815 Dapat Mong Maunawaan ang Kalooban ng Diyos

1 Ang namana ninyo sa araw na ito ay higit pa sa namana ng mga apostol at propeta sa lahat ng panahon at higit pa sa namana nina Moises at Pedro. Ang mga pagpapala ay hindi matatanggap sa loob ng isa o dalawang araw; ang mga iyon ay kailangang makamtan sa pamamagitan ng malaking sakripisyo. Ibig sabihin, kailangan kayong magtaglay ng pagmamahal na nagdaan na sa pagpipino, kailangan kayong magkaroon ng malaking pananampalataya, at kailangan kayong magkaroon ng maraming katotohanang hinihiling ng Diyos na inyong matamo; bukod pa rito, kailangang bumaling kayo sa katarungan, nang hindi tinatakot o umiiwas, at kailangang magkaroon kayo ng pagmamahal sa Diyos na tuluy-tuloy hanggang kamatayan. Kailangang magkaroon kayo ng determinasyon, kailangang magkaroon ng mga pagbabago sa inyong disposisyon sa buhay, kailangang malunasan ang inyong katiwalian, kailangang tanggapin ninyo ang lahat ng pagsasaayos ng Diyos nang walang reklamo, at kailangang maging masunurin kayo maging hanggang kamatayan. Ito ang dapat ninyong makamit, ito ang panghuling layunin ng gawain ng Diyos, at ito ang hinihiling ng Diyos sa grupong ito ng mga tao.

2 Dahil nagbibigay Siya sa inyo, gayundin naman tiyak na may hihilingin Siya bilang kapalit, at tiyak na hihingi Siya ng akmang mga kahilingan sa inyo. Ipinapakita nito kung bakit, paulit-ulit, gumagawa ang Diyos ng gawaing nagtatakda ng matataas na pamantayan at mahihigpit na kinakailangan. Ito ang dahilan kaya dapat kayong mapuspos ng pananampalataya sa Diyos. Sa madaling salita, lahat ng gawain ng Diyos ay ginagawa para sa inyong kapakanan, nang sa gayon ay maging karapat-dapat kayong tumanggap ng Kanyang pamana. Hindi ito gaanong para sa kapakanan ng sariling kaluwalhatian ng Diyos kundi para sa kapakanan ng inyong kaligtasan at para sa pagpeperpekto sa grupong ito ng mga tao na lubhang napahirapan sa maruming lupain. Dapat ninyong unawain ang kalooban ng Diyos. Pinapayuhan Ko ang maraming taong mangmang na walang anumang kabatiran o katinuan: Huwag ninyong subukin ang Diyos, at huwag na kayong lumaban.

3 Nagtiis na ang Diyos ng pagdurusang hindi kailanman tiniis ng tao, at matagal nang nagtiis maging ng mas matinding kahihiyan alang-alang sa tao. Ano pa ang hindi ninyo kayang bitawan? Ano pa ang mas mahalaga kaysa sa kalooban ng Diyos? Ano pa ang hihigit kaysa sa pagmamahal ng Diyos? Sapat nang nahirapan ang Diyos na isagawa ang Kanyang gawain sa maruming lupaing ito; kung, bukod pa rito, sadya at kusang sumusuway ang tao, kailangang tagalan pa ang gawain ng Diyos. Walang sinusunod na panahon ang Diyos; ang Kanyang gawain at Kanyang kaluwalhatian ang nauuna. Samakatuwid, isasakripisyo Niya ang lahat para sa Kanyang gawain, gaano man ito katagal. Ito ang disposisyon ng Diyos: Hindi Siya magpapahinga hangga’t hindi natatapos ang Kanyang gawain.

Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Simple ba ang Gawain ng Diyos na Tulad ng Inaakala ng Tao?

Sinundan: 814 Alam Mo Ba ang Iyong Misyon?

Sumunod: 816 Tungkulin ng Tao ang Sumaksi para sa Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

418 Ang Kahulugan ng Dasal

ⅠAng panalangin ay isa sa mga paraankung paano nakikipagtulungan ang tao sa Diyos,upang tumawag sa Kanyang Espiritu at maantig ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito