Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 13

Ang pinagbahaginan natin noong huling pagtitipon ay tungkol sa ikalabing-isang responsabilidad ng mga lider at manggagawa. Nagbahaginan tayo tungkol sa responsabilidad na dapat tuparin ng mga lider at manggagawa at sa gawaing dapat nilang gawin sa pangangalaga sa mga handog. Anong gawain ang dapat gawin ng mga lider at manggagawa sa pangangalaga sa mga handog? (Ang unang gampanin ay ang pangalagaan ang mga ito. Ang ikalawa ay ang suriin ang mga talaan ng gastusin. Ang ikatlo ay ang sundan, suriin, at inspeksiyunin kung naaayon ba sa mga prinsipyo ang iba’t ibang gastusin. Dapat isagawa ang mahigpit na pagsusuri, at kailangang mahigpit na limitahan ang mga hindi makatwirang gastusin. Pinakamainam na maiwasan ang pagwawaldas at pag-aaksaya bago pa man ito mangyari. Kung sakaling nangyari na ito, kailangang papanagutin ang mga may kasalanan. Hindi lamang dapat maglabas ng mga babala, kundi kailangang maningil din ng kabayaran.) Iyon ang mga pangunahing bagay. Ang mahalaga ay pangalagaan ang mga ito, pagkatapos ay suriin ang mga talaan ng gastusin, at pagkatapos, subaybayan at inspeksiyunin ang mga gastusin, at gamitin at gastahin ang mga ito nang tama. Matapos ang pagbabahaginan natin tungkol sa ikalabing-isang responsabilidad, mayroon na ngayong tumpak na pagkaunawa at kaalaman ang mga tao tungkol sa mga handog, at alam na rin nila ngayon ang gawaing kailangang gawin ng mga lider at manggagawa sa pangangalaga sa mga handog, pati na kung paano gawin ng mga huwad na lider ang gawaing ito, at ang kanilang mga partikular na pag-uugali sa paggawa nito. Kung ang pagbabahaginan natin ay tungkol man sa mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa o sa iba’t ibang pag-uugali ng mga huwad na lider, at kung ito ba ay pagbabahaginan tungkol sa mga positibo o sa paglalantad ng mga negatibo, ang pangunahing layunin nito ay ang maipaunawa sa mga tao kung paano wastong gawin ang pangangalaga sa mga handog, at kung paano alisin ang mga hindi makatwirang kaugalian sa pangangalaga, paggasta, at pamamahagi ng mga handog. Ang lahat ng hinirang ng Diyos—mga lider o manggagawa man ang mga ito—ay dapat tumupad sa kanilang responsabilidad sa pangangalaga sa mga handog. Anong responsabilidad ito, kung gayon? Ito ay ang pangasiwaan at agarang iulat ang anumang problemang natuklasan—ibig sabihin, gampanan ang mga tungkulin ng pangangasiwa at pag-uulat. Huwag isipin na, “ang pangangalaga sa mga handog ang responsabilidad ng mga lider at manggagawa at wala itong kinalaman sa amin na mga ordinaryong mananampalataya.” Hindi tama ang pananaw na ito. Dahil nauunawaan na ng mga tao ang mga katotohanang ito, dapat nilang tuparin ang kanilang responsabilidad. Sa mga isyung hindi matukoy ng mga lider at manggagawa, o sa mga lugar na hindi nila makita, mga lugar na hindi madaling matukoy, kung may sinumang nakakatuklas ng anumang problema ng kawalan ng katwiran o problema ng mga nalalabag na prinsipyo sa pangangalaga, pamamahagi, at paggamit ng mga handog, dapat nilang iulat kaagad ang mga ito sa mga lider at manggagawa, upang matiyak ang makatwirang pangangalaga, paggamit, at pamamahagi ng mga handog. Ito ang responsabilidad ng bawat isa sa mga hinirang ng Diyos.

Ikalabindalawang Aytem: Agaran at tumpak na tukuyin ang iba’t ibang tao, pangyayari, at bagay na nakagagambala at nakagugulo sa gawain ng Diyos at sa normal na kaayusan ng iglesia; pigilan at limitahan ang mga ito, at baguhin ang mga bagay-bagay; dagdag pa rito, ibahagi ang katotohanan upang magkaroon ng pagkilatis ang mga hinirang ng Diyos sa pamamagitan ng mga gayong bagay at matuto sila mula sa mga ito (Unang Bahagi)

Ngayong natapos na ang pagbabahaginan tungkol sa ikalabing-isang responsabilidad, magpatuloy tayo sa pagbabahaginan tungkol sa ikalabindalawang responsabilidad ng mga lider at manggagawa: “Agaran at tumpak na tukuyin ang iba’t ibang tao, pangyayari, at bagay na nakagagambala at nakagugulo sa gawain ng Diyos at sa normal na kaayusan ng iglesia; pigilan at limitahan ang mga ito, at baguhin ang mga bagay-bagay; dagdag pa rito, ibahagi ang katotohanan upang magkaroon ng pagkilatis ang mga hinirang ng Diyos sa pamamagitan ng mga gayong bagay at matuto sila mula sa mga ito.” Ano ang pangunahing nilalaman ng responsabilidad na ito? Ito ay pangunahing tungkol sa kinakailangang gawin ng mga lider at manggagawa upang tugunan ang iba’t ibang tao, pangyayari, at bagay sa iglesia—pati na rin ang iba’t ibang problema—na gumagambala, gumugulo, at sumisira sa normal na kaayusan ng iglesia. Ano ang kailangang maunawaan ng mga lider at manggagawa para epektibong matugunan at malutas ang mga problemang ito, matupad ang kanilang mga responsabilidad, at magampanan nang maayos ang gawaing ito? Ang responsabilidad na ito ay ang “agaran at tumpak na tukuyin ang iba’t ibang tao, pangyayari, at bagay na nakagagambala at nakagugulo sa gawain ng Diyos at sa normal na kaayusan ng iglesia”; ito ang saklaw ng gawaing ito. Kapag may layon at saklaw, nagiging malinaw kung aling mga isyu ang kailangang malutas, at kung anong gawain at mga responsabilidad ang inaasahang isagawa ng mga lider at manggagawa. Sa loob ng ikalabindalawang responsabilidad, ano ang pangunahing hinihingi mula sa mga lider at manggagawa? Ito ay ang pigilan at limitahan ang iba’t ibang tao, pangyayari, at bagay na nagdudulot ng mga pagkagambala at kaguluhan, at baguhin ang mga bagay-bagay, habang ibinabahagi ang katotohanan upang magkaroon ng pagkilatis ang mga hinirang ng Diyos sa pamamagitan ng mga gayong bagay at matuto sila mula sa mga ito. Ano ang mga paunang kondisyon na kailangang matugunan upang magawa ito? Kung makakakita ka ng iba’t ibang tao, pangyayari, at bagay na gumagambala, gumugulo, at sumisira sa normal na kaayusan ng iglesia pero iniisip mo na hindi problema ang mga ito, kung gayon, mayroong suliranin. Ipinahihiwatig nito na hindi mo makilatis ang diwa ng problema, na nangangahulugang hindi mo nauunawaan ang pinsalang naidudulot sa gawain ng iglesia ng paggambala at panggugulo sa buhay-iglesia, pati na ang mga kahihinatnan at epekto nito sa buhay pagpasok ng mga hinirang ng Diyos. Magagawa pa rin ba ng gayong mga lider at manggagawa ang gawain ng iglesia nang maayos? Malulutas ba nila ang mga problema at mababago ang mga bagay-bagay? (Hindi.) Kung gayon, ano ang mahalagang puntong dapat pagbahaginan dito? Ito ay na sa pamamagitan lang ng pag-unawa muna sa mga katotohanang prinsipyo makikilatis ng mga lider at manggagawa ang diwa ng iba’t ibang isyu at epektibong masolusyunan ang iba’t ibang aktuwal na problema. Upang maayos na magawa ang gawain ng iglesia, kailangan numang malaman ng mga lider at manggagawa kung anong mga problema ang karaniwang lumilitaw sa gawain ng iglesia. Pagkatapos, kailangang tumpak nilang unawain, kilatisin, at husgahan ang kalikasan ng mga problemang lumilitaw, kung nakakaapekto ba ang mga ito sa gawain ng iglesia at sa normal na kaayusan ng buhay-iglesia, at kung likas bang nanggagambala at nanggugulo ang mga ito sa gawain ng iglesia. Ito ay isang napakahalagang isyu na dapat munang maunawaan ng mga lider at manggagawa. Pagkatapos itong maunawaan, saka lang magiging posible na epektibong malutas ang mga problemang ito, at magawang “pigilan at limitahan ang mga ito, at baguhin ang mga bagay-bagay” gaya ng binanggit sa ikalabindalawang responsabilidad. Sa kabuuan, bago lutasin ang isang problema, kailangan mo munang maunawaan kung saan matatagpuan ang problema, ano ang mga sangkot na kalagayan at sitwasyon, ang kalikasan ng problema, gaano ito kalubha, paano ito hihimayin at kikilatisin, at kung paano ito isagawa nang tumpak. Ito ang unang kailangang maunawaan ng mga lider at manggagawa. Dahil kailangang maunawaan ng mga lider at manggagawa ang mga bagay na ito, magbahaginan tayo tungkol sa mga ito mula sa iba’t ibang aspekto sa partikular, upang maunawaan ng kapwa mga lider at manggagawa at ng mga hinirang ng Diyos kung paano haharapin ang mga problemang ito kapag lumitaw ang mga ito, kung paano iuugnay ang mga ito sa mga salita ng Diyos, at kung paano gagamitin ang mga katotohanang prinsipyo para malutas ang mga ito. Sa ganitong paraan, kapag nahaharap ang mga lider at manggagawa sa mga suliraning hindi nila kayang lutasin, maaaring harapin ng lahat ng hinirang ng Diyos ang mga ito nang sama-sama at hanapin ang katotohanan para magkaroon ng mga solusyon, at kapag nahaharap sa mga isyu ng pagkagambala at kaguluhan sa gawain ng iglesia, maaaring manindigan ang lahat para pigilan at limitahan ang mga ito. Kasabay nito, tungkol sa mga negatibong tao at bagay, maaari silang magsagawa ng hayagag paghihimay, pagkilatis, at paglalarawan, nang sa gayon ay mapigilan, malimitahan, at maalis ang mga isyung ito sa pinakaugat. Pagkatapos, magbahaginan tayo simula sa mga pinakapartikular na isyu.

Ang Iba’t Ibang Tao, Pangyayari, at Bagay na Gumagambala at Gumugulo sa Buhay-Iglesia

Para matukoy ang mga isyu na gumagambala at gumugulo sa gawain ng Diyos at sa normal na kaayusan ng iglesia, saang mga aspekto dapat magsimula ang mga lider at manggagawa? Dapat nilang simulan sa pamamagitan ng pagsusuri sa buhay-iglesia para matuklasan ang mga isyung ito. Mayroon ba kayong kaunting kaalaman lahat tungkol sa kung aling mga problema ang karaniwang lumilitaw sa buhay-iglesia na likas na nagsasanhi ng pagkagambala at kaguluhan? Gaano man karami ang mga tao sa isang iglesia, tiyak na may higit pa sa ilan na manggagambala at manggugulo sa gawain ng iglesia. Ano-ano ang mga akto ng paggambala at panggugulo na natutunan ninyo? (Halimbawa, palaging lumilihis sa paksa habang nagbabahagi ng katotohanan sa mga pagtitipon, nang hindi nakatuon sa mga pangunahing isyu.) (Isa pa, ang nakagawiang pagsasalita ng mga salita at doktrina.) paglihis sa paksa habang nagbabahagi ng katotohanan. Halimbawa, kapag nagbabahagi ang iba tungkol sa kung paano maging tapat sa paggawa ng tungkulin, pag-uusapan naman nila kung paano nila maaalagaan nang maayos ang kanilang asawa o anak. Kapag nagbabahagi ang iba tungkol sa kung paanong ang pagiging tapat sa tungkulin ay nilalayong palugurin ang Diyos at magpasakop sa Kanya, pag-uusapan naman nila ang tungkol sa kung paanong ang pagiging tapat sa tungkulin ay nilalayong kamtin ang mga pagpapala para sa pamilya o mga mahal sa buhay ng isang tao. Hindi ba’t paglihis ito sa paksa? (Oo.) Kung hindi mo sila patitigilin, magpapatuloy sila nang walang katapusan. Kung lilimitahan mo sila, magagalit sila at magwawala dahil sa kahihiyan, na lalo pang nagpapalala sa kanilang masamang pag-uugali. Ang isyung ito, kung gayon, ay likas na nasa antas ng paggambala at panggugulo, na napakalubha. Bagama’t karaniwang isyu ang paglihis sa paksa habang nagbabahagi ng katotohanan, kung obhetibong titingnan, maaari itong makagambala at makagulo sa buhay ng iglesia. Ito ang unang isyu. Tungkol naman sa ikalawa, ang “pagsasalita ng mga salita at doktrina,” kung ito ba ay maituturing na paggambala at panggugulo ay nakadepende sa bigat ng kaso. May ilang tao na nagsasalita ng mga salita at doktrina dahil wala silang katotohanang realidad; sa sandaling ibuka nila ang kanilang mga bibig, puro salita at doktrina lang ito, mga hungkag na teorya lamang. Gayumpaman, ang intensiyon nila ay hindi para ilihis ang iba at makuha ang kanilang pagpapahalaga. Sa pamamagitan ng mga limitasyon at panghihimok, magkakamit sila ng kamalayan sa sarili, at pagkatapos nito, mababawasan ang kanilang pagsasalita ng mga salita at doktrina, kaya’t hindi na nila hahadlangan ang buhay pagpasok ng mga kapatid. Hindi ito maituturing na paggambala at panggugulo. Gayumpaman, may mga tao na sadyang nagsasalita ng mga salita at doktrina nang may layon na ilihis ang iba kahit na alam na alam nila na ang sinasabi nila ay mga salita at doktrina. Ang layunin nila sa paggawa nito ay para makuha ang pagpapahalaga ng iba; gusto nilang hikayatin ang mga tao na pumanig sa kanila, at makakuha ng katayuan. Iba ang kalikasan nito kaysa sa simpleng pagsasalita ng mga salita at doktrina dahil lang sa kawalan ng pagkaunawa sa katotohanan. Ang gayong pag-uugali ay bumubuo ng isang paggambala at panggugulo. Ang iba’t ibang tao, pangyayari, at bagay na nagdudulot ng mga pagkagambala at kaguluhan sa buhay-iglesia ay laganap. Ang mga ito ay hindi lang mga isyu gaya ng pagsasalita ng mga salita at doktrina o paglihis sa paksa. Ano pa ang iba? (Pagbuo ng mga pangkat, paghahasik ng alitan, at pagpapahina ng pagiging positibo ng iba.) (Mayroon ding pagbubulalas ng pagkanegatibo, paggawa ng gulo, at patuloy na pang-aabala sa mga tao.) (Kapag mayroong mga kuru-kuro ang ilang tao tungkol sa mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos, ipinapakalat nila ang mga kuru-kurong ito at nagbubulalas ng kanilang pagkanegatibo, na nagsasanhing lumitaw rin sa iba ang mga kuru-kuro tungkol sa mga pagsasaayos ng gawain.) Ang mga bagay na iyon ay maituturing nga na mga paggambala at panggugulo. Ang pagbuo ng mga pangkat ay isang bagay, ang paghahasik ng alitan ay isa pang bagay, kasama ang pagpapahirap at pag-atake sa mga tao, pagpapakalat ng mga kuru-kuro, pagbubulalas ng pagkanegatibo, pagpapakalat ng mga walang basehang tsismis, at pakikipag-agawan para sa katayuan—ang lahat ng ito ay mga paggambala at panggugulo. Mas higit na malubha ang mga problemang ito sa kalikasan kaysa sa paglihis sa paksa habang nagbabahagi ng katotohanan. Mayroon ding isyu na may kaugnayan sa mga halalan. Anong klase ng mga problema na lumilitaw sa panahon ng halalan ang nauukol sa pagsasanhi ng paggambala at panggugulo? Halimbawa, mayroong pagmamanipula sa mga boto—nangangako ng mga benepisyo para makakuha ng mga boto para sa sarili. Isa itong paraan para masira ang isang halalan. At mga palihim na pagkilos—iniimpluwensiyahan ang isipan ng mga tao sa likod ng mga eksena para hikayatin silang pumanig sa iyo, ilihis sila, at himukin silang iboto ka. Ang mga ito ay pawang mga isyu na lumilitaw sa mga halalan. Bumubuo na ito ng mga paggambala at panggugulo? (Oo.) Ang mga problemang ito ay kolektibong tinutukoy bilang paglabag sa mga prinsipyo ng halalan. Ang isa pang isyu ay ang pagdadaldal tungkol sa mga usaping pampamilya, pagtatatag ng mga personal na ugnayan, at pag-aasikaso sa mga personal na gawain. May mga tao na dumadalo sa mga pagtitipon para sa mga ganitong bagay—hindi para unawain ang katotohanan o magbahagi ng mga salita ng Diyos, kundi para asikasuhin ang mga personal na gawain. Malubha ba ang gayong uri ng problema? (Oo.) Katumbas din ito ng pagsasanhi ng pagkagambala at kaguluhan.

Ngayon, ibuod natin ang iba’t ibang isyung ng pagkagambala at kaguluhan sa buhay iglesia: Una, ang madalas na paglihis sa paksa habang nagbabahaginan ng katotohanan; pangalawa, pagsasalita ng mga salita at doktrina para ilihis ang mga tao at makuha ang kanilang pagpapahalaga; pangatlo, pagdadaldal tungkol sa mga usaping pampamilya, pagtatatag ng mga personal na ugnayan, at pag-aasikaso sa mga personal na gawain; pang-apat, pagbuo ng mga pangkat; panglima, pakikipag-agawan para sa katayuan; pang-anim, paghahasik ng alitan; pampito, pag-atake at pagpapahirap sa mga tao; pangwalo, ang pagpapakalat ng mga kuru-kuro; pangsiyam, pagbubulalas ng pagkanegatibo; pansampu, ang pagpapakalat ng mga walang basehang tsismis; at panlabing-isa, ang paglabag sa mga prinsipyo ng halalan. Labing-isa lahat. Ang labing-isang pagpapamalas na ito ang mga isyu ng paggambala at panggugulo na madalas lumilitaw sa buhay-iglesia. Kapag namumuhay ng buhay-iglesia, kung lumilitaw ang mga isyung ito, kinakailangan na ang mga lider at manggagawa ay tumindig at pigilin ang mga ito, limitahan ang mga ito, at huwag hayaang lumaki ang mga ito nang walang kontrol. Kung hindi kayang limitahan ng mga lider at manggagawa ang mga ito, dapat magsama-sama ang lahat ng kapatid para limitahan ang mga ito. Kung ang taong sangkot ay hindi masama ang pagkatao, at hindi niya sinasadyang magdulot ng mga pagkagambala at kaguluhan, kundi sadyang wala lang siyang pagkaunawa sa katotohanan, maaari siyang tulungan at suportahan sa pamamagitan ng pagbabahagi ng katotohanan. Kung ang taong nagdudulot ng mga pagkagambala at kaguluhan ay may masama, at ang kaso ay minor lamang, kung gayon, dapat itong pigilan at limitahan ang kanilang mga paggambala at panggugulo sa pamamagitan ng pagbabahaginan at paglalantad. Kung handa silang magsisi, at hindi na magsalita o kumilos sa mga paraang nagdudulot ng mga pagkagambala at kaguluhan, handang maging pinakahamak na miyembro sa iglesia, kayang makinig at sumunod nang tapat, at gawin ang anumang isinasaayos ng iglesia, tinatanggap ang mga limitasyong itinakda ng mga kapatid, kung gayon, maaari silang pansamantalang manatili sa iglesia. Pero kung hindi nila ito tinatanggap, at sa halip ay kumokontra at nagiging mapanlaban sa nakararami, kung gayon, dapat isagawa ang ikalawang hakbang—ang pagpapaalis sa kanila. Angkop ba ang pamamaraang ito? (Oo.)

I. Madalas na Paglihis sa Paksa Habang Nagbabahagi ng Katotohanan

Ngayon, magbabahaginan tayo tungkol sa iba’t ibang tao, pangyayari, at bagay na lumilitaw sa buhay-iglesia na likas na bumubuo ng mga pagkagambala at kaguluhan. Ang una sa mga ito ay ang madalas na paglihis sa paksa habang nagbabahagi ng katotohanan. Paano ba natutukoy ang paglihis sa paksa habang nagbabahagi ng katotohanan? Paano natin mahihiwatigan ang mga salitang nalihis sa paksa? Madalas ba kayong lumilihis sa pagbabahaginan ninyo sa katotohanan? (Oo.) Gaano kailangang magiging malala ang problemang ito para maituring na isang pagkagambala o kaguluhan? Kung ang bawat pagkakataon ng paglihis sa paksa habang nagbahahagi ng katotohanan ay inilalarawan bilang pagkagambala o kaguluhan, hindi ba’t matatakot na ang mga tao na magsalita o magbahagi sa buhay-iglesia sa hinaharap? At kung natatakot ang mga tao na magbahagi, hindi ba’t nangangahulugan ito na hindi nila malinaw na nauunawaan ang isyu? (Oo.) Kaya naman, kapag tumpak na natukoy kung anong uri ng paglihis sa paksa habang nagbabahagi ng katotohanan ang bumubuo ng pagkagambala at kaguluhan, karamihan sa mga tao ay mapapalaya sa kanilang mga pagpipigil. Dahil nakikitang nalilihis kayo sa paksa kahit sa normal na usapan, lalo pang nagiging karaniwan ito kapag nagbabahaginan sa katotohanan. Kaya, kinakailangang magbahagi tungkol dito nang napakalinaw, upang hindi kayo mapigilan. Huwag hayaan na ang takot sa paglihis sa paksa at pagbuo ng pagkagambala at kaguluhan ay pumigil sa inyo na magsalita, o pumigil sa inyo na huwag maglakas-loob na magbaghi kahit pa mayroon kayong kaalaman, o— kapag gusto ninyong magbahagi—mapilitan kayong isaalang-alang muna: “Nauugnay ba sa tema ang gusto kong sabihin? Lumilihis ba ito sa paksa? Dapat akong gumawa muna ng draft at balangkas ng mga iniisip ko bago magsalita, at pagkatapos, sumunod sa balangkas para hindi ako lumihis sa paksa, anuman ang mangyari. Kung malilihis ako sa paksa, walang pakinabang ito sa sinuman at masasayang lang ang mahalagang oras ng pagtitipon, maaapektuhan nito ang pag-unawa ng mga kapatid sa katotohanan. At kung malubha ito, maaari pa nga itong makagambala at makagulo sa buhay-iglesia.” Paano natin dapat tingnan ang isyu ng paglihis sa paksa? Una, kailangan nating isaalang-alang kung ang paglihis sa paksa ay nakakabuti sa mga kapatid, at pagkatapos, kailangang malinaw nating makita kung ano ang mga kahihinatnan ng paglihis sa paksa sa buhay-iglesia. Sa ganitong paraan, makikita natin nang malinaw na ang paglihis sa paksa ay hindi isang minor na isyu; sa malulubhang kaso, maaari pa nga itong magdulot ng pagkagambala at kaguluhan sa buhay-iglesia at sa gawain ng iglesia. Halimbawa, sa isang paksa, maghahanap kayo ng isang sipi ng mga salita ng Diyos para magbahagi ng inyong kaalaman at pagkaarok; o ipagpalagay na, sa isang paksa, magbabahagi kayo ng kaalaman na nakamit ninyo, mga katotohanang naunawaan ninyo, at mga layunin ng Diyos na naunawaan ninyo mula sa isang bagay na inyong naranasan; o sabihin nating, ang pagbabahagi ninyo tungkol sa isang paksa ay medyo mahaba at hindi ninyo ito mailaw na naipapaliwanag, ilang beses kayong paulit-ulit na nagsasalita—sa mga ganitong sitwasyon, masasabi bang lumilihis kayo sa paksa? Wala sa mga ito ang maituturing na paglihis sa paksa. Kung gayon, ano ang ibig sabihin ng paglihis sa paksa? Ang paglihis sa paksa ay kapag ang sinasabi ninyo ay mayroong kaunti o walang kaugnayan sa paksa ng pagbabahaginan, kapag ito ay puro satsat tungkol sa mga panlabas na usapin, at hindi nakapagpapatibay sa mga tao kahit kaunti. Iyon ay ganap na paglihis sa paksa. Ngayon, talakayin natin kung ano ang ibig sabihin ng magdulot ng pagkagambala at kaguluhan. Sa kaso ng paglihis sa paksa habang nagbabahagi ng katotohanan, anong mga uri ng mga salita at pag-uugali ang bumubuo ng mga pagkagambala at kaguluhan? Ano ang diwa ng problema rito? Paanong nagiging likas na pagkagambala at kaguluhan at pagkagambala ang paglihis sa paksa? Hindi ba’t nararapat itong pagbahaginan? Sa sandaling mapagbahaginan ito, mauunawaan ba ninyo kung ano ang ibig sabihin ng paglihis sa paksa? (Oo.) Kung gayon, ibigay ninyo ang inyong mga sagot sa mga katanungang ito. (Kapag ang pagbabahagi ng isang tao ay tungkol sa mga paksang walang kinalaman sa katotohanan—walang saysay na daldalan at pag-uusap tungkol sa mga usaping pambahay, at pagtalakay sa mga bagay na may kinalaman sa mga kalakarang panlipunan na gumugulo sa puso ng mga tao, na pumipigil sa kanila na maging tahimik sa harap ng Diyos at magnilay sa Kanyang mga salita—ang pagbabahaginang iyon ay lumihis na sa paksa.) Ilang pangunahing punto ang tinutukoy niyon (Isa ay ang mga paksang walang kaugnayan sa katotohanan.) Isa itong napakahalagang punto: ang pagiging walang kaugnayan sa katotohanan. Ang isang punto ay ang walang saysay na kuwentuhan at daldalan tungkol sa mga gawaing bahay. Ang isa pa ay ang pagsasalita tungkol sa tradisyonal na kultura, sa moral na pag-iisip ng tao, at sa mga bagay na itinuturing ng mga tao na marangal na para bang katotohanan ang mga ito. Ito ay isang problema ng baluktot na pagkaarok; ang lahat ng bagay na ito ay walang kaugnayan sa katotohanan. Halimbawa, sinasabi ng mga salita ng Diyos, “Ang mga kabataan ay hindi dapat walang mga hangarin.” May isang nagbahagi, “Mula pa sa sinaunang panahon, lumitaw na ang mga bayani sa kanilang kabataan,” o “Ang ambisyon ay hindi limitado sa edad.” O, kapag tinatalakay mo kung paano matakot sa Diyos, nagbabahagi sila: “May diyos tatlong talampakan sa itaas mo”; “Kapag kumikilos ang tao, nagmamasid ang Langit”; “Kung malinis ang iyong konsensiya, hindi ka matatakot na usigin nito”; o “Ang puso ng isang tao ay dapat nakatuon sa kabutihan.” Hindi ba’t ito ay paglihis sa paksa? Hindi ba’t ang mga salitang ito ay walang kaugnayan sa katotohanan? Ano ang mga salitang ito? (Mga satanikong pilosopiya.) Ang mga ito ay mga satanikong pilosopiya, at ang mga ito rin ang tradisyonal na kultura ng isang partikular na etnisidad. Ang unang pagpapamalas ng paglihis sa paksa ay kapag ang sinasalitang paksa ay walang kaugnayan sa katotohanan; ito ay kapag nagsasalita ang isang tao ng mga pilosopiya at teorya na itinuturing ng mga walang pananampalataya na tama at matayog, at pilit na iniuugnay ang mga ito sa katotohanan. Iyon ay paglihis sa paksa. Ang paksa ay walang kaugnayan sa katotohanan—ang pagpapamalas na ito ay dapat madaling maunawaan. Ang ikalawang pagpapamalas ay kapag ang mga tinalakay na paksa ay gumugulo sa isipan ng mga tao. Kapag ang katotohanan ay hindi napagbahaginan sa pagtitipon, at ang pinagbahaginan ay tungkol sa kaalaman, iskolarsip, pilosopiya, at batas, o mga penomenon ng lipunan at iba’t ibang komplikadong ugnayan ng mga tao, kung gayon, gumugulo ito sa isipan ng mga tao. Ito ay kapag nagbabahagi ang isang tao tungkol sa mga isyung likas na walang kaugnayan at kinalaman sa katotohanan kahit kaunti na para bang ang mga bagay na iyon ay ang katotohanan. Nagsasanhi ito ng kalituhan sa isipan ng iba, at habang nakikinig sila, ang kanilang pag-iisip ay napupunta mula sa pagbabahagi sa katotohanan tungo sa mga panlabas na usapin. Paano umaasal ang mga taong ito kung gayon? Nagsisimula silang tumuon sa kaalaman at iskolarship. Ang panggugulo sa isipan ng mga tao ay likas na isang seryosong bagay. Ang ikatlong pagpapamalas ay kapag ang mga paksang tinatalakay ay nagiging sanhi ng maling pag-unawa ng mga tao sa Diyos, na nagreresulta sa kawalan ng kalinawan tungkol sa mga pangitain. Hindi malinaw sa ilang tao ang katotohanan, pero gusto nilang magpanggap na mayroon silang kalinawan at pagkaunawa. Kaya, kapag nagbabahagi sila ng katotohanan, isinasama nila ang ilang malalalim na doktrina sa kanilang sinasabi, pinaghahalo-halo ang mga doktrinang panrelihiyon na kanilang narinig at naunawaan, nagsasalita nang walang basehan at labis-labis. Pagkatapos makinig sa kanila, nawawalan ng kalinawan tungkol sa mga pangitain ang mga tao; hindi nila alam kung anong katotohanan ba talaga ang nilalayong talakayin ng tao. Habang mas nakikinig sila, mas lalo silang naguguluhan at mas lalong nababawasan ang pananalig nila sa Diyos, at maaari pa ngang magkaroon sila ng mga maling pagkaunawa tungkol sa Diyos. Hindi lamang basta-bastang umaalis mula sa usapang ito ang mga tao nang walang pagkaunawa sa katotohanan—naguguluhan ang isipan nila. Mayroon itong negatibong epekto. Ito ang bunga ng paglihis sa paksa.

Ang paglihis sa paksa habang nagbabahagi ng katotohanan ay naipapamalas sa iba’t ibang paraan, at bawat isa sa mga ito ay likas na nagdudulot ng kaguluhan sa buhay-pagpasok ng mga tao. Kapag nakinig sa gayong pagbabahagi ang mga tao, hindi lang sila walang malinaw na pagkaunawa sa katotohanan at isang landas ng pagsasagawa. Sa halip, naguguluhan ang isipan nila, lalong nagiging malabo sa kanila ang tungkol sa katotohanan, at nagkakaroon din sila ng ilang maling pakahulugan at maling akala. Ito ang epekto at masamang kahihinatnan sa mga tao ng paglihis sa paksa habang nagbabahagi ng katotohanan. Ang bawat isa sa tatlong pagpapamalas na ito ay talagang likas na malubha. Halimbawa, ang una ay “ang sinasalitang paksa ay walang kaugnayan sa katotohanan.” Ang pagsasabi ng mga bagay na tila tama ngunit hindi, at ang pagdadala ng mga satanikong bagay, gaya ng kaalaman ng tao, pilosopiya, mga teorya, tradisyonal na kultura, at mga sikat na kasabihan ng mga kilalang tao, sa loob ng iglesia para ipangaral at suriin, ginagamit ang pagkakataon na makapagbahagi ng katotohanan upang ilihis ang mga tao, ay nagdudulot ng kaguluhan sa kanila. Likas itong napakalubha. Kung ang isang taong may pagkilatis ay makikinig sa gayong pagbabahagi, sasabihin niya, “Hindi tama ang sinasabi mo; hindi ito ang katotohanan. Ang sinasabi mo ay tungkol sa moral na pag-uugali at mga kasabihang iniisip ng mga walang pananampalataya na mabuti. Ang mga iyon ay mga pananaw ng mga walang pananampalataya tungkol sa kung paano umasal at makitungo sa mundo, na likas na walang kaugnayan sa katotohanan.” Gayumpaman, walang pagkilatis ang ilang tao, at kapag naririnig nila ang mga maling paniniwalang ito, nakikisabay pa nga sila sa mga ito, at sinusunod nila ang mga ito bilang ang katotohanan. Kung hindi ito pipigilan at lilimitahan ng mga lider at manggagawa sa gayong mga pagkakataon, kung hindi nila ito pagbabahagian at hihimayin para magkaroon ng pagkilatis ang mga tao, kung gayon, maaaring malihis ang ilan sa mga hinirang ng Diyos. Ano ang mga kahihinatnan ng pagkalihis? Maniniwala sila na ang mga bagay na ipinangangaral ng mga sikat na tao sa mundo ng mga walang mananampalataya, na inaakala ng mga tao na tama, mabuti, at malalim, tulad ng mga katutubong salawikain at mga kasabihan at teorya ng mga sikat na tao tungkol sa pag-asal, ay pawang tama at na ang mga ito ang katotohanan, gaya ng mga salita ng Diyos. Hindi ba’t nalihis sila? Sa panlabas, tila nagbabahaginan sila sa katotohanan, pero sa katunayan, may halo itong ilang ideya ng tao at ilan sa mga mapanlihis na pilosopiya ni Satanas, at malinaw na nagsasanhi ito ng kaguluhan sa mga tao. Kung may isang taong nanlilihis sa mga tao sa pamamagitan ng pagpapaalabas na ang pilosopiya ni Satanas at kaalaman ng tao ay ang katotohanan, kung gayon, dapat ilantad at himayin ng mga lider at manggagawa ang usapin, upang lumago ang mga kapatid sa pagkilatis at maunawaan kung ano talaga ang katotohanan. Ito ang gawain na dapat gawin ng mga lider at manggagawa. Ang ikalawang pagpapamalas ay “panggugulo sa isipan ng mga tao” Palaging sinusunggaban ng ilang tao ang pagkakataon na talakayin ang katotohanan upang magsalita tungkol sa mga bagay na tila tama ngunit hindi pala, inaangat ang kaalaman ng tao, iskolarship, mga kaloob, at talento. Nagsasalita rin sila tungkol sa mga moral na pamantayan, tradisyonal na kultura, at iba pa. Ipinapalabas nila na ang mga bagay na nagmumula kay Satanas ay mga positibong bagay, ang katotohanan, na nagtutulak sa mga tao na maling paniwalaan na ang mga ito ay dapat isulong, ipalaganap at purihin sa iglesia, at sundin ng lahat; nagiging sanhi ng pagdami ng mga maling paniniwala at maling pananampalataya, na tila tama pero hindi, sa isipan ng mga tao; at nililito ang isipan ng mga tao at ipinaparamdam sa kanila na parang wala silang direksiyon, hindi alam kung ano talaga ang katotohanan, o kung paano magsagawa nang tama kapag nahaharap sa mga isyu, o kung aling landas ang tama. Inilublob nito ang kanilang puso sa kadiliman. Ito ang kahihinatnan ng pagpapakalat ng mga maling pananampalataya at maling paniniwala para ilihis ang mga tao. Tungkol naman sa pangatlong pagpapamalas, hindi na natin ito pagbabahaginan nang detalyado. Sa kabuuan, ang ilan sa mga talakayan na nakalihis sa paksa ay may kinalaman sa kaalaman, ang ilan ay may kinalaman sa mga kuru-kurong pantao, at ang iba ay may kinalaman sa mga moral na mabuting pag-uugali, at iba pa. Pero wala sa mga ito ang may kinalaman sa katotohanan—lahat ay salungat dito. Samakatwid, kapag lumitaw ang mga isyung ito, dapat itigil at limitahan ng mga lider at manggagawa ang mga ito. Kung pagkatapos marinig ang isang tao na nagbabahagi, bukod sa walang kalinawan ang mga tao sa puso nila tungkol sa katotohanan, ay naguguluhan din sila, ang kanilang dating malinaw na isipan ay nagiging magulo, hindi alam kung paano magsagawa nang tama, kung gayon, dapat itigil at limitahan ang pagbabahagi ng gayong tao. Halimbawa, sa kanilang pagbabahaginan tungkol sa mga katotohanan kaugnay sa normal na pagkatao, sinasabi ng ilang tao: “Ang pinakagusto ng Diyos sa normal na pagkatao ay ang kakayahang magtiis ng paghihirap, hindi mag-imbot ng kasiyahan o kaginhawahan ng laman, na tumalikod sa masasarap na pagkain, na huwag tamasahin ang dapat tamasahin o kung ano ang inihanda ng Diyos, ang makapaghimagsik laban sa mga pagnanais ng laman, supilin ang lahat ng pagnanais ng laman, supilin ang katawan, at huwag hayaang masunod ang gusto ng laman. Kaya, kapag nais mong matulog sa gabi, kailangan mong maghimagsik laban sa laman. Kung hindi mo kaya, kailangan mong maghanap ng mga paraan para pigilan ito. Kapag mas malakas ang kagustuhan mong maghimagsik laban sa laman, at kapag mas lalo kang naghihimagsik laban sa laman, mas maraming pagpapamalas ng pagsasagawa sa katotohanan at mas higit katapatan sa Diyos ang napapatunayan na tinataglay mo. Sa tingin Ko, ang pinakaprominenteng pagpapamalas ng normal na pagkatao—at ang pinakanararapat isulong—ay ang pagsupill sa katawan, paghihimagsik laban sa mga pagnanais ng laman, hindi pag-iimbot sa kaginhawahan ng laman, at pagiging matipid sa materyal na kasiyahan. Kapag mas nagiging matipid ka, mas maraming pagpapala ang maiipon mo sa kaharian ng langit.” Hindi ba’t positibo pakinggan ang mga salitang ito? May mali ba sa mga ito? Kung susukatin ayon sa lohika, mga pananaw, at mga kuru-kurong pantao, ang mga salitang ito ay papasa sa anumang grupong panrelihiyon o panlipunan; lahat ay magbibigay ng pagsang-ayon sa mga ito at sasabihin na tama ang sinasabi nila, na mabuti at dalisay ang pananalig nila. Hindi ba’t may mga tao sa iglesia na maniniwala rin dito? Kung susukatin ayon sa mga kuru-kurong pantao, ang lahat ng salitang ito ay tama—ano ang tama sa mga ito? Maaaring sinasabi ng ilan, “Talaga ngang gusto ng Diyos ang gayong mga tao. Ganoon din ang matipid na pamumuhay Niya.” Hindi ba’t isa itong kuru-kurong pantao? Nagkikimkim ang mga tao ng ganitong uri ng kuru-kuro, kaya, kung may isang tao na talagang magbibigay ng ganitong uri ng pagbabahagi, hindi ba’t aayon lang ito sa mga kuru-kuro ng nakararami? (Oo.) Kapag sinasang-ayunan ng mga tao ang ganitong uri ng kuru-kuro, hindi ba’t sumasang-ayon sila sa pananaw ng taong iyon? Kapag sinang-ayunan at tinanggap mo ang pananaw ng ng taong iyon, hindi ba’t sinasang-ayunan mo ang kanilang mga kilos? Kung gayon, hindi ba’t susubukan mong tularan sila? At kapag nagawa mo, hindi ba’t magiging tiyak na ang landas na susundin mo, ang iyong landas ng pagsasagawa? Ano ang ibig sabihin ng tiyak? Ibig sabihin ay determinado kang kikilos at magsasagawa sa gayong paraan. Sapagkat naniniwala ka sa puso mo mahal ng Diyos ang gayong mga tao at gusto Niya kapag kumikilos ka sa ganitong paraan, na tanging sa paggawa nito ka lamang magiging isang tao na tanggap ng Diyos, isang tao na maaaring pumasok sa kaharian ng langit at pagpalain sa langit, na may magandang hantungan, kung gayon, magpapasya kang kumilos sa ganitong paraan. Kapag ginawa mo ang kapasyahan ito, hindi ba’t nagulo at nalihis na ang isipan mo ng ganitong uri ng kaisipan at pananaw? Isa itong katunayan; ito ang kahihinatnan. Ang iyong isipan ay gulong-gulo, at hindi mo man lang ito napagtatanto. May isa pang isyu rito: Sa sandaling maparalisa at magulo ng gayong mga kaisipan at pananaw ang iyong isipan, hindi ba’t mawawalan ka ng kalinawan tungkol sa mga layunin at hinihingi ng Diyos? Hindi ba’t magkakaroon ka ng mga maling pagkaunawa tungkol sa Diyos, at didistansiya sa Kanya? Hindi ba’t ipinahihiwatig nito na hindi malinaw sa iyo ang mga pangitain? Pag-isipan mo itong mabuti: Kapag inililigaw ka ng isang kaisipan o pananaw na itinuturing ng mga tao na tama pero mali pala, hindi ba’t nagiging magulo ang isipan mo? Magiging malinaw pa rin ba ang mga pangitain sa puso mo? (Hindi.) Kung gayon, tumpak ba ang kaalaman mo tungkol sa Diyos o isa itong maling pagkaunawa? Malinaw na isa itong maling pagkaunawa. Kung gayon, ang nauunawaan at pinaniniwalaan mong tama ay talaga bang ang katotohanan? Hindi—kumokontra ito sa mga salita ng Diyos, sa katotohanan, sumasalungat sa mga ito. Samakatwid, ang ganitong uri ng paglihis sa paksa habang nagbabahagi ng katotohanan ay talaga ngang nagdudulot ng kaguluhan sa isipan ng mga tao. Dahil ang paksang ito ng paglihis ay nagdudulot ng malaking kaguluhan sa isipan ng mga tao, masasabi ba na nagdudulot ito ng pagkagambala sa gawain ng Diyos? Itinutulak nito ang mga tao sa mga kuru-kuro at sa pilosopiya at lohika ni Satanas, kaya, hindi ba’t inilalayo nito ang mga tao mula sa presensiya ng Diyos? Kapag nagkamali ng pag-unawa ang mga tao sa Diyos, kapag hindi nila nauunawaan ang Kanyang mga layunin at hind sila makapagsagawa ayon sa Kanyang mga layunin at hinihingi, sa halip ay magsagawa ayon sa lohika ni Satanas at mga kuru-kurong pantao, kung gayon, mas malapit ba sila sa Diyos o mas malayo sa Kanya? (Sila ay mas malayo sa Kanya.) Sila ay mas malayo sa Kanya. Kaya, hindi ba’t dapat limitahan ang pagbabahaginan sa ganitong uri ng paksa sa mga pagtitipon? (Oo.) Likas na nagdudulot ng kaguluhan sa mga tao ang ganitong uri ng paglihis sa paksa, kaya, talaga ngang dapat itong limitahan. Kung hindi ito mapipigilan at malilimitahan, magkakaroon ng ilang taong naguguluhan na mahina ang kakayahan at manhid—lalo na, iyong mga walang espirituwal na pang-unawa—na gumagaya at sumusunod sa taong tumayo ang mga lider at manggagawa para pigilan ito. Hindi nila dapat pahintulutan ang taong iyon na magpatuloy sa paglihis sa paksa; hindi nila dapat pahintulutan ang paksa ng kanilang pagbabahaginan na ilihis ang mas marami pang tao at guluhin ang isipan ng mas marami pang tao. Isa itong responsabilidad na dapat tuparin ng mga lider at manggagawa, isang tungkulin na dapat nilang paglingkuran.

Tapos na tayo sa ating pagbabahaginan tungkol sa paksa ng paglihis sa paksa habang nagbabahagi ng katotohanan. Sunod, ibubuod natin kung gaano kalayo ang paglihis sa paksa ng isang tao sa kanyang pagbabahagi sa katotohanan at kung anong mga paksa ang dapat ibahagi para maituring itong na isa itong likas na pagkagambala at kaguluhan. Ang ilang uri ng paglihis sa paksa ay malinaw: Kapag ganap na lumilihis sa paksa ang isang tao, kapag nagsisimula siyang makibahagi sa walang saysay na daldalan o magtalakay ng mga usaping pambahay, madali itong makilatis. Halimbawa, kapag nagbabahaginan ang lahat tungkol sa kung paano gawin ang kanilang tungkulin, maaaring may magbabahagi tungkol sa kanyang “marangal” na nakaraan, ikinukuwento ang kanyang mabubuting gawa o kung paano niya natulungan ang mga kapatid, at iba pa. Walang may gustong makinig dito, at habang mas ginagawa nila ito, mas lalo silang nagiging tutol dito hanggang sa hindi na nila papansinin ang tao. Makakaramdam ng hiya ang tao. Hangga’t kayang kilatisn ng karamihan ang taong ito, hindi ito makapagpapatuloy. Hindi kinakailangan ang malalim na pag-unawa sa katotohanan para makilatis ang ganitong klase ng paglihis sa paksa. Ang walang saysay na pakikipagkuwentuhan, pakikipagdaldalan, tungkol sa mga usaping pambahay, pagtataas sa sarili, pagpipresenta sa sarili, at pagsamantala sa paksa ng pakikipagbahaginan para ikuwento ang tungkol sa "”marangal” na nakaraan ng isang tao—ang ganitong uri ng paglihis sa paksa ay madaling makilatis. Hindi ito nagdudulot ng malaking kaguluhan, dahil karamihan sa mga tao ay ayaw sa gayong mga bagay at hindi sila handang pakinggan ang mga ito, at alam nilang nagpapakitang-gilas lamang sila at hindi nagbabahagi sa katotohanan, na lumihis na sila sa paksa. Maaaring susubukan ng grupo na hindi sila ipahiya kapag nagsisimula silang magsalita, pero habang mas ipinagpapatuloy nila, umaayaw ang mga tao at hindi na nais na makinig pa, at pakiramdam nila ay mas mainam pa na basahin na lang nila nang kanya-kanya ang mga salita ng Diyos. Kung magpapatuloy ang tao, tatayo sila at aalis. Kapag nakikita ng tao na nagbago ang mga bagay-bagay at na ipinapahiya lang nila ang kanilang sarili, hindi sila magpapatuloy sa pagsasalita. Anong uri ng paglihis sa paksa ang nakapagdulot na ng masamang impluwensiya sa mga tao, pero hindi pa rin ito makilatis ng mga tao bilang isang negatibong bagay, at sa halip ay itinuturing ang lumihis na paksa nilang ang katotohanan at taimtim pa itong pinakikinggan? Ang ganitong uri ng paglihis sa paksa ay maaaring magdulot ng kaguluhan sa mga tao, at dapat may pagkilatis ang isang tao sa gayong mga kaso. Magbigay ng halimbawa ng ganitong uri ng paglihis sa paksa. (Kapag ang isang tao ay hindi nagninilay-nilay sa kanyang sarili pagkatapos mapungusan, bagkus ay nakatuon lang ang kanyang pakikipag-usap sa pagiging tama at mali ng isyu, nililito nito ang isipan ng bawat isa. Hindi lang nito pinipigilan ang mga tao na magkaroon ng pagkilatis; sa halip, pakiramdam ng mga tao ay naaayon sa katotohanan ang sinasabi ng taong ito, na tama ang mga ito. Dahil dito, nahihikayat niyang pumanig sa kanya ang lahat.) Gamit ang dahilan ng pagbabahagi tungkol sa kung paano tanggapin ang mapungusan, ipinagtatanggol at ipinapawalang-sala niya ang kanyang sarili, ipinapaisip sa mga tao na maling napungusan siya, hinihikayat ang mga tao na pumanig sa kanya at makisimpatiya sa kanya, at dagdag pa rito, hinihikayat nila ang mga tao na hanggan ang kanilang kakayahang magpasakop at tumanggap sa pagpupungos sa ilalim ng gayong mga sitwasyon. Nililihis nito ang mga tao; isa itong kinukusa at sinasadyang halimbawa ng paglihis sa paksa, na hindi lamang nagtutulak sa mga tagapakinig na hindi makapagpasakop kapag nahaharap sa pagpupungos, at hindi magawang tanggapin ang pagpupungos at mapagnilayan at makilala ang kanilang sarili, sa halip, nagiging sanhi rin ito na magiging mapagbantay at mapanlaban sila sa pagpupungos. Ang gayong pagbabahagi ay bigong makatulong sa mga tao na maunawaan ang kahalagahan ng pagpupungos, kung paano dapat gamitin ng mga tao ang wastong saloobin kapag nahaharap sa pagpupungos, kung paano ito tatanggapin, at kung paano magsagawa. Sa halip, itinutulak nito ang mga tao na pumili ng ibang paraan sa pagharap sa pagpupungos, isang paraan na hindi ang pagsasagawa sa katotohanan at hindi pagkilos ayon sa mga katotohanang prinsipyo, kundi isang paraan na lalong nagtutulak sa mga tao na maging tuso. Ang gayong pagbabahagi ay naglalayong ilihis ang mga tao. Ang paglihis sa paksa habang nagbabahagi ng katotohanan ay isang uri ng isyu na lumilitaw sa buhay-iglesia. Kung ang ganitong uri ng isyu ay umabot sa antas ng pagkagambala at kalituhan, dapat kumilos ang mga lider at manggagawa para pigilan at limitahan ito, magbahaginan tungkol dito at himayin ito, upang ang nakararami ay lumago ang pagkilatis, matuto mula sa karanasan, at matuto ng aral.

II. Pagsasalita ng mga Salita at Doktrina para Ilihis ang mga Tao at Makuha ang Kanilang Pagpapahalaga

Ang ikalawang pagpapamalas ng mga tao, pangyayari, at bagay na nagdudulot ng mga pagkagambala at kaguluhan sa buhay iglesia ay kapag nagsasabi ang mga tao ng mga salita at doktrina para ilihis ang mga tao at makuha ang loob ng mga ito. Karaniwan, pwedeng magsabi ng ilang salita at doktrina ang karamihan ng tao. Nagawa na ito ng karamihan ng tao. Dapat nating ituring ang karaniwang pangyayari ng pagsasabi ng isang tao ng mga salita at doktrina bilang resulta ng maliit na tayog at kawalan ng pagkaunawa sa katotohanan ng taong iyon. Hangga’t hindi sila kumakain ng masyadong malaking oras, hangga’t hindi nila sinasadyang gawin ito, hindi minomonopolisa ang usapan, hindi hinihinging hayaan lang sila ng lahat na sabihin ang anumang gusto nila, hindi hinihinging makinig ang lahat sa kanila, at hindi inililihis ang iba at sinusubukang kuhain ang loob ng mga ito, kung gayon, hindi ito maituturing na paggambala o panggugulo. Dahil ang karamihan ng tao ay walang katotohanang realidad, ang pagsasabi ng mga salita at doktrina ay isang napakakaraniwang pangyayari. Katanggap-tanggap ang pagsasalita nang medyo hindi naaangkop; mapapatawad ito at hindi masyadong seseryosohin. Gayumpaman, may isang eksepsiyon, at ito ay kapag nananadya ang tao na nagsasabi ng mga salita at doktrina. Ano ang ginagawa nila nang sadya? Hindi ang paglilitanya ng mga salita at doktrina ang ginagawa nila nang sadya, dahil wala rin silang katotohanang realidad. Ang mga kilos nila, tulad ng pagsasabi ng mga salita at doktrina, pagsigaw ng mga islogan, at pagtalakay ng mga teorya, ay katulad ng sa ibang tao. Gayumpaman, may isang pagkakaiba: Kapag nagsasabi sila ng mga salita at doktrina, palagi nilang gustong hangaan sila ng iba, at ikumpara ang sarili nila sa mga lider at manggagawa at sa mga naghahangad sa katotohanan. Ang mas lalong hindi makatwiran, anuman ang sabihin nila o paano man nila ito sabihin, ang layon nila ay makuha ang suporta ng mga tao, ang ilihis ang puso ng mga tao, ang lahat ng ito ay para hangaan sila. Ano ang layon ng paghahangad ng paghanga? Nais nilang magkaroon ng katayuan at katanyagan sa puso ng mga tao, maging natatanging indibidwal o lider sa gitna ng karamihan, maging isang taong ekstraordinaryo o kakaiba, maging isang espesyal na tao, isang taong may awtoridad ang mga salita. Naiiba ang sitwasyong ito sa mga karaniwang pangyayari kung saan ang mga tao ay nagsasabi ng mga salita at doktrina at ito ay maituturing nang paggambala at panggugulo. Ano ang pinagkaiba ng mga taong ito mula sa mga nagsasabi ng mga salita at doktrina sa mas karaniwang paraan? Ito ay ang kanilang palagiang pagnanais na magsalita; kapag may pagkakataon, magsasalita sila. Hangga’t may pagtitipon o grupo ng mga tao na nakatipon—hangga’t may tagapakinig sila—magsasalita sila, may matindi silang pagnanais na gawin ito. Ang layon nila sa pagsasalita ay hindi para ibahagi sa mga kapatid ang kanilang mga saloobin, natamo, karanasan, pagkaunawa, o kabatiran para magtaguyod ng pagkaunawa sa katotohanan o ng isang landas para isagawa ito. Sa halip, ang layon nila ay gamitin ang pagkakataon para magsabi ng mga doktrina para makapagpakitang-gilas sila, para ipakita sa iba kung gaano sila katalino, para ipakita na sila ay may utak, kaalaman, at natutuhan, at nakakahigit sa karaniwang tao. Gusto nilang makilala bilang mga indibidwal na may kakayahan, na hindi lang ordinaryo. Gusto nila ito para sa anumang usapin, lalapit sa kanila ang lahat at kokonsulta sa kanila. Sa anumang isyu sa iglesia o sa anumang suliraning kinakaharap ng mga kapatid, gusto nilang sila ang unang maiisip ng ibang tao; gusto nila ito para walang magagawa ang iba nang wala sila, para hindi mangangahas ang mga ito na pangasiwaan ang anumang usapin nang wala sila, at lahat ay naghihintay sa kanilang utos. Ito ang epektong ninanais nila. Ang layon nila sa pagsasabi ng mga salita at doktrina ay para bitagin at kontrolin ang mga tao. Para sa kanila, ang pagsasabi ng mga salita at doktrina ay isang diskarte lang, isang pamamaraan; hindi ito dahil sa hindi nila nauunawaan ang katotohanan kaya sila nagsasabi ng mga salita at doktrina kundi sa pamamagitan ng paggawa nito, ang pakay nila ay ang hangaan sila ng mga tao mula sa puso, tingalain sila, at katakutan pa nga sila, nang napipigilan at nakokontrol nila ang mga tao. Kaya, ang ganitong uri ng pagsasabi ng mga salita at doktrina ay maituturing na paggambala at panggugulo. Sa buhay iglesia, dapat limitahan ang mga gayong indibidwal, at ang ganitong pag-uugali ng pagsasabi ng mga salita at doktrina ay dapat ding pigilan, at hindi pahintulutang magpatuloy nang walang nagsusuri. Maaaring sinasabi ng ilan, “Ang gayong mga tao ay dapat limitahan; kung gayon, dapat pa ba silang bigyan ng pagkakataong magsalita?” Pagdating sa pagiging patas, puwede silang bigyan ng pagkakataong magsalita, pero sa oras na bumalik sila sa dati nilang gawi ng pagpapakitang-gilas, at malapit na namang lumitaw ang kanilang ambisyon, dapat agad silang pigilan para maging malinaw at kalmado ang isipan nila. Ano ang dapat gawin kung madalas silang nagpapakitag-gilas sa ganitong paraan, at madalas pa ring nabubunyag ang kanilang ambisyon, at mahirap pigilan ang kanilang mga pagnanais? Dapat silang lubusang limitahan at pigilang magsalita. Kung walang may gustong makinig sa kanila kapag nagsasalita sila, at ang kanilang tono at kilos, at ang hitsura sa kanilang mga mata, at ang mga galaw nila ay kasuklam-suklam na marinig at makita lahat, kung gayon, malubhang uri ng problema ito. Umaabot ito sa puntong tutol ang lahat. Hindi ba’t dapat umalis sa entablado ang gayong mga tao na gumagampan sa papel ng isang hambingan sa iglesia? Panahon na para umalis ang kanilang papel na ginagampanan. Hindi ba’t ibig sabihin niyon ay natapos na nila ang kanilang pagseserbisyo? Ano ang dapat gawin kapag naibigay na nila ang huling bahagi ng kanilang serbisyo? Dapat silang alisin. Sa sandaling magsimula silang magsalita, parehong lumang bagay lang ang sinasabi nila, na hindi mapigilan ng paglilimita. Pagod na ang lahat na makinig dito. Nagiging malinaw ang kanilang kahindik-hindik na mukha, ang mukha ni Satanas, ng isang diyablo. Anong uri ng mga tao ang mga ito? Sila ay mga anticristo. Kung paaalisin sila nang napakaaga, magkikimkim ang karamihan sa mga tao ng mga kuru-kuro at hindi sila makukumbinsi sa puso nila, at sasabihin nila, “Walang pagmamahal ang sambahayan ng Diyos, pinapaalis ang isang tao nang hindi siya isinasailalim sa isang panahon ng obserbasyon, nang hindi siya binibigyan ng anumang pagkakataon na magsisi. Nagsabi lang siya ng ilang salita ng mga tagalabas, nagbunyag ng kaunting tiwaling disposisyon, at medyo mayabang siya, pero hindi naman masama ang mga layunin niya. Hindi patas na tratuhin siya nang ganito.” Gayumpaman, kapag ang karamihan ay nakakakilatis at malinaw na nakakaunawa sa diwa ng masasamang tao, nararapat bang na pahintulutan ang gayong masasamang tao na magpatuloy sa kanilang walang ingat na maling gawain, mga paggambala, at panggugulo sa iglesia? (Hindi.) Hindi ito patas sa lahat ng kapatid. Sa gayong mga kaso, ang pagpapaalis sa kanila ay lumulutas sa isyu. Sa sandaling naibigay na nila ang kanilang huling serbisyo at nakikilatis sila ng nakararami, hindi magkakaroon ng mga pagtutol ang karamihan sa mga tao kapag pinapaalis mo sila—hindi sila magrereklamo o hindi sila magkakamali ng pag-unawa sa Diyos. Kung may mga tao pa rin na nagtatanggol sa kanila, maaari mong sabihin: “Marami ginawang kasamaan sa iglesia ang taong iyon. Inilarawan siya bilang isang anticristo at pinaalis. Pero masyado ka pa ring nakikisimpatiya sa kanya; iniisip mo pa rin ang kabutihang ipinakita niya sa iyo, at ipinagtatanggol mo siya. Masyado kang nagiging sentimental, at ganap na wala kang mga prinsipyo. Ano ang mga kahihinatnan nito? Kaunting tulong mula sa kanya, at hindi mo na ito makalimutan; anuman ang sabihin niya, taimtim mo itong sinusunod, palaging nagnanais na suklian siya. Pinaalis na siya ngayon. Gusto mo bang samahan siya? Kung gusto mo ring mapaalis, sige hayaan mo.” Angkop na paraan ba ito ng pangangasiwa sa sitwasyon? Sa puntong ito, oo. Kung tuloy-tuloy na nagsasalita ng mga salita at doktrina ang gayong mga tao para ilihis ang iba, lubhang ginugulo ang iba na ayaw nang dumalo ng mga ito sa mga pagtitipon, hindi ba’t ito ay dahil manhid at mapurol ang isip, walang pagkilatis at hindi kayang maagap na mangasiwa sa mga taong ito ang mga lider at manggagawa? Isa itong kawalan ng kakayahang gawin ang kanilang gawain, isang pagkabigo sa pagtupad sa kanilang mga responsabilidad.

Sa ngayon, karamihan sa mga tao ay may kaunti nang pagkilatis sa mga anticristong iyon na nagsasalita ng mga salita at doktrina. Maliban na lang kung mananatili silang tahimik, sa sandaling ipakita nila ang tunay nilang kulay, gumagampan nang sapat na partikular sa iba’t ibang paraan, at sapat na rin ang kanilang mga ipinapamalas para matukoy sila ng mga tao bilang mga anticristp, kung gayon, hindi na dapat magkaroon pa ng mga pagkaantala o pag-aalinlangan. Dapat silang limitahan at ibukod kaagad. Kung wala nang halaga ang kanilang serbisyo, dapat na silang paalisin agad. Madaling kilatisin ang gayong mga mapagpaimbabaw na anticristo, na nagsasalita ng mga salita at doktrina, dahil malinaw naman na mga anticristo ang gayong mga tao. Sadyang palaging gusto ng ganitong klase ng anticristo na ilihis ang mga tao sa pamamagitan ng paggamit sa oportunidad na makapagsalita ng mga salita at doktrina, para makamit ang kanilang layon na humawak ng kapangyarihan. Ito ay isang paraan kung paano nagpapamalas ang mga anticristo, at madali itong makilatis. Sapat nang natalakay ang paksang ito noon, kaya hindi na ito idedetalye pa rito. Sa kabuuan, dapat bantayang mabuti ng mga lider at manggagawa ang gayong mga tao, agaran at tumpak na inuunawa at inaarok ang kanilang mga galaw, kaisipan, at pananaw, pati na ang kanilang mga plano at kilos, at ang maling pahayag na ikinakalat nila, at agarang asikasuhin ang mga ito nang naaayon. Ito ay isang responsabilidad ng mga lider at manggagawa. Kaya, kahit papaano, dapat maging espirituwal na matalas at metikuloso sa pag-iisip ang mga lider at manggagawa sa gampaning ito, hindi manhid o mapurol ang isip. Kung inililihis ng isang anticristo ang maraming tao sa pamamagitan ng pagsasalita ng mga salita at doktrina sa panahon ng mga pagtitipon, at hindi pa rin ito nakikilala ng mga lider ng iglesia bilang isang anticristo at hindi nila mailantad o mapangasiwaan kaagad ang anticristong ito, isa itong pagkabigo na matupad ang kanilang mga responsabilidad. Kung marami nang tao ang nalihis ng mga anticristo, at hindi na nila nakikitang makabuluhan ang mga pagtitipon kapag hindi nila naririnig ang mga anticristo na nagsasalita ng mga salita at doktrina roon, at kaya ayaw nilang dumalo sa mga pagtitipon, o ayaw pa ngang kumain at uminom ng mga salita ng Diyos at makinig sa mga sermon, mas gusto pang makinig sa pangangaral ng mga anticristo—kung magpagtatanto lang sana ng mga lider ng iglesia ang kalubhaan ng sitwasyon at magsisimulang gumawa ng aksiyon at baguhin ang mga bagay-bagay kapag ganito na katinding nalihis at nakontrol ng mga anticristo ang mga tao—magdudulot ito ng napakaraming pagkaantala! Maraming maaapektuhan na buhay pagpasok ng mga hinirang ng Diyos dahil sa pagiging manhid at malabo ng gayong mga huwad na lider. Kapag ang mga anticristo ay nahimay, nakilatis, at napaalis, maaaring ang ilang tao ay malilihis at susunod sa kanila. Maaaring sasabihin pa nga ng ilan, “Kung paaalisin mo sila, hindi na kami mananampalataya sa Diyos. Kung itutulak mo silang umalis, aalis kaming lahat!” Sa puntong ito, nagiging ganap na malinaw na walang ginagawang anumang aktuwal na gawain ang mga lider ng iglesia, na isang matinding pagkabigo na matupad ang kanilang mga responsabilidad.

Sa buhay-iglesia, ang unang dapat gawin ng mga lider at manggagawa ay ang arukin ang kalagayan ng iba’t ibang indibidwal. Dapat maingat nilang obserbahan at unawain kung anong landas ang tinatahak ng bawat miyembro ng iglesia at ano ang kanilang disposisyong diwa sa pamamagitan ng pakikisalamuha, at agaran at tumpak na tuklasin at tukuyin kung sino ang tumatahak sa landas ng isang anticristo at kung sino ang nagtataglay ng diwa ng isang anticristo. Pagkatapos, dapat nilang tutukan ang mga indibidwal na ito, bantayan silang mabuti, at agarang unawain at arukin ang mga pananaw at pahayag na ikinakalat nila, ang kung anong mga aksiyon ang kasalukuyan nilang inihahandang isagawa. Kapag gusto nilang ilihis ang mga tao at siluin at kontrolin ang mga ito, dapat mabilis na kumilos ang mga lider at manggagawa para pigilan sila, sa halip na pasibong maghintay. Kung maghihintay ka hanggang sa ibunyag sila ng Diyos, o hanggang sa malihis at magkaroon ng pagkaunawa at pagkilatis sa kanila ang mga kapatid bago mo ilalantad ang mga anticristo, maaantala na nito ang mga bagay-bagay. Kaya naman, sa pagbabantay laban sa mga anticristo, dapat magkusa ang mga lider at manggagawa na maunang kumilos at maghanda nang maaga. Ang unang hakbang ay ang itaguyod at linangin mga taong medyo matuwid at kayang hangarin ang katotohanan; ibig sabihin, diligan nang maayos at tustusan ang mga may tungkulin ng pamumuno sa iba’t ibang aytem ng gawain, at linangin sila na maging mga sandigan sa iglesia. Sa ganitong paraan lamang makakapagpatuloy nang maayos at walang sagabal ang iba’t ibang aytem ng gawain ng iglesia, at makakapagtuloy sa paglaganap ang gawain ng ebanghelyo. Anuman ito, kung walang mabuting lider ang anumang gawain, nagiging napakahirap na maisakatuparan ito. Ang pangunahing pagpapamalas ng pagsuway ng mga anticristo laban sa Diyos ay ang paglihis sa mga hinirang ng Diyos para sumunod sa kanila, nang sa gayon ay magambala at magulo ang bawat aytem ng gawain sa sambahayan ng Diyos. Sa isang iglesia, ang unang bagay na nilalayong gawin ng mga anticristo ay ang pinsalain iyong mga may pagpapahalaga sa katarungan at iyong mga may ginagampanang papel ng pamumuno sa iba’t ibang aytem ng gawain. Inaakit nila ang mga taong kaya nilang ilihis at kontrolin na pumanig sa kanila, at idinidiin, binibitag, at ibinababa iyong mga hindi nila kayang ilihis o kontrolin, at suli ay pinapaalis ang mga ito. Ito ang naglalatag ng daan para sa makontrol ng mga anticristo ang iglesia. Ibinababa muna nila ang ilang pangunahing indibidwal na may kakayahang maghangad sa katotohanan; ang karamihan sa mga natitira ay iyong mga sumasabay lang sa agos. Pagkatapos niyon, nagiging mas madali para sa kanila na partikular na harapin ang mga lider at manggagawa. Kapag wala ang kooperasyon at tulong ng mga naghahangad sa katotohanan, sa kaibuturan ay lumalaban nang mag-isa ang mga lider at manggagawa nang walang tulong. Ikaw ay nasa liwanag, habang ang mga anticristo ay nagkukubli sa kadiliman, handang umatake nang palihim, magdiin, bumitag, at manira sa iyo anumang sandali, pinababagsak ka sa lupa para hindi ka makabangon. Pagkatapos, naghahanap ang mga anticristo ng mga taong sisipa sa iyo habang nasa ibaba ka, iniiwan kang ganap na nasisiraan ng loob at nawawalan ng pag-asa. Kaya naman, napakahirap na lubusang lutasin ang isyu ng mga anticristo kung iyong mga naghahagad sa katotohanan ay hindi nakikipagsanib-puwersa laban sa kanila.. Sa buhay-iglesia, ang unang dapat gawin ng mga lider at manggagawa ay ang panatilihin ang normal na kaayusan sa iglesia. Dahil may mga ganitong masasamang tao na tumatahak sa landas ng mga anticristo, hindi magkakaroon ng mabubuting resulta sa buhay-iglesia, hindi magiging madaling makarating sa tamang landas, at karamihan sa mga tao ay madalas na magiging gulong-gulo at apektado. Kaya naman, ang pagtuklas, pag-unawa, pag-arok, at pagtukoy sa masasamang tao, mga anticristo, at iyong mga tumatahak sa landas ng mga anticristo ay ang una at pinakamahalagang gampanin na isasagawa ng mga lider at manggagawa patungkol sa buhay-iglesia. Sa pamamagitan lamang nag paglilimita o pagpapaalis sa mga taong ito mapapanatili ang normal na kaayusan ng buhay-iglesia. Kung hindi sila lilimitahan at pahihintulutan lang na kumilos nang may sadyang kawalang-ingat at magdudulot ng mga kaguluhan, mahihinto ang iba’t ibang aytem ng gawain ng iglesia. Dahil karamihan sa mga tao ay walang pagkilatis sa kanila at hindi nila malinaw na maunawaan ang kanilang diwa, at nagugulo at nalilihis pa nga ng kanilang iba’t ibang nakalilinlang na kaisipan at pananaw, mahirap para sa mga hinirang ng Diyos na makatahak sa tamang landas at makapasok sa katotohanang realidad sa buhay-iglesia. Kung sa panahong ito ay napakanormal ng buhay-iglesia, ang mga hinirang ng Diyos ay nakikinabang at lumalago sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos at nagbabahaginan sa katotohanan, at sa wakas ay mayroon silang kaunting buhay pagpasok at katotohanang realidad, pero pagkatapos, nililihis at ginugulo sila ng mga anticristong nagsasalita ng mga salita at doktrina, kung gayon, hindi lang sila nawawalan ng kaunting tunay na pagkaarok at pagkaunawa na bago lang nila nakamit, kundi nakakatanggap din sila ng maraming paimbabaw na maling pananampalataya at maling paniniwala—agad silang naguguluhang muli, gaya ng mga tagasagawan na inaanod pabalik ng agos sa sandaling huminto sila sa pagsagwan, na isang napakalaking problema. Hindi madali para sa mga tao na maisakatuparan ang paglago sa buhay; maaaring abutin ng maraming taon bago makakita ng kaunting pag-usad, at napakabagal pa nito. Mahirap para sa mga tao na makuha ang kahit kaunting tayog na mayroon sila—hindi ito madaling makamit. Sa pamamagitan ng panlilihis at panggugulo ng mga anticristo, nawala ang kaunting tunay na pagkaarok ng mga tao. Ang mas malubha pa, pagkatapos ng panggugulo ni Satanas at ng mga anticristo, napupuno ang mga tao ng maraming pilosopiya ni Satanas, mga pakana at pandaraya ni Satanas, at ng lason na itinanim sa kanila ni Satanas. Dahil sa mga bagay na ito, hindi lamang nabibigo ang mga tao na makilala ang Diyos at magpasakop sa Kanya, kundi sa kabaligtaran, nagkakaroon din ng mga kuru-kuro at maling pagkaunawa ang mga tao tungkol sa Diyos, at lumalayo sila sa Kanya, na lalong nagpapatindi sa mga tiwaling disposisyon ng mga tao, higit na inuudyukan ang kanilang pagkakanulo sa Diyos. Napakabigat ng mga kahihinatnan nito. Sabihin mo sa Akin, sa harap ng gayong malulubhang kahihinatnan, kinakailangan bang pigilan at limitahan iyong mga nanlilihis sa mga tao gamit ang mga salita at doktrina? Hindi ba’t isa itong mahalagang gampanin na dapat isagawa ng mga lider ng iglesia? (Oo.) Samakatwid, ang paglimita sa masasamang tao at mga hindi mananampalataya ay isang mahalagang gampanin para sa iglesia. Sinasabi ng ilang tao, “Wala akong pagkilatis. Hindi ko alam kung paano ito gagawin.” Sa katunayan, hangga’t mayroon kang kagustuhan, maingat kang nag-oobserba, at palagi mong sinusuri ang mga layunin at motibo ng mga tao, unti-unti kang magkakaroon ng pagkilatis. Ang mga hindi mananampalataya at masasamang taong ito, sa sandaling ipakita nila ang kanilang sarili, itinutuon ang lahat ng kanilang sariling layunin at motibo sa paghihimok sa mga tao na tingalain at idolohin sila, at pakinanggan ang kanilang sinasabi. Kapag nahihiwatigan mo ang kanilang mga layunin at motibo, ito ay pagkakaroon na ng kaunting pagkilatis. Kung hindi ka pa sigurado, maaari kang makipagbahaginan tungkol sa usaping ito sa ilang tao na nakakaunawa sa katotohanan. Sa oras ng pagbabahaginan, sa isang banda, maaari kang gumawa ng kapasyahan sa pamamagitan ng katotohanang nauunawaan ng lahat at ng iba’t ibang makatotohanang ebidensyang naarok. Sa kabilang banda, sa pamamagitan ng kaliwanagan at patnubay ng Diyos, at sa liwanag na ibinibigay ng Diyos habang nagbabahaginan, maaari mong makumpirma ang tungkol sa usaping ito, makumpirma kung ang tinutukoy na tao ay isa nga bang anticristo at kung ito nga ba ay isang taong dapat limitahan. Sa pamamagitan ng pagbabahaginan, kung nakukumpira ng lahat at nagkakaisa silang sumasang-ayon, sinasabi na ang taong ito ay isa ngang anticristo na dapat limitahan—pagkatapos umabot sa isang pinagkasunduan kasama ang mga kapatid at nagkakaroon ang lahat ng parehong perspektiba—ang susunod na hakbang para sa mga lider at manggagawa ay ang agad na pangasiwaan at paalisin ang taong ito ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Ito ang prinsipyo. Sa sandaling maunawaan ng mga tao ang prinsipyong ito, dapat silang gumawa ng aktuwal na gawain, na nangangahulugang pagtupad sa kanilang responsabilidad at pagiging tapat. Ang pag-unawa sa mga prinsipyo ay hindi para lang ipangaral o isaulo ang mga ito, kundi para gamitin ang mga ito sa aktuwal na gawain ng iyong tungkulin. Sa aktuwal na gawain, ang pag-unawa sa mga prinsipyo ay nagbibigay-daan sa iyo na mas mahusay at lubusang matupad ang iyong mga responsabilidad at obligasyon. Kaya naman, ito rin ay parte ng gawain ng mga lider at manggagawa. Upang mapanatili ang normal na kaayusan ng buhay-iglesia at mapahintulutan ang mga kapatid na mamuhay ng buhay-iglesia nang normal at makapasok sa lahat ng katotohanang hinihingi ng Diyos, kapag lumitaw ang mga anticristong nagsasalita ng mga salita at doktrina, ang mga lider at manggagawa ang dapat unang tumindig para pigilan at limitahan sila. Para sa mga anticristong nagsasalita ng mga salita at doktrina, hindi ito tungkol sa paglilimita sa kanila dahil lang sa nagsabi sila ng ilang maling bagay. Kung ang matagalang obserbasyon o ang puna ng nakararami at ang kanilang mga partikular na pagpapamalas ay sapat para matukoy na sila nga ay isang klase ng anticristo, kung gayon, dapat na kumilos ang mga lider at manggagawa para pigilan at limitahan sila, at hindi sila dapat pahintulutang magpatuloy nang hindi sinusuri. Ang pagkunsinti sa kanila ay katumbas ng pagpapahintulot sa mga diyablo, mga Satanas, mga maruming demonyo, at masasamang espiritu na maghasik ng kaguluhan sa iglesia, na nangangahulugang ang gayong mga lider at manggagawa ay nagpapabaya sa kanilang mga responsabilibdad, sa kaibuturan, gumagawa para kay Satanas. Natapos na ngayon ang pagbabahaginan tungkol sa pangalawang klase ng isyu tungkol sa mga paggambala at panggugulo sa buhay-iglesia.

Pagdadaldal Tungkol sa mga Usaping Pampamilya, Pagtatatag ng mga Personal na Ugnayan, at Pag-aasikaso sa mga Personal na Usapin

Sunod, magbahaginan naman tayo sa ikatlong isyu: pagdadaldal tungkol sa mga usaping pampamilya, pagtatatag ng mga personal na ugnayan, at pag-aasikaso sa mga personal na gawain. Ang mga problemang ito na nakapaloob sa ikatlong usaping ito, na ating tatalakayin sa ating pagbabahaginan, ay malinaw na hindi dapat mangyari sa buhay-iglesia. Kapag namumuhay ng buhay-iglesia, pumaparito ang mga tao para kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, magbahagi ng mga salita ng Diyos, magbahagi sa katotohanan, at magbahagi ng kanilang mga patotoong batay sa karanasan, habang hinahangad din ang mga layunin ng Diyos at ang pagkaunawa sa katotohanan. Kaya, dapat bang pigilan at limitahan ang mga problema gaya ng pagdadaldal tungkol sa mga usaping pampamilya, pagtatatag ng mga personal na ugnayan, at pag-aasikaso sa mga personal na gawain sa buhay-iglesia? (Oo.) Sinasabi ng ilang tao, “Hindi ba’t ayos lang naman na batiin ang isa’t isa? Kung may dalawang taong malapit na sa isa’t isa at dati nang magkakilala, at nagkita sila sa panahon ng buhay-iglesia at nagkuwentuhan nang kaunti, iyon ba ay pagdadaldal tungkol sa mga usaping pampamilya? Dapat din ba itong limitahan?” Ito ba ang mga uri ng problemang tinutukoy ng ikatlong isyu? (Hindi.) Malinaw na hindi. Kung pati ang simple at magalang na pagbati ay lilimitahan, matatakot na ang mga tao na magsalita kapag nagkita sila sa hinaharap. Ang ikatlong isyu—pagdadaldal tungkol sa mga usaping pampamilya, pagtatatag ng mga personal na ugnayan, at pag-aasikaso sa mga personal na gawain—ay maaaring binubuo lang ng tatlong terminong ito, pero ang mga problemang kinakatawan ng mga terminong ito ay hindi mga simple at magalang na pagbati o pag-uusap. Ang mga ito ay masasamang kilos na maaaring gumambala, gumulo, at sumira sa buhay-iglesia. Dahil bumubuo ng mga pagkagambala at kaguluhan ang mga ito, karapat-dapat pagbahaginan ang mga ito. Ano ang dapat pagbahaginan? Kung aling mga problema, kung aling mga salita ang sinasalita ng mga tao, kung aling mga bagay ang ginagawa nila, at kung aling pananalita, pag-uugali, at pagkilos ng mga tao ang maaaring umabot sa antas ng paggambala at panggugulo sa gawain ng iglesia. Talakayin natin ang ilang partikular na halimbawa para makita natin kung malubha ba ang mga problemang ito, kung nagdudulot ang mga ito ng mga pagkagambala at kaguluhan, at kung dapat pigilan at limitahan ang mga ito.

Sa buhay iglesia, may ilang tao na mahilig magkuwento tungkol sa mga walang kabuluhang usaping pampamilya at ng sarili nilang mga kuru-kuro at ideya, na para bang ito ang mga pangunahing paksa ng talakayan. Sinasabi niya: “Napakadilim ng lipunan ngayon; sobrang nakakapagod makisalamuha at mamuhay kasama ng mga walang pananampalataya. Kayang gawin ng mga walang pananampalataya ang kahit ano; talagang hindi na ito kayang tiisin!” May ilang kapatid naman na nagsasabi: “Nananampalataya tayo sa Diyos; anuman ang sitwasyong kinakaharap natin, dapat magawa nating kumilatis, at hanapin ang katotohanan at mga landas ng pagsasagawa. Kung mamumuhay ka nang ganito, hindi ka makakaramdam ng matinding pagod.” Pero sinasabi niya, “Ang salita ng Diyos ang katotohanan, pero hindi ito lunas sa lahat ng bagay. Nag-alala ako noon na baka may ibang babae ang mister ko, at totoo nga ito—nakahanap siya ng mas bata at mas maganda kaysa sa akin. Paano na ako ngayon mabubuhay?” Habang nagsasalita nang ganito, nagsisimula siyang umiyak nang malungkot. Dahil sa pagsasalita niya sa ganitong paraan, nagiging malungkot din ang ilan sa iba. Ang ilan, na nakaranas ng parehong sitwasyon sa kanya, ay agad na nakapalagayang-loob niya at nagsisimula silang makuwentuhan doon mismo. Sa loob ng dalawang oras na pagtitipon, masusi niyang tinatalakay kung paanong siya at ang mister niya ay nagtalo pagkapos nitong magloko, kung paanong sinubukan niyang mag-isip ng mga paraan kung paano ilipat ang kanilang ari-arian, kung paanong kumonsulta siya sa isang abogado para maiwasan ang mga kawalan pagkatapos ng diborsiyo, at marami pang iba. Dapat bang talakayin sa buhay-iglesia ang ganitong uri ng paksa? (Hindi.) Kung hindi pa naayos ang mga problema sa iyong pamilya at abala ka sa mga ito kaya hindi ka na nakakadalo sa mga pagtitipon, mas mabuting huwag ka na lang dumalo. Ang lugar ng pagtitipon ng iglesia ay hindi isang lugar para maglabas ng iyong mga personal na hinaing, o para makipagdaldalan tungkol sa mga usaping pampamilya. Kung nahaharap ka sa mga suliranin sa tahanan at ayaw mong maipit, mapigilan, o malimitahan ng mga isyung ito, at gusto mong hanapin ang katotohanan para maunawaan ang layunin ng Diyos, at gusto mong bitiwan ang lahat ng ito, kung gayon, maaari kang dagliang magbahagi ng iyong mga problema sa panahon ng pagtitipon nang sa gayon ay makapagbahagi ang mga kapatid sa katotohanan para matulungan ka. Matutulungan ka nitong mauunawaan ang layunin ng Diyos at maging malakas, hindi mapigilan ng mga isyung ito, makawala ka sa pagkanegatibo at kahinaan, at makapili sa landas na rama at pinakaangkop sa iyo. Ito ang dapat mong pagbahaginan. Gayumpaman, kung dadalhin mo sa buhay-iglesia ang mga nakakairitang walang kabuluhang bagay na ito na mula sa iyong bahay para maglabas ng sama ng loob at gawing paksa ng pangangaral, at karamihan sa mga tao, dahil ayaw nilang mapahiya, ay hindi pumipigil o sumasabad sa iyo, bagkus iniipon nila ang kanilang pasensiya at pinipilit ang kanilang sarili na makinig sa iyo na magsalita ng mga nakakairitang walang kabuluhang bagay na ito, tama ba ito? to ba ay pagpapakita ng pagmamahal? Ito ba ay pagiging matiisin at mapagpasensiya? Nagsanhi na ng mga kaguluhan sa buhay-iglesia ang pag-uugali mong ito. Sino ang nahihirapan dito? Ang mga hinirang ng Diyos. Lalo na sa kapaligiran ng mainland China, kung saan hindi madali ang pagtitipon at dapat magtago ng mga mananampalataya sa iba’t ibang lugar, at kailangan pa ngang i-iskedyul nang maaga ang mga bagay-bagay—kung may isang taong naglalabas ng lahat ng nakakairitang usaping pampamilya na ito sa lugar ng pagtitipon para marinig at pag-usapan ng lahat, tama ba ito? Karamihan sa mga tao ay dumadalo sa mga pagtitipon para maunawaan ang katotohanan at ang mga layunin ng Diyos, hindi para marinig ang mga nakakairitang walang kabuluhang bagay na ito, hindi para pakinggan ka na nagdadaldal tungkol sa mga usaping pampamilya. Sinasabi ng ilang tao, “Wala akong ibang tao na malapit sa akin, kaya ano ang masama kung ikukuwento ko ang mga ito sa mga kapatid?” Maaari mo namang ikuwento ang mga ito, pero mahalaga ang tamang oras. Sa labas ng oras ng pagtitipon, basta’t handang makinig ang kabilang panig, maaari mong pag-usapan ang mga ito; malaya kang gawin iyon, at hindi ka limitahan ng sambahayan ng Diyos. Gayumpaman, ang lugar at oras na pinipili mong pag-usapan ang gayong mga usapin ay hindi tama. Ito ay sa buhay-iglesia, sa oras ng pagtitipon, at ang walang katapusang pagkukuwento mo tungkol sa mga usaping pampamilya ay palaging nakakaabala sa mga kapatid at dapat itong limitahan. Hindi ba’t isa itong panuntunan? Isa nga itong panuntunan. Ang hindi pag-unawa sa mga panuntunan ay hindi katanggap-tanggap, dahil maaari itong humantong sa hindi makatwirang pagkilos at panggugulo sa iba. Ang mga pag-uugali, pananalita, at pagkilos na nagssanhi ng mga kaguluhan ay dapat limitahan; ito ang responsabilidad ng mga lider at manggagawa, at responsabilidad din ng lahat ng kapatid. Kadalasang kaunti lang ang maibabahagi ng ilang tao sa mga pagtitipon, pero sa tuwing lumilitaw ang mga isyu sa kanilang buhay-pamilya, inilalabas nila ang mga nakakairitang walang kabuluhang bagay na ito sa iba para mapakinggan. Obligado bang makinig ang iba? Obligado ba silang husgahan kung ano ang tama at mali para sa iyo? Wala silang gayong mga obligasyon. Ang mga bagay na iyon ay mga personal mong problema, at dapat mong pangasiwaan ang mga ito nang mag-isa; hindi mo dapat ikuwento ang iyong mga personal na problema sa oras ng pagtitipon. Labag ito sa mga panuntunan at hindi ito makatwiran, at dapat limitahan ang gayong pag-uugali.

Ang mga anak ng ilang tao ay pumapasok sa unibersidad, at nagsisimula silang mag-alala tungkol sa kinabukasan ng kanilang mga anak, naghahanap sila ng mga koneksiyon para sa mga ito, palaging nag-iisip-isip, “Walang sinumang opisyal ng gobyerno sa pamilya namin; anong uri ng trabaho ang mahahanap ng anak ko kapag nagtapos na siya sa unibersidad? Paano ang kinabukasan niya? Makakaya ba niya akong suportaha sa pagtanda ko? Kailangan kong humanap ng paraan para masiguro na mayroon siyang magandang trabaho pagkatapos ng graduation.” Kapag dumadalo sa mga pagtitipon, sinasabi nila, “Napakamasunurin ng anak ko. Bukod sa sinusuportahan niya ang pananalig ko sa Diyos, gusto rin niyang manampalataya pagkatapos niya sa unibersidad. Gayumpaman, may isang problema, kahit nananampalataya kami sa Diyos, kailangan pa rin naming maghanap-buhay, hindi ba? Hindi ko alam kung anong klase ng trabaho ang mahahanap niya pagkatapos ng graduation. Ano bang mga trabaho ngayon ang mataas ang sahod? Sister, nabalitaan ko na manager ang mister mo. Maaari kaya siyang makatulong? May pinag-aralan ang anak ko, marami na siyang karanasan, mas mahusay ang kakayahan niya kaysa sa akin, at magaling siyang gumagamit ng mga kompyuter; sa kaya niyang gumawa ng mga tungkulin sa sambahayan ng Diyos sa hinaharap. Pero sa ngayon, kailangan munang malutas ang problema sa paghahanap ng trabaho; magiging mahirap para sa kanya kung hindi siya makahanap ng trabaho.” Sa tuwing dumadalo sila sa pagtitipon, binabanggit nila ang mga usaping ito, at hindi na natatapos ang usapan. Pinagmamasdan nila kung sino ang maaaring nakikisimpatiya sa kanila, at pagkatapos, bumubuo sila ng koneksiyon sa mga taong iyon. Sa mga pagtitipon, sinusubukan nilang makipaglapit sa mga taong ito, pinagbibigyan ang hilig ng mga ito, at nagbibigay pa nga ng mga regalo, nagdadala ng masasarap na pagkain o bumibili ng maliliit na bagay para sa mga taong ito minsan. Hindi ba’t ito ay pagbuo ng mga personal na koneksiyon at at paglalatag ng pundasyon? Ano ang layon ng paglalatag ng pundasyon? Ito ay para gamitin ang iba upang mapangasiwaan ang sariling mga personal na problema, para makamit ang sariling mga layon. Sa mga pagtitipon, hindi sila handang makinig sa mga kapatid na nagbabahagi ng mga patotoong batay sa karanasan, hindi nila pinapansin ang anumang gawain na isinasaayos ng sambahayan ng Diyos para sa kanila, at hindi sila handang makinig sa mga kapatid na nagtatangkang tumulong at magpayo sa kanila tungkol sa kanilang kalagayan. Partikular lang silang masigasig tungkol sa paghahanap ng trabaho ng kanilang anak, walang katapusan nila itong pinag-uusapan. Hindi lang nila ito sinasabi sa kung sino-sinong nakakasalamuha nila, kundi pati na sa oras ng mga pagtitipon. Sa madaling salita, masyado silang nakatuon sa usaping ito at pinagsisikapan ito nang husto. Sa bawat pagtitipon, kailangan nilang kumuha ng kaunting oras mula sa mga kapatid para pag-usapan ang bagay na ito. Kahit sa pagbabahagi ng sarili nilang mga karanasan, hindi nila nakakalimutang banggitin ito, nagsasalita hanggang sa mawalan ng pasensiya at mayamot ang lahat, kasama ang karamihan sa mga tao na masyadong nahihiyang pigilan sila. Sa puntong ito, dapat tuparin ng mga lider at manggagawa ang kanilang responsabilidad at limitahan ang mga taong ito, sinasabing, “Alam na ng lahat ang sitwasyon mo. Kung may sinumang kapatid na handang tumulong, personal na ugnayan ninyo iyon. Kung ayaw tumulong ng iba, hindi mo sila dapat pilitin. Ang pagtulong sa anak mo na makahanap ng trabaho ay hindi obligasyon o responsabilidad ng mga kapatid; personal mong problema ito at hindi nito dapat gamitin ang mahalagang oras ng mga kapatid sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos at sa pagbabahaginan ng katotohanan. Huwag mong pakialaman ang pagkain at pag-inom ng iba ng mga salita ng Diyos sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga personal mong problema. Pagkatapos ng pagtitipon, puwede kang makipag-usap at humingi ng tulong sa kahit sino mo gusto, pero huwag mong gamitin ang oras ng pagtitipon para pag-usapan ito. Ang paggamit sa oras ng pagtitipon para sa pag-asikaso ng mga personal na problema ay hindi makatwiran at kahiya-hiya; isa itong pagpapamalas ng panggugulo sa buhay-iglesia. Dapat matigil na ang usaping ito dito.” Ito ang dapat gawin ng mga lider at manggagawa.

Sa mga pagtitipon, may ilang matatandang babae na nakakapansing magaganda, matatapat, at mga totoong nananampalataya sa Diyos at naghahangad sa katotohanan ang mga nakababatang sister sa mga pamilyang nagpapatira sa kanilang bahay, kaya, nagugustuhan nila ang mga ito at nais nilang maging manugang ang mga dalagang ito. Bukod sa palagi nila itong binabanggit sa mga pagtitipon, binibigyan din nila ng mga munting pabor at espesyal na atensyon ang mga nakababatang sister sa tuwing pumupunta sila sa mga pagtitipon. Kahit hindi sumasang-ayon ang mga nakababatang sister, patuloy silang nangungulit at nanggugulo, hindi tinatantanan ang mga ito. Anong klaseng mga tao sila? Hindi ba’t mababa ang karakter nila? Dahil lahat sila ay sister sa pananalig, karamihan ay nagagawa lang ng karamihan na magbahagi sa mga layunin at salita ng Diyos para lutasin ang mga isyung ito. Gayumpaman, ang ilang tao ay walang konsensiya, katwiran, at kamalayan sa sarili, mayroon silang mga napakalaking pansariling pagnanais, at gusto nilang maisakatuparan ang anumang makasariling pagnanais na mayroon sila nang walang anumang pakiramdam ng kahihiyan. Kaya, nagiging biktima ang ilang tao at hindi sila komportable sa mga pagtitipon. Hindi ba’t nagsasanhi ito ng mga panggugulo sa iba? Ano ang dapat gawin sa gayong mga sitwasyon? Dapat kumilos ang mga lider ng iglesia para limitahan at alisin ang ganitong uri ng mga usapin sa buhay-iglesia at sa mga kapatid. Dagdag pa rito, iba’t ibang lagay ng loob ang dala-dala ng mga tao sa mga pagtitipon—hindi nagiging mabuting anak ang kanilang mga anak, ang kanilang manugang na babae ay palaging nagdadala ng mga bagay sa bahay ng mga magulang nito, mga alitan sa pagitan ng biyenan at manugang… Ikinukuwento nila ang mga nakakairitang walang kabuluhang bagay na ito sa bawat pagtitipon, pinapangunahan ang mga reklamo nila ng: “Totoo ang lahat ng sinasabi ng Diyos; napakatiwali na ng sangkatauhan ngayon! Tingnan mo na lang ang anak at manugang ko, walang konsensiya, walang katwiran—ito ang sinasabi ng Diyos na kawalan ng pagkatao, mas masahol pa sila kaysa sa mga hayop. Kahit ang mga tupa ay marunong lumuhod kapag sumususo, pero ang anak ko, nakakalimutan niya ang kanyang ina sa sandaling may asawa na siya!” Sa tuwing dumadalo sila sa mga pagtitipon, ipinapahayag nila ang mga reklamong ito. Mayroon ding mga tao na, kapag dumalo sa pagtitipon, ay nagkukuwento tungkol sa mga usapin sa kanilang kompanya—kung sino ang may mataas na performance at nakakakuha ng mas maraming bonus; kung sino ang itataas ng ranggo sa susunod na buwan, habang sila ay walang pag-asa; kung sino ang pinakamagaling manamit at bumibili ng mga pinaka-branded na gamit; kung sino ang nakapag-asawa ng mayaman… Para sa mga mas matagal nang nananampalataya sa Diyos at may kaunting pundasyon, hindi nila nais na makarinig ng gayong usapan at nasusuklam sila rito. Gayumpaman, nakakawili ang gayong mga paksa para sa ilang bagong mananampalataya na hindi pa nakapagtatag ng pundasyon o wala pang interes sa mga salita ng Diyos, naniniwalang nakahanap sila ng isang lugar kung saan makakapagkuwentuhan at makakabuo ng mga personal na koneksiyon. Sa mga pagtitipon, nagpapalitan sila ng mga salita nang paulit-ulit, at unti-unting nagkakasang-ayunan ang dalawang tao at nakakabuo sila ng koneksiyon, kaya, nagkakaroon sila ng isang pribadong ugnayan. Ang lugar ng pagtitipon ay nagiging isang lugar para sa mga transaksiyon, isang lugar kung saan nakikibahagi ang mga tao sa mga walang saysay na kuwentuhan, bumubuo ng mga personal na koneksiyon, nakikipagnegosyo, at nakikilahok sa mga komersiyal na operasyon. Ang mga isyung ito ang dapat tukuyin at pigilan kaagad ng mga lider at manggagawa.

May ilang tao na dumadalo sa mga pagtitipon nang may layon na maghanap ng magandang trabaho para sa kanilang sarili, ang ilan ay para tulungan ang kanilang mga mister na maitaas ang ranggo, ang ilan ay para makahanap ng magandang trabaho para sa kanilang mga anak, at ang ilan ay para makabili ng mga diskuwentadong produkto. Ang iba naman ay dumadalo para makahanap ng magaling na punong manggagamot para sa maysakit sa kanilang pamilya nang hindi na kailangang magbigay ng napakaraming regalo. Sa madaling salita, itinuturing ng mga hindi mananampalatayang ito, na hindi naghahangad sa katotohanan at may mga lihim na motibo, ang oras ng mga pagtitipon sa iglesia bilang ang pinakamainam na pagkakataon para bumuo ng mga personal na koneksiyon at pangasiwaan ang mga personal na usapin. Kadalasan, sa ilalim ng pagkukunwaring pagbabahagi ng mga salita ng Diyos o pagkilala sa buktot na mundong ito at sa diwa ng tiwaling sangkatauhang ito, binabanggit nila ang kanilang sariling mga paghihirap at mga problema na nais nilang talakayin, unti-unting inilalantad sa huli ang kanilang mga nakatagong makasariling motibo at mga personal na problemang nilalayon nilang matapos. Inilalantad nila ang sarili nilang mga layunin at maling ipinapaniwala sa iba na nahaharap sila sa mga paghihirap, iminumungkahi na dapat magpakita ang lahat ng pagmamahal at tumulong sa kanila nang walang kondisyon, at walang inaasahang anumang kapalit. Nagpapanggap silang nananampalataya sa Diyos para masamantala ang iba’t ibang butas sa sistema, naghahanap sa mga lugar ng pagtitipon ng mga magiging kaibigan at iyong mga makakagawa ng mga bagay-bagay para sa kanila. May ilan na gustong bumili ng kotse sa presyong panloob, at tinitingnan nilang mabuti ang mga kapatid para malaman kung sino ang nagtatrabaho sa mga nagbebenta ng sasakyan o kung sino ang may mga koneksiyon sa may-ari ng tindahan ng sasakyan. Kapag natukoy na nila ang kanilang target, lumalapit sila, nakikipagkaibigan sa kapatid na ito, at bumubuo ng mga koneksiyon. Kung ang kapatid na iyon ay mahilig magbasa ng mga salita ng Diyos, madalas nilang binibisita ang bahay nito para magkasama silang magbasa ng mga salita ng Diyos, at nauupo sila sa tabi nito sa mga pagtitipon at nakikipagpalitan ng numero. Pagkatapos, sinimulan nila ang kanilang pag-atake, determinadong hindi sumuko hangga’t nakamit nila aang kanilang layunin. Ang lahat ng ito ay mga isyung madalas na lumilitaw sa loob ng iglesia at sa mga tao. Kung ang mga isyung ito ay lumitaw sa mga lugar ng pagtitipon at sa oras ng mga pagtitipon, magdudulot ang mga ito ng mga pagkagambala at kaguluhan sa buhay-iglesia, na nakakaapekto sa buhay-iglesia. Kung walang buhay-iglesia sa isang iglesia sa loob na mahabang panahon, nagiging isang grupong panlipunan ang iglesiang iyon, isang lugar ng pakikipagtransaksiyon, isang lugar ng pagbuo ng mga personal na koneksiyon, paghahanap ng mga pabor sa mga hindi normal na paraan, at pag-aasikaso ng mga personal na problema. Nagbabago ang kalikasan ng lugar na ito, at ano ang mga kahihinatnan nito? Sa pinakamababa, nauuwi ito sa pagkawala ng buhay-iglesia—ibig sabihin, ang pagkawala ng mahalagang oras na ginugol sa pagdarasal-pagbabasa ng mga salita ng Diyos kasama ang mga kapatid at sa pag-unawa sa katotohanan. Higit pa riyan, at ang pinakamahalaga, humahantong ito sa pagkawala ng mahalagang pagkakataon para gumawa sa ang Banal na Espiritu, para bigyang-liwanag ang mga tao na makaunawa sa katotohanan. Ang lahat ng ito ay pumipinsala sa buhay-pagpasok ng mga tao. Kaya naman, para sa ikabubuti at buhay-pagpasok ng mga hinirang ng Diyos, at upang maging responsable sa buhay ng lahat, kinakailangang pigilan at limitaha ang gayong mga indibidwal; ito ang gawain na dapat gawin ng mga lider at manggagawa. Siyempre, kung nakikilatis ng mga ordinaryong kapatid ang mga taong ito at ang kanilang mga kilos, dapat din silang tumindig para tumanggi at magsabi ng “hindi” sa mga ito. Lalo na habang namumuhay ng buhay-iglesia, na siyang pinakamahalagang oras para sa mga tao, kung may isang tao na gumagamit sa oras ng pagtitipon para pag-usapan at asikasuhin ang mga usaping ito, may karapatan ang mga kapatid na huwag siyang pansinin, at higit pa riyan, may karapatan na pigilan at tanggihan ang gayong mga bagay. Tama bang gawin ito? (Oo.) Iniisip ng ilang tao na ang ginagawang ito ng sambahayan ng Diyos ay nagpapakita ng kawalan ng pagmamalasakit sa tao. Normal ba na pagkatao ang pagmamalasakit sa tao? Umaayon ba sa katotohanan ang pagmamalasakit sa tao? Kung mayroon kang pagmamalasakit sa kapwa tao at ginagamit mo ang oras ng pagtitipon para sa mga personal mong usapin, at nagpapasama at nagpapasuporta pa nga sa karamihan sa mga tao, kinakamtan ang layunin mong asikasuhin ang mga personal mong usapin, at ginugulo ang normal na kaayusan ng pagbabasa ng mga hinirang ng Diyos ng Kanyang mga salita at ang pagbabahagi sa katotohanan, at nagiging dahilan para mawalan sila ng mahalagang oras na ito, patas ba ito para sa kanila? Umaayon ba ito sa pagkakaroon ng pagmamalasakit sa tao? Ito ang pinakadi-makatao at imoral na pamamaraan, at dapat tumindig ang mga tao at tuligsain ito. Kung ang mga lider at manggagawa ay mga di-epektibong sunod-sunuran lang, walang silbi, at hindi kayang pumigil at maglimita sa gayong mga pag-uugali, hindi nakikibahagi sa aktuwal na gawain, kung gayon, dapat magkaisa ang mga kapatid na may pagpapahalaga sa katarungan para pigilan ang gayong pag-uugali at ganitong atmospera sa iglesia. Kung ayaw mong mawala ang mahalagang oras sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos at pagbabahagi sa katotohanan, kung ayaw mong magulo ang iyong buhay-pagpasok at magdusa sa mga kawalan, sinisira ang pagkakataon mong maligtas, kung gayon, dapat kang tumayo para tanggihan, pigilan, at limitahan ang mga pangyayaring ito. Ang paggawa nito ay angkop at naaayon sa mga layunin ng Diyos. Ang ilan sa inyo ay nahihiyang gawin ito; maaaring nahihiya ka, pero ang mga buktot na tao ay hindi. May lakas ng loob silang kunin ang iyong mahalagang oras ng pagtitipon: ang oras kung para gumawa ang Banal na Espiritu at bigyang-liwanag ka ng Diyos. Kung sa tingin mo ay nakakahiyang tanggihan kanila, kung gayon, nararapat lang sa iyo ang kawalan sa buhay mo! Kung handa kang magpakita ng pagmamahal kay Satanas, sa mga diyablo, at sa mga hindi mananampalataya, nag-aalok ng tulong sa kanila, isinasakripisyo ang iyong sarili para sa iba at binabalewala ang mga prinsipyo, sino ang puwede mong sisihin sa kawalan sa buhay mo? Kaya, ang lahat ng pagkakataon ng pagbuo ng mga personal na koneksiyon at pag-aasikaso sa mga personal na usapin ay dapat ganap na maalis sa buhay-iglesia. Kung may isang tao na magpapatuloy sa sarili niyang kagustuhan, at nagpupumilit sa pagdadaldal tungkol sa kanyang mga usaping pampamilya, nakikibahagi sa mga walang saysay na kuwentuhan, nag-aasikaso sa mga personal na usapin, o naghahanap ng mga trabaho at romantikong kapareha para sa iba sa oras ng mga pagtitipon, sa ganitong paraan, naghahanap sila ng iba’t ibang palusot para palipasin ang oras na ito, paano dapat pangasiwaan ang gayong tao? Una, dapat siyang pigilan; kung hindi pa rin siya makikinig, dapat siyang ibukod at bigyan ng mga limitasyon. Kung patuloy pa rin siyang magdudulot ng mga kaguluhan sa likod ng mga eksena, nakikipaglapit sa kahit sinong kaya niyang lapitan at nanggugulo sa normal na buhay ng mga kapatid kahit saan, kung gayon, dapat siyang paalisin at hindi ituring bilang kapatid. Hindi siya kalipikadong mamuhay ng buhay-iglesia at hindi siya karapat-dapat na makilahok sa mga pagtitipon. Ang gayong tao ay dapat na limitahan at itakwil. Ang gawaing ito, siyempre, ay isa ring mahalagang gampanin na dapat gawin ng mga lider at manggagawa sa lahat ng antas. Kapag lumitaw ang gayong mga usapin at sitwasyon, ang mga lider at manggagawa ang dapat unang tumindig at pigilan siya. Paano mo siya dapat pigilan? Dapat mong sabihin, “Alam mo ba na nakakagambala at nakakagulo na sa buhay-iglesia ang pag-uugali mong ito? kinasusuklaman at kinapopootan ito ng lahat ng kapatid, at kinokondena rin ito ng Diyos. Dapat mong ihinto ang ganitong pag-uugali. Kung hindi ka makikinig sa panghihikayat at magpapatuloy ka sa sarili mong kagustuhan, ititigil ang iyong buhay-iglesia, kukunin ang mga aklat mo ng mga salita ng Diyos, at hindi ka na kikilalanin ng iglesia!” Siyempre, may ilang tao na, dahil sa kanilang mababang tayog at kawalan ng pag-unawa sa katotohanan, maaaring makipagkuwentuhan tungkol sa mga usaping pampamilya paminsan-minsan, bumubuo ng koneksiyon sa iba, o nag-aasikaso sa isang maliit na bagay, at hindi gaanong malubha ang sitwasyon. Ayos lang ba ito? (Oo.) Sa mga sitwasyong hindi nakakagulo sa lahat, katanggap-tanggap na magtulungan ang mga kapatid at magpakita ng kaunting pagmamahal sa isa’t isa. Pero ano ang pinagbabahaginan natin dito? Ito ay kapag nagdulot na ng mga pagkagambala at kaguluhan sa normal na buhay-iglesia ang gayong mga pag-uugali at kilos; sa mga ganitong kaso, ang mga gumagawa nito ay dapat pigilan at limitahan. Hindi natin sila dapat pahintulutang magpatuloy sa paggambala at panggugulo sa buhay-iglesia. Ang paggawa nito ay para sa ikabubuti ng espirituwal na paglago ng mga kapatid. May ilang tao na nagpapakita ng parehong pag-uugali, pero hindi naman malubha ang sitwasyon at hindi nagdudulot ng mga pagkagambala at kaguluhan; ito ay simpleng normal na pakikisalamuha sa mga kapatid, normal na pakikipagtutulungan at pagkonsulta para sa impormasyon, o pag-uusisa tungkol sa pangkaraniwang kaalaman na hindi nila nauunawaan. Hangga’t hindi nito ginagamit ang oras ng mga pagtitipon, at hangga’t parehong payag ang magkabilang panig at handang gawin ito nang hindi pinipilit ang isa’t isa, at isa itong pakikipag-ugnayan na nakapaloob sa saklaw ng normal pagkatao, kung gayon, ito ay pinahihintulutan at hindi ito lilimitahan ng iglesia. Pero may isang problema lang: Kung ang pabaya at hindi maingat na pananalita at mga kilos ng isang tao sa buhay-iglesia ay nagdudulot ng panliligalig o panggugulo sa mga kapatid, at nasusuklam ang ilang tao dahil dito at nagpahayag sila ng kanilang mga pagtutol, kung gayon, dapat sumulong ang mga lider at manggagawa para lutasin ang isyung ito. O kaya naman, kung iniulat na ng iba ang isang tao, isinasalaysay na hindi nagbabahagi ng mga salita ng Diyos ang taong ito sa mga panahon ng pagtitipon, bagkus ay nagdadaldal tungkol sa kanyang mga usaping pampamilya at bumubuo ng mga personal na koneksiyon, ginagawang lugar para sa pagbuo ng mga personal na koneksiyon at pangangasiwa ng mga personal na usapin ang lugar ng pagtitipon, humihingi ng pabor sa iba at sinasamantala ang sinumang puwede nilang samantalahin; at sinasabi na ang taong ito ay may mababang karakter, makasarili, kasuklam-suklam, at ubod ng sama, na hindi naghahangad sa katotohanan kundi naghahanap ng mga kalamangan kahit saan, naghahanap ng iba’t ibang oportunidad para sa sarili nilang pakinabang, kung gayon, dapat ibukod ang ganitong tao.

