Ang Lunas sa Pagmamataas

Mayo 17, 2018

Zhang Yitao Lalawigan ng Henan

“O Diyos, ang paghatol Mo ay totoo, matuwid at banal. Ang mga salita Mo’y liwanag upang ilantad ang masamang mga kaparaanan ng tao. Minsan akong naniwala nguni’t di ko alam paano Ka pinagdalamhati ng paghihimagsik ko. Nadarama ko’y kahihiyan at pagsisisi, may utang sa’Yo. O... Ngayo’y nauunawaan ko na. Maraming ulit akong lumingon sa landas na aking tinahak. Kung para sa’kin lamang, ako’y mapanlaban. Mauunawaan ko ang katotohanan, maaabot ang higit na dalisay na pagmamahal para sa’Yo. Ako man ay mahirapan, nakahanda ako. O Diyos. Ang paghatol Mo’y pumupukaw sa akin at nakikita ko ang Iyong pagmamahal. Sa pag-alam lamang ng Iyong pagkamakatuwiran natatanto ko ang aking katiwalian. Sa pagbabalik-tanaw, maraming ulit na Ikaw ang aking naging gabay, pinangangalagaan ako, bawat hakbang ng daan! Nakita ko ang ibinayad Mo sa pagliligtas sa akin. Karapat-dapat Ka sa pagmamahal ng buong sangkatauhan. Kay daming ulit, lumingon ako sa landas na aking nilakaran. Kung sa sarili ko lamang, ako’y mapanlaban. Mauunawaan ko ang katotohanan, maaabot ang higit na dalisay na pagmamahal para sa’Yo. Ako man ay mahirapan, nakahanda ako. Ako man ay mahirapan, Panginoon, nakahanda ako. Ako ma’y higit na mahirapan, nakahanda ako. O Diyos. O Diyos. Marami Ka nang sinabi, sadyang nagpakahirap para mailigtas ako. Kung wala ang Iyong paghatol, hindi ako mababago. Sa harap ng ‘Yong pagmamahal, bilang pasasalamat at pagkakautang sa’Yo. Gawain Mo ang nagliligtas at nagpapabago Sa’kin! O, pagsasagawa ng ‘Yong mga salita, nararanasan katotohanan ng mga ito, ang puso ko ay napupuno ng walang-hanggang saya. Alam ko’ng mga salita Mo ay katotohanan at ang Iyong pagmamahal ay totoo. Hinahangad kong mahalin Ka at makilala Ka. Ang pinakamatamis na pagpapala sa buhay! Kay daming ulit, lumingon ako sa landas na aking nilakaran. Kung sa sarili ko lamang, ako’y mapanlaban. Mauunawaan ko ang katotohanan, maaabot ang higit na dalisay na pagmamahal para sa’Yo. Ako man ay mahirapan, nakahanda ako. Ako man ay mahirapan, O Diyos, nakahanda ako. Ako ma’y higit na mahirapan, nakahanda ako. O Diyos” (“O Diyos, Binibigyan Mo Ako ng Kaydakilang Pagmamahal” sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Sa tuwing kinakanta ko ang awiting ito, iniisip ko ang pagliligtas ng Diyos sa akin sa loob ng maraming taon, at puno ako ng pasasalamat sa Kanya. Ang paghatol at pagkastigo ng Diyos ang nagpabago sa akin. Ako, na isang arogante, ambisyosong suwail na anak—ay nagmukhang tao kahit kaunti. Taos-puso akong nagpapasalamat sa pagliligtas ng Diyos sa akin!

Isinilang ako sa kanayunan. Dahil mahirap ang aking pamilya at tapat ang aking mga magulang, madalas silang dinadaya. Magmula noong bata pa ako, minamaliit na ako ng mga tao, at naging karaniwang pangyayari ang pambubugbog at pang-aapi. Lagi ako nitong pinapalungkot hanggang sa umiyak ako. Ibinigay ko ang lahat ng mayroon ako sa aking pag-aaral para hindi na ako mabuhay nang ganoon, para sa hinaharap, maaari akong maging opisyal ng gobyerno, maging isang taong namamahala, at titingalain ako ng lahat. Ngunit nang sandaling natapos ko ang elementarya at naghahanda ako para sa pagsusulit para makapasok ng high school, nagsimula ang Rebolusyong Kultural. Nag-alsa ang mga Pulang Guwardiya, nagwelga ang mga manggagawa, iniwan ng mga mag-aaral ang kanilang mga klase. Araw-araw ay may rebolusyon. Nagkaroon ng kaguluhan, natakot ang mga tao, at ipinagbawal ang pagsusulit para sa pagpasok sa kolehiyo. Kaya, nawalan ako ng oportunidad para mag-eksamen para sa paaralan. Lumong-lumo ako—Terible ang aking naramdaman na para bang nagkasakit ako nang malubha. Nang maglaon, naisip ko: Kahit pa hindi ako makapag-eksamen para sa paaralan o maging opisyal ng gobyerno, magtatrabaho ako nang mabuti para kumita ng pera. Basta’t may pera ako, tataas ang tingin ng mga tao sa akin. Magmula noon, kung saan-saan ako naghahanap ng paraan para kumita ng pera. Dahil mahirap ang aking pamilya, wala akong anumang pondo para magsimula ng negosyo. Sa pamamagitan ng mga kamag-anak at mga kaibigan, nakahiram ako ng 500 yuan para magsimula ng tindahan na nagbebenta ng nilagang baboy. Noong panahong iyon, ang karne ay pitumpung sentimos lang kada libra, ngunit matapos bilhin ang kagamitang kailangan ko, hindi na sapat ang natira sa 500 yuan na iyon. Sa tuwing magkaroon ako ng kaunting kita, dumidiretso ito sa pagpopondo sa negosyo. Sa sandaling nakaipon ako ng konting pera binabayaran ko ang aking utang. Tiniis ko ang maraming paghihirap para magkaroon ako ng mas magandang buhay kaysa sa iba. Mula umaga hanggang gabi, wala akong bakanteng oras. Matapos ang ilang taon ng matiyagang pagtatrabaho, nahasa ang aking mga kakayahan, at lalo pang lumago ang aking negosyo. Agad na naging masagana ang aking pamilya, at maraming tao ang nainggit sa akin.

Noong tagsibol ng 1990, may isang tao sa aming nayon na kumausap sa akin tungkol sa paniniwala kay Jesus. Nakinig ako sa ilang mga sermon para mag-usisa, at nakita ko na noong nagsasalita ang nangangaral na kapatid, maraming tao ang tumingala sa kanya. Sobra akong nainggit noong nakita kong pinapalibutan at hinahangaan siya ng madla. Sinabi ko sa sarili ko: Kung maging katulad ako ng taong ito, hindi lang ako sasambahin ng lahat, ngunit makakamit ko pa ang biyaya ng Panginoon at gagantimpalaan Niya. Napakaganda n’on! Dahil sa mga kaisipang ito, nagsimula akong maniwala sa Panginoong Jesucristo, at sumali ako sa isang bahay iglesia. Matapos iyon, nagsikap ako nang todo para mag-aral ng Biblia, lalo na sa paghahanap ng kaalaman sa Biblia, tumutuon sa pagsasaulo ng ilang mga talata, at napakabilis kong naisaulo ang maraming sikat na kapitulo at bersikulo. Binasa ko ang kapitulo 16, bersikulo 26 ng Ebanghelyo ni Mateo kung saan sinabi ng Panginoong Jesus: “Sapagka’t ano ang pakikinabangin ng tao, kung makamtan niya ang buong sanglibutan at mawawalan siya ng kaniyang buhay? o ano ang ibibigay ng tao na katumbas sa kaniyang buhay?” Pagkatapos ay binasa ko rin ang tungkol sa pagtawag ng Panginoong Jesus kay Pedro, at agad niyang iniwan ang kanyang mga lambat at sumunod kay Cristo. Sinabi ko sa aking sarili: Ayos lang ang pagkakaroon ng sapat na pera para mabuhay; kung mas marami akong kikitain, anong silbi nito kapag ako’y namatay? Kung gusto kong makamit ang papuri ng Panginoon, kailangan kong sundan ang halimbawa ni Pedro. Kaya isinuko ko ang aking negosyo, at inilaan ang lahat ng panahon ko sa pagiging abala sa iglesia. Napakaalab ko ng panahong iyon, at sa pamamagitan ng aking mga kamag-anak at kaibigan, hindi nagtagal naipangaral ko ang ebanghelyo sa 19 na tao, at pagkatapos dumami pa ito at naging 230 tao sa pamamagitan ng 19 na iyon. Pagkatapos, binasa ko ang mga salita ng Panginoong Jesus: “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit(Mateo 7:21). Lalo akong nasiyahan sa aking sarili. Batay sa aking naintindihan mula sa literal na kahulugan ng Kanyang mga salita, naniwala ako na ako’y sumusunod na sa landas ng Panginoon, na nasa daan ako ng pagsunod sa kalooban ng Ama sa langit, at sa susunod na panahon kapag natupad na ang kaharian ng Diyos, ako’y mamumuno bilang hari sa mundo. Sa ilalim ng pangingibabaw ng ganitong uri ng ambisyon, lalo akong naging mas masigasig. Itinakda ko ang aking determinasyon na kailangan ko talagang sundin ang mga salita ni Jesus na “Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili” at “maging matiisin at matiyaga,” gayun din na mamuno sa pamamagitan ng halimbawa, at huwag matakot na magpatuloy sa kabila ng paghihirap. Minsan kapag pumupunta ako sa mga tahanan ng aking mga kapatid, tinutulungan ko silang magbuhat ng tubig, magpaapoy, at gumawa ng trabaho sa bukid. Kapag may sakit sila, pupunta ako para bisitahin sila. Kapag wala silang sapat na pera, tinutulungan ko sila mula sa aking sariling ipon; tumutulong ako sa kung sinuman ang nakakaranas ng paghihirap. Madali kong nakamit ang papuri ng lahat ng aking mga kapatid gayun din ang tiwala ng mga nakatataas na lider sa iglesia. Matapos ang isang taon, ako’y naging lider ng iglesia, para pastulan ang 30 iglesia. Pinangangasiwaan ko ang mga nasa 400 mananampalataya. Sa sandaling nakuha ko ang posisyong ito, gumanda ang aking pakiramdam. Pakiramdam ko’y nagbunga na sa wakas ang lahat ng aking hirap at pagsusumikap, ngunit sa parehong panahon, bumuo ako ng mas matayog na layunin sa aking puso: para magtamo ng mas mataas na posisyon, para makuha ang papuri at pagsamba ng mas marami pang tao. Sa pamamagitan ng isa pang taon ng pagsusumikap, ako’y naging isang lider na may mataas-na-antas sa iglesia, pinamumunuan ang mga katrabaho sa limang county, pinapastulan ang 420 iglesia. Pagkatapos nito mas natakot akong maging tamad, kaya mas lalo kong pinagtuunan ang aking magandang asal sa panlabas, at sa pagtatatag ng aking imahe sa aking mga katrabaho at mga kapatid. Para sa pagsang-ayon ng aking mga katrabaho at para tingalain ako ng aking mga kapatid, sumalungat ako sa mga mamahaling pagkain sa iglesia, at ipinagbawal ko ang lahat ng ugnayan sa pagitan ng magkaibang kasarian at hindi magagandang gawi. Ang aking “pagkamatuwid at diwa ng hustisya” ay nakakuha ng suporta at pagsang-ayon mula sa aking mga katrabaho at iba pang kapatid. Ang aking aroganteng pagkatao ay lumobo rin at lalong hindi nakontrol. Dagdag pa rito, kabisadong-kabisado ko ang ilan sa mga mas karaniwang talata sa Biblia, at kapag nakikipagpulong at nangangaral sa ilan sa mga lider na may mas mababang-antas sa iglesia at mga katrabaho, kaya kong bigkasin ang mga talata nang hindi tumitingin sa aking Biblia batay lang sa numero ng kapitulo at bersikulo. Talagang hinangaan ako ng aking mga kapatid, kaya nasa akin lagi ang huling desisyon sa iglesia. Nakinig ang lahat sa akin. Palagi kong iniisip na tama ang sinabi ko, na mayroon akong nakakaangat na pang-unawa. Kahit pa ito’y sa pamamahala ng iglesia, pagkakahati ng mga iglesia, o pagtataas ng ranggo ng mga lider sa iglesia at mga katrabaho, hindi ko kailanman tinalakay ang mga bagay sa iba. Laging itinuturing na mahalaga ang aking sinabi; para talaga akong hari. Sa panahong iyon, partikular akong nasisiyahang tumatayo sa pulpito, nagsasalita nang mahusay at walang katapusan, at kapag nakatitig na ang lahat sa akin nang may paghanga, nakakagayuma sa akin ang pakiramdam na nasa tuktok ka ng mundo at nagpapalimot sa akin ng tungkol sa lahat ng bagay. Partikular na naramdaman ko ito nang aking binasa ang kapitulo 3, bersikulo 34 ng Ebanghelyo ni Juan: “Sapagka’t ang sinugo ng Dios ay nagsasalita ng mga salita ng Dios: sapagka’t hindi niya ibinibigay ang Espiritu sa pamamagitan ng sukat.” Talagang nasiyahan ako dito, at tahasan kong pinaniwalaan na ako’y ipinadala ng Diyos, na ibinahagi sa akin ng Diyos ang Banal na Espiritu at ang kalooban ng Diyos ay ipinahayag sa pamamagitan ko. Naniwala ako na dahil kaya kong bigyang kahulugan ang banal na kasulatan, kaya kong maintindihan ang mga “misteryo” na hindi kaya ng iba, na kaya kong makita ang mga kahulugan na hindi kaya ng iba. Pinahalagahan ko lang ang tungkol sa paglublob ng aking sarili sa kasiyahang dala ng aking posisyon, at lubusan kong nakalimutan na isa lamang akong nilikha, na sisidlan lamang ako ng biyaya ng Panginoon.

Habang patuloy na lumalago ang iglesia, lumaki rin ang aking reputasyon, at saan man ako magpunta, hinahabol ako ng pulis dahil sa pakikibahagi sa mga hindi pinahihintulutang relihiyosong aktibidad. Dahil dito sa pang-uusig mula sa gobyerno, hindi ako nangahas na umuwi. Maaari akong sandaling magtago, ngunit hindi habang buhay, at minsa’y nahuli ako ng pulis nang bumalik ako para kumuha ng ilang damit. Hinatulan ako ng tatlong taon para turuang muli sa pamamagitan ng pagtatrabaho. Sa loob ng tatlong taong iyon, sumailalim ako sa lahat ng uri ng malupit na pang-uusig at pagpapahirap. Talagang ang mga araw ay parang mga taon, at para bang may isang patong ng balat na tinuklap mula ulo hanggang paa. Ngunit pagkalabas ko, ipinagpatuloy ko pa ring ipinangaral ang ebanghelyo nang may lubos na kumpiyansa, tulad ng dati, at ibinalik din ako sa aking dating posisyon. Matapos ang anim na buwan, muli akong ikinulong ng lokal na gobyerno at hinatulan akong muli ng tatlong taon para turuang muli sa pamamagitan ng pagtatrabaho. Matapos akong pahirapan sa lahat ng posibleng paraan, inilagay nila ako sa kulungan nang 70 araw pa. Matapos iyon, inilagay ako sa isang kampo ng pagtatrabaho kung saan nagbubuhat ako ng mga ladrilyo. Ikapitong lunar na buwan noon at maalinsangan ang panahon. Ang temperatura sa patuyuan ay nasa 70 degri sentigrado at kinailangan kong gumawa ng higit sa 10,000 ladrilyo araw-araw. Ang aking kagutuman kasama ang nakaraang malupit na pagpapahirap ay nagpahina nang todo sa aking katawan. Hindi kinaya ng katawan ko ang ganoong uri ng pagtatrabaho sa init, ngunit walang pakialam sa alinman sa mga iyon ang mga malulupit na bantay. Noong hindi ko makumpleto ang aking mga gawain, pinosasan nila ang aking mga kamay sa likod, pinaluhod ako, at inilagay ang mga bote sa aking mga kili-kili at sa likod ng aking mga tuhod. Pagkatapos ay binugbog nila ako gamit ang mga pamalong pangkuryente hanggang sa bumaon ang mga posas sa aking laman. Hindi mailarawan ang sakit na ito. Dahil sa pagsailalim sa ganitong uri ng malupit na pagpapahirap, pitong araw lang ng pagtatrabaho ang nakumpleto ko nang ako’y himatayin sa loob ng patuyuan. Hindi ako nasagip hanggang sa lumipas ang 52 oras, ngunit muntik na akong maging gulay. Bukod sa may malay at nakakakita at nakakarinig, hindi ako makagawa ng anumang bagay. Hindi ako makakain, makapagsalita, makapaglakad, o kahit gumamit man lang ng palikuran. Matapos akong wasakin ng Partido Komunista sa ganitong paraan, ang aroganteng kalikasan ko ay nagapi nang husto. Ang enerhiya ng kapangyarihan at pagkaarogante na taglay ko sa iglesia ay naglaho na. Naging masama at negatibo ako; namuhay ako sa gitna ng walang hangganang pagdurusa at kahinaan. Kalaunan, nakaisip ng baluktot na ideya ang mga tao sa kulungan at nakahanap ng doktor na gagawa ng mga palsipikadong rekord na nagsasabi na mayroon akong “henetikong karamdaman.” Tinawagan nila ang aking asawa at pinasundo ako at dinala ako sa bahay. Para maipagamot ang aking kondisyon, ibinenta ang lahat ng bagay sa aming bahay, at nang dumating ang aking mga kamag-anak para makita ako, nanlalait, bastos at nanunuya sila. Nahaharap sa ganitong sitwasyon, nasiraan ako ng loob at pakiramdam ko’y napakasama ng mundo, na walang pagmamahal sa pamilya o pag-ibig sa pagitan ng mga tao, na mayroon lang malupit na pang-uusig at paninirang-puri…. Dahil nahaharap sa pagpapahirap ng masakit na karamdamang ito, wala nang pag-asa sa aking buhay at hindi ko alam kung paano ako makakapagpatuloy.

Habang ako’y palubog sa desperasyon, nag-abot sa akin ng kamay ng kaligtasan ang Makapangyarihang Diyos. Matapos akong makabalik sa bahay nang higit sa isang buwan, dalawang kapatiran ang dumating para mangaral sa akin ng ebanghelyo ng Diyos ng mga huling araw at Siya’y gumagawa ng bagong yugto ng gawain, ang Kanyang pangalawang pagkakatawang-tao para iligtas ang sangkatauhan. Sa mga panahong iyon, hindi ko ito pinaniwalaan sa anumang paraan, ngunit dahil hindi ako makapagsalita, nakakita ako ng ilang mga talata sa Biblia para ipakita sa kanila. Ganito ko sila pinabulaanan. Marahan silang sumagot sa akin: “Kapatid, kapag naniniwala ka sa Diyos kailangan may puso kang mapagpakumbabang naghahanap. Laging bago ang gawain ng Diyos, lagi itong pasulong, at ang Kanyang karunungan ay hindi mauunawaan ng sangkatauhan, kaya hindi tayo dapat masyadong mamalagi sa nakaraan. Kung kakapit ka sa gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya, makakapasok ka ba sa Kapanahunan ng Kaharian? Bukod pa sa kung ano ang sinabi ng Panginoong Jesus sa Biblia ang lahat ay mayroong sariling kahulugan at konteksto.” Pagkatapos, binuksan nila ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos para basahin ko, at pagkatapos noon, nakakita ng maraming propesiya sa Biblia para basahin ko tungkol sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos at ang pagbabahagi ng aking mga kapatid, naintindihan ko ang kahulugan ng pangalan ng Diyos, ang panloob na katotohanan sa Kanyang tatlong yugto ng gawain, ang Kanyang layunin sa Kanyang pamamahala sa sangkatauhan, ang mga misteryo ng Kanyang pagkakatawang-tao, ang panloob na katotohanan sa Biblia, at marami pa. Ito ang mga bagay na hindi ko kailanman narinig sa aking buhay, at mayroon ding mga misteryo at katotohanan na hindi ko natanggap habang ako ay nagsisikap ng mabuti sa pag-aaral ng Biblia sa loob ng maraming taon. Pinakinggan ko ito nang may pagpapahalaga; ako’y lubos na kumbinsido. Pagkatapos, binigyan ako ng libro ng aking mga kapatid ng mga salita ng Diyos, nagsasabing: “Kapag gumaling ka na, maaari mo nang ipangaral ang ebanghelyo sa iyong mga katrabaho at mga kapatiran.” Lubos na masaya kong tinanggap ang libro ng mga salita ng Diyos. Sa oras na iyon, buong araw lang akong nakahiga at nagbabasa ng mga salita ng Diyos. Nakaramdam ako ng pananabik at kasiyahan na para bang isang isda na nagbabalik sa tubig. Napakasaya ko at nalugod. Hindi nagtagal, bumubuti na ang aking kalusugan. Nakakabangon na ako at bahagyang naglalakad-lakad, at mas nakakapag-isa na ako sa aking buhay. Pagkatapos nito nararanasan ko ang buhay iglesia sa aking tahanan, at may mga pulong ako dalawang beses kada linggo.

Hindi ko naisip na sa hinaharap ng aking buhay iglesia ang aking aroganteng disposisyon ay lubos na mailalantad. Sa pamamagitan ng Kanyang mga salita at iba’t-ibang mga tao, mga usapin at mga bagay, sa pamamagitan ng Kanyang paghatol at pagkastigo, ang Kanyang pagharap sa akin at mga aspeto ng pagpungos sa akin, dahan-dahang inalis ng Diyos ang aking aroganteng, pasaway na puso. Minsan, nagtakda ang iglesia ng isang batang babae na 17 o 18 para makipagkita sa akin. Anak siya ng isang kapatiran mula sa aking orihinal na denominasyon, at bago pa ako maging lider ng iglesia, pumupunta na ako lagi sa kanilang bahay. Iniisip ko: Ano ang mali sa pagsasaayos ng mga lider ng iglesia? Papapuntahin ang isang bata para gabayan ako—maliit ba ang tingin nila sa akin? Sa ilalim ng pangingibabaw ng aking aroganteng kalikasan, sinabi ko nang may pangmamaliit: “Naniwala ako sa Diyos nang mas maraming taon kaysa sa haba ng buhay mo. Kapag pumupunta ako dati sa inyong bahay, mga ilang taon ka lang noon. Makikipaglaro ako sa iyo noon, ngunit ngayon darating ka para gabayan ako….” Namula ang aking nakababatang kapatiran sa aking sinabi, at hindi na siya nangahas na bumalik pa. Nang sumunod na linggo, ibang nakababatang kapatiran ang dumating. Napakabata niya rin at galing sa karatig nayon. Wala akong anumang sinabi, ngunit sa isip ko: Kahit pa dami ng taon o mga kwalipikasyon ng paniniwala sa Diyos, kaalaman sa Biblia, o karanasan sa pamamahala sa iglesia, mas magaling ako sa iyo sa lahat ng aspeto! Sa iyong edad, nakikita ko na naging mananampalataya ka nang hindi hihigit sa tatlo o apat na taon. Naniwala ako nang 21 taon. Paano ka maaaring maging kwalipikado na pumarito’t gabayan ako? … Ngunit sino ang makakaalam na itong nakababatang kapatiran ay sa katunayan isang napakaartikulado—matapat at matalim siyang nakipag-usap. Sa pakikipagkita, agad niyang binuksan ang mga pagbigkas ng Diyos at binasa ng malakas: “Masyadong iniidolo ng ilang tao si Pablo. Gusto nilang lumabas at magbigay ng mga talumpati at gumawa, gusto nilang dumadalo sa mga pagtitipon at mangaral, at gusto nila na pinakikinggan sila ng mga tao, sinasamba sila, at umiikot sa kanila. Gusto nilang magkaroon ng katayuan sa isipan ng iba, at natutuwa sila kapag pinahahalagahan ng iba ang larawang ipinakikita nila. Pag-aralan natin ang kanilang likas na pagkatao mula sa mga pag-uugaling ito: Ano ang kanilang likas na pagkatao? Kung ganito talaga silang kumilos, sapat na iyan upang ipakita na sila ay mayabang at hambog. Ni hindi man lang nila sinasamba ang Diyos; naghahangad sila ng mas mataas na katayuan at nangangarap na magkaroon ng awtoridad sa iba, na ariin sila, at magkaroon ng katayuan sa kanilang isipan. Ito ang klasikong larawan ni Satanas. Ang namumukod na mga aspeto ng kanilang likas na pagkatao ay kayabangan at kahambugan, ayaw nilang sambahin ang Diyos, at nais nilang sambahin sila ng iba. Ang gayong mga pag-uugali ay maaaring magbigay sa iyo ng napakalinaw na pagtingin sa kanilang likas na pagkatao(“Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Tumagos sa aking puso ang mga salita ng Diyos na parang isang espadang may dalawang-talim, na diretsong tumama sa akin. Isa itong nakakahiwang pagbubunyag ng aking mga kasuklam-suklam na intensiyon at pangit na pagganap sa aking mga pagkilos sa paniniwala sa Diyos, gayun din ang tunay na diwa ng aking pagkatao. Hiyang-hiya ako at wala nang ibang gusto kundi mawala na lang. Para naman sa kung ano ang inilantad sa mga salita ng Diyos, kapag naisip ko kung ano ang aking ibinunyag, doon ko lang napagtatanto na ang aking pagkatao ay masyadong arogante at sa diwa ako’y nagiging palaban sa Diyos. Dati, para tumingala ang mga tao sa akin at hangaan ako, para mamuno sa iba, para mapunta sa mas mataas na antas, nagsumikap ako sa pagbabasa ng Biblia at ibinubuhos ang lahat ng bagay sa paglilinang ng aking sarili sa kaalaman sa Biblia. Dahil dito, nagkaroon ako ng posisyon at titulo na pinangarap ko lang gayun din ang suporta ng bawat isa. Nagkaroon ako ng kasiyahan sa paghanga ng iba, at nangaral ako para mapunuan ang aking sariling kayabangan. Sa pamamagitan ng aking sariling pagkontrol sa kapangyarihan, ibinunyag ko ang aking sarili at nagpasikat. Lagi akong masaya na tinatamasa ang pakiramdam ng nasa tuktok ng mundo kapag tumatayo sa pulpito, at tahasan kong ginagamit ang mga talata sa Biblia para sumaksi sa at itaas ang aking sarili. Naniwala ako na ako’y ipinadala ng Diyos. Nakapangingibabaw ang aking pagiging arogante. Nang araw na iyon, minaliit ko iyong nakababatang kapatiran, ginagamit ang aking maraming taon sa pangangaral bilang kapital. Pinaniwalaan ko iyon dahil naniwala ako sa Diyos nang maraming taon at may mas malawak akong kaalaman sa Biblia, mas malawak na karanasan sa pamamahala sa iglesia, mas magaling ako sa lahat. Hindi ko masyadong iniisip ang sinuman, at hinamak ko at nilait yaong dalawang kapatiran. Kapag ako’y nagsalita, nasusugatan ko ang iba, at arogante kong binalewala ang aking diwa ng makatwirang sangkatauhan. Doon ko lang napagtanto na ang aking mga hangarin ay pagtutol sa Diyos at sinalungat Siya. Nakikipagbuno ako sa Diyos para sa posisyon. Ang diwa ng aking pagkatao ay ang klasikong imahe ni Satanas. Nakaharap sa mga salita ng Diyos, hindi ako maaaring hindi makumbinsi. Nagdasal ako sa Diyos, sinasabing: “Oh Diyos, masyado akong arogante. Noong nasa posisyon ako masyado akong mataas at mayabang, at noong wala akong posisyon hindi pa rin ako nakinig kanino man. Ginamit ko ang dati kong katibayan ng kapangyarihan at awtoridad para maghari sa mga tao, para maliitin sila. Napakawalang hiya ko! Ngayon natanggap ko ang Iyong kaligtasan. Handa akong tanggapin ang pagbubunyag at paghatol sa Iyong mga salita.”

Pagkatapos, binuksan muli ni kapatid sa talata ng mga salita ng Diyos para basahin ko. Ang mga ito’y: “Nawala na ng katinuan ng tao ang orihinal nitong gamit, at na ang konsensiya ng tao, gayundin, ay nawalan ng orihinal nitong gamit. Ang taong nasisilayan Ko ay isang hayop sa anyong tao, isa siyang makamandag na ahas, at gaano man niya subukang magmukhang kahabag-habag sa mga mata Ko, hinding-hindi Ko siya kaaawaan, sapagka’t ang tao ay walang pagkaunawa sa pagkakaiba ng itim at puti, sa pagkakaiba ng katotohanan at di-katotohanan. Masyadong namanhid ang katinuan ng tao, nguni’t patuloy siyang naghahangad na magkamit ng mga pagpapala; masyadong walang-dangal ang kanyang pagkatao nguni’t naghahangad pa rin siyang taglayin ang kataas-taasang kapangyarihan ng isang hari. Kanino kaya siya magiging hari sa gayong katinuan? Papaano siya mauupo sa isang trono sa gayong katauhan? Tunay na walang kahihiyan ang tao! Siya ay isang palalong kahabag-habag! Para sa inyong nagnanais magkamit ng mga pagpapala, ipinapayo Kong humanap muna kayo ng salamin at tingnan ang inyong sariling pangit na larawan—taglay mo ba ang mga kinakailangan upang maging hari? Taglay mo ba ang mukha ng isang magtatamo ng mga pagpapala? Wala pa rin kahit katiting na pagbabago sa iyong disposisyon at hindi mo pa naisagawa ang alinman sa katotohanan, nguni’t hinahangad mo pa rin ang isang magandang kinabukasan. Nililinlang mo ang iyong sarili!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos). Matapos pakinggan ang mga salita ng Diyos, hindi ko mapigilang umagos ang mga luha sa aking mukha. Pakiramdam ko na ang bawat pangungusap ng mga salita ng Diyos ay sinunggaban ang aking puso, masidhi kong naramdaman ang Kanyang paghatol, at lalong nakaramdam ako ng hiya. Sunod-sunod na eksena ng aking nakakahiyang paghahangad ng pangingibabaw tulad ng isang hari sa dati kong iglesia ay lumitaw sa aking harapan: Sa aking mga kapatid ako’y mataas at mayabang, inuutus-utusan ko ang mga tao, gusto kong makontrol ang lahat ng bagay, at hindi ko lang hindi dinala ang aking mga kapatid sa harapan ng Diyos at tinulungan silang makilala Siya, ngunit inakay ko sila para ituring ako na para bang napakataas ko, napakadakila…. Habang iniisip ko ang tungkol dito, mas naramdam ko na nasuklam ang Diyos ang aking mga pagkilos, na ako’y nakakasuka, hindi karapat-dapat, at binigo ko ang aking mga kapatid. Sa oras na iyon, hiyang-hiya ako. Nakita ko na ang presyo na aking binayaran para sa aking sariling ambisyosong naisin ay walang halaga. Ang masidhi kong paghahangad ng posisyon at pagtingin ng iba ay hindi makatwiran. Nagmamadali ako araw at gabi; tiniis ko ang mga paghihirap, nagtrabaho nang mabuti, at nakulong. Inusig ako at pinahirapan, at muntik mamatay. Hindi ito nagbigay sa akin ng kaunawaan sa Diyos; sa halip, lumobo nang lumobo ang aking aroganteng pagkatao, nawala nang nawala sa aking paningin ang Diyos hanggang sa punto na delusyonal kong naisip na maaari akong mangibabaw bilang isang hari kapag dumating ang kaharian ng Diyos. Sa parehong panahon, napagtanto ko rin na noong ako’y inusig ng Partido Komunista sa dati kong iglesia, iyon ay ginagamit ng Diyos para mas lalo kong matanggap ang Kanyang gawain sa mga huling araw. Kung hindi, batay sa aking reputasyon at posisyon sa dati kong iglesia, batay sa katunayan na hindi ko pinanatili sa aking paningin ang Diyos at ng aking nakapangingibabaw na aroganteng disposisyon, tiyak na hindi ko magagawang mabilis na bitawan ang aking posisyon at tanggapin ang Makapangyarihang Diyos. Talagang magiging masamang lingkod ako na pinigilan ang pagbabalik ng iba sa Diyos, na sumasalungat sa Diyos at sa dulo ay mararanasan ang Kanyang kaparusahan! Hindi ko mapigilan na pasalamatan ang Diyos mula sa kaibuturan ng aking puso dahil sa Kanyang pagliligtas, at sa Kanyang dakilang pagpapatawad sa akin. Kaya mas lalo akong naging mapagpakumbaba dahil sa kung ano ang ibinunyag sa mga salita ng Diyos, at hindi na ako nangahas na maging masyadong bastos at hindi makatwiran sa aking mga kapatid.

Sa ilalim ng pangangalaga at proteksiyon ng Diyos, dahan-dahang gumaling ang aking karamdaman. Kahit na hindi ako makapagsalita ng malinaw, kaya kong sumakay ng bisikleta at gumawa ng maliliit na trabaho sa pangkalahatang gawain. Gayun pa man, dahil ang aking aroganteng pagkatao ay masyadong nakabaon, nagsaayos muli ang Diyos para sa mga bagong tao at mga bagay para husgahan ako at baguhin ako. Isang araw, inayos ng lider ng iglesia na ako ang umasikaso ng tungkulin ng pagiging punong–abala. Pagkatapos marinig ito, naramdaman ko na hindi ko talaga gusto na gawin ito. Naniwala ako na ang pagkilos bilang isang punong-abala ay pag-aaksaya ng aking mga kakayahan, ngunit hindi rin ako makatanggi, kaya masama sa loob kong sinang-ayunan. Habang ako’y nagiging punong-abala, ang ilan sa mga kapatiran ay nagpupulong sa bahay at inutusan akong bantayan ang pinto para bantayan ang aming kapaligiran. Napaisip akong muli: Kumikilos lang bilang punong-abala, binabantayan ang pinto—ano ang mahihita ko rito? Inisip ko ang nakaraan. Noong tumayo ako sa likod ng pulpito napakahambog ko, ngunit sa tungkulin ko ngayon wala akong anumang mukha o anumang posisyon. Napakababa ng aking ranggo! Kaya pagkaraan ng ilang panahon, ang aking pagtutol sa loob ay lumaki nang lumaki, pakiramdam ko mas lalo akong sinasaktan at hindi na ako handang tuparin ang tungkulin iyon. Nang dumaan ang lider ng iglesia kalaunan, hindi ko na ito kayang pigilan pa. Sinabi ko: “Kailangan mo akong bigyan ng panibagong tungkulin para tuparin. Lahat kayo ay nangangaral ng ebanghelyo at nangangalaga sa iglesia, ngunit ako’y nasa bahay kumikilos bilang punong-abala at binabantayan ang pinto—ano ang mahihita ko sa hinaharap?” Ngumiti ang kapatid na iyon at sinabi: “Nagkakamali ka. Sa harapan ng Diyos, walang malaki o maliit na tungkulin, walang mas malaki o mas maliit na posisyon. Kahit ano pang tungkulin ang ating ginagampanan, ang bawat isa ay may gawain. Ang iglesia ay isang buong yunit na may iba’t-ibang tungkulin, ngunit iisang katawan ito. Tignan natin ang talata ng mga salita ng Diyos.” Pagkatapos ay binasa niya ang talatang ito sa akin: “Sa kasalukuyang daloy, lahat niyaong mga tunay na nagmamahal sa Diyos ay may pagkakataon na magawa Niyang perpekto. Maging sila man ay bata o matanda, basta’t pinananatili nila sa kanilang puso ang pagsunod sa Diyos at paggalang sa Kanya, sila ay kaya Niyang gawing perpekto. Ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao ayon sa kanilang iba’t ibang mga tungkulin. Basta’t ginugugol mo ang lahat ng iyong kalakasan at nagpapasakop sa gawain ng Diyos, ikaw ay magagawa Niyang perpekto. Sa kasalukuyan wala sa inyong perpekto. Kung minsan nagagampanan ninyo ang isang uri ng tungkulin, at sa ibang pagkakataon nagagampanan ninyo ang dalawa. Hangga’t ginagawa ninyo ang lahat ng inyong makakaya upang gugulin ang inyong sarili para sa Diyos, sa kahuli-hulihan kayo ay mapeperpekto ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Pagganap ng Bawat Isa sa Kanilang Tungkulin). Matapos ang pakikinig sa mga salitang ito ng Diyos at ang pagbabahagi ng kapatid, ang puso ko’y kumalma at lumiwanag. Naisip ko: Lumalabas na ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao batay sa bawat kaibahan ng tungkulin ng indibidwal. Hindi Niya tinitignan kung ang mga tao ay may posisyon o wala o kung anong tungkulin ang kanilang ginagampanan; ang ginagawang perpekto ng Diyos ay ang mga puso ng tao at ang kanilang pagsunod. Ang tinitignan Niya ay kung sa huli ba ay magkakaroon sila ng pagbabago sa disposisyon. Kahit ano pang tungkulin ang kanilang ginagampanan, basta’t ibinibigay nila ang lahat at lubos na tapat, at kapag itinapon nila ang kanilang sariling tiwaling disposisyon habang ginagampanan ang kanilang tungkulin, maaari silang gawing perpekto ng Diyos. Kahit na ang mga tao ay nagsasagawa ng iba’t-ibang mga tungkulin sa iglesia, ang layunin lagi ay mapasaya ang Diyos. Ginagampanan nila ang lahat ng tungkulin ng isang nilikha. Kung kayang humarap ng mga tao sa Diyos at gampanan ang kanilang tungkulin nang walang personal na mga intensiyon o mga karumihan, kahit pa maliitin ng iba ang tungkulin na kanilang ginagawa at isipin na hindi ito masyadong mahalaga, sa mga mata ng Diyos ito’y itinatangi at pinapahalagahan. Kung ginagampanan ng mga tao ang kanilang tungkulin para mapunan ang kanilang mga sariling intensiyon at naisin, kahit gaano pa kadakila ang kanilang gawain at kung anong tungkulin ang kanilang ginagampanan, hindi nito mapapalugod ang Diyos. Pagkatapos, nakita ko ang mga salitang ito mula sa Diyos: “Ngunit napagpala man sila o naisumpa, dapat tuparin ng mga nilalang ang kanilang tungkulin, gawin ang dapat nilang gawin, at gawin ang kaya niyang gawin; ito ang pinakamaliit na bagay na dapat gawin ng isang tao, isang taong naghahanap sa Diyos. Hindi mo dapat gawin ang iyong tungkulin para lamang mapagpala, at hindi ka dapat tumangging kumilos dahil sa takot na maisumpa(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Diyos na Nagkatawang-tao at ng Tungkulin ng Tao). Naintindihan ko na mula sa mga salitang ito ng Diyos na bilang isang nilikha, ang pagsamba sa Diyos ay tama at wasto. Hindi ako dapat magkaroon ng sarili kong kagustuhan, at talagang hindi ko dapat talakayin ang mga kondisyon o magsagawa ng mga transaksiyon sa Diyos. Kung ang paniniwala ko sa Diyos at ang pagtupad sa aking mga tungkulin ay para makuha ang mga pagpapala o korona, itong uri ng paniniwala ay hindi sa mabuting konsensiya at katwiran. Galing ito sa maling pananaw. Nag-aatubili akong gawin ang “maliliit na bagay” at para magampanan ang “maliliit na tungkulin”—hindi ba’t iyon ay pagpapasakop pa rin sa dominasyon ng mga arogante ambisyon para maghangad ng mga pagpapala at para tingalain ng iba? Sa aking isipan, naniwala ako na sa pamamagitan ng posisyon at awtoridad, kaya kong magtrabaho bilang isang lider, na habang mas lalo akong nagsumikap, mas magiging masaya ang Diyos, at mas lalo akong makakatanggap ng papuri ng Diyos at Kanyang gagantimpalaan. Kaya hindi ko pa rin binibitawan ang posisyon, at lagi pa rin akong naghahangad na gumawa ng malaking gawain at gumawa ng malalaking tungkulin para sa huli makakatanggap ako ng malaking korona. Mali rin ang pagkakaintindi ko sa kalooban ng Diyos at hindi ako nasiyahan sa tungkulin na itinalaga ng iglesia. Nagreklamo ako tungkol dito at naniwala pa na ang pagtupad sa tungkulin ng isang punong-abala ay pag-aaksaya sa aking mga kakayahan, na isa itong paraan ng pagmamaliit sa akin. Napakaarogante at ignorante ko! Sa ilalim ng paghatol ng mga salita ng Diyos, nahiya akong muli. At dahil din sa pagliliwanag na mula sa mga salita ng Diyos, naintindihan ko ang Kanyang kalooban. Alam ko kung anong uri ng tao ang gusto ng Diyos, anong uri ng tao ang Kanyang ginagawang perpekto, at kung anong uri ng tao Siya nasusuklam. Nakakuha ako ng puso ng pagsunod para sa Diyos. Pagkatapos, itinakda ko ang aking kalooban sa harapan ng Diyos at handang maging pinakamaliit, pinakamapagpakumbabang tao sa iglesia, para matupad ang aking tungkulin bilang isang punong-abala, para bantayan ang aming kapaligiran, para hayaan ang aking mga kapatid na tahimik na magkita-kita sa aking bahay nang hindi nagagambala. Sa ganitong paraan ko pagagaanin ang puso ng Diyos.

Sa karanasang ito, napagtanto ko kung gaano kadakila ang mga salita ng Diyos, na ipinahayag Niya ang katotohanan at ang lahat ng Kanyang kalooban para iligtas ang sangkatauhan. Kailangan lang nating masusing basahin ang Kanyang mga salita para maintindihan ang katotohanan sa lahat ng mga bagay, para maintindihan ang Kanyang kalooban, para maresolba ang ating sariling mga paniwala at palagay. Mula noon, mas nauhaw pa ako sa Kanyang mga salita, nagsimula akong bumangon ng alas kuwatro o alas singko tuwing umaga para magbasa ng Kanyang mga salita. Matapos ang ilang panahon, naaalala ko ang ilan sa Kanyang mga salita, naintindihan ko na ang Kanyang kalooban, at tunay na tinamasa ko ito sa aking puso. Nang maglaon, may kapatiran na responsible para sa gawain ng ebanghelyo na laging tumutuloy sa aking tahanan. Ilang beses kapag siya’y nangangaral ng ebanghelyo at nagkatagpo ng mga problema, hiniling niya sa akin na hanapin ang mga salita ng Diyos para malutas ang mga ito. Nakita niya na madali ko itong makita, at pagkatapos, basta’t magkaroon siya ng mga problema, magpapatulong siya sa akin na hanapin ang ilang mga salita mula sa Diyos. Hinangaan niya ako talaga. Hindi sinasadya, ang aking aroganteng kalikasan ay muli nanamang nag-umpisa. Sinabi ko sa sarili ko: Sa kabila ng katunayan na responsable ka sa pangangaral ng ebanghelyo, kailangan pa kitang tulungan para malutas ang ilang mga isyu. Hindi mo nabasa ang salita ng Diyos tulad ng aking ginawa, at hindi mo naiintindihan nang lubos tulad ng pagkakaintindi ko nito. Nakuha ko na ang katotohanan. Kung ako ang nakatalaga sa pangangaral ng ebanghelyo, tiyak na mas magiging magaling ako dito kaysa sa iyo. Kaya sa aking puso sinimulan kong maliitin ang aking kapatid, at pagkatapos ng maikling panahon sinimulan ko siyang hindi pansinin. Hindi naglaon, dumating sa aking bahay ang lider ng iglesia at tinanong ako: “Kamusta ka nitong mga nakaraan?” Nang puno ng kumpiyansa, sumagot ako: “Ako’y mabuti naman. Nagbabasa ako ng mga salita ng Diyos at nagdadasal araw-araw. Nakita ng kapatid na iyon na aking naiintindihan ang karamihan sa mga salita ng Diyos, kaya lagi siyang nagpapatulong sa akin na maghanap ng mga salita mula sa Diyos para malutas ang mga isyu….” Narinig ng lider ng iglesia ang pagiging arogante sa aking sinabi, at dumampot ng isang libro ng mga salita ng Diyos at sinabi: “Basahin natin ang ilang mga talata ng Kanyang mga salita.” Sinasabi ng Diyos: “Dahil mas mataas ang kanilang katayuan, mas mataas ang kanilang ambisyon; mas nauunawaan nila ang mga doktrina, mas lalong nagiging mapagmataas ang kanilang mga disposisyon. Kung, sa paniniwala sa Diyos, hindi hinahangad ang katotohanan, at sa halip hinahangad ang katayuan, ikaw ay nasa panganib(“Masyadong Maraming Hinihingi ang mga Tao Mula sa Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). “Alinmang aspeto ng katotohanang realidad ang narinig mo, kung pinanghahawakan mo ito, kung isinasagawa mo ang mga salitang ito sa iyong buhay, at ginagamit ang mga ito sa iyong pagsasagawa, tiyak na may pakinabang kang makukuha, at tiyak na magbabago ka. Kung isinisiksik mo lang ang mga salitang ito sa iyong tiyan, at kinakabisado ang mga ito sa iyong ulo, hindi ka kailanman magbabago. … dapat kang maglatag ng magandang pundasyon. Kung, sa pinakasimula pa lamang, naglalatag ka ng pundasyon ng mga titik at mga doktrina, magkakaproblema ka. Para itong pagtatayo ng mga tao ng bahay sa dalampasigan: Manganganib ang bahay na gumuho gaano man kataas mo ito itayo, at hindi magtatagal(“Ang Pinakasaligang Pagsasagawa ng Pagiging Isang Taong Tapat” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Matapos marinig itong mga salita ng Diyos, hiyang-hiya ako. Napagtanto ko na lumalabas muli ang aking sariling aroganteng kalikasan. Sa aking paniniwala dati kay Jesus, tumuon ako sa pagkuha ng malalim na kaalaman at pagkakaintindi sa mga teorya sa Biblia, at ginamit ko iyon bilang batayan sa pagiging mataas at mayabang, para mas lalo pang maging arogante. Mapalad ako ngayon dahil ako’y nakakabasa ng napakaraming katotohanan sa mga salita ng Diyos, ngunit bumalik ako sa dati kong landas at nagtitiwala sa aking sariling talino. Nakabisado ko ang ilang mga pangungusap mula sa Kanyang mga salita at naniwala na nakuha ko na ang katotohanan; minsan nanaman ako’y naging arogante at hindi nakikinig sa kahit sinuman. Nakipagtagisan ako sa iba para sa posisyon at nakipagkumpitensiya sa kanila. Talagang sobrang nakakahiya ito! Ang pag-unawa sa mga teorya sa mga salita ay maaari lang gawing arogante ang mga tao, ngunit yaong mga nakakaalam lang ng katotohanan ng mga salita ng Diyos ang makakapagbago lang ng kanilang disposisyon at makakapamuhay bilang isang tao. Ang kapatid na iyon ay naniwala sa Diyos nang mas matagal kaysa sa akin at mas nakaintindi siya kaysa sa akin, ngunit nakaya niyang humingi ng tulong sa akin nang may kababaang-loob. Talagang kalakasan niya ito, at galing ito sa kanyang karanasan sa gawain at salita ng Diyos. Hindi lang ako hindi natuto sa kanya at tumuon sa pagsasagawa ng salita ng Diyos sa aking buhay, at mamuhay nang tama ang pagkatao, ngunit minaliit ko siya at hindi siya pinansin. Talagang ako’y naging arogante, bulag, at ignorante! Napakasakit ng aking nararamdaman ng mga panahong iyon. Pakiramdam ko na itong aking aroganteng kalikasan ay talagang nakakahiya at masama. Masyado itong kasuklam-suklam! At ang ganitong uri ng pagiging arogante hanggang sa punto na kulang sa lahat ng dahilan ay napakadaling makasakit sa disposisyon ng Diyos at nag-uudyok ng Kanyang poot. Nang hindi binabago ang aking sarili, nang hindi tunay na hinahangad ang katotohanan, maaari ko lang sirain ang aking sarili. Nang napagtanto ko ang lahat ng ito, tunay kong naramdaman na ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos ay ang Kanyang pagmamahal at pagliligtas para sa akin. Nagdulot ito ng pagkapoot sa aking sariling aroganteng kalikasan, at naintindihan ko iyon sa aking paniniwala sa Diyos, dapat kong lakaran ang tamang landas sa paghahangad ng katotohanan at paghahangad ng pagbabago sa disposisyon.

Nang makalipas iyon, sinimulan kong hanapin sa aking sarili ang ugat ng aking pagiging arogante at kawalan ng rason, kung ano ang gumagabay sa aking pag-iisip, kung ano ang madalas na nagpapalantad sa aking malasatanas na kalikasan ng pagiging arogante. Isang araw, nakita ko ang mga salitang ito mula sa Diyos: “Lahat ng ginagawa ni Satanas ay para sa sarili nito. Nais nitong higitan ang Diyos, makalaya sa Kanya, at maging makapangyarihan, at angkinin ang lahat ng nilikha ng Diyos. Samakatuwid, ang likas na katangian ng tao ay likas na katangian ni Satanas. … Nagtataglay ang satanikong kalikasan ng tao ng ganito kadaming pilosopiya. Kung minsan ikaw mismo ay hindi ito namamalayan at hindi ito nauunawaan, subalit bawat sandali ng iyong buhay ay batay rito. Bukod pa riyan, iniisip mo na ang pilosopiyang ito ay lubhang tama at makatwiran, at hindi talaga mali. Sapat na ito para ipakita na naging kalikasan na ng mga tao ang pilosopiya ni Satanas, at lubos na naaayon ang pamumuhay nila dito, at hindi naghihimagsik laban dito ni katiting. Samakatuwid, palagi silang nagpapakita ng kanilang satanikong kalikasan, at sa lahat ng aspeto, palagi silang nabubuhay ayon sa pilosopiya ni Satanas. Ang kalikasan ni Satanas ay buhay ng sangkatauhan(“Paano Lakaran Ang Landas ni Pedro” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Habang iniisip nang mabuti itong mga salita ng Diyos, lalong lumiwanag ang aking puso. Naisip ko: Lumalabas na matapos tiniwali ni Satanas ang sangkatauhan, ang ating kalikasan ay naging kasing arogante, kasing gulo, at walang pagsasamba sa Diyos tulad mismo ni Satanas, at hinahabol natin ang iba na iniisip na mataas tayo at sinasamba ang ating mga sarili na tila tayo ay Diyos. Sa pamamagitan ng impluwensiya ng lipunan at mga kilalang salita mula sa mga sikat na tao, nakintal ni Satanas ang kaisipan nito, ang pilosopiya nito sa buhay at ang mga batas nito para mabuhay papasok sa puso ng tao, nagiging isang bagay na inaasahan ng mga tao sa kanilang mga buhay; nag-ugat na ang mga ito sa loob ng sangkatauhan at mahirap nang tanggalin. Ang mga pilosopiyang ito at mga batas ay mga lason lahat ni Satanas na gumagabay sa kaisipan ng sangkatauhan, namamayani sa kanilang mga pagkilos, at nagdudulot sa kanila na lalong maging arogante at hindi makatwiran. Nanalamin ako sa katunayan na simula ng bata pa ako, ako’y inapi at itinuring nang hindi patas at sinimulan kong kainggitan iyong may mga kapangyarihan at posisyon. At saka, ang mga malasatanas na batas para mabuhay ang “Mga taong nagpupumilit na umangat, ngunit umaagos ang tubig pababa,” “mangingibabaw ako sa lupa gayun din sa langit,” “nakakaangat sa iba,” at “karangalan ng pamilya” ay matibay na itinanim sa aking puso mula pagkabata, na nangingibabaw sa aking buhay. Maging sa mundo o sa iglesia, ginagawa ko ang makakaya ko para hangarin ang posisyon at reputasyon; hinahabol ko na maging mas mataas kaysa iba, para pamunuan ang iba. Nalason ng mga bagay na ito, mas lalo akong naging arogante hanggang sa punto na ako’y naging mapagmataas at kinailangan na laging sa akin ang huling desisyon. Ako’y arogante hanggang sa punto na naniwala ako na ako’y ipinadala ng Diyos, at inakala ko na ako’y mangingibabaw bilang isang hari kasama ng Diyos. Dahil sa mga lasong ito, nakita ko ang aking sarili na napakataas; nakita ko ang aking sarili bilang napakadakila. Lagi kong inilalagay ang aking mga kwalipikasyon bilang isang beteranong mananampalataya sa pagmumukha ng aking mga kapatid at kinukumpara ang aking mga kalakasan sa mga kahinaan ng ibang tao. Hahamakin ko at mamaliitin ko ang iba. Hindi ko sila kayang ituring nang patas, at wala akong kaunawaan ng diwa at ng katotohanan ng katiwalian ni Satanas sa akin. Ginawa akong napakaarogante ng lason ni Satanas na nawala ko ang aking pagkamakatwiran bilang tao. Tulad ni Satanas, gusto kong sunggaban ang kapangyarihan sa lahat ng bagay. Gusto ko ng isang mataas na posisyon para pagharian ang sangkatauhan. Ang mga lasong ito ni Satanas ay sinaktan ako nang matindi, nang napakalalim, na ako’y namumuhay sa ganap na pagkakahawig kay Satanas, ang demonyo! Nagdasal ako sa Diyos, sinasabing: “Oh Diyos, hindi ko na gustong mamuhay batay sa mga bagay na ito. Terible na akong nagdusa para sa kanila, namumuhay ako sa hindi matiis na kasamaan at nasuklam Ka. Ako’y naging mahigpit mong kalaban para sa mga bagay na ito, at ako’y naging isang demonyo na tumututol sa Iyo. Ako’y namumuhay sa paraan ng isang kaaway. Oh Diyos, handa akong gawin ang abot ng aking makakaya para hangarin ang katotohanan, para maging tamang tao na tunay na may konsensiya at dahilan, para ipamuhay ang paraan ng isang tunay na tao, para paginhawain ang Iyong puso. Oh, Diyos, nagmamakaawa ako na huwag mong kunin ang Iyong paghatol at pagkastigo sa akin, nagmamakaawa ako para sa Iyong gawain na dalisayin ako. Basta’t posible nitong mabago ako, para mapalago ako at hindi maglaon ay maging Iyo, handa akong tanggapin ang mas malala pang paghatol at pagkastigo mula sa Iyo at ang pagtutuwid ng Iyong disiplina.”

Isang araw, binasa ko ang mga salita ng Diyos na sinasabing: “Hindi nagtataglay ang Diyos ng mga sangkap ng pagmamagaling o pagpapahalaga sa sarili, o yaong sa kapalaluan at pagmamataas; hindi Siya nagtataglay ng mga sangkap ng kabuktutan. Nagmumula kay Satanas ang lahat-lahat ng sumusuway sa Diyos; si Satanas ang pinagmumulan ng lahat ng kapangitan at kabuktutan. Ang dahilan ng pagkakaroon ng tao ng mga katangiang kahalintulad ng kay Satanas ay dahil nagawa nang tiwali at nilinang na ni Satanas ang tao. Hindi nagawang tiwali ni Satanas si Cristo, kaya’t ang mga katangian ng Diyos ang tangi Niyang inaangkin, at wala sa mga katangian ni Satanas(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ni Cristo ay ang Pagsunod sa Kalooban ng Ama sa Langit). Muling naantig ang aking puso. Napakatayog at dakila ng Diyos, subalit napakamapagpakumbaba at tago. Hindi Niya kailanman ipinangangalandakan ang Kanyang sarili, at hindi Siya kailanman nagpapalagay ng mataas at mayabang na posisyon sa Kanyang gawain sa kalagitnaan ng sangkatauhan. Lagi Siyang tahimik na gumagawa ng lahat ng gawain na kinakailangan ng tao, hinahayaan ang matinding kahihiyan at sakit nang hindi ito nakikita bilang paghihirap. Bagkos, nagdurusa Siya at nalulungkot sa sangkatauhan na namumuhay sa ilalim ng nasasakupan ni Satanas at papunta sa pilosopiya nito. Ginagawa Niya ang lahat ng maaaring gawin para lang mailigtas ang sangkatauhan mula sa impluwensiya ni Satanas para magkaroon ng buhay ang mga tao, mamuhay nang malaya at walang pagpipigil, at maaaring matanggap ang Kanyang mga pagpapala. Napakadakila ng Diyos, napakabanal, at sa Kanyang buhay walang mga elemento ng pagiging tama ang sarili at importante ang sarili, dahil Mismong si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Napakamakapangyarihan Niya gayun din mapagpakumbaba at kaibig-ibig. Nakikita kung anong mayroon si Cristo at kung sino Siya, pakiramdam ko na ako’y mas arogante at walang-hiya, at nanabik na sundin ang halimbawa ni Cristo, para hangarin ang pamumuhay sa paraan ng tamang tao para mapasaya ang Diyos. Pagkatapos, ang pagsunod sa halimbawa ni Cristo at pamumuhay sa paraan ng tunay na tao ay naging layunin na aking hinangad.

Di naglaon, may oras na kapag nagbabasa ako ng talata ng mga salita ng Diyos at hindi ko ito maintindihan. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nito, ngunit para hindi mapahiya, hindi ako handa na iisang-tabi ang aking sarili at humingi ng pagbabahagi sa aking mga kapatid. Natatakot ako na maliitin nila ako dahil nasanay ako na lutasin ang mga isyu ng ibang tao at hindi kailanman inilabas ang anuman sa aking mga sariling problema para humingi ng tulong sa iba. Pagkatapos, napagtanto ko na ang hindi ko kagustuhang magbukas ng pagbabahagi ay pangingibabaw pa rin ng aking aroganteng kalikasan at ang hindi kagustuhang maliitin ng iba. Nagrebelde ako laban sa laman para humingi ng pagbabahagi sa aking mga kapatid. Hindi ko kailanman naisip na hindi lang nila ako hindi minaliit, ngunit matiyaga pa nilang sinabi sa akin ang kalooban ng Diyos, at napakabilis na naresolba ang aking problema. May isang pagkakataon pa na ang isang kapatid ay nagpadala sa akin ng sulat na kaugnay sa gawain ng iglesia. Dahil sa aking pagiging arogante at nakumpleto ko ang tungkulin batay sa sarili kong mga ideya, hindi ito naipadala sa tamang oras. Nang nakita niya na ito’y magpapatagal sa trabaho, ang kapatid na ito ay nabalisa ng todo. Hinarap niya ako at inilantad ako. Hindi ako kumportable ng mga oras na iyon at nahiya. Ngunit alam ko din na ito ay ang pakikitungo sa aking ng Diyos at mga aspeto ng pagpupungos sa akin. Ito’y ang Diyos na sumusuri kung may pagsunod ako o wala, at kung kaya kong isagawa o hindi ang katotohanan. Nagdasal ako sa Diyos: “Oh Diyos, hinarap ako ngayon ng aking kapatid, hindi maganda ang aking naramdaman. Gusto ko ring tutulan ito dahil dati, lagi akong nasa mas mataas na posisyon at pinapagalitan ang iba, at hindi ako kailanman nagpasakop sa katotohanan. Lagi akong namumuhay sa pagkakawangis ni Satanas. Ngayon, marami akong naranasang gawain ng Diyos at naiintindihan ko na ang isang taong kayang matanggap ang paghaharap at pagpupungos ay ang pinakamakatwiran. Ito ang taong masunurin sa Diyos at may takot sa Diyos. Tanging ang ganitong uri ng tao ang may ganap na integridad at pagkilos ng tao. Handa na ako ngayong ipagkanulo ang aking sariling laman sa pusong nagmamahal sa Diyos. Handa ako para galawin mo ang aking puso, para maperpekto ang aking resolusyon.” Matapos itong dasal, sobrang napayapa ako at huminahon ang aking puso. Nakita ko na mahusay ang ginawa ng Diyos, at sa pamamagitan ng mga tao, mga pangyayari, at mga bagay, tinulungan Niya akong makilala ang aking sarili para makapagbago ako sa lalong madaling panahon. Simula ngayon, mas handa na akong hanapin ang Diyos, para umasa sa Diyos para gampanan ang aking tungkulin nang mahusay hangga’t maaari. Pagkatapos, nag-alala ang aking kapatid na maaaring hindi ako handa na tanggapin ang lahat ng ito, kaya nakipag-usap siya sa akin sa kalooban ng Diyos. Pinag-usapan namin ang aking reyalisasyon tungkol sa aking mga sariling karanasan. Magkasama naming tinawanan ang tungkol dito, at mula sa aking puso nagpasalamat ako para sa pagliligtas ng Diyos, para sa pagbabago Niya sa akin. Sa Diyos ang lahat ng kaluwalhatian!

Kaya, sa bawat panahon ng paghatol at pagkastigo ng Diyos, dahan-dahang nagbago ang aking aroganteng disposisyon. Kaya ko nang maging isang taong mapagpakumbaba, kaya ko nang matiyagang makinig sa iba na magsalita, at kaya ko nang pakinggan ang mungkahi ng iba. Kaya ko nang kunin ang mga opinyon ng aking mga kapatid sa ilang mga isyu, at kaya ko nang makipagtulungan nang maayos sa kanila. Anuman ang dumating, hindi na kailangang manggaling sa akin ang huling desisyon, at hindi na ako sobrang arogante at hindi handang makinig sa iba. Nakakuha na ako sa wakas ng kaunting pagkatao. Simula noon, naramdaman ko na naging mas simpleng tao ako. Namumuhay ako ng napakasimple, napakasaya. Nagpapasalamat ako sa pagliligtas ng Makapangyarihang Diyos sa akin. Kapag wala ang Kanyang pagliligtas, mapait pa rin akong nahihirapan sa gitna ng kadiliman at kasalanan nang hindi kailanman makakatakas sa katiwalian. Kapag wala ang pagliligtas ng Diyos, mas lalo lang magiging arogante ang aking kalikasan, hinahayaan pang sambahin ako ng mga tao gaya ng Diyos, hanggang sa punto na nasasaktan ang disposisyon ng Diyos at nagdurusa sa Kanyang kaparusahan subalit walang kamalay-malay dito. Sa bawat panahon ng paghatol at pagkastigo ng Diyos, nakita ko na napakatotoo ng Kanyang pagmamahal, at lagi Niyang ginagamit ang Kanyang pagmamahal para impluwensiyahan ako, hinihintay ako na baguhin ang aking sarili. Kahit gaano pa ako karebelde, kahit gaano pa ako kahirap pakitunguhan, gaano karaming reklamo at hindi pagkakaunawa mayroon ako sa Diyos, hindi Niya ito ginawang isyu. Masusi Niya pa ring inayos ang bawat uri ng kapaligiran para gisingin ang aking puso, para gisingin ang aking kaluluwa, para iligtas ako mula sa kasawian ni Satanas, para hayaan akong mamuhay sa liwanag ng Diyos, para lumakad sa tunay na landas ng buhay ng tao. Matiyagang naghintay ang Diyos nang higit sa 20 taon at nagbayad ng hindi masukat na kabayaran para sa akin. Nakita ko na ang pagmamahal ng Diyos ay tunay na malawak at walang katapusan! Ngayon, ang paghatol at pagkastigo ng Diyos ay aking naging kayamanan; ang mga ito’y mahahahalagang pinanggagalingan din ng kayamanan mula sa aking mga karanasan at isang bagay na hindi ko kailanman makakalimutan. Ang pagdurusang ito ay may halaga at kahulugan, at ito’y isang bagay na ang kapangyarihang sa lupa, posisyon at kayamanan ay hindi maaaring palitan. Kahit na malayo pa rin ako sa mga hinihiling ng Diyos, ako’y may pagtitiwala sa paghahangad ng pagbabago sa disposisyon, at handa ako na lalong maranasan ng matindi ang mga paghatol at pagkastigo ng Diyos. Naniniwala ako na kayang-kaya Niya akong gawing isang tunay na tao na kayang tumalima sa Kanyang kalooban.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Mga Gapos ng Katiwalian

Ni Wushi, Tsina Marso 2020 nagpunta ako para magsagawa ng halalan sa isang iglesia na pinamamahalaan ko, at si Sister Chen ay nahalal...