Pagkilatis sa mga Tao Batay sa mga Salita ng Diyos

Hulyo 31, 2024

Ni Xiang Wang, Tsina

Kamakailan, narinig ko sa superbisor kong si Meng Jie, na hindi tinanggap ni Li Ping ang katotohanan, na palagi niyang inaanalisa nang sobra ang mga tao at bagay at inaabala ang buhay iglesia, at na binahaginan at tinulungan siya ng mga kapatid, pero hindi siya nagbago. Hiniling sa akin ni Meng Jie na sumulat ako ng pagsusuri kay Li Ping. Medyo nagulat ako. Hindi ko inaasahan na aabot sa ganitong punto si Li Ping. Noong una, mahirap para sa akin na tanggapin ito. Ilang henerasyon nang nananampalataya sa Panginoon ang pamilya ni Li Ping. Naglingkod siya sa Panginoon sa simbahan noong kabataan niya at mahigit 20 taon na niyang tinanggap ang yugtong ito ng gawain ng Diyos. Ngayon, mahigit 50 taong gulang na siya, at dalaga pa rin siya. Ang pagtalikod at paggugol niya ng sarili, pagpipigil at pagtitiis ng paghihirap ay parang tunay na pananampalataya sa Diyos. Ngayon, inilalarawan siya bilang isang hindi mananampalataya batay sa kanyang sobrang pag-aanalisa sa mga tao at bagay. Hindi ba’t masyado naman itong malupit? Naalala ko noong nakipag-ugnayan ako kay Li Ping noon, hindi naman mukhang masama ang pagkatao niya; nakikipagtalo lang siya tungkol sa tama at mali kapag umuusbong ang mga isyu. Hindi ba’t dapat binibigyan ng pagkakataon ang mga ganitong tao para manatili sa iglesia at magtrabaho roon? Kalaunan, narinig kong sinabi ni Meng Jie na ayon sa patuloy na pag-uugali ni Li Ping, natukoy nang isa siyang hindi mananampalataya. Pinaalalahanan niya rin ako na suriin ko ang sarili ko para makita ko kung bakit hindi ko nagawang makita kung sino talaga si Li Ping, at sinabihan niya ako na hanapin ang katotohanan para malutas iyon.

Kalaunan, sinadya kong pagsikapang ayusin ang problemang ito sa aking paghahanap, at naalala ko ang lahat ng pagkakataong nagkaugnayan kami ni Li Ping. Noong 2019, naging magkapareha kami ni Li Ping sa paggawa ng aming tungkulin. Noong panahong iyon, hindi nakakasundo ni Li Ping ang isang kapatid sa aming grupo, si Yingxin. Gusto ni Yingxin na pag-usapan nila iyon ni Li Ping, pero tumanggi si Li Ping. Medyo naging negatibo si Yingxin, at nang magtanong ang lider tungkol sa mga kalagayan nila ni Li Ping, matapat na sinabi ni Yingxin na hindi sila nagkakasundong dalawa. Inisip ni Li Ping na nasira ni Yingxin ang reputasyon niya dahil sa sinabi nito, at naging labis ang pagkiling niya laban kay Yingxin. Pagkatapos, binaluktot niya ang mga katunayan at sinabi niyang sinadya ni Yingxin na magreklamo tungkol sa kanya sa pagsisikap na maihiwalay siya sa grupo. Bago ang isang pagtitipon, iminungkahi ni Yingxin na pag-usapan muna namin ang aming mga kalagayan at pagkatapos ay magkaroon ng tutok na pagbabasa ng mga salita ng Diyos ayon sa aming mga kalagayan. Akala ni Li Ping, pinapatamaan siya ni Yingxin at sinasabi nito na hindi niya binibigyan ng sapat na atensyon ang buhay pagpasok, kaya galit niyang sinabi na kulang na sila sa oras para gawin iyon. Mayroon ding isang pulong ng pagsusuri kung saan sinabi ni Yingxin na pababa ang mga resulta ng gawain sa iglesia nitong nakaraan at pinaalalahanan niya kaming lahat na hanapin ang mga naging dahilan niyon. Muli, inakala ni Li Ping na tungkol iyon sa kanya, at mapusok niyang sinabi na, “Kung sa tingin mo ay hindi ako maayos, isumbong mo ako sa superbisor at ipalipat mo ako.” Gumugol kami ng oras sa pagbabahaginan kasama niya at hindi namin nagawang pag-usapan nang normal ang gawain. Noong oras na iyon, kakasali lang ni Sister Luo Wen sa grupo namin, at kapag umuusbong ang mga hirap at problema sa gawain niya, madalas niyang kinokonsulta si Yingxin. Nakita ni Li Ping na mataas ang tingin ni Luo Wen kay Yingxin, kaya sinabi niya nang harapan kay Luo Wen na gumagamit si Yingxin ng mga pailalim na paraan para kuhanin ang loob niya, at sinabihan siyang iwasan si Yingxin. Nang marinig ito ni Luo Wen, galit na galit siya kaya napaiyak siya. Pakiramdam niya ay mahirap makatrabaho si Li Ping at ayaw na niyang gawin ang tungkulin niya rito. Hindi na nga pinagnilayan ni Li Ping ang sarili niya, sinabi pa niyang kung gusto ni Luo Wen na umalis, nasa sa kanya na iyon. Minsan, magkakasama kami sa isang silid at nag-uusap tungkol sa gawain, at maghihinala si Li Ping at iisipin na sinisiraan namin siya kapag nakatalikod siya. Dahil dito, madalas niyang hindi nakakasundo ang mga kapatid sa grupo. Sa katunayan, medyo matagal na siya sa ganitong mga kalagayan. Maraming beses siyang binahaginan at tinulungan ng aming superbisor, pero hindi siya nagbago. Noong panahong iyon, kakasali ko pa lang sa grupo, at nagbahaginan kami at sinabi ko na dapat magtuon siya sa paghahanap sa katotohanan at pagkatuto ng mga aral, pero nakipagtalo siya tungkol sa tama at mali at nagdahilan. Sobrang nalito ako. Ilang taon na siyang nananampalataya sa Diyos, kaya bakit hindi siya tumatanggap ng kahit ano mula sa Diyos kapag may nangyayari sa kanya at sa halip ay palagi siyang naghahanap ng mga panlabas na dahilan, masyadong inaanalisa ang mga tao at bagay? Pagkatapos, naisip ko, “Siguro hindi lang maganda ang kalagayan niya ngayon. Kung babahaginan at tutulungan pa namin siya, baka mabago ang kalagayan niya at hindi na niya masyadong analisahin ang mga tao at bagay.” Kalaunan, dahil hindi magkasundo sina Li Ping at Yingxin, ang superbisor namin ay pinagsama kami ni Li Ping sa iisang grupo. Noong una, hindi ko naisip na pagkatapos mahiwalay kay Yingxin ay magtutuon pa rin si Li Ping sa kanya nang husto, pero tuwing nababanggit ko si Yingxin, inuungkat uli ni Li Ping ang mga bagay tungkol sa kanya at ikukuwento ang mga iyon. Ang mga salita niya ay puno ng mga pahiwatig ng panghuhusga kay Yingxin. Gayunpaman, hindi ko nakita nang malinaw ang diwa niya, at inakala ko na pansamantala lang na hindi pa niya kayang lampasan ito, na baka magawa niya iyon sa paglipas ng panahon. Kalaunan, inilipat si Li Ping sa ibang grupo para gawin ang tungkulin niya. Iniulat ng mga kapatid na ganoon pa rin ang mga kilos niya, na kapag may bagay na nakakakanti sa kanyang dangal, nagdudulot siya ng walang hanggang kaguluhan at hindi siya makasundo ng iba sa trabaho. Naimpluwensiyahan na rin niya ang kalagayan ng iba at naantala ang gawain ng grupo. Binahaginan siya ng aming superbisor nang maraming beses at sinabihang magtuon siya sa paghahanap sa katotohanan at pagkatuto ng mga aral, pero hindi niya iyon tinanggap kailanman at patuloy niyang ipinagtanggol ang sarili niya, na nagdulot ng mga pagkagambala at pagkakagulo sa gawain. Hanggang sa matanggal na siya, nakipagtalo siya tungkol sa mga tama at mali at hindi niya pinagnilayan o sinubukang kilalanin ang kanyang sarili.

Kalaunan, narinig kong pinag-uusapan ng mga kapatid ang ilan sa mga pag-uugali niya. Kitang-kita ang pag-uugali niya na sobrang pag-aanalisa sa mga tao at bagay. Hindi lang niya napigilan ang ibang tao, ginambala niya pa ang gawain sa iglesia. Naisip ko, “Paano inuuri ng Diyos ang ganoong pag-uugali?” Nagbasa ako ng ilang salita ng Diyos na may kaugnayan sa problemang ito: “Hindi ba’t kasuklam-suklam na may mga taong gustong magbusisi at gumamit ng mga pamamaraan na hindi epektibo kapag may nangyayari sa kanila? Isa itong malaking problema. Ang mga taong malinaw ang pag-iisip ay hindi gagawa ng pagkakamaling ito, ngunit ganito ang mga taong hangal. Palagi nilang iniisip na ginagawang mahirap ng iba ang mga bagay-bagay para sa kanila, na sadyang pinahihirapan sila ng iba, kaya palagi nilang inaaway ang ibang tao. Hindi ba’t paglihis ito? Hindi sila nagsisikap pagdating sa katotohanan, mas gusto nilang iwasan ang mahalagang usapin kapag may nangyayari sa kanila, humihingi sila ng mga paliwanag, nagsisikap na huwag mapahiya, at palagi silang gumagamit ng mga solusyon ng tao para harapin ang mga bagay na ito. Ito ang pinakamalaking hadlang sa pagpasok sa buhay. Kung nananalig ka sa Diyos sa ganitong paraan, o nagsasagawa sa ganitong paraan, hinding-hindi mo makakamit ang katotohanan dahil hindi ka kailanman lumalapit sa Diyos. Hindi ka kailanman lumalapit sa Diyos para tanggapin ang lahat ng isinaayos ng Diyos para sa iyo, ni hindi mo ginagamit ang katotohanan para harapin ang lahat ng ito, sa halip ay gumagamit ka ng mga solusyon ng tao para pangasiwaan ang mga bagay-bagay. Samakatuwid, sa mga mata ng Diyos, masyado ka nang nalihis mula sa Kanya. Hindi lamang nalayo ang puso mo sa Kanya, ang buo mong pagkatao ay hindi namumuhay sa Kanyang presensiya. Ganito ang tingin ng Diyos sa mga taong palaging sinusuri nang husto ang mga bagay-bagay at nagbubusisi. … Sinasabi ko sa inyo na anuman ang tungkuling ginagampanan ng isang mananampalataya sa Diyos—pinangangasiwaan man niya ang mga panlabas na bagay, o ang isang tungkulin na may kaugnayan sa iba’t ibang gawain o larangan ng kadalubhasaan sa sambahayan ng Diyos—kung hindi siya madalas na humaharap sa Diyos, at namumuhay sa Kanyang presensiya, at hindi siya naglalakas-loob na tanggapin ang Kanyang pagsisiyasat, at hindi niya hinahanap ang katotohanan mula sa Diyos, kung gayon, isa siyang walang pananampalataya, at siya ay hindi naiiba sa isang taong hindi mananampalataya(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Madalas na Pamumuhay Lamang sa Harap ng Diyos Magkakaroon ng Normal na Relasyon ang Isang Tao sa Kanya). “Para sa usaping may kinalaman sa katanyagan, kapakinabangan, o karangalan, iginigiit nilang linawin kung sino ang tama o mali, kung sino ang nakalalamang o nakabababa, at kailangan nilang makipagtalo para patunayan ang isang punto. Ayaw itong marinig ng iba. Sinasabi ng mga tao, ‘Puwede mo bang gawing simple ang iyong mga sinasabi? Puwede bang maging diretsahan ka? Bakit kailangan mong maging mababaw?’ Masyadong komplikado at magulo ang kanilang mga iniisip, at nabubuhay sila sa gayong nakapapagod na buhay nang hindi napagtatanto ang mga nakatagong problema. Bakit hindi nila kayang hanapin ang katotohanan at maging tapat? Sapagkat tutol sila sa katotohanan at ayaw nilang maging tapat. Kung gayon, ano ang inaasahan nila sa buhay? (Ang mga pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo at mga kaparaanan ng tao.) Ang pagkilos ayon sa kaparaanan ng tao ay madalas na humahantong sa mga resulta kung saan ang isang tao ay nagiging katawa-tawa o nalalantad ang pangit na bahagi ng kanyang pagkatao. Kaya naman, sa mas masusing pagsusuri, ang kanilang mga kilos, ang mga bagay na buong araw nilang ginagawa—lahat ay may kaugnayan sa sarili nilang dangal, katanyagan, pakinabang, at banidad. Na para bang nabubuhay sila sa isang sapot, kailangan nilang mangatwiran o magdahilan para sa lahat ng bagay, at lagi silang nagsasalita para sa sarili nilang kapakanan. Komplikado ang kanilang pag-iisip, nagsasalita sila ng napakaraming kalokohan, napakagulo ng kanilang mga salita. Lagi silang nakikipagtalo sa kung ano ang tama at mali, wala itong katapusan. Kung hindi nila sinusubukang magkamit ng karangalan, nakikipagkumpitensya sila para sa reputasyon at katayuan, at walang sandali na hindi sila nabubuhay para sa mga bagay na ito. At ano ang kahihinatnan nito sa huli? Maaaring nagkamit sila ng karangalan, pero yamot at sawa na ang lahat sa kanila. Nahalata na sila ng mga tao at napagtanto na ng mga ito na wala silang katotohanang realidad, na hindi sila isang taong taos-pusong nananalig sa Diyos. Kapag nagsasabi ang mga lider at manggagawa o ang ibang kapatid ng ilang salita para pungusan sila, matigas silang tumatangging tumanggap, pilit nilang sinusubukang mangatwiran o magdahilan, at sinusubukan nilang ipasa ang sisi. Sa mga pagtitipon, ipinagtatanggol nila ang kanilang sarili, nagsisimula sila ng mga argumento, at nag-uudyok ng kaguluhan sa mga hinirang ng Diyos. Sa kanilang puso, iniisip nilang, ‘Wala ba talagang lugar kung saan ko maipaglalaban ang aking punto?’ Anong uri ng tao ito? Ito ba ay isang taong nagmamahal sa katotohanan? Ito ba ay isang taong naniniwala sa Diyos? Kapag naririnig nila ang sinuman na nagsasabi ng isang bagay na hindi naaayon sa kanilang mga layunin, lagi nilang gustong makipagtalo at humingi ng paliwanag; naiipit sila sa kung sino ang tama at kung sino ang mali, hindi nila hinahanap ang katotohanan at hindi ito tinatrato nang ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Kahit gaano pa kasimple ang isang bagay, kailangan nila itong gawing napakakumplikado—gulo lang ang hanap nila, dapat lang sa kanila na mapagod nang husto!(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Mula sa mga salita ng Diyos, nakita ko na ang mga taong nag-aanalisa masyado ng mga tao at bagay ay kumikilala ayon sa doktrina na ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay, at na ang mga sitwasyon nila sa araw-araw ay isinasaayos Niya. Pero, kapag naharap sa ganitong mga aktuwal na sitwasyon, hindi nila tinatanggap ang mga ito mula sa Diyos, hindi rin nila hinahanap ang katotohanan at hindi sila natututo ng aral. Sa halip, naniniwala sila na pinapahirapan sila ng isang tao, at para ibangon ang kanilang dangal at reputasyon, lagi silang nakikipagtalo tungkol sa mga tama at mali, na nagdudulot ng walang katapusang gulo. Puro panggugulo ang dinadala nila sa iba at sa gawain sa iglesia. Ang diwa ng ganitong mga tao ay ang diwa ng mga hindi mananampalataya. Halimbawa, tingnan mo si Li Ping. Noong kapareha niya si Yingxin, halatang hindi sila magkasundo sa pagtatrabaho at naapektuhan na nito ang kanilang tungkulin. Iniulat ni Yingxin ang tunay na sitwasyon sa lider, umaasang makakahanap ng tulong, pero hindi ito tinanggap ni Li Ping mula sa Diyos, sa halip inisip niyang inirereklamo siya ni Yingxin. Pagkatapos, palagi niyang binabantayan si Yingxin. Kapag nasa pagtitipon o nag-uusap tungkol sa trabaho, kapag pinuna ni Yingxin ang ilang problema o nagbigay ito ng makatwirang mungkahi, hindi magawa ni Li Ping na tratuhin ito nang tama, sa halip naniniwala siya na pinatatamaan siya ni Yingxin kung kaya sadyang sinasalungat niya si Yingxin. Sinadya pa nga niyang gumawa ng gulo, sinasabi na kung iniisip namin na hindi siya maayos, dapat sabihin namin sa lider na ilipat na lang siya sa ibang tungkulin. Lahat ng ito ay nagparamdam sa amin na napipigilan kami, at naapektuhan nito ang buhay iglesia at ang gawain ng iglesia. Kakasali lang sa grupo ni Sister Luo Wen, at hindi siya pamilyar sa mga prinsipyo at mga propesyonal na kasanayan, kaya kinausap niya si Yingxin. Pinaghinalaan ni Li Ping na minamaliit siya ni Luo Wen at kumakampi ito kay Yingxin at ibinubukod siya. Noong magkakasama ang mga kapatid at kaswal na nag-uusap tungkol sa gawain, naghinala rin si Li Ping na palihim siyang hinuhusgahan ng lahat, at sadyang hinanapan pa niya ng mali ang mga tao at naging pahirap pa siya sa kanila. Dahil dito, hindi na magawa ng mga tao nang normal ang mga tungkulin nila. Sa totoo lang, ordinaryo at simple lang ang lahat ng ito, mga bagay na mauunawaan ng mga normal na tao kung pag-iisipan nila nang kaunti. Pero masyado niyang inaanalisa ang mga tao at bagay at nagkalabo-labo na lahat; sobrang gulo ng mga kaisipan niya. Pagkatapos, nagbahagi ang lahat tungkol sa mga salita ng Diyos at tinulungan siya, pero hindi siya kailanman nagpakita ng kagustuhang maghanap. Sa halip, nagdahilan siya at ipinagtanggol ang sarili, at nakipagtalo tungkol sa tama at mali, sinusubukang patunayan ang kanyang punto.

Noon, lagi kong inakala na ang labis niyang pag-aanalisa sa mga tao at bagay ay isang pansamantalang masamang kalagayan. Ngayon nakita ko na na ang pagkakaroon ng panandaliang pagpapakita ng katiwalian at ang pagkakaroon ng diwa ng isang hindi mananampalataya ay dalawang magkaibang bagay. Gaya ng kung paanong may mga taong nagpapamalas ng pag-aanalisa nang sobra sa mga tao at bagay, pero pansamantala lang na wala silang kakayanang maunawaan ang layunin ng Diyos sa ilang partikular na paksa. O, nagdadahilan sila at ipinagtatanggol ang sarili para hindi sila mapahiya, pero sa pamamagitan ng pananalangin at paghahanap o ng pagbabahagi at pagtulong ng mga kapatid, nagagawa nilang maunawaan ang layunin ng Diyos at hindi na sila masyadong nag-aanalisa. Ang mga taong gaya nito ay tumatanggap sa katotohanan at walang diwa ng mga hindi mananampalataya. Sa kabilang banda, ang mga taong hindi mananampalataya ay hindi tumatanggap ng kahit ano mula sa Diyos anuman ang mangyari sa kanila. Kahit pa napakaliit na bagay na madaling maunawaan ng iba, palagi nilang inaanalisa ang mga tao at bagay at hindi nila kayang tumanggap ng pagbabahagi at tulong mula sa mga kapatid. Ibinubunyag nito na likas silang tutol sa katotohanan at kalokohan ang pagkakaintindi nila sa mga bagay. Naisip ko ang pag-uugali ni Li Ping, ganitong-ganito siya noong nakapareha niya si Yingxin dalawa o tatlong taon na ang nakakaraan. Kalaunan, pinaghiwalay sila ni Yingxin, at kahit na sa panlabas ay hindi halatang-halata na nakikipagtalo siya tungkol sa tama at mali, sa tuwing mababanggit si Yingxin, makikipagtalo na naman siya tungkol sa tama at mali. Maliwanag na hindi niya pa talaga ito binibitawan. Kahit sino ang makapareha niya, kapag may bagay na sangkot ang dangal at katayuan niya, makikipagtalo siya roon nang walang humpay, nagdadala lamang ng kaguluhan sa mga tao. Pagkatapos, lumipas ang ilang taon at ganito pa rin siya; walang anumang pagsisisi at pagbabago. Ang diwa niya ay iyong sa isang hindi mananampalataya na nag-aanalisa nang sobra sa mga tao at bagay.

Dati, naniniwala ako na dahil si Li Ping ay mukhang masigasig, mapagkawanggawa at matulungin sa mga tao, at dahil nagawa niyang talikdan at gugulin ang sarili, ibig sabihin niyon ay may mabuting pagkatao siya at dapat mabigyan siya ng isa pang pagkakataon. Kalaunan, napagtanto ko na hindi ko alam kung paano kumilatis sa pagitan ng mabuti at masamang pagkatao. Pagkatapos, nabasa ko ang ilan sa mga salita ng Diyos tungkol sa paksang ito. Sabi ng Diyos: “Kapag nangyayari ang iba’t ibang bagay sa mga tao, mayroong lahat ng uri ng pagpapamalas sa kanila na nagpapakita ng kaibahan sa pagitan ng mabuting pagkatao at masamang pagkatao. Ano ang mga pamantayan sa pagsukat ng pagkatao? Paano dapat sukatin kung anong uri ng tao ang isang tao, at kung maliligtas ba siya o hindi? Depende ito sa kung mahal ba niya ang katotohanan at kung nagagawa ba niyang tanggapin at isagawa ang katotohanan. Lahat ng tao ay may mga kuru-kuro at pagrerebelde sa loob nila, lahat sila ay may mga tiwaling disposisyon, kaya nga may makakaharap silang mga pagkakataon na salungat ang hinihingi ng Diyos sa sarili nilang mga interes, at kakailanganin nilang mamili—ito ang mga bagay na mararanasan nilang lahat nang madalas, walang sinuman sa kanila ang makakaiwas sa mga ito. Magkakaroon din ang lahat ng mga pagkakataon na magkakamali sila ng pagkaintindi sa Diyos at magkakaroon ng mga kuru-kuro tungkol sa Diyos, o magdaramdam sila, o sasalungat sila, o magrerebelde sa Diyos—pero dahil iba-iba ang saloobin ng mga tao sa katotohanan, iba ang paraan ng pagharap nila rito. Ang ilang tao ay hindi binabanggit kailanman ang kanilang mga kuru-kuro, kundi hinahanap nila ang katotohanan at nilulutas ang mga iyon nang mag-isa. Bakit hindi nila binabanggit ang mga iyon? (Mayroon silang may takot sa Diyos na puso.) Tama iyan: Mayroon silang may takot sa Diyos na puso. Natatakot sila na ang pagsasalita ay magkakaroon ng negatibong epekto, at sinisikap lang nilang lutasin iyon sa puso nila, nang hindi naaapektuhan ang sinupaman. Kapag nakakaharap nila ang iba na gayon din ang kalagayan, ginagamit nila ang sarili nilang mga karanasan para tulungan sila. Ito ay pagiging mabait. Ang mababait na tao ay mapagmahal sa iba, handa silang tumulong sa iba na lutasin ang kanilang mga paghihirap. May mga prinsipyo kapag gumagawa sila ng mga bagay-bagay at tumutulong sa iba, tumutulong sila sa iba na ayusin ang mga problema upang maging kapaki-pakinabang sa kanila, at wala silang sinasabi na hindi kapaki-pakinabang sa kanila. Ito ang pagmamahal. Ang gayong mga tao ay mayroong may takot sa Diyos na puso, at ang kanilang mga kilos ay maprinsipyo at matalino. Ito ang mga pamantayan sa pagsukat kung ang pagkatao ng mga tao ay mabuti o masama(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Saloobing Dapat Taglayin ng Tao sa Diyos). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang mga taong may mabuting pagkatao ay nagmamahal sa katotohanan, handang tumanggap sa katotohanan, at may mabubuting puso. Ang mga ganitong tao, kapag nakikihalubilo sa iba, ay kayang ilagay ang sarili nila sa sitwasyon ng iba at isinasaalang-alang nila kung paano magsasalita at kikilos para mapahusay ang iba. Kung may mga kuro-kuro sila tungkol sa Diyos o nagkaroon sila ng mga pagkiling laban sa mga tao, hindi nila walang ingat na ipinapahayag ang mga iyon. Sa halip, nagagawa nilang hanapin ang katotohanan para lutasin ang mga iyon. Hindi sila nagsasabi ng mga bagay na hindi kapaki-pakinabang sa mga tao. Ang mga ganitong uri ng tao ay may pusong may takot sa Diyos at may mga prinsipyo sa kanilang pananalita at pagkilos. Sila ay mga taong may mabuting pagkatao. Ikumpara natin ito sa pag-uugali ni Li Ping ayon sa mga salita ng Diyos, sa tuwing may bagay na sangkot ang reputasyon at katayuan niya, nagpapahayag siya ng kawalang-kasiyahan. Hindi niya isinasaalang-alang kung makakasakit ba ng mga kapatid ang mga salita niya o kung ano ba ang mga kahihinatnan ng mga iyon. Nang tukuyin sa kanya ng iba ang problema niya, hindi talaga niya tinanggap iyon, at pagkatapos ay panghahawakan niya iyon at hindi siya bibitaw. Mahigit dalawampung taon nang nananampalataya si Li Ping sa Diyos; hindi ba niya talaga naunawaan ang kahit alin dito? Noon, tinitingnan ko lang ang panlabas niya. Inakala ko na dahil matagal na siyang nananampalataya sa Diyos, mabait siya sa mga tao, nagawa niyang tumalikod at gumugol ng sarili, at madalas siyang magkawanggawa at tumulong sa mga tao, ay may mabuti siguro siyang pagkatao. Pero nang aktuwal na tinukoy sa kanya ng mga tao ang problema niya at nagbahagi sila sa kanya, hindi niya talaga tinanggap iyon, at ang mas matindi, binaligtad niya ang mga pangyayari at inatake at hinusgahan niya ang iba. Hindi ito tunay na mabuting pagkatao.

Sa pagsisiwalat ng mga salita ng Diyos, nagkaroon ako ng kaunting pagkilatis sa pagkatao ni Li Ping at sa pag-uugali niyang gaya ng sa hindi mananampalataya. Gayunpaman, kapag iniisip ko kung paanong siya ay ilang dekada nang nananampalataya sa Diyos at kung paanong nagawa niyang tumalikod, gumugol ng kanyang sarili, at magtiis ng paghihirap, at kung paanong ngayon ay tatanggalin na siya, nakakaramdam ako ng kaunting simpatiya para sa kanya. Kalaunan, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Sinasabi ng ilang tao, ‘Kung ang isang tao ay kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos at nagbabahagi tungkol sa katotohanan araw-araw, kung nagagawa niya nang normal ang kanyang tungkulin, kung ginagawa niya ang anumang isinasaayos ng iglesia, at hindi kailanman nagsasanhi ng kaguluhan o pagkagambala—at bagama’t maaaring may mga pagkakataon na nalalabag niya ang mga katotohanang prinsipyo, hindi naman niya iyon ginagawa nang kusa o sinasadya—hindi ba’t ipinapakita nito na hinahangad niya ang katotohanan?’ Magandang tanong ito. Maraming tao ang may ganitong ideya. Una sa lahat, dapat ninyong maunawaan kung magagawa ba ng isang tao na magtamo ng pagkaunawa sa katotohanan at makamit ang katotohanan sa pamamagitan ng palagiang pagsasagawa sa ganitong paraan. Ibahagi ninyo ang mga iniisip niyo. (Bagama’t tama ang pagsasagawa sa ganitong paraan, tila mas alinsunod ito sa ritwal na panrelihiyon—pagsunod ito sa mga tuntunin. Hindi ito hahantong sa pagkaunawa sa katotohanan o sa pagkakamit ng katotohanan.) Kaya, anong uri talaga ng mga pag-uugali ang mga ito? (Ang mga ito ay paimbabaw na mabubuting pag-uugali.) Gusto Ko ang sagot na iyan. Mabubuting pag-uugali lamang ang mga iyon na lumilitaw matapos manalig ang tao sa Diyos, sa pundasyon ng konsiyensiya at katwiran ng taong iyon, sa sandaling maimpluwensiyahan sila ng iba’t ibang mabubuti at positibong katuruan. Ngunit mabubuting pag-uugali lamang ang mga iyon, at malayo ang mga ito sa paghahangad sa katotohanan. Ano, kung gayon, ang ugat ng mabubuting pag-uugaling iyon? Ano ang sanhi ng mga iyon? Nagmumula ang mga iyon sa konsiyensiya at katwiran ng isang tao, sa kanyang moralidad, sa kanyang magagandang damdamin tungkol sa pananalig sa Diyos, at sa kanyang pagpipigil sa sarili. Dahil nga mabubuting pag-uugali ang mga iyon, walang kaugnayan ang mga iyon sa katotohanan, at hinding-hindi magkapareho ang mga iyon. Ang pagtataglay ng mabubuting pag-uugali ay hindi kapareho ng pagsasagawa ng katotohanan, at kung ang isang tao ay may maayos na pag-uugali, hindi ito nangangahulugan na may pagsang-ayon siya ng Diyos. Ang mabubuting pag-uugali at ang pagsasagawa ng katotohanan ay magkaiba—walang kinalaman ang mga ito sa isa’t isa. Ang pagsasagawa ng katotohanan ay hinihingi ng Diyos at ganap itong naaayon sa Kanyang mga layunin; ang mabuting pag-uugali ay nagmumula sa kalooban ng tao at taglay nito ang mga intensiyon at motibo ng isang tao—ito ay isang bagay na itinuturing ng tao na mabuti. Bagama’t ang mabubuting pag-uugali ay hindi masasamang gawa, sumasalungat ito sa mga katotohanang prinsipyo at walang kinalaman sa katotohanan. Gaano man kabuti ang mga pag-uugaling ito, o gaano man naaayon sa mga kuru-kuro at imahinasyon ng tao ang mga ito, walang kaugnayan sa katotohanan ang mga ito. Kaya kahit gaano pa karami ang mabubuting pag-uugali ay hindi nito matatamo ang pagsang-ayon ng Diyos. Dahil pinapakahulugan ang mabubuting pag-uugali sa ganitong paraan, malinaw na walang kaugnayan ang mabubuting pag-uugali sa pagsasagawa ng katotohanan. Kung ang mga tao ay ibubukod-bukod sa mga uri ayon sa kanilang pag-uugali, magiging mga kilos ng matatapat na trabahador lamang ang mabubuting pag-uugali na ito. Walang anumang kaugnayan ang mga ito sa pagsasagawa ng katotohanan o sa tunay na pagpapasakop sa Diyos. Isang uri lamang ng pag-uugali ang mga ito, at ganap na walang kaugnayan sa pagbabago ng disposisyon ng mga tao, sa kanilang pagpapasakop at pagtanggap sa katotohanan, sa takot sa Diyos at pagwawaksi sa kasamaan, o sa anumang iba pang praktikal na mga elemento na tunay na kinasasangkutan ng katotohanan. Kaya, bakit tinatawag na magagandang pag-uugali ang mga ito, kung gayon? Narito ang isang paliwanag, at natural na isa rin itong paliwanag tungkol sa diwa ng tanong na ito. Ang mga pag-uugaling ito ay nagmumula lamang sa mga haka-haka ng mga tao, sa kanilang mga kagustuhan, sa kanilang pagkukusa, at sa kanilang mga sariling motibo. Ang mga iyon ay hindi pagpapamalas ng pagsisisi na kasama ng tunay na pagkakilala sa sarili sa pamamagitan ng pagtanggap sa katotohanan at sa paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, ang mga ito ay hindi rin mga pag-uugali o kilos ng pagsasagawa ng katotohanan na lumilitaw kapag sinusubukan ng mga taong magpasakop sa Diyos. Nauunawaan ba ninyo ito? Ibig sabihin, ang mabubuting pag-uugaling ito ay hindi kinasasangkutan ng anumang pagbabago sa disposisyon ng isang tao, o kung ano ang bunga ng pagdanas ng paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, o ang tunay na pagsisisi na nagmumula sa pagkakilala sa sariling tiwaling disposisyon ng isang tao. Tiyak na hindi ito nauugnay sa tunay na pagpapasakop ng tao sa Diyos at sa katotohanan; lalong hindi nauugnay ang mga ito sa pagkakaroon ng isang pusong may takot at pagmamahal sa Diyos. Ang mabubuting pag-uugali ay wala talagang kinalaman sa mga bagay na ito; isang bagay lamang ang mga ito na nagmumula sa tao at isang bagay na itinuturing ng tao na mabuti. Subalit maraming tao na nakikita ang mabubuting pag-uugaling ito bilang tanda na ang isang tao ay nagsasagawa ng katotohanan. Malaking pagkakamali ito, ito ay kakatwang pananaw at pagkaunawa. Ang mabubuting pag-uugaling ito ay pagtatanghal lamang ng seremonyang panrelihiyon, isang paraan para iraos lang ang mga bagay-bagay. Walang anumang kaugnayan ang mga ito sa pagsasagawa ng katotohanan. Maaaring hindi tahasang kinokondena ng Diyos ang mga ito, ngunit hinding-hindi Niya sinasang-ayunan ang mga ito; tiyak iyon(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan I. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan 1). Habang pinag-iisipan ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang pananampalataya ni Li Ping sa Panginoon nang mahigit 10 taon, pagtanggap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw sa mahigit 20 taon, at parating masigasig na paggugol ng sarili, pagtalikod sa kanyang pamilya, at pagsuko ng kanyang trabaho sa panahong ito ay lahat halimbawa ng kanyang paimbabaw na sigasig at mabuting pag-uugali. Hindi naabot ng mga ito ang pamantayan ng pagsasagawa sa katotohanan. Matapos manampalataya sa Diyos, maraming tao ang nagpapakita ng ilang mabubuting pag-uugali pero dahil ang kanilang kalikasan ay hindi iyong pagmamahal sa katotohanan, at dahil hindi nila matanggap ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, hindi man lang nagbabago ang buhay disposisyon nila kahit pagkatapos pa ng ilang taong pananampalataya sa Diyos. Ang mga ganitong tao ay aabandonahin at ititiwalag ng Diyos sa huli. Ang pagpapakita ng mabuting pag-uugali ay hindi nangangahulugan na isinasagawa ng isang tao ang katotohanan. Kung nagpapakita lang siya ng ilang mabuting pag-uugali pero hindi niya kailanman tinatanggap o isinasagawa ang katotohanan, kaya ng taong iyon na labanan ang Diyos kailanman o saanman. Kagaya ito ng kung paanong sa relihiyon, maraming tao ang nananampalataya sa Panginoon sa buong buhay nila, nagsusumikap, tumatalikod at gumugugol sa sarili nila. Gayunpaman, nang pumarito ang Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw, para gumawa, ipahayag ang katotohanan, at iligtas ang sangkatauhan, hinatulan, nilabanan, at tinanggihan nila Siya. Hinamak nila ang mga katotohanang ipinahayag Niya. Kahit gaano pa karaming mabubuting pag-uugali ang ipinakita nila, hindi sila sinang-ayunan ng Diyos. Kinondena Niya sila bilang mga taong lumaban sa Diyos. Naisip ko ang mga Pariseo, na naglingkod sa Diyos na si Jehova at naglakbay sa dagat at lupa para mangaral. Sa mata ng iba, napakabuti ng kanilang pag-uugali, at walang makikitang pagkakamali sa kanila, pero nang magpakita ang Panginoong Jesus para gumawa, nilabanan, kinondena, at ipinako pa nila Siya sa krus. Ang kanilang kalikasang diwa ay iyong pagkamuhi sa katotohanan at sa Diyos. Sila ay kinondena ng Panginoong Jesus bilang kagaya ng ahas, at sa huli, pinarusahan at isinumpa silang lahat ng Diyos. Mula rito, nakita ko na kapag ang paimbabaw na mabuting pag-uugali lang ng mga tao ang titingnan at hindi kikilatisin ang kanilang saloobin sa katotohanan, napakadaling maligaw!

Kalaunan, naisip ko, “Paano ba talaga dapat ituring ang mga taong gaya ni Li Ping na nabunyag na hindi mananampalataya? Sinong mga tao ang maaaring manatili sa iglesia para magtrabaho, at sino ang dapat alisin na? Anong mga prinsipyo ang kasangkot dito?” Nabasa ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Kung sila ay mga hindi mananampalataya, walang pananampalataya, ngunit handa silang magtrabaho at kaya nilang maging masunurin at magpasakop, kahit hindi nila hinahangad ang katotohanan, huwag mo silang abalahin at huwag mo silang paalisin. Sa halip, pahintulutan mo silang magpatuloy sa pagtatrabaho, at kung matutulungan mo sila, tulungan mo sila. Kung kahit magtrabaho ay ayaw nila, at magsimula silang maging walang ingat at gumawa ng masasamang bagay, nagawa na natin ang lahat ng nararapat. Kung gusto nilang umalis, hayaan mo silang umalis, at huwag kang mangulila sa kanila kapag wala na sila. Nasa punto na silang dapat na silang umalis, at ang gayong mga tao ay hindi karapat-dapat sa iyong awa, sapagkat sila ay mga hindi mananampalataya. Ang pinakakaawa-awa ay na may ilang tao na sobrang hangal, na palaging may personal na damdamin para sa mga pinapaalis, na laging nangungulila sa mga ito, nagsasalita para sa mga ito, nagtatanggol sa mga ito, at umiiyak at nagdarasal at nagmamakaawa pa nga para sa kanila. Ano ang opinyon ninyo sa ginagawa ng mga taong ito? (Napakahangal ng kanilang ginagawa.) Bakit ito kahangalan? (Ang mga umaalis ay mga walang pananalig, hindi nila tinatanggap ang katotohanan, at hindi talaga karapat-dapat na ipagdasal sila o na mangulila sa kanila. Ang mga nararapat lamang iyakan at ipanalangin ng iba ay ang mga binibigyan ng Diyos ng mga oportunidad at ang may pag-asa na mailigtas. Kung ang isang tao ay ipinagdarasal ang isang walang pananalig o ang isang diyablo, napakahangal at napakaignorante niya.) Ang isang aspekto ay na hindi sila tunay na nananalig na may Diyos—sila ay mga walang pananalig; ang isa pang aspekto ay na ang kalikasang diwa ng mga taong ito ay sa mga hindi nananalig. Ano ang ipinahihiwatig dito? Ito ay na hindi sila tunay na tao, sa halip, ang kanilang kalikasang diwa ay sa isang diyablo, kay Satanas, at na ang mga taong ito ay laban sa Diyos. Ito ang kalagayan ng kanilang kalikasang diwa. Ngunit may isa pang aspekto, at iyon ay na pumipili ang Diyos ng mga tao, hindi ng mga diyablo. Kaya, sabihin mo sa Akin, ang mga diyablong ito ba ang mga hinirang ng Diyos, at sila ba ay pinili ng Diyos? (Hindi.) Hindi sila ang mga hinirang ng Diyos, kaya kung palagi kang may emosyonal na ugnayan sa mga taong ito at malungkot ka kapag sila ay umaalis, hindi ba’t nagiging hangal ka kung gayon? Hindi ba’t nilalabanan mo ang Diyos kung gayon? Kung wala kang malalim na damdamin para sa tunay na mga kapatid subalit may malalim kang damdamin para sa mga diyablong ito, ano ka kung gayon? Sa pinakamababa, ikaw ay naguguluhan, hindi mo tinitingnan ang mga tao ayon sa mga salita ng Diyos, hindi ka pa umaasal ayon sa tamang pananaw, at hindi mo pinapangasiwaan ang mga usapin nang may prinsipyo. Ikaw ay isang taong naguguluhan(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan I. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 4). Tungkol naman sa kung paano dapat ituring ang mga taong nabunyag bilang mga hindi mananampalataya, napakalinaw ng sinasabi ng Diyos. Kung sila ay masunurin, nagpapasakop, at handang magtrabaho, kahit hindi nila hinahangad ang katotohanan, maaari silang manatili para magtrabaho basta hindi sila magpapasimula ng kaguluhan o mang-aabala. Kung sila ay hindi nagtatrabaho nang maayos, nagiging pabaya o gumagawa ng masama at nanggugulo o nang-aabala ng gawain ng iglesia, hindi tumatanggap o nagsisisi kapag inilalantad at pinupungusan sila ng mga kapatid, at nagiging dahilan pa ng mas maraming kawalan kaysa kapakinabangan kapag ginagawa nila ang kanilang tungkulin, kailangan silang alisin. Inililigtas ng Diyos ang tao, at dapat may pamantayan ang konsensiya ng tao. Kahit hindi hangarin ng isang tao ang katotohanan, kahit papaano, dapat hindi siya maging dahilan ng kaguluhan o pagkagambala. Ang diwa ng bawat taong kayang gumawa ng masama at manggulo at manggambala sa gawain sa sambahayan ng Diyos ay kagaya ng sa mga diyablo at ni Satanas. Kahit pa manatili ang mga ganyang tao sa iglesia, wala silang magiging silbi. Kailangan silang alisin. Kinumpara ko ito sa pag-uugali ni Li Ping: Maraming taon na siyang nananampalataya sa Diyos, at matapos mangyari ang maraming bagay sa kanya, hindi niya hinanap ang katotohanan at patuloy niyang inanalisa nang sobra ang mga tao at bagay, na nakaabala sa mga kapatid at sa gawain sa iglesia. Binahaginan at tinulungan siya ng mga kapatid nang maraming beses, pero hindi siya namulat o nagsisi kahit kaunti. Ang kalikasang diwa niya ay iyong pagiging tutol o namumuhi sa katotohanan, at nabunyag na hindi siya mananampalataya. Ang pag-alis kay Li Ping ng iglesia ay ganap na pagpapakita ng pagiging matuwid ng Diyos. Noon, pagdating sa paghusga kay Li Ping, hindi ko siya hinusgahan ayon sa mga salita ng Diyos, kundi ayon sa sarili kong mga kuru-kuro at imahinasyon. Akala ko na dahil nagawa niyang tumalikod, gumugol ng sarili, magtiis ng paghihirap, magpigil sa sarili, at magpakita ng ilang mabubuting pag-uugali, siya ay isang taong may tunay na pananampalataya sa Diyos. Samakatuwid, sa aking mabuting hangarin, ginusto kong manatili siya sa iglesia. Napakabulag ko talaga! Hindi sinabi ng Diyos kailanman na ang lahat ng nagpakita ng ilang mabubuting pag-uugali ay may tunay na pananampalataya sa Diyos. Sinusukat ng Diyos ang mga tao ayon sa kanilang kalikasang diwa at ayon sa kanilang saloobin sa katotohanan, at sa landas na tinahak nila mula pa noon. Ngayon, ang gawain ng Diyos ay nakarating na sa huling yugto ng pagbubukod-bukod ng mga tao ayon sa kanilang mga uri. Ang mga taong nagmamahal at kayang tumanggap sa katotohanan, ang mga taong tumatanggi rito at namumuhi rito, ang mga tao na trigo, at ang mga tao na masasamang damo—ibubunyag silang lahat ng Diyos. Ang mga hindi mananampalataya, ang masasamang tao, at ang mga anticristo na tumututol at namumuhi sa katotohanan ay ititiwalag lahat ng Diyos. Ngayon, nakakaramdam pa rin ako ng simpatiya kay Li Ping na nabunyag na isang hindi mananampalataya; hindi ba’t kumukontra at lumalaban ako sa Diyos? Napakahangal ko talaga! Dapat kilatisin at itaboy ko siya sa puso ko at agad kong ilahad sa iglesia ang mga pag-uugali niya bilang isang hindi mananampalataya para mapangalagaan ang gawain sa sambahayan ng Diyos. Hindi na maaaring maging magulo pa rin ang isip ko!

Pagkatapos na pagkatapos, inilahad ko sa iglesia ang mga pag-uugali ni Li Ping bilang isang hindi mananampalataya, at hindi nagtagal, inalis na siya. Sa karanasan ko sa prosesong ito ng pag-alis kay Li Ping, nagkaroon ako ng pagkilatis sa mga hindi mananampalataya, pati na rin ng pang-unawa sa mga nakakalinlang na pananaw sa loob ko. Naunawaan ko na hindi dahil nagpapakita ng ilang mabubuting pag-uugali ang isang tao, ibig sabihin niyon ay may tunay na siyang pananampalataya sa Diyos. Kung hindi nagmamahal at tumatanggap sa katotohanan ang isang tao, sa malaon at madali ay mabubunyag at aalisin siya. Nakita ko na tamang-tama lamang na kilatisin ang mga tao ayon sa mga salita ng Diyos.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Mga Gapos ng Katiwalian

Ni Wushi, Tsina Marso 2020 nagpunta ako para magsagawa ng halalan sa isang iglesia na pinamamahalaan ko, at si Sister Chen ay nahalal...