Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 9

Dalawang Pamantayan sa Paghusga Kung Pasok ba sa Pamantayan ang mga Lider at Manggagawa

Napagbahaginan natin ngayon ang walong responsabilidad ng mga lider at manggagawa sa kabuuan, at patungkol sa walong responsabilidad na ito, hinimay natin ang iba’t ibang pagpapamalas ng mga huwad na lider. Sa pamamagitan ng paghihimay sa ganitong paraan, mayroon na ba kayong kaunting pagkilatis sa mga huwad na lider? Kung isa kang lider, kaya mo bang iwasang makisali sa mga kagawiang ito ng mga huwad na lider? Kaya mo bang sadyang gampanan ang gawain at tuparin ang mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa batay sa mga responsabilidad na napagbahaginan? Sa pamamagitan ng pagbabahaginan tungkol sa mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa, dapat alam na ninyo ngayon sa inyong puso kung paano dapat gampanan ng mga lider at manggagawa ang kanilang gawain, kung anong mga detalye ang kaugnay sa paggampan ng gawaing ito, kung paano nila dapat isakatuparan ang gawain, at kung paano nila dapat isagawa ang pagiging mga lider at manggagawa nang pasok sa pamantayan. Kung sapat ang kakayahan ng isang tao, kung nagtataglay siya ng partikular na antas ng kakayahan sa gawain, at nagbubuhat ng pasanin, dapat magawa niyang iwasang magpakita ng mga pagpapamalas na ito ng mga huwad na lider. Gayumpaman, kung ang isang tao ay may kakayahan at nagtataglay ng partikular na antas ng kakayahan sa gawain, pero hindi siya nagbubuhat ng pasanin, kung gayon, kaya ba niyang maging isang lider na pasok sa pamantayan at tumupad sa mga responsabilidad ng lider at manggagawa? (Hindi.) Medyo mahirap para sa kanila na gawain ito. Ipagpalagay na nagbubuhat ng pasanin ang isang lider at masama ang pagkatao niya, pero hindi niya lang alam kung paano gampanan ang gawain niya. Kahit paano makipagbahaginan sa kanya, hindi pa rin niya alam kung paano magsagawa o lumahok sa isang partikular na gawain, at hindi niya mahanap ang mga prinsipyo o direksiyon. Hindi rin siya marunong magbigay ng gabay para sa mga partikular na propesyon o gawain. Kapag lumilitaw ang mga isyu, hindi niya matukoy ang diwa ng mga problemang iyon, at hindi niya alam kung paano lutasin ang mga ito. Dahil dito, madalas siyang walang napakapasibo at mabagal sa anumang gawain ginagawa niya o sa anumang isyung inaasikaso niya. Kaya bang tuparin ng gayong tao ang mga responsabilidad ng lider at manggagawa? (Hindi.) Anong uri ng problema ito? Bagama’t ang ganitong uri ng tao ay napakamasigasig, nagbubuhat ng pasanin, at gustong gampanan ang kanyang gawain, napakahina ng kakayahan niya, hindi siya nagatataglay ng kakayahan sa gawain at niya kayang akuin ang gawain, o gumampan ng partikular tiyak na gawain o lumutas ng mga partikular na isyu; iniraraos lang niya ang gawain kapag nakikilahok siya sa anumang gawain, at masyado siyang mabagal ang isip, manhid, at pasibo. Ang resulta nito, maraming lumilitaw na isyu, pero wala siyang kakayahang simulang lutasin ang mga ito, hindi niya alam kung saan nagmumula ang mga isyu, at lalong hindi niya alam kung paano pagbahaginan at lutasin ang mga ito, at ni hindi nila magawang iulat ang mga isyu sa Itaas at para maghanap mula rito. Samakatwid, hindi niya kayang tuparin ang mga responsabilidad ng lider at manggagawa, at kahit na mapili siya na maging lider, hindi siya mabuting lider—isa siyang huwad na lider.

Ngayong nagbahaginan na tayo sa walong responsabilidad ng mga lider at manggagawa, nakabuo na ba kayo ng isang batayang depinisyon ng isang huwad na lider? Paano dapat husgahan ng isang tao kung tinutupad ba ng isang lider ang mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa, o kung huwad na lider ba ito? Sa pinakapayak na antas, kailangang tingnan kung may kakayahan ba siyang gumawa ng totoong gawain, kung may ganito ba siyang kakayahan o wala. Pagkatapos, dapat tingnan kung may pasanin ba siya na gawin nang maayos ang gawaing ito. Huwag pansinin kung gaano kaganda pakinggan ang kanyang mga sinasabi o kung gaano niya tila nauunawaan ang mga doktrina, at huwag pansinin kung gaano siya kahusay at kagaling sa pangangasiwa ng mga panlabas na usapin—hindi mahalaga ang mga bagay na ito. Ang pinakamahalaga ay kung nagagawa ba niyang isagawa nang wasto ang mga pinakapangunahing aytem ng gawain ng iglesia, kung kaya ba niyang lutasin ang mga problema gamit ang katotohanan, at kung naaakay ba niya ang mga tao tungo sa katotohanang realidad. Ito ang pinakapangunahin at mahalagang gawain. Kung hindi niyo kayang gawin ang mga aytem na ito ng tunay na gawain, gaano man siya kahusay, gaano man kalaki ang talento niya, o gaano man katinding paghihirap ang kailangan niyang tiisin o gaano man kalaking halaga ag kailangan niyang bayaran, huwad na lider pa rin siya. Sabi ng ilang tao, “Kalimutan ninyo na wala siyang ginagawang anumang tunay na gawain ngayon. Mahusay siya at may kakayahan. Kung magsasanay siya sandali, tiyak na makagagawa siya ng tunay na gawain. Bukod pa riyan, wala siyang nagawang anumang masama at wala siyang nagawang kasaman oa hindi Siya nagsanhi ng mga pagkagambala o panggugulo—paano Mo nasasabing siya ay huwad na lider?” Paano natin ito maipaliliwanag? Hindi mahalaga kung gaano ka kahusay, kung anong antas ng kakayahan at edukasyon ang taglay mo, kung gaano karaming sawikain ang kaya mong isigaw, o kung gaano karaming salita at doktrina ang naaarok mo; kung gaano ka man kaabala o kapagod sa isang araw, o kung gaano kalayo na ang iyong nalakbay, kung ilang iglesia na ang iyong binisita, o kung gaano kalaking panganib ang iyong hinarap at pagdurusang tiniis—wala sa mga ito ang mahalaga. Ang mahalaga ay kung ginagampanan mo ba ang iyong gawain nang ayon sa mga pagsasaayos ng gawain, kung tumpak mo bang naipatutupad ang mga pagsasaayos na iyon; kung sa ilalim ng iyong pamumuno ay nakikilahok ka ba sa bawat partikular na gawain na iyong responsabilidad, at kung ilang tunay na isyu ang talagang nalutas mo; kung ilang indibidwal ang nakaunawa sa mga katotohanang prinsipyo dahil sa iyong pamumuno at paggabay, at kung gaano umusad at umunlad ang gawain ng iglesia—ang mahalaga ay kung nakamit mo ba o hindi ang mga resultang ito. Anuman ang partikular na gawaing kinabibilangan mo, ang mahalaga ay kung palagi ka bang sumusubaybay at nagdidirekta ng gawain sa halip na umaastang mataas at makapangyarihan at nag-uutos lamang. Bukod dito, ang mahalaga rin ay kung may buhay pagpasok ka ba o wala habang ginagawa mo ang iyong tungkulin, kung kaya mo bang harapin ang mga usapin nang ayon sa mga prinsipyo, kung may patotoo ka ba ng pagsasagawa sa katotohanan, at kung kaya mo bang harapin at lutasin ang mga tunay na isyung kinakaharap ng mga hinirang na tao ng Diyos. Ang mga ganitong bagay at iba pang katulad nito ay pawang mga pamantayan sa pagsusuri kung tinutupad ba o hindi ng isang lider o manggagawa ang kanyang mga responsabilidad. Masasabi ba ninyo na praktikal ang mga pamantayang ito? At patas para sa mga tao? (Oo.) Patas ang mga ito para sa lahat. Hindi mahalaga kung ano ang antas ng iyong edukasyon, kung bata ka ba o matanda, kung ilang taon ka nang nananalig sa Diyos, ang iyong senyoridad, o kung gaano karami na sa salita ng Diyos ang nabasa mo, wala sa mga ito ang mahalaga. Ang mahalaga ay kung gaano kahusay mong ginagawa ang gawain ng iglesia pagkatapos kang mapili bilang isang lider, kung gaano ka kaepektibo at kagaling sa gawain mo, at kung umuusad ba ang bawat aytem ng gawain nang maayos at epektibo, at nang hindi naaantala. Ito ang mga pangunahing bagay na sinusuri kapag sinusukat kung tinutupad ba o hindi ng isang lider o manggagawa ang kanyang mga responsabilidad.

Sa pagbabahaginang sinalihan natin ngayon, medyo mayroon ka nang malinaw na pagkaunawa at kaalaman tungkol sa mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa, pati na ng tumpak na pahayag tungkol sa depinisyon at diwa ng isang huwad na lider. Ang pinakapangunahing pamantayan sa paghusga kung ang isang tao ay huwad na lider ay ang tingnan kung kaya ba niyang gumampan ng totoong gawain, at pagkatapos ay tingnan kung talaga bang gumagawa siya ng totoong gawain. May dalawang pangunahing pamantayan: Una, kung siya ba ay may kakayahan, at ang isa pa ay kung siya ba ay may pagkukusang-loob. Kaya ba ninyong tandaan ang mga bagay na ito? May ilang tao na nagsasabi, “Hindi naman ako lider, kaya bakit dapat kong tandaan ang mga bagay na ito?” Wasto ba ang pahayag na ito? (Hindi.) Bakit hindi ito wasto? Sa pamamagitan ng pag-unawa sa mga katotohanang ito, sa isang banda, makikilala ng mga tao ang kanilang sarili, at sa isa pang banda, makikilatis nila ang ibang tao—ito ang mga katotohanang dapat unawain at taglayin ng mga tao, at hindi pwedeng hindi nila maunawaan ang mga ito. Una sa lahat, kailangan mong sukatin kung ikaw ba ay nagtataglay ng kakayahan at abilidad para maging isang lider ayon sa mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa. Kung hindi mo taglay ang mga bagay na ito, huwag mong patuloy na naisin na maging lider. Kung hindi ka nagtataglay ng kakayahan para maging isang lider pero gusto mo pa ring maging lider, ambisyon ang tawag doon; sa sandaling maging lider ka, hindi ka magkakaroon ng kakayahang gumampan ng totoong gawain, at hindi maiwasang ikaw ay magiging isang huwad na lider. Sinasabi ng ilang tao, “Mahusay ang kakayahan ko; sa lahat, ako ang pinakanamumukod-tangi. Madalas akong nakakaisip ng magagandang ideya, at ilang matatalino at magagandang suhestiyon. Mayroon akong galing sa lahat ng bagay, at marami akong kaalaman, kabatiran, at karanasan. Hindi ba’t ang ibig sabihin lahat ng ito ay pwede akong maging lider?” Dapat din nilang sukatin ang kanilang sarili para tingnan kung mayroon silang pagpapahalaga sa responsabilidad at nagbubuhat ng pasanin. Kung opinyon lamang tungkol sa mga bagay-bagay ang mayroon sila, at nais lang na gumawa ng mga bagay-bagay, at palaging may malalaking ambisyon pero hindi kayang sundin ang mga ito, at hindi marunong magsikap at magbayad ng halaga, at hindi gustong magbayad ng anumang halaga—kung palagi nilang gustong magaan ang pakiramdam ng kanilang utak at puso, kung gusto nila na wala lang silang ginagawa at hindi napipigilan, na magkaroon ng maginhawang buhay, at ayaw mag-alala o maging abala, at natatakot sa sobrang pagod at paghihirap—kung gayon, hindi sila angkop na maging lider, at hindi magagawang akuin o gampanan ang gawain ng isang lider.

Katatapos lang nating pagbahaginan ang dalawang pamantayan sa paghusga kung ang isang lider ay pasok sa pamantayan: Kung may kakayahan siyang gumampan ng totoong gawain at kung gumagawa siya ng totoong gawain. Kung nauunawaan ng mga tao ang dalawang pamantayang ito, dapat ganap nang malinaw sa kanila kung kaya ba nilang maging isang lider, pati na rin kung kaya ba nilang gawin nang maayos ang gawain ng iglesia, lubusang tuparin ang kanilang mga responsabilidad, at maging isang lider na pasok sa pamantayan pagkatapos maging isa. Para sa mga kasalukuyang naglilingkod bilang mga lider at manggagawa, mayroon na ba kayong ilang landas at prinsipyo ngayon para sa kung paano sukatin kung nakagawa ba kayo ng totoong gawain at kung natupad ba ninyo ang mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa? Sa pamamagitan ng pagbabahaginan tungkol sa walong responsabilidad ng mga lider at manggagawa, dapat ay magawa ninyong sukatin kung anong mga pagpapamalas ang ipinapakita ng mga huwad na lider at ibuod kung paano mismo dapat gampanan ng mga lider at manggagawa ang kanilang gawain, pati na kung saan sa inyong gawain kayo nagkukulang, hindi sapat, o hindi sapat na tiyak, at kung paano ninyo dapat gawain ang gawain simula ngayon—dapat mayroon kayo ng mga kabatirang ito kahit papaano. Kung wala kayong mga kongklusyon o kabatiran tungkol kung paano maging isang lider o manggagawa o kung paano tuparin ang mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa, kung gayon, nangangahulugan iyon na hindi sapat ang inyong kakayahan para sa gampanin. Higit pa rito, kung lubos kayong nalilito kung paano makilatis ang mga huwad na lider, mas lalong ipinapakita nito na mahina ang inyong kakayahan. Mayroon ding isang espesyal na sitwasyon: May ilang tao, na kahit na napakinggan na nila ang mga pagbabahaginang ito, ay walang determinasyon na magsumikap para sa ang katotohanan o tumupad sa mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa. Iniisip nila, “Wala akong pakialam kung sino ang huwad na lider. Ano’t anuman, kung magiging lider ako, gagawin ko lang ang anumang ang ipinag-utos ng sa akin ng Itas. Hindi ko kailangang magsikap nang husto o masyadong mag-isip.” Kapag nakikinig sila ng mga sermon, iniraraos lang nila ito at pinapalipas ang oras, at may bahagya lamang silang nalalaman sa kung ano ang talaga ang sermon, pero masyado silang tamad para ibuod kung anong mga katotohanan at mga hinihingi ng Diyos sa tao ang pinagbabahaginan, at hindi sila handang isapuso ang mga bagay na ito. Iniisip nila, “Masyadong nakakaabalang kilatisin ang mga usaping ito. Ano’t anuman, isa lang naman ang hinihingi ko sa sarili ko, at iyon ay ang huwag gumawa ng masama, huwag magsanhi ng mga pagkagambala at kaguluhan, at huwag mamukod-tangi sa karamihan, at sapat na iyon. Napakasimple lang naman! Magandang paraan ito para mamuhay; wala akong masyadong hinihingi sa sarili ko.” Ito lang ang perspektiba nila kahit paano sila makinig sa mga sermon, at walang makakapagbago sa kanila; paano ka man makipagbahaginan tungkol sa katotohanan, anong pamamaraan ang ginagamit mo para makipagbahaginan, o kung ano ang pinagbabaginan mo, hindi mo maaantig ang puso nila; hindi sila nababahala kung nakikinig ba sila sa mga salitang ito o hindi, para sa kanila, maliit lang naman ang ipinagkaiba. Iniraraos lang ng ganitong klase ng tao ang buhay, at wala silang anumang sineseryoso. Maliban sa pakikipagbahaginan tungkol sa walong responsabilidad ng mga lider at manggagawa—kahit pa makipagbahaginan tayo tungkol sa lahat ng ito, hindi pa rin sila makakaunawa at makakabuod ng anumang prinsipyo o landas. Ang mga taong gaya nito ay walang pagmamahal sa mga positibong bagay, hindi sila interesado at hindi sila makapag-ipon ng lakas pagdating sa katotohanan o sa anumang positibong bagay, at sa halip, mayroon silang partikular na interes sa pagkain, pag-inom, at paghahanap ng kasiyahan. Sa pamamagitan ng pakikipagbahaginan tungkol sa walong responsabilidad ng mga lider at manggagawa, sa isang banda, naibuod natin ang ilang responsabilidad ng mga lider at manggagawa, pati na kung paano gampanan ang gawain at tuparin ang mga responsabilidad bilang isang lider o manggagawa; sa kabilang banda, naibuod natin ang ilang partikular na pagpapamalas na ipinapakita ng mga huwad na lider. Katatapos lang natin ngayon sa dalawang pangunahing prinsipyo, dalawang pamantayan, para sa pagkilatis ng mga huwad na lider: Una ay kung ang isang tao ay may kakayahang gumampan ng totoong gawain, at ang ikalawa ay kung talaga bang gumagawa siya ng totoong gawain sa sandaling maunawaan niya ang mga katotohanang prinsipyo. Ang paggamit sa dalawang pamantayang ito ang pinakasimple at pinakaangkop na pamamaraan sa kasalukuyan para sukatin kung ang isang tao ay huwad na lider o hindi.

Ikasiyam na Aytem: Tumpak na ipagbigay-alam, iatas, at ipatupad ang iba’t ibang mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos alinsunod sa mga kinakailangan nito, magbigay ng patnubay, pangangasiwa, at panghihikayat, at siyasatin at subaybayan ang kalagayan ng pagpapatupad sa mga ito (Unang Bahagi)

Ang Depinisyon at mga Partikular na Aytem ng mga Pagsasaayos ng Gawain

Ngayon, magbabahaginan tayo tungkol sa ikasiyam na responsabilidad ng mga lider at manggagawa: “Tumpak na ipagbigay-alam, iatas, at ipatupad ang iba’t ibang mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos alinsunod sa mga kinakailangan nito, magbigay ng patnubay, pangangasiwa, at panghihikayat, at siyasatin at subaybayan ang kalagayan ng pagpapatupad sa mga ito.” Kung titingnan ang responsabilidad na sa kabuuan, ano ang kailangang ipatupad ng mga lider at manggagawa? (Ang iba’t ibang pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos.) Ang pokus ng responsabilidad na ito ay kung paano ipatupad ang iba’t ibang pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos—ito ang pinakamahalagang gawain para sa mga lider at manggagawa. Anuman ang antas ng isang lider o manggagawa, bilang lider o manggawa, palagi siyang makakatagpo ng mga pagsasaayos ng gawain, pati na ng partikular na gawain ng pagpapatupad ng mga pagsasaayos ng gawain. Ang pagpapatupad ng iba’t ibang pagsasaayos ng gawain ay nauugnay sa gawain ng bawat lider at manggagawa, at ito ay isang napakahalaga, napakapartikular, at napakabatayang gawain. Kung isasaalang-alang ang puntong ito, hindi ba’t kinakailangang partikular na magbahaginan muna tungkol sa kung ano ang mga pagsasaayos ng gawain? (Oo.) Kung gayon, ano ang ibig sabihin ng mga pagsasaayos ng gawain? Ano ang saklaw at depinisyon ng mga pagsasaayos ng gawain? Sinasabi ng ilan, “Hindi ba’t ang saklaw ng mga pagsasaayos ng gawain ay naglalaman lang ng ilang partikular na gampanin at nilalaman na may kaugnayan sa gawain ng iglesia? At hindi ba’t ang mga pagsasaayos ng gawain ay bastang pagsasaayos at pagbibigay ng mga gampanin at nilalamang ito?” Ano ang tingin ninyo sa paliwanag na ito? Hindi ba’t puro salita at doktrina lang ito? (Oo, ganoon nga.) At ano ang ibig sabihin ng “mga salita at doktrina”? Ibig sabihin nito, bagama’t tila walang maling salita sa paliwanag na ito, pagkatapos mong marinig ito, hindi mo pa rin ito nauunawaan; katulad lang ito na para bang hindi ito naipaliwanag. Magbigay muna tayo ng depinisyon sa mga pagsasaayos ng gawain batay sa isang nakasulat na deskripsiyon, upang magkaroon ang mga tao ng pangunahing konsepto nito, para maunawaan at malaman kung ano nga ba talaga ang ibig sabihin ng mga pagsasaayos ng gawain. Ang mga pagsasaayos ng gawain ay ang mga partikular na plano at hinihingi na ginawa ng sambahayan ng Diyos para sa isang partikular na aytem ng gawain; kailangang ipaalam at ipatupad ng mga lider at manggagawa ang mga ito, at ang mga ito rin ang mga hinihingi, gampanin, at pamamaraan na iniatas sa lahat ng miyembro ng iglesia para sa isang partikular na aytem ng gawain—ito ang depinisyon ng mga pagsasaayos ng gawain. At anong mga aytem ang saklaw ng mga pagsasaayos ng gawain? Alam ng lahat ang salitang ito na “mga aytem,” pero hindi ba’t dapat may partikular na nilalaman na nakapaloob sa saklaw ng mga aytem na ito? (Oo.) Anong nilalaman ang alam ninyo? (Mayroong gawain ng ebanghelyo, at mayroon ding gawain ng paggawa ng pelikula.) Dalawang aytem iyon. (Mayroon ding ilang hinihingi kaugnay sa buhay-iglesia at pagtatatag ng mga administratibong organisasyon ng iglesia.) Ano pang ibang gawain ang naroon? (Naroon ang gawain ng pag-aalis ng iglesia, pati na ang gawain na nauugnay sa mga sistema ng pamamahala ng iglesia.) Ang partikular na nilalaman ng mga pagsasaayos ng gawain ay ang sumusunod: unang aytem, ang gawaing administratibo ng iglesia. Ito ang pinakamalaking aytem ng gawain, at kung hindi nagawa nang maayos ang gawaing administratibo, walang magiging gawain ng iglesia. Ikalawang aytem, gawain ng mga tauhan. Isa itong malaking aytem ng gawain. Ikatlong item, gawain ng ebanghelyo. Isa rin itong malaking aytem ng gawain. Ikaapat na aytem, iba’t ibang uri ng propesyonal na gawain. Medyo malawak ang saklaw ng gawain na ito, at kabilang dito ang paggawa ng pelikula, gawaing nakabatay sa teksto, pagsasalin, musika, paggawa ng video, sining, at iba pa. Ikalimang aytem, buhay-iglesia. Ikaanim na aytem, ang gawain ng pamamahala sa pag-aari. Ikapitong aytem, gawain ng pag-aalis. Ikawalong aytem, mga panlabas na usapin. Ikasiyam na aytem, kapakanan ng iglesia. Halimbawa, kung paano nilulutas ng iglesia ang mga paghihirap na lumilitaw sa mga tahanan ng mga kapatid, at kung ano ang ginagawa ng iglesia tungkol sa mga ito, pati na ang pagdalaw sa mga kapatid na nasa bilangguan at kung paano dapat alagaan ang kanilang mga pamilya, at iba pa—lahat ng ito ay kabilang sa kapakanan ng iglesia. Ikasampung aytem, mga plano sa panahon ng kagipitan. Minsan, maglalabas ang iglesia ng mga hakbang para sa panahon ng kagipitan. Halimbawa, noong mangyari ang pandemya, gumamit ang iglesia ng kaukulang sistema ng pagbubukod-bukod sa mga tao. Ang mga planong gaya nito ay lahat kabilang sa gawain ng panahon ng kagipitan. Ang mga pagsasaayos ng gawain ay pangunahing kinapapalooban ng mga sampung aytem na ito. Ang anumang iba pang maliit na aytem o espesyal na sitwasyon ay kasama na sa sampung aytem na ito—karaniwang nakapaloob sa gawain ng iglesia ang sampung pangunahing aytem na ito. Ang mga ito ang karaniwang saklaw ng iba’t ibang pagsasaayos ng gawain na inilalabas ng sambahayan ng Diyos, tama ba? (Tama.) Ngayong nakumpirma na ang mga aytem na ito, dapat maunawaan ninyong lahat nang kaunti ngayon ang mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos at malaman na ang mga ito ang pangunahing aytem ng gawain ng sambahayan ng Diyos. Ito ang saklaw ng mga hinihingi ng sambahayan ng Diyos patungkol sa mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa. Ang ipinapahiwatig nito ay na, bilang isang lider o manggagawa, ang saklaw ng gawain mo at ang mga responsabilidad na dapat mong tuparin ay hindi maaaring mahiwalay sa mga aytem na ito na kabilang sa mga pagsasaayos ng gawain—lahat ng aytem na ito ay kinakailangan. Bukod sa mga aytem na ito ng gawain, ng mga bagay na handa kang gawin, gumawa ka nang kaunti ng anumang kaya mong gawin nang maayos, at walang karagdagang hinihingi ang sambahayan ng Diyos para sa paggampan mo ng iyong tungkulin. Kaya, habang ginagampanan mo ang iyong gawain, dapat nagninilay-nilay ka kung paano isakatuparan ang mga aytem ng gawaing ito, kung ano ang hinihingi ng mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos, kung anong partikular na gawain ang dapat mong gawin, kung paano ito ipatupad, kung naipapatupad ba ito nang maayos, kung ano ang kasalukuyang pag-usad, kung nasubaybayan mo ba ang gawain, kung mayroon bang anumang aytem ng gawain na hindi nagawa nang maayos o kung saan mayroong mga paglihis o kapintasan, at kung talaga bang gumagawa ng gawain ang lahat ng lumalahok sa aytem ng gawaing iyon—dapat lagi kang nagninilay-nilay sa mga bagay na ito. Ngayong nauunawaan mo na ang mga partikular na aytem ng gawaing kabilang sa mga pagsasaayos ng gawain, kinakailangan Ko bang magbigay ng simpleng paliwanag tungkol sa bawat isa sa mga aytem na ito? O marahil ay iniisip ninyo: “Matagal na kaming may kaugnayan sa mga aytem ng gawaing ito at nauunawaan namin ang lahat ng ito; hindi na kailangang ipaliwanag muli ang mga ito—magbahagi na lang ng mahalagang bagay. Hindi naman gaanong mahalaga ang paksang ito, hindi mahalaga kung alam namin ang tungkol dito o hindi, at ayaw naming marinig ang tungkol dito.” Kinakailangan bang higit na ipaliwanag ang paksang ito? (Oo.) Dahil kinakailangan, pag-usapan natin ito nang simple. Pipili Ako ng ilang aytem na medyo hindi pamilyar sa inyo, na hindi gaanong tiyak, na medyo abstrak, at magbahagi tungkol sa mga ito.

I. Gawaing Administratibo

Magsimula tayo sa pagbabahaginan tungkol sa unang aytem, ang gawaing administratibo. Ang gawaing administratibo ay medyo abstrak at hindi sapat na kongkreto, at maraming tao ang hindi nakakaunawa rito. Sa partikular, ang mga nananampalataya sa Diyos sa loob ng maikling ay wala talagang alam tungkol sa pagbuo ng iglesia at sa gawaing administratibo nito, at hindi nila alam kung ano ang administrasyon. Ang administrasyong ito ay hindi pareho sa mga atas administratibo na inilabas ng Diyos. Ang gawaing administratibong ito ay pangunahing tumutukoy sa mga partikular na kondisyon ng sambahayan ng Diyos sa gawain ng pagtatatag ng mga iglesia. At ano ang nilalaman ng mga partikular na kondisyong ito? Nakapaloob sa mga ito ang kung paano nahahati ang mga iglesia, kung ilan ang mga tao sa bawat iglesia, paano pinapangalanan ang mga iglesia, at iba pa. Itinakda na ito sa mga pagsasaayos ng gawain na ang mga iglesia ay dapat hatiin ayon sa natural na kapaligirang pangheograpiya ng mga ito, kung saan kinaklasipika bilang isang iglesia ang 30 hanggang 50 tao nang malapit sa isa’t isa. Halimbawa, sabihin nating ang lugar A ay binubuo ng tatlo o apat na baryo; kung ang mga baryong ito ay mayroong 50 mananampalataya, maaari silang iklasipika bilang isang iglesia. Magkakaroon sila ng sariling oras at lugar para sa magdaos ng mga pagtitipon, magkakaroon ng mga lider at diyakono ng iglesia, pati na ng mga partikular na gawain ng iglesia, at lahat sila ay sama-samang pamamahalaan ng iglesiang ito. Ito ang kondisyon patungkol sa pagkakahati ng mga iglesia at sa bilang ng mga miyembro sa iglesia. Kasabay nito, mapapasailalim ang iglesiang ito sa responsabilidad ng isang partikular na distrito, depende kung saan ito matatagpuan, at ang distritong iyon ang magiging responsable para sa lahat ng iba’t ibang piraso ng gawain sa iglesiang iyon, gaya ng buhay-iglesia roon, kung angkop ba ang mga lider at diyakono, kung sila ay namamahagi ng mga aklat ng salita ng Diyos, nagpapatupad sa iba’t ibang pagsasaayos ng gawain, at kung ipinapaalam nila ang mga hinihingi ng Itaas, at iba pa. May mga partikular na pagsasaayos ng gawain ang sambahayan ng Diyos para sa mga bagay gaya ng bilang ng mga iglesia na bumubuo sa isang distrito, at bilang ng mga distrito na bumubuo sa isang rehiyon, pati na ng mga rehiyon na responsable para sa mga distrito, at mga distrito na responsable para sa mga iglesia, na mga administratibong yunit. Sa simpleng pananalita, ito ang tinatawag na gawaing administratibo, at ito ay nasa saklaw ng mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa. Kaya, ano ang mga responsabilidad na dapat tuparin ng mga lider at manggagawa? Dapat nilang hatiin ang mga iglesia batay sa kanilang natural na kapaligirang pangheograpiya at lokasyon alinsunod sa mga pagsasaayos ng gawain. Kung patuloy na dumarami ang bilang ng mga tao sa isang iglesia sa paglipas ng panahon, dapat muling hatiin ang iglesia batay sa bilang ng mga tao at kapaligirang pangheograpiya. Halimbawa, kung lumago ang isang iglesia mula 50 hanggang 80 tao, dapat itong hatiin sa dalawang iglesia; kung ang dalawang iglesiang ito sa kabuuan ay lumago mula 80 hanggang 150 tao, dapat itong hatiin sa tatlong iglesia. Kung ang isang iglesia ay lumago sa 70, 80, o 100 tao at hindi pa rin nahahati sa dalawang iglesia, hindi ba’t ipinapakita nito na hindi nauunawaan ng mga lider at manggagawa sa iglesiang ito ang gawaing administratibo ng sambahayan ng Diyos? (Oo nga.) Sa mga ganitong pagkakataon, dapat basahin ng mga lider at manggagawa ang mga pagsasaayos ng gawain tungkol sa paksang ito—ang handbook ng iglesia tungkol sa mga pagsasaayos ng gawain ay naglalaman ng mga partikular na kondisyon. Kung hahatiin ang isang iglesia sa dalawang bagong iglesia, kailangang maghalal ang bawat iglesia ng mga kinakailangang lider at manggagawa para sa tulad ng mga lider ng iglesia, mga diyakono, at iba pa. Kaya, ano ang dapat gawin ng mga lider at manggagawa? Dapat nilang malaman at maarok ang bilang ng mga tao sa iglesia at ang estado ng pagkakatatag nito. Ito ang gawaing administratibo ng iglesia, at ito ang pinakamalaking aytem ng gawain. Dapat mayroong isang iglesia saanman naroroon ang mga hinirang ng Diyos, at kapag naitatag na ang isang iglesia, dapat umako ng responsabilidad ang mga lider at manggagawa para sa bawat aspekto ng gawain ng iglesiang iyon, tulad ng pamamahagi ng mga aklat ng mga salita ng Diyos, pamamahala sa mga miyembro ng iglesia, at pagpapatupad ng mga pagsasaayos ng gawain upang malaman nila kung ano ang nilalaman ng mga pagsasaayos ng gawain. Ang gawaing administratibo ay pangunahing kinapapalooban ng pagtatatag ng mga iglesia, gayundin ng pagtatatag ng mga administratibong organisasyon at mga tauhan ng mga iglesia—lahat ng ito ay partikular na mga gampanin sa loob ng gawaing administratibo. Sinong mga tao ang mas madalas na nahaharap sa ganitong aytem ng gawain? Mga iglesia na bagong mananampalataya, mga grupo ng ebanghelyo, pati na mga lider ng rehiyon, mga lider ng distrito, at mga lider ng iglesia sa mga lugar kung saan ipinapalaganap ang ebanghelyo, mas madalas na nahaharap ang lahat sa gawaing ito. Dagdag pa rito, kabilang din sa gawaing administratibo ang isang espesyal na trabaho, kung saan paghihiwalayin ang mga iglesia sa mga iglesiang may tungkuling full-time, mga iglesiang may tungkuling part-time, mga ordinaryong iglesia, at mga grupong B, at ito ay isa pang trabaho na dapat gawain ng mga lider at manggagawa. Dapat maarok ng mga lider at manggagawa kung paano ihiwalay ang mga iglesia, at ang prinsipyo ng paghihiwalay ng mga iglesia ay ang paghati sa mga tao sa iba’t ibang iglesia batay sa mga pagkakaiba sa mga tungkuling ginagawa nila, para ihiwalay ang mga taong gumagawa ng tungkulin sa mga tahindi gumaganap, gayundin ang mga gumaganap ng tungkulin nang full-time mula sa mga gumaganap ng tungkulin nang part-time—ito ay isa pang espesyal at partikular na trabahong dministratibo.

II. Gawain ng mga Tauhan

Ikalawang aytem, gawain ng mga tauhan. Ang aytem na ito ay nauukol sa halalan, pagtatalaga, at pagtanggal ng mga lider at manggagawa sa iba’t ibang antas. Ang mga pagsasaayos ng gawain ay nagbibigay ng mga partikular na kondisyon sa sistema ng halalan, kung anong uri ng mga tao ang dapat ihalal bilang mga lider o manggagawa, at ang mga pamamaraan at partikular na hinihingi sa halalan. Mayroon ding mga partikular na espesyal na sitwasyon, halimbawa, ano ang dapat gawin kung kakakilala pa lang ng mga kapatid at hindi pa nila gaanong kilala ang isa’t isa, at hindi sila makapili ng mga angkop na lider o manggagawa sa pamamagitan ng halalan? Sa gayong kaso, maaaring itaguyod o italaga ang mga tao, suriin kung sino ang angkop na maging lider, at kilalanin sila nang higit pa, makipagbahaginan, at magsagawa ng mga simpleng pagsusuri, at pagkatapos ay pwede na silang italaga. Dagdag pa rito, kapag nagsasaayos ang Itaas ng isang malaking proyekto o nagtatalaga ng ilang tao bilang mga superbisor, ito ay isang espesyal na pagsasaayos ng gawain. Mayroon pang isang espesyal na sitwasyon, at iyon ay kapag may nagsusulat ng ulat ang isang tao sa Itaas, na naglalarawan kung paanong ang gayon-at-ganyang lider ay hindi gumagampan ng totoong gawain, at tumatahak sa landas ng anticristo, at pagkatapos itong makumpirma, naglalabas ang Itaas ng isang pagsasaayos ng gawain para tanggalin sa posisyon ang naturang lider na naiulat. Ito ay isa pang pagsasaayos ng gawain na nauugnay sa gawain ng mga tauhan. Sa madaling salita, ang gawaing nauugnay sa mga tauhan ay kinapapalooban ng halalan, pagtatalaga, at pagtanggal ng mga lider at manggagawa sa iba’t ibang antas sa iglesia. Ang aytem na ito ng gawain ay medyo simple, at madali itong maunawaan.

III. Gawain ng Ebanghelyo

Ikatlong aytem, gawain ng ebanghelyo ang unang malaking bahagi ng tiyak na propesyonal na gawain pagkatapos ng gawaing administratibo at gawain ng mga tauhan sa sambahayan ng Diyos. Gumawa ng maraming sunod-sunod na mga pagsasaayos ng gawain ang sambahayan ng Diyos para sa aytem ng gawain na ito, gumagawa mga partikular na pagsasaayos ng gawain tungkol sa mga potensiyal na tatanggap ng ebanghelyo, sa heograpikal na saklaw para sa pangangaral ng ebanghelyo, at sa mga paraan at sistema ng pagpapahayag sa ebanghelyo. Kasabay nito, ang sambahayan ng Diyos ay mayroon ding mga partikular na pahayag sa mga pagsasaayos ng gawain ukol sa lahat ng iba’t ibang aklat ng mga salita ng Diyos, mga pelikula at video, at mga variety show na kinakailangan para sa pangangaral ng ebanghelyo, at mayroon pa ngang mga pahayag tungkol sa iba’t ibang uri ng karaniwang kuru-kuro at mga madalas na katanungan ng mga potensiyal na tatanggap ng ebanghelyo. Maaaring hindi partikular na nakasulat ang ilang pahayag, pero marami sa mga ito ang napag-usapan at nasa pasalitang pagbabahaginan. Palaging umuusad at nagpapatuloy ang gawain ng ebanghelyo, at habang umuusad ang gawaing ito, gumawa ang sambahayan ng Diyos ng tiyak na mga partikular na pagsasaayos ng gawain at mga kondisyon patungkol sa mga isyung patuloy na lumilitaw at patuloy na nakakaharap. Naglabas din ang sambahayan ng Diyos ng mga partikular na hinihingi at gampanin para sa mga manggagawa ng ebanghelyo, mga diyakono ng ebanghelyo, at mga tagapangasiwa ng gawain ng ebanghelyo. Bagama’t sa huling yugtong ito ay walang gaanong sinasabi ang sambahayan ng Diyos tungkol sa mga pagsasaayos para sa gawain ng ebanghelyo, ang aspektong ito ng katotohanan ay napakadalas na pinagbabahaginan sa iglesia. Lalo na, nang magsimulang kumalat ang ebanghelyo sa ibang bansa, gumawa ang sambahayan ng Diyos ng mga partikular na pagsasaayos ng gawain para sa gawain ng pagsasalin sa iba’t ibang wika. Ang mga tagasalin at manggagawa ng ebanghelyo na pamilyar sa iba’t ibang banyagang wika ay buong-pusong nakikipagtulungan para sa ganitong uri ng gawain, at maraming naipuhunan ang sambahayan ng Diyos ng mga ganitong uri ng yamang tao para makipagtulungan sa gawain ng ebanghelyo, at naaayon ito sa mga pagsasaayos ng sambahayan ng Diyos. Sa madaling salita, ang Itaas ay palaging personal na gumagabay, nagtatanong, sumusubaybay, at nangangasiwa sa gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo. Kaya, ano ang mga responsabilidad na dapat tuparin ng mga lider at manggagawa pagdating sa aytem na ito ng gawain? Ang pagkakaroon ng superbisor para sa gawain ng ebanghelyo ay hindi nangangahulugan na pwedeng hayaan na lamang ng mga lider at manggagawa ang gawain, hindi ito pagtuunan ng pansin, hindi mag-usisa tungkol dito, at balewalain lang ito, iniisip na, “Hayaan na lang kung ano man ang kalalabasan ng gawain. Wala naman akong kinalaman diyan. Responsabilidad ko ang buhay-iglesia at iba’t ibang uri ng propesyonal na gawain. Hindi ako dapat mag-alala kung may mga problema sa gawain ng ebanghelyo.” Ayos lang ba ito? (Hindi.) Ito ay pagiging pabaya sa iyong tungkulin. Ang pinakamahalagang aytem ng gawain na dapat pagtuunan ng pansin ng mga lider at manggagawa, sa lahat ng gawain ng sambahayan ng Diyos, ay ang gawain ng ebanghelyo. Maaaring hindi ka direktang ginawang responsable para sa aytem ng gawaing ito, pero kailangan kang mag-usisa tungkol sa gaano ito umuunlad at kung ano ang estado ng pag-usad nito—dapat mong masubaybayan, malaman, at mapangasiwaan ang mga bagay na ito. Lalo na pagdating sa mahahalagang tauhan, tulad ng mga mangangaral ng ebanghelyo at tagadilig sa mga grupo ng ebanghelyo, pati na mga superbisor ng gawain ng ebanghelyo. Kailangang palaging maagap na napapangasiwaan ng mga lider at manggagawa ang kanilang mga sitwasyon, at kung may lumitaw na mga problema sa mga tauhang ito, dapat nilang malutas kaagad ang mga ito—hindi sila dapat maghugas-kamay sa gawaing ito matapos itong italaga sa kanila. Higit pa rito, kailangang regular na inspeksyunin at gabayan ng mga lider at manggagawa ang lahat ng mangangaral ng ebanghelyo na kasali sa gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo, kabilang na ang mga nasa iglesia at ang mga nangungunang mangangaral ng ebanghelyo, pati na ang mga tagadilig sa bawat grupo. Matagal nang hinihingi ng mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos na dapat sumailalim sa espesyal na pagsasanay ang lahat ng mangangaral ng ebanghelyo at mga tagadilig. Ano ang ibig sabihin ng espesyal na pagsasanay? Ibig sabihin nito, dapat matiyak na mayroong malinaw na pagkaunawa ang mga mangangaral ng ebanghelyo at mga tagadilig tungkol sa mga katotohanan ng mga pangitain at na kaya nilang ipaliwanag nang malinaw ang mga bagay na ito. Kung mayroon mang anumang aspekto ng mga katotohanan ng mga pangitain na hindi pa ganap na malinaw sa kanila, kung gayon, kailangang madalas na magbahaginan tungkol tungkol dito, at mas mabuti kung mas detalyado ang pagkaunawa ng mga mangangaral ng ebanghelyo at ng mga tagadilig. Mayroong mga pagsasaayos ng gawain ang sambahayan ng Diyos para dito, tama ba? (Tama.) Ang gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo ay isang partikular at komplikadong aytem ng gawain na binubuo ng maraming magkakahiwalay na gampanin. Kailangang matiyak na ang bawat gampanin ay nagagawa nang maayos at mahigpit na nasusubaybayan; ito ang atas ng Diyos. Kailangang magawa nang maayos ang bawat gampanin, at kailangang matiyak na patuloy na bumubuti ang mga resulta ng bawat gampanin—ito lamang ang naaayon sa mga layunin ng Diyos. Ang lahat uri ng ibang propesyonal na gawain, gaya ng paggawa ng pelikula, gawaing nakabase sa teksto, musika, sining, at pagsasaling-wika, ay umiiral para suportahan at alalayan ang gawain ng ebanghelyo, at ang gawain ng ebanghelyo ang pinakanangungunang gawain ng lahat ng gawain. Samakatuwid, ang mga gumagawa ng iba’t ibang tungkulin ay dapat gawin nang mabuti ang sarili nilang gawain at magkamit ng mga resultang hinihingi ng Diyos. Sa ganitong paraan, magkakaroon sila ng bahagi sa gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo. Ito ay dahil ang lahat ng ibang uri ng propesyonal na gawaing ito ay umiiral bilang serbisyo sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, at ang lahat ng gawaing ito ay dapat nakasentro sa gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo at nakapagbibigay ng walang-patid na panustos para dito. Sa kasalukuyan, lahat ng materyal, pelikula, at iba’t ibang video na kailangan para sa pangangaral ng ebanghelyo ay pinagsikapang gawin ng marami sa mga hinirang ng Diyos habang nasa likod ng mga eksena. Lahat ng ginagawa ng mga taong ito sa likod ng mga eksena ay nagbibigay ng matinding suporta para sa gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo. Noon, wala pang iba’t ibang uri ng mga gawa ng pelikula, wala pang maraming awitin, at wala ring masyadong maraming video ng patotoong batay sa karanasan. Umasa lang ito sa patuloy na pagbabahaginan ng mga manggagawa ng ebanghelyo. Ang mga manggagawa ay magsasalita hanggang sa mangalay ang kanilang mga bibig, at hindi talaga nangangahulugan na makakakita ng mga makabuluhang resulta, at mahirap magkamit ng isang tao. Matapos gumawa ang iglesia ng iba’t ibang uri ng video, naging mas magaan ang gawain ng mga grupo ng ebanghelyo, at mas madali kaysa dati, at tumibay ang kahusayan ng gawain. Ang ilang tao ay matigas ang ulo at konserbatibo sa kanilang pag-iisip, at kapag ipinangaral mo sa kanila ang ebanghelyo, kahit gaano ka pa magbahagi tungkol sa katotohanan, hindi ito gumagana, at pinananatili nila ang kanilang mga kuru-kuro at tumatanggi silang tanggapin ito—ano ang gagawin mo kung gayon? Ipinapanood mo sa kanila ang isa o dalawang pelikula ng patotoo ng ebanghelyo, at sumasailalim sa pagbabago ang kanilang mga kuru-kuro, at nagsisimula silang magkaroon ng magandang pakiramdam tungkol sa tunay na daan. Kapag muli silang naghanap, wala nang malalaking hadlang o balakid sa puso nila, at kapag muling kang nakikipagbahaginan sa kanila tungkol sa katotohanan, madali na nila itong matatanggap. Kaya naman, talagang maliwanag ang mga resulta kapag ipinapakita mo sa mga potensiyal na tatanggap ng ebanghelyo ang mga pelikulang ginawa ng sambahayan ng Diyos, o kapag binabasa mo sa kanila ang mga salita ng Diyos, o kapag ipinapakita mosa kanila ang mga video ng patotoong batay sa karanasan—ang paggawa nito ay mas epektibo kaysa sa anumang dami ng salitang sasabihin mo sa kanila. Kahit sino pa ang naghahanap at nagsisiyasat sa tunay na daan, ipanood mo muna sa kanila ang ilang pelikula, at pagkatapos ay ipabasa sa kanil ang marami pang salita ng Diyos, nang sa gayon ay maihanda ang daan para sa kanila. Pagkatapos nito, makipagbahaginan sa kanila tungkol sa katotohanan para lutasin ang kanilang mga kuru-kuro. Sa ganitong paraan, mas mas magiging maayos ang takbo ng mga bagay-bagay. Sa panahon ngayon, ang mga nagsisiyasat sa tunay na daan ay nakapanood na ng maraming pelikula at video ng patotoo sa internet na gawa ng sambahayan ng Diyos, at lalong nakabasa sila ng maraming salita ng Diyos; bago pa man sila magsimulang maghanap at magsiyasat, mayroon na silang magandang pakiramdam tungkol sa tunay na daan, at halos nakilala na nila na ito ang tunay na daan. Mayroon ba kayong anumang natuklasan dito? Ang mga pelikulang ito, mga video ng pagbasa ng mga salita ng Diyos, mga video ng patotoong batay sa karanasan, mga video ng himno, at iba pa na ginagawa ng sambahayan ng Diyos ay napakaepektibo at nagpapatotoo sa Diyos! Hindi kailangang mag-aksaya ng napakaraming oras sa pakikipagbahaginan at pakikipagdebate sa mga potensiyal na tatanggap ng ebanghelyo; sa sandaling mapanood nila ang mga video na ito, magagawa nilang tanggapin ang tunay na daan. Dahil dito, napakalaki ng natitipid na oras ng mga nangangaral ng ebanghelyo, at ipinapakita nito kung gaano kamakapangyarihan ang lahat ng suporta sa pangangaral ng ebanghelyo! Sadyang masagana ang iba’t ibang uri ng mapagkukunan para sa pangangaral ng ebanghelyo! Maraming potensiyal na tatanggap ng ebanghelyo ang namamangha kapag nagsisiyasat sila sa gawain ng Diyos online, dahil napakaraming makikita sa website ng sambahayan ng Diyos at napakarami ng nilalaman nito! Masagana ang mga salita ng Diyos, napakarami ng lahat ng klase ng pelikula at video, at napakarami rin ng mga patotoong batay sa karanasan at ng lahat ng kakailanganin mo. Tunay na ito ang resulta ng gawain at patnubay ng Banal na Espiritu! Lahat ng ito ay nagmumula sa gawain ng Diyos. Gaano man magpakalat ng mga tsismis at manira dito ang malaking pulang dragon at ang mundo na relihiyon, walang epekto ang lahat ng ito. Sa anumang kaso, ang mga resulta ay natamo, at ang mga bunga ay naani, ng lahat ng aytem ng gawain ng sambahayan ng Diyos ay malinaw na nakikita ng lahat, at ang mga ito ay mga katunayang naisakatuparan ng mga salita ng Diyos.

Sa gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian, ang lahat ng aytem gawain ng sambahayan ng Diyos ay inoorganisa sa napakasistematikong paraan at umuusad sa paraang nasa ayos. Ang gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo ay isang napakahalaga, pangmatagalan, at mahirap na aytem ng gawain. Samakatuwid, ang mga gumagawa sa gawain ng ebanghelyo, mga superbisor man sila o mga ordinaryong manggagawa ng ebanghelyo, ay dapat makakumpirma sa kahalagahan ng gawaing ito sa kanilang mga puso. Bagama’t nasa unahan mismo kayo gumagawa ng gawain ng ebanghelyo at gumagawa ng inyong mga tungkulin, sa inyong likuran naman, ibig sabihin, nasa likod ng mga eksena, maraming kapatid ang gumagawa ng iba’t ibang uri ng pansuportang gawain, at sila ang puwersang umaalalay sa gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo. Ano ang ibig Kong sabihin dito? Nakasentro ang lahat ng gawain ng sambahayan ng Diyos sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, at ang mga tungkulin namang ginampanan ng lahat ng hinirang ng Diyos ay nagseserbisyo sa pagpapalaganap ng ebanghelyo. Bawat kapatid na gumagawa ng tungkulin ay may bahagi sa gawain ng ebanghelyo, at ang bawat aytem ng gawain ay may malapit at matalik na kaugnayan sa gawain ng ebanghelyo. Sa madaling sabi, bawat aytem ng gawain, kabilang na mismo ang gawain ng ebanghelyo, ay isang tungkulin na dapat magawa nang maayos para patotohanan ang gawain ng Diyos, ang anumang aytem ng gawain ay may malapit na kaugnayan sa pinakamahalagang gawain, at iyon ay ang pagpapatotoo tungkol sa Diyos. Ito ay ganap na tumpak. Samakatwid, inilalagay ng sambahayan ng Diyos ang gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo sa tuktok ng listahan ng lahat ng aytem ng gawain, at ito ang una sa lahat ng iba’t ibang aytem ng gawain ng sambahayan ng Diyos—ito ay ganap na naaangkop. Ito ay isang malaki, mahirap, at pangmatagalang gawain, at ang bawat isa sa mga hinirang ng Diyos, bawat isang tao na sumusunod sa Diyos, ay kailangang mayroong ng tibay, pasensiya, at sapat na pananalig para maghanda na gawin nang maayos ang gawaing ito, at labanan ang mahabang labanang ito. Magpursige man kayo sa loob ng 10 taon, 20 taon, o 30 taon, kailangang palagi kayong maging tapat sa Diyos, ialay ang buhay at buong panahon ninyo sa gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo, at maging tapat sa Diyos hanggang sa huli. Isa itong mahalagang responsabilidad na nakatakdang pasanin ng bawat taong sumusunod sa Diyos, ito ang tungkulin ng lahat ng tao, at ito rin ang atas na ipinagkakatiwala ng Diyos sa bawat isa.

Sa pamamagitan ng pagbabahagi Kong ito, nagkaroon ba kayong lahat ng sigasig sa puso ninyo, at sinimulan na ba ninyong ituring na mahalaga ang gawaing ebanghelyo? Sinabi ng ilang tao noon, “Wala akong anumang nauunawaang teknikal na propesyon, hindi ko alam kung paano umarte at hindi ako pwedeng maging artista, wala akong matibay na pundasyon pagdating sa paggamit ng mga salita, kaya hindi ako marunong magsulat ng mga artikulo, hindi ako nakakaintindi ng musika at lalong wala akong kaalaman sa sining. Dahil hindi ako mahusay sa anumang bagay kaya ako itinalaga sa isang grupo ng ebanghelyo. Hindi ba’t ang mga grupo ng ebanghelyo ay ang katumbas ng napabayaang sulok sa likod ng sambahayan ng Diyos? At dahil napunta ako sa napabayaang sulok, may pag-asa pa ba akong maligtas?” Ganito ba ang kaso? Kung ganoon talaga ang pagkaunawa mo sa sitwasyong ito, nagkamali ka ng pag-unawa sa Diyos: Ang pangangaral ng ebanghelyo ay ang nakatakdang tungkulin ng bawat tao. Kung hindi ka mahusay sa anumang bagay at wala kang anumang nauunawaan na teknikal na propesyon, at ang kaya mo lang gawin ay mangaral ng ebanghelyo, kung gayon, ikaw ay isasaayos na gumawa ng iyong tungkulin sa isang grupo ng ebanghelyo. Ito na ang huling pagkakataon mo, at ito ay ginagawa upang matiyak na hindi ka masasayang, at magagamit ka hangga’t maaari, upang magampanan mo ang iyong tungkulin bilang tao sa abot ng makakaya. Hindi ka mahusay sa anumang bagay at mabagal ang isip mo sa lahat ng ginagawa mo, pero kaya mong gawin nang maayos ang tungkulin sa pangangaral ng ebanghelyo, at kahit pa inutusan kang magrekluta ng mga potensiyal na tatanggap ng ebanghelyo, kaya mo itong gawin nang praktikal, at ipasa ang mga natagpuan mong potensiyal na tatanggap ng ebanghelyo sa mga nangangaral ng ebanghelyo. Kasabay nito, maaari kang unti-unting matuto kung paano ipangaral ang mga salita ng Diyos, ang gawain ng Diyos, at ang mga layunin ng Diyos, at dalhin ang mga tao sa harapan ng Diyos. Hindi ba’t ito ang tungkulin mo? Ang ibang tao ay nagkakaroon ng mga resulta sa pamamagitan ng pakikilahok sa gawaing batay sa teksto, paggawa ng pelikula, at iba pang uri ng gawain, pero hindi ka marunong gumawa ng mga bagay na ito, at wala kang mga espesyal na talento o kaloob, subalit iniaalay mo ang iyong lakas sa gawain ng ebanghelyo, ibinibigay mo ang lahat ng iyong makakaya at tinutupad ang iyong tungkulin, at isinasabalikat mo ang atas ng Diyos na ibinigay sa iyo, Hindi ba’t ang mga ito ay mabubuting gawa? Ang mga ito ay mabubuting gawa rin, at tatandaan ng Diyos. Natutupad nito ang mga salitang ito: Walang mga kaibahan sa pagiging marangal o mababa sa mga tungkuling ginagawa ng mga tao; ang mahalaga lang ay kung ikaw ay tapat sa iyong tungkulin at kung ginagawa mo ito nang pasok sa pamantayan. Tinatrato ng Diyos nang patas at pantay ang lahat; dahil hindi mo kayang gumawa ng anumang bagay, hiniling sa iyo na ipangaral mo ang ebanghelyo—ginawa ito para bigyan ka ng pagkakataong gampanan ang huling posibleng tungkulin mo, sa mga sitwasyong hindi mo magawang umako ng anumang ibang tungkulin. Sa pamamagitan nito, nabibigyan ka ng isang pagkakataon at kislap ng pag-asa; hindi ka pinagkakaitan ng karapatan na gawin ang iyong tungkulin. Mayroon pa ring atas ang Diyos para sa iyo, at wala Siyang pagkiling laban sa iyo. Samakatwid, ang mga itinalaga sa mga grupo ng ebanghelyo ay hindi ipinapadala sa isang napabayaang sulok, ni inaabandona, sa halip, ginagawa nila ang kanilang tungkulin sa ibang lugar. Sa pamamagitan ng pagbabahagi tungkol sa mga pagsasaayos ng gawain para sa gawain ng ebanghelyo, ngayon ba ay mas pinahahalagahan ninyo ang gawain ng ebanghelyo at wala na kayong mga maling pagkakaunawa tungkol dito? (Oo.) Kung gayon, may pagmamalaki ba kayo tungkol dito? Anuman ang tungkuling ginagawa ng mga tao, hindi nagbabago ang hinihingi ng Diyos sa kanila: Nais ng Diyos ang kanilang katapatan at sinseridad. Kung sasabihin mong, “Mananatili lang akong tahimik, hindi ako magmamalaki, gagawin ko lang ang hinihiling ng Diyos sa akin,” pero wala kang katapatan, walang sinseridad, hindi iyon sapat. Anuman ang pagkaarok mo sa gawain ng ebanghelyo, sa anumang kaso, kung nagtataglay ka ng katapatan at sinseridad, magiging pasok sa pamantayan ang paggampan mo ng iyong tungkulin. Kahit gaano pa kaayos ang pagtrato mo sa tungkulin ng pangangaral ng ebanghelyo o gaano man kapositibo saloobin mo rito, kung hindi mo kayang magtiis ng paghihirap, at wala kang tibay at wala kang katapatan, hindi rin sapat iyon. Kaya, hindi mahalaga kung saan ka inilagay, anong oras o lugar ka naroroon, sinong mga tao ang nakakasalamuha mo, at kung anong tungkulin ang ginagawa mo. Palaging nakikita ng Diyos ang iyong ginagawa at sinisiyasat ang kaloob-looban ng puso mo. Huwag mong isipin na dahil miyembro ka ng grupo ng ebanghelyo kaya ka hindi pinapansin ng Diyos o na hindi ka Niya nakikita, at kaya’t pwede mong gawin ang anumang gusto mo. At huwag mo ring isipin na kung itinalaga ka sa isang grupo ng ebanghelyo, wala ka nang pag-asa na maligtas, at pagkatapos ay negatibo mo itong haharapin. Ang mga ganitong paraan ng pag-iisip ay parehong mali. Saan ka man inilagay o anuman ang tungkuling isinaayos para gawin mo, iyon ang dapat mong gawin, at dapat mo itong gawin nang masigasig at may pananagutan. Hindi nagbabago ang mga hinihingi ng Diyos sa iyo, at kaya, hindi rin dapat magbago ang pagpapasakop mo sa mga pagsasaayos ng Diyos. Ang katayuan ng mga manggagawa ng ebanghelyo ay katulad ng sa mga taong gumagawa ng iba pang mga tungkulin; ang halaga ng isang tao ay hindi nasusukat sa tungkuling ginagawa no, kundi sa kung hinahangad ba nila ang katotohanan at nagtataglay ba sila ng katotohanang realidad. Ito na ang lahat ng ibabahagi Ko tungkol sa gawain ng ebanghelyo, itong malaki at partikular na aytem ng gawain.

IV. Iba’t ibang Uri ng Propesyonal na Gawain

Ikaapat na aytem, iba’t ibang uri ng propesyonal na gawain. Kabilang dito ang paggawa ng pelikula, gawaing nakabatay sa teksto, musika, sining, pagsasalin, at iba pa. Sinasabi ng ilang tao, “Kaming mga gumagawa ng mga costume ay kasali rin sa paggawa ng pelikula. Maituturing bang isang uri ng gawain ang paggawa ng mga costume?” Ang paggawa ng mga costume ay kabilang sa mga uri ng gawain ng paggawa ng pelikula at musika; isa itong uri ng pansuportang gawain na kaakibat ng mga gawaing ito. Sa bawat yugto, may partikular na mga pagsasaayos ng gawain ang sambahayan ng Diyos hinggil sa mga partikular na kinakailangan para sa mga ganitong uri ng propesyonal na gawain. Ang ilan ay ipinagbibigay-alam nang nakasulat, at ang iba naman ay ipinagbibigay-alam nang pasalita sa pamamagitan ng pakikipagbahaginan sa mga pagtitipon. Sa anumang paraan ipinagbibigay-alam ang mga ito, dapat balikatin ng mga lider at manggagawa ang responsabilidad para sa mga ito, itala ang mga partikular na kinakailangan na inilatag ng sambahayan ng Diyos para sa gawaing ito at ayusin ang mga talang ito, at pagkatapos ay magbigay ng kongkretong pagbabahagi tungkol sa mga ito at isagawa ang tiyak na pagpapatupad ng mga ito. Isa rin itong malaking aytem ng gawain, at ito ang pangalawang partikular na aytem ng gawain pagkatapos ng gawain ng ebanghelyo. Pagdating sa partikular na aytem ng gawaing ito, hinihingi ng sambahayan ng Diyos sa lahat tauhan na kabilang sa iba’t ibang propesyon na patuloy na mag-aral ng propesyonal na kaalaman na kaugnay sa kanilang mga tungkulin, at magsaliksik din ng impormasyon para matiyak kung anong mga bagay ang kapaki-pakinabang para sa gawain ng sambahayan ng Diyos. Kasabay nito, patuloy na nagbabahagi ang sambahayan ng Diyos tungkol sa mga katotohanang prinsipyo at nagbibigay ng mga kongkretong plano para sa iba’t ibang uri ng propesyonal na gawain. Minsan, ang mga ganitong uri ng gawain ay ibinabahagi sa mga superbisor at mga miyembro ng grupo nang sabay-sabay, at minsan naman, ibinabahagi ang mga ito para lamang sa mga lider, manggagawa, at superbisor na responsable sa napag-usapang partikular na aytem ng gawain. Hindi alintana kung ipinagbigay-alam o ibinabahagi ang mga ito nang nakasulat o sa pamamagitan ng mga pagtitipon, sa anumang kaso, patuloy na pinaghuhusay at inilalagay sa pamantayan ang mga ganitong uri ng gawain, at ang mga partikular na pagsasaayos ng gawain ay ginagawa ayon sa mga pangangailangan ng gawain ng ebanghelyo. Halimbawa, sabihin nating gumagawa ang sambahayan ng Diyos ng isang pelikula na medyo may bagong tema, at talagang propesyonal na kinunan ang pelikula. Matapos ma-upload ang pelikula online, nakakatanggap ito ng mataas na bilang ng mga manonood. Sa ganitong sitwasyon, gumagawa ng mga partikular na hinihingi ang sambahayan ng Diyos para sa ganitong klase ng gawain batay sa komento at mga pangangailangan ng gawain ng ebanghelyo. Sa madaling salita, ang aytem na ito ng gawain ay patuloy na ibinubuod at pinaghuhusay, at patuloy rin itong lumalago.

Para sa iba’t ibang uri ng propesyonal na gawain, hinihingi ng mga pagsasaayos ng sambahayan ng Diyos na higit na mag-aral ang mga tao, at maghanap ng mga guro at iba’t ibang uri ng mga rekurso at materyales sa pagtuturo na maaaring pag-aralan. Halimbawa, sa pagkanta; ang paghahanap ng isang guro upang matuto at ang pagpapaturo sa kanya ng paghihimig ay isa ring partikular na pagsasaayos ng gawain. Pagkatapos marinig ang pagsasaayos na ito, dapat maghanap ang mga lider at manggagawa ng isang guro na angkop sa gawaing ito ayon sa mga hinihingi ng Itaas at ang ating mga mang-aawit ay dapat paturuan ng gurong ito, sa pamamagitan ng pagtulong sa mga mang-aawit na mag-aral ng tamang kaalaman sa musikang pang-awit at tamang paraan ng pagkanta, at siyempre, kailangang makahanap ng mga klasikong gawa na pwedeng pag-aralan. Dapat palaging pag-aralan ang propesyonal na kaalaman tungkol sa komposisyon ng musika at pagkanta ng koro, at palaging hinihingi ng mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos sa mga tao na patuloy na mag-aral ng propesyonal na kaalaman na may kaugnayan sa kanilang mga tungkulin, at mag-aral kung paano gamitin ang ilang moderno at praktikal na pamamaraan, at iba pa. Ang mga pagsasaayos ng gawaing ito at mga hinihingi ay hindi lang isang beses na inilalatag at pagkatapos ay iyon na ang wakas ng usapin, sa halip, hinihingi sa mga lider at manggagawa na madalas na magbahaginan tungkol sa mga pagsasaayos na ito ng gawain, gabayan ang mga kabilang sa propesyonal gawain, binibigyang-daan na patuloy silang mag-aral, at pinagsusumikapang umunlad at patuloy at epektibong napapahusay ang lahat ng uri ng propesyonal na gawain, at hindi manatiling walang pag-usad. Iniisip ng ilang tao, “Ipinaalam sa atin ngayon ang mga pagsasaayos ng gawain, kaya, kailangan lang nating isagawa ang mga ito ngayong buwan at tapos na ang usapin. Kung walang sasabihin ang Itaas tungkol dito sa hinaharap, marahil ay hindi na natin kailangang patuloy na isagawa ang mga ito.” Ito ba talaga ang kaso? (Hindi.) Tiyak na hindi dapat mag-isip nang ganito ang mga lider at manggagawa, kundi kailangan nilang patuloy na mag-usisa paminsan-minsan at magtanong, “Kumusta ang pag-aaral ninyo sa propesyong ito? Mayroon ba kayong anumang suliranin? Mayroon bang anumang sumasalungat o lumalabag sa mga prinsipyo? Sino ang pinakamahusay sa kanyang pag-aaral, sino ang pinakadalubhasa, at sino ang pinakamabilis na natuto? Matapos pag-aralan ang mga teoryang ito, alin sa mga natutunan ninyo ang sa tingin ninyo ay angkop gamitin para sa gawain ng sambahayan ng Diyos?” Bukod pa rito, dapat tanungin ng mga lider at manggagawa ang mga taong nasa mga grupo ng ebanghelyo na nag-aaral ng mga banyagang wika tulad ng, “Ilang taon ka nang nag-aaral ng banyagang wikang ito? Kumusta ang pag-aaral mo kamakailan? Ilang pang-araw-araw na usapan ang nasasalihan mo? Kaya mo bang magsalin ng mga karaniwang espirituwal na termino? Kaya mo bang gamitin ang banyagang wikang ito para ipaalam ang mga katotohanang ito na may kaugnayan sa pagpapalaganap ng ebanghelyo? Sa kasalukuyan, mas magaling ka ba sa pagsasalita o sa pagsusulat? Kailangan mo ba ng guro para matulungan kang mag-aral? Mayroon pa bang iba na mas angkop at mas sanay sa pag-aaral ng mga banyagang wika? Dumami ba ang mga ganitong uri ng tauhan? Nararamdaman ba ng sinuman na masyadong nakakaabala at mahirap ang pag-aaral ng wika, kaya’t ayaw na niyang mag-aral nito, at humihinto siya sa kalagitnaan, at gustong lumipat sa ibang tungkulin?” Ang mga partikular na usaping ito na may kaugnayan sa ganitong uri ng gawain ay kailangang usisain at pangasiwaan paminsan-minsan. Dahil gumawa ang Itaas ng mga partikular na pagsasaayos ng gawain, dapat managot ang mga superbisor sa mga partikular na gampaning ito hanggang sa pinakahuli. Huwag pasibong maghintay na mag-usisa ang Itaas; kung hindi mag-uusisa ang Itaas sa loob ng anim na buwan o isang taon, dapat mo pa ring gawin nang maayos ang lahat ng gawain, sa abot ng iyong makakaya, at maging handang tanggapin ang inspeksiyon at gabay ng Itaas anumang oras—ito ang tamang mentalidad. Ito ay dahil nailatag at naipaalam na ang mga pagsasaayos ng gawain, at responsable ka sa pagsusubaybay sa gawain bilang ang superbisor nito, at kaya, dapat mong tuparin ang iyong mga responsabilidad. Gayumpaman, kung hindi mo matupad ang iyong mga responsabilidad, ikaw ay walang kwenta, at dapat kang tanggalin at itiwalag. Kaya, ang mga lider at manggagawa ay dapat palaging magnilay-nilay at magbahaginan tungkol sa mga partikular na pagsasaayos na ito ng gawain o sa mga pagbabahagi mula sa itaas, at pagkatapos ay ipatupad ang mga ito at subaybayan ang gawain ayon sa sitwasyon. Dapat nilang makita kung anong uri ng mga gawain ang nakaligtaan nila kamakailan, at hindi nasuri sa loob ng matagal na panahon, at kung aling mga gawain ang hindi sila gaanong personal na kabisado at na hindi nila naitanong kamakailan, at kung kaninong estado ang hindi nila alam bilang resulta ng mga bagay na ito, at pagkatapos ay suriin nila ang mga ito. Higit pa rito, pagdating sa iba’t ibang uri ng propesyonal na gawain, mayroon pang isang partikular na pagsasaayos ang sambahayan ng Diyos: Hinihingi nito na patuloy na natutuklasan, nalilinang, at naitataguyod ang mga kaukulang taong may talento. Kaya, ano ang dapat gawin ng mga lider at manggagawa kapag natanggap nila ang pagsasaayos na ito ng gawain? Dapat nilang bigyang-pansin kung mayroon bang sinuman na angkop sa ganitong uri ng gawain. Kung may ilang tao na angkop sa ganitong uri ng gawain pero hindi gaanong bihasa sa teknikal na propesyon, kailangan silang agad na malinang at maisaayos na mag-aral at magsanay rito. Sa madaling salita, mahalagang aytem din ng gawain ang iba’t ibang uri ng propesyonal na gawain. Napakaraming aytem ang kabilang sa gawaing ito, at malawak din ang saklaw nito, at maraming partikular na pagsasaayos ng gawain ang ginawa ng sambahayan ng Diyos para dito. Ang hinihingi para sa aytem na ito ng gawain ito ay patuloy na pag-aaral, pagbubuod, at pagpapahusay, at kailangan ding makahanap ng mga angkop na prinsipyong para isakatuparan ang tuloy-tuloy na paglalagay sa pamantayan. Bukod dito, ang mga taong may talento na angkop sa paggawa ng mga tungkuling ito ay dapat patuloy na linangin. Ito ang pagsasaayos ng gawain para sa malaking aytem na ito ng iba’t ibang uri ng propesyonal na gawain, at madali rin itong maunawaan.

V. Buhay-Iglesia

Ikalimang aytem, buhay-iglesia. Gumawa ang sambahayan ng Diyos ng mga partikular na pagsasaayos ng gawain at mga kondisyon patungkol sa nilalaman na kinakain at iniinom sa panahon ng buhay-iglesia, patungkol sa format ng buhay-iglesia, at sa bilang ng mga taong namumuhay ng buhay-iglesia. Mayroon ding mga kaukulang pagsasaayos ng gawain ang sambahayan ng Diyos patungkol sa format ng mga pagtitipon at sa nilalaman ng buhay-iglesia sa ilalim ng mga espesyal na pangyayari at sitwasyon. Kadalasang inilalatag nang nakasulat ang mga ganitong uri ng pagsasaayos ng gawain. Ang mga pagsasaayos ng gawain para sa buhay-iglesia ng mga baguhan sa iba’t ibang bansa—ang format at dalas ng kanilang mga pagtitipon, at ang nilalaman na kanilang kinakain at iniinom sa mga pagtitipon, at iba pa—ay halos magkapareho sa mga pagsasaayos ng gawain para sa buhay-iglesia ng mga katutubong Tsino, maliban sa ilang espesyal na sitwasyon. Kabibigay Ko lang sa inyo ng pangkalahatang ideya ng saklaw ng mga pagsasaayos ng gawain na kaugnay sa buhay-iglesia—kabilang dito ang nilalaman ng mga salita ng Diyos na kinakain at iniinom, at ang nilalaman sa pagbabahaginan tungkol sa katotohanan sa mga pagtitipon sa kasalukuyang panahon, at pati na ang format ng pagbabahaginan sa mga pagtitipon. Halimbawa, ang isang tao na hindi pinahihintulutang mangibabaw sa pagbabahaginan sa mga pagtitipon, ang limitasyon sa kahabaan ng oras na maaaring magbahagi ang bawat tao, kung paano tratuhin at pangasiwaan ang mga tao na masyadong mahaba magsalita at hindi malinaw na nagpapahayag ng kanilang sarili, at iba pa—may mga partikular na pahayag tungkol sa mga partikular na bagay na ito na nauugnay sa buhay-iglesia at sa mga pagtitipon sa mga pagsasaayos ng gawain. Sa isang banda, ang mga lider at manggagawa ay responsable sa paglalatag at pagbibigay-alam ng mga pagsasaayos na ito ng gawain, at sa isang banda, sila ay responsable sa pakikipagbahaginan ng mga ito nang malinaw sa mga kapatid, binibigyang-daan ang lahat ng miyembro ng iglesia na maunawaan at matanggap ang mga pagsasaayos ng gawain, at pagkatapos nito, kailangan lamang nilang mahigpit na isagawa at sundin ang mga ito. Lalo na, iyong mga madalas na lumilihis sa paksa, nagsasanhi ng mga pagkagambala, nagbibigkas ng mga salita at doktrina, at sumisigaw ng mga islogan kapag nagsasalita sa mga pagtitipon ay dapat paghigpitan, at mayroong mga partikular na kondisyon patungkol mga ganitong uri ng mga espesyal na sitwasyon sa mga pagsasaayos ng gawain. Ang mga pagsasaayos ng gawain patungkol sa buhay-iglesia ay pangunahing nauugnay sa lahat ng iba’t ibang bagay na may kinalaman sa mga pagtitipon, hindi komplikado ang mga ito, kundi napakasimple, at anuman ang tungkuling ginagawa ng isang tao, kailangan lang niyang sumunod sa mga prinsipyo ng mga pagsasaayos na ito ng gawain. Halimbawa, sa mga pagtitipon, kailangan lang sundin ng mga grupo ng ebanghelyo ang mga prinsipyo sa mga pagsasaayos ng gawain kaugnay ng buhay-iglesia—walang espesyal sa mga ito. Ang ibang mga grupo ay gumagampan lang ng iba’t ibang gawain mula sa ibang mga tao, pareho lang ang lahat pagdating sa mga bagay tulad ng mga pagtitipon, pagbabahagi ng katotohanan, pagdarasal-pagbabasa habang nagbabasa ng salita ng Diyos, at pagbabahaginan tungkol sa mga personal na karanasan—hindi lalagpas sa saklaw na ito. Kailangan lamang nilang magsagawa ayon sa mga kasalukuyang kondisyon ng sambahayan ng Diyos patungkol sa nilalaman na kinakain at iniinom sa panahon ng buhay-iglesia, ang uri ng pagbabahaginan, at ang format ng mga pagtitipon. Kung mapapahintulutan ng mga kalagayan, pwedeng magtipon-tipon sa personal ang mga tao, kung hindi, pwede silang magdaos ng mga pagtitipon online. Dapat itong maging napakasimple at malinaw na naitakda. Ang ilang miyembro ng iglesia ay nakakalat sa iba’t ibang kontinente at bansa, may ilan sa Europa at may ilan naman sa Gitnang Silangan; sa ganitong uri ng sitwasyon, kinakailangan ang mga online na pagtitipon. Ang mga lokal na iglesia na ang bahalang magpasya sa oras at dalas ng kanilang mga pagtitipon; hindi gumagawa ng mga partikular na kondisyon ang sambahayan ng Diyos patungkol sa usaping ito, at hindi rin ito nakikialam dito. Bakit hindi nakikialam ang sambahayan ng Diyos sa bagay na ito? May ilang tao sa iglesia na hindi full-time gumagampan sa kanilang mga tungkulin; may mga trabaho at pamilya sila, magkakaiba ang kanilang mga indibidwal na sitwasyon, at saka, magkakaiba rin ang mga time zone ng iba’t ibang bansa, kaya, dapat silang pahintulutang magpasya para sa kanilang sarili kung ilang beses sa isang linggo sila magtitipon at kung anong oras gaganapin ang bawat pagtitipon. Walang mga partikular na kondisyon ang sambahayan ng Diyos tungkol dito, sa halip, nagbibigay lang ito ng mga prinsipyo. Itinakda ng sambahayan ng Diyos ang saklaw ng kung gaano kadalas magtitipon ang mga bagong mananampalataya kada linggo, at may kaibahan sa bilang ng mga pagtitipon sa pagitan ng mga gumagawa ng kanilang tungkulin at ng mga hindi gumagawa ng kanilang mga tungkulin. Mayroon bang pagsasaayos ng gawain na kung saan kinakailangan ng mga bagong mananampalataya na magtipon nang pitong beses sa isang linggo? (Wala.) Kung gayon, ano ang batayan ng bilang ng mga pagtitipon ng mga bagong mananampalataya kada linggo? (Nakabatay ito sa oras ng mga bagong mananampalataya.) Ang pagtitipon nang dalawa o tatlong beses sa pinakamadalas sa isang linggo, at hindi bababa sa isang beses, ay ganap na naaangkop. May ilang tao na nagsasabing, “Masyadong tamad ang mga tao sa panahon ng pahinga sa pagsasaka, kaya’t gusto ng lahat na magtipon-tipon araw-araw—ayos lang sa amin ang magtipon dalawang beses sa isang araw. Gusto talaga naming magtipon.” Ang mga puso ng mga bagong mananampalataya ay puno ng sigasig, at palagi nilang gustong makaunawa ng maraming katotohanan. Kung paborable sa mga sitwasyon ng kanilang pamilya, mabuting bagay kung hihilingin nilang dumalo sa mas maraming pagtitipon, basta’t hindi ito nakakaapekto sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Ang partikular na dami ng beses na dapat magtipon ang mga tao kada linggo ay dapat pagpasyahan ayon sa mga sitwasyon ng pamilya at gawain ng mga hinirang ng Diyos sa bawat lugar—hindi gumagawa ng mga partikular na kondisyon ang sambahayan ng Diyos tungkol sa usaping ito. Iyong mga hinirang ng Diyos na may mga kondisyon na gawin ito ay maaring magtipon nang mas madalas, at makakaunawa sila ng mas maraming katotohanan at mas mabilis na lalago ang kanilang buhay. Mabuting bagay ito. Gayumpaman, iyong mga walang angkop na kondisyon ay hindi magiging akma na dumalo sa ganitong paraan, at ayos lang para sa kanila na dumalo sa kahit isa o dalawang pagtitipon kada linggo. Ang dami ng beses na nagtitipon ang mga iglesia sa iba’t ibang lugar kada linggo ay nakasalalay sa pagpasya ng mga hinirang ng Diyos, at walang sinuman ang dapat makialam dito. Ang pinakamahalagang bagay ay na idinaraos ang mga pagtitipon upang maunawaan ng mga tao ang katotohanan, at hindi para sa anumang ibang dahilan. Kaya naman, ang dami ng beses na nagdaraos ng mga pagtitipon ang bawat iglesia ay napagpasyahan ayon sa mga partikular na sitwasyon nito. Kung makakadalo ang mga hinirang ng Diyos sa isa pang dagdag na pagtitipon kada linggo, mas makabubuti ito para sa kanilang paglago sa buhay. Kung may mga tao na hindi naghahangad sa katotohanan at ayaw dumalo sa mas maraming pagtitipon, hindi ito dapat ipilit sa kanila. Lalo na para sa mga sinusuwelduhang empleyado na medyo mas abala at walang panahon para dumalo sa mas maraming pagtitipon, hindi sila dapat pilitin na gawin ito. Hindi mahalaga kung ang mga tao ay may kakayahang dumalo sa mga pagtitipon o kung ilang beses sila nagtitipon, ang sambahayan ng Diyos ay hindi nakikialam o nagpapataw ng anumang limitasyon. Ito ay dahil pawang magkakaiba ang mga sitwasyon at pinagmulan ng mga indibidwal na mananampalataya, at kaya, hindi sila dapat pilitin o ilagay sa alanganin. Tungkol sa nilalaman na kinakain at iniinom sa panahon ng buhay-iglesia, ang sambahayan ng Diyos ay may mga kaukulang mga kondisyon sa mga pagsasaayos ng gawain nito, at kinakailangang malinaw ang pagkaunawa ng mga lider sa lahat ng antas ng iglesia at ng mga kapatid tungkol dito. Kailangang malinaw na maunawaan ng mga lider at manggagawa kung ano ang partikular na mga tungkulin at usapin na dapat isakatuparan ayon sa mga pagsasaayos ng gawain mula sa Itaas, at kailangang bantayan din ng mga kapatid kung isinasagawa ng mga lider at manggagawa ang gawaing ito. Pagdating sa nilalaman na kinakain at iniinom sa buhay-iglesia, at sa mga pagsasaayos ng gawain na may kaugnayan sa mga pagtitipon na kailangang maunawaan at masunod, kailangang magkaroon ng kasunduan ang mga lider at manggagawa sa mga hinirang ng Diyos—talagang hindi pwedeng mayroong pagkakaiba-iba. Ang mga pagsasaayos ng gawain patungkol sa buhay-iglesia ay napakasimple, madaling maunawaan ng mga tao, at hindi malabo.

VI. Pamamahala sa Pag-aari

Ikaanim na aytem, pamamahala sa pag-aari. Bagama’t ang gawain ng pamamahala sa pag-aari ay hindi madalas na naglalatag ng mga pagsasaayos ng gawain tulad ng sa gawain ng ebanghelyo o sa iba’t ibang uri propesyonal na gawain, mayroon pa ring mga partikular na pagsasaayos ng gawain ang sambahayan ng Diyos para dito. Ano ang saklaw ng pamamahala sa pag-aari? Saklaw nito ang kung paano iniingatan ang mga pag-aari, saan nakaimbak ang mga ito, sino ang namamahala sa mga ito, at kung paano ito itinatalaga, pinamamahalaan, o inililipat ang mga ito kapag may lumilitaw na panganib o di-kanais-nais na sitwasyon, pati iba pang mga espesyal na pangyayari. Sa katunayan, ang mga pagsasaayos ng gawain ay naglalaman ng mga kondisyon na nauukol sa lahat ng bagay na ito, at pagdating sa aytem na ito ng gawain, hindi dapat hintayin ng mga lider at manggagawa ang mga direktang utos at mga pagsasaayos ng gawain mula sa Itaas bago pa nila pasibong simulang pamahalaan ang mga pag-aari. Kung hindi madaliang hinihingi sa mga pagsasaayos ng gawain na dapat pangasiwaan ng mga lider at manggagawa ang mga pag-aari sa isang partikular na paraan, at sa mga espesyal na sitwasyon kung kailan hindi nila alam kung paano pangasiwaan ang mga pag-aari at hindi sila nakakatanggap ng mga maagap na tugon mula sa Itaas, ano ang dapat nilang gawin? Seguridad ang pangunahing prayoridad, at responsabilidad nila na pangalagaan ang mga pag-aari ng sambahayan ng Diyos. Pagdating sa mga aklat ng mga salita ng Diyos na inilimbag ng sambahayan ng Diyos, kasama na ang iba’t ibang uri ng makinarya, pagkain, pera, at iba pang mga pag-aari, dapat ilagay ng mga lider at manggagawa ang lahat ng ito sa mga ligtas na lugar alinsunod sa mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos, at huwag hayaang mabasa, amagin, o mapapak ng mga insekto ang mga ito, at lalong huwag hayaang maagaw ng masasamang tao o ng malaking pulang dragon. Dagdag pa rito, bukod sa maayos na pamamahala sa mga pag-aari na ito ng sambahayan ng Diyos, kailangan ding panatilihin ng mga lider at manggagawa ang mahigpit na pagkakumpidensiyal; ang mga taong walang kinalaman sa mga bagay na ito ay dapat pare-parehong hindi mabigyang-alam tungkol tungkol dito, at ang mga nakakaalam ay dapat tikom ang bibig at hindi magsalita nang walang ingat. May mga partikular na pagsasaayos ng gawain ang sambahayan ng Diyos tungkol sa aytem na ito ng gawain, at hindi angkop na maglatag o magsiwalat ng ilan sa mga ito sa pamamagitan ng pagsulat. Kung makakahanap ng mas mabubuting paraan o sistema ang mga lider at manggagawa para pamahalaan ang pag-aari, siyempre, habang sinusunod ang prinsipyo ng maayos na pamamahala at pangangalaga sa mga pag-aari ng sambahayan ng Diyos upang protektahan ang mga ito sa anumang kawalan, maaari nilang talakayin ang usapin kasama ang ibang mga lider at manggagawa at gumawa ng desisyon nang mag-isa. Isa itong espesyal na aytem ng gawain, at iyong mga hindi nakatikom ang bibig, iyong mga walang pagpapahalaga sa responsabilidad, iyong mga may di-wastong motibo, iyong mga baguhan pa lang sa pananampalataya at walang pundasyon sa kanilang pananalig, at iyong mga palaging nagkakainteres sa mga pag-aari ng sambahayan ng Diyos nang may pag-iimbot, ay pare-parehong hindi dapat makaalam tungkol dito. Ang mga bagay na ito ay hindi pwedeng latarang isaad sa mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos, pero hindi ba’t dapat alam ito ng mga lider, manggagawa, at mapagkakatiwalaang tagapagtago? (Oo.) May espesyal na sitwasyon dito. Ipagpalagay natin na ang isang bagong nahalal na lider ay tatlong taon pa lamang nananampalataya sa Diyos, mahusay ang kakayahan niya, napakamasigasig niya, at mukhang maayos naman siya sa panlabas, pero hindi batid kung ano karakter niya, kung ano ang pananaw niya sa mga pag-aari, o kung siya ba ay sakim o hindi. Ang mga bagay na ito ay hindi batid at hindi tiyak, at ang taong ito ay hindi kilalang mabuti ng mga kapatid na matagal nang nananampalataya sa Diyos, hindi nila lubusang kilala ang taong ito. Ano ang dapat gawin sa ganitong sitwasyon? Kapag dumating ang panahon na kailangang ilipat ang gawain sa taong ito, ang lahat ng iba pang gawain ay ipinapasa—dapat rin bang ipasa ang gawain sa mga pag-aari? (Hindi.) Bakit hindi? Ang pangunahing gawain ng mga lider at manggagawa ay hindi lamang pamamahala sa mga pag-aari; isang bahagi lang ng kanilang gawain ang mga pag-aari. Kung talagang may nababagay na tao na namamahala sa mga pag-aari at hindi maaasahan itong bagong nahalal na lider, ayos lang na huwag munang ipasa ang gawaing ito sa lider na ito sa ngayon, sapagkat hindi pa batid kung magtatagal ba ang pananampalataya niya sa Diyos o kung kaya ba niyang manindigan. Noon, may isang taong bagong nahalal bilang lider ng iglesia, at pagkatapos akuin ang kanyang posisyon, ang una niyang ginawa ay hingin sa mga hinirang ng Diyos ang mga numero ng bank account at ang mga password ng mga account kung saan iniimbak ang mga handog. Tinanong niya kung sino ang may hawak nitong mga numero at password ng bank account, at pinilit niya sila na ipasa sa kanya ang gawaing ito kaagad. Sa ganitong sitwasyon, dapat bang ipasa sa kanya ang gawaing ito? Hindi siya nag-aalala o nababahala para sa anumang ibang gawain, pero talagang seryoso siya tungkol sa bagay ito—maaasahang tao ba siya? Huwag isipin na maaasahan ang isang tao dahil lang sa siya ay isang lider o manggagawa. Sa katunayan, tanging ang mga tagapagtago na talagang pinili ayon sa mga prinsipyo ang maaasahan—kaya nilang ialay ang kanilang buhay para pangalagaan ang mga pag-aari ng sambahayan ng Diyos. Ang mga taong gaya nito ang pinakamaaasahan. Kung gayon, lahat ba ng lider at manggagawa ay kayang gawin ito? Hindi palaging ganoon ang kaso. Noon, may isang lider ng rehiyon na nahuli ng malaking pulang dragon, at ipinagkanulo niya ang lahat ng pag-aari ng iglesia, kaya’t napakarami ang nawala sa mga ito. Kung hindi niya nalaman ang kinaroroonan ng mga pag-aari ng iglesia, hindi niya sana ito ibinunyag kahit pa patayin siya sa bugbog, at kung gayon, hindi ba’t hindi sana magkakaroon ng mga kawalan sa mga pag-aari ng sambahayan ng Diyos? Ito mismo ay dahil napakarami niyang alam kaya niya isiniwalat ang lahat noong hindi na niya makayanan ang pagpapahirap at mga kakila-kilabot na pambubugbog, kaya napunta ang perang ito sa mga kamay ng malaking pulang dragon. Kung hindi siya pinahintulutang makaalam sa kinaroroonan ng mga pag-aari, at kung ang nangangalaga sa mga ito ay isang maaasahang tao, magkakaroon ba ng mga kawalan sa pera ng sambahayan ng Diyos at sapilitan ba itong makukumpiska ng malaking pulang dragon? Hindi, hindi sana ito nangyari. Isa itong mabigat na aral. Kaya, ang pinakamahalagang punto sa pagsasaayos ng gawaing ito ay na dapat nangunguna ang seguridad, kinakailangang mapanatiling pinakamababa ang bilang ng mga kawalan, at ang gawain ay dapat magawa sa anumang paraan na ligtas. Maghanap ng isang taong nagpapakita ng katapatan sa pamamahala ng mga pag-aari ng sambahayan ng Diyos para mamahala sa mga ito—ito ang pinakamaaasahang hakbang. Bagama’t wala nang ibang kayang gawin ang taong ito, siya ay magiging tapat at tiyak na may kakayahan pagdating sa pangangalaga sa pera, kaya tama lang na gamitin ang taong ito para mangalaga sa mga pag-aari. Dahil ang aytem na ito ng gawain ay nakatuon lang sa iisang gampanin, napakasimple ng mga pagsasaayos nito: Maghanap ng mga tamang tao na mangangalaga sa mga pag-aari at maghanap ng ligtas na lugar na mapag-iimbakan ng mga ito. Dagdag pa rito, mayroon ding mga partikular na kondisyon sa mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos patungkol sa pagtatalaga at paggastos sa mga pag-aari ng sambahayan ng Diyos; pwedeng gastusin ang pera sa mga kinakailangang gastusin, pero hindi sa mga hindi kinakailangan. May isa pang bagay, kung saan mayroong isang mahigpit na sistema ng regulasyon para sa mga gastusing kaugnay sa mga pag-aari, at may mga partikular na kondisyon ang sambahayan ng Diyos para sa iba’t ibang proseso at tuntunin, nangangailangan ng mga lagda mula ilang indibidwal, at iba pa. Mayroong pamamahala, pangangalaga, paggastos, at pati na accounting—may mga partikular na pagsasaayos ng gawain para sa lahat ng bagay na ito.

VII. Gawain ng Paglilinis

Ikapitong aytem, gawain ng paglilinis. Ang sambahayan ng Diyos ay patuloy rin na gumagawa ng mga partikular na pagsasaayos ng gawain para sa aytem na ito ng gawain. Sa isang banda, ginagawa ang mga pagsasaayos ng gawain, batay sa mga pangangailangan ng gawain ng sambahayan ng Diyos, at sa kabilang banda, ginagawa ang mga ito batay sa pagbubukod-bukod ng bawat isa ayon sa uri ng mga ito, alinsunod sa klasipikasyon at depinisyon ng iba’t ibang uri ng mga tao, pati na sa mga pagpapamalas ng iba’t ibang uri ng mga tao sa sandaling mabunyag sila. Ang sambahayan ng Diyos ay may mga prinsipyo sa paghawak sa lahat ng uri ng mga anticristo, masasamang tao, at mga hindi mananampalataya; ang ilan ay inaalis mula sa hanay ng mga gumagampan ng kanilang mga tungkulin, ang ilan ay inaalis mula sa iglesiang may tungkuling full-time at ipinapadala sila sa mga iglesiang may tungkuling part-time o mga ordinaryong iglesia, ang ilan ay inaalis mula sa mga ordinaryong iglesia at ipinapadala sa mga grupong B, at may ilan na direktang pinapaalis o pinatatalsik. Paulit-ulit na gumagawa ng mga pagsasaayos ng gawain ang sambahayan ng Diyos para sa gawain ng paglilinis sa iglesia, at mayroon din itong mga partikular na pagsasaayos ng gawain tungkol sa iba’t ibang uri ng tao na nakakatugon sa mga kondisyon ng pag-aalis. Batay sa mga saloobin ng mga tao sa paggawa ng kanilang mga tungkulin at sa mga pagsalangsang na nagawa nila habang ginagawa ang kanilang mga tungkulin, pati na ang tiwaling diwa na nabubunyag sa iba’t ibang uri ng tao, sa huli ay lumilikha ang sambahayan ng Diyos ng mga partikular na plano para sa pangangasiwa sa mga taong ito. Samakatwid, ang pangangasiwa sa iba’t ibang uri ng masasamang tao, mga hindi mananampalataya, at mga anticristo ng sambahayan ng Diyos ay ginagawa nang ganap na naaayon sa mga salita ng Diyos at sa mga katotohanang prinsipyo, at ito ay ginagawa nang ganap na naaayon sa mga layunin ng Diyos. Pagdating sa mga pagsasaayos na ito ng gawain, sa isang banda, kinakailangan na magbahagi tungkol sa mga katotohanang prinsipyo upang maunawaan ng mga tao ang mga ito at matuto silang kumilatis ng iba’t ibang uri ng tao, habang sa kabilang banda, kinakailangang ilatag ang mga pagsasaayos na ito ng gawain sa mga iglesia upang mapagbahaginan at maipatupad ang mga ito. Sa anumang kaso, ang gawain ng paglilinis sa iglesia ay dapat ipatupad sa lalong madaling panahon, at talagang hindi ito dapat maantala kailanman. Dapat itong magpatuloy hanggang sa wala nang natitirang masasamang tao sa iglesia. Hindi ito nangangahulugan na ang mga lider at manggagawa ay kailangan lang gumampan sa gawain ng paglilinis sa loob ng ilang panahon sa sandaling maglatag ang Itaas ng isang pagsasaayos ng gawain na nag-uutos na linisin ang iglesia, at kung matutuklasang muli na may masasamang tao na nanggugulo pagkatapos ng paglilinis na iyon, pero hindi gumawa ang Itaas ng anumang pagsasaayos ng gawain tungkol dito, kung gayon, hindi na kailangang mag-abala pa ng mga lider at manggagawa tungkol sa masasamang tao na iyon o alisin sila—hindi iyon maaari. Kailangang patuloy na isakatuparan ang gawain ng paglilinis sa iglesia sa paraang nasa ayos; hangga’t may mga tao na kailangang paalisin o patalsikin, dapat magpatuloy ang gawain ng paglilinis. Huwag pasibong maghintay sa Itaas na magbigay ng mga utos o sa mga nakatataas na lider na magbigay-alam sa inyo tungkol dito, at huwag ding pasibong maghintay na mas maraming kapatid ang magsusumbong ng isang tao. Sa sandaling ilantad at isumbong ng mga hinirang ng Diyos ang isang tao, dapat simulang siyasatin at pangasiwaan ng mga lider at manggagawa ang kasong iyon. Kung itinatago ng mga lider at manggagawa ang liham ng ulat at hindi inaasikaso ang isyung ito, dapat silang imbestigahan at pangasiwaan, at kung napag-alaman na ipinagtatanggol nila ang isang masamang tao, dapat silang paalisin sa iglesia kasama ang masamang tao na iyon. Ang sinumang lider o manggagawa na hindi gumagampan sa gawain ng paglilinis sa iglesia ay isang huwad na lider o manggagawa at dapat tanggalin kaagad. Kung ipinagtatanggol at pinoprotektahan pa nila ang masasamang tao, maaari silang ilarawan bilang isang anticristo at paalisin at patalsikin mula sa iglesia. Ang mga ito ang mga partikular na kondisyon na ginawa ng sambahayan ng Diyos patungkol sa gawain ng paglilinis sa iglesia. Ang gawain ng paglilinis sa iglesia ay isang apurahang prayoridad at napakahalaga nito. Sabihin sa Akin, hindi ba’t ginagawa ang paglilinis sa iglesia upang dalisayan ito? Kung ang iglesia ay nadalisay—ibig sabihin, kung walang masasamang tao na nagsasanhi ng mga kaguluhan sa loob nito at walang mga hindi mananampalataya na nahahalo sa mga miyembro nito—magiging isa itong tunay na iglesia, at magkakaroon din ito ng mga pinakamainam na resulta sa buhay-iglesia. Hindi ba’t ito ay isa pang malaking hakbang patungo sa pagsasakatuparan sa kaharian ni Cristo? Ang isang dalisay na iglesia tulad nito ay magiging lubos na kapaki-pakinabang para sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian, dahil ang bawat isa ay magtataglay ng katotohanan, dahal ang bawat isa ay makakapagpatotoo sa Diyos at magagawang ganap bilang mga tao ng Diyos, at wala nang masasamang tao na magsasanhi ng mga kaguluhan. Natural, ang iglesiang gaya nito ang magiging pinakapinagpala. Kaya naman, ang paglilinis sa iglesia ay isang napakamakabuluhang aytem ng gawain at ganap itong ginagawa para gawing mas mapayapa at walang mga kaguluhan mula sa masasamang tao ang kapaligiran kung saan ginagawa ng mga hinirang ng Diyos ang kanilang mga tungkulin. Dagdag pa rito, ang sambahayan ng Diyos ay hindi sumusuporta sa mga tamad, mga walang kwenta, at mga linta na nagpapakasasa lang sa kaginhawahan at nakikinabang hangga’t nais. Ang lahat ng hindi gumagawa ng kanilang mga tungkulin kahit kaunti at nakakagulo at nakakaapekto sa iba sa paggawa ng kanilang mga tungkulin, at ang lahat ng gumagawa ng mga iresponsableng komento, nakikialam, at hindi nag-aasikaso sa kanilang marapat na gawain sa iglesia, ay dapat ding paalisin. Ganap nang nabunyag ngayon ang lahat ng iba’t ibang uri ng mga tao, ang gawain ng paglilinis sa iglesia ay kinakailangan, at dapat itong gawin nang masinsinan at maayos. Ang lahat ng masamang tao, anticristo, hindi mananampalataya, walang kwenta, at lintang ito na naibunyag ay ang iyong mga itinataboy ng Diyos, at wala na silang pag-asa na maligtas. Kung hindi isinagawa ng iglesia ang gawain ng paglilinis, makakaapekto ito sa gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo. Kaya, ang gawain ng paglilinis sa iglesia ay isang mahalagang aytem ng gawain na kaialangang madaliang magawa nang maayos sa kasalukuyan. Tanging ang mga lider at manggagawa na makakagawa nang maayos sa gawain ng paglilinis sa iglesia ang karapat-dapat linangin at pwedeng magpatuloy bilang mga lider at manggagawa. Ang sinumang lider o manggagawa na humahadlang sa gawain ng paglilinis sa iglesia ay isang balakid at sagabal, at dapat siyang ilantad at iulat ng mga hinirang ng Diyos. Dapat munang lubusang paalisin at lutasin ng mga lider at manggagawa sa lahat ng antas ang lahat ng balakid at sagabal na ito sa gawain ng iglesia—ito ay naaayon sa mga layunin ng Diyos. Ito lang ang nakakatulong sa maayos na pag-usad ng iba’t ibang aytem ng gawain ng iglesia, at sa iglesia na nagsasakatuparan sa kalooban ng Diyos upang makamit ng Diyos ang lahat ng kaluwalhatian.

VIII. Mga Panlabas na Usapin

Ikawalong aytem, mga panlabas usapin. Ang gawain ng mga panlabas na usapin ay hindi isang malaking aytem ng gawain, at hindi rin maliit, at mayroong ilang prinsipyo sa loob ng mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos tungkol sa mga panlabas na usapin. Una ay ang pag-aralan ang tungkol sa mga lokal na batas at mga partikular na lokal na regulasyon. Ibig sabihin, anuman ang ginagawa ng iglesia sa isang partikular na lugar, dapat mo munang matutunan ang mga lokal na batas—ito ang isang prinsipyo. Ang isa pang prinsipyo ay na, kapag nahaharap ka sa mga problemang nauugnay sa mga panlabas na usapin na hindi mo nauunawaan o hindi malinaw sa iyo, dapat kang kumonsulta sa isang abogado at sa mga kaugnay na legal na propesyonal, at huwag manghusga nang walang sapat na kaalaman; dapat kang gumawa ng mga partikular na plano para sa pangangasiwa sa mga bagay-bagay ayon sa iba’t ibang nasyonal na kondisyon sa iba’t ibang bansa. Kaya, paano nagkakaroon ng mga ganitong plano? Dapat mong sundin ang sinasabi ng abogado at hayaan ang abogado na gumawa ng mga desisyon—huwag gumawa ng mga di-makatwirang paghuhusga o desisyon nang mag-isa. Ang mga nasyonal na kondisyon, patakaran, batas, at regulasyon ay magkaiba sa bawat bansa, kaya huwag kang kumilos batay sa iyong imahinasyon. Halimbawa, sabihin nating nakakita ka ng isang tao na ninanakawan sa kalye sa Tsina. Itinatakda ng mga batas sa Tsina na ang sinumang dumadaan na nakakasaksi nito ay pwedeng matapang na mamagitan, hulihin muna ang magnanakaw, at pagkatapos ay dalhin ito sa mga pulis. Kung gagawin mo ito, ikaw ay magiging isang bayani, hindi mo kailangang magkaroon ng anumang legal na pananagutan, at dapat kang purihin. Ito ang nasyonal na sitwasyon at sistema sa Tsina, at isa itong uri ng tradisyonal na kultura sa Tsina—inilalarawan ito ng mga Tsino sa pamamagitan ng magandang tunog na pangalan ng “tradisyonal na kabutihan.” Sa Kanluran, gayumpaman, lalo na sa mga bansang tulad ng U.S. at Canada, kung pagkakita mo sa isang taong nagnanakaw ng isang bagay ay agad mo siyang huhulihin at hihintayin mo ang mga pulis na dumating para arestuhin siya, mali iyon, labag iyon sa batas. Ito ay dahil isa ka lang ordinaryong mamamayan at hindi isang tagapagpatupad ng batas, at wala kang karapatang arestuhin ang kahit sino; tanging ang mga pulis ang may karapatang mang-aresto. Kapag nakakita ka ng isang magnanakaw, pwede mo itong isumbong sa mga pulis, pero hindi mo pwedeng arestuhin ang magnanakaw nang ikaw lang. Kung basta-basta mong aarestuhin ang isang magnanakaw, kumikilos ka nang ilegal—ito ang batas sa Kanluran. Hindi angkop na isagawa ang “tradisyonal na kabutihan” ng mga Tsino sa Kanluran; may sariling mga batas ang Kanluran. Kung makakita ka ng isang tao na nadapa sa kalye sa isang bansa sa Kanluran, ano ang nakasaad sa batas? Dapat kang lumapit at magtanong, “Ayos ka lang ba? Kailangan mo ba ng tulong?” Kung sasabihin ng tao na hindi niya kailangan ng tulong, maaari ka nang umalis. Kung makakita ka ng isang taong nadapa sa harap mo pero hindi mo siya tatanungin kung ayos lang siya o hindi mo siya titingnan, at patuloy ka lang na maglalakad, kung gayon ay nilalabag mo ang batas. Kung mahaharap ka sa gayong sitwasyon sa Tsina, maaaring isa itong panloloko, at walang mangyayari sa iyo kung sakaling hindi mo ito papansinin. Kung tatanungin mo ang tao, “Ayos ka lang ba? Kailangan mo ba ng tulong?” maaaring magdulot ito ng abala sa iyo, at maaaring lokohin ka ng tao, at pagkatapos ay hindi ka na muling makakapamuhay nang maayos. Ano ang sinasabi ng dalawang bagay na ito sa inyo? Ganap na magkaiba ang edukasyon sa iba’t ibang bansa at iba’t ibang lahi, gayundin ang kapaligirang panlipunan at mga sistemang panlipunan at, siyempre, at ang mga batas at regulasyon. Pagdating sa gawain ng mga panlabas na usapin, sa isang banda, kailangang tumpak na maunawaan ng mga taong gumagampan ng gawaing ito ang mga batas, regulasyon, at probisyon na kaugnay sa gawain ng iglesia, at sa kabilang banda, dapat ding nilang ipalaganap ang ilang karaniwang kaalaman sa buhay o mga legal na probisyon na kailangang malaman ng mga kapatid. Samakatwid, ang sambahayan ng Diyos ay mayroong mga pagsasaayos ng gawain patungkol sa aytem na ito ng gawain na nag-oobliga sa mga taong gumagampan nito na palaging kumonsulta muna sa mga kaugnay na batas at regulasyon ng pamahalaan sa anumang gagawin nila. Lalo na kapag nahaharap sa mga isyung mahirap lutasin, kailangan nilang kumonsulta sa isang abogado at huwag bulag na gumawa ng sarili nilang mga paghuhusga o bumuo ng mga solusyon ayon sa pag-iisip at lohika ng mga Tsino— isa itong hangal at mangmang na paraan ng pagkilos. Kapag naunawaan na ninyo ang mga bagay na ito, dapat alam na rin ninyo ang kahalagahan ng gawain ng mga panlabas na usapin, kung anong mga resulta ang nilalayon nitong makamit, at pati na kung gaano kahalaga para sa sambahayan ng Diyos na gawin ang mga pagsasaayos ng gawain na ito. Hindi gaanong malaki ang saklaw ng aytem ng gawaing ito, kaya, sa kadalasang pagkakataon, sapat na ang malinaw na ipaunawa sa tauhang kasali sa gawaing ito ang mga pagsasaayos ng gawain. Kung isa itong bagay na kailangang malaman ng mga kapatid, tulungan silang maunawaan at maarok ito. Napakahalaga rin ng gawain ng mga panlabas na usapin, dahil hindi sapat kung hindi nauunawaan ng mga kapatid ang mga batas at regulasyon na kaugnay sa kanilang pamumuhay at pagtatrabaho sa ibang bansa. May mga partikular na pagsasaayos ng gawain ang sambahayan ng Diyos tungkol sa kung ano ang kinakailangan sa aspektong ito, at kinakailangan lang itong ipatupad ayon sa mga pagsasaayos ng gawain. Kung may lilitaw na mga espesyal na sitwasyon, gagawa ang sambahayan ng Diyos ng ilang solusyon para sa panahon ng kagipitan. Kung ang isang trabaho ay nauugnay sa gawain ng mga panlabas na usapin, kailangan ninyong kumonsulta sa mga tauhan ng panlabas na usapin at tingnan kung anong mga partikular na pagsasaayos mayroon ang sambahayan ng Diyos patungkol sa trabaho, huwag bulag na umasa sa inyong imahinasyon at kumilos nang walang sapat na kaalaman. Ang pagkilos sa ganoong paraan ay malamang na magdudulot ng problema, at mahirap isipin ang mga kahihinatnan. Ang gawain ng mga panlabas na usapin ay isa ring trabaho na may iisang gampanin, hindi ito komplikado, at dapat mong mahanap ang mga pinakapartikular na usapin ng gawain sa mga pagsasaayos ng gawain. Noong unang simulang gawin ng mga tao ang gawain ng mga panlabas na usapin sa ibang bansa, medyo komplikado ito sa pakiramdam, pero matapos itong gawin nang ilang panahon, nakakahanap sila ng mga pattern at pamamaraan, at tila hindi na ito masyadong komplikado. Noong una, ang mga Tsinong pumunta sa ibang bansa ay iniulat dahil sa pagtatapon ng basura, pagtulog ng sobrang dis-oras ng gabi, paggising nang napakaaga sa umaga, iniistorbo ang mga ibang tao sa ingay ng kanilang mga aso, pagsasampay ng mga damit sa balkonahe, at hindi wastong pagpaparada—iniulat sila dahil sa maraming bagay. Sa huli, maraming beses silang iniulat, palaging kumakatok ang mga pulis sa kanilang mga pintuan para bigyan sila ng gabay, at pagkalipas ng mahabang panahon, saka lang nila napagtatanto na nasa ibang bansa sila at wala sa Tsina. Unti-unti, naging alerto sila, nagkaroon sila ng kamalayan sa batas, at naunawaan nila ang ilang panuntunan tungkol sa buhay, trabaho, pagmamaneho, at iba pa. Noong unang magpunta sa ibang bansa ang mga Tsino, nakaunawa lang sila ng ilang pangunahing etiketa kung paano umasal at wala silang kaalamang sentido kumon tungkol sa karamihan sa mga legal na bagay; para lang silang mga hayop sa gubat, walang anumang kamalayan sa batas. Pagkalipas ng ilang taon, nagkaroon sila ng kaunting kaalaman at nakaunawa ng ilang panuntunan, na para bang sila ay napaamo, at napabuti sila nang kaunti.

IX. Kapakanan ng Iglesia

Ikasiyam na aytem, kapakanan ng iglesia. Gumawa ang sambahayan ng Diyos noon ng mga pagsasaayos ng gawain patungkol sa kapakanan ng iglesia, at kung iyong mga gumagawa ng kanilang mga tungkulin full time o ang kanilang mga pamilya ay nangangailangan ng tulong para makaraos sa pang-araw-araw na pamumuhay, kailangang lutasin ng mga lider ng iglesia ang isyung ito. Matatagpuan sa mga pagsasaayos ng gawain na ito ang mga partikular na plano at prinsipyo ng pagpapatupad, at nagbigay ang sambahayan ng Diyos ng mga partikular na pahayag at kondisyon. Tungkol naman sa mga kapatid na nakulong dahil sa pananampalataya nila sa Diyos, sa gayon ay nagsasanhi ng paghihirap sa pang-araw-araw na pamumuhay ng kanilang mga pamilya; mga magulang na gumagawa ng kanilang mga tungkulin sa loob ng mahabang panahon na bmalayo sa bahay at walang sinumang nag-aalaga sa kanilang mga anak; at mga kapatid na may sakit na maraming taon nang nakagawa sa kanilang mga tungkulin, dapat magbigay ng tulong at resolusyon ang iglesia para sa mga bagay na ito at ibang mga paghihirap. Mayroong espesyal na sitwasyon kaugnay sa aytem na ito ng gawain, at iyon ay kapag natutugunan ng ilang pamilya ang mga kondisyon para makapagpatira sa mga kapatid sa kanilang bahay pero wala silang mapagkukunan ng kita, kung gayon, paano dapat pangasiwaan ang kanilang mga gastusin sa pagpapatira sa mga kapatid? Saklaw ito ng gawain ng kapakanan ng iglesia. Ang mga kondisyon tungkol dito ay matatagpuan sa mga pagsasaayos ng gawain, o maaaring rasonableng maglaan ang mga lider at manggagawa ng pondo ng iglesia ayon sa lokal na sitwasyon upang maisakatuparan ang gawain ng pagpapatira sa bahay—may mga partikular na kondisyon ang iglesia para sa mga bagay na ito. Kung may lumitaw na mga espesyal na sitwasyon na labas sa saklaw ng mga partikular na kondisyong ito, maaaring magbahaginan at matalakayan ang mga lider at manggagawa tungkol sa usapin, at gumawa ng kongkreto at makatwirang mga pagsasaayos batay sa mga normal na pamantayan ng pamumuhay sa lugar na iyon. Bagama’t hindi ito isang malakihang gawain o isang napakahalagang gampamin, isa itong gawain na saklaw ng mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa, at hindi ito pwedeng makaligtaan. Kung walang sinumang nangangailangan ng suporta para makaraos sa pang-araw-araw na pamumuhay o ng tulong pinansiyal, hindi na kailangang mag-abala ng mga lider at manggagawa na humanap ng mga taong nangangailangan. Pero kung mayroong gayong mga tao, hindi sila dapat iwasan ng mga lider, at lalong hindi sila dapat balewalain, hindi maaaring nakatunganga lang ang mga lider, o magkunwaring hindi nakikita ang mga taong ito. Dapat silang kumilos alinsunod sa mga prinsipyo—ito ang responsabilidad nila.

X. Mga Plano sa Panahon ng Kagipitan

Ikasampung aytem, mga plano sa panahon ng kagipitan. Ang mga plano sa panahon ng kagipitan ay tumutugon sa mga espesyal na isyu na lumilitaw sa alinmang parte ng gawain ng sambahayan ng Diyos. Hindi mahalaga kung ang mga problemang kailangang agarang lutasin ay lumilitaw sa gawain ng ebanghelyo, o sa gawaing administratibo, sa propesyonal na gawain, o kung may isang kasong pinangangasiwaan na may kinalaman sa mga anticristo o huwad na lider, o kung may espesyal na sitwasyon kung saan nakikilatis ang mga taong nalihis, ang lahat ng ito ay nabibilang sa kategorya ng mga plano sa panahon ng kagipitan. Halimbawa, kung may isang taong nagdudulot ng mga pagkagambala at kaguluhan, o kung ang isang anticristo ay nagiging di-makatwiran at diktatoryal at nagtatangkang magtatag ng sarili niyang kaharian, at iba pa, sa sandaling matuklasan ng sambahayan ng Diyos na karapat-dapat lumikha ng isang pagsasaayos ng gawain para sa partikular na pagpaplano tungkol sa isa sa mga sitwasyong ito, gagawa ito ng kaukulang nakasulat na pagbibigay-alam. Ang mga plano sa panahon ng kagipitan ay nakabatay sa mga sitwasyon ng kagipitan na nangyayari sa iglesia sa panahong iyon, at lumilikha ang Itaas ng mga partikular na pagsasaayos ng gawain ayon sa kalubhaan ng mga sitwasyon, at pagkatapos ay inilalatag at ipinagbibigay-alam ang mga ito. Ang partikular na plano ay maaaring nauugnay sa alinmang aytem ng gawain na dapat gawin ng mga lider at manggagawa, hangga’t ito ay isinasaayos ng Itaas at hinihingi ng Itaas na ipatupad ito ng mga lider at manggagawa, dapat itong ilatag at ipatupad ng mga lider at manggagawa alinsunod sa mga pagsasaayos ng gawain ng Itaas. Hindi sila dapat maging walang galang tungkol sa mga pagsasaayos ng gawain na ito. Kapag gumagawa ang Itaas ng mga ganitong uri ng pagsasaayos ng gawain, ang mga ito ay hindi mas mababa sa anumang gawaing administratibo o partikular na propesyonal na gawain. Bagama’t pansamantala lang ang mga pagsasaayos na ito ng gawain, dapat pa ring ilatag, ipagbigay-alam, at ipatupad, at subaybayan ng mga lider at manggagawa ang mga ito, at pagkatapos ay magbigay ng paliwanag at ulat sa Itaas—ito ang responsabilidad ng mga lider at manggagawa. Ang mga plano sa panahon ng kagipitan ay hindi nakatuon sa anumang partikular na aytem ng gawain, ibig sabihin, sa anumang oras, magtatalaga ang Itaas ng isang gampanin, gagawa ng kahingian, o magbibigay ng isang pagsasaayos ng gawain sa mga lider sa lahat ng antas at lugar, at hindi dapat balewalain ng mga lider at manggagawa ang ganitong uri ng gawain. Sapagkat ang mga ito ay mga pagsasaayos ng gawain, at inilalatag ang mga ito sa mga lider sa lahat ng antas at sa lahat ng lugar, ang mga ito ay gawain na saklaw ng mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa. Hindi dapat walang ginagawa ang mga lider at manggagawa o nagkaklasipika ng gawain batay sa saklaw nito, o kung ito ba ay gawain na nakatalaga sa kanila o hindi, o hindi sila dapat magbakasakali sa tono at pagkaapurahan ng Itaas sa mga pagsasaayos ng gawain para matukoy kung maagap bang ipapatupad ang mga ito. Hindi dapat mangyari ang mga gayong bagay. Sa halip, dapat isagawa ng mga lider at manggagawa ang gawain gaya ng ginagawa nila sa karaniwang gawain, at tapusin ito habang itinuturing ito na isang mahalagang gampanin at atas—ito ang responsabilidad ng mga lider at manggagawa. May mga plano sa panahon ng kagipitan sa mga espesyal na sitwasyon, at ito ay gawaing isinasagawa sa mga espesyal na konteksto. Kapag may mga partikular at espesyal na bagay na nangyayari, gagamitin ng Itaas ang mga konteksto at pangyayaring ito para himukin ang mga lider at manggagawa o ang mga kapatid na gamitin ang pagkakataong ito para kilatisin ang mga tao at bagay sa mas praktikal na paraan gamit ang katotohanan, para matuto kung paano malinaw na maunawaan ang mga tao at bagay, at magtamo ng mas malalim na pagkaunawa sa katotohanan. Ang layon ng paggawa nito ay para mabigyan ng kakayahan ang mga tao na makilatis ang mga huwad na lider at anticristo. Bukod dito, ginagawa ito para magkaroon ang mga kapatid ng tahimik, marapat, at walang gulong kapaligiran para sa kanilang buhay-iglesia. Sa kabilang banda, ginagawa ito para maagap na matuto ang mga tao ng iba’t ibang aral at makatanggap ng pagsasanay; matapos masanay nang isang beses sa ganitong paraan, magkakaroon ang mga tao ng napakalaking pag-usad sa kanilang buhay. Ito ay isang paraan kung paano sinasanay ng Itaas ang mga lider at manggagawa sa lahat ng antas at ang mga kapatid, lalo na ang mga kapatid na naghahangad sa katotohanan. Walang masamang hangad dito—hindi pinapahirapan ng Itaas ang mga tao, o ginagawang komplikado ang mga bagay sa walang dahilan. Bagama’t ang mga ito ay mga palano sa panahon ng kagipitan, na mga pansamantalang pagsasaayos ng gawain, may kabuluhan at halaga pa rin ang mga ito, at umaasa Ako na mauunawaan ito ng mga lider, manggagawa sa lahat ng antas at ng mga kapatid, at na haharapin nila ang mga ito nang tama.

Nakapaglista tayo ng 10 aytem ng mga pagsasaayos ng gawain sa kabuuan, at halos natapos na Ako sa pagbabahagi tungkol sa sampung aytem na ito ngayon. Hindi Ko gaanong naibahagi nang detalyado ang mga ito, pero sapat na ang naibahagi Ko para maunawaan at maarok ninyo kung ano nga ba ang mga pagsasaayos ng gawain at kung anong partikular na gawain ang ginagawa ng sambahayan ng Diyos. Sa kabilang banda, naipaunawa sa inyo kung ano nga ba mismo ang ginagawa ng Diyos sa iglesia at sa mga taong Kanyang hinirang sa pamamagitan ng mga partikular na aytem na ito. Ang gawain ng sambahayan ng Diyos ay hindi pakikilahok sa isang proyekto, o sa politika, o sa mga karapatang pantao, hindi rin ito pakikilahok sa anumang komersiyal na aktibidad; ang mga aytem ng gawain na ginagawa ng sambahayan ng Diyos ay iyong mga matatagpuan sa mga pagsasaayos ng gawain. At kaya naman, ang ilang naghaharing partido at institusyong panlipunan ay palaging nagsusubaybay, nagsasaliksik, at nag-iimbestiga kung ano ang nangyayari sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at marahil sa kanilang pagsusuri dito—sa pamamagitan ng panonood sa mga video at website ng sambahayan ng Diyos—nakumpira nila na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay isang totoong pananalig, at na wala itong kinalaman sa anumang politikal na aktibidad ng anumang bansa. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay dumanas ng matinding pang-aapi at pag-atake ng CCP sa loob ng maraming taon, subalit patuloy pa rin itong nangangaral ng ebanghelyo at nagpapatotoo sa Diyos, at nai-upload nito ang mga salita ng Diyos, ang katotohanan, at iba’t ibang uri video ng patotoo online, na nagdudulot ng napakalaki at maraming pakinabang sa lipunan ng tao, at ganap na pinatutunayan na palaging nagpapahayag ang Diyos ng katotohanan at nagliligtas sa sangkatauhan sa mga huling araw. Patuloy silang nagsasaliksik, at ano ba ang resultang nakukuha nila sa kanilang pagsasaliksik? Hindi ba’t lubha silang nadidismaya? Pinagninilay-nilayan pa nga nila kung anong instrumento ang maaari nilang mahanap para mabansagan na “kulto” ang ating iglesia, at matawag itong kontra-partido at kontra-estado. Pero ngayon, nakikita nila na hindi nila ito magagawa—batay sa mga pagsasaayos ng gawain na inilatag ng iglesia sa mga nagdaang taon, hindi nila maaaring bansagan ang iglesia nang ganito, at nauwi sa wala ang lahat ng pananaliksik nila. Katulad lang ito noong pinag-aralan ng mga Hudyo ang Panginoong Jesus noong mga panahong iyon. Pinag-aralan ng mga eskriba, Pariseo, at mataas na opisyal ng gobyerno ang mga sinabi at ginawa ng Panginoong Jesus, at natuklasan nila na wala Siyang ginawa na labag sa batas o politika, na ang lahat ng sinabi at ginawa ng Panginoong Jesus ay tama, ang katotohanan, at ganap na naaayon sa mga Kasulatan, at sa huli ay nabigo sila. Nakikita ng mundo ng relihiyon ngayon na gumagawa ang sambahayan ng Diyos ng mas marami pang pelikula at video ng patotoong batay sa karanasan, at lalo ring dumarami ang mga libro at pagbasa ng mga salita ng Diyos, at kaya, ano ang iniisip nila? Kung hindi nila makita na nagmumula sa Diyos ang lahat ng bagay na ito, talagang lubha silang hangal! Iyong nagmumula sa Diyos ay tiyak na uunlad—ito ang bunga ng gawain ng Banal na Espiritu, at walang sinuman ang makakapagtago nito. Lumaganap na sa buong mundo ang mga salita ng Diyos at nakalatag sa harap ng buong sangkatauhan ang mga katotohanang ipinapahayag Niya; ang pagpapakita at gawain ng Diyos ay patuloy na dumadaloy nang makapangyarihan, at walang bansa o puwersa ang makakakontra dito. Tuluyan nang napahiya at natalo ang malaking pulang dragon! Kahit pa gaano pa ito maaaring kondenahin ng mundo ng relihiyon, hindi nila kayang labanan ang gawain ng Diyos, at sa huli, maaari lamang silang itiwalag at matangay ng malakas na agos nito.

Natapos Ko nang ibahagi ngayon ang tungkol sa mga aytem ng mga pagsasaayos ng gawain. Hindi ba’t ang lahat ng naibahagi Ko ay ang gawain ng sambahayan ng Diyos? Ang gawaing ito ang nakikita ng inyong mga mata, ang naririnig ng inyong mga tainga, at ang personal ninyong nararanasan at pinahahalagahan—walang anumang lihim tungkol dito. Hawak ng malaking pulang dragon ang lahat ng pagsasaayos ng gawain ng iglesia sa mga nakalipas na taon—marami at komprehensibo ang mga pagsasaayos ng gawain na taglay nila. Araw-araw nilang pinag-aaralan ang mga ito, at patuloy nilang pinag-aaralan ang mga ito hanggang sa sa wakas ay umabot sila sa kongklusyong ito: “Kung patuloy na ipinalalaganap ng mga taong ito ang mga salita ng Diyos at magpapatotoo sa gawain ng Diyos sa ganitong paraan, malaking problema iyon! Kailangang lipulin ang lahat ng taong ito, at hindi sila dapat patawarin kahit pa tumakas sila sa ibang bansa.” Kita mo, ang mga diyablo ay hindi katulad ng mga ordinaryong tiwaling tao—kokontrahin nila ang Diyos hanggang sa wakas. Kapag nakikita ng mga ordinaryong tiwaling tao ang mga patotoo mula sa iglesia, nauunawaan nila ang mga ito, iniisip nila na makatwiran ang mga ito, at hindi sila magsasagawa ng anumang pag-uusig. Gayumpaman, hindi ganito si Satanas at ang mga diyablo. Kapag nakikita nila na sumusunod at nagpapatotoo ka sa Diyos, kamumuhian ka nila, gusto ka nilang patayin, at hindi ka nila pahihintulutang mabuhay. Kung hindi mo gagawin ang sinasabi nila at hindi mo sila sasambahin, hinding-hindi ka nila titigilan, at hindi ka nila hahayaang mabuhay. Tutugisin ka nila hanggang kamatayan saan ka man magpunta; kahit pa pumunta ka sa mga pinakadulo ng mundo, hindi ka nila lulubayan. Ito ang ginagawa ng malaking pulang dragon. Ito ang kabuktutan ni Satanas, at naiiba ito sa mga ordinaryong tiwaling tao. Dapat malinaw sa iyo ang puntong ito.

Paano Tumpak na Ipagbigay-alam at Ipatupad ang mga Pagsasaayos ng Gawain

I. Paano Ipagbigay-alam ang mga Pagsasaayos ng Gawain

Ang 10 aytem na ito ng mga pagsasaayos ng gawain ay ang saklaw sa lahat ng iba’t ibang gawain na ginagampanan ng Diyos sa iglesia at sa mga hinirang ng Diyos. Ang pag-unawa sa nilalaman at saklaw ng gawaing ito ay nakakatulong sa mga hinirang ng Diyos na pangasiwaan ang mga lider at manggagawa sa paggawa nang maayos sa gawaing ito. Sa isa pang banda, ito ay pangunahing tumutulong sa mga lider at manggagawa para maunawaan at maarok ang saklaw ng kanilang mga responsabilidad, at ang gawaing dapat nilang ginagawa at ang mga responsabilidad na dapat nilang tinutupad, at para magkaroon ng tumpak na depinisyon sa titulong “mga lider at manggagawa.” Ano ang mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa? Anong wangis ang dapat nilang isabuhay? Dapat ba silang maging katulad ng mga opisyal ng isang estado ng gobyerno? (Hindi.) Ang “mga lider at manggagawa” ay hindi isang opisyal na posisyon o titulo. Dapat maunawaan ng isang tao kung ano ang pagiging mga lider o manggagawa mula sa mga tungkuling ginagawa nila, at mula sa atas na ipinagkakatiwala ng Diyos sa kanila, at sa mga pamantayan na hinihingi Niya sa kanila. Sa ganitong paraan, magkakaroon ng kongkretong pag-unawa ang isang tao tungkol sa designasyon ng pagiging “mga lider at manggagawa,” at magiging mas malinaw sa kanya ang depinisyon ng mga lider at manggagawa. Anong mga responsabilidad ang dapat tuparin ng mga li at manggagawa sa pinakamababa? Dapat tumpak nilang ipagbigay-alam, ilatag, at ipatupad ang bawat pagsasaayos ng gawain ayon sa mga hinihingi ng sambahayan ng Diyos, tulad ng binanggit sa ikasiyam na aytem. Anuman ang aspektong nauugnay sa pagsasaayos ng gawain, basta’t ipinagbigay-alam ito sa pamamagitan ng mga lider at manggagawa, ang kailangan nilang gawin ay ipagbigay-alam ang pagsasaayos ng gawain sa mga iglesia nang walang pagkaantala at walang tigil, matapos silang magkaroon ng ganap na tumpak na pagkaunawa rito. Tungkol naman sa mga pinagbibigyang-alam ng mga pagsasaayos ng gawain, kung hinihingi ng sambahayan ng Diyos ipagbigay-alam ang pagsasaayos ng gawain sa lahat ng antas ng mga lider at manggagawa, kabilang na ang mga tao sa antas ng mga mangangaral, mga lider ng iglesia, at mga diyakono ng iglesia, kung gayon, dapat ipagbigay-alam ang mga ito hanggang sa umabot sa mga tao sa antas na ito, at iyon na iyon; kung kinakailangang ipagbigay-alam ang mga pagsasaayos ng gawain sa bawat kapatid, kailangang ipagbigay-alam ang mga ito sa bawat kapatid nang mahigpit na naaayon sa mga hinihingi ng sambahayan ng Diyos. Kung hindi madali sa sitwasyon na maipagbigay-alam ang mga pagsasaayos ng gawain sa nakasulat na paraan, at ang paggawa nito ay magdudulot ng mga panganib sa seguridad o mas malalaking problema, kung gayon, ang mahalaga at pangunahing nilalaman ng mga pagsasaayos ng gawain ay dapat tumpak na maipagbigay-alam sa bawat tao nang pasalita. Paano ito dapat gawin para masabing naipagbigay-alam na ang mga pagsasaayos ng gawain? Kung ipinagbibigay-alam ang mga ito nang nakasulat, kailangang makumpirma na natanggap ng lahat ang mga ito, na alam ng lahat ang mga ito, at na sineseryoso ng lahat ang mga ito; kung ipinagbibigay-alam ang mga ito nang pasalita, sa sandaling ipagbigay-alam ang mga ito, kailangang paulit-ulit na tanungin ang mga tao kung nauunawaan nila nang malinaw ang mga ito at kung naaalala nila ang mga ito, at maaaring hilingin sa kanila na sabihin paulit ang mga pagsasaayos ng gawain—sa ganitong paraan lamang maituturing na tunay na naipagbigay-alam ang mga pagsasaayos ng gawain. Kung kaya ng mga tao na sabihin paulit at malinaw na isalaysay kung ano ang mga hinihinging prinsipyo ng sambahayan ng Diyos, at kung ano ang partikular na nilalaman, pinatutunayan nito na naipagbigay-alam na sa kanilang isipan ang mga pagsasaayos ng gawain, na natatandaan nila ang mga ito, at nauunawaan nang malinaw ang mga ito. Saka maituturing na tunay na naipagbigay-alam ang mga pagsasaayos ng gawain. Kung ang mga kalagayan, kapaligiran at iba pang gayong salik ay pawang naaangkop sa pagbibigay-alam sa mga pagsasaayos ng gawain nang nakasulat, kung gayon, tiyak na dapat ipagbigay-alam ang mga ito nang nakasulat; kung ang mga ito ay hindi maaaring maipagbigay—alam nang nakasulat dahil hindi ito pinahihintulutan ng kapaligiran at sa halip ay dapat itong ipagbigay-alam nang pasalita, kung gayon, dapat makumpirma na ang ipinagbibigay-alam nang pasalita ay pareho sa mga pagsasaayos ng gawain, na ang mga ito ay hindi baluktot, at walang idinagdag na sariling pagkaunawa sa mga ito, at ang orihinal na teksto ang iniuugnay—sa ganitong paraan lamang maituturing na tunay at tumpak na naipagbigay-alam ang mga pagsasaayos ng gawain. Ang mga pagsasaayos ng gawain ay dapat ipagbigay-alam nang ganap na naaayon sa mga partikular na pagkakasulat ng mga ito; ang mga ito ay hindi dapat ipagbigay-alam sa paraang iresponsable o na may mga baluktot at kakatwang pagpapakahulugan batay sa sariling pag-unawa at mga imahinasyon ng mga tao. Pagdating sa tumpak na pagbibigay-alam tungkol sa mga pagsasaayos ng gawain, dapat maunawaan ng mga tao ang antas ng kahigpitan para sa pagbibigay-alam ng mga pagsasaayos ng gawain; ibig sabihin, ang pagbibigay-alam tungkol sa mga ito ay kailangang gawin nang tumpak. Sinasabi ng ilang tao, “Kailangan ba nating tumpak na ipagbigay-alam ang mga ito?” Hindi, hindi naman kinakailangan iyon. Ang katumpakan ay kinakailangan sa mga kagamitan; kung maipagbibigay-alam lamang ito nang tumpak ng mga tao, maayos na iyon. Halimbawa, patungkol sa buhay-iglesia, hinihingi ng mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos sa mga hinirang ng Diyos ka kumain at uminom ng mga salita ng Diyos sa pagkilala sa Diyos—madali bang ipagbigay-alam ito? (Oo.) Ang mga pagsasaayos ng gawain ay nagbibigay sa mga tao ng isang saklaw at maaari nilang basahin ang lahat ng nauugnay na salita ng Diyos. Gayumpaman, kung ang isang tao ay bibigyan ng maling pakahulugan ang mga pagsasaayos ng gawain, idadagdag ang sarili niyang pagkaunawa, mga kuru-kuro, at mga imahinasyon, at magbibigay-alam ng ilang karagdagang salita, hindi ba’t nangangahulugan ito na lumihis sila sa mga pagsasaayos ng gawain? Tumpak ba nilang ipinagbibigay-alam ang mga pagsasaayos ng gawain? (Hindi.) Ipinagbibigay-alam nila ang mga pagsasaayos ng gawain nang may mga sariling idinadagdag na pananaw—ito ay puro kahangalan. Dapat basahin ang bawat pagsasaayos ng gawain na nagmumula sa Itaas nang ilang beses upang malinawan sa tamang kahulugan nito, sa kahalagahan ng paglalatag ng pagsasaayos na ito ng gawain, at sa mga resultang nilalayon nitong makamit, at pagkatapos ay alamin ang wastong paraan ng pagsasagawa sa mga partikular na aytem ng gawain na isinaayos ng Itaas, iniiwasan ang anumang pagkakamali. Ang pagbibigay-alam tungkol sa pagsasaayos ng gawain pagkatapos mapagbahaginan at maunawaan ang mga bagay na ito ay ganap na tumpak. Ang unang kailangang gawin ay ang ipagbigay-alam ng mga lider at manggagawa sa mga pastoral na lugar ang mga pagsasaayos ng gawain sa lahat ng ibang antas ng mga lider at manggagawa, at sa huli, ipadala ang mga ito sa superbisor ng bawat grupo sa bawat iglesia. Pagkatapos, kailangang pagbahaginan nang ilang beses sa mga pagtitipon ang mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos upang maunawaan ng mga hinirang ng Diyos ang mga ito at matuto sila kung paano ito isagawa—sa pagkamit lamang ng ganitong resulta maituturing na naipagbigay-alam ang mga pagsasaayos ng gawain. Ang mga pagsasaayos ng gawain ay kailangang ipagbigay-alam ayon sa pamamaraan at saklaw na hinihingi ng sambahayan ng Diyos. Siyempre, ang nilalaman na ipinagbibigay-alam ay kailangang tumpak at walang pagkakamali. Hindi mo dapat basta-bastang bigyan ng maling pakahulugan ang mga ito at idagdag ang iyong sariling mga ideya—hindi ito tumpak na pagbibigay alam ng mga pagsasaayos ng gawain, at ito ay isang pagpapabaya sa iyong mga tungkulin bilang lider o manggagawa. Ganito dapat ang pagkaunawa sa tumpak na pagbibigay-alam at pagpapatupad ng mga pagsasaayos ng gawain.

Ano ang dapat gawin ng mga lider at manggagawa kung hindi pa rin sila sigurado kung paano tumpak na ipagbigay-alam ang mga pagsasaayos ng gawain? Mayroong napakasimple at madaling paraan para dito. Pagkatapos matanggap ng mga lider at manggagawa ang mga pagsasaayos ng gawain, dapat muna silang makipagbahaginan tungkol sa mga pagsasaayos ng gawain sa iba pang mga lider at manggagawa, tingnan kung ilang partikular na aytem ang hinihingi ng Itaas para sa mga pagsasaayos na ito ng gawain, at ilista ang mga ito nang paisa-isa. Pagkatapos, batay sa mga pagsasaayos na ito ng gawain, dapat nilang isaalang-alang ang aktuwal na sitwasyon ng lokal na iglesia, gaya ng mga kalagayan ng gawain ng ebanghelyo, ng iba’t ibang uri ng propesyonal na gawain, at ng buhay-iglesia, pati na ang kakayahan at mga kalagayan ng pamilya ng iba’t ibang uri ng tao, at iba pa, pinagsasama-sama ang lahat ng bagay na ito para makita kung paano ipapatupad ang mga pirasong ito ng gawain. Sa pamamagitan ng pagbabahaginan, kailangang humantong ang lahat ng lider at manggagawa sa isang magkapareho at tumpak na pagkaunawa sa mga pagsasaayos ng gawain, at magkaroon ng mga kaukulang pamamaraan sa pagbibigay-alam tungkol sa mga ito—sa ganitong paraan lamang tumpak na maipagbibigay-alam ang mga pagsasaayos ng gawain. Kung ang isang lider o manggagawa ay nakatatanggap ng mga pagsasaayos ng gawain, at, nang hindi nalalaman kung ano ang partikular na nilalaman ng mga ito, bulag lang na tinitipon ang mga kapatid at inilalatag at ipinagbibigay-alam ang mga pagsasaayos ng gawain, tama ba ito? Ang resulta nito ay na makalipas ang isa o dalawang buwan matapos maipagbigay-alam ang mga pagsasaayos ng gawain, natuklasan na may mga paglihis sa kung paano ipinatupad ang mga ito sa bawat iglesia, at nang masusing tingnan ng lider o manggagawa ang mga pagsasaayos ng gawain, saka lang nila natuklasan na may mga paglihis sa pagbibigay-alam tungkol sa mga pagsasaayos ng gawain. Kung maingat na binasa at ibinahagi ng lider o manggagawa na iyon ang mga pagsasaayos ng gawain noon pa lang, wala sanang problema, pero dahil saglit silang silang naging tamad at pabaya, nagdulot sila ng maraming pagkakamali at paglihis sa gawain ng iglesia, at pagkatapos, kinakailangan nilang itama ang mga ito. Nagdaragdag lang ito ng isang ganap na di-kinakailangang hakbang at sinasayang nito ang oras. Mas maigi sana kung deretso nilang pinagbahaginan nang malinaw ang mga pagsasaayos ng gawain at pagkatapos ay ipinagbigay-alam at ipinatupad ang mga ito isa-isa. Hindi ba’t isang pagkakamali kapag hindi nagawa nang maayos ang gawain? (Ganoon na nga.) Samakatwid, may mga hakbang para tumpak na ipagbigay-alam ang mga pagsasaayos ng gawain. Kailangang magkaroon muna ang mga lider at manggagawa ng tunay na pagkaarok at tumpak na pagkaunawa sa partikular na nilalaman ng mga pagsasaayos ng gawain, at pagkatapos, kailangan nilang magkaroon sa isipan ng mga partikular na plano sa pagpapatupad, pamamaraan ng pagpapatupad, at mga target na indibidwal para sa pagpapatupad—sa ganitong paraan lamang tumpak na maipagbibigay-alam ang mga pagsasaayos ng gawain. Tama ba na basta na lang bulag na maglatag at magbigay-alam ang mga lider at manggagawa ng mga pagsasaayos ng gawain kapag mayroon lang sila ng hindi kompletong pagkaunawa sa mga ito, na tila nakakaunawa lang sila sa mga ito, na ang mga ito ay malabo at hindi malinaw sa kanila, o kapag sadyang hindi nila nauunawaan ang mga partikular na hinihingi at nilalaman ng mga ito? (Hindi ito tama.) Magagampanan ba ng gayong mga lider at manggagawa nang maayos ang gawain? Malinaw na hindi. Kaya naman, sa mga sitwasyong hindi alam ng mga kapatid kung ano ang mga partikular na hinihinging pamantayan at prinsipyo sa mga pagsasaayos ng gawain, o kung paano mismo isakatuparan ang mga ito, ang mga lider at manggagawa ay magkakaroon na tumpak na pagkaunawa sa mga pagsasaayos ng gawain, pati na ng mga kongkretong plano at hakbang para sa pagpapatupad ng mga ito—sa ganitong paraan lamang maisasakatuparan ng mga lider at manggagawa ang unang hakbang, iyon ay ang pagbibigay-alam tungkol sa mga pagsasaayos ng gawain. Sa sandaling naipagbigay-alam ang mga pagsasaayos ng gawain, at tumpak na nauunawaan ng mga kapatid ang nilalaman ng mga pagsasaayos ng gawain, at mayroon silang kaunting kaalaman sa katuturan, halaga, at mga pamantayan ng paggawa ng sambahayan ng Diyos sa ganitong gawain, kung gayon, dapat agad na magbahaginan ang mga lider at manggagawa sa kung paano magtalaga ng mga tao at partikular na piraso ng mga gawain, at magbahaginan tungkol sa partikular na plano kung sino ang magpapatupad at magsasagawa ng gawaing ito—ito ang mga hakbang sa paggampan ng gawain. Ano ang palagay mo sa pagsusubaybay sa gawain sa ganitong paraan? Maituturing ba ito na masusing pagsusubaybay sa gawain? Ito ba ay agarang pagsusubaybay sa gawain? (Oo.)

II. Paano Magpatupad ng mga Pagsasaayos ng Gawain

Hindi ibig sabihin na sa sandaling makatanggap ang mga lider at manggagawa ng pagsasaayos ng gawain, kailangan lang nilang ipagbigay-alam at ilatag ito, at iyon na iyon. Maituturing ba na naipatupad ang pagsasaayos ng gawain sa sandaling malaman ng mga hinirang ng Diyos sa bawat iglesia na nailatag ito? Hindi ito tunay na pagsasakatuparan at pagpapatupad sa isang pagsasaayos ng gawain, hindi ito pagtupad sa kanilang mga responsabilidad, ni ang pamantayan na hinihingi ng Diyos sa huli. Ang pagbibigay-alam at paglatag ng isang pagsasaayos ng gawain ay hindi ang layon—ang pagpapatupad dito ang layon. Kung gayon, paano dapat partikular na ipatupad ang mga pagsasaayos ng gawain? Kailangang tipunin ng mga lider at manggagawa ang lahat ng kaugnay na mga superbisor at mga kapatid at makipagbahaginan sa kanila kung paano dapat gawin ang gawain, habang kasabay nito ay pumipili ng isang pangunahing superbisor at mga miyembro ng grupo para magsagawa sa gawain. Ang unang dapat gawin ng mga lider at manggagawa kapag nagpapatupad ng gawain ay pagbabahaginan—makipagbahaginan kung paano gawin ang gawain ayon sa mga prinsipyo at alinsunod sa pagsasaayos na ito ng gawain mula sa sambahayan ng Diyos, at kung paano ito gawin sa paraan na nangangahulugang ang pagsasaayos na ito ng gawain mula sa sambahayan ng Diyos ay ipinapatupad at isinasakatuparan. Habang nakikipagbahaginan, kailangang magmungkahi ang mga kapatid, lider, at manggagawa ng iba’t iang plano, at sa huli, pumili ng paraan, sistema, at mga hakbang na pinakaangkop at pinakanaaayon sa mga prinsipyo, pinagpapasyahan kung ano ang unang gagawin, at kung ano ang susunod na gagawin, upang makapagpatuloy ang gawain organisadong paraan. Kapag naunawaan na ito sa teorya, at wala nang mga paghihirap o imahinasyon ang mga tao, kapag hindi na sila makakaramdam anumang paglaban sa gawaing ito, at nauunawaan na nila ang kahulugan at layunin ng pagsasaayos na ito ng gawain ng sambahayan ng Diyos, hindi pa rin maituturing na naipatupad na ang gawain. Dapat ding pagpasyahan kung sino ang pinakaangkop at pinakahibasa sa gawaing ito, kung sino ang kayang pumasan sa responsabilidad ng gawaing ito, at kung sino ang may abilidad na tapusin ang gawaing ito. Kailangang piliin ang mga tao na aako ng gawaing ito, kailangang itakda ang plano ng pagpapatupad at huling araw na dapat itong tapusin, at kailangan ding ihanda at malinaw na isaad ang ibang bagay na kinakailangan para matapos ang gawain—saka pa lang maituturing na naipatupad na ang gawain. Siyempre, bago ang pagpapatupad, kinakailangan ding magsagawa ng partikular na pagbibigay-alam at makipagtalakayan sa mga taong responsable sa gawaing ito nang paisa-isa, tanungin kung nagawa na ba nila ang ganitong gawain dati at kung ano ang mga pananaw at kaisipan nila tungkol dito. Kung nagbibigay sila ng mga plano at kaisipan na naaayon sa mga prinsipyo, kung gayon, maaaring gamitin ang mga ito. Dagdag pa rito, sa pagpapatupad ng bawat gawain, kailangan ding maglaan ng atensiyon sa pagtuklas kung gaano karaming problema ang aktuwal na umiiral—hindi dapat kaligtaan ang hakbang na ito. Pagkatapos matuklasan ang mga problema, kailangang makapag-isip ng mga paraan para maagap na malutas ang mga problema, at pagkatapos lang na lubusang malutas ang lahat ng umiiral na problema masasabing tunay na naipatupad ang pagsasaayos ng gawain. Higit pa rito, hindi ba’t kailangan mo ring hanapin kung paano gawin ang gawaing ito nang naaayon sa mga hinihinging prinsipyo ng sambahayan ng Diyos? Dagdag pa rito, kung mayroon bang anumang hinihingi ang sambahayan ng Diyos tungkol sa itinakdang panahon para sa gawaing ito, kung kailan ito dapat matapos, kung mayroon bang anumang kongkretong kondisyon pagdating sa mga propesyonal na kasanayan, at iba pa, ay pawang mga paksa na dapat pagbahaginan ng mga lider at manggagawa kasama ang mga kaugnay na superbisor. Ito ang tinatawag na pagpapatupad. Ang pagpapatupad ay hindi natatapos sa pagbibigay-alam nang pasalita o sa teorya lamang, kundi, kabilang dito ang aktuwal na pag-usad ng kaugnay na gawain, pati na ang mga partikular na problema at paghihirap na kailangang malutas. Ang mga ito ay pawang mga bagay na dapat isaalang-alang ng mga lider at manggagawa kapag ipinapatupad ang pagsasaayos ng gawain kasama ang mga superbisor. Ibig sabihin, bago gampanan ang partikular na gawaing ito, ang mga lider at manggagawa ay dapat magsagawa ng ganitong uri ng pagbabahaginan, pagsusuri, at talakayan kasama ang mga superbisor—ito ang tinatawag na pagpapatupad. Ang pagpapatupad na ito ay ang responsabilidad ng mga lider at manggagawa, at ito ang dapat makamit ng mga lider at manggagawa. Ang magsagawa sa ganitong paraan ay ang gumampan ng tunay na gawain. Ipagpalagay natin na sinasani ng isang lider, “Ngayon, hindi ko rin alam kung paano gawin ang gawaing ito. Sa anumang kaso, ipinasa ko na ito sa iyo. Ipinagbigay-alam at inilatag ko na rin ang pagsasaayos ng gawain sa iyo, at nasabi ko na sa iyo ang lahat ng kaugnay na bagay rito. Kung marunong ka mang gumawa nito o hindi, kung paano mo ito gagawin, kung gagawin mo ba ito nang maayos o hindi, at kung gaano katagal mo itong magagawa, nasa sa iyo na ang lahat ng iyon. Wala nang kinalaman sa akin ang mga bagay na ito. Sa paggawa ko ng ganito karaming gawain, natupad ko ang responsabilidad ko.” Dapat ba itong sabihin ng mga lider at manggagawa? (Hindi.) Kung sasabihin ito ng isang lider, anong klaseng tao siya? Isa siyang huwad na lider. Sa tuwing may mga hinihingi ang Itaas at kinakailangang gampanan ang gawain alinsunod sa mga pagsasaayos ng gawain, ganap itong ipinapasa ng ganitong klase ng tao sa iba, sinasabing, “Ikaw na ang gumawa nito, hindi ako marunong. Tutal, naiintindihan mo naman lahat. Eksperto ka, karaniwang tao lang ako.” Isa itong “paboritong linya” na madalas sinasabi ng mga huwad na lider; nakakahanap sila ng palusot at pagkatapos ay tumatakas na sa responsabilidad.

Kung ibubuod, hindi responsable sa kanilang gawain ang mga huwad na lider. Hindi mahalaga kung mataas o mababa ang kakayahan nila, o kung kaya nila ang gawain, ang pangungahing bagay na hindi sila maasikaso at hindi nila isinasapuso ang gawain, at palagi silang pabaya. Ito ang mga pagpapamalas ng hindi pagiging responsable. Sabihin nating medyo kulang sa kakayahan at lalim ng karanasan ang isang lider o manggagawa, pero kaya niyang gumawa nang maasikaso at isapuso ang gawain niya. Bagama’t hindi gaanong maganda ang resultang nakakamit niya sa kanyang gawain, kahit papaano, isa siyang responsableng tao, ibinubuhos niya ang kanyang buong puso sa gawain niya, at ibinibigay ang lahat ng kanyang makakaya. Ang tanging dahilan na hindi niya nagagawa nang maayos ang gawain ay dahil medyo kulang siya sa kakayahan at mababa ang tayog niya. Kung magiging ganap siyang mahusay sa gawain niya matapos magsanay sa loob ng ilang panahon, kung gayon, dapat patuloy na linangin ang ganitong klaseng lider. Kung ang isang lider ay walang kahit katiting na konsensiya o katwiran, at kumakapit siya sa kanyang posisyon, at nagpapakasasa sa mga pakinabang ng katayuan, pero hindi man lang gumagawa ng tunay na gawain, kung gayon, siya ay tuwirang huwad na lider at dapat siyang tanggalin kaagad, at hindi na kailanman muling pahihintulutan na itaguyod o gamitin pa. Ang isang tunay na lider, isang responsableng lider, ay nagbubuhos ng lahat ng makakaya niya sa kanyang gawain—iniaalay niya ang isipan niya rito, nakakahanap siya ng iba’t ibang paraan para isakatuparan ang atas ng Diyos, at ginagawa niya ang pinakamalaking pagsisikap na magagawa niya—sa ganitong paraan, tinutupad niya ang kanyang mga responsabilidad. Habang ipinatutupad ang mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos, oobserbahan at susubaybayan din ng mga responsableng lider ang estado ng pagpapatupad. Kung lilitaw ang isang di-inaasahang sitwasyon, magagawa nilang gamitin ang mga hakbang at solusyon sa pagtugon, sa halip na tumakas at maghugas-kamay tungkol sa usapin. Ang pagpapatupad ng gawain sa ganitong paraan ay tinatawag na pagiging responsable. Kapag inilatag ang isang pagsasaayos ng gawain, dapat ituring ng mga lider at manggagawa ang gawaing iyon bilang ang pinakamahalagang gawain sa kasalukuyan at pangasiwaan ito; dapat nilang personal na subaybayan ito, maging responsable para dito mula umpisa hanggang katapusan, at bitiwan lang ang gawain kapag nasa tamang landas na ito at kapag marunong na ang mga lider ng bawat pangkat kung paano ito gampanan. Subalit pagkatapos itong bitiwan, kailangan pa ring maunawaan ng mga lider at manggagawa ang estado ng gawain at inspeksiyunin ito paminsan-minsan, sa ganitong paraan lamang matitiyak na maayos na nagagawa ang gawain. Ang mga lider at manggagawa na hindi umaalis sa kanilang posisyon, nagpupursige mula umpisa hanggang katapusan, naglalagay sa gawain sa tamang landas—ito ay tinatawag na paggawa ng tunay na gawain. Sa panahong ito, kailangan ding asikasuhin at suriin ng mga lider at manggagawa ang pag-usad ng iba pang aytem ng gawain. Anuman ang mga paghihirap o problemang lumilitaw sa gawain, dapat mabilis na pumunta ang mga lider at manggagawa sa lugar ng gawain para magbigay ng direksiyon at solusyon. Kailangang tutukan ng pangunahing lider ang pinakakritikal na gawain, at kasabay nito, kinakailangan din niyang subaybayan, unawain, inspeksyunin, at pangasiwaan ang iba pang gawain ng iglesia at tiyakan na ang lahat ng ito ay magpapatuloy nang normal. Pagdating sa pinakakritikal na gawain, kailangang personal na gumawa ang pangunahing lider sa lugar ng gawain at pamunuan ang gawaing ito, at lalo na pagdating sa mga kritikal na parte ng gawain, tiyak na hindi sila dapat umalis sa lugar ng gawain. Kung hindi sapat ang isang tao, dapat magsaayos ng isa pang tao na makakatuwang niya at mamamahala sa gawain—ito ay ang paggawa ng lahat ng makakaya at ang pagkakaisa nang may parehong layon na gawin nang maayos ang kritikal na gawain. Dahil ang sambahayan ng Diyos ay mayroong pinakakritikal na gawain sa bawat yugto at panahon, kung hindi magagawa nang maayos ng pangunahing lider ang kritikal na gawain, nangangahulugan ito na may problema sa kakayahan niya at kailangan siyang tanggalin. Ang pangunahing lider ay dapat mangasiwa sa pinakakritikal na gawain habang ang iba pang lider ay ganoon din para sa ordinaryong gawain; kailangang matutunan ng mga lider at manggagawa kung paano unahin ang gawain ayon sa kahalagahan at pagkaapurahan, at paano timbangin ang mga pakinabang at kawalan. Kung makabisado ng mga lider at manggagawa ang mga prinsipyong ito, kung gayon, sila ay mga lider at manggagawa na pasok sa pamantayan.

Karamihan sa mga lider at manggagawa sa sambahayan ng Diyos ay mga kabataan, baguhan sila, at nagsasanay silan na gumampan ng gawain, kaya ang pinakamahalagang bagay para sa kanila ay ang matutong kabisaduhin ang mga prinsipyo. Maaaring sinasabi ng ilan, “Hindi ba’t masyadong mataas ang mga hinihingi ng sambahayan ng Diyos sa mga lider at manggagawa?” Hindi naman talaga, sa totoo lang. Paanong naging mataas na hinihingi ang humiling sa mga tao na kabisaduhin ang mga prinsipyo? Paano magagampanan nang maayos ng isang tao ang gawain ng iglesia kung hindi niya makakabisado ang mga prinsipyo? Paano magiging lider o manggagawa ang isang tao kung wala siyang mga prinsipyo sa pangangasiwa ng mga usapin? Ang pagkabisado sa mga prinsipyo ay isang hinihingi para sa mga lider at manggagawa, hindi para sa mga ordinaryong tao; kung hindi makabisado ng isang tao ang mga prinsipyo, hindi niya magagawa nang maayos ang gawain. Ang mga taong masyadong kulang sa kakayahan ay hindi nakakatugon sa mga prinsipyo, hindi sila lilinangin ng sambahayan ng Diyos, at hindi rin sila kalipikado na maging lider. Palaging nararamdaman ng ilang tao na mahirap maging lider, at may dalawang dahilan para dito: Una, hindi nila nauunawaan ang katotohanan kahit kaunti at hindi nila kayang gamitin ang katotohanan para lutasin ang mga problema; ang isa pang dahilan ay na wala silang kakayahan, hindi nila alam kung ano ang ibig sabihin ng paggawa ng gawain, hindi nila maipaliwanag nang malinaw ang mga prinsipyo at landas ng pagsasagawa ng gawain, at ni hindi nila kayang magsalita ng mga doktrina nang malinaw. Ang mga taong tulad nito ay hindi angkop na maging lider. Sabihin nating masyadong mahina ang kakayahan ng isang tao, hindi siya marunong gumawa ng gawain, at ni hindi siya mahusay sa paggawa ng tungkulin niya—ibig sabihin, umaabot ng ilang araw para sa kanila na gawin ang isang trabaho na dapat isang araw lang matatapos, at anim na buwan na gawin ang isang trabaho na dapat ay magawa nang isang buwan—ang gayong mga tao ay walang silbi, at wala silang kwenta. Ang mga taong may napakahinang kakayahan ay hindi kayang gumawa ng anumang tungkulin nang maayos. Kapwa patas at makatwiran na may ganito Akong mga hinihingi sa mga tao, at ang mga ito ay mga bagay na kayang makamit ng mga lider at manggagawa. Pakiramdam ng ilang tao na masyadong mataas ang mga hinihingi ng sambahayan ng Diyos—ipinapakita nito na masyadong mahina ang kakayahan nila, na hindi sila kalipikado na maging lider at manggagawa, at na dapat silang managot at magbitiw. Hindi nila kayang umako ng mga responsabilidad ng isang lider o manggagawa, at hindi sila angkop sa ganitong posisyon, kaya, kahit na lider sila, sila ay isang huwad na lider. Kung hindi nila kayang gawin nang maayos ang kahit isang gawain, paano pa nila maaasikaso ang iba pang gawain nang sabay-sabay? Karapat-dapat bang maging lider o manggagawa ang mga taong may napakahinang kakayahan? Kung hindi man lang sila kasinghusay ng isang asong-bantay, hindi sila karapat-dapat na tawaging tao. Kapag nagbabantay ang aso sa isang bahay, hindi lang nito binabantayan ang harap at likod na bakuran, at ang taniman ng gulay, kundi kaya pa nitong bantayan ang mga manok, gansa, at tupa ng tahanan. Kapag may nakita itong isang estrangherong papalapit, tumatahol ito—hindi nito hahayaang makapasok ang sinuman sa bakuran at alam nito kung kailan kailangang balaan ang may-ari sa paglapit ng estranghero. Maging ang isipan ng isang aso ay hindi simple. Kung masyadong mahina ang kakayahan ng isang tao at hindi man lang maikumpara sa isang aso, hindi ba’t walang silbi ang ganoong uri ng tao? Ang ilang tao ay mahilig maglibang at ayaw magtrabaho, matakaw at tamad sila, at gusto lang nilang maging palamunin sa sambahayan ng Diyos nang walang anumang ginagawa—hindi ba’t sila ay mga linta? Sa pamamagitan ng paghingi sa mga lider at manggagawa na pangasiwaan ang mga bagay-bagay nang may mga prinsipyo, nililinang at sinasanay sila ng sambahayan ng Diyos na maisagawa ang katotohanan at makapasok sa realidad sa paggampan sa kanilang mga tungkulin. Nagagawa ng ilang lider at manggagawa na hangarin ang katotohanan at magpasakop sa mga pagsasaayos ng sambahayan ng Diyos—ang mga taong ito ay pawang pinagpapala ng Diyos. Ang mga mahilig maglibang at ayaw magtrabaho, at hindi gumagawa ng anumang tunay na bagay ay kailangang itiwalag. Ang lahat ng walang silbing tao na nag-iimbot ng kaginhawahan, na natatakot sa paghihirap at pagkapagal, na palaging nagrereklamo tungkol sa mga paghihirap at suliranin at hindi kayang magtiis ng paghihirap kahit kaunti ay kailangang itiwalag—walang ni isa ang maaaring manatili! Kung, sa pagsisimula ng mga lider at manggagawa sa kanilang gawain, ay nahaharap sila sa iba’t ibang suliranin, dapat nilang hanapin ang pinagmulan ng problema at pagkatapos ay alisin ang mga taong naghahanap ng gulo na nakakasagabal at di-makatwirang—ang mga balakid at sagabal na iyon. Kapag ang mga natitira ay pawang mga taong tumatanggap sa katotohanan, sumusunod, at nagpapasakop, higit na mas magiging madali silang pamunuan. Kapag gumagawa ang mga lider at manggagawa, dapat muna silang malinaw na makipagbahaginan tungkol sa katotohanan upang magkaroon ang mga tao ng daan pasulong pagkatapos silang marinig. Hindi sila dapat magsalita ng mga doktrina, bumigkas ng mga islogan, at lalong hindi nila dapat pilitin ang mga tao na makinig at sumunod sa kanila at magsagawa. Kung malinaw na nagbabahagi ang mga lider at manggagawa tungkol sa katotohanan, karamihan sa mga tao ay magiging handang isagawa ito. Nakakabahala kung hindi malinaw at tiyak na ipinaliliwanag ng mga lider at manggagawa ang mga bagay-bagay subalit patuloy na hinihiling sa mga kapatid na magsagawa, at hindi marunong magsagawa ang mga kapatid at hindi nila mahanap ang landas ng pagsasagawa—maaapektuhan nito ang mga resulta ng gawain. Hangga’t malinaw na naipapaliwanag ng mga lider at manggagawa ang mga katotohanang prinsipyo na kaugnay sa bawat partikular na uri ng gawain, karamihan sa mga tao ay magiging maunawain at makatwiran, at magiging handa silang makipagtulungan. Lahat ay handang makinig sa isang tao kung ang sinasabi nito ay tama, naaayon sa katotohanan, at kapaki-pakinabang sa gawain ng iglesia at sa buhay pagpasok ng mga kapatid. Gayumpaman, may pagkakataon na puro salita at doktrina lang ang sinasabi ng ilang lider at manggagawa, at kapag may nagtatanong sa kanila tungkol sa partikular na landas ng pagsasagawa, hindi nila ito maipaliwanag, at sa halip, nagsasalita sila ng magagarbong doktrina at bumibigkas ng ilang islogan, at pagkatapos ay pinapaalis na ang taong iyon. Hindi kumbinsido ang taong iyon at iniisip nito, “Hinihiling mo sa akin na isagawa ito pero hindi mo naman ito malinaw na naipaliwanag—paano ko ito maisasagawa kung gayon? Wala akong landas na puwedeng sundin! Tinanong kita dahil hindi ko naiintindihan, pero lumalabas na hindi mo rin pala naiintindihan, at marunong ka lang magsalita ng mga doktrina at bumigkas ng mga islogan. Hindi ka mas magaling kaysa sa akin. Bakit kita susundin? Ang sinusunod ko ay ang katotohanan, hindi ang pagsasalita mo ng mga doktrina at pagbibigkas ng mga islogan!” Nangyayari ang ganitong uri ng sitwasyon. Kung maiiwasan ng mga lider at manggagawa ang pagsasalita ng mga hungkag na doktrina, kung makakapagsalita sila nang totohanan, at malinaw na makakapagbahagi sa mga prinsipyo at landas ng pagsasagawa, kung gayon, magiging handa ang karamihan sa mga tao na sumunod. Samakatwid, ang gawain ng iglesia ay talagang madaling gawin; hangga’t taimtim na naipapatupad ng mga lider at manggagawa ang mga pagsasaayos ng gawain, napanghahawakan ang kanilang mga tungkulin sa gawain, at nakakalahok sa partikular na gawain, tiyak na magagawa nila nang maayos ang gawain. Ang nakakabahala ay kung ang mga lider, manggagawa, at superbisor ay iresponsable at umaastang nakatataas, na marunong lang magsalita ng mga doktrina at bumigkas ng mga islogan, at hindi nakikilahok sa partikular na gawain sa mismong lugar—kung gayon, siguradong magkakaroon ng mga problema sa gawain. Ito ay dahil ang mga nasa ibaba ay hindi malinaw na makaunawa sa mga ganitong uri ng bagay, kailangan nila ng isang taong magtuturo sa kanila sa daan, kailangan nila ng isang sandigan, kailangan nila ng isang tao na personal na mamumuno sa kanila at magsasabi sa kanila kung ano ang gagawin, kailangan nila ng isang taong mangangasiwa at mag-iinspeksiyon, kung hindi, hindi maipapatupad ang gawain. Kung inaasahan mo na puwede kang basta na lang bumigkas ng ilang doktrina at islogan mula sa iyong posisyon, at pagkatapos ay kikilos ang mga tao sa ibaba at gagawin ang sinasabi mo, mangarap ka lang. Ang mga tao sa ibaba ay parang mga makina: Kung walang magpapagana sa kanila, hindi sila kikilos. Kung ang mga naglilingkod bilang lider at manggagawa ay hindi man lang malinaw na makaunawa sa bagay na ito, kung gayon, lubha rin silang walang kabatiran! Kapag gumagawa ang mga huwad na lider, hindi sila malinaw na makaunawa sa anumang bagay. Hindi nila alam kung anong gawain ang kritikal at kung ano ang gawain ng pangkalahatang usapin, hindi rin nila magawang unahin ang mga gampanin ayon sa kahalagahan at pagkaapurahan. Anuman ang gawin nila, wala silang mga prinsipyo, hindi nila maipaliwanag nang malinaw ang landas ng pagsasagawa, at nagsasalita lang sila ng mga doktrina at bumibigkas ng mga islogan, nagsasabi lang ng ilang hindi praktikal na bagay. Dahil dito, wala silang magawang anumang gawain at maaari lamang silang itiwalag. Ang mga lider at manggagawa ay kailangang matutong magsaayos at magpatupad ng gawain, at kailangan nilang matutong mag-inspeksiyon at mamuno sa gawain, at personal na lumutas ng mga problemang lumilitaw. Tanging ang mga lider at manggagawang tulad nito ang makakagawa ng tunay na gawain at ganap na makakapagkumbinsi sa mga tao. Kung ang isang lider ay hindi kayang mamuno sa gawain o tumuklas at lumutas ng mga problema, at kung nagagawa lang nilang patuloy na sermunan at punugsan ang iba, at sinisisi nila ang iba kapag sila mismo ang pumapalpak, kung gayon, ito ay pagiging walang kakayahan lider. Ang gayong lider ay walang silbi, isa siyang huwad na lider, at dapat siyang itiwalag. Kung hindi ka marunong gumawa ng partikular na gawain, kahit papaano, kailangan mong maghanap ng dalawang angkop na tao na aastang mga katuwang mo para tulungan kang gawin nang maayos ang partikular na gawaing ito, at kailangan mo munang pangasiwaan at alisin ang mga nakahahadlang na tao na lumilikha ng mga kaguluhan. Hindi ba’t ito ang paraan ng paglikha ng mga paborableng kondisyon para magawa nang maayos ang gawaing ito? Kung agad mong itinataguyod ang mga taong nahahanap mo na kayang gumawa ng tunay na bagay, at agad mong pinangangasiwaan at pinapaalis ang mga nagsasanhi ng mga kaguluhan at pagkagambala, kung gayon, mas lalong magiging kakaunti ang mga suliranin kapag patuloy mong ginagawa ang gawaing ito. Ang mga lider na lubhang kulang sa kakayahan ay hindi nakakapaggawa nang ganito. Natatakot silang makasakit ng damdamin ng iba, at kapag nakakita sila ng isang masamang tao na paulit-ulit na nagsasanhi ng mga kaguluhan at pagkagambala, hindi nila pinangangasiwaan ang mga ito. Hindi rin nila matukoy kung sino ang may kakayahang gumawa ng tunay na bagay, at hindi nila alam kung sino ang nararapat na itaguyod para mangasiwa sa gawain. Ang mga lider na gaya nito ay bulag at wala silang kakayahang gumampan ng gawain nila. Kung hindi nauunawaan ng mga lider at manggagawa ang katotohanan o ang mga propesyonal na kasanayan, hindi nila magagawa nang maayos ang gawain nila, kaya, dapat madalas magsanay ang mga lider at manggagawa sa paggawa ng tunay na gawain. Basta’t nakakabisado nila ang mga prinsipyo, alam kung paano unahin ang mga gampanin batay sa kahalagahan at pagkaapurahan, at marunong timbangin ang mga pakinabang at kawalan, kung gayon, magagawa nila nang maayos ang kanilang gawain at sila ay magiging mga lider at manggagawa na pasok sa pamantayan.

Ngayong naibahagi Ko ang tungkol sa nilalaman ng tumpak na pagbibigay-alam, paglalatag, at pagpapatupad ng mga pagsasaayos ng gawain alinsunod sa mga hinihingi ng sambahayan ng Diyos, kayong mga lider at manggagawa ay mayroon na ba ngayong pangunahing pagkaunawa sa kung paano harapin at ipatupad ang mga pagsasaayos ng gawain? At mayroon na ba kayo ngayong tiyak na pagkaunawa sa mga responsabilidad at obligasyong dapat ninyong tuparin kapag nagpapatupad ng mga pagsasaayos ng gawain? (Oo.) Ngayon na mayroon na kayong tiyak na pagkaunawa, dapat mong isaalang-alang kung ano ang dapat mong gawin at hanggang saan mo ito kayang gawin, at pagkatapos, dapat magawa mong husgahan kung taglay mo ba o hindi ang kakayahan na maging lider o manggagawa, at kung kaya mo ba ang gawain ng isang lider o manggagawa. Tungkol naman sa ilang lider at manggagawa na may mahinang kakayahan at hindi gumagawa ng tunay na gawain—ibig sabihin, iyong mga tinatawag nating mga huwad na lider—kapag naunawaan na nila ang partikular na nilalaman ng ikasiyam na responsabilidad ng mga lider at manggagawa, ano ang dapat nilang gawin? May ilan na nagsasabi, “Hindi ko talaga naunawaan ang mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa noon, at nang maging lider na ako, umasa lang ako sa aking mga kuru-kuro at imahinasyon sa paggawa ng ilang gawain para lang magmukhang may ginagawa, at inakala ko na dahil masigasig ako at handang magtiis ng paghihirap, marahil ay isa akong lider na pasok sa pamantayan. Natigilan ako matapos makinig sa pagbabahagi ng Diyos sa ganitong paraan. Lumalabas na isa pala akong huwad na lider, at hindi ko kayang gumawa ng tunay na gawain. Ni wala akong kakayahan sa pagpapatupad ng kahit isang partikular na pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos. Akala ko noon na ang pagbabasa ng isang pagsasaayos ng gawain nang ilang beses, pagpasa nito sa lahat, at paghihimok at pangangasiwa sa mga tao sa ibaba habang ginagawa nila ito, ay nangangahulugan na ipinapatupad ko ang pagsasaayos na iyon ng gawain. Pagkaraan ng ilang panahon, natuklasan ko hindi nagawang maayos ang gawain at na maraming partikular na trabaho ang nakaligtaan, at noon ko lang napagtanto na talagang kulang ang kakayahan ko, at hindi ako bagay na maging lider.” Kaya, ano ang dapat gawin ng isang taong gaya nito? Ayos lang ba kung isinuko niya ang gawain niya? (Hindi.) Kung gayon, may paraan ba para lutasin ang problemang ito? O hindi na ba ito malulutas? (Hindi, malulutas pa ito. Dapat pagsikapan ng mga taong iyon na mas maging mahusay alinsunod sa mga hinihingi ng Diyos.) Ito ay isang positibo at aktibong perspektiba; ito ay napakagandang perspektiba. Dapat nilang pagsikapan na maging mas mahusay alinsunod sa mga hinihingi ng Diyos, manalig at umasa sa Diyos, at hindi maging negatibo, o isuko ang gawain nila—ito ang isang solusyon. Magandang solusyon ba ito? (Oo.) Pero ito ba ang nag-iisang solusyon? (Hindi, hindi lang ito. Kung masyadong mahina ang kakayahan nila at hindi talaga nila kayang gumawa ng anumang aktuwal na gawain, kung gayon, pweed silang managot dito at magbitiw sa kanilang posisyon.) Ito ang pangalawang solusyon. Kung sinubukan na nila dati, at pakiramdam nila ay hindi nila kayang gawin ang gawain ng isang lider—ibig sabihin, kung napakahirap nito at masyadong nakakapagod para sa kanila, at lubha silang nababalisa tungkol dito at hindi makatulog nang maayos, at araw-araw ay para bang may bundok na nakapatong sa kanila na hindi nila maiangat ang kanilang ulo o makahinga, at nararamdaman pa nila na mabigat ang kanilang mga binti hakbang naglalakad—at pagkatapos makinig sa mga partikular na hinihinging ito, mas lalo nilang nararamdaman na napakahina ng kanilang kakayahan at na sadyang hindi nila kayang gawin ang gawain, ano ang dapat nilang gawin? May isang bagay silang magagawa, at iyon ay ang magbitiw kaagad. Kung hindi nila kayang gumawa ng tunay na gawain, hindi sila dapat makaapekto sa gawain ng sambahayan ng Diyos—ito ang katwiran na dapat nilang taglayin. Hindi nila dapat bulag na pilitin ang kanilang sarili nang lampas sa kanilang mga limitasyon, igiit na magtangkang gumawa ng isang bagay na lampas pa sa kanilang mga abilidad, o gumawa ng mga kahangalan. Ang mga taong umiiwas na gawin ang mga bagay na ito ang mga tanging nagtataglay ng katwiran. Ang mga taong may katwiran ay may kamalayan sa sarili; malinaw sa kanila ang sarili nilang kakayahan, at alam nila ang sarili nilang mga pagkukulang. Kapag malinaw sa mga tao ang sarili nilang kapasidad, saka lang nila tumpak na mauunawaan kung ano ang kaya nilang gawin, ano ang hindi nila kaya, at kung ano ang pinakaangkop na bagay para sa kanila na gawin. Bakit kailangang malaman ng mga tao ang sarili nilang kakayahan? Nakakatulong ito sa kanila na matiyak kung anong tungkulin ang dapat nilang gawin, at nakakatulong din sa kanila na magawa nang maayos ang tungkuling iyon. Kung nasuri mo na ang iyong sarili at nakita mo na ganito lang ang kakayahan mo at alam mong hindi mo kayang gawin ang gawain ng isang lider, hindi mo na kailangang suriing muli ang sarili mo at patunayan itong muli. Dapat kang magbitiw kaagad—huwag kang manatili sa posisyon mo at tumangging bumaba; huwag mong hayaang makaapekto ka at makapagsanhi ng mga pag-antala sa ibang tao habang hindi ka nakakagampan ng partikular na gawain. Hindi ba’t isang daan pasulong ang pagbibitiw? Nakalatag sa harap mo ang dalawang landas na ito, at maaari kang pumili ng isa; hindi ka kulang ng daan pasulong, at hindi lang iisa ang landas. Maaari kang gumawa ng mga praktikal at tumpak na paghusga tungkol sa aktuwal mong sitwasyon batay sa pagkaunawa mo sa sarili mo, at batay rin sa mga pagsusuri sa iyo na ginawa ng mga kapatid sa paligid mo na nakakakilala sa iyo, at pagkatapos ay gumawa ng tamang pasya. Hindi ka pahihirapan ng sambahayan ng Diyos. Ano ang palagay mo rito? (Mabuti ito.) May ilang tao na nagsasabi, “Gusto kong subukan ulit at magsumikap na pagbutihin pa. Sa tingin ko kaya ko ito. Hindi ko lang talaga gaanong binigyang-pansin ang paghahangad sa katotohanan noong mga nagdaang taon na iyon, at matapos akong maging lider, hindi ko par rin alam kung paano hanapin ang katotohanan at gumawa ako sa magulong paran. Inakala ko noon na napakadali lang na maging lider ng iglesia, na ang kailangan lang gawin ay mag-organisa ng mga tao para dumalo sa mga pagtitipon, mamuno sa pakikipagbahaginan tungkol sa katotohanan, maagap na lumutas ng mga problema kapag may lumitaw, at kaagad na magpatupad ng anumang pagsasaayos mula sa Itaas, at doon na natatapos ang lahat. Hindi ko talaga akalain na, pagkatapos kong maging lider sa loob ng ilang panahon, matutuklasan ko na napakaraming problema ang hindi ko kayang lutasin, na kapag tinanong ng Itaas ang tungkol sa gawain, hindi ko alam kung paano sumagot, at na kapag nagbanggit ang ilang hinirang ng Diyos ng mga tunay na isyu, hindi ako makapagbigay ng sagot. Sa mga lumipas na taon ng pananampalataya ng mga kapatid sa Diyos, lahat sila ay nakabasa sa mga salita ng Diyos at madalas nilang napakinggan ang mga sermon. Tiyak na nauunawaan nilang lahat ang ilang katotohanan at nagtataglay sila ng kaunting pagkilatis. Kung wala ang katotohanang realidad, talagang hindi ko sila madidiligan o matutustusan.” Ngayon ay malinaw na hindi ganoon kasimple na gampanan nang maayos ang numang uri ng partikular na gawain sa sambahayan ng Diyos. Sa isang banda, kailangang magtaglay ng kakayahan ang mga tao, samantalang sa kabilang banda, kailangan nilang magbuhat ng pasanin, at umunawa rin sa katotohanan—ang lahat ng bagay na ito ay ganap na kinakailangan. Hindi maaari na hindi hangarin ng isang tao ang katotohanan o na maging isang taong walang kakayahan, at hindi rin maaari na walang pagkatao at hindi magbuhat ng pasanin ang isang tao. Ang partikular na gawain ay nangangailangan ng partikular na pamamaraan, at hindi ito ganoon kasimple. Gayumpaman, may ilang tao na nananatiling hindi kumbinsido. Gusto pa rin nilang sumubok ulit, at humihiling sila na mabigyan ng isa pang pagkakataon—dapat bang bigyan ng isa pang pagkakataon ang mga taong gaya nito? Kung ang kakayahan nila sa gawain at ang kakayahan nila ay parehong katamtaman, pero kaya nilang gumampan ng partikular na gawain, at hindi sila pabaya, at nakatuon sila sa paglutas ng mga problema para magkamit ng mga resulta sa kanilang gawain, at kaya nilang sumunod at magpasakop sa anumang pagsasaayos na ginawa ng Itaas, at karaniwang ipatupad ang gawain alinsunod sa mga pagsasaayos ng gawain at hinihinging prinsipyo ng sambahayan ng Diyos, at bagama’t hindi nila ginawa nang maayos ang kanilang gawain noon dahil bata pa sila, hindi nauunawaan ang katotohanan, at may mababaw na pundasyon, sila ay mga tamang tao, dapat silang bigyan ng isa pang pagkakataon at patuloy na magsanay—huwag silang bulag na tanggalin. Hindi ganoon kadali ang maging lider o manggagawa, at hindi rin ganoon kadali ang maghalal ng isang lider o manggagawa. Ngayon, karamihan sa mga lider at manggagawa ay may kaunting pag-unawa tungkol sa kanilang mga responsabilidad, at kahit papaano, mas medyo magiging mahusay sila sa kanilang gawain kumpara sa dati—ito ay isang katunayan.

Ngayon na natapos Ko na ang pagbabahagi tungkol sa mga katotohanang prinsipyo kaugnay ng ikasiyam na responsabilidad ng mga lider at manggagawa—tumpak na ipagbigay-alam, iatas, at ipatupad ang iba’t ibang mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos alinsunod sa mga kinakailangan nito, magbigay ng patnubay, pangangasiwa, at panghihikayat, at siyasatin at subaybayan ang kalagayan ng pagpapatupad sa mga it—pawang masigla ang puso ninyo, mayroon kayong landas ng pagsasagawa. Hindi lamang ninyo natutupad ang inyong tungkulin ngayon at nagkakaroon ng buhay pagpasok, kundi dapat din kayong magkaroon ng kaunting kaalaman o pagkilatis sa mga lider at manggagawa, at kahit papaano, magkaroon ng kalinawan at pagkaunawa sa mga responsabilidad na dapat tuparin ng mga lider at manggagawa at sa gawain na dapat nilang gawin. Sa madaling salita, hindi nakakatulong at nakabubuti sa bawat isa sa mga hinirang ng Diyos ang kaalaman kung gumagawa ba ng tunay na gawain ang mga lider at manggagawa o hindi, at sa ganitong paraan, ang pag-unawa nila sa mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa ay hindi na magiging hungkag, kundi magiging mas kongkreto ito.

Abril 10, 2021

Sinundan: Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 6

Sumunod: Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 17

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito