Walang Hanggang Pagdurusa

Hulyo 23, 2020

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Lahat ng kaluluwang ginawang tiwali ni Satanas ay nasa ilalim ng kontrol ng nasasakupan ni Satanas. Tanging yaong mga naniniwala kay Cristo ang naihiwalay na, nailigtas mula sa kampo ni Satanas, at nadala sa kaharian ng ngayon. Hindi na namumuhay sa ilalim ng impluwensiya ni Satanas ang mga taong ito. Gayunpaman, ang kalikasan ng tao ay nakaugat pa rin sa laman ng tao, na ang ibig sabihin ay bagama’t nailigtas na ang inyong mga kaluluwa, ang inyong kalikasan ay gaya pa rin ng dati, at ang posibilidad na ipagkakanulo ninyo Ako ay nananatiling isandaang porsiyento. Ito ang dahilan kung bakit tumatagal nang napakatagal ang Aking gawain, sapagkat ang inyong kalikasan ay mahirap kontrolin. Ngayon, lahat kayo ay nagdurusa hanggang sa makakaya ninyo habang tinutupad ninyo ang mga tungkulin ninyo, subali’t ang bawat isa sa inyo ay may kakayahang ipagkanulo Ako at bumalik sa sakop ni Satanas, sa kampo nito, at bumalik sa dati ninyong mga buhay—ito ay di-maikakailang katunayan. Sa panahong iyon, hindi magiging posible para sa inyo na magpakita ng katiting na pagkatao o wangis ng tao, gaya ninyo ngayon. Sa mga seryosong kaso, kayo ay wawasakin at, bukod pa riyan, mapapahamak nang walang-hanggan, parurusahan nang matindi, hindi na kailanman magkakatawang-tao muli. Ito ang problemang nakalatag sa harapan ninyo(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Napakaseryosong Problema: Pagtataksil 2). Mahigit isang dekada na ’kong naniniwala sa Diyos, Kaya kong bitawan ang lahat at magdusa para sa tungkulin ko para sa Diyos, at ’di ako natakot sa pang-aapi ng CCP, Kaya naisip kong tapat ako sa Diyos at ’di ko Siya pagtataksilan. Ang hindi ko inakala kailanman ay nang arestuhi’t pahirapan ako ng pulisya ng CCP, mawawalan ako ng dignidad at susuko kay Satanas. Lubos na nabunyag ang likas kong pagtataksil sa Diyos. Ang pag-iisip sa masamang pagkatalong ’yon ay talagang napakahirap, habang-buhay ko ’yong pagsisisihan.

Nangyari ’yon no’ng 2008 nang magsimula ang CCP ng isa pang malawakang pag-aapi’t paghuli sa mga Kristiyano sa bansa. Naalala ko isang araw no’ng Agosto, nasabihan ako na maraming mga lider at kapatid sa maraming lugar ang naaresto. Kinontak ko’ng ilan sa mga kapatid para pakitunguhan ang nangyari’t ilipat ang mga pag-aari ng iglesia. at ilipat ang mga pag-aari ng iglesia. Inabot ng higit sa dalawang linggo para maayos ang mga bagay sa iglesia. Natuwa talaga ’ko sa sarili ko no’ng panahong ’yon, naisip kong habang walang habas na nang-aaresto ang CCP, kaya kong harapin ’yon at itaguyod ang iglesia, na tapat ako sa Diyos at inaalala’ng kalooban Niya. Nang marinig ko na nagmala-Hudas yung ilang nahuli, at ipinagkanulo ang Diyos at ang mga kapatid, nakaramdam ako ng labis na pagkasuklam sa kanila at nagpasya ako sa sarili kong: “Pagdating ng araw na maaresto rin ako, mamamatay ako bago ’ko maging Hudas!” Akala ko, ang laki ng pananalig ko. Pero sa gulat ko, matapos ang Bagong Taon nung 2009, nanghuli na naman ang CCP tinawag ’yon na “Thunder III” na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang puntirya. Isang araw, habang nagtitipon kasama’ng ilang mga kapatid, higit tatlumpong pulis ang biglang pumasok. Dinala kami sa estasyon ng pulis sa munisipyo at pinaghiwalay para tanungin. Dalawang bagay ang tinanong nila: Pangala’t adres ng mga kasamahan namin, at kung ga’no kalaki’ng pera ng iglesia at kung nasa’n ’yon. May pananakot nilang sinabing “’Pag ’di ka nagsalita, katapusan mo na!” No’ng oras na ’yon, ’di ako gaanong natatakot. Ramdam kong maraming hirap na’ng dinaanan ko noon, kaya kung pahihirapan nila ’ko, magagawa ko ’yong lagpasan. At saka ginawa ko’ng tungkulin ko sa Diyos, kaya poprotektahan Niya ’ko. Nang makita nilang ’di ako magsasalita, naglabas sila ng footage at litrato kong labas-masok ako sa bahay ng mga host ko at nilista’ng lahat ng mga lugar na pinuntahan ko, at saka ’ko pinagtapat. Nag-alala ako sa malinaw nilang ebidensya. Kahit na itanggi ko ’yon, ’di nila ’ko paniniwalaan, kaya nagdasal ako sa Diyos at hiniling sa Kanyang huwag akong gawing Hudas. Nang makita nilang ’di pa rin ako nagsasalita, nagalit ang opisyal at sinabing, “Mukhang pinipilit mo kaming saktan ka!” tinulak niya yung upuang bakal kung sa’n ako nakatali, kaya napahiga ako. Tapos kumuha sila ng injection na may langis ng mustasa saka katas ng malunggay at sinimulan nila ’yong iturok sa ilong ko at ipahid ’yon sa mga mata ko. Napakahapdi. Pakiramdam ko, halos ’di ako makahinga. Di ako makadilat sa hapdi, at ang tiyan ko, parang nagliliyab. Tapos hinubaran nila ’ko ng damit hanggang sa bewang, at itong mga kamay ko, tinali nila sa likod, at pilit na inangat. No’ng mapagod sila, yung drawer ang ipinang-angat nila. Hindi ako nagsalita, tiniis ko lang. Dahil hindi ’yon umubra, sumubok sila ng ibang paraan. ’Pinosas nila ’ko sa upuang bakal uli, at kumuha sila ng dalawang electric wire, at tinali yung isa sa dalawang hinlalaki ko sa paa habang yung isa, konektado naman sa taser, tapos binuhusan nila ’ko ng tubig habang paulit-ulit na kinukuryente. Dahil sa pangunguryente, nangisay ang buong katawan ko, ramdam kong kinukumbulsyon ako. Akala ko talaga mamamatay na ’ko no’n. Pinahirapan nila ’ko hanggang alas-dos nang madaling-araw.

Kinabukasan, dinala ’ko sa isang tagong lugar para sa interogasyon. Pagkapasok ko ro’n, nakita kong maraming dugo sa paligid. Nakakakilabot. Natakot ako, naisip ko kung do’n na ba ’ko bubugbugin hanggang sa mamatay. Pagkatapos, isang opisyal ang bigla na lang humila sa braso ko at pinayakap ako sa upuan, pagkatapos no’n, tinulak niya ’ko sa sahig kasama yung upuan. Nagkaro’n na ng mga dumudugong sugat sa mga kamay ko dahil sa pagkakaposas sa’kin at namaga nang parang lobo’ng kamay ko. No’ng tinulak ako sa sahig, matinding sakit ang naramdaman ko no’n, at ang nagawa ko lang ay ang paulit-ulit na nagdasal sa Diyos. Nagsabi ang mga pulis ng mga kasinungalingang sumisira sa iglesia. Nang marinig ko’ng mga kasinungalingan, parang gusto kong masuka, talagang nagalit ako. Dahil wala akong imik, galit na kumuha ng taser yung isa sa kanila at ginamit ’yon sa buong katawan ko, sa mukha ko, pati na sa bibig ko. May kumikislap na asul na liwanag at ’ni hindi ako dumilat, pero narinig ko yung tunog na galing sa taser at naamoy ko yung amoy ng nasusunog kong laman. Yung isa sa mga opisyal parang nasiraan na. Kumuha siya ng plastic bag at ’nilagay ’yon sa ulo ko, tinatanggal niya lang ’yon ’pag talagang ’di na ’ko makahinga. May isa naman na pinagsisipa ’ko nang malakas yung isa naman, pumulot ng kahoy na apat na sentimetro ang kapal at sinimulan niya ’kong paluin gamit ’yon, ginawa niya ’yon habang sinisigawan ako ng, “May isandaang paraan kami ng pangto-torture na gagamitin sa’yo. Ang namamatay dito, tinatapon na lang, wala ’yong problema! Kapag hindi ka nagsalita, kulong ka ng walo hanggang sampung taon, at kahit pa malumpo ka, ikukulong ka pa rin. Pag nakalabas ka, halos wala na ring kwenta ang buhay mo!” Nang marinig ko ’yon, nag-alala ako, naisip ko, “Kung mababaldado ako, pa’no na ’ko mabubuhay? Sabi ng mga pulis, nakuha raw nila’ng lahat ng data sa computer ko, Kaya pag ’di ako magsalita, sasabihin nilang ako’ng nagsumbong sa aarestuhin nilang iba. Kamumuhian ako ng lahat ng mga nasa iglesia, ’di ko na sila mahaharap.” Nang magpahinga ang mga pulis, ramdam ko na magang-maga na ang buong mukha ko, yung mga mata ko, halos nakapikit na dahil sa maga, halos wala na ’kong makita. Yung mga kamay ko, dumudugo, at may mga paso ako sa buong katawan. Ramdam ko na sumisikip ang puso ko, at nahihirapan akong huminga. Parang mamamatay na ’ko. Pagkatapos, may isang opsiyal na nagsabing dumating na raw yung computer expert at na-access na raw nila’ng lahat na nasa computer ko. Bigla ’kong napuno ng takot. Naisip ko, “Nando’n yung impormasyon tungkol sa mga lider namin at kasamahan, pati accounting ng iglesia.” Nakaramdam ako ng pagkataranta, ’di ko alam ang susunod kong gagawin. Nung gabing ’yon, nag-set up ng tripod sa kwarto yung mga opisyal, mahigpit nilang tinali ang mga kamay ko sa likod tapos ’binitin nila ’ko sa tripod. Mga two feet ang layo ko sa sahig idinuyan-duyan nila ’ko ro’n. Tuwing dinuduyan nila ’ko, matinding sakit ang nararamdaman ko sa mga braso ko at pinagpawisan ako nang matindi. Tapos naisip ko yung sinabi nung pulis, na kaya nila ’kong patayin, at kulong pa rin ako kahit mabaldado ako. Parang ’di ko na kaya at naisip ko, “Pa’no kung mamatay ako rito? Trenta anyos pa lang ako. Sayang naman kung mamamatay ako sa gulpi! Pag nabaldado ako, at ’di na makapagtrabaho, pa’no na ’ko mabubuhay? Dahil nasa kanila na’ng lahat ng data sa computer ko, ’di na mahalaga kung magtapat ako o hindi. Baka maawa sila kung magsalita ’ko ng konti.” Pero naisip ko, “Hindi. Magiging Hudas ako ’pag gano’n.” Nagpatuloy ang pagtatalong ’yon sa isip ko. Sabi ko dibale nang mamatay kesa maging Hudas, pero habang tumatagal, tumitindi ang sakit, no’ng mga alas-dos na o alas-tres ng umaga, hindi ko na talaga matagalan ang pagpapahirap ng mga pulis, at tuluyan na ’kong bumigay. Pumayag akong ibigay ang impormasyon ng iglesia. Tapos ibinaba nila ’ko sa wakas. No’ng ibaba na nila ’ko, nahiga lang ako sa sahig, ’di ako makagalaw at walang pakiramdam ang mga braso ko. Yung mga opisyal, pinakumpirma nila sa’kin ang adres ng dalawa naming host, at sumunod ako. Trinaydor ko’ng mga kapatid ko no’ng sandaling ’yon, talagang nablangko’ng isip ko. Nataranta ’ko at ramdam kong may masamang mangyayari. Naisip ko’ng salita ng Diyos, “Sinumang dumudurog sa Aking puso ay hindi tatanggap ng kaawaan mula sa Akin sa ikalawang pagkakataon.” Alam na alam kong nagkasala ako sa disposisyon ng Diyos, at ’di Niya na ’ko patatawarin. Nasaktan talaga ’ko at kinamuhian ko’ng sarili ko. Naisip ko, “Ba’t ko ba sila pinagkanulo? Siguro kung tiniis ko pa nang konti ang torture na ’yon, baka nalagpasan ko ’yon.” Napuno ako ng pagsisisi. Matapos ’yon, kahit ano’ng gawin ng pulis, hindi na ’ko nagsalita. Tuwing naiisip kong trinaydor ko ang Diyos at ang mga kapatid, na gumawa ako ng walang-kapatawaran, talagang naghihirap ang kalooban ko. Parang katapusan na ng landas ng pananalig ko, para ’kong sinentensyahan ng kamatayan, at mamamatay na lang ako sa kulungan anumang oras.

Pero may nangyaring hindi inaasahan. Mga lagpas alas-singko ng umaga no’ng pang-apat na araw ko ro’n, habang tulog yung mga opisyal na nagbabantay sa’kin, tahimik kong tinanggal yung lubid na nakatali sa’kin, at tumalon ako palabas ng bintana. Matapos ang maraming hirap, dumating ako sa bahay ng isang brother at gumawa ako ng sulat para sabihin sa lider ng iglesia na napagkanulo ko ang dalawang host na ’yon at sinabi kong kinakailangan nilang mag-ingat. Inasikaso ng lider na madala ’ko sa ligtas na lugar. Masyado akong nakonsensya no’ng makita kong may isa pang kapatid na handang sumugal para sa’kin. Pinagkanulo ko ang Diyos at ang mga kapatid ko. Naging Hudas ako. Hindi ako karapat-dapat na pag-abalahan ng kahit sino at ’di ko magawang harapin ang ibang mga kapatid. Binasa ko’ng mga salitang ito ng Diyos: “Hindi na Ako magbibigay ng awa sa mga hindi nagbigay sa Akin kahit katiting na katapatan sa mga panahon ng kapighatian, sapagka’t ang awa Ko ay hanggang doon lamang. Bukod diyan, wala Akong pagkagusto kaninuman na minsan na Akong naipagkanulo, lalong hindi Ko gusto na makisama roon sa mga nagkakanulo ng mga hinahangad ng kanilang mga kaibigan. Ito ang disposisyon Ko, sinuman ang taong iyan. Kailangang sabihin Ko ito sa inyo: Sinumang dumudurog sa Aking puso ay hindi tatanggap ng kaawaan mula sa Akin sa ikalawang pagkakataon, at sinumang naging matapat sa Akin ay mananatili sa puso Ko magpakailanman(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan). Talagang tinamaan ako rito. Bawat salita, isang masakit na hampas sa’kin. Ako yung taong walang katapatan sa Diyos sa harap ng paghihirap. Ako yung tao na nagtaksil sa Diyos at sa mga kaibigan. Ako yung taong nanakit sa loob ng Diyos. Naging duwag ako, pinagkanulo ko ang Diyos at mga kapatid, nagkasala sa disposisyon ng Diyos. ’Di na ’ko kakaawaan ng Diyos, at tiyak na paparusahan Niya ako. Habang lalo ko ’yong iniisip, lalo akong nalulungkot, hanggang sa ’di ko na napigil ang mga luha ko.

