Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 22

Noong nakaraan, nagbahaginan tayo tungkol sa ikalabintatlong responsabilidad ng mga lider at manggagawa: ang protektahan ang mga hinirang ng Diyos mula sa panggugulo, panlilinlang, pagkontrol at pamiminsala ng mga anticristo, at turuan silang matukoy ang mga anticristo at talikdan sila mula sa kanilang mga puso. Ngayon, magbalik-aral tayo: Anong mga partikular na aytem tungkol sa partikular na nilalaman ng ikalabintatlong responsabilidad ng mga lider at manggagawa ang pinagbahaginan natin? (Nagbahaginan tayo ng limang aytem: paglalantad, pagpupungos, paghihimay, pagpipigil, at pangangasiwa.) Ang limang aytem na ito ay ang mga partikular na gampaning nakapaloob sa responsabilidad na ito ng mga lider at manggagawa; mga partikular na gampanin ang mga ito na kailangang isakatuparan ng mga lider at manggagawa kaugnay sa mga anticristo. Kaya, anong mga pagpapamalas mayroon ang mga huwad na lider kaugnay sa mga gampaning ito? Nagbahaginan din ba tayo ng ilang detalye noong nakaraan? (Oo.) Ang mga pagpapamalas ng mga huwad na lider ay ang mga sumusunod: Ang una ay na takot silang salungatin ang mga tao at hindi nangangahas na paalisin o pataksikin ang mga anticristo. Ang ikalawa ay na hindi nila makilatis ang mga anticristo. Ang ikatlo ay na kumikilos sila bilang pananggalang para sa mga anticristo. Ang ikaapat ay na iresponsable sila sa hinirang na mga tao ng Diyos. Ano ang itsura ng iresponsabilidad? Kapag nahaharap sa mga panggugulo at panlilihis ng mga anticristo, hindi kayang protektahan ng mga huwad na lider ang mga kapatid, hindi kayang ilantad ang masasamang gawa ng mga anticristo, hindi kayang ilantad ang mga pakana ni Satanas, at hindi kayang magbahagi ng katotohanan para tulungan ang mga kapatid na makilatis ang mga anticristo—hindi nila ginagampanan ang gayong gawain. Bukod pa rito, para sa may mabababang tayog at walang pagkilatis na nalihis ng mga anticristo, hindi lang sila bigong makagawa ng anumang pagbawing gawain, nagsasabi rin sila ng mga di-makataong bagay tulad ng “buti nga sa’yo.” Ito ay isang partikular na pagpapamalas ng iresponsabilidad, nagpapakita na ang mga huwad na lider aywalang pagpapahalaga sa pasanin ng gawain ng iglesia. Ang mga pagpapamalas na ito ay mga partikular na pagkilos at diskarte ng mga huwad na lider kapag inililihis at ginugulo ng mga anticristo ang hinirang na mga tao ng Diyos. Ang partikular nilang saloobin sa gawaing ito ay iresponsabilidad at kawalang-katapatan. Gumagawa sila ng iba’t ibang palusot at gumagamit ng iba’t ibang pamamaraan para pahintulutan ang mga anticristo, kumikilos bilang pananggalang para sa mga anticristo, habang bigong protektahan ang gawain ng iglesia at ang mga karapatan at interes ng hinirang na mga tao ng Diyos. Kung magagawa ng mga huwad na lider na maagap na malutas ang gayong mga problema tulad ng panggugulo, panlilihis, pagkontrol, at pamiminsala ng mga anticristo sa hinirang na mga tao ng Diyos, at pagkatapos ay pigilin, ibukod, at paalisin o patalsikin ang mga anticristo, matatanggap ng hinirang na mga tao ng Diyos ang pinakamalaking proteksiyon. Gayumpaman, bilang mga lider, wala silang kahusayan para sa gawaing ito. Mula sa isang partikular na perspektiba, masasabing lihim nilang pinoprotektahan ang mga anticristo at inihahanda ang daan para sa mga ito, ginagawang maipagpatuloy ng mga ito na mailihis, makontrol, at mapinsala ang hinirang na mga tao ng Diyos, at magulo ang normal na buhay-iglesia at ang pagganap ng tungkulin ng hinirang na mga tao ng Diyos. Ang mga ito ang iba’t ibang pagpapamalas ng mga huwad na lider.

Matapos ang pagbabahagi tungkol sa ikalabintatlong responsabilidad ng mga lider at manggagawa, ngayon ay magbabahagi tayo tungkol sa ikalabing-apat. Ang nilalaman ng ikalabing-apat na responsabilidad ay medyo katulad nang sa ikalabintatlo. Ang partikular na gawaing kailangang gawin ng mga lider at manggagawa sa ikalabing-apat na responsabilidad ay hindi lang may kinalaman sa mga anticristo kundi kinasasangkutan din ng iba't ibang masamang tao, na ginagawang mas malawak ang saklaw nito kaysa sa ikalabintatlong responsabilidad. Bago magbahagi tungkol sa ikalabing-apat na responsabilidad, basahin muna natin ang nilalaman nito. (Ang ikalabing-apat na responsabilidad ng mga lider at manggagawa: Kaagad na tukuyin, alisin at itiwalag ang lahat ng uri ng masasamang tao at mga anticristo.) Hindi mahaba ang pangungusap na ito, subalit pagdating sa partikular na gawaing dapat gawin ng mga lider at manggagawa, hindi ito kasing simple ng nakikita sa panlabas. Ano eksakto ang mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa na binanggit sa pangungusap na ito? Sino ang mga target ng gawain na dapat gampanan ng mga lider at manggagawa? (Iba't ibang masamang tao at mga anticristo.) Ano ang partikular na gawain na kailangang gawin? (Kaagad silang kilatisin. Kapag nakilatis na sila, paalisin sila o patalsikin sila.) Kaagad na pagkilatis, nang walang pagpapaliban; sa sandaling matukoy ang mga palatandaan, dapat magawa ang mga tumpak na paghatol at karakterisasyon, na sinusundan ng pangangasiwa sa mga indibidwal na sangkot sa pamamagitan ng pagpapaalis sa kanila. Sa katunayan, ang partikular na gawain na kailangang gawin ng mga lider at manggagawa ay binubuo ng dalawang gampanin: pagkilatis sa mga tao at paglutas sa nga problema. Sa panlabas, tila ganito ito kasimple: Kilatisin muna, pagkatapos ay kaagad na gumawa ng mga solusyon at hakbang, na pinupuntirya ang iba't ibang masamang tao at mga anticristo na hinihingi ng sambahayan ng Diyos na paalisin o patalsikin. Mula sa perspektibang ito, mukhang madali para sa mga lider at manggagawa na gawin ang gawaing ito nang maayos at gampanan ang responsabilidad na ito, nang walang masyadong paghihirap, dahil ang sambahayan ng Diyos ay dati nang gumawa ng malawakang pagbabahagi tungkol sa mga detalye ng pagkilatis at pagpapaalis ng iba't ibang tao, na maraming sinabi tungkol sa usapin. Sa panlabas, tila may pagkakatulad ang gawaing nakapaloob sa ikalabing-apat na responsabilidad sa partikular na nilalaman ng ikalabindalawa at ikalabintatlong mga responsabilidad na nauna nang pinagbahaginan, subalit sa ikalabing-apat na responsabilidad, ang mga target ng gawaing ginagawa ng mga lider at manggagawa ay hindi lang mga anticristo kundi ang iba't ibang masamang tao rin. Pinalalawak nito ang saklaw para maisama ang iba't ibang uri ng masasamang tao, na nangangailangan ng sistematiko at partikular na pagbabahaginan. Dahil hindi ito tungkol sa mga pagpapamalas ng isang uri ng masamang tao, kundi ng iba't ibang uri, kapag nagbabahagi tungkol sa ikalabing-apat na responsabilidad ng mga lider at manggagawa, pagtutuunan natin ang pagtukoy sa mga target ng gawaing ito. Isang aspekto ito. Dagdag pa rito, kung paano talaga tratuhin ang mga taong ito—kung pipigilin, ibubukod, paaalisin, o patatalsikin sila—ay ang susunod na pagbabahaginan natin nang detalyado.

Bago magbahagi tungkol sa gawaing ito nang detalyado, magbahagi muna tayo sa isang kaugnay na paksa. Maaaring kilalang-kilala ang kaugnay na paksang ito, o maaaring ito ay isang paksang wala kayong partikular na pang-unawa. Ano ang paksa? Ito ay “Ano ang isang iglesia?” Ano ang tingin ninyo sa paksang ito? Maaaring sabihin ng ilang tao, “Nagbabahagi ka tungkol sa mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa, kaya partikular ka lang na magbagi tungkol doon. Bakit magbabahagi tungkol sa kung ano ang isang iglesia? May kaugnayan ba ito sa paksang ito? Sa panlabas, maaaring mukhang wala itong kaugnayan, at maaari pa ngang sabihin ng ilan, “Ito ay isang ganap na walang kaugnayang paksa. Bakit pag-uusapan ito para sa pagbabahaginan?” Anuman ang iniisip ninyo, isantabi ninyo ang mga kaisipang ito at pag-isipan muna kung ano ang isang iglesia. Kapag ang depinisyon ng salitang ito, ang katawagang “iglesia,” ay malinaw nang napagbahaginan, malalaman ninyo kung bakit tayo nagbabahagi tungkol sa paksang ito.

Ang pagbabahagi tungkol sa kung ano ang isang iglesia ay isang paraan ng pagbibigay ng isang malinaw at tumpak na paliwanag sa katawagang “iglesia”; ang ibig sabihin nito ay ang ipaalam ang partikular at tumpak na kahulugan ng terminong “iglesia.” Una, maaari ninyong talakayin kung paano ninyo nauunawaan at naaarok ang terminong “iglesia.” Ano ang isang iglesia? Simulan natin sa teoretikal na pagpapaliwanag at pagkatapos ay magtungo tayo sa mas partikular at medyo praktikal na depinisyon. (Ang pagkaunawa ko ay na ang isang lugar kung saan nagtitipon ang mga kapatid na taos-pusong nananampalataya sa Diyos at naghahangad sa katotohanan para sumamba sa Diyos ay tinatawag na isang iglesia.) Tumutukoy ang depinisyong ito sa kung anong uri ng lugar ang isang iglesia; masasabing isa itong kongkreto at pisikal na entidad. Ito ay isang teoretikal na depinisyon. Tumpak ba ang depinisyong ito? Mayroon bang anumang mga hindi katumpakan? Pagdating sa teorya, katanggap-tanggap ang depinisyong ito. Sino ang makapagdaragdag pa? (Magdaragdag ako ng kaunti. Dahil sa itsura at gawain ng Diyos, at ang Kanyang pagpapahayag ng katotohanan, may isang grupo ng mga tao na sumusunod sa Diyos; ang kolektibong binubuo nila ay tinatawag na isang iglesia.) Inilalarawan ng depinisyon na ito kung anong uri ng kolektibo ang isang iglesia. Ito rin ay isang pormal at teoretikal na depinisyon. (Idaragdag Ko na tinataglay ng grupong ito ng mga tao ang gawain ng Banal na Espiritu, at kapag nagtitipon sila para basahin ang mga salita ng Diyos, naroon ang kaliwanagan ng Banal na Espiritu, at naisasagawa nila ang katotohanan at lumalago sa buhay. Ang isang iglesia ay pagtitipon ng gayong mga tao.) Ang karagdagang ito sa depinisyon ng iglesia ay naglalarawan sa kung anong uri ito ng pagtitipon—ang tagapagpakilala para sa pagtitipong ito ay ang pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, pagtataglay ng gawain ng Banal na Espiritu, at paglago sa buhay. Masasabi ring ito ay isang pormal at teoretikal na depinisyon ng iglesia. May iba pa bang karagdagan? (Ito ay isang grupo ng mga tao na tumatanggap sa mga salita ng Diyos bilang prinsipyo ng pagsasagawa, at na pinamamahalaan ng katotohanan at ni Cristo. Ang grupong ito ay kayang dumanas ng gawain ng Diyos, tumanggap ng katotohanan, lumago sa buhay, at maligtas. Ang gayong grupo ay tinatawag na isang iglesia.) Ang “grupo” na ito ay kapareho sa “kolektibo” na kababanggit lang ngayon. May iba pa bang mga karagdagan? Kung wala na kayong iba pang mga karagdagan, maaari ninyong muling ipahayag ang apat na pang-unawang binanggit sa itaas; ibig sabihin, kung ano eksakto ang itinuturing ninyong depinisyon ng isang iglesia mula sa simula ng inyong pananampalataya sa Diyos hanggang sa kasalukuyan. Madali lang dapat ang pagbibigay ng teoretikal na depinisyon dito, tama? Halimbawa, ang isang kolektibo ng mga tao na taos-pusong sumusunod at sumasamba sa Diyos ay matatawag na isang iglesia; o ang isang grupo na sumusunod sa kalooban ng Diyos, naghahangad ng pagpapasakop sa Diyos, at sumasamba sa Diyos, ay matatawag na isang iglesia; o ang isang grupo na nagtataglay ng gawain ng Banal na Espiritu, ang paggabay ng Banal na Espiritu, at presensiya ng Diyos, at nagagawang sambahin ang Diyos, ay matatawag na isang iglesia. Hindi ba’t mga teoretikal na depinisyon ang mga ito ng isang iglesia? (Oo.) Naaunawaan at alam ninyong lahat ang nilalaman ng mga tagapagpakilala na ito sa depinisyon ng iglesia, tama? (Oo.) Kung gayon, ulitin ninyo ito. (Ang isang iglesia ay tumutukoy sa isang kolektibo ng mga tao na taos-pusong nananampalataya sa Diyos at sumusunod kay Cristo. Ang tunay na iglesia ay nagtataglay ng gawain ng Banal na Espiritu at ng gabay ng Diyos; pinamamahalaan ito ni Cristo at ng katotohanan, ito ay kung saan ang mga tagasunod ng Diyos ay kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos, dumaranas ng gawain ng Diyos, at may buhay pagpasok. Ito ay isang tunay na iglesia. Ang iglesia ay naiiba sa mga relihiyosong komunidad. Hindi nakikilahok ang iglesia sa mga relihiyosong ritwal o sa mga panlabas na anyo ng pagsamba sa Diyos.) Ito talaga ang teoretikal na depinisyon ng isang iglesia. Halimbawa, ang pagtukoy sa isang iglesia bilang isang lugar kung saan nagtitipon ang mga tao na tinawag ng Diyos, o ang pagtukoy sa isang iglesia bilang isang kolektibo ng mga tao na taos-pusong nananampalataya, sumusunod, nagpapasakop, at sumasamba sa Diyos, o ang pagtukoy sa isang iglesia bilang isang pagtitipon ng mga tao na tinawag ng Diyos, at iba pa—sinasalamin ng mga pagtatalagang ito ang ilang batayang pang-unawa o depinisyon ng isang iglesia ng iba't ibang grupo ng mga mananampalataya. Huwag na nating pag-usapan kung paano eksaktong tinutukoy ng iba't ibang relihiyon at denominasyon ang isang iglesia—para sa ating mga sumusunod sa Diyos, ano ang depinisyon ng isang iglesia? Ito ay walang iba kundi isang grupo ng mga tao na taos-pusong nananampalataya sa Diyos, nagtataglay ng gawain ng Banal na Espiritu, nagtataglay ng gabay ng Diyos, at kayang kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, naghahangad sa katotohanan, naghahangad ng pagpapasakop sa Diyos, at sumasamba sa Diyos. Tinutukoy man ito bilang isang lugar, isang kolektibo, isang pagtitipon, isang grupo, isang komunidad, o ano pa mang iba—anumang termino ang ginamit—ang mga ito ay mga karaniwang tagapagpakilala para sa depinisyon. Batay sa saligang pang-unawa ng mga tao tungkol sa isang iglesia, mula sa mga tagapagpakilala na ginagamit ninyo para tukuyin ang katawagang “iglesia,” malinaw na sa oras na ang mga tao ay sumusunod sa Diyos at nakauunawa sa ilang katotohanan, ang pagkaunawa nila sa iglesia ay na hindi na ito isang ordinaryong komunidad o grupo. Sa halip, may kaugnayan ito sa taos-pusong pananampalataya sa Diyos, pagbabasa ng mga salita ng Diyos, pagtataglay ng gawain ng Banal na Espiritu, at sa kakayahang magpasakop at sumamba sa Diyos, o sa mga aspekto ng buhay pagpasok, disposisyonal na pagbabago, pagpapatotoo sa Diyos, at iba pa. Sa pagtingin dito sa ganitong paraan, pagkatapos simulan ng Diyos ang Kanyang gawain, ang katawagang “iglesia” sa puso ng karamihan ng tao ay nagkaroon na ng mas malalim at mas partikular na pang-unawa at pag-arok, isang pang-unawang mas naaayon sa ideya ng Diyos ng isang iglesia. Hindi na lang ito isang simpleng gusali, isang panlipunang komunidad, isang departamento, isang institusyon, o ano pa man; sa halip, nauugnay ito sa mga bagay tulad ng pananampalataya sa Diyos, mga salita ng Diyos, sa katotohanan, at pagsamba sa Diyos.

Tungkol sa partikular na konsepto at depinisyon ng isang iglesia, hindi tayo magmamadaling gumawa ng mga kongklusyon sa ngayon. Pagkatapos ninyong magkaroon ng batayang konsepto ng katawagang “iglesia” o ng depinisyon nito, malinaw ba sa inyo ang tungkol sa gayong mga bagay tulad ng kahalagahan ng pag-iral ng isang iglesia, ang gawaing ibinunga ng pag-iral ng isang iglesia, at ang papel na ginagampanan ng isang iglesia sa mga tao? May kaugnayan ba ang nilalaman ng mga aspektong ito sa depinisyon ng isang iglesia? Sa madaling salita, ang ginagawa ng isang iglesia ay ang halaga ng pag-iral nito. Kunin nating halimbawa ang isang bahay—ano ang layunin ng bahay na ito? Ano ang kahalagahan at kabuluhan nito para sa mga taong naninirahan dito at gumagamit nito? Kahit papaano, nagbibigay ito ng kanlungan mula sa hangin at ulan, na isa sa mga kahalagahan nito; ang isa pang kahalagahan ay na kapag ikaw ay hapo at pagod at walang mapuntahan, ang tahanan ay isang lugar kung saan ka makapagpapahinga at makapananatili nang may kapayapaan at kasiyahan. Ang bahay na ito ay tinatawag na tahanan, subalit ano ang gamit nito para sa iyo? Nagbibigay ito ng kanlungan mula sa hangin at ulan, pahinga, relaksasyon, at ng kakayahang magtamasa ng kalayaan, at iba pa; ang mga gamit na ito ang kahalagahan ng bahay na ito para sa iyo. Ngayon, muli, ano ang papel ng isang iglesia? Ano ang kahalagahan at kabuluhan ng pagbuo at pag-iral nito? Sa madaling salita, ano ang ginagawa ng isang iglesia, anong papel ang ginagampanan nito? Malinaw ba sa inyo ang tungkol dito? Ano ang partikular na gawain o uri ng gawain na dapat gawin ng isang iglesia, at ano ang dapat kabilang sa saklaw ng gawain nito, para matawag ito na isang iglesia, para ang gawain na ito ay maging ang dapat na ginagawa ng isang tunay na iglesia? Ito ang ilan sa mga partikular na nilalaman na dapat pagbahaginan kaugnay sa depinisyon ng isang iglesia. Una, ano nga ba ang gawaing ginagawa ng isang iglesia? (Pangunahin, ipinahahayag nito ang mga salita ng Diyos, nagpapatotoo sa gawain ng Diyos, at nagpapalaganap ng ebanghelyo, na nagpapahintulot para mas maraming tao ang lumapit sa harap ng Diyos at tumanggap ng Kanyang kaligtasan.) Isa ba itong partikular na gampanin? (Oo.) Ito ang kahalagahan ng pag-iral ng iglesia at isa sa mga partikular na gampanin na kailangan nitong gawin, subalit hindi ito ang lahat. Ang pagpapalaganap ng mga salita ng Diyos at pagpapatotoo sa gawain ng Diyos ay isang partikular na gampanin. Sino ang responsable para sa gampaning ito? Ito ay ang kasalukuyang pangkat ng mga taga-ebanghelyo. Anong iba pang gawain ang ginagawa ng isang iglesia? (Pag-oorganisa ng mga kapatid para sama-samang magtipon, kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, at magbahaginan ng mga salita ng Diyos, binibigyang-kakayahan silang patuloy na maunawaan ang katotohanan at magawa ang mga tungkulin nila nang normal.) Ang partikular na gampaning ito ay para akayin ang mga tao na kainin at inumin ang mga salita ng Diyos, unawain ang katotohanan, at gampanan ang mga tungkulin nila nang normal. Ang pagpapalaganap ng mga salita ng Diyos ay isang pangunahin at mahalagang gampanin ng isang iglesia. Ang pag-akay sa mga tao na kainin at inumin ang mga salita ng Diyos, unawain ang katotohanan, at gawin ang mga tungkulin nila nang normal ay ang mahalagang gampanin ng isang iglesia; nakatuon ito sa panloob. Ang dalawang gampaning ito, isang panlabas at isang panloob, ay ang mga gawaing ibinunga ng pag-iral ng isang iglesia. Masasabi rin na ang mga ito ay ang dalawang mahalagang gawain na dapat gampanan ng isang iglesia. Mayroon pa bang iba? (Ang isa pang gampanin ay ang pag-akay sa mga tao na maranasan ang paghatol ng Diyos para malinis sila at makamit nila ang disposisyonal na pagbabago.) Ito ay isang partikular na panloob na gawain ng isang iglesia. Ang lahat ng gampaning ito na nabanggit ninyo ay talagang mga representatibong gawain. Ang pagdanas ng gawain ng Diyos, tulad ng pagdanas ng iba't ibang kapaligiran, pagdanas ng paghatol, pagkastigo, pagpupungos, at iba pa, na sa huli ay nagkakamit ng disposisyonal na pagbabago at ng kaligtasan, ay isang partikular na gampanin. Ito ang epekto at ang impluwensiya ng pagbuo at pag-iral ng isang iglesia sa mga tao. Ang gawain ng pagpapalaganap ng mga salita ng Diyos at pagpapatotoo sa Diyos ay hindi lang isinasagawa ng pangkat ng mga taga-ebanghelyo; naisasakatuparan din ito sa pamamagitan ng iba't ibang artikulo ng patotoong batay sa karanasan, mga himno, iba't ibang video at pelikula, at iba pa, na bahagi rin ng mga partikular na nilalaman at proyektong kabilang sa gawain ng pagpapalaganap ng mga salita ng Diyos. Dagdag pa rito, may mga gampaning nauugnay sa buhay-iglesia: ang pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos para maunawaan ang katotohanan, nagagawang magpasakop sa Diyos at makilala ang Diyos, at nararanasan ang gawain ng Diyos at ang iba't ibang kapaligirang isinaayos ng Diyos sa proseso ng paggawa ng mga tungkulin para maisakatuparan ang disposisyonal na pagbabago at makamit ang kaligtasan. Ang mga ito ay ilang gampaning ibinunga batay sa pag-iral ng iglesia pagkatapos itong mabuo. Bukod sa mga pangunahing gampaning ito, mayroon bang mga pampangalawang gampanin? Ano ang mga pampangalawang gampanin? Tumutukoy ang mga ito sa hindi mahalaga o pangkalahatang gawain, na, gayunpaman, ay may ilang benepisyo pa rin para sa hinirang na mga tao ng Diyos sa paghahangad nila sa katotohanan at paggawa sa mga tungkulin nila; maaaring positibong makaapekto ang gawaing ito sa buhay paglago ng mga tao at sa pagbabago ng kanilang mga pananaw sa mga usapin. Sa mga espesyal na pagkakataon, ang pangkalahatang gawain ba na may kaugnayan sa pisikal na pananatiling buhay ng mga tao na lumilitaw mula sa gawain ng iglesia ay maituturing na ang kinakailangang gawain ng isang iglesia? Halimbawa, ang pagsasaka, pag-aalaga ng mga hayop, at iba pang aktibidad na nagbibigay ng ilang kinakailangang pagkain para sa mga gumagawa ng kanilang mga tungkulin—maibibilang ba ang mga ito na ang mahalagang gawain ng isang iglesia? (Hindi.) Paano naman ang pagbibigay ng mga kompyuter, kagamitan, at iba pang bagay para sa iyong mga gumagawa ng kanilang mga tungkulin—maibibilang ba ang mga ito na ang mahalagang gawain ng isang iglesia? (Hindi.) Kung gayon, ano ang tinutukoy na ang mahalagang gawain ng isang iglesia? Kasama rito ang depinisyon ng isang iglesia. Maiinam ang mga nauna ninyong depinisyon ng isang iglesia; talagang nasiyahan Ako sa mga ito dahil ang mga tagapagpakilala sa inyong mga depinisyon ay nauugnay sa gayong mas matataas na katotohanan tulad ng buhay pagpasok ng mga tao, ang kanilang tunay na pananampalataya at pagsunod sa Diyos, pagkilala sa Diyos, at maging disposisyonal na pagbabago, pagpapasakop sa Diyos, at pagsamba sa Diyos. Dahil sa puntong ito, ang pag-iral ng isang iglesia ay ganap na hindi para sa kapakanan ng mga bagay na may kaugnayan sa mga makalamang buhay at interes ng mga tao, tulad ng pagpapanatili sa kanilang mainit at busog, pagpapanatili sa kanilang malusog, o pangangalaga sa kanilang mga oportunidad. Hindi umiiral ang isang iglesia para suportahan ang pisikal na pananatiling buhay ng mga tao o para pahintulutan ang mga tao na mas mainam na matamasa ang buhay ng laman. Sinasabi ng ilang tao, “Hindi iyon tama. Ang aming pisikal na buhay at pananatiling buhay ay binanggit sa mga salita ng Diyos, na nagsasabi sa aming matuto ng ilang modernong sining at kaalaman tungkol sa pananatiling malusog. Hindi ba’t may kaugnayan ang mga ito sa ating pananatiling buhay?” Itinuturing ba ang mga ito na ang mahalagang gawain ng isang iglesia? (Hindi.) Dahil ang isang iglesia ay binubuo ng mga mananampalataya sa Diyos at ang buhay ng mga tao ay natural kinapapalooban ng pagkain, damit, tirahan, transportasyon, at pang-araw-araw na pangangailangan, nagkakataong natutulungan ng isang iglesia ang mga tao na malutas ang mga isyung ito. Sa pagkakalutas ng mga ito, naiisip ng mga tao, “Ang iglesia rin ang responsable para sa aming mga pang-araw-araw na pangangailangan. Ito ang regular na gawain ng iglesia at ang mahalagang gawain nito.” Hindi ba’t maling pagkaunawa ito? (Oo.) Ano ang nagdudulot ng maling pagkaunawang ito? (Hindi sa kanila malinaw ang tungkol sa kung ano ang mahalagang gawain ng iglesia). Bakit hindi pa rin sa kanila malinaw ang tungkol dito magpahanggang sa ngayon? Hindi ba’t may problema sa kanilang pag-arok? (Oo.) Bakit may problema sa kanilang pag-arok? Ito ay usapin ng kakayahan. Sa huli, may kinalaman ito sa mababang kakayahan.

Tungkol sa mahalagang gawain ng isang iglesia, tatlong aytem ang kababanggit lang: Una ay ang pagpapatotoo sa at pagpapalaganap ng mga salita ng Diyos. Ang isa pa ay ang pag-akay sa mga tao na kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, pagpasok sa realidad ng mga salita ng Diyos, at pagtulong sa mga taong maunawaan ang katotohanan, magsagawa ng mga salita ng Diyos, at mas mahusay na gawin ang mga tungkulin nila. At ang isa pa ay ang pag-akay sa mga tao na maranasan ang gawain ng Diyos, maranasan ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, at iwaksi ang kanilang mga tiwaling disposisyon para makamit ang disposisyonal na pagbabago batay sa pag-unawa sa mga salita ng Diyos. Ang lahat ng ito ay naglalayong makamit ng mga tao ang kaligtasan. Ang tatlong aytem na ito ay mahusay na naibuod; ang mga ito ang mga gawain na kailangang gawin ng isang iglesia at ang kahalagahan at kabuluhan ng pag-iral ng isang iglesia para sa sangkatauhan, para sa mga miyembro ng iglesia, and para sa hinirang na mga tao ng Diyos. Subalit hindi ito sapat na komprehensibo. Bukod sa mahahalagang gampanin na ito, isipin mong muli ang tungkol sa kung ano ang iba pang mahahalagang benepisyo ang nakakamit ng mga tao maliban sa pagdanas ng gawaing ito na ginagampanan ng mga iglesia. (Natututo ang mga tao na kilatisin ang iba't ibang tao, pangyayari, at bagay.) Ang pagkilatis sa iba't ibang tao, pangyayari, at bagay ay medyo malapit; may kaugnayan ito sa mahalagang gawain ng isang iglesia. Kapag pinag-uusapan natin ang mahalagang gawain, pinag-uusapan natin ang tungkol sa mga representantibong gampanin. Ang mga pinagbahaginan natin ngayon-ngayon lang ay ang mga positibong kapakinabangang nakakamit ng mga tao, o ang ilan sa mga gawaing isinasagawa ng mga iglesia na nilalahukan o dinaranas ng mga tao. Maliban sa mahahalagang gampanin na ito, ang isa pang kahalagahan ng pag-iral ng isang iglesia ay ang pagtulong sa mga tao na maunawaan ang sangkatauhan, ang mundo, at ang impluwensiya ng kadiliman. Isa ba itong mahalagang gampanin ng isang iglesia bukod sa tatlong gampanin na ibinahagi ninyo? Isa ba itong partikular na gawain? (Oo.) Kumpara sa unang tatlong gampanin, itinuturing ito na isang pampangalawang gampanin. Bakit ito itinuturing na pampangalawa? Dahil ito ay isang resulta na nakamit ng mga tao sa pamamagitan ng pagdanas sa unang tatlong gampanin—nakakamit ito sa pagdanas ng gawain ng Diyos, pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, pag-unawa sa katotohanan, pag-unawa sa sariling tiwaling disposisyon ng isang tao, at pagkilala sa Diyos. Ang resulta ay na nagagawang maunawaan ng mga tao ang tiwaling sangkatauhan na ito, ang madilim na mundong ito, at ang impluwensiya ng kadiliman. Bahagya na bang nakamit ang resultang ito sa kasalukuyan? (Oo.) Hindi ba't ito ang kahalagahan ng pag-iral ng isang iglesia? Hindi ba't ito ang isang gamit at epekto na dapat taglayin ng pag-iral ng isang iglesia para sa mga sumusunod sa Diyos? (Oo.) Sa isang banda, mayroon ito nitong obhetibong epekto; bukod pa rito, positibo at aktibong isinasagawa ng mga iglesia ang gawaing ito. Anong mga partikular na proyekto ang napapaloob sa gawaing ito? Halimbawa, ang mga pelikula tungkol sa hinirang na mga tao ng Diyos na nakararanas ng pag-aresto at pagpapahirap—sa isang banda, mga patotoo ang mga ito na ginawa niyong mga sumusunod sa Diyos kapag nagdurusa sila ng brutal na pag-uusig ni Satanas; sa kabilang banda, inilalantad ng mga ito kung paanong ang tiwaling sangkatauhang ito, ang madilim na mundong ito, at ang masasamang impluwensiya ay lumalaban at kumukondena sa Diyos at sa katotohanan, pati na rin ang iba't ibang paraan kung paano nila brutal na inuusig ang mga sumusunod sa Diyos. Habang inilalantad ang mga bagay na ito, nakatutulong ang mga pelikula na maunawaan ng mga tao ang sangkatauhan, ang mundo, at ang impluwensiya ng kadiliman mula sa perspektibang ito. May mga tao na nagsasabing, “Ano ang ibig Mong sabihin sa ‘maunawaan ang sangkatauhan at ang mundo’?” Ano sa tingin ninyo ang ibig sabihin nito? (Ang pag-unawa sa kadiliman at kabuktutan ng sangkatauhan at ng mundo, pati na rin ang pag-unawa sa diwa ng lahat ng sangkatauhan bilang mga kaaway ng Diyos.) Tama. Ibig sabihin nito ay ang pag-unawa sa kabuktutan at kadiliman ng sangkatauhan, pag-unawa sa mga pangit na mukha at mga tunay na kulay ng lahat ng sangkatauhan bilang mga kaaway ng Diyos. Ang mga video tungkol sa pagpapahirap o mga personal na patotoong batay sa karanasan ay mga partikular na halimbawa ng gawaing ito na ginagawa ng mga iglesia. Bukod pa rito, ang paglalantad sa tradisyonal na kultura, mga moral na pananaw ng tao, ang mga kaisipan ng ilang patrikular na pangkat-etniko o lahi, pati na rin ang mga tradisyonal na doktrina ng Daoismo at Kompyusyanismo sa Tsina, ilang huwad na katotohanan, at mga alituntunin ng pamilya at pagpapalaki na nagbibigkis sa mga tao at naglilimita sa mga kaisipan nila—ano ang pakay ng paglalantad sa mga ito? Anong kategorya ng gawain ang kinabibilangan nito? Hindi ba’t ang nilalaman na dati kong hinimay sa kuwentong “Pagtulog sa Sanga at Pagdila sa Apdo” ay bahagi ng pag-unawa sa mundo, sa sangkatauhan, at sa impluwensiya ng kadiliman? (Oo.) Ito ay isang halimbawa ng partikular na nilalaman ng gawaing ito. Kaya, ang gawaing ito ay isa ring partikular na gampanin na dapat gampanan ng isang iglesia. Sa kabuuan, ang gawain ng isang iglesia ay, sa isang aspekto, ang positibong gabayan ang mga tao sa katotohanang realidad sa pamamagitan ng katotohanan, inaakay sila para makamit ang pagpapasakop sa Diyos. Sa kabilang banda, ito ay para ilantad ang satanikong, madilim na mundo, ilantad ang iba't ibang pagkilos ng pagkamapanlaban sa katotohanan at sa Diyos, at ilantad ang masasamang kalakaran sa lipunan ng tao, ang iba't ibang ideya at kuru-kuro ng tiwaling sangkatauhan, pati na rin ang kanilang mga maling pananampalataya, panlilinlang, at iba pa, para magawang maunawaan ng mga tao ang tunay na kalikasan at diwa ng buktot na kapanahunang ito. Hindi ba’t ito ang mahalagang gawain ng isang iglesia? (Oo.) Sa katunayan, marami na kayong nakamit mula sa gawain ng iglesia at nagkamit ng maraming benepisyo. Pagdating sa mga tao sa iglesia, sila man ay ang mga interesado sa katotohanan, o ang mga hindi interesado sa katotohanan, pagkatapos ng tatlo hanggang limang taon ng pagsunod sa Diyos, sa pamamagitan ng mga pagtitipon para makipagbahaginan tungkol sa katotohanan, magdasal-magbasa ng mga salita ng Diyos, at pagdanas ng pag-uusig at paninira mula sa mga walang pananampalataya, mga panggugulo mula sa masasamang tao at mga anticristo, at lahat ng uri ng ibang tao, pangyayari, at bagay, hindi nila mamamalayang makikilatis at mauunawaan nila ang madilim na mundong ito, ang buktot na sangkatauhan, ang mga namumunong awtoridad, at ang masamang impluwensiya ng buong mundo. Ito ang mga kapakinabangang nakamit nila. At paano nagkakaroon ng mga kapakinabangang ito? Dulot ba ang mga ito ng pag-iral ng mga iglesia? Dulot ba ito ng mga gawaing ginagawa ng mga iglesia? (Oo.) Sa isang banda, nagkamit na ang mga tao ng kaunting pang-unawa sa mga salita, gawain, at disposisyon ng Diyos; sa kabilang banda, nagkamit din sila ng kaunting kaukulang kamalayan at pagkilatis sa mundo, sa sangkatauhan, at sa impluwensiya ng kadiliman. Ang mga resulta at positibong epekto ng dalawang kapakinabangang ito sa mga tao ay ang dapat nilang makamit para matamo ang kaligtasan.

Ang gawain ng isang iglesia ay maibubuod bilang pagpapalaganap at pagpapatotoo sa mga salita at gawain ng Diyos, at pag-akay sa mga tao na kumain at uminom ng mga salita ng Diyos para maunawaan nila ang katotohanan, maisagawa ang mga salita ng Diyos, at mas mahusay na magampanan ang mga tungkulin nila. Bukod pa rito, sa pundasyon ng pag-unawa sa katotohanan, maaari nilang maranasan ang gawain ng Diyos, maiwaksi ang mga tiwali nilang disposisyon, at makamit ang disposisyonal na pagbabago. Bukod sa tatlong aspektong ito, kinabibilangan ito ng pagtulong sa mga tao na maunawaan ang buktot na sangkatauhan, ang madilim na mundo, at ang impluwensiya ng kadiliman. Bagaman hindi marami ang mga proyekto ng gawain ng iglesia, ang partikular na nilalaman nito ay malawak. Ang nilalaman ay nauugnay lahat sa mga salita ng Diyos, sa katotohanan, sa pagwaksi sa mga tiwaling disposisyon, at sa pagpapasakop sa Diyos; siyempre, higit pa itong nauugnay sa pagkakaligtas. Ito ang gamit ng isang iglesia at ang kahalagahan ng pag-iral ng isang iglesia. Ang bawat aspekto ng gawain ng isang iglesia ay malapit na nauugnay sa buhay pagpasok ng hinirang na mga tao ng Diyos dahil kinapapalooban ito ng kung paano tinatrato ng mga tao ang mga salita ng Diyos, ang saloobin nila sa Diyos, ang kaligtasan nila, at ang mga pananaw at saloobin nila tungkol sa mundo, sa sangkatauhan, at ang impluwensiya ng kadiliman. Sa madaling salita, ang pag-iral ng isang iglesia ay malapit na nauugnay sa lahat ng tao, at ang gawaing ginagawa ng isang iglesia, kasama ang kahalagahan at kabuluhan ng pag-iral nito, ay hindi maihihiwalay mula sa bawat tao na tumatanggap ng kaligtasan ng Diyos.

Pagkatapos magbahaginan tungkol sa partikular na gawain ng isang iglesia, talakayin natin ang mga hindi angkop na depinisyon at pananaw ng mga tao tungkol sa katawagang “iglesia” at ang kabuluhan ng pag-iral ng isang iglesia. Una sa lahat, iniisip ng mga tao ang isang iglesia bilang isang lugar na medyo nakagiginhawa, isang lugar na puno ng init at liwanag ng araw, isang lugar na medyo kaaya-aya na walang hidwaan, digmaan, patayan, o pagdanak ng dugo—isang ideyal na lugar na pinapangarap ng mga tao, puno ng kaligayahan. Dito, walang inggitan o alitan, walang pagpapakana, walang masamang kalakaran, o anumang iba pang penomena na matatagpuan sa sekular na mundo. Itinuturing itong isang ideyal na daungan kung saan maaaring iangkla ng mga tao ang kanilang puso. Kahit gaano man kaganda ang mga imahinasyon ng mga tao sa katawagang “iglesia,” sa kabuuan, ang isang iglesia ay nagbibigay nga sa kanila ng isang partikular na dami ng espirituwal na pagkain. Ang espirituwal na pagkain na ito ay may mas kongkretong gamit para sa mga tao: Kapag nakatatagpo sila ng mga paghihirap, maaari silang magtungo sa iglesia para ipahayag ang kanilang mga problema, at ang iglesia ay makatutulong sa kanilang ibsan ang mga alalahanin at lutasin ang kanilang mga paghihirap. Halimbawa, kung makatagpo sila ng mga paghihirap sa trabaho o sa buhay, kung suwail ang kanilang mga anak, kung nakikiapid ang kanilang asawa, kung may mga hidwaan sa pagitan ng mga biyenan at manugang, kung may mga alitan sa mga kasamahan sa trabaho o sa mga kapitbahay, kung inaapi ang kanilang mga anak, kung inangkin ang kanilang lupain ng ilang pinunong diktador, at iba pa—kapag nangyayari ang mga bagay na ito, umaasa ang mga tao na may isang tao sa iglesia na makapaninindigan para sa kanila at makatutulong na lutasin at ayusin ang mga isyung ito. Sa isipan ng mga tao, ang isang iglesia ay gayong lugar. Walang duda, sa isipan ng mga tao, ang isang iglesia ay isang kanlungan, isang ideyal na paraiso, isang lugar para ibsan ang mga alalahanin at lutasin ang mga paghihirap, alisin ang karahasan at hayaang mamuhay ang mabubuting tao nang payapa, at itaguyod ang katarungan. Kung magiging mahirap ang buhay, dapat magkaloob ng tulong ang iglesia; kung walang gulay na makakain at walang bigas na mailuluto, dapat magpamahagi ang iglesia ng mga ito; kung walang mga damit, dapat bumili ang iglesia ng mga ito; kung may magkakasakit, dapat magbayad ang iglesia para sa pagpapagamot. Kapag may isang taong nakakatagpo ng mga paghihirap sa trabaho, dapat mag-abot ng tulong ang iglesia, gumamit ng impluwensiya, gumamit ng mga koneksiyon, o magbigay ng gabay. Kapag ang mga anak ng isang tao ay kumukuha ng mga entrance exam sa kolehiyo, humihingi sila ng tulong sa iglesia para makahanap ng mas maraming tao na mananalangin para sa kanila, nagsisikap na matiyak na ang kanilang mga anak ay tagumpay na makapapasok sa kolehiyo. Anuman ang mga suliraning nakatatagpo, basta’t nagpupunta ang isang tao sa iglesia, ang lahat ng paghihirap na ito ay maaaring malutas at maayos. Kahit na magdusa ang isang tao ng pang-aabuso sa mga kamay ng masasamang tao, makakaya ng iglesia, na may maraming tao at malaking impluwensiya, na ayusin ang mga bagay-bagay. Sa panghihikayat at suporta ng marami, hindi na maduruwag o matatakot ang isang tao na maapi ng mga sanggano. Kahit kapag inaapi, itinatakwil, at patuloy na nakikibaka sa lipunan nang walang paraan para makapaghanap-buhay, maaaring humingi ng tulong at magandang payo ang isang tao mula sa iglesia, at makahanap ng angkop na trabaho. Ang lahat ng bagay na ito, at marami pa, ay ang papel na pinaniniwalaan ng mga tao na dapat gampanan ng isang iglesia at ang gawaing dapat nitong gampanan. Batay sa mga pag-iisip at kuru-kuro ng mga tao, o mula sa hinihingi nila sa isang iglesia, malinaw na walang duda nilang tinitingnan ang iglesia bilang isang institusyong pangkapakanan, isang organisasyon para sa kawanggawa, isang ahensya sa paghahanap ng romantikong kapareha o paghahanap ng trabaho, o isang Red Cross Society. Iniisip pa nga ng ilan na kahit gaano sila kahusay o anuman ang katayuan nila sa lipunan at sa sangkatauhan, palagi silang nangangailangan ng isang makapangyarihang entidad na masasandigan. Kapag nakatatagpo sila ng mga paghihirap sa lipunan o nakakaharap ang mga makapangyarihan, kailangan nila ng isang malakas na puwersang susuporta sa kanila, magsasalita para sa kanila, mangangasiwa ng mga bagay-bagay para sa kanila, at magtataguyod sa kanilang mga karapatan at interes. Sa pananaw nila, magagampanan ng iglesia ang papel na ito at makakamit ang inaasam nilang layunin, kaya't ang iglesia ang nagiging tangi nilang pagpipilian. Malinaw na tinitingnan nila ang iglesia bilang isang unyon o asosasyong panlipunan, tulad ng unyon ng mga guro, unyon sa transportasyon, asosasyon ng mga magsasaka, asosasyon ng kababaihan, asosasyon ng matatanda, at iba pa—ang mga uring ito ng mga grupo at organisasyong panlipunan. Anuman ang mga depinisyon ng mga tao tungkol sa kung ano talaga ang isang iglesia, batay sa mga gawaing ginagampanan ng iglesia at sa tumpak na depinisyon nito, malinaw na ang mga saloobin at hinihingi ng mga tao sa iglesia ay hindi tama at hindi wasto, at hindi dapat taglayin ng mga tao ang mga ito. Ang iglesia ay hindi isang lugar para “pagnakawan ang mayayaman para pakainin ang mahihirap,” alisin ang karahasan at hayaang mamuhay nang payapa ang mabubuting tao, o itaguyod ang katarungan, lalong hindi ito isang lugar para tulungan ang mundo at iligtas ang mga tao o ibsan ang mga alalahanin ng mga tao at lutasin ang mga paghihirap nila. Ang iglesia ay hindi isang organisasyon para sa kawanggawa, hindi isang institusyong pangkapakanan, at hindi isang komunyong panlipunan. Ang pagtatatag at presensiya ng iglesia ay hindi para gumanap bilang isang grupo o organisasyong panlipunan. Maliban sa ilang mahalagang gampanin na dapat isagawa ng isang iglesia, ang magpatotoo at magpalaganap ng mga salita ng Diyos, at akayin ang mga tao na kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, danasin ang gawain ng Diyos, at iwaksi ang kanilang mga tiwaling disposisyon para makamit ang kaligtasan, walang obligasyon ang isang iglesia na magkaloob ng anumang mga tungkulin o tulong sa lipunan o anumang pangkat-etniko. Dagdag pa rito, ang isang iglesia ay hindi isang lugar para ipaglaban ang mga karapatan at interes ng mga tao at wala itong obligasyon na siguruhin ang pisikal na buhay ng mga tao, katayuan sa lipunan, mga titulo sa trabaho, sahod, kapakanang panlipunan, at iba pa. Sa mga kuru-kuro ng mga tao, naniniwala sila na ang mga tungkulin ng isang iglesia ay ang alisin ang karahasan at hayaang mamuhay nang payapa ang mabubuting tao, itaguyod ang katarungan, ibsan ang mga alalahanin ng mga tao at lutasin ang kanilang mga paghihirap, tulungan ang mundo at iligtas ang mga tao, at ipaglaban ang mga karapatan at interes ng mga tao—pangunahin ang mga tungkulingito. Samakatwid, naniniwala ang mga tao na ang iglesia ang kanilang agarang tulong at na ang anumang paghihirap ay maaaring malutas at maisaayos ng iglesia. Malinaw na tinitingnan ng mga tao ang iglesia bilang isang institusyong panlipunan, organisasyon, o grupo. Gayunpaman, ang iglesia ba ay ganoong institusyon? (Hindi ito ganoon.) Kung ang mga tungkulin at papel na pinaniniwalaan ng mga tao na dahilan kaya umiiral ang isang iglesia ay para alisin ang karahasan at hayaang mamuhay nang payapa ang mabubuting tao, itaguyod ang katarungan, ibsan ang mga alalahanin ng tao at lutasin ang mga paghihirap nila, tulungan ang mundo at iligtas ang mga tao, ipaglaban ang mga karapatan at interes ng mga tao, at iba pa, ang iglesiang ito ay hindi matatawag na isang iglesia dahil wala itong koneksiyon sa mga salita ng Diyos, sa gawain ng Banal na Espiritu, o sa gawain ng Diyos ng pagliligtas ng mga tao. Ang gayong grupo o organisasyon ay dapat tawagin lang na isang grupo o organisasyon, na walang kaugnayan sa isang iglesia, ni anumang koneksiyon sa gawain ng isang iglesia. Kung ang isang organisasyon, sa ilalim ng bandila ng pananampalataya sa Diyos, ay nakikilahok sa mga aktibidad tulad ng pagdalo sa mga serbisyo, pagsamba sa Diyos, pagbabasa ng Bibliya, pagdarasal, pag-awit ng mga himno, at pagpupuri, o kahit na mayroon itong mga pormal na pagtitipon at pagsamba, pati na rin ng tinatawag na mga pulong para sa pag-aaral ng Bibliya, mga pulong para sa pananalangin, mga pulong ng mga magkakatrabaho, mga pulong para sa pagpapalitan, at iba pa, anuman ang uri ng mga miyembro at estruktura nito, walang koneksiyon ang mga ito sa isang tunay na iglesia. Kaya, ano nga ba ang isang tunay na iglesia? Paano ito nabubuo? Ang isang tunay na iglesia ay nabubuo dahil sa pagpapakita ng Diyos, sa Kanyang gawain, at sa Kanyang pagpapahayag ng katotohanan para iligtas ang sangkatauhan. Nabubuo ito kapag naririnig ng mga tao ang tinig ng Diyos, lumalapit sa Diyos, at nagpapasakop sa gawain ng Diyos. Ito ang tunay na iglesia. Ang iglesia ay hindi inorganisa at itinatag ng mga tao kundi personal na itinatag ng Diyos at personal na inakay at pinastol ng Diyos. Samakatwid, may mga atas ang Diyos para sa Kanyang mga iglesia. Ang misyon ng isang iglesia ay ang ipalaganap ang mga salita ng Diyos, patotohanan ang gawain ng Diyos, at tulungan ang mga tao na marinig ang tinig ng Diyos, bumalik sa presensiya ng Diyos, tanggapin ang kaligtasan ng Diyos, danasin ang gawain ng Diyos para makamit ang kaligtasan ng Diyos, at magpatotoo para sa Diyos—ganoon lang iyon kasimple. Ito ang kahalagahan at kabuluhan ng pag-iral ng isang iglesia.

Pagkatapos magbahaginan tungkol sa paksa ng kung ano ang isang iglesia, mayroon na kayo ngayong kaunting pang-unawa sa pagbuo ng isang iglesia, ang gawaing ginagawa ng isang iglesia, at mga resultang nakakamit nito. Kaya din ninyong maunawaan ang ilan sa kahalagahan at kabuluhan ng pag-iral ng isang iglesia. Kaya, makagagawa na ba tayo ngayon ng isang tumpak na depinisyon ng kung ano eksakto ang isang iglesia? Una sa lahat, ang isang iglesia ay hindi isang lugar para bigyan ang mga tao ng emosyonal na kaaliwan, ni hindi rin ito isang lugar para siguruhing may sapat na pagkain at damit ang mga tao o para bigyan sila ng kanlungan. Ang isang iglesia ay hindi isang lugar para siguruhin ang mga pisikal na karapatan at interes ng mga tao o para lutasin ang mga paghihirap na kinakaharap nila sa buhay. Hindi ito isang lugar para punan ang mga espirituwal na kakulangan ng mga tao at magbigay ng espirituwal na pagkain. Dahil ang mga iglesia ay hindi ang kung ano ang inaakala ng mga tao batay sa mga kuru-kuro at imahinasyon nila, ano nga ba ang partikular na depinisyon ng isang iglesia? Ano nga ba eksakto ang isang iglesia?

Sa Bibliya, nagbigay ang Panginoong Jesus ng pundamental na paglalarawan sa kung ano ang pagtatalaga ng iglesia. Paano nga ba Niya ito ipinahayag? (“Sapagkat kung saan nagkakatipon ang dalawa o tatlo sa aking pangalan, ay naroroon ako sa gitna nila” (Mateo 18:20).) Ang mga salitang ito ay may ibig sabihin na gaano man karaming tao ang sama-samang nagtitipon, hangga't nasa kanila ang gawain ng Banal na Espiritu at nararamdaman nila na kasama nila ang Diyos, ang lugar na iyon ay isang iglesia—iyon mismo. Sa mga huling araw, nagpakita ang Diyos para gumawa at magpahayag ng katotohanan. Kapag ang mga tao ay nagsasama-sama para kumain at uminom, magdasal-magbasa, at magbahagi ng mga salita ng Diyos, naroroon ang Diyos, at gayundin ang kaliwanagan ng Banal na Espiritu, na nangangahulugang kinikilala ito ng Diyos bilang isang iglesia. Kung ang mga tao ay nagtitipon subalit hindi kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos, kung ginagaya lang nila ang mga hungkag na espirituwal na doktrina, at hindi nila maramdaman ang gawain ng Banal na Espiritu, hindi ito isang iglesia, dahil hindi ito kinikilala ng Diyos, at kung gayon ay wala itong gawain ng Banal na Espiritu. Ang mga pagtitipon kung saan naroroon ang Diyos ay pinagpapala at ginagabayan Niya, at kapag nagsasama-sama ang mga tao sa gayong mga pagtitipon, kumakain at umiinom man sila ng mga salita ng Diyos, nagbabahaginan ng katotohanan, o gumagamit ng katotohanan para lutasin ang mga problema, ang lahat ng ito ay may kaugnayan sa mga hinihingi at pamumuno ng Diyos, at kaya pinagpapala Niya ang lahat ng ito. Kaya naman, hangga't ang ganitong uri ng pagtitipon ay may gabay, pamumuno, at presensiya ng Diyos, matatawag itong iglesia. Ito ang pinakasimple at pinakapundamental na depinisyon ng iglesia, at ito ang depinisyon ng iglesia noong Kapanahunan ng Biyaya. Nagmula ito sa konteksto ng gawain ng Diyos sa panahong iyon, at kaya tumpak at totoo ito. Pero sa yugtong ito ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, dahil nagsalita ang Diyos ng mas maraming salita, at gumawa ng mas malaking gawain, ang depinisyon ng isang iglesia ay dapat na mas lumalim kaysa sa pundamental na depinisyon mula sa Kapanahunan ng Biyaya. Lalong umusad ang gawain ng Diyos. Ang iglesia ay hindi na lang nagtatampok ng gawain ng Banal na Espiritu at ng presensiya ng Diyos. Ngayon ay personal nang gumagawa ang Diyos sa Kanyang mga iglesia, ginagabayan at pinapastol ang mga ito; ang hinirang na mga tao ng Diyos ay nakakakain at nakaiinom ng mga kasalukuyang Niyang salita, at nakasusunod at nakapagpapatotoo kay Cristo. Samakatuwid, ang depinisyon ng iglesia sa mga huling araw ay mas detalyado na kaysa sa depinisyon nito noong Kapanahunan ng Biyaya; ito ay isang mas malalim, mas tumpak, at mas partikular na paglalarawan kaysa sa dati, at siyempre ito ay likas na hindi maihihiwalay sa katotohanan at sa mga salita ng Diyos. Kaya ano ang pinakatumpak at pinakaangkop na paraan ng pagbibigay-depinisyon sa iglesia? Una, ang batayang depinisyon ay na dapat na isang grupo ng mga tao na taos-pusong sumusunod sa Diyos. Higit na partikular, ang iglesia ay isang grupo ng mga tao na taos-pusong sumusunod sa Diyos, na pinamamahalaan ng Kanyang mga salita, naghahangad sa katotohanan, nagsasagawa at nararanasan ang Kanyang mga salita, at kayang magpasakop at sumasamba sa Diyos, sumusunod sa Kanyang kalooban, at nagtatamo ng Kanyang kaligtasan. Ang mahalagang bahagi ng depinisyong ito ay “isang grupo ng mga tao.” Ang iglesia ay hindi isang lugar, o isang kolektibo, o isang komunidad, lalong hindi ito isang pagtitipon lang ng isang grupo ng mga tao na may pananalig. Ang “grupo” ay maaaring binubuo nang may isang dosenang tao, 10, 30, o 50 katao, o siyempre pa, mas maraming bilang. Maaari silang magtipon nang sama-sama, o maaari silang mahati sa mas maliliit na grupo para magtipon; ito ay naibabagay sa mga pangyayari at nababago. Sa madaling salita, kapag ang mga tagasunod na ito ng Diyos ay dumadakila, nagpapatotoo, at sumasamba sa Kanya, at sumusunod ang Kanyang kalooban, sila ay isang iglesia. Gaano karami man silang nagtitipon nang sama-sama, isa pa rin silang iglesia. Halimbawa, ang 50 katao ay tinatawag na maliit na iglesia, at ang 100 katao ay tinatawag na malaking iglesia—ang laki ng iglesia ay natutukoy batay sa bilang ng mga miyembro. May malaki, katamtaman, at maliit na mga iglesia, ang bilang ng mga tao sa isang iglesia ay hindi pirmihan. Muli nating tingnan ang depinisyon ng iglesia: isang grupo ng mga tao na taos-pusong sumusunod sa Diyos, na pinamamahalaan ng Kanyang mga salita, naghahangad ng katotohanan, nagsasagawa at dumaranas ng Kanyang mga salita, at kayang magpasakop at sumasamba sa Diyos, sumusunod sa Kanyang kalooban, at nagtatamo ng Kanyang kaligtasan. Bakit ganito binibigyang-depinisyon ang iglesia? Dahil gusto ng Diyos na gumawa sa mga iglesia, at nais ng Diyos na iligtas ang grupong iyon ng mga tao. Tanging ang ganitong grupo ng mga tao ang matatawag na iglesia. At tanging kapag nagsasama-sama ang ganitong grupo ng mga tao, saka lang sila makakakain at makaiinom ng mga salita ng Diyos nang normal at makapagsasagawa ng mga ito, at tunay na makapagdarasal sa Diyos, makapagpapasakop sa Kanya, at makasasamba sa Kanya. Ang grupong iyon ng mga tao ay pinamamahalaan at inaakay ng mga salita ng Diyos, kaya sa pamamagitan ng gayong grupo ng mga tao nalilikha ang depinisyon ng iglesia.

Dahil hindi tinatanggap ng mga tao sa mga relihiyon ang katotohanan at hindi nila tinatanggap ang gawain ng Diyos, at hindi sila inililigtas ng Diyos, hindi sila isang iglesia, isa silang relihiyosong komunidad. Ito ang pinakamalinaw na pagkakaiba sa pagitan ng isang iglesia at relihiyon. Tanging ang isang iglesia ang pinamamahalaan ng mga salita ng Diyos, at tanging ang isang iglesia na personal na pinapastol ni Cristo ang pinamamahalaan ng mga salita ng Diyos. Ano ang ibig sabihin ng pinamamahalaan ng mga salita ng Diyos? Kailangan ba nating banggitin ang gawain ng Banal na Espiritu, o ang gabay, kaliwanagan, at pagtanglaw ng Banal na Espiritu rito? (Hindi.) Sabihin mo sa Akin, alin ang mas praktikal: ang mapamahalaan ng mga salita ng Diyos, o ang magkaroon ng gawain ng Banal na Espiritu? (Ang mapamahalaan ng mga salita ng Diyos.) Ang mapamahalaan ng mga salita ng Diyos ay mas praktikal at mas kongkreto. Ang gawain ng Banal na Espiritu ay nagbibigay lang sa mga tao ng kaunting kaliwanagan at pagtanglaw para tulungan silang maunawaan ang katotohanan at akayin silang hanapin ang mga prinsipyo ng pagsasagawa sa mga salita ng Diyos. Ang nakamit na resulta ay na pinamamahalaan sila ng mga salita ng Diyos. Kung hindi gumawa ang Banal na Espiritu, makakaya pa rin ba ng mga taong tuparin ang mga tungkulin nila sa pamamagitan ng pag-unawa sa mga salita ng Diyos at pag-arok sa mga prinsipyo? (Oo.) Ngayon, ipinahayag na nang labis ang mga salita ng Diyos; madalas na nakikinig ang mga tao sa mga sermon at kayang maunawaan ang mga salita ng Diyos. Kahit wala ang gawain ng Banal na Espiritu, alam ng mga tao kung ano ang dapat gawin. Iyong mga nagmamahal sa katotohanan ay makapagsasagawa ng mga salita ng Diyos at makapagpapasakop sa gawain ng Diyos basta’t nauunawaan nila ang katotohanan. Iyong mga hindi nagmamahal sa katotohanan ay hindi mauunawaan ang mga salita ng Diyos kahit marinig nila ang mga ito, at kahit na nakauunawa sila nang bahagya, hindi nila gugustuhing magsagawa, at sa gayon ay maaari lang silang maitiwalag. Sa mga huling araw, tuwirang ipinahahayag ng Diyos ang katotohanan para personal na akayin at pastulin ang mga tao. Ang gawain ng Banal na Espiritu ay pantulong lang. Tulad ito nang kapag ang isang bata ay nag-aaral pa lang maglakad; minsan may isang matandang tutulongsa kanya. Kapag nakapaglalakad na nang maayos at nakatatakbo na ang bata, hindi na kailangang alalayan siya ng sinuman. Samakatwid, ang gawain ng Banal na Espiritu ay hindi ganap, ni hindi ito mahalaga. Kapag ang mga tao ay pinamamahalaan ng mga salita ng Diyos, ibig sabihin nito na nauunawaan nila ang mga salita ng Diyos, nauunawaan ang katotohanan, at alam kung ano ang ibig sabihin ng mga salita ng Diyos at kung ano ang mga prinsipyo at pamantayang hinihingi ng Diyos sa mga tao, at na kaya nilang maunawaan at mailapat ang mga prinsipyo at pamantayang ito. Ito ang ibig sabihin ng pinamamahalaan ang puso ng mga tao ng mga salita ng Diyos. Nagsalita na ang Diyos tungkol sa mga bagay na ito nang may sapat na kalinawan at kaliwanagan, kaya’t hindi na kailangang banggitin pa ang gawain ng Banal na Espiritu rito. Sa mga huling araw, ang Diyos ay nagpahayag ng napakaraming katotohanan, ginagawang malinaw at nauunawaan ng mga tao ang bawat katotohanan. Samakatwid, ang gawain ng Banal na Espiritu ay hindi ganoon kahalaga at ito ay pantulong lang. Tanging kapag hindi nauunawaan ng mga tao ang katotohanan o kapag hindi nagsalita ang Diyos ng napakaraming salita nang may gayong kahustuhan at kalinawan na gumagawa ang Banal na Espiritu ng ilang pantulong na gawain, inuudyukan ang kalikasan, na nagbibigay sa mga tao ng ilang simpleng liwanag at nagsisilbi para udyukan sila nang bahagya, tinutulungan silang gumawa ng mga tamang pagpili at tumahak sa tamang landas sa kanilang buhay at iba't ibang kapaligiran. Ngayon ay ang kapanahunan ng mga salita ng Diyos, kung saan ang Diyos mismo ang nagsasalita para akayin ang sangkatauhan, at ang mga salita ng Diyos ang nangingibabaw sa lahat. Ang gawain ng Banal na Espiritu ay pantulong lang. Kapag nauunawaan ng mgatao ang katotohanan, kayang isagawa ang mga salita ng Diyos, at namumuhay ayon sa mga salita ng Diyos, ang mga layunin ng Diyos ay natutugunan.

Tingnan natin ang unang parirala sa batayang depinisyon ng isang iglesia: “Taos-pusong sumusunod sa Diyos.” Ang “taos-puso” na ito ay may partikular na kahulugan. Hindi ito tumutukoy sa mga taong nagpapalipas lang ng oras, iyong mga masabi lang na nakikilahok sila, iyong mga kumakain ng tinapay hanggang sa mabusog sila, iyong mga umaasa sa biyaya para sa kaligtasan, o iyong mga may anumang mga lihim na motibo at mga layon. Kaya, ano ang ibig sabihin ng “taos-puso”? Ang pinakapayak at pinakasimpleng paliwanag ay ito: Basta’t may naririnig ang isang tao tungkol sa Diyos, sa katotohanan, o sa Lumikha, nakararamdam siya ng pananabik sa puso niya, kusang-loob na tumatalikod, kusang-loob na nag-aalay ng sarili niya, kusang-loob na nagtitiis ng paghihirap, at handang lumapit sa Diyos para tanggapin ang tawag ng Diyos, at abandonahin ang lahat para sumunod sa Diyos. Basta’t mayroon siyang tapat na puso, sapat na iyon. Sinasabi ng ilang tao: “Bakit hindi Mo sabihin na ito ay isang grupo ng mga tao na puno ng pananalig na sumusunod sa Diyos?” Hindi kayang abutin ng mga tao ang antas na iyon. Sa mga gumagawa ngayon ng kanilang mga tungkulin, may ilang nanampalataya na nang may sampung taon, at may ilangnanampalataya na nang dalawampu o tatlumpung taon; ang pagkakaroon ng katapatang ito ay talagang sapat na. Ang pagtukoy rito bilang pagiging puno ng pananalig ay hindi tumpak. Ang depinisyon natin ng isang iglesia ay nakabatay sa isang batayan at partikular na sitwasyon, nang hindi hinahanapan ng mali ang mga salita o itinatakda ang depinisyon at pamantayan nang sobrang taas, dahil hindi iyon praktikal. Sinasabi ng ilang tao, “Ang pagsasabi ng ‘taos-puso’ at ‘puno ng pananalig’ ay hindi sapat. Dapat itong tawaging isang grupo ng matutuwid na tao na may takot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan—napakahusay niyon!” Kung itatakda natin ang pamantayan nang ganito kataas, ang mga sumusunod na pariralang, “paghahangad sa katotohanan, pagsasagawa at pagdanas sa Kanyang mga salita,” ay magiging hindi na kinakailangan lahat. Ang pangunahing punto ay na ang lahat ng miyembro ng iglesia ay iyong mga gustong iligtas ng Diyos. Ang grupong ito ng mga tao ay puno ng mga tiwaling disposisyon ni Satanas at puno ng mga kuru-kuro at imahinasyon tungkol sa Diyos. Sa mas makatotohanang pagsasalita, puno sila ng paghihimagsik, walang pagpapasakop, hindi nakauunawa sa katotohanan, at walang anumang kaalaman tungkol sa Diyos—ito ang pinakarealistikong sitwasyon. Samakatwid, sa paningin ng Diyos, ang mga miyembro ng iglesia ay nasa gayong tunay na sitwasyon at aktuwal na katayuan. Ang pagpili ng Diyos ng mga tao ay nakabatay sa pangunahing kondisyong ito: kung kaya nilang taos-pusong sumunod sa Diyos, at tunay na gumugol ng sarili nila at tumalikod. Sinasabi ng ilang tao na, “Kung taos-puso sila, bakit mayroon pa rin silang mga labis-labis na pagnanais? Kung taos-puso sila, bakit nais pa rin nilang magkamit ng mga biyaya?” Ang mga ito ay unti-unting magbabago habang nakararanas ang mga tao ng gawain ng Diyos. Sa ngayon, binibigyang-depinisyon natin ang batayang konsepto ng iglesia. Ang batayang konseptong ito ay ang pinakamababang kinakailangan at ang pinakamababang pamantayan para sa pagpili ng Diyos ng mga tao. Ang mga pamantayang ito ay hindi talaga hungkag o eksaherado; partikular na naayon ang mga ito sa inyong tunay na sitwasyon. Sa madaling salita, kapag pinili kayo ng Diyos at nagpasya Siyang iligtas ang sinuman sa inyo, ang mga ito ang mga pamantayang tinitingnan ng Diyos. Kung matutugunan ninyo ang mga kinakailangang ito, dadalhin kayo ng Diyos sa sambahayan Niya at magiging miyembro ng iglesia. Ito ang aktuwal na sitwasyon. Samakatwid, ang unang parirala sa depinisyon ng isang iglesia ay “taos-pusong sumusunod sa Diyos”; ito ay medyo tumpak. Ang grupong ito ng mga tao ay kulang ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan, kulang sila ng kakayahang kumawala mula sa madilim na impluwensiya, at kulang sila ng ganap na paghihimagsik laban sa mundo at sa malaking pulang dragon. Kulang sila ng lahat ng bagay na ito. Bakit? Dahil binanggit din ng depinisyon ang kakayahang hangarin ang pagsasagawa ng mga salita ng Diyos. Sa proseso ng paghahangad, dahil ang mga tao ay may pusong nagmamahal sa katotohanan at nananabik para sa katotohanan, magagawa nilang maranasan at maisagawa ang mga salita ng Diyos, at sa huli, makasasamba sila sa Diyos. Ang pagsamba sa Diyos ay kinabibilangan ng pagpapasakop sa Diyos, pakikinig sa mga salita ng Diyos, pagtanggap sa mga pamamatnugot ng Diyos, at pagtanggap sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Sa huli, ang grupong ito ng mga tao ay makapagkakamit ng kaligtasan. Ito ang aktuwal na kalagayan ng mga miyembro ng iglesia sa paningin ng Diyos. Hindi ba’t ito ang pinakabatayang kondisyon? (Oo.) Sinasabi ng ilang tao, “Hindi ninyo binanggit ang pagwawaksi sa mga tiwaling disposisyon ni Satanas at ang pagkakamit ng pagdadalisay. Hindi kasama ang mga ito sa depinisyong ito ng iglesia.” Kasama ba ang mga ito sa depinisyong ito? (Oo.) Aling bahagi kasama ang mga ito? Ang paghahangad sa pagsasagawa ng mga salita ng Diyos. Kung kaya mong hangarin ang mga salita ng Diyos, hindi ba’t unti-unting malulutas ang iyong mga tiwaling disposisyon? Hindi ba ninyo nagagawang iwaksi ang mga tiwaling disposisyon ni Satanas at kamtin ang pagbabago sa disposisyon? (Oo.) Sa panahon ng pagkakamit ng pagbabago sa disposisyon, unti-unti mong nauunawaan ang mga salita ng Diyos at nalulutas ang mga sarili mong tiwaling disposisyon. Habang nalulutas mo ang ilan sa iyong mga tiwaling disposisyon, hindi ba tumataas ang iyong pananalig sa Diyos at pagapasakop sa Diyos? May koneksiyon ba sa pagitan ng mga ito? (Oo.) Habang mas sinasamba mo ang Diyos, mas magkakaroon ka ng pagpapasakop sa Diyos. Habang nadaragdagan ang pagpapasakop mo sa Diyos, hindi ba’t nalalapit ka sa pagkamit ng kaligtasan? (Oo.) Kaya, anong uri ng mga tao ang grupong ito? Sila iyong mga kayang magkamit ng kaligtasan. Ito ang aktuwal na sitwasyon ng mga miyembro ng iglesia. Sinasabi ng ilan, “Hindi binanggit ng depinisyong ito ng isang iglesia ang gawaing nilalahukan ng iglesia.” May anumang bahagi ba rito na may kaugnayan sa mahalagang gawaing nilalahukan ng iglesia? (Ang paghahangad sa pagkamit ng kaligtasan.) Ang bahaging ito ay malapit na magkaugnay. Ang gawaing ginagawa ng iglesia, maging ito man ay ang pagpapalaganap ng mga salita ng Diyos o pag-akay sa mga tao na kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, pagtulong sa mga tao na makilala ang sarili nila at iwaksi ang mga tiwaling disposisyon ni Satanas, sa huli ay naglalayong matulungan ang mga tao na makamit ang kaligtasan. Kaya, matatanggap na ba ninyo ngayon ang pinakapayak at pinakasimpleng konseptong ito ng isang iglesia? (Oo.) Ang depinisyong ito ay hindi eksaherado o hungkag, at hindi ito gumagamit ng magagarbong salita at parirala, kundi kinabibilangan ito ng mga pinakapangunahing pangangailangan para sa pagbuo o depinisyon ng isang iglesia.

Nauunawaan ba ninyo ang konteksto ng depinisyon ng konsepto ng isang iglesia, ngayong naipaliwanag Ko na ito sa inyo? (Oo.) Kung hindi Ko ito ipinaliwanag sa ganitong paraan, iisipin ninyo na ang mahalagang gawain ng isang iglesia at ang depinisyon ng isang iglesia ay napakalalim. Ngayong nauunawaan na ninyo ang depinisyon ng isang iglesia, nararamdaman ninyong napakababaw ng inyong pagkaunawa sa isang iglesia. Ginawa nang malinaw ang depinisyon ng isang iglesia—ganoon lang ito kapraktikal. Habang mas praktikal ang mga bagay, mas madalas na nararamdaman ng mga tao na mababaw ang mga ito. Sa katunayan, kung titingnan mo nang mabuti, ang bawat salita ng depinisyong ito ay magkakaugnay at malapit na konektado sa mga praktikal at partikular na sitwasyon, at hindi talaga ito mababaw. Ang unang parirala sa depinisyon ng isang iglesia ay “taos-pusong sumusunod ang Diyos.” Ang “taos-puso” na ito ay kung ano ang gusto ng Diyos. Ilang tao ang nagtataglay ng gayong pagiging taos-puso? Madali ba sa mga tao na magkaroon ng ganitong pagiging taos-puso? Hindi ito madali. Tungkol sa “pinamumunuan ng mga salita ng Diyos,” nakamit mo na ba iyon? Iniisip mong mababaw at madaling makamit ang pariralang ito. Kung sinasabi ng Diyos na, “Bumangon ka, sumunod ka sa Akin, at gawin mo ang iyong tungkulin,” at sumunod ang mga tao, ibig sabihin ba nito na pinamumunuan sila ng mga salita ng Diyos? Ibig sabihin lang nito na ang mga tao ay handang manampalataya sa Diyos at sumunod sa Diyos, subalit hindi pa nila naaabot ang punto kung saan pinamumunuan sila ng mga salita ng Diyos—malayo pa rin sila rito! Ano ang kailangan mong taglayin para mapamunuan ka ng mga salita ng Diyos? Ang pinakamababang hinihingi ay na dapat mong maunawaan ang mga salita ng Diyos; kailangan mong malaman kung ano ang tinutukoy ng mga hinihingi sa mga salita ng Diyos, kung anong mga prinsipyo ang hinihingi ng mga salita ng Diyos, at, kapag nahaharap sa iba't ibang tao, pangyayari, at bagay, kung paano ilalapat ang mga salita ng Diyos, at kung paano gagawing pagsasagawa mo ang mga salita ng Diyos para mapalugod ang Diyos. Hindi ito madali. Ang isang mahabang panahon ng pagkain at pag-inom, pagdarasal-pagbabasa, pagdanas, pakikipag-ugnayan, at pag-unawa sa mga salita ng Diyos, at pag-unawa sa mga layunin at disposisyon ng Diyos, ay kinakailangan para unti-unting magawang medyo mapamunuan ng mga salita ng Diyos. Samakatwid, ang pariralang “pinamumunuan ng mga salita ng Diyos” ay tila simple sa panlabas, na parang karamihan sa mga tao ay pinamumunuan ng mga salita ng Diyos, subalit sa katunayan ay hindi ito ang kaso. Batay sa aktuwal na sitwasyon ng mga tao, malinaw na ang pariralang ito ay ang hinihingi lang ng Diyos sa mga tao, na hindi pa talaga nila nakakamit. Ang susunod na parirala, “hangarin na maisagawa ang Kanyang mga salita,” ay ang hinihingi ng Diyos para sa mga tao. Hindi mo pa nakakamit ang pagsasagawa ng mga salita ng Diyos; naghahangad ka pa lang na isagawa ang mga salita ng Diyos. Paano ka dapat maghangad? Kapag nakatatagpo ka ng mga sitwasyon, magsagawa ka ayon sa mga hinihingi ng Diyos. Huwag kang magsinungaling; maging isang matapat na tao. Magagawa mo ba iyon? Hindi ito madaling gawin. Kapag ikaw ay pinungusan, dapat magawa mong magpasakop at pagnilayan at kilalanin ang iyong sarili, at magsagawa ayon sa katotohanan. Makakamit mo ba ito? Kung tila nakapapagod ito o kung masyadong malakas ang sarili mong kalooban, at palagi mong gustong sumambulat ang iyong kapusukan, kailangan mong hangaring pangasiwaan ang mga usapin ayon sa mga prinsipyo, at huwag ilantad ang iyong kapusukan o kumilos nang padalus-dalos at arbitraryo; dapat mong gawin ang sinasabi ng mga salita ng Diyos, tanggapin ang pagpupungos, kilalanin ang iyong mga pagsalangsang, at unawain kung saan ka nagkamali. Ito ang tinatawag na paghahangad na isagawa ang mga salita ng Diyos. Ang ibig sabihin ba ng pagsisimulang magsagawa ng mga salita ng Diyos ay na nagbago na ang isang tao? Hindi ito ganoon kasimple. Kung pinili ka bilang isang lider o manggagawa, mapipigilan mo ba ang iyong sarili na kumilos nang padalus-dalos at arbitraryo? Hindi ito madali; hinihingi nito sa iyong maunawaan ang katotohanan, makapagsagawa ng mga salita ng Diyos, at makaranas sa isang yugto ng panahon; saka mo lang ito makakamit. Kung sasabihin mong gusto mong isagawa ang mga salita ng Diyos subalit mayroon ka lang nitong kahandaan sa salita at walang motibasyon sa iyong puso, hindi iyon sapat. Kapag handang makinig ang iyong puso at gusto mo talagang isagawa ang katotohanan, maaari mong isagawa ang katotohanan. Kapag ayaw mong isagawa ang katotohanan sa iyong puso, kahit na sumumpa ka o kahit na suportahan ka ng iba, wala itong silbi. Dapat mayroon kang determinasyon, ibig sabihin, dapat mayroon kang pusong may napakalaking pagnanais para sa Diyos. Kailangan mong malaman kung paano binibigyang-depinisyon ng Diyos ang isang usapin at kung ano ang mga hinihingi Niya kaugnay rito, hanapin at kolektahin ang lahat ng mga salita ng Diyos na nauugnay sa aspektong ito, at pagkatapos ay magdasal-magbasa at unawain ang mga ito. Isulat mo ang mga ito sa isang kuwaderno o ilagay ang mga ito kung saan madali mong makikita ang mga ito. Tuwing mga pahinga sa trabaho mo, tingnan mo ang mga ito, basahin mo ang mga ito, at sa paglipas ng panahon, makakabisado mo ang mga salitang ito ng Diyos at maiingatan mo ang mga ito sa iyong puso. Araw-araw, pag-isipan mo ang tunay na kahulugan ng mga salita ng Diyos at pagnilayan kung ano nga bang paraan ng pagsasalita at pagkilos ang maituturing na pagsasagawa ng mga salita ng Diyos. Ito ang tinatawag na paghahangad na isagawa ang mga salita ng Diyos. Madali bang makamit ito? Hindi ito madali; hindi ito isang bagay na maisasakatuparan sa magdamagan o sa isang bugso ng pagsisikap. Sinasabi ng ilang tao, “Nanunumpa ako sa dugo,” subalit wala itong silbi. Sinasabi mong, “Mag-aayuno ako at mananalangin nang hindi kumakain o umiinom,” subalit wala itong silbi. Sinasabi mong, “Buong gabi akong hindi matutulog at magdurusa,” subalit wala rin itong silbi. Dapat mong hangarin ang katotohanan; dapat mong taglayin ang mga pagpapamalas ng paghahangad sa katotohanan, at dapat magkaroon ka ng landas para sa paghahangad sa katotohanan; dapat magkaroon ka ng mga tamang pamamaraan at diskarte. Anumang uri ng mga pamamaraan o diskarte ang mayroon ka, hindi ka maaaring lumihis sa mga salita ng Diyos; dapat kang magsikap sa mga salita ng Diyos, ikumpara ang lahat sa mga salita ng Diyos, gamitin ang mga salita ng Diyos para lutasin ang mga problema sa bawat sitwasyon, at gawing pangunahing priyoridad mo ang mga salita ng Diyos. Ito ang tinatawag na paghahangad sa katotohanan. Halimbawa, sa pakikisalamuha sa iba, kailangan mong tingnan kung ano ang sinasabi ng mga salita ng Diyos tungkol dito at hanapin ang mga salita ng Diyos na may kaugnayan sa pakikisalamuha sa iba. Para sa maayos na pakikipagtulungan, hanapin din ang mga salita ng Diyos kaugnay sa aspektong ito. Tungkol sa tapat na pagganap ng isang tungkulin, hanapin mo ang mga salita ng Diyos tungkol sa angkop-sa-pamantayang pagganap ng mga tungkulin at isaulo ang mahahalagang salita ng Diyos, iniingatan ang mga ito sa iyong puso. Tungkol naman sa kung ano ang isang huwad na lider, ano ang mga pagpapamalas na mayroon ang mga huwad na lider, kung may konsensiya at katwiran man sila, at kung paano binibigyang-depinisyon ng Diyos ang mga huwad na lider, hanapin ang mga pangunahing salita ng Diyos na ito at isulat ang mga ito sa isang kuwaderno, ilagay ang mga ito sa kung saan madali mong makikita ang mga ito, at magdasal-magbasa ng mga ito tuwing may oras ka. Para sa bawat usaping nauugnay sa iyong buhay pagpasok at disposisyonal na pagbabago, magsagawa at magsikap sa ganitong paraan. Ito ang tinatawag na paghahangad sa katotohanan. Kung hindi umaabot sa ganitong antas ang iyong pagsisikap, hindi ito tinatawag na paghahangad sa katotohanan; tinatawag itong pagpapabasta-basta, pagiging mababaw, at pagraraos lang ng iyong mga araw.

Tingnan natin ang “pagsamba sa Diyos.” Ang pagsamba sa Diyos ay kinabibilangan ng tunay na pagkasindak, pagkatakot, paggalang, at pagiging taos-puso, pati na rin ng pagtuturing sa Diyos bilang Diyos, pagkakaroon ng puwang para sa Diyos sa puso ng isang tao, makatwirang pangangasiwa sa mga kapaligirang isinaayos ng Diyos at sa mga atas na ibinigay ng Diyos, at seryoso at responsableng tinatrato ang bawat salitang sinabi ng Diyos, atbp. Ang lahat ngpagpapamalas na ito ay tinatawag na pagsamba. Ito man ay mga salitang sinabi sa iyo nang harapan ng Diyos o lahat ng mga salitang Kanyang ipinahayag, hangga't alam at naaalala mo ang mga ito, at hangga't nauunawaan at pinagtitibay mo ang mga ito sa iyong puso, dapat mong tratuhin ang mga ito bilang pamantayan kung paano ka umasal at mamuhay, atbp.—ito ang pagpapamalas ng pagsamba sa Diyos. Kapag nahaharap sa mga usapin, umaayon man ang mga ito sa iyong mga panlasa, pagnanais, o kuru-kuro, dapat magawa mo pa ring mapatahimik ang iyong puso at isaalang-alang, “Ginawa ba ito ng Diyos? Nagmula ba ito sa Diyos? Bakit ginawa ito ng Diyos? Ano ang gustong pinuhin sa akin ng Diyos, ano ang gusto Niyang baguhin sa akin? Ano eksakto ang layunin ng Diyos? Paano ako dapat magpasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos? Paano ko dapat tugunan ang layunin ng Diyos? Paano ko dapat gampanan ang aking responsabilidad bilang isang tao?” Ang lahat ng pagpapamalas na ito, kasama ang iba pang mga katulad nito, ay mga pagpapamalas ng pagsamba sa Diyos. Kahit na hindi monauunawaan ang mas maraming katotohanan, bilang isang normal na tao, bilang isang taong naniniwala sa pag-iral ng Diyos, at bilang isang taong taos-pusong sumusunod sa Diyos, ito ang saloobing kahit papaano ay dapat mong taglayin para sa Diyos. Ang lahat ng may kinalaman sa Diyos, ang lahat ng nauukol sa mga salita ng Diyos, ang lahat ng tungkol sa atas ng Diyos sa iyo, ang iyong tungkulin, at ang iyong responsabilidad, dapat mong tratuhin ang lahat ng ito nang may pangangalaga at pag-iingat, hindi nang walang ingat, hindi nang pabaya, hindi nang may pang-aalipusta—ito ang tinatawag na pagsamba sa Diyos. Ang mangasiwa sa lahat ng bagay na may kinalaman sa Diyos nang may maingat, maasikaso, may-takot-sa-Diyos, at may pangamba-sa-Diyos na puso—ito ang tinatawag na pagsamba sa Diyos. Madali ba itong makamit? Hindi ito madali. Kung walang tunay na karanasan, kahit ang pag-unawa sa dalawang salitang “pagsamba sa Diyos” ay mahirap, lalo na ang aktuwal na pagsasagawa ng pagsamba sa Diyos. Ang huling parirala ng depinisyon ng isang iglesia ay “makamit ang Kanyang kaligtasan.” Paano ito dapat maunawaan? Mahaba ang landas sa pagkakamit ng kaligtasan, at mas marami pa ang hinihingi rito. Una, dapat tama ang landas na tinatahak mo; dapat magawa mong tanggapin ang lahat ng katotohanan sa mga salita ng Diyos at maging isang tao na naghahangad na isagawa ang mga salita ng Diyos at nagpapasakop sa Diyos. Dapat mapamahalaan ang iyong buhay ng mga salita ng Diyos. Hindi mo lang dapat kilalanin ang pag-iral ng Diyos kundi dapat mo ring mahalin ang katotohanan at kumilos ayon sa katotohanan; dapat mayroon kang tunay na takot at pagpapasakop sa Diyos, madalas na manalangin sa Diyos sa iyong puso, at unti-unting magbago tungo sa pagsamba sa Diyos. Sa gayon ikaw ay isang tao na nagmamahal sa katotohanan at nagpapasakop sa Diyos; ikaw mismo ang uri ng tao na gustong iligtas ng Diyos. Ang isang taong taos-pusong nananampalataya sa Diyos ay dapat na isang tamang tao. Ano ang benepisyo ng pagiging isang tamang tao? Ang benepisyo ay na ang pagkakamit ng kaligtasan ay hindi magiging masyadong mahirap para sa iyo; magkakaroon ka ng pag-asang makamit ito. Ito na ang lahat ng pagbabahaginan na isasagawa natin sa mga partikular na detalye ng depinisyon ng isang iglesia.

Ngayon-ngayon lang, nagbahagi tayo tungkol sa kung ano ang isang iglesia, ang mahalagang gawaing ginagawa ng isang iglesia, at kung ano ang iniisip ng mga tao tungkol sa isang iglesia at ang hinihingi nila mula rito sa kanilang mga kuru-kuro. Sa wakas, nagbigay tayo ng depinisyon para sa konsepto ng isang iglesia. Ngayong nabigyang-depinisyon na ito, mayroon ka na dapat ngayong tamang pang-unawa sa katawagang “iglesia”; mayroon ka na dapat ng batayang pang-unawa sa gawain na dapat gawin ng isang iglesia, sa papel na ginagampanan ng iglesia sa pagtulong sa mga tao na makamit ang katotohanan at matamo ang kaligtasan, at sa kabuluhan ng isang iglesia para sa lahat ng sumusunod sa Diyos. Daglian din tayong nagsagawa ng representatibong paghihimay at paglalantad sa kung ano ang pinaniniwalaan ng mga tao tungkol sa kahalagahan ng pag-iral ng isang iglesia at ang gawaing dapat gawin ng isang iglesia sa kanilang mga kuru-kuro. Mayroon bang anumang hindi ninyo maunawaan o maarok tungkol sa mga pang-unawa at interpretasyong mayroon ang mga tao kaugnay sa mga iglesia sa kanilang mga kuru-kuro? Iniisip ng ilang tao na dapat na makilahok ang isang iglesia sa ilang uri ng gawain sa lipunan o magkaroon ng ilang uri ng papel sa lipunan, tulad ng pagtataguyod sa katarungan. Sa mga kuru-kuro ng mga tao, kinakatawan ng iglesia ang isang positibong imahe, kaya bakit hindi nito maitaguyod ang katarungan? May anumang kinalaman ba ang pagtataguyod sa katarungan sa mga gawain ng isang iglesia o sa mga hinihingi ng Diyos? (Wala.) Ano ang tinutukoy nitong “pagtataguyod sa katarungan” na sinasabi ng mga tao? (Ang tinatawag ng mga tao na pagtataguyod sa katarungan ay hindi tunay na katarungan. Ito ay pangangalaga lang sa mga interes ng laman at hindi ito naaayon sa katotohanan.) May kaugnayan ba ang katarungang ito sa katotohanan? (Wala.) Ito ang tinatawag ng sangkatauhan na katarungan. Halimbawa, ang pagpuksa sa ilang masamang puwersa, ang pagtutuwid sa ilang kawalang-katarungan at mga pagkakataong ginawan ng masama at ipinahiya ang mga tao, o ang pagbibigay ng nararapat na parusa sa masasamang tao, at pagpapanumbalik at pangangalaga sa mga interes ng mahihinang grupo, at iba pa—ang mga ito ang tinatawag ng mga tao na pagtataguyod sa katarungan. Ano ang pangunahing pakay ng pagtataguyod na ito sa katarungan? May anumang kaugnayan ba ito sa mga tao na naghahangad sa katotohanan? May anumang kaugnayan ba ito sa mga tao na naliligtas? (Wala.) Ito ay simpleng kasabihan na lumilitaw batay sa pagiging matuwid at etika ng tao; ganap na wala itong kinalaman sa katotohanan. Masasabi ba nating hindi ito umaabot sa antas ng katotohanan? (Oo.) Masasabi ba natin? (Hindi; walang kaugnayan ang dalawa.) Tama, ganap na walang kaugnayan ang mga ito; dalawang magkaibang bagay ang mga ito. Anong uri ng katarungan ang itinataguyod ng sangkatauhan? Ito ay ang uri kung saan, matapos na ang isang karaniwang tao na medyo may mas mababang katayuang panlipunan ay inapi o pinagkaitan ng anumang mga karapatan o interes ng masasamang tao, naparurusahan ang masasamang tao tulad nang nararapat, at ang karaniwan o ordinaryong tao ay hindi na nagdurusa ng pang-aabuso. Tungkol ito sa pagpapanumbalik at paggarantiya sa mga makalamang interes ng mga tao, sa pagkamit ng relatibong pagkakapantay-pantay sa pagitan ng mga tao, sa pagtatanggal ng mga agwat sa mga antas sa lipunan, at sa pagtiyak na hindi nagtatagumpay ang masasamang tao sa kanilang masasamang gawa, at na ang mga hinaing ng mga taong ginawan ng masama ay itinutuwid. Ito ang tinatawag ng sangkatauhan na pagtataguyod sa katarungan, at ganap na wala itong kinalaman sa katotohanan. Paano ninyo pa rin nasasabi na hindi ito umaabot sa antas ng katotohanan? May kaugnayan ba ito sa katotohanan? Wala, wala itong kaugnayan. Sabihin mo sa Akin, tiyak bang ang mga ordinaryo at karaniwang tao na ito na nagdusa ng pang-aabuso ay mabubuting tao? (Hindi.) Para pigilin silang magdusa ng mga pang-aabuso—iyon ba ay katarungan? Naaayon ba iyon sa katotohanan? Maliligtas ba kung gayon ang mga taong iyon? Malinaw na ang mga ito ay dalawang magkaibang usapin—paano mapagsasama ang mga ito? Walang kuwestiyon sa pag-angat nito sa antas ng katotohanan; hindi lang ito kapareho ng katotohanan. Kung mayroon kayong mga pagtutol tungkol sa isyung ito, marahil ay hindi maunawaan ng nakararami sa inyo ang usaping ito ng pagtataguyod sa katarungan at medyo malapit pa rin dito, iniisip na, “Paanong mali ito? Paanong hindi ito ang gawaing dapat gawin ng isang iglesia?” Sa katunayan, wala itong kinalaman sa gawain ng isang iglesia. May ilang tao na nag-iisip na ang isang iglesia ay dapat na maging isang lugar kung saan pinarurusahan ang kasamaan at isinusulong ang kabutihan, na dapat gampanan nito ang tungkuling ito, pinarurusahan ang masasamang gawa at ang masasama at madidilim na puwersa, habang isinusulong ang mabubuti at matutuwid na bagay. Ito ba ang kaso? Maaari bang umabot sa antas ng katotohanan ang pagpaparusa sa kasamaan at pagsusulong sa kabutihan? Pagdating sa kung ano ang masama at kung ano ang mabuti, hindi kayang malinaw na mapagbukod ng mga tao ang mga bagay na ito. Ano ang ibig sabihin ng mga tao sa pagpaparusa sa kasamaan at pagsusulong sa kabutihan? May kaugnayan ba ito sa pagpaparusa sa kasamaan, pagbibigay-gantimpala sa kabutihan, at pagbubukod ng lahat ayon sa sariling uri ng mga ito na sinasabi ng Diyos? (Hindi.) Wala itong kaugnayan. Ano ang pamantayan ng sangkatauhan sa pagbibigay-depinisyon sa masama at mabuti? Ayon sa depinisyon ng mga Tsino, ano ang masama at ano ang mabuti? Ano ang batayan ng kanilang depinisyon ng masama at mabuti? Ito ay kulturang Budista. Binabanggit ng Budismo ang mga konsepto tulad ng pagtulong sa mundo at pagliligtas sa mga tao, pag-iwas sa pagpatay, at iba pa—itinuturing ang mga ito na mabuti, habang ang pagkain ng manok, isda, baka, o tupa ay itinuturing na masama at ang mga taong gumagawa nito ay dapat parusahan. Walang karne na dapat kainin, at walang mga nabubuhay na nilalang ang dapat patayin. Ang pagpatay ay itinuturing na masama, at iyong mga pumapatay ay dapat mangumpisal at humingi ng tawad sa harap ni Buddha. Ito ang Budistang depinisyon ng masama; pareho ba ito sa kasamaang binabanggit ng Diyos? (Hindi.) Dalawang magkaibang bagay ang mga ito, kaya ang depinisyon na iyon ng kasamaan ay ganap na walang kinalaman sa katotohanan at tiyak na hindi ito makaaabot sa antas ng katotohanan. Kaya, ano ang ibig sabihin ng Budismo sa mabuti? Mas kakatwa, mababaw, at mapagpaimbabaw pa nga ito. Naniniwala ang mga Budista na ang hindi pagpatay sa anumang mga nabubuhay na nilalang ay mabuti at ang pagpapalaya sa mga nakakulong na hayop ay mabuti. Gaano man karaming tao ang pinatay ng isang masamang tao o gaano man karaming kasalanan ang ginawa niya, kung titigil siya sa pagpatay, maaari siyang agad na maging isang Buddha—itinuturing ito na mabuti. Mayroon ding kasabihang, “Mas mainam ang magligtas ng isang buhay kaysa magtayo ng isang pitong-palapag na pagoda,” na ang ibig sabihin ay ang pabasta-bastang pagliligtas sa mga tao nang walang kondisyon at walang mga prinsipyo—maging ang pagliligtas sa mga demonyo, masasamang tao, mga sanggano, mga maton, at sino pa man—ay itinuturing na mabuti. Anong uri ng kabutihan ito? Ang gayong mga tao ay mga hangal, walang anumang pagkilatis, paninindigan, o mga prinsipyo. Ang pagliligtas sa sinuman at pagpapatawad sa sinuman—maituturing ba iyong mabuti? Ni hindi ito karapat-dapat sa salitang iyon; isa itong pagpapanggap ni Satanas at mga diyablo. Hindi sila pumapatay ng mga hayop subalit nilamon na nila ang di-mabilang na kaluluwa. Ito ang kanilang tinatawag na kabutihan, na sa katunayan ay isang pagpapanggap lang. Kaya, makatwiran ba ang kuru-kuro ng tao na dapat gampanan ng iglesia ang papel ng pagpaparusa sa kasamaan at pagsusulong sa kabutihan? (Hindi.) Anuman ang kultural na konteksto ng anumang lahi o relihiyon, ang pagpaparusa sa kasamaan at pagsusulong sa kabutihan ay walang kinalaman sa gawain ng isang iglesia o sa patotoo ng isang iglesia. Huwag isipin na dahil ang mga terminolohiyang ito ay tila makatarungan at kapuri-puri, dapat konektado ang mga ito sa gawain ng isang iglesia o na ito ang papel na dapat gampanan ng isang iglesia sa lipunan. Ito ay isang kuru-kuro at imahinasyon ng tao. Bukod sa “pagtataguyod sa katarungan” at “pagpaparusa sa kasamaan at pagsusulong sa kabutihan,” ang iba pang magagandang termino ayon sa mga kuru-kuro ng tao tulad ng “pakikipaglaban para sa mga karapatan at interes ng mga tao” at “pagpapagaan ng mga alalahanin at paglutas ng mga suliranin” ay wala ring koneksiyon sa gawain ng isang iglesia o sa patotoo ng isang iglesia. Dapat maunawaan ninyong lahat ito. Ang depinisyon ng isang iglesia, ang gawaing dapat gawin ng isang iglesia, at ang kahalagahan at kabululan ng pag-iral ng isang iglesia ay humigit-kumulang napagbahaginan na nang malinaw.

Balikan natin ang ikalabing-apat na responsabilidad ng mga lider at manggagawa: kaagad na kilatisin, paalisin at patalsikin ang lahat ng uri ng masasamang tao at mga anticristo. Tingnan natin kung nauugnay ba ang gawaing ito na dapat gawin ng mga lider at manggagawa sa bawat detalye tungkol sa mga iglesia na kababahagi Ko lang. Bakit kailangan nating pagbahaginan ang mga partikular na detalyeng ito? Ano ang relasyon sa pagitan ng mga detalyeng ito at sa gawaing ito na dapat gawin ng mga lider at manggagawa? (Ang masasamang tao at mga anticristo na ito ay hindi mga miyembro ng iglesia at kailangan silang tanggalin. Bukod pa rito, ang kanilang pag-iral ay nakasasagabal at nakaaabala sa gawaing isinasagawa ng mga iglesia.) Kaya, may koneksiyon; ang pagbabahaginang ito ay hindi walang kabuluhan. Matapos maunawaan ang bawat detalye tungkol sa katawagan o depinisyon ng isang iglesia, siyasatin natin kung paano dapat tratuhin ng mga lider at manggagawa ang mga miyembro ng iglesia, kung paano nila dapat tratuhin ang iba't ibang tao na kinakailangang paalisin o patalsikin mula sa iglesia, kung paano nila maayos na magagawa ang gawaing ito, at kung paano nila dapat gampanan ang kanilang responsabilidad at panatilihin ang gawain ng iglesia. Una, dapat maunawaan ng mga lider at manggagawa kung ano ang depinisyon ng isang iglesia, bakit kailangang umiral ang isang iglesia, at anong gawain ang dapat na ginagawa ng isang iglesia. Pagkatapos maunawaan ang mga bagay na ito, dapat nilang tingnan kung aling mga miyembro ng iglesia ang hindi gumaganap ng positibong papel pagdating sa kahalagahan ng pag-iral ng iglesia o sa mga gawaing ginagawa ng iglesia, o kung sino ang maaaring magdulot ng mga pagkagambala, panggugulo at negatibong epekto sa mahalagang gawain ng iglesia, o seryosong makaaapekto maging sa reputasyon ng iglesia at magdadala ng kahihiyan sa pangalan ng Diyos. Ang malinaw na pagtukoy at mabilis na pagpapaalis o pagpapatalsik sa mga tao na ito—hindi ba’t ito ang gawaing dapat gawin ng mga lider at manggagawa? (Oo.) Kaya, ano ang kasangkot sa maayos na paggawa ng gawaing ito? Para mapaalis o mapatalsik ang lahat ng uri ng masamang tao at madalisay ang iglesia, at para mabigyang-daan na maipamalas ang kahalagahan ng pag-iral ng iglesia at matupad ng iglesia ang papel na dapat nitong gampanan, at sa parehong pagkakataon ay hayaan ang gawain ng iglesia na umusad nang maayos, dapat munang tukuyin ng mga lider at manggagawa kung aling mga tao sa iglesia ang masasamang tao at mga anticristo. Ito ang impormasyon o aktuwal na sitwasyong kailangan munang maarok ng mga lider at manggagawa kapag isinasagawa ang gawaing ito. Ang unang usaping kinahaharap ng mga lider at manggagawa sa gawaing ito ay ang pagkilatis ng iba't ibang uri ng tao. Ano ang pakay ng pagkilatis ng iba't ibang uri ng tao? Ito ay para ibukod sila ayon sa kanilang uri at protektahan ang mga tunay na miyembro ng iglesia. Gayunpaman, ang pagprotekta lang sa mga taong ito ay hindi nangangahulugang matagumpay na naisasagawa ang gawaing nakasaad sa ikalabing-apat na responsabilidad. Ano, kung gayon, ang pinakamahalagang aspekto ng matagumpay na pagsasagawa ng gawaing ito? Ito ay ang pagpapaalis o pagpapatalsik sa lahat ng uri ng hindi mananampalataya at masasamang tao na hindi kabilang sa iglesia. Tinukoy man ang mga taong ito bilang masasamang tao o mga anticristo, kung natutugunan nila ang mga kondisyon para sa pagpapaalis o pagpapatalsik, ang pangangailangan para sa gawaing ito ay lumilitaw, at oras na para sa mga lider at manggagawa na gampanan ang kanilang responsabilidad. Magbahaginan muna tayo tungkol sa kung paano kilatisin ang iba't ibang uri ng tao.

Paano natin dapat kilatisin ang iba't ibang uri ng tao? Ang unang pamantayan ay ang kilatisin sila ayon sa kanilang pakay sa pananampalataya sa Diyos. Ang ikalawa ay ayon sa kanilang pagkatao. At ang ikatlo ay ayon sa kanilang saloobin sa kanilang tungkulin. Kung gagamit tayo ng ilang simple at maikling pamagat, ang mga ito ay: una, ang layunin nila sa pananampalataya sa Diyos; ikalawa, ang pagkatao nila; at ikatlo, ang saloobin nila sa kanilang tungkulin. Ngayong mayroon na tayo nitong tatlong pamagat, ano ang inyong mga pagkaunawa sa bawat isa sa mga ito? Hindi pa natin gaanong natalakay ang tungkol sa pakay ng mga tao sa pananampalataya sa Diyos dati. Mas marami tayong tinalakay tungkol sa pagkatao ng mga tao at ang saloobin nila sa tungkulin, kaya mas pamilyar kayo sa mga bagay na ito. Ang pakay ng mga tao sa pananampalataya sa Diyos ay hindi rin talaga masyadong pamilyar sa inyo dahil kayo mismo ay nanampalataya sa Diyos nang may pakay. Ang ilang tao ay nananampalataya sa Diyos dahil ayaw nilang mapunta sa impiyerno, ang ilan ay dahil gusto nilang makapasok sa langit, ang ilan ay dahil hindi nila gustong mamatay, ang ilan ay para makaiwas sa mga sakuna, ang ilan ay dahil lang gusto nilang maging mabubuting tao, ang ilan ay dahil gusto nilang makaiwas sa pang-aabuso, at iba pa. Hindi dapat na hindi pamilyar sa inyo ang paksang ito; malamang lang na ang mga detalyeng tatalakayin Ko ay maaaring medyo hindi pamilyar sa inyo—maaari kayong makaramdam ng kawalang-katiyakan tungkol sa mga ito, hindi alam kung ano ang sasabihin Ko tungkol sa mga ito o kung saan Ako magsisimula. Kaya, pag-usapan natin ito nang sandali. Sabihin ninyo sa Akin, ang mga taong nagkikimkim ng aling mga uri ng mga layunin at pakay sa pananampalataya sa Diyos ay iyong mga dapat paalisin o patalsikin? (Iyong mga naghahangad lang ng katanyagan at katayuan at gusto lang humawak ng kapangyarihan, at na walang kahihiyang guguluhin ang iglesia para sa kapakanan ng kanilang katayuan.) Ito ay isang uri ng tao. May mga iba pa ba? (Iyong mga hindi mananampalataya na naghahangad lang ng mga pagpapala at na naghahanap na makakain hanggang mabusog sila.) Ang mga hindi mananampalataya, ito ay isa pang uri. Marami pa bang iba? Maaaring iniisip ninyo ang mga pagpapamalas ng ilang tao, subalit hindi ninyo malinaw na makilatis kung ang mga taong ito ay nagbubunyag lang ng mga tiwaling disposisyon o kung talagang mga tao sila na may mga maruming pakay sa pananampalataya sa Diyos na dapat paalisin o patalsikin. Hindi ninyo ito matukoy at pakiramdam ninyo ay medyo hindi ito malinaw, kaya’t hindi ninyo ito maipahayag. Ang paksa ng pakay ng mga tao sa pananampalataya sa Diyos ay napakalawak. Ang bawat isa ay may mga layunin at pakay sa pananampalataya sa Diyos. Gayunpaman, ang mga uri ng tao na may mga hindi dalisay na pakay sa pananampalataya sa Diyos na pinag-uusapan natin dito ay hindi nakatutugon sa mga kondisyon para sa kaligtasan ng Diyos. Hindi nila kayang makamit ang kaligtasan at hindi man lang nila kayang maabot ang pinakamababang pamantayan para maging isang trabahador. Anuman ang pakay ng mga taong ito sa pananampalataya sa Diyos, sa anumang kaso, kapag nabigyan ng pagkakataon, ang mga taong ito na nanampalataya sa Diyos nang may pakay, ay susubukang makamit ang kanilang mga layon, at kung wala silang pagkakataon, gagawa sila ng kasamaan at magdudulot ng mga kaguluhan. Magdadala ito ng hindi maisip na mga kahihinatnan sa gawain ng iglesia o sa buhay pagpasok ng hinirang na mga tao ng Diyos, at ang mga taong ito ay dapat na maging mga target para sa pagpapaalis o pagpapatalsik. Isantabi muna natin sa ngayon ang pagkatao ng mga taong ito o kung anong mga saloobin ang kinikimkim nila sa kanilang mga tungkulin, sa pagsasalita lang tungkol sa pakay nila sa pananampalataya sa Diyos, tiyak na hindi ito para tanggapin ang katotohanan at kamtin ang kaligtasan, lalong hindi ito para magpasakop at sumamba sa Diyos. Samakatwid, ang pananampalataya nila sa Diyos ay natural na hindi magreresulta sa kaligtasan. Sa halip na hayaan ang mga taong ito na manatili sa iglesia at patuloy na guluhin ang hinirang na mga tao ng Diyos—ang mga tunay na kapatid—mas mabuti pang tumpak na kilatisin at tukuyin sila sa lalong madaling panahon, at pagkatapos ay mabilis na paalisin sila mula sa iglesia. Hindi sila dapat tratuhin na parang mga miyembro ng iglesia o mga kapatid. Kaya, sino ang mga ganitong uri ng tao? Ngayon lang, nagsalita kayo sa isang malawak na paraan tungkol sa ilang konsepto. Magbibigay Ako ng ilang kongkretong halimbawa, at mauunawaan ninyo kapag narinig ninyo ang mga ito.

Una, pag-usapan natin ang tungkol sa unang uri ng tao na dapat paalisin o patalsikin sa iglesia. May ilang tao na palaging gustong maging mga opisyal sa lipunan at magdala ng karangalan sa kanilang mga ninuno, subalit hindi matagumpay ang pagsulong ng kanilang karera. Gayumpaman, ang pagnanais nilang maging mga opisyal ay hinding-hindi nababawasan. Subalit hindi mataas ang katayuang panlipunan ng pamilya nila, kaya’t pakiramdam nila ay walang pag-asa ang buhay at nakikita nila ang mundo bilang masyadong hindi patas, hindi man lang magawang makamit ang maliit na pagnanais na ito. Pakiramdam nila ay mayroon silang kaunting kaalaman at kahusayan, subalit walang nagpapahalaga sa kanila. Wala silang mahanap na tagasuporta, at tila napakalayo sa kanila ng pagkakataong maging isang opisyal. Sa desperadong sitwasyong ito, natagpuan nila ang iglesia. Pakiramdam nila ay kung magiging lider sila ng iglesia, parang naging opisyal na rin sila, at ang pagnanais nila ay matutugunan. Kaya, nagtungo sila sa sambahayan ng Diyos, naghahangad na magkamit ng kadakilaan. Iniisip nilang tama lang ang kahusayan at mga kakayahan nila para sa paggamit ng sambahayan ng Diyos, at na ang pag-aasam nilang maging isang opisyal at isang kapita-pitagang indibidwal ay maaaring matupad, sa gayon ay matutupad ang inaasam nila buong buhay nila. Ang pananaw nila sa pananampalataya sa Diyos ay maibubuod sa gayong mga kasabihan tulad ng “Ang mabuting gawa ay nararapat gantimpalaan,” “Sa kalaunan, ang tunay na ginto ay nakatadhanang kuminang,” at “Maingat na pinipili ng matalinong ibon ang pugad nito”—sa ganitong uri ng konteksto nila piniling tahakin ang landas ng pananampalataya sa Diyos. Batay sa diwa ng taong ito, malinaw na hindi sila naniniwala sa pag-iral ng katotohanan sa mundo, at lalong hindi sila naniniwala sa pag-iral ng Tagapagligtas. Sa madaling salita, hindi sila nananampalataya sa isang tunay na Diyos at lalong hindi sila nananampalataya sa pag-iral ng Lumikha. Ito man ay ang nakasulat sa Bibliya o ang ipinangangaral sa relihiyosong mundo—na nilikha ng Diyos ang mundo at ang sangkatauhan, na ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan at umaakay sa sangkatauhan—ang lahat ng kasabihang ito ay pawang mga talang pangkasaysayan lang sa kanila. Walang nag-iimbestiga sa mga ito, at walang makapagpapatunay sa mga ito; mga alamat at kuwento lang ang mga ito, isang uri ng relihiyosong kultura. Ito ang pinakabatayan nilang pang-unawa sa pananalig. Nanampalataya sila sa Diyos nang may ganitong pang-unawa, iniisip na tinatahak nila ang tamang landas, inaabandona ang kadiliman para sa liwanag, na sila ay ang “matalinong ibon” na maingat na pumipili ng pugad nito. Siyempre, hindi pa rin nila isinuko ang desisyon at pagnanais nilang maging isang opisyal at isang kapita-pitagang tao. Naniniwala sila na sa malawak na mundong ito na may napakaraming tao, walang puwang para sa kanila, at tanging ang sambahayan ng Diyos ang makapagdadala sa kanila ng pag-asa. Ang pamumuhay sa iglesia lang ang makapagbibigay sa kanila ng pagkakataong magamit ang kanilang mga talento at matupad ang kanilang pagnanais na maging isang kapita-pitagang indibidwal. Dahil batay sa kasalukuyang sitwasyon, lalong nagiging buktot at madilim ang mundo sa labas; ang iglesia lang ang lupain ng kadalisayan sa mundong ito—ang iglesia ang tanging lugar sa mundo na makapagbibigay sa mga tao ng espirituwal na pagkain, at ang iglesia lang ang patuloy na yumayabong. Nanampalataya sila sa Diyos nang may gayong mga kahilingan at pakay. Pagkatapos nilang manalig, wala silang nauunawaang anuman tungkol sa pananalig sa Diyos, sa paghahangad sa katotohanan, o tungkol sa mga usaping may kinalaman sa katotohanan, sa disposisyon ng Diyos, at sa gawain ng Diyos. Hindi nila hinahangad o binibigyang-pansin ang mga usaping ito. Sa puso nila, hindi talaga nila pinakawalan ang pagnanais nila para sa katayuan at pagiging opisyal; sa halip, patuloy nilang pinanghahawakan ang mga kuru-kuro at pananaw na ito habang tumatambay sila sa iglesia. Tinitingnan nila ang iglesia bilang isang organisasyong panlipunan, isang relihiyosong komunidad, at nakikita nila ang gawain ng Diyos at mga salita ng Diyos bilang mga ilusyong nilikha ng mga mananampalataya dahil sa kanilang mga pamahiin. Samakatwid, tuwing pinag-uusapan ang tungkol sa paghahangad sa katotohanan, tuwing pinag-uusapan ang tungkol sa mga salita ng Diyos at gawain ng Diyos, nakararamdam sila ng pagkasuklam at panlalaban. Kung may sinumang nagsasabi na ang isang bagay ay gawa ng Diyos, kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, o pamamatnugot ng Diyos, nasusuklam sila. Gayumpaman, gaano man sila nasusuklam, at kinikilala o tinatanggap man nila ang katotohanan, ang pagnanais nilang magkamit ng isang posisyon ng katayuan sa iglesia para matugunan ang pananabik nila para sa awtoridad ay hindi kailanman nabawasan o napakawalan. Dahil mayroon silang gayong ambisyon at pagnanais, natural silang nagbubunyag ng iba't ibang pagpapamalas. Halimbawa, inuudyukan nila ang mga tao sa pagsasabi ng mga bagay tulad ng: “Huwag mong ibatay ang lahat sa mga salita ng Diyos o ikonekta ang lahat sa mga salita ng Diyos at sa Diyos. Sa katunayan, marami sa mga ideya at kasabihan ng mga tao ay tama; dapat may mga sarili nilang pananaw at paninindigan ang mga tao.” Ipinalalaganap nila ang mga pahayag na ito para ilihis ang mga tao. Kasabay nito, masigasig din nilang ipinapakita ang kanilang mga talento, kaloob, at ang iba't ibang taktika at mga panlilinlang na kaya nilang gawin sa mundo, sinusubukang makuha ang pansin ng mga tao at makamit ang atensyon at mataas na pagpapahalaga nila. Ano ang pakay ng kanilang masigasig na pagpapakita? Ito ay para pataasin ang tingin ng mga tao sa kanila at tingalain sila; ito ay para magkaroon ng katayuan sa mga tao at sa gayon ay matugunan ang kagustuhan nilang maghangad ng propesyon ng isang opisyal at magdala ng karangalan sa mga ninuno nila. Nalulugod sila kapag iginagalang, pinupuri, sinusundan, ineendorso, dinadakila, at tinitingala sila ng mga tao, at maging kapag binobola sila. Higit pa rito, walang kapaguran nilang hinahangad at tinatamasa ang mga bagay na ito. Bagaman patuloy na inilalantad ng sambahayan ng Diyos ang mga anticristo, masasamang tao, at iba't ibang tiwaling disposisyon ng mga tao, sa puso nila ay hinahamak nila ang mga ito bilang hindi karapat-dapat sa kanilang pagkamuhi at partikular na nakararamdam ng matinding pagkasuklam sa mga ito. Nakatutok sila sa paghahangad ng katayuan at na hangaan at tingalain sila ng iba para matupad ang mga kagustuhang hindi nila makamtan sa mundo at sa lipunan. Kaya, ano ang pakay nila sa pananampalataya sa Diyos? Hindi ito para magkamit ng masaganang pagpapala sa buhay na ito at ng buhay na walang hanggan sa susunod na buhay, at tiyak na hindi ito para tanggapin ang katotohanan at maligtas. Ang pakay nila sa pananampalataya sa Diyos ay hindi para kumilos bilang isang nilikha kundi para maging isang opisyal at isang panginoon, at para tamasahin ang mga benepisyo ng katayuan. Tiyak na may gayong mga tao sa iglesia; ang mga ito ang masasamang tao na sumasalisi sa iglesia. Ganap na hindi pinahihintulutan ng iglesia ang gayong mga tao na humalo sa hinirang na mga tao ng Diyos, kaya't ang mga taong ito ang mga paaalisin. Madali bang matukoy ang pakay nila sa pananampalataya sa Diyos? (Oo.) Kung isasaalang-alang ang mga layunin at pakay nila sa pananampalataya sa Diyos, pati na ang iba't iba nilang pagpapamalas sa iglesia, anong uri ng mga tao sila? (Mga hindi mananampalataya.) Oo, sila ay mga hindi mananampalataya. Maliban sa pagiging mga hindi mananampalataya, gusto rin nilang maghangad ng katayuan at mga oportunidad sa sambahayan ng Diyos para matugunan ang kanilang pananabik para sa awtoridad. Ang pakay nila sa pananampalataya sa Diyos ay para maging isang opisyal. Kaya, bakit dapat tanggalin ang mga taong ito? Maaaring may magsabi na, “Kung nagtatrabaho ang mga hindi mananampalataya sa sambahayan ng Diyos, at bilang mga kaibigan ng iglesia ay nakatutulong sila nang kaunti, hindi ba’t ayos lang na panatilihin sila?” Makatwiran ba ang pahayag na ito? (Hindi.) Bakit hindi ito makatwiran? (Ang pagnanais nilang maging mga opisyal ay tiyak na hahantong sa paggawa ng mga bagay na makaaabala sa iba, hindi magdadala ng benepisyo sa gawain ng sambahayan ng Diyos, at makaaapekto sa paghahangad ng katotohanan ng mga kapatid.) Paano mo man tingnan ito, nilalabanan ng mga hindi mananampalataya ang katotohanan at tinatanggihan ang Diyos, kaya’t hindi sila maaaring panatilihin ng sambahayan ng Diyos. Hindi sila gaganap ng positibong papel. Hindi mahalaga kung hangarin man nilangmaging mga opisyal, ang kanila lang mga pahayag, pagpapamalas, at mga kilos bilang mga hindi mananampalataya ay makapagdudulot ng mga kaguluhan at hindi magkakaroon ng positibong epekto. May ilang kapatid, na kapag nakararanas ng ilang partikular na kapaligiran, ay nagsasabing, “Ito ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, at dapat tayong magpasakop.” Makapagpapasakop ba ang mga hindi mananampalataya? Sapat na mabuti na nga kung hindi sila manggugulo at kokontra. Sa puso nila, sinasabi pa nga nilang, “Huwag mong sabihin na ang lahat ay kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Dapat magkaroon ng ilang sarili nilang opinyon ang mga tao at magkaroon ng kaunting kalayaan; huwag mong iugnay ang lahat sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos!” Hindi lang nila hinihila pababa ang iba, kundi nagsasabi rin sila ng malalabo at mga tila makatwirang panlilinlang para ilihis ang mga tao. Hindi ba’t kahiya-hiya ito? Maaaring makapagsagawa sila ng ilang tusong pakana at panloloko sa mga hindi mananampalataya, subalit ang sambahayan ng Diyos ay maling lugar para magtangkang magsagawa ng mga pakana at panlolokong ito! May ilang tao na nagpapatakbo ng mga klinika na gustong pinupuntahan ng lahat dahil sinasabi ng mga ito na hindi masakit ang mga ineksiyon doon. Bakit hindi masakit ang mga ineksiyon? Ang dulo ng karayom ay nilublob sa pampamanhid, kaya tiyak na hindi ito masakit. Matalinong hakbang ba ito? (Hindi, ito ay isang mapaminsalang galaw.) Gayumpaman, itinuturing nila ito bilang isang matalinong hakbang at ipinagyayabang ang tungkol dito, iniisip na nagpapakita ito ng kanilang kakayahan at kasanayan, sinasabing, “Ang ginagawa mo lang ay ang magsalita tungkol sa pagpapasakop sa Diyos, pamamatnugot ng Diyos, at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Mayroon ka ba ng mga kasanayang mayroon ako?” Hindi ba’t kahiya-hiya ito? (Oo.) Ipinagyayabang pa nila ang gayong mga mapaminsalang panloloko! Ang mga taong nagkikimkim ng mga motibo ng mga hindi mananampalataya na sumasalisi sa iglesia ay ang mga dapat paalisin sa iglesia. Bakit? Sa puso nila, ang mga taong ito ay lumalaban sa katotohanan at tutol sila rito. Anuman ang pakay nila sa pananampalataya sa Diyos, ito man ay isang bagay na kaya nilang hayagang aminin o hindi, batay sa kanilang diwa bilang mga hindi mananampalataya, dapat silang paalisin o patalsikin ng iglesia. Sumalisi sa iglesia ang mga hindi mananampalatayang ito nang may partikular na pakay, gustong ipakita ang kanilang mga talento, tuparin ang kanilang mga ambisyon, at tugunan ang kanilang mga kagustuhan sa loob ng iglesia. Gusto nilang gamitin ang mahalagang lugar na ang iglesia bilang paraan para makamit ang layon nilang humawak ng kapangyarihan, magpakitang-gilas, at manlihis at magkontrol ng mga tao. Kung isasaalang-alang ang pakay nila sa pananampalataya sa Diyos, may kakayahan silang guluhin at gambalain ang hinirang na mga tao ng Diyos at ang gawain ng iglesia. Samakatwid, dapat paalisin o patalsikin ang mga taong ito mula sa sambahayan ng Diyos. Dapat maunawaan ng mga lider at manggagawa ang hindi mananampalatayang diwa ng mga taong ito. Ibatay mo man ito sa mga pagpapamalas ng mga taong ito o sa mga hindi nagbabagong pahayag nila tungkol sa pananampalataya sa Diyos, kapag naarok mo na ang sitwasyon at malinaw mo nang nakilatis na sila ay mga hindi mananampalataya, dapat na mabilis mo silang tanggihan nang walang pag-aalinlangan. Anuman ang pamamaraan o karunungang iyong ginagamit, humanap ka ng kahit anong paraan para paalisin sila—ito ang dapat gawin ng mga lider at manggagawa; ito ang responsabilidad na dapat nilang pasanin. Ito ang isang uri ng tao na dapat paalisin o patalsikin.

Kaya, ano ang mga pagpapamalas ng pangalawang uri ng mga tao na dapat paalisin o patalsikin? May ilang tao ang hindi kailanman nasangkot sa pananampalataya sa Diyos; mayroon lang silang paborableng impresyon dito. Hindi sila interesadong malaman kung ano ang dapat hangarin o kamtin ng isang tao sa pananampalataya sa Diyos. Narinig nila na ang mga taong nananampalataya sa Diyos ay lubos na masunurin at taos-puso, kaya gusto nilang makahanap ng romantikong kapareha sa iglesia, pagkatapos ay magpakasal at mamuhay nang tiwasay. Ito ang layunin at pakay nila, kaya nagpupunta sila sa iglesia para mahanap ang kanilang ideyal na kapareha. Ang mga hindi mananampalatayang ito ay walang anumang interes sa pananampalataya sa Diyos; wala talaga silang pakialam sa Maylikha, sa katotohanan, sa pagkakaligtas, sa pagkilala sa Diyos, sa paggawa ng tungkulin, o sa anumang gayong mga usapin. Kahit na kaya nilang umunawa pagkatapos marinig ang mga salita ng Diyos at makinig sa mga sermon, ayaw nilang isapuso ito. Gusto lang nilang makahanap ng ideyal na kapareha at, siyempre, umaasang makatagpo ng mas maraming tao at mapalawak ang kanilang koneksiyon. Nananampalataya sila sa Diyos sa pakay na makahanap ng ideyal na kapareha. Maaaring sabihin ng ilang tao na, “Paano Mo nalamang may ganito silang pakay? Wala naman silang sinabi o binanggit sa Iyo!” Ipinakikita nila ito sa kanilang pag-uugali. Tingnan mo kung paanong palagi nilang hinahanap ang kasalungat na kasarian kapag ginagawa nila ang mga tungkulin nila o nakikipag-ugnayan sa isang tao. Kapag nagustuhan nila ang isang tao, patuloy silang nakikipag-ugnayan sa taong iyon at lumalapit rito, palaging nagtatanong tungkol sa impormasyon nito at nakikipagkilala rito. Ang mga di-pangkaraniwang pagkilos at pagpapamalas na ito ay dapat makakuha ng sapat na atensyon mula sa mga lider at manggagawa, na dapat obserbahan kung ano ang mga layunin ng mga ito at kung ano ang pakay na nilalayon ng mga itong makamit; dapat nilang alamin kung sino ang nangaral ng ebanghelyo sa mga ito, bakit partikular na hinahangad ng mga itong makipag-ugnayan sa kasalungat na kasarian, bakit palaging may gustong sabihin ang mga ito sa kasalungat na kasarian, at bakit may partikular na pagkagiliw ang mga ito sa kasalungat na kasarian, partikular sa pagpapakita ng espesyal na pag-uusisa at pagmamalasakit sa mga taong gusto ng mga ito. Ang gayong mga indibidwal ay may magandang impresyon sa mga nananampalataya sa Diyos. Kahit na hindi sila masyadong interesado sa mga pagtitipon, sa pakikinig sa mga sermon, sa pakikipagbahaginan ng mga salita ng Diyos, sa pag-awit ng mga himno, sa pakikipagbahaginan ng mga personal na karanasan, at iba pang gayong mga usapin, sa pangkalahatan ay hindi sila nagsasalita ng anumang bagay na nagdudulot ng mga kaguluhan at pagkagambala. Nakatuon lang sila sa paghahanap ng romantikong kapareha na makakasama nilang mamuhay nang matiwasay. Kung makahanap sila ng kapareha, makasusunod sila sa pananampalataya sa Diyos; kahit sila mismo ay hindi naghahangad, masusuportahan nila ang kapareha nila sa pananampalataya sa Diyos. May ilang tao na medyo may katanggap-tanggap na pagkatao, matulungin, at ginagawa ang makakaya nila para maging palakaibigan at mabait. Halimbawa, kaya nilang magparaya sa ibang tao, mag-isip ng lahat ng makakaya nila para matulungan iyong mga may mga suliranin na malutas ang mga ito, o magbigay ng ilang payo, at iba pa. Medyo mabait sila sa iba at walang masamang hangarin, subalit ang pakay at layon nila sa pananampalataya sa Diyos ay hindi gaanong marangal. Hindi nila hinahangad ang katotohanan, at hindi nila tinatanggap ang katotohanan kahit sino pa man ang nagbabahagi nito sa kanila. Pagkatapos sumunod nang kalahating taon o isa o dalawang taon, walang pagbabago sa kanila. Bagaman wala silang sinasabi tungkol sa hindi pananampalataya at hindi sila nagdudulot ng anumang mga kaguluhan o pagkagambala, hindi sila nagkakaroon ng anumang interes sa mga usapin ng pananampalataya sa Diyos. Nararapat bang manatili ang gayong mga tao sa iglesia? (Hindi.) Dapat bang alisin ang gayong mga tao? (Dapat din silang alisin.) Ano ang dahilan? (Dahil hindi sila interesado sa katotohanan, at hindi sila mga target para sa kaligtasan. Kung mananatili sila sa iglesia habang palaging naghahanap ng kapareha, magugulo nito ang iba at maghahatid ito sa kanila sa tukso; hindi sila gaganap ng positibong papel.) Ganoon iyon eksakto. Halimbawa, may ilang tao na partikular na mahilig kumain ng karne. Kapag kumakain sila ng karne, nakalilimutan nila ang tungkol sa gawain nila. Kung walang karne, nagagawa pa rin nilang tumugon sila sa ilang tamang gampanin, subalit kapag may karne, naaantala ang gawain nila. Ano ang karne sa kanila? (Tukso.) Eksakto, isa itong tukso. Kaya, maaari bang ituring na pinagmumulan ng tukso iyong mga palaging naghahanap ng kapareha? (Oo.) Pinagmumulan talaga sila ng tukso. Para sa gayong mga tao, dapat itong gawing malinaw sa kanila: “Wala kang pagiging taos-puso sa pananampalataya sa Diyos o sa paggawa ng tungkulin mo. Hindi mo kailanman nagawang ibilang ang sarili mo sa iglesia at hindi ka kailanman itinuring na isang tunay na mananampalataya. Sa loob ng dalawang taong ito ng pakikipag-ugnayan, nakita namin ang iyong pakay: Gusto mo lang makahanap ng kapareha sa iglesia. Hindi ba’t pamiminsala ito sa mabubuting tao? Ang mga tao sa iglesia ay hindi angkop para sa iyo. Maraming angkop para sa iyo mula sa mga walang pananampalataya. Humayo ka at humanap ng isang tao mula sa mga walang pananampalataya.” Ang implikasyon ay ang sabihin sa kanilang, “Nakilatis ka na namin. Hindi ka isa sa hinirang na mga tao ng Diyos. Hindi ka isang tao ng sambahayan ng Diyos. Hindi ka maituturing na kapatid namin.” Ang gayong mga tao ay dapat paalisin sa iglesia, ayon sa mga prinsipyo ng sambahayan ng Diyos. Sa ganitong paraan, maaalis ang mga taong ito na walang ingat na naghahanap ng kapareha at nang-aakit sa iba. Hindi ba madaling makilatis ang gayong mga tao? (Oo.) Mga hindi rin mananampalataya ang mga taong ito. May kaunting pagkagiliw sila para sa iglesia, para sa relihiyosong pananalig, at para sa mga nananampalataya sa Diyos. Gusto lang nilang gamitin ang pagkakataong manampalataya sa Diyos para makahanap ng kapareha mula sa mga mananampalataya para makasama nilang mamuhay at tapat na paglingkuran ito. Sabihin mo sa Akin, posible ba ang gayong bagay? Dapat ba natin silang palugurin? Dapat bang isaayos ng iglesia ang gayong mga usapin? (Hindi.) Walang obligasyon ang iglesia na tugunan ang mga personal na kagustuhan nila. Gaano man nila iniisip na ang mga mananampalataya ay mabubuting tao, na magagawa nilang mamuhay sa tamang paraan kasama ang mga mananampalatayang ito, o na kayang tumahak ng mga mananampalataya sa tamang landas, walang silbi ito—hindi mahalaga ang opinyon nila. Ang gayong mga hindi mananampalataya ay matatagpuan din sa karamihan ng iglesia. Ang paraan ng pangangasiwa sa mga taong ito ay ang paggamit ng pamamaraang pinagbahaginan lang natin, o maaari kayong gumamit ng mas mahuhusay na pamamaraan kung mayroon kayo ng mga ito, basta’t pinangangasiwaan ang mga ito ayon sa mga prinsipyo. Ang mga hindi mananampalatayang ito ay ikinategorya sa iba't ibang uri ng masasamang tao—sobra ba iyon? (Hindi.) Ganito talaga natin tinatrato ang mga hindi mananampalataya.

Ano pang ibang mga uri ng mga tao ang dapat paalisin o patalsikin mula sa iglesia? (Ang isa pang uri ay iyong mga nananampalataya sa Diyos para lang iwasan ang mga sakuna.) Ang pananampalataya sa Diyos para lang iwasan ang mga sakuna ay isa ring pakay na mayroon ang mga tao sa pananampalataya. Hindi ba't karamihan ng tao na nananampalataya sa Diyos ay may ganito ring uri ng adulterasyon? (Oo.) Kaya paano natin dapat na tukuyin kung aling mga tao ang dapat paalisin o patalsikin dahil dito, at aling mga tao ang nagpapakita lang ng normal na pagbubunyag ng katiwalian at hindi dapat palayasin o patalsikin? Para sa karamihan ng tao, ang pananalig nila ay may halong motibo ng pananampalataya sa Diyos para maiwasan ang mga sakuna—ito ay isang katunayan. Sa mga nananampalataya sa Diyos para maiwasan ang mga sakuna, dapat ninyong tukuyin ang mga hindi mananampalataya na umaangkop sa pamantayan para sa pagpapaalis o pagpapatalsik. Halimbawa, ang gayong mga tao, kapag nakita nilang nagsisimula nang lumala ang mga sakuna, ay nagsisimulang dumalo sa mga pagtitipon nang mas madalas at mabilis na binabawi ang mga aklat ng mga salita ng Diyos na dati nilang ibinalik sa iglesia, sinasabing gusto na nila ngayong seryosong manampalataya sa Diyos. Gayumpaman, kapag lumipas o humupa na ang mga sakuna, bumabalik sila sa pagnenegosyo at pagkita ng pera, hinaharangan ang lahat ng paraan ng pakikipag-ugnayan para hindi sila mahanap o maabot ng mga kapatid para sa mga pagtitipon. Kapag dumarating ang mga sakuna, aktibo nilang hinahanap ang mga kapatid, subalit kapag natapos na ang mga sakuna, nagiging napakahirap para sa mga kapatid na hanapin sila, at napakadalang na may sinumang nagagawang makipag-ugnayan sa kanila. Hindi ba’t masyadong halata ang mga pagpapamalas na ito? (Oo.) Kapag walang sakuna, sinasabi nilang, “Kailangan ng mga tao na magkaroon ng normal na buhay. Kailangan naming magpatuloy sa ating mga pang-araw-araw na gawain. Kailangan kong magluto sa bahay araw-araw, at kailangan kong ihatid at sunduin ang mga bata sa paaralan, kaya minsan hindi ako nakadadalo sa mga pagtitipon. Bukod pa rito, ang pamumuhay ay nangangailangan ng pera; dapat mabayaran ang lahat ng gastusin sa pamumuhay. Hindi tayo makapananatiling buhay nang hindi kumikita ng pera. Sa mundong ito, walang sinuman ang mabubuhay nang walang pera. Ang pananampalataya sa Diyos ay kailangang maging praktikal!” Nagsasalita sila nang makatwiran at nagbibigay ng sapat na mga dahilan, lubos na nakatutok sa pagkita ng pera at paggawa ng kanilang mga pang-araw-araw na gawain, paminsan-minsan lang dumadalo sa isang pagtitipon at bihirang nagbabasa ng mga salita ng Diyos. Ang saloobin nila sa pananampalataya sa Diyos ay maligamgam, hindi malamig o mainit. Kapag dumarating ang sakuna, sinasabi nilang, “Ay, hindi ko kaya nang walang Diyos; kailangan ko ang Diyos! Kailangan kong manalangin sa Diyos at tawagin Siya araw-araw! Hindi ako nagtatangkang umiwas sa mga sakuna; ang pangunahing bagay ay na hindi ko kayang mabuhay nang walang Diyos sa aking puso. Wala pa ring saysay ang mamuhay nang maayos nang walang Diyos sa aking puso!” Wala silang masabing kahit isang salita na nagpapakita ng anumang kaalaman tungkol sa Diyos; ang sinasabi lang nila ay mga salitang nagbibigay-katwiran sa kanilang mga pagkilos at pag-uugali. Hindi nila alam kung gaano karaming aklat ang ipinamamahagi ng sambahayan ng Diyos sa lahat; hindi nila alam kung anong paksa ang tinalakay na sa mga sermon; hindi nila alam kung aling mga katotohanan ang kasalukuyang pinagbabahaginan sa buhay-iglesia. Dumadalo sila sa isang pagtitipon isang beses kada anim na buwan o isang beses sa isang taon. Kapag dumadalo sila, sinasabi nilang, “Talagang kakila-kilabot ang mga walang pananampalataya. Hindi makatarungan ang lipunan. Masama ang mundong ito. Napakahirap ang magsumikap na kumita ng pera! Magaan ang pasanin ng Diyos sa mga tao....” Patuloy silang nagsasalita tungkol sa mga walang kuwentang bagay na ito na walang kinalaman sa mga paksa at nilalaman ng pagbabahaginan sa pagtitipon. Nagsasabi sila ng ilang hungkag na salita sa kanilang panalangin at ilang mababaw na salita tungkol sa pananampalataya sa Diyos at pagkatapos ay itinuturing nila ang mga sarili nila na mga mananampalataya, nakararamdam ng kapanatagan sa kanilang puso at mapayapa. Pananampalataya ba ito sa Diyos? Anong uri ng mga hangal ang mga taong ito? Kung tatanungin mo sila, “Bakit hindi ka regular na dumadalo sa mga pagtitipon?' sasabihin nilang, “Hindi ito pinahihintulutan ng mga kondisyon ko. Ito ang kapaligiran na isinaayos ng Diyos para sa akin, at dapat akong magpasakop.” Kaygandang pakinggan ng mga salitang ito! Sinasabi rin nilang, “Tingnan mo, isinaayos ng Diyos ang kapaligirang ito para sa akin. Umaasa sa akin ang buong pamilya ko para sa pagkain, kaya kailangan kong kumita ng pera para makaraos! Sa ngayon, ang pagkita ng pera ang gampaning ibinigay ng Diyos sa akin.” Lubos na nabigo silang banggitin ang tungkol sa paggawa ng tungkulin nila, pati na rin ang mga responsabilidad at obligasyon nila bilang nilikha, at lalong wala silang binanggit tungkol sa kung paano isagawa ang mga salita ng Diyos; paminsan-minsan lang silang dumadalo sa isang pagtitipon at naghahandog ng kaunting pera, iniisip na nakapag-ambag na sila sa sambahayan ng Diyos. May iba na, kapag nagkakasakit ang mga anak nila, ay nananalangin sila sa Diyos, at pagkaraan ng ilang araw, kapag bumuti na kalagayan ng mga anak nila, mabilis silang naghahandog ng kaunting pera sa iglesia at pagkatapos ay nawawalang muli. Sa tuwing nakikipag-ugnayan sila sa mga kapatid, hindi sila kailanman nagbabahagi tungkol sa katotohanan, ni hindi nila binabasa ang mga salita ng Diyos. Kapag walang sakuna o kalamidad, hindi sila kailanman nananalangin sa Diyos. Ang mga pang-araw-araw nilang usapan ay palaging tungkol sa mga di-makabuluhang bagay sa tahanan, mga pagtatalo sa tama at mali, buhay sa laman, iba't ibang panlipunang penomena, at iba't ibang bagay na nakikita at naririnig nila; bihira silang nagbabahagi tungkol sa mga salita ng Diyos at hindi kailanman bumibigkas ng isang taos-pusong salita kaugnay sa pananampalataya sa Diyos. Pinananatili lang nila ang lugar nila sa iglesia para hingin ang pangangalaga at proteksiyon ng Diyos. Ito lang ang paraan nila ng pananampalataya sa Diyos; naghahanap lang sila ng kapayapaan at mga pagpapala nang hindi talaga hinahangad ang katotohanan. Wala silang anumang interes sa katotohanan. Gusto lang nilang magkamit ng mga benepisyo, biyaya, at mga pagpapala mula sa pananampalataya sa Diyos. Wala silang pakialam sa kabilang buhay dahil hindi nila ito nakikita at hindi talaga sila naniniwala rito. Gusto lang nilang tamasahin ang biyaya ng Diyos sa buhay na ito at iwasan ang lahat ng sakuna. Dahil ang Diyos at ang iglesia ang kanilang kanlungan, sa tuwing dumadalo sila sa mga pagtitipon, ito ay tiyak na kapag nakatagpo sila ng mga paghihirap o sakuna. Ang gayong mga tao ba ay mga taos-pusong mananampalataya sa Diyos? (Hindi.) Anong uri ng mga tao sila? (Mga oportunista at mga hindi mananampalataya.) Ito ang mga hindi mananampalataya na gustong gamitin ang iglesia para iwasan ang mga sakuna. Dapat bang pahintulutang manatili ang gayong mga tao sa iglesia? (Hindi.) Kapag dumadalo sila sa mga pagtitipon, ginugulo nila ang iba at ginagalit ang mga ito sa panloob. Karamihan ng tao ay masyadong magalang at mahihiyang subukang pigilin ang mga ito, kaya hinayaan nila ang mga ito na makipagdaldalan at guluhin ang pagkain at pag-inom ng lahat ng mga salita ng Diyos. Ano ang dapat gawin ng mga lider at manggagawa sa puntong ito? Hindi ba’t dapat akuin nila ang responsabilidad sa paghihigpit sa gayong mga tao, sa pagprotekta sa mga interes ng karamihan, at sa pagpapanatili ng normal na buhay-iglesia? (Oo.) Maaari mong bawiin ang mga aklat nila ng mga salita ng Diyos at payuhan silang lisanin ang iglesia. May iba't ibang paraan para hikayatin ang isang tao na lisanin ang iglesia—makapag-iisip kayo ng sarili ninyo. Siguraduhin lang ninyo na hindi na nila makokontak ang mga kapatid. Ipagpalagay na may nagsasabing, “Mabuti ang taong ito. Tinatalakay lang niya ang ilang di-makabuluhang bagay sa iglesia, subalit hindi niya ginugulo ang gawain ng iglesia o nakaaapekto sa pagganap ng ating tungkulin, kaya dapat tayong maging mapagparaya! Sa pananampalataya sa Diyos, hindi ba’t dapat tayong magparaya at pagtiisan ang lahat ng uri ng tao? Gusto ng Diyos na maligtas ang bawat tao at ayaw Niyang mapahamak ang sinuman!” Pagkatapos ay kailangan mong isaalang-alang kung target ba sila para sa kaligtasan. Kung hindi, hindi ba’t dapat natin silang kilatisin at paalisin? (Oo.) Sinasabi ng ilang tao na, “Masyado akong magalang; Mahihiya akong subukang hikayatin silang lisanin ang iglesia.” Madaling lutasin ang problemang ito. Kung hindi mo lang sila kokontakin, hindi ka nila maaabala o mapipigilan. Kahit na makasalubong mo sila, hindi mo kailangang makipag-ugnayan sa kanila. Hindi na kailangang makipag-usap sa kanila ng tungkol sa mga usapin ng pananampalataya sa Diyos; tratuhin mo lang sila bilang mga walang pananampalataya. Sinasabi ng ilang tao na, “Hindi ba natin sila kayang tulungan nang may pagmamahal at ibahagi sa kanila ang katotohanang nauunawaan natin?” Para sa gayong mga hindi mananampalataya, kung tunay kang may pagmamahal, maaari mo itong subukan. Kung talagang mababago mo sila, hindi na sila kailangang paalisin o patalsikin. Sinasabi ng ilang tao na, “Hindi ko sasayangin ang pagsisikap ko. Walang silbi ang pagtulong sa kanila, tulad ng pagpapaligo sa isang baboy; kahit gaano pa kalinis ang pagpapaligo mo rito, hahayo pa rin ito at gugulong sa putik. Ganyan eksakto ang uri ng nilalang na ito; hindi ito magbabago!” Kung kaya mo itong unawain, tama ka. Magbabahagi ka pa rin ba ng katotohanan sa gayong mga hindi mananampalataya para tulungan sila? Gagawin mo pa rin ba ang walang kabuluhang gawaing ito? (Hindi.) Sa puntong ito, napagtanto ninyong naging hangal kayo at hindi ninyo nakilatis ang mga tao. Hindi kayang magbago ng mga hindi mananampalataya. Alam din ng mga taong ito na iyong mga nananampalataya sa Diyos ay gumagawa ng mabubuting gawa at umiiwas sa paggawa ng masasamang gawa, na hindi nila inaabuso ang iba o ginagantso ang mga ito. Mayroon silang magandang impresyon sa mga nananampalataya sa Diyos, kaya't nagbabalatkayo sila sa ilalim ng bandila ng “naniniwala na may Diyos” at “mabuti ang manampalataya sa Diyos” at unti-unting sumasalisi sa iglesia, pinaniniwala ang mga tao na sila ay kapatid. May ilang tao na talagang napaniniwala rito, tunay na itinuturing sila bilang kapatid, madalas silang dinadalaw at tinutulungan. Pagkaraan lang ng mahabang panahon nila napagtatanto na: “Pumupunta lang ang taong ito sa iglesia kapag nahaharap siya sa mga sakuna o mga paghihirap, nagsasabi ng mga walang kuwenta at walang katuturang bagay. Kapag maayos ang takbo ng mga bagay at maayos ang lahat para sa kanila, kapag maayos ang buhay nila, hindi nila pinapansin ang lahat. Kung alam lang sana namin noon pa man na tampalasan sila, hindi na sana namin sila tinulungan o masyadong nagsikap!” May silbi pa ba ang makaramdam ng panghihinayang ngayon? Huli na para sa pagsisisi—labis ka nang nagsalita nang walang kabuluhan! Sa madaling salita, ang gayong mga hindi mananampalataya ay kailangang makilatis, mapangasiwaan, at maalis sa iglesia sa lalong madaling panahon. Huwag mo silang ituring na mga kapatid; hindi sila mga kapatid. Ang mga taong pinili ng Diyos lang ang mga kapatid; tanging iyong mga maaaring maligtas at naghahangad na sumamba sa Diyos ang mga kapatid. Iyong mga tumatambay sa sambahayan ng Diyos para umiwas sa mga sakuna at buong kasakimang tinatamasa ang biyaya ng Diyos nang hindi tinatanggap ang katotohanan ay mga hindi mananampalataya. Hindi sila mga kapatid, at tiyak na hindi sila hinirang na mga tao ng Diyos. Nauunawaan mo ba? Ang gayong mga hindi mananampalataya ay dapat tratuhin ayon sa mga prinsipyo; dapat silang itapon sa paraang nararapat sa kanila. Ito ang responsabilidad ng mga lider at manggagawa, at ito rin ay isang prinsipyo na dapat maging malinaw sa bawat isa sa hinirang na mga tao ng Diyos.

Oktubre 23, 2021

Sinundan: Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 21

Sumunod: Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 23

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito