450 Nakapasok Ka na Ba sa Tamang Landas ng Paniniwala sa Diyos?

Maraming naniniwala sa Diyos

na ‘di alam ang nais Niya.

Maraming naniniwala sa Diyos

na ‘di alam ang nais ni Satanas.

Sila’y bulag na sumusunod sa madla,

buhay-Kristiyano’y ‘di normal.

Wala silang maayos na relasyon sa iba o sa Diyos.

Pinapakita nito ang pagkakamali’t problema ng tao.

Pinapakita nito mga bagay

na makahahadlang sa kalooban ng Diyos.

Walang duda, tao’y malayo pa sa tamang landas.

Walang duda, tao’y ‘di pa nakaranas ng tunay na buhay.

Pagiging nasa tamang landas ay ang pinapatahimik lagi

ang ‘yong puso sa harap ng Diyos,

makipagniig ka sa Kanya at unti-unting

mas nakikilala mo Siya at ‘yong pagkukulang.

Bawa’t araw nagkakamit ka ng kaliwanagan,

lalong nananabik na pumasok sa katotohanan,

nagkakamit ka ng bagong kaalaman upang

mapalaya sa kapit ni Satanas, lumalakas sa buhay.


Nasa tamang landas ka ba?

Nasa anong bagay ka nakawala sa kadena ni Satanas?

Nasa tamang landas ka ba?

Nasa anong bagay ka nakawala

sa kapangyarihan ni Satanas?

‘Pag ikaw ay wala sa landas,

gapos ni Satanas ay ‘di pa putol.

‘Pag ikaw ay wala sa landas,

pag-ibig mo ba sa Diyos ay dalisay at tunay?

Sinasabi mong mahal mo ang Diyos,

ngunit nakakadena ka pa rin kay Satanas.

Sinasabi mong mahal mo ang Diyos,

ngunit ‘di mo ba Siya ginagawang hangal?

Upang makamit ng Diyos,

upang mabilang ka sa Kanyang bayan,

upang mahalin ang Diyos nang tunay,

sarili’y itakda sa tamang landas.

Pagiging nasa tamang landas ay ang pinapatahimik lagi

ang ‘yong puso sa harap ng Diyos,

makipagniig ka sa Kanya at unti-unting

mas nakikilala mo Siya at ‘yong pagkukulang.

Bawa’t araw nagkakamit ka ng kaliwanagan,

lalong nananabik na pumasok sa katotohanan,

nagkakamit ka ng bagong kaalaman upang

mapalaya sa kapit ni Satanas, lumalakas sa buhay.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pananaw na Dapat Panghawakan ng mga Mananampalataya

Sinundan: 449 Ang Paghahayag ng Gawain ng Banal na Espiritu

Sumunod: 451 Normal at Praktikal ang Gawain ng Banal na Espiritu

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

966 Ang Diyos ay Matuwid Sa Lahat

IKung ang tanongay paano hanapin o tratuhin ang Diyos.Ang saloobin mo ang pinakamahalaga.Ang Diyos ay ‘di mapapabayaano maiiwan sa likod ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito