Ayon Ba sa Katotohanan Ang Pananaw na “Dapat Kilalanin ang Pagsisikap, Kahit Hindi ang Merito, ng Isang Tao”?

Hunyo 14, 2024

Ni Enyu, Tsina

Noong unang bahagi ng Agosto 2022, tinapos namin ang isa sa mga pagtitipon namin at sinabi ni Sister Wang Jin na, “nakabukod si Zhang Min para magnilay-nilay sa bahay nila.” Nang marinig ko ito, itinanong ko, “Anong nangyayari?” Sinabi ni Wang Jin, “Tuwing tinutukoy ng mga kapatid ang mga problema na lumilitaw sa tungkulin ni Zhang Min, palagi siyang tumatanggi na tanggapin iyon, at nagdadahilan pa siya at ipinagtatanggol ang sarili niya. Gumawa siya ng eksena, nag-iiiyak at nagwawala, ibinubunton pa niya sa tungkulin niya ang kanyang pagkadismaya. Kaya hindi makapagpatuloy nang normal ang gawain at nagsanhi ito ng pagkagambala at kaguluhan sa buhay iglesia. Kung hindi siya magninilay-nilay at hindi niya susubukang kilalanin ang sarili niya at sa halip ay tatangkain pa rin niyang ipagtanggol ang sarili niya, maaari siyang paalisin.” Pero nang marinig ko ito, sobra akong nagulat. Akala ko, noon pa man ay tinalikuran at ginugol na ni Zhang Min ang sarili niya sa loob ng maraming taon ng pananampalataya niya sa Diyos, at kapag nagdidilig siya ng mga baguhan, mapagmahal at mabait siya. Kahit gabing-gabi na, tuwing may problema ang isang baguhan, gagawin niya ang lahat ng makakaya niya para makipagbahaginan dito at lutasin ang problema nito, at hindi niya iiwan ang tungkulin niya kahit na may kaganapan sa pamilya niya. Kahit na hindi niya tinatanggap ang katotohanan sa ngayon, maaaring hindi pa lang niya ito napagtatanto. Kung unti-unti niyang susubukang pagbulayan at pagnilayan at kilalanin ito, hindi ba’t magiging mabuti iyon? Hindi siya nararapat na paalisin. Kung pinaalis ang isang taong gaya niya, kung gayon, dahil walang sinabi ang pagtalikod at paggugol ko sa sarili kumpara sa kanya, hindi ba’t sa huli ay ititiwalag din ako? Noong panahong iyon, tuwing naiisip ko ito, nagiging negatibo ang kalagayan ko, at wala akong lakas kapag ginagawa ko ang tungkulin ko.

Kalaunan, sa isang pagtitipon, dumalo si Wang Yu, na aming lider ng iglesia, para tingnan ang mga materyales sa pag-aalis kay Zhang Min, at sinabi ko ang aking mga kuru-kuro at kalituhan, “Inabandona ni Zhang Min ang pamilya niya at binitiwan ang kanyang propesyon para gampanan ang tungkulin niya sa loob ng maraming taon; nararapat siyang kilalanin dahil sa kanyang pagsisikap, kahit hindi na nang dahil sa merito. Bakit siya pinapaalis? Kung hindi niya matatamo ang kaligtasan sa pamamagitan ng paggawa sa kanyang tungkulin sa ganitong paraan, kung gayon, dahil hindi naman ako nagdurusa at nagbabayad ng halaga nang gaya ng sa kanya, hindi ba’t dapat din akong itiwalag?” Dahil nakita ni Wang Yu na nagkaroon ako ng mga kuru-kuro, matiyaga siyang nakipagbahaginan sa akin, sabi niya, “Ang nakikita mo ay kung paano ginagawa ni Zhang Min ang mga bagay-bagay sa panlabas; hindi mo pa nakita kung ano ang talagang saloobin niya sa katotohanan. Ayon sa ebalwasyon ng mga kapatid, kapag may mga nangyayari kay Zhang Min, hindi niya kailanman tinatanggap ang anumang bagay mula sa Diyos at palagi siyang sobrang mag-analisa sa mga tao at bagay. Nakipagbahaginan ang mga kapatid sa kanya at maraming beses siyang tinulungan ng mga ito, pero hindi man lang niya tinanggap ang katotohanan kahit kaunti, pinangatwiran at pinagtanggol niya ang kanyang sarili, at ibinunton pa nga niya ang pagkadismaya niya sa kanyang tungkulin.” At nagbigay ng halimbawa ang lider, sinabi nito, “May isang pagkakataon na tinukoy ng superbisor ang isa sa mga problema ni Zhang Min sa pagdidilig sa mga baguhan. Hindi ito tinanggap ni Zhang Min at inakala nito na sadya siyang pinupunterya ng superbisor. Nagalit si Zhang Min at sinabi niya, ‘Hindi ko na kayang gawin pa ang tungkuling ito; humanap ka ng ibang gagawa nito!’ Pagkatapos ay umalis si Zhang Min habang umiiyak.” Sinabi ng lider na ito ang naging mga pagpapamalas ni Zhang Min, at na tuwing nasasangkot ang pagpapahalaga niya sa sarili at sa katayuan, gumagawa siya ng eksena, at walang makaawat sa kanya. Kahit ang superbisor niya ay napipigilan niya. Ang mga pag-uugali niyang ito ay malubhang nagulo ang buhay iglesia at naapektuhan ang gawain ng pagdidilig. Bagama’t ginagawa ni Zhang Min ang tungkulin niya sa loob ng mga taong ito ng kanyang pananampalataya sa Diyos hindi man lang niya hinangad ang katotohanan, at kapag may mga nangyayari sa kanya, hindi niya kailanman tinanggap ang mga iyon mula sa Diyos, hindi rin siya kailanman nagnilay sa kanyang sarili at natuto ng mga bagong aral. Siya ay isang hindi mananampalataya. Kasunod nito, binasa ni Wang Yu ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Nakabatay sa kanilang pag-uugali ang pamantayang ginagamit ng mga tao upang hatulan ang ibang mga tao; matuwid yaong ang asal ay mabuti, habang masama yaong ang asal ay karumal-dumal. Ang pamantayan ng Diyos sa paghatol sa mga tao ay batay sa kung nagpapasakop ba o hindi sa Kanya ang kanilang diwa; matuwid na tao ang nagpapasakop sa Diyos, samantalang ang hindi nagpapasakop ay kaaway at isang masamang tao, mabuti man o masama ang pag-uugali ng taong ito at kung tama man o mali ang kanyang pananalita(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama). Pagkatapos ay nagbahagi siya at sinabi, “Hinuhusgahan ng mga tao ang iba base sa mga panlabas ng mga ito. Kung mukhang mabuti ang pag-uugali ng isang tao, mabuting tao na ito, at kung mukhang masama, masamang tao na ito. Tinitingnan ng Diyos ang mga tao batay sa kalikasang diwa nila at sa saloobin nila sa katotohanan. Tinitingnan ng Diyos kung kaya bang magpasakop ng mga tao sa Kanya at sa katotohanan, hindi sa kung gaano sila mukhang tumatalikod, nagdurusa, at gumagawa sa panlabas.” Sa pamamagitan ng pagbabahaging ito, napagnilayan ko na ang dahilan kaya ako nalungkot para kay Zhang Min noong pinaalis siya ay dahil nakita ko lang ang mga panlabas niya. Nakita ko na nagawa niyang abandonahin ang pamilya niya, bitiwan ang propesyon niya, tiisin ang pagdurusa, at magbayad ng halaga, at kapag nahaharap sa mga problema ang mga baguhan, hindi siya nag-aatubiling naglaan ng oras para makipagbahaginan sa kanila, kaya naniwala akong isa siyang taong naghahangad sa katotohanan. Gayunman, hindi ko tiningnan kung nagagawa ba niyang tanggapin ang katotohanan o magpasakop dito kapag may nangyayari sa kanya o kung ano ba ang mga resultang nakamit sa kanyang tungkulin. Akala ko ay masyadong mahigpit ang mga hinihingi sa kanya ng sambahayan ng Diyos, at na hindi dapat siya pinaalis. Pero lumabas na hindi ko makilatis ang mga tao at bagay, napakamangmang ko.

