Ang Dahilan Kung Bakit Hindi Ako Tumatanggap ng Pangangasiwa

Setyembre 18, 2022

Ni Parfait, Africa

Mahigit isang taon na akong nagdidilig ng mga baguhan sa iglesia. Sa panahon ng aking tungkulin, unti-unti akong naging dalubhasa sa ilang prinsipyo, at bumuti rin ang pagdidilig ko sa mga baguhan. Pakiramdam ko ay may kaunti na akong karanasan sa paggawa ng tungkuling ito, at na kahit walang tulong, makapagdidilig akong mabuti ng mga baguhan. Kapag nagkakaroon ng mga problema at paghihirap ang mga baguhan, natutulungan kong lutasin ang mga iyon sa pamamagitan ng paghahanap sa katotohanan, kaya inakala kong alam ko na kung paano gawin nang mabuti ang tungkulin ko. Ang akala ko ay hindi ko na kailangan ng sinuman para gabayan ako, at hindi na kailangang pangasiwaan at kumustahin ng iba ang gawain ko. Kaya hindi ko tinanggap ang pangangasiwa at payo ng aking mga kapatid, at hindi ako masyadong nagbigay ng komento sa eksaktong sitwasyon ng mga baguhan na aking diniligan. Ginawa ko lang ang gawain ko sa sarili kong mga paraan.

Isang araw, tinanong ako ng tagapangasiwa na si Pheolie, tungkol sa ilang baguhan, pati na ng ilang bagay. Halimbawa, paano ko ipinaaalam sa mga baguhan ang tungkol sa mga pagtitipon? Bakit hindi dumalo ang kapatid na ito o iyon sa mga pagtitipon? Madalas ba akong magbahagi sa mga baguhan para maunawaan ang kanilang mga kalagayan o paghihirap? Nang marinig ko ang mga katanungang ito, labis ang paglaban ko. Naisip ko, “Sa tingin ba niya ay iresponsable ako sa paggawa ng tungkulin ko? Wala ba siyang tiwala sa akin?” Labis ang paglaban ko, na hindi ko mapigilang ipakita ang aking tiwaling disposisyon at gusto ko siyang balewalain. Tinanong niya ako kung interesado ang mga baguhang pumunta sa mga pagtitipon, sumagot ako ng “oo” nang wala sa loob at walang ni isang detalyeng ipinaliwanag. Tinanong niya ako kung paano ko ipinaaalam sa mga baguhan ang tungkol sa mga pagtitipon, at sinabi ko sa kanyang pinadadalhan ko sila ng mga mensahe sa text, pero hindi ko ipinaliwanag ang mga detalye kung paano ako nagbibigay-alam sa kanila, kung anong mga paghihirap ang kinakaharap nila, at iba pa. Tapos ay tinanong niya ako kung anong mga aspeto ng katotohanan ang ibinahagi ko sa mga baguhan, at walang pasensya kong sinabi na alam ko kung paano magbahagi sa mga baguhan, pero hindi ako nagbigay ng mga detalye sa kung ano ang sinabi ko, kung paano sila tumugon, o kung anong mga katanungan ang mayroon sila. Hindi siya nasiyahan sa mga sagot ko, at gusto niyang mas malaman kung sinusuportahan at tinutulungan ko ba ang mga baguhang ito. Akala ko ay minamaliit niya ako, na para bang hindi ko alam kung paano gawin ang tungkulin ko, at labis akong naasiwa rito. Minsan, napagtanto niyang hindi ko isinasaalang-alang ang damdamin ng mga baguhan kapag nagsasalita ako, kaya sinabi niya, “Kailangan mong mag-isip mula sa pananaw ng mga baguhan. Kung isa kang baguhan, matutuwa ka ba sa mga salitang ito? Gugustuhin mo bang sumagot sa mga ito?” Nayamot ako sa mga salita niya. Sinabi kong naunawaan ko, pero hindi ko talaga tinanggap iyon. Sa palagay ko ay walang problema sa paraan ng pakikipag-usap ko sa mga baguhan. Sa puso ko, sinabi ko sa sarili ko, “Alam ko kung paano mapapadalo ang mga baguhang ito sa mga pagtitipon, kaya gagawin ko ito sa paraan ko.” Sa isa pang pagkakataon, tinanong niya ako kung paano ako karaniwang magbahagi sa mga baguhan, at sinabi kong sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe. Sinabi niya na tawagan ko ang mga baguhan, sinasabi na mas direkta ang mga tawag, mas pinapadali niyon na maunawaan ang tunay na mga problema, at nakatutulong na bumuo ng mga ugnayan. Pero hindi ko iyon tinanggap nung panahong iyon, at akala ko ay mas maganda ang pamamaraan ko. Kuntento na akong magpadala ng mga mensahe sa mga baguhan, at ayokong makinig sa kanya. Sa mga talakayan namin, ayoko nang magsalita, kaya nananahimik na lang ako o maikli kung sumagot. Natuklasan ko na kung may gustong makipagtalakayan sa akin tungkol sa pagdidilig ko ng mga baguhan, masyado akong nagiging negatibo at problemado. Pakiramdam ko ay pinagtatawanan nila ako, minamaliit ako, at iniisip na wala akong halaga, isang tao na hindi alam kung paano gawin ang tungkulin ko o hindi mapagkakatiwalaan. Akala ko ay ginagawa ko nang mabuti ang tungkulin ko, na alam ko kung paano magdilig ng mga baguhan, na may sarili akong mga pamamaraan ng pangungumusta, at na mas may kaloob ako kaysa sa tagapangasiwa, kaya hindi ko matatanggap ang payo niya. Kahit na sumang-ayon ako sa salita, madalang kong isagawa ang ipinangako ko, at tumuon ako sa pagpapatuloy sa pagdidilig at pagbabahagi sa mga baguhan sa sarili kong mga paraan.

Sa isang pagtitipon, nabasa ko ang mga salita ng Diyos at sa wakas ay nagtamo ng kaunting pagkaunawa sa aking sarili. Sabi ng Diyos, “Hindi tinatanggap ng ilang tao ang pagtatabas o pagwawasto. Sa kanilang puso, alam na alam naman nila na ang mga sinasabi ng iba ay nakaayon sa katotohanan, pero hindi nila ito tinatanggap. Napakayayabang at napakamapagmagaling ng mga taong ito! At bakit Ko sinasabing mayayabang sila? Dahil kung hindi nila tinatanggap ang pagtatabas at pagwawasto, hindi sila sumusunod—at kung hindi sila sumusunod, hindi ba’t mayayabang sila? Inaakala nila na mabuti ang kanilang mga ikinikilos, at hindi nila iniisip na nakagawa sila ng anumang mali—ibig sabihin ay hindi nila kilala ang kanilang sarili; ito ay kayabangan(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Mayabang na Kalikasan ang Nasa Ugat ng Paglaban ng Tao sa Diyos). “Huwag hayaan ang sinuman na isipin na ang kanyang sarili ay perpekto, o bantog at marangal, o namumukod sa iba pa; ang lahat ng ito ay dulot ng mapagmataas na disposisyon at kamangmangan ng tao. Laging iniisip na namumukod ang sarili—ito ay sanhi ng isang mapagmataas na disposisyon; hindi kailanman nagagawang tanggapin ang kanyang mga pagkukulang, at hindi kailanman nagagawang harapin ang kanyang mga pagkakamali at pagkabigo—dulot ito ng isang mapagmataas na disposisyon; hindi kailanman nagpapahintulot sa iba na maging mas mataas sa kanya, o maging mas mahusay sa kanya—dulot ito ng mapagmataas na disposisyon; hindi kailanman nagpapahintulot sa iba na maging mas mataas o mas malakas kaysa sa sarili niya—dahil ito sa mapagmataas na disposisyon; hindi kailanman nagpapahintulot sa iba na magtaglay ng mas mabubuting kaisipan, mungkahi, at pananaw kaysa sa kanya, at kapag nagkaroon sila, nagiging negatibo, ayaw magsalita, nakararamdam ng pagkabagabag at pananamlay, at nagiging balisa—ang lahat ng ito ay dulot ng isang mapagmataas na disposisyon. Ang isang mapagmataas na disposisyon ay magagawa kang protektahan ang iyong reputasyon, hindi magawang tanggapin ang patnubay ng iba, hindi magawang harapin ang sarili mong mga pagkukulang, at hindi magawang tanggapin ang iyong mga sariling kabiguan at pagkakamali. Higit pa riyan, kapag may sinumang mas mahusay sa iyo, maaari itong maging sanhi upang umusbong ang pagkamuhi at inggit sa iyong puso, at makararamdam ka na napipigil ka, kung kaya’t hindi mo nais na gawin ang iyong tungkulin at nagiging padaskol ka sa pagtupad nito. Ang isang mapagmataas na disposisyon ay maaaring magbunga ng pag-usbong ng ganitong mga asal at gawi sa iyo. Kung nagagawa ninyo, unti-unti, na siyasatin nang husto ang lahat ng detalyeng ito, na magtamo ng mga tagumpay sa mga ito, at magkamit ng pagkaunawa tungkol sa mga ito; at kung pagkatapos ay nagagawa ninyong unti-unting talikdan ang mga kaisipang ito, at talikdan ang mga maling kuru-kuro, pananaw at maging mga asal na ito, at hindi kayo napipigil ng mga ito; at kung, sa pagtupad ng inyong tungkulin, ay nagagawa ninyong matagpuan ang tamang katayuan para sa inyo, at kumilos nang naaayon sa mga prinsipyo, at tuparin ang tungkulin na kaya at dapat ninyong gawin; kung gayon, sa pagdaan ng panahon, magagawa ninyong tuparin ang inyong mga tungkulin nang mas mahusay. Ito ay pagpasok sa realidad ng katotohanan. Kung kaya mong pumasok sa realidad ng katotohanan, magmumukha ka sa iba na nagtataglay ng isang wangis ng tao, at sasabihin ng mga tao, ‘Ang taong ito ay umaasal ayon sa kanyang katayuan, at ginagawa niya ang kanyang tungkulin sa isang maayos na paraan. Hindi siya umaasa sa pagiging likas, sa pagiging mainitin ng ulo, o sa kanyang tiwali at satanikong disposisyon upang gawin ang kanyang tungkulin. Kumikilos siya nang may hinahon, may puso siyang gumagalang sa Diyos, may pagmamahal siya sa katotohanan, at ang kanyang asal at mga pahayag ay nagpapakita na natalikdan na niya ang kanyang sariling laman at mga kagustuhan.’ Lubhang kahanga-hanga ang umasal nang ganoon! Sa mga pagkakataon na binabanggit ng iba ang iyong mga pagkukulang, nagagawa mong hindi lamang tanggapin ang mga ito, kundi umasa sa mabuti, hinaharap ang mga pagkukulang at kapintasan mo nang may tatag. Lubhang normal ang lagay ng isip mo, malaya sa mga kasukdulan, malaya sa mainit na dugo. Hindi nga ba’t ganito ang magtaglay ng isang wangis ng tao? Tanging ang mga ganitong tao ang may katinuan(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang mga Prinsipyong Dapat Gumabay sa Asal ng Isang Tao). Dati, akala ko ay hindi ako mapagmataas, pero sa pamamagitan ng mga paghahayag ng salita ng Diyos, nalaman ko na masyado akong mapagmataas. Nang magsabi sa akin ang tagapangasiwa ng ilang magandang paraan para magdilig ng mga baguhan, talagang hindi ko iyon tinanggap. Nang tanungin niya ako kung paano ako magdilig ng mga baguhan, nanahimik ako o maikling sumagot, dahil ayokong mapahiya o makita ng iba ang mga kakulangan ko sa pagdidilig ng mga baguhan. Gusto kong makita ng iba na maayos ang lahat sa akin, walang mali sa aking tungkulin, at kaya kong gampanan ang tungkulin ko nang walang pangangasiwa o tulong ng iba. Talagang masyado akong mapagmataas. Palagay ko rin ay mas may kaloob ako kaysa sa sister na nangangasiwa sa gawain ko, na alam ko kung paano magdilig ng mga baguhan, na may sarili akong mga pamamaraan, at na gumagana nang mabuti ang mga iyon, kaya atubili akong tanggapin ang mga mungkahi niya. Sa kaibuturan ng aking puso, naniniwala ako na kung tatanggapin ko ang payo niya, ibig sabihin noon ay mas nakabababa ang kakayahan ko sa kanya. Nakakahiya iyon. Ano ang iisipin ng iba sa akin? Kaya sa panlabas ay sumang-ayon ako sa mga mungkahi niya, pero bihira kong isagawa ang mga iyon. Pinanatili akong malayo sa katotohanan ng aking mapagmataas na disposisyon, pinigilan akong tanggapin ang payo ng iba, at pinakapit ako sa sarili kong mga pananaw. Pagrerebelde ito sa Diyos. Pagkatapos niyon, kumalma ako at pinag-isipan ang mungkahi ng sister ko. Sa palagay ko ay maganda ang punto niya, at karapat-dapat iyong subukan. Kaya tinawagan ko sa telepono ang mga baguhan. Pakiramdam ko ay mas madaling makipag-usap sa kanila at maunawaan ang mga problema nila sa telepono, at nang matulungan sila agad. Nang isagawa ko ang payo niya, at nakita ko na naging mas epektibo ang aking gawain ng pagdidilig ng mga baguhan, hiyang-hiya ako. Sa usaping ito, nakita ko na kahit na matagal ko nang ginagawa ang tungkulin ko, marami pa rin akong pagkukulang. Kung wala ang tulong at patnubay ng aking sister, hindi sana bumuti ang mga resulta ng aking gawain. Napagtanto ko rin na hindi ako mas magaling sa iba, at na hindi ko magagawa nang mabuti ang aking tungkulin nang mag-isa.

Isang araw, tinanong ako ng tagapangasiwa tungkol sa sitwasyon ng isang baguhan at kung bakit ilang araw na itong hindi nakakapunta sa mga pagtitipon. Pagkatapos kong magpaliwanag, tinanong niya ako ng ilan pang bagay, ninanais malaman ang mas maraming detalye kung paano ko ginagawa ang aking tungkulin. Nahiya ako, at labis akong lumaban. Ayokong sagutin ang anuman sa mga tanong niya, dahil ayokong tanggapin ang pangangasiwa niya at pagtatanong sa aking gawain. Napagtanto kong ang tiwaling disposisyon ko na naman ito, kaya nagdasal ako sa Diyos sa aking puso para sa patnubay na matutuhang sumunod sa ganoong mga kapaligiran, kilalanin ang sarili kong katiwalian, at tanggapin ang pangangasiwa at gabay ng iba. Pagkatapos niyon, nabasa ko ang ilan sa mga salita ng Diyos. “Ipinagbabawal ng mga anticristo ang pakikisangkot, pagtatanong, o pangangasiwa ng sinuman, at naipapamalas ang pagbabawal na ito sa ilang paraan. Ang isa ay pagtanggi, ganoon kasimple. ‘Tigilan mo ang pakikialam, pagtatanong, at pangangasiwa sa akin kapag nagtatrabaho ako. Anumang gawain na ginagawa ko ay responsibilidad ko, may ideya na ako kung paano ko ito gagawin at hindi ko kailangang manduhan ako ng sinuman!’ Ito ay diretsahang pagtanggi. Isa pang pagpapamalas ay ang mukha namang marunong tumanggap, na sinasabing ‘O sige, magbahaginan tayo nang bahagya at tingnan natin kung paano dapat gawin ang gawain,’ pero kapag nagsimula na talagang magtanong ang iba at sinubukang alamin pa ang tungkol sa kanilang gawain, o may ipinaalam ang mga ito na ilang isyu at nagbigay ng ilang mungkahi, ano ang kanilang saloobin? (Hindi sila marunong tumanggap.) Tama iyon—ayaw lang talaga nilang tumanggap, humahanap sila ng mga palusot at dahilan para tanggihan ang mga mungkahi ng iba, ginagawa nilang tama ang mali at mali ang tama, pero ang totoo, sa puso nila, alam nilang ipinipilit lang nila ang kanilang lohika, na puro lang sila salitang wala namang laman, na ito ay pala-palagay, na ang kanilang mga salita ay walang realidad ng kung ano ang sinasabi ng ibang tao. Pero para maprotektahan ang kanilang katayuan—at alam na alam nilang mali sila at na tama ang ibang tao—ginagawa pa rin nilang mali ang tama ng ibang tao, at ang sarili nilang mali ang ginagawa nilang tama, at patuloy na isinasagawa ito, hindi pinapayagan ang mga bagay na tama at nakaayon sa katotohanan na maisakatuparan o maipakilala kung saan naroon ang mga ito. … Ano ang pakay nila? Ito ay para patigilin ang ibang tao na makialam, magtanong, o mangasiwa, at para ipaisip sa mga kapatid na ang ikinikilos nila ay nasa katwiran, tama, at nakaayon sa mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos, at na nakasang-ayon ang mga ito sa mga prinsipyo ng pagkilos, na, bilang isang lider, sumusunod sila sa prinsipyo. Iilang tao lang talaga sa iglesia ang nakakaunawa sa katotohanan; ang karamihan ay walang duda na walang kakayahang kumilatis, hindi nila makita ang tunay na pagkatao ng mga anticristong ito, at likas silang nalilinlang ng mga ito(Ang Salita, Vol. III. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikawalong Aytem: Sa Kanila Lamang Nila Pinasusunod ang Iba, Hindi sa Katotohanan o sa Diyos (Ikalawang Bahagi)). “Kapag kumikilos si Satanas, hindi nito pinahihintulutan na makialam ang sinuman, nais nitong magkaroon ng huling salita sa lahat ng ginagawa nito at kontrolin ang lahat ng bagay, at walang sinumang maaaring mangasiwa o magtanong ng anuman. Kung makialam o pumagitna ang sinuman, lalo namang hindi ito mapahihintulutan. Ganito kumilos ang isang anticristo; kahit ano pa ang ginagawa niya, walang sinumang pwedeng magtanong ng anuman, at kahit paano pa siya kumilos sa likod ng mga eksena, walang pwedeng makialam. Ganito ang pag-uugali ng isang anticristo. Ganito siya kumilos dahil mayroon siyang lubhang mapagmataas na disposisyon at walang-wala siyang katinuan. Ganap siyang hindi sumusunod, at hindi niya pinahihintulutan ang sinuman na pangasiwaan siya o inspeksyunin ang kanyang gawain. Tunay ngang mga kilos ito ng isang demonyo, na ibang-iba sa mga kilos ng normal na tao. Sinumang gumagawa ng gawain ay nangangailangan ng kooperasyon ng iba, kailangan niya ng tulong, mga mungkahi, at kooperasyon ng ibang tao, at kahit pa may isang taong nangangasiwa o nagmamasid, hindi ito isang masamang bagay, kinakailangan ito. Kung may mangyari mang mga pagkakamali sa isang lokasyon, at natukoy ang mga ito ng mga taong nagmamasid at inayos ang mga ito kaagad, hindi ba’t malaking tulong ito? Kaya naman, kapag gumagawa ng mga bagay-bagay ang matatalinong tao, gusto nilang pinangangasiwaan, inoobserbahan, at tinatanong sila ng ibang tao. Kung sakali mang may mangyari ngang pagkakamali, at nagawa itong ipaalam ng mga taong ito, at maitutuwid kaagad ang pagkakamali, hindi ba ito isang di-inaasahang pakinabang? Walang sinuman sa mundong ito ang hindi nangangailangan ng tulong ng iba. Ang mga taong may autism o depresyon lamang ang mga gustong mapag-isa. Kapag ang mga tao ay may autism o depresyon, hindi na sila normal. Hindi na nila kayang kontrolin ang kanilang sarili. Kung normal ang isip at katinuan ng mga tao, at ayaw lang nilang makipag-ugnayan sa iba, kung ayaw nilang malaman ng iba ang tungkol sa anumang ginagawa nila, kung gusto nilang gawin ito nang palihim, nang patago, nang pribado, gumagawa sa likod ng mga eksena, at hindi nakikinig sa anumang sinasabi ng iba, ang gayong mga tao ay mga anticristo, hindi ba? Ganito ang isang anticristo(Ang Salita, Vol. III. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikawalong Aytem: Sa Kanila Lamang Nila Pinasusunod ang Iba, Hindi sa Katotohanan o sa Diyos (Ikalawang Bahagi)). Pakiramdam ko ay paghatol ng Diyos para sa akin ang mga salitang ito. Napagtanto ko na kumikilos ako tulad ng inihayag ng Diyos. Napakahirap para sa akin na tanggapin ang payo at pangangasiwa ng iba sa aking tungkulin. Kahit kapag nagkakaroon ako ng mga paghihirap, hinding-hindi ko inilalantad ang mga ito o ipinaaalam sa iba, dahil pakiramdam ko, yamang ibinigay sa akin ang trabahong ito, ako ang responsable, nasa akin ang huling pasya, at pwede ko itong gawin sa sarili kong paraan. Pakiramdam ko ay alam ko kung paano gawin ang tungkulin ko, at hindi ko kailangan ng tagapangasiwa, ni hindi ko kailangan ng isang taong magbabantay o magpapayo sa akin. Itinuring ko ang payo ng iba na paghusga sa mga kakulangan ko o pagkuwestyon sa mga kakayahan ko, kaya ayoko iyong marinig. Ngayon ay nakita ko nang ito ay pagmamataas at kahangalan. Hindi ito ang katwiran na dapat taglayin ng normal na pagkatao. Hinikayat ako ng aking mapagmataas na kalikasan na huwag sumunod kaninuman, at huwag na huwag tumanggap ng pangangasiwa at payo ng iba. Palagi kong gustong magkaroon ng huling pasya at magdilig ng mga baguhan alinsunod sa sarili kong kalooban. Dati, nangungumusta lang ako ng mga baguhan sa sarili kong paraan, na pagpapadala lang ng mga mensahe at madalang na pakikipag-usap sa mga baguhan. Kapag ilang araw nang hindi sumasagot sa akin ang mga baguhan, isinasantabi ko sila, at patuloy na nakikipagtipon sa mga baguhan na gustong makipag-usap sa akin, at bilang resulta, hindi nadidiligan sa oras ang ilang baguhan. Napakarupok ng mga baguhan, at pwede silang umatras at tumigil sa pananampalataya anumang oras, at ang iba nga ay umaalis pa sa grupo ng pagtitipon. Hindi ba’t katulad ng sa isang anticristo ang mga kilos ko? Ayaw ng mga anticristo na pangasiwaan sila ng iba at hinding-hindi sila tumatanggap ng payo ng iba. Gusto nila na sila lang ang kumokontrol sa lahat ng bagay, na gawin ang mga bagay-bagay sa sarili nilang paraan o alinsunod sa sarili nilang mga opinyon, wala silang sinumang sinusunod, at hindi sila nakikipagtulungan sa iba para magawa nang mabuti ang mga gawain nila. Nakita ko na tinatahak ko ang landas ng anticristo, at natakot ako. Kung magpapatuloy ako nang ganito, kapopootan ako ng Diyos. Walang kabuluhan ang mga buhay ng mga kinapopootan ng Diyos at mga kaaway sila sa mga mata ng Diyos. Natutuhan ko rin mula sa salita ng Diyos na ang lahat ay may sari-sariling mga pagkukulang at kapintasan, kaya kailangan natin ng payo at tulong ng iba. Kailangan nating makipagtulungan sa mga tao para magampanan nang mabuti ang ating mga tungkulin. Tinutulungan ako ng tagapangasiwa sa pamamagitan ng pangungumusta sa gawain ko at pagbibigay sa akin ng mga mungkahi. Nakita ko rin na kapaki-pakinabang iyon nang isagawa ko iyon, pero ayoko iyong tanggapin, at sa ganitong paraan ay napinsala ko ang gawain ng iglesia. Isa itong napakaseryosong bagay.

Pagkatapos niyon, nabasa ko ang ilan sa mga salita ng Diyos. “Kapag may sinumang gumugugol ng kaunting oras para subaybayan o obserbahan ka, o tinatanong ka ng malalalim na tanong, sumusubok na kausapin ka nang masinsinan at tuklasin kung ano ang naging kalagayan mo sa panahong ito, at kapag medyo mabagsik pa kung minsan ang kanilang pag-uugali, at iwinawasto at tinatabasan ka nila nang kaunti, at dinidisiplina, at pinagsasabihan, lahat ng ito ay dahil tapat at responsable sila sa gawain ng sambahayan ng Diyos. Hindi ka dapat magkaroon ng mga negatibong saloobin o damdamin tungkol dito. Ano ang ibig sabihin kung kaya mong tanggapin ang pangangasiwa, obserbasyon, at pagtatanong ng iba? Na sa puso mo, tinatanggap mo ang pagsusuri ng Diyos. Kung hindi mo tinatanggap ang pangangasiwa, obserbasyon, at pagtatanong sa iyo ng mga tao—kung ayaw mong tanggapin ang lahat ng ito—nagagawa mo bang tanggapin ang pagsusuri ng Diyos? Ang pagsusuri ng Diyos ay mas detalyado, malalim, at tumpak kaysa sa pagtatanong ng mga tao; ang hinihingi ng Diyos ay mas partikular, mahirap, at malalim kaysa rito. Kaya kung hindi mo matanggap ang pagsubaybay ng mga hinirang ng Diyos, walang kabuluhang mga salita lamang ba ang sinasabi mo na kaya mong tanggapin ang pagsusuri ng Diyos? Para magawa mong tanggapin ang pagsusuri at pagsisiyasat ng Diyos, dapat mo munang magawang tanggapin ang pagsubaybay ng sambahayan ng Diyos, mga lider at manggagawa, at mga kapatid(Ang Salita, Vol. IV. Mga Responsibilidad ng mga Lider at Manggagawa). “Kung may puso kang may takot sa Diyos, likas mong makakayang tanggapin ang pagsusuri ng Diyos, ngunit dapat mo ring matutuhang tanggapin ang pangangasiwa ng mga taong hinirang ng Diyos, na nangangailangan ng pagkakaroon mo ng pagpaparaya at pagtanggap. Kung may makita kang isang taong pinangangasiwaan ka, iniinspeksyon ang trabaho mo, o sinisiyasat ka nang hindi mo alam, at kung magalit ka, ituring ang taong ito na parang kaaway at kamuhian siya, at batikusin pa siya at pakitunguhan siya na gaya ng isang traydor, inaasam-asam na mawala na siya, problema nga ito. Hindi ba’t lubhang napakasama nito? Ano ang ipinagkaiba nito sa isang diyablo? Patas na pagtrato ba ito sa mga tao? Kung tumatahak ka sa tamang landas at kumikilos sa tamang paraan, ano ang dapat mong ikatakot sa mga taong sumisiyasat sa iyo? May kung anong nagkukubli sa iyong puso. Kung alam mo sa iyong puso na may problema ka, dapat mong tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos. Makatwiran ito. Kung alam mong may problema ka, pero hindi mo hinahayaan ang sinuman na pangasiwaan ka, inspeksyunin ang trabaho mo, o siyasatin ang problema mo, lubha kang wala sa katwiran, naghihimagsik at lumalaban ka sa Diyos, at sa kasong ito, mas malala pa ang problema mo. Kung tutukuyin ka ng mga hinirang ng Diyos na isang masamang tao o isang walang pananampalataya, lalo pang magiging problema ang mga kahihinatnan nito. Kung kaya, ang mga kayang tumanggap ng pangangasiwa, pagsusuri, at pagsisiyasat ng iba ang mga pinakamakatwiran sa lahat, may pagpaparaya at normal na pagkatao sila. Kapag nadiskubre mong may mali kang ginagawa o may pagbuhos ka ng tiwaling disposisyon, kung nagagawa mong magtapat at makipag-usap sa mga tao, makakatulong ito sa mga nasa paligid mo para mabantayan ka nila. Talagang kailangang tumanggap ng pangangasiwa, ngunit ang pinakamahalaga ay magdasal sa Diyos at umasa sa Kanya, na isinasailalim ang iyong sarili sa palagiang pagninilay. Lalo na kapag mali ang landas na natahak mo o nakagawa ka ng mali, o kapag kikilos ka na parang diktador at may kinikilingan, at binanggit ito ng isang tao sa malapit at binalaan ka, kailangan mong tanggapin iyon at magmadali kang pagnilayan ang iyong sarili, at aminin ang iyong pagkakamali, at itama iyon. Maaari nitong pigilan ka sa pagtahak sa landas ng mga anticristo. Kung may isang taong tumutulong at nagbababala sa iyo sa ganitong paraan, hindi ka ba iniingatan nang hindi mo alam? Iniingatan ka—iyon ang pag-iingat sa iyo(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Tamang Pagtupad ng Tungkulin ay Nangangailangan ng Nagkakaisang Pakikipagtulungan). Labis na nililinaw ng salita ng Diyos ang kahalagahan at mga pakinabang ng mapangasiwaan ng iba. Dati, hindi ko talaga nauunawaan ang mga pakinabang ng mapangasiwaan, na nagdulot sa akin na lumaban doon sa mga nangasiwa sa akin. Akala ko ay sinusubukan nilang kontrolin ang gawain ko o hinahamak nila ako. Sa isip ko, kung may lalapit sa akin para malaman ang tungkol sa gawain ko, para bang pakiramdam nila ay iresponsable ako at walang kakayahang magtrabaho, at hindi ko magawa nang mabuti ang tungkulin ko, o nang kasingbuti ng iba. Kaya tutol na tutol ako sa pangangasiwa ng iba sa akin. Pero mula sa salita ng Diyos, nalaman ko na mali ang opinyon ko at hindi nakaayon sa katotohanan. May ilan akong pagkukulang sa gawain ko, at kailangan ko ang tulong ng aking mga kapatid para bumuti, pero tumanggi akong tumanggap ng pangangasiwa. Sa ganitong paraan, kahit kailan ba ay maitatama ko ang mga pagkakamali sa aking gawain at magagawa nang mas mabuti ang aking gawain? Napakahalaga para sa mga kapatid ko na magtanong tungkol sa gawain ko, dahil pinapasan nila ang dalahin ng gawain at ginagawa ang tungkulin nila. Hindi ako dapat magkaroon ng saloobin ng pagtahimik at pagtanggi. Dapat akong magtapat at sabihin sa kanila ang mga paghihirap ko at ang aktwal na sitwasyon sa aking gawain. Mas makabubuti iyon sa gawain ng iglesia. Sa pagtanggap ng pangangasiwa, makikita ko ang sarili kong mga kapintasan at mapagninilayan ko kung ginagawa ko ang aking tungkulin alinsunod sa mga prinsipyo. Ngayon, naiintindihan ko na ang kalooban ng Diyos. Ang madalas na pangangasiwa at pangungumusta ng iba sa aking gawain ay makapipigil sa akin na iligaw, sukuan, o pinsalain ang mga baguhan dahil sa sarili kong mga ninanais. Proteksyon talaga ito ng Diyos para sa akin.

Nakabasa ako ng isa pang sipi ng salita ng Diyos, “Palagay niyo ba may taong perpekto? Gaano man kalakas ang mga tao, o gaano man sila kahusay at katalino, hindi pa rin sila perpekto. Dapat itong tanggapin ng mga tao, totoo ito. Iyon din ang saloobin na dapat mayroon ang mga tao sa kanilang sariling mga kagalingan at kalakasan o mga kamalian; ito ang pangangatwirang dapat taglayin ng mga tao. Sa gayong pangangatwiran, maaari mong harapin nang wasto ang iyong sariling mga kalakasan at kahinaan pati na ang sa iba, at ito ang magbibigay sa iyo ng kakayahang makipagtulungan nang maayos sa kanila. Kung naunawaan mo ang aspetong ito ng katotohanan at makakapasok ka sa aspetong ito ng realidad ng katotohanan, makakaya mong makisama nang maayos sa iyong mga kapatid, na humuhugot ng lakas sa magagandang katangian ng isa’t isa upang mapunan ang anumang mga kahinaang mayroon ka. Sa ganitong paraan, anumang tungkulin ang iyong ginagampanan o anuman ang iyong ginagawa, lagi kang magiging mas mahusay roon at pagpapalain ka ng Diyos(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Sa pamamagitan ng salita ng Diyos, naunawaan ko na ang lahat ay may kanya-kanyang mga kalakasan at kahinaan, at walang perpektong tao sa mundong ito. Gaano man katatag ang mga tao, mayroon pa rin silang mga pagkukulang at kailangan nila ng tulong ng iba. Ano man ang tungkuling ginagawa natin sa iglesia, hindi iyon maihihiwalay sa tulong at pakikipagtulungan ng iba. Dahil napakalalim na tayong nagawang tiwali ni Satanas, lagi tayong kumikilos batay sa mga tiwali nating disposisyon, kaya kailangan natin ang mga paalala at pangangasiwa ng ating mga kapatid para maiwasang lumihis sa mga prinsipyo at nang mabawasan ang ating mga pagkakamali. Nang lumapit sa akin ang iba para maunawaan ang mga problema ko sa gawain, dapat ay ginamit ko iyon na pagkakataon para pagbutihin ang sarili ko, at natuto ako sa mga kalakasan nila para makabawi sa mga kahinaan ko. Natulungan sana nito ako at ang gawain ng iglesia. Malinaw kong nakita na hindi ako mas magaling sa kahit kanino, pati na sa sister na nangangasiwa sa gawain ko. Dapat kong tanggapin ang patnubay at payo ng iba, itama ang mga paglihis at pagkakamali ko, at maglakas-loob na ilantad ang sarili kong mga kahinaan at humingi ng tulong sa iba. Ito ang isang tao na may normal na katwiran at pagkatao. Nalalaman ito, sinimulan kong bitiwan ang mga mali kong pananaw. Hindi ko na nararamdaman na kaya kong magdilig ng mga baguhan nang walang pangangasiwa ng iba. Sa halip, pakiramdam ko ay marami akong pagkukulang at na hindi ako perpekto. Pagkatapos niyon, sinimulan kong tanggapin ang payo ng aking sister, at kapag nagtatanong siya o gusto niyang malaman ang tungkol sa anumang aspeto ng kalagayan ng mga baguhan, lantaran ko iyong tinatalakay at detalyadong sinasabi sa kanya. Sa ganito, naging mas epektibo ako sa aking tungkulin.

Isang araw, tinanong ako ng sister ko tungkol sa sitwasyon ng mga baguhan. Sinagot ko ang mga tanong niya nang walang pasubali at nagbigay ako ng mga detalye sa mga dahilan ng hindi regular na pagdalo ng ibang baguhan. Ipinaalala niya sa akin ang ilang mahalagang punto, at isinulat at isinagawa ko ang mga iyon. Nakita ko na napakagandang tumanggap ng payo ng iba. Kahit na minsan, kapag ipinaaalam niya sa akin ang mga pagkukulang ko ay hindi ko iyon agad matanggap, nauunawaan ko na nandito siya para tulungan ako, kaya hindi ako dapat maging negatibo at lumaban. Kailangan kong lumapit sa Diyos para magdasal at maghanap, na kapaki-pakinabang kapwa para sa akin at sa gawain ng iglesia. Ang responsibilidad ko ay magdilig nang mabuti ng mga baguhan para mailatag nila ang mga pundasyon nila sa tunay na daan, at handa akong tanggapin ang pangangasiwa ng iba at gampanan nang mabuti ang tungkulin ko.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Hirap ng Pagbabalatkayo

Ni Mu Chen, TsinaIsang araw noong 2018, inatasan ako ng lider ko na suportahan ang isang bagong tatag na iglesia. Nang matanggap ko ang...