Sinasamantala ng ilang indibidwal ang ilang mayaman at maimpluwensiyang kapatid para magawa ang mga bagay-bagay para sa kanila, at kung hindi natutugunan ang kanilang mga kahilingan, madalas nilang nanghuhusga kapat nakatalikod ang mga kapatid na ito, sinasabi na walang pagmamahal at hindi tunay na mananampalataya ang mga ito, at gusto pa nga nilang iulat ang mga ito. Nakatagpo na ba kayo ng gayong mga indibidwal? Hindi ba’t dapat harapin ang gayong mga tao? Kapag nahaharap sa gayong sitwasyon, ano ang dapat gawin? Dapat kumilos ang mga lider at manggagawa para lutasin ang isyu, kumikilos nang naaayon sa mga prinsipyo, para tiyakin na hindi magugulo ang mga kapatid. Mali ba na tumanggi ang isang tao na gawin ang isang bagay para sa kanila? Ang hindi pagtulong sa kanila ay katumbas ba ng hindi pagsasagawa sa katotohanan o walang pagmamahal sa Diyos? (Hindi.) Malayang gawin ang isang tao kung nais ba niyang tulugan ang iba; may karapatan ang sinuman na pumili. Hindi itinatakda ng sambahayan Diyos na dapat tulungan ng mga kapatid ang isa’t isa sa paglutas ng mga suliraning pampamilya sa loob ng buhay-iglesia. Ang buhay-iglesia ay hindi isang lugar para sa paglutas ng mga problemang pampamilya, kundi isa itong lugar ng pagtitipon para kumain at uminom ng mga salita ng Diyos at lumago sa buhay. Ginagamit ng ilang tao ang buhay-iglesia para sa lutasin ang sarili nilang mga problema—anong mga kahihinatnan ang maaaring idulot nito? Hindi ba’t nakakaapekto ito sa pagkain at pag-inom ng mga hinirang ng Diyos ng salita ng Diyos at sa pagsangkap nila ng katotohanan sa kanilang sarili? Maaaring lutasin nang pribado ang mga personal na problema sa buhay kasama ang mga kapatid; hindi na kailangang dalhin ang mga ito sa buhay-iglesia para lutasin. Dapat malaman ng lahat kung ano ang mga kahihinatnan na lilitaw kapag nakakasagabal sa pamumuhay ng buhay-iglesia ng mga hinirang ng Diyos ang pag-aasikaso sa mga personal na usapin. Kapag natuklasan ng mga lider at manggagawa ang gayong mga bagay, dapat silang kumilos para lutasin ang mga ito. Dapat nilang protektahan ang mga nasa iglesia na kayang gumawa nang normal sa mga tungkulin, protektahan ang mga tunay na naghahangad sa katotohanan, limitahan ang masasamang tao, at pigilan ang mga ito sa pagkamit ng kanilang mga layunin. Ito ang responsabilidad ng mga lider at manggagawa. Dapat magkaroon ng mga malinaw na pagkakaiba patungkol sa kung paano tinatrato ang mga normal na kaso ng ikatlong isyu, kung anong mga pagpapamalas o pangyayari ang likas na malubha, at kung aling mga klase at mga pagpapamalas ang nagdudulot ng mga pagkagambala at kaguluhan. Kapag malinaw nang natukoy ang kalubhaan ng isang sitwasyon, dapat itong pangasiwaan ayon sa kalikasan nito. Ito ay isang bagay na dapat maunawaan ng mga lider at manggagawa, at ito rin ay isang bagay na dapat maarok ng lahat.

IV. Pagbubuo ng mga Pangkat

Ang ikaapat na pagpapamalas ng paggambala at panggugulo sa buhay-iglesia ay ang pagbubuo ng mga pangkat, na may napakalubhang kalikasan. Anong mga pag-uugali ang humahantong sa pagbubuo ng mga pangkat? Kung ang dalawang tao na nananampalataya sa Diyos ay kasingtagal nang naging mga mananampalataya, may magkaparehong edad, sitwasyong pampamilya, mga interes, mga personalidad, at iba pa, at nagkakasundo sila nang mabuti, madalas na magkakatabi sa mga pagtitipon, at malapit na magkakakilala, maituturing ba ito na pagbubuo ng mga pangkat? (Hindi.) Isa itong karaniwang penomenon ng normal na pakikipag-ugnayan ng mga tao, na hindi nagdudulot ng anumang kaguluhan sa iba; samakatwid, hindi ito itinuturing na pagbubuo ng mga pangkat. Kung gayon, ano ang tinutukoy ng pagbubuo ng mga pangkat, gaya ng nabanggit ditto? Halimbawa, sa limang kapatid na magkakasamang nagtitipon, tatlo ang mga manggawa sa lungsod at dalawa ang magsasaka sa kanayunan. Madalas na magkakasama ang tatlong manggagawa sa lungsod, pinag-uusapan kung paanong mas maganda ang buhay sa siyudad at mas masahol sa kanayunan, kung saan ang mga tao ay kulang sa edukasyon, malawak na pananaw, at magandang asal. Minamata nila ang mga tao sa kanayunan, palaging minamaliit ang dalawang indibidwal sa kanayunan, na nakakaramdam ng pagkaagrabyado pagkatapos at gustong kontrahin sila, sinasabi na ang mga tao sa siyudad ay makitid ang isip at kinakalkula ang bawat detalye, samantalang ang mga tao sa kanayunan ay mapagbigay. Sa mga pagtitipon, tila hindi sila nagkakasundo, na madalas na humahantong sadi-kinakailangang pagtatalo at debate. Nagkakasundo ba nang maayos ang limang ito? Nagkakaisa ba sila sa salita ng Diyos? Magkakaayon ba sila sa isa’t isa? (Hindi.) Kapag palaging sinasabi ng mga tao sa siyudad ang “kaming mga taga-siyudad” at palaging sinasabi ng mga tao sa kanayunan ang “kaming mga taga-kanayunan,” ano ang ginagawa nila? (Bumubuo ng mga pangkat.) Ito ang ikaapat na isyu na ating pagbabahaginan: ang pagbubuo ng mga pangkat. Ang ganitong pag-uugali ng paggugrupo-grupo ay nangangahulugang pagbubuo ng mga grupo at paksiyon. Ang pagbubuo ng iba’t ibang gang, paksiyon, at iba pang panloob na grupo batay sa rehiyon, kondisyon sa ekonomiya, at antas ng lipunan, pati magkakaibang pananaw, ay nagsasanhi ng pagbubuo ng mga pangkat. Sinuman ang namumuno sa mga pangkat na ito, sa loob ng iglesia, ang pormasyon ng iba’t ibang gang at paksiyon, at ang pormasyon ng mga hindi magkakaayon na gang, ay lahat penomenon ng pagbubuo ng mga pangkat. Sa ilang lugar, ang buong kamag-anak ay nananampalataya sa Diyos, at sa isang lugar ng pagtitipon, maliban sa dalawang tao na may magkaibang apelyido, ang natitira ay nabibilang sa kanilang sariling pamilya. Pagkatapos, bumubuo ang pamilyang ito ng isang paksiyon o gang, na ginagawang tagalabas ang dalawang tao na may magkaibang apelyido. Kung sino man sa pamilyang ito ang nahaharap sa anumang isyu o ang pinupungusan, kung may isang tao na nagpapahayag ng mga hinaing, ang iba ay sumasali para ipahayag ang parehong damdamin. Kung may sinuman na kumikilos laban sa mga prinsipyo, pinagtatakpan sila ng iba at itinatago ang kanilang mga kilos, pinagbabawalan ang sinuman na ilantad sila; kahit ang katiting na pagbanggit tungkol sa isyung ito ay hindi katanggap-tanggap, lalo na ang pagpupungos. Ano ang problema rito? Nakikilatis mo ba ito? Kapag nagtitipon ang mga miyembro ng pamilyang ito, para bang lahat sila ay umaawit sa iisang tono at nang sabay-sabay, nakikita kung ano ang mangyayari at nakikinig sa mga pahiwatig bago sila magsalita. Kung nagkakaroon ng partikular na paninindigan ang kanilang lider, ang lahat ng iba ay sumusunod, at hindi nangangahas ang iba na galitin sila o magpahayag ng mga pagtutol. Hindi ba’t ang paglitaw ng penomenong ito sa buhay-iglesia ay nagsasanhi ng mga pagkagambala at kaguluhan sa normal na kaayusan ng iglesia? Ang mga tao sa gang na ito ang nagdidikta kung aling mga sipi ng mga salita ng Diyos ang kakainin at iinumin sa mga pagtitipon, at dapat makinig ang lahat; maging ang mga lider ng iglesia ay dapat magbigay-galang sa kanila at hindi puwedeng tumutol. Idinedeklara nila kung sino ang dapat mahalal bilang mga lider at manggagawa, at dapat ituring ng mga lider ng iglesia ang kanilang opinyon bilang ang pinakamahalaga at hindi ito dapat tratuhin nang basta-basta lang. Kasabay nito, patuloy silang nagrerekluta ng mga “talento,” kinukuha ang mga handang makinig sa kanila, iyong mga puwede nilang pagkatiwalaan, at iyong may silbi sa kanila sa kanilang grupo para gamitin sa mga layunin ng grupo, patuloy na pinalalawak ang kanilang impluwensiya. Ang pangkat na ito ay naglalayong kontrolin ang buhay-iglesia; Nais kontrolin ng pinuno nila ang iglesia. Ang grupong ito ay may malaking kapangyarihan; sila ay nagkakaisa para kumilos sa loob ng iglesia. Anuman ang mangyari sa iglesia, gusto nilang makilahok. Dapat basahin ng iba ang kanilang mga ekspresyon bago magsalita o mangasiwa ng anumang bagay, kahit hanggang sa punto na dapat sumunod sa kanilang mga pagsasaayos at kahilingan ang nilalaman ng bawat pagtitipon para sa pagkain at pag-inom. Kahit na may gustong gawin ang mga lider ng iglesia, dapat munang kumonsulta ang mga ito sa kanilang mga opinyon at makinig sa kanilang mga ideya. Karamihan sa mga kapatid ay kontrolado nila, at maraming usapin ng gawain ng iglesia ang nasa ilalim din ng kanilang kontrol. Ang mga taong ito na bumubuo ng mga pangkat ay lubhang nakakagambala at nakakagulo sa buhay-iglesia at sa gawain ng iglesia. Seryoso ba ang isyu na ito? Dapat bang limitahan ang mga kilos na ito? Dapat bang pag-usapan ang mga ito? Dapat limitahan at paalisin o patalsikin ang mga pinuno ng mga pangkat na ito, habang ang mga naguguluhang indibidwal na bulag na sumusunod ay dapat munang mabigyan ng pagbabahagi at tulong. Kung sila hindi sila magsisisi o magbabago ng landas, dapat silang limitahan. Huwag silang bigyan ng anumang paggalang!

Ano ang nagsasanhi ng pagbubuo ng mga pangkat—madali bang unawain ito? Kung may isang tao na nagbanggit ng isang isyu at maraming iba pa ang sumasang-ayon sa kanyang opinyon, itinuturing ba ito na pagbubuo ng mga pangkat? (Hindi.) Kung ang ilang kapatid na medyo may mas malaking pasanin at pagpapahalaga sa katarungan ay humihikayat sa iba na samahan sila sa pagtatapos ng isang mahalagang gampanin, o kung, para sa layunin ng pagkakamit ng mga resulta sa isang pagtitipon at magawang maunawaan ang katotohanan at mga layunin ng Diyos sa isang makabuluhang paksa, pinamumunuan nila ang lahat sa pagbabahaginan, at sumusunod ang lahat sa kanilang pananaw sa pakikipagbahaginan at pagdarasal-pagbabasa ng mga salita ng Diyos, maituturing ba ito na pagbubuo ng mga pangkat? (Hindi.) Sa iglesia, sinong mga tao ang may tendensiyang bumuo ng mga pangkat? Anong uri ng pag-uugali ang nagsasanhi ng pagbubuo ng mga pangkat? (Ang ilang tao na nagtatakip at nagkukunsinti sa isa’t isa, o nakikibahagi sa inggitan at alitan, na pawang gumagambala at gumugulo sa gawain ng iglesia—ito ay pagbubuo ng mga pangkat.) Ito ay isang aspekto. Ano ang pangunahing punto rito? Ang pagtatakip para sa isa’t isa at pangungunsinti ay humahantong sa mga pagkagambala at kaguluhan; ang pagkakaalam na may isang bagay na mali at hindi umaayon sa mga katotohanang prinsipyo, pero sinasadya pa ring itago ito, gumagawa ng mga nakalilinlang na argumento, at hindi sinasabi ang katotohanan, mas pinipili pang sirain ang gawain ng iglesia at ang mga interes ng sambahayan ng Diyos para lang maprotektahan ang dangal at katayuan ng isang tao, at pinagtatakpan ang mga gumagawa ng kasamaan at nagdudulot ng mga pagkagambala at kaguluhan kapalit ng pagkakanulo sa mga interes ng sambahayan ng Diyos—ito ay pagbubuo ng mga pangkat. Ang isa pang senaryo ay ang pang-uudyok at panghihimok sa mga tao na sama-samang kontrahin ang mga pagsasaayos ng sambahayan ng Diyos. Likas itong malubha, ito ay isang uri din ng paggambala at panggugulo sa gawain ng Diyos at sa normal na kaayusan ng iglesia. Ano ang pangunahing layunin ng pagbubuo ng mga pangkat? Ito ay para kontrolin ang iglesia at ang mga hinirang ng Diyos.

Mayroon ding isang uri ng pagbubuo ng pangkat na may kinalaman sa mga taong matamis na nakikipag-usap sa mga tao para makuha ang loob ng iba’t ibang klase ng indibidwal. Sa panlabas, tila ang lahat sa ganitong uri ng gang ay nakakapagsalita nang malaya at nakakapagpahayag ng sarili nilang mga opinyon. Gayumpaman, kung titingnan ang mga panghuling resulta, makikita mo na sa katunayan, sila ay sumusunod sa pangunguna ng kung ano ang sinasabi ng isang tao—ang taong iyon ang kanilang tagagabay. Kaya, paano nahihikayat ng taong iyon ang iba na pumanig sa kanila? Nakikita nila kung sino ang kaya nilang nilang makuha at kung sino ang madaling makuha, at binibigyan nila ang mga ito ng maliliit na pabor, nag-aalok ng kaunting mapagmahal na tulong sa mga ito. Pagkatapos, nangangalap sila ng impormasyon tungkol sa mga taong ito, inaalam kung ano ang gusto ng mga ito, kung paano ang mga ito gustong makipag-usap, ang mga personalidad at mga libangan ng mga ito. Kasabay nito, madalas silang sumasang-ayon sa mga taong ito usapan para makuha ang kanilang loob, at sa huli, unti-unti nilang ‘inaakit’ ang mga ito, hindi namamalayang pinapasok ang mga ito sa kanilang pangkat at pinapasali sa kanilang hanay. Sa pangkalahatan, ang matamis na pakikipag-usap sa mga tao upang makuha ang kanilang loob ay isang napakabanayad na pamamaraan, puno ito ng “pagmamalasakit sa tao,” at napakaepektibo nito. Halimbawa, kung may isang tao na regular na nagpapakita ng pagmamahal sa ibang tao, sumasang-ayon sa taong ito sa usapan, at nagpapakita ng pag-unawa at pagtitimpi rito, hindi namamalayang magkakaroon ng magandang impresyon ang taong iyon sa kanya at magiging mas malapit sa kanya, at pagkatapos ay mapapasama ito sa kanilang puwersa. Sa anong mga sitwasyon nagiging epektibo ang gayong mga gang at paksiyon? Sa sandaling ang isa sa kanilang mga masugid na tagasunod ay malantad, makaramdam na ginawan ng masama, o kapag nagulo o napinsala ang mga interes, katayuan, o reputasyon ng taong ito dahil sa isang bagay o isang tao sa labas ng kanilang paksiyon, ang ganitong uri ng tao ay titindig upang magsalita para sa kanila, ipinaglalaban ang kanilang mga interes at karapatan—ito ay pagbubuo nila ng pangkat. Ang dalawang halatang uri ng pormasyon ng pangkat ay ang pagtatakip para sa mga tao at pagpapaunlak sa kanila, at ang sama-samang pagkontra. Gayumpaman, ang pagbubuo ng mga pangkat sa pamamagitan ng matamis na pakikipag-usap ay tila hindi kasinglakas ng dalawang uri na nabanggit na, at ang mga miyembro ng mga gayong pangkat ay kadalasang hindi napapansin sa loob ng iglesia. Ngunit kapag panahon na para gumawa ng pasya ang mga tao, para magkaroon ng malinaw na paninindigan, nagiging napakalinaw ng gayong mga paksiyon. Halimbawa, kung sasabihin ng isang pinuno ng paksiyon na may kakayahan ang partikular na lider ng iglesia, agad na magbibigay ang kanilang mga tagasunod ng maraming halimbawa kung paano ipinapakita ng lider na iyon ang kakayahang ito. Kung sasabihin ng pinuno ng paksiyon na walang kakayahan sa gawain ang lider ng iglesia, na may mahinang kakayahan at masamang pagkatao ito, susunod naman ang ibang mga miyembro, nagsasalita tungkol sa kung paanong walang kakayahan ang lider ng iglesiang iyon, kung paanong hindi nito magawang magbahagi ng katotohanan, kung paanong nagsasalita ito mga salita at doktrina, at sasabihin nila na dapat pumili ang lahat ng tamang tao. Isa itong di-nakikitang klase ng paksiyon. Bagama’t hindi sila hayagang lumalapit para umangkin ng kapangyarihan at kontrolin ang mga tao sa iglesia, mayroong isang di-nakikitang puwersa sa loob ng gayong mga paksiyon at gang na kumokontrol sa buhay-iglesia at sa kaayusan ng iglesia. Isa itong mams nakakatakot at nakatagong uri ng pormasyon ng pangkat. Bukod sa dating nabanggit na dalawang sitwasyon ng pormasyon ng pangkat na madaling kilatisin, na mga suliraning dapat lutasin ng mga lider ng iglesia, ang ganitong nakatagong uri ng pormasyon ng pangkat ay isang isyu na lalong dapat lutasin at asikasuhin ng mga lider ng iglesia. Paano nila ito dapat gawin? Kailangan nilang direktang harapin ang pinuno ng ganitong uri ng gang sa pamamagitan ng pakikipagbahaginan. Bakit kailangang tutukan muna ang pakikipagbahaginan sa pinunong ito? Sa panlabas, tila hindi naman kontrolado ng sinuman ang mga miyembro ng gayong pangkat, pero ang totoo, alam nila sa kaloob-looban kung sino nga ba ang sinusunod nila, at nais nilang sumunod sa taong iyon. Kaya naman, ang taong iniidolo nila at kumokontrol sa kanila ay dapat pangasiwaan at harapin, dapat ibahagi sa kanya ang katotohanan para maunawaan niya ang kalikasan ng kanyang mga kilos. Bagama’t maaaring hindi hayagang kumokontra ang pinuno na ito sa sambahayan ng Diyos o tumututol laban sa mga lider, kontrolado pa rin niya ang karapatan ng mga taong ito na magsalita, ang kanilang mga kaisipan, pananaw, at ang landas na sinusunod nila. Isa siyang tagong anticristo. Ang gayong indibidwal ay dapat tukuyin, at pagkatapos ay kilatisin at himayin. Kung hindi siya magsisisi, dapat siyang limitahan at ibukod. Pagkatapos, dapat isagawa ang isang pagsisiyasat sa bawat isa sa mga miyembro niya para makita kung sino pa sa kanila ang katulad niya. Una, ihiwalay ang mga indibidwal na ito, at pagkatapos, makipagbahaginan sa mga taong naguguluhan na mga matakutin, duwag, at nalihis. Kung kaya nilang magsisi at isuko ang pagsunod sa anticristo, maaari silang manatili sa iglesia; kung hindi, dapat silang ibukod. Angkop ba ang ganitong pagharap? (Oo.) Umiiral ba ang ganitong penomenon sa loob ng iglesia? Dapat bang malutas ang ganitong uri ng isyu? (Dapat itong malutas.) Bakit dapat itong malutas? Simula nang ipalaganap ng sambahayan ng Diyos ang ebanghelyo, ang mga puwersa ng mga anticristo ay nasa lahat na ng dako sa buhay-iglesia, at marami na sa mga hinirang ng Diyos ang naapektuhan, napigilan, o nakontrol ng mga puwersang ito sa iba’t ibang antas. Sa tuwing nagsasalita o kumikilos ang mga taong ito, wala sila sa kalagayan na may kalayaan at liberasyon, bagkus, sila ay naiimpluwensiyahan, naaapektuhan, parang ikinukulong ng mga kaisipan at pananaw ng ilang indibidwal. Napipilitan ang mga taong ito na magsalita at kumilos sa mga partikular na paraan; kung hindi nila gagawin, nag-aalala at natatakot sila na pasanin ang mga kahihinatnan na lilitaw. Hindi ba’t naapektuhan at nagulo nito ang buhay-iglesia? Isa ba itong pagpapamalas ng normal na buhay-iglesia? (Hindi.) Ang ganitong uri ng buhay-iglesia ay hindi normal na kaayusan kundi kontrolado ito ng masasamang tao. Hangga’t may hawak na kapangyarihan ang masasamang sa iglesia, hindi ang salita ng Diyos o ang katotohanan ang naghahari doon. Ang mga lider, manggagawa, at mga kapatid na nakakaunawa sa katotohanan ay maaapi. Ang gayong iglesia ay kontrolado ng mga puwersa ng mga anticristo. Isa rin itong isyu at penomenon ng gawain ng Diyos at ang normal na kaayusan ng iglesia na nagagambala at nagugulo, na dapat harapin at lutasin ng mga lider at manggagawa. May ilang tao na nasa gang ng isang antcristo ang natatakot mawalan ng tiwala ng kanilang gang, mawalan ng mga tagasuporta, mawalan ng mga kaibigan, at mawalan ng suporta sa oras ng pangangailangan, at iba pa. Kaya naman, ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para manatili sa gang. Hindi ba’t malubha ang sitwasyong ito? Hindi ba’t dapat itong malutas? (Oo.) Kapag lumilitaw ang ganitong uri ng sitwasyon sa loob ng iglesia, nararamdaman ba ito ng karamihan sa mga tao? Nakikilatis ba ito ng karamihan? May ilang tao na kontrolado ng isang tao nang hindi nila namamalayan, palagi nilang kailangan na sumunod sa mga kaisipan at pananaw ng taong iyon, sa mga pahayag at kilos, at sa mga turo nito, at natatakot silang magsabi ng “hindi” o kumontra sa taong iyon, at kailangan pa nga nilang mapagkunwaring tumango bilang pagsang-ayon at ngumiti kapag ang taong iyon ay nagsasalita, dahil sa takot na mapasama ang loob nito. Umiiral ba ang mga ganitong sitwasyon? Ano nga ba ang problemang dapat lutasin dito? Dapat harapin at pangasiwaan ng mga lider ng iglesia ang anticristong pinuno na iyon na may kakayahang manlihis at kumontrol sa iba. Una, dapat nilang ibahagi ang katotohanan para mabigyang-kakayahan ang karamihan sa mga tao na makilatis ang anticristong ito, pagkatapos, limitahan ang anticristong ito mismo. Kung hindi magsisisi ang anticristo, dapat siyang paalisin kaagad para magpigilan siyang makapagpatuloy sa panggugulo sa normal na kaayusan ng iglesia.

Sa kabuuan, sa normal na buhay-iglesia, dapat malaya at walang pagpipigil na magbahagi ang mga kapatid sa mga salita ng Diyos, pati na sa kanilang mga personal na kabatiran, pag-unawa, karanasan, at mga paghihirap. Siyempre, dapat din silang magkaroon ng karapatan na gumawa ng mga suhestiyon, magpuna, at maglantad sa anumang kilos ng mga lider at manggagawa na lumalabag sa mga prinsipyo, habang nagkakaroon din ng karapatan na magbigay ng tulong at payo. Lahat ng ito ay dapat libre, at lahat ng aspektong ito ay dapat normal; hindi sila dapat kontrolado ng sinumang indibidwal, na nagsasanhing mapigilan ang mga hinirang ng Diyos—hindi iyon normal na buhay-iglesia. Ang sambahayan ng Diyos ay mayroong mga hinihingi, panuntunan, at prinsipyo tungkol sa kung paano dapat magsalita, kumilos, at umasal ang mga kapatid, at kung paano sila dapat magtatag ng normal na ugnayan sa mga tao sa buhay-iglesia, at iba pa, at ang mga bagay na ito ay hindi itinatakda ng sinumang indibidwal. Kapag may ginagawang isang bagay ang mga kapatid, hindi nila kailangang tingnan ang ekspresyon ng sinumang indibidwal, hindi nila kailangang sundin ang anumang mando ng sinuman o magpapigil sa kahit kanino. Walang sinuman ang dapat magsilbing tagagabay o timonero; ang tanging makapagbibigay ng gabay ay ang salita ng Diyos, ang katotohanan. Samakatwid, ang dapat sundin ng mga hinirang ng Diyos ay ang salita ng Diyos, ang katotohanan, at ang mga prinsipyo ng pagbabahagi sa katotohanan sa mga pagtitipon. Kung palagi kang napipigilan ng isa pang tao, palaging sumusunod sa kanyang mga pahiwatig, at hindi na naglalakas-loob na magsalita kapag nakikita mo ang kanilang hindi nasisiyahang anyo o pagkunot-noo, kung palagi kang nalilimitahan ng taong iyon habang nagbabahagi ng mga salita ng Diyos at ng iyong mga personal na pagkaunawang batay sa karanasan, palaging nakakaramdam ng pagpipigil, hindi kayang kumilos ayon sa mga katotohanang prinsipyo, at kung ang mga salita, anyo, ekspresyon sa mukha, tono ng boses, at mga ipinahihiwatig na pagbabanta sa kanyang pananalita ay palaging gumagapos sa iyo, kung gayon, ikaw ay kinokontrol sa loob ng isang pangkat na pinamumunuan ng taong ito. Problema ito; hindi ito buhay-iglesia, kundi buhay ng isang paksiyon na pinamumunuan ng isang anticristo. Pagdating sa ganitong uri ng isyu, dapat lumapit ang mga lider at manggagawa para lutasin ito, at may obligasyon at karapatan din ang mga kapatid na ipagtanggol ang normal na kaayusan ng iglesia. Ang mga gumagambala at gumugulo sa buhay-iglesia, lalo na iyong mga bumubuo ng mga pangkat at nagnanais na kontrolin ang iglesia, ay dapat pigilan, ilantad, at himayin, binibigyang-daan na magkaroon ng pagkilatis ang lahat at malinaw na makunawa sa diwa ng problema—ang pagtatangkang magtatag ng isang nagsasariling kaharian. Hindi pinahihintulutan ng iglesia ang pormasyon ng mga pangkat at pagkakahati-hati ng iglesia sa anumang dahilan. Halimbawa, ang paghahati-hati sa mga gang batay sa pagkakakilanlan at katayuang panlipunan, mga komunidad, rehiyon, o denominasyon sa relihiyon, o batay sa antas ng pinag-aralan, kayamanan, lahi, at kulay ng balat, at iba pa—ang lahat ng ito ay lumalabag sa mga katotohanang prinsipyo at hindi dapat mangyari sa iglesia. Anuman ang dahilan na ginamit sa paghahati-hati sa mga tao sa mga herarkiya, ranggo, paksiyon, at pangkat na ito, magagambala at magugulo nito ang gawain ng iglesia at ang normal na kaayusan ng buhay-iglesia, at isa itong isyu na dapat lutasin kaagad ng mga lider at manggagawa. Sa madaling salita, kahit ano pa ang dahilan ng paghahati-hati sa mga tao sa mga pangkat, paksiyon, o gang, kung nakapag-ipon sila ng partikular na puwersa, at nagdudulot sila ng kaguluhan sa gawain ng iglesia at sa kaayusan ng buhay-iglesia, dapat silang pigilan at limitahan. Kung hindi mapapahinto ang mga miyembro ng gayong mga pangkat, maaaring ibukod at paalisin ang mga taong ito na gumagawa ng masama. Ang pangangasiwa sa mga isyung ito ay parte rin ng gawain at mga responsabilidad na dapat gampanan ng mga lider at manggagawa. Kaya, ano ang dapat maunawaan dito? Ito ay kapag nakabuo ang ilang tao ng mga puwersa sa iglesia, at may kakayahan silang labanan at kontrahin ang mga lider ng iglesia, ang gawain ng iglesia, at ang mga salita ng Diyos, at may kakayahang guluhin at sirain ang normal na kaayusan ng buhay-iglesia, dapat limitahan at pangasiwaan kaagad ang gayong mga pag-uugali, pagpapamalas, at sitwasyon. Walang pinag-iiba batay sa bilang ng mga taong sangkot pagdating sa pormasyon ng pangkat. Kung ang dalawang tao ay nagkakasundo nang mabuti at hindi nagdudulot ng anumang kaguluhan sa iglesia, hindi na kailangang makialam. Gayumpaman, kapag nagsimula na silang magdulot ng mga kaguluhan at bumuo ng puwersa para kontrolin ang iglesia, dapat pigilan at limitahan ang mga indibidwal na ito. Kung hindi sila magsisisi, dapat silang paalisin o patalsikin kaagad. Ito ang prinsipyo.

Mayo 22, 2021

Sinundan: Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 12

Sumunod: Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 14

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito