Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 8
Ikawalong Aytem: Iulat at Hanapin Kaagad Kung Paano Lutasin ang mga Kalituhan at Paghihirap na Nararanasan sa Gawain (Ikalawang Bahagi)
Noong nakaraan, nagbahaginan tayo tungkol sa ikawalong aytem ng mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa: “Iulat at hanapin kaagad kung paano lutasin ang mga kalituhan at paghihirap na nararanasan sa gawain.” Bagama’t isang linya lang ang ikawalong aytem at karaniwang iisang bagay lang ang hinihingi mula sa mga lider at manggagawa pagdating sa mga responsabilidad nila, na napakasimple, nakipagtipon tayo para sa pakikipagbahaginan tungkol sa paksang ito. Anong mga aspekto ng paksang ito ang partikular na pinagbahaginan natin noong nakaraan? Anong mga pangunahing responsabilidad ng mga lider at manggagawa ang tinatalakay nito? (Na dapat silang magtipon-tipon at makipagbahaginan kapag nakakaranas sila ng mga kalituhan at paghihirap, at hanapin nila kaagad kung paano lutasin ang mga ito at iulat ang mga ito sa Itaas kung hindi sila makapagkamit ng kalinawan tungkol sa mga ito sa pamamagitan ng pakikipagbahaginan.) Ang mga pangunahing responsabilidad ng mga lider at manggagawa na tinatalakay ng aytem na ito ay ang pakikilahok sa gawain, at ang pagbabad sa sarili sa iba’t ibang aytem ng tunay na gawain, upang matuklasan ang iba’t ibang problemang nararanasan sa gawain, at maagap na malutas ang mga ito. Kung nasubukan na ang iba’t ibang pamamaraan, at hindi pa rin ganap na malutas ang problema, at umiiral pa rin ang mga ito at nagiging mga kalituhan at paghihirap, kung gayon, hindi dapat hayaan ng mga lider at manggagawa na maipon ang mga kalituhan at paghihirap na iyon o isantabi at balewalain ang mga ito, kundi sa halip, dapat silang mag-isip kaagad ng paraan para masolusyunan ang mga ito. Ang pinakamainam na paraan para masolusyunan ang mga ito ay, siyempre, ang maghanap at makipagbahaginan sa mga kapatid, pati na sa mga lider at manggagawa sa iba’t ibang antas, para masolusyonan ang mga problemang ito. Kung hindi masosolusyunan ang mga problemang ito, hindi dapat subukang gawin ng mga lider at manggagawa na tila maliliit lang ang malalaking isyu, at gawing tila hindi problema ang maliliit na isyung iyon, o basta na lang isantabi at balewalain ang mga ito. Sa halip, dapat nilang iulat kaagad ang mga ito sa Itaas at maghanap sila ng mga solusyon mula sa Itaas upang malutas ang mga ito. Sa ganitong paraan, makakausad nang maayos ang gawain, nang walang mga paghihirap at hadlang.
Dapat Iulat at Hanapin Kaagad ng mga Lider at Manggagawa Kung Paano Lutasin ang mga Kalituhan at Paghihirap na Nararanasan sa Gawain
I. Ang Depinisyon ng “Agaran”
Binabanggit sa ikawalong aytem ng mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa ang agarang pag-uulat ng mga kalituhan at paghihirap na nararanasan sa gawain—napakahalaga nito. Kung natuklasan ngayon ang isang problema, pero ang solusyon sa problemang iyon ay naantala nang walo o sampung araw, o maging nang anim na buwan o isang taon, kung gayon, matatawag pa ba iyon na “agaran”? (Hindi na.) Kung gayon, ano ang ibig sabihin ng “agaran”? (Nangangahulugan ito ng pangangasiwa sa problema kaagad, deretso, at ora mismo.) Hindi ba’t medyo mahigpit naman iyon? Kung gagamit tayo ng bokabularyo na may kaugnayan sa oras para ipaliwanag ito, nangangahulugan ang “agaran” ng paglutas sa problema kaagad, deretso, at ora mismo, pero kung titingnan ang literal na kahulugan ng mga salitang ito, hindi ito madaling makamit ng mga tao, at hindi rin ito makatotohanan. Kaya, paano natin dapat bigyang-depinisyon ang salitang “agaran” sa tumpak na paraan? Kung hindi naman malaki ang problema pero nagiging hadlang pa rin ito sa gawain, at kung kaya itong malutas sa loob ng ilang oras, dapat itong lutasin sa loob ng ilang oras—maituturing ba ito na “agaran”? (Oo.) Ipagpalagay na medyo komplikado at mahirap ang problema, at maaari itong malutas sa loob ng dalawa o tatlong araw, pero nagsisikap ang mga tao na hanapin ang katotohanan, maghanap ng karagdagan pang impormasyon, at nagpupunyaging lutasin ito sa loob ng isang araw—hindi ba’t magiging mas kapaki-pakinabang iyon sa gawain? Sabihin nang may isang problema na hindi kayang makilatis ngayon, at kinakailangan itong siyasatin at saliksikin, na tatagal nang ilang panahon. Ang partikular na problemang ito, sa pinakamatagal, ay aabot ng tatlong araw para malutas. Kung lalampas ito sa tatlong araw, magkakaroon ng hinala na sinasadyang ipagpaliban ang solusyon, at ibig sabihin nito ay nasasayang lang ang oras. Kaya, dapat iulat ang problema, hanapan ng solusyon, at lutasin sa loob ng tatlong araw. Ito ang ibig sabihin ng “agaran.” Kung ang paglutas ng problema ay nangangailangan ng maraming antas ng komunikasyon at pagsisiyasat, pati na ng pagkolekta ng impormasyon mula sa iba’t ibang antas, at iba pa—kung masyadong komplikado ang iba’t ibang proseso—hindi pa rin ito dapat tumagal nang isang buwan. Halimbawa, maaaring malutas ang problema sa loob ng isang linggo kung ang mga lider at manggagawa ay magmamadali, gagawa nang mas mabilis, at pipili at gagamit ng ilang naaangkop na tao, kung gayon, sa sitwasyong ito, nangangahulugan ang “agaran” na limitahan sa isang linggo ang taning ng paglutas sa problema. Ang lumampas ng isang linggo sa paglutas ng problema ay hindi na angkop—hindi iyon agaran. Ito ang taning para sa pangangasiwa sa gayong mga medyo komplikadong usapin. Saan nakabatay ang sukat ng oras na ito? Tinutukoy ito batay sa laki ng usapin at sa kabigatan nito. Gayumpaman, karamihan sa mga bagay gaya ng mga problemang may kinalaman sa mga propesyonal na kasanayan, o mga isyung gaya ng pagiging hindi malinaw sa mga tao ng mga prinsipyo, ay maaaring malutas gamit ang ilang pangungusap—gaano kahaba ang oras na dapat itaning sa paglutas ng mga problemang ito upang maituring ito na “agaran”? Kung tutukuyin nating “agaran” ang isang bagay batay sa laki ng usapin at kabigatan nito, kung gayon, maaaring malutas ang karamihan sa mga usapin sa loob ng kalahating araw, at kakaunti sa mga ito ang nangangailangan marahil ng mga isang linggo sa pinakamatagal; kung lilitaw ang isang panibagong problema, ibang usapin naman iyon. Samakatwid, kung bibigyang-depinisyon natin ang “agaran” bilang kaagad, deretso, at ora mismo, tila isa itong mahigpit na kahingian para sa mga tao kung ibabatay natin sa literal na kahulugan ng mga salitang ito, pero kung titingnan ang taning, karamihan sa mga usapin ay maaaring malutas sa loob ng kalahating araw o isang araw sa pinakamatagal kung mag-uulat at maghahanap kaagad ang mga tao kung paano lutasin ang mga ito. Mahirap ba ito kung oras ang pag-uusapan? (Hindi.) At dahil hindi ito mahirap sa aspekto ng oras, dapat madali para sa mga lider at manggagawa na tugunan ang kahingian na iulat at hanapin kaagad kung paano lutasin ang mga kalituhan at paghihirap na nararanasan sa gawain, at hindi dapat patuloy na umiiral at hindi nalulutas ang mga kalituhan at paghihirap na ito, at lalong hindi dapat hayaan na maipon ang mga itosa gawain sa loob ng mahabang panahon. Dapat malaman na ninyong lahat ngayon ang konsepto ng oras kaugnay ng “agaran”—ito ang isyu kung paano dapat kalkulahin ng mga lider at manggagawa ang mga sukat ng oras kapag pinapangasiwaan ang mga kalituhan at paghihirap na nararanasan sa gawain. Sa madaling sabi, ang pinakatumpak na depinisyon ng “agaran” ay ang kumilos nang mabilis hangga’t maaari—ibig sabihin, kung maaaring iulat, hanapan ng solusyon, at lutasin ang isang problema sa loob ng kalahating araw, iyon ang dapat gawin, at kung maaari itong lutasin sa loob ng isang araw, iyon din ang dapat gawin—at ang magsumikap na hindi magdulot ng anumang mga pagkaantala at na hindi mapabayaang maapektuhan ang gawain. Ito ang responsabilidad ng mga lider at manggagawa. Kapag may mga problema na nararanasan at natutuklasan sa gawain, dapat makipagbahaginan kaagad ang mga lider at manggagawa at lutasin ang mga ito. Kung hindi nila ito kayang lutasin, dapat nilang iulat ang mga ito at hanapin mula sa Itaas kung paano lutasin ang mga ito sa pinakamabilis na paraan, sa halip na isantabi, balewalain, at hindi seryosohin ang mga ito. Kapag may mga problemang lumitaw, dapat lutasin kaagad ng mga lider at manggagawa ang mga ito, sa halip na magpatumpik-tumpik, maghintay, o umasa sa iba—hindi dapat magpakita ng ganitong mga pagpapamalas ang mga lider at manggagawa.
II. Ang mga Kahihinatnan ng Hindi Paglutas Kaagad sa mga Problema
Ang pangunahing prinsipyo sa paglutas ng mga problema ay na dapat itong gawin kaagad. Bakit kailangan itong gawin kaagad? Kung maraming problema ang lilitaw at saka hindi agad malulutas ang mga ito, sa isang banda, malilito ang mga tao at hindi nila malalaman kung paano kikilos, at sa kabilang banda, kung patuloy na susulong ang mga tao batay sa isang maling pamamaraan, at sa kalaunan ay kailangan nilang gawing muli at ituwid ang gawaing nagawa nila, ano ang mga kahihinatnan kung gayon? Marami ang maaaksaya at magagamit na tauhan, mga pinansiyal at materyal na mapagkukunan—isa itong kawalan. Kapag may mga problemang lilitaw sa gawain, at bulag ang mga lider at manggagawa, at hindi nila matuklasan at malutas kaagad ang mga problemang ito, maraming tao ang magpapatuloy gumawa batay sa isang maling pamamaraan. Kapag natuklasan nga ng mga tao ang mga problemang ito at gusto nilang lutasin at ituwid ang mga ito, magdudulot na ng mga kawalan sa gawain ng iglesia ang mga isyung ito. Hindi ba’t masasayang lang ang lahat ng tauhan, at ang mga pinansiyal at materyal na mapagkukunan kung gayon? May kaugnayan ba sa pagitan ng gayong mga idinulot na kawalan at ng hindi agarang paglutas ng mga lider at manggagawa sa mga problema? (Oo.) Kung kaya ng mga lider at manggagawa na magsubaybay, mangasiwa, mag-inspeksiyon, at magbigay ng mga tagubilin para sa gawain, tiyak na magagawa nilang tuklasin at lutasin kaagad ang mga problema. Pero kung pabaya ang mga lider at manggagawa, at hindi sila magsusubaybay, mangangasiwa, mag-iinspeksiyon, at magbibigay ng mga tagubilin para sa gawain, at kung masyado silang pasibo sa aspektong ito, at maghihintay silang sobrang dumami na ang mga problema na tuluyan nang hindi makontrol ang mga isyu bago pa nila maisipang lutasin ang mga ito o iulat ang mga ito sa Itaas at maghanap ng mga solusyon mula sa Itaas, kung gayon, natupad ba ng gayong mga lider at manggagawa ang mga responsabilidad nila? (Hindi.) Ito ay isang malubhang pagpapabaya sa tungkulin; hindi lang sa hindi nalutas ng mga lider at manggagawa ang mga problema, kundi sa halip, nagdulot sila ng mga kawalan sa tauhan at mga materyal na mapagkukunan ng sambahayan ng Diyos, at lumilikha sila ng napakalaking balakid sa gawain ng iglesia. Dahil sa pagpapabaya ng mga lider at manggagawa sa tungkulin nila, dahil sa kanilang kawalang-ingat, pagiging manhid at mapurol ang isip, at dahil hindi nila magawang tuklasin at lutasin kaagad ang maraming problemang lumilitaw sa gawain, ni hindi kayang iulat kaagad ang mga ito sa Itaas at maghanap ng mga solusyon mula sa Itaas, maraming gampanin ang kailangang gawing muli at, pagkatapos magawang muli ang mga ito, maraming problema ang lumilitaw dahil wala silang abilidad na hanapin ang mga prinsipyo. Habang nagpapatuloy ang ganitong sitwasyon, lubhang naaantala ang petsa ng pagtatapos ng gawain, at ang isang trabaho na dapat isang buwan ang itinagal ng ay umaabot na ng tatlong buwan para matapos, at ang isang trabahong dapat tatlong buwan ang itinagal ay umaabot na ng walo o siyam na buwan para matapos—may direktang kinalaman ito sa hindi paggawa ng tunay na gawain ng mga lider at manggagawa. Dahil hindi umaako ng responsabilidad sa gawain nila ang mga lider at mananampalataya—ibig sabihin, hindi nila magawang hanapin at ituwid kaagad ang mga problema kapag lumilitaw ang mga ito—patuloy na nabibigong magtamo ng mga resulta at nananatiling paralisado ang iba’t ibang aytem ng gawain. At sino ang direktang responsable sa problemang ito? (Ang mga lider at manggagawa.) Samakatwid, napakahalaga para sa mga lider at manggagawa na gumawa ng tunay na gawain, at napakahalaga rin para sa kanila na makatuklas ng mga problema habang gumagawa sila ng tunay na gawain. Minsan, matutuklasan ng mga lider at manggagawa ang mga problema pero hindi nila alam kung paano lutasin ang mga ito, pero nagagawa nilang iulat kaagad ang mga ito sa Itaas at maghanap ng mga solusyon mula sa Itaas para lutasin ang mga ito, na higit na mas mahalaga. Iniisip ng maraming lider at manggagawa, “May sarili kaming mga paraan ng paggawa. Kailangan lang sabihin sa amin ng Itaas ang mga prinsipyo, at kami na mismo ang gagawa sa natitirang tunay na gawain. Kung mahaharap kami sa anumang mga paghihirap, sapat na para sa amin ang makipagbahaginan at magdasal lang nang sama-sama dito sa ibaba.” Tungkol naman sa kalakasan ng paglutas ng mga problema, o kung masusi o epektibo ang mga solusyon nila, pareho silang walang anumang pakialam o hindi nagtatanong tungkol sa mga bagay na ito. Ito ang uri ng iresponsableng saloobin na kinikimkim nila kapag gumagawa sila, at sa huli, nangangahulugan ito na ang lahat ng aytem ng gawain sa iglesia ay hindi makakausad nang maayos, at naglalaman ng malulubhang problema na hindi nalulutas. Ito ang kahihinatnang dulot ng sobrang mahinang kakayahan ng mga lider at manggagawa, o ng hindi nila pag-ako ng responsabilidad at hindi paggawa ng tunay na gawain.
Paghihimay sa Ilang Uri ng Huwad na Lider Batay sa Ikawalong Responsabilidad
I. Mga Huwad na Lider na Huwad na Espirituwal
Noong nakaraan, nagbahaginan tayo tungkol sa kung ano ang mga kalituhan at paghihirap, at tinukoy natin ang ilang problema na dapat na iulat at hanapan kaagad ng mga solusyon. Sa pangkalahatan, may dalawang pangunahing uri ng mga problema. Ang unang uri ay ang mga problema sa gawain na lubos na hindi nakakatiyak ang mga tao o na hindi nila makilatis. Pagdating sa mga ganitong problema, masyadong nahihirapan ang mga tao na maarok ang mga prinsipyo. Bagama’t maaaring nauunawaan nila ang mga prinsipyo pagdating sa doktrina, hindi nila alam kung paano isagawa o gamitin ang mga ito. May kinalaman ang mga ganitong problema sa mga kalituhan. Ang pangalawang uri ng mga problema ay mga tunay na paghihirap at problema na hindi alam ng mga tao kung paano lutasin. Medyo mas seryoso ang ganitong uri ng problema kumpara sa mga kalituhan, at ang mga ito ay mga problemang dapat ding iulat at hanapan ng mga solusyon ng mga lider at manggagawa. Noong nakaraan, pangunahin nating pinagbahaginan na responsabilidad ng mga lider at manggagawa na iulat at hanapin kung paano lutasin ang mga problemang nararanasan sa gawain, at nagbahaginan tayo mula sa positibong perspektiba tungkol sa ilang bagay na dapat gawin at bigyang-pansin ng mga lider at manggagawa. Ngayon, hihimayin natin kung anong mga pagpapamalas ang taglay ng mga huwad na lider kaugnay sa ikawalong aytem, at kung ginagawa ba nila o hindi ang gawain na dapat gawin ng mga lider at kung tinutupad ba nila o hindi ang mga responsabilidad na dapat tuparin ng mga lider. Pagdating sa paglutas ng mga problemang nararanasan sa gawain, tiyak na hindi mahusay ang mga huwad na lider sa aspektong ito; nabibigo silang gawin ang aspektong ito ng gawain at nabibigo silang tuparin ang responsabilidad na ito. May isang uri ng huwad na lider na nagkikimkim ng isang kuru-kuro kapag gumagawa, iniisip, “Hindi ako nakikisali sa mga pormalidad na iyon kapag gumagawa ako, ni binibigyang-pansin ang anumang bagay tulad ng kaalaman, pagkatuto, mga kasanayan, o dogma. Sinisiguro ko lang na malinaw kong ibinabahagi ang tungkol sa katotohanan ng mga salita ng Diyos sa mga pagtitipon, at sapat na iyon. Nagdaraos ako ng dalawang pagtitipon kada linggo para sa maliliit na grupo, nagdaraos ako ng isang pagtitipon kada dalawang linggo para sa mga lider at manggagawa, at kada buwan, nagdaraos ako ng isang malaking pagtitipon para sa lahat ng kapatid. Sapat nang inoorganisa ko nang maayos ang lahat ng ganitong klase ng mga pagtitipon.” Ito ang batayan at pamamaraan nila sa paggawa ng gawain. Ang ganitong uri ng lider at manggagawa ay patuloy lang na nagsasanay sa pangangaral ng mga sermon, at nagsisikap sila nang husto sa pagsasangkap sa sarili nila ng mga salita at doktrina—naghahanda sila ng mga balangkas, nilalaman, halimbawa, at katotohanang ibabahagi para sa bawat pagtitipon, at naghahanda rin sila ng ilang plano para sa paglutas ng ilang kalagayan at problema ng mga tao. Iniisip nila na bilang isang lider o manggagawa, kailangan lang nilang mangaral nang maayos, at pagkatapos ay natupad na nila ang mga responsabilidad nila. Iniisip nila na hindi nila kailangang mag-alala tungkol sa ibang mga bagay, gaya ng kung naaangkop ba o hindi ang paraan ng pagkapangaral sa ebanghelyo, o kung paano itinatalaga ang mga tauhan ng iglesia, o kung ang mga tauhan na gumagampan ng iba’t ibang uri ng propesyonal na gawain ay mahusay at pasok sa pamantayan—naniniwala sila na sapat na ang hayaan lang ang mga superbisor na pangasiwaan ang mga bagay na ito. Samakatwid, kahit saan magpunta ang ganitong uri ng tao, nakatutok siya sa mga pagtitipon at pangangaral ng mga sermon, at anumang uri ng pagtitipon ang idinaraos, palagi siyang nangangaral ng sermon. Sa panlabas, inaakay nila ang mga tao sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos at sa pagkatutong kumanta ng mga himno, at paminsan-minsan silang nagtatalakay tungkol sa gawain. Alam ng ganitong uri ng tao ang tungkol sa mga problemang madalas na pinagbabahaginan, gaya ng kung alin sa mga salita ng Diyos ang dapat gamitin para ikumpara sa mga problemang nararanasan ng iba’t ibang uri ng tao, pati na rin kung bakit nakakaramdam ng kahinaan ang mga tao at kung anong mga kalagayan ang umusbong sa kanila, at kung aling mga katotohanan sa mga salita ng Diyos ang dapat pagbahaginan para malutas ang mga bagay na ito. Sa kabuuan, tumatalakay ang mga sermon at pagbabahaginan ng taong ito sa maraming aspekto ng katotohanan at pagsasagawa; ang ilan ay may kinalaman sa pagpupungos, ang iba ay may kinalaman sa mga pagsubok at pagpipino, ang ilan ay may kinalaman sa pagdarasal-pagbabasa ng mga salita ng Diyos, ang ilan pa ay may kinalaman sa kung paano danasin ang paghatol at pagkastigo, at iba pa—kaya niyang magbahagi nang kaunti tungkol sa iba’t ibang aspekto ng katotohanan. Kapag nakakatagpo siya ng mga bagong mananampalataya, nangangaral siya ng mga sermon para sa mga bagong mananampalataya, at kapag nakakatagpo siya ng mga taong matagal nang nananampalataya sa Diyos, kaya rin niyang mangaral ng ilang sermon tungkol sa buhay pagpasok. Pero pagdating sa gawaing may kinalaman sa anumang propesyonal na kasanayan, hindi siya kailanman nag-uusisa tungkol sa gawain o nag-aaral ng mga bagay-bagay na kaugnay rito, at lalong hindi siya nagsusubaybay, nakikilahok, o nagsisiyasat sa anumang aytem ng gawain para lutasin ang mga problema. Sa mga mata niya, sa pangangaral ng mga sermon, pagbabasa ng mga salita ng Diyos, at pagkatuto ng mga himno, gumagawa siya ng gawain, at ang mga ito ang mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa; bukod pa rito, ang lahat ng ibang gawain ay walang kabuluhan, problema na iyon ng ibang tao, at wala itong kinalaman sa kanya, at hangga’t maayos siyang nakakapangaral ng mga sermon, puwede na siyang makampante. Ano ang ibig sabihin ng “makampante”? Nangangahulugan ito na ang pagtapos ng isang pagtitipon ay pareho sa pagtapos ng gawain niya, at kapag oras na para magpahinga, nagpapahinga siya. Anumang mga problema ang lumilitaw sa gawain ng iglesia, binabalewala niya ang mga ito, at kapag hinahanap siya ng mga tao para lumutas ng isang problema, napakahirap niyang hanapin. Gaano man kaabala ang gawain, dapat siyang makaidlip sa hapon, at nagpapasasa siya sa kaginhawahan habang ang ibang tao ay kinakayang magtiis ng paghihirap at magbayad ng halaga. Iniisip niya, “Tapos na akong mangaral, tapos na rin ang pagtitipon, at nasabi ko na ang lahat ng dapat kong sabihin sa inyo. Ano pa ba ang gusto ninyong sabihin ko? Tapos na ang gawain ko. Kayo na ang bahala sa iba. Sinabi ko na sa inyo ang mga salita ng Diyos, kaya kumilos na lang kayo ayon sa mga prinsipyo. Tungkol naman sa anumang mga problemang lumilitaw, nasa sa inyo na iyon, at wala itong kinalaman sa akin. Dapat lumapit kayo mismo sa Diyos at magdasal, magtipon, at magbahaginan para lutasin ang mga problema. Huwag ninyo akong hanapin.” Pagkatapos ng isang pagtitipon, hindi niya kailanman binibigyan ang sinuman ng pagkakataon na magtanong, ayaw na ayaw niyang lutasin ang mga problema, at lalong wala siyang kakayahang makatuklas ng isang problema. Pagkatapos ng pagtitipon, itinuturing niyang tapos na ang gawain niya, at siya ay natutulog, kumakain, at palagiang naglilibang. Hindi ba’t isa siyang huwad na lider na hindi gumagawa ng anumang tunay na gawain? (Oo.)
May ilang kaso kung saan anim na buwan nang nasa posisyon niya ang isang lider o manggagawa, at bukod sa malalapit sa kanya, na madalas siyang nakikita, karamihan sa mga kapatid ay hindi siya magawang makita. Madalas lang siyang naririnig ng mga ito na nagsesermon online, pero kapag may problema, hindi niya ito nilulutas. May ilang kapatid na nakakaranas ng mga paghihirap sa mga tungkulin nila na hindi nila alam kung paano lutasin, at masyado silang nababalisa na hindi sila mapakali, at kapag hinahanap nila ang lider nila, hindi nila ito matagpuan. Maaari bang maging mahusay sa trabaho ang ganitong uri ng lider? Walang ideya ang mga kapatid kung ano ang masyadong pinagkakaabalahan ng lider nila araw-araw, maraming naipong problema at suliranin, at hindi nila alam kung kailan darating ang lider nila para lutasin ang mga ito. Masugid na inaabangan ng lahat ang pagdating ng lider para tumulong, pero kahit gaano sila katagal maghintay, hindi kailanman nagpapakita ang lider. Ang gayong mga lider at manggagawa ay napakailap, at magaling silang magtago! Napakahusay nilang maghatid ng mga sermon, at pagkatapos magbigay ng sermon, nagbibihis silang lahat nang maayos at hindi gumagawa ng gawain, nagtatago sila nang malayo sa isang lugar kung saan puwede silang magpasasa sa kaginhawahan. At sa kabila ng lahat ng ito, iniisip pa rin nila na gumagawa sila nang napakahusay at marapat. Akala nila ay hindi sila nagpapakatamad, na nakapagbigay na sila ng mga sermon nila, nakapagdaos na ng mga pagtitipon nila, nakapagsabi na ng lahat ng dapat nilang sabihin, at nakapagpaliwanag na tungkol sa lahat ng bagay na dapat nilang ipaliwanag. Ayaw na ayaw nila ng malalim na pakikipag-ugnayan sa mga kapatid para magsubaybay at makilahok sa gawain, para tulungan sila sa pamamagitan ng pagsasagawa ng pagsusuri, at para tulungan silang pangasiwaan at lutasin kaagad ang mga problema. Kung makakatagpo sila ng isang problema na hindi nila kayang lutasin, hindi rin nila alam kung paano ito iulat sa Itaas at maghanap ng solusyon mula sa Itaas. Hindi rin sila nagbubulay sa isipan nila, “Kaya bang sundin ng mga kapatid ang mga prinsipyo matapos marinig ang mga ito sa pagbabahaginan? At kapag muli silang makakaranas ng mga paghihirap at kalituhan sa gawain, magagawa ba nilang panghawakan ang katotohanan at pangasiwaan ang mga bagay ayon sa mga prinsipyo? Dagdag pa rito, sino ang may positibong papel na ginagampanan sa gawain? At sinong mga tao ang may negatibong papel na ginagampanan? Mayroon bang sinumang nagdudulot ng mga paggambala at panggugulo, o sinumang sumisira sa mga bagay-bagay, o sinumang kakatwang tao na palaging nakakaisip ng masasamang ideya? Kumusta ang pag-usad ng gawain kamakailan?” Pare-pareho silang hindi nag-aalala o nag-uusisa tungkol sa gayong mga isyu. Sa panlabas, mukhang gumagawa ng gawain ang mga ganitong tao—naghahatid sila ng mga sermon, nagdaraos ng mga pagtitipon, naghahanda ng mga draft ng sermon at mga balangkas, at nagsusulat pa nga ng mga ulat sa gawain. May ilang lider na madalas ding magsulat ng mga sermon tungkol sa mga karanasan nila sa buhay; nananatili sila sa loob ng mga silid nila at nagsusulat sa loob ng tatlo o limang araw na sunod-sunod, at nangangailangan pa nga sila ng isang tao na partikular na magsasalin ng tubig para sa kanila at maghahatid sa kanila ng pagkain, at walang iba ang puwedeng makakita sa kanila. Kung sasabihin mo na hindi sila gumagawa ng tunay na gawain, pakiramdam nila ay ginawan sila ng mali: “Paano mo nasasabing hindi ako gumagawa ng tunay na gawain? Nakatira ako kasama ng mga kapatid at palagi akong nagdaraos ng mga pagtitipon at naghahatid ng mga sermon. Nangangaral ako ng mga sermon hanggang sa matuyo nang husto ang bibig ko, at minsan ay nagpupuyat pa nga ako.” Sa panlabas, mukhang abala talaga sila at hindi tamad—naghahatid sila ng maraming sermon, at nagsisikap nang husto sa pagsasalita at pagsusulat, regular silang nagpapadala ng mga mensahe at liham, at nagpapahayag ng mga prinsipyong hinihingi ng Itaas, at masigasig at matiyaga rin silang nakikipagbaghaginan at nagbibigay-diin sa nilalaman sa mga pagtitipon—talaga ngang marami silang sinasabi, pero hindi sila kailanman nakikilahok sa partikular na gawain, hindi nila kailanman sinusubaybayan ang gawain, at hindi nila kailanman hinaharap ang anumang mga problema kasama ang mga kapatid. Kung tatanungin mo sila tungkol sa kung kumusta ang pag-usad ng kung ano-anong aytem ng gawain o kung ano ang mga resulta ng gawain, walang silang alam at kailangan pa muna nilang magtanong sa iba. Kung tatanungin mo sila kung nalutas na ba ang mga problema mula noong nakaraan, sasabihin nilang nagdaos sila ng pagtitipon at nagbahagi tungkol sa mga prinsipyo. Ipagpalagay na tatanungin mo pa sila, “Talaga bang nakaunawa ang mga kapatid matapos kang magbahagi tungkol sa mga katotohanang prinsipyo? Posible pa rin bang malihis sila? Sino sa kanila ang may medyo mas mahusay na pagkaunawa sa mga prinsipyo, sino ang mas bihasa sa mga propesyonal na kasanayan, at sino ang may mas mahusay na kakayahan at karapat-dapat linangin?” Hindi nila alam ang mga sagot sa alinman sa mga katanungang ito; wala silang kaalaman sa alinman dito. Sa tuwing tatanungin mo sila tungkol sa estado ng gawain, sasabihin nila, “Nakapagbahagi ako tungkol sa mga prinsipyo, kakatapos ko lang magdaos ng pagtitipon, at pinungusan ko sila. Ipinahayag nila ang dedikasyon nila, at determinado silang gawin nang maayos ang gawaing ito.” Pero pagdating sa pag-usad ng kasunod na gawain, wala silang ideya. Maituturing ba sila na mga lider at manggagawa na pasok sa pamantayan? (Hindi.) Ang paraan ng paggawa ng ganitong uri ng lider at manggagawa ay ang magbasa lang ng mga salita ng Diyos at mangaral ng ilang salita at doktrina sa mga tao, pero hindi nila binibigyang-pansin ang paglutas ng mga tunay na problema, at mas lalong takot pa nga silang iulat ang mga ito sa Itaas at maghanap ng mga solusyon mula sa Itaas—takot na takot silang malaman ng Itaas ang aktuwal nilang sitwasyon. Ano ang kalikasan ng gayong mga pagkilos? Anong uri ng tao sila batay sa diwa nila? Sa tumpak na salita, ang gayong mga tao ay mga tipikal na Pariseo. Ang mga pagpapamalas ng mga Pariseo ay ganito: Marangal silang kumikilos sa panlabas, pino ang pananalita at asal nila, at binabase nila sa Bibliya ang lahat ng salita at kilos nila, at kapag nakikipagkita at nakikipag-usap sila sa mga tao, bumibigkas sila ng mga salita mula sa Bibliya, at kaya nilang ulitin ang napakaraming linya ng Bibliya mula sa memorya nila. Ang mga huwad na lider ay katulad lang ng mga Pariseo—sa panlabas, wala kang makikitang anumang kamalian sa kanila, at mukha silang napaka-espirituwal. Hindi ka makakakita ng anumang mga problema sa panlabas nilang pananalita, mga kilos, at pag-uugali, pero hindi nila kayang lutasin ang maraming problemang umiiral sa gawain ng iglesia. Kaya, ano kung gayon ang ibig sabihin ng “espirituwal” na ito? Sa mahigpit na termino, ito ay mapagpanggap o huwad na espirituwalidad. Ang mga huwad na espirituwal na tao na tulad nito ay nagpapakaabala araw-araw, palipat-lipat sa malalaki at maliliit na grupo, nangangaral ng mga salita ng Diyos kahit saan sila magpunta. Sa panlabas, tila mas mahal nila ang mga salita ng Diyos kaysa sa sinuman, na mas nagsusumikap sila sa mga salita ng Diyos kaysa sa sinuman, na mas marami silang alam tungkol sa mga salita ng Diyos kaysa sa sinuman, at kaya nilang sabihin ang numero ng pahina ng anumang mahalagang sipi ng mga salita ng Diyos mula sa isipan nila. Kapag may nakakaranas ng problema, binibigyan nila ang taong ito ng numero ng pahina ng isang nauugnay na sipi ng mga salita ng Diyos at sinasabing basahin ito. Sa panlabas, tila ginagamit nila ang mga salita ng Diyos bilang pamantayan nila sa lahat ng bagay, pinatototohanan ang mga salita ng Diyos tuwing may nangyayari sa kanila, at tila walang anumang mga problema sa kanila. Pero kung titingnan mong mabuti ang gawaing ginagawa nila, nakakatuklas at nakakalutas ba sila ng mga problema habang ipinapangaral nila ang mga salita at doktrinang ito? Kung, sa pakikipagbahaginan sa katotohanan, makakahanap sila ng isang problema na hindi pa natuklasan noon sa isang aytem ng gawain, at makakalutas sila ng mga problemang hindi kayang lutasin ng iba, kung gayon, ipinapakita nito na nauunawaan nila ang mga salita ng Diyos at malinaw silang nakikipagbahaginan sa katotohanan. Ang mga huwad na espirituwal na tao ay ang mismong kabaligtaran nito. Isinasaulo nila ang mga salita ng Diyos at ipinapangaral ang mga ito kahit saan, at puno ng mga salita ng Diyos ang mga puso at isipan nila. Gayumpaman, hindi mahalaga kung lumilitaw ang isang malaki o maliit na problema sa gawain, hindi nila ito kayang makita o matuklasan. Pagkatapos ng mga pagtitipon, ang pinakakinatatakutan nila ay ang may magbanggit ng tunay na isyu at humiling sa kanila na lutasin ito, at kaya agad silang umaalis kapag tapos na ang mga pagtitipon, iniisip nila, “Kung may magtatanong sa akin at hindi ko ito masasagot, masyadong nakakaasiwa at nakakahiya iyon!” Ito ang tunay nilang tayog at tunay na kalagayan.
Isipin ninyo kung sinong mga lider at manggagawa sa paligid ninyo ang magaling sa pakikipagbahaginan tungkol sa katotohanan para lutasin ang mga problema, at may kakayahang makisalamuha sa mga kapatid at makapagpatuloy sa gawain kasama ang mga itokapag ginagampanan ang mga tungkulin nila—nagagawang tuparin ng mga lider at manggagawang ito ang mga responsabilidad nila. Isipin ninyo kung sinong mga lider at manggagawa sa paligid ninyo ang magaling sa pagtuklas at paglutas ng mga problema, at pinakanakatutok sa paggawa ng tunay na gawain at nakakakuha ng pinakamaraming resulta sa gawain nila—ang mga lider at manggagawang ito ay mga tapat na tao na napakaresponsable at napakamatapat. Sa kabaligtaran, kung ang isang lider ay napakahusay sa pangangaral ng mga salita at doktrina, at nangangaral sa lohikal at organisadong paraan, na may sentral na punto at nilalaman, at may estruktura, at nasasabik ang mga tao sa mga sermon niya, pero palagi niyang iniiwasan ang mga kapatid, palagi siyang natatakot na magtanong ang mga kapatid, at natatakot na lutasin at pangasiwaan ang mga problema kasama ang mga kapatid, kung gayon, huwad na espirituwal ang lider na iyon, at isa siyang huwad na lider. Anong klaseng mga tao ang mga lider at superbisor sa paligid ninyo? Sa karaniwan, bukod sa pagdalo sa mga pagtitipon at paghahatid ng mga sermon, nagsusubaybay at nakikilahok ba sila sa gawain, madalas ba silang nakakatuklas at nakakalutas ng mga problema sa gawain, o naglalaho na lang sila pagkatapos magpakita sa mga pagtitipon? Ang mga huwad na espirituwal na lider ay palaging natatakot na wala silang maipapangaral, at na wala silang masasabi kapag nakikipagkita sila sa mga kapatid, kaya, nagsasanay silang isaulo ang mga salita ng Diyos at kung paano maghatid ng mga sermon sa mga silid nila. Naniniwala sila na ang pangangaral ng sermon ay isang bagay na maaaring matutunan at makamit sa pamamagitan ng pagsasaulo, tulad ng pagtatamo ng kaalaman o pag-aaral sa unibersidad, at na dapat nilang isakatawan ang isang diwa ng walang-puknat at puspusang pag-aaral. Hindi ba’t baluktot ang pagkaarok ng mga huwad na lider na ito? (Oo, ganoon nga.) Ang mga taong gaya nito ay nangangaral ng mga doktrina mula sa mataas nilang posisyon, at nag-aalala tungkol sa ilang usapin na walang kinalaman, at akala nila ay ginagawa nila ang trabaho nila bilang lider. Hindi sila kailanman pumupunta sa lugar ng trabaho para patnubayan ang gawain o lutasin ang mga problema, kundi sa halip, madalas silang nakaupo sa mga silid nila, “nagkukulong para pagtuunan ang paglilinang sa sarili nila,” sinasangkapan ang sarili nila ng mga salita ng Diyos—kinakailangan ba ito? Sa anong mga sitwasyon puwedeng isantabi ng mga lider at manggagawa nang pansamantala ang gawain ng iglesia at ang mga kapatid at pagkatapos ay sangkapan ang sarili nila ng katotohanan? Kapag hindi abala ang gawain, at nalutas na ang lahat ng problemang dapat lutasin, at ang lahat ng usaping nangangailangan ng atensiyon at mga prinsipyong dapat ipaliwanag ay naipaliwanag na, at walang anumang mga katanungan o paghihirap ang mga kapatid, at walang sinuman ang nagdudulot ng mga panggugulo at paggambala, at nakakausad nang maayos ang gawain, at wala nang mga balakid, kung gayon, puwedeng basahin ng mga lider at manggagawa ang mga salita ng Diyos at sangkapan ang sarili nila ng katotohanan—ito lang ang maituturing na tunay na gawain. Hindi ganito gumawa ang mga huwad na lider; palagi silang nakatuon sa pag-ani ng atensiyon para sa sarili nila, at gumagawa lang sila ng kaunting gawaing madaling makita ng iba upang magpakitang-gilas. Kung makakakita sila ng bagong liwanag sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos o sa pakikinig sa isang sermon, pakiramdam nila ay may nakamit sila, na mayroon sila ng katotohanang realidad, at pagkatapos ay nagmamadali silang maghanap ng pagkakataon para mangaral ng sermon sa iba. Nangangaral sila ng mga doktrina sa isang sistematiko, lohikal, at organisadong paraan, nang may sentral na punto at nilalaman, at sa paraang mas makapangyarihan at mas malalim pa kaysa sa isang talumpati ng isang tanyag na tao o sa isang lekturang pang-akademya, at lubos silang nasisiyahan dito. Ngunit nagbubulay sila, “Ano ang ipapangaral ko sa susunod kapag natapos ko na ang sermon na ito? Wala na akong ibang masasabi.” Kaya naman, nagmamadali silang umalis at muling “nagkukulong para pagtuunan ang paglilinang sa sarili nila,” naghahanap ng malalalim na doktrina. Hindi sila kailanman nakikita sa lugar ng gawain ng iglesia, at kapag may mga paghihirap ang mga tao at naghihintay na malutas ang mga ito, hindi matagpuan ang mga huwad na lider na ito. Hindi ba nakakaramdam ng kawalan ng kumpiyansa at pagkabagabag ang mga huwad na lider? Hindi nila kayang lutasin ang mga tunay na problema, pero gusto pa rin nilang mangaral ng matatayog na sermon para magpakitang-gilas. Ang mga taong ito ay sobrang walang kahihiyan.
Lahat ng huwad na lider ay kayang mangaral ng mga salita at doktrina, lahat sila ay mga pekeng espirituwal, hindi nila kayang gumawa ng anumang totoong gawain, at hindi nila nauunawaan ang katotohanan kahit na matagal na silang nananampalataya sa Diyos—masasabing wala silang espirituwal na pang-unawa. Iniisip nila na ang pagiging lider sa iglesia ay nangangahulugan na kailangan lang nilang mangaral ng ilang salita at doktrina, bumigkas ng ilang islogan, at magpaliwanag ng mga salita ng Diyos nang kaunti, at pagkatapos ay mauunawaan na ng mga tao ang katotohanan. Hindi nila alam kung ano ang ibig sabihin ng paggawa ng gawain, hindi nila alam kung ano mismo ang mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa, at hindi nila alam kung bakit mismo pinipili ng sambahayan ng Diyos ang isang tao na maging lider o manggagawa, o kung anong mga problema ang dapat lutasin ng mga lider at manggagawa. Kaya, gaano man makipagbahaginan ang sambahayan ng Diyos na ang mga lider at manggagawa ay dapat sumubaybay sa gawain, magsiyasat sa gawain, at mangasiwa sa gawain, na dapat nilang agad na tuklasin at lutasin ang mga problema sa gawain, at iba pa, hindi nila iniintindi ang anuman sa mga ito at hindi nila ito nauunawaan. Hindi nila kayang abutin o kamtin ang mga hinihingi ng sambahayan ng Diyos sa mga lider at manggagawa, at hindi nila maunawaan ang mgaproblemang nauugnay sa mga propesyonal na kasanayan na may kinalaman sa sa paggampan sa mga tungkulin, pati na ang isyu ng prinsipyo sa pagpili ng mga superbisor, at iba pa, at kahit na alam nila ang mga problemang ito, hindi pa rin nila kayang pangasiwaan ang mga ito. Samakatwid, sa ilalim ng pamumuno ng mga gayong huwad na lider, hindi nalulutas ang lahat ng uri ng problemang lumilitaw sa gawain ng iglesia. Hindi lang ang mga problemang nauugnay sa mga propesyonal na kasanayan ang nararanasan ng hinirang na mga tao ng Diyos kapag ginagawa ang mga tungkulin nila, kundi pati na rin ang mga suliranin sa buhay pagpasok ng hinirang na mga tao ng Diyos, ay natatagalan sa paglutas, at kapag hindi makagawa ng totoong gawain ang ilang lider at manggagawa o mga superbisor ng iba’t ibang aytem ng gawain, hindi sila agad na natatanggalo naililipat, at iba pa. Wala sa mga problemang ito ang agad na nalulutas, kaya patuloy na bumababa ang kahusayan ng iba’t ibang aytem ng gawain sa iglesia, at patuloy na nababawasan ang pagiging epektibo ng gawain. Sa usapin ng mga tauhan, ang mga may kaunting kaloob at magaling magsalita ang nagiging mga lider at manggagawa, samantalang ang mga nagmamahal sa katotohanan, ang mga kayang magsikap sa mabigat na gawain, at walang kapagurang gumawa nang walang reklamo, ay hindi naitataas ang ranggo at hindi nalilinang, at itinuturing na parang mga trabahador, at ang iba’t ibang teknikal na tauhan na may mga partikular na kalakasan ay hindi nagagamit nang makatwiran. Isa pa, ang ilang taong tapat na gumagawa ng mga tungkulin nila ay hindi nakakatanggap ng panustos sa buhay, kaya nalulugmok sila sa pagkanegatibo at kahinaan. Bukod pa rito, gaano man karaming kasamaan ang ginagawa ng mga anticristo at masasamang tao, parang hindi ito nakikita ng mga huwad na lider. Kung may maglalantad sa isang masamang tao o anticristo, sasabihin pa nga sa kanila ng mga huwad na lider na dapat nilang tratuhin ang taong iyon nang may pagmamahal at bigyan ang mga ito ng pagkakataong magsisi. Sa paggawa niyon, tinutulutan nila ang masasamang tao at mga anticristo na gumawa ng kasamaan at magdulot ng mga kaguluhan sa iglesia, at nagdudulot ito ng mahabang pagkaantala sa pagpapaalis o pagpapatalsik sa mga masamang tao, hindi mananampalataya, at anticristo, at patuloy nilang nagagawa ang kasamaan sa iglesia at panggugulo sa gawain ng iglesia. Hindi kaya ng mga huwad na lider na pangasiwaan at lutasin ang alinman sa mga problemang ito; hindi nila kayang tratuhin nang patas ang mga tao o isaayos ang gawain sa makatwirang paraan, sa halip ay kumikilos sila nang pabasta-basta at gumagawa lang sila ng ilang walang saysay na gawain, na nagreresulta sa pagkasira at pagkakagulo sa gawain ng iglesia. Gaano man makipagbahaginan ang sambahayan ng Diyos tungkol sa katotohanan o gaano man nito binibigyang-diin ang mga prinsipyong dapat sundin kapag ginagawa ang gawain ng iglesia—pinaghihigpitan iyong mga dapat paghigpitan ats pinapaalis iyong mga dapat paalisin mula sa iba’t ibang uri ng taong gumagawa ng masama at mga hindi mananampalataya, at itinataguyod at nililinang ang mga taong may mahuhusay na kakayahan at kakayahang makaarok, at mga taong kayang hangarin ang katotohanan, na dapat itaas ang ranggo at linangin—kahit maraming beses nang pinagbahaginan ang mga bagay na ito, hindi nauunawaan o naaarok ng mga huwad na lider ang mga ito at patuloy lang nilang pinanghahawakan ang kanilang mga pekeng espirituwal na pananaw at mga “mapagmahal” na pamamaraan. Naniniwala ang mga huwad na lider na, sa ilalim ng masigasig at matiyaga nilang tagubilin, lahat ng uri ng tao ay gumagampan sa mga papel nila nang maayos, nang walang kaguluhan, at lahat ay may napakalakas na pananalig, handang gawin ang mga tungkulin nila, hindi natatakot na makulong at humarap sa panganib, at bawat tao ay may determinasyong magtiis ng pagdurusa at ayaw maging isang Hudas. Naniniwala sila na ang pagkakaroon ng magandang atmospera sa buhay iglesia ay nangangahulugang naging mahusay sila. Hindi mahalaga kung may mga pagkakataon na nagdudulot ng mga kaguluhan ang masasamang tao o nagpapakalat ng mga maling paniniwala at kamalian, hindi nila itinuturing ang mga bagay na ito bilang mga problema, at hindi nila nararamdaman na kailangang lutasin ang mga ito. Pagdating sa isang taong pinagkatiwalaan nila ng gawain na kumikilos nang walang ingat ayon sa mga sarili nitong kagustuhan at nanggugulo sa gawain ng ebanghelyo, lalo pang bulag ang mga huwad na lider. Sinasabi nila, “Ipinaliwanag ko na ang mga prinsipyo ng gawain na dapat kong ipaliwanag, at paulit-ulit ko nang sinabi sa kanila kung ano ang dapat gawin. Kung may mga lumilitaw naproblema, wala iyong kinalaman sa akin.” Gayumpaman, hindi nila alam kung tamang tao ang taong iyon, hindi sila nag-aalala tungkol doon, at hindi nila alam kung makakapagkamit ba ng mga positibong resulta ang sinabi nila nang ipinaliwanag at sinabi nila sa taong iyon kung ano ang dapat gawin, o kung ano ang mga kahihinatnan nito. Sa tuwing nagdaraos ng pagtitipon ang mga huwad na lider, walang tigil silang naglilitanya ng napakaraming salita at doktrina, pero ang resulta, hindi pala nila kayang lutasin ang anumang problema. Gayumpaman naniniwala pa rin sila na gumagawa sila ng dakilang gawain, natutuwa pa rin sila sa sarili nila at iniisip nilang kamangha-mangha sila. Sa katunayan, ang mga salita at doktrinang sinasabi nila ay kaya lamang linlangin ang mga taong naguguluhan, mangmang, at hangal, na ignorante at mababa ang kakayahan. Matapos marining ng mga taong ito ang mga salitang ito, nalilito sila at naniniwala na talagang tama ang sinabi ng mga huwad na lider, na walang mali sa sinabi ng mga ito. Napapasaya lang ng mga huwad na lider ang mga nalilitong tao na ito at wala talaga silang kakayahan na lutasin ang mga totoong problema. Siyempre, lalong hindi kayang lutasin ng mga huwad na lider ang mga problemang may kinalaman sa mga propesyonal na kasanayan at kaalaman—ganap silang walang kapangyarihan pagdating sa mga bagay na ito. Gamitin nating halimbawa ang gawaing panteksto ng sambahayan ng Diyos. Ito ang gawaing pinakanagpapasakit sa ulo ng mga huwad na lider. Hindi nila matukoy mismo kung sinong mga tao ang may espirituwal na pang-unawa, mahusay na kakayahan, at ang angkop sa paggawa ng gawaing nakabatay sa teksto, at itinuturing nilang may mahusay na kakayahan at espirituwal na pang-unawa ang sinumang nakasalamin at may mataas na antas ng edukasyon, kaya isinasaayos nila na ang mga taong iyon ang gumawa ng gawaing ito, sinasabi nila sa mga tao na iyon, “Lahat kayo ay may talento sa paggawa ng gawaing panteksto. Hindi ko nauunawaan ang gawaing ito, kaya nakasalalay ang lahat ng ito sa inyo. Wala nang iba pang hinihingi ang sambahayan ng Diyos sa inyo, kundi ang gamitin ninyo ang inyong mga kalakasan, huwag mag-atubili, at ibahagi ang lahat ng inyong natutuhan. Dapat kayong matutong maging mapagpasalamat at pasalamatan ninyo ang Diyos sa pagtataas sa inyo.” Pagkatapos magsalita ng mga huwad na lider ng ilang di-epektibo at paimbabaw na salita, pakiramdam nila ay naisaayos na ang gawain, at nagawa na nila ang lahat ng kailangan nilang gawin. Hindi nila alam kung angkop o hindi ang mga tao na isinaayos nila na gumawa ng gawaing ito, at hindi nila alam kung ano ang mga kahinaan ng mga taong ito sa usapin ng propesyonal na kaalaman, o kung paano nila dapat punan ang mga kahinaang iyon. Hindi nila alam kung paano tingnan at kilatisin ang mga tao, hindi nila nauunawaan ang mga propesyonal na problema, ni nauunawaan ang kaalamang may kaugnayan sa pagsusulat—lubos silang ignorante sa mga bagay na ito. Sinasabi nilang hindi nila nauunawaan o naaarok ang mga bagay na ito, pero sa puso nila, iniisip nila, “Hindi ba’t mas edukado at mas nakakaalam lang kayo nang kaunti kaysa sa akin? Kahit na hindi ko kayo magabayan sa gawaing ito, mas espirituwal ako kaysa sa inyo, mas mahusay ako sa pagbibigay ng mga sermon kaysa sa inyo, at mas nauunawaan ko ang mga salita ng Diyos kaysa sa inyo. Ako ang namumuno sa inyo, ako ang nakakataas sa inyo. Kailangan ko kayong pangasiwaan, at kailangan ninyong gawin ang sinasabi ko.” Itinuturing ng mga huwad na lider ang sarili nila bilang nakatataas, pero wala silang maisip na anumang kapaki-pakinabang na mungkahi kaugnay ng anumang gawain na nauugnay sa mga propesyonal na kasanayan, at hindi rin nila kayang magbigay ng anumang paggabay. Sa pinakamainam, mahusay silang nakapagsasaayos ng mga tao; hindi nila kayang gawin ang anuman sa mga kasunod na gawain. Hindi nila sinusubukang matuto ng propesyonal na kaalaman, at hindi nila sinusubaybayan ang gawain. Lahat ng huwad na lider ay pekeng-espirituwal; ang kaya lang nilang gawin ay mangaral ng ilang salita at doktrina at pagkatapos ay iniisip nila na nauunawaan na nila ang katotohanan at palagi silang nagpapakitang-gilas sa hinirang na mga tao ng Diyos. Sa bawat pagtitipon, nangangaral sila sa loob ng ilang oras, pero wala naman silang malutas na anumang problema. Lubos silang ignorante pagdating sa mga problemang may kaugnayan sa propesyonal na kaalaman sa mga tungkulin ng mga tao; malinaw na mga karaniwang tao sila, pero nagpapanggap silang espirituwal, gusto nilang sabihin sa mga eksperto kung ano ang dapat gawin—paano nila magagawa nang maayos ang gawain sa ganitong paraan? Nakakasuklam na sa mga tao ang hindi pagsisikap ng mga huwad na lider na matuto ng propesyonal na kaalaman at ang kawalan nila ng kakayahang gumawa ng anumang totoong gawain, at dagdag pa rito, nagpapanggap sila bilang mga espirituwal na tao at ipinagmamalaki nila ang kanilang mga espirituwal na salita, na lubhang walang katwiran! Wala itong ipinagkaiba sa mga Pariseo. Ang pinakamalaking pagkukulang ng mga Pariseo sa katwiran ay kinasusuklaman sila ng Diyos, pero wala silang kamalay-malay rito at itinuturing pa rin nila ang sarili nila na napakahusay at napaka-espirituwal. Ganito kawalang kamalayan sa sarili nila ang mga huwad na lider; malinaw na hindi nila kayang gumawa ng anumang tunay na gawain at gayumpaman ay nagpapanggap silang espirituwal, sila ay nagiging mapagpaimbabaw na mga Pariseo. Sila ang mismong mga itinataboy at itinitiwalag ng Diyos.
Ano ang pangunahing katangian ng mga huwad na lider na nagpapanggap bilang mga espirituwal na tao? Iyon ay ang kahusayan nila sa pagsesermon. Ang mga “sermon” na ito ay hindi mga tunay na sermon. Ang mga sermon na ito ay hindi tunay na mga sermon. Ang mga ito ay hindi mga sermon na nagbabahagi tungkol sa katotohanan, ni mga sermon na nagtataglay ng katotohanang realidad. Sa halip, ang mga ito ay mga sermon na binubuo ng mga salita at doktrina; ang mga ito ay mga huwad na espirituwal na sermon, mga sermon ng mga Pariseo. Napakahusay ng mga huwad na lider sa pagtuon sa mga salita at parirala ng mga salita ng Diyos, binibigyan nila ng espesyal na atensiyon ang pangangaral ng mga salita at doktrina, ngunit hindi nila kailanman hinahanap ang katotohanan sa mga salita ng Diyos at hindi kailanman pinagninilayan kung paano sila dapat pumasok sa katotohanang realidad. Kontento na sila sa basta’t kaya nilang mangaral ng mga salita at doktrina; kapag naipaliwanag na nila ang doktrina nang malinaw at may lohika, iniisip nilang sapat na iyon at na mayroon na silang katotohanang realidad, na maaari silang humarap sa iba at gumamit ng awtoridad nila, at mangaral sa mga tao mula sa mataas nilang posisyon. Sa panlabas, ang sinasabi at ginagawa nila ay tila nauugnay sa katotohanan, hindi mukhang nagdudulot ng mga pagkagambala o kaguluhan ang mga ito, ni nagtataguyod ng mga maling kasabihan o nag-uudyok ng mga maling kaugalian. Subalit may isang isyu—hindi nila kayang pumasan ng anumang tunay na gawain, o tumupad sa kahit katiting nilang responsabilidad, na humahantong sa wakas sa kawalan nila ng kakayahang makatuklas ng anumang mga problema sa gawain. Ang paraan nila ng paggawa ay katulad ng isang bulag na nangangapa sa dilim: Palagi nilang sinusunod ang mga damdamin at imahinasyon nila para bulag na ilapat ang mga regulasyon sa mga bagay-bagay, ganap na hindi makakita nang malinaw sa diwa ng mga problema, at gayumpaman, naglilitanya pa rin sila ng walang kabuluhan tungkol sa mga ito—hindi nila kayang lutasin ang anumang tunay na problema. Kung talagang nauunawaan ng isang huwad na lider ang katotohanan, likas niyang matutuklasan ang mga problema at mahahanap ang katotohanan para lutasin ang mga ito. Pero malinaw na hindi nauunawaan ng mga huwad na lider ang katotohanan, pero nagpapanggap silang espirituwal, iniisip na kaya nila mismong gawin ang gawain ng iglesia, walang konsensiyang nangangahas na tamasahin ang mga pakinabang ng katayuan nila. Hindi ba’t kamuhi-muhi ito? Iniisip nila na mayroon silang tunay na kasanayan—na kaya nilang mangaral. Pero hindi talaga nila kayang gumawa ng tunay na gawain. Ang mga salita at doktrinang alam at ipinapangaral ng mga huwad na lider ay hindi nakakatulong sa kanila na magawa nang maayos ang gawain nila, hindi rin ito nakakatulong sa kanila na makatuklas ng mga problema sa gawain, at lalong hindi ito nakakatulong sa kanila na lutasin ang lahat ng problemang kinakaharap nila. Pagkatapos gumawa nang ilang panahon, hindi sila makapagsalita tungkol sa anumang patotoong batay sa karanasan. Pasok ba sa pamantayan ang gayong lider o manggagawa? Napakalinaw na hindi. At paano dapat pangasiwaan ang mga huwad na lider na hindi pasok sa pamantayan? Hindi lang sila dapat tanggalin at itiwalag, kundi, kung hindi sila magsisisi, hindi na sila puwedeng piliing muli na magserbisyo bilang lider o manggagawa kapag may halalan. Kung may maghahalal ng isang huwad na lider o manggagawa na natiwalag, sinasadya niyang guluhin at sirain ang gawain ng iglesia, at ipinapakita nito na ang bumoto ay isang tagasamba at tagasunod ng huwad na lider ng iyon, at hindi isang taong tunay na nananampalataya sa Diyos. Ni minsan ba ay nakapaghalal na kayo ng isang huwad na espirituwal na lider? (Oo.) Palagay Ko ay marami-rami ang nahalal ninyo na ganoon. Iniisip ninyo na ang sinumang matagal nang nananampalataya sa Diyos nang napakaraming taon, nakabasa na ng maraming salita ng Diyos at nakarinig ng maraming sermon, na may maraming karanasan sa pangangaral at paggawa, na kayang mangaral nang mahabang oras, ay tiyak na may kakayahang gumawa ng gawain. Pagkatapos ninyong ihalal ang gayong mga tao bilang lider, nakatuklas kayo ng isang seryosong problema: Hindi sila kailanman mahanap at matagpuan ng mga kapatid kapag mayroong isyu. Walang nakakaalam kung saan sila nagtatago, at nagtatago sila sa kung saan at hindi nila hinahayaang may makaabala sa kanila. Iyon ay isang problema. Palagi silang naglalaro ng tagu-taguan sa mga kritikal na sandali sa gawain at hindi sila kailanman mahanap ng mga kapatid kapag kinakailangan silang lumutas sa isang problema—hindi ba’t pinapabayaan nila ang mga nararapat nilang tungkulin? Bakit hindi naglalakas-loob ang ilang tao na harapin ang mga kapatid sa sandaling naging lider na sila? Bakit sila hindi matagpuan? Ano ba mismo ang pinagkakaabalahan nila? Bakit hindi nila nilulutas ang mga tunay na problema? Anuman ang pinagkakaabalahan nila, isang bagay ang matitiyak ninyo rito: Kung matagal-tagal silang hindi gumagawa ng tunay na gawain, sila ay isang huwad na lider, at dapat silang tanggalin kaagad, at dapat may ibang ihalal. Ihahalal ba ninyo ang ganitong uri ng huwad na lider sa hinaharap? (Hindi.) Bakit hindi? Ano sa tingin ninyo ang kahihinatnan ng pagpili sa isang bulag na tao bilang gabay ninyo? Ang taong iyon mismo ay bulag, kaya, magagabayan ba niya ang iba sa tamang landas? Gaya ng sinasabi ng mga salita ng Diyos sa Bibliya, “Kung ang bulag ay umakay sa bulag, ay kapwa sila mangahuhulog sa hukay” (Mateo 15:14). Naglalakad ang isang bulag na tao nang walang direksyon o layon; paano niya magagabayan ang iba? Kung pipili ang isang tao ng bulag na tao bilang gabay niya, mas maituturing pa siya na bulag kaysa rito. May isang kasabihan ang mga walang pananampalataya: “tinatanong ang daan sa isang bulag.” Ang paghalal sa isang huwad na lider na magserbisyo bilang lider ng iglesia ay tulad ng pagtatanong ng daan sa isang bulag. Ito ay isang kahangalan, hindi ba? Ang lahat ng bumoboto sa isang huwad na lider ay mga bulag na pinipili ang kapwa bulag, at wala ni isa sa kanila ang nakakaunawa sa katotohanan.
Kapag pumipili ang ilang tao ng isang huwad na espirituwal na tao bilang lider, labis silang natutuwa, iniisip nila, “May mahusay na lider na tayo ngayon. Talagang magaling magsermon ang lider natin. Nangangaral siya nang may hustong lohika at estruktura, at lubos na may kabuluhan ang mga sermon niya.” Napapaiyak ang ilang tao na walang pagkilatis, nakakaramdam sila ng matinding pagkagiliw sa lider na ito, ni ayaw nilang umalis para gampanan ang mga tungkulin nila. Nauunawaan nila nang lubos na malinaw ang mga bagay-bagay kapag nakikinig sila sa pagbabahaginan, pero kapag nakakatuklas sila ng mga isyu habang ginagawa ang tungkulin nila, hindi nila alam kung paano lutasin ang mga ito at naguguluhan sila, iniisip, “Parang nauunawaan ko ang lahat kapag nakikinig ako sa pakikipagbahaginan ng lider, kaya, bakit hindi ko malutas ang mga paghihirap na nararanasan ko sa gawain ko?” Ano ang problema rito? Ang ipinapangaral ng ganitong uri ng huwad na lider ay puro salita at doktrina, mga hungkag na parirala, islogan, at kalokohan. Ang ipinapangaral nila ay hindi nakakalutas sa mga tunay na isyu ng mga taong ito; naloko nila ang mga taong ito. Pinapakain nila ang mga ito ng mga ilusyon, nagsasabi sila ng ilang slogan na nagpapaniwala sa mga taong ito na nalutas na ang mga problema, samantalang sa katunayan, hindi sila nakikipagbahaginan tungkol sa mga katotohanang prinsipyo kaugnay ng mga problema ng mga tao. Paano malulutas ang mga problema sa ganitong paraan ng pakikipagbahaginan? Ang mga doktrinang ipinapangaral nila ay walang kinalaman sa mga tunay na isyu; iniiwasan lang nila ang diwa ng lahat ng isyu at nagsasalita sila tungkol sa mga teorya sa hungkag na paraan. Nangangaral sila ng puro salita at doktrina, at mga espirituwal na teorya. Wala silang ideya kung ano ang katotohanang realidad, at kapag lumilitaw ang mga problema, nalilito sila. Hindi nakakalutas ng mga tunay na problema ang mga sermon nila, isang uri ng teorya lang ang mga ito, isang uri ng kaalaman at doktrina. Ang ganitong uri ng huwad na lider ay nangangaral ng mga salita ng Diyos at ng katotohanan na parang mga uri ng mga salita at doktrina at slogan ang mga ito. Iniiwasan nila ang lahat ng tunay na problema at nangangaral lang sila ng mga salitang hungkag at hindi praktikal. At ano ang mangyayari sa huli? Kahit gaano pa sila katagal mangaral, sa pinakamainam, ang magiging epekto ng sermon nila ay pagpapalakas-loob at paghihimok sa mga tao, nagiging mas masigla ang mga tao at nagkakaroon ng biglaang lakas, pero hindi nila kayang lutasin ang anumang iba pang isyu. Ang katotohanan ay hindi hiwalay sa realidad, kundi sa halip, nauugnay ito sa realidad at sa iba’t ibang uri ng isyu na aktuwal na umiiral. Kaya, makikilatis na ba ninyo ngayon ang mga huwad na espirituwal na lider kapag nakaharap ninyo sila sa susunod? Kung hindi pa, kapag gusto ninyong bumoto sa isang tao na maging lider, ipalutas muna ninyo sa kanya ang ilang isyu. Kung malulutas niya ang mga ito ayon sa mga prinsipyo, at kung magkakamit siya ng magagandang resulta at malulutas ang mga isyu gamit ang katotohanang realidad, kung gayon, puwede ninyo siyang iboto; kung iiwas siya at hindi niya tatalakayin ang diwa ng mga problema at ang tunay na sitwasyon, at ang magagawa lang niya ay mangaral ng doktrina sa hungkag na paraan, sumigaw ng mga islogan, at sumunod sa mga regulasyon, kung gayon, hindi ninyo puwedeng iboto ang taong iyon. Bakit hindi ninyo puwedeng iboto ang taong iyon? (Dahil hindi niya kayang lumutas ng mga tunay na problema.) At anong klase ng tao ang hindi kayang lumutas ng mga tunay na problema? Isang tao na puro salita at doktrina lang ang kayang ipangaral—siya ay isang mapagpaimbabaw, huwad na espirituwal na Pariseo. Wala siyang kakayahan na kinakailangan para maunawaan ang katotohanan, wala siyang kakayahan na lumutas ng mga isyu, hindi niya kayang lumutas ng mga problema, at kaya, kung pipiliin mo siya bilang lider, tiyak na magiging isa siyang huwad na lider. Wala siyang kakayahan na gawin ang gawain ng isang lider o tuparin ang mga responsabilidad ng isang lider. Kaya, hindi ba’t pipinsalain mo lang siya kung iboboto mo siya? Sinasabi ng ilang tao, “Paanong pamiminsala iyon sa kanya? Mabuti naman ang intensiyon namin sa pagboto sa kanya. Mayroon siyang kaunting kakayahan, at kung ihahalal natin siya, hindi ba’t magkakaroon na tayo ng isang taong kayang umako ng responsabilidad sa gawain?” Siyempre, isang mabuting bagay ang magkaroon ng isang taong aako ng responsabilidad, pero hindi kaya ng ganitong klase ng tao na umako ng responsabilidad. Ang kaya lang niyang gawin ay magsalita tungkol sa mga teorya sa hungkag na paraan, hindi niya isinasaalang-alang ang tunay na sitwasyon, at wala siyang naitutulong pagdating sa paglutas ng mga problema, kaya kung iboboto mo siya, hindi ba’t binibigyan mo siya ng pagkakataon na gumawa ng masama? Hindi ba’t pinipilit mo siyang tahakin ang landas ng isang huwad na lider? Samakatwid, hindi ka dapat pumili ng gayong klase ng mga tao para maging mga lider.
Kaya ba ninyong kilatisin kung sino sa mga tao sa paligid ninyo—na madalas ninyong nakakasalamuha at pamilyar na kayo—ang puro doktrina lang ang kayang sabihin nang walang kabuluhan at hindi kayang lumutas ng mga tunay na problema? Sino ang palaging nangangaral ng matatayog na teorya at nagmumungkahi ng mga bago at katangi-tanging plano na hindi pa kailanman narinig ng sinuman, pero nalilito at hindi makapagsalita kapag tinanong kung paano isagawa o ipatupad ang mga partikular na plano ng operasyon at ang mga kongkretong detalye? Ang sinasabi nila ay lubhang hungkag at ganap na hindi makatotohanan, hindi nauugnay o alinsunod sa tunay na sitwasyon, sa aktuwal na kapaligiran, kung ano ang talagang kayang kamtin ng mga tao, mga tayog ng mga tao, at antas ng mga propesyonal nilang kasanayan. Dagdag pa rito, hindi naaayon sa mga kahingian ng sambahayan ng Diyos ang sinasabi nila; basta na lang silang nagsasalita ng walang kabuluhan, nagpapasasa sa pantasya, at pabigla-bigla lang silang nagsasabi ng anumang pumapasok sa isip nila. Iniisip nila na hindi nila kailangang managot sa anumang sinasabi nila, kahit pa nagmamayabang o nagmamalaki sila. Sa ganitong saloobin, ipinapahayag nila ang mga pananaw nila at inihaharap ang mga ideya nila—hindi ba’t sila ay mga huwad na espirituwal na tao? (Oo.) Naniniwala ang ilang tao na hindi rin naman sineseryoso ng sinuman ang pagyayabang, pagmamalaki, o ang tila mga importanteng ideya, at naipapakita nila kung gaano sila kahusay. Iniisip nila na kung magkamali man sila, hindi sila kailangang managot dito, at kung maging tama naman sila, titingalain sila ng lahat, kaya, sinasabi nila ang kahit anong gusto nila at ginagawang napakadali ang lahat ng bagay. Marami silang ideya, pero wala ni isa sa mga ito ang may partikular na plano ng pagsasagawa at ang maipapatupad nang maayos. Hindi nila sineseryoso ang anumang pananaw na inihaharap nila, tunay man o baluktot ito. Iba ang sinasabi nila ngayon sa sasabihin nila bukas, at bagama’t napakatayog ng mga pananaw, teorya, at batayan na pinag-uusapan nila, lahat ng ito ay hungkag at hindi praktikal. Paminsan-minsan, nagtatalakay sila ng plano na hindi hungkag o baluktot, pero kapag tinanong sila kung paano partikular na isagawa ang plano, wala silang masabi. Kapag sumisigaw sila ng mga islogan, nagsasalita ng mga tila importanteng salita, at nagpapahayag ng mga pananaw, napakamasigasig at napakaaktibo nila. Pero pagdating sa paggawa ng partikular na gawain at pagpapatupad ng mga partikular na plano, naglalaho na lang sila nang walang bakas, nagtatago, at wala na silang mga pananaw. Puwede bang maging mga lider ang mga ganitong tao? (Hindi.) Kung gayon, ano ang mga kahihinatnan ng mga taong ito sa pagiging lider? Hindi ba’t mapipinsala nila ang sarili nila at ang iba? Maaantala nila ang gawain ng iglesia, at higit pa rito, magdudulot sila ng malaking pinsala sa sarili nila. Ang mga doktrinang ipinangangaral nila ay limitado lang, at kapag tapos na silang mangaral ng mga ito, wala na silang ibang masabi, at kaya, palagi nilang kailangang magtago at “magkulong para pagtuunan ang paglilinang sa sarili nila.” Hindi ba’t gagawin nitong mahirap para sa kanila ang mga bagay-bagay? Sa sandaling maging lider sila, parang tatlong bundok ang nakapatong sa ulo nila—araw-araw silang mapapagod nang husto at lubha silang mabibigatan—ano ang silbi ng pagdurusa nila nang ganito? Wala silang kakayahang maging lider, at kapag nakakaranas sila ng mga problema, walang pili silang gumagamit ng mga regulasyon ayon sa sarili nilang mga imahinasyon at hindi nila kayang lutasin ang mga tunay na isyu—hindi puwedeng maging mga lider ang mga ganitong tao. Hindi nila kayang gumawa ng tunay na gawain, kaya magiging mga huwad na lider sila, at iisipin pa rin nilang napakahusay nila kahit na nagdudulot sila ng mga pagkaantala sa buhay pagpasok ng mga kapatid. Kung matutuklasan at maaarok ninyo ang kakayahan at karakter ng mga huwad na espirituwal na taong ito, iboboto pa rin ba ninyo sila bilang mga lider? Kung ikaw mismo ay ganitong uri ng tao at may gustong bumoto sa iyo, ano ang gagawin mo? (Magkakaroon ako ng kaunting kamalayan sa sarili, at sasabihin kong hindi ako angkop na maging isang lider.) At kung, matapos mong ipahayag ito, iniisip pa rin ng lahat na mahusay ka at pinipilit nilang iboto ka, ano ang dapat mong gawin? Sabihin mo sa kanila: “Hindi ko kayang gawin ang gawain ng isang lider, hindi ko kayang pasanin ang gawaing iyon. Mukha akong may kaunting kakayahan sa panlabas, at minsan ay mayroon akong ilang magandang ideya at nagbibigay ako ng kaunting liwanag, pero kadalasan, puro salita at doktrina lang ang ipinapangaral ko. Talagang hindi ako puwedeng maging isang lider o manggagawa. Hindi ako mas mahusay kaysa sa inyo. Anuman ang gawin ninyo, pakiusap, huwag ninyo akong iboto. Kahit ako pa ang makakuha ng pinakamaraming boto, hindi pa rin ako puwedeng maging isang lider. Hindi ko puwedeng mapinsala ang sinuman! Nagserbisyo na ako bilang isang lider noon, at sa bawat pagkakataon, nabigo at natanggal ako. Sa tuwing natatanggal ako, iyon ay dahil mahina ang kakayahan ko, wala akong abilidad sa gawain, at hindi ko kayang gumawa ng tunay na gawain. Ang kaya ko lang gawin ay ang mangaral ng mga salita at doktrina, at bukod doon, hindi ko nagampanan nang maayos o naisakatuparan ni isa sa mga responsabilidad na dapat tuparin ng mga lider. Naging isa akong huwad na lider.” Ito ay pagkakaroon ng kamalayan sa sarili, hindi lang pagsasabi ng ilang salita tungkol sa pagiging hindi angkop na maging isang lider at iyon na iyon. Iniisip ng ilang tao, “Napakaraming taon ko nang ginampanan ang tungkulin ko sa grupong ito, at dapat lang na ituring akong isang miyembro ng mga nakatataas na tauhan sa anumang kaso. Kahit wala akong naiambag kahit kailan, nagsumikap ako, kaya, bakit kaya walang nakatuklas sa mga kalakasan ko? Puwede rin naman akong maging lider. Madalas akong nakakaisip ng mga ideya at suhestiyon na talagang may halaga at praktikal na silbi. Tanggapin man ng mga lider ang mga ito o hindi, sa anu’t ano man, isa akong taong may mga saloobin, ideya, at pananaw. Bakit walang bumoboto sa akin?” Kung ganito ka mag-isip, puwede mong suriin ang sarili mo sa ganitong paraan: Mga pahayag lang ba iyong mga kaisipan, ideya, at suhestiyon mo, o talagang may praktikal na silbi ang mga iyon? Nakakatuklas at nakakalutas ka ba ng iba’t ibang klase ng mga paghihirap na nararanasan sa gawain? Magagamit ba ang mga kaisipan at ideya mo? Kaya mo bang pasanin ang gawain? Kung nananatiling mga salita at doktrina ang mga kaisipan at pananaw mo, kung sadyang walang praktikal na silbi ang mga ito, at higit pa rito, kung sadyang hindi nakaayon ang mga ito sa mga prinsipyo ng gawain ng sambahayan ng Diyos, kung gayon, ano nga ba ang kakayahan mo? Kapag napili ka bilang isang lider, magagawa mo bang tuparin ang mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa? Gusto mo bang maging lider dahil sa ambisyon, o dahil sa pagpapahalaga sa pasanin? Kung talagang nagtataglay ka ng abilidad sa gawain at ng abilidad na lumutas ng mga isyu, at kapag nakikita mong napakahina ng ilang lider at manggagawa sa pagsasagawa ng gawain at hindi sila nakakalutas ng anumang mga problema, nababalisa ka dahil dito, at nagsusuhestiyon ka sa kanila pero hindi sila nakikinig, at hindi nila kayang lumutas ng mga isyu, pero hindi nila iniuulat ang mga isyu sa Itaas, at nag-aalala at nababalisa ka para sa gawain ng sambahayan ng Diyos, at nakakaramdam ka ng matinding sama ng loob kapag nakikita mong nagdudulot ng mga pagkaantala sa gawain ng iglesia ang mga huwad na lider, ipinapakita nito na mayroon kang pagpapahalaga sa pasanin. Gayumpaman, kung gusto mong makuha ang pagsang-ayon ng lahat, na makahanap ng mas maraming tagapanood, at makahikayat ng mas maraming tao na makikinig sa iyo na mangaral at magsermon, dahil lang mayroon kang ilang ideya, at kung gusto mong mamukod-tangi sa karamihan, kung gayon, hindi ito pagpapahalaga sa pasanin—ito ay ambisyon. Ang mga ambisyosong tao ay puro salita at doktrina lang ang kayang ipangaral, at ang anumang mga ideya na mayroon sila ay mga hungkag na salita at doktrina lang din. Kapag nagiging mga lider ang mga taong gaya nito, tiyak na magiging mga huwad na lider sila, at kung sila ay masasamang tao, sila ay mga anticristo. Kung mananatiling mga hungkag na salita ang mga ideya mo, kung gayon, kapag naging lider ka na, siguradong magiging katulad ka lang ng bawat huwad na espirituwal lider. Palagi kang “magkukulong para pagtuunan ang paglilinang sa sarili mo,” kung hindi, makakaramdam ka ng krisis at wala kang maipapangaral. Kung pareho ka lang sa kanila, at habang nangangaral ka mula sa mataas na posisyon, hindi ka makatuklas ng anumang mga problema na umiiral sa gawain, at likas na hindi mo rin kayang lutasin ang anumang mga problema, kung gayon, tiyak na magiging isa kang huwad na lider. At ano ang nangyayari sa mga huwad na lider sa huli? Natatanggal sila sa mga posisyon nila dahil hindi nila kayang gumawa ng tunay na gawain—nakatakda silang tahakin ang landas na ito.
Maraming tao ang palaging nakakaramdam ng galit at handang gumawa ng hakbang sa puso nila, at sa tuwing darating ang oras na pipili ng isang lider o superbisor, palagi nilang gustong sila ang mapili. Iniisip ng ilang tao na napakatagal na nilang nananampalataya sa Diyos, nagtiis sila ng pinakamatinding paghihirap, ginampanan nila ang tungkulin nila sa pinakamahabang panahon at nang may pinakamatibay na katapatan, at na sila ang pinakakarapat-dapat na maging lider, kaya gusto nilang sila ang piliin ng ibang mga tao. Ano nga ba ang magagawa nila kung pipiliin sila ng ibang mga tao? Maiiwasan ba nilang makuha ang titulo ng huwad na lider? Magagawa ba nilang tuparin ang mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa? Pawang mga tunay na problema ang mga ito, pero hindi ganito itinuturing ng sinuman ang mga bagay-bagay. Sa mga taong ito, may ilan na sapat ang kakayahan. Kaya nilang hanapin ang katotohanan kapag may mga problema sa tungkulin nila, at kapag naunawaan nila ang katotohanan at nagagawa nilang pangasiwaan ang mga usapin ayon sa mga prinsipyo, maaari silang maging pasok sa pamantayan. Kung ang mga taong ito ay nakakaunawa, nagmamahal, at nagagawang maghangad sa katotohanan, at dagdag pa rito, may medyo mabuti silang pagkatao, kung gayon, hindi sila magkakaroon ng anumang mga problema para maging mga lider at manggagawa na pasok sa pamantayan—hindi ito magiging masyadong mahirap para sa kanila. May ilang tao na palaging nagrereklamo na mahirap ang gawaing ginagawa nila, hindi sila handang magsikap o magbayad ng halaga pagdating sa katotohanan, at nagmamaktol sila kapag napupungusan. Puwede bang maging mga lider at manggagawa na pasok sa pamantayan ang gayong mga tao? Sadyang mali ang layunin at saloobin nila, hindi sila mga taong naghahangad sa katotohanan, at kahit ano pa ang hingin sa kanila ng Diyos, nananatiling negatibo ang saloobin nila. Ang mga ganitong tao ay hindi karapat-dapat maging mga lider at manggagawa. Wala silang pagpapahalaga sa pasanin sa mga puso nila, at kahit gaano pa kalinaw o kaliwanag ang pagkakalatag sa mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos, ayaw pa rin nilang magsumikap na gawin nang maayos ang gawain. Sa totoo lang, hindi naman mahirap gawin nang maayos ang gawain. Bakit hindi ito mahirap? Una, may mga partikular na pagsasaayos ng gawain ang sambahayan ng Diyos para sa lahat ng gawain ng iglesia, at gumawa na ng mga espesipikong kondisyon ang Itaas para dito, kaya, hindi ninyo kailangang maging makabago sa anumang aytem ng gawain, o tapusin ito nang mag-isa. Binigyan kayo ng Itaas ng isang saklaw at direksyon, at binigyan kayo ng mga prinsipyo, at ng mga pinakamababang pamantayan; sa paggampan ng gawain ninyo, hindi kayo nag-aaksaya ng lakas nang walang patutunguhan o walang direksyon. Ikalawa, sa anumang aytem ng gawain, kahit sino pa ang superbisor, o nakatuon man sa lokal o sa labas ng bansa ang gawain, ang pinakapangunahing bagay ay na ang Itaas na Brother ay partikular na sumusubaybay, gumagabay, nangangasiwa, nag-iinspeksiyon, at nagsasagawa ng pagsusuri sa gawain, at madalas na nag-uusisa. Gaano kapartikular ang mga kilos na ito? Personal na nakikibahagi at sumusubaybay ang Itaas na Brother sa bawat iskrip, pelikula, programa, himno, at iba pa. Nakikibahagi rin Ako sa ilang gawain, binibigyan kayo ng pangkalahatang direksyon at balangkas. Ikatlo, para sa anumang aspekto ng gawain na may kinalaman sa mga katotohanang prinsipyo, madalas ding nakikipagbahaginan sa inyo ang Itaas tungkol sa mga katotohanang prinsipyo at gumagabay sa gawain ninyo; pinupungusan din kayo ng Itaas, nagsasagawa ng pagsusuri sa gawain ninyo, at sa anumang oras, itinutuwid ng Itaas ang mga pagkabaluktot ninyo. Ikaapat, pagdating sa mahahalagang gawain sa tauhan at administrasyon, personal kayong tinutulungan ng Itaas sa pamamagitan ng pagsasagawa ng pagsusuri at ng paggawa ng mga desisyon. Sa katunayan, anuman ang gawaing ginagawa ninyo, hindi ninyo ito tinatapos nang mag-isa; lahat ay isinaayos, pinamunuan, pinatnubayan, at sinuri ng Itaas. Kaya, ano nga ba ang ginagawa ninyo? Tinatamasa lang ninyo ang mga bagay na nakahanda na—masyado kayong pinagpala! Wala kayong kailangang alalahanin; kailangan lang ninyong gumawa gamit ang mga kamay at paa ninyo. Ito ang gawaing nakatakda sa inyo. Ni minsan ba ay nagbayad kayo ng karagdagang halaga? (Hindi.) Ginawa ng Itaas ang lahat ng pangunahin at mahalagang gawaing ito; samakatwid, ang gawaing ginagawa ninyo ay pawang napakadali at walang anumang malalaking paghihirap. Sa ilalim ng gayong mga sitwasyon, kung hindi pa rin gagawin ng mga tao nang maayos ang gawain nila, walang kapatawaran iyon, at pinapatunayan nito na sadyang hindi nila isinasapuso at pinagsisikapan ang gawain nila o tinutupad ang mga responsabilidad nila. Sinasabi ng ilang tao, “Sino ba ang walang anumang mga isyu kapag gumagawa ng gawain? Hindi ba puwedeng magkaroon ng anumang mga isyu ang mga tao?” Hindi hinihingi sa inyo na makakuha ng perpektong marka sa gawain ninyo; hinihingi lang sa inyo na makapasa kayo, at pagkatapos ay maituturing nang natupad ninyo ang mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa. Masyado bang mataas ang kahingiang ito? (Hindi.) Madaling makakuha ng pasadong marka batay sa patnubay at pagsusuri ng Itaas; nakasalalay lang ito sa kung taos-puso bang hinahangad ng mga tao ang katotohanan. Kung hindi sila magsisikap pagdating sa katotohanan, at palagi nilang gustong maging pabaya, at kung kontento na sila na iniraraos lang nila ang gawain, hindi gumagawa ng anumang masama, hindi nagdudulot ng anumang mga panggugulo o paggambala, at hindi nababagabag ang konsensiya nila sa anumang bagay, kung gayon, hindi sila makakakuha ng pasadong marka. Karamihan sa mga lider at manggagawa ay may ganitong saloobin kapag gumagawa; gumagawa sila ng kaunting gawain pero ayaw nilang mapagod nang husto, kontento na sila sa pagiging pipitsugin lang, at tungkol naman sa kung ano ang mga resulta ng gawain nila, sa tingin nila ay ang Diyos na ang bahala roon at na wala silang kinalaman dito. Katanggap-tanggap ba ang saloobing ito? Kung mayroon silang gayong saloobin, napakalimitado ng gawaing kaya nilang gawin, at hindi nila ibinubuhos ang lahat ng makakaya nila, na nagpapahiwatig na hindi nila kayang gumawa ng tunay na gawain o na hindi sila gumagawa ng tunay na gawain, at kaya, dapat silang ilarawan bilang mga huwad na lider—ito ay ganap na naaangkop, at hindi ito matatawag na hindi makatarungan. Palaging sinasabi ng ilang tao, “Masyadong mataas ang mga hinihingi Mo sa amin. Kung hindi namin gagawin ang gawaing ito, kami ay mga huwad na lider; at kung hindi namin matutugunan ang hinihinging iyon, kami rin ay mga huwad na lider. Ano ba ang tingin Mo sa amin? Hindi kami mga robot, hindi kami perpekto. Mga ordinaryong tao lang kami, mga mortal lang. Sinasabi Mo sa amin na maging mga ordinaryong tao kami, mga karaniwang tao, pero bakit napakataas ng mga hinihingi Mo sa amin bilang mga lider?” Sa totoo lang, hindi mataas ang mga hinihingi Ko sa inyo. Hinihiling Ko lang sa iyo na tuparin mo ang mga responsabilidad na dapat tuparin ng isang tao. Ito ay isang bagay na dapat at kailangan mong gawin, at isa itong bagay na kaya mong matamo bilang lider at manggagawa. Kung, gayumpaman, ay hindi ka nagsisikap na magpunyagi tungo sa katotohanan, at palagi kang natatakot na magdusa ng paghihirap at palaging nag-iimbot ng kaginhawahan, kung gayon, anuman ang mga dahilan o palusot mo, tiyak na magiging isa kang huwad na lider. Katulad ito ng mga bagay na dapat makamit ng mga taong may normal na pagkatao at na dapat asikasuhin mismo ng mga taong nasa hustong gulang, gaya ng kung anong oras dapat gumising sa umaga ang isang taong nasa hustong gulang, kung ilang beses siyang dapat kumain at ilang oras siya dapat magtrabaho sa isang araw, at kung kailan niya dapat labhan ang marurumi niyang damit—dapat ikaw mismo ang mag-asikaso ng mga bagay na ito, at hindi mo na kailangan pang itanong sa iba ang tungkol sa mga ito. Kung itatanong mo sa iba ang lahat ng bagay at wala kang nauunawaan na kahit ano, hindi ba’t nangangahulugan ito na kulang ka sa talino, at na isa kang hangal? Hindi ba’t nangangahulugan ito na hindi mo kayang alagaan ang sarili mo? Puwede bang maging mga lider ang mga ganitong tao? Hindi ba’t mga huwad na lider sila? Dapat tanggalin ang mga gayong tao. Ang mga taong tulad nito ay gusto pa ring kumapit sa posisyon nila at hindi bumaba, at gusto pa rin nilang maging mga lider! Matapos tanggalin ang ilang huwad na lider, pakiramdam nila ay ginawan sila ng mali at hindi sila tumitigil sa pag-iyak dahil dito. Umiiyak sila hanggang sa mamugto ang mga mata nila. Bakit sila umiiyak? Hindi nila alam kung anong uri sila. Kapag sinabi Ko na hindi mataas ang mga kahingian Ko sa mga tao, ang ibig Kong sabihin, ang hinihiling sa iyo na gawin mo ay ang bagay na kaya mong makamit; ang daan ay nakalatag na para sa iyo at nakatakda na ang saklaw, at nagawa na ang mga desisyon, at kailangan mo na lang gumawa ng pagkilos. Para itong pagkain: Ang mga butil, gulay, lahat ng klase ng pampalasa, mga lutuan, at kalan ay inihanda na para sa iyo, at ang kailangan mo lang gawin ay matutong magluto; ito ang dapat gawin at kamtin ng isang taong nasa hustong gulang. Kung hindi mo ito makakamit, isa kang hangal, at hindi ka maituturing na pasok sa saklaw ng katalinuhan ng mga normal na taong nasa hustong gulang. Hindi kayang gawin ng ilang lider ang tunay na gawaing ito, kaya dapat silang tanggalin. Kung gayon, paano natin mabibigyang-depinisyon at matutukoy kung ang isang tao ay may kakayahang gawin ang ganitong uri ng gawain? Kung taglay niya ang talino at kakayahan ng isang taong nasa hustong gulang, at taglay niya ang pagiging matapat at pagpapahalaga sa responsabilidad na dapat taglayin ng isang taong nasa hustong gulang, kung gayon, dapat ay makakaya niyang gawin ang ganitong uri ng gawain. Kung hindi niya kaya, o hindi niya ito ginagawa, isa siyang huwad na lider. Ganoon natutukoy ang bagay na ito, at tumpak ang ganitong paraan ng pagtukoy. Hindi ito pagkondena o paghusga sa isang tao, kaya, masasabi bang malupit ito? Nakalatag ang lahat ng katunayan, at hindi ito malupit sa anumang paraan.
II. Mga Huwad na Lider na Mahina ang Kakayahan
Katatapos lang nating magbahaginan tungkol sa mga pagpapamalas ng isang uri ng huwad na lider patungkol sa pag-uulat at paghahanap kaagad kung paano lutasin ang mga kalituhan at paghihirap na nararanasan sa gawain, kasama ang mga dahilan kung bakit hindi magawang tuparin ng mga taong gaya nito ang mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa. Ang gayong mga tao ay huwad na espirituwal; dahil hindi nila matuklasan ang mga kalituhan at paghihirap sa gawain, hindi nila magawang tuparin ang responsibilidad na ito. Ito ay isang uri ng tao. Mayroong isa pang uri ng tao: Kapareho sila ng mga huwad na espirituwal na taong iyon—hindi rin nila matuklasan ang mga problemang umiiral sa gawain, at kaya, hindi nila naiuulat kaagad ang mga ito sa Itaas at hindi rin sila nakakapaghanap ng mga solusyon mula sa Itaas. Ang gayong mga tao ay abala rin sa gawain, nagpapakaabala sila buong araw nang hindi nagpapakatamad. Abala sila sa pagbigay ng mga sermon, sa pagdalaw sa mga kapatid sa iba’t ibang lugar, sa pagsasaayos sa gawain, at maging sa pagbili ng iba’t ibang gamit para sa gawain ng iglesia. Kung may magkakasakit, tumutulong sila sa paghahanap ng doktor; kung magkakaroon ng mga problema sa bahay ang isang tao, tumutulong sila sa pagsasaayos ng tulong pinansiyal; kung nasa masamang kalagayan ang isang tao, nagkukusa silang suportahan ito at aktibong tulungan na lutasin ang mga problema nito. Sa madaling salita, palagi silang abala sa ilang gawain sa mga ugnayang pangkalahatan. Wala silang pakialam sa tunay na gawain ng iglesia, sa gawain ng ebanghelyo, at sa mga problema sa buhay-iglesia. Araw-araw, nagpapakapagod sila sa pagmamadali, at nananatili silang abala sa pangangasiwa at paglutas ng mga suliranin ng iglesia at ng mga personal na isyu ng mga kapatid. Iniisip nila na bilang mga lider, dapat nilang gawin ang mga gampaning ito, pero hindi nila kailanman napagtatanto kung ano ang mahalagang gawain ng isang lider, at kahit gaano sila magsikap, hindi pa rin nila mahanap ang mga tunay at kritikal na problema na umiiral sa iglesia. Kaya, kapag umusbong ang mga kaguluhan at balakid sa buhay-iglesia, at kapag nakakaranas ang mga hinirang ng Diyos ng mga paghihirap sa buhay pagpasok, hindi kaagad nalulutas ng mga lider na ito ang mga bagay na ito. Bagama’t abala silang gumagawa at araw-araw silang hindi nagpapakatamad, ano nga ba ang makakamit nila sa pagiging ganito kaabala? Maraming problema sa gawain ng iglesia, pero hindi nila matuklasan ang mga ito. Sa panlabas, mukha silang masipag, matapat, at hindi tamad, pero umuusbong ang sunod-sunod na problema sa gawain, at abala sila sa pag-aayos ng mga butas, abala sa paglutas ng iba’t ibang uri ng “mga masalimuot at mahirap na problema,” at sa pagharap sa lahat ng uri ng masasamang tao at mga taong nanggugulo at nanggagambala na lumilitaw sa iglesia. Nagpapakaabala sila sa gawain gaya nito, pero hindi nila magawang kilatisin maging ang mga pinakasimpleng problema. Hindi nila magawang kilatisin nang malinaw kung ano ang mabuting pagkatao at kung ano ang masamang pagkatao, kung ano ang mahusay na kakayahan at kung ano ang mahinang kakayahan, kung ano ang pagtataglay ng tunay na talento at kaalaman at kung ano ang pagkakaroon ng mga kaloob. Hindi rin nila kayang makilatis nang malinaw kung aling mga uri ng tao ang nililinang ng sambahayan ng Diyos at kung aling mga uri ang itinitiwalag nito, kung sinong mga tao ang naghahangad sa katotohanan at kung sino ang hindi, kung sino ang kusang-loob na gumagampan ng tungkulin nila at kung sino ang hindi gumagampan, kung sinong mga tao ang magagawang perpekto na maging mga tao ng Diyos, at kung sinong mga tao ang mga trabahador, at iba pa. Itinuturing nilang mga pangunahing target ng paglilinang ang mga tao na magaling lang magpakahambog at maglitanya ng mga hungkag na teorya, pero hindi kayang gumawa ng tunay na gawain, at nagsasaayos sila para gumawa ang mga taong ito at pinagkakatiwalaan nila ang mga ito ng mahalagang gawain, samantalang ipinagpapaliban nila ang pagtataguyod at paglilinang ng mga may tunay na pagkaarok, kakayahan, at abilidad na maunawaan ang katotohanan dahil lang sa hindi gaanong matagal nanampalataya sa Diyos ang mga taong iyon o nagbunyag ng mayabang na disposisyon ang mga iyon. Madalas lumilitaw sa iglesia ang mga problemang gaya nito at nakakaapekto ito sa pag-usad ng gawain ng iglesia. Ito ang mga tunay na problema, pero hindi makita o matuklasan ng ganitong klaseng lider ang mga ito, at ganap pa nga nilang hindi nababatid ang mga ito. Kapag nagdudulot ang masasamang tao ng mga panggugulo at paggambala, binibigyan nila ang mga ito ng pagkakataon na sumailalim sa obserbasyon at pagnilayan ang sarili, samantalang kapag ang iba naman, na hindi masasamang tao, ay paminsan-minsang nakakagawa ng maliliit na pagkakamali dahil bata pa sila at walang-muwang at kumikilos nang walang mga prinsipyo—mga pagkakamaling hindi isyu ng prinsipyo—itinuturing ng ganitong uri ng lider ang mga pagkakamaling ito bilang mga kasalanang hindi mapapatawad at pinapauwi niya ang mga taong ito. Ang ganitong uri ng huwad na lider ay abala sa gawain araw-araw at, sa panlabas, mukha siyang nagsusumikap nang husto at gumugugol ng marami niyang oras, pero kahit paano pa siya gumawa, walang nakakatanggap ng tunay na panustos sa buhay mula rito. Anuman ang mga problema at paghihirap na mayroon ang mga hinirang ng Diyos, hindi kayang lutasin ng ganitong uri ng huwad na lider ang mga ito sa pamamagitan ng pakikipagbahaginan tungkol sa katotohanan, at ang magagawa lang niya ay ang himukin ang mga hinirang ng Diyos nang may pusong mapagmahal, at ang mangaral ng mga salita at doktrina para palakasin ang loob ng mga hinirang ng Diyos. Samakatwid, sa ilalim ng pamumuno ng gayong mga tao, hindi nakakatanggap ang mga hinirang ng Diyos ng panustos sa buhay, nananampalataya lang sila sa Diyos at ginagampanan nila ang mga tungkulin nila batay sa sigasig, at wala silang nakakamit na buhay pagpasok—gaano katagal silang magpapatuloy nang ganito? Bilang resulta, madalas na negatibo at mahina ang ilang tao, at palagi nilang pinananabikan ang araw ng pagparito ng Diyos, at palabo nang palabo para sa kanila ang mga pangitain, at kapag nakakaranas sila ng mga isyu, nagkakaroon sila ng mga kuru-kuro at maling pagkaunawa tungkol sa Diyos, at pinagdududahan pa nga ng iba ang Diyos at nagbabantay sila laban sa Kanya. Kapag nahaharap sa mga ganitong problema, ganap na hindi magawang lutasin ng mga huwad na lider ang mga ito, at ang tanging ginagawa nila ay ang iwasan ang mga ito. Hindi sila kailanman nagbabasa ng mga salita ng Diyos o nagdarasal sa Diyos kasama ang mga hinirang ng Diyos upang hanapin ang katotohanan at lutasin ang mga isyu—hindi nila kailanman ginagampanan ang gawaing ito. Araw-araw, abala lang sila sa ilang gawain sa mga ugnayang pangkalahatan at mga partikular na usaping panlabas, mga usaping walang kinalaman sa buhay pagpasok o sa katotohanan. Iniisip nila na basta’t abala sila sa mga ginagawa nila, ibig sabihin nito ay ginagampanan na nila ang tungkulin nila at tinutupad ang mga responsabilidad nila, at na imposibleng mga huwad na lider sila. Sa katunayan, ang pagiging abala nila sa mga ugnayang pangkalahatang ito ay hindi nakakatulong sa mga kapatid na umusad man lang sa buhay, at lalong hindi nito nabibigyang-daan ang mga hinirang ng Diyos na makapasok sa katotohanang realidad. Sabihin mo sa Akin, hindi ba’t may problema sa kakayahan ng ganitong uri ng huwad na lider? Wala silang malinaw na pagkilatis sa anumang bagay, at iniisip nila na basta’t abala silang gumagawa, maglalaho na lang ang lahat ng problema, at malulutas nang kusa. Hindi ba’t masyadong naguguluhan ang mga taong ito? Hindi ba’t napakahina ng kakayahan nila? Hindi nila malinaw na makilatis ang anumang bagay, hindi nila kayang gawin ang anumang tunay na gawain, at dahil dito, sila ay mga tunay na huwad na lider at huwad na manggagawa. Ito ay isang usapin na pinakamadaling makilatis.
Ang mga huwad na lider at huwad na manggagawa ay umiiral ngayon sa mga iglesia kahit saan. Umaasa lang sila sa sigasig nila para gumawa at wala silang anumang pagkaunawa sa katotohanan. Hindi nila alam kung ano ang gawain ng isang lider o manggagawa, ni kayang magbahagi tungkol sa katotohanan para lutasin ang mga isyu—ginugugol nila ang buong araw sa walang-direksyong pagiging abala sa ilang gawain sa mga ugnayang pangkalahatan. Halimbawa, sabihin nating kailangang bumili ang iglesia ng isang gamit. Hindi naman ito isang malaking gampanin; kailangan lang maisaayos ang isang taong may kaalaman kaugnay sa bagay na iyon para bumili nito. Gayumpaman, takot ang isang huwad na lider na gumastos ng napakalaking pera, at kaya, nagsaayos siya ng isang tao para bumisita sa ilang lugar upang bilhin ang pinakamurang gamit. Ang resulta nito, bumili silang dalawa ng isang murang produkto na nasira lang pagkatapos ng ilang araw pagkatapos gamitin, at kinailangan nilang bumili ulit ng isa pa. Bukod sa hindi sila nakatipid ng pera, sa kabaligtaran, mas gumastos pa sila nang malaki sa huli. Ito ba ay isang maprinsipyong paraan ng pangangasiwa sa gampanin? Hindi kailangan ang sikat na tatak kapag bumibili ng gamit, pero ang nararapat na gawin ay bumili kahit papaano ng isang bagay na may angkop na kalidad at magagamit. Masyadong nag-aalala ang mga huwad na lider tungkol sa gawain sa ugnayang pangkalahatan, at walang masama roon. Gayumpaman, hindi nila sineseryoso ang kritikal na gawain ng sambahayan ng Diyos, at isa itong malaking pagkakamali; ito ang hindi nila paggampan ng mahalagang gawain. Ang mga aytem ng gawain tulad ng gawain ng ebanghelyo, gawain ng paggawa ng pelikula, gawaing nakabatay sa teksto, gawain ng video ng patotoong batay sa karanasan, at gawain ng pag-aayos sa mga tungkulin ng mga lider at manggagawa, ay pawang napakahalaga, pero hindi ito itinuturing na mahalaga ng mga huwad na lider, at isinasantabi at binabalewala nila ang mga aytem na ito ng gawain. Kulang ang kakayahan nila at hindi nila alam kung paano gawin ang gawain, pero hindi rin sila sumusubok na matuto, sa halip, iniisip nila, “Ayos lang basta’t may namamahala sa gawaing ito. Tiyak na hindi rin naman ako kailangan? Hawak ko ang mahahalagang trabaho. Maliliit na bagay lang ang mga ito na hindi ko kailangang alalahanin. Kapag nasabi ko na sa kanila ang mga prinsipyo, tapos na ang trabaho ko.” Sa panlabas, mukhang napakaabala ng mga huwad na lider, pero kapag tiningnan mo ang mga bagay na pinagkakaabalahan nilang gawin, wala ni isa sa mga ito ang isang kritikal na piraso ng gawain ng iglesia, wala ni isa sa mga ito ang nagtutustos para sa mga buhay ng mga tao, at wala ni isa sa mga ito ang isang piraso ng gawain na gumagamit sa katotohanan para lutasin ang mga isyu. Ang mga bagay na pinagkakaabalahan nila ay walang anumang halaga, at ang mga huwad na lider na ito ay basta na lang nagpapakaabala nang walang direksyon. Hindi nila alam kung anong gawain ang dapat gawin ng mga lider at manggagawa upang umayon sa mga layunin ng Diyos; umaasa lang sila sa sigasig nila para magpakaabala sa ilang gampaning nasisiyahan silang gawin. Detalyado silang nag-uusisa tungkol sa maliliit na usaping walang kaugnayan sa gawain ng iglesia, gaya ng kung ano ang isinusuot na mga damit ng mga kapatid, kung ano ang istilo ng buhok nila, kung paano sila nakikisalamuha sa iba, at kung paano sila magsalita at umasal. Iniisip nila na ito ay tanda ng kanilang pagiging magiliw at madaling lapitan, at na ang paglutas sa mga isyu sa mga tunay na buhay ng mga tao ay isang bagay na dapat gawin ng isang lider, isang bagay na dapat taglayin ng normal na sangkatauhan. Subalit hindi nila sineseryoso ang kritikal na gawain ng gawain ng ebanghelyo, gawain ng paggawa ng pelikula, gawain sa himno, gawaing nakabatay sa teksto, gawaing administratibo, ang gawain ng pagdidilig sa mga bagong mananampalataya, ang gawain ng pagtatatag ng mga iglesia, ang gawain ng pagtataguyod at paglilinang ng mga tao, at iba pa. Hindi sila nakikilahok sa alinman sa gawaing ito, at hindi rin nila ito sinusubaybayan; para bang walang kinalaman sa kanila ang gawaing ito. Hindi nilulutas ng mga huwad na lider na ito ang maraming problemang naiipon sa iglesia, hindi nila tinatanggal ang mga huwad na lider na dapat nilang tanggalin, hindi nila hinihigpitan o pinapangasiwaan ang masasamang taong gumagawa ng kasamaan at nag-aamok sa paggawa ng masasamang bagay, at hindi sila nagbabahagi tungkol sa katotohanan para lutasin ang isyu ng pagiging pabaya, walang pigil, walang disiplina, at patumpik-tumpik ng ilang tao sa paggampan ng mga tungkulin nila. Anong problema ito? Hindi nila hinahanap ang katotohanan para lutasin ang mga aktuwal na problemang ito—sila ba ay mga taong gumagawa ng tunay na gawain? Ang mga di-mahalaga at walang kaugnayang gampanin na ginagampanan nila ay tila napakaimportante at napakahalaga para sa kanila. Pinagkakaabalahan nila ang mga walang kwentang bagay buong araw, naniniwalang tinutupad nila ang mga responsabilidad nila at nagiging tapat sila, pero hindi sila gumagawa ng ni isang mahalagang aytem ng gawain na ipinagkatiwala ng Diyos sa kanila—hindi ba’t mga huwad na lider ang mga taong gaya nito? Katumbas sila ng mga direktor ng mga subdistritong opisina sa lipunan, sila ay sadyang mga pakialamero sa kapitbahayan—kung gayon, sila ba ay mga lider at manggagawa pa rin ng sambahayan ng Diyos? Sila ay mga tunay na huwad na lider at huwad na manggagawa. Ano ang dahilan kaya inilalarawan ang mga taong ito bilang mga huwad na lider at huwad na manggagawa? (Dahil masyadong mahina ang kakayahan nila, hindi nila kayang gumawa ng tunay na gawain, at ang kaya lang nilang gawin ay ang pangasiwaan ang ilang maliit na bagay.) Ito ang partikular na dahilan. Masyadong mahina ang kakayahan ng mga taong ito; gaano man karami ang sermong pinapakinggan nila, gaano karaming pagsasaayos ng gawain ang binabasa nila, gaano karaming taon na silang gumagampan ng tungkulin nila sa sambahayan ng Diyos, o gaano karaming taon na silang lider, hindi nila kailanman alam kung ano ang ginagawa nila, kung tama o mali ba ang ginagawa nila, o kung tinutupad ba nila ang mga responsabilidad na dapat nilang tuparin. Ang depinisyon nila sa bansag at titulo ng pagiging mga lider o manggagawa ay na ayos lang ito basta’t abala sila. Para silang isang asno na iniikot ang isang gilingan, patuloy na humihila hanggang sa hindi na sila makagalaw, at itinuturing nila ito na pagtupad ng mga responsabilidad nila. Kahit saang direksyon man sila humihila, at tama man o hindi ang lakas na ibinubuhos nila sa paghila, para sa kanila, tinutupad nila ang mga responsabilidad nila. Maraming isyu ang hindi nila malinaw na makilatis, at hindi rin nila sinusubukang lutasin o iulat ang mga ito sa Itaas at humingi ng mga solusyon mula sa Itaas. Gaano man karaming taon silang gumagawa o nakikipag-ugnayan sa mga tao, hindi man lang nila alam kung ang mga pagpapamalas ng isang tao ay nabibilang sa isang bagong mananampalataya na may mababaw na pundasyon sa pananalig niya at na hindi nakakaunawa sa katotohanan, o nabibilang sa isang hindi mananampalataya, at hindi rin nila alam kung paano nila dapat kilatisin o ilarawan ang mga pagpapamalas na ito. Kapag may dalawang tao na parehong nasa negatibong kalagayan, hindi nila alam kung sino sa dalawa ang karapat-dapat linangin at kung sino ang hindi; kapag medyo pabaya ang dalawang tao sa paggampan ng mga tungkulin, hindi nila matukoy kung sino sa mga ito ang tagahangad sa katotohanan at kung sino sa mga ito ang trabahador, kung sino sa mga ito ang may kakayahang pumasok sa katotohanang realidad at kung sino sa mga ito ang walang katotohanang realidad. Hindi nila alam kung sinong mga tao ang potensyal na susunod sa landas ng mga anticristo sa sandaling maging mga lider ang mga ito, kahit na nakasama na nila ang mga taong ito sa loob ng ilang taon. Gaano man karaming walang kabuluhang pagkilos ang ginagawa nila o gaano karaming walang saysay na trabaho ang ginagampanan nila, o gaano karaming problema ang nasa paligid nila, hindi nila nababatid ang mga ito, at hindi nila napagtatanto na mga isyu ang mga ito. Dahil ang gayong mga tao ay mahina ang kakayahan, magulo ang pag-iisip, at walang kakayahang gumampan ng gawain, napakahirap para sa kanila na tuparin ang mga responsabilidad ng isang lider o manggagawa. Bukod sa pagkakaroon ng kakayahang gumawa ng ilang simpleng gawain sa ugnayang pangkalahatan, ang ganitong mga lider at manggagawa ay walang kakayahang gumawa ng anumang bagay na nauugnay sa mahalagang gawain ng iglesia, at hindi nila kayang makita o malutas ang anumang mga tunay na problema sa gawain. Karapat-dapat bang linangin ang ganitong uri ng lider na may ganitong klase ng kakayahan? Wala man lang silang kaalaman sa kung ano ang mga kalituhan o kung ano ang mga paghihirap, at mas lalong hindi nila napapangasiwaan ang mga ito ayon sa mga prinsipyo. Kahit napakakarinawan ng mga problemang nararanasan sa gawain ng iglesia, hindi pa rin nila kayang ibuod at iklasipika ang mga ito, ni alam kung paano magbahagi tungkol sa katotohanan para malutas ang mga ito—palaging hindi kayang pangasiwaan o lutasin ng ganitong uri ng huwad na lider ang mga problemang ito na madalas lumilitaw sa iglesia. Ang pinakamalaking isyu nila ay hindi ang kawalan ng kahandaang magbayad ng halaga, o ang takot na maging abala at mapagod, kundi ang pagkakaroon nila ng mahinang kakayahan, malabong isipan, at kawalan ng kakayahang gawin ang mahalaga at tunay na gawain ng iglesia. Sa halip, abala lang sila sa paggawa ng ilang gawain sa ugnayang pangkalahatan o pag-aalala sa mga bagay na walang kaugnayan, at pagkatapos aygusto nilang gampanan ang papel ng mga lider at manggagawa—hindi ba’t sila ay mga taong naguguluhan na may mga masyadong malaking ambisyon at pagnanais? Ang mga lider na may mahinang kakayahan ay pare-parehong hindi kayang gawin ang pangunahing gawain ng iglesia, gawain na may kinalaman sa mga katotohanang prinsipyo, o komplikadong propesyonal na gawain, tulad ng gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo, gawain ng pagdidilig sa mga bagong mananampalataya sa iglesia, gawain ng paggawa ng pelikula, gawaing nakabatay sa teksto, at gawain ng mga tauhan na nauugnay sa mga lider at manggagawa sa iba’t ibang antas. Bakit hindi nila kayang gawin ang gawaing ito? Ito ay dahil ang kakayahan nila ay napakahina at hindi nila maarok ang mga prinsipyo; pare-pareho silang bigo sa gawaing ito at wala silang kakayahang matuto kung paano ito gawin. Halimbawa, sabihin nating ang isang lider na gaya nito ay binigyan ng limang tao at inatasang magtalaga ng gawain sa limang taong ito batay sa antas ng pinag-aralan nila, kakayahan at mga kalakasan nila, at karakter nila. Isa ba itong madaling gampanin? May kaugnayan ba ito sa kakayahan ng mga lider at manggagawa? (Oo.) ay Mas tumpak na itatalaga ng mga lider at manggagawa na may katamtamang kakayahan ang gawain matapos gumugol ng kaunting oras sa pag-oobserba, pakikisama, at pagkilala sa limang tao. Iisipin ng mga lider at manggagawa na may mahinang kakayahan na masyadong marami ang limang tao; kapag masyadong marami ang tao, nalilito sila at hindi nila alam kung paano magtalaga ng gawain sa mga ito, at kahit na magtalaga nga sila ng gawain sa mga ito, hindi nila alam sa puso nila kung ginagawa ba nila ito nang naaangkop o hindi. Ito ay sa aspekto ng mga tauhan. Pagdating naman sa pangangasiwa ng mga bagay, halimbawa, kung kailangan nilang pangasiwaan at lutasin ang dalawa o tatlong isyu nang sabay-sabay, hindi nila alam kung paano husgahan at kilatisin ang kaugnayan ng mga bagay na ito, ni kayang timbangin kung aling problema ang dapat unang lutasin, at kung aling problema ang puwedeng lutasin mamaya nang hindi nagdudulot ng anumang pagkaantala. Ibig sabihin, hindi nila alam kung paano timbangin ang mga kalamangan at kahinaan, kung paano unahin ang mga gampanin ayon sa kahalagahan at pagkaapurahan, at kung paano lumutas ng mga problema. Gayumpaman, dahil mga lider at manggagawa sila, bagama’t hindi nila nauunawaan ang isang bagay, dapat silang magpanggap na nakakaunawa sila, kahit hindi nila naaarok ang isang bagay, dapat silang magkunwari na nakakaarok sila, at wala silang magawa kundi magpatuloy lang at mangaral ng ilang doktrina para mairaos lang ang gawain, at magsalita ng ilang masarap pakinggan na salita at mabilisang tapusin ang mga bagay-bagay. Ganap na malinaw sa kanila kung ang sinasabi nila ay tumpak o hindi, kung nakaayon ito sa mga prinsipyo o hindi, kung kaya nitong lutasin ang mga isyu o hindi, pero gusto lang nilang iraos ito. Alam na alam nila na hindi nila malulutas ang mga isyu sa ginagawa nila, pero hindi pa rin nila inuulat ang mga problema sa Itaas, at kaya, sa huli ay nagiging sanhi sila ng mga pagkaantala sa gawain at natatanggal sila. Sabihin mo sa Akin, hindi ba’t mga hangal ang mga taong ito? Kapag nag-uulat ng mga problema ang ilang lider at manggagawa, isinasalaysay nila ang lahat ng luma at di-mahalagang pangyayari mula noon hanggang sa kasalukuyan, at pagkatapos nilang magsabi ng maraming bagay, kailangan mo pa rin silang tulungan na suriin at kilatisin kung ano ang mga problemang umiiral. Ni hindi nila nauunawaan kung paano magpuna ng isang isyu, at kaya nilang magsalita nang ilang oras nang hindi malinaw na ipinapaliwanag kung ano ang pokus at diwa ng isang isyu. Ang lahat ng sinasabi nila ay nauugnay lang sa mabababaw na bagay at puro kalokohan lang! Hindi ba’t isa itong kaso ng pagiging masyadong mahina ng kakayahan nila at ng pagkakulang nila sa talas ng pag-iisip? Handa bang makinig ang mga taong may kakayahan sa ganitong mga bagay? Ang taong kausap nila ay gusto lang makaalam kung ano ang kasalukuyang sitwasyon at mga pagpapamalas ng taong iniuulat nila, at kung anong kalagayan ang ikinalilito nila at hindi nila malutas. Subalit, palaging ikinukuwento ng mga taong ito kung anong gawain ang ginawa ng taong iyon sa nakaraan, at hindi nila pinag-uusapan ang tungkol sa kasalukuyang sitwasyon ng taong iyon, o sinasabi kung anong mga kalituhan at problema ang mayroon sila mismo. Napakarami nilang sinasabi, pero walang makakapagsabi kung ano mismo ang pinag-uusapan nila. Kahit gusto nilang magtanong, hindi nila alam kung saan magsisimula, kung paano ito ipapahayag sa paraang epektibo at nagpapahintulot sa mga tao na maunawaan ang mga ito—ni wala silang abilidad na iorganisa ang kanilang sinasabi. Hindi ba’t isa itong pagpapamalas ng sobrang mahinang kakayahan? May ilang huwad na lider na mahina ang kakayahan, at kapag nag-ulat sila ng isang isyu, nagsasabi sila ng maraming walang kabuluhan at di-maunawaang bagay, at iniisip nila, “Nabigyan kita ng sapat na maraming impormasyon, hindi ba? Sinabi ko pa nga sa iyo ang lahat ng nakaraan at kasalukuyan tungkol sa isyung ito, kaya hindi ba’t masasabi mo na ngayon kung ano ang gusto kong itanong?” Kahit ano pa ang itanong mo sa kanila o kahit paano mo sila gabayan, hindi nila alam kung ano ang sasabihin, at hinding-hindi nila kayang sabihin ang pangunahing punto ng isyu. Hindi ito dahil kulang sila sa mga salita para ipahayag ang sarili nila o dahil mababa ang kanilang pinag-aralan, kundi sa halip, ito ay dahil mahina ang kakayahan nila at wala silang utak, kaya hindi sila marunong magpahayag ng mga bagay na ito, magulo ang isip nila, at hindi nila kayang ipaliwanag nang malinaw ang sarili nila para maunawaan sila ng iba. Mayroon silang kaunting pagpapahalaga sa pasanin, at habang lumilipas ang panahon, nagkakaroon sila ng kaunting kabatiran sa ilang isyu, pero hindi nila alam kung paano ipahayag ang mga ito, hindi nila maarok kung ano ang diwa ng mga isyu, lalo na ang ibuod ang mga ito. Kaya bang gumawa ng gawain ng mga taong may ganito kahinang kakayahan? Kaya ba nilang tuparin ang mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa? Hindi, hindi nila kaya. Kahit bigyan mo sila ng oras at mga pagkakataon, at pahintulutan silang iulat at ilarawan ang mga problema, hindi nila magawa, kaya, magagawa mo pa rin bang makipag-usap sa gayong mga tao? Magagamit pa ba sila? (Hindi.) Bakit hindi sila magagamit? Hindi nga sila makapagsalita nang malinaw, ni wala silang pinakabatayang likas na ugali ng isang tao na gumamit ng wika para ipahayag ang mga kaisipan, ideya, at saloobin nila, kaya, anong gawain ang kaya nilang gawin? Bagama’t maaaring mayroon silang kaunting kalakasan, tunay na sigasig, kaunting pagpapahalaga sa responsabilidad, at ganap na matuwid na puso, masyadong mahina ang kakayahan nila, hindi nila kayang matuto ng anumang bagay kahit paano mo sila turuan, at kahit pa turuan mo sila kung paano magsalita, hindi pa rin nila makuha ang tamang paraan, at kaya, maiinis at magagalit ka na lang. Kapag nagsasalita sila, nagiging magulo ang sinasabi nila, at nalilito ka na lang; wala silang anumang malinaw na masabi, at pawang kalokohan lang ang sinasabi nila. Ang pinakakaawa-awang bagay tungkol sa kanila ay na hindi nila nauunawaan ang wika ng tao, pero patuloy pa rin silang kumikilos nang bulag, iniisip pa rin nila na may kakayahan sila, at masuwayin sila kapag pinupungusan mo sila. Paano nila magagawa nang maayos ang gawain ng isang lider? Kapag masyadong mahina ang kakayahan ng isang lider o manggagawa na wala siyang abilidad na ipahayag ang sarili niya gamit ang wika, kaya pa rin ba niyang maging mahusay sa gawain? (Hindi.) At ano ang ipinapahiwatig ng pagiging hindi mahusay sa kanyang gawain? Ipinapahiwatig nito na wala siyang kakayahang tuklasin kaagad ang mga paghihirap at problemang nararanasan sa gawain at, siyempre, ipinapahiwatig nito na anuman ang mga isyung lumitaw sa gawain, hinding-hindi niya malulutas ang mga ito kaagad, ni maiulat ang mga ito kaagad sa Itaas at maghanap ng mga solusyon mula sa Itaas—napakahirap nito para sa kanya, at wala siyang kakayahang gawin ito. Pagdating sa mga taong gaya nito na nagtataglay ng mahinang kakayahan, lubhang mahirap ang gawaing ito para sa kanila; para mo lang pinipilit ang isang pato na umupo sa sanga o ang isang asno na sumayaw—masyado itong mahirap.
Sinasabi ng ilan, “Naaawa ako sa mga taong iyon. Masyado silang nagpapakaabala sa iba’t ibang klase ng gampanin, pero dahil sa mahina nilang kakayahan, inilalarawan sila bilang mga huwad na lider. Kaya, ibig bang sabihin niyon ay nasayang lang ang lahat ng pagdurusang tiniis nila? Hindi ba’t iyon ay hindi makatarungang pagtrato sa mga tao?” Ang pagtanggal sa mga huwad na lider ay nangangahulugan ng pag-ako ng responsabilidad para sa mga hinirang ng Diyos at sa gawain ng iglesia, kaya, paanong ito ay hindi makatarungang pagtrato sa mga tao? Kung igigiit ng mga taong ito na hayaang magpatuloy ang mga huwad na lider sa papel nila bilang mga lider, hindi ba’t pinipinsala nito ang mga hinirang ng Diyos? Ibig ba nilang sabihin na ang pamiminsala sa mga hinirang ng Diyos ay hindi makatarungang pagtrato sa mga tao? Sa pagtanggal sa isang huwad na lider, hindi kinokondena ng sambahayan ng Diyos ang huwad na lider na iyon, ni pinapadala sa impiyerno ang huwad na lider na iyon, kundi sa halip, binibigyan nito ng pagkakataon ang taong iyon na magtamo ng kaligtasan. Makakapagtamo ba sila ng kaligtasan kung patuloy silang magiging huwad na lider? Ano ang magiging huling kalalabasan nila? Bakit hindi isinasaalang-alang ng mga taong ito ang isyu sa ganitong paraan? Higit pa rito, ano ang layunin ng pananampalataya sa Diyos? Tiyak naman na hindi ang pagiging lider ang tanging paraan para umusad? Wala na bang ibang mga tungkulin na gagawin kung hindi lider ang isang tao? Wala na bang landas para sa mga hindi lider at may mahinang kakayahan upang manatiling buhay? (Hindi, hindi iyon totoo.) Kung gayon, ano ang landas ng pagsasagawa? Ang hinihimay natin ngayon ay ang mga pagpapamalas at ang mga problemang umiiral sa ganitong uri ng huwad na lider na may mahinang kakayahan; hindi natin sila kinokondena o isinusumpa, hinihimay lang natin sila. Ang layunin ng paghihimay sa kanila ay upang tumpak nilang makilala at maipuwesto ang sarili nila, upang makilala ang sarili nilang kapasidad, at upang tumpak nilang maunawaan kung ano ang mga lider at manggagawa, kung anong gawain ang dapat gawin ng mga lider o manggagawa, at pagkatapos ay ikumpara ang mga bagay na ito sa sarili nila para makita kung angkop ba silang maging lider o manggagawa. Kung talagang masyadong mahina ang kakayahan nila, napakahina na wala sila ng abilidad na ipahayag ang sarili nila gamit ang wika, o ng abilidad na ipahayag ang mga kaisipan at pananaw nila, o ng abilidad na tumuklas ng mga problema, kung gayon, hindi sila angkop na maging isang lider o manggagawa, hindi sila mahusay sa paggampan sa tungkulin ng isang lider o manggagawa, at wala silang kakayahang gawin ang gawain ng isang lider o manggagawa. At dahil mahina ang kakayahan nila, dapat mayroon sila ng ganitong uri ng kamalayan sa sarili. Sinasabi ng ilang tao, “Mahina ang kakayahan ko—puwes, ano ngayon? Mabuti naman ang pagkatao ko, kaya’t dapat akong maging isang lider.” Ito ba ang prinsipyo? Sinasabi naman ng iba, “Bukod sa pagkakaroon ng mabuting pagkatao, handa rin akong magtiis ng pagdurusa at magbayad ng halaga, kaya kong mangaral ng mga sermon, may pundasyon ako sa pananalig ko, at nakulong din ako dahil sa pananampalataya ko sa Diyos. Hindi ba’t maituturing ang mga bagay na ito bilang kapital para maging isang lider o manggagawa ako?” Katotohanan ba na dapat magkaroon ng kapital ang isang tao upang maging isang lider o manggagawa? (Hindi.) Ang tinatalakay natin ngayon ay ang mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa, at sa paksang ito, tinatalakay natin ang isyu ng kakayahan. Kung mahina ang kakayahan nila at hindi nila magawang tuparin ang mga responsabilidad na ito, kung gayon, ang dapat nilang taglayin na kamalayan sa sarili ay: “Wala ako ng ganitong kakayahan at hindi ako maaaring maging isang lider o manggagawa. Anuman ang kapital na mayroon ako, wala itong silbi.” Sinasabi nilang mayroon silang mabuting pagkatao, na maaasahan sila, na may pagpapasya silang magtiis ng pagdurusa, at na handa silang magbayad ng halaga—hindi ba naging patas ang pagtrato sa kanila ng sambahayan ng Diyos? Ginagamit ng sambahayan ng Diyos ang mga tao sa paraang magagamit ang bawat isa sa pinakamainam na paraan, dinidisenyo ang mga tungkulin para umangkop sa bawat tao, at ginagawa ito sa paraang tama lang. Kung mayroon ng mabuting pagkatao ang mga taong ito pero mahina ang kakayahan nila, dapat nilang gampanan nang maayos ang tungkulin nila nang buong puso at lakas; hindi nangangahulugang dapat maging lider o manggagawa ang isang tao para sumang-ayon sa kanya ang Diyos. Kahit na handa silang mag-abala, hindi nila magawang mag-abala sa paraang dapat na gawin ng isang lider, at hindi sila nagtataglay ng kakayahang dapat mayroon sila para maging isang lider, at hindi nila ito maabot, ano ang puwede nilang gawin kung gayon? Hindi nila dapat pilitin o pahirapan ang sarili nila; kung kaya nilang magbuhat ng 25 kilo, dapat silang magbuhat ng 25 kilo. Hindi nila dapat subukang magpakitang-gilas sa pamamagitan ng pagtulak sa sarili nila lampas sa limitasyon nila, sinasabi, “Hindi sapat ang 25 kilo. Gusto kong magbuhat ng mas mabigat pa. Gusto kong magbuhat ng 50 kilo. Handa akong gawin ito kahit mamatay ako sa pagod!” Hindi nila kayang maging lider o manggagawa, pero kung patuloy pa rin nilang itinutulak ang sarili nila lampas sa limitasyon nila para magpakitang-gilas, bagama’t hindi sila mapapagod, magdudulot sila ng mga pagkaantala sa gawain ng iglesia, makakaapekto sila sa pag-usad at kahusayan ng gawain, at maaantala nila ang pag-usad ng buhay ng maraming tao—hindi ito isang responsabilidad na kaya nilang pasanin. Dahil kulang ang kakayahan nila, kung mayroon silang kamalayan sa sarili, dapat kusa silang mag-alok na bumitiw at magnomina ng isang tao na may mahusay na kakayahan, na nagmamahal sa katotohanan, at na mas responsable kaysa sa kanila upang maging lider o manggagawa. Ito ang makatwirang bagay na dapat gawin, at tanging sa paggawa nito, sila ay magiging isang tao na talagang mayroong pagkatao at katwiran, at isang tao na talagang nakakaunawa at nagsasagawa sa katotohanan. Kung magbibitiw sila mula sa posisyon nila dahil hindi nila kayang gawin ang gawain ng isang lider, at pagkatapos ay pipili sila ng isang tungkulin na angkop sa kanila at mag-aalay ng katapatan nila upang maaari silang sang-ayunan ng Diyos, kung gayon, sila ay natatanging matalinong tao. Palaging iniisip ng mga taong ito, “Bagama’t mahina ang kakayahan ko, mayroon akong mabuting pagkatao, handa akong abalahin ang sarili ko, magtiis ng pagdurusa, at magbayad ng halaga, may pagpapasya ako, mas matatag ako kaysa sa inyo sa lahat ng ginagawa ko, at malawak ang isipan ko, at hindi ako natatakot sa mapungusan o masubok. Bagama’t medyo mahina ang kakayahan ko, puwede pa rin akong maging isang lider.” Hindi problema ang pagkakaroon ng mahinang kakayahan. Hindi nito layon na kondenahin ang mga taong ito, ito ay para lang klasipikahin sila at ipaunawa sa kanila nang malinaw kung ano mismo ang maaari nilang gawin at kung anong uri ng tungkulin ang angkop sa kanila. Gayumpaman, ang kasalukuyang isyu ay na mahina ang kakayahan nila at hindi nila kayang maging lider o manggagawa. Bagama’t nahalal sila bilang lider o manggagawa, hindi nila nagagawa nang maayos ang gawaing ito, at ang nagagawa lang nila ay ang guluhin ang gawain. Kung may mabuting pagkatao ang mga taong ito, kung may konsensiya at katwiran sila, at handa silang abalahin ang sarili nila at magbayad ng halaga, kung gayon, magkakaroon ng isang trabaho na angkop sa kanila at isang tungkulin na dapat nilang gawin, at gagawa ng mga makatwirang pagsasaayos ang sambahayan ng Diyos para sa kanila. Ang hindi pagpapahintulot sa kanila na maging lider ay batay sa mga regulasyon at prinsipyo ng sambahayan ng Diyos. Gayumpaman, tiyak na hindi sila pagkakaitan ng sambahayan ng Diyos ng karapatan nila na gumampan ng tungkulin o ng karapatan nila na manampalataya at sumunod sa Diyos dahil lang sa mahina ang kakayahan nila. Hindi ba’t nararapat ito? (Oo, nararapat ito.) Kinakailangan pa bang pagbahaginan natin ang tungkol sa usaping ito nang mas detalyado? Naririnig ito ng ilang taong mahina ang kakayahan at nagbubulay sila, “Huwag nang magbahaginan pa tungkol dito. Masyado na akong nahihiyang humarap sa sinuman. Alam kong mahina ang kakayahan ko, at hindi na ako magiging lider o manggagawa ng iglesia. Magiging lider ng pangkat na lang ako o isang superbisor, o kaya’y gagawa ako ng mga kakaibang trabaho, pagluluto o paglilinis. Ayos lang kahit ano. Titiisin ko ang hirap ng posisyon ko nang walang reklamo, magpapasakop ako sa mga pagsasaayos ng sambahayan ng Diyos, at magpapasakop ako sa mga pamamatnugot ng Diyos. Ang pagiging mahina ng kakayahan ko ay biyaya ng Diyos, at nakapaloob dito ang mabubuting layunin ng Diyos. Ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay nararapat.” Kung kaya nilang makita ang mga bagay-bagay sa ganitong paraan, maganda iyon, at nangangahulugan ito na may kamalayan sila sa sarili. Hindi Ko na pahahabain ang pagbabahaginan tungkol sa isyung ito. Sa kabuuan, pagdating sa mga taong ito na mahina ang kakayahan, hinihimay lang natin ang problema at inilalantad ang katotohanan sa mga katunayan upang mas maraming tao ang magkaroon ng tamang saloobin at perspektiba tungkol sa mga taong ito, at upang ang mga taong ito ay magkaroon din ng tamang saloobin at perspektiba tungkol sa sarili nilang mahinang kakayahan, at pagkatapos ay tumpak na maipuwesto ang sarili nila, makahanap ng posisyon at tungkulin na angkop sa kanila, pinapahintulutan ang pagtitiyaga nila sa pagbabayad ng halaga at ang pagpapasya nila na magtiis ng pagdurusa para makatwirang magamit at mailapat. Hindi ito nakakaapekto sa pag-unawa at pagsasagawa nila sa katotohanan, ni nakakaapekto sa imahe nila sa sambahayan ng Diyos.
III. Mga Huwad na Lider na Tamad at Nagpapasasa sa Kaginhawahan
Kakatapos lang nating magbahaginan tungkol sa dalawang uri ng huwad na lider. May isa pang uri ng huwad na lider, na madalas nating napapag-usapan habang nagbabahaginan tungkol sa paksa ng “mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa.” May kaunting kakayahan ang ganitong uri, hindi sila hangal. Sa gawain nila, mayroon silang mga paraan at diskarte, at mga plano para sa paglutas ng mga problema, at kapag binigyan sila ng isang piraso ng gawain, kaya nilang isakatuparan ito nang malapit sa mga inaasahang pamantayan. Kaya nilang tuklasin ang anumang mga problema na lumilitaw sa gawain at kaya ring lutasin ang ilan sa mga ito; kapag naririnig nila ang mga problemang iniuulat ng ilang tao, o naoobserbahan ang pag-uugali, mga pagpapamalas, pananalita at mga kilos ng ilang tao, may reaksyon sila sa puso nila, at may sarili silang opinyon at saloobin. Siyempre, kung hahangarin ng mga taong ang katotohanan at mayroon silang pagpapahalaga sa pasanin, maaaring malutas ang lahat ng problemang ito. Gayumpaman, hindi inaasahang hindi nalulutas ang mga problema sa gawaing nasa ilalim ng responsabilidad ng ganitong uri ng tao na pinagbabahaginan natin ngayon. Bakit ganoon? Ito ay dahil hindi gumagawa ang mga taong ito ng tunay na gawain. Mahilig sila sa kadalian at namumuhi sila sa mahirap na gawain, gumagawa lang sila ng mga pabasta-bastang pagsisikap sa panlabas, gusto nila na wala silang ginagawa at na nagtatamasa sila sa mga pakinabang ng katayuan, gusto nilang utus-utusan ang mga tao, at ibinubuka lang nila nang kaunti ang mga bibig nila, nagbibigay sila ng ilang suhestiyon, at pagkatapos ay itinuturing nilang tapos na ang gawain nila. Hindi nila isinasapuso ang alinman sa tunay na gawain ng iglesia o sa kritikal na gawaing ipinagkakatiwala ng Diyos sa kanila—wala sila nitong pagpapahalaga sa pasanin, at kahit na paulit-ulit na binibigyang-diin ng sambahayan ng Diyos ang mga bagay nito, hindi pa rin nila isinasapuso ang mga ito. Halimbawa, ayaw nilang makialam o mag-usisa tungkol sa gawain ng paggawa ng pelikula o gawaing nakabatay sa teksto ng sambahayan ng Diyos, hindi rin nila nais na siyasatin kung kumusta ang pag-usad ng ganitong mga klase ng gawain at kung anong mga resulta ang nakakamit ng mga ito. Pasimple lang silang nagtatanong, at kapag nalaman nilang abala ang mga tao sa gawaing ito at gumagawa sa gawaing ito, hindi na nila ito inaalala pa. Kahit na alam na alam nila na may mga problema sa gawain, ayaw pa rin nilang makipagbahaginan tungkol sa mga ito o lutasin ang mga ito. Hindi rin sila nag-uusisa o nagsisiyasat kung kumusta ang mga tao sa paggampan ng mga tungkulin. Bakit kaya ayaw nilang usisain o siyasatin ang mga bagay na ito? Iniisip nila na kung sisiyasatin nila ang mga ito, maraming problema ang maghihintay na lutasin nila, at magiging masyado itong nakakabahala. Magiging masyadong nakakapagod ang buhay kung palagi nilang kailangang lumutas ng mga problema! Kapag masyado silang mag-aalala, hindi na magiging masarap ang lasa ng pagkain para sa kanila, at hindi sila makakatulog nang maayos, at mapapagod ang katawan nila, at magiging miserable ang buhay. Kaya naman, kapag nakakakita sila ng isang problema, iniiwasan at binabalewala nila ito kung maaari. Ano ang problema ng ganitong uri ng tao? (Masyado silang tamad.) Sabihin mo sa Akin, sino ang may malubhang problema: mga taong tamad, o mga taong may mahinang kakayahan? (Mga taong tamad.) Bakit may malubhang problema ang mga taong tamad? (Ang mga taong mahina ang kakayahan ay hindi maaaring maging lider o manggagawa, pero maaari silang maging medyo epektibo kapag ginagawa nila ang isang tungkulin na kaya nila. Gayumpaman, ang mga taong tamad ay walang nagagawang anumang bagay; kahit na mayroon silang kakayahan, wala itong epekto.) Ang mga taong tamad ay walang anumang nagagawa. Para ibuod ito sa dalawang salita, sila ay walang silbi; mayroon silang matinding kapansanan. Gaano man kahusay ang kakayahan ng mga taong tamad, paimbabaw lamang iyon; kahit na may mahusay silang kakayahan, wala itong silbi. Masyado silang tamad—alam nila ang dapat nilang gawin, ngunit hindi nila ito ginagawa, at kahit alam nila na may problema, hindi nila hinahanap ang katotohanan para lutasin ito, at bagama’t alam nila kung anong mga paghihirap ang dapat nilang danasin para maging epektibo ang gawain, ayaw nilang tiisin ang mga karapat-dapat na paghihirap na ito—kaya, hindi sila makapagkamit ng anumang mga katotohanan, at hindi sila gumagawa ng anumang tunay na gawain. Ayaw nilang tiisin ang mga paghihirap na dapat tinitiis ng mga tao; ang alam lamang nila ay magpakasasa sa kaginhawahan, magtamasa ng mga panahon ng kagalakan at paglilibang, at magtamasa ng malaya at maluwag na buhay. Hindi ba’t walang silbi sila? Ang mga taong hindi kayang tiisin ang paghihirap ay hindi karapat-dapat na mabuhay. Iyong mga palaging nagnanais na mamuhay ng buhay ng isang parasito ay mga taong walang konsensiya o katwiran; mga hayop sila, at ang mga gayong tao ay hindi angkop kahit na gumampan ng trabaho. Dahil hindi nila kayang tiisin ang paghihirap, kahit na kapag gumagampan nga sila ng trabaho, hindi nila ito magawa nang maayos, at kung nais nilang makamit ang katotohanan, mas lalong wala silang pag-asang makamit iyon. Ang isang taong hindi kayang magdusa at hindi nagmamahal sa katotohanan ay isang walang silbi; ni hindi siya kuwalipikadong gumampan ng trabaho. Isa siyang hayop, na wala ni katiting na pagkatao. Dapat itiwalag ang gayong mga tao; ito lang ang naaayon sa mga layunin ng Diyos.
May mga tao na responsable sa gawaing bukid, at lubos silang masigasig; may plano sila sa isipan nila, at alam nila kung anong gawain ang dapat gawin sa bawat panahon. Kapag panahon na ng pagbubungkal sa bukid, pinupuntahan nila ang bawat piraso ng lupa at tinitingnan ito. Ikinukumpara nila kung ano ang pinlano nilang itanim sa bawat piraso ng lupa sa aktuwal na kalagayan ng mismong piuraso, at tinitingnan kung naaangkop ba ang plano nila at kung naaayon ba ito sa aktuwal na sitwasyon. Higit pa rito, tinitingnan nila kung gaano kabasa o katuyo ang lupa ngayong taon, kung anong uri ng pataba ang kinakailangan, at kung ano ang nababagay para sa pagtatanim. Kapag nasuri at naarok na nila ang mga bagay na ito, agad silang nagtatanong kung may mga napatubong punla at kung ilan ang napatubo, at pagkatapos ay pumupunta sila sa greenhouse para tingnan doon at makita kung ang taong nag-aalaga ng mga punla ay maaasahan o kung masisira lang nito ang mga punla. Kung hindi sapat ang isang tao para gumawa ng gawaing ito, nagtatalaga sila ng isa pang tao na makakatrabaho nito, at pinapangasiwaan ng dalawa ang isa’t isa. Gagawin ba ito ng mga tamad na tao? Hindi, hindi nila gagawin. Kung walang mangangasiwa at manghihimok sa kanila, tiyak na hindi nila kusang bibisitahin ang lugar ng gawain; kung hindi magtatanong ang sambahayan ng Diyos tungkol sa pag-usad ng isang piraso ng gawain, tiyak na hindi sila magkukusang inspeksiyonin ang tunay na sitwasyon ng gawaing iyon. Sa mga taong may mahinang kakayahan, ano man ang ginagawa nila, palagi nila itong ginagawa nang sila-sila lang, pero hindi nila kayang tukuyin kung ano ang apurahan at mahalaga sa kung ano ang hindi, at kumikilos lang sila nang bulag. Samantalang ang mga tamad na taong ito ay sapat na mautak, at anuman ang ginagawa nila, gusto lang nilang ibuka ang mga bibig nila at utusan ang iba na gawin ang gawain; hindi sila kailanman gumagawa ng anumang bagay nang sila-sila lang, ni kayang gumawa ng tunay na gawain. Iniisip nila, “Kailangan ko lang tumawag o magpadala ng mensahe para magtanong ng ilang bagay, at tapos na ang trabaho ko, nalutas na ang isyu. Hindi na ako mamomroblema nito! Tingnan mo naman ang kakayahan ko bilang isang lider. Kaya kong tapusin ang trabaho gamit lang ang ilang salita—hindi ba’t ito ay pagtupad ko rin ng mga responsabilidad ko? Hindi naman ako nagpapabaya sa mga tungkulin ko. Kung itatanong sa akin ng Itaas ang tungkol sa mga bagay na ito, mahusay akong makakasagot sa kanila at at makakapagbigay ako ng malinaw na paliwanag. Ano pa ang silbi ng pagpunta sa lugar ng trabaho at pag-inspeksiyon? Magtitiis lang ako ng mga paghihirap at pagdurusa, at iitim ang balat ko dahil sa pagkabilad sa araw. Hindi na kailangang dumaan pa sa gayong pormalidad. Kung makakaiwas ako sa kaunting abala, iyon ang gagawin ko. Hindi ko na kailangang pahirapan ang sarili ko.” Hindi ba’t sapat silang “matalino”? Kapag gumagawa ang ganitong uri ng tao, talagang mahusay siyang maghanap ng madadaling paraan para makamit ang mga layon niya at makahanap ng mga pinakamabilis na daan, at may sarili siyang mga estilo at pamamaraan. Hindi siya gumagawa ng anumang bagay nang siya lang, ni sumasali sa kahit ano. Tumatawag lang siya para magtanong, iniraraos lang ang gawain, at sa sandaling ibaba niya ang telepono, matutulog na siya o magpapamasahe, at magsisimulang magpasasa sa laman niya. Ang ganitong uri ng tao ay talagang marunong “gumawa,” talagang marunong siyang maghanap ng mga pagkakataon na magpakatamad, at talagang marunong siyang iraos lang ang gawain at manloko ng mga tao! Ano ang silbi ng pagkakaroon niya ng gayong kaunting kakayahan? Katulad siya ng mga opisyal na iyon sa bayan ng Partido Komunista na, na umiinom lang ng tsaa at nagbabasa ng dyaryo pagkarating sa trabaho, at nagsisimulang mag-isip kung ano ang kakainin nila o kung saan sila maglilibang bago pa man matapos ang oras ng trabaho para sa araw—talagang masarap ang buhay nila. Ito rin ang prinsipyong sinusunod ng ganitong klase ng huwad na lider sa gawain niya; hindi siya nagdurusa ng paghihirap, hindi siya nagtitiis ng sobrang pagod, pero umaasta pa rin siya bilang isang opisyal at nagtatamasa sa mga pakinabang ng katayuan, at hindi itinuturing ng karamihan sa mga kapatid na isa itong problema. Ganito gumawa ang ganitong uri ng huwad na lider, hindi siya gumagawa ng tunay na gawain, at hindi siya pumupunta sa lugar ng trabaho para magsubaybay o mag-inspeksiyon sa gawain, kaya, makakatuklas ba siya ng mga problema sa gawain? (Hindi.) Ang mga huwad na espirituwal na lider at mga huwad na lider na mahina ang kakayahan ay bulag kahit dilat na dilat na ang mga mata nila, at hindi nila makita ang mga problema, kaya, paano naman ang ganitong klase ng walang kwentang tao? Sinasabi niya, “Hindi ako sumasali sa tunay na gawain, at hindi rin ako pumupunta sa lugar ng trabaho para makiisa sa mga taong nagtatrabaho roon, kaya, kung lilitaw ang mga problema, hindi mo puwedeng sabihin na bulag ako kahit na dilat na dilat na ang mga mata ko. Hindi ako nakapunta sa lugar ng trabaho at hindi ko nakita ang mga problema, kaya ano ang kinalaman nito sa akin kung may lilitaw na mga problema? Dapat mong hanapin ang mga taong sangkot.” Hindi ba’t talagang tuso ang mga taong ito? Iniisip nila na ang kailangan lang nilang gawin ay ang magbigay ng mga kautusan at wastong magsaayos ng mga tao, iyon lang, at natupad na ang mga responsabilidad nila, at makakapagsaya sila nang tahasan sa libreng oras at oras ng libangan nila. Kahit anong mga problema ang nasa ibaba, hindi sila nag-uusisa, at nagmamadali lang silang asikasuhin ang isang problema kung may mag-uulat nito sa Itaas. Ang pinagtutuunan lang nila araw-araw ay ang pagtatamasa sa mga pakinabang ng katayuan, paglalakad-lakad kahit saan, pagkukunwaring nag-iinspeksiyon sa gawain, pero ang totoo, hindi sila kailanman pumupunta sa isang lugar na talagang may problema, at hindi sila kailanman nag-iinspeksiyon ng kritikal na gawain—hindi ba’t katulad lang ito ng mga opisyal ng partido komunista na puro mababaw lang ang pagsisikap at gumagampan lang ng gawain na nagpapaganda ng imahe nila? Matatamis ang mga pangako nila na gagawin nila ang gawaing iniatas sa kanila, pero hindi naman nila ito sinusubaybayan o pinapangasiwaan, at kahit magpunta nga sila sa lugar ng trabaho, iniraraos lang nila ang mga pormalidad. Tiyak na hindi nila gagawin ang gawain o lulutasin ang mga isyu nang sila-sila lang. Iniisip nila, “Hindi ko kailangang magdusa at magbayad ng halaga para gawin ang mga bagay na ito. Basta’t may gumagawa ng mga bagay na ito, sapat na iyon. Tutal, wala naman akong anumang kinikitang pera rito, kaya sapat na iyong nakakaraos lang ako.” Magagawa ba nila nang maayos ang gawain nila kapag ganito ang pag-iisip nila? May maliit silang pakana sa isipan nila, iniisip nila, “Magtratrabaho lang ako ayon sa dami ng pagkaing nakakain ko, at pabasta-basta ko lang iraraos ang bawat araw.” Pero hindi sila kailanman gumagawa ng partikular na gawain, at hindi sila kailanman nakikita sa lugar ng trabaho. Kung gayon, nasaan sila? Nagpapakaligaya sila sa isang maganda at ligtas na lugar kung saan nakakakain, nakakainom, at nakakatulog sila nang maayos, namumuhay sila na parang isang prinsipe—regular na naliligo, nagpapamasahe, at nagpapalit ng mga damit nila—at talagang hindi sila nagtitiis ng anumang pagdurusa. Hindi nila kailanman pinagninilayan kung anong tunay na gawain ang kaya nilang gawin, kung anong mga tunay na problema ang kaya nilang lutasin, kung ano ang mga naiambag nila sa gawain ng sambahayan ng Diyos, at kung gaano sila kakalipikado na magtamasa ng lahat ng magandang bagay na ito—hindi nila kailanman isinasaalang-alang ang alinman sa mga ito. Anong klaseng mga tao sila? Walang kamalayan sa sarili ang mga sawimpalad na ito, sila ay mga walang-hiya, at hindi sila karapat-dapat na maging mga lider at manggagawa ng iglesia.
Ang lahat ng huwad na lider ay hindi kailanman gumagawa ng totoong gawain. Kumikilos sila na parang ang kanilang papel sa pamumuno ay isang opisyal na posisyon, tinatamasa ang mga pakinabang ng katayuan, at ang tungkuling nararapat nilang gampanan at ang gawaing nararapat nilang gawin bilang isang lider ay itinuturing nilang isang hadlang, tulad ng isang abala. Sa puso nila, nag-uumapaw ang pagtutol nila sa gawain ng iglesia: Kapag hiniling sa kanila na magsuperbisa sa gawain at alamin kung anong mga isyu ang umiiral sa loob nito na kinakailangang masubaybayan at malutas, sila ay napupuno ng pag-aatubili. Ito ang gawain na dapat ginagawa ng mga lider at manggagawa, ito ang trabaho nila, pero hindi nila ito ginagawa—at ayaw nilang gawin ito—kaya bakit gusto pa rin nilang maging mga lider o manggagawa? Ginagawa ba nila ang kanilang tungkulin para isaalang-alang ang mga layunin ng Diyos, o para maging isang opisyal at magtamasa ng mga pakinabang ng katayuan? Kung naging lider lang sila para magkaroon sila ng opisyal na posisyon, hindi ba’t kawalang kahihiyan iyon? Ang mga taong ito ang may pinakamabababang karakter, wala silang dignidad, at wala silang kahihiyan. Kung gusto nilang magtamasa ng kaginhawahan ng laman, dapat silang magmadaling bumalik sa mundo, at makipaglaban, puwersahang kumuha, at sumunggab ayon sa kakayahan nila, at walang makikialam doon. Ang sambahayan ng Diyos ay isang lugar para sa hinirang na mga tao ng Diyos para gawin ang mga tungkulin nila at sambahin Siya; isa itong lugar para hangarin ng mga tao ang katotohanan at magtamo ng kaligtasan. Hindi ito isang lugar para magpakasasa ang sinuman sa kaginhawahan ng laman, lalong hindi ito isang lugar na nagtutulot sa mga tao na mamuhay na parang mga prinsipe. Walang kahihiyan ang mga huwad na lider, hindi sila tinatablan ng hiya, at wala silang katwiran. Anumang partikular na gawain ang nakatalaga sa kanila, hindi nila ito sineseryoso, at binabalewala nila ito; bagama’t napakaganda ng mga salitang isinasagot nila, hindi sila gumagawa ng anumang totoo. Hindi ba’t imoral ito? Bukod sa hindi sila gumagawa ng totoong gawain, gusto rin nilang sila lang ang may kapangyarihan—gusto nilang sila ang may kapangyarihan sa pinansiyal, sa tauhan, at sa lahat ng usapin, at gusto nilang mag-ulat sa kanila ang mga tao araw-araw. Sa katunayan, napakasipag nila pagdating sa mga bagay na ito. Pagdating ng oras na kailangan na nilang mag-ulat sa Itaas tungkol sa gawain, inaangkin nila ang resulta ng lahat ng gawain na ginawa ng mga kapatid upang akalain ng Itaas na mahusay ang ginawa nilang gawain, kahit na ang totoo ay iba ang gumawa ng lahat ng ito. Kung ilang tao ang nakamit sa pamamagitan ng pangangaral sa ebanghelyo, kung sinu-sino ang mga itinaas ng ranggo at nililinang, kung sinu-sino ang mga natanggal sa kanilang posisyon, kung sinu-sino ang mga pinaalis, at iba pa—wala ni isa sa mga partikular na gawaing ito ang kanila mismong ginawa, ngunit ang kapal ng mukha nilang iulat ang mga ito. Hindi ba’t hindi tinatablan ng hiya ang mga taong ito? Hindi ba’t nanlilinlang sila? Napakamapanlinlang at tuso ng mga gayong tao! Iniisip nilang matalino sila—halimbawa talaga ito ng pagiging biktima sa sarili nilang mauutak na panlalansi, at nabubunyag at natitiwalag sila sa huli. Anumang gawain ang ginagawa ng ilang tao o anumang tungkulin ang ginagampanan nila, hindi sila mahusay roon, hindi nila ito kayang pasanin, hindi nila kayang tuparin ang anuman sa mga obligasyon o responsabilidad na nararapat tuparin ng tao. Hindi ba basura sila? Karapat-dapat pa rin ba silang tawaging tao? Maliban sa mga utu-uto, walang kakayahan sa pag-iisip, at may mga pisikal na kapansanan, mayroon bang nabubuhay na hindi nararapat gawin ang kanilang mga tungkulin at tuparin ang kanilang mga responsabilidad? Ngunit ang ganitong uri ng tao ay palaging tuso at nagpapakatamad, at ayaw tuparin ang kanilang mga responsabilidad; ang pahiwatig ay na hindi nila nais na maging isang marapat na tao. Binigyan sila ng Diyos ng oportunidad na maging tao, at binigyan Niya sila ng kakayahan at mga kaloob, subalit hindi nila magamit ang mga ito sa paggawa ng kanilang tungkulin. Wala silang ginagawa, ngunit nais nilang lasapin ang kasiyahan sa bawat pagkakataon. Angkop bang tawaging tao ang gayong tao? Anumang gawain ang ibigay sa kanila—mahalaga man iyon o pangkaraniwan, mahirap o simple—lagi silang pabasta-basta at tuso, at nagpapakatamad. Kapag nagkakaroon ng mga problema, sinisikap nilang ipasa ang kanilang responsabilidad sa ibang mga tao, hindi sila umaako ng pananagutan, at nais nilang patuloy na mamuhay na parang mga linta. Hindi ba mga walang-silbing basura sila? Sa lipunan, sino ang hindi kailangang umasa sa kanilang sarili para maghanap-buhay? Kapag umabot na sa hustong gulang ang isang tao, kailangan na niyang tustusan ang kanyang sarili. Natupad na ng kanyang mga magulang ang kanilang responsabilidad. Kahit handa ang kanyang mga magulang na suportahan siya, maaasiwa siya roon. Dapat niyang mapagtanto na tapos na ang mga magulang niya sa misyon ng mga ito na pagpapalaki sa kanya, at na siya ay may malusog na katawan, at dapat magawa niyang mamuhay nang nagsasarili. Hindi ba’t ito ang pinakamababang katwiran na dapat mayroon ang isang taong nasa hustong gulang? Kung talagang may katwiran ang isang tao, hindi siya maaaring patuloy na manghingi sa kanyang mga magulang; matatakot siya na pagtawanan ng iba, na mapahiya. Kaya, may katwiran ba ang isang taong mahilig sa ginhawa at namumuhi sa trabaho? (Wala.) Lagi niyang gustong makuha ang isang bagay nang walang kapalit; gusto niyang hindi tumupad ng responsabilidad kailanman, nais niyang mahulog na lang mula sa langit ang matatamis na pagkain at mahulog sa kanyang bibig; gusto niyang makakain parati nang tatlong beses sa isang araw, gusto niyang may magsisilbi sa kanya, at magtamasa ng masasarap na pagkain at inumin nang walang ginagawa ni katiting na trabaho. Hindi ba ganito ang pag-iisip ng isang parang linta? At may konsensiya ba at katwiran ang mga taong parang linta? Mayroon ba silang integridad at dignidad? Talagang wala. Lahat sila ay mga walang silbi na nakaasa sa iba, lahat ay mga hayop na walang konsensiya o katwiran. Walang sinuman sa kanila ang angkop na manatili sa sambahayan ng Diyos.
Ipagpalagay nating nagsasaayos ang iglesia ng trabaho para sa iyo, at sinasabi mong, “Isang pagkakataon man ang trabahong ito na makakuha ako ng atensiyon o hindi—dahil ibinigay sa akin ito, gagawin ko ito nang maayos at tatanggapin ko ang responsabilidad na ito. Kung isasaayos na mag-host ako, gagawin ko ang lahat para magawa ito nang maayos; aasikasuhin ko nang husto ang mga kapatid, at gagawin ko ang makakaya ko para matiyak ang seguridad ng lahat. Kung isasaayos na mangaral ako ng ebanghelyo, sasangkapan ko ang sarili ko ng katotohanan at mapagmahal kong ipapangaral ang ebanghelyo at tutuparin ang tungkulin ko. Kung isasaayos na mag-aral ako ng isang wikang banyaga, buong-puso kong pag-aaralan iyon at pagsusumikapan ko iyon, at susubukan kong kabisaduhin iyon sa lalong madaling panahon, sa loob ng isa o dalawang taon, upang makapagpatotoo ako sa Diyos sa mga dayuhan. Kung hihilingin sa akin na magsulat ng mga artikulo ng patotoo, maingat kong sasanayin ang sarili ko na gawin iyon, tingnan ang mga bagay-bagay ayon sa mga katotohanang prinsipyo, pag-aaralan ko ang wika. Bagama’t maaaring hindi ako makasulat ng mga artikulong may magandang prosa, kahit paano ay magagawa kong maiparating nang malinaw ang aking mga patotoo batay sa karanasan, komprehensibong magbahagi tungkol sa katotohanan, at magbigay ng tunay na patotoo para sa Diyos, nang sa gayon ay napapatibay at nakikinabang ang mga tao sa pagbabasa ng aking mga artikulo. Anumang trabaho ang iatas sa akin ng iglesia, tatanggapin ko iyon nang buong puso at lakas. Kung mayroon akong hindi maunawaan o magkaroon ng problema, mananalangin ako sa Diyos, hahanapin ang katotohanan, lulutasin ang mga problema ayon sa mga katotohanang prinsipyo, at gagawin ko nang maayos ang trabahong iyon. Anuman ang tungkulin ko, gagamitin ko ang lahat ng mayroon ako para gawin iyon nang maayos at mapalugod ko ang Diyos. Dahil anuman ang aking makamit, gagawin ko ang makakaya ko para balikatin ang responsabilidad na dapat kong pasanin, at kahit paano, hindi ako sasalungat sa konsiyensya at katwiran ko, o magiging pabaya, o magiging tuso at tamad, o magpakasasa sa mga bunga ng pagsisikap ng iba. Wala akong gagawin na hindi aabot sa pamantayan ng konsiyensya.” Ito ang pinakamababang pamantayan ng asal ng tao, at ang taong gumagawasa kanyang tungkulin sa gayong paraan ay maaaring maituring na isang taong may konsensiya at katwiran. Dapat kahit papaano ay malinis ang konsensiya mo sa paggawa ng iyong tungkulin, at dapat kahit papaano ay karapat-dapat ka sa kinakain mo tatlong beses sa isang araw at hindi maging pabigat. Ang tawag dito ay pagkakaroon ng pagpapahalaga sa responsabilidad. Mataas man o mababa ang iyong kakayahan, at nauunawaan mo man ang katotohanan o hindi, sa anumang kaso, dapat mong taglayin ang saloobing ito: “Dahil ibinigay saakin ang gawaing ito para gawin ko, dapat ko itong seryosohin, dapat kong alalahanin ito, at dapat kong gamitin ang buong puso at lakas ko para gawin ito nang maayos. Tungkol sa kung magagawa ko ba ito nang napakaayos, hindi ko maaaring ipagpalagay na garantisado iyon, ngunit ang saloobin ko ay na gagawin ko ang makakaya ko para gampanan iyon nang maayos, at tiyak na hindi ako magiging pabasta-basta tungkol dito. Kung magkaroon ng problema sa gawain, dapat kong tanggapin ang responsabilidad, at tiyakin na matuto ako ng aral mula rito at gawin nang maayos ang aking tungkulin.” Ito ang tamang saloobin. Ganito ba ang inyong saloobin? Sinasabi ng ilang tao na, “Hindi ko kailangang gumawa ng mahusay na trabaho sa gawaing itinalaga sa akin. Gagawin ko lang ang aking makakaya at bahala na kung ano ang magiging resulta. Hindi ko kailangang sobrang pagurin ang sarili ko, o lubusang mabalisa kapag may nagawa akong mali, at hindi ko kailangang masyadong ma-stress. Ano ang silbi ng sobrang pagpapapagod sa aking sarili? Tutal, palagi akong nagtatrabaho at hindi ako nananamantala.” Ang ganitong uri ng saloobin sa tungkulin ay iresponsable. “Kung gusto kong magtrabaho, magtatrabaho ako nang kaunti. Gagawin ko lang kung ano ang makakaya ko at bahala na kung ano ang magiging resulta. Hindi ito kailangang masyadong seryosohin.” Ang gayong mga tao ay walang responsableng saloobin sa kanilang tungkulin at wala silang pagpapahalaga sa responsabilidad. Anong uri ng tao kayo? Kung kayo ang unang uri ng tao, kayo ay isang taong may katwiran at pagkatao. Kung kayo ang pangalawang uri ng tao, wala kayong ipinagkaiba sa uri ng mga huwad na lider na kasusuri Ko pa lang. Pinapalipas lang ninyo ang mga araw nang walang ginagawa: “Iiwasan ko ang pagod at hirap at mas lilibangin ko na lang ang sarili ko. Kahit na isang araw ay matanggal ako, walang mawawala sa akin. Kahit papaano ay matatamasa ko ang mga pakinabang ng katayuan sa loob ng ilang araw, hindi ito magiging kawalan para sa akin. Kung mapili ako bilang lider, iyon ang gagawin ko.” Ano ang tingin mo sa mentalidad ng ganitong uri ng tao? Ang mga taong ito ay mga hindi mananampalataya na hindi naghahangad sa katotohanan kahit kaunti. Kung tunay kang may pagpapahalaga sa responsabilidad, ipinapakita nito na mayroon kang konsensiya at katwiran. Gaano man kalaki o kaliit ang gampanin, kahit sino pa ang magtalaga sa iyo ng gampaning iyon, kung ang sambahayan man ng Diyos ang nagkatiwala nito sa iyo o kung isang lider ng iglesia o manggagawa ang nagtalaga nito sa iyo, dapat ang saloobin mo ay: “Sapagkata itinalaga sa akin ang tungkuling ito, ito ay pagtataas at biyaya ng Diyos. Dapat ko itong gawin nang maayos nang maayos ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Sa kabila ng pagkakaroon lamang ng katamtamang kakayahan, handa akong akuin ang responsabilidad na ito at ibigay ang lahat ko para magawa ko ito nang maayos. Kung hindi ako makagagawa ng mahusay na trabaho, dapat akong managot para dito, at kung makagagawa ako ng mahusay na trabaho, hindi ito papuri sa akin. Ito ang dapat kong gawin.” Bakit Ko sinasabi na ang pagtrato ng isang tao sa kanyang tungkulin ay isang usapin ng prinsipyo? Kung talagang mayroon kang pagpapahalaga sa responsabilidad at isa kang responsableng tao, magagawa mong balikatin ang gawain ng iglesia at tuparin ang tungkuling nararapat mong gawin. Kung basta-basta mo lang tatratuhin ang iyong tungkulin, kung gayon, hindi tama ang pananaw mo sa pananampalataya sa Diyos, at may problema sa iyong saloobin sa Diyos at sa iyong tungkulin. Ang pananaw mo sa paggampan ng tungkulin mo ay ang gawin ito nang pabasta-basta at iraos lang ito, at kung ito man ay isang bagay na handa kang gawin o hindi, isang bagay kung saan ka mahusay o hindi, palagi mo itong hinaharap nang may saloobin na basta-basta lang gumagawa, kaya, hindi ka angkop na maging lider o manggagawa, at hindi ka karapat-dapat gumawa ng gawain ng iglesia. Higit pa rito, sa prangkang salita, ang mga taong katulad mo ay walang kwenta, nakatadhana na walang makakamit, at sadyang mga walang silbi na tao. Anong uri ng mga tao ang walang silbi? Ang mga taong magulo ang isip, mga taong walang ginagawa sa mga araw nila. Ang mga ganitong uri ng tao ay iresponsable sa anumang ginagawa nila, ni hindi nila ito sineseryoso; ginugulo nila ang lahat ng bagay. Hindi nila pinapakinggan ang mga salita mo kahit gaano ka pa makipagbahaginan tungkol sa katotohanan. Iniisip nila, “Magiging pabaya ako nang ganito kung gusto ko. Sabihin mo kung ano ang gusto mo! Ano’t anuman, sa ngayon ay ginagawa ko ang aking tungkulin at may makakain ako, sapat na iyon. Kahit papaano ay hindi ko kailangang maging pulubi. Kung balang araw ay wala na akong makain, saka ko ito iisipin. Laging magbubukas ng pinto ang langit. Sinasabi mong wala akong konsensiya o katwiran, at na magulo ang isip ko—ano naman kung gayon? Hindi ko nilabag ang batas. Ang pinakamalala na ay medyo kulang ang aking karakter, pero hindi iyon kawalan sa akin. Hangga’t may makakain ako, ayos na.” Ano ang palagay mo sa ganitong perspektiba? Sinasabi Ko sa iyo, ang mga ganitong taong magulo ang isip na walang ginagawa sa mga araw nila ay pawang nakatadhanang matiwalag, at imposibleng makamit nila ang kaligtasan. Ang lahat ng nananampalataya sa Diyos sa loob ng ilang taon pero hindi kailanman tumanggap sakatotohanan at walang mga patotoong batay sa karanasan ay matitiwalag. Walang makakaligtas. Ang mga basura at ang mga walang kuwenta ay mga mapagsamantala lahat at nakatadhana silang itiwalag. Kung mga pabigat lamang ang mga lider at manggagawa, mas lalo silang dapat na tanggalin at itiwalag. Ang mga taong magugulo ang isip na kagaya nito ay gusto pa ring maging mga lider at manggagawa; hindi sila karapat-dapat! Hindi sila gumagawa ng anumang tunay na gawain, pero gusto nilang maging lider. Tunay ngang wala silang kahihiyan!
Pagkatapos matanggal sa mga posisyon nila ang ilang lider at manggagawa, sinasabi nila, “Kay ganda na hindi maging isang lider o manggagawa. Hindi ko kailangang mabalisa o mag-abala nang husto. Ang saya na maging isang ordinaryong kapatid. Bakit ko pa aabalahin ang sarili ko sa bagay na iyan? Hindi ako nagtataglay ng kakayahan para lang pagurin nang husto ang sarili ko.” May iba na nagtatanong sa kanila, “Ano ang gagawin mo ngayong hindi ka na isang lider o manggagawa?” Ang sagot nila, “Ayos lang sa akin na gumawa ng kahit ano, basta’t hindi masyadong nakakapagod at hindi kailangang gumugol ng labis na pagsisikap—ayos na iyong tipong naglalakad at tumitingin-tingin lang sa paligid, o nakaupo at nakikipag-usap, o tumitingin sa kompyuter, at hindi nangangailangan ng napakahabang oras o pisikal na pagdurusa.” Anong klase ng pananalita ito? Kung matutuklasan ninyo na ang pinili ninyong lider o manggagawang ay ganitong klase ng tao, ano ang mararamdaman ninyo sa puso ninyo? Hindi ba’t makakaramdam kayo ng matinding pagsisisi? (Oo.) Kung gayon, magkakaroon ba kayo ng anumang mga kaisipan tungkol dito? Sasabihin mo, “Noong una, nakita ko na mayroon kang kaunting kakayahan at gusto kitang itaguyod at linangin, at bigyan ng pagkakataon, para maunawaan mo ang ilan pang katotohanan. Hindi ko kailanman naisip na mas mababa ka pa kaysa sa walang kwenta. Nagsisisi ako na itinuring kita bilang isang tao noon. Hindi ko kailanman inakala na hindi ka pala isang tao. Mas mababa ka pa nga kaysa sa isang baboy o aso, isa kang basura. Hindi ka karapat-dapat na sumuot nitong balat ng tao, at hindi ka karapat-dapat na maging isang tao!” Hindi ba kanais-nais pakinggan ang mga salitang ito? (Hindi.) Hindi kanais-nais pakinggan ang mga ito para sa inyo, pero hindi ba’t masyadong hindi kanais-nais pakinggan ang mga ito sa ganitong uri ng basura? (Oo.) May puso ba ang basurang gaya nito? (Wala.) Kung gayon, kaya ba nilang tukuyin kung nagsasabi ng mabubuti o masasamang bagay tungkol sa kanila ang isang tao? Kapag nakatagpo ng anumang usapin ang mga taong walang puso, hindi nila babaguhin ang saloobin nila ng paggugol ng mga araw nila nang walang ginagawa. Sa tingin nila, ayos lang basta’t nakikinabang at kumikita sila mismo, at komportable ang pakiramdam nila. Kaya, kahit ano pa ang sabihin ng sinuman, wala silang pakialam. Ang sikat nilang kasabihan ay: “Kahit ano pa ang sabihin mo, kahit ano pa ang tingin o pagsusuri mo sa akin, o kahit paano mo ako iklasipika o pangasiwaan, wala akong pakialam!” Hindi ba’t sadyang basura ang mga taong ito? Kahit ano pa ang sabihin mo, wala silang malasakit sa sinasabi ng iba at hindi nila ito isinasapuso. Bakit hindi nila ito isinasapuso? Sadyang mga tamad sila, at wala silang puso. Walang dignidad o integridad ang mga taong walang puso, wala silang pakialam sa kahit anong sabihin mo, at kahit gaano ka pa kahigpit magsalita sa kanila, hindi tatablan ang mga puso nila. Tanging ang mga may dignidad, integridad, at katwiran ang masasaktan at makakaramdam na sinasaksak ang mga puso nila kapag nakakarinig sila ng gayong mga salita. Sasabihin nila, “Iyon ay isanghamak na paraan ng pag-asal ko, minaliit ako ng mga tao dahil doon, at nawalan ako ng dignidad, kaya, hindi na ako aasal nang ganoon. Gusto kong mabawi ang dignidad ko at huwag magsanhing maliitin ako ng mga tao. Magsisikap ako na mabawi ang karangalan ko, at gagawin ko ang lahat ng kinakailangan para mamuhay nang may dignidad at para mapalugod ang Diyos.” May malasakit sila pagdating sa mga salitang nakakasakit sa dignidad nila at tumatama sa sensitibo at mahina nilang pagkatao—sila ay mga taong may puso. Kapag ang mga may malasakit at dignidad ay nakakarinig ng mga tamang pahayag at nakakakita ng mga positibong bagay at nakakatukoy sa kung ano ang tama at mali, nagpapasya silang magbago dahil may dignidad sila, at ayaw nilang maliitin sila ng iba. Iyong mga tamad at walang silbing tao ay walang dignidad, at kaya, kahit ano pa ang sabihin mo sa kanila, kahit gaano pa katama o katumpak o kaayon sa katotohanan ang mga pahayag mo, o kahit gaano pa kapositibo ang mga pahayag mo, walang epekto ang mga ito sa mga taong ito at hindi sila kikilos kahit papaano. Ang isang tao na walang dignidad ay walang anumang malasakit sa anumang positibong bagay, anumang hatol, o anumang paglalantad, ni wala siya ng wastong saloobin tungkol sa kung anong uri ng landas sa buhay ang dapat piliin. Kaya naman, kahit ano pa ang sabihin mo sa kanya, kahit paano mo pa siya ilantad o ilarawan, tiyak na ayaw niyang tanggapin ito, at wala siyang pakialam. Kung gayon, may silbi pa ba ang pangangaral ng katotohanan at pagbibigay ng mga sermon sa gayong mga tao? May silbi ba ang pagpupungos sa kanila? May silbi ba ang paghahatol at pagkakastigo sa kanila? Wala! Ang gayong mga tao ay sadyang walang silbi. Iniraraos lang nila ang mga araw nila, at nabibilang sila sa kategorya ng mga hayop—sa tumpak na salita, hindi sila tao. Hindi sila karapat-dapat na makarinig sa mga salita ng Diyos. Kung magiging mga lider ng iglesia ang mga walang kwenta at garapatang ito, matutuklasan ba nila ang mga problemang umiiral sa iglesia? Malulutas ba nila ang mga isyu? Tiyak na hindi. Kung magpupuna ng isyu ang mga hinirang ng Diyos, kaya ba nilang lutasin ito? Tiyak na hindi rin nila ito kayang lutasin. Wala silang kakayahang lumutas ng anumang isyu, kaya paano nila magagawa ang gawain ng isang lider? Malayong mangyari iyon! Bilang mga lider at manggagawa, kahit papaano, dapat malutas ng mga tao ang mga problemang umiiral sa gawain ng iglesia at ang mga problemang umiiral sa buhay pagpasok ng mga hinirang ng Diyos. Kung magsasanay sila nang ilang panahon at magkakaroon ng kaunting karanasan, at kaya rin nilang makipagbahaginan tungkol sa ilang katotohanan at magtalakay tungkol sa isang patotoong batay sa karanasan, kung gayon, unti-unti silang magiging mahusay sa gawain ng isang lider. Kung wala silang kakayahang tumuklas o lumutas ng anumang mga problema, hinding-hindi nila magagawa ang gawain ng isang lider; sila ay mga huwad na lider kung gayon, at dapat silang tanggalin, at dapat maghalal ng mga bagong lider.
Iyong mga nagsisilbi bilang mga lider ay dapat may kaunting pagkaunawa sa katotohanan kahit papaano at may ilang praktikal na karanasan. Kung wala silang anumang karanasan, tiyak na wala rin silang pagkaunawa sa anuman sa katotohanan. Ang ilang tao na nagseserbisyo bilang mga lider ay magaling mangaral ng mga salita at doktrina, at nakakatanggap sila ng pagsang-ayon at papuri at mula sa karamihan. Bagama’t sa panlabas ay kayang sumagot ng mga huwad na lider ng mga katanungan, hindi nila kayang magbahagi tungkol sa mga katotohanang prinsipyo. Tanging hungkag na teorya ang ipinapangaral nila, at walang anumang praktikal dito. Kapag naririnig ng mga tao ang pangangaral nila, pakiramdam ng mga taong ito ay nakaaayon ang pangangaral nila sa panlasa ng mga ito, at iyong mga walang pagkilatis ay labis na sumasang-ayon dito. Gayumpaman, pagkatapos nito, wala pa rin silang landas ng pagsasagawa at hindi nila mahanap ang mga prinsipyo ng pagsasagawa. Maituturing bang nalutas nito ang anumang mga isyu? Hindi ba’t ito ay pagiging pabaya nila? Maituturing ba na paggawa ng tunay na gawain ang ganitong paraan ng paglutas sa mga isyu? Ang mga huwad na lider ay hindi gumagawa ng tunay na gawain, ngunit alam nila kung paano kumilos gaya ng isang opisyal. Ano ang unang bagay na ginagawa nila kapag nagiging lider sila? Ito ay ang kunin ang pabor ng mga tao. Ginagamit nila ang pamamaraang “Ang mga bagong opisyal ay sabik magpasikat”: Una ay gumagawa sila ng ilang bagay para magpalakas sa mga tao at nangangasiwa sila ng ilang bagay na nagpapabuti sa pang-araw-araw na kapakanan ng mga tao. Sinisikap muna nilang mag-iwan ng magandang impresyon sa mga tao, na maipakita sa lahat na kaayon sila ng masa, para purihin sila ng lahat at sabihin na “Kumikilos na parang isang magulang namin ang lider na ito!” Pagkatapos ay opisyal na silang mamumuno. Pakiramdam nila ay taglay na nila ang popular na suporta at sigurado na ang kanilang posisyon; pagkatapos, nagsisimula silang magtamasa ng mga pakinabang ng katayuan na para bang nararapat iyon sa kanila. Ang kanilang mga kasabihan ay, “Ang buhay ay tungkol lamang sa pagkain at pananamit,” “Maigsi ang buhay, kaya magpakasaya habang kaya,” at “Magpakasaya ka na ngayon, bukas ka na mag-alala.” Nagpapakaligaya sila sa bawat araw pagdating nito, nagpapakasaya sila hangga’t kaya nila, at hindi nila iniisip ang hinaharap, lalong hindi nila iniisip kung anong mga responsabilidad ang dapat tuparin ng isang lider at kung anong mga tungkulin ang dapat nilang gawin. Nangangaral sila ng ilang salita at doktrina at ginagawa ang ilang gawain para magpakitang-tao tulad ng nakagawian—hindi sila gumagawa ng anumang totoong gawain. Hindi nila tinutuklas ang mga totoong problema sa iglesia at lubos na nilulutas ang mga iyon, kaya ano ang silbi ng paggawa nila ng gayong mga paimbabaw na gampanin? Hindi ba’t mapanlinlang ito? Maipagkakatiwala ba ang mahahalagang gampanin sa ganitong uri ng huwad na lider? Naaayon ba sila sa mga prinsipyo at kondisyon ng sambahayan ng Diyos sa pagpili ng mga lider at manggagawa? (Hindi.) Walang anumang konsiyensya o katwiran ang mga taong ito, wala silang anumang pagpapahalaga sa responsabilidad, subalit nais pa rin nilang magkaroon ng posisyon bilang opisyal, na maging isang lider, sa iglesia—bakit masyado silang walang kahihiyan? Para sa ilang taong may pagpapahalaga sa responsabilidad, kung mahina ang kanilang kakayahan, hindi sila maaaring maging lider—maliban pa riyan ang mga taong walang silbi na wala talagang pagpapahalaga sa responsabilidad; lalong hindi sila kwalipikadong maging mga lider. Gaano ba katamad ang gayong mga matakaw at batugang huwad na lider? Kahit may natuklasan silang isyu, at alam nila na isyu ito, hindi nila ito sineseryoso at hindi pinapansin. Napaka-iresponsable nila! Bagamat magaling silang magsalita at tila may kaunting kakayahan, hindi nila kayang lumutas ng iba’t ibang problema sa gawain ng iglesia, na humahantong sa biglaang paghinto ng gawain; patuloy na nagkakapatong-patong ang mga problema, pero hindi inaabala ng mga lider ang kanilang sarili tungkol sa mga ito, at iginigiit nilang isagawa ang ilang mababaw na gampanin gaya ng nakagawian na. At ano ang resulta sa huli? Hindi ba’t ginugulo nila ang gawain ng iglesia, hindi ba’t sinisira nila iyon? Hindi ba’t nagsasanhi sila ng kaguluhan at kawalan ng pagkakaisa sa iglesia? Ito ang hindi-maiiwasang kalalabasan. Sa sitwasyong ito, magbibigay ba ng ulat ang mga huwad na lider sa Itaas? Siyempre hindi. Kung may isang tao sa iglesia na gustong mag-ulat sa Itaas ng mga problema ng mga huwad na lider, papayagan ba nila ito? Tiyak na tiyak na susupilin at pipigilan nila ang taong iyon, hindi nila papayagan ang sinuman na mag-ulat ng problema sa Itaas, at paghihigpitan, susupilin, at ibubukod nila ang sinumang gagawa niyon. Sabihin mo sa Akin, hindi ba’t masyadong kasuklam-suklam ang mga huwad na lider na ito? Kahit gaano pa nila napinsala ang gawain ng iglesia, hindi pa rin nila papahintulutan na malaman ito ng Itaas, lalo na ang lutasin ito. Ang mahalaga lang sa kanila ay ang magtamasa sa mga pakinabang ng katayuan nila at protektahan ang sarili nilang banidad at pride—talagang kasuklam-suklam at walang kahihiyan ang gayong mga tao! Hindi ba’t lubos silang walang konsensiya at pagkatao? Kapag nag-uusisa ang Itaas tungkol sa gawain, walang pag-aalinlangan nilang sinasabi na walang mga problema, nagsisinungaling at nagkukunwari sila sa Itaas—sa paggawa nito, hindi ba’t nililinlang nila ang Itaas at may mga itinatago sila mula sa mga nasa ilalim nila? Patuloy na nagpapatung-patong ang mga problema sa gawain ng iglesia, at hindi malutas ng mga huwad na lider ang mga problemang ito nang sila-sila lang, pero hindi rin nila iniuulat ang mga isyung ito sa Itaas. Sa ilalim ng mga ganitong sitwasyon, kumikilos sila na parang walang problema; nagpapasasa pa rin sila sa kaginhawahan, nakaupo nang walang ginagawa buong araw at nagpapalipas lang ng mga araw nila, at hindi sila nababalisa kahit kaunti. At kapag nalantad ang mga problema at sinisiyasat ito nang mabuti ng Itaas, sinasabi pa rin nila, “Isinaayos ko na gawin ng mga tao ang gawaing ito. Natupad ko ang mga responsabilidad ko. Kung hindi nagawa nang maayos ang gawain, kasalanan na iyon ng iba. Anong kinalaman nito sa akin?” Sa ilang salitang ito, tuluyan silang naghuhugas-kamay sa anumang pananagutan. Para bang wala silang anumang pananagutan para sa usaping ito. Hindi lang nila hindi pinagninilayan ang sarili nila, makatwiran at panatag din ang pakiramdam nila, na sinasabi, “Sa anumang kaso, hindi ako nagpakatamad sa tungkulin ko; hindi ako pabigat. Kung hindi ako tatanggalin ng Itaas, patuloy akong magseserbisyo bilang lider. Kung magbibitiw ako, hindi ba’t ipagkakanulo ko ang Diyos? Hindi ba’t kawalan ng katapatan sa tungkulin ko ang ipapakita ko?” Kung pupungusan mo sila, makakaisip sila ng maraming dahilan para pabulaanan ka. Hindi nila sasabihing may pananagutan sila sa usaping ito, hindi nila sasabihin kung ano ang mga responsabilidad nila, at hindi nila pagninilayan kung ano ang kalikasan ng hindi nila paglutas ng mga isyu at hindi paggawa ng tunay na gawain. Hindi ba’t sobrang nakapopoot ang gayong mga tao? Nagsasanhi sila ng pagkahinto sa gawain ng iglesia at pinipinsala nila ang mga hinirang ng Diyos sa loob ng mahabang panahon nang walang anumang bahid ng pagsisisi sa puso nila—tao pa rin ba sila? Mayroon pa rin ba silang kahit katiting na konsensiya o katwiran? Sinasabi ng ilang tao, “Hindi dapat mahalal bilang mga lider ang mga taong gaya nito.” Ganito ito sa teorya; gayumpaman, talagang may ilang tao na ganito na kabilang sa mga nahalal na lider at manggagawa; isa itong katunayan. Nangyayari ang lahat ng ito dahil walang pagkilatis ang mga hinirang ng Diyos, at gusto ng karamihan sa mga tao ang mga mapagpalugod ng mga tao, at dahil dito, naghahalal sila ng ilang huwad na lider at manggagawa. Samakatwid, bago ang mga halalan ng iglesia, kailangang higit pang mapagbahaginan ang tungkol sa mga prinsipyo para sa paghalal ng mga lider at manggagawa, gayundin ang mga prinsipyo sa pagkilatis ng mga huwad na lider at manggagawa; sa ganitong paraan, matitiyak na mas maraming tao ang boboto nang alinsunod sa mga prinsipyo. Tanging sa paggawa nito, magkakaroon ng magagandang resulta mula sa mga halalan ng iglesia.
Sabihin ninyo sa Akin, kaya ba ng gayong mga kasuklam-suklam at walang kahihiyan na tamad ang pagiging mahusay sa gawain ng iglesia bilang mga lider at manggagawa? Kaya ba nilang lutasin ang mga problemang umiiral sa iglesia o ang mga paghihirap na nararanasan ng mga hinirang ng Diyos? (Hindi.) Kung gayon, ano ang dapat ninyong gawin kapag nakatagpo kayo ng gayong mga huwad na lider? Ipagpalagay na may magsasabi, “Mahina ang kakayahan namin at wala kaming pagkilatis, kaya wala kaming magagawa kung makakatagpo kami ng isang huwad na lider.” Tama ba ito? Tiyak na hindi naman lahat sa iglesia ay mahina ang kakayahan at walang pagkilatis, hindi ba? Dapat ay may ilang tao kahit papaano na medyo nakakaunawa sa katotohanan. Kaya, kung may makakita ng isang huwad na lider na hindi kayang gumawa ng tunay na gawain o lumutas ng anumang mga problema, dapat siyang makipagbahaginan sa mga taong nakakaunawa sa katotohanan at hilingin sa mga ito na gamitin ang pagkilatis ng mga ito at gumawa ng paghusga. Angkop ba ito? (Oo, angkop ito.) Bakit ito angkop? Ano ang mga kahihinatnan kung hindi kaya ng isang lider ng iglesia na gumawa ng tunay na gawain? Sino ang magiging mga biktima? Hindi ba’t sila ang mga hinirang ng Diyos sa iglesia? Kung may kontrol ang isang huwad na lider sa iglesia sa loob ng tatlo o limang taon, ilang pagkaunawa sa katotohanan at pagpasok sa realidad ng mga tao ang maaapektuhan? Ilang pagkamit ng mga tao ng kaligtasan ng Diyos ang maaantala? Hindi lubos maisip ang mga kahihinatnang ito. Kaya, kapag natuklasan ang isang huwad na lider na hindi gumagawa ng tunay na gawain at na walang kakayahang lumutas ng anumang isyu, malaking bagay ito para sa bawat isa sa mga hinirang ng Diyos, at dapat nilang ilantad at iulat kaagad ang huwad na lider na iyon para maiwasan ang mga pagkaantala sa gawain. Ang mga napipinsala ng hindi paggawa ng tunay na gawain ng mga lider ng iglesia ay ang mga hinirang ng Diyos. Kung walang sinuman sa mga hinirang ng Diyos ang maglalantad o mag-uulat sa kanila, at lahat sa mga ito ay sadyang walang malasakit sa paggawa nito, kung gayon, wala nang pag-asa para sa iglesiang iyon. Ipagpalagay natin na sa mga puso ninyo ay palagi kayong nagkikimkim ng mga kaisipan ng hindi pag-ako ng responsabilidad tulad ng, “Tutal, ikaw naman ang lider. Hindi mo kayang gumawa ng tunay na gawain pero hindi mo iniuulat ang mga problema sa Itaas—kung maaantala nito ang gawain ng iglesia, papanagutin ka ng Itaas. Ano ang kinalaman nito sa amin? Bakit kailangan naming mag-alala tungkol dito? Hindi naman kami ang namamahala. Ikaw ang may pananagutan dito.” Kung palagi kayong nagkikimkim ng ganitong kuru-kuro sa mga puso ninyo, hindi ba’t maaantala nito ang mga bagay-bagay? Hindi ba’t maaapektuhan nito ang paghahangad ninyo sa katotohanan, pagpasok sa realidad, at pagkamit ng kaligtasan ng Diyos? Kung walang sinuman sa iglesia ang mananagot, hindi natin masasabi kung ang iglesiang ito ay makakapagpatotoo sa Diyos at makakatanggap ng mga pagpapala ng Diyos, at mas lalong hindi natin masasabi kung ilang tao ang magkakamit ng kaligtasan sa iglesiang ito. Kung ganito mag-isip at may ganitong pananaw ang lahat ng tao sa iglesiang ito ay, tiyak na walang pag-asa ang iglesiang ito. Hindi ba’t may ganitong problema ang mga pangkat ng mga gumagawa ng pelikula ngayon? Hindi nag-aasikaso ng mga isyu o nag-uulat ng mga problema ang ilan sa mga lider ninyo—sila ay mga huwad na lider. Nakikita ba ninyo ito? Hindi lumulutas ng mga problema ang mga lider na ito para sa inyo—hindi ba ninyo natuklasan na isa itong problema? Talaga bang natutuwa kayo tungkol dito? “Hindi iniuulat ng lider natin ang problemang ito at hindi malutas ang problemang ito, kaya, magandang pagkakataon ito para magpahinga tayo. Mabuti iyon! Bukod dito, hindi naman personal na tinanong ng Itaas ang tungkol sa usaping ito kamakailan, kaya hindi rin natin kailangang iulat ang problema. Bakit hindi natin dapat subukang bigyan ang sarili natin ng kaunting oras para maglibang? Kailangan ba nating kunan ang pelikula nang napakabilis at ayon sa takdang oras? Maayos naman ang pag-usad natin! Ano ngayon kung hindi pa tayo tapos sa pagkuha ng pelikula? Kokondenahin ba tayo dahil dito?” Ito ba ang saloobin ninyo? Sa tingin ba ninyo ay hindi ganoon kahigpit ang iskedyul para sa gawain ng sambahayan ng Diyos, kaya puwede ninyo itong patagalin nang walang hanggan, at hangga’t hindi nagtatanong o nagsisiyasat ang Itaas tungkol sa usaping ito, hindi ninyo kailangang mag-alala o makaramdam ng anumang presyur, at puwede ninyong lutasin lang ang anumang mga isyu na kaya ninyo, at hayaan na lang ang anumang hindi ninyo kaya? Ganito ba ang perspektiba ninyo? (Hindi.) Kung gayon, bakit hindi kayo nag-uulat ng mga problema kapag mayroon kayo ng mga ito? Ito ba ay dahil nasa ilalim kayo ng kontrol ng mga huwad na lider na ito o dahil ginamitan nila kayo ng isang mahiwaga at nakakatulirong mahika na nagsasanhing magdeliryo kayo at hindi makapagsalita? Ano ang problema rito? Kapag may mga problemang umiiral, alam ba ninyo ang tungkol sa mga ito? Kung sasabihin ninyo na hindi ninyo alam, nagsisinungaling kayo; kung alam ninyo ang tungkol sa mga ito pero hindi niyo ito iniuulat, ibig sabihin, nagiging pabaya kayo at lubhang iresponsable sa mga tungkulin ninyo, at wala kayong anumang katapatan sa tungkulin ninyo. Kahit na nagtatrabaho ka sa mundo para kumita ng pera, dapat ka pa ring maging karapat-dapat sa kakarampot na sahod na natatanggap mo. Maliban doon, kinakain mo ngayon ang pagkain ng sambahayan ng Diyos; naghahangad ka ng kaligtasan habang ginagampanan ang tungkulin mo, at sa paggawa nito, inihahanda mo ang daan at ang sarili mong hantungan. Hindi mo ito ginagawa para sa sambahayan ng Diyos, ni para sa sinumang indibidwal, at lalong hindi para sa Akin—ginagawa mo ito para sa sarili mo. Sa mainam na salita, ginagampanan ng mga tao ang tungkulin nila para magkamit ng kaligtasan, pero kung tutuusin, ginagawa nila ito para magkamit ng mga pagpapala at para magkaroon ng magandang hantungan. Dapat mong maunawaan nang malinaw ang usaping ito; huwag kang maging hangal. Hindi mo ginagampanan ang tungkulin mo para sa ibang tao o para sa mga magulang mo, at hindi mo ito ginagawa para magdala ng kaluwalhatian sa mga ninuno mo o ng karangalan sa pangalan ng pamilya mo—ginagawa mo ito para sa sarili mo. Nilikha ka ng Diyos, at mula pa nang likhain Niya ang mundo, pauna na Niyang itinakda na ipapanganak ka sa mga huling araw. Dinala ka Niya sa Kanyang sambahayan, hinayaan ka Niyang marinig ang Kanyang tinig, hinayaan ka Niyang kumain at uminom ng Kanyang mga salita araw-araw at tumanggap ng panustos sa buhay, at binigyan ka Niya ng pagkakataon upang magampanan mo ang tungkulin mo sa sambahayan ng Diyos. Ito ang pinakamaganda mong pagkakataon bilang isang nilikha para magkamit ng kaligtasan, at ito rin ang tanging pagkakataon mo. Kung, habang ginagampanan mo ang tungkulin mo, sisirain mo ang pagkakataong ito, kung gayon, kahit na maparusahan ka o umiyak at magngalit ang mga ngipin mo kapag sa huli ay nasadlak ka sa mga kapahamakan, kagagawan mo ang lahat ng iyon, at nararapat lang iyon sa iyo! Sariling kasalanan mo iyon. Hindi kailangang isabalikat ng ibang mga tao ang mga responsabilidad mo, at hindi mo rin kailangang isabalikat ang mga responsabilidad ng ibang mga tao. Ikaw lang ang puwedeng umako ng responsabilidad sa landas na tinatahak mo at sa lahat ng ginagawa mo ngayon, at ikaw lang ang puwedeng ang haharap sa mga kahihinatnan sa huli. Ang magagawa Ko lang ay ipaunawa sa inyo ang mga bagay na dapat Kong bigkasin at sabihin sa inyo, at ihanda ang daan para sa inyo upang maaari kayong tumahak sa landas tungo sa kaligtasan. Naipaliwanag Ko na nang malinaw ang lahat, kaya, kayo na ang bahala kung paano kayo kikilos mismo. Hindi Ko na inaalala ang mga personal ninyong isyu; ginagampanan Ko lang ang gawaing nakatalaga sa Akin, at hindi Ako gumagawa ng anumang gawain na higit pa rito. Hindi ba’t isa itong katunayan na ginagawa mo ang iyong tungkulin mo alang-alang sa sarili mong hantungan? Kung sasabihin mo, “Ang dami namang problema, pero hindi iniuulat ng lider ko ang mga ito, kaya hindi ko na rin iuulat ang mga ito,” hindi ba’t kahangalan iyon? Hindi ba’t isa iyong pagkakalkula? Ano ang responsabilidad mo kapag nakakakita ka ng isang problema? Ang responsabilidad mo ay ang tipunin ang lahat at patahimikin ang sarili ninyo para maghanap at makipagbahaginan tungkol sa problema, para makita kung saang bahagi lumitaw ang problema, at para tukuyin ang pinakaugat ng problema. Kung, pagkatapos ng talakayan, ay natukoy ang pinakaugat, pero hindi ninyo magawang lutasin ang problema nang kayo-kayo lang, dapat ninyo itong iulat kaagad sa Itaas. Sino ang dapat mag-ulat nito? Dapat kang magboluntaryo at sabihin, “Ako na ang mag-uulat. Kung hindi iyon uubra, puwede tayong pumili ng ilang kinatawan at mag-ulat nang sama-sama.” Sinasabi ng ilang tao, “Hindi ba’t may lider tayo?” Ang sagot mo, “Hindi siya lider! Hindi man lang niya tinutupad ang mga responsabilidad ng isang tao. Isa lang siyang hayop na may balat ng tao, at dapat siyang paalisin nang apurahan at tanggalin! Hindi niya iniuulat ang problema, kaya dapat tayo na mismo ang mag-ulat nito—ito ang responsabilidad natin. Kapag natupad natin ang mga responsabilidad natin, saka lang tayo ituturing ng Diyos bilang mga tao. Kung malinaw nating alam kung ano ang mga responsabilidad natin, pero hindi natin tutuparin ang mga ito, kung gayon, hindi tayo karapat-dapat na maging tao, at hinding-hindi tayo ituturing ng Diyos bilang tao.” Kung hindi ka ituturing ng Diyos bilang isang tao, ano ang ipinapahiwatig nito na turing niya sa iyo? Ipinapahiwatig nito na itinuturing ka Niya bilang isang baboy o isang aso. Kung gayon, iiligtas ka pa rin ba ng Diyos? Hindi. Kaya naman, kung hindi ka mauuwi sa isang magandang hantungan, hindi ba’t ikaw ang may gawa niyon sa sarili mo? At hindi ba’t nawalan ng saysay ang paggawa mo sa tungkulin mo? Nasa sa iyo ang pagpili sa landas mo, at nasa sa iyo rin kung tatahakin mo ito. Anuman ang landas na piliin mo, o kung ano ang mga panghuling kahihinatnan, ikaw ang may pananagutan; walang sinuman ang mananagot para sa landas na tatahakin mo at sa mga magreresultang kahihinatnan.
Kung, bilang mga lider at manggagawa, binabalewala ninyo ang mga problemang lumilitaw sa pagganap ng mga tungkulin, at naghahanap pa kayo ng iba’t ibang dahilan at palusot para umiwas sa responsabilidad, at hindi ninyo nilulutas ang ilang problema na kaya ninyo namang lutasin, at hindi ninyo inuulat sa Itaas ang mga problemang hindi ninyo kayang lutasin, na para bang walang kinalaman ang mga ito sa inyo, hindi ba’t pagpapabaya ito sa tungkulin? Ang pagtrato ba sa gawain ng iglesia sa ganitong paraan ay pagiging mautak o pagiging hangal? (Ito ay pagiging hangal.) Hindi ba’t tuso ang mga gayong lider at manggagawa? Hindi ba’t wala silang pagpapahalaga sa responsabilidad? Kapag nahaharap sila sa mga problema, binabalewala nila ang mga ito—hindi ba’t mga wala silang pakialam? Hindi ba’t mga tuso silang tao? Ang mga tusong tao ang pinakahangal sa lahat. Dapat isa kang taong matapat, dapat magkaroon ka ng pagpapahalaga sa responsabilidad kapag humaharap ka sa mga problema, at dapat mong subukan ang lahat ng paraan at hanapin ang katotohanan upang malutas ang mga ito. Hinding-hindi ka dapat maging tuso. Kung ang iniisip mo lang ay ang pag-iwas sa responsabilidad at paghuhugas-kamay rito kapag lumilitaw ang mga problema, makokondena ka pa dahil sa ugaling ito sa gitna ng mga walang pananampalataya, bukod pa sa sambahayan ng Diyos! Ang pag-uugaling ito ay kinokondena at isinusumpa ng Diyos, at ito ay kinasusuklaman at tinatangihan ng hinirang na mga tao ng Diyos. Gusto ng Diyos ang mga taong matapat, at nasusuklam Siya sa mga taong mapanlinlang at madaya. Kung isa kang tusong tao at kumikilos ka nang madaya, hindi ba’t mamumuhi ang Diyos sa iyo? Hahayaan ka lang ba ng sambahayan ng Diyos na makalusot? Sa malao’t madali, papapanagutin ka. Gusto ng Diyos ang mga taong matapat at ayaw naman Niya sa mga taong tuso. Dapat malinaw itong maunawaan ng lahat, at huwag nang maguluhan at gumawa ng mga kahangalan. Ang panandaliang kamangmangan ay maaaring pangatwiranan, pero kung talagang hindi tinatanggap ng isang tao ang katotohanan, masyadong matigas ang ulo niya. Marunong humawak ng responsabilidad ang mga taong matapat. Hindi nila isinasaalang-alang ang sarili nilang mga pakinabang at kawalan; iniingatan lamang nila ang gawain at mga interes ng sambahayan ng Diyos. Mayroon silang mababait at matatapat na puso na gaya ng mga mangkok ng malinaw na tubig kung saan makikita mo ang ilalim sa isang sulyap. Wala rin silang itinatago sa kanilang mga kilos. Ang isang taong mapanlinlang ay laging nandadaya, laging nagpapanggap, pinagtatakpan at ikinukubli ang mga bagay, at binabalot nang husto ang sarili nila. Walang makakilatis sa ganitong uri ng tao. Hindi makilatis ng mga tao ang kanilang mga saloobin, pero kaya ng Diyos na masiyasat ang mga bagay sa kaibuturan ng kanilang puso. Kapag nakikita ng Diyos na hindi sila matapat na tao, na tuso sila, na hindi nila kailanman tinatanggap ang katotohanan, palagi Siyang nililinlang, at hindi kailanman ibinibigay ang puso nila sa Kanya—ayaw ng Diyos sa kanila, at kinasusuklaman at tatalikuran sila ng Diyos. Anong klase ng mga tao ang umuunlad sa gitna ng mga walang pananampalataya, at iyong matatamis ang dila at mabilis mag-isip? Malinaw ba ito sa inyo? Ano ang diwa nila? Masasabi na lahat sila ay napakahirap na makilatis, sobrang mapanlinlang at tuso nilang lahat, sila ang tunay na mga diyablo at Satanas. Maaari bang iligtas ng Diyos ang mga ganitong tao? Wala nang higit pang kinasusuklaman ang Diyos kundi ang mga diyablo—mga taong mapanlinlang at tuso—at hinding-hindi ililigtas ng Diyos ang gayong mga tao. Hinding-hindi kayo dapat maging ganitong uri ng tao. Iyong mga palaging nagmamasid at alerto kapag nagsasalita sila, na may kumpiyansa at magaling at gumaganap ng isang karakter para bumagay sa sitwasyon kapag pinapangasiwaan nila ang mga usapin—sinasabi Ko sa iyo, pinakakinasusuklaman ng Diyos ang mga gayong tao, hindi na maililigtas pa ang mga taong gaya nito. Tungkol sa lahat ng nabibilang sa kategorya ng mga mapanlinlang at tusong tao, kahit gaano pa kagandang pakinggan ang mga salita nila, lahat ng ito ay mapanlinlang, maladiyablong salita. Kapag mas magandang pakinggan ang kanilang mga salita, mas lalong mga diyablo at Satanas ang mga taong ito. Sila mismo ang klase ng mga tao na pinakakinasusuklaman ng Diyos. Talagang ito ay tama. Ano ang masasabi ninyo: Matatanggap ba ng mga taong mapanlinlang, madalas magsinungaling, at mahusay mambola, ang gawain ng Banal na Espiritu? Kaya ba nilang makamit ang pagbibigay-liwanag at pagtanglaw ng Banal na Espiritu? Hinding-hindi. Ano ang saloobin ng Diyos ukol sa mga taong mapanlinlang at tuso? Itinataboy Niya ang mga ito, isinasantabi Niya ang mga ito at hindi pinapansin, itinuturing Niya sila bilang kauri ng mga hayop. Sa paningin ng Diyos, ang gayong mga tao ay nakabihis lamang ng anyong tao at sa diwa, sila ay mga diyablo at Satanas, sila ay mga naglalakad na bangkay, at hinding-hindi sila ililigtas ng Diyos. Kaya, ano ang kalagayan ng mga taong ito ngayon? May kadiliman sa kanilang puso, wala silang tunay na pananalig, at kahit na anong mangyari sa kanila, hindi sila kailanman nabibigyang-liwanag o natatanglawan. Kapag nahaharap sila sa mga sakuna at kapighatian, nagdarasal sila sa Diyos, pero wala sa kanila ang Diyos, at wala silang tunay na maaasahan sa kanilang puso. Para magtamo ng mga pagpapala, sinusubukan nilang magpanggap nang mabuti, ngunit hindi nila mapigilan ang kanilang sarili, sapagkat wala silang konsensiya at katwiran. Hindi nila kayang maging mabuting tao kahit gustuhin nila; kahit gusto nilang tumigil sa paggawa ng masasamang bagay, hindi nila makokontrol ang sarili nila, hindi ito uubra. Makikilala ba nila ang kanilang sarili matapos silang paalisin at itiwalag? Bagama’t malalaman nilang nararapat sa kanila ito, hindi nila ito aaminin sa sinuman, at kahit mukhang kaya nilang gawin ang kaunting tungkulin, kikilos sila nang madaya, at hindi magbubunga ng anumang malinaw na mga resulta ang kanilang gawain. Kaya ano ang masasabi ninyo: Nagagawa ba ng mga taong ito na tunay na magsisi? Talagang hindi. Ito ay dahil wala silang konsensiya o katwiran at hindi nila minamahal ang katotohanan. Hindi inililigtas ng Diyos ang ganitong uri ng tuso at masamang tao. Anong pag-asa ang mayroon sa paniniwala sa Diyos para sa gayong mga tao? Ang kanilang paniniwala ay wala nang kabuluhan, at malamang na wala silang mapala mula rito. Kung, sa buong pananalig nila sa Diyos, hindi hinahanap ng mga tao ang katotohanan, kahit ilang taon na silang nananampalataya; wala itong magiging epekto; kahit na manampalataya sila hanggang sa pinakahuli, wala silang matatamo. Para matamo ang Diyos, kailangang matamo ng mga tao ang katotohanan. Kung mauunawaan nila ang katotohanan, naisasagawa ang katotohanan, at nakakapasok sa katotohanang realidad, saka lamang nila makakamit ang katotohanan, at matatamo ang pagliligtas ng Diyos; at saka lamang nila matatamo ang pagkilala at mga pagpapala ng Diyos; at ito lamang ang pagkakamit sa Diyos. Kung gusto ng mga tao na makamit ang katotohanan, ang unang hakbang na dapat nilang gawin ay ang matutong tuparin ang mga responsabilidad nila. Ibig sabihin, dapat nilang gawin nang maayos ang tungkulin nila—ito ang pinakapangunahing bagay. Tiyak na hindi dapat matuto ang mga tao mula sa mga huwad na lider, na nangangaral lang ng mga salita at doktrina at hindi gumagawa ng tunay na gawain, hindi umaako ng responsabilidad sa anumang ginagawa nila, ginagawa ang lahat ng bagay nang pabasta-basta, at natitiwalag sa huli. Hindi maliit na usapin ang paggawa ng tungkulin; lubos na nabubunyag ang mga tao sa paggampan nila ng tungkulin nila, at itinatakda ng Diyos ang mga kalalabasan ng mga tao batay sa tuloy-tuloy na paggampan habang ginagawa ang tungkulin nila. Ano ang ibig sabihin kung hindi ginagawa nang maayos ng isang tao ang tungkulin niya? Nangangahulugan ito na hindi niya tinatanggap ang katotohanan o hindi siya tunay na nagsisisi, at itinitiwalag siya ng Diyos. Kapag natanggal ang mga huwad na lider at manggagawa, ano ang kinakatawan nito? Ito ang saloobin ng sambahayan ng Diyos sa gayong mga tao at, siyempre, kinakatawan din nito ang saloobin ng Diyos sa gayong mga tao. Kung gayon, ano ang saloobin ng Diyos sa mga walang silbing tao na gaya ng mga ito? Itinataboy, kinokondena, at itinitiwalag sila ng Diyos. Kaya, gusto pa rin ba ninyong magpasasa sa mga pakinabang ng katayuan at maging isang huwad na lider?
Pagkatapos manampalataya ng mga tao sa Diyos, ano ang pinakamasakit at pinakamalungkot na bagay na pwedeng mangyari sa kanila? Ang pinakamalaking bagay ay walang iba kundi ang malamang pinaalis o pinatalsik sila, at na ibinunyag at itiniwalag sila ng Diyos—ito ang pinakamasakit at pinakamalungkot na bagay, at walang sinuman ang may gustong mangyari ito sa kanila pagkatapos nilang manampalataya sa Diyos. Kaya, paano maiiwasan ng mga tao na mangyari ito sa kanila? Sa pinakamababa, kailangan nilang kumilos ayon sa konsensiya nila, ibig sabihin, kailangan muna nilang matutunan kung paano tuparin ang mga responsabilidad nila, hinding-hindi sila dapat maging pabasta-basta, at hindi nila dapat ipagpaliban ang ipinagkatiwala ng Diyos sa kanila. Dahil isa kang tao, dapat mong pagnilayan kung ano ang mga responsabilidad ng isang tao. Ang mga responsabilidad napinakapinahahalagahan ng mga walang pananampalataya, gaya ng paggalang sa magulang, pagtustos sa mga magulang, at pagbibigay-karangalan para sa iyong pamilya ay hindi na kailangang banggitin pa. Ang lahat ng ito ay walang kabuluhan at walang totoong kahulugan. Ano ang pinakamababang responsabilidad na dapat man lang tuparin ng isang tao? Ang pinakamakatotohanan bagay ay kung paano mo ginagampanan nang maayos ang iyong tungkulin ngayon. Hindi mo tinutupad ang iyong responsabilidad kung kontento ka nang iniraraos lang ang tungkulin, at hindi mo tinutupad ang iyong responsabilidad kung ang nagagawa mo lang ay magbigkas ng mga salita at doktrina. Tanging ang pagsasagawa ng katotohanan at paggawa sa mga bagay-bagay nang ayon sa prinsipyo ang pagtupad sa iyong responsabilidad. Kapag epektibo na ang pagsasagawa mo ng katotohanan, at kapaki-pakinabang na ito sa mga tao, saka mo lamang tunay na matutupad ang iyong responsabilidad. Anumang tungkulin ang iyong ginagawa, kapag iginigiit mong kumilos ayon sa mga katotohanang prinsipyo, saka mo lamang tunay na matutupad ang iyong responsabilidad. Ang paggawa nang wala sa loob ayon sa paraan ng tao sa paggawa ng mga bagay-bagay ay ang pagiging pabasta-basta; ang pagkapit lamang sa mga katotohanang prinsipyo ang maayos na paggampan sa iyong tungkulin at pagtupad sa iyong responsabilidad. At kapag tinutupad mo ang iyong responsabilidad, hindi ba ito pagpapamalas ng katapatan? Ito ang pagpapamalas ng tapat na paggampan sa iyong tungkulin. Kapag mayroon ka ng ganitong pakiramdam ng responsabilidad, ng ganitong adhikain at pagnanais, at ng ganitong pagpapamalas ng katapatan patungkol sa iyong tungkulin, saka ka lamang titingnan ng Diyos nang may pabor at pagsang-ayon. Kung ni hindi mo taglay ang ganitong pakiramdam ng responsabilidad, ituturing ka ng Diyos na isang batugan, isang tunggak, at kasusuklaman ka. Sa pananaw ng tao, ang ibig sabihin nito ay hindi ka iginagalang, hindi ka sineseryoso, at mababa ang tingin sa iyo. Katulad ito ng kapag matagal-tagal mo nang nakakaugnayan ang isang tao, at nakikita mong nagsasalita siya tungkol sa mga magarbo, di-praktikal na usapin, at nagdadaldal ng mga di-makatotohanang bagay, at napapansin mong mahilig siyang magyabang at magmalaki, at na hindi siya maaasahan—rerespetuhin mo ba siya? Maglalakas-loob ka bang ipagkatiwala sa kanya ang anumang gampanin? Marahil ay maaantala niya ang gampaning ipagkakatiwala mo sa kanya dahil sa kung anong dahilan, at kaya hindi ka maglalakas-loob na ipagkatiwala ang anumang bagay sa sa mga ganoong tao. Kasusuklaman mo siya mula sa kaibuturan ng puso mo, at pagsisisihan mo na nakaugnayan mo pa siya. Mararamdaman mong mapalad ka na hindi mo siya pinagkatiwalaan ng anumang bagay, at iisipin mo na kung ginawa mo man iyon, pagsisisihan mo iyon habambuhay. Ipagpalagay nating nakisalamuha ka sa isang tao, at sa pamamagitan ng pakikipag-usap at pakikipag-ugnayan sa kanya, nakita mo na bukod sa mayroon siyang mabuting pagkatao, mayroon din siyang pagpapahalaga sa responsabilidad, at kapag ipinagkakatiwala mo sa kanya ang isang gampanin, kahit may kaswal kang sinabi sa kanya, itinatanim niya ito sa isipan niya at nag-iisip siya ng mga paraan kung paano niya mapapangasiwaan nang maayos ang gawain para mapalugod ka, at kung hindi niya magagawa nang maayos ang ibinigay mong gampanin, mahihiya siyang humarap sa iyo pagkatapos niyon—isa itong taong may pagpapahalaga sa responsabilidad. Hangga’t sinasabihan siya o inaatasan siya sa isang bagay—isang lider man, manggagawa, o ang Itaas ang nag-atas sa kanya, palaging iisipin ng mga taong may pagpapahalaga sa responsabilidad na, “Aba, dahil ganito kataas ang tingin nila sa akin, dapat kong asikasuhin nang mabuti ang usaping ito at hindi sila biguin.” Hindi ba’t mapapanatag kang magkatiwala ng isang gampanin sa gayong mga tao na nagtataglay ng konsensiya at katwiran? Ang taong pwede mong pagkatiwalaan ng isang gampanin ay tiyak na iyong mga pinapaboran at pinagkakatiwalaan mo. Sa partikular, napangasiwaan nila ang ilang gampanin para sa iyo at naisakatuparan ang mga ito nang maingat, at ganap na natugunan ang iyong mga kinakailangan, iisipin mo na sila ay mapagkakatiwalaan. Sa puso mo, talagang hahangaan mo sila at tataas ang tingin mo sa kanila. Handang makisama ang mga tao sa ganitong uri ng tao, lalo naman ang Diyos. Palagay ba ninyo ay handang ipagkakatiwala ng Diyos ang gawain ng iglesia at ang tungkulin na obligadong gawin ng isang tao sa isang taong hindi mapagkakatiwalaan? (Hindi, hindi Niya gagawin iyon.) Kapag nagtalaga ang Diyos ng isang gawain ng iglesia sa isang tao, ano ang ekspektasyon ng Diyos sa taong ito? Unang-una, umaasa ang Diyos na masipag at responsable siya, na tatratuhin niya ang gawaing ito na parang isang malaking bagay at pangasiwaan ito nang naaayon, at gawin ito nang maayos. Pangalawa, umaasa ang Diyos na siya ay isang taong mapagkakatiwalaan, na kahit gaano pa katagal ang abutin niya, at kahit gaano pa katagal ang oras na lumipas, at paano man magbago ang kapaligiran, hindi magbabago ang pagpapahalaga niya sa responsabilidad, at masusubok na matibay ang kanyang integridad. Kung isa siyang mapagkakatiwalaang tao, mapapanatag ang Diyos, at hindi na Niya pangangasiwaan o kukumustahin ang bagay na ito. Ito ay dahil, sa puso Niya, may tiwala ang Diyos sa kanya, siguradong makukumpleto niya ang gampaning ibinigay sa kanya nang walang anumang mangyayaring problema. Kapag ipinagkakatiwala ng Diyos sa isang tao ang isang gampanin, hindi ba’t ito ang inaasahan Niya? (Ito nga.) Pagkatapos, kapag naunawaan mo na ang layunin ng Diyos, dapat mo namang malaman sa puso mo kung paano kumilos para matugunan ang mga hinihingi ng Diyos, kung paano magiging pabor sa paningin ng Diyos at kung paano mo makukuha ang tiwala ng Diyos. Kung malinaw mong nakikita ang sarili mong mga pagpapamalasat pag-uugali, at ang iyong saloobin sa pagharap mo sa tungkulin mo, kung mayroon kang kamalayan sa sarili, at alam mo kung ano ka, hindi ba’t hindi makatwiran kung hihilingin mo na paboran ka ng Diyos, pakitaan ka Niya ng kabutihan o bigyan ka ng espesyal na pagtrato? (Oo, hindi ito makatwiran.) Kahit mababa ang tingin mo sa sarili mo, kahit minamaliit mo ang iyong sarili, subalit hinihingi mong paboran ka ng Diyos—walang katuturan ito. Dahil dito, kung gusto mong paboran ka ng Diyos, kahit papaano, dapat ay mapagkatiwalaan ka sa mga mata ng ibang tao. Kung gusto mong pagkatiwalaan ka, paboran ka ng iba, pahalagahan ka nila, kung gayon, sa pinakamababa ay kailangan mong maging marangal, magkaroon ng pagpapahalaga sa responsabilidad, maging tapat sa iyong salita, at mapagkakatiwalaan. Higit pa rito, dapat kang maging masipag, responsable, at tapat sa harap ng Diyos—kung magkagayon, matutupad mo na sa kaibuturan ang mga hinihingi ng Diyos sa iyo. Pagkatapos, magkakaroon ka ng pag-asa na makamit ang pagsang-ayon ng Diyos, hindi ba? (Oo, may pag-asa.) Mahirap ba itong makamit? (Hindi.) Maging ang mga tao ay gustong makahanap ng maaasahang tao na mangangasiwa ng mga gawain at mapapakisamahan, kaya isang kalabisan ba na hilingin ng Diyos na gawin ng mga tao nang maayos ang mga tungkulin nila, at na magkaroon Siya ng maliit na hinihingi sa mga tao? (Hindi, ito ay hindi isang kalabisan.) Hindi talaga ito isang kalabisan. Hindi ito para pahirapan ang mga tao, kundi ito ay napakawasto. Sadya lang na hindi handa ang mga tao na gawin ito; hindi nila pinagninilayan ang mga iniisip ng Diyos o pinapahalagahan ang mga layunin ng Diyos. Ang kaya lang nilang gawin ay ang humingi nang humingi sa Diyos, sinasabi nila, “Dapat mo akong pagpalain! Dapat mo akong pakitaan ng kabutihan! Dapat mo akong gabayan!” Kung gayon, ano ba ang ginagawa mo? Talaga bang kaya mong tuparin ang tungkulin mo ayon sa konsensiya at katwiran mo? Talaga bang kaya mong maging masipag, responsable, at tapat? Ito ang pinakamababang kondisyong dapat mong matugunan para paboran ka ng Diyos. Hindi ba’t ito ang direksiyong dapat pagsikapang sundan ng mga tao? Dahil nananampalataya ka sa Diyos, dapat kang magsikap tungo sa katotohanan at sa mga hinihingi ng Diyos—ito ang direksiyong dapat pagsikapang sundan ng mga tao. Dapat magsikap ang mga tao sa tamang direksiyon. Sa ganoong paraan, hindi na magiging walang kabuluhan ang kanilang paghahangad na mapalugod ang Diyos.
Sa puso nila, mayroon bang anumang konsepto ang mga huwad na lider tungkol sa pagpapalugod sa Diyos sa pananampalataya nila sa Kanya? Mayroon ba silang anumang saloobin? Malinaw na wala. Mayroon lang silang saloobin ng pagraos lang sa mga bagay-bagay sa mundo, at ganoon din ang pagtrato nila sa Diyos, sa paraang lubhang walang galang at mapanghamak. Lubhang nanghahamak at lumalapastangan sa Diyos ang ganitong uri ng saloobin, at kinasusuklaman ito ng Diyos. Binigyan sila ng Diyos ng buhay at ng lahat ng bagay na taglay ng isang tao, ngunit ang saloobin nila sa lahat ng ibinigay ng Diyos sa kanila, sa mga pagsasaayos na ginagawa ng Diyos para sa buhay nila, sa atas at gawain ng Diyos, at sa mga sarili nilang tungkulin, ay pag-alipusta at paghamak. Ano ang ibig sabihin ng “paghamak”? Ang ibig sabihin nito ay ang kagustuhang iraos lang ang mga araw at hindi seryosohin ang anumang bagay. Lubos na kinasusuklaman ng Diyos ang saloobin nilang ito, kaya, tiyak na hindi Niya ililigtas ang gayong mga tao. Ano ang dapat ninyong maunawaan dito? Ito ay na hindi kayo dapat maging ganitong uri ng tao. Isa ka mang lider o hindi, o kung mayroon ka man ng ambisyon at pagnanais na maging isang lider o wala, dapat mo munang matutunan kung paano umasal, at tiyak na hindi maging isang tamad, batugan, o walang kwentang tao. Sa pag-asal mo, dapat kang magkaroon ng matuwid na saloobin, dignidad, at pagpapahalaga sa responsabilidad—ito ang pinakabatayan na dapat gawin. Tanging sa pundasyong ito matutugunan ng mga tao ang mga kahingian ng Diyos at matatapos ang Kanyang atas. Kung wala ka ng kahit katiting na pundasyong ito, wala nang dapat pang pag-usapan.
Abril 3, 2021