Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

608 Ang Inyong Pananalita at mga Gawa ay Marumi sa mga Mata ng Diyos

1 Ako ay nakakagawa at nakakapagsalita sa ganitong paraan kasama ninyo, Ako ay gumugugol ng napakaraming lakas at pagsisikap, nguni’t kailan ba kayo nakinig sa sinasabi Ko sa inyo nang malinaw? Saan kayo yumukod sa Akin, ang Makapangyarihan sa lahat? Bakit ninyo Ako tinatrato nang ganito? Bakit lahat ng inyong sinasabi at ginagawa ay pumupukaw ng Aking galit? Bakit napakatigas ng inyong mga puso? Bakit wala kayong ginagawa kundi gawin Akong nalulungkot at nababalisa? Hindi ba ang lahat ng Aking ginagawa ay para sa inyo? Nguni’t laging ang turing ninyo sa Akin, si Jehova, ay ganito: ninanakaw ang Aking mga alay, kinukuha ang mga handog sa Aking altar pauwi upang pakainin ang mga anak at apo sa loob ng tirahan ng lobo; lumalaban sa isa’t isa ang mga tao, humaharap sa isa’t isa na may galit sa mga mata at mga tabak at sibat, itinatapon ang mga salita Ko, ang Makapangyarihan sa lahat, sa palikuran upang maging kasing-dungis ng dumi.

2 Nasaan ang inyong integridad? Ang inyong pagkatao ay naging kahayupan! Ang inyong mga puso ay matagal nang naging bato. Hindi ba ninyo alam na kung kailan dumarating ang araw ng Aking poot ay kung kailan Ko hinahatulan ang masasamang ginawa ninyo sa Akin, ang Makapangyarihan sa lahat, ngayon? Akala ba ninyo na sa pamamagitan ng panlilinlang ninyo sa Akin sa ganitong paraan, sa pagtatapon ng Aking mga salita sa putikan at hindi pagdinig sa mga iyon—iniisip ba ninyo na sa pamamagitan ng pagkilos nang ganito sa Aking likuran kayo ay makatatakas sa Aking napopoot na titig? Hindi ba ninyo alam na kayo ay nakita na ng mga mata Ko, si Jehova, nang ninakaw ninyo ang Aking mga alay at pinagnasaan ang kung anong mayroon Ako? Paano ba maaalis ang Aking nagngangalit na poot sa inyong mga karumal-dumal na kasalanan? Paano ba palalampasin ng Aking ngitngit ang inyong masasamang gawain?

3 Ang kasamaan na inyong ginagawa ngayon ay hindi nagbibigay ng daang palabas para sa inyo, bagkus ito ay nag-iipon ng pagkastigo para sa inyong kinabukasan; Sa mga mata Ko, ang Makapangyarihan sa lahat, ang inyong mga salita at kilos ay marungis. Ang mga mata Ko, ang Makapangyarihan sa lahat, ay nakakakita sa inyong di-pagkamakatuwiran bilang walang-tigil na pagkastigo. Paano maaalis ang Aking matuwid na pagkastigo at paghatol sa inyo? Dahil ginagawa ninyo ito sa Akin, ginagawa Akong malungkot at napopoot, paano Ko mahahayaang makawala kayo sa Aking mga kamay at mahiwalay sa araw na Ako, si Jehova, ay kakastigo at magsusumpa sa inyo? Hindi ba ninyo alam na noon pa ninyo Ako iniiwang nagngingitngit, at noon pa ninyo sinusubukan ang Aking pasensiya? Nakapagtiis Ako hanggang ngayon, anupa’t pinakakawalan Ko ang Aking galit, hindi na mapagparaya tungo sa inyo.

Hango sa “Walang Sinumang Nasa Laman ang Makatatakas sa Araw ng Poot” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Sino ang Makakatakas sa Pagdating ng Liwanag ng Diyos?

Sumunod:Ang Kahulugan ng Pagtalikod sa Laman

Baka Gusto Mo Rin