100 Ibabalik ng Diyos ang Dating Estado ng Paglikha

1 Habang lumalakas ang Aking tinig, pinagmamasdan Ko rin ang kalagayan ng sansinukob. Sa pamamagitan ng Aking mga salita, nababagong lahat ang napakaraming bagay na nilikha. Ang sangkatauhan ay inilalantad sa orihinal na anyo nito at, dahan-dahan, bawat tao ay nakahiwalay ayon sa kanilang uri, at nahahanap ang kanilang landas nang hindi namamalayan pabalik sa sinapupunan ng kanilang pamilya. Lubha itong makalulugod sa Akin. Malaya Ako sa pagkagambala at, hindi halata, naisasakatuparan ang Aking dakilang gawain, at binabagong lahat ang napakaraming bagay na nilikha. Nang likhain Ko ang mundo, ginawa Ko ang lahat ng bagay ayon sa kanilang uri, na isinasama ang lahat ng bagay na magkakapareho ang anyo sa kauri ng mga ito. Habang nalalapit ang pagtatapos ng Aking plano ng pamamahala, ipanunumbalik Ko ang dating kalagayan ng paglikha; ipanunumbalik Ko ang lahat ng bagay sa orihinal nitong ayos, na gumagawa ng malaking pagbabago sa lahat ng bagay, upang lahat ng bagay ay mabalik sa pinagmulan ng Aking plano. Dumating na ang panahon! Ang huling yugto ng Aking plano ay malapit nang matupad. Ah, maruming lumang mundo! Tiyak na sasailalim ka sa Aking mga salita! Tiyak na mawawalan ka ng halaga ayon sa Aking plano! Ah, ang napakaraming bagay ng paglikha! Magtatamo kayong lahat ng bagong buhay ayon sa Aking mga salita—mapapasainyo ang inyong Panginoong makapangyarihan sa lahat! Ah, dalisay at walang-bahid dungis na bagong mundo! Tiyak na muli kang mabubuhay sa loob ng Aking kaluwalhatian! Ah, Bundok ng Sion! Huwag nang manahimik—nakabalik na Ako nang matagumpay! Mula sa gitna ng paglikha, sinisiyasat Ko ang buong daigdig. Sa lupa, nagsimula na ng bagong buhay at nagkamit na ng bagong pag-asa ang sangkatauhan.

2 Ah, Aking mga tao! Paanong hindi kayo muling mabubuhay sa loob ng Aking liwanag? Paanong hindi kayo magtatalunan sa galak sa ilalim ng Aking patnubay? Nagsisigawan sa saya ang mga lupain, namamaos sa masayang paghalakhak ang katubigan! Ah, ang nabuhay na mag-uling Israel! Paanong hindi ka magmamalaki dahil sa Aking itinakdang hantungan? Sino ang napaiyak? Sino ang napahagulgol? Ang dating Israel ay nawala na, at ang Israel sa ngayon ay nagbangon na, nang tuwid at matayog sa mundo, at nakatayo sa puso ng buong sangkatauhan. Tiyak na matatamo ng Israel ngayon ang pinagmumulan ng pag-iral sa pamamagitan ng Aking mga tao! Ah, kasuklam-suklam na Egipto! Siguro naman ay hindi ka na laban sa Akin? Paano mo nagagawang samantalahin ang Aking awa at sinusubukang takasan ang Aking pagkastigo? Paanong hindi ka makairal sa loob ng Aking pagkastigo? Lahat ng Aking minamahal ay tiyak na mabubuhay nang walang hanggan, at lahat ng laban sa Akin ay tiyak na kakastiguhin Ko nang walang hanggan. Sapagkat Ako ay isang mapanibughuing Diyos at hindi Ko basta patatawarin ang mga tao sa lahat ng kanilang nagawa. Babantayan Ko ang buong daigdig at, habang nagpapakita sa Silangan ng mundo nang may katuwiran, kamahalan, poot, at pagkastigo, ihahayag Ko ang Aking sarili sa napakaraming hukbo ng sangkatauhan!

Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 26

Sinundan: 99 Lahat ay Nakakamtan sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos

Sumunod: Paunang Salita

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

74 O Minamahal Ko, Hinahanap Kita

INasa’n Ka, minamahal ko?Alam Mo bang hanap-hanap Kita?‘Pag walang liwanag, kay sakit mabuhay.Sa kadiliman, hinahanap Kita.Di ako nawawalan...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito