pero nanatali pa rin akong tapat at mapagmahal sa kanya, pinrotektahan ko pa nga siya at pinagtakpan. Hindi ba’t iyon ang mismong sinabi ng Diyos na “nag-aabot ng mabubuting layon kay Satanas” at “nakikisama sa mga demonyo”? Hindi ba’t mapagmatigas kong sinasalungat ang Diyos at ginugulo ang gawain ng iglesia? Sa sambahayan ng Diyos, katotohanan at pagkamakatuwiran ang namamayani. Ang lahat ng masasamang puwersa ni Satanas, kabilang na ang lahat ng masasamang tao at mga anticristo, ay hindi maaaring manatili. Dapat silang ibunyag at alisin ng Diyos, at tanggalin sa iglesia. Natutukoy ito ng matuwid na disposisyon ng Diyos. Pero pinagtakpan ko ang isang masamang tao para manatili siya sa tahanan ng Diyos. Kinunsinti ko ang masamang tao na guluhin ang buhay-iglesia, hindi ba? Hindi ba tinulungan ko ang isang masamang kaaway at kinakalaban ang Diyos? Sa patuloy na paggawa noon ay nangangahulugan na parurusahan ako ng Diyos kasama ng masamang tao. Natakot ako talaga sa napagtanto kong ito. Nakita kong walang kinukunsinting paglabag ang disposisyon ng Diyos at napakamapanganib ang pagtatakip sa masamang tao dala ng personal na damdamin! Ayoko nang magsalita at kumilos base sa damdamin ko. Kahit ama ko pa siya, dapat kong isagawa ang katotohanan, mahalin ang minamahal ng Diyos, at panindigan ang interes ng sambahayan ng Diyos.

Tapos ay nagpunta ako sa pagtitipon kasama ng aking grupo at inilantad ko ang buong katotohanan tungkol sa kasamaan ni daddy. Ang mga kapatid na iniligaw ng daddy ko ay napagtanto na ang diwa ng aking ama. Kalaunan ay naglabas ng pabatid ng pagtitiwalag ang iglesia sa dad ko. Umuwi ako, binasa ko ito sa kanya, at tinalakay ang masamang pag-uugali niya. Nagulat ako nang sinabi niya nang may paghamak na, “Matagal ko nang alam na ititiwalag ako. Nanalig ako sa Diyos sa mga nagdaang taon para lang sa biyaya. Kung hindi, noon pa sana ako tumigil sa pananalig.” Nang nakita ko na walang intensyong magsisi ang daddy ko, nalaman ko sa puso ko na tuluyan nang nalantad ang masama niyang diwa. Pagkatiwalag kay daddy, wala nang nanggulo pa sa iglesia. Sa mga pagtitipon, hindi na nagagambala ang mga kapatid kapag ang lahat ay nagbabasa ng mga salita ng Diyos at nagbabahagi ng katotohanan. Ginawa nila ang kanilang tungkulin gaya ng dapat, at nagkabunga ang buhay-iglesia. Nakita ko na sa sambahayan ng Diyos, namamayani ang katotohanan at pagiging matuwid, at kapag isinagawa natin ang katotohanan ayon sa mga salita ng Diyos, masasaksihan natin ang paggabay at pagpapala ng Diyos. Tungkol naman kay daddy, pinalaya ko ang sarili ko sa personal kong damdamin at sa huli ay naisagawa ko nang bahagya ang katotohanan at sinuportahan ang gawain ng iglesia. Nangyari ang lahat ng ito sa tulong ng paghatol at pagkastigo ng salita ng Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Mga Gapos ng Katiwalian

Ni Wushi, Tsina Marso 2020 nagpunta ako para magsagawa ng halalan sa isang iglesia na pinamamahalaan ko, at si Sister Chen ay nahalal...