Matapos ’yon, nalaman kong hinuli yung isa sa mga sister na trinaydor ko, hinalughog ang bahay niya. Nalagay siya sa panganib dahil sa pagtanggap sa’kin, pero pinagkanulo ko siya. Alam ko kung ga’no kabrutal ang CCP sa mga Kristiyano, pinagdaanan ko’ng kalupitang ’yon, pero para mailigtas ang buhay ko, ibinigay ko siya sa demonyo. Napakasama ng ginawa ko! Ilang beses kong sinampal nang malakas ang sarili ko at nanikluhod ako sa harap ng Diyos at nanalangin: “Diyos ko, trinaydor kita at ang mga kapatid ko. Ni hindi ako tao, ’di ako dapat mabuhay. Ang dapat sa’kin, isumpa’t parusahan. Magiging katuwiran Mo’ng kamatayan ko.” Hindi ako makahanap ng kapayapaan, at lagi akong nahihirapan. Madalas nga akong nagigising sa bagungot sa gabi at lagi kong iniisip, “Pa’no ko pinagtaksilan ang Diyos at naging Hudas? Sa mga taon ng pananalig ko, binitawan ko’ng pamilya’t karera ko para sa Diyos, at ’di ako sumuko kahit na alam ko’ng delikado’ng tungkulin ko. Pa’no ’ko naging taksil at Hudas nang gano’n lang? Bakit ko ginawa ang gano’ng bagay?” Matapos ang pag-aresto sa’kin, gusto kong sumaksi, pero no’ng brutal akong pahirapan at nalagay ako sa panganib, kinain ako ng takot, At no’ng narinig kong pinapatay ang mga nananalig sa Makapangyarihang Diyos, at kahit mabaldado ’ko, sesentensyahan pa rin ako, nag-alala ako kung pa’no ako mabubuhay na baldado. Trenta anyos lang ako, sayang naman kung mamamatay lang ako! No’ng sabi nilang nadiskubre na yung password ng computer ko at nakuha nila’ng lahat ng impormasyon ng iglesia, sumuko na ’ko, naisip ko, wala rin kung magtapat ako o hindi, at makakaligtas ako kung magsabi ako ng konti. Nawalan ako ng dangal at naging Hudas. Nakita kong ang pinakadahilan kaya ko pinagtaksilan ang Diyos ay dahil gusto kong iligtas ang sarili kong buhay. Akala ko dati kaya kong lagpasan ang lahat at tapat ako sa Diyos, at kahit na kailan, hindi ko Siya pagtataksilan. Pero no’ng sandaling hinuli’t pinahirapan ako, lumabas ang tunay kong kulay. Nakita kong kulang ako sa realidad ng katotohanan, wala ’kong tunay na pananalig sa Diyos. Sa harap ng pagsubok at panganib sa buhay ko, lalabanan at tatraydurin ko pala’ng Diyos. Sinimulan kong basahin ang mga salita ng Diyos para lutasin ang takot ko sa kamatayan. Nabasa ko ’to: “Sino sa buong sangkatauhan ang hindi kinakalinga sa paningin ng Makapangyarihan? Sino ang hindi nabubuhay sa gitna ng pagtatadhana ng Makapangyarihan? Nangyayari ba ang buhay at kamatayan ng tao ayon sa kanyang sariling pagpili? Kontrolado ba ng tao ang kanyang sariling kapalaran? Maraming tao ang tumatawag para sa kamatayan, gayon pa man ito ay malayo sa kanila; maraming tao ang nais na maging yaong mga malakas sa buhay at takot sa kamatayan, gayon pa man lingid sa kaalaman nila, ang araw ng kanilang kamatayan ay nalalapit na, pinabubulusok sila sa kailaliman ng kamatayan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 11). “Kapag handang isakripisyo ng mga tao ang kanilang mga buhay, ang lahat ng bagay ay nagiging magaan, at walang makagagapi sa kanila. Anong maaaring maging higit na mahalaga kaysa buhay? Sa gayon, si Satanas ay nawawalan ng kakayahang gumawa pa sa mga tao, walang anumang magagawa ito sa tao. Bagaman, sa pakahulugan sa ‘laman’ sinasabi na ginawang tiwali ni Satanas ang laman, kung tunay na ibinibigay ng mga tao ang kanilang mga sarili, at hindi hinihimok ni Satanas, kung gayon walang sinuman ang makagagapi sa kanila….(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob”, Kabanata 36). Napagtanto ko sa mga salita Niya na nasa kamay Niya ang lahat ng bagay, pati ang buhay at kamatayan natin. Kapag namatay ako, mabaldado man ako, o ano man ang mangyari, tinakda ’yong lahat ng Diyos. Nagmumula sa Diyos ang lahat ng bagay, mabuhay o mamatay man ako, dapat akong sumunod sa Diyos. Kahit usigin ako ni Satanas, kung makakatayo akong saksi sa Diyos, magiging makahulugan ang kamatayan. Naalala ko yung sinabi ng Panginoong Jesus, “Sapagka’t ang sinomang magibig iligtas ang kaniyang buhay, ay mawawalan nito; datapuwa’t sinomang mawalan ng kaniyang buhay dahil sa akin, ay maililigtas nito yaon(Lucas 9:24). Naisip ko yung mga apostol ng Panginoong Jesus, marami sa kanila ang naging martir dahil lang sa pagpapakalat ng ebanghelyo ng Diyos. Ginunita ng Diyos ang kamatayan nila. Pisikal man silang namatay, ’di namatay ang kaluluwa nila. Pero yung ginawa kong pagtataksil sa Diyos, at pagiging Hudas, walang hanggang kahihiyan ’yon. Para akong naglalakad na bangkay na walang kaluluwa. Pinagsisihan ko’ng pagtatraydor ko at kinamuhian ang kahangalan ko. Naisip ko, nung sa palagay ko’y hawak na ng mga pulis ang impormasyon wala rin kung umamin ako. Pero maling-mali ako. Nang pinahihirapan ako ng pulang dragon, saloobin ko’ng tiningnan ng Diyos at kung makakasaksi ba ’ko sa harap ni Satanas. Kung talaga mang nakuha nila o hindi yung impormasyon, dapat hindi ako nagsalita. Pagsuko kay Satanas ang pag-amin ko sa mga pulis, at kahihiyan talaga ’yon. Galit akong ’di ko hinanap ang katotohanan at wala ’kong pananalig sa Diyos. Namuhi ako sa kaswapangan ko sa buhay, sa kawalan ko ng dangal at integridad. Namuhi ako sa malaking pulang dragon. Kinamumuhian no’n ang Diyos at ang katotohanan, hinuhuli’t inuusig ang mga pinili ng Diyos. Tinutulak no’n ang mga taong magtaksil sa Diyos, at sinisira’ng pagkakataon nilang mailigtas. Nagpasya ’kong putulin na ang ugnayan ko sa malaking pulang dragon at sumunod sa Diyos.

May ilan akong nabasa tungkol sa mga taong nalampasan ito at nakita kong nang pahirapan sila ng malaking pulang dragon, para talunin si Satanas, umasa sila sa salita ng Diyos. Mas lalo akong nahiya. Gaya ko, mga inusig din sila, kaya pa’no nila nagawang tiisin ang sakit at nakapagsaksi? Bakit naging makasarili ako at sakim sa buhay at naging isang traydor na Hudas? ’Pag naiisip kong isang katatawanan kay Satanas yung ginawa kong pagtatraydor, parang napakasakit na saksak sa puso ko ’yon, at hindi ko mapatawad ang sarili ko. Talagang naging negatibo ako. Hanggang sa nabasa ko ang mga salitang ito mula sa Diyos: “Nakagawa ng paglabag ang karamihan sa tao, halimbawa, lumaban sa Diyos ang ilan, ang ila’y nagrebelde sa Diyos, ang ilan ay nagreklamo laban sa Diyos, o ang ilan ay gumawa ng aktong laban sa iglesia o bagay na nakasira sa bahay ng Diyos. Papa’no dapat tratuhin ang mga taong ’to? Ang kanilang mga kalalabasan ay pagpapasyahan ayon sa kanilang likas na katangian at sa kanilang paulit-ulit na pag-uugali. … Pinakikitunguhan ng Diyos ang bawat tao ayon sa kapaligiran at konteksto ng oras, sa aktwal na sitwasyon, mga kilos ng mga tao at kanilang pag-uugali at pagpapahayag. ’Di mamaltratuhin ng Diyos ang sinuman. Ito ang katuwiran ng Diyos(Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ). Pagkatapos, nabasa ko naman ’to mula sa isang sermon: “May ilang tao na kapag naaresto, nagsisiwalat agad sila ng konti. Hindi sila naglilingkod kay Satanas, naniniwala pa rin sila sa Diyos. Nakakapagsiwalat sila dahil hilaw pa ang tayog at mahina ang laman nila. Gayunman, ’di nila ’sinisiwalat ang lahat, at ’di sila nagsisilbi kay Satanas; para na ’yong pagpapatotoo nila. Silang mga nagkakanulo sa iglesia at mga kapatid sa oras na mahuli, at nakikipagtulungan sa malaking pulang dragon sa paghuli sa mga kapatid, at pumipirma sa pahayag na ’di na sila maniniwala sa Diyos—ang mga taong ito ang lubos na tatanggalin at isusumpa ng Diyos. … May ilang mga kapatid na nagsiwalat ng konti habang nasa kulungan, dahil din sa kahinaan. Kalaunan, dahil sa usig ng konsensya, nakaramdam sila ng pagsisisi, at pagkamuhi sa sarili. Namanata sila sa Diyos para parusahan sila, at nakiusap na iharap sila sa mas mahirap na sitwasyon para magkaro’n sila ng pagkakataong sumaksi at pasiyahin ang Diyos. sa gano’ng paraan sila nagdarasal sa Diyos, hanggang sa nagagawa na nila’ng tungkulin nila, at nagtaglay ng gawain ng Banal na Espiritu. Ang mga gano’ng tao ay tunay na nagsisi, at matapat sila. Kaaawaan sila ng Diyos” (Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay). Talagang napukaw ako ng mga salitang ito at ’di ko mapigil ang pag-iyak. Ang pagpapasya ng Diyos sa tao ay base sa karanasan at antas ng paglabag nila, at kung nagsisi silang tunay. ’Di Niya pinagpapasyahan ang kalalabasan nila base sa isang paglabag. Nakita ko kung ga’no katuwid ang disposisyon ng Diyos, at parehong may paghatol at awa para sa tao ang pagkamakatuwiran Niya. Nakagawa ako ng malalang paglabag gaya ng pagtatraydor sa Diyos, pero hindi Niya ako inalis. Hinayaan Niya ’kong magsisi. Niliwanagan Niya ako’t hinayaang unawain ang kalooban Niya. Talagang pinasasalamatan kong nagdadala ng kaligtasan ang Diyos sa’tin, at kung gaano kabuti ang Diyos. Lalo akong nagsisi, at ramdam ko ang laki ng utang na loob ko sa Diyos. Nagpasya ako sa puso kong: “’Pag hinuli uli ako ng CCP, handa na ’kong magsakripisyo ng buhay. Kahit pahirapan ako hanggang mamatay, sasaksi ako’t hihiyain si Satanas!”

Matapos ang ilang buwan, binigyan ako ng iglesia ng ibang tungkulin. Talagang naantig ako nang dahil do’n. Masakit sa Diyos ang pagtataksil ko sa Kanya, pero dahil sa pagpaparaya’t awa Niya, binigyan Niya ’ko ng pagkakataong magsisi. Kailangan kong pahalagahan ang pagkakataong ’yon at ibigay ang lahat sa tungkulin ko para suklian ang pagmamahal Niya.

Mabilis na sumapit ang Disyembre ng 2012. at nagsimula ulit manghuli ang CCP sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Naniktik sila sa telepono at minanmanan ang mga tao para makahuli ng marami. No’ng ika-labing-walo ng Disyembre, dalawang sister na kasama ko sa tungkulin ang inaresto matapos na tiktikan ang telepono, tapos dalawang lider pa’ng nahuli. No’ng marinig ko’ng tungkol do’n, talagang nakaramdam ako ng kaba. Kasi alam kong malaki ang posibilidad na minamanmanan na ’ko ng CCP at pwede akong hulihin anumang oras. Baka hindi na ’ko mabuhay pa kung mahuli ulit ako. Dahil do’n, talagang nakaramdam ako ng takot, pero alam kong lahat ng nangyayari, may permiso ng Diyos. Nagdasal ako sa Diyos, sinabi kong ayoko nang alalahanin ang panganib sa’kin, papakitunguhan ko na lang ’yon at gagawin ang tungkulin ko. Kahit maaresto ako, sasaksi ako para hiyain si Satanas kapalit ng buhay ko. Mas kumalma ako at mas napalagay matapos akong magdasal, tapos sinimulan ko’ng pag-aayos sa gawain ng iglesia. Salamat sa Diyos, matapos ang isang buwan, bumalik na sa normal ang gawain ng iglesia. Sa karanasang ’to, naunawaan kong ’pag ’di nabubuhay ang tao sa sariling interes, pero nagagawa’ng tungkulin nila, panatag sila sa sarili nila, at payapa ang konsensiya nila.

Sa tuwing naiisip ko ang pagiging Hudas ko, at pagtataksil sa Diyos, talagang nakokonsensya ako. Gayun pa man, ang pagkabigo kong ’yon ang nagbigay sa’kin ng ilang pagkaunawa sa matuwid na disposisyon ng Diyos. Nakita ko kung ga’no Siya katalino. Nakita kong ginamit ng Diyos ang pang-uusig ng malaking pulang dragon para ilantad ang mali ko, do’n ko lang nalaman ang tungkol do’n, at sinimulang hanapin ang katotohanan. Nakita ko rin kung ga’no kapraktikal ang gawain ng Diyos! Salamat sa Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Isang Di-maiiwasang Tungkulin

Ni Glydle, Philippines Noong Setyembre ng 2020, tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Pagkatapos nun,...

Desidido Ako sa Landas na Ito

Ni Han Chen, TsinaIlang taon na ang nakararaan, inaresto ako ng mga pulis dahil sa pangangaral ng ebanghelyo. Sinentensyahan ako ng Partido...