Gaano Man Maging Abala ang Aking mga Tungkulin, Dapat Akong Tumuon sa Buhay Pagpasok
Noong Marso nang nakaraang taon, ginagawa ko ang tungkulin ng isang lider ng distrito, at dahil marami akong responsabilidad, madalas akong gumigising nang maaga upang magmadaling umalis, at kung minsan, ginagabi na ako ng uwi. Pagkauwi ko, may ilang sulat pa akong kailangang asikasuhin, at tila walang katapusan ang gawain. Kung minsan, nagbubunyag ako ng ilang tiwaling disposisyon habang ginagawa ang aking mga tungkulin, at gusto kong kumain at uminom ng mga salita ng Diyos upang lutasin ito, ngunit palagi kong nararamdamang masyadong maraming oras ang kinakain ng mga debosyonal. Matapos magpakaabala nang ganito nang ilang panahon, pakiramdam ko ay wala akong masyadong pag-usad sa buhay pagpasok, at palaging may kahungkagan sa aking puso. Dahil namumuhay ako sa isang kalagayan ng pagtuon sa gawain nang hindi binibigyang-pansin ang buhay pagpasok, unti-unting naging manhid ang aking espiritu, at kapag may pagtitipon, hindi ako makapagbahagi ng anumang pagkakaunawa. Alam kong hindi normal ang relasyon ko sa Diyos, kaya medyo natakot ako, at pakiramdam ko ay nasa isa akong krisis. Kung hindi ako nagkaroon ng pagbabago sa aking buhay disposisyon, gaano man ako magmistulang tumatakbo o nagdurusa, hindi ko pa rin makakamit ang pagsang-ayon ng Diyos. Kaya, huminto na ako sa pagnanais na gawin ang aking mga tungkulin bilang isang lider, iniisip na masyadong abala ang tungkuling ito, at wala na akong oras para hangarin ang katotohanan upang lutasin ang aking tiwaling disposisyon. Bagama’t hindi ko isinuko ang aking mga tungkulin, nawalan ako ng motibasyon, at tumigil ako sa pagkakaroon ng malaking pagpapahalaga sa pasanin para sa aking mga tungkulin. Kalaunan, napansin kong ang mga kapatid na gumawa ng mga tungkuling nakabatay sa teksto ay madalas nagbabasa ng mga salita ng Diyos at mga patotoong batay sa karanasan na isinulat ng iba pang mga kapatid, at inisip ko na magandang gumawa ng mga tungkuling nakabatay sa teksto, at na higit ang makakamit ng isang tao mula sa tungkuling ito kaysa sa paggawa ng ibang tungkulin, kaya umasa akong isang araw, makagagawa rin ako ng mga tungkuling nakabatay sa teksto, dahil matutulungan ako nito sa aking buhay pagpasok at madadagdagan ang aking pag-asa para sa kaligtasan.
Isang araw noong Nobyembre, sinabi ng nakatataas na pamunuan na may agarang pangangailangan ng tauhan para sa gawaing nakabatay sa teksto, at dahil medyo naging epektibo naman ako sa pangangasiwa ng gawaing nakabatay sa teksto, gusto nilang italaga sa akin ang tungkuling iyon. Napakasaya ko nang matanggap ko ang balitang ito, dahil inakala kong ang paggawa ng tungkuling ito ay tiyak na makatutulong sa aking buhay pagpasok, at pakiramdam ko ay kailangan kong samantalahin ang pagkakataong ito. Ngunit sa aking pagkagulat, matapos akong aktuwal na makipagtulungan, natuklasan kong bukod sa pagsusuri ng mga artikulo, kailangan ko ring matuto ng mga kasanayan at maglinang ng mga tao, pati na rin ang maglutas ng mga isyung nauugnay sa buhay pagpasok ng mga kapatid sa pangkat, at nalaman ko na ang dami ng trabaho sa tungkuling ito ay katulad din ng dami ng trabaho ng isang lider. Higit pa rito, dahil kasisimula ko lang magsanay at hindi ako pamilyar sa mga prinsipyo o sa mga kasanayan, palaging hindi maubos-ubos ang mga gampaning kailangan kong tapusin. Dahil prayoridad ko na mahusay na magawa ang gawain, pakiramdam ko ay aksaya lang sa oras ang mga debosyonal sa umaga, at sa gabi, kailangan ko ring magtrabaho nang lampas sa oras upang suriin ang mga artikulo, at natagpuan ko ang aking sarili sa isang paikot-ikot na gawain araw-araw, at huminto akong tumuon sa pagsusuri sa mga katiwaliang ibinunyag ko. Kung minsan, kapag napagtatanto kong mahina ang aking kalagayan, gusto kong kumain at uminom ng mga salita ng Diyos upang lutasin ito, ngunit kapag naiisip ko ang lahat ng gawaing naghihintay na matapos, isinasantabi ko muna ang usapin ng buhay pagpasok. Akala ko noong una, makatutulong sa aking buhay pagpasok ang paggawa ng mga tungkuling nakabatay sa teksto, ngunit ngayon, ni hindi ako makahanap ng oras para sa mga debosyonal. Kung magpapakaabala ako nang ganito araw-araw, paano ako magkakaroon ng oras upang hanapin ang katotohanan at lutasin ang aking mga isyu? Kung walang pagbabago sa aking buhay disposisyon, paano ako maliligtas? Habang mas lalo ko itong iniisip, lalo akong nalulungkot, at nagsisi pa nga ako na tinanggap ko ang tungkuling ito. Lalo na noong nakita ko na ginawang mga video at ini-upload online ang mga patotoong batay sa karanasan ng ilang kapatid, nakaramdam ako ng malalim na pagkabagabag, dahil ilang taon na akong nananampalataya sa Diyos nang hindi nakapagsulat kahit isang patotoong batay sa karanasan, at hindi ko pa rin nalulutas ang alinmang aspekto ng aking tiwaling disposisyon. Ano ang saysay ng aking pagiging abala araw-araw? Hindi ko maiwasang magreklamo, iniisip na hindi akma ang tungkuling itinalaga sa akin ng mga lider, at na nakasasagabal ito sa paghahangad ko sa katotohanan at sa aking pagkakataon para sa kaligtasan. Alam kong mali na mag-isip nang ganito, kaya nanalangin ako sa Diyos sa aking puso, “O Diyos ko, palagi kong nararamdaman na masyado akong abala sa aking mga tungkulin upang hangarin ang katotohanan. Alam kong maling mag-isip nang ganito, ngunit wala pa rin akong masyadong pagkaunawa sa aking sarili. Bigyang-liwanag at gabayan Mo ako at tulungang maunawaan ang aking mga isyu.”
Sa isang pagtitipon, nabasa ako ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Palaging sinasabi ng ilang tao na napakaabala nila sa kanilang mga tungkulin na wala na silang oras para hangarin ang katotohanan. Hindi ito totoo. Pagdating sa isang taong naghahangad sa katotohanan, anumang gawain ang maaaring ginagawa niya, sa sandaling may matuklasan siyang problema, hahanapin niya ang katotohanan upang lutasin ito, at mauunawaan at makakamit niya ang katotohanan. Tiyak ito. Marami ang nag-iisip na mauunawaan lang ang katotohanan sa pamamagitan ng araw-araw na pagtitipon. Maling-mali ito. Ang katotohanan ay hindi isang bagay na mauunawaan sa pamamagitan lamang ng pagtitipon at pakikinig sa mga sermon; kailangan din ng isang tao na isagawa at danasin ang mga salita ng Diyos, at kailangan din niya ang prosesong iyon ng pagtuklas at paglutas ng mga problema. Ang mahalaga ay dapat niyang matutunan na hanapin ang katotohanan. Ang mga hindi nagmamahal sa katotohanan ay hindi ito hinahanap, anumang problema ang sumapit sa kanila; ang mga nagmamahal sa katotohanan ay hinahanap ito, gaano man sila kaabala sa kanilang mga tungkulin. Kaya masasabi natin nang may katiyakan na ang mga taong iyon na palaging nagrereklamo na sa sobrang pagkaabala nila sa kanilang mga tungkulin ay wala na silang oras para makipagtipon, kaya ipinagpapaliban nila ang paghahangad nila sa katotohanan, ay mga hindi nagmamahal sa katotohanan. Mga tao silang may kakatwang pagkaunawa na walang espirituwal na pang-unawa. … Kung hinahangad ba ng isang tao ang katotohanan ay hindi nakadepende sa kung gaano siya kaabala sa kanyang tungkulin o kung gaano karaming oras ang mayroon siya; nakadepende ito sa kung minamahal ba niya ang katotohanan sa puso niya. Ang totoo, pare-pareho ang dami ng oras ng lahat ng tao; ang naiiba ay kung saan ito ginugugol ng bawat tao. Posible na ang sinumang nagsasabing wala siyang oras na hangarin ang katotohanan ay ginugugol ang kanyang oras sa mga kasiyahan ng laman, o na abala siya sa kung anong panlabas na aktibidad. Hindi niya ginugugol ang oras na iyon sa paghahanap sa katotohanan upang lutasin ang mga problema. Ganito ang mga taong pabaya sa kanilang paghahangad. Naaantala nito ang dakilang usapin ng kanilang buhay pagpasok” (Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan 3). Mula sa mga salita ng Diyos, nakita kong ang pagkakaroon ko palagi ng pakiramdam na masyado akong abala sa aking mga tungkulin para makapagtuon sa buhay pagpasok ay nag-ugat sa problema ng hindi ko pagmamahal sa katotohanan. Marami akong gawain dati bilang isang lider, at pakiramdam ko ay wala akong oras para makapagbasa ng mga salita ng Diyos upang lutasin ang aking tiwaling disposisyon, kaya gusto ko na lang gumawa ng tungkulin na may iisa lang na gampanin. Ngunit matapos lumipat sa tungkuling nakabatay sa teksto, pakiramdam ko pa rin ay masyado akong abala sa tungkuling ito, at naaapektuhan nito ang aking buhay pagpasok at nakasasagabal sa pagkakataon kong maligtas. Matapos mabasa ang mga salita ng Diyos, napagtanto ko na ganap na walang saysay ang aking mga dahilan. Ang mga taong nagmamahal at naghahangad sa katotohanan ay may kakayahang hanapin ang katotohanan at magnilay-nilay sa kanilang sarili sa anumang sitwasyon, at matuto ng mga aral mula rito. Ngunit ang mga taong hindi nagmamahal sa katotohanan ay hindi tumutuon sa paghahanap sa katotohanan sa anumang sitwasyon, at palagi silang nakahahanap ng lahat ng uri ng dahilan upang hindi hangarin ang katotohanan. Naisip ko ang maraming kapatid na mga lider at superbisor. Abala rin sila sa gawain araw-araw, ngunit mayroon pa rin silang oras upang hanapin ang katotohanan at tumuon sa kanilang buhay pagpasok. Tulad na lang noong pumunta ang isang lider sa aming pangkat upang subaybayan ang gawain, nakita kong responsable siya sa aming gawain habang namamahala rin ng iba pang mga gampanin, at na araw-araw ay mas lalo siyang abala kaysa sa akin, ngunit nagawa niya pa ring makahanap ng oras para sa mga debosyonal at sa pagninilay ng mga salita ng Diyos. Higit pa rito, ang marinig siyang ibahagi ang kanyang mga karanasan at mga nakamit sa pagpupungos ay nakatulong din sa amin. Nakita ko na kaya ng iba na hanapin ang katotohanan at matuto ng mga aral sa mga sitwasyong kinahaharap nila, na hahantong sa pag-usad sa buhay. Naalala ko rin ang ilang indibidwal na nakilala ko dati na gumawa ng mga tungkuling iisa lang ang gampanin na kuntento lang na matapos ang mga gampaning mayroon sila araw-araw, at pagkatapos ay gugugulin ang nalalabi nilang oras sa mga bagay na makalaman. Malinaw na nagkaroon sila ng maraming oras upang pagnilayan ang mga salita ng Diyos at hanapin ang katotohanan, ngunit wala pa rin silang pagpapahalaga sa pasanin para sa kanilang buhay pagpasok, at hindi nila binigyang-pansin ang mga paalala ng iba, bagkus ay nilalabanan pa nga ang mga ito. Sa harap ng mga katunayang ito, nakita kong ang aking paniniwala na ang pagiging abala sa mga tungkulin ay nangangahulugang walang oras ang isang tao para hangarin ang katotohanan, ay talagang hindi naaayon sa katotohanan at ganap na kakatwa. Gaya na lang ngayon kapag gumagawa ako ng mga tungkulin na nakabatay sa teksto at nagsusuri ng mga patotoong batay sa karanasan, ang bawat artikulong sinusuri ko ay kinasasangkutan ng katotohanan, ngunit bakit naramdaman ko pa rin na parang wala akong oras upang tumuon sa buhay pagpasok? Ang ugat nito ay dahil hindi ko minahal ang katotohanan, at sinisi ko pa nga ang mga lider sa pagtatalaga sa akin sa isang hindi naaangkop na tungkulin, na wala talagang kabuluhan at hindi makatwiran. Tunay ngang isa akong taong inilantad ng Diyos bilang may hangal na pang-unawa at walang espirituwal na pagkaunawa!
Ang isyung ito ay tinutugunan din sa mga salita ng Diyos, na nagpapakita sa atin ng landas na susundan, nagsasabi sa atin kung paano makakamit ang buhay pagpasok habang ginagawa natin ang ating mga tungkulin. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Gaano man kaabala sa kanilang mga tungkulin ang mga taong naghahangad sa katotohanan, nagagawa pa rin nilang hanapin ang katotohanan upang lutasin ang mga problemang nararanasan nila, at makipagbahaginan tungkol sa mga bagay na hindi malinaw sa kanila sa mga sermong narinig nila, at patahimikin ang kanilang puso araw-araw upang magnilay kung kumusta ang naging pagganap nila, pagkatapos ay pag-isipan ang mga salita ng Diyos at manood ng mga video ng patotoong batay sa karanasan. May mga nakakamit sila mula rito. Gaano man sila kaabala sa kanilang mga tungkulin, hinding-hindi nito nahahadlangan, ni naaantala, ang kanilang pagpasok sa buhay. Natural para sa mga taong nagmamahal sa katotohanan na magsagawa nang ganito. Ang mga taong hindi nagmamahal sa katotohanan ay hindi hinahanap ang katotohanan at hindi sila handang patahimikin ang kanilang sarili sa harap ng Diyos upang pagnilayan at kilalanin ang kanilang sarili, abala man sila sa kanilang tungkulin at anuman ang problemang maranasan nila. Kaya, abala man sila o walang gaanong ginagawa sa kanilang tungkulin, hindi nila hinahangad ang katotohanan. Sa katunayan, kung gusto ng isang tao na hangarin ang katotohanan, at kung inaasam niya ang katotohanan, at dinadala ang pasanin ng buhay pagpasok at disposisyonal na pagbabago, lalong mapapalapit sa Diyos ang puso niya at magdadasal siya sa Diyos, gaano man siya kaabala sa kanyang tungkulin. Tiyak na magkakamit siya ng kaunting kaliwanagan at kaningningan ng Banal na Espiritu, at walang humpay na lalago ang kanyang buhay. Kung hindi minamahal ng isang tao ang katotohanan at hindi siya nagdadala ng anumang pasanin ng buhay pagpasok o disposisyonal na pagbabago, o kung hindi siya interesado sa mga bagay na ito, hindi niya makakamit ang kahit ano. Ang pagninilay-nilay sa kung anong mga pagbuhos ng katiwalian ang mayroon ang isang tao ay isang bagay na dapat ginagawa kahit saan, anumang oras. Halimbawa, kung ang isang tao ay nagpakita ng katiwalian habang ginagampanan ang kanyang tungkulin, sa kanyang puso, dapat siyang magdasal sa Diyos, at pagnilayan ang kanyang sarili, at kilalanin ang kanyang tiwaling disposisyon, at hanapin ang katotohanan upang lutasin ito. Usapin ito ng puso; wala itong epekto sa kasalukuyang gawain. Madali ba itong gawin? Depende iyon sa kung isa kang taong naghahangad sa katotohanan. Ang mga taong hindi nagmamahal sa katotohanan ay hindi interesado sa mga usapin ng paglago sa buhay. Hindi nila isinasaalang-alang ang gayong mga bagay. Ang mga taong naghahangad sa katotohanan lang ang handang pagsikapan ang paglago sa buhay; sila lang ang madalas na nagninilay sa mga problemang talagang umiiral, at kung paano hahanapin ang katotohanan upang lutasin ang mga problemang iyon. Sa katunayan, parehas lang ang proseso ng paglutas ng mga problema at ang proseso ng paghahangad sa katotohanan. Kung madalas na nakatuon ang isang tao sa paghahanap sa katotohanan upang lutasin ang mga problema habang ginagampanan ang kanyang tungkulin, at nakalutas na siya ng marami-raming problema sa loob ng ilang taon ng gayong pagsasagawa, tiyak na pasok sa pamantayan ang kanyang pagganap sa kanyang tungkulin. Ang gayong mga tao ay mas higit na kaunti ang pagbuhos ng katiwalian, at nagkamit sila ng mas tunay na karanasan sa pagganap sa kanilang mga tungkulin. Kaya naman nagagawa nilang magpatotoo para sa Diyos. Paano sumasailalim ang gayong mga tao sa karanasang nagsimula noong una nilang tinanggap ang kanilang tungkulin, hanggang sa nagagawa na nilang magpatotoo para sa Diyos? Dinaranas nila ito sa pamamagitan ng pag-asa sa paghahanap sa katotohanan upang lutasin ang mga problema. Kaya gaano man kaabala sa kanilang mga tungkulin ang mga taong naghahangad sa katotohanan, hinahanap pa rin nila ang katotohanan upang lutasin ang mga problema at nagtatagumpay sila sa pagganap sa kanilang mga tungkulin nang ayon sa mga prinsipyo, at nagagawa nilang isagawa ang katotohanan at magpasakop sa Diyos. Ito ang proseso ng buhay pagpasok, at ito rin ang proseso ng pagpasok sa katotohanang realidad” (Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan 3). Dati, akala ko talaga, nangangailangan ang mga debosyonal ng sapat na oras upang makain at mainom ang mga salita ng Diyos at upang mapagnilayan at maunawaan ang mga sarili kong isyu, at na ito ang paraan upang makapagtuon sa buhay pagpasok. Kaya, kapag abala ako sa aking mga tungkulin, tumutuon lang ako sa gawain, isinasantabi ang usapin ng buhay pagpasok. Ihiniwalay ko ang aking buhay pagpasok sa aking mga tungkulin. Ang totoo, hindi dapat natatali sa mga regulasyon ang mga debosyonal, at iyong mga taong may pagpapahalaga sa pasanin para sa kanilang buhay pagpasok at nagmamahal sa katotohanan ay magagawang matuto ng mga aral gaano man sila kaabala. Gaya na lang kapag ginagawa ng isang tao ang tungkulin ng mga lider at manggagawa, maraming tao, pangyayari, at mga bagay ang nakakaharap niya araw-araw. Kung minsan, maraming paghihirap sa buhay ng mga kapatid o di-kaya ay nakaaapekto ang kanilang mga tiwaling disposisyon sa kanilang mga tungkulin, at kailangang pag-isipang mabuti ng mga lider at manggagawa ang kanilang mga kalagayan at hanapin ang mga salita ng Diyos upang matulungang malutas ang mga ito. Kung minsan, kapag nakikita nilang ibinubunyag ng mga kapatid ang kanilang matitinding tiwaling disposisyon, ginagambala at ginugulo ang gawain ng iglesia, kailangan nilang ilantad at pungusan ang mga ito. At sa paggawa ng mga tungkuling nakabatay sa teksto, ang pagsusuri sa bawat artikulo ay nagsasangkot sa isang partikular na aspekto ng katotohanan na maaaring makalutas sa isang aspekto ng tiwaling disposisyon, at kung may mga bagay na hindi malinaw na nauunawaan ng isang tao, kailangan niyang aktibong hanapin ang katotohanan nang sa gayon ay makapagsuri siya ng mga naaangkop na artikulo ayon sa mga prinsipyo. Ang lahat ng mga bagay na ito ay nauugnay sa buhay pagpasok. At saka, kapag nakikipag-ugnayan sa mga sister na kasama ko, dahil wala akong pag-arok sa mga prinsipyo, mababa ang pagiging epektibo ko sa aking mga tungkulin, at natagpuan ko ang aking sarili na nag-aalala tungkol sa aking kasikatan at reputasyon at ikinukumpara ang aking sarili sa mga kapatid ko, kinailangan kong hanapin kaagad ang katotohanan upang malutas ang aking tiwaling disposisyon, nang sa gayon ay mabilis kong maituon ang sarili ko sa aking mga tungkulin. Bukod pa riyan, napakahalaga rin na samantalahin ang mga natitirang sandali upang manahimik sa harapan ng Diyos at pagnilayan ang Kanyang mga salita, na kahit ang oras na ginugugol sa paliligo, pagkain, o pakikipag-usap ay maaaring magamit upang pag-isipang mabuti ang mga salita ng Diyos o upang pagnilayan ang mga katiwaliang ibinubunyag ng isang tao sa buong araw. Napakaraming bahagi sa mga tungkulin ng isang tao kung saan kailangan niyang hanapin ang katotohanan at matuto ng mga aral. Pagkatapos nito, noong ginawa ko ang aking mga tungkulin, nagsagawa na ako ayon sa mga salita ng Diyos, at kung minsan, kapag abala sa gawain, gigising ako nang medyo mas maaga o gagamitin ang aking lunch break upang magsulat ng mga debosyonal na tala, o mga artikulo. Sa pagsasagawa nang ganito, naramdaman kong naging mas malapit ang aking relasyon sa Diyos. Kapag nagsusuri ng mga artikulo, babasahin ko ang mga pagkaunawang batay sa karanasan ng aking mga kapatid, at sadya kong pagninilayan ang aking mga sariling problema gamit ang natutuhan mula sa mga problema nila. Kung minsan, sa pamamagitan ng pagbabasa ng kanilang mga pagkaunawang batay sa karanasan, nagkakaroon ako ng mas malinaw na kabatiran tungkol sa aking sariling mga isyu, at sa bawat pagkakataon, nakikita kong may nakakamit ako. Unti-unti, naramdaman kong naging mas matalas na ang espiritu ko, at tunay kong napagtanto na hindi totoong hindi magkaugnay ang buhay pagpasok at ang mga tungkulin ng isang tao. Lalo at lalo kong naramdaman na napakagandang gawin ang tungkuling ito, at kahit na magiging abala rito, nakatulong ito sa akin na malutas ang tiwaling disposisyon ko, naging handa akong magpatuloy na magsagawa at magtuon sa buhay pagpasok sa tungkuling ito.
Isang araw, may nabasa akong isang sipi ng mga salita ng Diyos sa isang patotoong batay sa karanasan na nakatulong sa akin para magkaroon ng higit pang kabatiran tungkol sa aking kalagayan. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Nananampalataya ang mga tao sa Diyos upang pagpalain, magantimpalaan, at makoronahan. Hindi ba’t may ganito sa puso ng lahat? Totoo na mayroon nga. Bagamat hindi ito madalas tinatalakay ng mga tao, at pinagtatakpan pa nga ang kanilang motibo at hangaring magtamo ng mga pagpapala, ang paghahangad at motibong ito sa kaibuturan ng puso ng mga tao ay hindi matinag-tinag noon pa man. Gaano man karaming espirituwal na teorya ang nauunawaan ng mga tao, anumang kaalaman na batay sa karanasan ang mayroon sila, anumang tungkulin ang kaya nilang gampanan, gaano mang pagdurusa ang tinitiis nila, o gaano man ang isinasakripisyo nila, hinding-hindi nila binibitawan ang motibasyon para sa mga pagpapala na nakatago sa kaibuturan ng kanilang mga puso, at laging tahimik na nagpapakapagod para dito. Hindi ba’t ito ang bagay na nakabaon sa pinakakaibuturan ng puso ng mga tao? Kung wala ang motibasyong ito na tumanggap ng mga pagpapala, ano ang mararamdaman ninyo? Sa anong saloobin ninyo gagampanan ang inyong tungkulin at susundan ang Diyos? Ano kaya ang mangyayari sa mga tao kung mawawala ang motibasyong ito na tumanggap ng mga pagpapala na nakatago sa kanilang puso? Posible na magiging negatibo ang maraming tao, samantalang ang ilan ay mawawalan ng gana sa kanilang mga tungkulin. Mawawalan sila ng interes sa kanilang paniniwala sa Diyos, na para bang naglaho ang kanilang kaluluwa. Magmumukha silang inalisan ng kanilang puso. Ito ang dahilan kung bakit sinasabi Kong ang motibasyon para sa mga pagpapala ay isang bagay na nakatago sa kaibuturan ng puso ng mga tao” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Anim na Pahiwatig ng Paglago sa Buhay). Sa pagbubulay sa mga salita ng Diyos, napagtanto kong nakatago sa likod ng aking paglaban at pagiging negatibo ang isang makasariling pagnanais para mapagpala. Buong panahon akong naniwala na walang mali sa aking pagnanais na hangarin ang katotohanan at tumuon sa buhay pagpasok, at tanging sa pamamagitan lang ng pagsisiwalat ng mga salita ng Diyos na napagtanto kong nailihis ako ng sarili kong balatkayo. Kung iisipin kong muli ang unang pagkakataon na nahanap ko ang Diyos, nagpasakop ako sa anumang tungkuling isinaayos ng iglesia para sa akin, at mukha namang aktibo at ganado ako. Kalaunan, binitawan ko ang aking pamilya at mga anak, at bagama’t naghihirap at nasasaktan ang aking puso, umasa akong makatanggap ng mga pagpapala sa hinaharap, kaya determinado kong isinantabi ang aking asawa at pamilya upang ilaan ang lahat ng oras ko sa aking mga tungkulin. Kung babalikan ko ang nakaraan, makikita kong ang aking motibasyon ay nagmumula sa pagnanais na mapagpala. Akala ko, kapag umalis ako sa aking tahanan upang gawin ang mga tungkulin ko, magkakaroon ako ng mas maraming pagkakataon upang magsagawa, at madadagdagan nito ang aking tsansa na maligtas sa hinaharap. Noong ginagawa ko ang aking mga tungkulin bilang isang lider, naramdaman kong araw-araw akong naging abala dahil sa tungkuling ito na wala na akong panahong kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, at kahit na gaano pa ako magmistulang gumagawa, kung walang anumang pagbabago sa aking buhay disposisyon, mabubunyag at matitiwalag din ako sa huli. Naramdaman kong ang mga tungkulin ko bilang isang lider ay hindi kapaki-pakinabang sa aking kaligtasan at mga pagpapala, kaya naisip kong lumipat sa isang tungkulin na may iisa lang na gampanin. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, kahit na matapos akuin ang mga tungkuling nakabatay sa teksto, hindi pa rin ako makahanap ng oras upang makakain at makainom ng mga salita ng Diyos nang wasto, kaya nakaramdam ako ng pagsisisi, iniisip kong nakasasagabal ang tungkuling ito sa aking paghahangad sa katotohanan at kaligtasan, at naramdaman kong naagrabyado at nasaktan ako. Gusto ko lang gawin ang alinmang tungkulin na sa tingin ko ay magbibigay-daan para magtamo ako ng mga pagpapala, at nilabanan ko at naging negatibo ako sa mga tungkuling inakala kong hindi magbibigay-daan para magtamo ako ng mga pagpapala, at inireklamo ko pa nga ang mga lider sa pagsasaayos ng mga tungkuling hindi naman angkop sa akin, nabigong magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Sa pagninilay ko sa mga pagkakataong ibinigay sa akin ng Diyos upang gawin ang aking mga tungkulin, napagtanto kong layon ng mga ito na hikayatin ako na magtuon sa paghahanap sa katotohanan upang lutasin ang aking tiwaling disposisyon, ngunit hindi ko alam kung ano ang makabubuti para sa akin, at hindi ko nagawang pangalagaan ang ganoon kahalagang pagkakataon upang makapagsagawa, palagi kong kinakalkula kung makapagtatamo ba ako ng mga pagpapala. Napakapangit ko at kamuhi-muhi! Kung hindi ako bumawi, hindi magtatagal ay mabubunyag at matitiwalag ako. Kaya nanalangin ako sa Diyos, “Diyos ko, salamat sa pagsasaayos ng ganoong sitwasyon upang ibunyag ako, tinutulungan akong makita ang aking mga pagkukulang. Handa akong baguhin ang aking maling pananaw sa paghahangad at magpasakop sa Iyong mga pamamatnugot at pagsasaayos. Gabayan Mo po ako.”
Bagama’t abala pa rin ako sa aking mga tungkulin, hindi ko na nararamdamang agrabyado ako o nanlulumo. Sinusubukan kong tumuon sa pagtatala ng mga kabatiran at pakinabang na natatanggap ko habang ginagawa ang aking mga tungkulin at sa mga katiwaliang ibinubunyag ko, at nananalangin ako sa Diyos nang may pagpapahalaga sa pasanin, hinihingi ang Kanyang kaliwanagan at gabay, at unti-unti, nagnilay ako at nakilala ko ang aking sarili. Sa aking mga debosyonal, nanonood ako ng mga video ng patotoong batay sa karanasan na tumutugon sa aking mga isyu, at sinusubukan kong maglaan ng oras kada araw upang magnilay sa aking sarili at hanapin ang katotohanan, at nagsisikap akong magsulat ng isang patotoong batay sa karanasan kada buwan. Isang araw, nakita kong ginawang video at ini-upload sa website ang isinulat kong patotoong batay sa karanasan. Labis akong nasabik. Kalaunan, nakita kong ibinabahagi ng maraming kapatid ang aking karanasan, na lumutas din sa mga problema sa kanilang mga tungkulin. Napagtanto kong ang pagsusulat ng mga patotoong batay sa karanasan ay maaaring maging kapaki-pakinabang sa iba na may mga parehong isyu, at na tunay na mahalaga at makabuluhan ito! Lalo nitong pinalalakas ang aking determinasyon na hangarin ang katotohanan.
Dahil sa napagdaanan kong ito, tunay kong napagtanto na hindi naman talaga mahirap hangarin ang buhay pagpasok habang ginagawa ang mga tungkulin, at basta’t magbabago ang ating mga saloobin at makikipagtulungan talaga tayo, bibigyang-liwanag at gagabayan tayo ng Diyos. Lubos itong kapaki-pakinabang para sa ating paghahangad sa katotohanan at kaligtasan! Nagpapasalamat ako sa paggabay ng Diyos na hinayaan Niya akong makamit ang mga ito.