941 Hanapin Mo ang Katotohanan sa Lahat ng Bagay Upang Makasulong Ka

1 Kung isinasaayos ng Diyos ang ilang kapaligiran, tao, bagay, at layunin para sa iyo, kung tinatabas at pinakikitunguhan ka Niya at kung may natututuhan kang mga aral mula rito, kung natuto ka nang lumapit sa Diyos, natutong hanapin ang katotohanan, at, hindi mo alam, nililiwanagan at pinaliliwanag at nagtatamo ka ng katotohanan, kung ikaw ay nakaranas na ng pagbabago sa mga kapaligirang ito, nagantimpalaan, at umunlad, kung unti-unti ka nang nagkakaroon ng kaunting pag-unawa sa kalooban ng Diyos at hindi ka na nagrereklamo, lahat ng ito ay mangangahulugan na nanindigan ka sa gitna ng mga pagsubok ng mga kapaligirang ito, at natiis mo ang pagsubok. Kung gayon, nalagpasan mo na ang mahigpit na pagsubok na ito.

2 Yaong nakakayanan ang pagsubok ay mayroong tunay na puso, mababata nila ang ganitong uri ng pagdurusa at sa kaloob-looban nila, mahal nila ang katotohanan at nais ang katotohanan. Kung mayroong ganitong uri ng pagtatasa ang Diyos sa iyo, kung gayon ay isa kang taong may tayog, at mayroon kang buhay. At paano nakakamit ang buhay na ito? Iginagawad ito ng Diyos; ito ay ang personal na pagpunta ng Diyos upang dalhan ka ng isang tasang pagkain at dalhin ito hanggang sa bibig mo; pagkatapos, kapag nakakain ka na, pakiramdam mo ay busog ka na at kaya mong tumayong matatag. Ganito mo dapat unawain ang mga bagay na ito; ganito maging masunurin sa lahat ng bagay na galing sa Diyos.

3 Dapat taglay mo ang ganitong uri ng kalagayan ng pag-iisip at ang ganitong uri ng asal, at dapat matuto kang hanapin ang katotohanan. Hindi ka dapat palaging naghahanap ng mga panlabas na dahilan o sinisisi ang iba sa mga problema mo, at dapat nauunawaan mo ang layunin ng Diyos. Sa labas, maaaring tila may mga pananaw ang ilang tao tungkol sa iyo o mga pagkiling laban sa iyo, pero hindi mo dapat makita ang mga bagay sa ganoong paraan. Kung nakikita mo ang mga bagay mula sa maling pananaw, ang tanging gagawin mo ay ang mangatwiran sa iba, at hindi mo magagawang magkamit ng anuman. Dapat mong makita ang mga bagay nang walang kinikilingan at nang patas; sa ganoong paraan, hahanapin mo ang katotohanan at mauunawaan ang layunin ng Diyos. Sa sandaling maituwid na ang pananaw mo at kalagayan ng pag-iisip, magagawa mo nang makamit ang katotohanan.

Hango sa “Para Matamo ang Katotohanan, Dapat Matuto Ka mula sa mga Tao, mga Pangyayari, at mga Bagay sa Paligid Mo” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

Sinundan: 940 Dapat Mong Hanapin ang Kalooban ng Diyos Kapag Tinatamaan ng Sakit

Sumunod: 942 Tanging ang Isang Saligan ng mga Salita ng Diyos ang Nagbibigay ng Landas ng Pagsasagawa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.
Makipag-ugnayan sa Amin
Kontakin Kami Gamit ang Messnger

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito