Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

Ang Pagsasagawa ng mga Salita ng Diyos at Pagpapalugod sa Diyos ang Unahin

Bilis

Ang Pagsasagawa ng mga Salita ng Diyos at Pagpapalugod sa Diyos ang Unahin

I

Ngayon, ang kinakailangan n'yong kamtin

'di karagdagang hinihingi, kundi ang tungkulin ng tao,

ang s'yang dapat gawin ng lahat.

Kung tungkulin ninyo'y 'di kayang gawin

o gawing mainam,

'di ba’t pinapahamak n'yo lang sarili n'yo?

'Di ba't kamataya'y sinusuyo ninyo?

Pa'no n'yo pa rin ninanasa hinaharap, inaasam?

Sa gawain ng Diyos, tao'y dapat

gawin makakaya, inaalay katapatan,

di dapat pagbigyan pagkaunawa, tumunganga,

naghihintay mamatay.

Gawain ng Diyos, Kanyang inuuna,

Kanyang pamamahala ang pinakamahalaga.

Pangunahin sa tao ang pagsasagawa ng mga salita

ng Diyos at pagtupad sa hiling N'ya.

Ito ang dapat n'yong unawain.

II

Gawain ng Diyos para sa kapakanan ng sangkatauhan.

Pakikipagtulungan ng tao'y para sa

planong pamamahala ng Diyos.

Matapos ang lahat ng dapat Nyang gawin,

tao'y dapat masigasig sa pagsagawa

at makipagtulungan sa Diyos.

Sa gawain ng Diyos, tao'y dapat

gawin makakaya, inaalay katapatan,

'di dapat pagbigyan pagkaunawa,

tumunganga, naghihintay mamatay.

Gawain ng Diyos, Kanyang inuuna,

Kanyang pamamahala ang pinakamahalaga.

Pangunahin sa tao ang pagsasagawa ng mga salita

ng Diyos at pagtupad sa hiling N'ya.

Ito ang dapat n'yong unawain.

III

Ba't 'di maihandog ng tao katapatan nila sa Diyos

na inialay buhay Niya para sa kanila,

at bakit 'di makipagtulungan,

gayong may isang puso't isip ang Diyos sa tao?

Bakit 'di magampanan ng tao mga tungkulin

sa pamamahala ng Diyos,

gayong gumagawa ang Diyos sa tao?

Malayo na narating ng gawain ng Diyos,

pero nakikita n'yo, 'di kumikilos, naririnig, 'di gumagalaw.

'Di ba't ang mga taong 'yan ay layon ng kapahamakan?

Binigay ng Diyos ang lahat sa tao,

ba't 'di pa rin masigasig ang tao

na gawin ang kanilang tungkulin?

Gawain ng Diyos, Kanyang inuuna,

Kanyang pamamahala ang pinakamahalaga.

Pangunahin sa tao ang pagsasagawa ng mga salita

ng Diyos at pagtupad sa hiling N'ya.

Ito ang dapat n'yong unawain.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Sa Pagsunod Lamang sa Gawain ng Banal na Espiritu Makasusunod Hanggang Wakas

Sumunod:Tumindig, Makipagtulungan sa Diyos