Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 3
Ikatlong Aytem: Ibahagi ang mga katotohanang prinsipyo na dapat maunawaan upang magampanan nang maayos ang bawat tungkulin (Ikalawang Bahagi)
Noong huling pagtitipon, nagsagawa tayo ng karagdagang pagbabahaginan para sa ikalawang responsabilidad ng mga lider at manggagawa, pinag-usapan natin kung ano ang mga paghihirap ng buhay pagpasok, at inilantad ang mga partikular na pagsasagawa at pagpapamalas ng mga huwad na lider. Pagkatapos, tinalakay natin ang ilang usapin tungkol sa ikatlong responsabilidad ng mga lider at manggagawa—ang ibahagi ang mga katotohanang prinsipyo na dapat maunawaan upang magampanan nang maayos ang bawat tungkulin—at inilantad at hinimay kung saan nagpapamalas ang “pagiging huwad” ng mga huwad na lider sa mga saloobin, pagsasagawa, at pagpapamalas ng mga huwad na lider ukol sa mga bagay na ito, sa madaling salita, ang mga pagpapamalas kung paano nabibigo ang mga huwad na lider na gampanan ang mga responsabilidad nila bilang mga lider. Mangyaring itala ninyo ang mga bagay na ito. (Ang isa sa mga iyon ay tungkol sa pag-iimprenta ng mga aklat ng mga salita ng Diyos. Hindi gumawa ang huwad na lider na iyon ng kongkretong gawain, nagsabi lang siya ng mga doktrina sa isang hungkag na paraan. Hindi rin siya partikular na nagbahagi tungkol sa mga katotohanang prinsipyo o gumawa ng ni katiting na tunay na gawain.) Sa bagay na ito, hindi gumawa ng tunay na gawain ang huwad na lider na iyon, nabigo siyang tuparin ang mga responsabilidad niya bilang isang lider at manggagawa, at hindi niya malinaw na ibinahagi ang mga propesyonal na hinihingi, mga partikular na prinsipyo, at mga puntong dapat tandaan na nakapaloob sa gawain. Nagsigaw lang siya ng ilang salawikain at nagsabi ng ilang walang kabuluhang salita, at pagkatapos ay inakala na niyang nakapagtrabaho siya nang mahusay. Ano pa ang tinalakay natin? (Nariyan din ang insidente ng pagbili ng amerikanang puno ng balahibo para sa Diyos.) Anong problema ang inilantad ng insidenteng ito tungkol sa mga huwad na lider? (Inilantad nito na hindi gumagawa ng tunay na gawain ang mga huwad na lider, at na ganap na wala silang pagkatao at katwiran.) Noong may bumili ng damit para sa Akin, tumulong ang mga lider na iyon na magsagawa ng mga pag-iinspeksyon dito—bahagi ba ito ng gawaing dapat gawin ng mga lider at manggagawa? (Hindi, hindi ito bahagi niyon.) Gumawa sila ng gawaing hindi nila dapat gawin—ano ang isyu rito? (Hindi nila inaasikaso ang wastong gawain nila.) Isa itong pagpapamalas ng mga huwad na lider. Una, inilantad nito na hindi inaasikaso ng mga huwad na lider ang wastong gawain nila, at pangalawa, inilantad nito na wala silang katwiran at gumagawa lang ng mga kasuklam-suklam na bagay na walang katwiran at pagkatao. Natatandaan lang ninyo ang mga halimbawa, pero hindi pa ninyo nakikita ang totoo sa mga isyung nilalayong ilarawan ng mga halimbawang ito, o ang diwa ng mga isyung ito na nilalayong himayin ng mga ito. Ano pa ang ibang halimbawang ibinigay Ko tungkol sa hindi pag-aasikaso ng mga huwad na lider sa wastong gawain nila? (Nariyan ang tagagawa ng tinapay na gawa nang gawa ng mga tinapay para sa Diyos. Sinabi ng Diyos sa kanya na huwag itong gawin, pero patuloy siyang hinayaan ng mga lider at mangagawa na gawin iyon, at tinikman pa nga mismo ang mga tinapay.) Anong mga problema ng mga huwad na lider ang inilantad ng halimbawang ito? (Na hindi nila inaasikaso ang wastong gawain nila, o ginagawa ang gawaing dapat nilang gawin, at ipinagpipilitang gawin ang gawaing hindi nila dapat gawin.) Pangunahin nitong inilantad na hindi inaasikaso ng mga huwad na lider ang wastong gawain nila at hindi nila naaarok ang sentro at pokus ng gawain nila. Dagdag pa rito, may malubhang problema ang mga huwad na lider. Ano ito? (Hindi nila sinusunod ang mga salita ng Diyos o ipinatutupad ang gawain ayon sa mga hinihingi ng Diyos.) May gusto pa bang magdagdag? (Nagkukunwari silang espirituwal at nagpapakita ng pagsasaalang-alang sa pasanin ng Diyos, pero sa realidad, nag-aamok lang sila sa paggawa ng masasamang bagay.) Isa pa iyon sa mga problema nila. Mayroon pa ba? (Bago sila kumilos, hindi nila sinusubukang unawain ang mga hinihingi ng Diyos; sa halip, ginagamit nila ang sarili nilang mga guni-guni para palitan ang mga gusto ng Diyos.) Napapailalim ito sa kategorya ng kawalan ng katwiran. Mayroon pa ba? (Ibinunyag ng paraan ng pagharap ng mga huwad na lider sa usapin ng pagbili ng isang tao ng damit para sa Diyos ang kawalan nila ng normal na pagkatao.) Anong aspekto ng normal na pagkatao ang wala sa kanila? Hindi nila nauunawaan ang mga panuntunan kung paano aasal at wala silang modo. Hindi ba’t totoo iyon? (Oo.) Sa katunayan, pangalawa lang itong mga bagay na binanggit ninyo; ano ang pangunahing isyu? Sa sandaling maging mga lider ang mga tao na ito, ninanais nilang matamasa ang mga pakinabang ng katayuan nila at ang espesyal na pagtrato, at nag-iimbot sila ng kaginhawahan. Halimbawa, gusto nilang kumain ng kaunting tinapay, at kapag nakikita nilang magaling magluto ang isang tao, naiisip nilang matikman ang kaunti sa pagkain nito para matugunan ang mga paghahangad nila. Kasuklam-suklam na nga na hindi sila nag-aasikaso ng wastong gawain nila o gumagawa ng tunay na gawain, pero higit pa roon, nag-iimbot sila ng kaginhawahan at ng mga kasiyahan ng katakawan. Ginagamit nila ang palusot ng pagsasagawa ng mga pagtikim at pag-iinspeksyon para sa Diyos para matugunan ang matatakaw nilang pagnanais, nagpapakasasa sa mga pakinabang ng katayuan nila. Ang lahat ng ito ay mga pagpapamalas ng mga huwad na lider. Kahit na hindi masasabing malupit o buktot ang mga pagpapamalas na ito kapag ikinumpara sa disposisyong diwa ng mga anticristo, ang pagkatao ng mga huwad na lider ay sapat na para masuklam ang mga tao. Pagdating sa karakter nila, kulang sila sa pagkakaroon ng konsensiya at katwiran; medyo mababang-uri at kasuklam-suklam ang pagkatao nila, at mababa ang integridad nila. Mula sa mga halimbawang ito, mapapansing hindi kaya ng mga huwad na lider na gumawa ng tunay na gawain. Isa itong katunayan.
Hindi Kayang Ibahagi ng mga Huwad na Lider ang mga Prinsipyo ng Pagganap sa Gawain
Ngayong araw, ipagpapatuloy natin ang paglalantad sa iba’t ibang pagpapamalas ng mga huwad na lider batay sa mga responsibilidad ng mga lider at manggagawa. Ang mga huwad na lider ay talagang walang kakayahang gawin ang mahalaga, kritikal na gawain sa iglesia. Pinapangasiwaan lang nila ang ilang simple, pangkalahatang usapin; walang kritikal o mapagpasyang papel ang gawain nila sa kabuuang gawain ng iglesia, at hindi ito nagbubunga ng mga tunay na resulta. Ang pakikipagbahaginan nila ay pangunahing tumatalakay lang sa mga gasgas at pangkaraniwang paksa, pawang paulit-ulit na salita ito at doktrina at lubha itong walang kabuluhan, malawak, at kulang sa detalye. Ang pakikipagbahaginan nila ay naglalaman lang ng mga bagay na kayang maunawaan ng mga tao kapag literal nilang binabasa ang isang bagay. Hindi man lang kayang lutasin ng mga huwad na lider na ito ang mga tunay na problema ng hinirang na mga tao ng Diyos sa kanilang buhay pagpasok; sa partikular, mas lalong hindi nila kayang lutasin ang mga kuru-kuro, imahinasyon, at pagbubunyag ng mga tiwaling disposisyon. Ang pangunahing bagay ay hindi talaga kayang pasanin ng mga huwad na lider ang mahalagang gawaing isinasaayos ng sambahayan ng Diyos, tulad ng gawain sa ebanghelyo, paggawa ng mga pelikula, o gawaing batay sa teksto. Sa partikular, pagdating sa gawaing nangangailangan ng propesyonal na kaalaman, kahit na alam ng mga huwad na lider na baguhan sila sa mga larangang ito, hindi nila inaaral ang mga ito, hindi rin sila nagsasaliksik, at lalong hindi nila kayang magbigay ng partikular na giya o lutasin ang mga problemang nauugnay sa mga ito. Gayumpaman, walang-kahihiyan pa rin silang nagdaraos ng mga pagtitipon, nagsasalita nang walang katapusan tungkol sa mga walang kabuluhang teorya, at nagsasabi ng mga salita at doktrina. Alam na alam ng mga huwad na lider na hindi nila kayang gawin ang ganitong uri ng gawain, pero nagpapanggap silang mga eksperto, kumikilos nang palalo, at laging gumagamit ng mga engrandeng doktrina para sitahin ang iba. Hindi nila kayang sagutin ang mga tanong ng sinuman, pero naghahanap sila ng mga dahilan at palusot para sitahin ang iba, tinatanong nila kung bakit hindi nila pinag-aaralan ang propesyon, kung bakit hindi nila hinahanap ang katotohanan, at kung bakit hindi nila kayang lutasin ang sarili nilang mga problema. Ang mga huwad na lider na ito, na mga baguhan sa mga larangang ito at hindi kayang lumutas ng anumang problema, ay patuloy pa ring nangangaral sa iba na parang mataas ang posisyon nila. Sa panlabas, mukhang napakaabala nila sa mata ng iba, na parang marami silang kayang gawin at napakagaling nila, pero sa realidad, wala silang kuwenta. Ang mga huwad na lider ay malinaw na walang kakayahang gumawa ng tunay na gawain, pero masigasig silang nagpapakaabala, at palagi nilang sinasabi ang mga gasgas na pahayag sa mga pagtitipon, paulit-ulit ang sinasabi nila, nang walang nalulutas ni isang tunay na problema. Sawang-sawa na ang mga tao rito, at wala talaga silang nakukuhang anumang pagpapatibay mula rito. Ang ganitong uri ng gawain ay labis na hindi epektibo, at wala itong ibinubungang resulta. Ganito gumagawa ang mga huwad na lider, at naaantala ang gawain ng iglesia dahil dito. Gayumpaman, nararamdaman pa rin ng mga huwad na lider na gumagawa sila ng mahusay na gawain at na napakagaling nila, gayong ang totoo ay hindi nila nagawa nang maayos ang alinmang aspekto ng gawain ng iglesia. Hindi nila alam kung ang mga lider at manggagawang nasa saklaw ng responsabilidad nila ay pasok sa pamantayan, at hindi rin nila alam kung ang mga lider at superbisor ng iba’t ibang grupo ay kayang pasanin ang kanilang gawain, at hindi rin nila pinapahalagahan o itinatanong kung may mga problema bang lumitaw sa paggampan ng mga kapatid sa mga tungkulin nila. Sa madaling salita, hindi kayang lutasin ng mga huwad na lider ang anumang problema sa gawain nila, pero nananatili silang masigla habang abala. Sa perspektiba ng ibang tao, ang mga huwad na lider ay kayang sumailalim sa paghihirap, handang magbayad ng halaga, at araw-araw silang abala. Kapag oras na ng pagkain, kailangan pa silang tawagin sa hapag, at natutulog sila nang dis-oras ng gabi. Pero sadyang hindi maganda ang mga resulta ng gawain nila. Kung hindi mo susuriin nang mabuti, sa panlabas ay tila nagagawa ang lahat ng bahagi ng gawain, at abala ang lahat sa paggawa ng mga tungkulin nila, pero kung pagmamasdan mo nang mabuti at magiging mabusisi ka, at susuriin mong maigi ang gawain, mabubunyag ang tunay na sitwasyon. Ang bawat bahagi ng gawain na saklaw ng responsabilidad nila ay magulo, wala man lang itong estruktura o kaayusan. May mga problema—o maging mga butas—sa bawat aspekto ng gawain. Ang paglitaw ng mga problemang ito ay nauugnay sa hindi pagkaunawa ng mga huwad na lider sa mga katotohanang prinsipyo, at sa pagkilos nila batay sa kanilang mga kuru-kuro, imahinasyon, at sigasig. Ang mga huwad na lider ay hindi kailanman nakikipagbahaginan tungkol sa mga katotohanang prinsipyo, at hindi rin nila kailanman hinahanap ang katotohanan para lutasin ang mga problema. Malinaw na wala silang espirituwal na pang-unawa at hindi nila kayang gawin ang gawain ng pamumuno, at kaya lang nilang maglitanya ng mga salita at doktrina pero hindi man lang nila nauunawaan ang katotohanan, pero nagpapanggap silang alam nila ang mga bagay na hindi nila alam at umaasta silang mga eksperto. Ang gawaing ginagawa nila ay pagraos lang sa bagay-bagay. Kapag may lumilitaw na problema, naglalapat sila rito ng mga regulasyon nang walang malinaw na direksiyon. Nagpapakaabala lang sila nang walang malinaw na direksiyon at nang walang anumang ibinubungang mga tunay na resulta. Dahil hindi nauunawaan ng mga huwad na lider na ito ang mga katotohanang prinsipyo, at naglilitanya lang sila ng mga salita at doktrina at nagpapayo lang sila sa iba na sumunod sa mga regulasyon, ang pag-usad ng bawat bahagi ng gawain ng iglesia ay bumabagal at walang nakakamit na malinaw na mga resulta. Ang pinakahalatang kinahihinatnan ng pagkakaroon ng huwad na lider sa gawain nang matagal-tagal na ay na hindi nauunawaan ng karamihan ng tao ang katotohanan, hindi nila alam kung paano kumilatis kapag ang isang tao ay nagbubunyag ng katiwalian o bumubuo ng mga kuru-kuro, at tiyak na hindi nila nauunawaan ang mga katotohanang prinsipyong dapat itaguyod sa paggawa ng mga tungkulin nila. Ang mga gumaganap ng mga tungkulin nila at ang mga hindi ay pawang mga tamad, walang pagpipigil at walang disiplina, at magulo tulad ng nakasabog na buhangin. Karamihan sa kanila ay nakakapagsalita ng ilang salita at doktrina, pero habang ginagawa ang mga tungkulin nila, sinusunod lang nila ang mga regulasyon; hindi nila alam kung paano hanapin ang katotohanan para lutasin ang mga problema. Dahil ang mga huwad na lider mismo ay hindi alam kung paano hanapin ang katotohanan para lutasin ang mga problema, paano nila aakayin ang iba na gawin ito? Anuman ang mangyari sa ibang tao, puwede lang silang payuhan ng mga huwad na lider sa pamamagitan ng pagsasabing, “Dapat maging mapagsaalang-alang tayo sa mga layunin ng Diyos!” “Dapat maging matapat tayo sa paggampan ng mga tungkulin natin!” “Kapag may nangyayari sa atin, dapat matuto tayong magdasal, at dapat nating hanapin ang mga katotohanang prinsipyo!” Madalas na sumisigaw ng mga ganitong islogan at doktrina ang mga huwad na lider, pero wala itong ibinubungang anumang resulta. Matapos marinig ng mga tao ang mga ito, hindi pa rin nila nauunawaan kung ano ang mga katotohanang prinsipyo, at wala silang landas ng pagsasagawa. Sa panlabas, nagdarasal ang mga tao kapag may mga nangyayari sa kanila, at gusto nilang maging tapat sa paggawa ng mga tungkulin nila—pero lahat sila ay walang pagkaunawa sa mga isyung tulad ng kung ano ang dapat nilang gawin para maging tapat sila, kung paano sila dapat magdasal para maunawaan nila ang mga layunin ng Diyos, at paano sila dapat maghanap kapag nahaharap sila sa isang isyu para maunawaan nila ang mga katotohanang prinsipyo. Kapag tinatanong ng mga tao ang mga huwad na lider, sinasabi ng mga huwad na lider, “Kapag may nangyayari sa inyo, magbasa pa kayo ng mga salita ng Diyos, mas magdasal kayo, at mas magbahaginan tungkol sa katotohanan.” Tinatanong sila ng mga tao, “Ano ang mga prinsipyong sumasaklaw sa gawaing ito?” at sinasabi nila, “Walang sinasabi ang mga salita ng Diyos tungkol sa mga usapin ng propesyonal na gawain, at hindi ko rin nauunawaan ang larangang iyon ng gawain. Magsaliksik kayo kung gusto ninyong maunawaan—huwag ninyo akong tanungin. Inaakay ko kayo sa pag-unawa sa katotohanan, hindi sa mga usapin ng propesyonal na gawain.” Ginagamit ng mga huwad na lider ang ganitong uri ng mga salita para umiwas sa mga tanong. At bilang resulta, kahit na ang karamihan ng tao ay may masidhing damdamin para gawin ang mga tungkulin nila, hindi nila alam kung paano kumilos batay sa mga katotohanang prinsipyo, ni hindi nila alam kung paano sumunod sa mga prinsipyo habang ginagampanan ang mga tungkulin nila. Kung titingnan ang mga resulta ng bawat aytem ng gawain sa loob ng saklaw ng responsabilidad ng mga huwad na lider, umaasa lamang ang karamihan ng tao sa kanilang kaalaman, natutuhan, at mga kaloob para gawin ang gawain nila, at ignorante sila pagdating sa mga isyu tulad ng kung ano ang mga partikular na hinihingi ng Diyos, kung ano ang mga prinsipyo ng paggawa ng tungkulin, at kung paano kumilos para makamtan ang resulta ng pagpapatotoo para sa Diyos at kung paano mas epektibong maipapakalat ang ebanghelyo para lahat ng nasasabik sa pagpapakita ng Diyos ay marinig ang Kanyang tinig, masiyasat ang totoong daan, at magbalik sa Diyos sa lalong madaling panahon. Bakit ba ignorante sila sa mga bagay na ito? Ito ay direktang nauugnay sa pagkabigo ng mga huwad na lider na gumawa ng tunay na gawain. Ang pangunahing dahilan nito ay hindi alam ng mga huwad na lider mismo kung ano ang mga katotohanang prinsipyo, o kung ano ang mga prinsipyong dapat unawain at sundin ng mga tao. Kumikilos sila nang walang mga prinsipyo, at hindi nila kailanman inaakay ang mga tao na hanapin ang mga prinsipyo ng pagsasagawa at ang mga landas sa mga tungkulin nila. Kapag nakakakita ng problema ang isang huwad na lider, hindi niya ito kayang lutasin, at hindi siya nakikipagbahaginan at naghahanap kasama ang iba, kaya madalas na kailangang ulitin ang bawat aytem ng gawain. Bukod sa pag-aaksaya ito sa mga pondo at materyales, pag-aaksaya rin ito ng lakas at oras ng mga tao. Ang mga gayong kinahihinatnan ay direktang nauugnay sa napakahinang kakayahan at pagiging iresponsbale ng mga huwad na lider. Bagama’t hindi pwedeng sabihing sadyang gumagawa ng kasamaan at nagdudulot ng kaguluhan ang mga huwad na lider, pwedeng sabihing hindi talaga nila hinahanap ang mga katotohanang prinsipyo sa gawain nila, at palagi silang kumikilos ayon sa sarili nilang kalooban. Tiyak ito. Hindi nauunawaan ng mga huwad na lider ang mga katotohanang prinsipyo, at hindi rin nila kayang makipagbahaginan nang malinaw sa iba tungkol sa mga ito; sa halip, pinapabayaan lang ng mga huwad na lider ang mga tao na gawin ang gusto ng mga ito. Hindi sinasadya na humahantong ito sa pagkilos nang pabasta-basta at sutil ng ilang taong namamahala sa ilang gawain, kumikilos sa anumang paraang gusto nila at ginagawa ang anumang gusto nila. Bilang resulta, bukod sa kakaunti ang mga aktuwal na resulta, nagugulo rin ang gawain ng iglesia. Kapag tinatanggal ang isang huwad na lider, bukod sa hindi niya pinagninilay-nilayan at kinikilala ang sarili niya, nanlilinlang pa siya at ipinagtatanggol ang sarili niya, at hindi niya tinatanggap ang katotohanan kahit kaunti, at wala talaga siyang balak na magsisi. Baka hilingin pa niya na bigyan siya ng isa pang pagkakataon ng sambahayan ng Diyos, baka sabihin niya na tiyak na kaya niyang gawin nang maayos ang gawain. Naniniwala ka ba sa kanya? Hindi talaga niya kilala ang sarili niya, hindi rin niya tinatanggap ang katotohanan. Kung gayon, kaya ba niyang mabago ang mga gawi niya? Wala siyang katotohanang realidad, kung gayon, kaya ba niyang gawin nang mahusay ang gawain? Posible ba iyon? Hindi niya ginawa nang maayos ang gawain sa pagkakataong ito—kaya ba niyang gawin ito nang maayos kung bibigyan siya ng isa pang pagkakataon? Hindi iyon posible. Pwedeng sabihin nang may katiyakan na walang kakayahan sa gawain ang mga huwad na lider; kung minsan, pwede silang magpakapagod at maging sobrang abala, pero pag-aabala ito nang walang direksiyon, at wala itong ibinubunga. Sapat na ito para ipakita na ang mga huwad na lider ay may napakahinang kakayahan, na hindi talaga nila nauunawaan ang katotohanan, at na hindi nila kayang gumawa ng tunay na gawain. Nagdudulot ito ng paglitaw ng maraming problema sa gawain, pero hindi nila kayang lutasin ang mga ito sa pamamagitan ng pakikipagbahaginan sa katotohanan, at gumagamit lang sila ng ilang walang kabuluhang doktrina para himukin ang mga tao na sumunod sa mga regulasyon, at dahil dito, nagugulo nila ang gawain at iniiwan itong magulo. Ganito gumawa ang mga huwad na lider at ang mga kinahihinatnan nito. Dapat itong maging babala sa lahat ng lider at manggagawa.
Ang iba’t ibang hindi kasiya-siyang isyung lumilitaw sa loob ng iglesia ay direktang may kaugnayan sa mga huwad na lider—isa itong hindi maiiwasang problema. Ang mga huwad na lider na ito ay walang kakayahang arukin ang katotohanan, pero iniisip nilang nauunawaan at naiintindihan nila ang lahat ng bagay, at pagkatapos ay kumikilos sila batay sa sarili nilang mga guni-guni at kuru-kuro. Kailanman ay hindi nila hinahanap ang katotohanan para tugunan ang kawalan nila ng pang-unawa sa mga katotohanang prinsipyo o sa mga pamantayang hinihingi ng Diyos. Marami na Akong nakasalamuhang lider at manggagawa, at madalas Akong nakikipagkita sa kanila. Kapag nagkikita kami, tinatanong Ko sa kanila, “May anumang isyu ba kayo? Itinala ba ninyo ang mga problemang umiiral sa gawain? May anumang problema bang hindi ninyo kayang lutasin nang sarili ninyo?” Pagkatapos Ko, tulala sila, at may mga pag-aalinlangan sa puso nila: “Mga lider kami; puwede ba kaming magkaroon ng anumang isyu? Kung ganoon, hindi ba’t matagal na sanang naparalisa ang gawain ng iglesia? Anong klaseng tanong ito? Nakikinig kami sa mga sermon at pagbabahagi, at nasa mga kamay namin ang mga salita ng Diyos. Napakarami naming namumuno sa iglesia, paanong nag-aalala Ka pa rin? Sa pagtatanong nito, malinaw na minamaliit Mo kami. Paano kami magkakaroon ng mga problema? Kung may mga problema kami, hindi kami magiging mga lider. Masyadong hindi nararapat ang tanong Mo!” Sa tuwing itatanong Ko sa kanila kung may anumang isyu sila, ito ang uri ng kalagayan nila—ang bawat isa sa kanila ay larawan ng pagkamanhid at kahangalan. Napakaraming problema sa iba’t ibang aytem ng gawain ng iglesia, pero hindi talaga ito makita o matuklasan ng mga tao na ito. Hindi nila mabanggit ang mga isyung may kaugnayan sa personal na buhay pagpasok, o ang mga isyung umiiral sa gawain na may nakapaloob na mga katotohanang prinsipyo. Dahil hindi nila mabanggit ang mga isyung ito, tinatanong Ko sa kanila, “Kumusta ang pag-usad ng gawain ng pagsasalin ng mga salita ng Diyos? Alam ba ninyo kung ilang wika na ang dapat maisalin ngayon? Kung aling mga wika ang dapat unang maisalin, at aling mga wika ang sa kalaunan? Kung ilang kopya ng mga salita ng Diyos ang dapat maimprenta para sa mga partikular na wika?” Tumutugon sila, “Ah, isinasalin na ang mga iyon.” Tinatanong Ko sila, “Hanggang saan na umusad ang pagsasalin? May anumang isyu ba?” Tumutugon sila, “Hindi ko alam; kailangan kong itanong.” Kailangan Ko silang tanungin tungkol sa mga bagay na ito, at hindi pa rin nila alam ang mga sagot. Kaya anong gawain ang ginagawa nila sa buong panahong ito? Tinatanong Ko sila, “Nilutas mo ba ang mga isyung tinanong ng mga kapatid noong nakaraan?” Tumutugon sila, “Nagdaos ako ng pagtitipon kasama sila—isang buong araw na pagtitipon.” Tinatanong Ko sa kanila, “Nalutas ba ang mga isyu pagkatapos ng pagtitipon?” Tumutugon sila, “Ibig Mo bang sabihin, kung may mga isyu pa ay dapat kaming magkaroon ng isa pang pagtitipon?” Sinasabi Ko, “Hindi Ko tinatanong kung nagdaos ka ng pagtitipon o hindi. Tinatanong Ko kung nalutas na ang mga propesyonal na isyu. Nauunawaan ba ng mga tao na ito ang mga prinsipyo? May anumang prinsipyo ba silang nalabag sa pagganap sa mga tungkulin nila? May natuklasan ka bang anumang problema?” Tumutugon sila, “Ah, ang mga problema? Nalutas ko na ang mga iyon. Nagdaos ako ng pagtitipon para sa mga kapatid.” Maipagpapatuloy ba ang usapang ito? (Hindi, hindi na.) Hindi ba’t nakakagalit sa inyo ang pakikinig sa usapang ito? (Oo.) Kumusta ang mga lider na ito? Hindi ba’t mga huwad na espirituwal na hangal lang ang mga ito? Wala sila ng kakayahan ng mga lider at manggagawa; bulag sila, hindi nila nauunawaan kung paano gawin ang gawain, at sumasagot sila ng “hindi ko alam” sa bawat tanong, at kapag patuloy mo silang tinanong, tumutugon sila ng, “Ano’t anuman, nagdaos ako ng pagtitipon; pabayaan mo na lang ito!” Nakagawa ba ang mga lider na ito ng aktuwal na gawain? Mga pasok sa pamantayang lider ba sila? (Hindi.) Mga huwad na lider ang mga ito. Gusto ba ninyo ang ganitong mga uri ng lider? Kung makakaharap kayo ng ganitong mga lider, ano ang dapat ninyong gawin? Kapag nakikipagkita ang ilang lider sa mga kapatid, sinasabi nila, “Anuman ang mga isyu ninyo ngayong araw, pagbahaginan muna natin kung paano gampanan nang maayos ang mga tungkulin.” Pagkatapos ay sinasabi ng ilang tao, “Naharap kami sa isang isyu sa mga propesyonal na pamamaraan sa mga tungkulin namin: Dapat ba naming gamitin ang mga propesyonal na pamamaraang sikat sa mga walang pananampalataya?” Hindi ba’t isa itong problemang kailangang lutasin ng mga lider? Kung may ilang siyung hindi malulutas sa pamamagitan ng pagbabahaginan ng mga kapatid, dapat nang mamagitan ang mga lider para lutasin ang mga iyon—tumutukoy ito sa mga responsabilidad ng mga lider. Ano ang ginagawa ng mga huwad na lider kapag nahaharap sila sa mga problemang ito? Sinasabi nila, “Isa itong propesyonal na isyu; problema ninyo ito, ano ang kinalaman nito sa akin? Pagbahaginan ninyo ang isyung ito sa sarili ninyo, pero magdadaos muna ako ng pagtitipon para sa inyo. Sa pagtitipon ngayong araw, pagbabahaginan natin ang matiwasay na pakikipagtulungan. Ang tinanong ninyo ngayon lang ay may kaugnayan sa matiwasay na pakikipagtulungan. Dapat ay matalakay ninyo ang mga bagay-bagay at sama-sama kayong makapagbahaginan, at mas magsaliksik; walang sinumang dapat mag-akalang mas matuwid siya kaysa sa iba, at dapat tanggapin ng lahat ang anumang pasyang suportado ng karamihan—hindi ba’t tungkol ito sa matiwasay na pakikipagtulungan? Mukhang hindi kayo marunong makipagtulungan nang matiwasay, o magtalakay ng mga problema kapag lumilitaw ang mga iyon. Tinatanong ninyo ako tungkol sa bawat problema. Para saan ninyo ako tinatanong? Nauunawaan ko ba ang mga bagay na ito? Kung ganoon, hindi ba’t mawawalan na kayo ng gagawin? Tinatanong ninyo sa akin ang lahat. Isa ba itong problemang nararapat kong tugunan? Responsable lang ako sa pagbabahagi tungkol sa katotohanan; lutasin ninyo ang mga propesyonal na isyu sa sarili ninyo. Ano bang pakialam ko sa mga iyan? Ano’t ano man, nagbahagi na ako sa inyo at sinabi ko na sa inyong makipagtulungan kayo nang matiwasay—kung hindi niyo magagawa iyon, huwag na ninyong gampanan ang tungkuling ito. Natapos ko na ang pagbabahagi ko; lutasin ninyo ang problema nang sarili ninyo.” Alam ba ng mga lider na ito kung paano lumutas ng mga problema? (Hindi, hindi nila alam.) Sa kabila ng kawalan ng kaalaman kung paano ito gawin, iniisip pa nilang masyado silang nasa katwiran, at bihasa sila sa pagtakas sa responsabilidad. Sa panlabas, nagawa na nila ang gawain nila, dumating sila sa lugar para magsagawa ng mga inspeksyon, at hindi sila nagpapabaya. Gayunpaman, hindi nila kayang gumawa ng aktuwal na gawain o lumutas ng mga aktuwal na problema, na nangangahulugang mga huwad na lider sila. Kaya ba ninyong kilatisin ang ganitong uri ng huwad na lider? Kapag nahaharap sa anumang problema, hindi nila kayang magbahagi tungkol sa mga nauugnay na katotohanan: nagsasabi lang sila ng ilang walang kabuluhang doktrina at teorya na pinalalabas nilang medyo mataas at malalim, at pagkarinig ng mga tao sa mga iyon, bukod sa hindi na nauunawaan ng mga ito ang katotohanan, nalilito at naguguluhan pa ang mga ito. Ito ang gawaing ginagawa ng mga huwad na lider.
Sa gawain ng pagbabahagi ng mga katotohanang prinsipyo na dapat maunawaan upang magampanan nang maayos ang bawat tungkulin, lubos na nabubnyag ang mga huwad na lider. Hindi nila naibabahagi ang tungkol sa mga katotohanang prinsipyo, o naaakay ang mga tao na sundin at isagawa ang mga katotohanang prinsipyo sa pagganap ng mga tungkulin ng mga ito, o naaakay ang mga ito na maunawaan at pasukan ang katotohang realidad—hindi nila kayang tuparin ang mga responsabilidad na dapat tuparin ng mga lider. At hindi lang iyon, hindi rin nila nagagawang alamin palagi ang mga sitwasyon ng mga superbisor ng iba’t ibang gawain at mga tauhan na responsable sa iba’t ibang mahalagang trabaho, at kahit na medyo may pag-arok sila rito, hindi ito tumpak. Nagdudulot ito ng malalaking pagkakagulo at pinsala sa iba’t ibang aytem ng gawain. Ito ang iba’t ibang pagpapamalas ng mga huwad na lider na ilalantad natin ngayon tungkol sa ikaapat na responsabilidad ng mga lider at manggagawa.
Ikaapat na Aytem: Alamin palagi ang sitwasyon ng mga superbisor ng iba’t ibang gawain at ng mga tauhan na responsable sa iba’t ibang mahalagang trabaho, at agad na baguhin ang kanilang mga tungkulin o tanggalin sila kung kinakailangan, upang maiwasan o mabawasan ang mga kawalan na dulot ng paggamit sa mga taong hindi angkop, at matiyak ang kahusayan at maayos na pag-usad ng gawain
Dapat na Arukin ng mga Lider at Manggagawa ang mga Sitwasyon ng mga Superbisor ng Iba’t ibang Gawain
Ano ang ikaapat na responsabilidad ng mga lider at manggagawa? (“Alamin palagi ang sitwasyon ng mga superbisor ng iba’t ibang gawain at ng mga tauhan na responsable sa iba’t ibang mahalagang trabaho, at agad na baguhin ang kanilang mga tungkulin o tanggalin sila kung kinakailangan, upang maiwasan o mabawasan ang mga kawalan na dulot ng paggamit sa mga taong hindi angkop, at matiyak ang kahusayan at maayos na pag-usad ng gawain.” Tama iyan, ito ang pinakamababang pamantayang dapat maabot ng mga lider at manggagawa habang gumagawa ng gawain. Malinaw ba sa inyong lahat ang mga pangunahing responsabilidad ng mga lider at manggagawa tungkol sa ikaapat na aytem na ito? Dapat magkaroon ng malinaw na pagkaunawa ang mga lider at manggagawa sa mga superbisor ng iba’t ibang gawain at sa mga tauhan na responsable sa iba’t ibang mahahalagang trabaho. Saklaw ng mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa na arukin ang mga kalagayan ng mga superbisor ng iba’t ibang gawain at ng mga tauhan na responsable sa iba’t ibang mahahalagang trabaho. Kung gayon, sino ang mga tauhang ito? Pangunahin dito ang mga lider ng iglesia, kasunod ang mga superbisor ng mga pangkat, at ang mga lider ng iba’t ibang grupo. Hindi ba’t kritikal at napakahalaga na maunawaan at arukin ang mga kalagayan tulad ng kung ang mga superbisor ng iba’t ibang gawain at ang mga tauhan na responsable sa iba’t ibang mahalagang trabaho ay nagtataglay ng katotohanang realidad, kumikilos nang may prinsipyo, at nagagawa nang maayos ang gawain ng iglesia? Kung lubusang naaarok ng mga lider at manggagawa ang kalagayan ng mga pangunahing superbisor ng iba’t ibang gawain, at kung gumagawa sila ng naaangkop na mga pagsasaayos sa mga tauhan, katumbas ito ng pagsusubaybay nila sa bawat aytem ng gawain, at katumbas ito ng pagtupad nila sa kanilang mga responsabilidad at tungkulin. Kung hindi nagagawa ang mga tamang pagsasaayos sa mga tauhang ito at lumitaw ang isang problema, lubhang maaapektuhan ang gawain ng iglesia. Kung ang mga tauhang ito ay may mabuting pagkatao, may pundasyon sa kanilang pananampalataya sa Diyos, responsable sa pangangasiwa ng mga bagay-bagay, at nagagawa nilang hanapin ang katotohanan para lutasin ang mga problema, mas mapapadali ang mga bagay-bagay kapag sila ang pinamahala sa gawain, at ang pinakamahalaga ay na makakausad nang maayos ang gawain. Pero kung ang mga superbisor ng iba’t ibang grupo ay hindi maaasahan, may masamang pagkatao at hindi maganda ang asal, at hindi isinasagawa ang katotohanan, at, bukod pa riyan, aruking na magsanhi ng mga pagkagambala at kaguluhan, magkakaroon ito ng epekto sa gawain na kanilang pananagutan at sa buhay pagpasok ng mga kapatid na kanilang pinamumunuan. Siyempre pa, ang epektong iyon ay maaaring malaki o maliit. Kung pabaya lamang ang mga superbisor sa kanilang mga tungkulin at hindi inaasikaso ang kanilang nararapat na gawain, aruking na magsanhi lamang ito ng ilang pagkaantala sa gawain; medyo babagal ang pag-usad, at hindi masyadong episyente ang gawain. Gayunman, kung sila ay mga anticristo, magiging malubha ang problema: Hindi ito magiging isyu ng pagiging hindi mas episyente at hindi pagiging epektibo ng gawain—gagambalain at pipinsalain nila ang gawain ng iglesia na pananagutan nila, na nagdudulot ng malalang pinsala. Kaya nga, ang pagkaalam sa mga kalagayan ng mga superbisor ng iba’t ibang gawain at ng mga tauhang responsable sa iba’t ibang mahalagang gawain, at ang maagap na paglilipat at pagtatanggal kapag nakita nilang hindi gumagawa ng aktuwal na gawain ang isang tao ay hindi isang obligasyon na maaaring iwasan ng mga lider at manggagawa—ito ay gawaing lubhang seryoso at mahalaga. Kung agad na malalaman ng mga lider at manggagawa ang katangian ng mga superbisor sa iba’t ibang gawain at ng mga tauhang responsable sa iba’t ibang mahalagang gawain, at ang saloobin ng mga ito sa katotohanan at sa kanilang mga tungkulin, gayundin ang mga kalagayan at pagganap ng mga ito sa bawat panahon at bawat yugto, at agad nilang maiaakma o mapapangasiwaan ang mga taong iyon ayon sa sitwasyon, maaaring tuluy-tuloy na umusad ang gawain. Sa kabaligtaran naman, kung walang pakundangan na gagawa ng masasamang bagay ang mga taong iyon at hindi sila gumagawa ng tunay na gawain sa iglesia, at ang mga lider at manggagawa ay hindi ito maagap na natukoy at hindi agad naglipat ng mga tao, bagkus ay naghintay sila na lumitaw ang lahat ng uri ng mabibigat na problema, na nagdudulot ng malalaking kawalan sa gawain ng iglesia, bago kaswal na subukang pangasiwaan ang mga ito, magsagawa ng mga paglilipat, at itama at isalba ang sitwasyon, kung gayon, basura ang mga lider at manggagawa na iyon. Sila ay tunay na mga huwad na lider na dapat tanggalin at itiwalag.
Ngayon lang, pinagbahaginan natin sa isang malawak na paraan ang tungkol sa kahalagahan ng pang-unawa at pagkakaroon ng pag-arok sa mga tunay na kalagayan ng mga superbisor ng iba’t ibang gawain at ang pagiging epektibo ng gawain nila, ginagamit ang mga tunay na kalagayang ito para suriin kung natupad ng mga lider at manggagawa ang mga responsabilidad nila, at inilalantad kung anong mga pagpapamalas ang ipinapakita nila na nagpapatunay na mga huwad na lider sila, sa gayon ay hinihimay ang diwa ng mga huwad na lider. Kapag nagkakaroon ng malulubhang problema sa gawain ng iglesia, nabibigo ang huwad na lider na tuparin ang mga responsabilidad nila. Hindi nila agad natutuklasan ang mga isyung ito, lalong hindi napapangasiwaan at nalulutas ang mga ito sa tamang oras. Humahantong ito sa pagtatagal ng mga isyu, na pagkatapos ay nagdudulot ng mga pagkaantala at pinsala sa gawain ng iglesia, at puwede pa ngang magdulot ng pagkaparalisa o pagkalugmok sa kaguluhan ng gawain ng iglesia. Kapag nangyari ito ay saka lang atubiling pumupunta ang mga huwad na lider para magmasid sa lugar ng gawain ng iglesia, pero hindi pa rin nila matukoy ang mga kaukulan o angkop na solusyon para lutasin ang mga problema, at kalaunan ay hinahayaan na lang nilang hindi nalulutas ang mga iyon. Ito ang pangunahing pagpapamalas ng mga huwad na lider.
Mga Pamantayan sa Pagpili ng mga Superbisor ng Iba’t ibang Gawain
Medyo malinaw na ba sa karamihan ang tungkol sa mga pamantayan sa pagpili ng mga superbisor ng iba’t ibang gawain at ng mga tauhang responsable sa iba’t ibang mahalagang trabaho? Halimbawa, ano dapat ang pangunahing taglayin ng superbisor ng gawaing sining? (Dapat siyang magtaglay ng mga propesyonal na kasanayan sa larangang ito at makapagpasan ng gawain.) Ang pagkakaroon ng mga propesyonal na kasanayan ay isang teorya. Kaya, ano ang partikular na tinutukoy ng mg mga propesyonal na kasanayang ito? Ipaliwanag natin ito. Kung may isang tao na nasisiyahan sa pagguhit at interesado sa paglikha ng sining, pero hindi niya ito propesyon, at wala siyang kaalaman sa aspektong ito, at gusto lang niya ito, angkop bang piliin ang ganoong tao bilang superbisor ng pangkat ng sining? (Hindi, hindi angkop.) Sinasabi ng ilan, “Kung mahilig siyang lumikha ng sining, kaya niyang gawin ang trabaho at unti-unti itong matutuhan.” Tama ba ang pahayag na ito? (Hindi.) May isang eksepsyon dito, ito ay kung hindi rin pamilyar sa propesyon ang lahat ng tao sa pangkat ng sining, at medyo mas maraming alam ang tao na ito at mas mabilis matuto kaysa sa iba. Kung ganoon, medyo magiging angkop na ba ang pagpili sa kanya? (Oo.) Bukod sa sitwasyong ito, sabihin nating sa lahat ng tao na may kinalaman sa paglikha ng sining, ang tao na ito lang ang hindi nakakaalam sa propesyon, pero napili siya dahil nauunawaan niya ang katotohanan at mahilig siyang lumikha ng sining—angkop ba iyon? (Hindi, hindi ito angkop.) Bakit hindi ito angkop? Dahil hindi siya ang una o ang pangalawang pinipili. Kung ganoon ay paano dapat piliin ang ganitong uri ng superbisor? Dapat siyang piliin mula sa mga pinakamahusay at pinakabihasang tao sa propesyon; ibig sabihin, dapat ay eksperto siya, nagtataglay ng kapwa mga propesyonal na kasanayan at kakayahan sa gawain—huwag kayong pumili ng hindi propesyonal. Isang aspekto ito. Dagdag pa rito, dapat siyang magdala ng pasanin, magtaglay ng espirituwal na pang-unawa, at magawa niyang unawain ang katotohanan. Kahit papaano ay dapat din siyang magkaroon ng pundasyon sa pananalig niya sa Diyos. Ang mga pangunahing prinsipyo ay: Una, dapat ay may kakayahan siya sa gawain; ikalawa, dapat ay nauunawaan niya ang propesyon; at ikatlo, dapat ay may espirituwal na pang-unawa siya at magawa niyang unawain ang katotohanan. Gamitin ninyo ang tatlong pamantayang ito para pumili ng mga superbisor para sa iba’t ibang gawain.
Ang Mga Pagpapamalas ng Mga Huwad na Lider Tungkol sa Mga Superbisor ng Iba’t ibang Gawain
Pagkatapos pumili ng mga superbisor para sa iba’t ibang partikular na aytem ng gawain, hindi dapat basta tumabi at wala nang gawin ang mga lider at manggagawa; kailangan din nilang sanayin at linangin ang mga superbisor na ito sa loob ng ilang panahon, para makita kung talagang kaya ng mga tao na pinili nila na pasanin ang gawain at dalhin ito sa tamang landas. Iyon ang ibig sabihin ng pagtupad sa mga responsabilidad nila. Ipagpalagay na, noong panahon ng pagpili, nakita mong nauunawaan ng mga kandidato mo ang mga propesyon nila, nagtataglay sila ng kakayahan sa gawain, nagdadala ng kaunting pasanin, at nagtataglay ng espirituwal na pang-unawa at ng kakayahang unawain ang katotohanan, at iniisip mong magiging maayos ang lahat dahil kwalipikado sila sa mga aspektong ito, at sinasabi mo, “Puwede na kayong magsimulang gumawa; nasabi ko na sa inyo ang lahat ng prinsipyo. Mula ngayon, gawin na lang ninyo ang itatagubilin ng sambahayan ng Diyos na gawin ninyo nang kayo lang.” Isa ba itong katanggap-tanggap na paraan para isakatuparan ang gawain? Kapag naisaayos mo na ang mga superbisor, ibig ba nitong sabihin ay puwedeng hanggang doon na lang ang gawin mo? (Hindi, hindi ganoon.) Kung ganoon ay ano ang dapat gawin? Ipagpalagay na nakikipagtipon ang isang lider sa mga superbisor nang dalawang beses kada linggo, nagbabahagi ng katotohanan sa kanila, at iyon lang, naniniwalang dahil ang lahat ng superbisor na iyon ay maagap, maaasahan, at kayang umunawa ng sinasabi ng ibang tao, samakatwid ay kaya na nilang magsagawa alinsunod sa katotohanan. Iniisip ng lider na ito na hindi niya kailangang siyasatin o kumustahin kung paano partikular na ginagawa ng mga superbisor na ito ang gawain ng mga ito, kung nakikipagtulungan ang mga ito nang matiwasay sa iba, kung naarok na ng mga ito ang mga propesyonal na kasanayan sa loob ng panahong ito, o kung gaano na natapos ng mga ito ang gawaing ibingay sa ng sambahayan ng Diyos sa mga ito. Sa ganitong paraan ba dapat pangasiwaan ng isang lider o manggagawa ang gawain? (Hindi, hindi sa ganitong paraan.) Ganito ginagawa ng mga huwad na lider ang gawain nila. Sinusubukan nilang tapusin ang lahat ng gawain nang minsanan lang, isinasaayos nila ang mga superbisor at bumubuo sila ng grupo na may ilang miyembro, at pagkatapos ay sinasabing, “Simulan na ninyo ang gawain. Kung kailangan ninyo ng anumang kagamitan, ipaalam ninyo sa akin, at bibilhin ito ng sambahayan ng Diyos para sa inyo. Kung mahaharap kayo sa anumang paghihirap sa pang-araw-araw ninyong mga buhay o sa anumang problema, huwag kayong mag-aatubiling sabihin ang mga iyon, at palaging lulutasin ng sambahayan ng Diyos ang mga iyon para sa inyo. Kung wala kayong anumang paghihirap, tumuon kayo sa gawain ninyo. Huwag kayong magdulot ng mga pagkagambala o pagkakagulo, at huwag kayong bumigkas ng anumang mabulaklak na ideya.” Isinasaayos ng mga huwad na lider na magtulungan ang mga tao na ito, at iniisip na basta’t may pagkain, inumin, at tirahan ang mga ito, sapat na iyon, at hindi na kailangang bigyan-pansin ang mga ito. Kapag tinatanong ng Itaas, “Gaano na ba katagal mula nang piliin ang mga superbisor para sa gawaing ito? Kumusta ang pag-usad ng gawain?” tumutugon sila, “Anim na buwan na. Nakapagdaos na kami ng halos 10 pagtitipon para sa kanila, at parang masaya naman sila, at natatapos ang gawain.” Kapag tinatanong ng Itaas, “Kung ganoon ay kumusta ang kakayahan sa gawain ng mga superbisor?” sinasabi nila, “Ayos naman; noong pinili namin sila, sila ang pinakamahuhusay na tao.” Tinatanong sila ng Itaas, “Kumusta na sila ngayon? Kaya ba nilang gumawa ng aktuwal na gawain?” Tumutugon sila, “Nagdaos ako ng pagtitipon para sa kanila.” Tumutugon ang Itaas, “Hindi ko tinatanong kung nagdaos ka ng pagtitipon; tinatanong ko kung kumusta ang gawain.” Sinasabi nila, “Malamang ay ayos naman ito; walang sinumang nag-ulat ng hindi maganda tungkol sa kanila.” Tumutugon ang Itaas, “Hindi isang pamantayan ang hindi pag-uulat ng sinuman sa kanila. Kailangan mong tingnan kung kumusta ang kakayahan sa gawain at mga propesyonal na kasanayan nila, at tingnan kung nagtataglay sila ng espirituwal na pang-unawa, at kung gumagawa sila ng tunay na gawain.” Tumutugon sila, “Noong panahon ng pagpili, parang ayos naman sila. Matagal-tagal ko nang hindi natatanong ang mga detalyeng ito. Kung gusto mong malaman, magtatanong ulit ako.” Ganito gumawa ng gawain ang mga huwad na lider. Patuloy silang nagdadaos ng mga pagtitipon at walang-tigil na nagbabahagi sa mga tao na nasa ilalim nila, pero pagdating sa Itaas, nagpapaligoy-ligoy at nagbibigay sila ng mga pabasta-bastang tugon. Ang pinakamagandang tugon nila ay ang sabihing, “Nagdaos ako ng pagtitipon para sa kanila. Noong nakaraan, nagtanong ako tungkol sa gawain, nang detalyadong-detalyado.” Ganito sila tumugon sa Itaas. Gumagawa ba ng tunay na gawain ang mga huwad na lider na ito? Natukoy ba nila ang mga tunay na siyu? Nalutas ba nila ang mga iyon? Pagkatapos isaayos ang mga superbisor, ang mga huwad na lider ay lubos na ignorante kung natupad ng mga superbisor ang mga responsabilidad ng mga ito o naging tapat, kung paano ginagawa ang gawain, kung maganda o masama ang mga resulta, kung paano nag-uulat ang mga kapatid tungkol sa mga ito, o kung may mas angkop na mga tao para sa trabaho. Bakit ignorante sila sa mga bagay na ito? Dahil hindi nila ginagawa ang tunay na gawaing ito; nagpapakaabala lang sila sa mga walang saysay na bagay. Iniisip nilang hindi kinakailangang palaging pangasiwaan at inspeksyunin nang ganito ang gawain, na mangangahulugan itong wala silang tiwala sa mga superbisor na iyon. Sa isip nila, ang pagdadaos ng mga pagtitipon ay pagtupad sa mga responsabilidad nila at pagpapakita ng katapatan. Ito ang pangunahing pagpapamalas ng hindi paggawa ng mga huwad na lider ng tunay na gawain.
I. Kung Paano Tinatrato ng Mga Huwad na Lider ang Mga Superbisor na Hindi Gumagawa ng Tunay na Gawain
Nagbubulag-bulagan ang mga huwad na lider sa iba’t ibang sitwasyon ng mga superbisor ng bawat uri ng gawain sa iglesia; wala silang pag-arok sa mga sitwasyong ito, o hindi nila sinisiyasat, o pinangangasiwaan, o nilulutas ang mga ito. Ano ba ang mga partikular na sitwasyon ng mga superbisor? Ang una ay kapag ang mga superbisor ay hindi nagdadala ng pasanin, at kumakain, umiinom, at naghahanap ng libangan, nang hindi nag-aasikaso ng wastong gawain nila o gumagawa ng tunay na gawain. Hindi ba’t isa itong malubhang problema? (Oo.) May ilang tao na may kakayahan sa gawain, na mahusay sa isang propesyon, at sila ang pinakamagaling; matatas silang magsalita at matalino, at kung ipapaulit sa kanila ang mga tagubilin ay magagawa nila iyon nang hindi nagkakamali, sapat na matalino sila; nakakakuha sila ng magagandang pagsusuri mula sa lahat, at medyo matagal na silang mananampalataya. Dahil dito, napipili sila na maging mga superbisor. Gayunpaman, walang sinumang nakakaalam kung praktikal, nakakapagbayad ng halaga, o kayang gumawa ng aktuwal na gawain ng mga tao na ito. Dahil pinili sila ng mga tao, sa simula ay itinaas ang posisyon nila para linangin at gamitin sa maikling panahon ng pagsubok. Gayunpaman, pagkatapos gumawa sa loob ng ilang panahon, natuklasang sa kabila ng mga propesyonal na kasanayan at karanasan nila, matakaw at tamad sila, at ayaw nilang magbayad ng halaga. Tumtigil sila sa paggawa sa sandaling maging medyo nakakapagod ito, at ayaw nilang pagtuunan ng pansin ang sinumang may mga problema o paghihirap na nangangailangan ng gabay nila. Sa umaga, sa sandaling imulat nila ang mga mata nila, iniisip nila, “Ano ang kakainin ko ngayong araw? Ilang araw na mula noong nagluto ng nilagang baboy sa kusina.” Karaniwan, palagi nilang sinasabi sa iba, “Talagang masarap ang mga pagkain sa bayan ko; dati ay lumalabas kami para kumain ng mga iyon sa bawat piyesta. Noong nag-aaral ako, tuwing katapusan ng linggo ay natutulog ako hanggang sa magising ako nang kusa, at pagkataps ay kakain ako nang hindi nag-aabalang maghilamos o magsuklay. Sa hapon, naglalaro ako ng mga video game sa loob ng bahay nang nakapantulog, kung minsan ay hanggang 5 na nang umaga kinabukasan. Ngayon, pinuwersa ako ng gawain sa sambahayan ng Diyos hanggang sa puntong ito, at bilang isang superbisor, may mga partikular na bagay akong kailangang gawin. Tingnan ninyo kung gaano kaganda ang sitwasyon ninyong lahat; hindi ninyo kailangang bayaran ang halagang ito. Bilang isang superbisor, kailangan kong matiis ang paghihirap na ito.” Sinasabi nila ito, pero naghihimagsik ba sila laban sa laman? Nagbabayad ba sila ng halaga? Puro reklamo sila, at ayaw nilang gumawa ng anumang aktuwal na gawain. Gumagalaw lang sila kapag pinipilit, at kapag walang nangangasiwa, umaasal sila sa isang pabasta-bastang paraan. Sa pagganap sa tungkulin nila, kalmado sila at hindi disiplinado, madalas ay tuso at nagpapabaya sila, at kahit kaunti ay hindi sila responsable. Pagdating sa mga propesyonal na problemang napapansin nga nila, hindi nila iwinawasto ang mga iyon para sa ibang tao, at masaya sila kapag kumikilos ang lahat sa pabasta-bastang paraan katulad nila. Ayaw nilang seryosohin ng sinuman ang gawain. May ilang superbisor na kaswal at pabasta-bastang tinatatapos ang ilang kasalukuyang gampanin, pagkatapos ay walang-tigil silang nagbababad sa panonood ng mga palabas sa telebisyon. Ano ang dahilan nila sa pagbababad sa panonood ng mga palabas? “Natapos ko na ang mga gampanin ko; hindi ako nanghuhuthot sa sambahayan ng Diyos. Nagpapahinga lang ako para mapasigla ang isip ko. Kung hindi, masyado akong mapapagod, at magdurusa ang kahusayan ko sa gawain. Hayaan mo akong magpahinga nang sandali, para tumaas ang kahusayan ko sa gawain. Patuloy silang nanonood ng mga palabas hanggang 2 o 3 nang madaling araw. Kapag nakapag-almusal na ang lahat kinabukasan nang 8 nang umaga at nagsimula nang gumawa ng mga tungkulin ng mga ito, tulog pa rin ang mga superbisor na ito, at hindi sila bumabangon sa higaan kahit na mataas na ang araw sa langit. Kalaunan, atubili silang bumabangon, hinihila paabante ang tamad nilang laman, nag-iinat at naghihikab, at kapag nakita nilang nakapagsimula nang gumawa ang lahat, natatakot silang mapansin ng iba ang katamaran nila, at nagsisimulang maghanap ng mga palusot, “Masyado akong napuyat kagabi, napakarami kong dapat gawin, masyadong mabigat ang gawain. Medyo pagod ako. Napanaginipan ko pa nga kagabi na may isyu sa kung anong gawain. Pagkagising ko ngayong umaga, nakapuwesto ang mga kamay ko na parang nagtitipa sa computer. Masyadong malabo ang isip ko, at kailangan kong umidlip mamayang hapon.” Tanghaling-tanghali na sila gumising at kailangan din nilang umidlip sa hapon—hindi ba’t naging mga baboy na sila? Malinaw na nagpapabaya sila, pero nagpapalusot pa sila para pangatwiranan at ipagtanggol ang sarili nila, sinasabing pagod sila dahil pinagpuyatan nilang gawin ang tungkulin nila. Malinaw na nagbababad sila sa panonood ng mga palabas, nagpapakasasa sa ginhawa ng laman, at namumuhay sa isang mapagpalayaw na kalagayan, pero sa huli ay naghahanap pa sila ng masarap pakinggang palusot para linlangin ang iba. Hindi ba’t hindi ito pag-aasikaso sa wastong gawain nila? (Oo, ganoon nga.) Puwedeng may kakayahan sa trabaho at mga propesyonal na kasanayan ang ganitong mga tao, pero pasok ba sila sa pamantayan bilang mga superbisor? Malinaw na hindi. Hindi sila nababagay sa pagiging mga superbisor dahil masyado silang tamad, nagpapakasasa sila sa ginhawa ng laman, matakaw sila sa pagkain, tulog, at libangan, at hindi nila kayang pasanin o tuparin ang mga responsabilidad ng isang superbisor.
May ilang babaeng madalas magtingin-tingin ng mga damit, sapatos, pampaganda, at pagkain online, at kapag tapos na sila, nagsisimula silang magbabad sa panonood ng mga palabas. Sinasabi ng mga tao, “Bakit nagbababad ka sa panonood ng mga palabas samantalang hindi mo pa natatapos ang gawain mo? Isa pa, napakarami pa ring isyu ng ibang tao. Bilang isang superbisor, dapat mo silang bigyan ng gabay. Bakit hindi mo tinutupad ang mga responsabilidad mo?” Sinasabi ng mga babaeng ito, “Bahagi rin ng gawain ko ang pagbababad sa panonood ng mga palabas. Kailangang mabuo ang mga video at pelikula ng sambahayan ng Diyos, at kailangan kong maghanap ng inspirasyon sa mga palabas na ito!” Hindi ba’t mapanlinlang na sabihin ito? Kung may kinalaman ka sa propesyong ito, katanggap-tanggap ang paminsan-minsang panonood ng mga palabas, pero paghahanap ba ng insiprasyon ang pagbababad sa panonood ng mga iyon araw at gabi? Hindi ba’t nakalilinlang iyon? (Oo, ganoon nga.) Alam ng lahat ang nangyayari, kaya ang pagsasabi ng ganoong mga bagay ay pagtalikod sa dignidad at integridad mo. May ilang tao na nakagawian nang maglaro ng mga video game, at naging regular na bahagi na ito ng mga buhay nila. Gayunpaman, pagkatapos mapili bilang mga superbisor, hindi ba’t dapat na nilang baguhin ang masasamang ugali at bisyong ito? (Oo.) Kung hindi mo kayang maghimagsik laban sa mga iyon, kapag napili ka bilang isang superbisor, dapat mong sabihing, “Hindi ko kayang tanggapin ang gawaing ito. Adik ako sa paglalaro ng mga video game. Kapag naglalaro ako ang mga iyon, nawawalan ako ng kamalayan sa paligid, at walang sinumang makakahadlang o makakapagpabago ng isip ko. Kung pipiliin ninyo ako, tiyak na maaantala nito ang gawain. Kaya kumilos na kayo agad at huwag ninyo akong pahintulutang maging isang superbisor.” Kung hindi mo ito sasabihin nang maaga at matutuwa at ipagmamalaki mo kapag napili ka, pahahalagahan ang katayuang ito, pero ipagpapatuloy ang paglalaro ng mga video game kapag naisipan mo gaya ng ginagawa mo noong superbisor ka, hindi ito angkop, at tiyak na maaantala nito ang gawain.
May ilang superbisor na may mga partikular na masamang gawi. Nang piliin sila ng mga kapatid, hindi nauunawaan ng ilan ang sitwasyon nila, habang ang iba naman ay naniniwalang kayang gugulin ng mga tao na ito ang sarili nila para sa Diyos nang full-time, at nag-iisip na puwedeng unti-unting magbago ang masasamang gawi at bisyo ng mga kabataan sa pagtanda at sa patuloy na pag-unawa sa katotohanan. Maraming tao na nagtataglay ng saloobin at pananaw na ito kapag pinipili ang mga tao na ito para maging mga superbisor. Pagkatapos mapili ng mga tao na ito, gumagawa sila ng ilang gawain, pero hindi nagtatagal bago sila maging negatibo at mag-isip na, “Hindi madaling maging isang superbisor. Kailangan kong gumising nang maaga at magpuyat, at dapat ay mas marami akong gawin at mas maraming obserbahan kaysa sa ibang tao sa bawat pagkakataon. Kailangan ko ring mas mag-alala, at gugulin ang mas maraming oras at lakas ko. Mahirap ang trabahong ito; masyado itong nakakapagod!” Dahil dito, pinag-iisipan nilang magbitiw. Kung hindi ka nagdadala ng pasanin, hindi mo magagawa ang gawain ng isang superbisor. Kung nagdadala ka nga ng pasanin sa puso mo, magiging handa kang alalahanin ang gawain, at kahit na medyo mas pagod ka kaysa sa iba, hindi mo mararamdamang nagdurusa ka. Kahit kapag oras na para magpahinga, iisipin mo pa rin, “Kumusta ang naging takbo ng gawain ngayong araw?” Kung bigla mong maaalala ang isang isyung nananatiling hindi nalulutas, hindi ka makakatulog. Kung nagdadala ka ng pasanin sa puso mo, palagi mong iisipin ang gawain, at ni hindi mo aalalahanin kung gaano ka kabuting kumakain o natutulog. Kung masyadong magaan ang dadalhing pasanin ng mga tao bilang mga superbisor, ilang araw lang magtatagal ang kakaunting kasiglahan nila, at sa paglipas ng panahon, hindi na ito kakayanin ng ilan sa kanila. Iisipin nila, “Masyadong nakakapagod ang trabahong ito. Ano ang isang paraan para malibang ko ang sarili ko at makapagpahinga nang sandali? Maglalaro ako ng ilang video game.” Gumaganap sila nang maayos sa sandaling panahon, pero bigla silang nangangating maglaro ng mga video game. Sa sandaling magsimula sila, hindi na nila magawang tumigil; mawawala ang magaang pasaning minsan nilang dinala habang naglalaro sila, pati na ang masigasig na motibasyon nilang gugulin ang sarili nila, ang determinasyon nila, at ang positibong saloobin nila sa paggawa ng mga tungkulin nila. Kapag may nagtatanong sa kanila ng isang bagay, nawawalan sila ng pasensya. Kung hindi nila pupungusan ang mga tao, o sesermunan ang mga ito at pipintasan, pabasta-basta nilang gagawin ang mga bagay-bagay at aabandonahin ang gawain nila. Hindi ba’t may problema sa mga superbisor na ito? (Oo.) Sa umaga, bahagya lang nilang tinatapos ang gawain nila nang lutang ang isip, at sa gabi, kapag walang nakakakita, palihim silang naglalaro ng mga video game, hindi talaga natutulog buong magdamag. Sa simula, palagay sila rito, iniisip na, “Hindi ko naman inantala ang gawain noong umaga. Nagawa ko ang lahat ng gawaing dapat kong gawin. Nalutas ko ang lahat ng problemang tinanong sa akin ng iba. Kahit na hindi ako matulog sa gabi para magkaroon ng libreng oras para maglaro ng mga video game, hindi ba’t maituturing ang lahat ng ito bilang pagiging matapat ko?” Ang resulta, sa sandaling magsimula silang maglaro ng mga video game, hindi na nila ito matigilan, at wala silang sinumang pinakikinggan. Kahit na hindi nito naaapektuhan ang pahinga ng ibang tao o ang kapaligiran ng gawain, kaya pa rin bang pasanin ng ganoong mga superbisor ang gawain nila? Kaya ba nila itong gawin nang maayos? (Hindi.) Bakit hindi? Madalas silang maglaro ng mga video game nang magdamag nang hindi natutulog at kailangan nilang gumawa sa umaga—gaano karaming lakas ang taglay ng isang tao? Magiging mataas ba ang kahusayan nila sa gawain kung kakapit sila sa paglalaro ng mga video game nang ganito? Talagang hindi. Samakatwid, hindi talaga kayang tuparin ng ganoong mga superbisor ang mga tungkulin nila o pasanin ang gawain nila. Kahit na may mga propesyonal na kasanayan at kaunting kakayahan sila, mahilig silang maglaro at hindi nila inaasikaso ang wastong gawain nila. Hindi ba’t dapat matanggal ang mga superbisor na ito? Kung hindi sila matatanggal, maaantala ang gawain. Sinasabi ng ilang tao, “Kung matatanggal sila, hindi tayo makakahanap ng ibang may mga propesyonal na kasanayang taglay nila. Kailangan natin silang hayaang gawin ang trabahong ito—kaya pa rin nilang pasanin ang gawain kahit na naglalaro sila ng mga video game.” Tama ba ang pahayag na ito? (Hindi, hindi ito tama.) Hindi kayang sabay na pagtuunan ng isang tao ang dalawang bagay; limitado ang lakas ng mga tao. Kung itutuon mo ang karamihan sa lakas mo sa paglalaro, maaapektuhan ang debosyon mo sa paggawa ng mga tungkulin mo, at matinding makokompromiso ang pagiging epektibo mo sa paggawa ng mga tungkulin mo. Isa itong iresponsableng saloobin sa paggawa ng isang tungkulin. Kahit na ilagay ng isang tao ang buong puso at buong lakas niya sa mga tungkulin niya, hindi naman talaga magiging isandaang porsiyentong pasok sa pamantayan ang mga resulta. Magiging mas malala pa kung itutuon mo ang puso mo at karamihan sa lakas mo sa paglalaro—wala ka na masyadong matitirang lakas at pag-iisip para gamitin sa pagganap sa mga tungkulin mo, at maaapektuhan ang pagiging epektibo mo sa paggawa ng mga tungkulin mo. Ang sabihing maaapektuhan ito ay isang konserbatibong paraan ng pagsasabi nito; sa realidad, malubhang mapipinsala ang pagiging epektibo mo sa paggawa ng mga tungkulin mo. Kung matutukoy ang ganoong mga superbisor, dapat ay agad silang maitalaga sa ibang tungkulin at matanggal, dahil itinuring na silang kawalan. Hindi lang ito dahil hindi pasok sa pamantayan ang pagganap nila sa mga tungkulin nila—hindi na nila kayang pasanin ang gawain nila at hindi nila kayang magkaroon ng positibong epekto sa gawain nila. Samakatwid, mas makabubuting humanap ng isang tao na aako sa gawain nila na taimtim at responsable sa kabila ng pagkakaroon ng bahagyang mas kaunting propesyonal na kasanayan kaysa sa kanila.
Ngayon-ngayon lang, ibinahagi Ko ang tungkol sa iba’t ibang uri ng tao na matakaw sa pagkain, tulog, at libangan. May isa pang uri ng tao. Sa simula, noong pinipili ang mga superbisor, nakikita ang ganitong uri ng tao bilang angkop sa lahat ng aspekto para sa posisyon, at handa ang lahat ng kapatid na piliin siya. Iniisip nila na may mabuting pagkatao ang tao na ito, na masigasig siya, at mahusay sa propesyon niya, at siya rin ang pinakamagaling at pinakamalakas sa pangkat sa bawat aspekto, kaya malinaw na siya ang pipiliin para sa posisyon ng superbisor. Gayunpaman, ilang panahon matapos mapili, nagsimula nang madalas antukin ang tao na ito, kahit sa mga pagtitipon. Kapag kinakausap siya ng iba, palagi siyang lutang at nagbibigay ng mga walang kaugnayang sagot sa mga tanong. Hindi siya ganito dati, kaya bakit parang bigla siyang naging ibang tao? Kalaunan, hindi sinasadyang natuklasan ng isang tao na sa pakikipag-usap ng superbisor na ito sa isang partikular na tao ay parang may romantikong relasyon silang dalawa, at nagkakaroon ng ispekulasyon kung may romantikong ugnayan nga sila. Habang mas lumilinaw ang usaping ito, lalong naguguluhan ang superbisor na ito. Sa tuwing may magtatanong o kakausap sa kanya tungkol sa isang bagay, hindi na siya kasing bilis tumugon tulad ng dati, at hindi siya kasing linaw at kasing daling unawain gaya noon. Paunti nang paunti ang ginagawa niya sa gawaing dapat gawin ng isang superbisor, at pabawas nang pabawas ang kasigasigan niya sa pagganap sa tungkulin niya. Para bang naging ibang tao siya; mas interesado siya sa mga damit at personal na pag-aayos niya kaysa sa dati. May problema rito. Dati, sa mga panahon ng abalang gawain, madalang siyang maligo, pero ngayon ay dalawang beses siyang naghihilamos sa isang araw, at nagsusuklay at nananalamin siya sa bawat pagkakataon, at palagi niyang tinatanong sa iba, “Sa tingin mo ba ay mas pumuti o umitim ako nitong mga nakaraan? Bakit parang umitim ako?” Tumutugon ang mga tao, “Napakababaw naman para sa iyo, na isang superbisor, na sabihin ang mga bagay na ito—paano nakakaapekto sa kahit na ano ang pagputi o pag-itim?” Palagi siyang nagsasalita tungkol sa mabababaw na paksang ito, at wala siyang ganang gawin ang gawain niya. Sa tuwing nakakakuha siya ng pagkakataon, tinatalakay niya ang mga damit, babae, lalaki, pag-ibig, at kung anong uri ng asawa ang pipiliin ng mga tao, pero kailanman ay hindi niya tinatalakay kung anong mga isyu ang umiiral sa pagganap ng mga tungkulin niya o kung paano lutasin ang mga iyon. Hindi ba’t may problema rito? Kaya pa ba niyang gumawa ng gawain? (Hindi, hindi na.) Nagbago na ang mentalidad niya, at wala na sa isipan niya ang mga usapin ng paggawa sa tungkulin. Sa halip, buong araw na abala ang isip niya sa mga kaisipan kung paano papasok sa mga romantikong relasyon, kung paano mananamit, at kung paano maaakit ang ibang kasarian. May isang kataga sa mga walang pananampalataya: “nahuhulog sa pag-ibig.” Pag-ibig ba ito? Hindi, isa itong malalim na hukay! Sa sandaling pumasok ka, hindi ka na makakalabas dito. May ganito bang mga tao sa mga tauhang gumagawa ng mga tungkulin nila? (Oo.) Habang hindi nakikialam ang sambahayan ng Diyos sa mga tao na naghahanap ng mga romantikong kapareha, kung magugulo nila ang buhay-iglesia at maaapektuhan ang gawain ng iglesia sa paggawa niyon, kailangang maalis ang mga tao na iyon. Dapat ay umalis at makipagrelasyon ang mga magkasintahang iyon nang sila lang at hindi makaapekto sa ibang tao. Kung isa kang tao na naglaan na ng sarili mo sa pag-aalay ng buong buhay mo sa paggugol para sa Diyos, at napagpasyahan mo nang huwag pumasok sa mga romantikong relasyon, tumuon ka sa paggugol sa sarili mo para sa Diyos. Kung pumasok ka na sa isang romantikong relasyon at wala ka nang ganang gawin ang gawain mo, hindi mo na dapat gampanan ang tungkulin ng isang superbisor, at pipili ang sambahayan ng Diyos ng ibang tao para sa posisyon. Hindi dapat maantala o maimpluwensiyahan ng romantikong relasyon mo ang gawain ng sambahayan ng Diyos. Dapat magpatuloy ang gawain. Paano ito makapagpapatuloy? Sa pamamagitan ng pagpili ng isa pang superbisor na walang romantikong ugnayan, na may mahusay na mga propesyonal na kasanayan at kayang magpasan ng gawain, na pagpapasahan ng gawain mo. Sa ganitong paraan palaging gumagawa ang sambahayan ng Diyos, at nananatiling hindi nagbabago ang prinsipyong ito. Sinasabi ng ilang superbisor, “Hindi naaapektuhan ng romantikong relasyon ko ang gawain ko; hayaan mong ipagpatuloy ko ang pangangasiwa.” Mapapaniwalaan ba natin ang pahayag na ito? (Hindi, hindi natin ito mapapaniwalaan.) Bakit hindi natin ito mapapaniwalaan? Dahil nakikita ng lahat ang mga katunayan! Kapag nasa isang romantikong relasyon ang isang tao, ang iniisip lang niya ay ang romantikong kapareha niya, at abala ang puso niya sa mga bagay na ito, kung kaya’t madalas siyang inaantok sa mga pagtitipon at hindi niya magawa ang mga tungkulin niya. Samakatwid, angkop at naaayon sa mga prinsipyo ang paraan ng pagharap ng sambahayan ng Diyos sa ganoong mga tao. Hindi ka pinipigilan ng sambahayan ng Diyos na makipagrelasyon, ni inaalis sa iyo ang kalayaan mong makipagrelasyon. Puwede kang makipagrelasyon sa isang tao hanggang sa gusto mo: sariling desisyon mo iyon, basta’t hindi mo ito pagsisisihan, at hindi mo ito iiyakan kalaunan. May ilang superbisor nang natanggal dahil sa isang romantikong relasyon. Tinatanong ng ilang tao, “Hindi ba pinahihintulutang sumampalataya sa Diyos ang isang tao kapag nasa romantikong relasyon siya?” Kailanman ay hindi iyon sinabi ng sambahayan ng Diyos. Totoo bang tinatanggihan o pinatatalsik ng sambahayan ng Diyos ang lahat ng tao na nasa romantikong relasyon? (Hindi.) Kung nasa romantikong relasyon ka, hindi ka puwedeng maging isang superbisor o lider o manggagawa, at kung hindi ka dedikado sa paggawa ng mga tungkulin mo, dapat mong iwanan ang full-time na tungkuling iglesia. May nagsabi bang hindi ka na pahihintulutang sumampalataya sa Diyos, o na patatalsikin ka? May nagbigay na ba ng hatol na nagsasabing hindi ka maliligtas, o na masusumpa ka? (Wala.) Kailanman ay hindi sinabi ng sambahayan ng Diyos ang ganoong mga bagay. Hindi talaga nakikialam ang sambahayan ng Diyos sa mga personal mong desisyon at kalayaan; wala talaga itong anumang inaalis na kalayaan sa iyo—binibigyan ka nito ng kalayaan. Gayunpaman, pagdating sa ganitong uri ng supebisor, ang prinsipyo ng sambahayan ng Diyos sa pagharap sa kanya ay ang tanggalin siya at maghanap ng angkop na tao na papalit sa puwesto niya. Kung angkop siyang patuloy na gumawa ng tungkulin, puwede siyang mapanatili sa paggawa ng ibang tungkulin. Kung hindi, mapapaalis siya. Hindi magkakaroon ng anumang pananakit o berbal na pang-aabuso o pamamahiya. Hindi ito isang kahiya-hiyang bagay; napakanormal nito. Kaya kapag may ilang tao na natanggal sa mga posisyon nila o naipadala sa mga karaniwang iglesia dahil sa mga romantikong relasyon nila, nakakahiya ba ito? Maipapahiwatig lang nito na wala silang katapatan sa paggawa ng mga tungkulin nila, na hindi sila interesado sa katotohanan, at hindi talaga sila nagdadala ng pasanin para sa sarili nilang buhay pagpasok. Ang ganitong uri ng superbisor ay hindi nag-aasikaso ng wastong gawain nila—tumutuon lang sila sa mga romantikong relasyon, na nakakaantala sa gawain ng iglesia, at nakaapekto na sa pag-usad ng gawain ng iglesia—hindi ba’t isang malubhang problema ito? (Oo.) Samakatwid, ang ganitong uri ng superbisor ay hindi angkop na mapanatili at dapat na matanggal sa posisyon nila. Sinasabi ng ilan, “Hindi ba’t medyo nasobrahan naman sa pagiging padalos-dalos ang pagtanggal sa kanila?” Kung, mula sa simula ng romantikong relasyon nila hanggang sa panahon ng pagtanggal sa kanila, isa o dalawang araw pa lang ang nagdaan, puwede itong maituring na padalos-dalos. Pero kung tatlo hanggang limang buwan na ang lumipas, maituturing pa rin ba iyong padalos-dalos? (Hindi.) Mabagal namang ginawa ang aksyon, masyado nang naantala ang gawain—paanong hindi ka nababalisa rito? Hindi ba’t isa itong problema? (Oo, problema ito.)
Hindi kailanman nag-uusisa ang mga huwad na lider tungkol sa mga superbisor na hindi gumagawa ng aktuwal na gawain, o hindi nag-aasikaso ng kanilang marapat na gawain. Iniisip nila na kailangan lang nilang pumili ng isang superbisor, at tapos na ang usapin, at na pagkatapos ay maaari nang asikasuhin ng superbisor ang lahat ng gawain nang mag-isa. Kaya, paminsan-minsan lang nagdaraos ng mga pagtitipon ang mga huwad na lider, at hindi nila pinangangasiwaan o kinukumusta ang gawain, at kumikilosKumilos sila na parang mga boss na hindi nakikialam. Kung may nag-uulat ng problema sa isang superbisor, sasabihin ng isang huwad na lider, “Maliit na problema lang iyon, ayos lang. Kaya na ninyong pangasiwaan iyan nang kayo lang. Huwag ninyo akong tanungin.” Sasabihin ng taong nag-ulat ng isyu, “Tamad na masiba ang superbisor na iyon. Nakatuon lang siya sa pagkain at paglilibang, at napakatamad niya. Ayaw niyang mahirapan kahit kaunti sa tungkulin niya, at palagi siyang nagpapakatamad nang mapanlinlang at nagdadahilan para makaiwas sa kanyang gawain at mga responsabilidad. Hindi siya bagay na maging superbisor.” Sasagot ang huwad na lider, “Magaling siya noong pinili siyang maging superbisor. Hindi totoo ang sinasabi mo, o kahit pa totoo ito, pansamantalang pagpapamalas lang ito.” Hindi susubukan ng huwad na lider na mag-alam pa tungkol sa sitwasyon ng superbisor, sa halip, huhusgahan at pagpapasyahan niya ang usapin batay sa kanyang mga nakaraang impresyon sa superbisor na iyon. Sino man ang nag-uulat ng mga problema tungkol sa superbisor, hindi siya papansinin ng huwad na lider. Hindi gumagawa ang superbisor ng aktuwal na gawain, at muntik pang mahinto ang gawain ng iglesia, ngunit walang pakialam ang huwad na lider, para bang hindi man lang siya sangkot dito. Nakakasuklam na nga na hindi niya pinapansin kapag may nagsusumbong tungkol sa mga isyu ng superbisor. Ngunit ano ang pinakakasuklam-suklam sa lahat? Kapag nag-uulat ang mga tao ng talagang mabibigat na isyu ng superbisor sa kanya, hindi nila susubukang ayusin ang mga ito, at makakaisip pa nga siya ng lahat ng uri ng pagdadahilan: “Kilala ko ang superbisor na ito, talagang nananampalataya siya sa Diyos, hindi siya magkakaroon ng anumang problema kahit kailan. Kung magkaroon man siya ng maliit na isyu, poprotektahan at didisiplinahin siya ng Diyos. Kung makagawa siya ng anumang pagkakamali, nasa kanila na ng Diyos iyon—hindi natin kailangang mag-alala tungkol dito.” Gumagawa ang mga huwad na lider ayon sa sarili nilang mga kuru-kuro at imahinasyon sa ganitong paraan. Nagkukunwari silang nauunawaan nila ang katotohanan at na may pananalig sila, pero ginugulo lang nila ang gawain ng iglesia—maaari pa ngang matigil ang gawain ng iglesia at magkukunwari pa rin silang walang alam tungkol dito. Hindi ba’t ang mga huwad na lider ay masyadong kumikilos na parang mga kawani sa opisina? Wala silang kakayahang gumawa ng tunay na gawain nang sila lang, at hindi rin sila metikuloso tungkol sa gawain ng mga lider ng pangkat at ng mga superbisor—hindi nila sinusubaybayan o inuusisa ito. Ang pananaw nila sa mga tao ay batay lamang sa sarili nilang mga impresyon at imahinasyon. Kapag nakakita sila ng isang tao na gumagampan nang maayos sa loob ng ilang panahon, iniisip nila na ang taong ito ay magiging mahusay magpakailanman, na hindi ito magbabago; hindi sila naniniwala sa sinumang nagsasabi na may problema sa taong ito, at hindi nila pinapansin kapag may nagbababala sa kanila tungkol sa taong iyon. Sa tingin ba ninyo ay hangal ang mga huwad na lider? Sila ay hangal at tunggak. Bakit sila hangal? Basta-basta nilang pinagkakatiwalaan ang isang tao, naniniwala na noong mapili ang taong ito, sumumpa ang taong ito, at gumawa ng kapasyahan, at nanalangin nang tumutulo ang mga luha sa kanyang mukha, kaya nangangahulugan iyon na maaasahan siya, at hindi kailanman magkakaroon ng anumang isyu sa kanya sa pangangasiwa sa gawain. Walang pagkaunawa ang mga huwad na lider sa kalikasan ng mga tao; mangmang sila sa tunay na sitwasyon ng tiwaling sangkatauhan. Sinasabi nila, “Paanong magiging masama ang isang tao nang napili siya bilang superbisor? Paanong magagawa ng isang taong mukhang napakaseryoso at maaasahan na pabayaan ang kanyang tungkulin? Hindi niya ito magagawa, hindi ba? Puno siya ng integridad.” Dahil labis na nanalig ang mga huwad na lider sa kanilang sariling mga imahinasyon at damdamin, sa huli ay nawawalan tuloy sila ng kakayahang lutasin sa oras ang maraming problemang lumilitaw sa gawain ng iglesia, at napipigilan silang tanggalin at ilipat kaagad ang sangkot na superbisor. Totoo silang mga huwad na lider. At ano nga ba ang isyu rito? May anumang kinalaman ba sa pagiging pabasta-basta ang pamamaraan ng mga huwad na lider sa kanilang gawain? Sa isang banda, nakikita nila ang marahas na pang-aaresto ng malaking pulang dragon sa hinirang na mga tao ng Diyos, kaya para mapanatiling ligtas ang kanilang sarili, kung sinu-sino na lang ang isinasaayos nilang mangasiwa sa gawain, sa paniniwalang malulutas nito ang problema, at na hindi na nila kailangan pang pag-ukulan ito ng atensiyon. Ano ang iniisip nila sa kanilang puso? “Napakamapanlaban ng kapaligirang ito, dapat muna akong magtago pansamantala.” Ito ay pag-iimbot sa mga pisikal na kaginhawahan, hindi ba? Sa kabilang banda, may nakamamatay na kapintasan ang mga huwad na lider: Mabilis silang magtiwala sa mga tao batay sa sarili nilang mga imahinasyon. At bunga ito ng hindi pagkaunawa sa katotohanan, hindi ba? Paano ibinubunyag ng salita ng Diyos ang diwa ng tiwaling sangkatauhan? Bakit kailangan nilang magtiwala sa mga tao kung ang Diyos nga ay hindi? Ang mga huwad na lider ay masyadong mayabang at mapagmagaling, hindi ba? Ang iniisip nila ay, “Hindi maaaring nagkamali ako sa paghusga sa taong ito, wala dapat na maging anumang problema sa taong natukoy ko na angkop; siguradong hindi siya isang taong nagpapakasasa sa pagkain, pag-inom, at paglilibang, o mahilig sa kaginhawahan at namumuhi sa pagsisikap. Siya ay lubos na maaasahan at mapagkakatiwalaan. Hindi siya magbabago; kung magbago man siya, mangangahulugan iyon na nagkamali ako tungkol sa kanya, hindi ba?” Anong uri ng lohika ito? Isa ka bang eksperto? May paningin ka bang gaya ng x-ray? Mayroon ka ba ng natatanging kasanayan na iyon? Maaaring makasama mo ang isang tao nang isa o dalawang taon, subalit magagawa mo kayang makita kung ano talaga siya nang walang angkop na kapaligiran para lubos na mailantad ang kanyang kalikasang diwa? Kung hindi siya ibinunyag ng Diyos, maaaring kasa-kasama mo siya sa loob ng tatlo, o kahit limang taon pa nga, at mahihirapan ka pa ring makita kung ano talaga ang uri ng kalikasang diwang mayroon siya. At lalo pang totoo iyon kapag madalang mo siyang makita, kapag madalang mo siyang makasama. Basta-bastang nagtitiwala sa isang tao ang mga huwad na lider batay sa isang panandaliang impresyon o sa positibong pagtatasa ng ibang tao sa kanya, at nangangahas silang ipagkatiwala ang gawain ng iglesia sa gayong tao. Sa bagay na ito, hindi ba’t lubha silang nagiging bulag? Hindi ba’t kumikilos sila nang walang ingat? At kapag ganito sila gumawa, hindi ba’t nagiging lubhang iresponsable ang mga huwad na lider? Tinatanong sila ng mga nakatataas na lider at manggagawa, “Nasuri mo na ba ang gawain ng superbisor na iyon? Ano ang paglalarawan ng karakter at kakayahan niya? Responsable ba siya sa gawain niya? Kaya ba niyang pasanin ang trabaho?” Tumutugon ang mga huwad na lider, “Talagang kaya niya! Noong pinili siya, nangako at nagpasya siya. Nasa akin pa rin ang nakasulat na panunumpa niya. Magagawa niyang pasanin ang trabaho.” Ano ang palagay ninyo sa mga salita ng mga huwad na lider? Naniniwala silang dahil nangako ang tao na ito para ipahayag ang pananagutan niya, tiyak na matutupad niya ito. Totoo ba ang pahayag na ito? Gaano ba karaming tao sa ngayon ang talagang kayang tumupad sa mga pangako nila? Gaano karami ang matatapat na tao na nagsasakatuparan ng mga bagay-bagay ayon sa mga pasya nila? Dahil lang nangako ang isang tao ay hindi nangangahulugang talagang kaya niya itong tuparin. Ipagpalagay na tinanong mo sa kanila, “Matitiyak mo bang hindi magbabago ang superbisor? Matitiyak mo ba ang panghabangbuhay na katapatan niya? Kapag gustong ibunyag ng Diyos ang mga tao ay kailangan Niyang magsaayos ng iba’t ibang kapaligiran para subukin sila. Ano ang batayan mo sa pagsasabing maaasahan siya? Nasiyasat mo ba siya?” Tumutugon ang mga huwad na lider, “Hindi na kailangan. Ibinalita na ng lahat ng kapatid na maaasahan siya.” Hindi rin tama ang pahayag na ito. Talaga bang magaling ang isang tao dahil lang ibinalita ng mga kapatid na ganoon siya? Lahat ba ng kapatid ay taglay ang katotohanan? Nakikita ba nilang lahat ang totoo sa mga bagay-bagay? Pamilyar ba ang lahat ng kapatid sa tao na ito? Lalo pang kasuklam-suklam ang pahayag na ito! Sa katunayan, matagal nang nabunyag ang tao na iyon. Nawala na sa kanya ang gawain ng Banal na Espiritu, at ang masasamang katangian niya ng pagmamahal sa ginhawa at pagkamuhi sa mahirap na gawain, pagiging matakaw at tamad, at hindi pag-aasikaso ng wastong gawain niya, ay nasiwalat na. Maliban sa mga huwad na lider, na wala pa ring kamalay-malay, matagal nang nakita ng lahat ang tunay na pagkatao niya—ang mga huwad na lider na lang ang nagtitiwala sa kanya nang ganito katindi. Ano ang silbi ng mga huwad na lider na ito? Hindi ba’t mga walang kuwenta sila? May ilang kaso pa nga kung saan nalalaman ng Itaas ang iba’t ibang pagpapamalas ng mga partikular na superbisor sa pamamagitan ng pagpunta sa lugar ng trabaho para magsiyasat at magtanong tungkol sa mga ito, pero wala pa ring kamalay-malay ang mga lider. Hindi ba’t problema ito? Mga tunay na huwad na lider ang mga lider na ito. Hindi sila gumagawa ng tunay na gawain, mga tagaayos lang sila ng papeles, at gusto nila ng mga amo na hindi nakikialam, gumagawa sila ng kaunting gawain at pagkatapos ay sinasamantala iyon at iniisip na may karapatan na silang mapakasaya, hindi nag-aabalang tumulong kapag nagkakaroon ng mga problema. Ano ang karapatan mong magtamasa ng mga pakinabang ng katayuan? Talagang wala itong kahihiyan! Kapag gumagawa ang mga huwad na lider, kailanman ay hindi nila sinusuri ang anumang gawain, hindi tinatanong ang tungkol sa pag-usad ng gawain, at talagang hindi nila sinisiyasat ang mga sitwasyon ng iba’t ibang superbisor ng pangkat. Nag-aatas lang sila ng gawain at nagsasaayos ng mga superbisor, at pagkatapos ay iniisip nilang tapos na sila, na talagang tapos na ang gawain nila, sa wakas. Naniniwala silang “May nag-aasikaso sa gawaing ito, kaya labas na ako rito. Puwede na akong magpakasaya.” Paggawa ba ito ng gawain? Walang dudang ang sinumang gumagawa nang ganito ay isang huwad na lider—isang huwad na lider na umaantala sa gawain ng iglesia at pumipinsala sa hinirang na mga tao ng Diyos.
Ang mga huwad na lider ay hindi kailanman nagtatanong o sumusubaybay sa mga sitwasyon sa gawain ng iba’t ibang superbisor ng grupo. Hindi rin sila nagtatanong, sumusubaybay, o nakakaarok sa buhay pagpasok ng mga superbisor ng iba’t ibang grupo at ng mga tauhang responsable sa iba’t ibang mahalagang gawain, pati na rin sa mga saloobin ng mga ito sa gawain ng iglesia at sa mga tungkulin ng mga ito, at sa pananalig sa Diyos, sa katotohanan, at sa Diyos mismo. Hindi nila alam kung ang mga indibidwal na ito ay sumailalim na sa anumang pagbabago o paglago, at hindi rin nila alam ang tungkol sa iba’t ibang isyung maaaring umiiral sa gawain nila; sa partikular, hindi nila alam ang epekto ng mga pagkakamali at paglihis na nagaganap sa iba’t ibang yugto ng gawain sa gawain ng iglesia at sa buhay pagpasok ng hinirang na mga tao ng Diyos, pati na rin kung ang mga pagkakamali at paglihis na ito ay naitama na. Ganap silang ignorante tungkol sa lahat ng bagay na ito. Kung wala silang nalalaman tungkol sa mga detalyadong kondisyong ito, nagiging pasibo sila tuwing may lumilitaw na mga problema. Gayumpaman, hindi nag-aabala ang mga huwad na lider na harapin ang mga detalyadong isyung ito habang ginagawa ang gawain nila. Naniniwala sila na matapos maisaayos ang iba’t ibang superbisor ng grupo at maitalaga ang mga gawain, tapos na ang gawain nila—itinuturing na nagawa na nila nang maayos ang gawain nila, at kung may iba pang problemang lilitaw, hindi na nila problema iyon. Dahil hindi napapangasiwaan, nagigiyahan, at nasusubaybayan ng mga huwad na lider ang iba’t ibang superbisor ng grupo, at hindi nila natutupad ang mga responsabilidad nila sa mga aspektong ito, nagreresulta ito sa pagkakagulo-gulo sa gawain ng iglesia. Pagpapabaya ito ng mga pinuno at manggagawa sa mga responsabilidad nila. Kayang siyasatin ng Diyos ang kaibuturan ng puso ng tao; isa itong abilidad na wala sa mga tao. Samakatwid, kapag gumagawa, kailangang maging mas masikap at maingat ang mga tao, regular na pumunta sa lugar ng gawain para subaybayan, pangasiwaan, at igiya ang gawain para matiyak ang normal na pag-usad ng gawain ng iglesia. Malinaw na lubos na iresponsable ang mga huwad na lider sa gawain nila, at hindi nila kailanman pinapangasiwaan, sinusubaybayan, o ginigiya ang iba’t ibang gampanin. Bilang resulta, hindi alam ng ilang superbisor kung paano lutasin ang iba’t ibang isyung lumilitaw sa gawain, at nananatili sila sa papel nila bilang mga superbisor kahit na kulang na kulang ang kakayahan nila para gawin ang gawain. Sa huli, paulit-ulit na naaantala ang gawain at nagugulo nila ito nang husto. Ito ang kinahihinatnan ng hindi pagtatanong, pangangasiwa, o pagsubaybay ng mga huwad na lider sa mga sitwasyon ng mga superbisor, isang kinalabasang ganap na dulot ng pagpapabaya ng mga huwad na lider sa responsabilidad nila. Dahil hindi nagsisiyasat, sumusubaybay, o nagtatanong ang mga huwad na lider tungkol sa gawain, at hindi nila agad na maarok ang sitwasyon, nananatili silang walang alam tungkol sa mga bagay tulad ng kung gumagawa ba ng tunay na gawain ang mga superbisor, kung kumusta ang pag-usad ng gawain, at kung nagbunga ba ito ng tunay na resulta. Kapag tinatanong kung ano ang pinagkakaabalahan ng mga superbisor o kung anong mga partikular na gampanin ang pinapangasiwaan nila, sumasagot ang mga huwad na lider, “Hindi ko alam, pero dumadalo sila sa bawat pagtitipon, at sa tuwing nakikipag-usap ako sa kanila tungkol sa gawain, hindi sila nagbabanggit ng anumang isyu o suliranin.” Naniniwala ang mga huwad na lider na hangga’t hindi tinatalikuran ng mga superbisor ang gawain ng mga ito at palagi silang nariyan kapag hinahanap sila ng mga huwad na lider, walang anumang problema sa kanila. Ganito gumagawa ang mga huwad na lider. Hindi ba’t isa itong pagpapamalas ng “pagiging huwad”? Hindi ba’t isa itong kabiguang matupad ang mga responsabilidad nila? Malubha itong pagpapabaya sa responsabilidad! Sa gawain nila, tumutuon lang ang mga huwad na lider sa pagraraos ng gawain, at hindi naghahangad ng mga aktuwal na resulta. Sa panlabas, madalas silang nagdaraos ng mga pagtitipon, lumilitaw na mas abala kaysa sa karaniwang tao. Gayunpaman, hindi pa rin nalalaman kung anong mga problema ang talagang nalutas nila, kung anong mga partikular na gampanin ang napangasiwaan nila nang maayos, at kung anong mga resulta ang nakamit nila. Walang sinumang makapagbigay ng malinaw na sagot tungkol sa mga bagay na ito, pati na ang mismong mga huwad na lider. Pero isang bagay ang matitiyak: Anuman ang mga problema ng mga tao sa lugar ng gawain, hindi matagpuan kahit saan ang mga huwad na lider na ito; walang sinumang nakakita sa kanila sa lugar ng gawain na lumulutas ng mga problema ng mga tao. Kaya, ano ang ginagawa ng mga huwad na lider buong araw? Anong mga problema ang nilulutas ng mga pagtitipon nila? Walang sinumang nakatitiyak, at sa huli ay natutuklasan lang ang naipong patong-patong na hindi nalulutas na mga isyu kapag ininspeksyon ang gawain nila. Sa panlabas, para talagang abalang-abala ang mga huwad na lider—“humaharap sila sa sangkatutak na gawain.” Gayunpaman, kapag sinuri ng isang tao ang mga resulta ng gawain nila, napakagulo nito; labu-labo ito, wala talagang anumang makabuluhan dito, at malinaw na hindi gumawa ng kahit katiting na tunay na gawain ang mga huwad na lider na ito. Sa kabila ng maraming tunay na problemang iniwanan nilang hindi nalulutas, parang walang kamalayan sa konsensiya at hindi nakakaramdam ng paninisi sa sarili ang mga huwad na lider. Higit pa rito, masyado silang kampante sa sarili at nag-iisip na medyo magaling sila; talagang wala silang katwiran. Ang ganitong mga tao ay hindi karapat-dapat na maging mga lider o manggagawa sa iglesia.
Ang uri ng superbisor na katatapos lang nating pagbahaginan ay maalam sa propesyon niya at nagtatglay ng kakayahan sa gawain, pero hindi lang nagdadala ng pasanin, at nagpapakasasa sa pagkain, pag-inom, at paglilibang buong araw nang hindi nag-aasikaso ng wastong gawain niya o gumagawa ng anumang tunay na gawain. Hindi kaya ng mga huwad na lider na agad na italaga sa ibang tungkulin at tanggalin ang ganitong uri ng superbisor, at nahahadlangan at nagugulo nito ang gawain, napipigilan itong umusad nang maayos. Hindi ba’t dulot ito ng mga huwad na lider? Kahit na hindi direktang responsable rito ang mga huwad na lider, dahil sa pagpapabaya nila sa responsabilidad, sa pagkabigo nilang tuparin ang papel nila bilang mga tagapamahala, nagiging hindi direktang responsable sila sa mga kawalang idinulot sa gawain. Hindi tinutupad ng mga huwad na lider na ito ang tungkulin nila bilang mga tagapamahala, pabaya sila sa mga responsabilidad nila, sa huli ay nagdudulot ng mga kawalan sa gawain ng iglesia. May ilang gampanin pa ngang nahihinto at naiiwan sa kaguluhan dahil sa kawalan ng angkop na superbisor na mamamahala, magsasakatuparan ng pagsisiyasat, at mangangasiwa at magtutulak na umusad ang gawain. Idudulot ng hindi wastong paggamit ng mga tauhan ang ganitong mga uri ng kawalan sa gawain. Kahit na may kaunting kakayahan at medyo nauunawaan ng ganitong uri ng superbisor ang propesyon, hindi niya inaasikaso ang wastong gawain niya, madalas niyang tinatahak ang sarili niyang landas, at hindi sinusunod ang tamang landas. Kahit na mabalitaan ng mga huwad na lider na may nag-ulat ng isang isyu sa ganitong uri ng superbisor, hindi nila ito agad na sinisiyasat o pinangangasiwaan, at kalaunan ay napaparalisa nito ang gawain ng iglesia. Hindi ba’t dulot ito ng pagiging iresponsable ng mga huwad na lider? Sinusubukan pa nga nilang tumakas sa responsabilidad, sinasabing hindi nila nauunawaan ang sitwasyon ng superbisor, na hangal at ignorante sila, iniisip na kapag sinasabi ito ay matatapos na ang usapin, na hindi na nila kakailanganing umako ng responsabilidad. Sa gawain nila, palaging kumikilos ang mga huwad na lider sa pabasta-bastang paraan. Kahit kapag nag-uulat ang mga tao ng mga problema, hindi nila tinatanong ang tungkol dito o pinangangasiwaan ito, at kapag nagkakaroon ng mga problema, sinusubukan nilang tumakas sa responsabilidad. Isa itong pagpapamalas ng mga huwad na lider.
II. Kung Paano Tinatrato ng Mga Huwad na Lider ang Mga Superbisor na May Mahinang Kakayahan at Walang Kakayahan sa Gawain
Kapag gumagawa ang mga huwad na lider, hindi lang limitado sa sitwasyong ito ang mga problemang hinaharap nila—may isa pa kung saan ang mga superbisor ay may mahinang kakayahan at walang kakayahan sa trabaho at hindi kayang pasanin ang trabaho. Sa ganoong mga kaso, hindi rin agad naitatanong at napangangasiwaan ng mga huwad na lider ang isyu. Bakit ganoon? Walang kakayahan sa gawain ang mga huwad na lider, mahina ang kakayahan nila, at wala silang espirituwal na pang-unawa. Kailanman ay hindi sila nagmamalasakit o nagkukusang tanungin ang tungkol sa kakayahan ng iba’t ibang superbisor ng pangkat, sa kakayahan ng mga itong pasanin ang gawain, o sa mga sitwasyong ng gawain ng mga ito. Hindi nila kayang makita ang totoo sa mga superbisor na mahina ang kakayahan at hindi nakapagpapasan ng gawain ng mga ito, hindi rin nila alam ang tungkol sa mga bagay na ito. Sa isip nila, sa sandaling akuin ng sinumang tao ang papel ng superbisor, mananatili ang tao na iyon sa posisyon nito sa loob ng mahabang panahon, maliban kung gagawa ito ng sari-saring kasamaan, gagalitin ang lahat, at tatanggalin ng mga kapatid, o maliban kung may mag-uulat sa mga isyu nito sa Itaas at direktang tatanggalin ng Itaas ang tao na iyon. Kung hindi, kailanman ay hindi tatanggalin ng mga huwad na lider ang tao na iyon. Naniniwala silang dahil sinabi ng mga kapatid na magaling ang tao na iyon at hinalal ito, malamang na ang tao na iyon ang pinakamainam na piliin. Palaging umaasa ang mga huwad na lider sa mga guniguni at panghuhusga para matukoy kung kaya ng isang tao na gumawa ng gawain at kung angkop siyang tumayo bilang superbisor. Halimbawa, may isang superbisor ng isang pangkat ng mga mananayaw na hindi marunong sumayaw, at hindi niya nauunawaan ang mga prinsipyo sa pagpili ng mga sayaw. Habang bumubuo ng koreograpiya ng isang sayaw, hindi niya alam kung kontemporaryo o klasikal na estilo ang pipiliin. Sa tuwirang pananalita, wala siyang kaalaman sa sayaw. Gayunpaman, hindi ito makita ng huwad na lider. Pinili niya ang tao na iyon bilang superbisor dahil masigasig ito at handang maging sentro ng atensyon, ipinagpapalagay na nauunawaan ng tao na ito ang lahat at hinahayaan itong gabayan ang mga kapatid. Kalaunan, ang huwad na lider ay hindi nangumusta, hindi inobserbahan ang gawain nito, o tiningnan kung gaano kaayos na ginagabayan ng superbisor ang mga kapatid, kung eksperto o hindi propesyonal ang superbisor, kung angkop ang tinuturo nito, o kung naaayon ito sa mga hinihingi ng sambahayan ng Diyos. Hindi niya masabi ang mga bagay na ito, at hindi siya pumunta at nagtanong tungkol sa mga iyon. Ang resulta, mahabang panahong gumawa ang lahat nang hindi nagkakaroon ng anumang resulta, at sa wakas ay natuklasang hindi talaga marunong sumayaw ang superbisor na pinili ng huwad na lider, pero nagkukunwari itong eksperto at nangangasiwa sa iba. Hindi ba’t naantala nito ang gawain? Pero hindi matukoy ng huwad na lider ang problemang ito at naniniwala pa ring mahusay ang trabaho ng tao na iyon. Sa isip ng mga huwad na lider, kahit sino pa ang isang tao, basta’t may tibay ng loob siya at naglalakas-loob siyang magsalita, kumilos, at umako ng gawain, pinatutunayan nitong may kakayahan siya at kaya niya itong pasanin, samantalang kung hindi siya naglalakas-loob na gawin ang mga bagay na iyon, patutunayan nitong kulang ang kakayahan niya para pasanin ang gawaing iyon. May ilang tao na hangal o padalos-dalos na mainitin ang ulo, na sapat na matapang para gawin ang anumang bagay. Hindi alam ng mga tao na ito kung taglay nila ang tamang kakayahan o kung kaya nilang pasanin ang gawain pero nangangahas pa rin silang maging mga superbisor. At iyon pala, pagkatapos nilang akuin ang papel, walang umuusad sa mga gawain, at anumang gawain ang ginagawa nila, wala silang malinaw na direksyon, o mga hakbang, o mga tamang ideya. Puwedeng magsulong ng anumang opinyon ang sinuman at hindi nila malalaman kung tama o mali ito. Kung sasabihin ng isang tao na gawin ang mga bagay-bagay sa isang paraan, sasabihin nilang ayos lang iyon, habang kung sasabihin ng isang tao na gawin ang mga bagay-bagay sa isa pang paraan, sasabihin din nilang ayos lang iyon. At pagdating sa kung anong pamamaraan ang talagang gagamitin, hinahayaan nilang magkaroon ng opinyon ang lahat, at maipapatupad ang ideya ng sinumang pinakamalakas magsasalita. Ang ganitong mga uri ng tao ay walang anumang kakayahan, hindi kayang makita ang totoo sa anumang bagay, at nakakagulo lang sa gawain nila, pero hindi pa rin nakikita ng mga huwad na lider ang tunay na pagkatao ng mga superbisor na ganito. Sinasabi ng ilang tao, “Napakahina ng kakayahan ng superbisor na iyon; kailangan niyang matanggal agad!” Pero tumutugon ang mga huwad na lider, “Nakausap ko na siya, at sinabi niyang handa siyang gawin ang bahagi niya. Bigyan natin siya ng isa pang pagkakataon.” Ano ang palagay mo sa pahayag na ito? Hindi ba’t isa itong bagay na sasabihin ng isang hangal? Ano ang mali sa pahayag na ito? (Hindi ito isang usapin kung handa siyang gawin ang bahagi niya o hindi; wala siyang kakayahan at hindi lang talaga niya kayang pasanin ang gawain.) Tama iyan, hindi ito isang isyu kung handa siyang gawin ito; tungkol ito sa pagkakaroon niya ng masyadong mahinang kakayahan at kawalan ng kaaalaman kung paano ito gawin—ito ang pinakapunto ng problema. Iyon ang dahilan kung bakit kailangang magtaglay ng mga lider nila ng kaunting talino at magawang kumilatis ng mga tao, para makita kung taglay ng mga superbisor na ito ang kinakailangang kakayahan. Kailangang magsagawa ng mga lider na ito ng komprehensibong pagsusuri sa mga ito batay sa pananalita at pagbabahagi ng mga ito, sa pag-oobserba kung karaniwang kumikilos ang mga ito nang may wastong balangkas at nang may maaayos na paraan at hakbang, at sa komento ng mga kapatid. Kung masyadong mahina ang kakayahan ng mga ito at wala ng kinakailangang kakayahan sa gawain, kung nagugulo ng mga ito ang lahat ng ginagawa ng mga ito, at kung mga walang kuwenta ang mga ito, kailangang matanggal agad ang mga superbisor na ito.
May isang partikular na superbisor sa isang bukid na nakagulo sa gawaing pagsasaka. Hindi niya alam kung aling mga pananim ang dapat niyang itanim sa aling piraso ng lupa, o kung aling piraso ng lupa ang naaangkop sa pagpapatubo ng mga gulay, at hindi siya naghahanap at nakikipagbahaginan kasama ng lahat—hindi niya alam kung paano makipagbahaginan tungkol sa mga bagay na ito, kaya hindi na lang niya ito ginagawa. Itinatanim niya ang mga pananim kung paanuman niya naisin, isinasantabi ang mga prinsipyo ng sambahayan ng Diyos sa likod ng isip niya. Ang resulta, isinakatuparan niya ang pagtatanim sa bawat piraso ng bukirin sa isang magulong paraan, itinatanim nang maramihan ang mga pananim na dapat ay kaunti lang ang itanim, at kaunti ang itinatanim sa mga pananin na dapat itanim nang maramihan. Nang pungusan siya ng Itaas, mapanlaban pa rin siya, at pakiramdam niya ay walang mali sa pagtatanim niya sa mga pananim sa ganitong paraan. Sabihin ninyo sa Akin, hindi ba’t napakahirap pakitunguhan ng ganitong mga uri ng superbisor? Hindi niya alam kung paano pangasiwaan ang mga bagay batay sa mga prinsipyong itinaguyod ng sambahayan ng Diyos, o na dapat niyang tukuyin kung ilang bukid ng mga trigo at ilang bukid ng mga gulay ang nararapat itanim batay sa bilang ng mga tao na gumagawa ng mga tungkulin ng mga ito sa Iglesiang may tungkuling full-time. Sa halip, nagpasya siyang magtanim ng mas marami at mas kaunti ng mga partikular na pananim batay sa sarili niyang mga kagustuhan, at naniwala siyang ganap na angkop ang paggawa nito. Sa huli, tinanim niya ang mga pananim sa isang magulong paraan. Kalaunan, sumibol ang mga punla. Ang ilan sa mga iyon ay nanilaw at nangailangan ng pataba, pero hindi niya alam kng gaano karami ang ilalagay o kung kailan ito ilalagay. Ang ilan sa mga pananim ay pinamugaran ng mga peste, at hindi niya alam kung dapat niyang lagyan ang mga iyon ng pestisidyo o hindi. May ilang tao na nagsulong sa paggamit ng mga iyon, at may ilang nagsulong na huwag gawin iyon, at nalito siya, at hindi na niya alam kung ano ang gagawin tungkol sa mga pestisidyo. Sa ganitong paraan, iniraos lang niya ang gawain hanggang sa dumating ang panahon ng anihan. Wala rin siyang ideya kung gaano katagal ang panahon ng pagtubo ng bawat pananim o kung kailan magiging magulang ang bawat pananim. Ang resulta, medyo berde pa ang mga trigong inani nang maaga, habang nahulog naman sa lupa ang mga inani nang huli. Sa huli, sa kabila ng lahat, naani ang mga pananim, naimbak na sa wakas ang mga trigo, at halos tapos na ang mga aktibidad sa pagsasaka para sa taon. Kumusta ang pagganap ng superbisor ng bukid sa gawaing ito? (Nagulo niya ito.) Bakit masyado itong nagulo? Hanapin ninyo ang pinakaugat ng isyung ito. (Masyadong mahina ang kakayahan niya.) Masyadong mahina ang kakayahan ng superbisor na ito! Kapag nahaharap sa mga bagay, hindi siya tumpak humatol, hindi niya mahanap ang mga prinsipyo, at wala siyang paraan o diskarte sa pangangasiwa sa mga bagay-bagay. Humantong ito sa pangangasiwa niya sa isang simpleng gampaning gaya ng pagtatanim ng mga pananim sa isang masyadong magulong paraan, at masyadong nagulo ang gawaing ito. Ano ang mga pangunahing pagpapamalas ng mahinang kakayahan? (Ang kawalan ng tumpak na paghatol at ang kawalan ng kakayahang hanapin ang mga prinsipyo.) Hindi ba’t kritikal ang mga salitang ito? Matatandaan ba ninyo ang mga ito? Kapag nahaharap ang isang tao sa mga bagay, ang kawalan ng tumpak na paghatol at kawalan ng kakayahang hanapin ang mga prinsipyo ay nagpapahiwatig ng napakahinang kakayahan. Habang mas maraming ibinibigay na mungkahi at pahiwatig ang ibang tao, lalong nalilito ang superbisor na ito. Inakala niyang magiging mabuti kung isa lang ang mungkahi, kung ganoon ay puwede niya itong ituring na parang isang patakaran at sundin ito, na masyadong magpapasimple sa mga bagay-bagay, at mangangahulugang hindi na niya kakailangang mag-isip o humatol. Natatakot siyang magmungkahi ang maraming tao dahil kapag narinig niya ang mga iyon, hindi niya alam kung paano pangangasiwaan ang mga iyon. Ang totoo, ang mga tao na may utak at mahusay na kakayahan ay hindi natatakot sa pagmumungkahi ng ibang tao. Iniisip nilang mas nagiging tumpak ang paghatol nila at mas lumiliit ang puwang ng pagkakamali kapag mas maraming tao ang nagmumungkahi. Ang mga tao na walang utak o kakayahan ay natatakot sa magkakaibang opinyon at mungkahi mula sa maraming tao; nagugulumihanan sila kapag nahaharap sa payo na maraming pinagmumulan. Hindi ba’t masyadong mahina ang kakayahan ng superbisor ng bukid na kababanggit Ko lang kanina—hindi ba’t hindi siya sapat na magaling para pasanin ang gawaing ito? (Oo.) Katwiran ng ilan, “Baka hindi pa siya nakakapagsaka dati. Ipinagpilitan Mong gumawa siya ng gawain sa bukid—hindi ba’t parang pagpilit iyon sa isang isda na manirahan sa lupa?” Ang hindi ba pagkakaroon ng dating karanasan sa pagsasaka ay nangangahulugang hindi kayang magsaka ng tao na iyon? Sino ba ang may likas na kakayahang magsaka? Puwede kayang ipinanganak ang mga magsasakang taglay ang kakayahang ito? (Hindi.) Nagkaroon na ba ng sinumang magsasaka na, dahil walang karanasan at hindi marunong magsaka ay hindi nagkaroon ng ani at hindi nagkaroon ng anumang trigong kakainin noong unang beses siyang magtanim ng mga pananim, na humantong sa isang taon ng gutom? Nangyayari ba ang ganitong uri ng bagay? (Hindi.) Kung totoo talaga iyon, magiging isang likas na sakuna ito, hindi ang resulta ng mga kilos ng tao. Bihirang-bihira ang ganoong mga sitwasyon! Pagsasaka ang ikinabubuhay ng mga magsasaka, at natututuhan ito kahit ng mga tao na isa o dalawang taon nang nagsasaka. Ang mga tao na may mahusay na kakayahan ay kayang mag-ani ng medyo mas marami mula sa pagsasaka sa lupa, habang ang mga tao na mahina ang kakayahan ay puwedeng magkaroon ng mas kaunting ani. Higit pa rito, sa kasalukuyang pagsulong at kasaganaan ng impormasyon, kung may kakayahan ang isang tao, sapat na ang impormasyong ito para magsilbing sanggunian para tumpak na humatol at magpasya. Kapag mas malawak at tumpak ang impormasyon, lalong nagiging tumpak ang mga hatol at pasya niya, at mas kaunti ang nagiging pagkakamali niya. Gayunpaman, kabaligtaran ang mga tao na mahina ang kakayahan; kapag mas maraming impormasyon, lalo silang nalilito. Sa huli, ang bawat hakbang ay nagiging mahirap at masyadong mabigat para sa kanila. Oras ang kalaban mo sa pagsasaka; hindi uubra kung masyado kang maaga o masyadong huli. Kung mahuhuli ka at hindi ka aabot sa tamang oras, maaapektuhan ang huling ani. Sa panahon ng pagsasakatuparan ng pagsasaka, nagugulumihanan ang superbisor na ito, minamadali ng paglipas ng oras, at napipilitan sa bawat hakbang. Kahit na nagawa pa rin niya ang bawat hakbang, napakahirap nito para sa kanya, at sa huli, nagresulta ito sa pagkakagulo niya sa gawain. Masyadong mahina ang kakayahan ng ganoong mga tao!
Ang mga tao na masyadong mahina ang kakayahan ay ni hindi makagawa ng kahit isang gampanin nang maayos; anumang gawain ang ginagawa nila, masyado nila itong nagugulo. Kung mahusay ang kakayahan ng mga lider ng mga superbisor na ito at natutupad nila ang mga responsabilidad nila, makikita nila ang mga bagay na ito. Dapat nilang tulungan ang mga superbisor na mahina ang kakayahan sa pamamagitan ng paggabay, pagsasapamantayan, at pagsusuri. Gayunpaman, hindi ito nagagawa ng mga huwad na lider; hindi rin nila nagagawa ang mga bagay na hindi kayang gawin ng mga superbisor, at kapag nahihirapan ang mga superbisor sa gawain ng mga ito o nag-aalangan at nag-aatubili sa gawain ng mga ito, kasama ng mga itong nag-aatubili ang mga huwad na lider. Hindi pa nga nila alam kung kumusta ang mga superbisor sa gawain ng mga ito, kung nasaan na ang mga ito rito, kung anong mga problema ang lumitaw, o kung anong kalituhang mayroon ang mga ito. Nang may magtanong sa lider na iyon tungkol sa pagsasaka, sinabi niya, “Isa akong lider, hindi ako nangangasiwa ng pagsasaka.” Tumugon ito, “Isa kang lider, kung ganoon ay anong masama sa pagtatanong sa iyo tungkol sa pagsasaka? Nasa saklaw ng mga responsabilidad mo ang gawaing ito.” Sinabi niya, “Itatanong ko ito para sa iyo.” Pagkatapos magtanong, tumugon siya, “Kasalukuyan kaming nagtatanim ng mga patatas.” Tinanong nito, “Ilang patatas ang itinatanim ninyo?” Tumugon siya, “Hindi ko tinanong iyon, aalamin ko para sa iyo.” Pagkatapos muling magtanong, tumugon siya, “Nagtanim kami ng dalawang ektarya.” Tinanong nito: “Anong uri ang itinanim ninyo? Angkop ba ang piraso ng lupang iyon sa pagtatanim ng mga patatas? Naglagay ba kayo ng pataba noong itinanim ninyo ang mga iyon? Gaano kalalim itinanim ang mga binhi ng patatas?” Hindi niya alam ang alinman sa mga ito. Hindi mo alam ang mga bagay na ito, pero hindi ka nagtatanong tungkol sa mga ito at naghahanap ng tao na mapagtatanungan tungkol sa mga ito—hindi ba’t naaantala nito ang mga bagay-bagay? Lider ka ba talaga? Anong gawain ang ginagawa mo bilang isang lider? Kung ni hindi mo kayang akayin ang mga tao na gawin ang kaunting panlabas na gawaing ito, ano ang silbi ng pagiging lider mo? Kahit na ganito kahina ang kakayahan ng superbisor, hindi ito natuklasan ng huwad na lider na ito, at nang tanungin siya kung kumusta ang kakayahan ng superbisor, kung kumusta ang mga pananim, at kung matitiyak ang ani, naniwala siyang: “Hindi mo kinakailangang tanungin ang tungkol sa mga bagay na ito; napakasimpleng gampanin ng pagsasaka! Naitanin na namin ang mga pananim sa bukid, hindi ba? Paanong hindi magkakaroon ng ani?” Wala siyang anumang isinaalang-alang, hindi siya nagtanong tungkol sa anumang bagay, at wala talaga siyang utak. Anong uri ng lider ito? (Isang huwad na lider.) Sa tuwing nahaharap sa kahit na ano, natataranta ang superbisor tulad ng isang manok na putol ang ulo. Hindi niya alam kung sino ang tatanungin, o kung paano maghahanap ng impormasyon, o kung aling panig ang pipiliin kapag maraming iba’t ibang ideya ang ibinibigay ng magkakaibang pinagmumulan. Hindi siniyasat ng lider na ito ang mga sitwasyong ito. Iniisip niyang ibinigay na ang gawain sa tao na ito, kung kaya’t hindi na talaga niya ito inalala. Sa palagay ba ninyo ay magkakaroon ng epekto sa mga resulta ng gawain ang pagkakaroon ng ganoon kahinang kakayahan ng isang superbisor? (Oo.) Kung ganoon ay ano ang dapat ginawa ng lider para lutasin ang problemang ito? Sa pamamagitan ng pagsisisyasat dito at hindi direktang pagtatanong, sa pamamagitan ng mga pangyayaring naganap sa paligid niya, at sa pamamagitan ng pagtatanim sa pananim ng panahong iyon, dapat ay natuklasan niyang masyadong mahina ang kakayahan ng superbisor, na hindi nito kayang gumawa ng kahit na ano. Hindi nito kayang ibuod ang anumang karanasan kahit pagkatapos ng mga taon ng pagsasaka—sa puntong iyon ay ni hindi nito sigurado kung paano magtanim ng mga pananim—dapat ay naging malinaw na sa kanya na mahina ang kakayahan nito at hindi nito kaya ang gampanin, at dapat na matanggal ang ganoong tao! Dapat ay nagtanong siya kung sino ang angkop na maging superbisor, kung sino ang kayang umako sa trabahong ito at gumawa rito nang maayos, sa gayon ay tinitiyak na hindi napipinsala ang gawain ng sambahayan ng Diyos. Ganito ba ang mentalidad ng huwad na lider? Nakikita ba niya ang mga isyung ito? (Hindi.) Bulag ang isip at mga mata niya; ganap na bulag siya. Isa itong pagpapamalas ng mga huwad na lider. Pagdating sa mga tao na mahina ang kakayahan, hindi nila alam kung paano gagabayan ang mga ito sa gawain ng mga ito, hindi nila alam kung paano tutulungan ang mga ito sa pamamagitan ng pagsasakatuparan ng pagsusuri o kung paano agad na lulutasin ang mga paghihirap ng mga ito, at talagang hindi nila alam na hindi kaya ng isang tao na may mahinang kakayahan na pasanin ang trabaho at na dapat itong mapalitan agad ng angkop na tao. Hindi isinasakatuparan ng mga huwad na lider ang alinman sa mga gampaning ito; hindi nila ito kaya, at hindi nila nakikita ang alinman dito. Hindi ba’t mga bulag na tao ang mga ito? Sinasabi ng ilang tao, “Siguro ay abala sila sa ibang gampanin. Bakit ba palagi Mong ipinaaasikaso sa kanila ang kung ano-anong hindi mahalagang gampaning ito?” Mga gampanin ito na dapat gawin ng mga lider, paano maituturing na kung ano-ano lang ang mga ito? Ang mga bagay na ito ay nasa saklaw ng mga responsabilidad ng mga lider—ayos lang ba kung pababayaan nila ang mga ito? Kung pababayaan nila ito, magiging pagpapabaya ito sa responsablidad. Kada araw, nagkakaroon ng mga paghihirap at problema sa gawain nang hindi nakikita ng mga lider, at araw-araw itong binabanggit ng mga tao. Gayunpaman, parehong bulag ang mga mata at isip ng mga huwad na lider. Hindi nila nakikita, nararamdaman, o napapansin na mga problema ang mga ito, kaya, siyempre, hindi nila kayang lutasin ang mga ito. Hindi natuklasan ng huwad na lider na masyadong mahina ang kakayahan ng superbisor. Hindi rin niya kayang tukuyin ang iba’t ibang problemang lumitaw sa gawain nito. Hindi kayang pangasiwaan ng superbisor na ito ang mga isyu at nang may mangyari, kumilos ito sa magulong paraan na gaya ng mga langgam sa mainit na kawali, nang walang mga prinsipyo, at nakagugulo sa gawain, at hindi makita o matuklasan ng huwad na lider na iyon ang alinman dito. May isang prinsipyo kung paano ginagawa ng mga huwad na lider ang gawain nila: Basta’t nakapagsaayos na sila ng tao na magiging responsable sa bawat gampanin, itinuturing nilang tapos na ito, at mahusay man o mahina ang kakayahan ng superbisor, kaya man nitong gawin nang maayos ang trabaho, o gaano man karami ang lumilitaw na problema sa gawain, pakiramdam nila ay wala itong kinalaman sa kanila. Kaya pa rin bang tumapos ng gawain ng ganoong lider? Nauunawaan ba niya kung paano gumawa? (Hindi.) Kung hindi mo nauunawaan kung paano gumawa, bakit ka tumatayo bilang lider? Kung magseserbisyo ka bilang lider sa kabila nito, isa kang huwad na lider. Hindi nakikita o natutuklasan ng mga huwad na lider ang iba’t ibang pagpapamalas ng mga tao na may mahinang kakayahan o ang iba’t ibang nagiging problema habang ginagawa ng mga ito ang mga tungkulin ng mga ito. Masyadong manhid ang mga puso nila. Hindi ba’t parehong bulag ang mga mata at isip nila? Puwedeng sabihin ng ilan, “Hindi sila bulag. Palagi mo silang sinisiraang-puri.” Napakalubha ng mga problema sa superbisor ng pagsasaka na ito; kasama itong namumuhay ng huwad na lider na iyon araw-araw, at nakikita at naririnig niya ang lahat ng nangyayari. Kung ganoon ay paanong hindi niya natuklasan o napagtanto na isyu ang mga ito? Bakit hindi niya pinangasiwaan o nilutas ang mga isyung ito? Hindi ba bulag ang mga mata at isip niya? Malubha ba ang problemang ito? (Oo, malubha.) Isa pa itong pagpapamalas ng mga huwad na lider—ang pagkabulag ng isip at mga mata.
Kapag nag-aatas ka ng gampanin sa isang tao na mahina ang kakayahan, mahahalata mo sa karaniwang paraan ng pagsasalita niya, sa saloobin at mga pananaw niya kapag tinatalakay ang gawain, at sa paraan ng pangangasiwa niya sa mga gampanin, na masyadong mahina ang kakayahan niya, na magulo ang pag-iisip niya, at na hinaharap niya ang lahat ng bagay nang may kaunting pagkabulag at kawalan ng ingat, at wala siyang anumang layunin. Matutukoy mo na masyadong mahina ang kakayahan ng tao na ito sa pamamagitan lang ng pagtingin sa paraan ng paggawa niya sa mga bagay-bagay, kaya kailangan mo ba talaga siyang obserbahan nang ganoon katagal? Hindi, hindi na kailangan. Gayunpaman, may nakapipinsalang problema ang mga huwad na lider; iyon ay, naniniwala silang dahil patuloy na gumagawa ang isang tao sa buong panahong ito nang hindi humihinto, at wala silang narinig na sinumang nagsusumbong dito dahil sa paggawa ng masamang bagay, o dahil sa pagdudulot ng pagkakagambala o pagkakagulo, o dahil sa pagiging negatibo o tamad, nangangahulugan itong kaya pa ring gawin ng tao na ito ang gawin. Hindi nila alam kung paano husgahan ang kakayahan ng isang tao o ang kakayahan nitong mahusay na magtrabaho batay sa pananalita nito, sa saloobin at pananaw nito sa mga bagay, o sa paraan ng paggawa nito sa mga bagay-bagay. Wala sila ng kamalayang ito; manhid sila at walang anumang pagkaunawa tungkol sa bagay na ito. May isa silang pananaw: Basta’t hindi batugan ang isang tao, ayos lang ang lahat at puwedeng magpatuloy ang gawain. Sa palagay ba ninyo ay kayang mahusay na magtrabaho ng isang lider na may ganitong uri ng panaanw? Kaya ba niya ang gampanin? (Hindi.) Makakagulo sa gawain ang pagpapahintulot na maging lider ang ganoong tao, hindi ba? Kapag nagpapakasasa ang isang tao sa pagkain, pag-inom, at paglilibang, at pinababayaan ang mga tunkulin niya, hindi nag-aabala ang mga huwad na lider na siyasatin o pangasiwaan ito, at hindi nila nakikita kung mahusay o mababa ang kakayahan o karakter ng isang tao, kahit gaano katagal na silang nakikipag-ugnayan dito. Taglay ba ng mga lider na ito ang kakayahan sa gawain ng isang lider? (Hindi.) Mga huwad na lider ang mga ito. Hindi kayang kilatisin ng mga huwad na lider kung mahusay ang kakayahan ng isang tao o hindi, at hindi nila kayang gawin ang mga partikular na gampaning ito. Iniisip nilang hindi ito bahagi ng trabaho nila. Hindi ba’t pagpapabaya ito sa responsabilidad? Ano sa palagay ninyo, kaya bang pasanin ang gawain ng isang tao na may mahinang kakayahan, o ng isang tao na may kaunting kakayahan? (Ng isang tao na may kaunting kakayahan.) Samakatwid, ang pagsusuri sa kakayahan ng isang tao at sa kahusayan niya sa trabaho ay isang isyu na dapat alalahanin at maarok ng mga lider at manggagawa, at isa rin itong gampanin na dapat gampanan ng mga lider at manggagawa. Pero hindi nauunawaan ng mga huwad na lider na bahagi ito ng trabaho nila, wala sila ng kamalayang ito, at hindi nila kayang tuparin ang bahaging ito ng mga responsabilidad nila. Dito pabaya ang mga huwad na lider sa responsabilidad nila, at isa rin itong pagpapamalas na hindi kaya ng mga huwad na lider ang gampanin. Ito ang ikalawang ui ng sitwasyon: ang pagkakaroon ng mga superbisor ng mahinang kakayahan, kawalan ng kakayahan sa gawain, at kawalan ng kakayahang pasanin ang gawain nila, na isang isyu tungkol sa kakayahan nila. Sa sitwasyong ito, sa parehong paraan ay nabibigo ang mga huwad na lider na gampanan ang papel ng isang lider at hindi nila agad na natatanggal ang mga superbisor na may mahinang kakayahan.
III. Kung Paano Tinatrato ng Mga Huwad na Lider ang Mga Superbisor na Nagpapahirap sa Iba at Nakagugulo sa Gawain ng Iglesia
Ang ikatlong uri ng sitwasyon ay may kinalaman sa mga superbisor na nagpapahirap at naghihigpit sa iba, nakagugulo sa gawain ng iglesia. Ang unang sitwasyong pinag-usapan natin kanina ay kung saan may ilang superbisor, na sa kabila ng pagkakaroon ng medyo mahusay na kakayahan at kakayahang akuin ang gawain ay hindi sumeseryoso sa gawain, at umaasal lang sa isang pabasta-bastang paraan, habang ignorante rito ang mga huwad na lider at hindi sila agad na tinatanggal. Ang ikalawang sitwasyon ay may kinalaman sa ilang superbisor na mahina ang kakayahan at hindi nakakapagpasan ng gawain, pero hindi ito napapansin ng mga huwad na lider o hindi sila agad na pinapalitan. Ang ikatlong sitwasyong ito ay tungkol sa mga superbisor na, mahusay man o mahina ang sarili nilang kakayahan ay hindi nag-aasikaso ng wastong gawain nila, at nagpapahirap at naghihigpit lang sa iba, nakagugulo sa gawain ng iglesia. Mula sa oras na piliin sila bilang mga superbisor, hindi nila sinusubukang matutuhan o pag-aralan ang larangan nila, ni hinahanap ang mga katotohanang prinsipyo, at talagang hindi nila ginagabayan ang iba na gawin nang maayos ang mga tungkulin ng mga ito. Sa halip, sa tuwing makakakuha sila ng pagkakataon, may pinag-iinitan sila, at may iba silang tinutuya at inaalipusta; basta’t may pagkakataon sila, nagpapasikat sila, at anuman ang ginagawa nila, kailanman ay hindi sila praktikal na praktikal. Sa isang araw ay sinasabi nila sa mga tao na gawin ang mga bagay-bagay sa isang paraan, at kinabukasan ay sinasabi nila sa mga iyon na gawin ang mga bagay-bagay sa isa pang paraan; nakakaisip lang sila ng mga bagong panlilinlang, palaging nagnanais na mangibabaw. Dahil sa lahat ng ito ay nababalisa ang kalagayan ng mga tao. Sa tuwing magsasalita sila, kumakabog ang dibdib ng ilang tao. Kapag nasupil na nila ang lahat, at naidulot na sa lahat na katakutan at sundin sila, natutuwa sila. Mga huwad na lider o anticristo man sila, at nasa kapangyarihan man sila o hindi, nasisira ng ganitong mga uri ng tao ang katahimikan ng iglesia. Bukod sa hindi na nila kayang gumawa ng tunay na gawain o gampanan nang normal ang tungkulin nila, naghahasik din sila ng hindi pagkakasundo at nagdudulot ng mga alitan sa pagitan ng mga tao, nakagugulo sa buhay ng iglesia. Bukod sa hindi na nila natulungan ang ibang maunawaan ang katotohanan, madalas din silang nanghuhusga at nagkokondena ng mga tao, at nanghihikayat sa mga tao na sundin sila sa lahat ng bagay, hinihigpitan ang mga ito hanggang sa puntong hindi na alam ng mga ito kung paano kumilos nang angkop. Lalo na pagdating sa paraan ng pamumuhay ng mga ito, hindi puwedeng matulog ang mga tao nang medyo mas maaga o mas huli. Anuman ang gawin ng mga ito ay kailangan ng mga itong pagmasdan ang mga ekspresyon ng mukha ng mga tao na ito, kaya nagiging masyadong nakakapagod ang buhay. Kung magiging mga superbisor ang ganitong mga tao, mahihirapan ang lahat. Kung kakausapin mo sila nang matapat at ilalantad ang mga isyu nila, sasabihin nilang sadya mo silang pinupuntirya at inilalantad. Kung hindi mo sila kakausapin tungkol sa mga problema nila, sasabihin nilang minamaliit mo sila. Kung seryoso at responsable ka sa gawain at bibigyan mo sila ng kaunting payo, magiging mapanlaban sila, at sasabihin nilang inaatake at tinatawag mo silang mapagmataas. Ano’t ano man, anuman ang gawin mo, hindi nila ito ikatutuwa. Palagi nilang iniisip ang pagpapahirap sa mga tao, at hinihigpitan nila ang mga tao para maigapos ang mga kamay at paa ng mga ito at maramdaman ng mga ito na walang magawang tama ang mga ito. Nagugulo ng ganoong mga superbisor ang gawain ng iglesia.
Magaling sa paimbabaw na gawain ang mga huwad na lider, ngunit hindi sila kailanman gumagawa ng tunay na gawain. Hindi nila iniinspeksyon, pinapangasiwaan, o ginagabayan ang iba’t ibang propesyonal na gawain, o inaalam ang nangyayari sa iba’t ibang pangkat sa tamang oras, hindi nila iniinspeksyon kung kumusta ang pag-usad ng gawain, kung ano ang mga problema, kung mahuhusay ba ang mga superbisor ng pangkat sa kanilang trabaho, at kung paano inuulat o sinusuri ng mga kapatid ang mga superbisor. Hindi nila sinusuri kung mayroong sinuman na pinipigilan ng mga lider o superbisor ng pangkat, kung isinasagawa ba ang mga tamang mungkahi ng mga tao, kung sinusupil o ibinubukod ba ang sinumang may talento o naghahangad sa katotohanan, kung naaapi ba ang sinumang taong taos-puso, kung inaatake, pinaghihigantihan, pinapaalis, o pinapatalsik ba ang mga taong naglalantad at nag-uulat ng mga huwad na lider, kung masasamang tao ba ang mga lider o superbisor ng pangkat, at kung mayroon bang sinumang pinahihirapan. Kung hindi ginagawa ng mga huwad na lider ang alinman sa kongkretong gawaing ito, dapat silang tanggalin. Halimbawa, may nag-ulat sa isang huwad na lider na may isang superbisor na madalas pumipigil at sumusupil sa mga tao. May ginawang ilang maling bagay ang superbisor ngunit hindi niya hinahayaan ang mga kapatid na magbigay ng mga mungkahi, at naghahanap pa nga siya ng mga dahilan para ipawalang-sala at ipagtanggol ang kanyang sarili, hindi niya kailanman inaamin ang kanyang mga pagkakamali. Hindi ba’t dapat na tanggalin kaagad ang gayong superbisor? Ito ay mga problema na dapat lutasin agad ng mga lider. Hindi pinapayagan ng ilang huwad na lider na malantad ang mga superbisor na itinalaga nila, anuman ang mga isyung lumitaw sa gawain ng mga ito, at tiyak na hindi nila pinapayagan na maulat ang mga ito sa mga nakatataas—sinasabihan pa nga nila ang mga tao na matutong magpasakop. Kung may maglalantad nga ng mga isyu tungkol sa isang superbisor, sinusubukan ng mga huwad na lider na ito na protektahan ang mga ito o itago ang mga katunayan, sinasabi nila, “Problema ito sa buhay pagpasok ng superbisor. Normal lang na magkaroon siya ng mayabang na disposisyon—mayabang ang lahat ng may kaunting kakayahan. Hindi ito malaking isyu, kailangan ko lang makipagbahaginan sa kanya nang kaunti.” Sa pamamagitan ng pagbabahaginan, ipinapahayag ng superbisor ang kanyang paninindigan, sinasabi niya, “Inaamin kong mayabang ako. Inaamin kong may mga pagkakataon na iniisip ko ang sarili kong banidad, pagpapahalaga sa sarili, at katayuan, at hindi ko tinatanggap ang mga mungkahi ng ibang tao. Ngunit hindi mahusay ang ibang tao sa propesyong ito, madalas silang nagbibigay ng mga walang kwentang mungkahi, kaya may dahilan kung bakit hindi ko sila pinakikinggan.” Hindi sinusubukan ng mga huwad na lider na lubusang unawain ang sitwasyon, hindi nila tinitingnan ang mga resulta ng gawain ng superbisor, lalo na kung ano ang kanyang pagkatao, disposisyon, at hangarin. Ang ginagawa lang nila ay maliitin ang mga bagay-bagay, sinasabi nila, “Iniulat ito sa akin kaya binabantayan kita. Binibigyan kita ng isa pang pagkakataon.” Pagkatapos ng kanilang pag-uusap, sinasabi ng superbisor na handa siyang magsisi, ngunit sa usapin ng kung talagang magsisisi siya pagkatapos, o kung nagsisinungaling lang siya at nanlilinlang, hindi ito binibigyang-pansin ng mga huwad na lider. Kung may magtatanong tungkol sa bagay na ito, sasabihin ng mga huwad na lider, “Nakausap ko na siya at nagbahagi pa nga ako ng maraming sipi ng mga salita ng Diyos sa kanya. Handa siyang magsisi, at nalutas na ang problema.” Kapag tinanong ng tao na iyon, “Kumusta ang pagkatao ng superbisor na iyon? Isa ba siyang tao na tumatanggap ng katotohanan? Binigyan mo siya ng pagkakataon, pero tunay ba siyang makapagsisisi at makapagbabago?” Dahil hindi nakikita ng mga huwad na lider ang totoo rito, tumutugon sila, “Inoobserbahan ko pa siya.” Tumutugon ang tao na iyon: “Gaano katagal mo na siyang inoobserbahan? Nagkaroon ka na ba ng anumang konklusyon?” Sinasabi ng mga huwad na lider: “Mahigit anim na buwan na, at wala pa rin akong anumang kongklusyon.” Kung hindi sila nakakuha ng anumang resulta pagkalipas ng mahigit anim na buwan ng pag-oobserba, anong uri ng kahusayan sa gawain iyon? Naniniwala ang mga huwad na lider na epektibo ang isang beses ng pakikipag-uusap sa superbisor at nalulutas nito ang isyu. Makatuwiran ba ang ideyang ito? Iniisip nilang sa sandaling matapos silang makipag-usap sa isang tao, makakapagbago ang tao na iyon, at kung ipapahayag ng isang tao ang determinasyon nitong hindi na ito ulitin, ganap nila itong pinaniniwalaan nang hindi nagsasakatuparan ng anumang karagdagang pagtatanong o muling pagsisiyasat sa sitwasyon. Kung walang sinumang aaksyon tungkol sa bagay na iyon, baka ni hindi sila mag-abalang siyasatin o kumustahin ang gawain nang kalahating taon. Nananatiling walang malay ang mga huwad na lider kahit pa magulo ng superbisor na iyon ang gawain. Hindi nila kayang tukuyin kung paano sila nililinlang at pinaglalaruan ng superbisor. Ang mas kamuhi-muhi pa, kapag may nag-ulat sa mga isyu ng superbisor, binabalewla ito ng mga huwad na lider at hindi talaga sinisiyasat kung umiiral ang mga isyu o kung totoo ang mga isyung inulat nito. Hindi nila isinasaalang-alang ang mga isyung ito—talagang masyadong malaki ang pananalig nila sa sarili nila! Anumang mga sitwasyon ang lumitaw sa gawain ng iglesia, hindi nagmamadali ang mga huwad na lider na tugunan ang mga iyon; iniisip nilang hindi naman nila problema iyon. Masyadong makupad ang pagtugon ng mga huwad na lider sa mga problemang ito, gumagawa sila ng mga hakbang at gumagalaw nang napakabagal, patuloy silang nagpapaligoy-ligoy, at patuloy nilang binibiyan ang mga tao ng isa pang pagkakataong magsisi, na para bang napakahalaga at napakaimportante ng mga pagkakataong ibinibigay nila sa mga tao, na para bang kaya nilang baguhin ang kapalaran ng mga ito. Hindi alam ng mga huwad na lider kung paano makita ang kalikasang diwa ng isang tao sa pamamagitan ng namamalas dito, o husgahan kung anong landas ang tinatahak ng isang tao batay sa kalikasang diwa nito, o tingnan kung angkop ang isang tao na maging superbisor o gumawa ng gawaing pamumuno batay sa landas na tinatahak nito. Hindi nila nakikita ang mga bagay-bagay sa ganoong paraan. Dalawang bagay lang ang kayang gawin ng mga huwad na lider sa gawain nila: una, ang tawagin ang mga tao para sa mga pakikipagkuwentuhan at pagraraos ng gawain; ikalawa, ang bigyan ang mga tao ng mga pagkakataon, palugurin ang iba, at hindi pasamain ang loob ng sinuman. Gumagawa ba sila ng aktuwal na gawain? Malinaw na hindi. Pero naniniwala ang mga huwad na lider na ang pagtawag sa isang tao para makipagkuwentuhan ay aktuwal na gawain. Itinuturing nilang masyadong mahalaga at importante ang mga pag-uusap na ito, at masyadong makabuluhan ang tingin nila sa mga hungkag na salita at doktrinang binibigkas nila. Iniisip nilang nakalutas na sila ng malalaking problema sa pamamagitan ng mga pag-uusap na ito at nakagawa ng aktuwal na gawain. Hindi nila alam kung bakit hinahatulan at kinakastigo, pinupungusan, o sinusubok at pinipino ng Diyos ang mga tao. Hindi nila alam na tanging ang mga salita ng Diyos at ang katotohanan ang makalulutas sa mga tiwaling disposisyon ng tao. Masyado nilang pinasisimple ang gawain ng Diyos at ang pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan! Naniniwala silang ang pagsasabi ng ilang salita at doktrina ay panghalili sa gawain ng Diyos, na kaya nitong lutasin ang problema ng katiwalian ng tao. Hindi kahangalan at pagiging ignorante ito ng mga huwad na lider? Ang mga huwad na lider ay walang ni katiting na katotohanang realidad, kaya bakit napakalakas ng loob nila? Mahihikayat ba ng pagbigkas ng ilang doktrina na kilalanin ng mga tao ang sarili nila? Mabibigyang-daan ba nitong iwaksi ng mga ito ang mga tiwaling disposisyon ng mga ito? Paano nagagawa ng mga huwad na lider na ito na masyadong maging ignorante at walang muwang? Ganoon ba talaga kasimple ang paglutas sa mga maling pagsasagawa at tiwaling pag-uugali ng isang tao? Napakadali bang lutasin ng isyu ng mga tiwaling disposisyon ng tao? Masyadong hangal at mababaw ang mga huwad na lider! Hindi lang isang pamamaraan ang ginagamit ng Diyos para lutasin ang isyu ng katiwalian ng tao. Gumagamit Siya ng maraming pamamaraan at namamatnugot Siya ng iba’t ibang kapaligiran para ibunyag, linisin, at gawing perpekto ang mga tao. Ginagampanan ng mga huwad na lider ang gawain sa isang matamlay at paimbabaw na paraan: Kinakausap nila ang mga tao, gumagawa sila ng kaunting gawaing sikolohikal, pinapayuhan nila nang kaunti ang mga tao, at iniisip nila na paggawa ito ng totoong gawain. Paimbabaw ito, hindi ba? At anong isyu ang nakatago sa likod ng pagiging paimbabaw na ito? Hindi ba’t kawalan ng muwang ito? Lubhang walang muwang ang mga huwad na lider, at tinitingnan din nila ang mga tao at mga bagay sa isang napakawalang muwang na paraan. Wala nang mas mahirap lutasin kaysa sa mga tiwaling disposisyon ng mga tao—hindi mababago ng isang leopardo ang kanyang mga batik. Hindi talaga makikilatis ng mga huwad na lider ang problemang ito. Samakatwid, pagdating sa mga uri ng superbisor sa iglesia na palaging nagdudulot ng kaguluhan, na palaging pumipigil at nagpapahirap sa mga tao, walang ginagawa ang mga huwad na lider kundi kausapin ang mga ito, at pungusan ang mga ito gamit ang ilang salita, at iyon na iyon. Hindi nila agad-agad na tinatanggal at inililipat ang mga ito. Nagdudulot ng matinding pinsala sa gawain ng iglesia ang pamamaraang ito ng mga huwad na lider, at madalas na humahantong sa pagkaantala, pagtatagal, at pagkasira sa gawain ng iglesia, at napipigilan ito na makapagpatuloy nang normal, maayos, at mahusay dahil sa mga panggugulo ng ilang masamang tao—na pawang isang malubhang bunga ng mga huwad na lider na kumikilos batay sa kanilang mga damdamin, lumalabag sa mga katotohanang prinsipyo, at gumagamit ng mga maling tao. Sa panlabas na anyo, ang mga huwad na lider ay hindi sadyang gumagawa ng maraming kasamaan, o gumagawa ng mga bagay-bagay ayon sa kanilang sariling paraan at nagtatatag ng kanilang mga nagsasariling kaharian, tulad ng ginagawa ng mga anticristo. Ngunit hindi nagagawang agad na lutasin ng mga huwad na lider ang iba’t ibang problema na lumilitaw sa gawain ng iglesia, at kapag nagkakaroon ng mga problema sa mga superbisor ng iba’t ibang pangkat, at kapag hindi kayang pasanin ng mga superbisor na iyon ang kanilang gawain, hindi kaya ng mga huwad na lider na maagap na baguhin ang mga tungkulin ng mga superbisor o tanggalin ang mga ito, na nagdudulot ng malubhang kawalan sa gawain ng iglesia. At ang lahat ng ito ay dulot ng pagpapabaya sa tungkulin ng mga huwad na lider. Hindi ba’t labis na kasuklam-suklam ang mga huwad na lider? (Oo.)
IV. Kung Paano Tinatrato ng Mga Huwad na Lider ang Mga Superbisor na Lumalabag sa Mga Pagsasaayos ng Gawain at Gumagawa ng Mga Bagay sa Sariling Paraan ng Mga Ito
Hindi agad napapangasiwaan ng mga huwad na lider ang masasamang gawang nangyayari sa iglesia katulad ng mga superbisor na nagpapahirap sa iba, naghihigpit sa mga ito, at nanggugulo sa gawain ng iglesia. Sa parehong paraan, kapag may ilang superbisor na lumalabag sa mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos at gumagawa ng mga bagay sa sarili nilang paraan, hindi makaisip ang mga huwad na lider ng mga angkop na solusyon para agad na lutasin ang mga isyung ito. Nagreresulta ito sa mga kawalan sa gawain ng iglesia at sa mga materyales at pondo ng sambahayan ng Diyos. Ang mga huwad na lider ay walang muwang at mababaw, hindi nakauunawa sa mga katotohanang prinsipyo, at lalong hindi nakakikilatis sa mga kalikasang diwa ng mga tao. Dahil dito, madalas nilang ginagawa ang gawain nila sa isang mababaw na paraan, gumagawa sila nang pabasta-basta, sumusunod sa mga patakaran, at bumibigkas ng mga salawikain, pero hindi nila napupuntahan ang lugar ng gawain para suriin ang gawain, para mag-obserba at magtanong tungkol sa bawat superbisor, o para magtanong nang nasa oras tungkol sa kung ano na ang nagawa ng mga superbisor na ito, kung ano ang paglalarawan ng mga prinsipyong gumagabay sa mga kilos ng mga ito, at kung ano ang mga nagiging epekto pagkatapos. Ang resulta, ganap silang ignorante kung sino talaga ang mga tao na ginagamit nila at kung ano na ang nagawa ng mga ito. Samakatwid, kapag palihim na lumalabag ang mga superbisor na ito sa mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos at gumagawa ng mga bagay sa sariling paraan ng mga ito, bukod sa hindi alam ng mga huwad na lider ang tungkol dito, sinusubukan pa nilang ipagtanggol ang mga superbisor. Kahit na mabalitaan nila ang tungkol dito, hindi nila ito agad na sinisiyasat at pinangangasiwaan. Sa isang aspekto ay walang kakayahan ang mga huwad na lider sa gawain nila, at sa isa pang aspekto, pabaya sila sa mga tungkulin nila. Magbigay tayo ng halimbawa. Pinili ng isang partikular na lider ang isang tao na natiwalag sa isa pang pangkat para maging isang teknisyan ng pagtatanim. Hindi niya sinuri kung may nauugnay na karanasan at kahusayan ang tao na ito, kung kaya nitong gawin nang maayos ang trabaho, o kung seryoso at responsable ang saloobin nito, at pagkatapos niya itong ilagay sa posisyong iyon, iniwanan niya itong hindi nasusuri, sinasabing, “Sige, simulan mo nang magtanim ng mga gulay. Puwede kang pumili ng mga punla, at aaprubahan ko ang anumang halagang magagastos mo. Basta gawin mo ang gawaing ito sa paraang angkop para sa iyo!” Sinabi ito ng lider, kung kaya’t sinimulan ng superbisor na ito ang gawain sa paraang angkop para sa kanya. Ang unang gampanin niya ay ang pumili ng mga punla. Nang magtingin siya online, natuklasan niya, “Masyado talagang maraming uri ng mga gulay—puno ng mga pambihirang bagay ang malawak na mundong ito! Medyo masayang mamili ng mga punla. Hindi ko pa nagagawa ang trabahong ito, at hindi ko alam na magiging masyado akong interesado rito. Dahil masyado akong interesado rito, lulubos-lubusin ko na!” Binuksan muna niya ang seksyon tungkol sa mga punla ng kamatis, at talagang namangha siya. Maraming iba’t ibang uri at sari-saring klase ng laki, at pagdating sa kulay ay may mga pula, dilaw, at berde. Sari-sari pa nga ang kulay ng isang uri—ngayon lang siya nakakita ng ganito, at talagang napalawak nito ang kaalaman niya! Pero paano siya pipili ng tamang mga punla? Napagpasyahan niyang magtanim ng tig-iilan ng bawat uri, lalo na ang uring sari-sari ang kulay na talagang kakaiba ang itsura. Pumili ang superbisor ng mahigit 10 uri ng kamatis na may iba’t ibang laki, kulay, at hugis. Pagkatapos pumili ng mga punla ng kamatis, oras na para gawin ang parehong bagay para sa talong. Karaniwan, ang mga uri ng talong na kinakain ng mga tao ay mga mahaba at kulay lilang talong o puting talong, pero naisip niya, “Hindi dapat maging limitado ang mga talong sa dalawang uri lang na ito. May mga berde, may disenyo, mahaba, bilugan, at biluhabang uri. Pipili ako ng tig-kakaunti ng bawat uri, para mapalawak ang isip ng lahat at makakain sila ng lahat ng uri ng iba’t ibang talong. Bilang isang superbisor, tingnan ninyo kung gaano ako kabihasa at katapang sa pagpili ng mga punla, kung gaano ko isinasaalang-alang ang mga kapatid, tinutugunan ang mga panlasa ng lahat.” Pagkatapos, pumili siya ng mga punla ng sibuyas. May kabuuang 14 na uri ng sibuyas sa lugar na iyon, at pinili niya ang lahat ng iyon, at nang matapos siya, medyo nasiyahan siya. Matapang ba ang superbisor na ito? Sinong mangangahas na pumili ng napakaraming uri? Kalaunan, patuloy Kong hinimay ang usaping ito, at may nagsabi pa nga na, “Hindi lang 14 ang uri sa lugar na iyon; may ilan pa siyang hindi pinili!” Ang ibig sabihin nito ay hindi masyadong marami ang 14 na uri, at na may iba pang hindi pinili ang superbisor, kaya wala siyang anumang maling ginawa. Hindi ba’t mahinang umintindi ang tao na nagsabi nito? Mahinang pag-intindi ito, hindi pag-unawa sa wika ng tao, at pagiging ignorante kung bakit hinihimay Ko ang usaping ito. Pagkatapos pumili ng mga punla ng sibuyas, pumili rin ang superbisor ng hindi bababa sa walong uri ng patatas. Ano ang layunin niya sa pagpili ng napakaraming uri? Ang palawakin ang kaalaman ng lahat at hayaan silang makatikim ng iba’t ibang lasa. Naniwala ang superbisor na ang pagpili ng punla ay dapat na nakabatay sa prinsipyo ng pagbibigay ng pakinabang sa mga kapatid. Ano ang palagay ninyo sa motibasyon niya? Ang prinsipyo bang hinihingi ng sambahayan ng Diyos ay pagkilos batay sa isang saloobin ng pag-iisip para sa lahat at pagseserbisyo sa lahat? (Hindi.) Kung ganoon, ano ang prinsipyo ng sambahayan ng Diyos sa pagpili ng punla? Huwag magtanim ng kung anong kakaiba at bihirang uri na hindi natin karaniwang kinakain. Para naman sa mga uring karaniwang kinakain, kung hindi pa natin naitatanim ang mga iyon at hindi natin alam kung angkop ang mga iyon sa lupa at klima ng lugar, pumili ka ng isa o dalawang uri, pinakamarami na ang tatlo o apat. Una, dapat na angkop ang mga iyon sa lupa at klima ng lugar; ikalawa, dapat ay madali ang mga iyong patubuin at hindi madaling kapitan ng mga sakit at peste; ikatlo, dapat ay mamunga ang mga iyon ng mga punla para sa susunod na taon; at panghuli, dapat ay magbunga ang mga iyon ng magandang ani. Kung masarap ang mga iyon pero mahina naman ang ibubungang ani, hindi angkop ang mga iyon. Batay sa paraan ng pagpili ng punla, kumilos ba ang superbisor na ito ayon sa mga prinsipyo? Naghanap ba siya? Nagpasakop ba siya? Nagpakita ba siya ng pagsasaalang-alang sa sambahayan ng Diyos? Kumilos ba siya nang may saloobing nararapat niyang taglayin sa pagganap sa isang tungkulin? (Hindi.) Malinaw na nagwawala siya sa paggawa ng masasamang bagay, lantarang lumalabag sa mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos at gumagawa ng mga bagay sa sarili niyang paraan! Nilustay niya ang mga handog sa Diyos sa ganitong paraan para tugunan ang personal niyang kuryosidad at kagustuhang magsaya, at tinrato niyang parang isang laro ang isang napakahalagang gampanin, pero hinayaan siya ng huwad na lider niyang gawin ang gusto niya nang hindi kumukwestiyon o namamagitan. Nang tanungin ito, “Talaga bang gumawa ng anumang gawain ang superbisor na pinili mo? Ano ang mga resulta? Tinulungan mo ba siya sa pamamagitan ng pagsasakatuparan ng pagsusuri pagdating sa pagpili ng punla?” Hindi nito binigyang-pansin ang mga bagay na ito, at sinabi lang, “Naitanin na ang mga punla; binisita namin ang lugar noong panahon ng pagtatanim.” Wala itong pakialam sa iba pang isyu. Paano natuklasan ang isyu ng superbisor na ito sa huli? Nagtanim siya ng ilang strawberry, at ayon sa mga nauugnay na teknikal na detalye, hindi dapat takpan o hayaang mamunga ang mga halaman ng strawberry sa unang taon, at dapat na tanggalin ang lahat ng bulaklak; kung hindi, hindi magkakaroon ng anumang bunga sa ikalawang taon, at kahit na magkaroon ng bunga sa unang taon, napakaliit nito. Kahit na sinabi ito ng mga eksperto sa superbisor, ayaw niyang makinig. Ang pangangatwiran niya ay batay sa impormasyon online na nagsasabing katanggap-tanggap na takpan ng manipis na plastik ang mga halaman ng strawberry sa unang taon at hayaan ang mga itong mamunga. Ang resulta nito ay nagbunga ito ng iba’t ibang depormadong maliliit na strawberry na puno ng buto—maasim ang ilan, matamis ang ilan, at walang lasa ang ilan—may iba’t ibang klase. Naging ganoon na kalubha ang problema, pero ganap itong binalewala ng mga huwad na lider doon. Bakit? Dahil naisip nilang hindi rin naman nila makakain ang mga strawberry na iyon, kaya pinili nilang balewalain ang isyu. Dahil ba hindi nila makakakain ang isang bagay ay nangangahulugang hindi na nila ito dapat alalahanin? Paano naman ang mga patatas at sibuyas na makakain nila—inalala ba nila ang mga iyon? Wala sa mga huwad na lider na ito ang may pakialam; nanood lang sila habang ginagawa ng superbisor ang gusto nito. Isang araw, binisita Ko sila, at may nag-ulat na nasobrahan na sa gulang ang letsugas, at kung hindi nila ito aanihin sa lalong madaling panahon, walang makakakain nito at masasayang ito. Gayunpaman, ipinagpilitan ng superbisor na pabayaan ito, at sinabing kung aanihin nila ito ay kakailanganin nilang magtanim ng ibang gulay, na nakayayamot para sa kanya. Sa kabila ng kaalaman dito, walang ginawa ang mga huwad na lider. Kalaunan, kinailangan silang utusan ng Itaas na agad na anihin ang letsugas at pangasiwaan ang sitwasyon; kung hindi, masasakop ng letsugas ang lupa at hindi maitatanim ang mga gulay na pang-tag-init. Sa kabila ng ganoon kalaking problemang lumilitaw sa gawain, walang sinuman sa mga huwad na lider ang may ginawa tungkol dito, masyado silang natatakot na mapasama ang loob ng mga tao. Dahil itinaas ng isang huwad na lider ang posisyon ng superbisor, at kailanman ay hindi nito sinuri ang gawain niya pagkatapos itaas ang posisyon niya, hinayaan siyang kumilos nang malaya, at binigyan siya ng suporta at inalalayan siya, at hindi nangahas na mamagitan ang ibang mga lider, at nakipagtulungan sa kanila, napakaraming problemang lumitaw kalaunan. Ito ang gawaing ginawa ng mga lider. Matatawag pa rin ba silang mga lider? Sa kabila ng ganoon kalubhang isyung nangyayari nang hindi nila napapansin, hindi nila ito natukoy bilang isang problema, lalong hindi ito nalutas. Hindi ba’t mga huwad na lider ang mga ito? (Oo, ganoon nga.) Sa isang banda, mga mapagpalugod sila ng mga tao at takot silang mapasama ang loob ng iba. Sa kabilang banda, hindi nila alam kung gaano kalubha ang problema, wala silang tumpak na paghatol, at hindi nila alam na isyu ito, at hindi nila alam na nasa saklaw ng mga responsabilidad nila ang gawaing ito. Hindi ba’t mga walang kuwenta at bulagsak sila? Hindi ba’t pagpapabaya ito sa responsabilidad? (Oo.) Ito ang ikaapat na sitwasyon: ang paglabag ng mga superbisor sa mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos at paggawa ng mga bagay sa sarili nilang paraan. Nakapagbigay na tayo ng isang halimbawa, na naglalantad sa pagpapamalas ng mga huwad na lider ng pagiging pabaya sa mga responsabilidad nila sa bagay na ito at naglalantad sa kalikasang diwa ng mga huwad na lider.
V. Kung Paano Tinatrato ng Mga Huwad na Lider ang Mga Superbisor na Mga Anticristo at Nagtatatag ng Mga Nagsasariling Kaharian
Ang isa pang sitwasyon ay kapag naghihimagsik ang mga superbisor laban sa mga nakatataas sa kanila at nagtatatag ng mga nagsasariling kaharian—mga anticristo ang mga superbisor na ito. Hindi nagagampanan ng mga huwad na lider ang papel ng mga tagapamahala pagdating sa mga isyung tulad ng pagkakaroon ng mga superbisor ng mahinang kakayahan, pagtataglay ng masamang pagkatao, o pagwawala sa paggawa ng masasamang bagay. Hindi rin sila nakakapagsuri at nakakapagtanong agad tungkol sa gawaing ginagawa ng ganitong mga uri ng superbisor at sa mga problema ng mga ito para matukoy ang pagiging angkop ng mga ito. Sa parehong paraan, lalo pang walang kakayahan ang mga huwad na lider na kilatisin ang kalikasang diwa ng mga anticristo, na masasama at malulupit na tao. Bukod sa wala na silang kakayahang kilatisin ito, kasabay nito ay medyo takot pa sila sa mga tao na ito, at medyo wala silang magawa at inutil, hanggang sa punto na, kadalasan, nakokontrol na sila ng mga anticristo. Magiging gaano kalubha ito? Puwedeng bumuo ang mga anticristo ng mga grupo sa loob ng mga lugar ng gawain ng mga huwad na lider, inaakit ang sarili nilang mga puwersa at nagtatatag ng mga nagsasariling kaharian, at kalaunan, puwede silang mangasiwa, magsimulang magdesisyon, at gawing mga tau-tauhan ang mga huwad na lider. Sa kung anong paraan ay nananatiling walang kamalay-malay ang mga huwad na lider sa mga bagay na pinagpapasyahan at nalalaman ng mga anticristo, at wala silang alam tungkol sa mga iyon. Nalalaman lang nila ang mga bagay na ito kapag may nangyari at may nag-ulat nito sa kanila, pero sa oras na iyon, huli na ang lahat. Tinatanong pa nga ng mga huwad na lider ang mga anticristo kung bakit hindi sila sinabihan, at ang tugon ng mga ito, “Anong saysay ng pagsasabi sa iyo? Hindi ka makapagdesisyon sa kahit na ano, kaya hindi na ito kailangang talakayin sa iyo, kami na mismo ang nagdesisyon. Kahit kung ipapaalam namin ito sa iyo, tiyak na sasang-ayon ka. Ano naman kaya ang magiging opinyon mo?” Walang magawa ang mga huwad na lider sa ganoong mga bagay. Kung hindi mo kayang kilatisin, lutasin, o harapin ang mga anticristong ito, dapat mo silang iulat sa Itaas, pero ni hindi ka naglalakas-loob na gawin iyon—hindi ba’t wala kang kuwenta? (Oo.) Kapag nahaharap sa ganoong mga bagay, lumalapit lang sa Akin ang malalaking walang kuwentang ito para umiiyak na magsumbong, nagmamaktol na, “Hindi ko kasalanan ito; hindi ako ang nagdesisyon niyon. Wala akong kinalaman kung tama man o mali ang desisyon niya, dahil hindi niya ipinaalam o sinabi sa akin ang tungkol dito nang gawin niya ito.” Ano ang ibig nilang sabihin dito? (Tumatakas sila sa pananagutan.) Bilang isang lider, dapat mong malaman at maarok ang mga bagay na ito; kung hindi ipapaalam sa iyo ng mga anticristo ang mga bagay-bagay, bakit hindi ka maagap na pumunta at magtanong? Bilang isang lider, dapat mong isaayos, pamunuan, at pagdesisyunan ang bawat bagay; kung wala silang anumang ipapaalam sa iyo at magdedesisyon sila sa sarili nila, pagkatapos ay padadalhan ka ng mga resibo para pirmahan, hindi ba’t inaagaw nila ang awtoridad mo? Sa sandaling makaharap ng mga huwad na lider ang mga anticristong nanggugulo sa gawain ng iglesia, natitigilan sila; wala silang magawa na parang mga hangal na kaharap ang isang lobo, at tumatayo lang nang walang kalaban-laban habang ginagawa silang mga tau-tauhan at inaagaw ang awtoridad nila. Wala silang kahit anong magawa tungkol dito—isang grupo sila ng walang silbing kasuklam-suklam na tao! Hindi nila kayang lutasin ang mga isyu, hindi nila kayang kilatisin o ilantad ang mga anticristo, at talagang hindi nila kayang pigilan ang mga ito sa paggawa ng anumang masamang gawa. Kasabay nito, hindi nila inuulat ang mga isyung ito sa Itaas. Hindi ba’t mga walang kuwenta sila? Ano ang silbi ng pagpili sa iyo bilang lider? Nagwawala ang mga anticristo sa paggawa ng masasamang bagay, lantarang naglulustay ng mga handog, at bumubuo sila ng mga puwersang pinamumunuan nila at nagtatatag ng mga nagsasariling kaharian sa loob ng iglesia; samantala, ganap kang nabibigong pangasiwaan, ilantad, pigilan, o harapin sila, pero lumalapit ka sa Akin para magreklamo. Anong klase ng lider ka? Talagang wala kang kuwenta! Anuman ang ginagawa nila, itong mga grupong pinamumunuan ng mga anticristo ay palihim na nagdadaos ng mga pag-uusap nang sila-sila lang at pagkatapos ay nagdedesisyon nang walang pahintulot. Ni hindi nila binibigyan ang mga lider ng karapatang malaman kung ano ang nangyayari, lalong hindi ng karapatang magdesisyon. Direkta nilang pinawawalang-saysay ang mga lider, mag-isang hinahawakan ang lahat ng kapangyarihan at nagdedesisyon sa lahat ng bagay. Sa gitna ng lahat ng ito, ano ang ginagawa ng mga lider na may gampaning pamahalaan ang mga tao na ito? Lubos silang nabibigong magsuri, mangasiwa, mamahala, o magdesisyon tungkol sa gawaing ito. Sa huli, hinahayaan nilang mangasiwa ang mga anticristo at pamahalaan sila mula sa itaas. Hindi ba’t lumilitaw ang problemang ito mula sa gawain ng mga huwad na lider? Ano ang diwa ng problemang ito? Saan ito nagmumula? Nagmumula ito sa pagkakaroon ng mga huwad na lider ng mahinang kakayahan, sa kawalan ng kakayahan sa gawain, at talagang kawalan ng paggalang sa kanila ng mga anticristo. Iniisip ng mga anticristo, “Ano ang kaya mong gawin bilang lider? Hindi pa rin ako makikinig sa iyo, at patuloy kitang aapakan para gumawa ng mga bagay-bagay. Kung iuulat mo ito sa Itaas, pahihirapan ka namin!” Hindi naglalakas-loob ang mga huwad na lider na iulat ang ganoong mga bagay. Bukod sa wala nang kakayahan sa gawain ang mga huwad na lider, wala rin silang lakas ng loob na itaguyod ang mga prinsipyo, natatakot silang mapasama ang loob ng mga tao, at ganap na wala silang katapatan—hindi ba’t isa itong malubhang problema? Kung talagang may kaunting kakayahan sila at nauunawaan nila ang katotohanan, kapag nakita nilang masama ang mga tao na ito, sasabihin nila, “Hindi ako maglalakas-loob na ilantad sila nang mag-isa, kaya makikipagbahaginan ako sa ilang kapatid na mas naghahangad at nakauunawa sa katotohanan para lutasin ang mga isyung ito. Kung, pagkatapos makipagbahaginan sa kanila, hindi pa rin namin kayang harapin ang mga anticristo, iuulat ko ang problema sa Itaas at hahayaan silang lutasin ito. Wala akong ibang magagawa, pero dapat ko munang ingatan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos; talagang hindi dapat mahayaang patuloy na umusad ang mga isyung nakilatis ko at ang mga problemang natuklasan ko.” Hindi ba’t isa itong paraan para tugunan ang problema? Hindi ba’t maituturing din itong pagtupad sa responsabilidad ng isang tao? Kung kaya mo itong gawin, hindi sasabihin ng Itaas na mahina ang kakayahan mo at wala kang kakayahan sa gawain. Gayunpaman, ni hindi mo kayang iulat ang mga problema sa Itaas, kaya nailalarawan kang walang kuwenta at isang huwad na lider. Bukod sa mahina na ang kakayahan mo at wala kang kakayahan sa gawain, ni wala ka pang pananalig at lakas ng loob na umasa sa Diyos para ilantad at labanan ang mga anticristo. Hindi ba’t wala kang kuwenta? Kaawa-awa ba ang mga tao na naagawan ng awtoridad ng mga anticristo? Siguro ay parang kaawa-awa sila; wala silang anumang masamang nagawa, at sa gawain nila ay maingat na maingat, takot na takot silang magkamali, mapungusan, at mahamak ng mga kapatid. Pero humahantong silang ganap na naaagawan ng awtoridad ng mga anticristo nang harap-harapan, walang nagiging epekto ang anumang sabihin nila, at hindi talaga mahalaga kung nandoon sila o wala. Siguro ay parang nakakaawa sila sa panlabas, pero sa totoo ay medyo kasuklam-suklam sila. Sabihin ninyo sa Akin, kaya bang lutasin ng sambahayan ng Diyos ang mga problemang hindi kaya ng mga tao? Dapat bang iulat ng mga tao ang mga problema sa Itaas? (Oo, dapat.) Sa sambahayan ng Diyos, walang mga problemang hindi kayang lutasin, at kayang lutasin ng mga salita ng Diyos ang anumang isyu. May tunay ka bang pananalig sa Diyos? Kung ni wala ka ng kaunting pananalig na ito, paano ka naging kwalipikadong maging isang lider? Hindi ba’t isa kang walang silbing kasuklam-suklam na tao? Hindi lang ito tungkol sa pagiging isang huwad na lider; wala ka kahit ng pinakasimpleng pananalig sa Diyos. Isa kang hindi mananampalataya at hindi ka karapat-dapat na maging isang ider!
Tungkol sa ikaapat na responsabilidad ng mga lider at manggagawa, nakapagtala tayo ng limang sitwasyon para ilantad kung paano hinaharap ng mga huwad na lider ang iba’t ibang aytem ng gawain at ang mga superbisor. Batay sa limang sitwasyong ito, hinimay natin ang iba’t ibang pagpapamalas ng masyadong mahinang kakayahan, kawalan ng kahusayan, at kawalan ng kakayahang gumawa ng tunay na gawain ng mga huwad na lider. Sa pamamagitan ng pakikipagbahaginan sa ganitong paraan, medyo mas malinaw na ba sa inyo kung paano kilatisin ang mga huwad na lider? (Oo.) Sige, tapusin na natin dito ang pagbabahaginan natin sa araw na ito. Paalam!
Enero 23, 2021