Isang Malupit na Aral na Natutunan Matapos Magpasikat

Enero 24, 2022

Ni Min Rui, Tsina

Nagkaroon ako ng tungkuling pamumuno noong 2009. Sa tuwing nagho-host ng isang pagtitipon ang lider na nakatataas sa akin, pumapalibot ang lahat sa kanya at hinihiling na magbahagi siya tungkol sa mga problema. Talagang nainggit ako. Napaisip ako kung kailan ko magagawang makapagbahagi ng mga salita ng Diyos nang ganoon kagaling, makuha ang suporta ng lahat, at mapalibutan ng lahat. Naisip kong magiging nakakamangha iyon. Kalaunan noong taong iyon, naglunsad ng isa pang malaking operasyon ng pang-aaresto ang Partido Komunista at naging mapanganib ang mga bagay-bagay. Hindi na makapunta ang mga lider namin para magsagawa ng mga pagtitipon para sa amin. Naisip ko na madalas kaming diligan ng matataas na antas na lider, kaya kahit gaano kahusay man akong nagbahagi, inisip siguro ng iba na inuulit ko lang kung ano ang sinasabi nila. Pero dahil hindi na sila pumupunta, pagkakataon ko na na maipakita ang tunay kong mga kakayahan. Kailangan kong mas matuto ng mga salita ng Diyos para maipakita sa lahat na kaya kong magbahagi at lumutas ng mga problema na kasing husay nila, na kaya ko ring pangasiwaan nang kasing ayos ang lahat nang wala ang tulong nila. Tapos, makakamit ko ang suporta at pagsang-ayon ng lahat. Kaya nagsimula akong gumising nang napakaaga para magbasa ng mga salita ng Diyos at pag-iisip nang todo para malutas ang problema at makapagbahagi ng bagong pag-unawa para matulungan ang lahat. Sa mga pagtitipon, lagi akong nag-iisip tungkol sa kung ano ang masasabi ko para makatulong na magbigay-kaliwanagan sa mga tao para isipin nila na may kakayahan ako, at nagbibigay-inspirasyon ang pagbabahagi ko, at makikita nila ako sa isang bago at mas positibong paraan. At palagi kong pinapauna ang iba sa pagbibigay ng sarili nilang pagbabahagi, tapos, ibabahagi ko naman ang aking pagkaunawa para ang pagbabahagi ko ang maging pinakakomprehensibo at nakapagbibigay-kaliwanagan.

Sa isang pulong ng mga kasamahan, nalaman ko na tamad at iresponsable sa tungkulin nila ang ilang lider ng grupo at nahuhuli sa gawain nila. Medyo nabalisa ako dahil dito, at naisip ko na kailangan kong maghanap ng mga salita ng Diyos para ipakita sa kanila ang kalakaran ng gawain ng Diyos at himukin sila sa kanilang tungkulin, at pagkatapos ay malalaman nila na natulungan sila ng aking pagbabahagi. Binasa ko ang ilan sa mga salita ng Diyos tungkol sa pag-unawa sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, tapos ay umubo ako at sinabing, “Nagpakita na ang Diyos at nagpapahayag ng katotohanan. Isa itong hindi mapapalagpas at napakahalagang pagkakataon para magawang perpekto. Kung magpapabaya tayo at magsasayang ng oras, at hindi magsisipag sa ating tungkulin, mawawalan tayo ng pagkakataon na maging mga mananagumpay at babagsak sa mga sakuna, tumatangis at nagngangalit ang ating mga ngipin!” Habang lalo akong nagiging makapukaw-damdamin, mas nakinig sila sa akin nang husto at nagsabing titigil na sila sa pagpapabaya, at gagawin nang mabuti ang tungkulin nila. Emosyonal na sinabi ng isang sister na maraming beses niya nang nabasa ang siping ito ng mga salita ng Diyos, pero hindi niya talaga ito naunawaan. Binigyan siya ng pakiramdam ng pagmamadali ng aking pagbabahagi, at ititigil niya na ang paggawa nang walang pagsisikap at paghahanap ng kaginhawaan sa kanyang tungkulin, kundi magtutuon na siya sa kanyang gawain. Ayokong isipin ng lahat na inuulit ko lang kung ano ang sinabi ng ibang mga lider, kaya sinabi ko sa kanila na kailangan talaga nating pag-isipan ang mga salita ng Diyos, at sa ilalim ng ganoon kahirap na mga kalagayan, na walang nakatataas na pamunuan para magtipon kasama namin at magdilig sa amin, kailangan naming magdasal sa Diyos at seryosong pag-isipan ang mga salita Niya. Tapos ay papatnubayan at bibigyan Niya tayo ng kaliwanagan. Tapos isa pang sister ang humahangang nagsabi, “Talagang may kakayahan ka at nauunawaan mo ang mga salita ng Diyos. Wala ako ng kabatiran mo.” Sinabi ko na walang mga paborito ang Diyos, at ang kailangan lang naming gawin ay magbayad ng halaga, pero lihim akong natuwa sa sarili ko. Mukhang hindi nawalan ng kabuluhan ang mga pagsisikap ko, na kaya kong lumutas ng mga tunay na problema. Gusto kong patuloy na gumawa para mas lalo akong hangaan ng lahat.

Kalaunan, binanggit ng isang sister na nadala ng mga kasinungalingan ng Partido Komunista ang pamilya niya at ayaw siyang papuntahin sa mga pagtitipon o gumawa ng tungkulin sa takot na maaresto siya. Nahihirapan siya at hindi niya alam kung paano iyon malalagpasan. Ibinahagi ko kung paano ko nakilala ang mga panlalansi ng malaking pulang dragon at binitawan ang pag-aaral ko ng medisina, saka kung paano ko nalampasan ang mga paghadlang ng pamilya ko sa paggawa ng tungkulin ko. Sinabi ko sa kanila ang tungkol sa kung paano ako naghirap, talagang binigyan ko iyon ng damdamin. Tapos sinabi ko na pinahalagahan at nilinang ako ng mga lider sa puntong iyon, kung ano ang natutunan ko at paano ako lumago. Nakita kong hindi talaga pinapanigan ng Diyos ang mga tao, pero kung tunay lang nating gugugulin ang mga sarili natin, pagpapalain tayo ng Diyos. Matapos ang lahat ng iyon, ang ilan sa mga tao roon ay nagkomento na hindi siguro madali para sa akin na bitawan ang lahat para sa tungkulin ko sa ganoon kabatang edad, at kung ikukumpara, halos walang panama ang mga paghihirap nila, at hindi sila gumagawa ng sapat na paghahanap. Bagaman sinabi kong ang mga salita ng Diyos ang nagbigay sa akin ng lakas para bitawan ang lahat para sa Kanya, naramdaman ko talaga na isa akong mas mabuting naghahanap. Kaya, matapos ang pagtitipon na ito, nagsimula ang mga kapatid na mas lalo akong hangaan. Nasisiyahan din ako sa lahat ng pagsamba nila. Gustung-gusto kong mas pagsikapan ang mga salita ng Diyos at isipin kung paano magbabahagi para magkamit ng mas marami pang paghanga nila. Sa mga pagtitipon, sa tuwing nagbabanggit ng isang uri ng paghihirap ang isang brother o sister, nagmamadali akong maghanap ng tamang mga salita mula sa Diyos, tapos ay pupurihin ng lahat ang aking pagbabahagi at kakayahan na lumutas ng mga praktikal na problema, at magiging tuwang-tuwa ako. Siguro nga’y mayroon akong malaking kakayahan at kaya kong mahusay na makapagbahagi, at kahit wala ang tulong ng pamunuan, kaya ko pa ring lutasin ang mga problema ng mga tao. Talagang ipinagmamalaki ko ang sarili ko matapos kong libutin ang mga iglesia. Pakiramdam ko’y marami akong problemang nalutas at gusto ng lahat na makinig sa aking pagbabahagi. Akala ko’y talagang kaya kong gumawa ng praktikal na gawain, at gusto kong magbigay ng isang magandang ulat sa mga kasamahan para makita nila kung gaano kaepektibo ang pagbabahagi ko. Kaya, masayang-masaya kong sinabi sa kanila ang lahat tungkol sa kung paano ako nagbahagi ng mga salita ng Diyos para lutasin ang mga problema ng lahat, na para bang isa iyong mahalagang bagay. Naging masiglang-masigla ako, at nakikinig at nagtatala ang iba, lubos na nakatuon, tinatanong ako tungkol sa kung anong mga sipi ng mga salita ng Diyos ang tinalakay ko, takot na mapalagpas ang isang detalye. Sabi ni Sister Li, “Napakalaki ng kakayahan at pagbabahagi mo. Naipagpapatuloy mo pa rin ang mga pagtitipon natin kahit hindi makapunta ang mga lider, at bumuti na ang iyong pagbabahagi. Kung wala ang regular mong mga pagtitipon, hindi namin malalaman kung paano makikipagbahagian sa iba.” Nag-uumapaw siya sa paghanga. Mas lalo akong natuwa nang marinig ko ito, at pakiramdam ko’y makikita na rin nila sa wakas kung gaano ako kahusay. Walang saysay ang pag-ulit ng mga sinasabi ng iba—kaya kong ayusin ang mga problema, at isa iyong tunay na kasanayan. Matapos iyon, nagsimula ang mga kasamahan ko na idulog ang kanilang mga tanong at problema sa akin, na maghanap kasama ko. Ginamit ko ang mga salita ng Diyos para makipagbahagian sa kanila, at nang nakita ko ang pagpapahalaga nila, pakiramdam ko’y sa akin umiikot ang lahat.

Talagang nagustuhan ko na silang lahat noon. Sa sumunod na pagtitipon, nakita ako ng isang sister na nakasakay sa bisikleta ko at nagmadaling tulungan akong iparada iyon, at pinalibutan ako ng lahat nang pumasok ako sa loob, hinihingan ako ng tulong sa pangangasiwa ng kung anu-ano, paano lutasin ang isang kalagayan. Walang pagod kong tinulungan silang lahat. Nagpatuloy nang ganito ang mga bagay-bagay, at ilan sa mga kapatid ang tumigil sa pagdarasal at paghahanap ng katotohanan sa kanilang mga problema, kundi diretso nang pumunta sa akin para magpapayo. Kahit ang partner ko at ibang mga kasamahan ay naghihintay ng pagbabahagi ko bago pangasiwaan ang mga bagay-bagay, ganap na tinatanggap ang payo ko sa lahat ng bagay. Talagang natutuwa pa rin ako noon sa sarili ko. Pakiramdam ko’y napakahusay ko, na ako ang pinakamahalagang tanyag na tao sa iglesia. Minsan isang kasamahan ang nagsabi na talagang mayabang ang isang diyakonong pang-ebanghelyo sa isa sa mga iglesia, hindi siya sumusunod sa mga prinsipyo at hindi nakikinig kanino man. Naisip ko na talagang may awtoridad ang mga salita ng Diyos, kailangan niya iyong pakinggan kahit gaano man siya kayabang. Naisip kong walang kuwenta ang kanilang pagbabahagi, na malinaw na nangangailangan ng isang mas may kakayahang kamay ang paggawa ng gawain ng iglesia. Nagpasya akong pumunta mismo para matutunan nila mula sa akin kung paano lutasin ang problema. Kaya nagpatawag ako ng isang pulong ng mga diyakono at napakariing binasa ang mga salita ng Diyos tungkol sa kayabangan ng mga anticristo at pagiging sutil. Naupo sa gilid ang diyakonong pang-ebanghelyo, nakatungo ang ulo na parang isang sinisintensyahang kriminal. Nang nakita ko ito, mas lalo akong nasiyahan sa abilidad kong hanapin ang mga salita ng Diyos na eksaktong tatama. Tapos sinuri ko ang kalikasan ng mga kilos niya at ang hindi maiiwasang mga kahihinatnan kung ipagpapatuloy niya iyon. Napakaamo niyang kinilala ang mga mali niya at sinabing gusto niya nang simulan ang pagsunod sa mga prinsipyo. Naisip ko na ang mga taong gaya niya ay kailangang iwasto gamit ang pinakamalulupit na salita ng Diyos. Nang bumalik ako at nakipagkita sa lahat, hindi ako nag-aksaya ng oras para sabihin sa kanila na nakumbinsi ng pagbabahagi ko ang diyakonong pang-ebanghelyo, at napakadetalyadong inilarawan ang buong eksena. Mas lalong humanga ang lahat sa kakayahan kong maghanap ng tamang sipi at tuwang-tuwa ako, pakiramdam ko’y mayroon akong realidad ng katotohanan, na walang makakapagpatigil sa akin. Pero matapos ang pulong namin, nagulat ako nang marinig kong sabihin ng isang lider ng grupo na isang bagong sister ang nagsabi sa kanya matapos ang huli naming pagtitipon na si Cristo’y nagdidilig at nagpapastol ng mga tao sa mga iglesia, at napakahusay ng pagbabahagi ko, na napaisip siya kung ako raw ba ang Diyos. Nagulat ako. Paano siya naging ganoon kabulag? Isa lang akong tiwaling tao! Nagbahagi ako agad tungkol sa kaibahan sa pagitan ng diwa ni Cristo at ng mga tiwaling tao, pero hindi talaga ako mapakali. Dinadala ko ba ang mga tao sa harap ko sa halip na sa Diyos? Paano iyon nangyari kung tungkol sa mga salita ng Diyos ang pagbabahagi ko? Pero naisip ko na siguro, dahil iyon sa isa siyang baguhan na hindi nakakaunawa sa katotohanan. Sinuportahan ako ng karamihan sa iba at nagustuhan ang pagbabahagi ko dahil natulungan sila nito. Iniisip ito sa ganoong paraan, hindi ko ito gaanong sineryoso at hindi ako nagnilay sa aking sarili, kundi nanatili akong ganoon, buong lakas na nagpatuloy, nasisiyahan sa papuri at paghanga ng lahat.

Hindi ko namalayan nang dumating ang Marso 2010, at isang araw habang papalapit ako sa bahay ng isang host, ilang mga nakasibilyang pulis na nakapuwesto roon ang umaresto sa akin dahil sa pagbebenta ng droga. Pinakawalan nila ako nang mapagtanto nilang hindi ako ang taong hinahanap nila. pero mayroon silang ilang hinala tungkol sa akin. Para maprotektahan ang ibang mga miyembro, ipinahinto ng iglesia ang tungkulin ko at pansamantalang ipinaputol ang pakikipag-ugnayan sa akin ng iba. Noong una, gabi-gabing pumupunta ang sister na ipinares sa akin para tanungin ako tungkol sa mga problema ng iglesia. At sinabi niyang kapag nagbabahagi siya sa iba, hinahamak nila siya, at hindi nila siya tinatrato nang maayos. Nalulungkot siya, pakiramdam niya’y hindi niya mapangasiwaan ang lahat nang mag-isa. Hindi pa rin ako nagnilay sa sarili ko, kundi patuloy na ibinahagi sa kanya ang kalooban ng Diyos, na huwag mag-alala tungkol sa reputasyon, kundi umasa sa Diyos, habang sinasabi rin sa kanya kung paano magbahagi para lutasin ang mga problemang iyon. Napaisip ako kung dapat bang may sabihin ako sa lider ko tungkol sa hindi pagiging ganoon kaseryoso ng alalahaning pangkaligtasan ko, para baka sakaling masimulan ko ulit ang tungkulin ko, dahil kailangan ako ng iglesia. Pero matapos ang ilang araw, sinabi niya na ang lider ay iwinasto siya dahil sa pagpuri sa akin at pagtatanong sa akin tungkol sa lahat ng bagay, hindi pagtutuon sa paghahanap ng mga prinsipyo ng katotohanan, at kawalan ng Diyos sa kanyang puso. Nagsalita ang lider tungkol sa kalikasan at mga kahihinatnan noon, at idiniin na walang sinuman ang maaaring makipag-ugnayan sa akin kung sakaling binabantayan ako ng mga pulis. Sa puntong iyon napagtanto ko na hindi lang nagkataon ang pagkakasuspindi ko sa aking tungkulin, kundi iyon ay ang matinding poot ng Diyos na dumating sa akin, na isinaayos niya ang lahat para kunin ang aking paglilingkod. Lumapit ako sa Diyos para magnilay at ang lahat ng mga sandaling iyon ng pagpuri sa akin ng iba at pag-asam sa aking pagbabahagi ay nagunita ko. Sinuri ko ang puso ko, tinanong ang sarili ko kung ang suporta ba ng mga kapatid ay dahil talaga sa kalidad ng aking pagbabahagi. Kung totoo iyon, matapos ang lahat ng panahong iyon bakit hindi nila naunawaan ang katotohanan o ginawa ang mga bagay-bagay ayon sa prinsipyo? Bakit hindi sila nagdasal at sumandal sa Diyos sa mga panahon ng gulo, kundi umasa sa akin? Hindi ba’t pinapalitan ko ang Diyos? Doon na ako nagsimulang matakot. Habang pinagninilayan ito, nagbasa ako ng dalawang sipi ng mga salita ng Diyos. “Sa ganang inyo, kung ang isang iglesia ay ipinasa sa inyo at walang namamatnubay sa inyo sa loob ng anim na buwan, mag-uumpisa kayong maligaw. Kung walang namatnubay sa iyo sa loob ng isang taon, ilalayo at ililigaw mo ito ng landas. Kung dalawang taon ang lumipas at wala pa ring namamatnubay sa iyo, dadalhin mo ang mga miyembro nito sa harapan mo. Bakit ganito? Naisaalang-alang mo na ba ang tanong na ito dati? Maaari kayang ganito kayo? Ang kaalaman ninyo ay makakapagtustos lamang sa mga tao sa loob ng isang partikular na panahon. Habang lumalakad ang panahon, kung paulit-ulit mong sinasabi ang parehong bagay, matatalos ng ilang tao iyan; sasabihin nilang napakababaw mo, kulang na kulang sa lalim. Wala kang pagpipilian kundi sikaping linlangin ang mga tao sa pangangaral ng mga doktrina. Kung lagi kang nagpapatuloy nang ganito, yaong mga nasa ilalim mo ay susunod sa iyong mga pamamaraan, mga hakbang, at halimbawa ng pananampalataya at pagdaranas at pagsasagawa ng mga salita at doktrinang iyon. Sa kasukdulan, habang patuloy kang nangangaral nang nangangaral, lahat sila’y gagamitin ka bilang isang halimbawa. Nangunguna ka sa pagsasalita ng doktrina, kaya ang mga nasa ilalim mo ay matututo ng mga doktrina mula sa iyo, at habang nagpapatuloy ang mga bagay-bagay ay nalakaran mo na ang maling landas. Ang mga nasa ilalim mo ay lalakaran ang anumang landas na nilalakaran mo; lahat sila’y matututo mula sa iyo at susunod sa iyo, kaya mararamdaman mo: ‘Makapangyarihan na ako ngayon; napakaraming tao ang nakikinig sa akin, at ang iglesia ay sunud-sunuran sa akin.’ Ang kalikasan ng pagkakanulong ito sa loob ng tao ay di-namamalayang nagsasanhi sa iyo na gawing tau-tauhan lang ang Diyos, at ikaw naman mismo ay nagtatayo ng isang uri ng denominasyon. Paano naglilitawan ang iba-ibang denominasyon? Naglilitawan sila sa ganitong paraan(“Tanging ang Paghahabol sa Katotohanan ang Tunay na Paniniwala sa Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). “Lahat ng pababa ay itinataas ang kanilang sarili at nagpapatotoo sa kanilang sarili. Naglilibot sila at ipinagmamalaki at pinupuri ang kanilang sarili, at hindi talaga nila isinapuso ang Diyos. Naranasan na ba ninyo ang sinasabi ko? Maraming tao ang palaging nagpapatotoo sa kanilang sarili: ‘Nagdusa na ako sa ganito at ganoong paraan; nagawa ko na ang ganito at ganoong gawain; pinakitunguhan na ako ng Diyos sa ganito at ganoong paraan; ipinagawa Niya sa aking ang ganito at ganoon; mataas ang tingin Niya sa akin; ngayon ay ay ganito at ganoon na ako.’ Sadya silang nagsasalita sa isang partikular na tono at umaasta sa mga partikular na tindig. Sa huli, iniisip ng ilang tao na ang mga taong ito ang Diyos. Kapag umabot na sila sa puntong iyon, matagal na silang pinabayaan ng Banal na Espiritu. Bagama’t, sa ngayon, hindi sila pinapansin, at hindi itinitiwalag, nakatakda na ang kanilang kapalaran, at ang tanging magagawa nila ay hintayin ang parusa sa kanila(“Masyadong Maraming Hinihingi ang mga Tao mula sa Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Bawat salita ng paghatol ng Diyos ay napakasakit para sa akin, at isang tunay na diwa ng takot ang pumangibabaw sa akin. Napagtanto ko na ako mismo ang inilalarawan ng mga salita ng Diyos. Mayroon akong partikular na dating, isang partikular na presentasyon kapag nagbabahagi ng mga salita ng Diyos, ibinibigay sa iba ang literal kong kaalaman sa mga salita ng Diyos at ang aking pag-unawa sa doktrina, sinasabi sa kanila kung paano gawin ang mga bagay-bagay, kung ano ang isasagawa. Ginagamit nilang lahat ang pagbabahagi ko bilang isang pamantayan nang hindi hinahanap ang patnubay ng Diyos at maghihintay na lahat sa aking pagbabahagi. Palagi kong ibinabahagi ang karanasan ko, kinukuha ang bawat pagkakataon para patuloy na ikuwento ang tungkol sa mga sakripisyo at paghihirap ko para hangaan ako ng lahat. Hindi ba’t pinupuri ko ang sarili ko at nagpapasikat, dinadala ang mga tao sa harap ko? Iniangat ako ng Diyos para maging isang lider para mahanap ko ang katotohanan para malutas ang mga problema, para purihin at patotohanan ang Diyos, at dalhin ang mga tao sa harap Niya. Pero gusto ko ng lugar sa puso ng mga tao, kaya palagi akong nagbabasa ng mga salita ng Diyos, hindi para maghanap at magsagawa ng katotohanan para lutasin ang sarili kong mga problema, kundi para sangkapan ang sarili ko ng literal na kaalaman para ipagmalaki sa harap ng iba. Nag-isip ako nang matindi para makaisip ng naiibang mga pagkaunawa, at gumawa ng estratehiya para mahuli sa pagbabahagi, ibinubuod ang lahat para magmukha akong matalino. Ginamit ko ang paglutas ng problema bilang isang pagkakataon para makapagpasikat at hangaan ako ng iba, nasisiyahan sa aking katayuan. Nagmayabang pa nga ako, ginagamit ang mga salita ng Diyos para hatulan ang iba, masungit na inuutusan ang iba na isagawa ang mga salita ng Diyos para itatag ang sarili kong reputasyon. Isa lang akong nilalang, isang tiwaling tao, pero para makamit ang paghanga ng mga tao, binabasa ko ang mga salita ng Diyos na may presentasyon na para bang ako ang Diyos Mismo, hinahatulan ang mga tao gamit ang malulupit na salita ng Diyos para yumukod sila sa aking awtoridad. Sinusubukan kong paniwalain ang iba na ako mismo ang Diyos. Hindi ako kumikilos na parang isang tao, kundi gaya ng isang demonyo, gaya ni Satanas. Tapos napagtanto ko kung gaano ako kasama at na labis akong walang kahihiyan. Hindi lang ako isang karaniwang tiwaling tao, kundi isa akong nabubuhay na Satanas na dapat isumpa sa impiyerno! Pero walang habas ko pa ring ipinagyayabang sa lahat ang kakayahan kong magbahagi, kaya kapag nagkaproblema ang iba, sa halip na magdasal at hanapin ang katotohanan, hihintayin nila akong ayusin iyon, at kahit ipinatigil ang aking tungkulin, araw-araw na inilagay ng sister na nakasama ko sa gawain ang sarili niya sa panganib para pumunta at kumonsulta sa akin sa gawain ng iglesia. Wala siyang prinsipyo ng katotohanan sa anuman. Hinamak siya ng mga kapatid, iniisip na mas maganda ang pagbabahagi ko at ayaw nilang tanggapin ang pamumuno niya. Dinadala ko ang lahat sa harap ko. Mas lalo akong natakot, napagtantong inililigaw ko ang mga tao gaya ng isang anticristo, dinadala sila sa harap ko, itinatatag ang sarili kong kaharian. Mas lalo kong nakita kung gaano kaseryoso ang problema ko.

Nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos, sabi ng Diyos, “Ang pinakamapaghimagsik sa lahat ay ang mga sadyang lumalabag at lumalaban sa Diyos. Sila ang mga kaaway ng Diyos, ang mga anticristo. Palaging may poot ang saloobin nila sa bagong gawain ng Diyos; hindi sila kailanman nagkaroon ng ni katiting na kagustuhang magpasakop, ni hindi sila kailanman nagalak na magpasakop o magpakumbaba ng sarili nila. Dinadakila nila ang mga sarili nila bago ang iba at hindi kailanman nagpapasakop sa sinuman. Sa harap ng Diyos, itinuturing nila ang mga sarili nilang pinakamahusay sa pangangaral ng salita, at ang pinakabihasa sa paggawa sa iba. Hindi nila kailanman itinatapon ang mga ‘kayamanang’ nasa pag-aari nila, kundi itinuturing ang mga ito bilang mga pamana ng pamilya para sambahin, para ipangaral sa iba ang tungkol dito, at ginagamit nila ang mga ito para magsermon sa mga hangal na umiidolo sa kanila. Tunay ngang may ilang taong tulad nito sa loob ng iglesia. Masasabing sila ay mga ‘hindi palulupig na mga bayani,’ na bawat salinlahi ay pansamantalang nananahan sa tahanan ng Diyos. Ipinapalagay nila ang pangangaral ng salita (doktrina) bilang pinakamataas nilang tungkulin. Bawat taon, bawat salinlahi, masigasig nilang ipinatutupad ang ‘sagrado at hindi malalabag’ na tungkulin nila. Walang nangangahas na salingin sila; wala kahit isang tao ang nangangahas na lantarang sawayin sila. Nagiging ‘mga hari’ sila sa tahanan ng Diyos, nagwawala habang sinisiil nila ang iba sa bawat kapanahunan. Naghahangad ang pangkat ng mga demonyong ito na makipagsanib at gibain ang gawain Ko; paano Ko mapahihintulutang umiral ang mga buhay na diyablong ito sa harap ng mga mata Ko? Kahit ang mga medyo masunurin lamang ay hindi makapagpapatuloy hanggang sa katapusan, lalong hindi itong mga maniniil na wala ni katiting na pagsunod sa mga puso nila!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Sumusunod sa Diyos Nang may Tapat na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos). Pakiramdam ko, sa malulupit na salita ng paghatol na ito mula sa Diyos ay parang nandoon mismo ang Diyos, idinedeklara ang aking huling kalalabasan, at bumagsak ako sa lupa, hindi makagalaw. Lagi akong maingay na ipinapahayag ang opinyon ko tungkol sa literal kong pagkaunawa sa mga salita ng Diyos, ginagamit ang pagbabahagi para lutasin ang mga problema ng mga tao bilang isang pagkakataon para iligaw sila, inaangat ang sarili ko at ang abilidad kong magbahagi ng katotohanan saanman para tingalain ako ng mga tao, umasa sila sa akin, at maging pala-asa sa aking pamumuno. May isang tao pa ngang napagkamalan akong Diyos. Hindi ba pinapalitan ko ang Diyos sa puso ng mga tao gaya ng isang anticristo? Ang pagkakatawang-tao ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan ay isang hindi kapani-paniwalang pagkakataon, at mapalad ang lahat na makita ang tunay na Diyos. Pero ginagamit ko ang pagkakataon ko na gawin ang isang tungkulin para itatag ang aking sarili, hindi sinasadyang ninanakaw ang mga tao palayo sa Diyos at pinapalitan Siya sa puso ng mga tao. Itinuring nila akong amo, kinakalimutan ang tungkol sa pagtustos, patnubay, at mga biyaya ng Diyos. Ninanakawan ko ang mga kapatid ng kanilang pagkakataon sa kaligtasan. Hindi ko kailanman inakala na labis akong magpapakababa, kumikilos na parang isang taong namumuno. Tapos ay napuno ako ng pagsisisi at pagkakonsiyensya at talagang kinamuhian ang sarili ko. Yumukod ako sa Diyos at nangumpisal, sinasabing, “Diyos ko, karapat-dapat akong isumpa! Pinupuri ko ang sarili ko, nagpapasikat, dinadala ang Iyong bayan sa harap ko. Kung hindi po ipinakita ang Iyong pagiging matuwid sa pamamagitan ng pagkasuspinde ng tungkulin ko, sino’ng nakakaalam kung gaano karaming kasamaan pa ang magagawa ko. Mahigit isang taon akong naging isang lider ng iglesia, at hindi lang ako nabigo na tulungan ang iba na maunawaan Ka, kundi inilayo ko po sila mula sa Iyo, naging isang hadlang, at iniligaw sila. Ginawan ko sila ng isang masamang paglilingkod, at higit pa riyan, hindi ako karapat-dapat sa Iyong pagliligtas. Ni hindi ako karapat-dapat na mabuhay, at nararapat sa akin ang anuman at lahat ng kaparusahan mula sa Iyo. …” Ilang oras pagkatapos noon, halos ayaw huminto ng mga luha ko. Pakiramdam ko’y talagang binuksan ko ang tarangkahan papuntang impiyerno at ilalantad at aalisin ako ng Diyos, at hinangad ko pa nga na tapusin Niya na ako nang mas maaga para hindi na ako makapamuhay ng isang buhay na laban sa Kanya.

Sa gitna ng paghihirap na ito, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na gusto kong ibahagi. Sabi ng Diyos, “Hangga’t mayroon kayong katiting na pag-asa, ngayon, kung gayon naaalala man o hindi ng Diyos ang inyong mga dating paglabag, anong klaseng pag-iisip ang dapat ninyong mapanatili? ‘Kailangan kong hangaring baguhin ang aking disposisyon, hangaring makilala ang Diyos, huwag nang magpaloko kay Satanas kailanman, at huwag nang gumawa muli ng anumang magdadala ng kahihiyan sa pangalan ng Diyos kailanman.’ Anong mga pangunahing aspeto ang tumutukoy kung maaaring maligtas ang mga tao at kung mayroon ba silang anumang pag-asa? Pagkatapos makinig sa isang sermon, ang pinakamahalagang bagay ay kung kaya mong maunawaan ang katotohanan o hindi, kung kung kaya mong isagawa ang katotohanan o hindi, at kung kaya mong magbago o hindi. Ito ang mga pangunahing aspeto. Kung nakararamdam ka lang ng matinding panghihinayang, at kapag ang mga bagay ay ginagawa mo lang sa paraang nais mo, sa paraang gaya ng dati, hindi lamang hindi naghahanap ng katotohanan, nakakapit pa rin sa mga lumang pananaw at kasanayan, at hindi lamang lubos na walang pag-unawa, ngunit sa halip ay lumalala pa nang lumalala, kung gayon ay mawawalan ka ng pag-asa, at dapat nang tanggalin sa listahan. Kapag mayroon kang mas malawak na kaalaman tungkol sa Diyos, at mas malalim na kaalaman tungkol sa iyong sarili, mas makokontrol mo nang husto ang iyong sarili. Habang lalong lumalalim ang kaalaman mo tungkol sa iyong kalikasan, lalo kang mapoprotektahan. At matapos dalisayin ang iyong mga karanasan, at ang mga aral na natutunan mo, hindi ka na mabibigo pang muli. Ang totoo, may mga bahid ang bawat isa, hindi nga lang sila pinananagot. Bawat isa ay mayroon nito—ang ilan ay may maliliit, at ang ilan ay may malalaki; ang ilan ay malinaw na nagsasalita, at ang ilan ay malihim. Ang ilang mga tao ay gumagawa ng mga bagay na alam ng iba, habang ang ilang mga tao ay gumagawa ng mga bagay na hindi nalalaman ng iba. Mayroong mga bahid sa bawat isa, at lahat sila’y nagbubunyag ng ilang tiwaling disposisyon, tulad ng pagiging mapagmataas o mapagmagaling; lahat sila’y lumabag, naging pasaway silang lahat sa kanilang gawain o mapaghimagsik paminsan-minsan. At ang lahat ng ito ay mapapatawad, at hindi maiiwasan ng tiwaling sangkatauhan. Subalit sa sandaling maunawaan ng mga tao ang katotohanan, maiiwasan ito, at posibleng hindi na lumabag pa, at hindi na kailangan pang mabagabag ng mga dating paglabag. Ang susi rito ay kung nagsisisi ba ang mga tao, kung tunay ba silang nagbago: Ang mga nagsisisi at nagbabago ay ang mga maliligtas, samantalang ang mga ayaw magsisi at walang pagbabago ay dapat alisin. Kung matapos na maunawaan ang katotohanan ay sinasadya pa rin ng mga taong lumabag, kung ayaw talaga nilang magsisi, lubos na walang pagbabago, at kahit gaano pa sila tabasan, iwasto, o balaan ay hindi umuubra, kung gayon ay malabong mailigtas ang gayong mga tao(“Upang Maglingkod sa Diyos Dapat Lumakad ang Isang Tao sa Landas ni Pedro” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Talagang nakakaantig para sa akin ang siping ito at pinuno ako nito ng pagkakonsiyensya. Naisip ko ang lahat ng kasamaan ko. Hindi pa ako tunay na nakapagsisi at mali pa rin ang pagkaunawa ko sa Diyos. Maling-mali ito, labis akong hindi makatwiran. Hindi mahalaga sa Diyos kung gaano karaming katiwalian ang inihahayag natin. Ang susi ay kung kaya nating tanggapin ang katotohanan, kung talagang tunay tayong nagsisisi at nagbabago. Alam kong kailangan kong itigil ang maling pagkaunawa sa Diyos, kundi kontrolin ang sarili kong mga emosyon at hanapin ang katotohanan, at talagang magnilay sa sarili ko. Iyon lang ang paraan para tumigil sa pagpapasikat at pagpuri sa sarili ko. Anuman ang mapagpasyahan ng Diyos na maging kahahantungan ko, kailangan kong maghanap at pumasok sa katotohanan, magsumikap na magbago, at tumigil sa paglaban sa Diyos at pananakit sa Kanya. Hindi na ako gaanong nalungkot nang mapagtanto ko ang lahat ng iyon, at nagsimula akong maghanap ng mga nauugnay na salita mula sa Diyos.

Mayroong dalawang sipi na tumulong sa aking maunawaan nang mas mabuti ang kayabangan ko. Sabi ng Diyos, “Partikular na iniidolo ng ilang tao si Pablo. Gusto nilang lumabas at magbigay ng mga talumpati at gumawa, gusto nilang dumadalo sa mga pagtitipon at mangaral, at gusto nila na pinakikinggan sila ng mga tao, sinasamba sila, at umiikot sa kanila. Gusto nilang magkaroon ng katayuan sa isipan ng iba, at natutuwa sila kapag pinahahalagahan ng iba ang larawang ipinakikita nila. Suriin natin ang kanilang kalikasan mula sa mga pag-uugaling ito: Ano ang kanilang likas na pagkatao? Kung ganito talaga silang kumilos, sapat na iyan upang ipakita na sila ay mayabang at hambog. Hindi talaga nila sinasamba ang Diyos; naghahangad sila ng mas mataas na katayuan at nangangarap na magkaroon ng awtoridad sa iba, na ariin sila, at magkaroon ng katayuan sa kanilang isipan. Ito ang klasikong larawan ni Satanas. Ang namumukod na mga aspeto ng kanilang kalikasan ay kayabangan at kahambugan, ayaw nilang sambahin ang Diyos, at nais nilang sambahin sila ng iba. Ang gayong mga pag-uugali ay maaaring magbigay sa iyo ng napakalinaw na pagtingin sa kanilang likas na pagkatao(“Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). “Kung talagang nasasaloob mo ang katotohanan, natural na magiging tama ang landas na iyong tinatahak. Kung wala ang katotohanan, madaling gumawa ng masama, at gagawin mo iyon kahit ayaw mo. Halimbawa, kung mayroon kang mayabang at hambog na disposisyon, walang kaibahan kung sabihan kang huwag kalabanin ang Diyos, hindi mo mapigilan ang sarili mo, hindi ito sakop ng kontrol mo. Hindi mo gagawin ito nang sadya; gagawin mo ito dahil nangingibabaw ang iyong likas na kayabangan at kahambugan. Dahil sa iyong kayabangan at kahambugan, hahamakin mo ang Diyos at hindi mo Siya bibigyan ng halaga; magiging dahilan ang mga ito para dakilain mo ang iyong sarili, lagi kang magpasikat, at, sa huli, papalit ka sa lugar ng Diyos at magpapatotoo para sa iyong sarili. Gagawin mong mga katotohanan ang iyong sariling mga ideya, ang iyong sariling pag-iisip, at ang iyong sariling mga kuru-kuro para sambahin ka. Tingnan mo kung gaano kalaking kasamaan ang ginagawa ng mga tao dahil nangingibabaw ang kanilang likas na kayabangan at kahambugan!(“Sa Pamamagitan Lamang ng Paghahanap sa Katotohanan Makakagawa ng Pagbabago sa Disposisyon ang Isang Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Nilinaw sa akin ng pagbabasa noon na ako’y nasa landas ng isang anticristo at gumagawa ng lahat ng kasamaang iyon dahil pinamumunuan ako ng likas kong pagiging mapagmataas. Ang mga ideyang gaya ng “Ako ang sarili kong panginoon sa buong langit at lupa,” “Dapat laging magsikap ang mga kalalakihan para maging mas mabuti kaysa sa kanilang mga kapanahon” ay ang aking dugong-buhay. Akala ko, ang pagiging mataas at makapangyarihan, ang pagkakaroon ng mga taong nakapalibot sa akin ay ang tanging paraan para mamuhay ng isang maluwalhating buhay. Nakaukit sa mga buto ko ang mga lasong iyon, dumadaloy sa aking mga ugat, nagiging kalikasan ko at ginagawa akong labis na mapagmataas. Noon ko pa gustong isipin na mas mataas ako sa iba at maging pinagtutuunan ng atensyon. Nag-aral ako ng ilang doktrina para magpasikat para hangaan ako ng iba, pagkumpulan ako, at makinig sa akin. Naging napakayabang ko, labis na ipinagpugay ang sarili sa pagtamasa sa papuri ng iba. Nakakasuklam iyon. Wala akong kamalayan sa sarili at walang ideya kung ano talaga ako. Ang katiting na pagbabahagi at tulong sa problema ng iba na kaya kong ibigay ay nagmula sa patnubay ng Banal na Espiritu. Hindi ko alam ang gawain ng Banal na Espiritu, kaya akala ko espesyal talaga ako, na mayroon akong realidad ng katotohanan, at walang kahihiyan kong ipinagmalaki ang sarili ko. Ang katotohanan ay ang mga taong may realidad ng katotohanan ay hindi paulit-ulit na nagsasalita tungkol sa mga doktrina, kundi mayroon silang isang tunay na pag-unawa ng kanilang tiwaling diwa at pagiging matuwid ng Diyos. Mayroon silang normal na pagkatao at katwiran, at kayang makilala ang pagkakaiba sa pagitan ng gawain ng Banal na Espiritu at ng sarili nilang tayog. Pinupuri at pinatototohanan nila ang Diyos, at palaging nabubuhay sa harap ng Diyos, hinahanap ang katotohanan para lutasin ang sarili nilang katiwalian. Hindi sila kailanman walang hiyang nagpapasikat gaya ng ginawa ko. Inisip ko kung paano nagustuhan ni Pablo ang pagiging hinahangaan, at palagi siyang nakatuon sa pangangaral ng matatayog na doktrina, kaalaman sa Biblia, at teolohiya. Nang mapahanga niya ang mga tao, naging napakamapagmataas niya na sinabi niya pang “Sapagka’t sa akin ang mabuhay ay si Cristo, at ang mamatay ay pakinabang” (Filipos 1:21). Ang pagsasabi noon ay hayagang pagkilos na parang siya ang Diyos, pagpapatotoo sa kanyang sarili bilang si Cristo at nagkakasala sa disposisyon ng Diyos. Pinaparusahan pa rin siya ng Diyos. Hindi ba’t ang aking mga hilig, mga gawain, at ang aking landas ay pareho ng kay Pablo? Mas lalo akong nakaramdam ng takot at pagsisisi nang maisip ko iyon, at naramdaman ko ang pagiging matuwid ng Diyos na hindi kumukunsinti ng paglabag. Nakaramdam ako ng kaunting tunay na paggalang sa Diyos at napagtanto kong ang paghabol sa paghanga ng iba ay isang satanikong disposisyon at paglaban sa Diyos.

Nangolekta ako ng maraming salita ng Diyos tungkol sa pagpupuri at pagtayong saksi sa Diyos at isinapuso ang pagbabasa ng mga iyon. Mayroong dalawang sipi na gumawa ng isang partikular na malalim na impresyon sa akin. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Kapag nagpapatotoo para sa Diyos, dapat pangunahing nagsasalita kayo tungkol sa kung paano hinahatulan at kinakastigo ng Diyos ang mga tao, kung anong mga pagsubok ang ginagamit Niya para pinuhin ang mga tao at baguhin ang kanilang mga disposisyon. Dapat ding magsalita tungkol sa kung gaano nang katiwalian ang naibubunyag sa inyong karanasan, kung gaano na ang inyong natitiis at kung paano kayo nalupig kalaunan ng Diyos; magsalita kung gaanong tunay na kaalaman tungkol sa gawain ng Diyos ang mayroon kayo, at kung paano kayo dapat magpatotoo para sa Diyos at suklian Siya para sa Kanyang pag-ibig. Dapat ninyong lagyan ng diwa ang ganitong uri ng wika, habang inilalagay ito sa isang payak na paraan. Huwag ninyong pag-usapan ang mga walang kabuluhang teorya. Magsalita kayo nang mas matapat; magsalita kayo na mula sa puso. Ganito ang dapat ninyong maranasan. Huwag ninyong sangkapan ang inyong mga sarili ng mga tila malalim at hungkag na teorya para magpakitang-gilas; sa paggawa nito ay nagmumukha kayong mapagmataas at walang-katuturan. Dapat ay magsalita kayo nang higit tungkol sa mga tunay na bagay mula sa aktuwal ninyong karanasan na totoo at mula sa puso, at magsalita mula sa puso; ito ay pinakakapaki-pakinabang sa iba, at pinakanararapat na makita nila(“Sa Pamamagitan Lamang ng Paghahanap sa Katotohanan Makakagawa ng Pagbabago sa Disposisyon ang Isang Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). “Bilang mga lider at manggagawa sa iglesia, kung gusto mong akayin ang mga piniling tao ng Diyos sa realidad ng katotohanan at maglingkod bilang mga saksi ng Diyos, pinakamahalaga, dapat na mas malalim ang pang-unawa mo sa pakay ng Diyos sa pagliligtas ng mga tao at sa layunin ng Kanyang gawain. Dapat mong unawain ang kalooban ng Diyos at ang Kanyang iba’t ibang hinihingi sa mga tao. Dapat kang maging praktikal sa mga pagsusumikap mo; isagawa lamang yaong naiintindihan mo at ipahayag lamang yaong nalalaman mo. Huwag magyabang, huwag magsalita nang labis, at huwag gumawa ng mga iresponsableng pahayag. Kung magsasalita ka nang labis, kamumuhian ka ng mga tao at makakaramdam ka ng paninisi pagkatapos; sadyang hindi ito kaangkop-angkop(“Yaon Lamang mga May Katotohanang Realidad ang May Kakayahang Mamuno” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Binigyan ako ng isang tunay na landas ng pagsasagawa ng pagbabasa nito. Nakita ko na ang pagtayong saksi sa Diyos ay hindi lang pagbabasa ng mga salita ng Diyos sa mga tao at pagsasabi sa kanila na isagawa ang mga iyon, o pagbabahagi ng ilang matataginting na teorya para ituro sa mga tao, kundi ito ay pagbabahagi sa kalooban at mga hinihingi ng Diyos, pagbabahagi ng iyong personal na karanasan sa mga salita ng Diyos, gaya ng kung paano ka hinatulan at kinastigo ng Kanyang mga salita, anong katiwalian ang iyong inihayag, paano ka inilantad ng mga salita ng Diyos at paano mo naunawaan ang mga iyon, paano mo iyon isinagawa matapos iyon, at ano ang natutunan mo tungkol sa gawain at disposisyon ng Diyos. Salita lang ako nang salita tungkol sa mga salita ng Diyos sa isang hungkag na paraan nang hindi nag-iisip tungkol sa pagsasagawa sa totoong buhay. Hindi ako nagbago para sa ikabubuti sa loob ng mga taong iyon, kundi lalo lang akong naging mapagmataas. Sinaktan ko ang sarili ko at iniligaw ang iba. Sa puntong iyon nakita kong kailangan kong magtuon sa sarili kong paggawa at pagpasok, mas hanapin ang kalooban ng Diyos, at mas magnilay sa aking sariling katiwalian at mga kapintasan. Kailangan kong malaman ang lugar ko at gamitin ang karanasan at pag-unawa ko sa mga salita ng Diyos para patotohanan Siya.

Matapos iyon, nakaramdam ako sa puso ko ng mas mataas na paggalang kapag nagbabahagi ako ng mga salita ng Diyos, at hindi ako nangahas na ipagmalaki ang literal kong pag-unawa, kundi ibinahagi lang ang sarili kong karanasan. Nagsalita lang ako tungkol sa kung anong naunawaan ko at hindi ko inisip ang tungkol sa paghanga ng iba. Gusto ko lang magsalita ng mga bagay-bagay na talagang nagpapatotoo sa Diyos. Kapag ibinabahagi ang aking pag-unawa, sinisiguro kong ibigay ang lahat ng luwalhati sa Diyos, sinasabing iyon ay ang pagbibigay-kaliwanagan ng Banal na Espiritu at hindi mula sa sarili kong tayog. Nagsimula akong makaramdam ng takot na hangaan. Kinakabahan ako kapag napupuri, at nagmamadali akong patotohanan ang Diyos para malaman ng iba na dahil iyon sa gawain ng Diyos. Hindi na ako kasing hambog at tuwang-tuwa sa sarili ko gaya noon. Binigyan ako ng kapayapaan ng paggawa noon at naging mas malapit ako sa Diyos. Tinuruan din ako nito na ang kailangan kong makamit sa aking tungkulin ay ang katotohanan at kaalaman sa Diyos, hindi ang paghanga ng sinuman. Nasuklam ako sa dati kong pag-asam ng papuri, at ikinahiya ko ito. Ngayon tunay kong nauunawaan na anuman ang kaunti kong nauunawaan at pagbabagong nakakamit ko ay lubos na pagliligtas ng Diyos para sa akin. Labis akong nagpapasalamat sa Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Pamumuhay sa Harap ng Diyos

Ni Yongsui, South KoreaSabi ng Makapangyarihang Diyos, “Upang makapasok sa realidad, kailangang ibaling ng isang tao ang lahat sa tunay na...

Bakit Ako Laging Nagpapanggap?

Ni Christine, PilipinasNoong Agosto 2021 nagsimula akong magsanay sa pagdidilig ng mga bagong mananampalataya. Dahil hindi ako masyadong...