Nauuna ang Kayabangan Bago ang Pagbagsak

Hulyo 23, 2020

Ni Xinjie, Tsina

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Pagmamataas ang ugat ng tiwaling disposisyon ng tao. Kapag mas mayabang ang mga tao, mas malamang na lumaban sila sa Diyos. Gaano kaseryoso ang problemang ito? Yaong mayayabang ang disposisyon, itinuturing ang iba na para bang mas mababa sa kanila at hinahamak pa nila ang Diyos. Bagama’t, sa tingin, maaaring mukhang naniniwala sa Diyos ang ilang tao at sinusunod Siya, ni hindi nila Siya itinuturing na Diyos. Pakiramdam nila palagi ay taglay nila ang katotohanan at napakataas ng tingin nila sa kanilang sarili. Ito ang diwa at ugat ng mayabang na disposisyon, at nagmumula ito kay Satanas. Kaya, kailangang malutas ang problema ng kayabangan. Walang kwenta ang pakiramdam na mas magaling ka sa iba. Ang isyu ay napipigilan ng kayabangan ang isang tao na magpasakop sa Diyos, sa Kanyang kapamahalaan, at sa Kanyang mga pagsasaayos; laging nadarama ng ganitong tao na makipagpaligsahan sa Diyos na magkaroon ng kapangyarihan sa iba. Ang ganitong klaseng tao ay walang pagpipitagan sa Diyos ni katiting, ni hindi niya mahal ang Diyos o nagpapasakop sa Kanya” (Pagbabahagi ng Diyos). Ipinaalala sa akin ng pagbabasa ng mga salitang ito ng Diyos ang isang bagay na aking naranasan ilang panahon na ang nakararaan. Noon, mayabang talaga ako at nagmamagaling. Naging lider na ako sa iglesia sa loob ng maraming taon, nakagawa ako ng ilang gawain at nagdusa nang kaunti, at nakalulutas ng ilang praktikal na isyu sa aking tungkulin. Kaya sinamantala ko ang lahat ng ito, at hindi pinansin ang sinuman. Pagkatapos ako ay pinakitunguhan at dinisiplina, at sa pamamagitan ng paghatol at sa mga paghahayag ng mga salita ng Diyos, nakamit ko sa wakas ang kaunting pagkaunawa sa aking mayabang na kalikasan. Nagsisi ako at kinamuhian ang aking sarili. Sinimulan kong pagtuunan ng pansin ang pagsasagawa sa katotohanan, at sumailalim sa ilang pagbabago.

Naging pinuno ako sa isang iglesia noong 2015. Kasama kong gumagawa si Sister Li, at nagsisimula pa lang siyang maglingkod bilang isang lider. Ang mga diakono at mga pinuno ng grupo ay baguhan pa lang sa pananampalataya, kung kaya ang kanilang pagbabahagi sa katotohanan ay medyo mababaw pa. Naisip ko, “Mas matagal na akong mananampalataya kaysa sa sinuman sa inyo, matagal na akong lider. kailangan kong gampanan ang malaking papel dito at ipakita sa lahat ang pagkakaiba na nagagawa ng karanasan.” Kaya, nangunguna ako sa anumang bagay at kapag ang isang kapatid ay mahina o nahihirapan sa kanilang tungkulin, kapag nagkakaroon ng pagkaantala sa gawain ng iglesia, sa anumang maseselang suliranin, o sa mga bagay na hindi malutas ng aking partner at mga kasamahan, nagkukusa akong asikasuhin ang lahat ng ito. Nagsimulang dumami ang gawain ng iglesia pagkatapos ng ilang panahon at bumuti ang kalagayan ng mga kapatid. Mahusay na nilang lahat nagagampanan ang kanilang mga tungkulin. Madalas din nila akong lapitan para magbahagi sa kanilang mga suliranin, at hinihingi ang aking opinyon. Nasisiyahan talaga ako sa aking sarili at hindi ko maiwasang bilangin ang lahat ng gawaing aking ginawa, iniisip na: “Kung hindi dahil sa aking pangunguna, hindi susulong nang husto ang gawain ng iglesia. Kung hindi dahil sa aking pagbabahagi, hindi bubuti nang husto ang kalagayan ng iba. Taglay ko na yata talaga ang realidad ng katotohanan at nakagagawa ako ng praktikal na gawain.” Kinailangang umuwi ni Sister Li upang asikasuhin ang ilang bagay, kaya pinasan kong mag-isa ang gawain ng iglesia. Noong una, naligalig ako nang kaunti at pinanatili ang Diyos sa aking puso sa lahat ng pagkakataon. Pagkatapos ng bawat pagtitipon masusi kong pinag-aaralan kung paano ito nairaos, at kaagad na sinusuportahan ang sinumang pinanghihinaan o nagiging negatibo. Pagkalipas ng ilang panahon, nakita ko na ang lahat ay dumadalo sa pagtitipon at ginagawa ang kanilang tungkulin gaya ng dapat nilang gawin, at ang lahat ng gawain ng iglesia ay naipagpapatuloy nang maayos. Nakahinga ako nang maluwag at hindi maiwasang masiyahan nang husto sa aking sarili. Ramdam ko na napatunayan ko na ang aking sarili sa loob ng maraming taong ito ng paglilingkod bilang isang lider, na napakarami na ng aking nakita at napakaraming suliranin na ang hinarap. Nagkaroon ako ng iba’t ibang uri ng karanasan sa gawain at kaya kong asikasuhin ang mga bagay nang mag-isa. Inakala ko na isa talaga akong haligi ng iglesia. Lalo na sa panahong iyon, kung kailan ako ay bumabangon nang maaga at gumagawa hanggang gabi, nang hindi nagrereklamo tungkol sa pagod o hirap, pakiramdam ko’y karapat-dapat lamang akong purihin. Hindi ko namalayan, nabubuhay pala ako sa kalagayang masyadong nasisiyahan sa sarili at tuwing binabasa ko ang mga salita ng Diyos na humahatol at naglalantad sa sangkatauhan, hindi ko ginagamit ang mga ito sa aking sarili. Kapag hindi maayos ang kalagayan ng mga kapatid, hindi ako nagbabahagi ng katotohanan kasama nila, sa halip tinatanggihan sila at madalas na sinesermunan sila, sinasabing, “Ganito ka na katagal mananampalataya, subalit hindi mo pa rin hinahangad ang katotohanan. Bakit hindi ka nagbago kahit kaunti?” Minsan pagkatapos magbahagi tungkol sa isang bagay, sinasabi ng mga kapatid na hindi pa rin nila alam kung ano ang gagawin. Nang hindi tinatanong kung ano ang dahilan, hihiyain ko lang sila, sinasabing, “Hindi sa hindi ninyo alam, ayaw lang ninyo ito isagawa!” Dama nilang lahat na hinihigpitan ko sila, at hindi na nangahas pa na kausapin ako tungkol sa kanilang mga suliranin.

Inihalal kalaunan si Sister Liu bilang isang lider na makakasama ko sa gawain. Naisip ko na hindi pa siya gaanong matagal sa pananampalataya at baka hindi pa niya nauunawaan ang ilang bagay kahit pagkatapos ng mga talakayan, kaya kailangang ako ang masunod sa halos lahat ng bagay sa iglesia, sa malaki man at sa maliit. May mga pagkakataon na gumagawa ako ng pagpapasya at ipinagagawa ito kay Sister Liu. Minsan, nakatanggap kami ng liham mula sa isang lider na humihiling na magrekomenda kami ng tao para sa isang partikular na tungkulin. Alam ko na may kinalaman ito sa gawain ng tahanan ng Diyos, kaya kailangan naming mag-usap ng aking partner at mga kasamahan, ngunit naisip ko, “Matagal ko nang ginagampanan ang aking tungkulin sa iglesia. Alam ko na ang lahat tungkol sa mga kapatid, kaya ayos lang na ako ang magpasya.” Kaya, nagpasya ako nang hindi man lamang tinatalakay ito kay Sister Liu at pagkatapos ay ipinaaayos sa kanya ang mga bagay. Bagamat magkasama kaming nagsisilbi bilang mga lider, nasasakupan ang turing ko sa kanya. Minsan kapag hindi niya naasikasong mabuti ang isang bagay, nagagalit ako sa kanya. Nabubuhay siya sa pagiging negatibo at dama niyang wala siyang anumang nauunawaan at hindi nagagawa nang maayos ang kanyang tungkulin. Umabot siya sa puntong iyon dahil sinusupil ko siya, subalit hindi pa rin ako nagnilay sa aking sarili. Sa halip, lalo ko pang nadama na taglay ko ang realidad ng katotohanan at may kakayahan ako sa aking gawain, kaya kailangan kong pangasiwaan ang gawain ng iglesia. Lalo akong naging mas mapanupil at mayabang. Kapag nagmumungkahi ang mga kasamahan ko tuwing may talakayan ng gawain, madalas na ni hindi ako nakikinig, at basta na lang sila tatanggihan. Naisip ko, “Ano bang alam ninyo? Hindi ba’t mas may alam ako pagkatapos ng maraming taon ng pagiging lider?” Sa akin palagi ang huling pasya sa lahat ng bagay sa gawain ng iglesia. Ipinahintulot ng Diyos kinalaunan na lumitaw ang ilang sitwasyon upang pakitunguhan ako. Palagi akong nakapagpapabaya sa aking tungkulin. Hindi ako nakasisipot sa mga pakikipagkita sa mga tao, at nagtatalaga ako ng mga taong hindi kaayon ng mga prinsipyo. Ipinakita ng lider ang mga pagkakamali ko sa aking gawain, at pinakitunguhan at tinabasan ako. Kaharap man ito, hindi pa rin ako nagnilay sa aking sarili. Inisip ko na kailangan ko lang na mag-ukol pa lalo ng pansin. Binalaan ako ng isang kasamahan, “Hindi ba dapat kang magnilay kung bakit lumitaw ang mga suliraning ito?” Sinabi ko na may kahalong inis, “Walang sinumang perpekto, at ang lahat ay nagkakamali. Hindi na kailangang pagnilayan ang lahat.” Kinamusta ako ng ilang kapatid kung nasa mabuti akong kalagayan, at sinabi kong ayos lang ako, ngunit ang totoo nag-iisip ako, “Bakit magkakaroon ng problema? Kahit na hindi maayos ang kalagayan ko, kaya kong harapin ito nang mag-isa. Huwag kayong mag-alala. Matagal na akong lider, kaya hindi ko ba higit na nauunawaan ang katotohanan kaysa sa inyo?” Gaano man nila ako balaan, hindi ako nakikinig. Lubos akong nabubuhay sa loob ng aking masamang disposisyon at ang aking espiritu ay dumidilim. Nagsimula na akong maidlip kapag nagbabasa ako ng mga salita ng Diyos at wala akong masabi sa panalangin. Dumami nang dumami ang mga suliraning naglilitawan sa iglesia. Nabulag ako nang husto. Nagkulang ako ng pang-unawa sa napakaraming suliranin at hindi alam kung paano ayusin ang mga ito. Hindi nagtagal, isang survey sa pangkalahatang opinyon ang ginawa sa iglesia, at sinabi ng lahat ng kapatid na talagang mayabang ako at hindi tumatanggap ng katotohanan. Sinabi nila na diktatoryal ako, na pinagagalitan ko ang mga tao at hinihigpitan ang mga ito. Nauwi iyon sa pagkakatanggal ko sa aking posisyon. Sa araw na iyon, ibinahagi sa akin ng lider ang pagsusuri ng lahat. Dama ko na ibinubuhos ng Diyos ang Kanyang matinding galit sa akin sa pamamagitan ng paghahayag at pakikitungo ng mga kapatid sa akin. Para akong isang dagang lansangan na pinandidirihan ng lahat at itinatakwil pa ng Diyos. Hindi ko maunawaan kung paano ako lumubog nang husto. Sa aking pagdurusa, humarap ako sa Diyos na naghahangad: “O Diyos, Palagi kong inisip na ako ay responsable sa aking gawain sa iglesia, na taglay ko ang realidad ng katotohanan. Hindi ko kailanman inisip na magkakaroon ako ng napakaraming suliranin kagaya ngayon. Sa paningin ng iba, ako ay mayabang na tao na hindi tatanggap ng katotohanan. O Diyos, hindi ko alam kung paano ako naging ganito. Mangyaring liwanagan at gabayan Mo ako upang makilala ko ang aking sarili at maunawaan ang Iyong kalooban.”

Binasa ko pagkatapos ang mga salitang ito ng Diyos: “Magiging pinakamabuti para sa inyo na mag-ukol pa ng higit na pagsisikap sa katotohanan ng pagkilala sa sarili. Bakit hindi ka nakakasumpong ng pabor ng Diyos? Bakit ang inyong disposisyon ay kasuklam-suklam sa Kanya? Bakit ang inyong pananalita ay pumupukaw ng Kanyang pagkagalit? Sa sandaling kayo ay nakakapagpakita ng katiting na katapatan, inaawitan ninyo ng papuri ang inyong mga sarili, at humihingi kayo ng gantimpala para sa maliit na ambag; minamaliit ninyo ang iba kapag nakapagpakita kayo ng kaunting pagsunod, at nagiging walang-galang sa Diyos sa pagkakatupad ng di-matukoy na simpleng gawain. … Yaong mga gumaganap ng kanilang tungkulin at yaong mga hindi; yaong mga nangunguna at yaong mga sumusunod; yaong mga nag-aasikaso sa Diyos at yaong mga hindi; yaong mga nag-aabuloy at yaong mga hindi; yaong mga nangangaral at yaong mga tumatanggap ng salita, at iba pa: lahat ng gayong mga tao ay pumupuri sa kanilang mga sarili. Hindi ba ninyo ito nakikitang katawa-tawa? Kayo’y mga naniniwala sa Diyos, gayunpaman kayo ay hindi Niya nakakaayon. Kayo man ay lubos na hindi marapat, nagpipilit pa rin kayo sa pagyayabang. Hindi ba ninyo nararamdamang ang inyong katinuan ay nabawasan hanggang sa punto na wala na kayong kontrol sa sarili?” (“Yaong mga Hindi Kaayon ni Cristo ay Tiyak na mga Kalaban ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Huwag mong isipin na nauunawaan mo ang lahat. Sinasabi Ko sa iyo na ang lahat ng nakita at naranasan mo na ay hindi sapat para maunawaan mo kahit ang ika-sanlibong bahagi ng Aking plano ng pamamahala. Kaya bakit kung kumilos ka ay labis na mapagmataas? Ang kakapiranggot na talento at ang kakaunting kaalaman mo ay hindi sapat para gamitin ni Jesus sa kahit isang segundo lamang ng Kanyang gawain! Gaano ba talaga karami ang karanasan mo? Ang nakita mo na at lahat ng narinig mo na sa buong buhay mo at ang naguni-guni mo na ay mas maliit kaysa sa gawain na ginagawa Ko sa isang saglit! Pinakamahusay na huwag kang mamintas at maghanap ng kamalian. Gaano ka man kamapagmataas, isa ka lamang nilalang na mas maliit pa sa langgam! Ang nakakarga mo sa iyong tiyan ay mas kaunti kaysa sa laman ng tiyan ng isang langgam! Huwag isipin na, dahil nagkamit ka lamang ng ilang karanasan at pagiging nauna sa tungkulin, ay may karapatan ka nang kumumpas nang magaspang at magmayabang. Hindi ba bunga ng mga salitang nabigkas Ko ang iyong karanasan at iyong pagiging nauna sa tungkulin? Naniniwala ka ba na kapalit ang mga iyon ng sarili mong pagsisikap at pagpapagod?” (“Binubuo ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Hinango mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao Ang inihayag ng Diyos ay ang mismong kalagayan ko. Nabalisa ako, at pagkatapos lang niyon ako nagnilay sa aking sarili. Pagkatapos kong tuparin ang aking tungkulin bilang isang lider sa loob ng ilang taon, Inakala ko na dahil sa nasa gayong posisyon ako sa mahaba-habang panahon, mas maraming katotohanan ang nauunawaan ko at mas may kakayahan ako kaysa sa iba, na isa akong haligi ng iglesia, at walang magagawa ang iglesia kung wala ako. Nang magtamo ako ng kaunting tagumpay sa aking tungkulin, inakala ko na nauunawaan ko na ang lahat, na taglay ko ang realidad ng katotohanan, na mas mahusay ako kaysa kaninuman. Inakala ko na ang pagtataglay ng pananampalataya sa mahabang panahon, ang pagkakaroon ng kaunting karanasan ay sapat na upang maging mayabang at mas nakatataas ako kaysa sa ibang tao. Hindi ko pinag-ukulan ng anumang pansin ang mga mungkahi ng mga kapatid, lalong hindi hinangad o tinanggap ang mga ito. Kahit pa noong nagmamalasakit sila sa akin at kinakamusta ang aking kalagayan, dama ko na mas mataas ang aking tayog kaysa sa kanila, kaya kaya kong harapin ito, at hindi kailangan ang tulong nila. Nang matuklasan ko ang kanilang mga pagkakamali at mga paghihirap, Hindi ako nagbahagi sa katotohanan upang tulungan sila, bagkus iniwasan sila. Hindi sila nakagagawa ng mabuti sa paningin ko at kinagagalitan ko sila nang husto. Bilang resulta, hinigpitan ko ang mga kapatid at namuhay sila sa pagiging negatibo. Paano naging pagtupad ang gayon sa aking tungkulin? Malinaw na paggawa ito ng kasamaan. Walang nahayag sa akin kundi ang isang mayabang, palalo at mala-satanas na disposisyon. Nang ang Diyos ay magkatawang-tao sa mga huling araw, ipinahahayag ang katotohanan at gumagawa upang iligtas ang tao, ginawa Niya ang gayong kadakilang gawain, ngunit hindi Siya kailanman nagmalaki, at hindi Niya ipinakilala ang Kanyang Sarili bilang Diyos. Sa halip, Siya ay mapagkumbaba at tago, tahimik na ginagawa ang gawaing pagliligtas. Nakita ko na ang Diyos ay mapagkumbaba at kaibig-ibig, ngunit ako, na masyado nang ginawang tiwali ni Satanas at puno ng mga mala-satanas na disposisyon, ay masyadong mataas ang pagtingin sa sarili at sa aking mga kakayahan dahil lang sa matagal na akong nananampalataya, at mas maraming doktrina ang nauunawaan ko, at mayroong kaunting karanasan sa gawain. Inilagay ko ang aking sarili sa pedestal at hindi bumababa. Hindi ko na talaga nakikilala ang aking sarili, wala akong anumang alam tungkol sa aking sarili, at ako ay mayabang na wala sa katinuan. Nakakatakot ako. Pagkatapos ibunyag ng Diyos, nakita ko sa wakas ang aking tayog. Nagagawa kong lutasin ang ilang usapin sa aking tungkulin dahil lamang sa gawain ng Banal na Espiritu. Kung wala ang Kanyang gawain at paggabay, lubos akong bulag at walang anumang nauunawaan. Hindi ko mahaharap ang sarili kong mga suliranin, lalo na ang sa ibang tao. Magkagayunman, masyado akong naging hambog. Naging mayabang talaga ako. Sa puntong iyon ikinahiya ko ang aking pag-uugali.

Binasa ko pagkatapos ang mga salitang ito ng Diyos: “Kung talagang nasasaloob mo ang katotohanan, natural na magiging tama ang landas na iyong tinatahak. Kung wala ang katotohanan, madaling gumawa ng masama, at gagawin mo iyon kahit ayaw mo. Halimbawa, kung naging mayabang ka at hambog, makikita mo na imposibleng hindi sumuway sa Diyos; mapipilitan kang sumuway sa Kanya. Hindi mo gagawin ito nang sadya; gagawin mo ito dahil nangingibabaw ang iyong likas na kayabangan at kahambugan. Dahil sa iyong kayabangan at kahambugan, hahamakin mo ang Diyos at hindi mo Siya bibigyan ng halaga; magiging dahilan ang mga ito para dakilain mo ang iyong sarili, lagi kang magpasikat, at, sa huli, papalit ka sa lugar ng Diyos at magpapatotoo para sa iyong sarili. Sa huli, gagawin mong mga katotohanan ang iyong sariling mga ideya, ang iyong sariling pag-iisip, at ang iyong sariling mga pagkaintindi para sambahin ka. Tingnan mo kung gaano kalaking kasamaan ang ginagawa ng mga tao dahil nangingibabaw ang kanilang likas na kayabangan at kahambugan! Upang malutas ang kanilang masasamang pagkilos, kailangan muna nilang lutasin ang problema ng kanilang likas na pagkatao. Kung walang pagbabago sa disposisyon, hindi posibleng maghatid ng pangunahing resolusyon sa problemang ito” (“Mababago Mo Lamang ang Iyong Disposisyon sa Pamamagitan ng Pagsisikap na Matamo ang Katotohanan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos napagtanto ko na ang aking mayabang na kalikasan ang dahilan kung bakit ako gumagawa ng masama at nilalabanan ang Diyos. Sa udyok ng aking mayabang na kalikasan, inangkin ko ang mga resulta ng gawain ng Banal na Espiritu noong medyo nagtagumpay ako sa aking tungkulin, ipinangangalandakan ang sarili bilang ang pinakamagaling sa iglesia. Walang kahihiyan akong naniwala na isa akong pinagkalooban ng pagliligtas ng Diyos, gayunma’y ni hindi ko nakikilala ang aking sarili. Sa aking tungkulin madalas kong ipagmalaki na mas nauna ako, itinuturing ang aking sarili na mas mahusay at mas mataas kaysa sa sinuman, palaging minamaliit ang iba. ginamit ko pa ang mga salita ng Diyos upang payuhan ang mga kapatid, at kapag nagsasaayos ng gawain hindi ako nakikipagtalakayan sa kapatid na babae na kasama kong gumagawa. Sa halip, naging dominante ako at laging nasusunod. Mag-isa pa akong gumagawa ng pagpapasya sa mahahalagang bagay para sa gawain ng tahanan ng Diyos. Ginawa kong tau-tauhan ang kapatid na babae na iyon at nilikha ang aking sariling imperyo sa iglesia. Dahil sa aking mayabang na kalikasan, binalewala ko ang lahat at hindi pinanatili ang Diyos sa aking puso. Hindi ko hinanap ang mga prinsipyo ng katotohanan kapag nahaharap sa isang usapin, at itinuring ko pa ang aking mga ideya bilang katotohanan, pinakikinig ang lahat at pinasusunod sa akin. Ipinaalala nito sa akin ang pagbibigay ng Diyos ng kaunting kapangyarihan sa arkanghel upang pangasiwaan ang iba pang anghel sa langit, ngunit nawala nito ang lahat ng katinuan sa kayabangan nito, nag-aakalang bukod-tangi ito at nagnanais na makipantay sa Diyos. Bilang resulta, nagkasala ito sa disposisyon ng Diyos, at isinumpa ito ng Diyos at pinalayas sa langit. At ngayon, itinaas ako ng Diyos upang gumawa bilang isang lider upang purihin Siya at magpatotoo sa Kanya sa lahat ng bagay, upang makapagbahagi ako sa katotohanan para lutasin ang mga praktikal na usapin, tulungan ang iba na maunawaan ang katotohanan at magpasakop sa Diyos. Subalit hindi ko hinanap ang katotohanan o ginawa ang aking tungkulin ayon sa mga hinihingi ng Diyos. Sa halip, nang-agaw ako ng kapangyarihan, inilagay ang sarili sa gitna, at pinapakinig at pinasunod ang lahat sa akin. Ano ang ipinagkaiba ko sa arkanghel? Isinaayos ng Diyos ang mga sitwasyon upang harangan ang aking landas, at binalaan ako sa pamamagitan ng mga kapatid, ngunit hindi ko tinanggap iyon o ni nagnilay man sa aking sarili. Nakapatigas ko at mapaghimagsik! Tinutupad ko ang aking tungkulin gamit ang aking mayabang na disposisyon, sinusupil ang mga kapatid, na nagresulta upang sila ay mamuhay sa pagiging negatibo at hindi malutas ang kanilang mga kahirapan. Wala ring anumang paglago sa gawain ng iglesia. Puro kasamaang lahat iyon na aking ginawa dahil sa nangibabaw ang aking kayabangan! Mayroon akong napakatigas, napakayabang na kalikasan. Kung hindi sa marahas na paghahayag at pakikitungo sa akin ng Diyos sa pamamagitan ng mga kapatid, at pagtanggal sa akin sa aking tungkulin, hindi sana ako kailanman magninilay sa aking sarili. Kung nagpatuloy iyon, nakagawa pa sana ako ng mas marami pang kasamaan. Magkakasala pa sana ako sa disposisyon ng Diyos, at pagkatapos ay isusumpa at parurusahan ng Diyos, kagaya ng arkanghel. Sa puntong iyon ako nagtamo ng pagkaunawa sa mabubuting hinahangad ng Diyos. Ginagawa Niya ito upang pigilan ako sa aking masasamang landas at upang bigyan ako ng pagkakataon na magsisi. Ito ang pag-iingat at pagliligtas sa akin ng Diyos. Nagpasalamat ako sa Diyos mula sa aking puso.

Pagkatapos akong mapalitan, maayos na naisagawa ni Sister Liu ang kanyang tungkulin, at base sa sinasabi ng iba, bagamat ang bagong halal na lider at ang mga diakono ay hindi pa ganoon katagal na mananampalataya, kapag tinatalakay ang gawain walang sinuman ang kumakapit sa kanilang sariling mga ideya. sa halip ay nananalangin at umaasa sa Diyos, hinahanap ang mga prinsipyo ng katotohanan nang magkakasama. Sama-samang gumawa ang lahat, at ang gawain ng iglesia ay unti-unting naging masigla ulit. Nahihiya talaga akong marinig ito. Palagi kong inisip na hindi makapagpapatuloy ang gawain ng iglesia kung wala ako, subalit sa harap ng mga katunayan, nakita ko na ang gawain ng tahanan ng Diyos ay tapos nang lahat at inaalalayan ng Banal na Espiritu, at hindi ito isang bagay na magagawa ng sinumang iisang tao. Nakikipagtulungan lang ang mga tao at ginagampanan ang kanilang tungkulin. Gaano man tayo katagal nang nananampalataya sa Diyos, hangga’t umaasa tayo sa Diyos upang hanapin at isagawa ang katotohanan sa ating tungkulin, tataglayin natin ang paggabay at mga pagpapala ng Diyos. Ang pagtupad ng aking tungkulin nang hindi hinahanap ang katotohanan, bagkus ay buong yabang na ginagawa ang anumang maibigan ko, at ang pagiging mapanupil ko ay kasuklam-suklam para sa Diyos. Dahil sa wala ang paggabay ng Diyos, nawala ko ang gawain ng Banal na Espiritu at naging walang kabuluhan. Wala akong magawang anuman. Dati akong basta na lang mayabang, padalus-dalos, buong yabang na inuutusan ang mga tao, pinipigilan at sinasaktan ang mga kapatid, at ginambala ko ang gawain ng iglesia. Hiyang-hiya ako, at lubos na nakokonsensya. Nanalangin ako sa Diyos: “O Diyos, naging bulag ako. Hindi ko pa nakikilala ang aking sarili, palaging iniisip na mas marami akong nauunawaan dahil mas matagal akong naging lider, kaya mas mahusay ako sa lahat. Pinamunuan ako ng aking kayabangan sa aking tungkulin, at ito ang gumambala sa gawain ng Iyong tahanan. O Diyos, ayaw ko nang lumaban sa Iyo, at hangad kong tunay na makapagsisi.”

Pagkatapos ay nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos: “Dapat mong malaman kung anong uri ng mga tao ang Aking nais; yaong mga hindi dalisay ay hindi pinapayagang makapasok sa kaharian, yaong mga hindi dalisay ay hindi pinahihintulutang dungisan ang banal na lupain. Kahit maaaring marami ka nang nagawa, at nakagawa na sa loob ng maraming taon, sa huli kung kalunus-lunos pa rin ang iyong karumihan—hindi katanggap-tanggap sa batas ng Langit na nais mong pumasok sa Aking kaharian! Mula sa pundasyon ng mundo hanggang ngayon, hindi Ako kailanman nakapag-alok ng madaling daan patungo sa Aking kaharian para sa mga nanunuyo ng pabor sa Akin. Ito ay isang panuntunan sa langit, at walang sinumang makakasuway rito! Kailangan mong hanapin ang buhay. Ngayon, yaong mga gagawing perpekto ay kauri ni Pedro: Sila yaong mga naghahanap ng mga pagbabago sa kanilang sariling disposisyon, at handang magpatotoo sa Diyos at gampanan ang kanilang tungkulin bilang nilalang ng Diyos. Ang ganitong mga tao lamang ang gagawing perpekto” (“Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Ako ang nagpapasya sa hantungan ng bawat tao hindi batay sa edad, katandaan, laki ng paghihirap, at lalong hindi, ayon sa tindi ng kanilang pagiging kaawa-awa, kundi ayon sa kung may angkin silang katotohanan. Walang ibang mapipili kundi ito. Dapat ninyong matanto na lahat ng hindi sumusunod sa kalooban ng Diyos ay parurusahan. Ito ay hindi nababagong katotohanan” (“Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ang mga salita ng Diyos ay napakalinaw. Diyos ang nagpapasya sa kalalabasan ng mga tao hindi sa kung gaano katagal na silang nanampalataya, sa kung gaano karami na ang maipangangaral nila, o sa kung gaano karami na ang kanilang nagawa, bagkus kung hinahangad nila ang katotohanan, kung nabago na nila ang masasama nilang disposisyon, at kung nagagawa nila ang tungkulin ng isang nilalang. Ang mga ito ang pinakamahahalagang bagay. Noon, hindi ko kailanman nakilala ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Matagal-tagal na akong naniniwala, mayroon akong ilang taong karanasan bilang isang lider, at nagkaroon ako ng ilang tagumpay sa aking tungkulin. Sinamantala ko ang lahat ng ito. Inisip ko na kapag nagpatuloy ako sa gayong paraan, ililigtas ako ng Diyos, kaya hindi ko pinagtuunan ng pansin na maranasan na hatulan, kastiguhin, pakitunguhan, at tabasan ng Diyos. Binalewala ko lalo na ang paghahanap sa katotohanan sa aking tungkulin upang lutasin ang mga tiwali kong disposisyon. Bilang resulta, halos hindi nagbago ang aking disposisyon sa buhay pagkatapos ng maraming taon ng aking pananampalataya sa Diyos, at ako ay nabubuhay sa aking mala-satanas at mayabang na kalikasan, gumagawa ng masama at nilalabanan ang Diyos. Nakita ko na hindi natin makikilala ang ating mga sarili o tunay na makapagsisisi sa Diyos kung hindi natin hahangarin ang katotohanan sa ating pananampalataya. Gaano man karaming gawain ang ating nagawa, gaano karami ang ating naipangaral, kung walang pagbabago sa ating disposisyon sa buhay, hahatulan at aalisin pa rin tayo ng Diyos. Ito ay pinagpapasyahan ng matuwid na disposisyon at banal na diwa ng Diyos. Pagkatapos maunawaan ang kalooban ng Diyos hindi ko na sinamantala kung gaano katagal na akong nanampalataya o kung gaano karaming gawain ang aking nagawa, sa halip ay sinimulang pagtuunan ang pagsisikap sa mga salita ng Diyos, pagninilay at pagkilala sa aking sarili, at paghahangad ng pagbabago sa aking mga mala-satanas na disposisyon.

Pagkatapos niyon, binigyan ako ng isa pang tungkulin sa iglesia. Sa paggawa kasama ng mga kapatid, naging mas mapagpakumbaba ako, at kapag nagsasabi sila ng ibang pananaw, dama ko minsan na tama ako at gusto kong makinig silang lahat sa akin, ngunit agad kong napapagtanto na ipinakikita ko na naman ang aking mayabang na disposisyon, kaya mananalangin ako sa Diyos at isasantabi ang aking sarili upang hanapin ang katotohanan kasama ng mga kapatid, at lutasin ang mga bagay sa pamamagitan ng pakikipagtalakayan. Sinabi ng lahat ng kapatid na hindi na ako kasingyabang ng dati, na ako ay naging mas may gulang na. Ang marinig ang pagsusuring ito mula sa kanila ay talagang nakaantig sa akin. Alam kong natamo ito sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos. Kahit na hindi ko pa lubos na naaalis ang aking mayabang na disposisyon at napakalayo ko pa sa mga pamantayan na hinihingi ng Diyos, nakita ko na ang pag-ibig at pagliligtas ng Diyos. Nakita ko na, na ang mga tao ay tunay na mababago at madadalisay ng gawain at mga salita ng Diyos.

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.
Makipag-ugnayan sa Amin
Kontakin Kami Gamit ang Messenger

Kaugnay na Nilalaman

Ang Paglaya ng Puso

Ni Zheng Xin, Estados Unidos Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang pangunahing gawain ng Diyos sa kapanahunang ito ay ang pagkakaloob ng...

Sa Pamamagitan ng Malaking Pagdurusa, Natamo ko ang Malalaking Pakinabang

Naramdaman ko na ang gawain ng Diyos ng paghatol at pagkastigo ay tunay na naglilinis ng mga tao at hangga’t taos-puso kong hinahanap ang katotohanan, tiyak na ako ay malilinis at maliligtas. Nang una kong maramdaman ang kahalagahan ng mga salita ng Diyos at ang kahalagahan ng katotohanan, naging masaya ang kaibuturan ng aking puso