Pagninilay Tungkol sa Pagsusukli sa mga Kabutihan

Enero 25, 2023

Ni Nathan, South Korea

Dalawang buwan na ang nakalipas, nakatanggap ako ng liham mula sa iglesia sa bayan ko, na humihingi ng pagsusuri sa isa sa mga sister na si Zhang Hua. Nakasaad sa liham na ginagambala niya ang buhay-iglesia, pinag-aaway ang mga tao at bumubuo ng sarili niyang grupo. Ilang beses na sinubukang magbahagi ng mga lider pero walang nangyari, at lumaban siya sapamamagitan ng pagtukoy mismo sa mga sariling pagkakamali ng mga lider. Naghahanda ang iglesia ng impormasyong kinakailangan para maitiwalag si Zhang Hua at hiniling sa aking magsulat ng isang ebalwasyon sa kanya. Nang makita ko ang sulat, napagtanto kong malamang ay maititiwalag na si Zhang Hua sa pagkakataong ito dahil matagal nang nananatiling ganoon ang pag-uugali niya, at hindi pa rin nagbabago. Napakaseryoso ng kondisyong ito. Kapag iniisip ko ang pagtitiwalag kay Zhang Hua, hindi maganda ang pakiramdam ko tungkol dito. Itinaas niya ang ranggo ko noon, at palagi akong sinusubukang alagaan. Kapag nalaman niyang ako ang naglantad sa kanyang masasamang ginawa, ano ang iisipin niya sa akin? Sasabihin ba niya na wala akong utang na loob at walang puso? Habang iniisip ito, gusto ko na lang iwasan ang bagay na iyon. Nagkataon na mayroon akong ibang gagawin, at ipinagpaliban ko ito nang ilang araw.

Patuloy na bumabagabag sa isip ko ang isyu—may naalala akong pangyayari sampung taon ang nakararaan. Noon, si Zhang Hua ang lider ng iglesia at itinaas niya ang ranggo ko sa tekstuwal na gawain, para mas makapagsagawa ako. Paulit-ulit na itinaas ang ranggo ko, at lumabas ako ng aking bayan para gawin ang tungkulin ko. Naisip ko na ang makapagpatuloy sa tekstuwal na gawain ay may kinalaman sa pagtataas niya ng ranggo ko sa lahat ng taong iyon dati. Naisip ko ang pagbabahagi, tulong at suporta na ibinigay niya sa mga taon niya bilang lider—madali kaming nagkasundo, at inalagaan niya kami nang mabuti sa aming pang-araw-araw na buhay. Hindi lang siya naghanda ng mas maaayos na bahay para tanggapin kami, kapag kapos kami sa mga damit o pang-araw-araw na pangangailangan, ipinadadala rin niya agad ang mga iyon sa amin. Naaalala ko minsan, nagdaos siya ng pagtitipon para sa amin. Nabalitaan niyang may sakit ako sa atay, at nakipag-ugnayan siya sa isang brother na may kasanayan sa medisina, kinuhaan niya ako ng isang dosenang bote ng mga gamot sa atay nang libre. Sobrang naantig ako roon. Maliban sa pamilya ko, walang sinumang nagpakita ng ganoong malasakit para sa sakit ko. Palagi kong nararamdaman na kinikilala at pinahahalagahan niya ako at habambuhay akong nagpapasalamat paradoon. Kaya halos hindi ko makaya ang pagkaasiwa nang hilingin noon sa akin na sumulat ng ebalwasyon ni Zhang Hua, dahil alam kong marami siyang masasamang gawa—kung malalantad ang mga iyon, hahantong ito sa pagtitiwalag sa kanya. Sa kanyang tungkulin bilang lider, pabaya siya at walang ingat, lubhang nakapipinsala sa gawain ng iglesia. Matapos tanggalin bilang lider, humayo siya para ipangaral ang ebanghelyo pero nagsimulang sumunod sa mga anticristo, tinutuligsa ang mga lider bilang mga huwad sa kanyang pakikibaka para sa pamumuno. Dahil dito, hindi magawa ng mga lider at manggagawa ang kanilang tungkulin, at lubhang nagambala. ang gawain ng iglesia. Masamang tao ang kapatid niya. Nang itiniwalag ito, hindi natuwa si Zhang Hua at ipinagtanggol ito, nagpapakalat ng mga kuru-kuro, at gumagambala sa gawain ng iglesia. Nagtaka ako kung bakit palaging sinusuportahan ni Zhang Hua ang mga maling tao. Pagkatapos ay naisip ko ang salita ng Diyos: “Marami sa iglesia ang hindi makakilala. Kapag may nangyaring isang bagay na mapanlinlang, bigla silang pumapanig kay Satanas; nasasaktan pa sila kapag tinawag silang mga utusan ni Satanas. Bagama’t maaaring sabihin ng mga tao na hindi sila makakilala, lagi silang nasa panig na walang katotohanan, hindi sila pumapanig sa katotohanan kailanman sa kritikal na panahon, hindi sila tumatayo at nakikipagtalo kailanman para sa katotohanan. Wala ba talaga silang pagkakilala? Bakit bigla silang pumapanig kay Satanas? Bakit hindi sila nagsasabi kailanman ng isang salitang makatarungan o makatwiran para suportahan ang katotohanan? Talaga bang nangyari ang sitwasyong ito dahil sa panandalian nilang kalituhan? Kapag mas kaunting pagkakilala ang meron ang mga tao, mas hindi nila nagagawang pumanig sa katotohanan. Ano ang ipinapakita nito? Hindi ba nito ipinapakita na gustung-gusto ng mga taong walang pagkakilala ang kasamaan? Hindi ba nito ipinapakita na sila ay matatapat na supling ni Satanas? Bakit ba palagi nilang nagagawang pumanig kay Satanas at magsalitang kagaya nito? Bawat salita at gawa nila, ang mga ekspresyon sa kanilang mga mukha, ay sapat na lahat upang patunayan na hindi sila mga taong nagmamahal sa katotohanan; sa halip, sila ay mga taong namumuhi sa katotohanan. Sapat nang kaya nilang pumanig kay Satanas upang patunayan na talagang mahal ni Satanas ang walang-kuwentang mga diyablong ito na ginugugol ang kanilang buhay sa pakikipaglaban para sa kapakanan ni Satanas. Hindi ba napakalinaw ng lahat ng katotohanang ito?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Babala sa mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan). Sa pamamagitan ng paghahayag ng salita ng Diyos, at paghahambing nito sa mga nakaraang masasamang gawa ni Zhang Hua at sa kasalukuyan niyang pag-uugali, nakita ko na palagi siyang pumapanig kay Satanas, nakakagambala sa gawain ng iglesia. Naunawaan kong, ang totoo, alipores siya ni Satanas—isang masamang tao na gumagambala sa gawain ng iglesia. Kung ilalantad ko ang lahat ng masasamang gawa ni Zhang Hua, ayon sa mga prinsipyo ng iglesia, tiyak na aalisin siya. Tapos, matatanggalan na siya ng papel na gagampanan sa sambahayan ng Diyos at mawawalan ng pagkakataong maligtas. May katandaan na siya, at hindi pa nakakabuo ng pamilya. Kung ititiwalag siya, may mapupuntahan ba siya? Nang maisip ko ang pag-aalaga at promosyon na ibinigay niya sa akin, nalagay ako sa pag-aalinlangan. Isulat ang pagsusuri, at malamang na maititiwalag siya dahil sa kanyang masamang pag-uugali. Huwag itong isulat, at hindi ko mapoprotektahan ang gawain ng iglesia o magiging tapat sa Diyos. Sa pag-iisip tungkol dito, naisipan kong magkompromiso. Lumipas na ang mga taon, at hindi gaanong matalas ang memorya ko. Nakalimutan ko na ang maraming detalye, kaya walang nang silbi ang magsikap na maalala ang mga ito. Isusulat ko na lang ang ilang halatang bagay at hihinto na ako. Nang maisip ko ito, nakaramdam ako ng paninisi sa puso ko. Hindi ba’t pagtataksil at panlilinlang lamang ito? Ngayon ang huling yugto ng paghahayag sa gawain ng Diyos, kung kailan pinagbubukud-bukod ang mga tao ayon sa kanilang uri. Kapag naalis na ang masasamang tao, mga anticristo, mga walang pananampalataya at masasamang espiritu, saka lang malilinis ang iglesia at maisasakatuparan nito nang maayos ang gawain nito. Alam na alam kong masama si Zhang Hua, pero ayaw kong ilantad siya—gusto ko siyang protektahan, pagtakpan. Ito ay pagpanig kay Satanas at paglaban sa Diyos. Nang mapagtanto ko ito, natakot ako. Sinubukan kong alalahanin ang lahat ng kilos niya at isinulat ang mga iyon para sa lider.

Nang maipadala ko na ito, medyo gumaan ang pakiramdam ko, pero may lungkot pa ring naiwan. Kung babalik ako sa bayan ko balang araw at malalaman ni Zhang Hua na ako ang nagbunyag ng kanyang masasamang gawa, sasabihin ba niya sa akin na wala akong pagmamahal, at walang utang na loob? Sa loob ng maraming araw, kapag naiisip ko ito, pakiramdam ko ay may nagawa akong mali. Patuloy akong nag-isip-isip: Alam kong kalooban ng Diyos ang paglalantad at pag-uulat sa masasamang tao at tungkulin ito ng lahat ng hinirang ng Diyos, kaya bakit ako nalulungkot, at hindi buo ang loob na ilantad siya? Bakit pakiramdam ko ay parang may utang ako sa kanya? Sa pagninilay-nilay, naalala ko na noong sinuri ng Diyos ang mga moral ng sangkatauhan, binanggit Niya ang paksa ng pagsusukli sa kabutihan, kaya sinimulan kong basahin ang salita ng Diyos. Sabi ng mga salita ng Diyos, “Ang ideya na ‘ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian,’ ay isa sa mga klasikong pamantayan sa paghusga kung ang isang tao ba ay moral o imoral sa tradisyunal na kultura ng Tsina. Kapag kinikilatis kung ang isang tao ay may mabuti o masamang pagkatao at kung gaano siya kabait, isa sa mga pinagbabatayan ay kung sinusuklian ba niya ang mga pabor o tulong na natatanggap niya—kung siya ba ay isang tao na isinasagawa ang ‘ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian’ o hindi. Sa tradisyunal na kultura ng Tsina, at, sa katunayan, sa pangkalahatang tradisyunal na kultura ng tao, itinuturing ito ng mga tao bilang mahalagang pamantayan ng kabutihan. Kung ang isang tao ay hindi isinasagawa ang ‘ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian,’ kung gayon siya ay walang utang na loob at itinuturing na walang konsiyensiya at hindi nararapat na makaugnayan. Kinasusuklaman, itinataboy, at tinatanggihan siya ng lahat. Sa kabilang banda, kung ang isang tao ay isinasagawa nga ang ‘ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian’—kung siya ay tumatanaw ng utang na loob at sinusuklian ang mga pabor at tulong na natatanggap niya sa abot ng kanyang makakaya, itinuturing siya na isang taong may konsiyensiya at pagkatao. Kung ang isang tao ay nakatatanggap ng mga pakinabang o tulong mula sa ibang tao, pero hindi niya ito sinusuklian, o nagpapahayag lang siya ng kaunting pasasalamat dito sa simpleng ‘salamat’ at wala nang iba pa, ano ang iisipin ng ibang taong iyon? Mababahala kaya siya? Iisipin ba niya, ‘Ang taong iyon ay hindi nararapat na tulungan, hindi siya mabuting tao. Kung ganoon ang reaksiyon niya kahit labis ko siyang tinulungan, wala siyang konsiyensiya o pagkatao, at hindi nararapat na makaugnayan’? Kung muli niyang makasasalamuha ang ganitong uri ng tao, tutulungan pa rin ba niya ito? Hindi niya ito gugustuhin man lang. Sa katulad na mga sitwasyon, hindi ba ninyo pag-iisipan kung dapat ba kayong tumulong o hindi? Ang aral na matututuhan ninyo mula sa dati ninyong karanasan ay, ‘Hindi ko pwedeng tulungan ang kung sino lang—kailangan nilang maunawaan na “ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian.” Kung sila ang tipong walang utang na loob na hindi ako susuklian sa tulong na ibinigay ko sa kanila, mas mabuti pang huwag na akong tumulong.’ Hindi ba’t iyon ang magiging pananaw ninyo sa usaping ito? (Oo, iyon nga.)” (Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ano ba ang Paghahangad ng Katotohanan 7). Matapos basahin ang salita ng Diyos, nahanap ko ang dahilan kung bakit ako masyadong nalulungkot, at nakararamdam na parang may utang ako sa kanya. Nalinlang at nalason ako ng moral na prinsipyo ng pagsusukli sa kabutihan. Sa buong kabataan ko, kapag nag-uusap ang mga magulang ko, matatanda, o mga taganayon, ang kasabihang “pagsusukli sa kabutihan” ay madalas nilang napag-uusapan. Kapag nababalitaan nila kung paanong sinusuklian kalaunan ng isang nakatanggap ng tulong ang tumulong, pinupuri nila ang taong ito at sinasabing mabait siya, may konsensya, at nararapat kaibiganin. Hinahangaan at iginagalang nila ang gayong tao, at magiliw itong binabati kapag nakikita nila ito. Pero kapag hindi sinusuklian ng isang tao ang isang pabor, ayaw nilang makisama rito. Palihim nilang binabansagan ang gayong tao na walang utang na loob, walang konsensya at pagkatao, at hindi man lang ito binabati. Dahil nababad ako sa mga ganitong uri ng pagpapahalaga mula sa kapaligiran ng aking kabataan, palagi kong sinusubukang isagawa ang pagsukli sa kabutihan. Kailangan kong maalala ang lahat ng tumulong sa akin o nakatulong sa pamilya ko, at suklian sila sa lalong madaling panahon. Kung hindi ko ito magagawa agad, kailangan kong maghintay at suklian sila sa susunod, kapag kaya ko na. Mukhang ganito dapat kumilos ang isang marangal, may konsensya, at matuwid na tao, at pinaboran ako ng mga nakapaligid sa akin dahil dito . Pero kay Zhang Hua, pakiramdam ko ay hindi ko nasuklian ang lahat ng kanyang ibinigay na promosyon, malasakit, at tulong, at pinuna ko pa nga ang kanyang masasamang gawa. Nakonsensya ako at pakiramdam ko ay wala akong utang na loob. Kinokontrol pa rin ako ng mga ideyang ito na kahit alam kong nakakagambala lang ang masasamang tao at mga walang pananampalataya sa gawain ng iglesia at sa mga tungkulin ng mga kapatid, ayaw ko pa ring ilantad ang kanyang masasamang gawa. Labis akong nalinlang at nahadlangan ng konsepto ng pagsusukli sa kabutihan.

Sa sandaling iyon, marami pa akong nabasang salita ng Diyos. “Ang mga pahayag sa tamang asal gaya ng ‘ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian’ ay hindi eksaktong sinasabi sa mga tao kung ano ang mga responsabilidad nila bilang miyembro ng lipunan at bahagi ng sangkatauhan. Sa halip, paraan ang mga ito upang igapos at pwersahin ang mga tao na kumilos at mag-isip sa partikular na paraan, gusto man nila o hindi, at kahit ano pa ang sitwasyon o konteksto. Maraming halimbawa nito mula sa sinaunang Tsina. Halimbawa, may isang nagugutom na pulubing batang lalaki ang inampon ng isang pamilya na nagpakain, nagbihis, nagsanay sa kanya sa martial arts, at nagturo sa kanya ng lahat ng uri ng kaalaman. Naghintay ang pamilya na lumaki siya, at pagkatapos ay sinimulang gamitin siya bilang mapagkakakitaan, pinalalabas siya para gumawa ng masama, pumatay ng mga tao, at gumawa ng mga bagay na ayaw niyang gawin. Kung titingnan mo ang kwento niya batay sa lahat ng pabor na natanggap niya, iisipin mong mabuting bagay ang pagkakaligtas sa kanya. Pero kung iisipin mo ang mga napilitan siyang gawin kalaunan, mabuti ba talaga ito o masama? (Masama ito.) Pero sa ilalim ng pagkokondisyon ng tradisyunal na kultura, gaya ng ‘ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian,’ hindi nakikita ng mga tao ang pagkakaiba nito. Sa panlabas, mukhang walang pagpipilian ang batang lalaki kundi gumawa ng masasamang bagay at manakit ng mga tao, maging mamamatay-tao—mga bagay na hindi gugustuhing gawin ng karamihan. Ngunit hindi ba’t ang kanyang pagpayag na gumawa ng masasamang bagay at pumatay sa utos ng kanyang amo, sa kaibuturan, ay nagmumula sa kanyang pagnanais na suklian ang kanyang amo para sa kabutihan nito? Partikular na dahil sa pagkokondisyon ng tradisyunal na kultura ng Tsina, gaya ng ‘ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian,’ hindi mapigilan ng mga taong maimpluwensiyahan at makontrol ng mga ideyang ito. Ang paraan ng kanilang pagkilos, at ang mga layunin at motibasyon sa likod ng mga pagkilos na ito ay napipigilan din ng mga ito. Nang malagay sa ganoong sitwasyon ang batang lalaki, ano kaya ang unang naisip niya? ‘Iniligtas ako ng pamilyang ito, at naging mabuti sila sa akin. Hindi pwedeng hindi ako tumanaw ng utang na loob, dapat kong suklian ang kanilang kabutihan. Utang ko ang buhay ko sa kanila, kaya dapat ko itong ilaan sa kanila. Dapat kong gawin ang anumang hinihingi nila sa akin, kahit pa nangangahulugan iyon ng paggawa ng masama at pagpatay ng mga tao. Hindi ko pwedeng isaalang-alang kung tama ba ito o mali, dapat ko lang suklian ang kabutihan nila. Anong klaseng tao ako kung hindi ko gagawin ito?’ Dahil dito, kahit kailan naisin ng pamilya na pumatay siya ng isang tao o gumawa ng masama, ginagawa niya ito nang walang pag-aatubili o pasubali. Hindi ba’t ang kanyang asal at mga pagkilos, ang kanyang walang pag-aalinlangang pagsunod, ay dinidiktahan lahat ng ideya na ‘ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian’? Hindi ba’t isinasakatuparan niya ang kasabihang pangmoral na iyon? (Oo.) Ano ang naunawaan mo sa halimbawang ito? Mabuti ba o hindi ang ‘ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian’? (Hindi, walang prinsipyo rito.) Ang totoo, ang isang taong nagsusukli sa kabutihan ay mayroon namang prinsipyo. Ito ay ‘ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian.’ Kung may gumagawa sa iyo ng kabutihan, dapat mo itong suklian. Kung hindi mo ito magagawa, hindi ka tao at wala kang masasabi kung ikaw ay kokondenahin dahil dito. Ayon sa kasabihan: ‘Ang gapatak na tubig ay dapat suklian ng umaagos na bukal,’ pero sa sitwasyong ito, ang batang lalaki ay nakatanggap ng kabutihan na nagligtas ng buhay niya, at kailangan niya itong suklian ng buhay rin ang kapalit. Hindi niya alam kung ano ang mga limitasyon o mga prinsipyo ng pagsusukli sa kabutihan. Naniniwala siya na ang kanyang buhay ay ibinigay sa kanya ng pamilyang iyon, kaya dapat niya itong ilaan sa kanila bilang kapalit, at gawin ang anumang hinihingi nila sa kanya, kasama na ang pagpatay o iba pang paggawa ng kasamaan. Ang ganitong paraan ng pagsusukli sa kabutihan ay walang mga prinsipyo o limitasyon. Tinulungan niya ang isang halimaw at sinira ang kanyang sarili kasabay nito. Tama bang suklian niya ang kabutihan sa ganitong paraan? Hinding-hindi. Kahangalan ito(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ano ba ang Paghahangad ng Katotohanan 7). Sa pamamagitan ng halimbawa ng Diyos tungkol sa pulubing sumukli sa kabutihan, nakita ko na ang pagsusukli sa kabutihan ay isang satanikong kabulaanang naglalayong lasunin tayo. Ang ideya ng pagsusukli sa kabutihan ay hindi lang pumipigil sa ating kaluluwa, kundi binabaluktot din nito ang ating mga iniisip, ginagawang utang na loob ang ordinaryong tulong sa pagitan ng mga tao na dapat tandaan at suklian, para hindi matawag na walang konsensya at pagkatao. Ilang tao ang hindi na alam ang wastong asal dahil sa mapanlinlang at nakalalasong moral na ito? Kahit sino pa ang gumagawa ng pabor, kahit ito ay masamang tao o taong may mga lihim na motibo, sino man ang makikinabang ay kailangang suklian ito ng kanilang buong kaluluwa, kahit umabot pa sa patayan, at iba pang kasamaan. Kaya’t napagtanto ko na ang moral ng pagsusukli sa kabutihan ay talagang nakalalason sa mga tao. Kapag naiisip ko na inaatake ni Zhang Hua ang mga lider at ginagambala ang gawain ng iglesia, alam kong ang layuni ng lider sa paghingi ng ebalwasyon ay para malinaw na maunawaan kung paano karaniwang kumikilos si Zhang Hua para mapagpasyahan kung ititiwalag siya o hindi. Pero sa ilalim ng panlilinlang at impluwensya ng “pagsusukli sa kabutihan,” ang maisip pa lang si Zhang Hua na nagtataas ng aking ranggo at nag-aalaga sa akin—lahat ng kanyang pabor—ay nagparamdam na ng kagustuhan sa aking pagtakpan ang kanyang masasamang gawa. Litong-lito ako para malaman ang pagkakaiba sa pagitan ng mabuti at masama, itim at puti! Sa puntong ito, nagawako nang matukoy ang ilang bagay tungkol sa ideya ng pagsusukli sa kabutihan. Nakita kong hindi ito positibong bagay, kundi isang kabulaanang ginagamit ni Satanas para linlangin at gawing tiwali ang mga tao. Alam kong hindi ako dapat mamuhay ayon dito, hindi ko ito dapat ituring na prinsipyo ng pag-uugali.

Kalaunan, marami pa akong nabasa sa salita ng Diyos. “Ang tradisyunal na pangkultural na konsepto na ‘ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian’ ay kailangang kilatisin. Ang pinakamahalagang bahagi ay ang salitang ‘kabutihan’—paano mo dapat tingnan ang kabutihang ito? Anong aspeto at kalikasan ng ‘kabutihan’ ang pinatutungkulan nito? Ano ang kabuluhan ng ‘ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian’? Mahalaga para sa kahit sinong naghahangad ng katotohanan na malaman ang mga kasagutan sa mga tanong na ito. Ano ang ‘kabutihan’ ayon sa mga kuru-kuro ng tao? Sa mas mababang antas, ang kabutihan ay ang pagtulong sa iyo ng isang tao kapag may problema ka. Halimbawa, ang pagbibigay sa iyo ng isang tao ng isang mangkok ng kanin kapag gutom na gutom ka, o isang bote ng tubig kapag uhaw na uhaw ka, o pag-alalay sa iyong makatayo kapag nadapa ka at hindi makabangon. Lahat ito ay paggawa ng kabutihan. Ang dakilang paggawa ng kabutihan ay ang pagliligtas sa iyo ng isang tao kapag nasa desperado kang kalagayan—iyon ay kabutihan na nakapagliligtas ng buhay, o ang pagtulong sa iyo ng isang tao na makaiwas sa kamatayan kapag nasa matinding panganib ka, na talagang pagsagip ng iyong buhay. Ang mga ito ay ilan sa mga bagay na sa tingin ng mga tao ay ‘kabutihan.’ Ang gayong uri ng kabutihan ay higit na nalalagpasan ang anumang maliliit at materyal na pabor—ito ay dakilang kabutihan na hindi masusukat sa pera o materyal na mga bagay. Ang mga nakatatanggap nito ay nakararamdam ng pasasalamat na imposibleng maipahayag sa iilang salita lamang ng pagpapasalamat. Ngunit tumpak ba na sukatin ng mga tao ang kabutihan sa ganitong paraan? (Hindi.) Bakit hindi? (Dahil ang panukat na ito ay nakabatay sa mga pamantayan ng tradisyunal na kultura.) Ito ay isang sagot na batay sa teorya at doktrina, at bagamat mukhang tama ito, hindi nito natutukoy ang diwa ng usapin. Kaya, paano ito maipapaliwanag ng isang tao sa mga praktikal na termino? Pag-isipan itong mabuti. Kamakailan, nabalitaan Ko ang tungkol sa isang video online ng isang lalaking nakalaglag ng pitaka nang hindi niya namamalayan. Isang maliit na aso ang nakapulot sa pitaka at hinabol ang lalaki, at nang makita ito ng lalaki, binugbog niya ang aso dahil inakala niyang ninakaw nito ang pitaka niya. Kakatwa, hindi ba? Mas wala pang moralidad ang lalaking iyon kaysa sa aso! Ang ikinilos ng aso ay ganap na alinsunod sa mga pamantayang pangmoralidad ng tao. Ang isang tao ay makasisigaw sana ng, ‘Nalaglag ang pitaka mo!’ ngunit dahil hindi nakapagsasalita ang aso, tahimik lang nitong pinulot ang pitaka at sumunod sa lalaki. Kaya, kung ang isang aso ay kayang isakatuparan ang ilan sa mabubuting asal na hinihikayat ng tradisyunal na kultura, ano ang sinasabi nito tungkol sa mga tao? Ang mga tao ay ipinanganak na may konsiyensiya at katwiran, kaya mas may kakayahan silang gawin ang mga bagay na ito. Hangga’t may konsiyensiya ang isang tao, maisasakatuparan niya ang mga ganitong uri ng responsabilidad at obligasyon. Hindi na niya kailangang magsumikap o magbayad ng halaga, kaunting pagsisikap lang ang kinakailangan niya at paggawa lang ng isang bagay na nakatutulong, isang bagay na kapaki-pakinabang sa iba. Ngunit ang kalikasan ba ng ganitong kilos ay talagang maituturing na ‘kabutihan’? Umaabot ba ito sa antas ng paggawa ng kabutihan? (Hindi.) Dahil hindi, kailangan pa bang pag-usapan ng mga tao ang pagsukli rito? Hindi na ito kakailanganin(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ano ba ang Paghahangad ng Katotohanan 7). Habang pinagninilayan ko ang salita Niya, nabigyang-liwanag ang puso ko. Sabi ng Diyos, “Ang pinakamahalagang bahagi ay ang salitang ‘kabutihan’—paano mo dapat tingnan ang kabutihang ito?” Sa sandaling malaman ko kung paano ituring ang ideya ng “kabutihan,” makikita ko ang katotohanan at hindi na malilinlang o makokontrol nito. Kaya pinag-isipan ko ito. Naniwala ako na nagpakita ng kabutihan si Zhang Hua sa akin sa dalawang pangunahing paraan. Unang-una, itinaas niya ang ranggo ko. Pangalawa, pinabigyan niya ako sa isang kapatid ng gamot noong lider siya. Ngayon, talaga bang kabutihan ang mga ito? Sa totoo lang, kapag ang isang tao ay may sakit o nahaharap sa ilang paghihirap, ang pag-aalok ng tulong para magbigay ng kaunting ginhawa ay normal na asal—ito ay sentido komun. Pero malayo ito sa espesyal na kabutihang dapat suklian. Nang malaman ni Zhang Hua ang sakit ko sa atay at pinabigyan ako sa kapatid ng gamot, sa totoo lang ay maaari itong ituring na responsibilidad niya, na mayroon sa lahat ng makatwirang tao na may konsensya. Pero isinapuso ko ang tulong niya at binansagan ko itong espesyal na kabutihang dapat suklian, sinubukan pa ngang panatilihin siya sa iglesia sa pamamagitan ng pagtatakip sa kanyang masasamang gawa. Sa pagsukli sa kanyang kabutihan sa ganitong paraan, hindi ba’t isinasakripisyo ko ang mga interes ng iglesia para sa sarili ko? Lubos akong nalito.

Inisip ko rin kung ang pagtaas ni Zhang Hua sa ranggo ko ay maituturing na espesyal na kabutihan. Naisip ko ito sa mga salita ng Diyos: “Dapat ninyong maaninagan ang isyung ito. Anuman ang panahon o anumang yugto ng gawain ang ginagawa, palaging nangangailangan ang Diyos ng ilang tao para tumulong. Nauna nang itinalaga ng Diyos na ang mga taong ito ay tutulong sa gawain ng Diyos o makikibahagi sa pagpapalaganap ng ebanghelyo. … Sino sa inyo na gumaganap sa inyong tungkulin sa sambahayan ng Diyos ngayon ang narito nang nagkataon lamang? Anuman ang pinanggalingan ninyo, hindi nagkataon lang na gumaganap kayo ng inyong tungkulin. Ang mga tungkuling ito ay hindi magagawa ng ilang mananampalataya na basta lang pinili; ang mga bagay na ito ay nauna nang itinalaga ng Diyos bago pa ang mga kapanahunan. Ano ang ibig sabihin kapag ang isang bagay ay nauna nang itinalaga? Ano ang mga detalye? Ang ibig sabihin nito ay sa Kanyang kabuuang plano ng pamamahala, matagal nang naiplano ng Diyos kung ilang ulit kang darating sa mundo ng tao, sa aling lipi at sa aling pamilya ka isisilang sa panahon ng mga huling araw, ano ang mga magiging kalagayan ng pamilyang ito, ikaw ba ay magiging lalaki o babae, ano ang iyong magiging mga kalakasan, anong antas ng edukasyon ang maaabot mo, gaano ka magiging mahusay magsalita, ano ang iyong magiging kakayahan, ano ang magiging itsura mo, anong edad ka darating sa bahay ng Diyos at magsisimulang gumanap ng iyong tungkulin, at anong tungkulin ang iyong gagampanan at anong oras—matagal nang paunang itinalaga ng Diyos ang bawat hakbang para sa iyo. Bago ka pa isinilang, nang namuhay kang kasama ng tao sa iyong nakaraang ilang buhay, naisaayos na ng Diyos ang tungkuling iyong gagampanan sa panahong ito, ang huling yugto ng gawain(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Habang pinagninilayan ko ang mga salita ng Diyos, mas nagiging malinaw ang mga bagay-bagay. Kung titingnan, maaaring dahil sa promosyon ni Zhang Hua ang aking tekstuwal na gawain, pero ang Diyos ang nag-aayos ng lahat. Siya ang umakay nang hakbang-hakbang sa akin sa papel na ito. Kung hindi nagtataglay ang sambahayan ng Diyos ng gawaing ito, hindi ko magagampanan ang tungkuling ito. Kaya hindi ba’t nangyari ang lahat ng ito bilang resulta ng gawain ng Diyos? Diyos ang dapat kong pasalamatan at tanawan ng utang na loob, pero inisip kong si Zhang Hua ang pinagmulan ng pabor na ito, at ginusto kong suklian siya para dito. Hindi ko makita ang biyaya ng Diyos, ang sa tao lang. Tunay akong naging bulag, ignorante, hindi makatwiran at hangal. Ang tungkulin ni Zhang Hua bilang lider ng iglesia ay para sanayin at itaas ang ranggo ng mga tao ayon sa mga hinihingi ng gawain ng sambahayan ng Diyos—dapat pinasalamatan ko ang Diyos, sa halip na iukol ang kabutihang ito sa ibang tao. Nang maunawaan ko na ito, gumaan ang pakiramdam ko. Ang pagtanaw ko ng utang na loob sa kanya sa mahigit sampung taon, ang pasasalamat na naramdaman ko sa pagpapahalaga niya sa akin, at ang pagnanais kong masuklian siya ay nawala lahat. Hindi na ako nakaramdam ng utang na loob sa kanya o pagsisisi sa pagbubunyag sa kanyang masasamang gawa. Nawala rin ang pagkakonsensya sa pagiging walang utang na loob at wala nang kuwestiyon ng anumang kabutihan sa pagitan namin. Gaya ng sabi ng Diyos, “Para sa Akin, ang ganitong uri ng ‘kabutihan’ ay sadyang hindi umiiral, at umaasa Ako na gayon din ang tingin ninyo. Kung gayon, paano mo ito dapat pag-isipan? Ituring mo lang ito bilang isang obligasyon, reponsabilidad, at isang natural na gawi ng tao. Dapat mo itong ituring bilang iyong responsabilidad at obligasyon bilang isang tao, at gawin ito sa abot ng makakaya mo. Iyon lang(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ano ba ang Paghahangad ng Katotohanan 7). Pinalaya ako ng salita ng Diyos mula sa gapos ng pangangailangang magsukli sa kabutihan at itinama ang aking pananaw sa mga usaping ito. Lubos akong nagpapasalamat sa Kanya.

Kaya, akala ko ay tapos na ang isyu. Pero ilang araw ang nakararaan, muli akong sinulatan ng iglesia sa bayan ko, hinihiling sa aking isulat nang malinaw ang asal ni Zhang Hua, pati na rin ang mga oras at lugar na naganap ito, nang ipagtanggol niya ang mga anticristo at masasamang tao, at sumunod sa mga anticristo na gumawa ng kasamaan. Kung walang ganoong ebidensya, imposibleng maitiwalag siya. Matapos matanggap ang liham, medyo hindi pa rin ako mapakali. Kung isusulat ko ito, tiyak na maititiwalag si Zhang Hua. Napakabuti niya sa akin. Kung gagawin ko ito, hindi ba’t… Pero agad kong napagtanto na umaandar na naman ang satanikong prinsipyo ng pagsusukli sa kabutihan. Kailangan kong balewalain ang ideyang ito at magsagawa ayon sa salita ng Diyos. Naalala ko na sinasabi ng salita ng Diyos: “Anong prinsipyo ang dapat pagbatayan ng pagtrato ng mga tao sa iba ayon sa hinihingi ng mga salita ng Diyos? Mahalin kung ano ang minamahal ng Diyos, at kamuhian kung ano ang kinamumuhian ng Diyos: Ito ang prinsipyong dapat sundin. Mahal ng Diyos ang mga naghahanap ng katotohanan at nakasusunod sa Kanyang kalooban. Ito rin ang mga taong dapat nating mahalin. Ang mga hindi nakasusunod sa kalooban ng Diyos, mga napopoot sa Diyos, at naghihimagsik sa Diyos—ito ang mga taong kinamumuhian ng Diyos, at dapat din natin silang kamuhian. Ito ang hinihingi ng Diyos sa tao. … Noong Kapanahunan ng Biyaya, sinabi ng Panginoong Jesus, ‘Sino ang Aking ina? At sino-sino ang Aking mga kapatid?’ (Mateo 12:48), at ‘Sapagkat sinumang gumagawa ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit, ay siyang Aking kapatid na lalaki at Aking kapatid na babae, at ina’ (Mateo 12:50). Umiiral na ang mga salitang ito noon pang Kapanahunan ng Biyaya, at lalo pang mas malinaw ang mga salita ng Diyos ngayon: ‘Mahalin kung ano ang minamahal ng Diyos, at kamuhian kung ano ang kinamumuhian ng Diyos.’ Diretsahan ang mga salitang ito…(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagkilala Lamang sa Sariling mga Maling Pananaw ng Isang Tao Siya Tunay na Makapagbabago). Ginawa itong napakalinaw ng salita ng Diyos: Dapat nating tratuhin ang mga tao nang may prinsipyo, mahalin ang minamahal ng Diyos at kamuhian ang kinamumuhian ng Diyos. Ang mga naghahangad at nagsasagawa sa katotohanan ay mga kapatid natin at dapat tratuhin nang may pagmamahal. Iyong mga talagang hindi naghahangad sa katotohanan o nagsasagawa nito, o gumagawa pa nga ng kasamaan na nakakagambala sa gawain ng iglesia ay hindi mga kapatid kundi mga alipores ni Satanas, masasamang tao. Kailangan silang mailantad, matukoy, at mapaalis sa iglesia. Ito lang ang naaayon sa kalooban ng Diyos. Hindi na ako nagdalawang-isip matapos itong maunawaan. Kalakip ang mga dokumentong ibinigay ko noong una at kasama ang masusing paggunita, gumawa ako ng salaysay ng kanyang masasamang gawa. Matapos ipadala ang aking tugon, naging mapayapa at magaan ang pakiramdam ko. Sa wakas ay nakatakas na ako sa mga hadlang ng konsepto ng pagsusukli sa kabutihan at guminhawa ang puso ko.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Paglaya ng Puso

Ni Zheng Xin, USA Noong Oktubre ng 2016, nasa ibang bansa kami ng asawa ko noong tinanggap namin ang gawain. Makalipas ang ilang buwan, si...