Mga Salita sa Paglilingkod sa Diyos

Sipi 70

Kung, bilang isang lider o manggagawa ng iglesia, ay aakayin mo ang mga hinirang ng Diyos sa pagpasok sa katotohanang realidad at sa mabuting pagpapatotoo sa Diyos, ang pinakamahalaga rito ay ang gabayan ang mga tao sa paglalaan nang mas maraming oras sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos at pagbabahaginan ng katotohanan. Sa ganitong paraan, ang mga hinirang ng Diyos ay magkakaroon ng mas malalim na kaalaman ukol sa mga pakay ng Diyos sa pagliligtas sa tao at sa layon ng gawain ng Diyos, at mauunawaan ang mga layunin ng Diyos at ang iba’t ibang hinihingi Niya sa tao, kaya’t nagagawa nilang gampanan nang maayos ang kanilang tungkulin at bigyang-kasiyahan ang Diyos. Kapag nakikipagtipon ka para magbahagi at mangaral, dapat kang praktikal na magsalita tungkol sa iyong patotoong batay sa karanasan, at huwag makuntento sa pangangaral ng mga salita at doktrina. Kapag kumakain at umiinom ka ng mga salita ng Diyos, dapat pagtuunan mo ang pag-unawa sa katotohanan—at kapag nauunawaan mo na ang katotohanan, dapat mo itong subukan at isagawa, at tanging kapag isinagawa mo ito na tunay mong mauunawaan ang katotohanan. Kapag nakikipagbahaginan ka sa mga salita ng Diyos, sabihin mo kung ano ang nalalaman mo. Huwag magyabang, huwag gumawa ng mga iresponsableng pahayag, huwag basta lamang magsabi ng mga salita at doktrina, at huwag magsalita nang labis. Kung magsasalita ka nang labis, kamumuhian ka ng mga tao at makakaramdam ka ng paninisi pagkatapos, at makakaramdam ka ng pagsisisi at ng pagkadismaya—at ikaw ang nagdulot ng lahat ng ito sa iyong sarili. Magagawa mo bang ipaunawa sa mga tao ang katotohanan at mapapasok sa realidad kung nangangaral ka lang ng mga salita at doktrina para turuan at pungusan sila? Kung hindi praktikal ang ibinabahagi mo, kung pawang mga salita at doktrina lamang ang mga ito, kahit gaano mo pa sila pungusan at turuan, mauuwi lang ito sa wala. Sa tingin mo ba na kapag natatakot ang mga tao sa iyo, at sinusunod nila kung anong sabihin mo sa kanila, at hindi sila naglalakas-loob na tumutol, ay nangangahulugan na nauunawaan nila ang katotohanan at nagiging mapagpasakop? Isa itong malaking pagkakamali; hindi ganoon kadali ang buhay pagpasok. Ang ilang lider ay parang isang bagong tagapamahala na sumusubok na magkaroon ng malakas na impresyon, sinusubukan nilang ipatupad ang bago nilang taglay na awtoridad sa mga hinirang ng Diyos upang magpasakop ang lahat sa kanila, iniisip na mas mapapadali nito ang kanilang trabaho. Kung wala kang katotohanang realidad, hindi magtatagal ay mabubunyag ang iyong totoong tayog, malalantad ang mga tunay mong kulay, at maaaring itiwalag ka. Sa ilang administratibong gawain, katanggap-tanggap ang kaunting pagpupungos at pagdidisiplina. Ngunit kung wala kang kakayahang magbahagi ng katotohanan, sa huli, hindi mo pa rin magagawang lutasin ang mga problema, at maaapektuhan nito ang mga resulta ng gawain. Kung, kahit ano pang mga isyu ang lumitaw sa iglesia, patuloy kang nanenermon sa mga tao at naninisi—kung ang ginagawa mo lang ay umasta nang pagalit—ito ang tiwali mong disposisyon kung gayon na ibinubunyag ang sarili nito, at naipakita mo ang pangit na hitsura ng iyong katiwalian. Kung palagi mong iniaangat ang iyong sarili at sinesermunan ang mga tao nang ganito, sa paglipas ng panahon, hindi makakatanggap ang mga tao ng panustos ng buhay mula sa iyo, wala silang anumang makakamit na praktikal, at sa halip ay mamumuhi at masusuklam sila sa iyo. Dagdag pa rito, magkakaroon ng ilang tao na matapos mong maimpluwensiyahan dahil sa kawalan ng pagkakilala, ay manenermon din sa iba at pupungusan sila. Magagalit din sila at iinit ang kanilang mga ulo. Hindi lang sa hindi mo magagawang lutasin ang mga problema ng mga tao—mauudyukan mo rin ang kanilang mga tiwaling disposisyon. At hindi ba’t iyon ay pag-akay sa kanila sa landas tungo sa kapahamakan? Hindi ba’t isa itong masamang gawain? Ang isang lider ay pangunahing dapat manguna sa pamamagitan ng pagbabahagi tungkol sa katotohanan at pagtutustos ng buhay. Kung palagi mong iniaangat ang iyong sarili at sinesermunan ang iba, magagawa ba nilang maunawaan ang katotohanan? Kung gagawa ka sa ganitong paraan sa loob ng ilang panahon, kapag malinaw nang nakikita ng mga tao kung ano ka talaga, iiwanan ka nila. Madadala mo ba ang mga tao sa harap ng Diyos sa pamamagitan ng paggawa sa ganitong paraan? Tiyak na hindi; ang magagawa mo lang ay sirain ang gawain ng iglesia at maging sanhi para kamuhian at iwanan ka ng lahat ng taong hinirang ng Diyos. Mayroong ilang lider at manggagawa na itiniwalag dahil sa kadahilanang ito noon. Hindi nila nagawang magbahaganinan tungkol sa katotohanan para lutasin ang mga aktuwal na problema, akayin ang mga tao na kainin at inumin ang mga salita ng Diyos, o akayin ang mga tao na unawain ang kanilang sarili. Wala silang ginawa sa mahalagang gawain na ito; nakatuon lang sila sa pag-aangat ng kanilang sarili, panenermon sa mga tao, at pag-uutos, iniisip na sa pamamagitan ng paggawa nito, ginagawa nila ang gawain ng isang lider ng iglesia. Bilang resulta, hindi nila naisagawa ang mga pagsasaayos ng gawain na iniatas ng Itaas kahit na alam naman nila ito, ni hindi sila gumawa ng mga partikular na trabaho nang maayos. Ang tanging ginawa nila bukod sa pagsasalita ng mga salita at doktrina, at pagsigaw ng mga islogan ay para iangat ang kanilang mga sarili at bulag na magturo at magpungos ng mga tao. Naging dahilan ito para matakot ang lahat, at umiwas, sa mga lider at manggagawang ito, at hindi naglakas-loob magsumbong ng mga problema ang mga tao sa kanila. Sa pagkilos sa ganitong paraan, ginulo ng mga lider at manggagawa ang kanilang gawain at idinulot na ito ay mahinto. Tanging noong pinalayas sila ng sambahayan ng Diyos na napagtanto nilang wala silang ginawang anumang tunay na gawain. Marahil ay nakaramdam sila ng matinding pagsisisi, pero ang pagsisisi ay walang silbi. Sila ay tinanggal pa rin at itiniwalag.

Sipi 71

Gusto ninyong lahat na magsikap tungo sa katotohanan. Dati, gumugol kayo ng ilang pagsisikap noong piniga ninyo ang iba’t ibang aspekto ng katotohanan sa mga salita ng Diyos. Nagkamit ng kaunti ang ilang tao mula rito, habang ang iba naman ay gusto lamang na sumunod sa mga regulasyon at sila ay nalihis. Bilang resulta, ginawa nilang regulasyong dapat sundin ang bawat aspekto ng katotohanan. Kapag ganito ninyo pinipiga ang katotohanan, hindi ninyo tinutulungan ang iba na magkamit ng buhay o mabago ang kanilang disposisyon mula sa loob ng katotohanan; sa halip ay ginagawa ninyo silang mga dalubhasa ng ilang kaalaman o doktrinang mula sa loob ng katotohanan. Para bang nauunawaan nila ang layunin ng gawain ng Diyos, pero ang totoo, ilang doktrina at salita lamang ang pinagkadalubhasaan nila; hindi nila nauunawaan ang kahulugan na nakapaloob sa katotohanan. Tulad lang ito ng pag-aaral ng teolohiya o ng Bibliya; matapos magbuod ng ilang piraso ng biblikal na kaalaman at ilang teolohikong teorya, ilang biblikal na kaalaman at mga teorya lamang ang nakamit ng mga tao. Pinakadalubhasa sila sa pagsasabi ng mga salita at doktrinang iyon, pero wala silang tunay na karanasan. Wala silang pagkaunawa sa kanilang tiwaling disposisyon at lalong wala silang pagkaunawa sa gawain ng Diyos. Sa huli, ilang doktrina at piraso ng kaalaman lamang ang nakamit ng mga taong ito; pawang regulasyon lamang ito. Wala silang nakamit na anumang praktikal. Kung magsasagawa ng bagong gawain ang Diyos, may kakayahan ba ang mga taong ito na tanggapin ito at magpasakop dito? Kaya mo ba itong itumbas sa mga katotohanang iyong napiga? Kung kaya mo at may ilan kang pagkaunawa, kung gayon, ang mga bagay na napiga mo ay may pagkapraktikal naman. Kung hindi mo kaya, ang mga bagay na iyong napiga ay mga regulasyon lamang at walang halaga. Kung gayon, angkop ba ang pagpipiga ng katotohanan sa ganitong paraan? Matutulungan ba nito ang mga tao na maunawaan ang katotohanan? Kung wala itong epekto, walang saysay na gawin ito kung gayon. Panghihikayat lang ito sa mga tao na pag-aralan ang teolohiya. Hindi nito ipinararanas sa kanila ang mga salita ng Diyos at ang katotohanan. Iyon ang dahilan kung bakit kailangang magkaroon ng mga prinsipyo ang sambahayan ng Diyos kapag nagwawasto ito ng mga libro. Dapat matulungan ng mga ito ang mga tao na madaling maunawaan ang katotohanan, magkaroon ng landas sa pagpasok, at magkaroon ng kaliwanagan sa kanilang puso. Ginagawa nitong madali ang pagpasok sa katotohanang realidad. Hindi ka pwedeng matulad sa mga nasa relihiyon na pinag-aaralan ang biblikal at teolohikong kaalaman sa isang sistematikong paraan. Aakayin lang nito ang mga tao tungo sa biblikal na kaalaman, mga relihiyosong ritwal, at regulasyon, at malilimitahan lamang sila ng mga ito. Wala itong kakayahan na dalhin ang mga tao sa harap ng Diyos para maunawaan ang katotohanan at ang mga layunin ng Diyos. Iniisip mo na sa sunod-sunod na pagtatanong at pagsagot sa kanila, o sa pamamagitan ng pagbabalangkas ng mga pangunahing punto at pagkatapos ay pagbubuod at pagpipiga sa katotohanan sa ilang pangungusap, magiging malinaw ang mga isyung ito, at magiging madali na para sa iyong mga kapatid na maunawaan. Iniisip mo na isa itong mahusay na diskarte. Gayunpaman, kapag tapos na itong basahin ng mga tao, hindi nila mauunawaan ang kahulugan na nakapaloob sa katotohanan; hinding-hindi nila ito maitutumbas sa realidad. Naging dalubhasa lamang sila sa ilang salita at doktrina. Iyon ang dahilan kung bakit mas mabuting hindi gawin ang mga bagay na ito kaysa gawin ang mga ito! Ang paggawa ng mga bagay na ito ay isang paraan para akayin ang mga tao na maunawaan ang kaalaman at maging dalubhasa rito. Inaakay mo ang mga tao sa doktrina at relihiyon, at hinihimok silang maniwala at sumunod sa Diyos sa konteksto ng relihiyosong doktrina. Hindi ba’t ito ang landas na ipinatahak ni Pablo sa mga tao sa kanilang paniniwala sa Diyos? Iniisip ninyo na napakahalagang maunawaan ang espirituwal na doktrina, pero hindi mahalaga na malaman ang mga salita ng Diyos. Isa itong malaking pagkakamali. Maraming tao ang nakatuon sa kung gaano karaming salita ng Diyos ang kaya nilang kabisaduhin, gaano karaming doktrina ang kaya nilang talakayin, at gaano karaming espirituwal na pamamaraan ang kaya nilang tuklasin. Ito ang dahilan kung bakit palagi ninyong gustong sistematikong pigain ang bawat aspekto ng katotohanan nang sa gayon ay iisa lang ang sabay-sabay na sinasabi ng lahat, binibigkas ang parehong mga doktrina, tinataglay ang parehong kaalaman, at sumusunod sa parehong mga regulasyon. Ito ang inyong layon. Tila ginagawa ninyo ito para tulungan ang mga taong mas maunawaan ang katotohanan, pero hindi ninyo alam na inaakay ninyo ang mga tao papunta sa mga doktrinal na regulasyon ng mga salita ng Diyos, at na mas lalo lang silang mapapalayo sa katotohanang realidad ng mga salita ng Diyos. Upang tunay na matulungan ang mga tao na maunawaan ang katotohanan, dapat ninyong isama sa pagbabasa ng salita ng Diyos ang realidad at ang mga tiwaling kalagayan ng mga tao. Dapat ninyong pagnilayan at unawain ang mga problema sa inyong mga sarili, at pagnilayan ang mga tiwaling disposisyon na inyong ibinubunyag. Pagkatapos ay dapat ninyong ayusin ang mga bagay-bagay sa pamamagitan ng paghahanap ng katotohanan sa mga salita ng Diyos. Ito ang tanging paraan upang malutas ang mga tunay na problema ng tao at himukin silang maunawaan ang katotohanan at pumasok sa realidad. Sa pamamagitan lamang ng paggawa ng ganitong resulta kayo tunay na nagdadala ng mga tao sa harap ng Diyos. Kung ang tinatalakay mo lamang ay puro espirituwal na teorya, doktrina, at mga regulasyon; kung ang tanging bagay na iyong pinagtutuunan ng pansin ay ang paniniguro na may mabuting pag-uugali ang mga tao; kung ang tanging nakakamit mo ay pagsalitain ang mga tao nang pare-pareho at pasunurin sila sa mga parehong regulasyon, pero hindi mo sila nagagawang akayin na maunawaan ang katotohanan, lalong hindi mo mas naipapaunawa sa kanila ang kanilang mga sarili nang sa gayon ay makapagsisi sila at magbago, kung gayon, puro mga salita at doktrina lamang ang iyong nauunawaan, at walang-wala kang anumang katotohanang realidad. Sa huli, sa pamamagitan ng paniniwala sa Diyos sa ganitong paraan, bukod sa hindi mo makakamit ang katotohanan, mahahadlangan at maipapatalo mo rin ang iyong sarili—wala kang makakamit na kahit ano.

May napansin ba kayong ilang padron sa pananalita ng Diyos? May ilang tao na ganito ito ipahayag: Ang nilalaman ng bawat diskurso mula sa Diyos ay may iba’t ibang bahagi. Ang kahulugan ng bawat sipi at bawat pangungusap ay magkakaiba. Hindi madali para sa tao na makaalala, lalong hindi madali para sa mga tao na makaunawa. Kung nais ng mga tao na ibuod ang pinakapangunahing ideya ng bawat sipi, hindi nila magagawa ito. Ang mga taong may mahinang kakayahan ay hindi kayang intindihin ang mga salita ng Diyos. Kahit na paano sila pinagbahaginan, wala pa rin silang kakayahang unawain ang katotohanan. Ang mga salita ng Diyos ay hindi mga nobela, prosa, o mga literatura; ang mga ito ang katotohanan, at ang wika na nagbibigay ng buhay sa tao. Ang mga salitang ito ay hindi basta mauunawaan ng tao sa pamamagitan lamang ng pagmumuni-muni sa mga ito, ni hindi rin maibubuod ng tao ang mga padron sa loob ng mga ito sa pamamagitan ng paggugol ng kaunti pang pagsusumikap. Ito ang dahilan kung bakit, anumang aspekto ng katotohanan ang bahagya mong nalalaman, at nagagawa mong talakayin, hindi ka pwedeng magyabang, dahil bahagi lang ng kaalaman ang nauunawaan mo. Nauunawaan mo lang ang panlabas na aspekto nito, pero mas kumplikado ito, at talagang kulang sa pagkaunawa sa mga tunay na intensyon ng Diyos. Sa bawat diskurso mula sa Diyos, may iba’t ibang aspekto ang katotohanan. Halimbawa, tinutukoy ng isang diskurso ang mga misteryo ng pagkakatawang-tao ng Diyos. Kabilang dito ang kahalagahan ng pagkakatawang-tao, ang gawaing nagagawa ng pagkakatawang-tao, at kung paano dapat maniwala ang mga tao sa Diyos. Maaaring saklaw rin nito kung paano dapat kilalanin at mahalin ng mga tao ang Diyos. Sinasaklaw nito ang maraming aspekto ng katotohanan. Kung, gaya ng iniisip mo, ang pagkakatawang-tao ay may kakaunting kahulugan lamang, na maaaring ipaloob sa ilang pangungusap, bakit palaging may mga kuru-kuro at imahinasyon ang tao tungkol sa Diyos? Anong mga epekto ang nais tuparin ng pagkakatawang-tao sa mga tao? Ito ay upang bigyang kakayahan ang mga tao na mapakinggan ang mga salita ng Diyos at makabalik sa Diyos. Ito ay upang makipag-ugnayan sa tao, direktang iligtas ang tao, at bigyang kakayahan ang tao na makilala ang Diyos. Matapos makilala ang Diyos, likas na nagkakaroon ang mga tao ng isang puso na may takot sa Diyos, at nagiging madali para sa kanila na magpasakop sa Diyos. Iyon ang dahilan kung bakit ang anumang aspekto ng Kanyang salita o ng katotohanan ay hindi kasing simple ng iniisip mo. Kung ang tingin mo sa mga salita ng Diyos at sa banal na wika ay napakasimple, naniniwalang ang anumang problema ay malulutas gamit ang isang sipi ng mga salita ng Diyos, hindi mo kayang ganap na unawain ang katotohanan kung gayon. Kahit na ang iyong pagkaunawa ay naaayon sa katotohanan, may kinikilingan pa rin ito. Ang bawat diskurso mula sa Diyos ay nagmumula sa iba’t ibang pananaw. Hindi maaaring ibuod o pigain ng tao ang mga salita ng Diyos. Matapos pigain ang mga ito, iniisip ninyong iisang problema lamang ang tinutugunan ng isang sipi ng mga salita ng Diyos, pero sa realidad, ang siping iyon ay kayang lumutas ng ilang problema. Hindi mo maaaring ikahon o limitahan ang mga ito dahil ang lahat ng aspekto ng katotohanan ay nagtataglay ng napakaraming realidad. Bakit sinasabi na ang katotohanan ay buhay, na maaari itong tamasahin ng mga tao, at na ito ay isang bagay na hindi lubos na mararanasan ng mga tao kahit pa makalipas ang ilang buhay o ang daan-daang taon? Kung pipigain mo ang isang partikular na aspekto ng katotohanan o ang isang sipi ng mga salita ng Diyos, kung gayon, ang sipi na iyong piniga ay naging isang pormula, isang regulasyon, isang doktrina—hindi na ito ang katotohanan. Kahit na mga orihinal itong salita ng Diyos, na wala ni isang salita ang binago, kung pinipiga o isinasaayos mo ang mga ito sa ganitong paraan, nagiging teoretikal na mga salita ang mga ito, hindi ang katotohanan. Bakit ganoon? Ito ay dahil ililigaw mo ang mga tao at aakayin sila tungo sa mga doktrina, pinag-iisip sila, pinagmumuni-muni, pinagsasaalang-alang ng mga isyu, at pinagbabasa ng mga salita ng Diyos nang ayon lahat sa iyong doktrina. Matapos itong basahin nang paulit-ulit, isang doktrina at isang regulasyon lamang ang mauunawaan ng mga tao sa siping iyon, at mabibigo silang makita ang aspekto na siyang ang katotohanang realidad. Sa huli, aakayin mo ang mga tao sa isang landas para maunawaan nila ang mga doktrina at sumunod sa mga regulasyon. Hindi nila malalaman kung paano danasin ang mga salita ng Diyos. Mauunawaan at matatalakay lang nila ang mga doktrina, pero hindi nila mauunawaan ang katotohanan o makikilala ang Diyos. Puro kaaya-ayang pakinggan at mga tamang doktrina ang lumalabas sa kanilang bibig, pero wala sila ni katiting na realidad at walang maayos na daang tinatahak para sa kanilang sarili. Ang gayong pamununo ay tunay na nagdudulot ng malaking pinsala sa tao!

Alam ba ninyo kung ano ang pinaka-ipinagbabawal sa pagseserbisyo ng tao sa Diyos? May ilang lider at manggagawa na gusto palaging naiiba sila, na maging higit na nakatataas sa iba, na magpasikat, at makadiskubre ng ilang bagong pakana, para maipakita sa Diyos kung gaano talaga sila kahusay. Gayunpaman, hindi sila nakatuon sa pag-unawa sa katotohanan at pagpasok sa realidad ng mga salita ng Diyos. Ito ang pinakahangal na paraan ng pagkilos. Hindi ba’t ito ang tumpak na pagbubunyag ng isang mapagmataas na disposisyon? Sinasabi pa nga ng ilan, “Kapag ginawa ko ito, tiyak akong mapapasaya nito ang Diyos; magugustuhan Niya ito. Sa pagkakataong ito, ipapakita ko ito sa Diyos; bibigyan ko Siya ng isang maganda surpresa.” Hindi mahalaga ang “magandang surpresa.” Anong resulta? Nakikita ng mga tao na masyadong katawa-tawa ang mga bagay na ito na ginagawa ng mga tao. Maliban sa walang pakinabang ang mga ito sa gawain ng sambahayan ng Diyos, pag-aaksaya rin ito ng pera—nagdudulot ang mga ito ng kawalan sa mga handog sa Diyos. Ang mga handog para sa Diyos ay hindi dapat gamitin sa kung paano mo lang gusto; isang kasalanan na aksayahin ang mga handog sa Diyos. Sa huli, nalalabag ng mga taong ito ang disposisyon ng Diyos, humihinto sa paggawa sa kanila ang Banal na Espiritu, at sila ay itinitiwalag. Dahil doon, huwag na huwag kang magpadalos-dalos na gawin ang anumang gusto mo. Paanong hindi mo isinasaalang-alang ang kahihinatnan nito? Kapag nilabag mo ang disposisyon ng Diyos at nilabag mo ang Kanyang mga atas administratibo, at pagkatapos ay itiniwalag ka, wala ka nang masasabi. Anuman ang layon mo, sinasadya mo mang gawin iyon o hindi, kung hindi mo nauunawaan ang disposisyon ng Diyos o ang Kanyang mga layunin, madali kang magkakasala sa Kanya at madali mong malalabag ang Kanyang mga atas-administratibo; isa itong bagay na dapat pag-ingatan ng lahat. Kapag lubha mo nang nilabag ang mga atas-administratibo ng Diyos o nilabag ang Kanyang disposisyon, kung ito ay talagang malubha, hindi Niya isasaalang-alang kung gayon kung sinadya mong gawin iyon o hindi. Ito ay isang bagay na dapat mong makita nang malinaw. Kung hindi mo maunawaan ang isyung ito, tiyak na maglilitawan ang iyong mga problema. Sa paglilingkod sa Diyos, nais ng mga tao na sumulong nang husto, gumawa ng mga dakilang bagay, magsambit ng mga dakilang salita, magsagawa ng dakilang gawain, magdaos ng malalaking pulong, at maging mahuhusay na lider. Kung palaging matatayog ang ambisyon mo, malalabag mo ang mga atas-administratibo ng Diyos; mabilis mamatay ang mga taong katulad nito. Kung hindi maganda ang asal mo, hindi ka deboto, at hindi ka maingat sa iyong paglilingkod sa Diyos, sa malao’t madali, malalabag mo ang Kanyang disposisyon. Kung sasaktan mo ang damdamin ng disposisyon ng Diyos, susuwayin ang Kangyang pang-administgratibong mga kautusan, at dahil doon magkasala laban sa Diyos, sa gayon hindi Siya titingin sa anumang kadahilanan na nagawa mo ito, ni titingin sa iyong mga intensyon. Kaya sa tingin ba ninyo ay hindi ba makatwiran ang Diyos? Siya ba ay nagiging masungit sa tao? (Hindi.) Bakit hindi? Dahil hindi ka bulag o bingi. Hindi ka rin hangal. Ang mga atas administratibo ng Diyos ay malinaw at maliwanag. Nakikita at naririnig mo ang mga ito. Kung nilalabag mo pa rin ang mga ito, ano kayang katwiran ang mayroon ka? Kahit na wala kang kinikimkim na mga intensyon, basta’t nilabag mo ang Diyos, haharap ka sa pagkawasak at pagpaparusa pagdating ng panahon. Maisasaalang-alang pa ba kung ano ang iyong sitwasyon noon? Ang mga taong may kalikasan ni Satanas ay likas na nagagawang labagin ang disposisyon ng Diyos. Walang sinumang pinilit o tinutukan ng patalim para labagin ang mga atas adiministratibo ng Diyos o labagin ang disposisyon ng Diyos; hindi talaga ito nangyayari. Sa halip, ito ay isang bagay na natutukoy ng kalikasan ng tao. “Ang disposisyon ng Diyos ay hindi maaaring labagin.” Ang pahayag na ito ay may nakapaloob na kahulugan. Gayunpaman, pinarurusahan ng Diyos ang mga tao ayon sa kanilang kalagayan at karanasan. Ang paglabag sa Diyos nang hindi nalalaman na Siya iyon ay isang uri ng kalagayan, habang ang paglabag sa Diyos kahit na malinaw na nalalamang Siya iyon ay isa pang kalagayan. Nalalabag ng ilang tao ang Diyos kahit na malinaw nilang nalalaman na Siya iyon, at sila ay maparurusahan. Ipinapahayag ng Diyos ang ilan sa Kanyang mga disposisyon sa bawat hakbang ng Kanyang gawain. Hindi pa ba nauunawaan ng tao ang ilan sa mga ito? Hindi ba’t may kaunting nalalaman ang mga tao sa kung alin sa mga disposisyon ng Diyos ang ibinunyag Niya sa pamamagitan ng maraming katotohanang Kanyang ipinahayag, pati na kung alin sa mga kilos at salita ng mga tao ang madalas na makalabag sa Kanya? At tungkol sa mga usapin na itinakda ng mga atas administratibo ng Diyos—kung ano ang dapat at hindi dapat gawin ng tao—hindi rin ba ito alam ng mga tao? Ang ilang usapin na may kaugnayan sa katotohanan at mga prinsipyo ay hindi ganap na mauunawaan ng mga tao dahil hindi nila naranasan ang mga ito; wala silang kakayahan na maunawaan ang mga ito. Gayunpaman, ang mga usapin tungkol sa mga atas adiministratibo ay nasa loob ng isang itinakdang saklaw. Mga regulasyon ang mga ito. Ito ay mga bagay na madaling maunawaan at makamit ng tao. Hindi na kailangang pag-aralan o ipaliwanag ang mga ito. Sapat na para sa mga tao na kumilos ayon sa kung paano nila naunawaan ang kahulugan ng mga ito. Kung ikaw ay walang ingat, walang may-takot-sa-Diyos na puso, at alam mo na nalalabag mo ang mga atas administratibo, kung gayon, karapat-dapat kang parusahan!

Sipi 72

Ang mga gumaganap bilang mga lider ay hindi dapat magbigay ng labis na pansin sa gawain o laging tumutok sa kanilang sariling katayuan, o kaya ay magtakda ng matataas na pamantayan para sa kanilang sarili, at pagkatapos ay mag-isip ng lahat ng posibleng pamamaraan upang lutasin ang problema ng lahat para malaman ng lahat na: “Ako ang lider, may ganito akong posisyon, ganitong katayuan, at may ganito ring kakayahan at kahusayan. At dahil kaya kitang pamunuan, kaya ko ring magkaloob para sa iyo.” Nakagugulo na nakapagsasabi sila ng ganitong mga salita. Sa anong paraan ito nakagugulo? Kung mali ang iyong oryentasyon at kung wala kang prinsipyo sa pamamahala sa iyong mga gawain, lahat ng gagawin mo ay mali at magbubunga ng mga paglihis. Kung mali ang iyong motibasyon, lahat ng gagawin mo ay magiging mali. Tutukan ang paghahanap sa katotohanan, pag-unawa sa katotohanan, pag-unawa sa diwa ng katotohanan ng mga pangitain, at pagiging dalubhasa sa aspetong ito ng mga prinsipyo—ito ang tama. Hangga’t hindi ka lumalampas sa mga hangganang ito kapag may nangyayari sa iyo, o kapag nahaharap ka sa mga problema, matutulungan mo ang iba at malulutas ang kanilang mga paghihirap, at magiging isang kuwalipikadong lider ka. Gayunpaman, kung ilang doktrina lang ang naiintindihan mo, at kung ang mga ito lamang ang gagamitin mo para ihanda ang iyong sarili, kung makikinig ka lang sa mas marami pang sermon, at magpapakadalubhasa sa mas marami pang mga salita upang mamuno, at kung ang ibibigay mo lamang ay ilang doktrina at salita kapag sinusubukan mong lutasin ang mga problema ng isang tao, at bilang resulta ay hindi mo malutas ang alinman sa kanilang mga problema, hindi mo taglay ang realidad ng pagiging isang lider, at isa ka lamang kuwadrong walang laman. Anong klaseng lider ito? (Isang huwad na lider.) Ito ay isang huwad na lider. Hindi mo magampanan ang isang aktuwal na gawain. Kahit na walang magbunyag at mag-ulat sa isang huwad na lider, ang buhay ng mga taong hinirang ng Diyos sa iglesia ay hindi uunlad, magpapatong-patong ang mga problema, at dapat sisihin ang huwad na lider at pababain sa puwesto. Kung isa kang huwad na lider, gaano man kataas ang posisyon mo, isa ka pa ring huwad na lider. Ngayon, kung magagawa mo man o hindi ang isang aktuwal na gawain, at kung isa ka mang huwad na lider o hindi—hindi ito ang pinakamahahalagang bagay. Kung gayon, ano ang pinakamahalaga? Kailangan mo ngayong magmadali sa paghahangad ng katotohanan at tumuon sa buhay pagpasok. Kapag mayroon ka nang buhay pagpasok, nagbago na ang iyong disposisyon, naunawaan mo na ang mga layunin ng Diyos, at kaya mo nang lutasin ang iyong sariling mga maling kalagayan, magiging madali na para sa iyo na lutasin ang mga problema ng ibang tao. Kapag naunawaan mo na ang katotohanan at nakapasok ka na sa katotohanang realidad, matatakot ka pa rin ba na hindi mo kayang lutasin ang mga problema ng ibang tao? Hindi mo kakailanganing mag-alala kung kaya mo bang mamuno nang maayos. Kung taglay mo ang katotohanang realidad, natural mong magagawa nang maayos ang iyong tungkulin at malulutas ang mga aktuwal na problema. Kailangan mo itong maunawaan nang lubusan. Kung hindi mo ito lubos na nauunawaan, at lagi mo na lamang gustong pangalagaan ang iyong katayuan bilang isang lider at patibayin ang iyong magandang imahe sa puso ng mga taong hinirang ng Diyos, mali ang iyong hangarin, at natural lamang na mapapahiya at mabibigo ka. Kung isa kang taong nagmamahal sa katotohanan at nakatutok sa iyong sariling pagpasok sa buhay, at tinalikuran mo ang iyong mga pantaong ambisyon, pagnanasa, at maling mga hangarin, at hindi ka na napipigilan ng mga bagay na ito, magagawa mo nang hangarin ang katotohanan, at natural mong mauunawaan ang bawat aspeto ng katotohanan sa paglipas ng panahon. Sa ganitong paraan, magagamit mo kung ano ang iyong kalakasan pagdating sa pagtulong sa iba at hindi ka mahihirapang gawin ito. Samakatuwid, hindi mo dapat pangalagaan ang iyong katayuan. Ito ay isang kuwadrong walang laman. Wala itong silbi. Wala itong maibibigay na benepisyo sa iyo, at hindi rin ito makatutulong sa iyo upang maunawaan mo ang katotohanan. Bukod dito, maaari ka nitong malinlang na gumawa ng maraming pagkakamali, at maaari din itong maging sanhi ng paglihis ng iyong landas. Para sa tiwaling sangkatauhan, ang katayuan ay isang bitag. Ngunit walang sinuman ang makaiiwas sa hadlang na ito, lahat ay kailangang dumaan dito, nakadepende lamang ito sa kung paano mo ito haharapin. Kung haharapin mo ito gamit ang pamamaraan ng tao, hindi ka makakapigil o makakapaghimagsik laban sa iyong sarili. Malulutas lamang ito gamit ang katotohanan. Kayang lutasin ng katotohanan ang paghihirap na ito. Kung kaya mong hanapin ang katotohanan, matutugunan mo ang ugat ng isyung ito. Kung hindi mo kayang gamitin ang katotohanan upang lutasin ang paghihirap na ito, kung pinipigilan mo lang ang iyong sarili at nagrerebelde ka lang laban sa mga bagay-bagay—nagrerebelde laban sa iyong mga iniisip, iyong mga diskarte, iyong mga ideya, at palagi na lamang nagrerebelde sa ganitong paraan—anong pamamaraan ito? Ito ay isang negatibo at pasibong diskarte. Kailangan mong gumamit ng mga positibong pamamaraan upang malutas ito, ibig sabihin, kailangan mo itong lutasin gamit ang katotohanan, at kailangan mong unawain nang mabuti ang bagay na ito. Tingnan mo muna ang iba’t ibang paraan na ginagamit ng mga anticristo at huwad na lider upang humanap ng katanyagan, pakinabang, at katayuan at ipagtanggol ang kanilang banidad at pagpapahalaga sa sarili. Pagkatapos mong makita nang malinaw ang mga ito, ito ang madarama mo: “Naku, nakahihiya, talagang nakahihiya! Ginagamit ko rin ba ang mga diskarteng ito?” Pagkatapos, magsisimula kang magnilay-nilay tungkol sa iyong sarili at sa lalong madaling panahon ay mapagtatanto mong: “Naku, gumagamit din ako ng marami sa mga pamamaraang iyon, hindi ako masyadong naiiba sa mga anticristo at huwad na lider na iyon.” Magkakaroon ka ng kaunting pagsisisi sa iyong puso, at sasabihin mong, “Hindi ko maipagpapatuloy na protektahan ang aking katayuan at ihayag ang kahihiyang ito,” at magpapasya kang matuto ng isang aral. Tigilan mo ang pagtuon sa kung pinahahalagahan ka ba ng iba, kung gaano karaming problema ang kaya mong lutasin para sa ibang tao, kung mayroon ba o wala na nakikinig sa iyo, o kung gaano karaming tao ang may lugar para sa iyo sa kanilang puso. Kung ang mga bagay na ito ay palaging nasa puso mo, magagambala at maaapektuhan ka, at mababawasan ang oras mo sa paghahangad ng katotohanan. Ginamit mo ang limitado mong lakas at ang mahalaga mong oras sa paghahangad ng iyong mga ambisyon at pagnanais para sa katanyagan, pakinabang, at katayuan. Bilang resulta, hindi mo natamo ang katotohanan at buhay. Bagama’t nakakuha ka ng katayuan at napunan ang iyong mga ambisyon at pagnanasa, wala ka pang buhay pagpasok at nawala mo ang gawain ng Banal na Espiritu. Ano ang kalalabasan nito sa huli? Ititiwalag at parurusahan ka. Bakit ito nangyayari? Maling landas ang pinili mo. Kung naabot mo na ang antas ni Pablo, parurusahan ka sa huli. Ngunit kung hindi mo pa naaabot ang antas ni Pablo, at binaligtad mo ang iyong landas sa tamang panahon, may puwang para sa pagtubos, at may pag-asa pa para sa kaligtasan.

Anuman ang mga problema ng mga nananampalataya sa Diyos, maging sila man ay naghahangad ng katayuan, katanyagan, pakinabang, at kayamanan, o na mapunan ang kanilang personal na mga ambisyon at pagnanasa, anuman ang sitwasyon, ang lahat ng problema ay kailangang malutas sa pamamagitan ng paghahangad ng katotohanan. Walang problemang makalalampas sa katotohanan. Walang bagay na nakahiwalay sa katotohanan. Sa sandaling mawala ang isang tao sa katotohanan sa kanyang pananalig sa Diyos, ang kanyang pananalig ay walang saysay. Walang silbi ang paghahangad sa ibang bagay. Ang ilang tao ay kuntento na sa paggawa ng mga kahanga-hanga at kapuri-puring tungkulin, na nagiging dahilan para tingalain at kainggitan sila ng iba. Kapaki-pakinabang ba ito? Hindi ito ang iyong kalalabasan sa huli, at hindi rin ito ang iyong huling gantimpala, at lalong hindi ito ang iyong hantungan. Dahil dito, anuman ang tungkuling ginagampanan mo, ito ay pansamantala lamang, hindi ito walang hanggan. Ito ay hindi isang pagsang-ayon na ipinagkaloob ng Diyos sa iyo, o isang gantimpala na Kanyang ibinigay sa iyo. Sa huli, kung magtatamo man ng kaligtasan ang mga tao ay hindi nakasalalay sa kung anong tungkulin ang ginagawa nila, kundi kung kaya ba nilang maunawaan at makamit ang katotohanan, at kung, sa huli, ay kaya ba nilang lubos na magpasakop sa Diyos, magpasailalim sa Kanyang pagsasaayos, hindi isaalang-alang ang kanilang hinaharap at tadhana, at maging isang karapat-dapat na nilikha. Matuwid at banal ang Diyos, at ang mga ito ang pamantayan na ginagamit Niya upang sukatin ang buong sangkatauhan. Hindi nababago ang mga pamantayang ito, at dapat mo itong tandaan. Ikintal mo ang mga pamantayan na ito sa iyong isipan, at kahit anong oras, huwag mong isipin na maghanap ng iba pang landas sa paghahangad ng ilang bagay na hindi totoo. Ang mga hinihingi at pamantayan ng Diyos para sa lahat ng nais na matamo ang kaligtasan ay hindi nagbabago magpakailanman. Nananatiling pareho ang mga iyon maging sino ka man. Makakamit mo lamang ang kaligtasan sa pamamagitan ng paniniwala sa Diyos ayon sa mga hinihingi at pamantayan ng Diyos. Kung may nakita kang iba pang landas sa paghahangad ng mga bagay na walang linaw, at iniisip mong magtatagumpay ka dala ng suwerte, isa kang taong lumalaban at nagtataksil sa Diyos, at tiyak na isusumpa at parurusahan ka ng Diyos.

Sipi 73

Upang magampanan nang maayos ng mga lider at manggagawa ang kanilang mga tungkulin at magawa nang mabuti ang gawain na ipinagkatiwala ng Diyos sa kanila, dapat muna nilang maunawaan ang mga layunin ng Diyos at huwag ituon ang pansin sa laki o dami ng kanilang gawain. Sa halip ay dapat nilang ituon ang kanilang pansin sa kung sila ba ay may buhay pagpasok at nagbago ng kanilang mga disposisyon o hindi. Ito ang hinihingi ng Diyos sa mga lider at manggagawa. Nauunawaan na ba talaga ninyo ngayon ang mga pagbabago sa disposisyon ng isang tao? Ano ang ibig sabihin ng isang pagbabago sa disposisyon? Matutukoy ba ninyo ang pagbabago sa pag-uugali at ang pagbabago sa disposisyon? Aling mga kalagayan ang maituturing na mga pagbabago sa buhay disposisyon ng isang tao, at aling mga kalagayan ang mga pagbabago lamang sa panlabas na pag-uugali? Ano ang pagkakaiba ng pagbabago sa panlabas na pag-uugali ng isang tao at ng pagbabago sa panloob na buhay ng isang tao? Masasabi mo ba kung ano ang pagkakaiba? Nakikita ninyo ang isang tao na mayroong masigasig na puso, abala at gumugugol ng oras para sa iglesia, at sinasabi ninyo: “Nagbago na ang kanyang disposisyon!” Nakikita ninyo ang isang tao na tinalikuran ang kanyang pamilya o trabaho, at sinasabi ninyo: “Nagbago na ang kanyang disposisyon!” Iniisip ninyo na kung hindi nagbago ang kanyang disposisyon, hindi niya magagawa ang gayong sakripisyo. Ganyan ang pagtingin ng karamihan sa inyo sa mga bagay, ngunit tama ba ang pananaw na ito? Higit pang wala sa katwiran ang ilang tao; kapag nakita nila ang isang tao na tinalikuran ang kanyang pamilya o trabaho, sinasabi nila: “Ang taong ito ay tunay na nagmamahal sa Diyos!” Ngayon, sinasabi ninyo na ang taong ito ay nagmamahal sa Diyos, bukas, ibang tao naman ang sasabihin ninyong nagmamahal sa Diyos. Kung makakita kayo ng isang tao na nangangaral nang walang katapusan, sasabihin ninyo: “Kilala ng taong ito ang Diyos. Nakamit niya ang katotohanan. Kung hindi niya kilala ang Diyos, marami ba siyang masasabi?” Hindi ba’t ganyan ang pagtingin ninyo sa mga bagay? Tunay ngang ganito ang pagtingin ng karamihan sa inyo sa mga tao at sa mga bagay. Palagi ninyong pinararangalan ng mga korona ang iba at binibilog ang ulo nila. Ngayon ay binibigyan ninyo ang isang tao ng korona dahil sa pagmamahal sa Diyos, bukas ay ibang tao naman ang bibigyan ninyo ng korona dahil sa pagkilala sa Diyos, dahil sa pagiging tapat sa Diyos. Kayo ay mga “eksperto” sa pagbibigay ng mga korona sa iba. Sa bawat araw, pinararangalan ninyo ng mga korona ang iba at binibilog ang ulo nila, na nagbubunga ng kapahamakan sa kanila, ngunit nakararamdam pa kayo ng pagmamalaki dahil sa nagawa ninyo. Kapag pinupuri ninyo ang mga tao sa ganitong paraan, ginagawa ninyo silang mayabang. Ang mga pinupuri sa ganitong paraan ay nag-iisip ukol sa kanilang sarili, “Nagbago na ako, makatatanggap na ako ng korona, tiyak na makapapasok na ako sa kaharian ng langit!” Ang mas malala pa riyan, mayroong iba, gaya ni Pablo, na palaging sinasabi ang tungkol sa kung gaano sila nagdusa at kung gaano sila nakapagpatotoo. Inaawit nila ang sarili nilang mga papuri at nagsasalita nang ayon sa sarili nilang mga kuru-kuro at mga kagustuhan, nang walang kahit katiting na pagsasaalang-alang sa mga layunin ng Diyos. Sinasabihan nila ang iba na tularan sila kahit na malinaw na hindi nila binago ang sarili nilang mga disposisyon at, bilang resulta, ang mga nananampalataya sa Diyos ngunit hindi marunong kumilatis—at lalo na ang mga sumasamba sa kanila—ay napapahamak at naliligaw. Hindi pa sila nakapagsisimulang lumakad sa tamang daan ng pananampalataya sa Diyos, kundi ginugugol lamang nila ang kanilang sarili at nagdurusa para sa Diyos bunga ng sigasig. Dinakip lamang sila at ibinilanggo nang walang ipinagkakanulong anuman o nagiging isang Hudas—at kaya iniisip nila na nanindigan sila sa kanilang patotoo at karapat-dapat silang makapasok sa kaharian ng langit. Itinuturing nila ang kaunting karanasang ito bilang isang patotoo at ipinagmamalaki nila ito sa lahat ng lugar. Hindi ba’t pagyayabang ito upang ilihis ang mga tao? Maraming tao ang nagbibigay ng ganitong tila “patotoo,” at gaano karaming tao na ang nailigaw? Hindi ba’t wala sa katwiran na ang gayong mga tao ay itinuturing na mga mananagumpay? Alam mo ba kung paano tinitingnan ng Diyos ang mga tao? Malinaw ba sa iyo kung ano mismo ang isang mananagumpay? Ang pagsasabi ng hindi totoo sa ganitong paraan ay isinusumpa ng Diyos. Gaano karaming mga maling gawain ang ginawa ninyo sa ganitong paraan? Hindi ninyo magawang magkaloob ng buhay para sa iba, ni hindi ninyo magawang suriing mabuti ang mga kalagayan ng iba. Kaya lamang ninyong bigyan ang mga tao ng mga korona, at, dahil dito, dalhin sila sa kapahamakan. Hindi mo ba alam na hindi kayang tagalan ng isang tiwaling tao ang papuri? Kung walang pupuri sa kanya, talagang ipagmamalaki niya ito, nang taas-noo. Ngunit hindi ba’t mas mabilis siyang mamamatay kung sasang-ayunan siya ng mga tao? Hindi ninyo alam ang ibig sabihin na mahalin ang Diyos, na kilalanin ang Diyos, at na taos-pusong gugulin ang sarili para sa Diyos. Hindi ninyo nauunawaan ang alinman sa mga bagay na ito. Tinitingnan ninyo ang panlabas na anyo ng mga bagay at pagkatapos ay hinuhusgahan ninyo ang iba, binibigyan sila ng mga korona at binibilog ang ulo nila, at sa gayong paraan ay inililigaw at ipinahahamak ninyo ang maraming tao—at ginagawa ninyo ito nang madalas. Yamang sila ay pinuri ninyo sa ganitong paraan, maraming tao ang naligaw at nahulog. Kahit na sila ay muling makabangon, gayunpaman ay naipagpaliban na nila ang malaking bahagi ng kanilang paglago sa buhay, at marami nang nawala sa kanila. Ngayon, karamihan ay wala pa rin sa tamang landas sa kanilang paniniwala sa Diyos at hindi nila kayang hangarin ang katotohanan, at bahagya lamang nilang kilala ang kanilang sarili. Kung sila ay sasang-ayunan nang gaya nito, magiging kuntento sila sa kanilang sarili, kampante, at nakatali sa kanilang mga pamamaraan, na pakiramdam nila ay nasa tamang landas na sila sa kanilang paniniwala sa Diyos, at na mayroon sila ng kaunti ng mga katotohanang realidad. Magiging mapangahas sila sa kanilang pananalita, pagsasabihan ang mga tao sa loob ng iglesia, at kikilos na gaya ng isang malupit na pinuno. Hindi mo ba ipinahahamak at sinisira ang mga tao sa pamamagitan ng pagkilos sa ganitong paraan? Anong uri ng tao ang nagmamahal sa Diyos? Ang mga nagmamahal sa Diyos ay dapat na maging gaya ni Pedro, dapat na sila ay magawang perpekto, at dapat nilang sundin ang Diyos hanggang sa dulo upang makamit ang pagmamahal ng Diyos. Minamasdan ng Diyos ang kaibuturan ng puso ng mga tao, at tanging ang Diyos lamang ang makakatukoy kung sino ang nagmamahal sa Kanya. Hindi ito madaling makita ng mga tao, kaya paano nila mahuhusgahan ang iba? Ang Diyos lang ang nakaaalam kung sino ang mga taong tunay na nagmamahal sa Kanya. Kahit na mayroon silang pusong nagmamahal sa Diyos, hindi sila mangangahas na magsabi na sila mismo ay mga taong nagmamahal sa Diyos. Sinabi ng Diyos na si Pedro ay isang taong nagmamahal sa Diyos, ngunit hindi sinabi ni Pedro kahit kailan na ganoon siya. Kaya, ang pagmamahal ba sa Diyos ay isang bagay na maaaring basta na lang ipagyabang ng isang tao? Ang pagmamahal sa Diyos ay tungkulin ng isang tao, kaya wala sa katwiran ang magsimulang magyabang sa sandali na ang puso mo ay magkaroon ng kaunting pagmamahal sa Diyos. Ang higit pang wala sa katwiran ay kung ikaw mismo ay hindi isang taong nagmamahal sa Diyos ngunit pinupuri mo pa rin ang iba sa pagiging ganoon. Ito ay isang kalokohan. Ang Diyos lamang ang nakaaalam kung sino ang isang taong nagmamahal sa Diyos, at makapagsasabi kung sino ang ganoon. Kung ang mga salitang ito ay lalabas sa bibig ng isang tao, siya ay nakapuwesto sa maling posisyon. Inaangkin mo ang posisyon ng Diyos, pinapalakpakan ang mga tao at binibilog ang kanilang ulo—para kanino ito ginagawa? Tiyak na hindi binobola ng Diyos ang mga tao, ni hindi rin sila pinapalakpakan. Pagkatapos na si Pedro ay magawang kumpleto, hindi siya ginamit ng Diyos bilang isang huwaran hanggang sa ginawa Niya ang gawain ng mga huling araw. Noong panahon na iyon, hindi sinabi ng Diyos kailanman sa iba ang mga salitang: “Minamahal ni Pedro ang Diyos.” Sinabi lamang Niya ang gayong mga bagay nang gawin na Niya ang yugto na ito ng gawain, ginawa si Pedro bilang isang modelo at isang huwaran para sa mga nakaranas ng paghatol ng Diyos at naghahangad na mahalin Siya sa mga huling araw. Ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay mayroong kahulugan. Anong kalokohan ito para sa mga tao na basta-basta na lang sabihin na ang isang tao ay mapagmahal sa Diyos! Ito ay labis na salungat sa katwiran. Una, ang gayong mga tao ay nakapuwesto sa maling posisyon. Pangalawa, hindi ito isang bagay na maaaring bigyang-hatol ng mga tao. Ano ang ibig sabihin na bilugin ang ulo ng iba? Ang ibig sabihin nito ay ilihis, lokohin, at ipahamak ang iba. Pangatlo, batay sa obhetibo nitong epekto, ang gayong pag-uugali ay hindi lamang hindi makapag-aakay sa iba sa tamang landas, kundi ginugulo rin nito ang kanilang pagpasok sa buhay at nagdudulot ng mga kawalan sa kanilang buhay. Kung palagi mong sinasabi na minamahal ng isang tao ang Diyos, na kaya niyang talikdan ang mga bagay, at na tapat siya sa Diyos, hindi ba’t tutularan ng lahat ang mga panlabas niyang gawa? Hindi lamang na hindi mo naakay ang iba sa tamang landas, kundi naakay mo rin ang karamihan ng tao na ituon ang pansin nila sa mga panlabas na gawa, na dahil dito, sila ay umaasa na lamang sa mga panlabas na gawing ito upang ipagpalit sa mga korona, hindi namamalayan na sinusundan nila ang landas ni Pablo. Hindi ba’t ito ang naging epekto nito? Kapag sinasabi mo ang mga salitang ito, alam mo ba ang mga problemang ito? Anong posisyon ang tinatayuan mo? Anong papel ang ginagampanan mo? Ano ang obhetibong epekto ng mga salita mo? Sa huli, sa anong daan nito dinadala ang iba upang sundan? Gaano katindi ang panganib na dulot nito? May mga seryosong resulta kapag ang mga tao ay kumikilos sa ganitong paraan.

Ang ilang mga lider at manggagawa sa loob ng iglesia ay hindi makapagsalita tungkol sa kanilang karanasan at makapagpatotoo, at hindi nila magamit ang katotohanan upang resolbahin ang mga problema. Palagi silang nagpapatotoo tungkol sa kung paano sila nagdusa, paano nila tinanggap ang pagpupungos, paano na hindi sila naging negatibo sa kabila ng maraming hinaing na dinanas nila, at paano sila nagtiyaga sa paggawa ng kanilang mga tungkulin. Gaya ni Pablo, palagi silang nagpapatotoo tungkol sa kanilang sarili, itinataguyod ang kanilang sarili, at ginagawa nilang hangaan sila ng mga hinirang na tao ng Diyos, bigyan sila ng pagpapahalaga, at tingalain sila. Bukod pa rito, kapag nakakakita ang gayong mga tao ng isang may kakayahan na ipahayag ang mga salita at mga doktrina nang maayos at may kakayahang mangaral, binibilog nila ang ulo nito, at pinararangalan at pinapalakpakan nila ang mga lider at manggagawa na gaya ni Pablo, at sa ganitong paraan ay ginagawa nilang sambahin sila ng iba. Hindi lamang na bigo silang gawin ang gawain ng pagdidilig at pagkakaloob nang maayos, ngunit sila rin ay sumasali sa ilang mapanira at mapanggulong gawain na nag-aakay sa iba na tahakin ang landas ni Pablo. Buong panahon ay mali ang kanilang iniisip na sila mismo ay mahuhusay at mabubuting lider, at nais nilang makakuha ng mga gantimpala mula sa Diyos. Hindi ba’t ito ang kalagayan na kinasasadlakan ng karamihan sa inyo? Batay sa inyong kasalukuyang paraan ng pagbibigay lamang ng atensyon sa mga salita at doktrina, na walang humpay na pinagsasabihan ang mga tao, maaakay ba ninyo ang mga tao sa tamang landas? Sa anong landas sila aakayin nito sa huli? Hindi ba nito sila aakaying lahat sa landas ni Pablo? Nakikita Ko na ganito ito, hindi ito mapagmalabis na pahayag. Maaaring sabihin na kayong lahat ay mga lider na ayon sa estilo ni Pablo, na inaakay ang mga tao sa landas ni Pablo. Gusto pa rin ba ninyo ng tila korona? Magiging mapalad kayo kung hindi kayo kokondenahin. Batay sa inyong mga kilos, kayong lahat ay naging mga tao na lumalaban sa Diyos, naglilingkod sa Diyos ngunit nilalabanan ang Diyos, at naging mga eksperto na kayo sa panggagambala sa Kanyang gawain. Kung magpapatuloy kayo sa ganitong landas, sa huli kayo ay magiging mga huwad na pastol, mga huwad na manggagawa, mga huwad na lider, at mga anticristo. Ngayon ang panahon ng pagsasanay para sa kaharian. Kung hindi ninyo pagsisikapan ang katotohanan at itutuon lamang ninyo ang inyong pansin sa gawain, tatahakin mo nang walang kamalay-malay ang landas ni Pablo. Gayundin, dadalhin mo ang isang grupo ng iba pa na gaya ni Pablo kasama mo. Hindi ka ba kung gayon magiging isang tao na lumalaban sa Diyos at gumagambala sa Kanyang gawain? Kaya, kung ang isang tao na naglilingkod sa Diyos ay hindi magawang magpatotoo para sa Kanya, o akayin ang Kanyang mga hinirang sa tamang landas, kung gayon siya ay isang tao na lumalaban sa Diyos. Mayroon lamang nitong dalawang landas. Ang landas ni Pedro ay ang landas ng paghahangad sa katotohanan at sa huli ay ang pagtatagumpay sa pananampalataya ng isang tao. Ang landas ni Pablo ay ang landas ng hindi paghahangad sa katotohanan, at ng pagsisikap lamang para sa mga pagpapala at mga gantimpala. Ito ay isang landas ng kabiguan. Ngayon, ang mga tumatahak sa matagumpay na landas ni Pedro ay lubhang kakaunti, habang napakarami ng mga tumatahak sa landas ng kabiguan ni Pablo. Kung kayo na mga naglilingkod bilang mga lider at manggagawa ay hindi naghahangad ng katotohanan mula simula hanggang wakas, kayong lahat ay magiging mga huwad na lider at huwad na manggagawa, at kayong lahat ay magiging mga anticristo, at masasamang tao na lumalaban sa Diyos. Kung magbabago kayo patungo sa tamang landas mula ngayon at tunay na tatahakin ang landas ni Pedro, kung gayon kayo ay maaari pa ring maging mabubuting lider at manggagawa na sinasang-ayunan ng Diyos. Kung hindi ninyo inaasam na magawang perpekto at pumasok sa realidad ng salita ng Diyos, kayo ay nasa panganib. Kung isasaalang-alang ang inyong kahangalan at kamangmangan, ang inyong mababaw at hindi sapat na karanasan, ang inyong mababang tayog, at ang kawalan ninyo ng kahinugan, ang tanging bagay na maaaring magawa ay ang higit na pagbabahagi ng katotohanan kasama ninyo, upang maunawaan ninyo, ngunit kung makakamit ninyo ang katotohanan ay nakasalalay sa inyong personal na paghahangad. Dahil ibang-iba ang panahon ngayon sa panahon nina Pedro at Pablo. Sa mga araw na iyon, hindi pa nagagawa ni Jesus ang gawain ng paghatol sa tao, pagpaparusa sa tao, o pagbabago sa disposisyon ng tao. Ngayon, malinaw na ipinahayag ng Diyos na nagkatawang-tao ang katotohanan. Kung tinatahak pa rin ng mga tao ang landas ni Pablo, ipinakikita nito na ang kanilang kakayahang makaarok ay may depekto, at ipinahihiwatig din nito na, gaya ni Pablo, napakasama ng kanilang pag-uugali, at napakayabang sa disposisyon. Ang panahon na iyon ay iba kaysa ngayon, at ang konteksto ay iba. Ngayon, ang salita ng Diyos ay napakaliwanag at napakalinaw; ito ay para bang iniunat Niya ang Kanyang kamay upang turuan at gabayan ka, kaya hindi mapagpapaumanhinan kung tatahakin mo pa rin ang maling landas. Bilang karagdagan, ngayon, mayroong dalawang arketipo nina Pedro at Pablo, isang positibo at isang negatibo, ang isa ay isang huwaran at ang isa ay isang babala. Kung tatahakin mo ang maling landas, nangangahulugan ito na mali ang naging pasya mo, at ikaw ay napakasama. Wala kang ibang sisisihin kundi ang sarili mo. Tanging siya lamang na taglay ang katotohanang realidad ang makapag-aakay sa iba na pumasok sa katotohanang realidad, ngunit siya na hindi taglay ang katotohanang realidad ay maililigaw lamang ang iba.

Sipi 74

May mga lider at manggagawa na, sa kanilang gawain, ay hindi nagbabahagi tungkol sa katotohanan nang naaayon sa mga salita ng Diyos. Sila mismo ay hindi nakakaunawa ng mga bagay-bagay, at madalas nilang sinasabi, “Gusto kong ipahayag ng lahat ang kanilang mga opinyon. Sabihin ninyong lahat ang nasa isipan ninyo.” Maaaring tama ito sa pandinig at tila demokratiko, nagbibigay-daan sa lahat na ipahayag ang kanilang mga posisyon at magkaroon ng kasunduan sa huli. Kapag hindi nauunawaan ng mga tao ang katotohanan, katanggap-tanggap ang gawing ito bilang huling paraan, ngunit hindi nito matitiyak na magkakaroon ng konklusyon na naaayon sa katotohanan. Dahil walang nakauunawa sa katotohanan, at may depekto ang mga opinyon ng lahat, kahit na magsama-sama pa sila, hindi pa rin nila magagawang makabuo ng isang konklusyon na naaayon sa katotohanan. Hindi ba’t ganito nga? Kung ang isang taong nakauunawa sa katotohanan ang makikibahagi, magiging mas mainam ito; mas maganda ang patutunguhan ng mga bagay. Gayunpaman, mahalaga na isang taong nakauunawa sa katotohanan ang siyang namumuno rito. Ang taong ito ang dapat na gumabay sa lahat sa paghahanap sa katotohanan batay sa salita ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang mga konklusyong mabubuo nila ay aayon sa katotohanan. Ito ang pinakamainam na pamamaraan. Mahalaga na ang taong nakauunawa sa katotohanan ang siyang namamahala, namumuno, at gumagabay sa lahat sa pagbabahaginan tungkol sa katotohanan batay sa mga salita ng Diyos upang kalaunan ay makamit ang pagkakaisa at magkasundo patungkol sa katotohanan. Tanging ito ang wastong landas ng pagsasagawa. Dahil dito, paano dapat tingnan ang demokrasya? Sa kasalukuyan, sa gitna ng tiwaling sangkatauhan, ang demokrasya ay isang medyo progresibo at maunlad na sistemang panlipunan. Ito rin ay makabago at nauuso, at gusto ito ng karamihan. Bagama’t maunlad at progresibo ang sistemang ito, magagawa ba ng anumang sistema, gaano man ito kalaki, na lutasin ang problema ng kasalanan ng tao? Mababago ba nito ang diwa ng mga kasamaan at kadiliman sa lipunan? Hindi ito magagawa, kahit pa sa isang diktadurya. Hindi ba’t marami ring pangungurakot at maling pamamalakad mula sa mga opisyal ng mga demokratikong bansang iyon? Walang anumang nangyayari sa sistemang ito ang umaayon sa katotohanan dahil labis na ginawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan; hindi na ito nagtataglay ng anuman at ng lahat ng katotohanan. Ang mga tao ay namumuhay sa kanilang mga tiwaling disposisyon, nagrerebelde sa Diyos at lumalaban sa Kanya; hindi nila posibleng maisagawa ang katotohanan. Maging ang mga lider ng bansa na nasa kapangyarihan, pati na rin ang mga sikat na tao, kahit na may kaalaman sila, ay namumuhay rin lahat sa disposisyon ni Satanas. Wala sila ni katiting na katotohanan at kaya nilang magsagawa ng maraming gawaing sumusuway at lumalaban sa Diyos. May kakayahan pa nga silang magsagawa ng mga masasama at kakatwang gawa. Mayroon man silang pananampalataya o wala, wala ni isa sa kanila ang kayang tumanggap sa katotohanan o ang tunay na sumusunod sa Diyos. Wala ni isa sa kanila ang nagpapasakop o sumasamba sa Diyos. Wala silang anumang sinasabi upang itaas ang Diyos o magpatotoo sa Kanya. Ang mga salitang binibigkas nila ay walang pananampalataya sa Diyos, lahat ay tumatanggi at lumalaban sa Diyos; ang lahat ng mga ito ay mga heretikal na kamalian, lahat ay mga salitang sumusuway sa Langit, at pawang mga maka-diyablong salita. Kung gayon, anumang sistema ang gamitin ng mga tao upang pamahalaan ang kanilang mga bansa, hindi sila magpapasakop sa Diyos, hindi nila sasambahin ang Diyos, hindi nila tatanggapin ang anumang katotohanang ipahayag Niya, o pamamahalaan ang kanilang mga bansa nang ayon sa Kanyang mga salita at sa katotohanan. Isinusulong nila ang pamamahala batay sa panuntunan ng batas at ng siyensya. Ipinapakita nito na ang tinatahak nila ay ang landas na taliwas at laban sa Diyos. Ang mga bansang tulad ng mga ito ay hindi pinagpapala ng Diyos. Ang anumang bansang pinamumunuan ng mga demonyong hari ay pinakakontra sa Diyos at isinusumpa Niya. Napagpasyahan ng Diyos na dapat nang wasakin ang mga bansang ito. Dahil dito, kung itataboy at wawasakin man ng Diyos ang isang bansa, hindi ito pangunahing nakadepende sa kung demokratiko ba ito o hindi. Ang mahalagang bagay ay ang makita kung anong uri ng mga tao ang bumubuo sa grupong nasa kapangyarihan sa bansang iyon. Kung ang lahat ng mga nasa kapangyarihan ay maka-diyablo, sataniko, kung lahat sila ay isang pangkat ng mga demonyong lumalaban sa Diyos, ang bansang iyon ay kinamumuhian at isinusumpa Niya, at wawasakin Niya ito.

Kung hindi hahangarin ng mga lider at manggagawa ng iglesia ang katotohanan at isasagawa nila ang kanilang gawain nang walang prinsipyo, ano ang mga kahihinatnan nito? Tiyak na hindi sila matatanggap ang pagsang-ayon ng Diyos. Iniisip ng ilang lider at manggagawa, “Taglay ko man ang katotohanan o hindi, kung isasagawa ko ang demokrasya sa lahat ng bagay at hindi ako kikilos sa paraang diktatoryal, matitiyak kong hindi masama ang ginagawa ko. Sa ganitong paraan, hindi ako ititiwalag ng Diyos. Kung magagawa ko nang maayos ang aking gawain, sasang-ayunan ako ng Diyos.” Tama ba ang pahayag na ito? Nauunawaan ba ninyo ang sinasabi nila? Ang hindi ba pagkilos sa paraang mapandikta ay magpapatunay na naaayon sa mga layunin ng Diyos ang mga taong ito? Ang pagsasagawa ba ng demokrasya ay nagpapatunay na kumikilos sila nang may mga prinsipyo? Bagama’t tila makatwiran ang ganitong paraan ng pag-iisip, ang katunayan ay mali ito. Para sa mga lider at manggagawa na hindi naghahangad sa katotohanan, gaano man sila magsagawa, palagi itong magiging taliwas at mali. Ang tama lamang ay ang paglakad sa landas na naghahangad ng katotohanan. Ang tanging naaangkop na pamamaraan ay ang magawa ng mga lider at manggagawa na ipagpatuloy ang paglakad sa landas na naghahangad ng katotohanan at, anumang sitwasyon ang kaharapin nila, magabayan ang lahat na ibahagi ang katotohanan ayon sa mga salita ng Diyos at mahanap ang landas ng pagsasagawa ng katotohanan. Tama ba o mali para sa mga lider at manggagawa na palaging isagawa ang pamamaraan kung saan ang lahat ay nakapagpapahayag ng kanilang mga opinyon at iniisip? (Mali ito.) Saan ito nagiging mali? (Walang sinuman ang nagtataglay ng katotohanan.) Iyon ang totoo. Walang nagtataglay ng katotohanan. Paano man sila magbahaginan, maaari bang umayon sa katotohanan ang mga konklusyon mula sa kanilang pagbabahaginan? Hindi iyon posible. Dahil dito, ano ang dapat gawin ng isang tao upang umayon sa katotohanan? (Tingnan ang sinabi ng Diyos. Dapat hanapin ng isang tao ang landas sa Kanyang mga salita.) Ano ang palagay ninyo sa pahayag na ito? Wala nang mas tatama pa rito. Ang mga lider at manggagawa ay dapat magbahaginan tungkol sa katotohanan ayon sa salita ng Diyos sa lahat ng bagay, at dapat ay hanapin nila ang landas sa Kanyang mga salita; sa ganitong paraan lamang magkakaroon ng mga tamang konklusyon. Pagdating naman sa kung paano nagbabahaginan ang lahat tungkol sa mga katotohanang prinsipyo at kung nahahanap nila nang tama ang mga prinsipyo, ito ay panibagong usapin. Kung kaya mong pamunuan ang lahat upang mabasa ang mga salita ng Diyos para mahanap ang katotohanan at mahanap ang mga prinsipyo, ipinapakita nito na isa kang taong naghahangad ng katotohanan. Kung magagawa mo lamang na makapagbahagi ang lahat at makapagpahayag ng kanilang mga opinyon nang hindi nagbabanggit ng anumang bagay patungkol sa paghahanap ng pundasyon sa mga salita ng Diyos o paghahanap sa mga prinsipyo sa Kanyang mga salita, hindi ka isang taong naghahangad ng katotohanan; sinusubukan mong ayusin ang mga bagay nang walang pagsasaalang-alang sa mga prinsipyo. Kung sa huli ay mapapaboto mo ang lahat sa pamamagitan ng pagtataas ng kamay at masusunod ang mas nakararami, naaayon ba ito sa mga prinsipyo? Posible na minsan, sa hindi sinasadyang pagkakataon, ay umayon ito sa ilang prinsipyo o hindi lumampas sa saklaw ng mga prinsipyo. Ngunit kadalasan, hindi ito aayon sa mga prinsipyo dahil hindi mo hinahanap ang mga prinsipyo; nakikinig ka lamang sa mga walang basehang komento ng lahat, kung saan ang mga may pinakamalakas at pinakamatinis na boses ang siyang may huling salita. At ano ang kahahantungan sa huli ng lider na ito? Wala siyang papanigan at makikinig na lamang sa kung alinmang opinyon ang mas malakas. Tulad lang ito ng pagsasagawa ng ilang lider ng botohan sa pamamagitan ng pagtataas ng kamay kapag nagpapatalsik ng masasamang tao at mga anticristo. Kahit pa isang tao lang ang hindi sumang-ayon, hindi nila patatalsikin o paaalisin ang taong ito. Kahit ang mga sasabihin Ko ay walang anumang silbi. Hindi ba’t pagbabalewala ito sa Diyos? Para balewalain nila ang Diyos at sabihin pa ring hinahanap nila ang katotohanan ay napakalaking kalokohan! Ano ang pinakaresulta kapag ang lahat ay nagbahaginan ng katotohanan at naghanap ng mga prinsipyo? Ang kahihinatnan ng pagbabahaginang ito ay aayon sa mga salita ng Diyos, sa katotohanan, at sa mga prinsipyo; tumutugma ito sa Kanyang mga layunin. Kung, matapos ang mahabang pagbabahaginan, magkaroon ng isang kasunduan na kapag ipinatupad ay magdadala ng kapahamakan sa mga interes ng sambahayan ng Diyos at hindi makapagdudulot ng mga benepisyo para sa mga hinirang ng Diyos, ang resulta ng kasunduang ito ay hindi naaayon sa mga katotohanang prinsipyo. Tiyak na taliwas ito sa mga salita ng Diyos. Walang pagdududa. Kung ganoon, ano ang diwa ng resulta ng kasunduang ito? Isa itong walang kabuluhang doktrina na magandang pakinggan, naaayon sa mga sekular na pamamaraan ng mundo, akma sa panlasa ng lahat, at may pakinabang sa interes ng lahat, ngunit hindi ito naaayon sa mga katotohanang prinsipyo ng sambahayan ng Diyos. Magulo ang isip ng ilang mga lider; hindi nila hinahangad at hindi nila nauunawaan ang katotohanan. Matapos magbahaginan ng lahat, pinipili ng mga lider na ito ang mga resulta na tugma sa sarili nilang mga kagustuhan, ngunit sa katunayan ay taliwas sa mga katotohanang prinsipyo. Naniniwala silang patas at makatwiran at lubos na naaayon sa katotohanan ang kanilang ginagawa. Sa katunayan, hindi nila nauunawaan na ang salita ng Diyos ay ang katotohanan. Mas kaunti ang pagkaunawa nila tungkol sa mga katotohanang prinsipyo. Naghahanap sila ng resulta mula sa pagbabahaginan ng lahat na naaayon sa gusto nila, at iniisip nila, “Tingnan ninyo kung gaano ako kademokratiko. Hindi ako diktatoryal. Tinatalakay ko ang lahat ng bagay sa lahat ng tao, at sa huli, desisyon ito ng lahat. Pinagbotohan namin ito sa pamamagitan ng pagtataas ng kamay. Resolusyon ito ng nagpapasyang grupo; hindi ito isang desisyong ako lamang ang may gawa.” Medyo natutuwa sila sa kanilang mga sarili, ngunit nauuwi sila sa pagtataksil sa mga interes ng sambahayan ng Diyos at sa katotohanan ng Kanyang mga salita, tinatapakan ang Kanyang mga hinihingi. Nasisiyahan at nakikinabang ang lahat. Ngunit masisiyahan ba rito ang Diyos? Sasang-ayunan ba Niya ito? Ano ang mararamdaman ng Diyos sa Kanyang puso? Walang pakialam ang mga lider na ito sa ganitong mga bagay; isinasagawa lamang nila ang gawain ng iglesia sa ganitong paraan. Kung huwad na lider o anticristo man sila, dapat magkaroon ng kakayahan ang lahat na makita ito. Marami bang ganitong pangyayari sa mga iglesia saanman? Tiyak na hindi kaunti ang mga ito.

Upang makuha ang pabor ng mga tao at matiyak ang muling pagkakahalal bilang isang lider, may ilang lider ng iglesia na nagsasagawa ng mga demokratikong prinsipyo sa lahat ng kanilang ginagawa sa ilalim ng pagpapanggap na hindi sila mapandikta. Ginagamit nila ito bilang isang paraan upang makuha ang simpatya ng mga tao, ngunit ang totoo ay ginagawa nila ito upang patatagin ang sarili nilang katayuan. Hindi ba’t pag-uugali ito ng isang anticristo? (Oo.) Tanging isang anticristo lamang ang kikilos nang ganito. Ginagawa rin ba ninyo ang ganitong mga bagay? (Minsan.) At pinagninilayan ba ninyo kung anong mga intensyon ang namamahala sa mga kilos na ito? Maiintindihan ito kung kasisimula pa lamang ng tao na magsanay sa gawain ng isang lider at hindi nakauunawa sa mga prinsipyo. Ngunit kung naging lider o manggagawa na siya nang ilang taon at pilit pa rin niya itong ginagawa, kawalan na ito ng mga prinsipyo. Isa itong huwad na pamumuno at ang taong ito ay hindi naghahangad ng katotohanan. Kung ang isang tao ay may sariling layunin at mithiin at pilit na ginagawa ito sa ganitong paraan, isa siyang anticristo. Paano ninyo tinitingnan ang ganitong usapin? Ano ang isinasagawa ninyo kapag nahaharap kayo sa ganitong isyu? Kung may sarili kayong mga layunin at hangarin, ano ang dapat ninyong gawin upang lutasin ang mga ito? (Napansin kong may kinikimkim akong ilang layunin sa loob ko. Minsan, natatakot akong sasabihin ng mga kapatid na hindi ako tapat at malinaw sa mga kilos ko, na mag-isa akong gumagawa ng mga desisyon nang hindi sinasabi sa kanila. Kapag ganito ang naiisip ko, tatalakayin at lulutasin ko ang mga usapin kasama ng mga kapatid. Hindi ako gagawa ng mga desisyon nang ako lang.) Katanggap-tanggap na kumonsulta sa iba. Naaangkop na tiyaking nasabihan ang lahat; ito ay pagtanggap sa pangangasiwa ng mga kapatid sa iyong gawain, na nakatutulong sa iyo na gawin ang iyong tungkulin. Gayunpaman, sa mga talakayan ninyo, dapat ka ring sumunod sa mga katotohanang prinsipyo. Kung lilihis ka sa mga katotohanang prinsipyo, maaaring mag-iba ang paksa ng talakayan o masayang ang oras, at hindi ka makararating sa mga wastong konklusyon. Kaya kapag sinisimulan ang talakayan, dapat manguna ang mga lider at manggagawa sa pagbabasa ng mga nauugnay na talata ng mga salita ng Diyos. Sa ganitong paraan, makapagbabahaginan ang lahat ayon sa Kanyang mga salita. Ang ganitong pagbabahaginan ay makapagbibigay ng landas at makapagdudulot ng magagandang resulta. Hindi ka puwedeng tumayo na lamang sa gilid at hayaang magbahaginan ang lahat kung paano man nila gusto. Kung walang sinuman ang may matinding mga opinyon, at hindi nila hinahanap ang katotohanan, walang saysay ang ganitong paraan ng pagbabahaginan, gaano kahaba man ninyo ito gawin. Hindi nito kailanman makakamit ang wastong kahihinatnan. Kaya, kung walang maayos na lider ang iglesia, at pinamamahalaan ito ng isang taong hindi nakauunawa sa katotohanan; kung isa lamang itong grupo ng mga indibidwal na magugulo ang isip, walang anumang matinding mga opinyon, kung ano na lamang ang ibinabahagi, at walang saysay ang idinudulot ng pagbabahagi, ano ang puwedeng maging epekto nito? Ano ang tawag sa sinasabing demokrasyang ito? Bulag na pagtatalo lamang ang lahat ng ito na walang prinsipyo at hindi makapagdudulot ng tamang resulta. Ang ganitong uri ng demokratikong paraan ay hindi magkakaroon ng positibong epekto. Sa kabila ng mga glamoroso at mapambolang pananalita ng lahat, wala talaga silang matinding opinyon, totoong talento, at tunay na pagkatuto. Wala silang kakayahang pamunuan ang mga tao tungo sa tamang landas. Nagpapahayag lamang sila ng mga salitang nanlilinlang sa mga tao, na bigong magkaroon ng anumang positibong epekto. Gayunpaman, hindi ito gagana kung ang isang tao ay magsasagawa lamang ng mga demokratikong konsultasyon nang walang taong nakauunawa sa katotohanang mangunguna kapag nahaharap sa isang sitwasyon. Ang pinakamainam na paraan ay ang hanapin pa rin mismo ng mga lider at manggagawa ang katotohanan, piliin ang mga kaukulang salita ng Diyos, basahin ang mga ito nang mabuti, at masusing pag-isipan ang mga ito. Pagkatapos, puwede nilang dalhin ang mga salita ng Diyos sa pagtitipon upang pagbahaginan at talakayin kasama ang lahat. Tanging sa ganitong paraan makakamit ang mga resulta. Para naman sa mga huwad na lider at anticristo, hindi sila kailanman nagsasagawa ng mga demokratikong konsultasyon anuman ang sitwasyon. Hindi nila hinahayaang magtalakayan o magbahaginan ang mga tao. Nakakapit sila sa kanilang mga layunin at mithiin, nangangambang ang mga demokratikong konsultasyon ang maglalantad o pipigil sa kanilang layunin at mithiin. Dahil dito, kumikilos sila sa mapandiktang paraan, laging naghahangad na sila ang masunod. Kahit na magsagawa sila ng demokratikong pagbabahaginan sa maliliit na bagay, para lamang ito kunin ang pabor ng lahat at pagandahin ang tingin ng iba sa kanila; ginagawa nila ito para lamang patatagin ang sarili nilang katayuan. Kung makakakita kayo ng ilang taong may ganitong mga layunin, dapat ninyo silang bantayan at obserbahan, at kung kinakailangan, dapat ninyo silang ilantad at paghigpitan. Ang tamang lider o manggagawa ay isang taong naghahanap muna mismo sa katotohanan at pagkatapos ay namumuno sa lahat upang magbahaginan tungkol sa mga salita ng Diyos at hanapin ang katotohanan. Sa pagbabahaginan, maaaring hindi lubusang malinaw ang puso ng bawat isa, at maaaring medyo mahirap maunawaan, ngunit sa patuloy nilang pagbabahaginan, mapapasakanila ang kaliwanagan ng Banal na Espiritu. Marahil isa sa kanila ang maaaring magpahayag ng liwanag o landas, at habang patuloy na nagbabahaginan ang lahat sa liwanag ng iluminasyong ito at sa daang ito, uusbong ang kalinawan sa kanilang mga puso, na magbibigay-daan upang matukoy nila ang wastong landas ng pagsasagawa. Habang patuloy na sama-samang nagbabahaginan ang lahat, magsasalita sila nang may mas umiigting na kalinawan. Basta’t may isang taong may kaliwanagan at ginagabayan ng gawain ng Banal na Espiritu, magiging tila naliwanagan at nakauunawa na ang lahat. Dapat matutunan ng lahat ng lider at manggagawa na hanapin ang katotohanan sa ganitong paraan. Ang pagsasagawa sa ganitong pamamaraan ay nagbibigay ng pagkakataon sa Banal na Espiritu upang kumilos. Kung palagi kang susunod sa opinyon ng lahat at hindi mo aalamin kung paano kumikilos ang Banal na Espiritu, magiging isang paglihis iyon. Ang pagsunod palagi sa opinyon ng lahat at pagsang-ayon sa itinuturing ng lahat na mainam—anong uri ng pamamaraan ito? Isa itong pamamaraan kung saan ang isang tao ay kumukuha ng pabor, walang pasanin, at hindi nagsasaalang-alang ng gawain ng sambahayan ng Diyos. Bagama’t ang nakikita ay nagampanan mo ang iyong gawain, napahintulutan ang mga tao na magbahaginan at magpahayag ng kanilang mga opinyon, naisagawa ang demokrasya, at naiwasan ang maladiktador na pamamahala o pagkilos nang ayon sa iisang panig, ang layunin mo ay makakuha ng pabor, magawang tingalain ka ng mga tao, sang-ayunan ka, sabihing hindi ka nandidikta, sabihing makatwiran ka, at sabihing kaya mong gawin ang gawain. Pagkatapos nito, kontento ka na. Tama bang gawin ito? Puwede bang maging tama ang mga resulta kung hindi tama ang layunin mo? Hindi, talagang hindi puwede. Nakuha mo ang pabor ng lahat, at napasaya mo sila. Sinasabi nilang lahat na isa kang mabuting lider, hindi isang huwad na lider o isang anticristo, at kaya mong gawin ang gawain; sinusuportahan ka nilang lahat—ngunit sino ang makikinabang sa huli? Ikaw. Magandang resulta ba ito? Hindi. Una sa lahat, hindi ka nagpatotoo para sa Diyos, at pangalawa, hindi mo pinagtibay ang gawain ng sambahayan ng Diyos. Ang huling resulta ay pinrotektahan mo ang mga interes mo at ng lahat ng iba pang tao, at pinrotektahan mo ang sarili mong katayuan, ngunit walang nagprotekta sa mga interes ng sambahayan ng Diyos at ng iglesia. May magandang pagkakasunduan sa pagitan ninyong lahat, ngunit naisantabi ang mahalagang gawain ng sambahayan ng Diyos. Walang nagbibigay-pansin o nagsasaalang-alang kung paanong ang gawain ng sambahayan ng Diyos ay dapat na umaayon sa mga prinsipyo at sa mga hinihingi ng Diyos. Hindi ba’t pagtataksil ito sa mga interes ng sambahayan ng Diyos? Pinagtaksilan mo ang katotohanan, ang mga hinihingi ng Diyos, at ang gawain at mga interes ng sambahayan ng Diyos, upang makakuha ng pabor sa lahat. Sa huli, makikinabang ka at ang lahat ng iba pang tao. Ang mga ito ay mga kamuhi-muhi, mababang uri ng mga tao at isang grupo ng mga traydor. Ito ang landas na tinatahak ng mga anticristo. Sa pamamagitan ng pagtataksil sa mga interes ng sambahayan ng Diyos upang pasiyahin ang lahat at panatilihin ang sarili mong katayuan, sa huli ay itinataguyod at sinusuportahan ka ng lahat, nang sa gayon ay palagi ka nilang pipiliin bilang kanilang lider. Napatibay mo ang iyong katayuan, ngunit naisakatuparan ba sa iglesia ang mga layunin at katotohanan ng Diyos? (Hindi.) Hinadlangan mo ang mga ito. Hindi naisakatuparan ang kalooban ng Diyos sa iglesia na kinokontrol mo. Hindi naisagawa sa mga kapatid ang mga salita ng Diyos at hindi ito pumasok sa mga puso ng mga hinirang ng Diyos upang maging buhay nila. Sino ang pangunahing may sala rito? Ikaw. Naging isa kang barikada at hadlang sa pagsasakatuparan ng kalooban ng Diyos sa iglesia—paanong hindi magagalit sa iyo ang Diyos? Hindi ba’t dapat kang palitan? Ano ang kahihinatnan mo kung panahon na para palitan ka ngunit wala pa ring sumasang-ayon? Magiging anticristo ka. Ang mga sumasamba at sumusunod sa iyo ay naakay mo lahat sa maling landas, nawalan ng pagkakataong maligtas, at naging mga alay mong tupa. Sa ilalim ng iyong kontrol, ang iglesia ay naging isang kaharian ng anticristo. Ito ang mga kahihinatnan. Bakit walang pumapayag na palitan ka? Nabili mo silang lahat, at Diyos na ang tingin nila sa iyo ngayon. Kinuha mo ang lugar ng Diyos sa kanilang mga puso, sinakop mo ang buong puso nila. Wala na silang Diyos o katotohanan sa kanilang mga puso; nabihag at kontrolado mo na sila. Wala itong pinagkaiba sa kung paano kinokontrol at ginagawang tiwali ni Satanas ang mga tao. Inilagay ng Diyos ang mga taong ito sa iyong mga kamay, ngunit ninakaw at hinablot mo sila. Hindi ba’t isa itong anticristo? Tunay ngang isa itong anticristo. Anong papel ang ginagampanan ng isang anticristo sa iglesia? Lantaran itong mapapansin at madaling makita. Ang isang anticristo ay isang ahente ni Satanas na siyang nagsasagawa ng lahat ng bagay na nais ni Satanas at tumutupad sa layunin ni Satanas na linlangin at kontrolin ang mga tao. Sa paggawa nito, sila ay nagiging kasabwat ni Satanas at nararapat isumpa at parusahan ng Diyos.

Sa ngayon, ang lahat ng nagsisilbi bilang mga lider at manggagawa ay takot na tahakin ang landas ng isang anticristo. Kung gayon, ano ang maaari ninyong gawin upang maiwasan ang resultang ito? Una, dapat mong maunawaan na ang mga tungkuling ginagampanan mo at ang gawaing isinasagawa mo ay mga atas na mula sa Diyos, at dapat mong isagawa ang iyong gawain alinsunod sa mga hinihingi ng Diyos. Sa paggawa nito, magkakaroon ka ng layunin at direksyon sa iyong isipan, at magagawa mong hanapin ang katotohanan at hanapin ang landas sa mga salita ng Diyos. Pagkatapos ay dapat mong pamunuan ang lahat upang magbahaginan tungkol sa mga nauugnay na talata ng mga salita ng Diyos at bigyan sila ng daan upang makapagbahaginan tungkol sa katotohanan ayon sa Kanyang mga salita, upang magkaroon ng higit pang kaliwanagan sa mga salita ng Diyos, upang maunawaan ang mga layunin ng Diyos at ang katotohanan, at pagkatapos ay magsagawa ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Ito ay pagtahak sa tamang landas. Sa diwa, ang gawain ng iglesia ay ang akayin ang mga hinirang ng Diyos sa pag-unawa at pagpasok sa lahat ng katotohanang ipinahahayag ng Diyos. Ito ang pinakamahalagang gawain ng iglesia. Kaya, anumang problema ang nilulutas, walang pagtitipon ang maihihiwalay sa pagbabasa ng mga nauugnay na talata ng mga salita ng Diyos o sa pagbabahaginan tungkol sa katotohanan. Sa huli, kung makakapagbahaginan kayo tungkol sa katotohanan at sa mga prinsipyo ng pagsasagawa hanggang sa malinaw na ang mga ito, mauunawaan ng lahat ang katotohanan at malalaman nila kung paano ito maisasagawa. Alinmang aspeto ng katotohanan ang kinakain at iniinom ninyo sa isang pagtitipon, dapat kayong magbahaginan sa ganitong paraan at hanapin ang katotohanan batay sa mga usaping kinahaharap ninyo. Ang mga nakauunawa sa katotohanan ang siyang dapat manguna sa pagbabahaginan, at iyong mga naliwanagan na ay maaari nang magpatuloy ng pagbabahaginan. Sa ganitong paraan, habang mas nagbabahaginan sila, lalong kikilos sa kanila ang Banal na Espiritu, higit na kalinawan ang makakamit nila. Kapag nauunawaan ng lahat ang katotohanan, makakamit nila ang ganap na liberasyon at kalayaan at magkakaroon sila ng landas na susundan. Ito ang pinakamainam na resultang makakamit ng isang pagtitipon. Kapag pinag-usapan ng lahat ang patungkol sa katotohanang realidad hanggang sa maging malinaw ito sa pamamagitan ng ganitong uri ng pagbabahaginan, hindi ba’t mauunawaan nila ang katotohanan? (Oo.) Matapos maunawaan ng mga tao ang katotohanan, natural nilang malalaman kung paano ito mararanasan at maisasagawa. Kapag kaya nilang isagawa ang katotohanan sa tamang paraan, hindi ba’t nakamit na nila ang katotohanan? (Oo.) Kapag nakamit na ng isang tao ang katotohanan, hindi ba’t nakamit na niya ang Diyos? Kung nakamit ng isang tao ang Diyos, hindi ba’t natamo na rin niya ang pagliligtas ng Diyos? (Oo.) Kung, sa gawain mo bilang isang lider o manggagawa, makakamit mo ang resultang ito, magagawa mo nang maayos ang iyong gawain, matutupad mo ang iyong tungkulin sa paraang nakaabot sa pamantayan, at matatanggap mo ang pagsang-ayon ng Diyos. Kapag nauunawaan ng lahat ng hinirang ng Diyos ang katotohanan, sasambahin, titingalain, at susundin ka pa rin kaya nila? (Hindi.) Pupurihin at igagalang ka lang ng mga tao, magiging handang makipag-usap at makisalamuha sa iyo, handang makinig sa iyong pagbabahagi upang matuto sila rito. Ang mga nakauunawa sa katotohanan ang siyang maaaring tunay na maging ilaw at asin. Ito ang ibig sabihin ng pagtupad sa tungkulin ng isang tao bilang isang nilikha, at maging isang sapat na nilalang. Kapag naunawaan ng mga tao ang katotohanan at nagkaroon sila ng mas malapit na relasyon sa Diyos, magiging kaayon nila ang Diyos, hindi na sila magrerebelde, magkakamali ng pagkaunawa, o lalaban sa Kanya, at magagawa nilang magbigay ng pagsang-ayon at magpatotoo para sa Diyos anumang usapin ang kanilang harapin. Kung, bilang isang lider o manggagawa, nagsasagawa ka ayon sa mga prinsipyong gaya ng mga ito, bago mo pa mamalayan, nadala mo na ang mga tao sa harapan ng Diyos. Magagawa rin ng mga taong inaakay mo na isagawa ang katotohanan, pumasok sa realidad, at itaas ang Diyos at magpatotoo sa Kanya. Sa ganitong paraan, makakayanan din ng mga taong inaakay mo ang masang-ayunan at makamit ng Diyos. Dahil dito, kapag may isang lider na tumatahak sa landas ng paghahangad sa katotohanan, ganap na alinsunod ito sa mga layunin ng Diyos. Hangga’t umaayon sa mga katotohanang prinsipyo ang ginagawa ng mga tao, paganda lamang ng paganda ang mga resulta ng kanilang mga kilos, nang wala ni isang masamang epekto, at makakamit nila ang pagpapala at proteksyon ng Diyos sa bawat bagay. Kahit na magdulot sila ng ilang paglihis kung minsan, bibigyang-kaliwanagan at aakayin sila ng Diyos, at matatagpuan nila ang pagwawasto sa mga salita ng Diyos. Kapag tinahak ng mga tao ang tamang landas, makukuha nila ang pagpapala at proteksyon ng Diyos.

Ano ang layunin sa pagsasagawa ng sambahayan ng Diyos ng mga demokratikong halalan at konsultasyon? Bakit dapat isagawa ang demokrasya? (Upang pigilan ang mga tao na maging batas sa kanilang mga sarili.) Totoo na ito ay para maiwasan ang ganitong problema. Gayunpaman, ang pangwakas na layunin sa pagsasagawa ng mga demokratikong konsultasyon ay ang gamitin ang katotohanan upang lutasin ang mga problema, iwasang magdulot ng mga paglihis, at kumilos alinsunod sa mga layunin ng Diyos. Ito ay upang maunawaan ang katotohanan at makapasok sa tamang landas. Ito ay upang mahanap ang landas na sumusunod sa kalooban ng Diyos, magpasakop sa Kanyang gawain, at maakay ang mga hinirang ng Diyos tungo sa katotohanang realidad upang maisakatuparan ang Kanyang kalooban. Ito rin ay upang magbantay laban sa panlilihis at panggugulo na gawa ng mga huwad na lider at anticristo, upang maiwasang magkaroon ng kaguluhan sa iglesia, at upang protektahan ang buhay ng mga hinirang ng Diyos mula sa pagdurusa na dala ng mga maaaring mawala sa kanila. Sa pagsasagawa ng mga demokratikong konsultasyon, maaaring makamit ang mga ganitong resulta. Kung walang pagbabahaginan sa katotohanan o mga demokratikong konsultasyon sa iglesia, masyadong madaling magkaroon ng kaguluhan at madaling pagsamantalahan ng mga diyablo at Satanas ang mga kahinaan, na magreresulta sa pagkakaroon ng kapangyarihan ng mga huwad na lider at anticristo. Dahil ang lahat ng tao ay may mga tiwaling disposisyon, ang mga lider at manggagawa ang pinakananganganib na kumilos sa mapandiktang paraan, hayaang sila lamang ang makapagsalita, at pagpasyahan ang lahat nang mag-isa. Nagsasagawa ang sambahayan ng Diyos ng mga demokratikong halalan para lamang mapigilan ang mga lider at manggagawa na maging batas sa kanilang mga sarili, at para rin paghigpitan ang mga huwad na lider at anticristo sa pagkakaroon ng kapangyarihan sa iglesia, sa pagiging tanging mga taong may impluwensiya sa mga pagdedesisyon, at maiwasan ang pagdadala sa iglesia sa ilalim ng kontrol ng kanilang mga pamilya. Ito ay tanging para mapaghigpitan ang lahat ng awtoritaryan at anticristong pamamaraan. Gayunpaman, hindi ibig sabihin nito na ibinibigay ng sambahayan ng Diyos sa mga kapatid ang huling salita sa pamamagitan ng pagsasagawa ng demokrasya, at tiyak na hindi ito nangangahulugang dapat pagpasyahan ang lahat sa pamamagitan ng konsultasyon sa mga kapatid. Ang sambahayan ng Diyos ay may demokrasya pati na rin sentralisasyon. Napakahalaga para rito ang pagsasagawa sa ganitong paraan. Ang mga konklusyon ba na nabuo sa pamamagitan lamang ng pagsasagawa ng demokrasya ay tiyak na maiaayon sa katotohanan? Hindi naman. Kaya iyon ang dahilan kung bakit dapat magkaroon ng sentralisasyon. Ano ang kahulugan ng sentralisasyon? Ang ibig sabihin nito ay pagsama-samahin ang opinyon ng lahat upang makapagbigay ng tumpak na konklusyong ganap na naaayon sa katotohanan at sa kalooban ng Diyos. Kapag hindi nagagawa ng mga demokratikong konsultasyon na magkaroon ng mas magagandang resulta, ang kinakailangan upang makamit ang mga resultang ito ay sentralisasyon. Ang paraan ng pagsasagawa ng sentralisasyon ay kung walang mabuong kasunduan ang nagpapasyang grupo matapos magbahaginan tungkol sa isang usapin at hindi ito makagawa ng wastong desisyon, dapat nila itong iulat sa Itaas upang sila ang magpasya. Dahil nauunawaan ng Itaas ang katotohanan at tinataglay nito ang mga prinsipyo, tumpak at alinsunod sa mga layunin ng Diyos ang mga resolusyong gagawin nila. Kung hindi magawa ng mga lider ng iglesia o ng nagpapasyang grupo na ibahagi ang katotohanan sa malinaw na paraan o hanapin ang mga prinsipyo at landas, kung hindi nila alam kung paano magpasya, at, sa ilalim ng mga sitwasyong ito, hindi sila mag-uulat sa Itaas o hihiling sa kanila na gumawa ng resolusyon, at sa halip ay magpasya sa sarili nilang kagustuhan, ang iglesia at nagpapasyang grupo na ito ay kinokontrol ng mga huwad na lider at anticristo. Kung magkakamit ng mga resulta ang mga hinirang ng Diyos sa pamamagitan ng pagbabahaginan tungkol sa katotohanan, at wasto ang magiging mga konklusyon nila, ibibigay ng Itaas ang kanilang pag-apruba. Kung may mga paglihis pa rin sa kanilang mga konklusyon, at hindi sila ganap na naaayon sa mga katotohanang prinsipyo, iwawasto ng Itaas ang mga ito. Sa ganitong paraan, epektibong maiiwasan ang mga pagkakamali na minsang lumilitaw sa mga demokratikong konsultasyon. Sa pamamagitan ng ganitong sentralisasyon, posibleng magarantiya na ang mga demokratikong konsultasyon ay tatakbo nang normal, hindi magagambala, at, kasabay nito ay walang paglihis sa pagganap ng mga lider at manggagawa sa kanilang mga tungkulin. Bagama’t nagsasagawa ng demokrasya ang sambahayan ng Diyos, mayroon itong mga prinsipyo para dito. Ang mga prinsipyong ito ay dapat itong isagawa nang alinsunod sa katotohanan ng mga salita ng Diyos, at dapat magpasakop ang isang tao sa Diyos at sa lahat ng Kanyang sinasabi sa lahat ng bagay. Dapat makamit ang mga resultang ito upang ito ay maging naaayon sa mga prinsipyo ng sambahayan ng Diyos para sa demokrasya. Ang mga panghuling resulta ng pagsasagawa ng demokrasya ng iglesia ay dapat umayon sa katotohanan. Kung hindi, dapat ipawalang-bisa ang mga ito. Naniniwala ang ibang tao na ang pagsasagawa ng demokrasya ay nangangahulugang ang mga hinirang ng Diyos ang may huling salita sa lahat ng bagay, at anumang sabihin ng mga kapatid ay dapat igalang at isaalang-alang. Tama ba ito? Tinataglay ba ng mga kapatid ang katotohanan? (Hindi.) Kung pinapayagan silang magkaroon ng huling salita sa lahat ng bagay, ano ang ipinagkaiba nito sa pagpayag na ang mga huwad na lider at anticristo ang magkaroon ng huling salita? Sa parehong kaso, hindi nila taglay ang katotohanan at sila ay mga tiwaling tao. Kung nasa kanila ang huling salita, hindi ba’t hawak ni Satanas ang kapangyarihan? Samakatuwid, ang pagsasagawa ng demokrasya ay hindi nangangahulugan na ang anumang sabihin ng mga kapatid ay katotohanan, tama, at dapat na igalang. Hindi iyon ganoon. Pangunahing isinasagawa ang demokrasya upang bigyang-daan ang bawat tao na magkaroon ng pagkakataong magsalita, magpahayag, magbahagi, at tumupad sa mga sarili nilang responsabilidad, obligasyon, at tungkulin. Gayunpaman, ang awtoridad para sa paggawa ng isang desisyon ay nasa mga kamay ng nagpapasyang grupo. Ang mga desisyon ay ginagawa ng mga taong nakauunawa sa katotohanan, at ang lahat ng mahahalagang bagay ay pinagpapasyahan ng Itaas. Sa ganitong paraan, magagarantiyahan na wasto ang mga desisyong ginagawa ng iglesia sa kabuuan, o wasto ang karamihan sa mga desisyon, at ang mga paglihis ay mababawasan nang mababawasan. Ito ang kahulugan sa likod ng paggamit ng mga demokratikong halalan at konsultasyon. Isinasagawa lamang ang mga bagay na ito upang makamit ang epekto ng pagiging naaayon sa katotohanan sa lahat ng bagay, upang maabot ang punto kung saan nasusunod ang kalooban ng Diyos, kakaunti o walang nagagawang pagkakamali, at upang magarantiya na naisasakatuparan ang kalooban ng Diyos nang walang humahadlang. Kung hindi magsasagawa ng mga demokratikong halalan at konsultasyon, tiyak na maraming masamang tao ang magsasamantala sa mga kahinaang ito, at maraming huwad na lider at anticristo ang kikilos sa mapandiktang paraan. Hindi lamang ito nakaaapekto sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, kundi pati na rin sa buhay-iglesia at sa pagpasok sa buhay ng mga hinirang ng Diyos. Magmula nang magsimulang magsagawa ng mga demokratikong halalan ang sambahayan ng Diyos, marami nang mga huwad na lider at manggagawa ang nabunyag at itiniwalag, at mga masasamang tao na walang pagkakataon na maaaring samantalahin. Marami ring tao na naghahangad sa katotohanan at inaayunan ng mga hinirang ng Diyos ang napili bilang mga lider at manggagawa. Nabigyan sila ng pagkakataong magsanay at gawing perpekto. Ang mga ito ay malilinaw na resulta ng pagsasagawa ng mga demokratikong halalan at nakikita ito ng lahat. Dapat maunawaan ng lahat ng hinirang ng Diyos na ang pagsasagawa ng demokrasya ng iglesia ay makatutulong at kanais-nais sa sambahayan ng Diyos, sa iglesia, at sa mga indibidwal. Dahil ang bawat isang tao sa iglesia ay miyembro ng sambahayan ng Diyos, at wala sa kanila ang tagalabas, ang bawat tao ay may karapatang magsalita, magpahayag, bumoto, at maghalal sa mga usaping nauugnay sa gawain ng iglesia at iba pa. Karapatan ito ng lahat. Gayunpaman, ang pagkakaroon ng karapatang ito ay hindi katumbas ng pagtataglay mo ng katotohanan, o na pinapayagan kang kumilos nang walang pakundangan. Kung aabusuhin mo ang karapatang ito, hindi ba’t dapat kang paghigpitan ng sambahayan ng Diyos? (Oo.) Binigyan ka ng ganitong karapatan upang maisagawa mo ang katotohanan at mapangasiwaan mo ang mga usapin ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Ito ay upang itaguyod mo ang mga interes ng iglesia at ng sambahayan ng Diyos. Hindi ito upang mapasaiyo ang huling salita at makakilos ka nang walang pakundangan. Maaaring sumangguni at gamitin ng iglesia ang mga tamang bagay na sasabihin mo. Kung may sasabihin kang maling bagay, at tinanggihan ito, hindi mo ito dapat ipilit. Dapat mong isagawa ang pagtanggap at pagpapasakop. Ang ganitong paraan ng pagsasagawa ay makatutulong sa gawain ng sambahayan ng Diyos.

Sipi 75

Sa kanilang gawain, kailangang bigyang-pansin ng mga lider at manggagawa ng iglesia ang dalawang prinsipyo: Ang isa ay ang gawing ganap ang kanilang gawain ayon sa mga prinsipyong nakasaad sa mga pagsasaayos ng gawain, nang hindi kailanman nilalabag ang mga prinsipyong iyon at hindi ibinabatay ang kanilang gawain sa anumang maaari nilang mailarawan sa isip o sa alinman sa mga sarili nilang pag-iisip. Sa lahat ng ginagawa nila, dapat silang magpakita ng malasakit sa gawain ng iglesia, at laging unahin ang kapakanan ng sambahayan ng Diyos. Isang bagay pa—at ito ang pinakamahalaga—iyon ay sa lahat ng bagay, dapat silang magtuon sa pagsunod sa patnubay ng Banal na Espiritu at gawin ang lahat nang mahigpit na sinusunod ang mga salita ng Diyos. Kung nakakaya pa rin nilang salungatin ang patnubay ng Banal na Espiritu, o kung sutil pa rin nilang sinusunod ang sarili nilang mga ideya at ginagawa ang mga bagay-bagay ayon sa sarili nilang imahinasyon, ang mga kilos nila ang bubuo sa pinakamatinding paglaban sa Diyos. Walang patutunguhan ang madalas nilang pagtalikod sa kaliwanagan at patnubay ng Banal na Espiritu. Kung maiwawala nila ang gawain ng Banal na Espiritu, hindi na nila magagawang magtrabaho; at kahit pa magawa nilang makapagtrabaho kahit paano, wala silang matatapos. Ito ang dalawang pangunahing prinsipyong dapat sundin ng mga lider at manggagawa habang gumagawa: Ang isa ay ang gampanan ang gawain nila nang ganap na naaayon sa mga pagsasaayos ng gawain mula sa Itaas, gayundin ang kumilos ayon sa mga prinsipyong naitakda ng nasa Itaas; at ang isa pa ay ang sumunod sa patnubay ng Banal na Espiritu na nasa loob nila. Sa sandaling maunawaan ang dalawang prinsipyong ito, hindi na sila gaanong manganganib na makagawa ng mga pagkakamali sa kanilang gawain. Limitado pa rin ang karanasan ninyo sa paggawa ng gawain ng iglesia, at kapag gumagawa kayo, labis itong nahahaluan ng sarili ninyong mga ideya. Paminsan-minsan, maaaring hindi ninyo maunawaan ang kaliwanagan o patnubay sa inyong kalooban na nagmumula sa Banal na Espiritu; sa ibang mga pagkakataon, tila nauunawaan ninyo ito, ngunit malamang na balewalain ninyo ito. Lagi kayong naglalarawan sa isip o naghihinuha sa paraan ng tao, kumikilos ayon sa inaakala ninyong naaangkop, nang hindi man lamang isinasaalang-alang ang mga layunin ng Banal na Espiritu. Ginagawa ninyo ang inyong gawain ayon lamang sa sarili ninyong mga ideya, isinasantabi ang anumang kaliwanagan mula sa Banal na Espiritu. Madalas mangyari ang gayong mga sitwasyon. Ang patnubay ng Banal na Espiritu sa inyong kalooban ay hindi higit sa normal; sa katunayan, normal na normal ito. Ibig sabihin, sa kaibuturan ng inyong puso, nararamdaman ninyo na ito ang angkop na paraan ng pagkilos, at ito ang pinakamainam na paraan. Talagang malinaw rin naman ang kaisipang ito; hindi ito nagmula sa pagninilay, at kung minsan ay hindi ninyo lubos na nauunawaan kung bakit dapat kayong kumilos sa ganitong paraan. Kadalasan ito ay walang iba kundi kaliwanagan mula sa Banal na Espiritu. Nangyayari ito kadalasan sa mga taong may karanasan. Ginagabayan ka ng Banal na Espiritu na gawin ang pinakaangkop. Hindi ito isang bagay na pinag-iisipan mo, sa halip ito ay isang damdamin sa puso mo na nagpapatanto sa iyo na ito ang pinakamainam na paraan ng paggawa nito, at gusto mong gawin ito sa paraang iyon nang hindi nalalaman kung bakit. Maaaring nagmumula ito sa Banal na Espiritu. Kadalasang nagmumula sa pag-iisip at pagsasaalang-alang ang mga sariling ideya ng isang tao, at nahahaluang lahat ng sariling kagustuhan; iniisip niya palagi kung ano ang pakinabang at bentahe nito sa kanya; bawat kilos na ipinapasyang gawin ng mga tao ay may ganitong mga bagay. Gayunman, ang patnubay ng Banal na Espiritu ay hindi naglalaman sa anumang paraan ng gayong mga paghahalo. Mahalagang magbigay ng masusing pansin sa patnubay o kaliwanagan mula sa Banal na Espiritu; lalo na sa mahahalagang usapin, kailangan mong mag-ingat para maintindihan iyon. Ang mga taong ibig gamitin ang kanilang utak, at ibig kumilos ayon sa sarili nilang mga ideya, ang sadyang higit na nanganganib na mapalampas ang gayong patnubay o kaliwanagan. Ang mga lider at manggagawang may kasapatan ay mga taong nagtataglay ng gawain ng Banal na Espiritu, na alisto sa gawain ng Banal na Espiritu sa bawat sandali, na nagpapasakop sa Banal na Espiritu, may pusong may takot sa Diyos, mapagsaalang-alang sa mga layunin ng Diyos, at walang-kapagurang hinahangad ang katotohanan. Upang mapalugod ang Diyos at maayos na magpatotoo para sa Kanya, dapat palagi mong pinagninilayan ang iyong mga motibo at karumihan sa pagganap sa iyong tungkulin, at pagkatapos ay subukang pagmasdan kung gaanong gawain ang naganyak ng mga ideya ng tao, gaano ang umusbong mula sa kaliwanagan ng Banal na Espiritu, at gaano ang umaalinsunod sa mga salita ng Diyos. Dapat pinagninilayan mo palagi, at sa lahat ng sitwasyon, kung ang iyong mga salita at gawa ba ay naaayon sa katotohanan. Ang makapagsagawa nang madalas sa ganitong paraan ay maglalagay sa iyo sa tamang landas ng paglilingkod sa Diyos. Mahalagang magtaglay ng mga katotohanang realidad upang matamo ang paglilingkod sa Diyos sa isang paraang umaayon sa Kanyang mga layunin. Pagkatapos nilang maunawaan ang katotohanan saka lamang magkakaroon ang mga tao ng kakayahang matukoy at makilala kung ano ang lumilitaw mula sa sarili nilang mga ideya at kung ano ang lumilitaw mula sa mga motibo ng tao. Nagagawa nilang makilala ang mga karumihan ng tao, gayundin kung ano ang ibig sabihin ng kumilos ayon sa katotohanan. Pagkatapos nilang makakilatis, saka lamang matitiyak na maisasagawa nila ang katotohanan at lubos silang makakaayon sa mga layunin ng Diyos. Kapag walang pagkaunawa sa katotohanan, imposibleng makahiwatig ang mga tao. Ang isang taong naguguluhan ay maaaring maniwala sa Diyos sa kabuuan ng kanyang buhay nang hindi nalalaman kung ano ang ibig sabihin ng mahayag ang sarili niyang katiwalian o kung ano ang ibig sabihin ng labanan ang Diyos, dahil hindi niya nauunawaan ang katotohanan; na hindi man lamang umiiral ang ideyang iyon sa kanyang isipan. Ang katotohanan ay hindi kayang abutin ng mga taong napakababa ng kakayahan; gaano mo man sila bahaginan tungkol dito, hindi pa rin nila ito nauunawaan. Magulo ang isip ng gayong mga tao. Sa kanilang pananampalataya, ang mga taong naguguluhan ay hindi makapagpapatotoo sa Diyos; makapagtrabaho lamang sila nang kaunti. Kung gagampanan nang maayos ng mga lider at manggagawa ang kanilang mga tungkulin, hindi maaaring maging napakahina ng kanilang kakayahan. Kahit papaano, dapat mayroon silang espirituwal na pang-unawa at arukin nang wagas ang mga bagay-bagay, upang madali nilang maunawaan at maisagawa ang katotohanan. Ang karanasan ng ilang tao ay napakababaw, kaya kung minsan ay may mga pagkabaluktot sa kanilang pagkaunawa sa katotohanan, at pagkatapos ay malamang na makagawa sila ng mga pagkakamali. Kapag may mga pagkabaluktot sila sa kanilang pagkaunawa, hindi sila handang isagawa ang katotohanan. Kapag may mga pagkabaluktot sa pagkaunawa ng mga tao, malamang na sumunod sila sa mga regulasyon, at kapag sumusunod sila sa mga regulasyon, madaling makagawa ng mga pagkakamali, at hindi sila handang isagawa ang katotohanan. Kapag may mga pagkabaluktot sa pagkaunawa, madali ring malihis at magamit ng mga anticristo. Samakatuwid, ang mga pagkabaluktot sa pagkaunawa ay maaaring humantong sa maraming pagkakamali. Dahil dito, hindi lang sila mabibigo na gampanan nang maayos ang kanilang mga tungkulin, maaari din silang madaling maligaw, na nakakapinsala sa pagpasok sa buhay ng mga taong hinirang ng Diyos. Ano ang kahalagahan ng paggawa ng isang tao sa kanyang tungkulin nang ganito? Nagiging isang tao lang siya na nakakagambala at nakakaabala sa gawain ng iglesia. Dagdag pa rito, dapat matuto ng mga aral mula sa mga kabiguang ito. Upang matupad ang gawaing ipinagkakatiwala ng Diyos, kailangang maintindihan ng mga lider at manggagawa ang dalawang prinsipyong ito: Dapat mahigpit na sumunod ang isang tao sa mga pagsasaayos ng gawain mula sa Itaas sa pagganap sa tungkulin, at dapat bigyang-pansin at magpasakop sa anumang patnubay mula sa Banal na Espiritu alinsunod sa salita ng Diyos. Kapag naintindihan ang dalawang prinsipyong ito, saka lamang magiging mabisa ang gawain ng isang tao at matutugunan ang mga layunin Diyos.

Sipi 76

Sa iglesia, anong uri ng tao ang pinakamapagmataas? Paano kusang nagpapamalas ang pagmamataas niya? Sa anong mga bagay pinakanabubunyag ang kanyang pagmamataas? Mayroon ba kayong pagkakilala rito? Ang mga pinakamapagmataas na tao sa loob ng iglesia ay ang masasama at ang mga anticristo. Ang kanilang pagmamataas ay lubhang nakahihigit sa mga normal na tao, hanggang sa punto na ito ay wala nang katwiran. Sa aling mga bagay ito pinakamadaling makita? Kapag sila ay pinupungusan, saka pinakamalinaw na nalalantad ang kanilang mga mapagmataas na disposisyon. Gaano man katindi ang masasamang gawa ng mga anticristo na ito, kapag may nagpungos sa kanila, sila ay magagalit at magsasabing: “Sino ka para punahin at turuan ako? Ilang tao ang kaya mong pangunahan? Kaya mo bang mangaral ng mga sermon? Kaya mo bang magbahagi tungkol sa katotohanan? Kung gagampanan mo ang tungkulin ko, hindi ka magiging kasinggaling ko!” Ano ang dating nito sa inyo? Mayroon ba silang kahit kaunting saloobin ng pagtanggap sa katotohanan? Kung ganito ninyo haharapin ang pagpupungos, magdudulot iyon ng problema. Patutunayan nito na hindi kayo nagtataglay ng anumang katotohanang realidad, at ang inyong buhay disposisyon ay hindi man lang nagbago. Maaari bang maging lider o manggagawa ang isang lubhang tiwali at matandang tao na katulad nito? Magagawa ba niya ang tungkulin ng paglilingkod sa Diyos? Tiyak na hindi, sapagkat ang gayong tao ay hindi man lamang kwalipikadong maging lider o manggagawa. Upang maging lider o manggagawa, kahit papaano, kailangan ng isang tao na magkaroon ng kaunting tunay na karanasan, na maunawaan ang ilang katotohanan, na magtaglay ng ilang realidad, at na magkaroon ng pinakabatayang antas ng pagpapasakop, na ibig sabihin, dapat man lang ay kayang tanggapin ng isang tao ang pagpupungos—tanging ganitong uri ng tao ang kwalipikadong maging lider o manggagawa. Kung ang isang tao ay hindi man lang nagtataglay ng anumang katotohanang realidad, at nakikipagtalo at lumalaban pa rin siya kapag pinupungusan siya, at hindi man lang tinatanggap ang katotohanan, at kung ang gayong tao ay maglilingkod sa Diyos, ano sa palagay ninyo ang mangyayari? Walang alinlangan na lalabanan niya ang Diyos; hindi niya isasagawa ang katotohanan, anumang uri ng gawain ang kanyang gagampanan, at lalong hindi niya aasikasuhin ang mga bagay ayon sa mga prinsipyo. Samakatuwid, kung ang mga tao na walang anumang katotohanang realidad ay gagampanan ang mga tungkulin ng mga lider o manggagawa, tiyak na tatahakin nila ang landas ng anticristo, at lalabanan nila ang Diyos. Bakit nga ba maraming lider at manggagawa ang nabubunyag matapos gawin ang kakaunti sa kanilang mga tungkulin? Ito ay dahil hindi nila hinahangad ang katotohanan, sa halip ay naghahanap sila ng katanyagan, pakinabang, at katayuan, at bilang resulta, natural nilang tinatahak ang landas ng mga anticristo. Pagdating sa inyong lahat, kung bibigyan kayo ng responsabilidad para sa isang iglesia at walang sinuman ang sumuri sa inyo sa loob ng anim na buwan, hahantong kayong tumatahak sa maling landas at gagawin ninyo ang gusto ninyo. Kung kayo ay pababayaan nang kayo lang sa loob ng isang taon, hahantong kayong inililigaw ang ibang tao, at silang lahat ay tutuon lamang sa pagsasalita ng mga salita at doktrina at paghahambing kung sino ang mas mahusay kaysa kanino. Kung kayo ay pababayaan nang kayo lang sa loob ng dalawang taon, aakayin ninyo ang mga tao sa harapan ninyo, sa inyo susunod ang mga tao at hindi sa Diyos, at sa ganitong paraan, ang iglesia ay masisira at magiging relihiyoso. Ano ang dahilan nito? Napag-isipan na ba ninyo ang tanong na ito? Anong landas ang tinatahak ng isang tao kapag pinamumunuan niya ang iglesia sa ganitong paraan? Ang landas ng mga anticristo. Magiging ganito ba kayo? Gaano katagal ninyo matutustusan ang mga tao ng kaunting katotohanan na nauunawaan ninyo ngayon? Kaya ba ninyong akayin ang mga tao sa tamang landas ng pananampalataya sa Diyos? Kung magtanong nang marami ang mga taong hinirang ng Diyos, masasagot ba ninyo sila sa pamamagitan ng pagbabahagi sa katotohanan ayon sa mga salita ng Diyos? Kung hindi mo nauunawaan ang katotohanan, at ang ginagawa mo lang ay mangaral ng ilang salita at doktrina, at pagkatapos ng ilang beses na pakikinig sa iyo, maririndi ang mga tao, at kapag patuloy mong ipinangaral ang mga salita at doktrina, magiging tutol sila rito, at matutukoy na nila ito—at kung ganito, bakit patuloy pang mangangaral sa kanila? Kung ikaw ay isang taong may katwiran, dapat kang tumigil sa pangangaral ng mga doktrina sa ibang tao, dapat kang tumigil sa pagtuturo sa mga tao mula sa mataas na posisyon, dapat kang tumayo nang kapantay ng iba, at dapat mong kainin, inumin, at danasin ang mga salita ng Diyos kasama nila. Ang lahat ng ito ay mga pagpapamalas ng mga taong nagtataglay ng katwiran. Yaong mga partikular na mapagmataas at mapagmagaling ay madaling nawawalan ng katwiran, at nagpipilit na ipangaral ang mga salita at doktrina sa iba, o sinusubukan nilang magpakitang-gilas sa pamamagitan ng paghahanap at pag-aaral ng mas malalalim na espirituwal na teorya, at sa gayon ay nagiging mga taong sinusubukang manlihis ng iba. Ang pagkilos nang ganito ay paglaban sa Diyos. Malinaw ba sa iyo ang mga kahihinatnan kung patuloy kang mangangaral sa ganitong paraan? Malinaw ba sa iyo kung saan mo aakayin ang mga tao? Anong uri ng problema ito, kapag tinahak mo ang landas ng anticristo, inakay ang mga tao sa harapan mo, at pinasamba at pinasunod sila sa iyo? Hindi ba’t nakikipagkumpitensya ka sa Diyos para sa Kanyang mga hinirang? Ito ay pagdadala ng mga tao sa harap mo na orihinal na gustong manalig sa Diyos, bumalik sa Diyos, at makamit ang Diyos, pinasusunod sila sa iyo at pinagagawa sa kanila ang sinasabi mo, at hinihimok silang tratuhin ka bilang Diyos. At ano ang kahihinatnan nito? Ang mga taong ito ay orihinal na nanalig sa Diyos upang maligtas, ngunit sa huli ay nalihis mo—hindi lamang sila hindi maliligtas, magdurusa rin sila ng kapahamakan at mawawasak. Sa pagkilos sa ganitong paraan, nililigaw mo ang mga tao, labis mo silang pinipinsala, at iwinawala mo ang mga nananalig sa Diyos. Anong krimen ang iyong kasalanan? Paano ka makababawi sa kanila? Nilinlang mo ang mga bagong mananampalataya sa iyong sariling mga kamay, ginawa mo silang iyong mga tupa, lahat sila ay nakikinig sa iyo, lahat sila ay sumusunod sa iyo, at sa iyong puso, talagang iniisip mo: “Makapangyarihan na ako ngayon; napakaraming tao ang nakikinig sa akin, at ang iglesia ay sunud-sunuran sa akin.” Ang kalikasan ng pagkakanulong ito sa loob ng tao ay di-namamalayang nagsasanhi sa iyo na gawing tau-tauhan lang ang Diyos, at ikaw naman mismo ay nagtatayo ng isang uri ng relihiyon o denominasyon. Paano naglilitawan ang iba-ibang relihiyon at denominasyon? Naglilitawan sila sa ganitong paraan. Masdan mo ang mga lider ng bawat relihiyon at bawat denominasyon—lahat sila ay mapagmataas at nag-aakalang mas matuwid sila kaysa sa iba, at binibigyang-kahulugan nila ang Bibliya nang wala sa konteksto at ginagabayan ng kanilang sariling mga kuru-kuro at imahinasyon. Lahat sila ay umaasa sa mga kaloob at kaalaman sa paggawa ng kanilang gawain. Kung sila ay wala talagang kakayahang mangaral, susunod ba sa kanila ang mga tao? Sila, kunsabagay, ay nagtataglay ng kaunting kaalaman at makakapangaral ng ilang doktrina, o alam nila kung paano makaakit ng iba at kung paano gumamit ng ilang panlalansi. Ginagamit nila ang mga bagay na ito para linlangin ang mga tao, at para dalhin ang mga tao sa harapan nila. Sa pangalan, ang mga taong iyon ay naniniwala sa Diyos, ngunit sa realidad, sinusunod nila ang mga lider na ito. Kung nakakatagpo sila ng isang taong nangangaral ng tunay na daan, ang ilan sa kanila ay nagsasabing, “Kailangang konsultahin namin ang aming lider tungkol sa mga usapin ng pananampalataya.” Tingnan kung paanong kailangan ng mga tao ang pagpayag at pagsang-ayon ng iba pagdating sa pananalig sa Diyos at pagtanggap sa tunay na daan—hindi ba ito problema? Nagiging ano na kung gayon ang mga lider na iyon? Hindi ba sila nagiging mga Pariseo, huwad na mga pastol, mga anticristo, at mga katitisuran sa pagtanggap ng mga tao sa tunay na daan? Ang mga ganyang tao ay kapareho ng uri ni Pablo. Bakit Ko ba sinasabi iyon? Ang mga liham ni Pablo ay nakatala sa Bibliya at ipinasa sa loob ng dalawang libong taon. Sa buong Kapanahunan ng Biyaya, ang mga nananalig sa Panginoon ay madalas na binabasa ang mga salita ni Pablo at itinuturing ang mga ito bilang kanilang pamantayan—pagdurusa, pagsupil sa sariling katawan, at sa wakas ay pagtataglay sa korona ng katuwiran…. Ang lahat ng tao ay nananalig sa Diyos ayon sa mga salita at doktrina ni Pablo. Sa loob ng dalawang libong taon na ito, napakaraming tao ang tumulad kay Pablo, sumamba sa kanya, at sumunod sa kanya. Itinuring nila ang mga salita ni Pablo bilang kasulatan, pinalitan nila ang mga salita ng Panginoong Jesus ng mga salita ni Pablo, at nabigong isagawa ang mga salita ng Diyos. Hindi ba ito paglihis? Isa itong malaking paglihis. Gaanong mga layunin ng Diyos ang nauunawaan ng mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya? Tutal, yaong mga sumunod kay Jesus noon ay nasa minorya, at mas kakaunti pa ang bilang ng yaong mga nakakilala sa Kanya—kahit ang mga disipulo Niya ay hindi Siya tunay na kilala. Kung may nakikitang kaunting liwanag ang mga tao sa Bibliya, hindi ito dapat ituring na kumakatawan sa mga layunin ng Diyos, at lalong hindi dapat ituring ang kaunting kaliwanagan bilang kaalaman tungkol sa Diyos. Ang mga tao ay pawang mapagmataas at hambog, at wala ang Diyos sa puso nila. Kapag nakauunawa sila ng ilang doktrina, nagsisimula silang kumilos sa ganang kanilang sarili, na humahantong sa pagbuo ng maraming denominasyon. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang Diyos ay hindi man lang mahigpit sa tao. Ang lahat ng relihiyon at denominasyon sa pangalan ni Jesus ay may kaunting gawain ng Banal na Espiritu; hangga’t walang masasamang espiritu na gumagawa sa loob nito, ang Banal na Espiritu ay gagawa sa alinmang iglesia, kaya karamihan ng mga tao ay nagawang matamasa ang biyaya ng Diyos. Noon, hindi mahigpit ang Diyos sa mga tao, tunay man o hindi ang kanilang pananalig sa Kanya, sumunod man sila sa iba, o hindi man nila hinangad ang katotohanan, dahil pauna na Niyang itinakda na, sa huling yugto, ang lahat ng paunang itinadhana at hinirang Niya ay kailangang humarap sa Kanya at tumanggap sa Kanyang paghatol. Kung, pagkatapos tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, ang mga tao ay patuloy pa ring sasamba at susunod sa iba, kung hindi nila hahangarin ang katotohanan at sa halip ay hahangarin ang mga pagpapala at korona, kung gayon ito ay hindi mapapatawad. Ang mga gayong tao ay pareho ng kay Pablo ang magiging katapusan. Bakit madalas Kong ginagamit sina Pablo at Pedro bilang mga halimbawa? Ito ay dalawang landas. Ang mga mananampalataya sa Diyos ay sumusunod sa landas ni Pedro o sa landas ni Pablo. Ito ang tanging dalawang landas. Ikaw man ay isang tagasunod o isang lider, pareho lang ito. Kung hindi ka nakatatahak sa landas ni Pedro, ikaw ay tumatahak sa landas ni Pablo. Hindi ito maiiwasan; walang pangatlong landas. Yaong mga hindi nakauunawa sa mga layunin ng Diyos, na hindi nakakakilala sa Diyos, na hindi naghahangad na maunawaan ang katotohanan, at na hindi makapagpasakop sa Diyos nang lubusan, ay tuluyang hahantong sa parehong katapusan ng kay Pablo. Kung hindi mo hahangaring makilala ang Diyos, o maunawaan ang mga layunin ng Diyos, at nagsusumikap ka lamang na makapagsalita ng mga salita at doktrina, at mangaral ng mga espirituwal na teorya, maaari mo lamang labanan at ipagkanulo ang Diyos, sapagkat kalikasan ng tao na labanan ang Diyos. Ang mga bagay na hindi naaayon sa katotohanan ay garantisadong nagmumula sa kalooban ng tao. Anuman ang nagmumula sa kalooban ng tao, mabuti man ito o masama sa mga mata ng tao, ay nakagagambala sa gawain ng Diyos. Iniisip ng ilang tao na kahit na hindi sila kumikilos ayon sa katotohanan sa ilang bagay, hindi sila gumagawa ng masama o lumalaban sa Diyos. Tama ba ito? Kung hindi ka kumikilos nang alinsunod sa katotohanan, tiyak na nilalabag mo ang katotohanan, at ang paglabag sa katotohanan ay katumbas ng paglaban sa Diyos; iba lamang ang antas ng kalubhaan. Kahit na ikaw ay hindi nauuri bilang isang taong lumalaban sa Diyos, hindi ka sasang-ayunan ng Diyos, dahil hindi mo isinasagawa ang katotohanan, at gumagawa ka lamang ng mga bagay na hindi nauugnay sa katotohanan, at kumikilos lamang ayon sa sarili mong kalooban. Kahit na ang mga hindi naghahangad ng katotohanan ay hindi gumagawa ng kasamaan, mawawaksi ba nila ang kanilang mga tiwaling disposisyon? Kung hindi nila maaalis sa kanilang sarili ang kanilang mga tiwaling disposisyon, mamumuhay pa rin sila ayon sa mga tiwaling disposisyon na iyon. Kahit na wala silang ginagawa upang labanan ang Diyos, hindi sila makakapagpasakop sa Diyos, at hindi sasang-ayunan ng Diyos ang mga gayong tao.

Sinundan: Ang mga Kaibahan sa Pagitan ng Pagbigkas ng mga Salita at Doktrina at ng Katotohanang Realidad

Sumunod: Mga Salita sa Kung Paano Tinutukoy ng Diyos ang mga Kahihinatnan ng mga Tao

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito