Nakita Ko Na ang Balumbong Nakabukas

Setyembre 28, 2020

Ni Jose, Spain

Nung tinanggap ko ang Panginoon, nalaman ko sa pamamagitan ng Biblia kung saan nanggaling ang lahat at ang pinagmulan ng katiwalian ng tao. Nalaman ko ang paglalabas ng batas ng Diyos na si Jehova, ang pagpapaalis ng Panginoong Jesus ng mga demonyo, pagpapagaling ng may sakit, pagbibigay ng umaapaw na biyaya sa tao, at pagkakapako sa krus bilang handog para sa kasalanan upang tubusin ang sangkatauhan mula sa pagkakasala. Tinulungan ako ng Biblia na maintindihan ang pagliligtas ng Panginoon, at nagbasa ako ng kaunti araw-araw. Palaging sinasabi ng aming pastor na ang parehong Tipan ay kumpleto, at naglalaman ng lahat ng mga salita ng Diyos, kung kaya, hindi tayo kailanman maaaring lumihis mula sa Biblia. Pinaniwalaan kong lahat iyon.

Nung Marso dalawang libo’t labing anim, nasa labas ako kasama ang isa sa aking mga pinsan, nang masalubong ko ang isang kapatid. Habang nakikipagkwentuhan, sinabi niya sa akin na, ang Panginoong Jesus ay nagbalik na, na Siya ang Makapangyarihang Diyos na nasa katawang-tao, at ginagawa ang gawain ng paghatol simula sa bahay ng Diyos. Habang nagsasalita, inilabas niya ang isang aklat mula sa kanyang bag, at ipinaliwanag sa amin na naglalaman iyon ng mga katotohanan na ipinahayag ng Diyos sa mga huling araw. Tiningnan ko ito. Sabi ng pabalat nito, Ang Balumbon na Binuksan ng Cordero. Gulat na gulat ako. Hindi ko pa nakita ang aklat na iyon dati, pero sinabi niya na ang lahat ng iyon ay mga salita ng Diyos, kaya nagtaka ako, “Papaano nangyari iyon? Ang Biblia lamang ang nagtataglay ng mga salita ng Diyos. Papaanong masusulat ang mga iyon sa ibang aklat? Palaging sinasabi sa amin ng pastor, ang mga salita ng Diyos ay nasa Biblia, at anumang maliban sa Biblia ay lumilihis sa landas ng Panginoon, at maling paniniwala iyon.” Bigla kong naalala, sinabi ng pastor na ang maling paniniwala ay darami sa mga huling araw, at ang pinakamabisa nating proteksyon ay ang iwasan ang mga taong iyon at huwag basahin ang kanilang mga aklat. Sa isiping iyon, hindi ko naiwasang maramdaman na dapat akong mag-ingat, at hindi ko namalayan na tumigil na pala ako sa pakikinig. Pero nagustuhan ng pinsan ko ang kanyang pagbabahagi at pagpapatotoo. Sinabi niya na gusto niyang basahin Ang Balumbon na Binuksan ng Cordero, at tingnan ang bagong gawain ng Diyos sa mga huling araw. Nang marinig kong sabihin niya ito, nagulantang ako. Naisip ko, “Paano mo nagawang sumang-ayon nang gano’n kadali? Nakalimutan mo na ba ang sinabi ng pastor, na ‘Ang lahat ng mga salita ng Diyos ay nasa Biblia?’” Hindi ko matanggap ang sinabi niya. Hinikayat ko siyang huwag magsiyasat, pero tumanggi siya. Sa katunayan, sinabi niya na dapat tingnan ko rin ito. Ilang dekada na siyang naging mananampalataya, alam na alam niya ang Biblia, at tapat siya sa kanyang pananampalataya. Dahil determinado na siya, ayoko nang magpumilit. Kung sa bagay, ang lahat ay maaaring magpasya para sa kanilang mga sarili. Simula noon, regular niyang ibinahagi ang kaliwanagang nakuha niya mula sa Ang Balumbon na Binuksan ng Cordero at hinikayat akong basahin ito. Nang naisip ko ang mga sinabi ng pastor, hindi ako naglakas-loob. Masidhi kong sinabi, “Tigilan mo na ang paghiling sa akin na gawin iyan. Mayroon kang sariling pananampalataya, at mayroon din ako.” Kaya mahigpit kong pinaniwalaan ang mga pagkaunawa ko, sa pag-iisip na nagiging matapat ako sa Panginoon.

Hindi nagtagal, magiliw na sinabi sa akin ng isang kaibigan kong Kristiyano na nakahanap siya ng isang iglesia na may gawain ng Banal na Espiritu, at ang kanilang mga sermon ay sadyang nakakapagbigay-liwanag. Ang matagal niya nang mga kalituhan sa kanyang pananampalataya ay naresolba, sa tingin niya dapat akong sumama. Talagang interesado ako sa iglesia na iyon, kaya tinanong ko, “Anong iglesia ito?” Sabi niya, “Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos.” Gulat na gulat akong marinig ito. Naisip ko, “Paano kung ang iglesia na iyon ay nagtataglay nga ng katotohanan? Bakit ang lahat sa paligid ko ay nagsisimulang maniwala sa Makapangyarihang Diyos? Sinasabi ba sa akin ng Diyos na siyasatin ko ang gawain ng Makapangyarihan Diyos sa mga huling araw? Maaari kayang mali ang mga pananaw ko?” Nagdasal ako sa Panginoon at hiningi ang Kanyang gabay.

Kalaunan, binanggit ulit sa akin ng pinsan ko ang tungkol sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, sinasabing ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ang mga katotohanan, isiniwalat ang lahat ng uri ng mga katotohanan at misteryo na hindi natin kailanman nalaman, ibinunyag kung paano ginagawang tiwali ni Satanas ang mga tao, paanong hakbang-hakbang na gumagawa ang Diyos para iligtas ang sangkatauhan, ang ugat ng paglaban ng sangkatauhan sa Diyos, paano lutasin ang kanilang makasalanang kalikasan at maging dalisay, at iba pa. Sinabi niya na mas marami siyang natutuhan sa mga salitang iyon kaysa sa dalawampung taon niyang pananampalataya. Sinabi niya na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay tinutupad ang mga propesiya tungkol sa pakikipag-usap ng Banal na Espiritu sa mga iglesia. Siya ang Cordeo na nagbubukas ng balumbon. Hinikayat niya akong sumama. Habang nagbabahagi, mukhang ang saya-saya niya, na parang nakatagpo siya ng kayamanan. Naramdaman ko na maaaring may ilang katotohanan sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, kaya nagdesisyon akong pumunta.

Nang sumunod na araw, nakipagkita ako sa mga miyembro ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Umpisa pa lang, naging tapat ako tungkol sa aking pagkalito: “Sinasabi ng pastor ko na walang kahit ano sa labas ng Biblia ang nagtataglay ng mga salita ng Diyos, na lahat iyan ay nasa Biblia, at anumang lagpas doon ay maling pananampalataya. Paano ninyo nasasabi na ang lahat ng nasa aklat na ito ay mga salita ng Diyos?”

Ito ang ibinahagi sa akin ni Brother Zhang: “Iniisip ng maraming relihiyosong tao na ang lahat ng mga salita ng Diyos ay nasa Biblia, at doon lamang ito matatagpuan. Pero nakaayon ba iyon sa mga katotohanan? Sinabi ba ng Diyos kailanman na ang lahat ng Kanyang mga salita ay nasa Biblia? Sinabi ba ng Diyos na isang maling paniniwala ang paglayo sa Biblia? Alam nung mga nakakaintindi ng Biblia, na ang mga Tipan ay pinagsama-sama tatlong daang taon pagkatapos ng Panginoon. Naunang dumating ang gawain ng Diyos at pagkatapos ay ang mga Banal na Kasulatan. Sa madaling salita, ang gawain ng Diyos sa bawat kapanahunan ay hindi nakabatay sa umiiral na mga Banal na Kasulatan. Nung dinala ng Diyos na si Jehova ang mga Israetita palabas ng Ehipto, nagpalabas ba Siya ng Kanyang mga batas at utos batay sa kanilang mga Banal na Kasulatan? Syempre hindi. Wala pang mga Banal na Kasulatan noon. Nung Kapanahunan ng Biyaya, ang gawain ng Panginoong Jesus ay para ipalaganap ang landas ng pagsisisi, turuan ang mga tao na mahalin ang iba tulad ng kanilang mga sarili, magpatawad, at mahalin ang kanilang mga kaaway. Ginamot Niya rin ang may sakit nung araw ng Sabbath. Ginawa ba ang lahat ng ito batay sa Lumang Tipan? Ang gawain at mga salita ng Panginoong Jesus ay hindi nakatala sa Lumang Tipan, at sinasalungat ng mga ito ang mga hinihingi ng Diyos sa sangkatauhan, sa mga batas at kautusan, Tulad ng ‘Mata kung mata, ngipin kung ngipin’ (Exodo 21:24), pag-aalay pagkatapos magkasala, at pagpapahinga sa araw ng Sabbath. Kung susundin natin ang pananaw ng tao, na ang mga salita ng Diyos ay hindi umiiral sa labas ng Biblia, at anumang maliban doon ay maling paniniwala hindi ba’t kinokondena natin ang gawain ng Panginoong Jesus? Ang Diyos ay bago at hindi kailanman luma, at ang Kanyang gawain ay palaging sumusulong. Hindi Niya ibinabatay ang Kanyang gawain sa Biblia o kumokunsulta rito. Hindi Siya naghahanap ng landas para gabayan ang Kanyang mga tagasunod doon. Nilalagpasan Niya ang Biblia para gumawa ng bagong gawain at gabayan ang mga tao patungo sa isang bagong landas. Ang Diyos ay hindi lamang Panginoon ng araw ng Sabbath kundi ng Biblia rin. May karapatan Siyang lagpasan ang Biblia, na pamunuan at iligtas ang sangkatauhan, na gumawa ng bagong gawain na ayon sa Kanyang plano ng pamamahala at kung ano ang mga kailangan ng sangkatauhan. papaano natin malilimitahan ang gawain at mga salita ng Diyos sa Biblia batay sa ating mga pagkaunawa at imahinasyon? Paano natin masasabi na hindi maaaring magsalita o gumawa ang Diyos nang lagpas sa kung ano ang nasa Biblia?”

Tunay na namangha ako sa pagbabahagi ni Brother Zhang Sa mga taon ko ng paniniwala, hindi pa ako nakarinig ng gano’ng pagkakaunawa. Ang Diyos ay bago at hindi kailanman luma. Ang Kanyang gawain at mga salita ay hindi nakabatay sa Biblia, sa halip ay sa mga pangangailangan ng Kanyang gawaing pamamahala. Ang pagbabahaging iyon ay naaayon sa Biblia at mga katotohanan ng mga gawain ng Diyos. Bahagya akong nalito. Paano nila nagagawang umunawa nang lubos?

Nang mapansin ni Brother Zhang ang aking pagkabalisa, saglit siyang huminto at sinabing, “Ang ating pang-unawa ay nanggagaling sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay ibinubunyag ang mga katotohanan at misteryo ng gawain ng Diyos.” Pagkatapos, binasa niya ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Noong panahon ni Jesus, pinamunuan Niya ang mga Judio at ang lahat ng sumunod sa Kanya ayon sa gawain ng Banal na Espiritu sa Kanya noong panahong iyon. Hindi Niya ginamit ang Biblia bilang basehan ng Kanyang ginawa, kundi nagsalita Siya ayon sa Kanyang gawain; hindi Niya binigyang-pansin kung ano ang sinabi ng Biblia, o kaya ay naghanap sa Biblia ng landas upang pamunuan ang Kanyang mga tagasunod. Mula noong nagsimula Siyang gumawa, ipinalaganap Niya ang daan ng pagsisisi—ni isang salita tungkol dito ay hinding-hindi nabanggit sa mga propesiya sa Lumang Tipan. Hindi lamang Siya hindi kumilos ayon sa Biblia, kundi Siya ay namuno rin sa isang bagong daan, at gumawa ng bagong gawain. Kahit kailanman ay hindi Siya sumangguni sa Biblia kapag Siya ay nangangaral. Noong Kapanahunan ng Kautusan, walang sinuman ang nakagawa ng Kanyang mga himala ng pagpapagaling sa maysakit at pagpapalayas ng mga demonyo. Gayundin, ang Kanyang gawain, ang Kanyang mga turo at ang awtoridad at kapangyarihan ng Kanyang mga salita ay lampas sa sinumang tao noong Kapanahunan ng Kautusan. Basta lamang ginawa ni Jesus ang Kanyang mas bagong gawain, at kahit na maraming tao ang kumondena sa Kanya gamit ang Biblia—at ginamit pa nga ang Lumang Tipan upang ipapako Siya sa krus—nahigitan ng Kanyang gawain ang Lumang Tipan; kung hindi, bakit ipinako Siya ng mga tao sa krus? Hindi ba ito dahil sa walang binanggit ang Lumang Tipan sa Kanyang turo, at sa Kanyang kakayahan na magpagaling ng maysakit at magpalayas ng mga demonyo? … Sa mga tao, lumitaw na parang ang Kanyang gawain ay walang batayan, at marami rito ang salungat sa mga talaan sa Lumang Tipan. Hindi ba ito kamalian ng tao? Ang doktrina ba ay kailangang iangkop sa gawain ng Diyos? At Diyos ba ay dapat na gumawa ayon sa mga propesiya ng mga propeta? Kung tutuusin, alin ang mas dakila: ang Diyos o ang Biblia? Bakit kailangang gumawa ang Diyos nang naaayon sa Biblia? Maaari kaya na walang karapatan ang Diyos na higitan ang Biblia? Hindi ba maaaring lumihis ang Diyos sa Biblia at gumawa ng ibang gawain? Bakit hindi ipinangilin ni Jesus at ng Kanyang mga disipulo ang araw ng Sabbath? Kung magsasagawa Siya nang isinasaalang-alang ang araw ng Sabbath at nang ayon sa mga utos ng Lumang Tipan, bakit hindi nangilin si Jesus sa Sabbath nang dumating Siya, at sa halip ay naghugas ng mga paa, nagtaklob ng ulo, naghati-hati ng tinapay, at uminom ng alak? Hindi ba wala itong lahat sa mga utos ng Lumang Tipan? Kung iginalang ni Jesus ang Lumang Tipan, bakit Niya hindi isinagawa ang mga doktrinang ito? Dapat mong malaman kung alin ang nauna, ang Diyos o ang Biblia! Bilang Panginoon ng Sabbath, hindi ba Siya maaaring maging Panginoon din ng Biblia?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Bibliya 1).

Lubusan akong nakumbinsi ng mga salita ng Diyos. na ginawa at pinamumunuan ng Diyos ang lahat. Malaya Siyang gumawa sa kung paanong paraan Niya naisin. Bilang mga tao, wala tayong karapatan na ikulong o limitahan ang Kanyang gawain sa Biblia. Kahit na pinaniwalaan ko ito, parang patuloy ko pa ring sinasamba ang Biblia, at hindi ko mabitiwan ang aking mga pagkaunawa. Nahanap nila, nang may buong tiyaga, ang mga talata ng Biblia tungkol sa gawain ng Diyos sa mga huling araw tulad ng mga propesiyang ito mula sa Panginoong Jesus: “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi Siya magsasalita ng mula sa Kanyang Sarili; kundi ang anumang bagay na Kanyang marinig, ang mga ito ang Kanyang sasalitain: at Kanyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating(Juan 16:12–13). At nariyan din ang Juan, labindalawa apatnapu’t pito hanggang apatnapu’t walo: “At kung ang sinumang tao’y nakikinig sa Aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi Ko siya hinahatulan: sapagka’t hindi Ako naparito upang humatol sa sanlibutan, kundi upang iligtas ang sanlibutan. Siya na nagtatakwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga salita, ay mayroong isang hahatol sa kanya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kanya’y hahatol sa huling araw.” Malinaw na sinabi ng Panginoong Jesus, ipapahayag Niya ang mga katotohanan para gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. May propesiyang ito sa Biblia: “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Diyos(1 Pedro 4:17). Malalim ang pundasyon ng kanilang pagbabahagi, pero gan’on man, sa puso ko’y sumasang-ayon ako, hindi pa talaga ako handang tanggapin na nagkamali ako. Pag-uwi ko sa bahay, nagmadali akong buksan ang Biblia, at maingat na siniyasat ang lahat ng kanilang sinipi. Nalaman ko na ang gawaing paghatol ng Diyos sa mga huling araw na kanilang inilarawan ay naipropesiya sa Biblia. Namangha ako at tinanong ang aking sarili, “Paano kung ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoon?” Pagkatapos ay sinabi ko ang panalangin na ito sa Panginoon: “Oh Panginoon! Naramdaman kong ang pagbabahaging ginawa ng mga kapatid ay nagbibigay kaliwanagan. Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay may awtoridad. Walang taong makakapagsabi ng mga iyon. At ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ibinubunyag ang mga misteryo ng katotohanan na hindi ko kailanman naintindihan mula sa mga taon ng pagbabasa ng Biblia. Panginoon, hindi ako sigurado kung nagbalik Ka na bilang Makapangyarihang Diyos. Pakiusap, patnubayan mo ako.”

Nung sumunod na araw, may ipinakita sila sa aking pelikula ng ebanghelyo, ang Ibunyag ang Misteryo Tungkol sa Biblia, at doon, nagbahagi ang isang kapatid tungkol sa ideya ng pangunahing karakter, “Ang mga salita ng Diyos ay hindi umiiral sa labas ng Biblia, anumang iba pa ay maling pananampalataya.” Naantig ako sa sinabi niya. Sabi ng kapatid, “Sa buong panahon ng pagtatala ng Biblia ilan sa mga salita ng Diyos, na inihatid ng mga propeta, ay hindi lubusang nakasama sa Lumang Tipan, dahil sa mga paglaktaw at ‘di pagkakasundo sa pagitan ng mga patnugot. Yan ay isang kilalang katotohanan. Kaya papaano natin masasabing ang mga salita at gawain ng Diyos ay matatagpuan lamang sa Biblia? Ang mga hindi naisaling propesiya ba ng mga propeta ay hindi mga salita ng Diyos? Higit pa sa kung anong nakalagay sa Bagong Tipan ang sinabi ng Panginoong Jesus. Ang totoo, sa higit tatlong taon na gumawa ang Panginoong Jesus, wala tayong ideya kung gaano karami ang sinabi o ipinangaral Niya, gaano karami kumpara sa nasusulat sa Apat na Ebanghelyo. Tulad ng sinasabi sa Ebanghelyo ni Juan, ‘At mayroon ding iba’t ibang bagay na ginawa si Jesus, na kung susulating isa-isa, ay sa palagay ko kahit sa sanlibutan ay hindi magkakasya ang mga aklat na susulatin’ (Juan 21:25). Pinapatunayan nitong ang gawain at mga salita ng Panginoong Jesus ay hindi lahat naitala sa Bagong Tipan. Ang nilalaman ng Biblia ay isang napakalimitadong bahagi ng mga salita ng Diyos, na hindi lubusang isinasama ang lahat ng Kanyang sinabi. Kaya ang pagsasabing walang gawain o mga salita ng Diyos sa labas ng Biblia at anumang iba pa ay maling paniniwala ay hindi naaayon sa mga katotohanan, at walang basehan.”

Habang pinapanood ito, naisip ko, “Totoo ‘yon. Hindi lahat ng mga salita ng Diyos na si Jehova ay nakapaloob sa Lumang Tipan. Isipin mo na lang, ginabayan Niya ang buhay ng mga tao sa mundo nang libu-libong taon. Hindi maaaring ang Kanyang mga salita sa mga propeta ay iyon lamang na nasa Biblia. Nangaral ang Panginoong Jesus nang higit sa tatlong taon. Paanong maitatala ng Apat na Ebanghelyo ang lahat ng Kanyang mga salita? Hindi ako maaaring mabilis na manghusga. Magiging maingat ako.” Kaya puno nang pananabik na nagpatuloy ako sa panonood.

Nagpatuloy ang kapatid na nasa pelikula: “Nabasa nating lahat ang Biblia sa ating pananampalataya noon, pero hindi naging klaro tungkol sa realidad ng Biblia. Ngayon, ibinubunyag ito ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, ‘Walang sinumang nakakaalam sa realidad ng Biblia: na ito’y wala nang iba kundi isang talaan ng kasaysayan ng gawain ng Diyos, at isang patotoo sa nakaraang dalawang yugto ng gawain ng Diyos, at na hindi ito nagbibigay sa iyo ng pagkaunawa sa mga minimithi ng gawain ng Diyos. Alam ng lahat na nakabasa na sa Biblia na idinodokumento nito ang dalawang yugto ng gawain ng Diyos noong Kapanahunan ng Kautusan at Kapanahunan ng Biyaya. Isinasalaysay sa Lumang Tipan ang kasaysayan ng Israel at ang gawain ni Jehova mula sa panahon ng paglikha hanggang sa katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan. Nakatala sa Bagong Tipan ang gawain ni Jesus sa lupa, na nasa Apat na Ebanghelyo, pati na rin ang gawain ni Pablo—hindi ba mga talaan ng kasaysayan ang mga ito? Ang pagbanggit ngayon sa mga bagay na lumipas na ang dahilan kaya kasaysayan ang mga ito, at hindi mahalaga kung gaano katotoo o tunay ang mga ito, ang mga ito ay kasaysayan pa rin—at ang kasaysayan ay hindi magpapatungkol sa kasalukuyan, sapagkat ang Diyos ay hindi lumilingon sa kasaysayan! Kaya kung iyo lamang nauunawaan ang Biblia, at walang nauunawaan sa gawain na nilalayong isakatuparan ngayon ng Diyos, at kung naniniwala ka sa Diyos ngunit hindi mo hinahanap ang gawain ng Banal na Espiritu, kung gayon ay hindi mo nauunawaan kung ano ang ibig sabihin ng hanapin ang Diyos. Kung binabasa mo ang Biblia upang pag-aralan ang kasaysayan ng Israel, upang saliksikin ang kasaysayan ng paglikha ng Diyos sa buong kalangitan at kalupaan, kung gayon ay hindi ka naniniwala sa Diyos. Ngunit ngayon, dahil naniniwala ka sa Diyos, at hinahangad mo ang buhay, dahil hinahangad mo ang pagkakilala sa Diyos, at hindi hinahangad ang mga walang-buhay na titik at doktrina, o ang pagkaunawa ng kasaysayan, dapat mong hanapin ang kalooban ng Diyos ngayon, at dapat mong hanapin ang direksyon ng gawain ng Banal na Espiritu. Kung ikaw ay isang arkeologo maaari mong mabasa ang Biblia—ngunit ikaw ay hindi, ikaw ang isa sa mga naniniwala sa Diyos, at pinakamainam na hanapin mo ang kalooban ng Diyos sa ngayon(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Bibliya 4).” Pagkatapos ay ibinahagi niya ito: “Alam nating itinala ng mga tao ang gawain at mga salita ng Diyos, at isinulat ang Biblia mula sa mga ito nang tapos na ang Kanyang gawain. Isa lamang itong talaan ng kasaysayan ng nakaraang gawain ng Diyos, isa lamang itong pagpapatotoo sa Kanyang gawain. Hindi nito kinakatawan ang Diyos at hindi nito mapapalitan ang Diyos sa pagliligtas ng sangkatauhan. Hindi maaaring ikumpara ang Biblia sa Diyos. Ang Diyos ang tunay na pinagmumulan ng buhay, at ang Kanyang mga salita ay ang walang-hanggang bukal ng tubig na buhay, habang ang Biblia ay isa lamang aklat ng kasaysayan tungkol sa gawain ng Diyos. Itinatala nito ang nakatakdang dami ng mga salita ng Diyos. Paano maikukumpara ang Biblia sa Diyos? Ang Diyos ay bago at hindi kailanman luma. Gumagawa Siya ng mga bagong gawain at nagwiwika ng mga bagong salita, sa bawat kapanahunan. Kung panghahawakan lamang natin ang Kanyang mga nakaraang salita, habang kinokondena ang gawain at mga salita ng Diyos sa bagong kapanahunan, lalabanan natin ang Diyos. Tingnan n’yo ang Kapanahunan ng Biyaya, nung ginawa ng Panginoong Jesus ang bagong gawain at nagwika ng bagong mga salita. Ang mga saserdoteng Judio pati na ang mga Fariseo ay pilit na pinanghawakan ang kanilang mga lumang Banal na Kasulatan, inisip nilang nilalaman ng mga iyon ang lahat ng gawain at mga salita ng Diyos, kaya tinanggihan at kinondena nila ang Panginoong Jesus. Nagsabwatan sila na ipapako Siya, gumawa ng isang karumal-dumal na kasalanan. Ngayon ang Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw ay nagpapahayag ng mga katotohanan at gumagawa ng gawain ng paghatol, at wala ito sa talaan ng Biblia. At dahil wala ito roon, hindi maaaring pumalit ang Biblia sa gawain at mga salita ng Diyos sa mga huling araw. Kung pinanghahawakan lang ng mga tao ang Biblia nang hindi tinatanggap ang kasalukuyang gawain at mga salita ng Diyos, hindi nila makakamit ang kaligtasan sa mga huling araw. Maaalis sila sa pamamagitan ng Kanyang gawain at mga salita sa bagong kapanahunan.”

Maingat kong pinag-isipan ito. Ang Biblia ay isa lamang pagpapatotoo sa gawain ng Diyos. Ang nilalaman nitong mga salita ng Diyos ay kulang. Palagi akong nakikinig sa mga pastor at elder, iniisip na ang lahat ng mga salita ng Diyos ay nasa Biblia lamang at wala nang iba pa. Pero ang pagkaunawang iyon ay katawa-tawa at hindi kapani-paniwala. Ang gawain ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan ay patuloy na sumusulong. Kung ang gawain at mga salita ng Diyos ay limitado sa Lumang Tipan, at wala Siyang nagawang pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya, ang lahat sana ay namumuhay sa ilalim ng batas, kinondena at pinatay dahil sa paglabag sa batas. Hindi sana nakaligtas ang sangkatauhan hanggang ngayon. Kung hindi nagbalik ang Panginoon sa mga huling araw para hatulan at linisin ang tao, patuloy sana tayong mamumuhay sa kasalanan, magpakailanman. Ang Diyos ay banal, kaya paano natin, na puno ng dumi, makikita ang mukha ng Panginoon? Matapos kong mapanood ang pelikulang ito ng ebanghelyo, binalikan ko ‘yung balangkas. Ang aking mga lumang paniniwala ay dinurog ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Napagpasyahan kong siyasatin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw.

Kalaunan, pinadalhan din nila ako ng kopya ng Ang Balumbon na Binuksan ng Cordero. Lubusang inilantad ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang aking mga saloobin at ideya, ang mga motibo ko na maging pinagpala at ang mga tiwali kong disposisyon tulad ng pagmamataas, panlilinlang, kasamaan, at paghamak sa katotohanan. Habang nagbabasa, sigurado ako na ang mga salitang ito ay nagmula sa Banal na Espiritu. Ang Diyos lamang ang nakakakita sa puso ng mga tao, at kayang ibunyag ang ating mga maling motibo at panloob na katiwalian. Maraming katotohanang ipinahayag ang Makapangyarihang Diyos, gaya ng, Kanyang layunin sa pamamahala ng sangkatauhan, ang kwento sa loob ng Biblia at ng Kanyang gawain ng pagliligtas, ano ang tunay na pananampalataya at pagpapasakop sa Diyos, sino ang makakapasok sa Kanyang kaharian, at marami pang mga katotohanan na hindi ko kailanman narinig sa lahat ng mga taon ko sa relihiyon. Binuksan talaga nito ang aking mga mata. Nakikita ko na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay tinutupad ang sinabi ng Panginoong Jesus: “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan(Juan 16:12–13). At ito sa Pahayag: “At sinoman sa langit, o sa ibabaw man ng lupa, o sa ilalim man ng lupa, ay hindi makapagbukas ng aklat, o makatingin man.” “Narito, ang Leon sa angkan ni Juda, ang Ugat ni David, ay nagtagumpay upang magbukas ng aklat at ng pitong tatak nito(Pahayag 5:3, 5). Ngayon, ibinunyag ng Makapangyarihang Diyos sa sangkatauhan ang mga katotohanan tungkol sa kung anong kinakailangan upang malinis at maligtas. Malinaw kong nakita na ito ang nasusulat sa balumbon sa mga huling araw, at na, ito ang gawain ng paghatol ng Diyos simula sa bahay Niya.

Sa loob ng ilang buwang pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, mas marami akong naunawaan ngayon kumpara noong higit sampung taon kong pananampalataya sa relihiyon. Nakita ko talaga na ang mga salita ng Diyos ay ang bukal ng tubig na buhay, isang ‘di maubos-ubos na panustos na nagtataguyod sa atin. Naging sigurado ako na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus. Nasabik ako, pero nanghinayang din. Naisip ko ang tungkol sa kung paano ako nakinig sa pastor, at sinamba ang Biblia, at nilimitahan ang mga salita ng Diyos sa Biblia, batay sa aking mga imahinasyon. Naging napakatigas ng ulo ko. Pero hindi ako itinakwil ng Diyos. Maraming beses Siyang kumatok sa pinto ko sa pamamagitan ng mga kapatid, at ginabayan Niya ako na marinig ang Kanyang tinig, nang sa gayo’y hindi ko mapalagpas ang pagbabalik ng Panginoon. Nagpapasalamat ako para sa pagliligtas ng Makapangyarihang Diyos.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Narinig Ko Na ang Tinig ng Diyos

Ni Mathieu, France Tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw mahigit dalawang taon na ang nakakalipas. Sa totoo...

Leave a Reply