159 Pagdurusa Alang-alang sa Pagiging Matuwid

1 Habang sumusunod kay Cristo, inusig na ako ng CCP, nakakaranas ng panganib at paghihirap sa bawat hakbang, at palaging nahaharap sa panganib na madakip, makulong, at mapahirapan. Gayunman, matagal nang handang-handa ang aking puso; kahit na patayin ako dahil sa aking paniniwala, wala akong pagsisisihan: mapalad akong sumunod kay Cristo sa mga huling araw; tunay akong naitaas ng Diyos. Nasiyahan ako nang marinig ang tinig ng Diyos at maunawaan ang maraming katotohanan; dahil nakapagpalaganap at nakapagpatotoo ako sa ebanghelyo ng kaharian ng Diyos, hindi nasayang ang buhay na ito. Makapangyarihang Diyos, pinakakaibig-ibig Ka, at walang hanggan akong susunod at magpapatotoo sa Iyo! Kahit na ang landas patungo sa kaharian ng langit ay delikado, magulo, at puno ng panganib at hirap, hahangarin ko pa ring mahalin Ka. Paano ako magiging mananagumpay kung itinatangi ko ang laman at abala sa aking sariling buhay?

2 Sa mismong sandaling nadakip at nakulong ako, ipinagpasa-Diyos ko na ang desisyon kung mabubuhay ako o mamamatay. Inatake nila ako ng mga instrumento ng pagpapahirap na parang mababangis na hayop. Napakasakit ng paghihirap. Binigyang-liwanag at ginabayan ako ng mga salita ng Diyos. Ang mamatay para sa Kanya ay ang magkamit ng buhay. Sa gitna ng mga pagsubok at pagdurusa, natikman ko kung gaano kaibig-ibig ang Diyos, at napalapit ang puso ko sa Kanya. Nakita ko ang pangit na pagmumukha ng CCP, ang masamang demonyo na ito, at lubos kong tinalikdan ang malaking pulang dragon at buong pusong inilaan ang aking sarili sa pagbibigay ng maalingawngaw na patotoo sa Diyos! Makapangyarihang Diyos, pinakakaibig-ibig Ka, at walang hanggan akong susunod at magpapatotoo sa Iyo! Gaano man kahaba at nakapapagod ang madilim na gabi, malugod akong magpapasakop sa Iyong mga pagsasaayos; ang magawang ipahiya si Satanas at makapagbigay ng kaluwalhatian sa Iyo ay katumbas ng anumang dami ng pagdurusa.

3 Ito ay pagdanas ng pag-uusig alang-alang sa pagiging matuwid, at hindi ko pinagsisisihan ang desisyong ito! Dahil nagtamasa ako ng napakalaking pag-ibig ng Diyos, dapat kong ilaan ang aking buhay sa pagmamahal sa Kanya. Dapat kong isagawa ang aking misyon at magpatotoo sa Kanya. Gaano man katindi ang hirap, hindi ako aatras, at malugod kong kakayanin ang aking pagdurusa, para lang masiyahan Siya. Ito ay pagdanas ng pag-uusig alang-alang sa pagiging matuwid, at hindi ko pinagsisisihan ang desisyong ito! Dahil nagtamasa ako ng napakalaking pag-ibig ng Diyos, dapat kong ilaan ang aking buhay sa pagmamahal sa Kanya. Dumating na ang liwanag ng bukang liwayway, winasak ng Diyos ang malaking pulang dragon, at umaawit ako ng umaalingawngaw na pagpupuri sa pagiging matuwid ng Diyos. Nagpakita na ang kaharian ni Cristo.

Sinundan: 158 Sino ang Mapagsaalang-alang sa Puso ng Diyos?

Sumunod: 160 Ang Isang Magulong Landas ay Lalo Akong Ginagawang Desidido

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Kontakin Kami Gamit ang Messenger