Hindi Ako Dapat Magpakita ng Pagkiling Sa Aking Ina
Ni Xinyi, TsinaNoong 2012, naging responsable ako sa gawain ng ilang iglesia. Nalaman ko na, sa panahon ng mga halalan sa iglesia, nailihis...
Tinatanggap namin ang lahat ng naghahanap na nasasabik sa pagpapakita ng Diyos!
Noong Hunyo 2023, dapat ay paalis na ako ng bahay para gawin ang tungkulin ko dahil sa mga pangangailangan ng gawain ng ebanghelyo. Dahil alam kong hindi kaagad ako makakabalik, naisip kong umuwi sa bahay, ipaalam sa mga magulang ko, at kumuha na rin ng ilang damit. Pagdating ko, nakita ko ang nanay ko na kinabitan ng tubo sa kanyang braso at mukha siyang maputla. Tinanong ko siya kung ano ang nangyari sa kanya, at sinabi niya na hindi naman iyon malala at gagaling siya pagkatapos ng isang simpleng operasyon. Pero parang may mas malubha pa, kaya hiniling ko na makita ang kanyang mga medikal rekord. Nakasaad sa mga rekord na mayroon siyang tatlong uri ng malignant na mga bukol. Nagulat ako, may kanser ang nanay ko! Mga malignant na bukol ito—gagaling pa ba siya? Paano kung hindi gumana ang pagpapagamot? Sinabi ng tatay ko sa akin, “Sumasailalim ang nanay mo sa chemotherapy ngayon at nakasalalay ang tagumpay ng kanyang pagpapagamot sa kahihinatnan ng chemotherapy.” Alam ko na may pahintulot ng Diyos ang lahat ng ito at hindi ako makakapagreklamo, kaya nanalangin ako sa Diyos para protektahan Niya ang puso ko. Nagpatuloy ang aking tatay sa pagkukuwento na noong ang nanay ko ay may sakit at nasa ospital, naroon ang nakababata kong kapatid upang mag-alaga sa kanya at kumuha pa ito ng karagdagang trabaho para kumita ng pera para sa mga medikal na bayarin ng nanay ko. Medyo nalungkot ako pagkatapos kong marinig iyon. Ako ang panganay na anak sa pamilya, at ako dapat ang nag-aasikaso ng lahat ng ito, ngunit sa halip ay hindi man lang ako nakapag-alok ng anumang tulong. Iisipin kaya ng mga magulang ko na wala akong konsensiya, na wala akong galang sa magulang at nasayang lang pagpapalaki nila sa akin? Pinagaan ng nanay ko ang loob ko, at sinabi niya, “Huwag kang mag-alala at huwag kang matakot. Nasa sa Diyos kung gaano tayo katagal mabubuhay. Magtuon ka lang sa kailangan mong gawin at huwag kang mag-alala sa akin.” Nang marinig ko ang sinabi ng nanay ko, gusto ko talagang magpaiwan at alagaan siya, ngunit napakaraming gawain sa iglesia at alam kong hindi ako maaaring manatili sa bahay nang mas matagal pa. Nang makita ko na ganoon ang kalagayan ni mama, hindi ko masabi sa kanila na plano kong gawin ang tungkulin ko nang malayo sa bahay, kaya nagmadali na lang akong umalis nang walang sinasabi sa kanila.
Habang nasa daan, ang tanging naiisip ko ay ang nanay ko na may sakit sa ospital at walang mag-aalaga sa kanya at nagtatrabaho nang maigi ang aking nakababatang kapatid na lalaki upang mabayaran ang mga medikal na bayarin ng nanay ko. Habang mas iniisip ko iyon, mas lalong sumasama ang loob ko. Naramdaman ko na bilang anak niya, dapat ay naroon ako para alagaan siya habang may sakit siya, pero hindi ko na nga siya kayang alagaan, hindi pa talaga ako makakatulong. Kapag narinig ito ng ibang tao, ano na lang ang sasabihin nila tungkol sa akin? Sasabihin ba nila na wala akong konsensiya at wala akong utang na loob? Magrereklamo ba ang nakababata kong kapatid tungkol sa akin? Habang mas naiisip ko ito, mas sumasama ang loob ko, at tuluyan na akong nawalan ng determinasyon na umalis ng bahay at gawin ang aking tungkulin. Sa aking puso, sinabi ko sa Diyos, “O Diyos, hindi ako makaalis ng bahay para gawin ang tungkulin ko. May kanser ang nanay ko, at kung aalis ako ngayon, baka hindi ko na siya makita ulit! Dito ko na lang gagawin ang tungkulin ko, para makita ko si mama kapag may libreng oras ako.” Pagkatapos niyon, ginawa ko pa rin ang aking tungkulin, ngunit hindi ko mapatahimik ang aking isipan. Patuloy akong nag-isip, “Kumusta na kaya ang nanay ko ngayon?” Gusto kong maglaan ng oras para makauwi at makita siya. Alam kong may mali sa kalagayan ko, kaya naghanap ako ng mga salita ng Diyos na mababasa. Nahanap ko ang sipi na ito: “Sa bawat panahon at sa bawat yugto, may ilang partikular na bagay na nangyayari sa iglesia na salungat sa mga kuru-kuro ng mga tao. Halimbawa, ang ilang tao ay nagkakasakit, ang mga lider at manggagawa ay natatanggal, ang ilang tao ay nabubunyag at natitiwalag, ang ilan ay nahaharap sa pagsubok ng buhay at kamatayan, ang ilang iglesia ay mayroon pa ngang masasamang tao at mga anticristo na nanggugulo, at iba pa. Nangyayari paminsan-minsan ang mga bagay na ito, pero hindi ito mga aksidente. Ang lahat ng ito ay resulta ng kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Ang isang napakapayapang panahon ay maaaring biglang magambala ng ilang insidente o hindi pangkaraniwang pangyayari, na nangyayari sa paligid ninyo, o kaya ay sa sarili ninyo, at ang paglitaw ng mga bagay na ito ay sumisira sa normal na kaayusan at normalidad ng buhay ng mga tao. Sa panlabas, hindi umaayon ang mga bagay na ito sa mga kuru-kuro at imahinasyon ng mga tao, ito ay mga bagay na ayaw ng mga tao na mangyari sa kanila o na masaksihan nila. Kaya, ang paglitaw ba ng mga bagay na ito ay kapaki-pakinabang sa mga tao? … Walang nangyayari nang nagkataon lang; ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay at nagpapahintulot na mangyari ang lahat ng bagay. Bagama’t nauunawaan at natatanggap ito ng mga tao sa antas ng doktrina, kapag may isang partikular na pangyayaring dumating sa kanila, hindi nila alam kung ito ba ay isang bagay na saklaw ng Kanyang kataas-taasang kapangyarihan o Kanyang pinahintulutan, at hindi nila alam kung paano ito tatanggapin mula sa Diyos o kung paano magpapasakop sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos. Hindi ba’t isa itong praktikal na problema? Nakapaloob dito ang mga katotohanang dapat hanapin ng mga tao at ang mga katotohanang prinsipyong dapat nilang maunawaan. Kung kinikilala lamang ng mga tao ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa teorya, ngunit wala silang tunay na pagkaunawa rito, at hindi pa nalutas ang sarili nilang mga kuru-kuro at imahinasyon, gaano karaming taon man silang manampalataya sa Diyos at gaano man karami ang kanilang maging karanasan, hindi pa rin nila makakamit ang katotohanan sa huli” (Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan (11)). Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, napagtanto ko na haharapin ng mga tao ang mahihirap na pangyayari sa iba’t ibang yugto ng kanilang mga buhay. Maaaring ayaw ng mga tao na harapin ang gayong mga pangyayari, ngunit nakapaloob sa mga ito ang layunin ng Diyos. Kung hindi natin hahanapin ang katotohanan, mamumuhay ayon sa ating mga kuru-kuro at imahinasyon at hindi maunawaan at magreklamo tungkol sa Diyos, magiging mahirap na matuto ng mga aral mula sa mga sitwasyong ito. May mga aral na matututunan ko mula sa pagkakasakit ng nanay ko. Kinailangan kong hanapin ang katotohanan at pagnilayan ang aking sarili. Pinagnilayan ko kung paanong noong narinig kong nagkaroon ng kanser ang nanay ko, nag-aalala ako na baka hindi gagana ang pagpapagamot. Nag-alala rin ako na kung hindi ko siya aalagaan habang nagpapa-chemo siya sa ospital, malulungkot siya. Iisipin niya bang sayang lang ang pagpapalaki niya sa akin? Dahil sa pag-aalalang ito, nawalan agad ako ng determinasyon na umalis ng bahay para gawin ang aking tungkulin. Nakipagtalo pa ako sa Diyos sa puso ko. Nadama ko na kailangan kong manatili at alagaan ang nanay ko ngayong may sakit siya, at hindi ako puwedeng umalis ng bahay para gawin ang aking tungkulin. Masyadong malalim ang mga pagkagiliw ko, at kinailangan kong hanapin ang katotohanan para malutas ito.
Kalaunan, naghanap ako ng mga kaugnay na sipi ng mga salita ng Diyos na babasahin. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “May kasabihan sa mundong walang pananampalataya: ‘Pinapakain ng mga uwak ang kanilang matatandang ina at ang mga tupa ay lumuluhod para dumede.’ Nariyan din ang kasabihang ito: ‘Ang isang suwail na anak ay mas mababa pa kaysa sa hayop.’ Napakaganda pakinggan ng mga kasabihang ito! Sa totoo lang, ang penomena na binanggit sa unang kasabihang—‘Pinapakain ng mga uwak ang kanilang matatandang ina at ang mga tupa ay lumuluhod para dumede’—ay talagang umiiral, at ang mga ito ay katunayan. Gayumpaman, ang mga ito ay penomena lamang na matatagpuan sa loob ng mundo ng mga buhay na nilalang. Ang mga ito ay isang uri lang ng batas na itinatag ng Diyos para sa iba’t ibang buhay na nilalang. Ang lahat ng uri ng buhay na nilalang, kabilang na ang mga tao, ay sumusunod sa batas na ito, at higit itong nagpapatunay na ang lahat ng buhay na nilalang ay nilikha ng Diyos. Walang buhay na nilalang ang maaaring lumabag sa batas na ito, at walang buhay na nilalang ang makakalampas dito. … Bakit may gayong mga ideya ang mga tao? Dahil sa lipunan at sa loob ng mga grupo ng mga tao, mayroong iba’t ibang ideya at mga pangkalahatang pinanghahawakang pananaw na hindi tama. Matapos maimpluwensiyahan, unti-unting masira, at mabulok ang mga tao sa mga bagay na ito, nagtataglay sila ng iba’t ibang pagbibigay-kahulugan at pagharap sa relasyon ng magulang at anak, at sa huli ay tinatrato nila ang kanilang mga magulang bilang kanilang mga pinagkakautangan—mga pinagkakautangan na hinding-hindi nila mababayaran sa buong buhay nila. Mayroon pa ngang mga taong nakokonsensiya sa buong buhay nila pagkatapos mamatay ang kanilang mga magulang, nakokonsensiya na nabigo silang suklian ang kabaitan ng kanilang mga magulang, dahil minsan ay gumawa sila ng isang bagay na hindi nakapagpasaya sa kanilang mga magulang o hindi naaayon sa kagustuhan ng mga ito. Sabihin mo sa Akin, hindi ba’t hindi ito kinakailangan? Ang mga tao ay namumuhay sa gitna ng kanilang mga damdamin, kaya maaari lamang silang mapanghimasukan ng iba’t ibang ideyang nagmumula sa mga damdaming ito. Ang mga tao ay namumuhay sa isang kapaligirang kinukulayan ng ideolohiya ng tiwaling sangkatauhan, kaya’t napanghihimasukan sila ng iba’t ibang walang-katotohanang ideya, na ginagawang nakakapagod at hindi kasingsimple ng buhay ng ibang buhay na nilalang. Gayumpaman, sa ngayon, dahil ang Diyos ay gumagawa at nagpapahayag ng katotohanan para sabihin sa mga tao ang katotohanan ng lahat ng katunayang ito, at para bigyan sila ng kakayahang maunawaan ang katotohanan, pagkatapos mong maunawaan ang katotohanan, hindi na magpapabigat sa iyo ang mga walang-katotohanang ideya at pananaw na ito, at hindi mo na gagamitin ang mga ito bilang gabay sa kung paano mo pangasiwaan ang relasyon mo sa mga magulang mo. Kung gayon, mapapanatag ka sa buhay. Ang makaramdam ng kapanatagan sa buhay ay hindi nangangahulugan na hindi mo alam kung ano ang iyong mga responsabilidad at obligasyon—alam mo pa rin ang mga bagay na ito. Depende lang ito sa kung aling perspektiba at mga pamamaraan ang pipiliin mo sa pagharap sa iyong mga responsabilidad at obligasyon. Ang isang landas ay ang tahakin ang landas ng mga damdamin, at harapin ang mga bagay na ito sa pamamaraan na batay sa emosyon, at nang batay sa mga pamamaraan, ideya, at pananaw na itinuturo ni Satanas sa tao. Ang isa pang landas ay ang harapin ang mga bagay na ito batay sa mga salitang itinuro ng Diyos sa tao. Kapag pinangangasiwaan ng mga tao ang mga usaping ito ayon sa mga walang-katotohanang ideya at pananaw ni Satanas, maaari lamang silang mamuhay sa mga komplikasyon ng kanilang damdamin, at hindi nila kailanman nakikilala ang kaibahan ng tama at mali. Sa ilalim ng mga sitwasyong ito, maaari lang silang mamuhay sa isang patibong, palaging naiipit sa mga usapin ng, ‘Tama ka, mali ako. Marami kang naibigay sa akin; mas kaunti ang naibigay ko sa iyo. Wala kang utang na loob. Wala ka sa lugar,’ at iba pa—hindi kailanman nakakawala. Gayumpaman, pagkatapos maunawaan ng mga tao ang katotohanan, nakakawala sila mula sa kanilang mga walang-katotohanang ideya at pananaw at sa bitag ng sarili nilang mga damdamin, at kapag muli nilang tinitingnan ang mga usaping ito, nagiging mas lalong simple ang lahat. Kung susunod ka sa isang aspekto ng mga katotohanang prinsipyo o sa isang ideya at pananaw na wasto at nagmumula sa Diyos, talagang makakaramdam ka ng kapanatagan sa buhay. Hindi na mahahadlangan ng opinyon ng publiko, o ng kamalayan ng iyong konsensiya, o ng bigat ng iyong damdamin kung paano mo pinangangasiwaan ang relasyon mo sa iyong mga magulang; sa halip, bibigyang-kakayahan ka ng mga katotohanang prinsipyong ito na harapin at pangasiwaan ang relasyong ito sa tama at makatwirang paraan. Kung kikilos ka ayon sa mga katotohanang prinsipyo na ibinigay ng Diyos sa tao, kahit na punahin ka ng mga tao habang wala ka, madarama mo pa rin na ikaw ay payapa at panatag at hindi naaapektuhan sa kaibuturan ng puso mo. Kahit papaano, sa kaibuturan ng puso mo ay hindi mo kagagalitan ang iyong sarili, sinasabi sa sarili mo na ikaw ay isang walang malasakit na ingrato o hindi mo na mararamdaman ang paratang ng iyong konsensiya. Ito ay dahil malalaman mo na ang lahat ng iyong kilos ay alinsunod sa mga pamamaraan na itinuro sa iyo ng Diyos, at na nakikinig at nagpapasakop ka sa mga salita ng Diyos, at sumusunod sa Kanyang daan. Ang pakikinig sa mga salita ng Diyos at pagsunod sa Kanyang daan ay ang konsensiyang dapat taglayin ng mga tao higit sa lahat. Magiging tunay na tao ka lamang kapag nagagawa mo ang mga bagay na ito. Kung hindi, isa kang walang malasakit na ingrato. Hindi ba’t totoo iyon? (Oo.)” (Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Hangarin ang Katotohanan (17)). Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, napagtanto ko na ang dahilan kung bakit naging miserable ako ay dahil sa mga nakalilinlang na pananaw tulad ng “Ang pagiging mabuting anak ay isang katangiang dapat taglayin nang higit sa lahat” at “Ang isang suwail na anak ay mas mababa pa kaysa sa hayop,” na itinanim sa akin ni Satanas, ay naging malalim na nakaugat sa isip ko. Nadama ko na kung hindi ako magiging mabuting anak sa mga magulang ko, ibig sabihin, ako ay walang utang na loob, at hindi isang mabuting anak. Naramdaman ko na nahirapan silang palakihin ako, lalo na dahil ipinanganak ako sa panahon na ang mga lalaki ay itinuturing na nakatataas, na nangangahulugan na nagdusa ang nanay ko ng maraming kahihiyan at pangungutya dahil ako ay isang babae, pero mas minahal niya ako kaysa sa nakababata kong kapatid. Siya rin ay partikular na sumusuporta sa aking pananalig at tungkulin. Alam niya na mayroon akong malalim na mga pagkagiliw, kaya kapag may nangyari sa bahay, hindi niya sasabihin sa akin sa takot na magambala ako at maaapektuhan ang aking tungkulin. Ito man ay mula sa emosyonal o pinansyal na pananaw, sinuportahan ako nang maigi ng nanay ko at madalas niya akong hinihikayat na gawin nang tama ang aking tungkulin. Habang iniisip ko ang lahat ng ito, at kung paanong hindi ako puwedeng manatili sa tabi niya para alagaan siya habang siya ay may sakit, sobra talaga akong nalungkot. Palagi kong naiisip na bilang anak nila, kung hindi ko sila igagalang o aalagaan kapag may sakit sila, ito ay hindi pagiging isang mabuting anak, at walang utang na loob na pag-uugali. Kaya nakonsensiya ako at nahihiya akong harapin sila. Naimpluwensiyahan ako nang husto ng mga satanikong lason! Kung patuloy kong tatratuhin ito sa pamamagitan ng mga lente ng pagkagiliw at tradisyonal na pananaw, kailangan kong pasanin ang ideolohikal na dalahin na ito, sa pag-iisip na hindi ako mabuting anak dahil sa hindi pag-aalaga sa nanay ko. Magiging sobrang nakakapagod at miserableng paraan ito ng pamumuhay. Kinailangan kong aktibong talikuran ang lahat ng ito at matutunang tingnan ang mga tao at bagay ayon sa katotohanan sa mga salita ng Diyos, saka ko lang maaalis ang paghihirap na ito.
Kalaunan, sa panahon ng mga espirituwal na debosyonal, nakita ko ang sipi na ito ng mga salita ng Diyos. Binigyan ako nito ng higit na kalinawan tungkol sa kung paano tratuhin ang aking relasyon sa mga magulang ko. Sinasabi ng mga salita ng Diyos: “Bilang anak, dapat mong maunawaan na hindi mo pinagkakautangan ang iyong mga magulang. Kung ang iniintindi mo lang ay ang pagsukli sa kabutihan ng mga magulang mo, makakahadlang ito sa maraming tungkuling nararapat mong gawin. Maraming bagay ang dapat mong gawin sa buhay mo, at ang mga tungkuling ito na nararapat mong gawin ay mga bagay na dapat gawin ng isang nilikha, at ipinagkatiwala sa iyo ng Lumikha, at walang kinalaman ang mga ito sa pagsukli mo sa kabutihan ng iyong mga magulang. Ang pagpapakita ng pagkamabuting anak sa iyong mga magulang, pagsukli sa kanila, pagsukli sa kanila ng kabutihan—ang mga bagay na ito ay walang kinalaman sa iyong misyon sa buhay. Masasabi rin na hindi mo kinakailangang magpakita ng pagkamabuting anak sa iyong mga magulang, na suklian sila, o tuparin ang alinman sa iyong mga responsabilidad sa kanila. Sa madaling salita, maaari mong gawin ito nang kaunti at gampanan nang kaunti ang iyong mga responsabilidad kapag pinahihintulutan ng iyong sitwasyon; kapag hindi, hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo na gawin ito. Kung hindi mo kayang tuparin ang responsabilidad mo para magpakita ng pagkamabuting anak sa iyong mga magulang, hindi ito isang kahindik-hindik na pagkakamali, medyo lumalabag lang ito sa iyong konsensiya at katarungang moral, at ikaw ay pupunahin ng ilang tao—iyon lang. Pero kahit papaano, hindi ito salungat sa katotohanan. Kung ito ay alang-alang sa paggawa ng tungkulin mo at pagsunod sa kalooban ng Diyos, sasang-ayunan ka pa nga ng Diyos. Samakatwid, tungkol sa pagiging mabuting anak sa iyong mga magulang, hangga’t nauunawaan mo ang katotohanan at nauunawaan ang mga hinihingi ng Diyos sa mga tao, kahit na hindi ka tinutulutan ng mga kondisyon mo na maging mabuting anak sa iyong mga magulang, hindi makakaramdam ng pang-uusig ang konsensiya mo. Hindi ba’t napapanatag ang puso ninyo ngayong naunawaan na ninyo ang aspektong ito ng katotohanan? (Oo.) Sinasabi ng ilang tao: ‘Bagama’t hindi ako kokondenahin ng Diyos, ang hindi magawang makapagpakita ng pagkamabuting anak sa aking mga magulang ay nagpapadama sa akin ng pagkakasala at pagiging hindi mapakali sa aking konsensiya.’ Kung gayon, masyadong maliit ang iyong tayog, hindi mo pa rin nauunawaan ang katotohanan at hindi mo matalos ang diwa ng usaping ito. Hindi mo nauunawaan na ang kapalaran ng tao ay nasasailalim sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, at ayaw mong tanggapin ang kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Palagi kang may sariling kalooban at sariling mga damdamin, at palagi mong gustong manatili sa tabi ng iyong mga magulang para tuparin ang iyong mga tungkulin bilang anak. Ang sarili mong kalooban at mga damdamin ang nagdidirekta at nangingibabaw sa iyo; naging buhay mo na ang mga ito. Kung pipiliin mong kumilos batay sa iyong sariling kalooban at iyong mga damdamin, kung gayon ay hindi ka nagsasagawa ng katotohanan o nagpapasakop dito, ipinagkakanulo mo ang katotohanan. Malinaw na hindi ka pinahihintulutan ng iyong mga kalagayan at kapaligiran na tuparin ang iyong mga tungkulin bilang anak sa tabi ng iyong mga magulang, ngunit palagi mo pa ring nararamdaman na may utang na loob ka sa iyong mga magulang, at sa iyong puso, hindi mo kailanman kayang bitiwan ang mga bagay na ito. Pinatutunayan nito ang isang bagay: Hindi mo tinatanggap ang katotohanan. Sa antas ng doktrina, kinikilala mo na tama ang mga salita ng Diyos, ngunit hindi mo tinatanggap ang mga ito bilang katotohanan at ginagamit ang mga ito bilang mga prinsipyo ng iyong mga kilos. Kaya, sa pinakamababa, kung pagbabatayan kung paano mo tinatrato ang iyong mga magulang, hindi ka isang taong naghahangad sa katotohanan. Ito ay dahil, sa usaping ito, hindi ka nagsasagawa ayon sa mga salita ng Diyos, bagkus ay nakatuon ka sa pagtugon sa mga hinihingi ng iyong mga damdamin at iyong konsensiya, iginigiit na magpakita ng pagkamabuting anak sa iyong mga magulang at suklian ang kanilang kabutihan. Bagama’t hindi ka kokondenahin ng Diyos sa paggawa ng pagpiling ito, sa huli ay ikaw ang mawawalan sa iyong buhay bilang resulta nito” (Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Hangarin ang Katotohanan (17)). Mas maliwanag ang pakiramdam ko matapos basahin ang mga salita ng Diyos. Nakita ko na ang paraan ng pagpapalaki sa akin ng aking mga magulang ay dahil sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Talagang biyaya ng Diyos ang mabait na pakikitungo ng nanay ko. Matapos kong pumasok sa pananalig, sinuportahan ako nang husto ng nanay ko upang magawa ko nang mapayapa ang aking tungkulin. Ito ay maaaring sa panlabas ay tila kabaitan ng nanay ko, ngunit sa totoo lang, ito ay dahil alam ng Diyos ang aking tayog at gumawa Siya ng mga pagsasaayos ayon sa mga pangangailangan ko. Ito ay tungkulin at responsabilidad ng nanay ko para suportahan ako sa aking pananalig. Sinabi ng Diyos na ang ating mga magulang ay hindi ang ating pinagkakautangan, at ang pagiging mabuting anak sa ating mga magulang ay isang responsabilidad at obligasyon lamang, hindi ang ating misyon bilang tao. Kung tama ang mga kondisyon, maaari natin silang alagaan at maging mabuting anak sa kanila, ngunit kung hindi at hindi natin magagawa, hindi ito isang kahihiyan, dahil marami tayong dapat gawin sa buhay na ito. Mayroon tayong mga tungkulin na dapat gawin bilang mga nilikha, at hindi tayo puwedeng mabuhay para lamang maging mabuting anak sa ating mga magulang. Marami ring walang pananampalataya na gumugugol ng maraming oras malayo sa kanilang mga magulang dahil sa kanilang mga karera at pamilya at hindi maalagaan ang kanilang mga magulang, ngunit nauunawaan sila ng mga tao at hindi sila kinokondena o kinukutya. Samantalang ako, nasadlak ako sa aking pasasalamat sa mga magulang ko, at madalas na malungkot at nakokonsensiya ako dahil hindi ko sila nakakasama para alagaan sila at pipiliin ko pa ngang huwag umalis ng bahay para gawin ang aking tungkulin. Masyadong malakas ang aking mga pagkagiliw! Nasa panahon tayo kung saan ang ebanghelyo ay lubos na naipapalaganap, at bilang isang lider ng iglesia ay dapat na naging mas may konsiderasyon ako sa layunin ng Diyos. Dapat kong pamunuan ang aking mga kapatid na magpatotoo sa ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw at hayaan ang mas maraming tao na marinig ang tinig ng Diyos at tanggapin ang Kanyang kaligtasan sa mga huling araw. Ito ang aking tungkulin at responsabilidad. Ngunit sa halip, naniniwala ako na ang pangangalaga at paggalang sa aking mga magulang ang pinakamahalagang bagay na magagawa ko. Isa akong mananampalataya sa loob ng maraming taon at kumain at uminom ako ng napakaraming salita ng Diyos, ngunit nang maharap ako sa isang aktuwal na sitwasyon, hindi ko nagawang magpasakop sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos, gampanan ang aking tungkulin, o pangasiwaan ang sitwasyong iyon gamit ang mga katotohanang prinsipyo. Nagtataksil ako at hindi ko tinatanggap ang katotohanan! Napagtanto ko na kung ipagpapatuloy ko ang pamumuhay ayon sa mga tradisyonal na kaisipan at pananaw na ito at hindi ako magsisi sa Diyos at gampanan ang aking tungkulin, sa huli ay mabubunyag ako at matitiwalag. Nanalangin ako sa Diyos sa aking puso, “O Diyos! Lubusang ibinunyag ng sakit ng nanay ko ang aking mga pananaw na pang-hindi mananampalataya. Nakikita ko na ngayon na medyo maliit ang tayog ko at wala akong katotohanang realidad. Nauunawaan ko na ngayon na ang paggalang sa aking mga magulang ay hindi ko misyon. Ang pagtupad sa aking tungkulin bilang isang nilikha ay ang aking tunay na misyon at responsabilidad. Handa akong talikuran ang aking mga nakalilinlang na pananaw at ilagak sa Iyong mga kamay ang sakit ng nanay ko. Anuman ang mangyari, gagawin ko ang aking tungkulin at hindi magiging katatawanan ni Satanas.” Pagkatapos ng panalangin, mas gumaan ang pakiramdam ko at handa akong sumandig sa Diyos upang tuparin ang tungkulin na ibinigay sa akin.
Nang maglaon, komunsulta ako sa isang Tsinong doktor tungkol sa nanay ko at hiniling ko rito na gamutin siya. Sinabi ng doktor na, “Kumalat na ang kanser sa buong katawan niya at hindi na ito magagamot. Ang magagawa ko na lang ay resetahan siya ng mga halamang gamot sa loob ng kalahating buwan at tingnan kung paano ito makakaapekto sa kanya.” Nang makita ko ang naging kongklusyon niya, nanlumo ako. Naalala ko noong umuwi ako at nakita ko na inuubo ang nanay ko, hindi ko siya kailanman dinala sa ospital at binigyan ko lang siya ng ilang halamang gamot na Tsino at ganoon lang. Kung dinala ko siya sa ospital nang mas maaga at naipagamot siya nang mas mabilis, magiging ganito pa rin kaya ang mangyayari? Habang mas iniisip ko ito, mas lalo akong nalulungkot at nakokonsensiya, at labis akong nasiraan ng loob. Kaya, nanalangin ako sa Diyos at hiniling sa Kanya na gabayan ako palabas sa kalagayang iyon. Nang maglaon, nabasa ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Ang malubhang pagkakasakit ng iyong mga magulang o pagharap nila sa isang malaking kasawian ay ang mga bagay na dapat nilang maranasan. Sa buhay ng isang tao, normal lang na maranasan ang pagsilang, pagtanda, pagkakasakit, at kamatayan, at makaharap ng iba’t ibang usapin, malaki at maliit. Kung ikaw ay nasa hustong gulang, dapat mong harapin ang mga usaping ito nang mahinahon at tama. Huwag labis na sisihin ang sarili o magkaroon ng labis na pakiramdam ng pagkakautang dahil hindi mo kayang alagaan ang iyong mga magulang, at higit pa rito, huwag magbuhos ng masyadong maraming lakas dito, at sa gayon ay maapektuhan ang iyong paghahangad sa katotohanan at ang iyong wastong paggampan sa iyong tungkulin. Iniisip ng ilang tao na nagkakasakit ang mga magulang dahil nangungulila sila sa kanilang mga anak. Ganoon ba ang sitwasyon? Ang mga anak ng ilang tao ay nasa tabi nila buong taon, ngunit hindi ba’t nagkakasakit pa rin sila? Kung kailan nagkakasakit ang mga tao at anong mga sakit ang dumadapo sa kanila sa kanilang buhay ay pawang pinamatnugutan ng kamay ng Diyos, at walang kinalaman sa kung nasa tabi man nila ang kanilang mga anak o hindi. Kung hindi isinaayos ng Diyos na magkasakit ang iyong mga magulang bilang bahagi ng kanilang kapalaran, kung gayon ay walang mangyayari sa kanila, kahit na hindi mo sila kasama. Kung nakatadhana silang makaranas ng ilang sakit o malaking kasawian sa kanilang buhay, ano ang mababago mo rito kahit na nasa tabi ka pa nila? Hindi pa rin nila ito maiiwasan, tama ba? (Tama.) Sadya lamang na, bilang kanilang anak, dahil mayroon kang ganitong ugnayan sa dugo sa iyong mga magulang, malulungkot ka kapag narinig mong may sakit sila. Normal na normal lang ito. Gayumpaman, hindi mo kailangang pag-isipan kung paano tutulungan ang iyong mga magulang na maalis ang kanilang pasakit o malutas ang kanilang mga paghihirap dahil nakakaranas sila ng sakit o malaking kasawian. Naranasan na ng iyong mga magulang ang ganitong uri ng mga bagay nang higit sa iilang beses. Kung magsasaayos ang Diyos ng isang kapaligiran para maalis sa kanila ang mga isyung ito, sa malao’t madali, tuluyang maglalaho ang mga ito. Kung ang mga isyung ito ay mga hadlang sa buhay para sa kanila, at mga bagay na dapat nilang maranasan, kung gayon ay hindi nila maiiwasan ang mga ito, at nakasalalay sa Diyos kung gaano katagal nila dapat maranasan ang mga ito; hindi ito mababago ng mga tao. Kung nais mong umasa sa iyong sariling lakas para malutas ang mga isyung ito, at nais mong suriin at siyasatin ang mga sanhi at kahihinatnan ng mga ito, iyan ay isang hangal na pag-iisip, at hindi ito kailangan. Hindi ka dapat kumilos sa ganitong paraan. Hindi mo kailangang gumugol ng masyadong maraming lakas sa paghahanap ng mga taong tutulong, o paghahanap ng pinakamahuhusay na doktor, o pagsasaayos ng pinakamagandang kama sa ospital para sa kanila—hindi mo kailangang pigain ang iyong isip sa paggawa ng lahat ng bagay na ito. Kung talagang mayroon kang natitirang lakas, dapat mong galingan ang tungkuling dapat ay ginagampanan mo ngayon. May sariling kapalaran ang iyong mga magulang. Walang sinuman ang makakatakas sa edad kung kailan sila dapat mamatay. Hindi ang mga magulang mo ang mga tagapamahala ng iyong kapalaran, at gayundin, hindi ikaw ang tagapamahala ng kapalaran ng iyong mga magulang. Kung may nakatadhanang mangyari sa kanila, ano ang magagawa mo tungkol dito? Ano ang epektong matatamo ng iyong pagiging balisa at paghahanap ng mga solusyon? Wala itong anumang matatamo; ito ay nakasalalay sa mga layunin ng Diyos. Kung nais silang kunin ng Diyos, para wala ka nang aalalahanin sa inyong tahanan at magampanan mo ang iyong tungkulin nang may payapang isip, maaari mo ba itong pakialaman? Maaari ka bang magmungkahi ng mga kondisyon sa Diyos? Ano ang dapat mong gawin sa oras na ito? Dapat kang magpasakop sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos. Kung pipigain ng isang tao ang kanyang isip sa pag-iisip ng mga solusyon, magsisiyasat, magsusuri, at sisisihin ang kanyang sarili, na nakakaramdam ng pagkakasala sa kanyang mga magulang, ito ba ang mga kaisipan at kilos na dapat taglayin ng isang tao? (Hindi.) Ang lahat ng ito ay pagpapamalas ng kawalan ng pagpapasakop sa Diyos at sa katotohanan; ang mga ito ay hindi makatwiran, hindi matalino, at mapanghimagsik sa Diyos. Hindi dapat magkaroon ng ganitong mga pagpapamalas ang mga tao. Nauunawaan mo ba? (Oo.)” (Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Hangarin ang Katotohanan (17)). Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, napagtanto ko na pinamamatnugutan ng Diyos ang mga paghihirap na haharapin ng mga tao at kung gaano karaming paghihirap ang kanilang daranasin batay sa kanilang mga pangangailangan at tayog. Kung kailan haharapin ng mga tao ang ilang mga sitwasyon at hanggang kailan nila dapat tiisin ang mga iyon, ito ay pinaghaharian at isinasaayos lahat ng Diyos. Wala sa mga ito ang maaaring desisyunan ng sangkatauhan, lalong hindi dapat pag-aralan ang mga bagay na ito mula sa pananaw ng tao. Dapat matutunan ng mga tao na tumanggap mula sa Diyos at magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Tingnan mo ang sakit ng nanay ko, sa mababaw na pananaw, maaaring tila lumala ang kanyang kalagayan dahil hindi siya agad nadala sa ospital, ngunit sa totoo lang ay ito ang kanyang kapalaran. Ang buhay at kamatayan ng tao ay nasa mga kamay ng Diyos. Kung hindi ito pinahihintulutan ng Diyos, kahit na ang malalaking kalamidad ay hindi magdudulot ng pinsala sa mga tao. Halimbawa, nasangkot ang tatay ko sa isang malalang aksidente sa kalsada at malubhang nasugatan ang lahat ng ibang pasahero ngunit lumabas siya roon na may mababaw na pinsala at pinakamabilis siyang gumaling. Sa ating buhay, ginagampanan natin ang ating mga misyon. Kung natapos na ng isang tao ang kanyang misyon sa buhay, lilisan siya sa mundong ito sa isang paraan na ayon sa mga plano ng Diyos. Kung hindi pa niya natatapos ang kanyang misyon, anumang hirap ang kanyang kaharapin, malalampasan niya ito nang ligtas. Medyo malala na ang sakit ng nanay ko at sinabi ng doktor na hindi na siya gagaling, ngunit kung gaano katagal siya mabubuhay ay hindi sinumang tao lamang ang tutukoy, paghaharian at isasaayos ito ng Diyos. Ang dahilan kung bakit ako naging miserable ay dahil mayroon akong mga labis-labis na pagnanais at mga hinihingi sa Diyos at gusto kong gumaling ang nanay ko noon pa. Sa sandaling hindi umayon ang mga bagay sa gusto ko, naging negatibo at miserable ako. Ang lahat ng ito ay dahil hindi ko alam ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos at hindi ko kayang magpasakop sa Kanya. Matapos maunawaan ang layunin ng Diyos, nanalangin ako sa Kanya, “O Diyos! Hindi para sa akin ang pagdedesisyon kung paano gagaling ang nanay ko o kung gaano katagal siya mabubuhay. Dapat kong isantabi ang sarili kong mga hinihingi at handa akong magpasakop anuman ang mangyari.” Pagkatapos manalangin, naging kalmado at payapa ako. Pagkatapos ay nabasa ko ang siping ito ng mga salita ng Panginoong Jesus: “Kung ang sinumang tao’y pumaparito sa Akin, at hindi napopoot sa kanyang sariling ama, at ina, at asawang babae, at mga anak, at mga kapatid na lalaki, at mga kapatid na babae, oo, at pati sa kanyang sariling buhay man, ay hindi siya maaaring maging disipulo Ko” (Lucas 14:26). Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kung nahihigitan ng iyong pagmamahal sa iyong mga magulang ang iyong pagmamahal sa Diyos, kung gayon ay hindi ka karapat-dapat sumunod sa Diyos, at hindi ka kabilang sa Kanyang mga tagasunod. Masasabi rin na hindi ka isang mananagumpay, at na ayaw ng Diyos sa iyo” (Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Hangarin ang Katotohanan (17)). Sinabi ng Diyos na ang mga nagmamahal sa kanilang mga magulang nang higit sa Kanya ay hindi karapat-dapat na maging mga tagasunod Niya. Kailangan kong ihinto ang pamumuhay ayon sa mga nakalilinlang na pananaw na ikinintal sa akin ni Satanas. Kailangan kong magsimulang mamuhay nang iba, tingnan ang mga tao at mga bagay, at umasal at kumilos ayon sa mga salita ng Diyos at sa mga katotohanang prinsipyo. Ngayon ay unti-unti ko nang naitutuon ang aking sarili sa tungkulin ko. Kung minsan ay nag-aalala pa rin ako sa nanay ko, ngunit naiisip ko na sa kanyang buhay, ang mga sitwasyong nararanasan niya at ang paghihirap na dapat niyang pagdaanan ay itinakda at ipinamatnugot nang lahat ng Diyos. Nasa sa Diyos na ang lahat kung hanggang kailan mabubuhay ang nanay ko at kung paano siya lilisan, hindi ako ang magtatakda nito. Nang napagtanto ko ito, mas naging mapayapa ako. Kamakailan lang, nalaman ko na maayos na ngayon ang kondisyon ng nanay ko at may mga aral na natutunan siya sa pamamagitan ng sakit na ito. Pagkarinig ng balitang ito, sobra akong naantig at nakaramdam din ako ng hiya sa aking kawalan ng pananalig sa Diyos. Kamakailan lang ay aktibo akong nagsumite ng aplikasyon para gawin ang mga tungkulin na malayo sa bahay.
Sa pamamagitan ng karanasang ito, nagkamit ako ng isang pagkaunawa sa aking nakamamatay na kahinaan at nakakuha ng pagkilatis sa mga nakalilinlang na pananaw na noon ko pa pinanghahawakan. Hindi na ako mabubuhay sa mga pananaw na ito at kaya kong tratuhin nang tama ang aking relasyon sa mga magulang ko. Ang lahat ng ito ay dahil sa patnubay ng Diyos.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Ni Xinyi, TsinaNoong 2012, naging responsable ako sa gawain ng ilang iglesia. Nalaman ko na, sa panahon ng mga halalan sa iglesia, nailihis...
Ni Wang Tao, TsinaNoong tatlong taong gulang ako, nagdiborsyo ang aking mga magulang dahil sa kanilang emosyonal na hindi pagkakatugma, at...
Ni Mu Cheng, TsinaSa nakalipas na ilang taon, ginampanan ko ang mga tungkulin ko nang malayo sa bahay. Nami-miss ko minsan ang aking ina,...
Ni Chen Li, TsinaIsinilang ako sa isang medyo maliit na bansa na may ekonomiyang hindi pa ganoon kaunlad. Ang mga magulang at ang lolo at...