Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 4
Ikalimang Aytem: Manatiling mayroong napapanahong kaalaman at pagkaunawa tungkol sa katayuan at pag-usad ng bawat aytem ng gawain, at magkaroon ng kakayahan na maagap lutasin ang mga problema, ituwid ang mga paglihis, at remedyuhan ang mga kapintasan sa gawain nang sa gayon ay maayos itong makausad
Ang pagbabahaginan ngayon ay tungkol sa ikalimang responsabilidad ng mga lider at manggagawa: “Manatiling mayroong napapanagong kaalaman at pagkaunawa tungkol sa katayuan at pag-usad ng bawat aytem ng gawain, at magkaroon ng kakayahan na maagap lutasin ang mga problema, ituwid ang mga paglihis, at remedyuhan ang mga kapintasan sa gawain nang sa gayon ay maayos itong makausad.” Tututukan natin ang responsabilidad na ito para himayin ang iba’t ibang pagpapamalas ng mga huwad na lider, para makita kung ginagampanan ng mga huwad na lider ang mga responsabilidad nila sa gawaing ito, at kung mahigpit nilang pinanghahawakan ang mga tungkulin nila at isinasakatuparan nang maayos ang gawain.
Nagpapasasa sa Kaginhawahan at Hindi Nakikibahagi nang Malalim ang mga Huwad na Lider sa mga Tagapanguna para Maunawaan ang Gawain
Unang binabanggit ng ikalimang responsabilidad ng mga lider at manggagawa “manatiling mayroong napapanagong kaalaman at pagkaunawa tungkol sa katayuan at pag-usad ng bawat aytem ng gawain.” Ano ang tinutukoy ng “katayuan ng bawat aytem ng gawain”? Tinutukoy nito kung paano ang kasalukuyang kalagayan ng isang partikular na aytem ng gawain. Ano ang dapat maunawaan ng mga lider at manggagawa dito? Halimbawa: Anong mga espesipikong gawain ang ginagawa ng mga tauhan, anong mga aktibidad ang pinagkakaabalahan nila, kung kinakailangan ang mga aktibidad na ito, kung mga pangunahin at mahalagang gawain ang mga ito, kung gaano kahusay ang mga tauhang ito, kung umuusad nang maayos ang gawain, kung tumutugma ang bilang ng tauhan sa dami ng gawain, kung nabigyan ng mga sapat na gawain ang lahat, kung may anumang mga kaso ng pagkakaroon ng masyadong maraming tauhan sa isang partikular na gawain—kung saan may masyadong maraming tauhan para sa masyadong kaunting gawain, at mga tamad na tao ang karamihan—o mga kaso kung saan masyadong malaki ang dami ng gawain pero masyadong kaunti ang tauhan, at nabibigo ang superbisor na epektibong magdirekta, na humahantong sa mababang kahusayan sa gawain at mabagal na pag-usad. Ang mga ito ang lahat ng sitwasyong dapat maunawaan ng mga lider at manggagawa. Dagdag pa rito, habang isinasakatuparan ang bawat aytem ng gawain, kung nagdudulot ang sinuman ng mga panggugulo o pananabotahe, kung pumipigil sa pag-usad o nagpapahina ang sinuman, kung may nangyayaring anumang uri ng pakikialam o pagkapabasta-basta—ang mga ito ay mga bagay rin na dapat maunawaan ng mga lider at manggagawa. Kaya paano sila magkakamit ng pagkaunawa sa mga isyung ito? Maaaring tumawag paminsan-minsan ang ilang lider para magtanong, “May pinagkakaabalahan ba kayo ngayon?” Naririnig ang kabilang partido na sinasabing marami silang pinagkakaabalahan, maaari silang tumugon ng, “Mabuti, hangga’t may pinagkakaabalahan kayo, magaan ang loob ko.” Ano ang palagay ninyo sa paraang ito ng paggawa? Ano ang tingin ninyo sa tanong na ito? Isa ba itong mahalaga, kinakailangang tanong na dapat itanong? Katangian ito ng gawain ng mga huwad na lider—iniraraos lang nila ang gawain. Nasisiyahan sila sa paggawa ng kaunting paimbabaw na gawain para pagaanin ang konsensiya nila nang kaunti pero hindi sila nakatuon sa paggawa ng totoong gawain, lalong hindi sila tumutungo sa mga tagapanguna, sa bawat pangkat, para unawain ang kasalukuyang katayuan ng gawain. Halimbawa, kung angkop ang mga pagsasaayos ng tauhan, paano paano isinasagawa ang gawain, kung may lumitaw na anumang mga problema—ang mga totoong isyu na ito ay hindi sinisiyasat ng mga huwad na lider, na sa halip ay naghahanap ng isang di-napapansing lugar para kumain, uminom, at magpakasaya nang hindi tinitiis ang kalupitan ng hangin o araw. Nagpapadala lang sila ng mga liham o may nagtatanong para sa kanila paminsan-minsan, iniisip na binubuo nito ang paggawa ng trabaho nila. Higit pa rito, maaaring hindi sila makita ng mga kapatid sa loob ng sampung araw o kalahating buwan. Kapag tatanungin ang mga kapatid, “Ano ba ang pinagkakaabalahan ng lider ninyo? Gumagawa ba siya ng kongkretong gawain? Binibigyan ba niya kayo ng paggabay at paglutas ng mga problema?” tutugon sila, “Huwag mo nang itanong, hindi namin nakita ang lider namin sa loob ng isang buwan. Simula noong huling pagtitipon na idinaos niya para sa amin, hindi na siya kailanman dumaan ulit, at ngayon marami kaming problema nang walang sinuman ang tutulong sa aming lutasin ang mga ito. Walang ibang paraan; nagtipon-tipon ang superbisor ng pangkat namin at ang mga kapatid para magdasal at maghanap ng mga prinsipyo, para mag-usap at magtulungan sa gawain. Hindi epektibo rito ang lider; wala na kaming lider.” Gaano kahusay ang lider na ito sa paggawa ng gawain niya? Tatanungin ng Itaas ang lider na ito, “Nang matapos ang huling pelikula, nakatanggap ka ba ng anumang bagong iskrip? Anong pelikula ang ginagawa mo ngayon? Kumusta ang pag-usad ng gawain?” Tutugon ang lider, “Hindi ko alam. Pagkatapos ng huling pelikula, nagdaos ako ng isang pagtitipon kasama sila, at pagkatapos noon, sila ay sumigla, hindi naging negatibo, at hindi nagkaroon ng anumang mga paghihirap. Hindi kami nagkita simula noon. Kung gusto mong malaman ang kasalukuyan nilang sitwasyon, puwede akong tumawag at magtanong para sa iyo.” “Bakit hindi ka tumawag para unawain ang sitwasyon nang mas maaga?” “Kasi masyado akong maraming pinagkakaabalahan, dumadalo sa mga pagtitipon kung saan-saan. Hindi pa nila panahon. Mauunawaan ko lang ang sitwasyon kapag nakipagtipon na ako sa susunod kasama sila.” Ito ang saloobin nila sa gawain ng iglesia. Sasabihin naman ng Itaas, “Hindi mo batid ang kasalukuyang sitwasyon o ang mga problemang umiiral sa gawain ng paggawa ng pelikula, paano naman ang pag-usad ng gawain ng ebanghelyo? Aling bansa ang pinakamahusay na nagpalaganap ng gawain ng ebanghelyo, sa pinaka-ideyal? Aling bansa ang may mga tao na medyo mabuti ang kakayahan at na mabilis umarok? Aling bansa ang may mas magandang buhay iglesia?” “Ah, nakatuon lang ako sa mga pagtitipon, nakalimutan kong magtanong tungkol sa mga bagay na ito.” “Kung gayon, sa pangkat ng mga taga-ebanghelyo, ilang tao ang kayang magpatotoo? Ilang tao ang nililinang para magpatotoo? Sino ang responsable at sumusubaybay sa gawain ng iglesia at buhay iglesia sa aling bansa? Sino ang nagdidilig at nagpapastol? Nagsimula na bang mamuhay ng buhay iglesia ang mga bagong miyembro ng iglesia mula sa iba’t ibang bansa? Ganap na bang nalutas ang mga kuru-kuro at imahinasyon nila? Ilang tao na ang nagtanim ng sarili nila sa tunay na daan, hindi na malilihis ng mga relihiyosong tao? Pagkatapos manampalataya sa Diyos nang isa o dalawang taon, ilan ang kaya nang gampanan ang mga tungkulin nila? Nauunawaan at naaarok mo ba ang mga usaping ito? Kapag lumilitaw ang mga problema sa gawain, sino ang makakalutas sa mga iyon? Sa pangkat ng mga taga-ebanghelyo, aling grupo o mga indibidwal ang responsable sa gawain nila at may mga aktuwal na resulta, alam mo ba?” “Hindi ko alam. Kung gusto mong malaman, puwede akong magtanong para sa iyo. Kung hindi ka naman nagmamadali, magtatanong ako kapag may oras ako; may pinagkakaabalahan pa ako!” Gumawa ba ang lider na ito ng anumang kongkretong gawain? (Hindi.) “Hindi ko alam” ang sinasabi niya sa lahat ng bagay; nagtatanong lang siya tungkol sa mga bagay sa sandaling tinatanong siya, kaya ano ang pinagkakaabalahan niya? Kahit aling pangkat ang puntahan niya para sa mga pagtitipon o para suriin ang gawain, nabibigo siyang tukuyin ang mga problema sa gawain at hindi niya alam kung paano lutasin ang mga ito. Kung hindi niya agarang makilatis ang mga kalagayan at katangian ng iba’t ibang tao, hindi ba’t kahit papaano ay dapat niyang subaybayan, unawain, at arukin ang mga isyung umiiral sa gawain, kung anong gawain ang kasalukuyang ginagawa, at kung hanggang sa anong yugto ito umusad? Gayumpaman, hindi kayang gawin ng mga huwad na lider maging ang ganito karami; hindi ba sila bulag? Kahit na pumunta pa sila sa iba’t ibang pangkat na nakapaloob sa iglesia para subaybayan at suriin ang gawain, hinding-hindi nila nauunawaan ang totoong sitwasyon, hindi matukoy ang mga pangunahing problema, at kahit na makahanap sila ng ilang problema, hindi nila malutas ang mga ito.
May isang pangkat ng mga gumagawa ng pelikula na naghahandang kunan ang isang uri ng napakamapanghamong pelikula na hindi nila kailanman sinubukan noon. Kung angkop silang simulan ang iskrip ng pelikulang ito, kung may kakayahan ang direktor at ang buong tauhan na tapusin ang gawaing ito—hindi batid ng lider nila ang mga sitwasyong ito. Sinabi lang niya, “Sinimulan niyo ang isang bagong iskrip. Kung gayon, humayo kayo at kunan ninyo ito. Susuportahan at susubaybayan ko kayo. Gawin ninyo ang lahat ng makakaya ninyo, at kapag lumitaw ang mga paghihirap, magdasal kayo sa Diyos at lutasin niyo ang mga iyon ayon sa mga salita ng Diyos.” At saka siya umalis. Hindi makita o matukoy ng lider na ito ang anuman sa mga umiiral na paghihirap; magagawa ba nang maayos ang gawain nang ganito? Pagkatapos tanggapin ng pangkat ng mga gumagawa ng pelikula ang iskrip na ito, madalas na sinusuri ng direktor at ng mga miyembro ng pangkat ang banghay at pinag-uusapan ang mga kasuotan at pagbabalangkas, pero wala silang ideya kung paano kukunan ang pelikula; hindi sila opisyal na nakapagsimula sa paggawa. Hindi ba’t ito ang kasalukuyang kalagayan? Hindi ba’t ang mga ito ang mga umiiral na problema? Hindi ba’t ang mga isyung ito ang dapat lutasin ng lider? Ginugol ng lider ang bawat araw sa mga pagtitipon, walang mga totoong problema ang nalutas pagkatapos ng maraming araw ng mga pagtitipon, at hindi pa rin makausad nang normal ang paggawa ng pelikula. Nagkaroon ba ng epekto ang leader? (Wala.) Sumigaw lang siya ng mga islogan para magpalakas ng loob: “Hindi tayo puwedeng umupo nang walang ginagawa, hindi tayo puwedeng nakaasa sa sambahayan ng Diyos!” Pinangaralan pa nga niya ang mga tao: “Wala kayong konsensiya, umaasa sa sambahayan ng Diyos nang walang anumang pakiramdam—wala ba kayong kahihiyan?” Pagkatapos niyang sabihin ito, nakaramdam ng kaunting kadustaan ang konsensiya ng lahat: “Oo, umuusad nang napakabagal ang gawain, at kumakain pa rin kami nang tatlong beses sa isang araw nang ganito—hindi ba’t pagiging pala-asa sa iba ito? Wala pa talaga kaming nagagawang anumang gawain. Kung gayon, sino ang lulutas sa mga problemang ito na lumilitaw sa gawain? Hindi namin malutas ang mga ito kaya nagtatanong kami sa lider, pero sinasabi lang sa amin ng lider na magdasal nang masigasig, magbasa ng mga salita ng Diyos, at magtulungan nang nagkakaisa, nang hindi nakikipagbahaginan kung paano dapat lutasin ang mga problemang ito.” Araw-araw na nagdaraos ng mga pagtitipon ang lider sa opisina, pero hindi talaga nalulutas ang mga problemang ito. Kalaunan, nanlamig ang pananalig ng ilang tao, at nanghina ang mga kalagayan nila dahil hindi nila nakita ang isang daan pasulong at hindi nila alam kung paano umusad sa paggawa ng pelikula. Inilagay nila ang huling pag-asa nila sa lider, umaasang kaya niyang lutasin ang ilang aktuwal na problema, pero aba, talagang bulag ang lider na ito, hindi natututunan ang propesyon ni hindi nakikipagbahaginan, nagtatalakay, o naghahanap ng mga nakakaunawa rito. Madalas siyang humahawak ng isang aklat ng mga salita ng Diyos at sinasabi, “Nagbabasa ako ng mga salita ng Diyos para sa espirituwal na debosyon. Sinasangkapan ko ang sarili ko ng katotohanan. Walang mang-iistorbo sa akin, may pinagkakaabalahan ako!” Kalaunan, parami nang parami ang mga problemang naipon, humahantong sa isang mala-paralisadong kalagayan ng gawain, pero inisip pa rin ng huwad na lider na mahusay niyang ginagawa ang gawain. Bakit ganoon? Naniniwala siyang dahil nagdaos siya ng mga pagtitipon, nagsiyasat siya tungkol sa sitwasyon ng gawain, nagtukoy siya ng mga problema, nagbahagi siya ng mga salita ng Diyos, nagbanggit ng mga kalagayan ng mga tao, at naabot ng lahat ang mga kalagayang ito at nagawang gampanan nang mahusay ang tungkulin nila, kung gayon ay naisakatuparan na ang responsabilidad niya bilang isang lider, at ginawa na niya ang lahat ng maaaring asahan mula sa kanya—kung hindi mapamahalaan nang maayos ang mga partikular na gawaing may kaugnayan sa mga propesyonal na aspekto, hindi iyon pananagutan ng lider. Anong uri ng lider ito? Bumagsak sa isang mala-paralisadong kalagayan ang gawain ng iglesia, pero hinding-hindi siya nabalisa o nabagabag. Kung hindi sisiyasat o hihimok ang Itaas, magpapatuloy lang siya, hindi kailanman babanggitin ang nangyayari sa ilalim niya, walang nilulutas na mga problema. Isinakatuparan ba ng gayong lider ang mga responsabilidad niya sa pamumuno? (Hindi.) Kaya, ano ang tinalakay niya buong araw sa mga pagtitipon? Dumaldal siya nang walang ginagawa, nangangaral lang ng mga doktrina at sumisigaw ng mga islogan. Hindi nilutas ng lider ng mga totoong problema sa gawain, hindi nilutas ang mga pabasta-basta at negatibong kalagayan ng mga tao, at hindi alam kung paano lutasin ang mga isyu sa gawain ng mga tao ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Bilang resulta, huminto ang buong proyekto at walang nakikitang pag-usad sa loob ng mahabang panahon. Pero hinding-hindi nabalisa ang lider. Hindi ba’t isa itong pagpapamalas ng mga huwad na lider na hindi gumagawa ng totoong gawain? Hindi ba’t isa itong malubhang pagpapabaya ng tungkulin? Ang pagiging labis na pabaya sa gawain ng isang tao, nabibigong isakatuparan ang mga responsabilidad niya—ito mismo ang ginagawa ng mga huwad na lider. Nananatili sila sa opisina para lang iraos ang gawain, hindi naglulutas ng mga totoong problema. Nananatili sila sa opisina para lang dayain ang mga tao; nang hindi gumagawa ng anumang totoong gawain, kahit na nanatili nga sila roon sa lahat ng oras, walang anumang matatapos. Iba’t ibang problema ang lumilitaw sa gawain at kasama ang mga propesyonal na aspekto, ilan sa mga ito ay kaya nilang lutasin pero hindi ginagawa—isa na itong malubhang pagpapabaya ng tungkulin. Dagdag pa rito, bulag sila kapuwa sa mga mata nila at sa mga isipan nila: Minsan kapag nakatuklas sila ng mga problema, hindi nila makilatis ang diwa ng mga ito. Hindi nila malutas ang mga ito, pero nagkukunwari silang kaya nilang pangasiwaan ang mga ito, bahagyang nananatili habang diretsahang tinatanggi na makipagbahaginan o konsultahin ang mga hindi nauunawaan ang katotohanan, at hindi rin nag-uulat sa o kumokonsulta sa Itaas. Bakit ganito? Takot ba silang mapungusan? Takot na malaman ng Itaas ang katotohanan tungkol sa kanila at tanggalin sila? Hindi ba’t pagtuon ito sa katayuan nang hindi itinataguyod ang gawain ng sambahayan ng Diyos sa kaliit-liitan? Sa ganitong uri ng mentalidad, paano magagampanan ng isang tao ang tungkulin niya nang maayos?
Kahit ano pang mahalagang gawain ang ginagawa ng isang lider o manggagawa, at kahit ano pa ang kalikasan ng gawaing ito, ang numero uno niyang prayoridad ay alamin kung kumusta na ang gawain. Dapat naroroon mismo siya upang mag-asikaso ng mga bagay-bagay at magtanong, upang siya mismo ang makakuha ng impormasyon. Hindi siya dapat umasa lang sa mga usap-usapan, o makinig lang sa mga ulat ng ibang tao; sa halip, dapat maobserbahan mismo ng kanyang mga mata ang sitwasyon ng tauhan, kung umuunlad ba ang gawain, at malaman kung anong mga problema ang mayroon, kung may anumang aspekto ba ng gawain ang hindi ayon sa mga hinihingi ng Itaas, kung may mga paglabag ba sa mga prinsipyo, kung mayroon bang anumang kaguluhan o pagkagambala, kung kulang ba ang mga kailangang kagamitan o mga nauugnay na materyales sa pagtuturo tungkol sa propesyonal na trabaho—dapat alam niya ang lahat ng ito. Kahit gaano pa karaming ulat ang pakinggan niya, o kahit gaano pa karami ang mahinuha niya mula sa mga sabi-sabi, wala sa mga ito ang makakatalo sa personal na pagbisita; mas tumpak at maaasahan kung makikita nila ang mga bagay-bagay sa sarili nilang mga mata. Sa sandaling pamilyar na siya sa lahat ng aspekto ng sitwasyon, magkakaroon siya ng malinaw na ideya sa kung ano ang nangyayari. Lalong dapat mayroon siya ng isang malinaw at tumpak na pagkaunawa sa kung sino ang may mabuting kakayahan at karapat-dapat na linangin, dahil ito lang ang nagpapahintulot sa kanila na tumpak na linangin, na siyang napakahalaga para magawa ng mga lider at manggagawa ang gawain nila nang mahusay. Ang mga lider at manggagawa ay dapat may landas at mga prinsipyo sa kung paano lilinang at magsasanay ng mga taong may mabuting kakayahan. Dagdag pa rito, dapat may pagkaarok at pagkaunawa sila sa iba’t ibang uri ng problema at paghihirap na umiiral sa gawain ng iglesia, at alam nila kung paano lutasin ang mga ito, at dapat may sarili rin silang mga ideya at mungkahi kung paano mapapausad ang gawain, o ang mga pagkakataon nito sa hinaharap. Kung malinaw silang nakapagsasalita tungkol sa gayong mga bagay nang walang kahirap-hirap, nang walang anumang pagdududa o agam-agam, lalong magiging mas madaling isagawa ang gawain. At sa paggawa sa ganitong paraan, maisasakatuparan ng isang lider ang mga responsibilidad niya, hindi ba? Dapat batid nilang mabuti kung paano lutasin ang mga nabanggit na isyu sa gawain, at dapat nilang pagnilayan nang madalas ang mga bagay na ito. Kapag nakatagpo sila ng mga paghihirap, dapat nilang ibahagi at talakayin ang mga bagay na ito kasama ang lahat, hinahanap ang katotohanan para lutasin ang mga isyu. Sa paggawa ng totoong gawain nang may matatag na paninindigan sa ganitong paraan, hindi magkakaroon ng mga paghihirap na hindi malulutas. Alam ba ng mga huwad na lider kung paano ito gawin? (Hindi.) Alam lang magkunwari at mandaya ng mga tao ang mga huwad na lider, kumikilos na parang nauunawaan nila ang mga bagay kahit na hindi naman, hindi makalutas ng anumang mga aktuwal na problema at inaabala lang ang sarili nila sa mga walang-kwentang usapin. Kapag tinatanong kung ano pinagkakaabalahan nila, sinasabi nila, “Kulang ng ilang kutson ang tinitirahan namin, at ang pangkat ng mga gumagawa ng pelikula ay kulang ng isang piraso ng tela para sa mga kasuotan, kaya umalis ako para bumili ng ilan. Sa iba pang panahon, naubusan ng mga sangkap ang kusina, at hindi makaalis ang kusinero, kaya kinailangan kong lumabas at bumili ng ilan, at kumuha ako ng ilang supot ng harina sa daan. Kinailangan ko mismong gawin ang lahat ng bagay na ito.” Talagang napakarami ng pinagkakaabalahan nila. Hindi ba nila pinapabayaan ang mga marapat nilang gawain? Walang talaga silang pakialam o wala talaga silang dinadalang pasanin pagdating sa gawain na nakapaloob sa saklaw ng mga responsabilidad nila bilang mga lider, nilalayong mairaos lang ang gawain. Ang problema ng pagiging lubos na mahina ng sarili nilang kakayahan at ng pagiging bulag nila kapuwa sa mga mata at isipan ay sapat nang malubha, pero wala rin silang dinadalang pasanin at nagpapasasa sila sa kaginhawahan, madalas na gumugugol ng ilang araw sa isang komportableng lugar. Kapag may problema ang isang tao at hinahanap sila nito para sa isang solusyon, hindi sila matatagpuan kahit saan, walang sinuman ang nakakaalam kung ano talaga ang pinagkakaabalahan nila. Pinapamahalaan nila ang sarili nilang oras. Sa linggong ito, magdaraos sila ng isang pagtitipon para sa isang pangkat sa isang umaga, magpapahinga sa hapon, at sa gabi, titipunin nila ang mga tao na namamahala sa mga ugnayang pangkalahatan para talakayin ang mga usapin. Sa susunod na linggo, magdaraos sila ng isang pagtitipon para sa mga namamahala sa mga ugnayang panlabas, kaswal na tinatanong, “Mayroon bang anumang mga paghihirap? Nabasa ba ninyo ang salita ng Diyos sa panahong ito? Hinadlangan o ginulo ba kayo sa mga pakikisalamuha niyo sa mga walang pananampalataya?” At pagkatapos itanong ang ilang tanong na ito, sasabihin nilang tapos na. Sa isang kisapmata, lilipas ang isang buwan. Anong gawain ang nagawa nila? Kahit na nagdaos sila ng mga pagtitipon para sa bawat pangkat sa panahon nila, wala silang alam tungkol sa sitwasyon ng gawain ng anumang pangkat, ni hindi nila natutunan o siniyasat ang tungkol dito, o lalong hindi sila sumali sa gawain o nagdirekta nito sa bawat pangkat. Hindi sila nakilahok, nagsubaybay, o nagbigay ng direksyon tungkol sa gawain, pero may ilang bagay silang ginawa nang nasa oras: pagkain sa takdang oras, pagtulog sa takdang oras, at pagdaos ng mga pagtitipon sa takdang oras. Lubos na regular ang buhay nila, inaalagaan nila nang mabuti ang sarili nila, pero hindi sapat na mahusay ang pagganap nila ng gawain.
Hindi isinasakatuparan ng ilang lider ang anumang mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa, hindi ginagawa ang mahalang gawain ng iglesia pero sa halip ay nagtutuon lang sa ilang di-mahalagang ugnayang panlabas. Dalubhasa sila sa pamamahala sa kusina, palaging nagtatanong, “Ano ang kakainin natin ngayon? May anumang mga itlog ba tayo? Gaano karaming karne ang natitira? Kung ubos na ito, bibili ako ng ilan.” Itinuturing nila ang gawain sa kusina bilang labis-labis na mahalaga, gumagala-gala sa kusina nang walang katwiran, palaging nag-iisip tungkol sa pagkain ng mas maraming isda, mas maraming karne, lalong pagpapakaligaya, pagkain nang walang anumang mga pagkabagabag. Habang ang mga tao sa bawat pangkat ay abala sa paggawa, tinututukan ang maayos na paggampan sa mga tungkulin nila, nakatuon lang ang mga lider na ito sa pagkain nang mabuti, namumuhay ng isang lubos na komportableng buhay. Simula noong naging lider sila, hindi lang sa hindi sila nababahala sa gawain ng iglesia at umiiwas sila sa anumang puspusang pagsisikap, kundi inaalagaan rin nila ang sarili nila para panatilihing bilugan at malarosas ang pisngi nila. Ano ang ginagawa nila araw-araw? Abala sila sa ilang gawain ng ugnayang pangkalahatan, sa ilang di-mahalagang usapin, hindi gumagawa nang maayos ng anumang totoong gawain o lumulutas ng anumang mga totoong problema. Pero hindi sila nakakaramdam ng pagsisisi sa puso nila. Hindi ginagawa ng lahat ng huwad na lider ang pangunahing gawain ng iglesia, ni hindi sila lumulutas ng anumang mga totoong problema. Simula noong naging lider sila, iniisip nila, “Kailangan ko lang maghanap ng ilang tao para gawin ang espesipikong gawain, at gayon ay hindi ko na mismo ito kailangang gawin.” Naniniwala sila na sa sandaling nagsaayos na sila ng mga superbisor para sa bawat aytem ng gawain, wala na sila mismong gagawing anuman. Naniniwala silang paggawa ito ng gawain ng pagiging isang lider, at gayon ay may karapatan silang tamasahin ang mga benepisyo ng katayuan nila. Hindi sila nakikilahok sa anumang totoong gawain, at hindi sila nagsasagawa ng mga imbestigasyon o pananaliksik para maglutas ng mga problema. Isinasakatuparan ba nila ang mga responsabilidad ng isang lider? Magagawa ba nang maayos ang gawain ng iglesia sa ganitong paraan? Kapag nagtatanong ang Itaas sa kanila para kumustahin ang gawain, sinasabi nila, “Normal ang lahat ng gawain ng iglesia. May isang superbisor na nangangasiwa sa bawat aytem ng gawain.” Kung tatanungin pa tungkol sa kung may anumang mga problema sa gawain, tinutugon nila, “Hindi ko alam. Wala sigurong anumang mga problema!” Ito ang saloobin ng isang huwad na lider sa gawain niya. Bilang isang lider, nagpapakita siya ng ganap na iresponsabilidad sa gawaing iniatas sa kanya; iniaatas ang lahat ng ito sa iba, nang walang pagsubaybay, mga pagsiyasat, o pagtulong sa paglutas ng mga problema mula sa panig niya. Hindi ba’t nagiging pabaya siya sa tungkulin niya? Hindi ba’t kumikilos siya na parang isang opisyal? Ang hindi paggawa ng anumang partikular na gawain, ang hindi pagsubaybay sa gawain, ang hindi paglutas ng mga totoong problema—hindi ba’t pandekorasyon lang ang lider na ito? Ito ang huwaran ng isang huwad na lider. Ang gawain ng isang huwad na lider ay ang dumaldal lang nang dumaldal at ang maglabas ng mga kautusan nang hindi talaga nakikilahok o sumusubaybay sa gawain, ni hindi naghahanap o tumutukoy ng mga problemang nakapaloob sa gawain. Kahit na natukoy ang mga problema, hindi niya nilulutas ang mga ito. Kumikilos lang siya bilang isang nakabitiw na tagapag-utos, iniisip na binubuo nito ang paggawa ng gawain. Gayumpaman, walang nagagawa ang pangunguna sa ganitong paraan para magulo ang kapayapaan ng isip niya; komportable siyang namumuhay araw-araw, at masigla siya sa lahat ng oras. Paanong kaya pa rin nilang ngumiti? May natuklasan akong isang katunayan: Ang gayong mga tao ay ganap na walang kahihiyan. Wala silang ginagawang aktuwal na gawain bilang isang lider, nagsasaayos lang sila ng ilang tao na gagawa at tatapos ng mga gawain. Hindi ninyo sila makikita kailanman sa lugar ng gawain; wala silang ideya tungkol sa pag-usad o sa mga resulta ng gawain ng iglesia, pero iniisip pa rin nilang may kakayahan at pasok sila sa pamantayan bilang mga lider. Ito ang huwaran ng isang huwad na lider, walang ginagawang anumang totoong gawain. Walang pinapasan ang mga huwad na lider para sa gawain ng iglesia, hindi sila nag-aalala o nababalisa gaano man karaming problema ang lumilitaw; nasisiyahan sila sa paggawa lang ng ilang ugnayang pangkalahatan at gayon ay iniisip nilang gumawa na sila ng totoong gawain. Paano man ilantad ng Itaas ang mga huwad na lider, hindi sumasama ang loob nila, ni hindi nila nakikita ang sarili nila sa paglalantad; wala silang anumang pagninilay sa sarili o pagsisisi. Hindi ba’t walang konsensiya at katwiran ang gayong mga tao? Maituturing ba ng isang tao ang gawain ng iglesia sa ganitong paraan kung tunay na may konsensiya at katwiran siya? Tiyak na tiyak na hindi.
Sa pangakalahatan, ang mga tao na may kahit katiting na konsensiya at katwiran, kapag naririnig ang paglalantad ng iba’t ibang pagpapamalas ng mga huwad na lider at ikinukumpara ang sarili nila sa mga paglalarawang ito, ay makikita, humigit-kumulang, na may isang bagay sa sarili nila sa mga paglalarawang ito. Mamumula ang mga mukha nila, hindi sila mapapalagay, hindi mapapakali ang mga puso nila, nakakaramdam ng utang na loob sa Diyos, at palihim silang magkakaroon ng kapasiyahan: “Noong nakaraan, nagpasasa ako sa mga kaginhawahan ng laman, hindi ko ginawa nang maayos ang gawain ko, hindi ko isinakatuparan ang mga responsabilidad ko, hindi ako gumawa ng totoong gawain, naging ignorante ako kapag tinatanong, palagi kong gustong umiwas sa responsabilidad ko, at palaging nagkukunwari, natatakot na sa sandaling makita ng iba kung ano talaga ang nangyayari sa akin, mawawala ang reputasyon at katayuan ko, at mananatili ang posisyong pinanghahawakan ko bilang isang lider. Ngayon ko lang nakikita na kahiya-hiya at hindi puwedeng magpatuloy ang gayong pag-uugali. Dapat maging mas masigasig ako nang bahagya sa pagkilos, at magsumikap ako. Kung patuloy akong mabibigo sa paggawa nang maayos, wala akong maidadahilan—makokonsensiya ako!” Nagtataglay pa rin ang ganitong mga huwad na lider ng kaunting pagkatao at konsensiya; sa kaliit-liitan, may kabatiran ang konsensiya nila. Pagkatapos marinig ang paglalantad Ko, nakikita nila ang sarili nila sa mga salitang ito at at nakakaramdam ng pagkabagabag; nagninilay sila: “Talagang wala akong nagawang anumang totoong gawain, o nalutas na anumang mga totoong problema. Hindi ako karapat-dapat sa atas ng Diyos o sa titulo ng lider. Kung gayon, ano ang dapat kong gawin? Dapat akong magbago; mula ngayon, dapat kong masigasig na asikasuhin at lutasin ang mga totoong problema, dapat akong makilahok sa bawat partikular na gawain, umiwas sa pagtakas sa responsabilidad, umiwas sa pagkukunwari, at gumawa ng mga bagay sa abot ng makakaya ko. Sinisiyasat ng Diyos ang mga puso at pinakapanloob na kaisipan ng mga tao, alam ng Diyos ang tunay na sukat ng lahat; hindi importante kung ginagawa ko nang maayos o mababang uri ang mga bagay, pinakamahalaga ang buong-pusong paggawa nito. Kung hindi ko man lang magawa ito, matatawag pa rin ba akong tao?” Ang kakayahang pagnilayan ang sarili ng isang tao sa ganitong paraan ay tinatawag na pagkakaroon ng konsensiya. Ang mga tao na walang konsensiya, paano mo man sila ilantad, ay hindi namumula ang mukha o nararamdaman ang pagkabog ng dibdib nila; nagpapatuloy lang sila sa paggawa ng anumang gusto nila. Kahit na nakikita nila ang sarili nila sa inilantad ng Diyos, nakakaramdam sila ng kawalan ng interes tungkol dito: “Hindi naman nabanggit ang pangalan ko,” iniisip nila. “Bakit dapat akong matakot? Mabuti ang kakayahan ko, talentado ako; kung wala ako, walang kayang gawin ang sambahayan ng Diyos! Ano ngayon na hindi ako gumagawa ng anumang totoong gawain? Hindi ako mismo ang gumagawa, pero pinapagawa ko naman sa iba, kaya natatapos pa rin naman ang gawain, hindi ba? Sa anu’t ano man, sa bawat gawaing pinapagawa mo sa akin, tinatapos ko para sa iyo, sino pa man ang isinasaayos ko para gawin ito. Mabuti ang kakayahan ko, kaya matalino akong gumagawa. Sa hinaharap, ipagpapatuloy ko ang pagpaparaos ng gawain at pagpapakaligaya sa buhay tulad ng ninanais ko.” Kahit paano ko himayin o ilantad ang mga huwad na lider nang dahil sa hindi paggawa ng totoong gawain, nananatiling pareho ang gayong mga tao, ganap na walang kamalayan: “Hayaan mo ang iba na isipin kung ano gusto nila, at tingnan ako kung paano nila ako gustong tingnan—talagang hindi ko ito gagawin!” May konsensiya ba ang gayong mga huwad na lider? (Wala.) Ito ang ikaapat na pagkakataong nagbahagi tayo tungkol sa paglalantad ng iba’t ibang pagpapamalas ng mga huwad na lider, at sa bawat pagkakataong inilalantad ko ang gayong mga indibidwal, iyong mga may kahit katiting na konsensiya ay nakakaramdam ng kaba o pagkabalisa, nakakaramdam ng kawalang-kapanatagan nang dahil sa hindi maayos na paggawa ng gawain, palihim na nagpapasiya para mabilis na magsisi at magbago. Samantala, iyong mga walang konsensiya ay labis-labis na walang kahihiyan; wala silang anumang nararamdaman. Paano man ako makipagbahaginan, nagpapatuloy lang sila sa pamumuhay sa mga araw nila tulad ng nakasanayan, nagpapakaligaya sa buhay tulad ng ninanais nila. Kapag tinatanong mo sila, “Responsable ang ilang tao sa gawain ng ebanghelyo, ang ilan sa gawain ng pagsasalin, at ang iba sa gawain ng paggawa ng pelikula—sa anong espesipikong gawain ka responsable?” sinasabi nila: “Kahit na wala akong nagawang anumang espesipikong gawain, binabantayan ko ang lahat ng bagay. Nagdaraos ako ng mga pagtitipon para sa mga iyon.” Kung tatanungin mo sila, “Gaano karaming pagtitipon ang dinaraos mo sa bawat buwan?” tinutugon nila: “Sa kaliit-liitan, isang malaking pagtitipon sa isang buwan, at isang maliit sa bawat dalawang linggo.” At kapag tinatanong mo sila, “Bukod sa pagdaos ng mga pagtitipon, anong espesipikong gawain ang nagawa mo?” tutugon sila: “Dahil napakaabala ko sa mga pagtitipon, anong espesipikong gawain ang magagawa ko?” Bukod pa rito, napakalawak ng saklaw na pinapamahalaan ko, wala akong oras para sa espesipikong gawain.” Nararamdaman ng mga huwad na lider na ito na ganap silang nasa tama—napakatatag at napakatibay nilang mga lider! Kahit paano sila inilantad at pinungusan, hindi masama ang loob nila tungkol dito sa kaliit-liitan. Kung may pinapagawa sa aking espesipikong gawain, tulad ng pagluto para sa limang tao, pero gumawa ako ako ng pagkain na sapat lang para sa apat, hindi ako magiging komportable dahil hindi sapat ang nagawa ko, at makakaramdam ako ng pagkakonsensiya dahil hindi ko napakain nang sapat ang lahat. Kung gayon, iisipin ko kung paano ako makakabawi, tinitiyak na wastong magkakalkula sa susunod para makakuha ng sapat na makakain ang lahat. At kapag sasabihin ng isang tao na masyadong maalat ang pagkain, sasama rin ang loob ko. Tatanungin ko kung aling putahe ang masyadong maalat, at pagkatapos ay tatanugin ko ang iba kung angkop ang pampalasa. Bagama’t mahirap pasayahin ang lahat, dapat Ko pa ring subukan ang bawat posibleng paraan para magawa Ko nang maayos ang parte Ko. Ito ay tinatawag na pagsasakatuparan ng mga responsabilidad ng isang tao; ito ang katwirang dapat taglayin ng mga tao. Dapat mong isakatuparan palagi ang mga responsabilidad mo; ano man ang gawain, dapat kang lumahok dito mismo. Kung may mag-aalok ng ibang opinyon—sino man sila—at napagtanto mong nasa mali ka at sumama ang loob mo pagkatapos mong marinig ito, dapat kang gumawa ng mga pagwawasto at ilagay mo ang puso mo sa gagawin mo sa hinaharap, na gumagawa nang maayos kahit na pagtitiis ng kaunting paghihirap ang ibig sabihin nito. Walang ganitong pakiramdam ang mga huwad na lider, kaya hindi talaga sila nagtitiis ng anumang paghihirap. Pagkatapos marinig ang mga katunayang ito tungkol sa paglalantad ng mga huwad na lider, wala silang anumang nararamdaman, nilalasap pa rin ang pagkain nila, natutulog nang mahimbing, at nagpapakasasa, nang may parehong kasiyahan araw-araw, at nang walang pakiramdam ng pagbuhat ng mabigat na pasanin sa mga balikat nila, o walang kirot ng pagkakonsensiya sa puso nila. Anong uri ng mga tao ang mga ito? May problema ang gayong mga tao sa katangian nila: Wala silang konsensiya, wala silang katwiran, at mababa ang katangian nila. Sa kabila ng paglantad sa iba’t ibang pagpapamalas ng mga huwad na lider sa napakahabang panahon—kapuwa mula sa isang positibong perspektiba, pagbibigay at pagbabahaginan, at mula sa isang negatibong perspektiba, paglalantad at paghihimay sa kanila—hindi pa rin makilala ng isang bahagi ng mga huwad na lider ang sarili nilang mga isyu, ni hindi nila kailanman layong magnilay at magsisi. Kung walang anumang pangangasiwa o panghihimok mula sa Itaas, kakatha pa rin sila sa gawain nila hangga’t kaya nila, nang hinding-hindi nagbabago ng direksyon. Paano Ko man sila inilalantad, nakaupo pa rin sila roon nang mahinahon at walang kamalayan. Hindi ba’t masyado na talaga silang walang kahihiyan? Ang mga tao ng ganitong uri ay hindi angkop na maging mga lider or manggagawa; ganoon kababa ang katangian nila na hindi man lang sila nahihiya! Para sa mga normal na tao, maging ang marinig lang ang isang tao na banggitin ang kanilang mga pagkukulang, kapintasan, o anumang hindi angkop o salungat sa mga prinsipyo tungkol sa ginawa nila—hindi na bale ang partikular na mailantad—ay magiging mahirap para sa kanila na tiisin, at makakaramdam sila ng sama ng loob at ng labis na kahihiyan, at iisipin nila kung paano baguhin at iwasto ang mga sarili nila. Samantala, gumagawa ng ganap na gulo ang mga huwad na lider na ito sa gawain nila at namumuhay pa rin nang malinis ang konsensiya, hindi nakakaramdam ng pag-aalala o pagkabalisa, at nananatiling ganap na walang kamalayan paano pa man sila nalantad—naghahanap pa nga sila ng mga lugar na mapagtataguan at naghahanap ng libangan, at palagi silang hindi nakikita kahit saan. Wala talaga silang kahihiyan!