Kalaunan, noong nakipagtipon ako sa isang maliit na grupo, nalaman ko na tungkol sa pag-aalis kay Zhang Min, may pananaw din ang mga kapatid na “Dapat kilalanin ang isang tao dahil sa pagsisikap nito, kahit hindi dahil sa merito.” Nang pinagtuunan ko ang problemang ito, natuklasan ko ang ilang sipi ng mga salita ng Diyos para basahin. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Hindi hinangad ni Pablo ang katotohanan. Nanalig lang siya sa Diyos dahil naghangad siya ng isang kinabukasan at hantungan para sa kanyang laman. Hinangad lang niyang magtamo ng mga gantimpala at isang korona. Napakaraming sinabi ng Diyos, dinisiplina, binigyan ng kaliwanagan at tinanglawan siya nang husto, pero hindi siya nagpasakop sa Diyos o tumanggap sa katotohanan. Palagi siyang naghihimagsik laban sa Diyos at nilalabanan ang Diyos, at sa huli, siya ay naging isang anticristo at nakondena at naparusahan. Nagsisilbing halimbawa si Pablo ng kung ano ang hindi dapat na gawin. … Ayon sa mga kuru-kuro at imahinasyon ng tao, naiisip ng mga tao na, ‘Hindi dapat tinrato ng Diyos si Pablo nang ganoon. Napakarami nang nagawa at pinagdusahan ni Pablo. Dagdag pa rito, siya ay tapat at masugid sa Diyos. Bakit siya tatratuhin ng Diyos nang ganoon?’ Tama bang sabihin ito ng mga tao? Nakaayon ba ito sa katotohanan? Sa papaanong paraan naging lubhang tapat o masugid si Pablo sa Diyos? Hindi ba nila binabaluktot ang mga katunayan? Naging tapat at masugid si Pablo sa pagtatamo ng mga pagpapala para sa kanyang sarili. Katapatan at debosyon ba iyon sa Diyos? Kapag hindi nauunawaan ng mga tao ang katotohanan, hindi malinaw na nakikita ang diwa ng isang problema, at bulag na nagsasalita batay sa kanilang mga damdamin, hindi ba’t naghihimagsik sila laban sa Diyos at lumalaban sa Kanya? Hindi na nakapagtatakang kinagigiliwan ng lahat si Pablo! Ang mga kay Satanas ay palaging giliw na giliw kay Satanas, at nagsasalita pa nga para kay Satanas batay sa kanilang mga damdamin. Nangangahulugan ito na bagama’t tila humiwalay ang mga tao mula kay Satanas, nananatili silang magkaugnay. Sa katunayan, kapag nagsasalita ang mga tao para kay Satanas, nagsasalita rin sila para sa kanilang sarili. Nakikisimpatiya ang mga tao kay Pablo dahil katulad nila siya, at sila ay nasa landas na pareho ng sa kanya. Ayon sa sentido kumon ng tao, hindi dapat tinrato ng Diyos nang ganoon si Pablo, pero ang ginawa Niya ay ang kabaligtaran mismo ng sentido kumon ng tao. Ito ang matuwid na disposisyon ng Diyos, at ito ang katotohanan. Kung magsasalita ang isang tao alinsunod sa sentido kumon ng tao, maaari niyang sabihin, ‘Kahit pa walang masyadong nakamit si Pablo, nagtrabaho at nagsikap naman siya nang mabuti. Dapat ay napagbigyan man lamang siya alang-alang sa bilang ng mga taon na nagdusa siya. Kahit pa isa lamang siyang trabahador, ayos lang ito. Hindi siya dapat pinarusahan o napunta sa impiyerno.’ Ito ang sentido kumon at ang mga damdamin ng tao—hindi ito ang katotohanan. Ano ang pinakakaibig-ibig na aspekto ng Diyos? Na wala Siya ng sentido kumon ng tao. Lahat ng ginagawa Niya ay alinsunod sa katotohanan at sa Kanyang diwa. Nagpapakita Siya ng matuwid na disposisyon. Walang pakialam ang Diyos sa iyong mga personal na kagustuhan, ni sa mga obhetibong katunayan ng kung ano ang iyong mga nagawa. Itinatakda at tinutukoy ng Diyos kung anong uri ka ng tao batay sa kung ano ang iyong ginagawa, kung ano ang ibinubunyag mo, at ang landas na tinatahak mo, at pagkatapos ay iniaakma ang pinakanararapat na saloobin sa iyo. Ganito nangyari ang kinalabasan ni Pablo. Kung titingnan ang kaso ni Pablo, tila walang pagmamahal ang Diyos. Sina Pedro at Pablo ay kapwa mga nilikha, pero habang sinang-ayunan at pinagpala ng Diyos si Pedro, inilantad, masusing sinuri, hinatulan, at kinondena naman Niya si Pablo. Hindi mo makita ang pagmamahal ng Diyos sa paraan ng pagpapasya Niya sa kinalabasan ni Pablo. Kaya, batay sa nangyari kay Pablo, masasabi mo bang hindi nagmamahal ang Diyos? Hindi, hindi mo masasabi iyon, dahil dinisiplina siya ng Diyos nang maraming beses, tinanglawan siya, binigyan siya ng maraming pagkakataon para magsisi, pero mariing tumanggi si Pablo at tinahak niya ang landas ng paglaban sa Diyos. Kaya sa huli, kinondena at pinarusahan siya ng Diyos(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pag-unawa Lamang sa Katotohanan Malalaman ng Isang Tao ang mga Gawa ng Diyos). “Sa huli ay sasabihin ng ilang tao, ‘Napakarami kong nagawang gawain para sa Iyo, at bagama’t maaaring wala akong nagawang naging tanyag, naging masigasig pa rin ako sa aking mga pagsisikap. Hindi Mo ba ako maaaring papasukin na lamang sa langit para kainin ang bunga ng buhay?’ Kailangan mong malaman kung anong uri ng mga tao ang Aking nais; yaong mga hindi dalisay ay hindi pinapayagang makapasok sa kaharian, yaong mga hindi dalisay ay hindi pinahihintulutang dungisan ang banal na lupain. Bagama’t maaaring marami kang nagawang gawain, at gumawa ka sa loob ng maraming taon, sa huli kung kalunus-lunos pa rin ang iyong karumihan, hindi katanggap-tanggap sa batas ng Langit na nais mong pumasok sa Aking kaharian! Mula sa pundasyon ng mundo hanggang ngayon, hindi Ako kailanman nakapag-alok ng madaling daan patungo sa Aking kaharian para sa mga sumisipsip sa Akin. Ito ay isang panuntunan sa langit, at walang sinumang makasusuway rito! Kailangan mong hangarin ang buhay. Ngayon, yaong mga gagawing perpekto ay kauri ni Pedro: Sila yaong mga naghahangad ng mga pagbabago sa kanilang sariling disposisyon, at handang magpatotoo sa Diyos at tuparin ang kanilang tungkulin bilang isang nilikha. Ang ganitong mga tao lamang ang gagawing perpekto. Kung umaasa ka lang sa mga gantimpala, at hindi mo hinahangad na baguhin ang iyong sariling disposisyon sa buhay, lahat ng iyong pagsisikap ay mawawalan ng saysay—at ito ay isang katotohanang hindi mababago!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao). “Pinagpapasyahan Ko ang hantungan ng bawat tao hindi batay sa gulang, katandaan, tindi ng pagdurusa, at lalong hindi batay sa kung gaano siya kaawa-awa, kundi batay sa kung taglay niya ang katotohanan. Wala nang ibang pagpipilian kundi ito. Dapat ninyong matanto na parurusahan din ang lahat ng hindi sumusunod sa kalooban ng Diyos. Ito ay isang di-nababagong katotohanan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan). Mula sa mga salita ng Diyos, nakita ko na ang disposisyon ng Diyos ay matuwid at banal. Kung ano ang kalalabasan ng isang tao at kung maliligtas ba ito o hindi ay hindi nakadepende kung gaano karaming gawain ang mukhang ginagawa niya o kung gaano niyang mukhang tinatalikuran at ginugugol ang sarili niya. Ang mahalaga ay kung hinahangad ba ng taong ito ang katotohanan o hindi, at kung binabago ba nito ang buhay disposisyon niya o hindi. Kung pinagtutuunan lamang niya ang pagsisikap nang husto at hindi niya hinahangad ang pagbabago sa buhay disposisyon niya, kung magkagayon, sa huli, hindi niya magagawang manindigan at kailangan siyang itiwalag sa malao’t madali. Katulad ito ni Pablo noong Kapanahunan ng Biyaya. Siya ay gumawa sa loob ng maraming taon, nagtiis ng maraming pagdurusa, nagtamo ng ilang tao habang ipinalalaganap ang ebanghelyo, at nagtatag ng maraming iglesia, pero ang paggugugol niya ng kanyang sarili ay para lamang magkamit ng mga gantimpala at korona, at ang layunin niya ay ang makipagtransaksyon sa Diyos. Dagdag pa rito, ang kalikasan ni Pablo ay sobrang mapagmataas at palalo, at wala siyang pagsasaalang-alang sa kahit kanino, nagpatotoo pa nga siya na namuhay siya nang katulad ng ginawa ni Cristo. Tinahak ni Pablo ang landas ng anticristo na lumalaban sa Diyos, at sa huli, sinalungat niya ang disposisyon ng Diyos at pinarusahan siya ng Diyos. Nagkamali rin ako noong pagdating sa pagpapaalis kay Zhang Min. Naniwala akong nagsikap si Zhang Min at inabandona niya ang pamilya niya at binitiwan ang kanyang propesyon para gawin ang tungkulin niya, at na dapat siyang kilalanin sa pagsisikap niya kahit hindi na dahil sa kanyang merito, o kahit papaano ay dahil sa kung gaano siya kapagod, at sa pinakamababa, dapat na mabigyan siya ng pagkakataong magsisi. Ngayon, kung titingnan ang patuloy niyang mga ipinamamalas, nakita kong hindi niya tinanggap kahit kaunti ang katotohanan at tutol siya sa katotohanan, at sa tuwing may nangyayari sa kanya, basta’t makakanti nito ang pagpapahalaga niya sa sarili at ang katayuan niya, gumagawa siya ng eksena. Bukod sa hindi niya tinanggap ang mga patnubay at tulong ng mga kapatid, siya rin ay labis na nakakagulo, nagmumura at nagsasalita nang walang kabuluhan, at binubunton niya ang pagkadismaya niya sa kanyang tungkulin. Hindi siya katulad ng isang taong nananampalataya sa Diyos. Noong inilantad at tinukoy ng mga kapatid ang mga problema niya, inakala niyang sinasadya nilang ipahiya siya, at minsan, pakiramdam niya ay naaagrabyado siya kaya binabalewala niya ang lider, na naging dahilan kaya hindi maipatupad ng lider ang gawain. Dahil nasa iglesia siya, nagdala siya ng kaguluhan sa mga kapatid at sa gawain, at masasabing mas lamang ang mga negatibo sa mga positibo. Ang pagpapaalis sa kanya ng iglesia ay ganap na nagbunyag sa katuwiran ng Diyos. Gayunman, hindi ko hinusgahan ang isyung ito batay sa mga katotohanang prinsipyo. Nang marinig ko na pinaalis si Zhang Min, mali ang naging pagkaunawa ko sa Diyos at ipinagtanggol ko si Zhang Min. Nakita ko na wala akong katotohanan at hindi ko alam kung paano kilatisin ang mga tao, at na pwede kong labanan ang Diyos anumang oras.

Kalaunan, nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang mga taong nanggugulo nang wala sa katwiran ay maaaring hindi gumagawa ng anumang lubos na mapanlinlang o masamang gawa, ngunit sa sandaling masangkot ang kanilang mga interes, reputasyon, o dignidad, agad silang sumasabog sa galit, nagwawala, kumikilos nang barbariko, at nagbabanta pa nga na sasaktan ang kanilang sarili. Sabihin mo sa Akin, kung ang gayong kakatwa at barbarikong tao ay lilitaw sa isang pamilya, hindi ba’t magdurusa ang buong pamilya? Ang tahanan ay mababalot ng hindi kaaya-aya at mapanglaw na atmospera, mapupuno ng mga iyak at hiyaw, kaya magiging napakahirap nang manirahan dito. May mga gayong tao ang ilang iglesia; bagamat maaaring hindi halata kapag normal ang lahat ng bagay-bagay, hindi mo alam kung kailan sila sasabog at magbubunyag ng kanilang sarili. Kabilang sa mga pangunahing pagpapamalas ng mga gayong tao ang pagwawala, paglilitanya ng mga argumentong katawa-tawa, at hayagang pagmumura, at iba pa. Kahit na isang beses lang sa isang buwan o tuwing kalahating taon nangyayari ang mga pag-uugaling ito, nagdudulot ang mga ito ng matinding pagkabagabag at paghihirap, nagdudulot ng iba't ibang antas ng panggugulo sa buhay-iglesia ng karamihan sa mga tao. Kung talagang nakumpirma na ang isang tao ay nabibilang sa kategoryang ito, kailangang agaran siyang pangasiwaan at paalisin sa iglesia. Maaaring sabihin ng ilan, ‘Hindi naman gumagawa ng talagang masama ang mga taong ito. Hindi sila maaaring ituring na masasamang tao; dapat silang pagtiisan at pagpasensyahan.’ Sabihin Mo sa Akin, ayos lang ba na hindi pangasiwaan ang mga gayong tao? (Hindi.) Bakit hindi? (Dahil nagdudulot ng malaking abala at pagkayamot ang mga kilos nila sa karamihan ng mga tao, at nagdudulot din ng mga kaguluhan sa buhay-iglesia.) Mula sa kongklusyong ito, malinaw na iyong mga gumugulo sa buhay-iglesia, kahit na hindi sila masasamang tao o mga anticristo, ay hindi dapat manatili sa iglesia. Dahil hindi nagmamahal sa katotohanan ang mga gayong tao, bagkus ay tumututol sila sa katotohanan, kahit ilang taon na silang nananampalataya sa Diyos o kahit ilang sermon ang naririnig nila, hindi nila tatanggapin ang katotohanan. Kapag gumawa sila ng masama at pinungusan sila, nagwawala sila at naglilitanya nang walang saysay. Kahit may isang taong nagbabahagi sa kanila ng katotohanan, hindi nila ito tinatanggap. Walang sinuman ang may kayang pangatwiranan sila. Kahit kapag nagbabahagi Ako ng katotohanan sa kanila, maaaring nananahimik lang sila sa panlabas pero sa loob-loob nila ay hindi nila ito tinatanggap. Kapag nahaharap sa aktuwal na sitwasyon, kumikilos pa rin sila gaya ng nakagawian nila. Hindi sila nakikinig sa Aking mga salita, kaya mas lalong hindi nila tatanggapin ang inyong payo. Bagamat hindi gumagawa ng malalaking kasamaan ang mga taong ito, hindi nila tinatanggap ang katotohanan kahit kaunti. Kung titingnan ang kanilang kalikasang diwa, bukod sa wala silang konsensiya at katwiran, nagdudulot din sila ng walang kwentang abala at sila ay nagiging hindi makatwiran. Makakamit ba ng mga gayong tao ang pagliligtas ng Diyos? Tiyak na hindi! Ang mga hinding-hindi tumatanggap sa katotohanan ay katumbas ng mga hindi mananampalataya, sila ay mga alipores ni Satanas. Kapag hindi nasusunod ang kanilang gusto, nagwawala sila, patuloy na naglilitanya ng mga kakatwang argumento, at hindi sila nakikinig sa katotohanan kahit paano ito ibahagi. Ang mga gayong tao ay mga nangugulo nang wala sa katwiran, ganap na mga diyablo at masasamang espiritu; mas masahol pa sila sa mga hayop! Sila ay katulad ng mga taong wala sa katinuan, at hindi nila kailanman kayang tunay na magsisi. Habang mas matagal silang nananatili sa iglesia, mas dumarami ang kanilang kuru-kuro tungkol sa Diyos, mas dumarami ang kanilang mga di-makatwirang hinihingi sa sambahayan ng Diyos, at mas lumalaki ang kaguluhan at pinsalang idinudulot nila sa buhay-iglesia. Ito ay nakakaapekto sa buhay pagpasok ng mga hinirang ng Diyos at sa normal na pag-usad ng gawain ng iglesia. Ang kanilang pamiminsala sa gawain ng iglesia ay hindi mas mababa kaysa sa pamiminsala ng masasamang tao; dapat maaga pa lang ay alisin na sila sa iglesia. Sinasabi ng ilan, ‘Hindi ba’t medyo nagiging barbariko lang sila? Wala pa sila sa punto ng pagiging masama, kaya hindi ba’t mas mabuti kung tatratuhin sila nang may pagmamahal? Kung papanatilihin natin sila, baka magbago sila at maligtas.’ Sinasabi Ko sa iyo, imposible iyon! Walang ‘baka’ rito—ang mga taong ito ay talagang hindi maliligtas. Ito ay dahil hindi nila kayang maunawaan ang katotohanan, lalong hindi nila kayang tanggapin ito; wala silang konsensiya at katwiran, hindi normal ang proseso ng kanilang pag-iisip, at ni wala sila ng pinakasimpleng sentido komun na kinakailangan para maging tao. Sila ay mga taong wala sa katinuan. Talagang hindi inililigtas ng Diyos ang mga gayong tao(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 26). Mula sa mga salita ng Diyos, nakita ko na bagama’t walang ginagawang malaking kasamaan ang mga taong labis na nanggugulo, tuwing may isang bagay na nasasangkot ang kanilang mga interes, gumagawa sila ng eksena at nagsasabi ng mga huwad na pangangatwiran. Gaano man magbahagi sa kanila ang isang tao tungkol sa katotohanan, hindi nila ito tinatanggap, at malubha nilang ginugulo ang buhay iglesia. Dagdag pa, ang mga gayong tao na labis na nakakagulo ay walang konsensiya at katwiran ng normal na pagkatao, at kahit na gaano man karaming taon na silang nananampalataya sa Diyos, hindi nila maunawaan ang kahit isang katiting na katotohanan. Hindi inililigtas ng Diyos ang gayong mga tao. Si Zhang Min ay ganitong klaseng tao. Basta’t nakakanti ang mga interes niya, lilikha siya ng gulo at gagawa ng malaking eksena, ang isang maayos na pagtitipon ay ginagawa niyang magulo. Nagiging imposible para sa iba na kumalma at pagbahaginan ang mga salita ng Diyos. Ang ganitong mga uri ng tao ay dapat na pangasiwaan nang napapanahon para maprotektahan ang buhay iglesia. Sa katunayan, alam na alam ng mga taong may katiting na konsensiya at katwiran na ang mapaalis ay hindi aksidente, at pakakalmahin nila ang kanilang puso para wastong mapagnilayan ang kanilang sarili at matuto ng mga aral mula roon. Kahit na hindi sila nakakaunawa sa oras na iyon, kahit papaano ay hindi nila ipagkakalat ang mga kuru-kuro nila at ipapahayag ang mga emosyon nila; ang mga taong ganito ay may katiting na may-takot-sa-Diyos na puso at may pagkakataon pang magsisi. Pero nang nangyari kay Zhang Min ang bagay na ito, hindi siya naghanap sa katotohanan o nagnilay-nilay sa sarili, at sa halip ay puno siya ng mga kuru-kuro at maling pagkaunawa sa Diyos, hinuhusgahan niya na hindi matuwid ang Diyos, at tinatanong pa niya kung bakit binigyan ng Diyos ang iba ng pagkakataon samantalang siya ay hindi. Matapos paalisin, hindi pa rin niya pinagnilayan ang sarili niya, nagdadahilan siya at tumututol laban sa Diyos habang ibinubulalas ang kanyang pagkainis at galit, ipinagkakalat niya rin ang kanyang mga kuru-kuro at inililigaw ang mga tao. Dahil wala siyang ni katiting na saloobin ng pagsisisi, ang pagpapaalis sa kanya ay ganap na katuwiran ng Diyos!

Mula sa karanasang ito, naunawaan ko kung gaano kahalaga na makilatis ang diwa ng mga tao batay sa mga salita ng Diyos. Ang kasabihang “Dapat kilalanin ang isang tao dahil sa pagsisikap niya, kahit hindi dahil sa merito” ay isang panlilinlang at hindi alinsunod sa katotohanan. Ang mga hindi nakakaalam kung paano kilatisin ang iba batay sa mga salita ng Diyos ay maililigaw at ituturing pa ang mga hindi mananampalataya at ang masasamang tao bilang kanilang mga kapatid at ipagtatanggol pa ang mga ito. Ang pagtingin lamang sa mga tao at bagay ayon sa mga salita ng Diyos ang tumpak. Hindi na ako naaawa kay Zhang Min dahil pinaalis siya, at mas alerto na rin ako para matiyak na kapag pinupungusan, hinahatulan o kinakastigo ako, magagawa kong hanapin ang katotohanan, pagnilayan ang sarili ko, at manalig na anumang ginagawa ng Diyos ay matuwid. Ang katunayang may naaani akong mga gantimpala ay isang resultang nakakamit ng mga salita ng Diyos.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Leave a Reply