Kahit papaano ay dapat may taglay na konsensiya at katwiran ang isang lider ng iglesia, at nauunawaan rin niya ang ilang katotohanan—sa gayon lang ay makakadama siya ng isang pasanin. Ano ang mga pagpapamalas ng pagdama ng isang pasanin? Kung nakikita niya na negatibo ang ilang tao, may buktot na pang-arok ang ilan, inaaksaya ng ilan ang mga ari-arian ng sambahayan ng Diyos, pabasta-bastang ginagawa ng ilan ang gawain nila, hindi nilalayon ng ilan na ayusin ang mga gawain kapag ginagampanan ang mga tungkulin nila, palaging bumibigkas ng matatayog na salita pero hindi gumagawa ng totoong gawain…, natutuklasan na masyadong maraming problema ang umiiral sa loob ng iglesia at kinakailangang malutas, nakikitang napakaraming gawain ang hindi natapos, nagiging sanhi ito ng pagbuo nila ng isang esensiya ng pasanin. Simula noong naging isa siyang lider, tila may isang apoy na palaging nagniningas sa kalooban niya; kung may isang problema siyang natutuklasan at hindi niya ito malutas, nag-aalala at nababalisa siya, hindi makakain o makatulog. Sa mga pagtitipon, kapag nag-uulat ang ilang tao ng mga problema sa gawain nila na hindi agarang makilatis at malutas ng lider, hindi sumusuko ang lider; nararamdaman niyang dapat niyang malutas ang problemang ito. Pagkatapos ng pagdarasal at paghahanap, at sa pagninilay nito nang dalawang araw, sa sandaling alam na niya kung paano ito malulutas, mabilis niyang nilulutas ang isyu. Pagkatapos lutasin ang isyu, agaran niyang sinusuri ang ibang mga piraso ng gawain at natutuklasan ang isa pang isyu kung saan masyadong maraming tao ang kasangkot sa isang piraso ng gawain na nangangailangan ng pagbawas sa tauhan. Pagkatapos ay agad siyang nagpapatawag isang pagtitipon, malinaw niyang inuunawa ang sitwasyon, nagbabawas ng tauhan, bumubuo ng mga makatwirang pagsasaayos, at sa gayon ay nalulutas ang problema. Alinmang gawain ang kanilang sinisiyasat, laging makatutukoy ng mga problema ang mga lider na nagdadala ng pasanin. Para sa anumang problemang may kinalaman sa propesyonal na kaalaman, o may kinalaman sa mga paglabag sa mga prinsipyo, magagawa nilang tukuyin, ipagtanong, at maunawaan ang mga ito, at kapag natuklasan nila ang isang problema, nilulutas nila ito kaagad. Nilulutas lamang ng matatalinong lider at manggagawa ang mga problemang may kinalaman sa gawain ng iglesia, propesyonal na kaalaman, at mga katotohanang prinsipyo. Hindi nila pinapansin ang maliliit na bagay sa pang-araw-araw na buhay. Sinusubaybayan nila ang bawat aspekto ng gawain ng pagpapalaganap sa ebanghelyo na iniatas ng Diyos. Nagtatanong sila at nagsisiyasat tungkol sa anumang problemang naririnig o natutuklasan nila. Kung hindi nila mismo malutas ang problema sa sandaling iyon, nakikipagtipon sila sa iba pang mga lider at manggagawa, nakikipagbahaginan sa kanila, naghahanap ng mga katotohanang prinsipyo, at nag-iisip ng mga paraan para malutas ito. Kung may makaharap silang isang malaking problema na talagang hindi nila malulutas, agad silang naghahanap mula sa Itaas, at ipinapaubaya sa Itaas na asikasuhin at lutasin ito. Ang mga lider at manggagawang ganito ay mga taong may prinsipyo sa kanilang mga kilos. Anuman ang mga problema, basta’t nakita nila ang mga ito, hindi nila ito palalampasin; iginigiit nilang lubusang unawain ang mga problemang ito at pagkatapos ay isa-isang lutasin ang mga ito. Kahit na hindi ganap na malutas ang mga ito, masisiguro na hindi na muling lilitaw ang mga problemang ito. Itong ang paggampan sa tungkulin ng isang tao gamit ang kanyang buong puso, lakas, at isipan, na ganap na isinasakatuparan ang mga responsabilidad niya. Iyong mga huwad na lider at manggagawa na hindi gumagawa ng totoong gawain o nakatuon sa paglutas ng mga totoong problema ay hindi makatuklas ng mga problema sa paningin nila at hindi alam kung anong gawain ang dapat tapusin. Hangga’t nakikita nila na abala ang mga kapatid sa paggampan ng mga tungkulin nila, ganap silang kontento, nararamdamang ito ang resulta ng totoo nilang gawain; iniisip nila na labis na mabuti ang lahat ng aspekto ng gawain at na walang silang gaanong personal na gagawin o wala silang anumang mga problema na lulutasin, kaya nakatuon sila sa pagtatamasa ng mga benepisyo ng katayuan nila. Palagi nilang gustong magpakitang-gilas at magyabang tungkol sa mga sarili nila kasama ang mga kapatid. Sa tuwing nakikita nila ang mga kapatid, sinasabi nila, “Maging mabuti kayong mananampalataya. Gampanan ninyong mabuti ang tungkulin ninyo. Huwag kayong magraos ng gawain. Kung magiging sutil o magdudulot ka ng pagkabagabag, tatanggalin kita!” Ang alam lang nila ay igiit ang katayuan nila at mangaral sa mga tao. Sa mga pagtitipon, palagi silang nagtatanong kung anong mga problema ang umiiral sa gawain at nagtatanong kung iyong mga nasa ilalim nila ay may anumang mga paghihirap, pero kapag nagpapahayag ang iba ng mga problema at paghihirap nila, hindi nila malutas ang mga ito. Sa kabila nito, masaya pa rin sila, at nagsisimula pa ring mamuhay nang may malinis na konsensiya. Kung hindi nagbabanggit ng anumang mga paghihirap o problema ang mga kapatid, nararamdamang nilang ginagawa nila nang mabuti ang trabaho nila, na nagiging kampante sila. Iniisip nilang ang pagtatanong tungkol sa gawain ay ang trabahong iniatas sa kanila, at kapag lumilitaw ang mga problema at tinatalunton ng Itaas ang responsabilidad pabalik sa kanila, natutulala sila. Inilalatag ng iba sa harap nila ang mga paghihirap at problema sa gawain, pero nagrereklamo pa rin sila kung bakit hindi nila hinahanap ang katotohanan para lutasin ang mga iyon. Nang hindi sila mismo naglulutas ng mga totoong problema, ipinapasa nila ang sisi sa mga superbisor sa ibaba nila, malupit na pinapangaralan ang mga taong ginagawa ang mga espesipikong gawain. Nakakatulong ang pangaral na ito na mapawi ang galit nila, at naniniwala pa nga sila nang may malinis na konsensiya na gumagawa sila ng totoong gawain. Hindi sila kailanman nakaramdam ng pag-aalala o pagkabalisa dahil sa kawalan ng kakayahang makatuklas o makalutas ng mga problema, ni hindi sila nawalan ng kakayahang kumain o matulog nang mabuti dahil dito—hindi sila kailanman nagdusa ng ganitong uri ng paghihirap.
Sa tuwing bumibisita Ako sa isang iglesia sa bukid, nilulutas Ko ang ilang problema. Sa tuwing pumupunta Ako, hindi dahil may natuklasan Akong partikular na isyu na dapat malutas; pagkakaroon lang ito ng kaunting libreng panahon para mag-ikut-ikot at kumustahin ang gawain ng iba’t ibang pangkat sa iglesia, at ang mga kalagayan ng mga tao sa bawat pangkat. Tinitipon Ko ang mga superbisor para mag-usap-usap, tinatanong kung anong gawain ang ginagawa nila sa panahong ito, at anong mga problema ang naroon, hinahayaan silang magpuna ng ilang isyu, at gayon ay nakikipagbahaginan Ako kasama sila tungkol sa kung paano lutasin ang mga ito. Kapag nakikipagbahaginan Ako kasama sila, natutuklasan Ko rin ang ilang bagong problema. Isang uri ng problema ay iyong mga may kaugnayan sa kung paano ginagawa ng mga lider at manggagawa ang gawain nila; ang isa pa ay mga problema sa gawaing nakapaloob sa saklaw ng mga responsabilidad nila. Dagdag pa rito, tinutulungan at ginagabayan Ko rin sila sa kung paano gumawa ng espesipikong gawain, kung paano magpatupad ng gawain, kung anong gawain ang gagawin, at pagkatapos ay sinusubaybayan Ko sa susunod, kinukumusta sila tungkol sa gawaing iniatas noong nakaraan. Kinakailangan ang gayong pangangasiwa, panghihimok, at pagsusubaybay. Bagama’t hindi ito ginagawa nang may maraming palabas o pagsigaw, gamit ang mga laud-ispiker para mag-anunsiyo, ipinapahayag at ipinapatupad ang mga espesipikong trabaho at gawain na ito sa pamamagitan ng ilang lider at manggagawa na kayang gumawa ng totoong gawain. Samakatwid, nagiging maayos at umuusad ang gawain ng bawat pangkat, bumubuti ang kahusayan ng gawain, at mas maganda ang mga resulta. Sa huli, ang lahat ng tao sa bawat pangkat ay kayang kumapit nang mahigpit sa sarili nilang tungkulin, na alam kung ano ang dapat nilang gawin at kung paano ito gagawin. Sa kaliit-liitan, ginagawa ng lahat ang nararapat nilang tungkulin, mayroon silang mga nakaatas na gawain, at ginagawa nila ang gawain ayon sa mga kahingian ng sambahayan ng Diyos at nagagawa ito ayon sa mga prinsipyo. Hindi ba’t pagkamit ito ng ilang resulta? Alam ba ng mga huwad na lider kung paano gumawa sa ganitong paraan? Magbubulay ang mga huwad na lider: “Kaya, ganito isinasagawa ng gawain ang Itaas: tinatawagan ang ilang tao para magsama-sama sa isang pag-uusap, nagtatala ang lahat sa isang munting aklat, at pagkatapos ng pagtatala, tapos na ang gawain ng Itaas. Kung ganito magsagawa ng gawain ang Itaas, gagawa kami sa parehong paraan.” Kaya, gumagaya ang mga huwad na lider sa ganitong paraan. Ginagaya nila ang anyo, pero sa huli, hindi talaga sila gumagawa ng anumang totoong gawain, hindi ipinapatupad ang alinman sa mga gawaing iniatas sa kanila, pinapalipas lang ang oras sa pagdaldal. Minsan, pumupunta rin Ako sa mga taniman ng gulay at mga greenhouse para tingnan kung paano lumalaki ang mga punla, o para alamin kung gaano karaming siklo ng mga pananim ang mapapalaki sa greenhouse sa taglamig, at kung gaano kadalas ang pagdilig sa mga ito. Ang lahat ng gawaing ito, malaki man o maliit, ay may kasangkot na mga teknikal na isyung may kaugnayan sa pagtatanim ng gulay, at hangga’t masigasig na ginagawa ng isang tao ang mga iyon, matatapos niya ang mga iyon. Saan pangunahing ipinapakita ng mga huwad na lider ang kahuwaran nila? Ang pinakatanyag ay ang hindi paggawa ng totoong gawain; gumagawa lang sila ng ilang gawaing nagpapaganda ng imahe nila at itinuturing na nilang tapos na ang mga ito, at pagkatapos ay nagsisimula silang tamasahin ang mga benepisyo ng katayuan nila. Kahit gaano karami ng ganitong uri ng gawain ang ginagawa nila, ibig ba nitong sabihin ay nagsasagawa sila ng totoong gawain? Maruming naaarok ng karamihan sa mga huwad na lider ang katotohanan, nauunawaan lang ang ilang salita at doktrina, na siyang ginagawang napakahirap ang paggawa ng totoong gawain nang mabuti. Ang isang bahagi ng mga huwad na lider ay hindi pa nga makalutas ng mga isyung may kinalaman sa ugnayang pangkalahatan; malinaw na may mahina silang kakayahan at walang espirituwal na pang-unawa. Ganap na walang halaga sa paglilinang sa kanila. May kaunting kakayahan naman ang ilang huwad na lider, pero hindi sila gumagawa ng totoong gawain, at nagpapasasa sila sa mga kaginhawahan ng laman. Ang mga taong nagpapasasa sa mga kaginhawahan ng laman ay walang gaanong ipinagkaiba sa mga baboy. Ginugugol ng mga baboy ang maghapon sa pagtulog at pagkain. Walang ginagawa ang mga ito. Gayumpaman, matapos ang isang taon ng pagsisipag na mapakain ang mga ito, kapag kinakain ng buong pamilya ang karne ng mga ito sa pagtatapos ng taon, masasabi na nagkaroon ng silbi ang mga ito. Kung inaalagaan din ang isang huwad na lider na gaya ng isang baboy, kumakain at umiinom nang libre tatlong beses bawat araw, tumataba at lumalakas, pero wala siyang ginagawang anumang totoong gawain at wala siyang silbi, hindi ba walang saysay na alagaan siya? Nagkaroon ba iyon ng anumang silbi? Makakapagserbisyo lang siya bilang isang hambingan at dapat siyang itiwalag. Talagang mas mabuti pang mag-alaga ng isang baboy kaysa isang huwad na lider. Ang mga huwad na lider ay maaaring may titulong “lider,” maaaring nakaupo sila sa posisyong ito, kumakaing mabuti nang tatlong beses kada araw, tinatamasa ang maraming biyaya ng Diyos, bumibilog at nagiging malarosas mula sa kakakain ng lahat sa katapusan ng taon—pero kumusta naman ang gawain? Dapat nilang tingnan ang lahat ng nagawa sa gawain nila ngayong taon: Nagkaroon ba ng mga resulta sa anumang bahagi ng gawain ngayong taon? Anong totoong gawain ang ginawa nila? Hindi hinihingi ng sambahayan ng Diyos na gawin nila ang bawat trabaho nang perpekto, pero dapat nilang gawin nang mabuti ang pangunahing gawain—halimbawa, ang gawain ng ebanghelyo, o gawain sa paggawa ng pelikula, gawaing may kinalaman sa teksto, at iba pa. Dapat maging mabunga ang lahat ng ito. Sa mga normal na sitwasyon, karamihan sa gawain ay dapat magbunga ng ilang resulta at tagumpay pagkatapos ng tatlo hanggang limang buwan; kung walang mga tagumpay pagkatapos ng isang taon, isa itong malubhang problema. Sa loob ng saklaw ng responsabilidad nila, aling gawain ang naging pinakamabunga? Alin ang binayaran nila ng pinakamalaking halaga at pinakapinagdusahan nila nang buong taon? Dapat nilang ipresenta ang tagumpay na ito, at pagnilayan kung nakagawa sila ng anumang mahahalagang tagumpay mula sa isang taon nilang pagtatamasa ng biyaya ng Diyos; dapat may malinaw silang esensiya nito sa mga puso nila. Ano nga ba ang ginagawa nila habang kinakain nila ang pagkain ng sambahayan ng Diyos at tinatamasa ang biyaya ng Diyos sa buong panahong ito? May nakamit ba silang anuman? Kung wala silang nakamit, iniraraos lang nila ang gawain; mga tunay na huwad na lider sila. Dapat bang tanggalin at itiwalag ang gayong mga lider? (Oo.) Makikilatis ba ninyo ang gayong mga huwad na lider kapag nakatagpo ninyo sila? Makikita ba ninyong mga huwad silang lider, kumakatha lang para makakuha ng isang tiket ng libreng pagkain? Kumakain sila hanggang maging mamantika ang mga bibig nila pero hindi sila kailanman nagmumukhang nag-aalala o balisa tungkol sa gawain, hindi nakikilahok o nagsisiyasat tungkol sa anumang mga espesipikong gawain. Kahit na magsiyasat sila, para ito sa isang katwiran; ginagawa lang nila iyon kapag ginigipit sila ng Itaas tungkol sa mga resulta at kung hindi man, hindi sila mag-aabala. Palagi silang nagpapasasa sa pagpapakaligaya, madalas nanonood ng mga pelikula o palabas sa TV. Nag-aatas sila ng gawain at habang abala ang iba sa paggampang ng mga tungkulin nila, nagpapahinga at nagpapakaligaya sila mismo. Kung may isang problema at susubukan ninyong hanapin sila para pangasiwaan ito, hindi sila makikita kahit saan, pero hindi sila kailanman nahuhuli sa mga kainan. At pagkatapos kumain, kapag bumabalik na ang iba sa gawain, umaalis sila para magpahinga pa nang mas matagal. Kung tatanungin mo sila, “Bakit hindi ka lumabas at suriin mo ang gawain? Naghihintay ang lahat sa direksyon mo, sa mga pagsasaayos mo!” sasabihin nila: “Bakit ninyo ako hihintayin? Kaya ninyong lahat iyan, alam ninyong lahat kung paano iyan gawin—hindi ba’t pareho lang kapag wala ako? Hindi ba ako puwedeng magpahinga sandali?” “Pagpapahinga ba iyan? Nanonood ka lang ng mga pelikula!” “Natututo ako ng mga propesyonal na kasanayan, nag-aaral ako kung paano kinukunan ang mga pelikula.” Nagdadahilan pa nga sila. Nanonood sila ng isang pelikula pagkatapos ng isa pa, at kapag nagpapahinga ang lahat sa gabi, nagpapahinga rin sila. Sa bawat araw, iniraraos lang nila ang gawain tulad nito, pero hanggang saan? Hindi sila kaaya-aya sa tingin ng lahat, naaasiwa ang lahat sa kanila, at kalaunan, walang sinuman ang pumapansin sa kanila. Sabihin mo sa Akin, kung hindi nangangasiwa ang lider na ito, makakausad pa rin ba ang gawain? Kung wala siya, hihinto ba ang pag-ikot ng mundo? (Umiikot pa rin ito.) Kung gayon, dapat siyang ilantad para makita ng lahat na hindi dumadalo ang taong ito sa mga marapat na gawain at na walang dapat mahadlangan ng taong ito. Ang huwad na lider na ito na hindi dumadalo sa mga marapat na gawain ay dapat na malantad at mahimay para kilatisin ng lahat, at dapat siyang tanggalin para tumabi! Makikilatis ba ninyo ang gayong mga huwad na lider kapag nakatagpo ninyo sila? Kung walang mga huwad na lider, mararamdaman ba ninyong lahat na para kayong mga mandaragat na walang kapitan? Makakakumpleto ba kayo ng gawain at makakatapos ng mga gawain nang kayo lang? Kung hindi ninyo kaya, nasa panganib kayo. Ang pagharap sa ganitong uri ng huwad na lider, na hindi ginagampanan nang maayos ang tungkulin niya, hindi nangunguna sa pamamagitan ng halimbawa, at nagpapalipas ng oras sa pakikipag-usap online—magkakaroon ba kayo ng pagkilatis sa ganitong uri ng sitwasyon? Maiimpluwensyahan ba niya kayo para makibahagi sa walang-kwentang daldalan at ipagpaliban ang mga tungkulin ninyo? Masusunod pa rin ba ninyo ang gayong mga huwad na lider? (Hindi.)
Matatakaw at mga tamad ang ilang huwad na lider, mas gusto nila ng kaginhawahan kaysa sa mabigat na gawain. Ayaw nilang gumawa o mag-alala, iniiwasan nila ang pagsisikap at responsabilidad, at gusto lang nilang magpakasarap sa kaginhawahan. Mahilig silang kumain, maglaro, at lubha silang tamad. Sa umaga, bumabangon lang sila kapag nakakain na ang lahat, at sa gabi, nanonood pa rin sila ng mga teleserye sa telebisyon habang nagpapahinga na ang iba. Isang brother na responsable sa pagluluto ang hindi na nakatiis at pinuna sila. Sa palagay ba ninyo ay makikinig sila sa isang kusinero? (Hindi.) Ipagpalagay nating pinagsabihan sila ng isang lider o manggagawa, sinasabi, “Kailangan mong maging mas masipag; ang gawaing kailangang gawin ay dapat na gawin. Bilang lider, dapat mong tuparin ang mga responsabilidad mo anuman ang gawain; dapat mong tiyaking walang mga problema rito. Ngayong may nakita nang problema, at wala ka para lutasin ito, nakakaapekto ito sa gawain. Kung palagi kang gumagawa sa ganitong paraan, hindi ba’t naaantala nito ang gawain ng iglesia? Kaya mo bang pasanin ang responsabilidad na ito?” Makikinig ba sila rito? Hindi sigurado. Para sa mga gayong huwad na lider, ang grupo ng mga tagapagpasya ay dapat na agad silang palitan at magsaayos ng ibang gawain para sa kanila, na magtutulot sa kanilang gawin ang anumang kaya nilang gawin. Kung wala silang kwenta, gustong maging palamunin kahit saan sila magpunta, kung wala silang kayang gawin, paalisin na sila at huwag nang bigyan ng anumang tungkulin. Hindi sila karapat-dapat na gumawa ng tungkulin; hindi sila tao, wala silang konsensiya at katwiran ng normal na pagkatao, wala silang kahihiyan. Para sa mga gayong huwad na lider, na maituturing na mga sanggano, kapag nakilatis na sila, dapat palitan na sila agad; hindi na kailangan pang subukang himukin sila, at hindi na sila dapat bigyan ng anumang pagkakataon para sumailalim sa obserbasyon, ni hindi na kailangang makipagbahaginan sa kanila tungkol sa katotohanan. Hindi ba’t sapat na ang narinig nilang mga katotohanan? Kung pinungusan sila, magagawa ba nilang magbago? Hindi. Kung ang isang tao ay may mahinang kakayahan, may mga katawa-tawang pananaw minsan, o hindi nauunawaan ang buong sitwasyon dahil sa pagiging ignorante, pero siya ay masipag, nagdadala ng pasanin, at hindi tamad, ang gayong tao, sa kabila ng mga paglihis sa paggawa ng tungkulin niya, ay pwedeng magsisi kapag iniharap siya sa pagpupungos. Sa pinakamababa, alam niya ang mga responsabilidad ng pagiging isang lider at alam niya kung ano ang dapat niyang gawin, may konsensiya siya at pagpapahalaga sa responsabilidad, at may puso siya. Gayumpaman, iyong mga tamad, mas pinipili ang kaginhawahan kaysa sa mabigat na gawain, at walang pasanin, ay hindi kayang magbago; kung walang pasanin sa puso nila, sinuman ang pumungos sa kanila, wala itong silbi. Sinasabi ng ilang tao, “Kung gayon, kung darating sa kanila ang paghatol, pagkastigo, mga pagsubok, at pagpipino ng Diyos, mababago ba nito ang isyu nila ng kawalan ng pasanin? Hindi ito mababago; tinutukoy ito ng kalikasan ng isang tao, tulad ng isang aso na hindi kayang baguhin ang gawi nitong pagkain ng dumi. Sa tuwing nakakakita ka ng taong tamad at walang pasanin at nagseserbisyo rin bilang isang lider, matitiyak mong isa siyang huwad na lider. Maaaring sabihin ng ilan, “Paano mo sila matatawag na isang huwad na lider? May mabuti siyang kakayahan, matalino siya, nakikilatis niya ang mga bagay-bagay, at nakakabuo siya ng mga plano. Sa mundo, namahala sila ng mga negosyo, nagserbisyo bilang mga CEO; maalam, may karanasan, at makamundong-marunong sila!” Malulutas ban g mga katangiang ito ang problema nila ng pagiging tamad at ng kawalan ng pasanin? (Hindi.)
Anong uri ng mga pagpapamalas at katangian ang ipinapakita ng iyong mga sobrang tamad? Una, sa anumang bagay na ginagawa nila, pabasta-basta silang kumikilos, nag-aaksaya ng oras, nagpapaalwan, at nagpapahinga at nagpapaliban hangga’t maaari. Pangalawa, wala silang pakialam sa gawain ng iglesia. Para sa kanila, maaari naman itong gawin ng sinumang may gusto ng pag-aalala tungkol sa gayong mga bagay. Hindi nila gagawin ito. Kapag nag-aalala nga sila tungkol sa isang bagay, para ito sa sarili nilang kasikatan, pakinabang, at katayuan—ang mahalaga lang para sa kanila ay na natatamasa nila ang mga benepisyo ng katayuan. Pangatlo, umiiwas sila sa paghihirap sa gawain nila; hindi nila matanggap na nakapapagod nang kahit kaunti ang gawain nila; labis na sumasama ang loob kung ganoon nga, at hindi nila kayang magtiis ng paghihirap o magbayad ng isang halaga. Pang-apat, hindi nila kayang magtiyaga sa anumang gawaing ginagawa nila, palagi silang sumusuko sa kalagitnaan at hindi nakatatapos ng mga bagay-bagay. Kung panandalian silang nasa isang mabuting kalagayan, maaari silang gumawa ng kaunting gawain bilang katuwaan, pero kung nangangailangan ng pangmatagalang dedikasyon ang isang bagay, at palagi silang nagiging abala dito, kailangan itong pag-isipan nang husto, at nakapapagod ito sa katawan nila, sa paglipas ng panahon ay magsisimula silang magreklamo. Halimbawa, sa simula, ang ilang lider ang nangangasiwa ng gawain ng iglesia, at bago at sariwa ito para sa kanila. Malaki ang motibasyon nila sa kanilang pagbabahagi sa katotohanan at kapag nakikita nilang may mga problema ang mga kapatid, nagagawa nilang tumulong at lutasin ang mga ito. Pero, matapos ang pansamantalang pagtitiyaga, nagsisimula na silang makaramdam na masyadong nakakapagod ang gawain ng pagiging isang lider, at nagiging negatibo sila—ninanais nilang lumipat sa mas madaling trabaho, at hindi sila handang magtiis ng paghihirap. Kulang ang gayong mga tao sa pagtitiyaga. Panlima, ang isa pang katangian na nakatutukoy sa mga tamad na tao ay ang pag-aatubili nilang gumawa ng totoong gawain. Sa sandaling magdusa ang laman nila, nagpapalusot sila para iwasan at takasan ang gawain nila, ipinapasa nila ito sa ibang tao. At kapag natapos ng taong iyon ang gawain, sila mismo ang umaani sa mga gantimpala nang walang kahihiyan. Ito ang limang pangunahing katangian ng mga taong tamad. Dapat kayong magsuri para makita ninyo kung may gayong mga tamad na tao sa mga lider at manggagawa sa mga iglesia. Kungg may makita kayong isa, dapat siyang tanggalin kaagad. Makagagawa ba ng mabuting gawain bilang lider ang mga tamad? Anumang uri ng kakayahan ang mayroon sila o anuman ang kalidad ng kanilang pagkatao, kung tamad sila, hindi nila magagawa nang maayos ang gawain nila, at maaantala nila ang gawain atmga importanteng usapin. May sari-saring aspeto ang gawain ng iglesia; ang bawat aspekto nito ay may kaakibat na maraming detalyadong gawain at nangangailangan ng pagbabahagi tungkol sa katotohanan para malutas ang mga problema upang magawa ang gawain ng iglesia nang maayos. Samakatwid, dapat maging masigasig ang mga lider at manggagawa—kailangan nilang gumawa ng maraming pag-uusap at maraming gawain araw-araw para matiyak ang pagiging epektibo ng gawain. Kung masyadong kaunti ang pag-uusapan o gagawin nila walang magiging resulta. Kaya, kung tamad ang isang lider o manggagawa, tiyak na isa siyang huwad na lider at walang kakayahang gumawa ng totoong gawain. Hindi gumagawa ng totoong gawain ang mga tamad na tao, lalong hindi sila pumupunta sa mga lugar ng trabaho, at hindi sila handang lutasin ang mga problema o makisangkot sa anumang partikular na gawain. Wala silang ni katiting na pagkaunawa o pagkaarok sa mga problema ng anumang gawain. Mayroon lang silang paimbabaw, malabong ideya sa isipan nila mula sa pakikinig sa sinabi ng iba, at iniraraos nila ang gawain sa pangangaral lang ng kaunting doktrina. Magagawa ba ninyong tukuyin ang ganitong uri ng lider? Makikilala ninyo ba na siya ay huwad na lider? (Medyo.) Pabasta-basta ang mga tamad sa anumang tungkuling ginagampanan nila. Ano man ang tungkulin, wala silang pagtitiyaga, paminsan-minsang gumagawa, at nagrereklamo sa tuwing dumaranas sila ng ilang paghihirap, naglalabas ng mga walang-katapusang hinaing. Inaalipusta nila ang sinumang pumupuna o pumupungos sa kanila, tulad ng isang taong mainitin ang ulo na nang-iinsulto ng mga tao sa lansangan, na palaging gustong ilabas ang kanyang galit sa iba, at na hindi gustong gampanan ang tungkulin niya. Ano ang ipinapakita nitong pag-ayaw nilang gampanan ang tungkulin nila? Ipinapakita nito na hindi sila nagdadala ng pasanin, ayaw nilang umako ng responsabilidad, at mga tamad sila. Ayaw nilang magdusa ng mga paghihirap o bayaran ang halaga. Nalalapat itong lalo sa mga lider at manggagawa: Kung hindi sila nagdadala ng pasanin ang mga lider at manggagawa, maisasakatuparan ba nila ang mga responsabilidad ng mga lider o manggagawa? Talagang hindi.
Hindi Nagsusubaybay o Nagbibigay ng Direksyon ang mga Huwad na Lider Tungkol sa Gawain
Tinalakay na natin ang aspektong ito ng ikalimang responsabilidad ng mga lider at manggagawa: “manatiling mayroong kaalaman at pagkaunawa tungkol sa katayuan ng bawat aytem ng gawain.” Sa pagtalakay sa aspektong ito, inilantad natin ang ilang espesipikong pagpapamalas ng mga huwad na lider, gayundin ang pagkatao at katangian nila. Ngayon, tingnan natin ang “Pagpapanatili ng pagkakaroon ng kaalaman at pagkaunawa tungkol sa pag-usad ng bawat aytem ng gawain.” Siyempre, medyo nauugnay ang pag-usad ng gawain sa katayuan ng gawain, medyo malapit ang kaugnayan. Kung hindi mapapanatili ng isang tao ang pagkaunawa at kaalaman tungkol sa katayuan ng isang aytem ng gawain, hindi rin niya mapapanatili ang pagkaunawa at kaalaman tungkol sa pag-usad ng gawain. Halimbawa, kung paano ang pag-usad ng gawain, hanggang sa anong yugto ito umusad, kung ano ang mga kalagayan ng mga tao na kasangkot, kung may anumang mga paghihirap sa mga propesyonal na aspekto, kung may anumang mga bahagi ng gawain na hindi tumutugon sa mga kahingian ng sambahayan ng Diyos, kung ano ang mga resultang nakamit, kung natututo ang sinumang mga manggagawa na hindi masyadong mahusay sa mga propesyonal na aspekto ng gawain, kung sino ang nag-oorganisa ng pagkatuto, kung ano ang natututunan nila, kung paano sila natututo, at iba pa—nauugnay ang lahat ng espesipikong isyung ito sa pag-usad. Halimbawa, hindi ba’t ganap na importante ang gawain ng paggawa ng mga himno? Sa isang himno, mula sa unang pagpili ng mga klasikong sipi ng mga salita ng Diyos hanggang sa pagkumpleto ng komposisyon, anong mga espesipikong gampanin ang kinakailangang gawin sa prosesong ito? Una, kinakailangang pumili ng mga klasikong sipi ng mga salita ng Diyos na akma para maging mga himno, at dapat nasa angkop na haba rin ang mga ito. May kinalaman ang ikalawang hakbang sa pag-uusap-usap kung aling estilo ng melodiya ang naaangkop sa sipi para gawin itong kaaya-aya at kasiya-siyang kantahin. Pagkatapos, dapat hanapin ang mga taong nararapat na kantahin ang himno. Hindi ba’t mga espesipikong gampanin ang mga ito? (Oo.) Pagkatapos magawa ang isang himno, hindi talaga nagsisiyasat ang huwad na lider tungkol sa kung kwalipikado ang komposisyon o angkop ang estilo. Ang kompositor, na napapansin ang kawalan ng pangangasiwa, ay personal na nararamdamang sapat na ito at nagpapatuloy sa pagrekord nito. Ang sipi ng mga salita ng Diyos na inaabangan ng lahat ng tao na maging isang himno ay nilapatan na ng musika at ginawa nang isang himno sa wakas, pero tingin ng karamihan ay may mga kapintasan pa rin ito kapag kinakanta. Anong problema ang lumilitaw? Hindi sapat na maganda ang maayos himno: inirekord ito sa kabila ng kawalan ng melodiya at pang-akit. Pagkatapos itong pakinggan, nagtatanong ang huwad na lider, “Sino ang gumawa ng himnong ito? Bakit ito inirekord?” Sa sandaling itanong niya ang tanong na ito, hindi bababa sa isang buwan ang lumipas na. Sa buwang ito, hindi ba’t dapat sinubaybayan at maagap na inalam ng lider ang pag-usad ng gawaing ito? Halimbawa, kumusta ang pag-usad ng komposisyon? Tinukoy ba ang pangunahing himig? Nagkaroon ba ito ng melodiya? Tumugma ba sa mga salita ng Diyos ang melodiya at estilo nitong himno? Nakatulong ba sa paggabay ang mga indibidwal na may nauugnay na karanasan? Matapos itong mabuo, maaari bang kantahin nang malawak ang himnong ito? Ano ang magiging epekto nito? Maituturing bang maganda ang himig? Palaging nabigo ang huwad na lider na subaybayan ang gayong mga usapin. At may isa siyang katwiran sa hindi pagsubaybay: “Hindi ko nauunawaan ang paggawa ng himno. Paano ko masusubaybayan ang isang bagay na hindi ko nauunawaan? Imposible ito.” Isa bang lehitimong katwiran ito? (Hindi.) Hindi ito isang lehitimong katwiran; kaya, kaya ba ng isang taong hindi pamilyar sa paggawa ng himno na magsubaybay pa rin? (Puwede siyang makipagtulungan sa mga kapatid, at suriin ang melodiya ayon sa mga prinsipyo para tingnan kung angkop ito; puwede niyang praktikal na subaybayan ang gawain, sa halip na itatwa ito.) Ang pangunahing katangian ng gawain ng mga huwad na lider ay pagdadaldal tungkol sa doktrina at pag-uulit ng mga salawikain. Matapos ilabas ang kanilang mga utos, naghuhugas na lang sila ng mga kamay tungkol sa bagay na iyon. Hindi sila nagtatanong tungkol sa sumunod na pag-unlad ng proyekto; hindi nila itinatanong kung nagkaroon ng anumang mga problema, paglihis, o paghihirap. Itinuturing nilang tapos na ang kanilang trabaho sa sandaling italaga nila ang trabaho. Sa katunayan, bilang isang lider, kapag natapos mo na ang mga pagsasaayos ng gawain, dapat mong subaybayan ang pag-usad ng gawain. Kahit hindi ka pamilyar sa larangang iyon ng gawain—kahit wala kang anumang kaalaman tungkol dito—makakahanap ka ng paraan para magawa ang gawain mo. Makakahanap ka ng isang taong may kaalaman, na nauunawaan ang gawaing pinag-uusapan, na suriin ang mga bagay-bagay at magbigay ng mga mungkahi. Mula sa kanilang mga mungkahi matutukoy mo ang angkop na mga prinsipyo, kaya magagawa mong subaybayan ang gawain. Pamilyar ka man o hindi o nauunawaan mo man o hindi ang uri ng gawaing pinag-uusapan, sa pinakamababa ay kailangan mo itong pangunahan, subaybayan ito, at patuloy na mag-usisa at magtanong tungkol sa pag-usad nito. Kailangan mong magkaroon ng pagkaintindi tungkol sa gayong mga bagay; ito ang responsabilidad mo, bahagi ito ng iyong trabaho. Ang hindi pagsubaybay sa gawain, hindi paggawa ng higit pa sa sandaling naitalaga na ito—ang paghuhugas mo ng mga kamay rito—ay ang paraan ng mga huwad na lider sa paggawa ng mga bagay-bagay. Ang hindi pagsusubaybay o pagbibigay ng gabay sa gawain, hindi pag-uusisa o paglulutas sa mga isyung lumilitaw, at hindi pag-aarok sa pag-usad o kahusayan ng gawain—mga pagpapamalas din ang mga ito ng mga huwad na lider.
Hindi Gumagawa ng Totoong Gawain ang mga Huwad na Lider, na Siyang Mag-aantala sa Pag-usad ng Gawain
Dahil hindi nauunawaan ng mga huwad na lider ang estado ng pagsulong ng gawain, hindi nila kayang matukoy kaagad—lalo nang hindi nila kayang malutas—ang mga problemang lumilitaw rito, na madalas humahantong sa paulit-ulit na mga pagkaantala. Sa ilang gawain, dahil hindi naiintindihan ng mga tao ang mga prinsipyo at walang sinumang angkop na maging responsable para dito o mamahala rito, ang mga nagsasagawa ng gawain ay kadalasang negatibo, walang ginagawa, at naghihintay, na lubhang nakakaapekto sa pagsulong ng gawain. Kung natupad ng lider ang kanyang mga responsabilidad—kung pinamahalaan niya ang gawain, isinulong ito, pinangasiwaan ito, at nakahanap ng isang taong nakakaunawa sa larangang iyon para patnubayan ang proyekto, sumulong sana nang mas mabilis ang gawain kaysa dumanas ng paulit-ulit na mga pagkaantala. Kung gayon, para sa mga lider, mahalagang maunawaan at maintindihan ang totoong sitwasyon ng gawain. Siyempre pa, talagang kinakailangan din na maunawaan at maintindihan ng mga lider kung paano sumusulong ang gawain, sapagkat ang pagsulong ay nauugnay sa kahusayan ng gawain at mga resulta na dapat nitong makamtan. Kung ang mga lider at manggagawa ay walang pagkaunawa sa kung paano umuusad ang gawain ng iglesia, at hindi nila sinusubaybayan o pinangangasiwaan ang mga bagay, kung gayon, tiyak na magiging mabagal ang pag-usad ng gawain ng iglesia. Ito ay dahil sa katunayan na ang karamihan sa mga taong gumaganap ng mga tungkulin ay talagang mga tamad, walang pagpapahalaga sa pasanin, madalas na negatibo at pasibo, at mapagwalang-bahala. Kung walang sinuman ang may pagpapahalaga sa pasanin at walang kakayahan sa gawain na partikular na umaako sa responsabilidad ng gawain, napapanahon na inaalam ang tungkol sa pag-usad ng gawain, at pinapamahalaan, pinangangasiwaan, dinidisiplina, at pinupungusan ang mga tauhang gumaganap ng mga tungkulin, kung gayon ay likas na magiging napakababa ng antas ng kahusayan sa gawain at walang magiging resulta sa gawain. Kung hindi man lang ito malinaw na makikita ng mga lider at manggagawa, sila ay mga hangal at bulag. Kaya naman, ang mga lider at manggagawa ay dapat na maagap na magsiyasat, magsubaybay, at maging pamilyar sa pag-usad ng gawain, magsiyasat kung anong mga problema ng mga taong gumaganap ng mga tungkulin ang kailangang malutas, at unawain kung aling mga problema ang dapat lutasin para magkamit ng mas magagandang resulta. Napakahalaga ng lahat ng bagay na ito, dapat maging malinaw ang mga bagay na ito sa isang taong kumikilos bilang lider. Upang magawa nang maayos ang iyong tungkulin, hindi ka dapat tumulad sa isang huwad na lider, na gumagawa ng mababaw na gawain, at pagkatapos ay iisipin niyang nagawa niya nang maayos ang kanyang tungkulin. Walang ingat at pabaya ang mga huwad na lider sa gawain nila, wala silang pagpapahalaga sa responsabilidad, hindi nila nilulutas ang mga problema kapag lumilitaw ang mga ito, at kahit ano pang gawain ang ginagawa nila, mababaw lang nila iyong naiintindihan. Pabasta-basta sila; nagsasabi sila ng magaganda ngunit walang kabuluhang mga salita, bumubulalas ng mga doktrina, at iniraraos lang nila ang kanilang gawain. Sa pangkalahatan, ito ang paraan ng paggawa ng mga huwad na lider. Bagama’t kung ikukumpara sa mga anticristo, walang ginagawang napakabuktot ang mga huwad na lider at hindi sadyang gumagawa ng masama, kung titingnan mo ang pagiging epektibo ng kanilang gawain, patas na tukuyin sila bilang walang ingat at pabasta-basta, hindi nagdadala ng pasanin, walang pagpapahalaga sa responsabilidad o katapatan sa kanilang gawain.
Ngayon lang ay nagbahagi tayo tungkol sa mga huwad na lider na hindi gumagawa ng totoong gawain, at hindi inuunawa at inaalam ang pag-usad ng bawat aytem ng gawain. Tungkol sa mga problema at paghihirap na lumilitaw sa gawain ng iglesia, totoo rin na hindi lang talaga pinapansin ng mga huwad na lider ang mga ito o nagbubulalas lang sila ng kaunting doktrina at nanggagaya ng ilang islogan para ipagwalang-bahala ang mga ito. Sa lahat ng aytem ng gawain, hindi sila kailanman makikitang pupunta mismo sa lugar ng gawain para subukang unawain at subaybayan ang gawain. Hindi sila makikitang nakikipagbahaginan tungkol sa katotohanan para maglutas ng mga problema roon, at lalo pa ring hindi sila makikitang personal na nagdidirekta at nangangasiwa sa gawain, para pigilang mangyari ang mga kapintasan at paglihis dito. Ito ang pinakamalinaw na pagpapamalas ng pabasta-bastang paraan kung saan gumagawa ang mga huwad na lider. Bagama’t ang mga huwad na lider, hindi tulad ng mga anticristo, ay hindi naglalayong gambalain at guluhin ang gawain ng iglesia, ni hindi sila gumagawa ng iba’t ibang kasamaan at nagtatatag ng sarili nilang mga nagsasariling kaharian, nagdudulot ng mga napakalaking hadlang sa gawain ng iglesia ang iba’t ibang pabasta-bastang pag-uugali nila, kaya walang-katapusang lumilitaw at hindi nalulutas ang iba’t ibang problema. Malubha itong nakakadagok sa pag-usad ng bawat aytem ng gawain ng iglesia, at nakakaapekto sa buhay pagpasok ng mga hinirang ng Diyos. Hindi ba’t dapat itiwalag ang gayong mga huwad na lider? Hindi makagawa ng totoong gawain ang mga huwad na lider—may malakas na simula anuman ang gawin nila pero unti-unti itong nanghihina sa huli. Isang tagapagsimula ng seremonya ang papel na ginagampanan nila: Nagbibigkas sila ng mga islogan at nangangaral ng mga doktrina, at kapag nai-atas na nila ang gawain sa iba at naisaayos na kung sino ang magiging responsable rito, tapos na sila. Pareho sila sa mga nakabibinging laud-ispiker na nakikita sa mga rural na bahagi ng Tsina—hanggang dito ang papel na ginagampanan nila. Gumagawa lang sila ng kaunting panimulang gawain; para sa natitirang bahagi ng gawain, hindi sila makikita kahit saan. Para naman sa mga espesipikong tanong tulad ng kung paano umuusad ang gawain, kung naaayon ito sa mga prinsipyo, at kung epektibo ito—hindi nila alam ang mga sagot. Hindi sila kailanman nakikibahagi nang malalim sa mga pinakamababang antas at bumibisita sa lugar ng trabaho para unawain at alamin ang pag-usad at mga detalye ng bawat aytem ng gawain. Samakatwid, maaaring hindi naglalayon ang mga huwad na lider na magdulot ng mga pagkagambala at kaguluhan, o gumawa ng iba’t ibang kasamaan sa panahon ng panunungkulan nila bilang mga lider, pero, sa katunayan, pinaparalisa nila ang gawain, inaantala ang pag-usad ng bawat aytem ng gawain ng iglesia, at ginagawang imposible para sa mga hinirang ng Diyos na gampanan nang maayos ang mga tungkulin nila at magkamit ng buhay pagpasok. Sa ganitong paraan ng paggawa, paano nila posibleng maaakay ang mga hinirang ng Diyos sa tamang landas ng pananalig sa Diyos? Ipinapakita nito na hindi gumagawa ng anumang totoong gawain ang mga huwad na lider. Nabibigo silang subaybayan ang gawaing dapat nilang panagutan o nabibigo silang magbigay ng paggabay at pangangasiwa para rito upang matiyak na normal ang pag-usad ng gawain ng iglesia; nabibigo silang gampanan ang mga nilalayong tungkulin ng mga lider at manggagawa, at nabibigo silang maisakatuparan ang katapatan o mga responsabilidad nila. Nagpapatunay ito na hindi tapat ang mga huwad na lider sa kung paano nila ginagampanan ang mga tungkulin nila, na pabasta-basta lang sila; nililinlang nila kapuwa ang mga hinirang ng Diyos at ang Diyos mismo, at naaapektuhan at hinahadlangan nila ang pagsasagawa ng Kanyang kalooban. Nakikita ang katunayang ito sa lahat. Maaaring ang isang huwad na lider ay talagang hindi sapat na mahusay para sa gawain; maaari ring tinatakasan nila ang gawain nila at sadyang nagiging pabasta-basta. Alinman sa dalawa, nananatiling tunay na ginugulo nila ang gawain ng iglesia. Wala ni kaunting pag-usad ang nagagawa sa bawat aytem ng gawain ng iglesia, at nananatiling hindi nalutas ang isang bunton ng naipong problema nang mahabang panahon. Hindi lang ito nakakaapekto sa paglaganap ng gawain ng ebanghelyo, kundi malubha rin nitong hinahadlangan ang buhay pagpasok ng mga hinirang ng Diyos. Sapat ang mga katunayang ito para patunayan na hindi lang sa hindi kaya ng mga huwad na lider na gumawa ng totoong gawain, kundi nagiging mga balakid din sila sa gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo, at mga hadlang sa pagsasagawa ng kalooban ng Diyos sa iglesia.
Hindi gumagawa ng totoong gawain ang mga huwad na lider at hindi nila kayang maglutas ng mga totoong problema. Hindi lang nito inaantala ang pag-usad ng gawain at inaapektuhan ang mga resulta nito, pero nagdudulot rin ito ng mga malubhang kawalan sa gawain ng iglesia, inaaksaya ang maraming manggagawa, materyal na kagamitan, at pinansiyal na kagamitan. Samakatwid, dapat bayaran ng mga huwad na lider ang mga ekonomikong kawalan. Sinasabi ng ilang tao, “Kung dapat na bayaran ng mga lider at manggagawa ang mga kawalang idinulot ng hindi nila paggampan ng gawain nila nang maayos, walang sinuman ang magnanais na maging isang lider o manggagawa.” Hindi kwalipikadong maging mga lider o manggagawa ang gayong mga iresponsableng tao. Iyong mga walang konsensiya o katwiran ay masasamang tao—hindi ba’t nakakabagabag ito kung gusto ng masasamang tao na maging mga lider at manggagawa? Dahil may kinalaman sa mga ekonomikong gastusin ang karamihan sa gawain ng sambahayan ng Diyos, hindi ba kinakailangang isaalang-alang ang mga ito? Puwede bang aksayahin at lustayin ng mga tao ang mga handog para sa Diyos ayon sa gusto nila? Anong karapatan mayroon ang mga lider at manggagawa para lustayin ang mga handog para sa Diyos? Dapat pagbayaran ang pagdudulot ng ekonomikong kawalan; ganap itong likas at may katwiran, at walang sinuman ang makakatanggi nito. Halimbawa, sabihin nang may isang trabaho na maaaring makumpleto ng isang tao sa isang buwan. Kung aabutin ng anim na buwan para magawa ang trabahong ito, hindi ba’t bumubuo ng kawalan ang mga gastusin sa natitirang limang buwan? Hayaan ninyo Akong magbigay ng isang halimbawa tungkol sa pangangaral ng ebanghelyo. Sabihin nang handa ang isang tao na saliksikin ang tunay na daan at maaari siyang mahikayat sa isang buwan lang, pagkatapos ay papasok siya sa iglesia at patuloy na tatanggap ng pagdilig at pagtustos, at sa loob ng anim na buwan maaari siyang makapagtatag ng pundasyon. Pero kung ang saloobin ng taong nangangaral ng ebanghelyo sa usaping ito ay saloobin ng pagwawalang-bahala at pagiging pabasta-basta, at babalewalain rin ng mga lider at manggagawa ang mga responsabilidad nila, at sa huli ay aabutin ng kalahating taon para mahikayat ang taong iyon, hindi ba’t katumbas ng kalahating taon na ito ang mawawala sa buhay niya? Kung mahaharap siya sa malalaking sakuna at hindi pa siya nakapagtatag ng pundasyon sa tunay na daan, malalagay siya sa panganib, at hindi ba’t mabibigo siya ng mga taong iyon kung gayon? Ang gayong kawalan ay hindi masusukat sa pera o mga materyal na bagay. Maaantala ng mga taong iyon ang pagkaunawa ng taong iyon sa katotohanan nang kalahating taon; mapapatagal nila ang pagtatag niya ng pundasyon at ang pagsimula sa paggampan ng tungkulin niya nang kalahating taon. Sino ang mananagot para dito? Kaya bang akuin ng mga lider at manggagawa ang responsabilidad para dito? Walang sinuman ang kayang pasanin ang responsabilidad para sa pag-antala sa buhay ng isang tao. Dahil walang makakapasan sa responsabilidad na ito, ano ang angkop na gawin ng mga lider at manggagawa? Apat lang na salita: Gawin ang abot ng makakaya ninyo. Gawin ang abot ng makakaya ninyo para gawin ang ano? Para tuparin ang sarili ninyong mga responsabilidad, gawin ang lahat ng makikita ninyo gamit ang sarili ninyong mga mata, mag-isip sa inyong isipan, at magkamit gamit ang sarili ninyong kakayahan. Ito ang paggawa sa abot ng makakaya ninyo, ito ay pagiging tapat at responsable, at ito ang responsabilidad na dapat tuparin ng mga lider at manggagawa. Hindi itinuturing ng ilang lider at manggagawa ang pangangaral ng ebanghelyo bilang isang seryosong usapin. Iniisip nila, “Maririnig ng mga tupa ng Diyos ang boses ng Diyos. Pagpapalain ang sinumang magsiyasat at tumanggap; hindi pagpapalain ang sinumang hindi magsiyasat at tumanggap, at nararapat na mamatay sa isang sakuna!” Hindi nagpapakita ng pagsasaalang-alang ang mga huwad na lider sa mga layunin ng Diyos, at hindi sila nagdadala ng pasanin para sa gawain ng ebanghelyo; hindi rin sila umaako ng responsabilidad para sa mga bagong dating na kakapasok lang sa iglesia, at hindi nila sineseryoso ang buhay pagpasok ng mga hinirang ng Diyos—palagi silang nakatuon sa pagpapasasa sa mga benepisyo ng katayuan nila. Gaano man karaming tao ang magsiyasat sa tunay na daan, hindi talaga sila nakakaramdam ng pagkabalisa, palaging mayroong isang mentalidad ng pagraraos ng gawain, kumikilos tulad ng isang retiradong emperador opisyal. Gaano man kahalaga o kaapurahan ang gawain, hindi sila nagpapakita sa eksena, at hindi sila nagtatanong at hindi nila inuunawa ang sitwasyon ng gawain, o hindi sila sumusubaybay sa gawain at lumulutas ng mga problema. Nagsasaayos lang sila ng mga gampanin at iniisip na ganap nang tapos ang trabaho nila, at naniniwala silang binubuo nito ang paggawa ng gawain. Hindi ba ito pagiging pabasta-basta? Hindi ba ito panlilinlang kapuwa ang mga nasa itaas at ibaba nila? Angkop ba ang gayong mga lider at manggagawa para gamitin ng Diyos? Hindi ba’t katulad lang sila ng mga opisyal ng malaking pulang dragon? Iniisip nila, “Ang pagiging isang lider o manggagawa ay parang paghawak lang ng isang katungkulan, at dapat tamasahin ng isang tao ang mga benepisyo ng katayuang ito. Nagbibigay sa akin ng pribilehiyong ito ang paghawak ng katungkulan, nagtatangi sa akin mula sa pagdalo para sa lahat ng usapin. Kung palagi akong nasa eksena, nagsusubaybay ng gawain at inuunawa ang sitwasyon, nakakapagod iyon, nakakapanliit! Hindi ko matatanggap ang gayong pagkapagod!” Ganito mismo gumawa ang mga huwad na lider at huwad na manggagawa, nababahala lang sa pag-iimbot ng kaginhawahan at pagtatamasa ng mga benepisyo ng katayuan nang hindi gumagawa ng anumang totoong gawain, at ganap na walang anumang konsensiya o katwiran. Dapat talagang itiwalag ang gayong mga linta, at kahit na parusahan sila, nararapat ito sa kanila! Sa kabila ng maraming taon ng paggawa ng gawain ng iglesia, hindi alam ng ilang lider at manggagawa kung paano ipangaral ang ebanghelyo, lalong hindi nila alam kung paano magpatotoo. Kung hihilingin mo sa kanila na makipagbahaginan sa mga potensyal na tatanggap ng ebanghelyo tungkol sa lahat ng katotohanan patungkol sa mga pangitain ng gawain ng Diyos, hindi nila ito kaya. Kapag tinanong sila, “Nagsumikap ka na ba kailanman na sangkapan ang sarili mo gamit ang katotohanan ng mga pangitain?” nagbubulay ang mga huwad na lider, “Bakit dapat akong magsumikap nang gayon? Sa mataas kong katayuan, hindi para sa akin ang gampaning iyon; maraming iba ang gagawa nito.” Sabihin mo sa Akin, anong uri ng nilalang sila? Gumagawa sila ng gawain ng iglesia sa loob ng maraming taon, pero hindi nila alam kung paano ipangaral ang ebanghelyo. At pagdating sa pagpapatotoo, dapat silang maghanap ng isang tagapangaral ng ebanghelyo na gagawa nito para sa kanila. Kung hindi kaya ng mga lider at manggagawa na ipangaral ang ebanghelyo, magpatotoo, o makipagbahaginan sa mga tao tungkol sa mga katotohanan patungkol sa mga pangitain, ano ang kaya nilang gawin? Ano ang mga responsabilidad nila? Naisakatuparan ba nila ang mga ito? Hindi ba nagpaparaos lang sila sa kung ano na ang mayroon sila? Ano ba ang mayroon sila? Sino ang nagpahintulot sa kanila na magparaos sa kung ano na ang mayroon sila? Hindi man lang nagmasid at nakinig kailanman ang ilang superbisor ng pangkat ng mga taga-ebanghelyo sa iba na nangangaral ng ebanghelyo. Ayaw nilang makinig; hindi sila maaabala, nakakabagabag ito sa tingin nila, at wala silang pagpapasensiya. Mga lider sila, hindi mo ba alam—mga opisyal, walang kulang—kaya hindi nila ginagawa ang mga espesipikong gampaning ito; ipinapagawa nila ang mga ito sa mga kapatid. Ipagpalagay nang nakatagpo ang ilang manggagawa sa ebanghelyo ng isang taong mataas ang kakayahan, na hinaharap ang lahat ng bagay nang may pagsisigasig, at na nagnanais na maunawaan ang ilang espesipikong katotohanan tungkol sa mga pangitain. Hindi kaya ng mga manggagawa sa ebanghelyo na magbahagi nang ganap na malinaw, kaya hinihiling nila sa lider nila na gawin ito. Natagpuan ng lider ang mga sarili nila na wala silang masabi, at nagdadahilan pa nga, sinasabi, “Hindi pa ako mismong nakagawa ng ganitong gawain. Gawin ninyo ito; susuportahan ko kayo. Kung lilitaw ang anumang mga problema, tutulungan ko kayong ayusin ang mga ito; sinusuportahan ko kayo. Huwag kayong mag-alala. Ano ang dapat ninyong katakutan kapag kasama natin ang Diyos? Kapag hinahanap ng isang tao ang tunay na daan, puwede kayong magpatotoo o magbahagi tungkol sa mga katotohanan ng mga pangitain. Responsible lang ako para sa pagbabahagi tungkol sa mga katotohanan ng buhay pagpasok. Ang gawain ng pagpapatotoo ay ang mabigat ninyong pasanin na dapat ninyong dalhin, huwag kayong umasa sa akin.” Sa tuwing darating ang napakahalagang sandali ng pagpapatotoo sa pangangaral ng ebanghelyo, nagtatago sila. Batid nilang ganap na wala sila ng katotohanan, kaya bakit hindi sila nagsusumikap na sangkapan ang mga sarili nila gamit ito? Gayong alam nilang ganap na wala sila ng katotohanan, bakit palagi silang desperadong nagsusumikap na maging mga lider? Wala silang anumang talento, at gayunma’y may apdo silang kumuha ng anumang posisyon ng katungkulan—kukunin pa nga nila ang papel ng emperador kung hahayaan mo sila—masyado silang walang-hiya! Anuman ang antas ng pamumuno na hahawakan nila, hindi nila kayang gumawa ng totoong gawain, pero nangangahas silang tamasahin ang mga benepisyo ng katayuan nang walang anumang mga kirot ng konsensiya. Hindi ba sila mga ganap na walang-hiya? Katanggap-tanggap pa kung hiniling silang magsalita sa isang wikang banyaga at hindi nila kaya; pero posible dapat ang pagbabahagi sa wikang katutubo nila tungkol sa mga katotohanan ng mga pangitain at sa mga layunin ng Diyos, hindi ba? Maaaring mapagbigyan ang mga taong nanampalataya lang sa loob ng tatlo hanggang limang taon para sa kawalan ng kakayahang magbahagi tungkol sa katotohanan. Pero may ilang nananampalataya na sa Diyos sa loob ng halos 20 taon at kahit papaano ay hindi pa rin nila kayang magbahagi tungkol sa mga katotohanan ng mga pangitain—hindi ba’t mga walang-silbing indibidwal ang gayong mga tao? Hindi ba’t mga wala silang kwenta? Nagigilalas Akong marinig na nananampalataya sa Diyos ang isang tao sa loob ng marami nang taon, pero hindi niya alam kung paano magbahagi tungkol sa mga katotohanan ng mga pangitain. Ano ang nararamdaman ninyong lahat pagkatapos marinig ito? Hindi ba’t mahirap itong paniwalaan? Paano nila ginagawa ang gawain nila sa lahat ng taon na ito? Kapag hinihiling sa kanila na magbigay ng paggabay para sa paggawa ng musika, hindi nila alam kung paano, at sinasabing masyadong mahirap ang bahaging ito ng pagkadalubhasa, na hindi ito isang bagay na mauunawaan ng karaniwang tao. Kapag hinihiniling sa kanila na magbigay ng paggabay sa gawain ng paggawa ng obra, o sa gawain ng paggawa ng pelikula, sinasabi nilang humihingi ang mga trabahong ito ng antas ng teknikal na kasanayan na masyadong mataas para mangasiwa sila. Kapag hinihiling sa kanila na magsulat ng mga artikulo ng patotoong batay sa karanasan, sinasabi nilang masyadong mababa ang antas ng kanilang pinag-aralan at hindi nila alam kung paano isulat ang mga ito, at na hindi sila kailanman nagsanay rito. Kung hindi nila kayang gawin ang ganitong mga uri ng mga trabaho, mapapatawad ito, pero likas na bahagi ng tungkulin nila ang gawain ng ebanghelyo. Labis silang pamilyar sa gawaing ito—hindi ba’t madali dapat ito para sa kanila? Ang pinakamahalagang aspekto ng pagbabahagi tungkol sa mga katotohanan ng mga pangitain ay ang malinaw na pagbabahagi tungkol sa katotohanan ng tatlong yugto ng gawain. Sa una, walang gaanong karanasan ang mga tao sa paggawa nito at maaaring hindi nila maibahagi iyon nang mabuti, pero sa pagsasanay nito sa paglipas ng panahon, kakayanin nilang maging mas mahusay sa pakikipagbahaginan habang lalo nilang ginagawa ito, na kakayanin nilang magsalita sa isang organisadong paraan, nang may tumpak at malinaw na wika, at mahusay na paraan ng pagpapahayag. Hindi ba’t isa itong partikular na bahagi ng gawain ng pagkadalubhasa na dapat maunawaang lubos ng mga lider? Hindi ito tulad ng pagpupuwersa sa isang elepante na lumipad, hindi ba? (Hindi, hindi nga.) Pero walang kakayahan ang gayong mga huwad na lider para gawin maging ang kaunting gawaing ito. At gayunman, nagseserbisyo pa rin sila bilang mga lider? Ano ang ginagawa nila para okupahan pa rin ang posisyong iyon? Sinasabi ng ilang tao, “Isa akong tao na magulo at hindi malinaw ang pag-iisip, walang lohika, at hindi ako ganoon kahusay sa pakikipag-usap tungkol sa mga katotohanan ng mga pangitain.” Kung gayon, kaya mo bang tukuyin at lutasin ang iba’t ibang kapintasan at paglihis na nangyayari sa gawain ng ebanghelyo? Kung di mo matutukoy ang mga ito, tiyak na hindi mo rin malulutas ang mga ito. Kapag ang mga huwad na lider ang namamahala sa gawain ng ebanghelyo, wala silang anumang papel na ginagampanan sa pagsusuri at pangangasiwa; hinahayaan lang nilang gawin ng mga nasa ilalim nila ang nais nila, kaya nakakagawa ang sinuman ng mga bagay ayon sa gusto niya, at nakakapangaral sa sinumang gusto niya—ganap na walang mga prinsipyo o pamantayan na inilalapat. Kumikilos nang padalos-dalos ang ilang tao, nang walang katwiran at lalong walang mga prinsipyo kapag gumagawa ng mga bagay, at walang pakundangang nagsasagawa ng mga maling gawa. Ganap na nabibigo ang mga huwad na lider na mahanap o matukoy ang mga isyung ito.
Sinasabi na sa Timog Amerika at Aprika, dinala ang ilang maralita sa kawan sa pamamagitan ng gawain ng ebanghelyo. Walang regular na kinikita ang mga taong ito, at nagdudulot ng mga problema maging ang pagkuha ng sapat na pagkain at ang pamumuhay. Kaya, ano ang dapat gawin? May isang lider na nagsabi, “Layunin ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan, at para maligtas ito, dapat munang magkaroon ng makakain ang isang tao, tama ba? Hindi ba’t dapat magbigay ng kaluwagan ang sambahayan ng Diyos kung gayon? Kung nananampalataya sila sa Diyos, puwede tayong mamahagi ng ilang aklat ng mga salita ng Diyos sa kanila. Wala silang mga kompyuter o telepono, kaya ano ang dapat nating gawin kung hihilingin nilang gumampan ng mga tungkulin? Magsagawa kayo ng ilang pagsisiyasat, tingnan ninyo kung taos-puso silang handa na gumampan ng mga tungkulin.” Sa pagsisiyasat, natuklasan na kasalukuyang walang pera ang mga taong ito, pero kung may pera sila at mabubusog sa pagkain, magiging handa silang humayo at ipangaral ang ebanghelyo at gampanan ang tungkulin nila. Matapos maunawaan ang mga sitwasyong ito, nagsimulang mamahagi ang mga lider ng mga pondong pantulong, nang nagbibigay ng mga ito buwan-buwan. Ang pagkain at matutuluyan, at maging ang mga bayad sa internet, at ang pagbili ng mga telepono, kompyuter, at iba pang kasangkapan para sa mga taong ito ay binayarang lahat gamit ang pera ng sambahayan ng Diyos. Ang pamamahagi ng pera sa mga taong ito ay hindi naglayong ipalaganap ang gawain ng ebanghelyo, kundi sa halip, naglayon itong magbigay ng kaluwagan para sa pamumuhay nila. Naaayon ba ito sa mga prinsipyo? (Hindi, hindi nga.) May panuntunan ba ang sambahayan ng Diyos na, kapag nangangaral ng ebanghelyo at nakakatagpo ng mga maralitang walang kabuhayan, hangga’t kaya nilang tanggapin ang yugtong ito ng gawain, dapat silang bigyan ng tulong? May ganoon bang prinsipyo? (Wala.) Kung gayon, sa anong prinsipyo namahagi ang lider na ito ng mga pondong pantulong sa kanila? Dahil ba ito sa akala niya na may pera ang sambahayan ng Diyos pero walang mapaggugugulan nito, o dahil ba itinuring niya ang mga taong ito bilang masyadong kaawa-awa, o ito ba ay sa pag-asang tutulong ang mga taong ito na ipalaganap ang ebanghelyo? Ano nga ba layunin niya? Ano ang sinusubukan niyang makamit? Pagdating sa pamamahagi ng mga telepono, kompyuter, at mga gastusin sa pamumuhay, nagpakita siya ng matinding kasiyahan; ikinagalak niyang makibahagi sa gayong gawain na nagbigay ng benepisyo sa iba, dahil pinahintulutan siya nitong makakuha ng pabor sa mga taong ito at mawagi ang mga puso nila, at partikular siyang gumugol sa ganitong mga uri ng mga gampanin, lalong nagpapatuloy at wala ni isang onsa ng kahihiyan. Paggamit ito ng pera ng Diyos para makakuha ng pabor sa mga tao at bilhin ang pagmamahal nila. Sa katunayan, hindi tunay na nananampalataya sa Diyos ang mga maralitang ito; sinusubukan lang nilang busugin ang mga sikmura nila at humanap ng paraan para mamuhay. Hindi naglalayon ang gayong mga tao na makamit ang katotohanan o kaligtasan. Ililigtas ba ng Diyos ang mga taong ito? Ang ilan, kahit na handa silang gampanan ang isang tungkulin, ay hindi naging taos-puso, kundi sa halip, ay naudyukan ng pagnanais para sa mga telepono at kompyuter, para sa mga kaginhawahan sa buhay. Pero walang pakialam dito ang huwad na lider; hangga’t handa ang isang tao na gumawa ng tungkulin, inalagaan siya ng huwad na lider, hindi lang sa pagbigay ng pera para sa tirahan at pagkain, kundi pati na rin sa pagbili ng mga kompyuter, telepono, at iba’t ibang kasangkapan. Pero lumabas na ginampanan ng mga taong ito ang mga tungkulin nila nang walang nakakamit na anumang epekto. Hindi ba nagtatapon lang ng pera ang huwad na lider? Hindi ba niya ginagamit ang pera ng sambahayan ng Diyos para ipakita ang pagkabukas-palad niya? (Oo.) Ito ba ang gawaing dapat gawin ng mga lider at manggagawa? (Hindi.) Hindi ba’t isa itong huwad na lider? Mahilig magkunwaring mabuti, mapagkawanggawa, at mabait ang mga huwad na lider. Kung gusto mong magpakita ng kabaitan, ayos lang, gamitin mo lang ang sariling mong pera! Kung wala silang damit, tanggalin mo ang iyo at ibigay mo ito sa kanila; huwag mong gastusin ang mga handog para sa Diyos! Para sa gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo ang mga handog para sa Diyos, hindi para sa pamamahagi ng mga benepisyong pangkapakanan, at tiyak na hindi para sa pagbibigay ng tulong sa mga maralita. Ang sambahayan ng Diyos ay hindi isang institusyong pangkapakanan. Walang kakayahan sa totoong gawain ang mga huwad na lider, at mas lalong wala silang kakayahang tustusan ang katotohanan o ang buhay. Nakatuon lang sila sa paggamit ng mga handog para sa Diyos para magpamahagi ng mga benepisyong pangkapakanan nang sa gayon ay makakuha sila ng pabor sa mga tao at mapanatili nila ang sarili nilang reputasyon at katayuan. Mga walang-hiyang gastador sila, hindi ba? Kung matutuklasan ang gayong mga huwad na lider, mailalantad at mapipigilan ba sila ng sinuman sa kalaunan? Walang sinuman ang nanindigan para pigilan sila. Kung hindi dahil sa Itaas na siyang nakaalam at pumigil dito, hindi matatapos ang pagsasagawa ng paggamit ng pera ng Diyos para magbigay ng mga benepisyo sa mga tao. Iniuunat ng mga maralitang iyon ang mga kamay nila nang palayo nang palayo, palaging nagnanais ng higit pa. Wala silang kabusugan; gaano man karami ang ibinibigay mo, hindi kailanman ito sapat. Iyong mga taos-pusong nananampalataya sa Diyos ay kayang iwanan ang mga pamilya at karera nila para gampanan ang tungkulin nila upang maligtas sila, at kahit na haharap sila sa mga paghihirap ng buhay, nakakahanap sila ng mga paraan para lutasin ang mga ito sa ganang sarili nila nang hindi palaging humihingi ng mga bagay mula sa sambahayan ng Diyos. Nilulutas nila kung ano ang kaya nila sa ganang sarili nila, at para naman sa kung ano ang hindi nila kayang lutasin, nagdarasal sila sa Diyos at umaasa sa pananalig nila sa karanasan. Iyong mga palaging nagsusumamo sa Diyos, umaasang maglalaan ang sambahayan ng Diyos para sa mga gastusin nila sa pamumuhay at magtutustos sa kanila, ay ganap na walang katwiran! Hindi nila gustong gampanan ang anumang tungkulin pero nais nilang magpakaligaya sa buhay, na ang alam lang ay ang iunat ang mga kamay nila para humingi ng mga bagay mula sa sambahayan ng Diyos, at kahit gayon, hindi kailanman ito sapat. Hindi ba sila mga nanlilimos? At ang huwad na lider—ang hangal na ito—ay patuloy na nagbibigay ng mga benepisyo, at hindi tumitigil, patuloy na nagbibigay-lugod sa mga tao para makuha ang pasasalamat nila, at iniisip pa ngang lumuluwalhati sa Diyos ang gayong mga kilos. Ito ang mga bagay na pinakakasiya-siyang ginagawa ng mga huwad na lider. Kaya, mayroon bang sinuman na makakatukoy sa mga isyung ito, na makakakilatis sa diwa ng mga problemang ito? Nagbubulag-bulagan ang karamihan sa mga lider, iniisip, “Sa anu’t ano man, hindi ako ang namamahala sa gawain ng ebanghelyo, bakit ko dapat pakialaman ang mga bagay na ito? Hindi pera ko ang ginagastos. Hangga’t hindi ginagalaw ang pera sa sarili kong bulsa, ayos lang. Puwede kayong magbigay kung kanino ninyo gusto, ano ang kinalaman nito sa akin? Hindi rin naman napupunta sa pitaka ko ang perang iyon.” Marami ang gayong mga iresponsableng tao sa paligid, pero gaano karami ang may kakayahang itaguyod ang gawain ng sambahayan ng Diyos?
Ngayon, isinasagawa na sa buong mundo ang gawain ng ebanghelyo sa ibayong dagat. Ang ilang bansa ay may mas maraming tao na kayang tanggapin ang katotohanan, habang ang iba ay may mga populasyon ng mas mababang kakayahan, na nagdudulot ng mas kaunting tao na kayang tanggapin ang katotohanan. Walang kalayaan sa pananampalataya ang ilang bansa, na nagpapakita ng malakas na paglaban sa tunay na daan at gawain ng Diyos, at hindi kayang tanggapin ng maraming tao ang katotohanan. Dagdag pa rito, masyadong makaluma ang mga populasyon ng ilang bansa at mahina ang kakayahan nila na hindi nila maunawaan ang katotohanan paano man ito ibinabahagi, at tila nagkukulang sa katotohanan ang mga tao roon. Hindi dapat ipangaral ang ebanghelyo sa gayong mga lugar. Gayumpaman, nabibigo iyong mga nangangaral ng ebanghelyo na makita ang diwa ng problema; hindi sila nangangaral sa mga may kakayahang tanggapin ang katotohanan, iginigiit sa halip na hanapin ang mahihirap na kaso habang binabalewala ang mas madadali. Hindi sila nangangaral sa mga lugar kung saan ipinapalaganap na ang gawain ng ebanghelyo at kung saan madaling mangaral. Sa halip, iginigiit nilang ipangaral ang ebanghelyo roon sa mga mahina at makalumang lugar, mangaral sa mga pangkat ng tao na may pinakamahinang kakayahan, na hindi kayang maarok ang katotohanan, at sa mga pangkat etnikong may mga pinakamabigat na kuru-kuro sa relihiyon at pinakamalakas na paglaban sa Diyos. Hindi ba’t isa itong paglihis? Kunin nating halimbawa ang Hudaismo at ang ilang relihiyong panlahi na may malalim na pagkakaugat, na itinuturing ang Kristiyanismo bilang isang kaaway at inuusig pa nga ito. Sa kaso ng ganitong mga uri ng mga bansa at pangkat etniko, hindi talaga dapat ipangaral ang ebanghelyo. Bakit hindi? Dahil walang saysay ang pangangaral. Kahit na ibuhos mo ang lahat ng lakas-tao, pinansiyal na kagamitan, at materyal na kagamitan, tatlo, lima, o maging sampung taon ang maaaring lumipas nang walang nakikitang anumang mga makabuluhang resulta. Batay sa sitwasyong ito, ano ang puwedeng gawin? Sa una, nang wala namang alam, puwedeng subukan ng isang tao; pero kapag malinaw na nakikita ang mga sitwasyon—na ang pangangaral ng ebanghelyo sa kanila sa malaking halaga ay maaaring hindi naman magbunga ng magagandang resulta sa huli—dapat pumili ang isang tao ng isa pang landas, isang landas na kayang magkamit ng mga resulta. Hindi ba’t isa itong bagay na dapat makilatis ng mga lider at manggagawa? (Oo.) Pero hindi ito nauunawaan ng mga huwad na lider. Pagdating sa kung saan magsisimulang ipalaganap ang ebanghelyo sa ibayong dagat, sinasabi ng ilan, “Simulan muna sa Israel. Dahil ang Israel ang pundasyon para sa unang dalawang yugto ng gawain ng Diyos, dapat itong ipangaral doon. Gaano man ito kahirap, dapat tayong magtiyaga sa pangangaral sa kanila.” Gayumpaman, pagkatapos ng mahabang panahon ng pangangaral, walang mga makabuluhang resulta, na humahantong sa pagkabigo. Ano dapat ang gawin ng mga lider sa panahong ito? Kung isa itong lider na may kakayahan at pasanin, sasabihin niya, “Walang prinsipyo ang pangangaral natin ng ebanghelyo; hindi natin alam kung paano makibagay sa sitwasyon, pero tinatanaw lang natin ang mga bagay batay sa mga imahinasyon natin—masyado tayong walang-muwang! Hindi natin inasahan ang kahangalan, katigasan ng ulo, at kawalan ng katwiran ng mga taong ito. Inisip natin na dahil nananampalataya sila sa Diyos sa loob ng libu-libong taon, sila dapat ang unang makarinig ng ebanghelyo ng Diyos, pero nagkamali tayo; masyado silang di-makatwiran! Sa katunayan, noong ginagawa ng Diyos ang gawain ng pagtubos, sinukuan na Niya ang mga ito. Ang pagbalik at pangangaral natin sa kanila ngayon ay pakikibahagi sa isang walang saysay na pagsisikap; pagtatrabaho ito nang walang kabuluhan at pagkilos nang may kamangmangan. Nagkamali tayo ng pagkaunawa sa mga layunin ng Diyos. Hindi gumagawa ang Diyos sa usaping ito, kaya sa anong paraan natin, bilang mga tao, magagawa ito? Sinubukan na natin, pero paano man tayo nangangaral, hindi nila tinatanggap ang tunay na daan. Dapat nating isuko ito sa ngayon, isantabi sila, at pansamantalang huwag silang pansinin. Kung may mga handang maghanap, tatanggapin natin sila at magpapatotoo tayo sa kanila tungkol sa gawain ng Diyos. Kung walang maghahanap, hindi natin sila kailangang hanapin nang maagap.” Hindi ba’t isa itong prinsipyo ng pangangaral ng ebanghelyo? (Oo.) Kung gayon, kaya bang sumunod ng isang huwad na lider sa mga prinsipyo? (Hindi.) May mahinang kakayahan ang mga huwad na lider at hindi nila kayang kilatisin ang diwa ng isyu; sasabihin nila, “Sinabi ng Diyos na ang mga Israelita ang Kanyang mga taong hinirang. Hindi natin sila kailanman puwedeng sukuan sa anumang oras. Dapat silang mauna; kailangan muna nating mangaral sa kanila bago tayo mangaral sa mga tao sa mga ibang bansa. Kung papalaganapin ang gawain ng Diyos sa Israel, isang dakilang kaluwalhatian iyon! Nagdala ang Diyos ng kaluwalhatian mula Israel hanggang sa Silangan, at dapat nating dalhin ang kaluwalhatiang iyon pabalik sa Israel mula sa Silangan, at hayaan silang makita na nagbalik ang Diyos!” Hindi ba ito isang islogan lang? Naaayon ba ito sa mga katunayan? Ito ang sasabihin ng mga walang espirituwal na pang-unawa. Paano naman iyong mga huwad na lider na walang ginagawang totoong gawain? Hindi sila pumapansin sa mga bagay na ito. Nababagabag ang mga taong nangangaral ng ebanghelyo sa isyung ito sa loob ng mahabang panahon, nahahati sa pagitan ng pagsuko at pagtuloy sa pangangaral, hindi sigurado kung paano magsasagawa. Ganap na walang kamalayan ang mga huwad na lider na isa itong problema. Nakikitang nag-aalala ang mga taong ito sa kawalan ng landas, sinasabi nila, “Ano ang dapat ninyong ipag-alala? Mayroon tayo ng katotohanan at patotoong batay sa karanasan; mangaral lang kayo sa kanila!” Sinasabi ng isa, “Hindi mo nauunawaan, talagang mahirap mangaral sa mga taong ito.” Kapag lumilitaw sa gawain ang mahahalagang isyu na humihiling sa mga lider na lutasin ang mga ito, hamak na sumisigaw pa rin ang mga lider ng mga islogan at bumibigkas ng mga hungkag na salita. Ito ba ang pag-uugaling inaasahan sa mga lider? Kapag tinatanong kung dapat pangaralan ang gayong mga potensyal na tatanggap ng ebanghelyo, sinasabi nila, “Dapat pangaralan ang lahat, lalo na ang mga Israelita, dapat talaga silang pangaralan.” May naririnig pa kayong problema sa mga salitang ito? Alam ba nilang isa itong paglihis, isang kapintasan sa gawain ng ebanghelyo na kailangan nilang pangasiwaan? Walang alam ang mga walang kwentang ito at nandoon pa rin sila na nagbubulalas ng matayog na wika at sumisigaw ng mga islogan, talagang mga wala silang kwentang basura! At gayunma’y iniisip nilang matalas ang isipan sila, at na may kakayahan at matalino sila. Ni hindi man lang nila batid na lumitaw sa gawain ang gayong malaking kapintasan at paglihis; kaya pa kaya nilang simulang lutasin ito? Malamang mas lalong hindi magkagayon. Labis-labis na nag-aalala iyong lahat ng nangangaral ng ebanghelyo; naapektuhan, nahadlangan, at hindi makausad nang maayos ang gawain ng ebanghelyo, at nakakagulat na walang alam ang mga huwad na lider tungkol sa paglihis na nangyayari sa gawain. Kapag nahaharap sa mga problema o paglihis sa gawain, ang karamihan sa mga tao ay kadalasang walang pakialam, hindi nakakapansin, at matigas pa rin ang ulo na nagpupumilit sa maling pamamaraan nang talagang magulo at walang pakundangan. Kung hindi rin maagap na uunawain at aalamin ng mga lider at manggagawa ang sitwasyon, sa oras na naging malubha ang problema at naapektuhan nito ang pag-usad ng gawain, at matutuklasan ng karamihan sa mga tao ang problema, natutulala ang mga lider at manggagawa. Dahil ito sa pagpapabaya ng tungkulin ng mga lider at manggagawa. Kaya, paano nila maiiwasan ang gayong malulubhang kahihinatnan? Dapat na regular na suriin ng mga lider at manggagawa ang gawain, at maagap na unawain ang kasalukuyang katayuan at pag-usad ng gawain. Kung matutuklasan itong hindi mataas ang kahusayan sa gawain, dapat nilang tingnan kung aling bahagi ang may mga kapintasan at problema, at pagbulayan nila: “Sa ngayon, mukhang abala ang mga taong ito, pero bakit walang anumang malinaw na kahusayan?” Tulad ng gawain ng pangkat ng mga taga-ebanghelyo; napakaraming tao ang nangangaral ng ebanghelyo at nagpapatotoo araw-araw, kasama ang ilang tao na nakikipagtulungan sa gawaing ito, kaya bakit hindi marami ang taong nakukuha bawat buwan? Anong bahagi ang may problema? Sino ang nagdudulot ng problema? Paano nabuo ang paglihis na ito? Kailan ito nagsimula? Kailangan kong pumunta sa bawat pangkat para alamin kung ano ang ginagawa ng lahat ngayon, kung kumusta ang mga kasalukuyang potensyal na tatanggap ng ebanghelyo, at kung tumpak ang direksyon ng pangangaral ng ebanghelyo; kailangan kong alamin ang lahat ng ito.” Sa pamamagitan ng pagkonsulta, pakikipagbahaginan, at pagtalakay, unti-unting lumilitaw ang mga paglihis at kapintasan sa gawain. Sa sandaling natuklasan ang isang problema, hindi ito puwedeng pabayaan lang; dapat itong malutas. Kaya, anong uri ng mga lider ang kayang makatuklas ng ilang problema, paglihis, at kapintasan na lumilitaw sa gawain? Kinakailangang magdala ng pasanin ang mga lider na ito, at maging masigasig, at makisangkot sa bawat detalye ng partikular na gawain; subaybayan, unawain, at alamin ang bawat bahagi; tiyakin kung ano ang ginagawa ng lahat, kung anong bilang ng mga tao ang angkop para sa paggawa ng aling gampanin, kung sino ang mga superbisor, kung ano ang kakayahan ng mga taong ito, at kung ginagawa nila ang gawain nila nang maayos o hindi, at kung ano ang itsura ng kahusayan nila, kung paano umuusad ang gawain, at iba pa—dapat tiyakin ang lahat ng bagay na ito. Dagdag pa rito, ang pinakamahalagang bahagi ng gawain ng ebanghelyo ay kung taglay ng mga tagapangaral ng ebanghelyo ang katotohanan o hindi, kung kaya nilang magbahagi nang malinaw tungkol sa mga katotohanan ng mga pangitain para malutas ang mga kuru-kuro at problema ng mga tao, kung kaya nilang ibigay ang wala sa mga potensyal na tatanggap ng ebanghelyo para makumbinsi sila nang mabuti, at kung kaya nilang gumamit ng pang-usapang paraan sa pagbabahagi nila ng katotohanan, para mas marinig ng mga potensyal na tatanggap ng ebanghelyo ang boses ng Diyos. Halimbawa, kung gusto ng isang potensyal na tatanggap ng ebanghelyo na matuto tungkol sa mga katotohanan hinggil sa kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos, pero palaging nagsasalita ang isang partikular na tagapangaral ng ebanghelyo tungkol sa kabuluhan ng gawain ng Diyos at tungkol sa kung ano ang mga kuru-kuro sa relihiyon, hindi ba’t isa itong problema? Kung gusto lang ng isang tao na matuto tungkol sa kung paano siya maililigtas at kung ano ang nilalaman ng plano ng pamamahala ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan, hindi ba’t ito ang panahon para magbahagi tungkol sa mga katotohanan ng pangitain hinggil sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos? (Oo.) Pero patuloy na nagsasalita ang tagapangaral ng ebanghelyo na ito tungkol sa pagkastigo at paghatol ng Diyos, at sa Kanyang paglalantad na kabilang sa mga tiwaling disposisyon ng mga tao ang pagmamataas, panlilinlang, at kabuktutan, at iba pang gayong paksa. Bago tanggapin ng kabilang partido ang gawain ng Diyos, nagsisimula ang tagapangaral ng ebanghelyo na makipag-usap sa kanya tungkol sa pagkastigo at paghatol, nang inilalantad ang mga tiwali niyang disposisyon. Bilang resulta, nasusuklam ang tao, hindi niya nakukuha ang gusto niya, at nananatiling hindi nalutas ang mga problema niyang nangangailangan ng paglutas; nawawalan siya ng interes at hindi nagiging handa na magpatuloy sa pagsisiyasat. Hindi ba’t isa itong problema sa tagapangaral ng ebanghelyo? Hindi nauunawaan ng tagapangaral ng ebanghelyo ang katotohanan, o wala siyang espirituwal na pang-unawa, at sa gayon ay ganap niyang hindi batid kung ano ang kinakailangan ng ibang tao, nabibigong makagawa ng isang punto kapag nagsasalita siya, nagpapaliguy-ligoy nang pagkahaba-haba, at talagang hindi nilulutas ang mga isyu ng potensyal na tatanggap ng ebanghelyo—paano sila posibleng makakuha ng mga tao sa ganitong paraan ng pangangaral ng ebanghelyo?
Binabalewala ng mga huwad na lider ang anumang mga isyung kinakaharap nila sa gawain nila. Anuman ang mga problemang lumilitaw sa gawain ng ebanghelyo, at paano man ginugulo at inaapektuhan ng masasamang tao ang gawaing ito, hindi nila pinapansin ang anuman nito, na parang wala itong kinalaman sa kanila. Magulo ang isip ng mga huwad na lider sa gawain nila; may mga resulta man ang isang partikular na indibidwal o sumusunod siya sa mga prinsipyo sa tungkulin niya, hindi siya naglalaan ng pangangasiwa o pagsusuri, na nagpapahintulot sa mga tao na malayang kumilos anuman ang mga kahihinatnan. Nagdudulot ito ng di-kailanmang pagkalutas ng mga paglihis at kapintasang lumilitaw sa gawain ng ebanghelyo, at humahantong ito sa paglayo ng di-mabilang na mga tao na naghahanap sa tunay na daan, hindi maidala sa harap ng Diyos sa lalong madaling panahon. Matapos tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, sinasabi ng ilang tao, “Ang totoo, may nangaral sa akin ng ebanghelyo tatlong taon na ang nakakaraan. Hindi naman sa ayaw ko itong tanggapin o sa naniwala ako sa negatibong propaganda; napaka-iresponsable lang ng tao na nangaral sa akin. Hindi niya masagot ang mga tanong ko, at hindi siya malinaw sa pakikipagbahaginan noong hinanap ko ang katotohanan, nagsasabi lang ng ilang walang-kwentang salita. Bilang resulta, ang nagawa ko lang ay umalis sa pagkadismaya.” Pagkalipas ng tatlong taon, matapos ang pagsisiyasat online at gayon ang paghahanap at pakikipagbahaginan kasama ang mga kapatid, nilulutas ng mga taong ito ang lahat ng kuru-kuro at pagkalito sa mga puso nila isa-isa, ganap na nagpapatunay na ang Diyos ang nagpapakita at gumagawa ng gawain, at tinatanggap nila ito. Ito ang pagtanggap nila sa gawain ng Diyos sa pamamagitan ng sarili nilang paghahanap at pagsisiyasat. Kung malinaw na nakapagbahagi ang taong nangangaral ng ebanghelyo tungkol sa katotohanan at nalutas niya ang mga kuru-kuro at tanong nila tatlong taon na ang nakakaraan, mas maaga sana nila itong tinanggap nang tatlong taon. Napakaraming paglago ng buhay ang naantala sa tatlong taon na ito! Dapat itong ituring na pagpapabaya ng tungkulin sa bahagi ng mga nangangaral ng ebanghelyo at direkta itong nauugnay sa hindi nila pagkaunawa sa katotohanan. Talagang hindi lang nakatuon ang ilang manggagawa sa ebanghelyo sa pagsasangkap ng mga sarili nila gamit ang katotohanan, na kaya lang na magbulalas ng ilang doktrina nang hindi nakakalutas ng mga kuru-kuro o aktuwal na isyu ng mga tao. Bilang resulta, hindi tinatanggap ng maraming tao ang ebanghelyo sa napapanahong paraan kapag naririnig nila ito, inaantala ang paglago nila sa buhay nang ilang taon. Dapat sabihin na responsable para rito ang mga lider na namamahala sa gawain ng ebanghelyo dahil sa kulang nilang paggabay at hindi sapat na pangangasiwa. Kung tunay na may pasanin ang mga lider at manggagawa at kaya nilang magtiis ng kaunti pang pagdurusa, magsagawa ng higit pang pagbabahagi tungkol sa katotohanan, at magpakita ng kaunting pang katapatan, malinaw na nagbabahagi tungkol sa lahat ng aspekto ng katotohanan, nang sa gayon ay kayanin ng mga manggagawang iyon sa ebanghelyo na magbahagi tungkol sa katotohanan para malutas ang mga kuru-kuro at pagdududa ng mga tao, bubuti nang bubuti ang mga resulta ng pangangaral ng ebanghelyo. Magpapahintulot ito sa mas maraming tao na nagsisiyasat sa tunay na daan para mas maagang tanggapin ang gawain ng Diyos at bumalik sa harap ng Diyos para mas agarang matanggap ang Kanyang kaligtasan. Naaantala ang gawain ng iglesia dahil lang ang mga huwad na lider ay lubhang pabaya sa mga tungkulin nila, hindi gumagawa ng totoong gawain o sumusubaybay at nangangasiwa sa gawain, at hindi kayang magbahagi tungkol sa katotohanan para ayusin ang mga problema. Siyempre, ito rin ay dahil ang mga huwad na lider na ito ay nagpapasasa sa mga benepisyo ng katayuan, talagang hindi hinahangad ang katotohanan, at hindi handang subaybayan, pangasiwaan, o direktahan ang gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo—na ang resulta ay mabagal ang pag-usad ng gawain, at maraming gawang-taong paglihis, kawalan ng katwiran, at walang-pakundangang maling gawa ang hindi maagap na natutuwid o nalulutas, na lubhang nakakaapekto sa kahusayan ng pagpapalaganap ng ebanghelyo. Kapag natuklasan lang ng Itaas ang mga problemang ito at sinabihan ang mga lider at manggagawa na dapat nilang ayusin ang mga ito, matutuwid ang mga problemang ito. Tulad ng mga bulag na tao, hindi kaya ng mga huwad na lider na ito na makatuklas ng anumang mga problema, at talagang walang mga prinsipyo sa paraan nila ng paggawa ng mga bagay, at gayunma’y wala silang kakayahang matanto ang sarili nilang mga pagkakamali, at inaamin lang nila ang mga kamalian nila kapag pinungusan sila ng Itaas. Kaya sino ang may kakayahang akuin ang responsabilidad para sa mga kawalang idinulot ng mga huwad na lider na ito? Kahit na tanggalin sila mula sa mga posisyon nila, paano mababawi ang mga kawalang idinulot nila? Kaya’t kapag natuklasan na may mga huwad na lider na walang kakayahang gumawa ng anumang totoong gawain, dapat silang tanggalin nang maagap. Sa ilang iglesia, talagang mabagal ang pag-usad ng gawain ng ebanghelyo, at dahil lang ito sa mga huwad na lider na hindi gumagawa ng totoong gawain, pati na rin sa masyadong maraming pagkakataon ng pagpapabaya at pagkakamali sa bahagi nila.
Sa lahat ng iba’t ibang aytem ng gawain na ginagawa ng mga huwad na lider, talagang marami ang isyu, paglihis, at kapintasan na kailangan nilang lutasin, ituwid, at remedyuhan. Gayumpaman, dahil walang esensiya ng pasanin ang mga huwad na lider na ito, nagpapasasa lang sa mga benepisyo ng katayuan nila nang walang ginagawang anumang totoong gawain, dumarating sila sa puntong nagugulo nila ang gawain. Sa ilang iglesia, hindi nagkakaisa ang mga tao sa mga isipan nila, na pinaghihinalaan, nagbabantay laban sa, at pinapahina ang isa’t isa, samantalang natatakot na matiwalag ng sambahayan ng Diyos. Kaharap ang mga sitwasyong ito, hindi kumikilos ang mga huwad na lider para lutasin ang mga ito, nabibigong gumawa ng anumang totoo, espesipikong gawain. Humihinto ang gawain ng iglesia, pero hindi sumasama ang loob ng mga huwad na lider sa anuman nito, naniniwala pa ring gumawa na sila mismo ng maraming gawain at hindi nila naantala ang gawain ng iglesia. Walang kakayahan sa diwa ang gayong mga huwad na lider na gampanan ang gawain ng pagbibigay ng buhay, ni hindi nila kayang maglutas ng mga aktuwal na problema ayon sa katotohanan. Nagsasagawa lang sila ng kaunting gawain ng ugnayang pangkalahatan na espesyal na itinalaga at itinakda ng Itaas. Pagdating sa mahalagang gawain ng iglesia na palaging hinihingi ng Itaas—tulad ng gawain ng pagbibigay ng buhay at ng gawain ng paglilinang ng mga tao—0 mga partikular na espesyal na gampaning idinirekta ng Itaas, hindi nila alam kung paano ito gawin at hindi nila ito kayang gawin. Iniaatas lang nila ang mga gampaning ito sa iba at gayon ay itinuturing na nilang tapos ang trabaho nila. Mismong gumagawa sila kung paano sila binilinan ng Itaas, at kumikilos nang kaunti kapag inudyok lang; kung hindi, tamad at pabasta-basta sila—isa itong huwad na lider. Ano ang isang huwad na lider? Sa buod, isa itong tao na hindi gumagawa ng totoong gawain, na hindi ginagawa ang trabaho niya bilang isang lider, nagpapakita ng ganap na pagpapabaya ng tungkulin sa kritikal at mahalagang gawain at hindi kumikilos—isa itong huwad na lider. Inookupa lang ng mga huwad na lider ang mga sarili nila sa mga paimbabaw na ugnayang pangkalahatan, napagkakamalan itong paggawa ng totoong gawain, at sa aktuwalidad, pagdating sa trabaho nila bilang isang lider at sa kritikal na gawaing itinalaga sa kanila ng sambahayan ng Diyos, hindi nila ginagawa nang maayos ang anuman nito. Dagdag pa rito, madalas na lumilitaw ang mga isyu sa loob ng iba’t ibang aytem ng gawain ng iglesia na humihingi ng paglutas ng lider, pero hindi niya malutas ang mga ito, madalas na gumagamit ng isang mapang-iwas na saloobin, at hindi siya mahahanap ng mga kapatid kapag gusto nilang malutas ang isang isyu. Kung mahahanap nila ang lider, umiiwas sa kanila ang lider sa pagdadahilang masyado siyang abala sa gawain at hinihiling sa mga kapatid na basahin ang mga salita ng Diyos sa sarili nila at hanapin ang katotohanan para malutas ang mga problema nila nang nagsasarili, gumagamit ng pamamaraan kung saan ay wala siyang pakialam. Sa huli, humahantong ito sa isang backlog ng masyadong maraming di-nalutas na isyu, na pumipigil sa pag-usad sa lahat ng aytem ng gawain at nagpapatigil sa gawain ng iglesia. Ito ang kahihinatnan ng hindi paggawa ng mga huwad na lider ng totoong gawain. Hindi kailanman masigasig o masipag ang mga huwad na lider tungkol sa mga pangunahin nilang responsabilidad, ni hindi nila hinahanap ang katotohanan para malutas ang iba’t ibang isyu. Nangangahulugan ito na tiyak na mawawalan ng kakayahan ang mga huwad na lider na gumawa ng totoong gawain at lutasin ang anumang mga isyu. Mahusay ang mga huwad na lider sa pangangaral ng mga salita at doktrina, pagsisigaw ng mga islogan, at panghihimok ng iba, na nakatuon lang sa pag-aabala sa mga sarili nila sa gawain ng ugnayang pangkalahatan. Tungkol sa mahalagang gawain ng iglesia na ipinagkatiwala sa kanila ng sambahayan ng Diyos, tulad ng pagbibigay ng buhay at pagbabahagi tungkol sa katotohanan para lutasin ang mga isyu, hindi nila alam kung paano gawin ang mga ito, hindi nagsasanay para matutunan kung paano, at hindi kayang maglutas ng anumang totoong problema—isa itong huwad na lider.
Kapag binibilinan na gabayan ang gawaing may kinalaman sa teksto tulad ng pagsulat ng mga iskrip, pagsulat ng mga artikulo ng patotoong batay sa karanasan, at iba pang espesipikong gampanin, iniisip ng ilang huwad na lider na dahil paggabay lang ito, hindi nila kailangang gumawa ng anumang kongkretong gawain, kaya sa halip ay nagpapagala-gala sila. “Zhang,” sinasabi nila, “kumusta ang artikulo mo?” “Malapit nang matapos.” “Li, may anumang mga paghihirap ka ba sa pagsusulat ng iskrip na iyan?” “Oo, puwede mo ba akong tulungan lutasin ang mga iyon?” “Pag-usapan ninyo ito sa isa’t isa. Magdasal pa kayo lalo.” Hindi lang nabibigo ang mga huwad na lider na ito sa paggabay at pagtulong sa mga kapatid, hindi rin sila nakatuon sa maayos na paggawa ng sarili nilang trabaho, palaging gumagala-gala, at namumuhay ng isang nakakalibang at komportableng buhay. Sa panlabas, tila sinusuri nila ang gawain, pero ang totoo ay hindi nila nilulutas ang anumang mga problema—talagang hindi sila gumagawa ng totoong gawain! Iyong mahuhusay na opisyal sa ilang bansa sa mundo ng mga walang pananampalataya ay parehong mga tiwaling tao, pero lalo pa nga silang lubos na nakahihigit sa mga huwad na lider na ito, na wala ng pagpapahalaga sa responsabilidad na taglay ng mga opisyal na ito. Halimbawa, kasunod ng pagsiklab ng pandemya, nagsimula ang mga bansa sa buong mundo na magpatupad ng mga hakbang ng pag-iingat. Sa kalaunan, sumang-ayon ang karamihan sa mga bansang ito na epektibo ang mga pagsisikap sa pag-iingat ng Taiwan, na nangangahulugang ginawa ng mga opisyal ng pamahalaan ng Taiwan ang mga gampanin nila sa pagtugon sa pandemya sa mga pinakamataas na pamantayan at nang may sukdulang detalye. Para sa isang bansa ng sekular na mundo, para sa mga opisyal at pulitikong kasama sa tiwaling sangkatauhan, ang pagtupad ng isang gampanin sa mga pinakamataas na pamantayan at nang may gayong sukdulang detalye ay tunay na kahanga-hanga. Maraming opisyal sa Europa ang handang bumisita at matuto mula sa Taiwan; mula sa perspektibang ito, ang mga opisyal ng pamahalaan ng Taiwan ay lubos na nakahihigit sa mga iyon ng ibang mga bansa. Dahil lang sa karamihan sa mga opisyal nila ay may kakayahang gumawa ng kongkretong gawain at kayang ilagay ang puso nila sa pagsasakatuparan ng mga responsabilidad nila, nagpapatunay ito na pasok sa pamantayan ang mga opisyal na ito. Palaging pabasta-basta ang ilang lider at manggagawa sa iglesia kapag ginagampanan ang mga tungkulin nila, at paano man sila pungusan, hindi ito epektibo. Naiisip Kong hindi pa nga tumutugma ang katangian ng mga lider at manggagawang ito sa iyon ng mga opisyal mula sa mundo ng mga walang pananampalataya na kayang gumawa ng aktuwal na gawain. Sinasabi ng karamihan sa kanila na nananampalataya sila sa Diyos at hinahangad ang katotohanan, pero ang totoo, hindi sila handang magbayad ng halaga. Napakaraming katotohanan ang inilalaan sa kanila, pero ganoon ang saloobin nila sa paggampan ng tungkulin nila. Bilang resulta, lahat sila ay nagiging mga huwad na lider at manggagawa, na lubos na nagkukulang kapag ikukumpara sa mga nakahihigit na opisyal sa pamahalaan! Hindi naman talaga mataas ang mga kahingian ko sa mga tao; hindi ko hinihingi na maunawaan ang masyadong maraming katotohanan o magkaroon ng masyadong mataas na kakayahan. Ang pinakamababang pamantayan ay ang pagkilos nang may konsensiya at ang pagtupad ng mga responsabilidad ng isang tao. Kung wala nang iba pa, kung gayon ay sa kaliit-liitan, dapat mong ipamuhay ang pagkain mo sa araw-araw at ang ibinigay na gawain ng Diyos sa iyo; sapat na iyon. Ngunit tapos na ang gawain ng Diyos hanggang ngayon, at kaya ba ng maraming tao na kumilos nang may konsensiya? Nakikita Ko na nagsasalita at kumikilos nang may sinseridad ang ilang opisyal sa mga demokratikong bansa. Hindi sila gumagawa ng mga pagmamalabis o nagsasalita ng matatayog na teorya, lalong metikuloso at tunay ang pananalita nila, at kaya nilang asikasuhin ang maraming totoong usapin. Talagang napakahusay ng gawain nila, tunay na sumasalamin sa integridad at pagkatao nila. Kung titingnan ang karamihan sa mga lider at manggagawa sa iglesia ngayon, sa gawain nila, nagraraos sila ng gawain at pabasta-basta, hindi sila nagkamit ng mga napakagandang resulta, at hindi nila lubusang natupad ang mga responsabilidad nila. Pagkatapos maging mga lider, nagiging mga relihiyoso silang opisyal, may mga mapagmataas silang saloobin at nagbibigay ng mga utos, at hindi sila gumagawa ng totoong gawain! Nakatuon lang sila sa pagpapasasa sa mga benepisyo ng katayuan nila, at hilig nilang sumusunod ang lahat sa kanila at umiikot sa palibot nila. Bihira silang makibahagi nang malalim sa mga pinakamababang antas para maglutas ng mga totoong problema. Sa mga puso nila, lumalayo sila nang lumalayo sa Diyos. Ganap na wala nang pag-asa ang ganitong mga uri ng mga huwad na lider at mga huwad na manggagawa! Nagbahagi ako nang napakabuong-ingat tungkol sa katotohanan, pero hindi ito tinatanggap ng mga lider at manggagawa na ito, pilit silang kumakapit sa mga mali nilang ideya, at hindi sila natitinag. Palaging pabasta-basta ang saloobin nila sa mga tungkulin nila, at wala sila ni katiting na layuning magsisi. Nakikita Ko na ang mga taong ito ay walang konsensiya, walang katwiran, talagang hindi tao! Pagkatapos ay nagbubulay Ako: kailangan pa rin bang makipagbahaginan nang paulit-ulit sa ganitong mga uri ng mga tao tungkol sa mga katotohanang ito? Kailangan Ko bang gawing espesipiko ang pakikipagbahaginan? Kailangan Ko bang tiisin ang pagdurusang ito? Kalabisan ba ang mga salitang ito? Pagkatapos ng kaunting pag-iisip, nagpasya Akong dapat pa rin Akong magsalita, dahil kahit na walang epekto ang mga salitang ito sa mga wala ni katiting na konsensiya o katwiran, kapaki-pakinabang sila para sa mga taong, kahit na medyo mababa ang kakayahan, kayang tanggapin ang katotohanan at taos-pusong gampanan ang mga tungkulin nila. Hindi gumagawa ng totoong gawain ang mga huwad na lider at hindi nila isinasakatuparan ang mga responsabilidad nila, pero iyong mga naghahanap sa katotohanan ay matututo ng mga aral, mabibigyan ng inspirasyon, at makakahanap ng landas para sa pagsasagawa mula sa mga salita at usaping ito. Hindi ganoon kadali ang buhay pagpasok; nang walang sinumang susuporta at maglalaan, nang walang paghihimay at paglilinaw ng bawat aspekto ng katotohanan, napakahina ng mga tao, madalas na natatagpuan ang mga sarili nila sa isang kalagayan ng kawalang-kakayahan at pagkalito, isang kalagayan ng pagiging negatibo at kawalang-kibo. Samakatwid, sa maraming pagkakataon, kapag nakikita ko ang mga huwad na lider na ito, humihina ang loob kong makipagbahaginan sa kanila. Gayumpaman, kapag iniisip ko ang pagdurusang tiniis at ang mga halagang binayaran ng mga taos-pusong nananampalataya sa Diyos at ng mga matapat na gumagampan sa mga tungkulin nila, nagbabago ang Aking isipan. Walang ibang katwiran kundi ito: Kahit na 30 hanggang 50 katao—o sa kaliit-liitan 8 o 10 katao—ang taos-pusong may kayang igugol ang mga sarili nila at maging matapat sa paggampan ng mga tungkulin nila, at handang makinig at magpasakop, sulit ang pagbigkas ng mga salitang ito. Hindi Ako magkakaroon ng motibasyong magsalita at makipagbahaginan sa mga walang konsensiya at katwiran; sobrang nakakapagod at walang saysay ang pakikipag-usap sa mga taong ito. Hindi hinahangad ng karamihan sa inyo ang katotohanan at hindi nagbabayad ng halaga sa mga tungkulin ninyo—wala kayong pasanin o katapatan, nagraraos lang kayo ng gawain sa mga kilos ninyo, at napipilitan kayong gumawa ng mga bagay sa pag-asang magkakamit kayo ng mga pagpapala. Isang di-sana-nararapat na pabor para sa inyo ang pakikinig sa mga salitang ito. Nakikisakay kayo sa mga taos-pusong gumagampan ng mga tungkulin nila, sa mga tunay na nagbabayad ng halaga, sa mga nagtataglay ng katapatan at pasanin, at sa mga handang isagawa ang katotohanan. Para sa mga taong iyon ang mga salitang ito, at nagkakamit kayo ng isang di-sana-nararapat na pabor sa pakikinig sa mga ito. Kung tatanawin mula sa perspektibang ito—ibig sabihin, na ang karamihan sa inyo ay may saloobin ng pagraraos ng gawain nang walang anumang pagsisigasig sa mga tungkulin ninyo—hindi kayo karapat-dapat na makarinig sa mga salitang ito. Bakit hindi kayo karapat-dapat? Dahil kahit makikinig kayo, walang saysay ang lahat ng ito; gaano man karami ang nasasabi o gaano man ito kadetalyado, nagraraos lang kayo ng gawain ng pakikinig, hindi isinasagawa ang mga salitang ito gaano man karami ang nauunawaan ninyo pagkatapos ninyong pakinggan ang mga ito. Kanino dapat sabihin ang mga salitang ito? Sino ang karapat-dapat na makarinig sa mga ito? Iyon lang mga handang magbayad ng halaga, mga kayang igugol nang taos-puso ang mga sarili nila, at mga tapat sa mga tungkulin at atas nila ang karapat-dapat na makinig. Bakit Ko sinasabing karapat-dapat silang makinig? Dahil sa sandaling naunawaan na nila ang kaunting katotohanan pagkatapos makinig, maisasagawa nila ito, at isinasagawa nila kung ano ang nauunawaan nila; hindi sila tuso at hindi sila tamad; at tinatrato nila ang katotohanan at ang mga kahingian ng Diyos nang may saloobin ng sinseridad at pananabik, kayang mahalin at tanggapin ang katotohanan. Kaya, pagkatapos nilang makinig, may epekto ang mga salitang ito sa kanila at nagkakamit ng resulta.
Pebrero 13, 2021