Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 11

Noong nakaraang pagtitipon, pinagbahaginan natin ang ikasiyam na aytem ng mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa: “Tumpak na ipagbigay-alam, iatas, at ipatupad ang iba’t ibang mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos alinsunod sa mga kinakailangan nito, habang pinapatnubayan, binabantayan, at sinusubaybayan ito, at sinisiyasat at minomonitor ang kalagayan ng pagpapatupad sa mga ito.” Pinagbahaginan natin ang mga responsabilidad na dapat tuparin ng mga lider at manggagawa at ang gawaing dapat nilang gawin, at hinimay rin natin ang ilan sa mga pag-uugali ng mga huwad na lider. Bagama’t hindi natin pinagbahaginan ang mga detalye kung paano ipapatupad ng mga lider at manggagawa ang bawat pagsasaayos ng gawain, pinagbahaginan naman natin ang mga detalye ng mga prinsipyo para sa pagpapatupad ng mga pagsasaayos na iyon, pati na rin kung ano ang dapat gawin ng mga lider at manggagawa. Nagkaroon na ba kayo ng mas partikular, tumpak na pakahulugan ng gawaing dapat gawin ng mga lider at manggagawa sa pamamagitan ng pagbabahaginan natin sa ikasiyam aytem? Maliwanag na ba sa inyo ngayon ang tungkol sa gawaing dapat gawin ng mga lider at manggagawa? Ang pangunahing bagay ay ang ipatupad nila ang gawain ayon sa mga hinihingi ng Diyos at sa mga pagsasaayos ng gawain ng Kanyang sambahayan. Ito iyon sa kabuuan. Ngayon, maliwanag na sa ating lahat. Kung anong gawain ang dapat gawin ng isang lider o manggagawa sa sambahayan ng Diyos, at kung ano ang mga responsabilidad nila, ay dapat na napagbahaginan nang detalyado sa ikasiyam na aytem. Talagang komprehensibo ito. Nalilimitahan ang saklaw ng kanilang mga responsabilidad, at ang gawaing dapat nilang gawin, pati na rin kung paano nila ito dapat gawin, malinaw ring ipinahayag ang mga ito. Kung may isang taong hindi pa rin alam kung paano gumawa ng kongkretong gawain ngayong malinaw nang naipahayag ito, problema na nila iyon dahil sa kanilang mahinang kakayahan. Sila ang klase ng huwad na lider na hindi kayang gawin ang gawain. May isa pang klase ng huwad na lider na nagsasaayos ng gawain sa pamamagitan lamang ng kanilang mga kuru-kuro at imahinasyon, at padalus-dalos na ginagamit ang mga tao, na nagreresulta, halimbawa, sa pagkakaroon ng napakaraming tagaluto. Hindi lang basta hindi nagawa nang maayos ang gawain—ginugulo nila ito nang husto, hanggang sa wala nang patutunguhan. Hindi kailanman ipatutupad ng mga huwad na lider ang mga pagsasaayos ng gawain, lalo pa ang gumawa ng tunay na gawain. Ginagawa lang nila ang gawaing gusto nila, tumutuon lamang sa mga pangkalahatang usapin ng gawain; kapag gumawa sila, ang alam lang nila ay ang mag-utos at magsisisigaw ng mga hungkag na kasabihan at doktrina. Hindi nila kailanman sinusubaybayan ang gawain, ni iniisip kung naging epektibo ba ito. Isang klase ito ng huwad na lider. Sa madaling salita, kung hindi man kayang gawin ng isang tao ang tunay na gawain o hindi gumagawa ng tunay na gawain bilang isang lider—maging anuman ang sitwasyon—kung hindi nito kayang isakatuparan ang mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa o gawin ang gawain ng atas ng Diyos, at kung hindi nila kayang ipatupad ang iba’t ibang detalye ng gawaing isinaayos ng sambahayan ng Diyos, isa siyang huwad na lider kung gayon.

Ngayon, sa pamamagitan ng pagbabahaginan natin sa ikasiyam na aytem sa mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa at sa pagsisiwalat natin sa iba’t ibang paraan kung saan napapamalas ang mga huwad na lider, nagkamit na ba kayo ng kaunting pangunahing kaalaman at pang-unawa kung paano tuparin ang mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa? (Oo.) Kung gayon, sa tingin ba ninyo ay madaling gawin ang gawain ng sambahayan ng Diyos? Matataas ba ang mga hinihingi ng tao? Sobra-sobra ba ito? (Hindi matataas ang mga iyon; kaya naming matugunan ang lahat ng hinihinging iyon.) May mga lider at manggagawa bang nagsasabing, “Napakaraming aytem at uri ng gawain na hinihingi ng sambahayan ng Diyos na gawin namin. Mas mataas ang isang lider, mas malawak ang saklaw ng kanyang gawain, at mas maraming aytem ng gawain na siya ang responsable. Para magawa nang maayos ang gawaing iyon at tiyaking naipapatupad ito ayon sa mga hinihingi ng Itaas—hindi ba’t mamatay kami sa kapaguran?” Mayroon bang bumagsak na sa sobrang pagod dahil ginawa niya nang maayos ang lahat ng kongkretong gawain, dahil pinatupad niya ang bawat aytem ng gawain kung saan ito nararapat? (Hindi.) May nagkasakit ba dahil sa kapaguran? Abala ba ang sinuman na wala na siyang oras para kumain o matulog? (Hindi.) Maaaring sabihin ng ilan, “Anong ibig sabihin ninyong, hindi? May ilang tao na talagang napapagod sa paggawa sa gawain ng iglesia, dahil ang tagal bago sila makakain sa takdang oras, o makagawa at makapagpahinga sa tamang paraan, kung saan balanse ang pagtatrabaho at pahinga. Humahantong sila sa pagkakasakit dahil sa kapaguran.” Nabalitaan ba ninyong nangyayari ang gayong sitwasyon? (Hindi.) May nakaramdam ba rito na pagkatapos marinig ang ikasiyam na aytem at makita ang mga partikular na nilalaman ng iba’t ibang aytem ng gawain sa sambahayan ng Diyos, pati na ang mga hinihinging pamantayan nito para sa mga lider at manggagawa sa paggawa sa partikular na gawaing ito, ay natatakot at nangangamba? Pakiramdam ba nila ay, “Hindi madaling maging isang lider o manggagawa. Kung walang tibay ang katawan, walang mahusay na kakayahan, malawak na puso, at pambihirang enerhiya at lakas, sino ang makakagawa sa trabaho nang maayos?” Mayroon bang nag-isip ng ganito? Wasto ba ito? (Hindi.) Bakit hindi ito tama? Una, kapag ginagampanan nila ang gawain ng sambahayan ng Diyos, anuman ang ranggo nila, at masaklaw man ang responsabilidad nila o para sa isang aytem ng gawain, kahit papaano ay dapat gawin nang maayos ng mga lider at manggagawa ang pangunahing gawain nila, sa pinakamarami ay kasama ang isa o dalawang karagdagang aytem ng gawain. Kahit na pinagtrabaho sila ng masaklaw na gawain, hindi ibig sabihin niyon na kailangan nilang gumawa ng komprehensibong pagsusubaybay o pagpapatnubay. Dapat silang mag-pokus sa pangangasiwa sa pinakakritikal na gawain, o sabay-sabay na asikasuhin ang mahihinang bahagi sa ilang partikular na aytem ng gawain. Maaaring puno ng enerhiya ang ilang tao, may malakas na pagpapahalaga sa responsabilidad, at mahusay na kakayahan, at kaya nilang gawin ang malawak na saklaw ng kumplikadong gawain, pero ang pangunahin nilang gawain ay binubuo lamang ng isa o dalawang aytem ng gawain. Sa ibang gawain naman, kailangan lang nilang magtanong pagkatapos nito, mag-usisa rito, at subukang unawain ito, at lutasin lamang ang gayong mga problema habang natutuklasan nila ito. Bahagi lang iyon nito. Ang isa pang bahagi ay iyong kahit na sabay-sabay nilang pinapangasiwaan ang ilang aytem ng gawain, kailangan lang nilang umasa sa mga pangunahing superbisor para gawin ang mga aytem na iyon ng gawain. Ang gagawin lang nila ay ang pangasiwaan ang iba’t ibang aytem ng gawain, subaybayan ang mga ito, at patnubayan ang mga ito; ang pangunahing gawaing sila mismo ang gagawa ay nag-iisang aytem pa rin ng gawain. Mapapagod ba ang isang tao dahil sa paggawa sa isang aytem ng gawain? (Hindi.) Kung sapat ang kakayahan ng isang tao at kayang bumagay ng isip nila, makatwiran niyang isasaayos ang gawain pagdating sa kung paano ilalaan ang oras at kung paano ito gagawin nang mahusay. Hindi siya magiging nasa isang magulong kalagayan, na walang patutunguhan. Hindi siya magmumukhang napakaabala—gagawa siya ayon sa itinakdang kagawian—ang gawain ay magiging mahusay, at magbubunga ito ng magagandang resulta. Iyon ang isang taong may kakayahan, na alam kung paano makatwirang maglaan ng tao at oras. Magugulo ang anumang ginagawa ng mga taong walang kakayahan o mahina ang kakayahan. Talagang abala sila araw-araw, pero kung ano ang kinaaabalahan nila ay hindi nila mismo masabi nang sigurado. Wala silang iskedyul, walang konsepto ng oras; maaga talaga sila gumigising at gabing-gabi na kung matulog; hindi sila makakain sa mga regular na oras—pero pagdating sa husay ng gawain, hindi talaga sila gumagawa ng tunay na gawain. Hindi ba ito kaso ng sobra-sobrang mahinang kakayahan? (Ganoon nga.) Mukhang abala araw-araw ang ganitong klase ng tao na hindi na nakakapagpahinga, pero hindi niya matumbok ang sentro ng gawain, ni hindi niya matukoy kung ano ang agarang trabaho sa puwede pang ipagpaliban, at hindi sila mahusay sa paglutas ng mga problema. Pinababagal nito ang gawain. Nababalisa siya sa alalahanin, at nagkakasugat ang bibig niya. Kahit sa mga sitwasyong ito, hindi siya bumabagsak dahil sa kapaguran. Maaaring gumawa nang mahigit sa walong oras sa isang araw ang mga taong may mahinang kakayahan, pero mas mahina ang husay ng gawain nila kaysa sa mga taong may mahuhusay na kakayahan. Kaya, kailangan nilang magpakaabala, hindi ba? Dapat lang—wala silang makuhang mga resulta, kahit na abala sila; kung hindi sila nagpakaabala, mapaparalisa ang gawain. Ito ay isang taong may gayong kahinang kakayahan na hindi kayang maging mahusay sa gawain o umako nito. Bukod pa rito, maraming aytem sa gawain ng sambahayan ng Diyos, at ang mga hinihingi ay medyo istrikto pagdating sa mga tao at oras. Karamihan sa mga tao, kapag medyo mas abala sila, ay para magsikap sila sa kahusayan at makakuha ng mabubuting resulta, dahil naiiba ang gawain ng sambahayan ng Diyos sa mga negosyo at pabrika ng mga walang pananampalataya: Humihiling ng pang-ekonomiyang kahusayan ang mga iyon, samantala, binibigyang-diin natin ang mga resulta ng gawain. Pero dahil karamihan sa mga tao ay may mahinang kakayahan, walang prinsipyo at sobrang hindi mahusay sa kanilang gawain, mangangailangan ng mas maraming oras para magkaroon ng mga resulta. Karamihan ba sa inyo ngayon ay wala nang mga negatibong pag-iisip tungkol sa mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa? Isang bagay ang sigurado: Hindi babagsak ang mga lider at manggagawa dahil sa kapaguran sa pamamagitan ng ng paggawa ayon sa mga hinihingi ng sambahayan ng Diyos. Lampas sa mga panlabas, obhetibong mga salik na ito, may isa pang bagay na matitiyak ninyo: Kung may pasanin ang isang tao at may partikular na kakayahan—at hindi binabalewala ang katunayan na mayroong gawain ng Banal na Espiritu—pagkatapos, kapag may ilang problemang hindi nila maisip o inaasahan, at sa ilang usaping hindi pa nila napagdaanan noon at wala pang karanasan, palagi silang paaalalahanan ng Banal na Espiritu, binibigyang-liwanag at tinutulungan sila anumang oras. Hindi ganap na umaasa ang gawain ng iglesia sa lakas, enerhiya at mga pasanin ng tao para magawa ito—ang isang bahagi nito ay iyong dapat na umasa sa gawain at pamumuno ng Banal na Espiritu, gaya ng naranasan ng karamihan sa mga tao. Kaya, saanman ito tingnan ng isang tao, ang pagtupad sa kanyang mga responsabilidad ang dapat na makamit ng isang lider o manggagawa. Hindi ito karagdagang hinihingi sa kanya. Kapag gumawa sa mundo ang mga walang pananampalataya, kumikilos sila batay sa kanilang personal na kakayahan. Iba ang paggampan sa tungkulin sa sambahayan ng Diyos: Hindi ito basta ginagampanan lang batay sa kakayahan ng isang tao—dapat din siyang magtiwala sa kanyang pang-unawa sa mga katotohanang prinsipyo kung gusto niyang magkamit ng mga resulta. Minsan, dapat magtulungan sila at magkaisa nang matiwasay kung gusto nilang gampanan nang maayos ang tungkulin nila. Maaaring magtanong ang ilan, “Ang paggawa ba sa sambahayan ng Diyos ay humihingi sa amin na ‘sumunod sa ipinapagawa at sikaping gawin ang makakaya namin hanggang sa araw ng aming kamatayan’? ‘Ang mga silkworm ng tagsibol ay naghahabi hanggang sa mamatay ang mga ito’—kailangan ba naming makamit iyon? Titigil lang ba sa amin ang sambahayan ng Diyos kapag namatay na kami sa kapaguran?” Ito ba ang hinihingi ng Diyos sa tao? (Hindi.) Ang pagbabahaginan natin sa mga hinihingi para sa mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa ay para lang magbigay-linaw at pang-unawa sa mga tao tungkol sa kung paano makipagtulungan sa gawain ng Diyos ayon sa mga katotohanang prinsipyo at mga pamamaraan ng gawaing hinihingi Niya, para makausad ang Kanyang gawain sa isang maayos, epektibong paraan, at upang ang mga salita at gawain Niya ay magawang magkamit ng mas maaayos na resulta sa mga hinirang Niyang tao. Ang isang aspekto nito ay tungkol sa pagpapaunlad at pagpapalaganap sa gawain; ang isa pa ay tungkol sa mga salita at gawain ng Diyos na nagkakamit ng mga dapat na epekto sa mga sumusunod sa Kanya. Ito ang mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa, at ang kailangan nilang makamit sa gawain nila.

Ngayon, magpapatuloy tayo sa pagbabahaginan tungkol sa ikasampung aytem ng mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa: “Maayos na itago at makatwirang ipamahagi ang iba’t ibang pagmamay-ari ng sambahayan ng Diyos (mga aklat, iba’t ibang kagamitan, pagkain, at iba pa), at magsagawa ng mga regular na inspeksyon, pagmementena, at pagkukumpuni upang maiwasan ang pagkasira at pagkasayang; gayundin, upang huwag magamit ang mga ito sa maling paraan ng masasamang tao.” Ang ikasiyam na item ay medyo komprehensibong kinakailangan sa mga lider at manggagawa. Ang ikasampung aytem ay isa pang malaking seksyon ng gawain, isa na binubuo ng isa pang partikular na kinakailangan para mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa. Ang bahaging ito ng gawain ay kinapapalooban ng mga aytem na nabibilang sa sambahayan ng Diyos, ang ilan doon ay binili para matugunan ang mga pangangailangan sa buhay ng mga tao na ginagampanan ang kanilang tungkulin nang buong-oras, at ang ilan sa mga iyon ay kagamitan, materyales, at iba pa na binili para sa gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo. May ilan ding mga libro ng mga salita ng Diyos at ang ilan ay mga bagay na may kinalaman sa buhay pagpasok ng mga kapatid, at dapat na ingatan ng sambahayan ng Diyos. Mga bagay ito na kinasasangkutan ng pananampalataya ng mga tao sa Diyos. Tatlong kategorya, sa kabuuan: mga aytem na kinakailangan para sa buhay, mga aytem na kinakailangan para sa gawain, at mga aytem na kinakailangan para sa pananampalataya sa Diyos. Kung binili man ng sambahayan ng Diyos ang mga aytem na ito o inihandog ng mga kapatid, kapag naging pagmamay-ari na ito ng sambahayan ng Diyos, nagiging may kinalaman na ito sa isyu ng pamamahala at pamamahagi sa mga materyal na aytem ng mga lider at manggagawa. Sa panlabas, bagama’t mukhang hindi masyadong napakahalaga ng gawaing ito kumpara sa buhay iglesia, gawaing administratibo, o propesyonal na gawain, at hindi isang bagay na dapat nasa adyenda, mahalagang gawain pa rin ito na kailangang gawin ng mga lider at manggagawa. Ang iba’t ibang aytem ng sambahayan ng Diyos ay kasama sa gawain, buhay, mga pag-aaral, at ang lahat ng gayong bagay ng lahat ng taong gumagawa ng mga tungkulin, kaya napakahalaga at hindi dapat balewalain ang pagtatago at makatwirang pamamahagi nila.

Bilang mga lider at manggagawa, ang mas mahalaga kaysa sa maayos na paggawa sa gawaing administratibo ng iglesia at pagpapabuti sa buhay iglesia ay ang maayos na paggawa sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, pati na rin sa iba’t ibang nauugnay na gawain rito. Dagdag pa rito, ang iba’t ibang materyal na aytem ng sambahayan ng Diyos ay dapat ding bigyan ng angkop na pamamahala. Kailangang itago nang maayos ang mga ito; huwag hayaang amagin o pamahayan ng mga insekto ang mga ito, at huwag hayaang angkinin ito ng mga tao bilang kanilang personal na pagmamay-ari. Mayroon ding partikular na mga hinihingi ang sambahayan ng Diyos at mga hakbang kung paano maayos na gagawin ng mga lider at manggagawa ang gawaing ito. Dapat silang magsimula sa pamamagitan ng pagsubaybay kung angkop ba ang mga taong namamahala sa mga aytem na ito, responsableng mga tao ba sila, at kung alam ba nila kung paano pangasiwaan ang mga ito, at kung kaya ba nilang masigasig na tuparin ang kanilang responsabilidad—kung maitatago ba nang ligtas ang mga ito sa mga kamay nila. Halimbawa, sa pagtatago ng mga butil, basa ba ang pinag-iimbakan nito kapag tag-ulan—kapag mahalumigmig at madalas ang pag-ulan? Sinusubaybayan ba ito sa tamang oras ng mga taong namamahala rito? Kapag nabasa nga ang mga butil, inilalabas ba nila ito para patuyuin? Maingat ba nila itong pinamamahalaan na para bang kanila ito? Mayroon ba silang gayong pagkatao? Mayroon ba silang gayong pagkamatapat? Dapat silang magsimula sa pamamagitan ng pagsasagawa ng pagsusuri sa mga taong namamahala sa mga bagay na ito, para makita kung anong klase ba ang pagkatao nila, at kung may konsensiya at mararangal ba sila. Kung mukhang may maayos na pagkatao at mabuting puso ang isang tao, at maayos ang ulat ng karamihan tungkol sa kanya, pero hindi mo alam kung angkop ba siya para pamahalaan ang mga aytem ng sambahayan ng Diyos, kung gayon, ano ang dapat gawin? Dapat mong subaybayan, suriin ang mga bagay-bagay, at pangasiwaan. Dapat mong kumustahin ang bagay-bagay pagkalipas ng ilang panahon, para malaman kung isinasakatuparan ba ng tagapag-ingat ang responsabilidad nito. Halimbawa sa butil, ang pinakamalaking pinangangambahan ay pamamasa. Dapat suriin ng tagapag-ingat kung mahalumigmig ba ang bodega at kung may posibilidad bang magkaroon ng mga insekto sa butil, at dapat siyang humanap ng taong may alam sa mga gayong bagay, para konsultahin at magkaroon ng pang-unawa kung anong mga pagsasagawa ang maaaring makatiyak na hindi mababasa ang butil at hindi aamagin o pamamahayan ng mga insekto. Kapag nailagay na nila ang butil, dapat madalas nilang suriin ang bodega, o buksan ang mga bintana para sa bentilasyon. Iyon ang talagang pagtupad sa responsabilidad nila. Kung nagkusa ang tagapag-ingat na gawin ang mga ito na hindi na kailangan pang udyukan o paalalahanan, kung gayon ay maaasahan siya, nakakapanatag ng loob iyon. Kung gayon, paano naman ang mga taong nag-iingat sa iba’t ibang klaseng kagamitan—akma ba sila sa trabaho? Hindi mo pa alam; kailangan mo rin silang subaybayan. Paano itinatago ang karamihan sa kagamitan kapag hindi ito karaniwang ginagamit—ang mga de-kuryente, muwebles, pasilidad, at iba pa? Iniingatan ba ito ng tagapag-ingat at minementa ito? Nagsasagawa ba siya ng regular na pagsusuri sa mga de-kuryente, sinisindihan at pinapagana ba ang mga ito? Sa pamamagitan ng pagtatanong-tanong, maaari mong malaman na regular itong ginagawa ng tagapag-ingat. Maaaring nakatiwangwang lang ang mga iyon doon, pero walang alikabok sa mga ito, ang ibig sabihin ay may isang taong madalas na dumarating para asikasuhin ang mga ito—malalaman mong maayos ang mga tagapag-ingat nito, na tinutupad niya ang kanyang responsabilidad. Puwede ka nang mapanatag. May mga libro din ukol sa mga salita ng Diyos. Mahirap makuha ang bawat isa sa mga iyon, at dagdag pa rito, mas mahalaga sa bawat mananampalataya sa Diyos ang mga libro ng mga salita ng Diyos kaysa anumang ibang bagay—higit pa kaysa pagkain, mga de-kuryente, o iba pang gayong aytem. Kaya, ukol sa mga ito, mas lalong dapat kang maghanap ng tamang tao para pangasiwaan ang mga ito at ng tamang lugar para pagtaguan ng mga ito. Kinakailangan rin ang wastong bentilasyon, pangangalaga, at inspeksyon—hindi nila puwedeng hayaang mabasa o maging mamasa-masa, o ngatngatin ng mga daga ang mga ito. Dapat bantayang lahat ang mga ito. Kaya, ang mga tao bang namamahala sa mga gayong aytem ay angkop para sa trabaho? Dapat mo ring madalas na subaybayan ito. Kung tamad, pabaya, at walang ingat ang mga katiwala, masisira ang ilang aytem, kung hindi dahil sa basa o amag, sa mga insekto naman. Kawalan lahat ang mga ito, dahil sa pabayang pagmomonitor at inspeksyon sa panig ng mga lider at manggagawa. Kung iniingatan ng mga katiwala ang mga aytem na ito, natupad na ng mga lider at manggagawa ang responsabilidad na ito. Malalaki o maliliit man ang mga aytem na ito, at madalas man gamitin ang mga ito o hindi, basta’t kasama sila sa mga uri ng aytem na nabibilang sa sambahayan ng Diyos, dapat na isaayos na pangasiwaan ito ng isang tao. Dapat ingatan ang isang aytem, anumang klase ito at saanman ito nakatago, at dapat tiyaking walang mangyayaring mali rito. Iyon ang ibig sabihin ng maging tapat at responsable. Kung nalamang hindi angkop ang isang taong namamahala sa mga bagay-bagay, ano ang dapat gawin? Dapat siyang ilipat kaagad, at makakita ng ibang taong papalit sa kanya. Halimbawa, ang ilang tao ay mga tamad, mahilig kumain pero ayaw magtrabaho, ayaw umako ng responsabilidad. Kaswal nilang tinatrato ang mga bagay ng iglesia, na para bang pagmamay-ari ito ng publiko, nag-aakalang ayos lang ito basta’t hindi nawawala. Kung inaamag o pinamamahayan man ng insekto ang mga iyon, o kung may nasira man sa mga ito, wala silang pakialam at hindi nagtatanong. Tuwing tatanungin mo sila, sinasabi nilang sinuri nila ang mga ito, at ayos naman ang lahat. Sa katunayan, matagal na nilang hindi nasusubaybayan ang mga bagay. Pagkatapos, isang araw ay may biglang nakatuklas na inamag na ang mga butil, at nginatngat na ng mga daga ang kable ng ilang kagamitan, at maging ang mga libro ng mga salita ng Diyos ay nabasa na kaya malabo at hindi na malinaw ang mga sulat. Kapag noon lang natuklasan ang mga ito—hindi ba’t masyado nang huli? (Tama, nangyari na ang pinsala.) Resulta iyon ng di-wastong pamamahala. Kung gayon, hindi ba’t di-angkop ang taong namamahala sa mga iyon? Hindi ba’t mahina ang pagkatao niya at imoral siya? (Oo.) Tatawaging imoral ng mga walang pananampalataya ang ganitong klaseng tao; ano naman ang sinasabi natin? Masama ang pagkatao ng taong ito, na hindi siya tapat. Ni hindi nga niya matupad ang maliit na responsabilidad na ito; ni hindi man lang niya magawa ang isang bagay na kayang gawin ng isang tao nang may kaunting pasakit, nang may kaunting konsensiya at pagkatao. Mananampalataya pa rin ba ito ng Diyos? Maski ang mga walang pananampalataya ay may pananaw na, “Gawin mo ang lahat ng makakaya mo para matapat na pangasiwaan ang anumang ipinagkatiwala sa iyo ng ibang tao”—ni hindi natutugunan ng taong ito ang pinakamababang pamantayang moral ng mga walang pananampalataya, kaya malinaw na hindi nito kayang maglingkod bilang miyembro ng mga tauhan na namamahala ng aytem. Dapat agarang pangasiwaan ang mga di-angkop na tao, at makakita ng mga akmang kapalit. Kung hindi mo pinagkakatiwalaan ang mga tauhang namamahala sa mga aytem, at wala ka nang oras para masuri mismo ang mga bagay mo, o hindi mo masubaybayan ang mga bagay-bagay at tingnan ang mga iyon dahil sa ilang kadahilanan, ano ang dapat gawin sa sitwasyong iyon? Maaaring mong pasulatin ng mga garantiya ang taong namamahala ng mga bagay-bagay, na nagsasabing kung may masira sa mga aytem na pinamamahalaan niya, babayaran niya ito, o na handa siyang tumanggap ng anumang uri ng kaparusahan mula sa sambahayan ng Diyos. Dapat itong lutasin ayon sa sistemang administratibo. Kung magagawa ng lider o manggagawa ang trabaho niya hanggang sa antas na ito, maisasakatuparan niya ang kanyang responsabilidad.

Anumang materyal na aytem sa sambahayan ng Diyos, malaki o maliit man ito, mahal o mura, kung kagamit-gamit man ito sa iyo o hindi, kung ikaw ang pinamahala rito, responsabilidad mo ito. Ang gawaing ito ay nasa saklaw ng responsabilidad ng mga lider at manggagawa, kaya dapat humanap ka ng tamang tao at tamang lugar para maitago ito nang angkop. Huwag mong hayaang masira ang mga aytem ng sambahayan ng Diyos. Halimbawa, sa pagtatago ng mga libro ng sambahayan ng Diyos—kapag nakapagsaayos na ang lider o manggagawa ng angkop na tauhan para sa mga ito, kailangan pa rin nilang kumustahin ito paminsan-minsan: “Maraming libro ang kalalabas lang kamakailan, pero huwag kang magpabaya, kahit na iilan na lang ang natira. Sa pag-iingat sa mga libro, ang pangunahing bagay ay hindi hayaang mabasa o masira dahil sa init ng araw ang mga iyon, at hindi hinahayaang mapipi o mabaluktot ang mga iyon.” Dapat nilang kumustahin ito at magtanong-tanong paminsan-minsan. Kapag may mga dumating na bagong libro, dapat magtanong sila kung paano iniingatan ang mga ito; kung kakasya ba ang lahat ng ito sa orihinal na puwesto, at kung hindi, may nakita na bang ibang puwesto para sa mga ito, at ano kaya ang puwestong iyon, kung ligtas ba ito at tuyo; kung naitatabi ba nang maayos ang mga libro; at kung pinangangambahan ba ang mga daga, kung kailangan bang mag-alaga ng pusa. Ang lahat ng gayong bagay ang dapat na gawin ng mga lider at manggagawa, at responsabilidad na dapat nilang tuparin. Ang gawaing ito ay maaaring magmukhang medyo hindi mahalaga, pero ito rin, ay isa sa mga gampaning dapat gawin ng mga lider at manggagawa nang regular. Huwag ninyo itong balewalain—dapat itong seryosohin. Maaaring pampublikong pagmamay-ari ang mga ito at hindi nabibilang sa sinumang indibiduwal, pero dapat ingatang mabuti ang mga iyon; magiging kagamit-gamit man ang mga iyon sa iyo sa hinaharap, at kung gagamitin mo man ang mga iyon, responsabilidad mo ang pag-iingat nang maayos sa mga iyon, nasa kamay mo ang tungkuling ito, at hindi ka dapat maghanap ng dahilan o palusot para ipasa at balewalain ito. Basta’t responsabilidad mo ang isang bagay, ito ay isang bagay na dapat mong pangasiwaan, ang gawaing dapat mong gawin. Sa lahat ng ito, dapat kang mag-usisa at subukang unawain ang mga bagay, o personal na makilahok dito. Kung may oras kang pumunta sa lugar at tingnan ito mismo, siyempre mas mabuti iyon. Pero paano kung hindi iyon tinutulutan ng mga sitwasyon at kalagayan, o kung masyado kang abala sa gawain, dapat ka pa ring mag-usisa at kumustahin ito nang napapanahon, para maiwasang masira o masayang sa anumang paraan ang mga aytem ng sambahayan ng Diyos. Ang paggawa rito ay nangangahulugang natupad mo ang responsabilidad ng mga lider at manggagawa.

Pagdating sa mga materyal na aytem ng sambahayan ng Diyos, may isa pang mahalagang bahagi ng gawain na bukod pa sa pagtatago sa mga ito: ang makatwirang pamamahagi sa mga ito. Lahat ng aytem na ito ay para magamit ng mga tao—lahat ng iyon ay kagamit-gamit na bagay—kaya ang pangunahing layon sa pagtatago sa mga iyon ay para makatwirang magamit ang mga iyon. Bago magamit nang makatwiran ang mga aytem na ito, kailangang makatwirang ipamahagi ng mga lider at manggagawa ang mga ito. Ano ba ang makatwirang pamamahagi? Pagdating sa kung kanino dapat ibigay ang mga aytem na ito para magamit, may mga prinsipyo at panuntunan ang sambahayan ng Diyos. Ang pangunahing layon ng mga aytem na ito, inihandog man ng mga kapatid o binili ng sambahayan ng Diyos ang mga ito, ay hindi para itambak bilang reserba o ipanglimos para sa kawanggawa; sa halip, para magamit iyon ng lahat ng kapatid na gumagawa ng kanilang mga tungkulin nang buong oras. Kung gayon, kung paano dapat ipamahagi ang mga ito—ano ang mga prinsipyo sa pamamahagi ng mga iyon—ay isa pang responsabilidad na dapat tuparin ng mga lider at manggagawa sa kanilang pamamahala sa iba’t ibang materyal na aytem ng sambahayan ng Diyos. Binanggit natin dito ang makatwirang pamamahagi; sa kasong ito, ang pagiging “makatwiran” ay ang prinsipyong hinihingi ng sambahayan ng Diyos.

Sisimulan natin sa mga libro ng mga salita ng Diyos. Tuwing nagbibigay ng mga bagong libro, may mga hinihingi at panuntunan ang sambahayan ng Diyos pagdating sa mga prinsipyo tungkol sa kung kanino dapat ibigay ang mga librong iyon. Sa iglesia, may mga taong nagbabasa ng mga salita ng Diyos at may mga taong hindi nagbabasa, may mga taong nagmamahal sa katotohanan at may mga taong hindi nagmamahal, at may mga taong gumagawa ng mga tungkulin at may mga taong hindi gumagawa—dapat magkaroon ng pagkakaiba-iba sa pagitan ng mga ganitong uri ng mga tao. May ilan ding mga espesyal na libro sa uri ng mga aklat—ang mga gramatika, diksyunaryo, at iba pang gayong mga instrumental na libro. Dapat ipamigay ang lahat ng ito nang istrikto naaayon sa mga prinsipyo. Dapat ibigay ang mga ito sa mga nangangailangan nito, at hindi sa mga hindi nangangailangan. At pagkatapos may ilang naiimprentang instrumental na libro na kakaunti lang ang dami—kung ibinigay ito sa isang indibiduwal, ano ang hinihingi sa indibiduwal na iyon? Puwede mong basahin ang mga iyon, pero huwag mong sirain ang mga iyon; huwag mong iwan sa kung saan-saan o huwag kang basta-basta pipilas ng papel sa mga iyon. At dapat na ibalik ang mga iyon sa orihinal na puwesto ng mga ito kapag tapos mo nang basahin. Pagdating sa mga libro ukol sa pananampalataya sa Diyos, dapat ipamahagi ng mga lider at manggagawa ang mga iyon nang istriktong naaayon sa mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos, at dapat nilang hayaan ang mga hinirang na tao ng Diyos na maunawaan din ang mga prinsipyo, at kumilos ayon sa mga ito.

Ang kasunod ay kung paano ipamamahagi ang iba’t ibang klase ng mga kagamitan. Ito ay talagang kritikal na gampanin. Medyo mas istrikto ang pamamahagi sa iba’t ibang klase ng mga kagamitan. Ang mga kagamitang iyon ay kinabibilangan ng mga elektroniko, pati na rin ang mga kasangkapang kinakailangan para sa iba’t ibang propesyon. Kapag ipinamahagi ito ng mga lider at manggagawa, may mga prinsipyo rin dapat doon. Ang mga binigyan ng mga iyon ay dapat na mga taong kayang pamilyar na paganahin ang gayong kagamitan at gamitin ito nang tama at makatwiran. Kung may baguhan o talagang hindi alam kung paano ito gamitin, hindi ito dapat ibigay sa kanya. Ganito dapat lalo na sa mga magaganda, mamahaling elektroniko, gaya ng mamahaling kamera at computer, pati na rin sa mga pang-rekord na kagamitan, mga photographic device, o mga kagamitang kailangan para sa video post-production—lalong hindi dapat ibigay ang mga ganitong kagamitan sa gayong tao, para maiwasan ang pagkasira nito. Dapat siguruhin ng mga lider at manggagawa na ang mga gumagamit ng gayong kagamitan ay, una, kayang pahalagahan ang mga kagamitan, at pangalawa, kayang gamitin at imentena nang tama ang mga ito. Halimbawa, ayon sa panuntunan may ilang kagamitan na dapat pagpahingahin nang sampung minuto pagkatapos ng dalawang oras ng paggamit dito para lumamig. Kung hindi ito palalamigin, masisira ang kagamitan at paiikliin ang haba ng buhay nito. Ang mga taong nagpapahalaga sa kagamitan ay gagamitin ito nang istriktong naaayon sa mga gabay sa pangangalaga; kusa nila itong susundin nang hindi mo sinasabihan, at magiging mas istrikto sila at mas tumpak kapag inudyukan mo sila. Angkop ang mga gayong tao na gamitin ang mga kagamitan; akma sila para gamitin ang mga mamahaling bagay, dahil alam nilang pahalagahan ang mga kagamitan, at siniseryoso nila ang gabay sa pagmementena at pagkukumpuni rito. Ang gayong mga tao, na kayang pahalagahan ang mga kagamitan at gamitin ito nang normal, ang pinakaangkop para sa pamamahagi at distribusyon ng mga mamahaling kagamitan. Dapat isagawa ng mga lider at manggagawa ang tamang pagsusubaybay sa bagay na ito. Kung may mamahaling computer, at ibinigay ito para magamit ng kahit na sino na nag-aaplay na nagsasabi ng pangangailangan nila para rito, tama ba ang prinsipyo roon? (Hindi.) Ano ang hindi tama roon? Para mga lider at manggagawa, ang bahagi ng distribusyon at pamamahagi ng gayong mga bagay ay dapat na ibatay sa propesyonal na kakayahan ng taong naatasan ng gawain; ang isa pang bahagi ay iyong dapat nilang ibatay ito sa antas ng pagpapahalaga ng taong iyon sa kagamitan, kung mayroon ba itong pagkatao, kung pinapahalagahan ba nito ang kagamitan kapag ginagamit niya. Kung hindi alam ng tao na pangalagaan ang kagamitan at hindi pamilyar sa mga kasanayan ng propesyon, at gusto lang paglaruan ang kagamitan dahil sa pagkamausisa niya, kung gayon ay dapat siyang limitahan at pagbawalan sa paggamit nito. Hindi siya angkop na gumamit at pangalagaan ang mamahaling kagamitan. Sapat nang bigyan ng mga ordinaryong kagamitan ang mga gumagawa ng mga ordinaryong tungkulin. Ang mga may alam sa isang propesyon ay may mabuting pagkatao; at ang mga may alam kung paano gumamit, magmentena, at pahalagahan ang mga kagamitan ay maaaring gumamit ng mamahaling kagamitan, dahil sanay sila sa isang propesyon at kayang gumamit ng mamahaling kagamitan. Kung ang isang taong magulo ang isip o magaslaw ay bibigyan mo ng isang mamahaling bagay para magamit nito, sisirain niya ang kagamitan sa loob lang ng ilang araw. Hindi na ito magagamit ng iba, at hindi magiging madaling kumpunihin ito. Hindi lamang nito hinahadlangan ang gawain ng iglesia, kundi sinasayang din nito ang materyal na aytem ng sambahayan ng Diyos. Anong ipinahihiwatig dito? Na ang gayong tao ay hindi angkop na gumamit ng gayong kagagandang kagamitan. Dapat na ibigay sa mga taong may pagkatao ang magagandang kagamitan para magamit nila, sa mga taong alam ang pasikot-sikot ng isang propesyon. Sapat nang gumamit ng mga ordinaryong bagay ang mga hindi bihasa sa isang propesyon at mahina ang pagkatao. Makatwiran bang ipamahagi nang ganito ang mga bagay? (Makatwiran.)

Sa lahat ng uri ng materyal na bagay, ang iba’t ibang tao ay may magkakaibang paraan ng pagtrato sa mga ito. Bumibili ang ibang tao ng mamahaling computer, at pagkatapos ng dalawang taong paggamit, mukha pa rin itong bago; kailanman ay wala kang makikitang bakas ng daliri sa screen nito, at napakalinis palagi ng keyboard, walang kahit na anong alikabok. Maayos at malinis din ang desktop, at ang nakatago sa computer ay talagang organisado at malinaw lahat. Kung may magsabi sa kanila na makakasama para sa screen kapag matagal itong ginagamit, itatanong nila kaagad ang pinakamagandang paraan kung paano protektahan ang screen—alin man ang pinakamainam, iyon ang gagawin nila. Kung may magsabi sa kanila na kailangang magpahinga ng computer pagkatapos ng mahabang paggamit, na hindi ito gagana nang maayos kapag naging napakainit, na makakaapekto ito sa haba ng buhay ng kagamitan, kung gayon, kapag natanto nila na mahigit sa dalawang oras na nilang gamit ang kanilang computer, hihinto sila kaagad para palamigin ito. Kung mabagal itong lumamig dahil napakainit ng panahon, tatapatan nila ito ng bentilador. Tinatrato nila ang kagamitan nang may gayong espesyal na pangangalaga na para bang anak nila ito. Napakaingat at maalaga nila kapag inilalagay ito sa bag, at kapag inilagay nila ito sa mesa, kailangang linisin muna nila ang ibabaw nito at ilalagay nang tama ang kagamitan. Hindi ba’t kalakasan nila ito? (Oo.) Ang gayong mga tao ay hindi lamang basta pinahahalagahan ang kagamitan nang sila lang—kapag nakita nila ang iba na sinisira at winawasak ang kagamitan, hindi nila ito matiis. Angkop ang gayong mga tao na gumamit ng magagandang kagamitan. Bumibili rin ng mga mamahaling computer ang ilang tao na may pera, na hindi man lang nila pinapahalagahan kapag naiuwi na nila. Hindi nila ito nililinis, gaano man ito kaalikabok, at talagang pinarurumi nila ito. Ginagamit ng mga taong ito ang kagamitan sa loob ng dalawang buwan, at mukhang nagamit na ito sa loob ng sampung taon; ang iba naman ay gagamitin ang isang kagamitan sa loob ng dalawang taon, at magmumukha pa rin itong bago. Sabihan mo silang kailangan nang imentena ang mga kagamitan, at sasabihin nila, “Para saan pa ang pagmementena ng ang gamit na iyan? Pinagsisilbihan ng mga kagamitan ang mga tao, para sa kapakanan ng mga tao. Kung masisira iyan, bumili na lang ng bago!” Dahil doon, nasira na ang kagamitan nang wala pang anim na buwan dahil sa maling paggamit. Ano sa tingin ninyo ang gayong mga tao? Angkop ba silang gumamit ng mamahaling kagamitan? (Hindi.) Gaano man kaganda ang mga computer na binibili nila, hindi nila iniisip na pahalagahan ang mga ito, kundi inihahagis lang ang mga ito at walang ingat na itinatago. Balot na ng mga gasgas ang ilan sa mga computer nila; ang ilan ay nasira dahil sa tubig; ang ilan ay bumagsak at nabasag. Talagang magaspang ang paggamit nila. May isang bagay na wala sa gayong pagkatao ng mga tao. Handa ba kayong ipamahagi ang magandang kagamitan para magamit ng gayong mga tao? (Hindi.) Ang ilang tao ay nagsusuot ng salamin, at palaging napakalinis ng mga lente nito, samantalang mga lente ng ibang tao ay marurumi, may mga dumi at bakas ng daliri at iba pang dumi sa mga ito. Paano ba nila nagagamit ang mga iyon nang ganoon? Ang mga mag-iingat sa kanilang salamin ay maingat kapag inilalapag nila ito; talagang hindi nila hahayaang dumikit ang lente sa ibabaw ng mesa o sa kahit anong bagay, ni hindi nila pababayaang magagas ang lente o magkaroon ng anumang lamat. Napakahalaga ng salamin lalo na sa mga taong malabo ang mata—paano mo pa ito magagamit kung nagasgasan mo na ang mga lente nito? Ang ilang tao ay pabaya sa kanilang mga salamin, at lumalabo na ang mga lente nito pagkatapos nila itong suotin nang maikling panahon lang. Hindi sila makakita nang malinaw kapag sinusuot nila ang mga ito—mas mabuti pa ngang hindi nila ito suot. Pero iniisip nilang ayos lang na isuot ito nang ganoon, na para bang walang pinagkaiba. Naguguluhan Ako rito: Hindi ba’t ang layon nila sa pagsusuot ng salamin ay para makita nang mas malinaw ang mga bagay? Ano bang makikita nila nang malinaw, puno naman ng gasgas ang mga lente niyon? Hindi ba’t magagaspang ang taong ito? Talagang magagaspang! May isang bagay na wala sa pagkatao ng sobrang magagaspang na tao—hindi nila alam kung paano alagaan ang mga bagay-bagay, lalo pa ang isiping pahalagahan ang mga ito.

Pagdating sa mahahalagang kagamitan at kasangkapan ng sambahayan ng Diyos, ano ang responsabilidad ng mga lider at manggagawa? Kapag ipinamamahagi ang gayong kagamitan, dapat itong ibigay sa angkop na tao. Ang mga gumagamit ng gayong mahahalaga, mga mamahaling kagamitan ay dapat mga taong talagang alam kung paano pahalagahan ang mga bagay. Papahalagahan nila ito, aalagaaan ito, at imementena ito; kapag nasa kanila ito, makatitiyak kang hindi nila ito kailanman sadyang wawasakin o sisirain o dahil sa mga salik na kagagawan nila, maliban na lang dahil sa isang sandali ng kapabayaan o dahil sa kawalan ng ilang elemento ng karaniwang kaalaman. Maaaring gamitin ng mga gayong tao ang kagamitang ito; maaaring ipamahagi sa kanila ang mamahalin, magagandang kagamitan. Sa mga taong likas na magaspang sa paggamit ng mga bagay, ayos lang na bigyan sila ng mga ordinaryong bagay para magamit. Gayundin, ang mga tagapag-ingat ng mga gayong kagamitan at kasangkapan ay responsable sa pagtatabi ng mga rekord ng paggamit sa mga ito; kung sino ang kumuha at gaano katagal ang pinaggamitan nito, o kung aling aytem ang ekslusibong magagamit ng isang tao, kung sino ang dapat magbayad ayon sa halaga nito kung ito ay masira. Dapat pumirma ang parehong partido sa bagay na ito, para pantay ang bagay-bagay at makatwiran para sa lahat. Dapat ingatang mabuti ang mga kagamitan at kasangkapan, maikli o mahaba man ang paggamit dito; dapat matutuhan ng gagamit na gamitin ito nang tama, at kung pumalya ang mga ito, dapat kumpunihin kaagad ang mga ito. Mas metikulosong nagawa ang gawaing ito, mas mabuti. Kung umusbong ang isang sitwasyon kung saan inaaresto ng rehimen ni Satanas ang mga tao, ang pinakamahalagang responsabilidad ng mga lider at manggagawa kung gayon ay ang ipamahagi ang mahahalagang kagamitan at kasangkapan sa mga maaasahan, mapagkakatiwalaang tao. Kapag napadala na nila ito, dapat nilang bigyan ng ilang payo ang tao, na nagsasabi rito na, “Galing sa sambahayan ng Diyos ang mga bagay na ito, para magamit mo sa paggampan sa iyong tungkulin. Hindi ito dapat paglaruan. Dapat mong makatwirang gamitin ito at ingatan ang mga ito. Huwag mong sirain ang mga ito. Dahil kailangan para sa paggampan ng tungkulin ang mga kagamitan at kasangkapang ito, kung may masira sa mga ito, dapat itong bayaran ayon sa halaga ng mga ito. Kung maantala ang gawain dahil sa nasirang kagamitan, isyu na iyon na may mas seryosong kalikasan, ibig sabihin ay may ilang panggugulo at pangwawasak na rito. Kaya, dapat mong malaman kung paano gamitin nang tama ang lahat ng klase ng kagamitan at kasangkapan sa paggawa ng mga tungkulin—hinding-hindi mo dapat sirain ang pagmamay-ari ng sambahayan ng Diyos. Siguruhin mong tandaan ang mga prinsipyong ito: makatwirang paggamit, at regular na inspeksyon, pagkukumpuni, at pagmementena—kung may pumalya, iulat mo ito kaagad at mag-aplay para sa pagpapakumpuni.” Sa isang banda, para magawa nang maayos ang gawaing ito, dapat alam ng mga lider at manggagawa ang mga prinsipyo ng pamamahagi at paggamit; sa kabilang banda, dapat hayaan nilang malaman ng mga gumagamit kung paano gampanan ang pagmementena at pag-aalaga, at kung paano gampanan ang mga pagkukumpuni kung pumalya ito, at iba pa. Ito ay karaniwang kaalaman na dapat nauunawaan ng mga tao at dapat taglayin pagdating sa pag-iingat at paggamit sa lahat ng klase ng kagamitan at kasangkapan.

Dapat makatwirang ipamahagi ng mga lider at manggagawa ang iba’t ibang kagamitan ng sambahayan ng Diyos. Halimbawa, kung kailangan ng isang manggagawa ang isang computer na may medyo komprehensibo ang specs, dapat kang maglaan sa kanya. Kung sinabi niyang hindi sapat ang isa, dapat mong tanungin kung bakit ganoon, at dapat magtanong-tanong ka at alamin mo kung makatotohanan ang sinasabi niya. Huwag kang basta-basta susunod sa aplikasyon niya at bigyan siya ng maraming computer na hinihingi niya, na magbibigay ng dalawa kung sinabi niyang hindi sapat ang isa, na magbibigay ng tatlo kung sinabi niyang hindi sapat ang dalawa. Hindi ba’t namamahagi ka ng mga computer na para bang laruan ang mga iyon? Hindi ba’t kapabayaan iyon? Dapat mo munang imbestigahan ang sitwasyon at magpasya ka batay sa mga prinsipyo ng sambahayan ng Diyos. Huwag na huwag kang pabasta-bastang sasang-ayon sa lahat ng uri ng aplikasyon, kung sakaling may ilang taong basta-basta na lang nag-aaplay na nagpapanggap na gumagawa ng isang tungkulin. Bukod dito, maaaring mangailangan ng mamahaling computer ang ilang tao na gumagawa ng mahalagang gawain, pero ang mga personal nilang mga computer ay may mas mabababang specs. Dapat na tingnan din ito kaagad ng mga lider at manggagawa, at makatwirang maglaan ng kagamitan. Ang pagbibigay ng mga computer ay dapat na pagpasyahan batay sa kalikasan ng gawain ng isang tao at sa mga kinakailangang specs ng computer. Kung isang ordinaryong lider o manggagawa lang ang isang tao, at hindi siya parte ng computer technology o gawain ng paggawa ng video, at gumagamit lang ng mga computer para gumawa gaya ng pag-i-internet, paghahanap ng mga sanggunian, at pagtawag, at wala siyang masyadong kinakailangan pagdating sa specs ng kanyang computer, kung gayon, uubra na sa kanya na gumamit ng ordinaryong computer. Alam lang gumamit ng ilang matatanda ng mga simpleng operasyon gaya ng pag-type, pag-o-online, at pagtawag, pero kapag naging lider o manggagawa na sila, binibigyan sila ng mamahaling computer. Makatwiran ba ito? Hindi ba’t naghahanap sila ng mga espesyal na pribilehiyo? Hindi ba’t natatamasa nila ang mga pakinabang ng katayuan? (Ganoon nga.) Para saan gagamitin ang ganitong uri ng mamahalin, magagandang kagamitan? Dapat ibigay ang mga iyon para magamit ng mga may kaugnayang manggagawa at propesyonal na manggagawa. Hindi ito dapat itugma sa katayuan ng isang tao. Maling pinaniniwalaan ng mga lider at manggagawa na dapat nilang matamasa ang mga natatanging karapatan sa paggamit ng iba’t ibang aytem ng sambahayan ng Diyos. Panuntunan ba iyon sa sambahayan ng Diyos? Hindi. Kapag naging mga lider at manggagawa ang ilang tao, binibigyan sila kaagad ng mga mamahaling computer, cell phone, at headphone, at binibigyan sila ng lahat ng klase ng mamahaling kagamitan. Anong kahihinatnan nito? Ginagawa ba talaga ito para magkamit ng magagandang resulta sa gawain? Hindi ba nagnanasa ng pagtatamasa ng laman ang mga taong iyon? Para saan mo ba ginagamit ang mamahaling computer? Hindi ba’t nagdadaos ka lang ng mga pagtitipon online at nangangaral ng mga salita at doktrina? Alam mo ba kung paano mag-upload ng mga video, o kaya mo bang gumawa ng mga video? Alam mo ba kung paano magmentena ng network security, o kaya mo bang gumawa ng mga website? Alam mo ba ang mga propesyong ito? Kung hindi, ano ang gamit sa iyo ng ilang mamahaling computer? Hindi ba’t nakakasuklam gawin ito? (Ganoon nga.) Kung may sarili kang pera, walang makikialam kung ilang computer ang bilhin mo, at walang manghihimasok gaano man kamamahal ang mga ito. Pinag-uusapan natin ngayon ang tungkol sa kung paano makatwirang ipapamahagi ang mga materyal na aytem ng sambahayan ng Diyos. Ano ang ibig sabihin ng “makatwiran”? Kapag ginagamit ng mga lider at manggagawa ang mamahaling kagamitang ito ng sambahayan ng Diyos, maituturing ba iyon na “makatwirang” paggamit dito? (Hindi.) Hindi nila alam ang propesyon o kung paano gawin ang kahit ano. Makakapagpataas ba ng antas nila ang pagkakaroon ng mamahaling ccomputer? Ano ang ipinagmamalaki nila? Walang panuntunan ang sambahayan ng Diyos na nagbibigay ng natatanging karapatan ng paggamit at paglalaan ng mga materyal na aytem nito sa mga lider at manggagawa; wala silang ganoong natatanging pribilehiyo, at hindi ito makatwirang prinsipyo sa pamamahagi ng mga aytem ng sambahayan ng Diyos—hindi talaga ito makatwiran. Maaaring may isang taong bibili mismo ng mga bagay na ito kung nasa posisyon siyang gawin iyon; kung hindi, at kailangang paglaanan siya ng sambahayan ng Diyos, kung gayon, sapat na para sa kanya na gumamit ng mga ordinaryong kagamitan. Patas at makatwiran ito. Ang mga tunay na nakakaalam kung paano gamitin ang mamahaling kagamitang ito ay mga propesyonal na manggagawang sangkot sa gawain ito, kaya dapat ilaan ng sambahayan ng Diyos ang kagamitang ito sa kanila. Ito ang ilang prinsipyong dapat maunawaan at maarok ng mga lider at manggagawa tungkol sa pamamahagi ng mga materyal na aytem ng sambahayan ng Diyos. Batay sa mga prinsipyong ito, suriin ninyong muli kung ang mga ito ay hindi makatwirang naipamahagi sa kung saan-saan. Kung gayon man, bilisan ninyo at ituwid ito. Pagkatapos maging mga lider at manggagawa ng ilang tao, nakikita nila na walang sinuman sa sambahayan ng Diyos ang nagpapalakas sa kanila, na walang nagbibigay sa kanila ng mga mamahaling aytem, at suot pa rin nila ang mga sarili, at lumang damit nila, ginagamit pa rin ang kanilang sarili, sobrang ordinaryong maliit na computer, at na hindi pa sila binigyan ng sambahayan ng Diyos ng magandang computer. Kaya, nagpupunta sila sa pangkat ng finance at nag-a-aplay para bumili ng isang computer. Makatwiran ba ito? (Hindi.) Sinasabi nila, “Kung hindi mo ito ibibigay sa akin, hindi ko gagawin ang tungkulin ko—hahanap ako ng pagkakataon para ibili ako ng mamahaling computer ng sambahayan ng Diyos, isang mas bagong modelo, iyong mas mabilis!” Napakalakas ng loob nila—wala silang hindi pangangahasan. Pagkatapos maging lider ng mga taong ito, tinatrato nilang kanila ang sambahayan ng Diyos, inaakalang, “Akin din ang pera ng sambahayan ng Diyos—gagastusin ko ito kung gusto ko!” Ito ay isang bagay na kayang gawin ng mga anticristo.

Tapos na tayo sa pagtatalakay tungkol sa makatwirang pamamahagi ng iba’t ibang materyal na aytem at kagamitan. Kasunod nito, pag-uusapan natin ang mga bagay para sa araw-araw na pamumuhay, halimbawa: ang mga butil, gulay, at tuyong pagkain, pati na rin ang mga kinakailangang sangkap sa pagluluto, ang iba’t ibang suplementong pagkain, at iba pa. Ang mga aytem na ito ay hindi basta makatwirang itatago, kundi dapat ding makatwirang ipamahagi. Kaya, kung gayon, paano makatwirang ipapamahagi ang iba’t ibang aytem na ito? May mga pamantayan ang Diyos para sa pagkain nito, at ang mga namamahala sa gayong mga aytem ay dapat na makatwirang mamahagi sa mahigpit na pagsunod sa mga pamantayang iyon. Hindi sila dapat magbigay ng mas maraming masasarap na pagkain sa mga malalapit sa kanila. Halimbawa, kung may biniling ilang masasarap, magagandang-kalidad ng bigas, o kung ilang prutas o karne ang binibili paminsan-minsan, at nagbigay ka nang mas marami sa sinumang may magandang relasyon sa iyo, o ibibigay ang lahat ng magagandang bagay sa kanila, samantalang ibinibigay ang masasama sa iba—maituturing ba iyong makatwirang pamamahagi? (Hindi.) Kung gayon, paano dapat sukatin ang “pagkamakatwiran” dito? Anong paraan ng pamamahagi ang maituturing na makatwiran? Ang pantay na pamamahagi, ayon sa mga prinsipyo at mga hinihinging pamantayan na itinakda ng sambahayan ng Diyos para sa mga pagkain, nagbibigay nang kung gaano ang dapat ipamigay. Kung sa tingin mo ay malapit ka sa isang tao, maaari mong ibigay rito ang parte mo. Huwag kang maging mapagbigay sa mga bagay na pagmamay-ari ng ibang tao, at huwag mong gamitin ang mga materyal na aytem ng sambahayan ng Diyos para magpakita ng pagiging mapagbigay sa ibang tao; kung gusto mong maging mapagbigay, gawin mo ito sa mga pagmamay-ari mo. Hindi isang prinsipyo sa sambahayan ng Diyos ang pagiging mapagbigay—ang prinsipyo sa sambahayan ng Diyos ay ang makatwirang pamamahagi. Ang distribusyon ng pang-araw-araw na mga kinakailangan sa buhay at iba’t ibang pagkain ay dapat gawin ayon sa mga pamantayang itinakda ng sambahayan ng Diyos, hindi nang pabasta-basta. Natural lang na maaaring pangasiwaan at subaybayan ng mga lider at manggagawa kung nasa tamang lugar ba ang puso ng mga taong responsable sa distribusyon ng mga gayong bagay, kung makatwiran ba ang distribusyon nila, kung ginagawa ba ang distribusyon ayon sa mga prinsipyo ng sambahayan ng Diyos, kung paano ito iniuulat ng mga tao, kung may mga reklamo ba sila, at kung naasikaso ba ang lahat. Anong dapat gawin kung minsan ay kapos sa ilang bagay? Tama bang magtabi ang mga lider at manggagawa para sila mismo ang kakain? Maaaring sabihin ng ilan, “Ang mga lider at manggagawa ang may pinakamataas na katayuan at katanyagan, at karaniwang sila ang pinakamaraming sinasabi sa atin, kaya natutuyo ang bibig nila. Kung mayroong magagandang bagay, iwan natin ito para makain nila.” Tama bang ipamahagi ang mga ito nang ganito? (Hindi; dapat na itabi ang mga bagay para sa mga tunay na nangangailangan ng mga iyon.) Kung kulang sa supplay ang ilang medyo mamahaling produktong pangkalusugan, paano dapat ipamahagi ang mga iyon? Dapat ipamahagi ang mga iyon sa mga naggugol ng kanilang sarili nang maraming taon para sa Diyos at nagkontribusyon. Hindi maayos ang kalusugan nila dahil sa kanilang edad, pero may konsensiya pa rin nilang ginagawa ang kanilang mga tungkulin, at talagang nakinabang ang mga kapatid mula sa kanila. Kailangang medyo ingatan at alagaan ng mga taong ito ang kanilang katawan, at tama lang na hayaan silang kumain at gumamit ng mga produktong pangkalusugan. Walang dapat mag-away sa mga kapos na supplay na ito. Ganito dapat ipamahagi ng mga lider at manggagawa ang mga ito. Makatwiran ba ito? (Oo.) Kung gayon, may pagtutol ba ang karamihan sa mga tao sa gayong pamamahagi? May nagsasabi bang, “Maaaring hindi ako ganoon katanda, pero marami akong gawaing kailangang gawin—mahigit walong oras akong gumagawa kada araw. Maaaring hindi gaanong kahusay ang gawain ko, at maaaring hindi ko pa ito nagagawa sa loob ng maraming taon, pero hindi rin ganoon kaayos ang kalusugan ko paminsan-minsan. Bakit walang nagmamalasakit sa akin? Kapag may magagandang bagay, hindi ako kailanman nakakatanggap ng mga iyon, pero kapag may gawaing dapat magawa, palaging ako ang hinahanap”? Dapat bang bigyan ng parte ang taong gaya nito? Dahil may lakas siya ng loob na manghingi nito, magtabi kayo para sa kanya–makatwiran ba iyon? Sasang-ayon ba kayong gawin ito? (Hindi.) Kung Ako iyon, sasang-ayon Ako. Bakit tayo masyadong mamomroblema sa mga gayong bagay? Hindi nabubuhay ang mga tao para sa katamasahan; hindi sila nabubuhay para kumain, uminom, at magpakasaya. Bakit kailangang pag-awayan ang mga iyon? Kung may isang taong gustong ipaglaban iyon, at medyo angkop naman ang sitwasyon niya, hayaan ninyong medyo matamasa niya ang mga iyon. Napagbigyan sila ng espesyal na pabor, pero hindi ka mawawalan dahil dito; hindi kailangan masyadong mabahala. Kaya, ipagpalagay na may magsasabi, “Bakit hindi mo ako bigyan? Hindi rin maayos ang kalusugan ko; kung talagang makakain ako ng isang mabuting bagay, dahil sa bumuting kalusugan ko, makakaya ko na makagawa pa at magpasan ng higit pang pasakit para sa sambahayan ng Diyos, at mas magiging mahusay ang gawain ko.” Dahil humiling siya nang ganito, huwag ninyo siyang ipahiya sa pagtanggi rito, ipamahagi ninyo ang ilan sa kanya. Hindi dapat masyadong mabahala ang ibang tao rito—maging medyo mapagbigay kayo. Hindi ba’t magpapatuloy ang buhay mo gaya ng dati kahit wala ang mga iyon? Hindi kapos ang ibinibigay ng Diyos sa mga tao; umaapaw at masagana ito—hindi kailangang pag-awayan ang mga ito. Kung may ilang espesyal na aytem, at walang nakakaramdam na kinakailangan niya ito o na kailangan niya itong tamasahin, kaya alinmang klase ng tao ang napagkaisahan ng karamihan na pinakaangkop, siya ang dapat bigyan nito para makain. Binibigyang-diin natin ang pagkatao at makatwirang pamamahagi ng mga bagay-bagay. Ang mga nagtatamo ng mga ito ay dapat na tanggapin ang mga ito sa Diyos at pasalamatan Siya para sa Kanyang biyaya. Hindi ito dapat pag-awayan ng iba. Kung gagawin mo, hindi ka makatwiran, sinasadyang mong manggulo, at lihis ka. Ganito dapat tratuhin ang gayong mga espesyal na sitwasyon. May mga prinsipyo para sa mga espesyal na sitwasyon at sa mga ordinaryong sitwasyon; hindi ito dapat tratuhin nang pabasta-basta, lalo pa sa batayan ng mga hinihingi ng mga relasyon ng tao. Kapag makatwirang ipinamahagi ang mga ito, natupad na ng mga lider at manggagawa ang responsabilidad nila.

Sa pamamahagi ng pang-araw-araw na panustos at pagkain, dapat ding gawin iyon ng mga lider at manggagawa batay sa tunay na mga sitwasyon, sa tunay na dami ng tao, at sa tunay dami ng kailangan, para maipamahagi ang mga iyon sa isang tunay na makatwirang paraan, na may layong hindi hayaang masayang o magdusa ng kawalan. Isang responsabilidad ito na dapat tuparin ng mga lider at manggagawa. Minsan, kapag wala silang pang-unawa sa partikular na mga sitwasyon, maaaring maglaan sila ng ilang bagay ayon sa pangunahing prinsipyo, at matuto kalaunan, sa pamamagitan ng puna at kasunod na pagsusubaybay, na hindi makatwiran ang pamamahagi, na ito ay medyo tali sa patakaran. Sa ganoong sitwasyon, dapat pagbutihin nila sa susunod, para maiwasang mangyari muli ang ganoong problema at para mabawasan ang pagsasayang at kawalan. Iyon ay pagtupad sa kanilang responsabilidad. Siyempre, para maiwasan ang pagkasira at pagsasayang, sa isang banda, dapat mas magtanong-tanong sila kapag namamahagi ng mga bagay-bagay; dapat din silang istriktong sumunod sa mga prinsipyo. Kinakailangan ito. Huwag basta-basta ibigay ang mga bagay-bagay, na hindi ibinibigay ang mga iyon sa mga tunay na nangangailangaan ng mga iyon, na hindi ibinibigay ang mga iyon sa mga gumagawa nang sinsero sa kanilang tungkulin, na may katotohanang realidad, kundi partikular na ibinibigay ang mga iyon sa mga nambobola na walang espirituwal na pang-unawa. Ang paggawa ba niyon ay isang pag-akto na naaayon sa mga prinsipyo? (Hindi.) Ang paggawa ba niyon ay hindi labis na kapabayaan? Ang hindi kumilos nang ayon sa mga prinsipyo ay hindi pagtupad sa mga responsabilidad ng isang tao. Anong tinutukoy ng pagtupad ng isang tao sa mga responsabilidad? Ito ay hindi ang paggawa nang pabasta-basta at pagsunod sa mga patakaran, at hindi ito natutupad sa pamamagitan ng paggawa sa mga serye ng hakbang—sa halip, ito ay isang pagkilos na isang tunay na istriktong pagsunod sa mga prinsipyong hinihingi ng sambahayan ng Diyos, habang tinitiyak din na walang mga nangyayaring sitwasyon ng pagsasayang o paninira sa anumang bagay sa sambahayan ng Diyos. Iyon ang ibig sabihin ng tunay na pagtupad sa iyong responsabilidad. Halimbawa, sa pagbibigay ng mga itlog sa limang tao, dapat ay bigyan mo ng isang itlog ang bawat tao kada araw, at bigyan mo sila kada sampung araw, kaya padadalhan mo sila ng eksaktong limampung itlog. Sa isang banda, dapat ay bigyan mo sila sa ganitong paraan, dahil kaunti lamang ito at madaling gawin; bukod dito, eksaktong dami ito para makain nila. Talagang tama ang magsagawa nang ganito, nang ayon sa mga pamantayan at pagtatakdang hinihingi ng sambahayan ng Diyos—pagkilos ito ayon sa mga prinsipyo. Kung dahil sa takot na maabala ay isandaang itlog agad ang ibinigay sa kanila ng lider at manggagawa—limandaang itlog sa kabuuan—magiging angkop ba iyon? Sabihin ninyo sa Akin, alin ang mas madaling ibiyahe at ingatan, ang limampung itlog o ang limandaang itlog? (Ang limampu.) Mas madaling ibiyahe at ingatan ang mas kakaunting bilang. Ang ibang tao ay talagang nagpapadala na ng katumbas ng isandaang araw, at bilang resulta, nababasag ang ilang itlog habang nasa biyahe, at nadudurog ang ilan kapag hinahatid sa destinasyon nito. Sa bawat maliit na pagkabasag, may isang bahagi ang nasisira. Dagdag pa rito, kapag nakikita ng mga tao na maraming itlog ang ipinamigay, kaswal nila itong sasayangin, kaya wala na silang makakaing itlog bago ba dumating ang araw ng susunod na padala. Kaya, kapag nabasag at nasira ang mga itlog na ito, hindi ba’t dahil ito sa kapabayaan ng mga lider at manggagawa? (Oo.) Kung hihingi pa sila nang mas marami, puwede mo bang ibigay ang mga ito sa kanila? Ayon sa mga prinsipyo, hindi mo na sila puwedeng bigyan bago ang itinakdang petsa, pero ang pakiramdam nila ay naagrabyado sila kapag wala na silang makain. Ano ang dapat gawin dito? (Dapat silang bigyan sa takdang oras at may tamang dami.) Ang pagbibigay sa kanila sa takdang oras at may tamang dami ay ang kumilos nang naaayon sa mga prinsipyo—iyon ay makatwirang pamamahagi. Kapag ipinamamahagi ang mga ito, dapat talagang sumunod ang mga lider at manggagawa sa prinsipyo ng makatwirang pamamahagi at sa pamantayang hinihingi ng sambahayan ng Diyos, binibigyan sila sa takdang oras at nang regular. Bukod doon, dapat silang magkaroon ng isang agarang pang-unawa kung may mga kaso ba ng pagsasayang, kung mayroon bang mga muling aplikasyon o kahilingan para sa mga bagay na nagkulang dahil sa pagsasayang, at kung may mga kaso ba ng pagsasayang sa mga bagay na ipinamigay na ayaw ng mga tao. Halimbawa, kapag parehong ipinamigay ang karne at gulay, at karamihan sa mga tao ay gusto ng karne, maaaring maubos nila ito sa loob ng tatlo o limang araw, at natitira ang gulay. Hindi nagtatagal ang gulay; ang iba ay nalalanta at nabubulok nang ilang araw lang, kaya nauubusan na sila bago maibigay ang kasunod. Kaya maaaring may mag-aplay muli at manghingi ng mas marami. Dapat bang magbigay ng mas marami kapag ganitong klase ang sitwasyon? Makatwiran bang bigyan siya nang mas marami? (Hindi.) Ang ibang tao ay palihim na kakainin ang karne at mga itlog, at inuubos ang lahat ng gulay na gusto nila samantalang nagsasabi ng lahat ng katwiran at dahilan para hindi kainin ang ayaw nila. Kapag nalanta at nabulok na ang mga gulay, sasabihin nilang hindi na ito puwedeng kainin, at nagiging pagkain na lang ng mga baboy at manok, o kung hindi ay itinatapon na lang, pagkatapos ay manghihingi ng mas marami. Kapag ang mga lider at manggagawa ay nakaharap ang ganitong sitwasyon, paano nila ito pangangasiwaan? Kung sasabihin nila, “Bibigyan ko kayo ng mas marami sa susunod, dahil hindi pala iyan sapat—bibigyan kita nang mas marami, dahil marami kayong nakakain,” ganoon ba ang angkop na paraan sa pangangasiwa rito? Hindi ba’t bulag iyon? (Oo.) Paano sila naging bulag? (Hindi nila nauunawaan kung ano talaga ang nangyayari: Ang pangunahing dahilan kung bakit hindi sapat ang pagkaing ibinigay nila ay dahil sinayang ito.) Nagkaroon na agad sila ng kongklusyon nang hindi nauunawaan kung ano talaga ang nangyayari. Karamihan sa mga lugar ay may sapat na pagkain sa kung saan nagbigay nang ayon sa mga pagtatakda ng sambahayan ng Diyos. Bakit hindi ito kailanman sapat sa iisang lugar lang na iyon? Hindi ba’t kailangan ng partikular na imbestigasyon iyon? Dapat nilang puntahan ang lugar at magtanong mabuti at nang detalyado tungkol sa sitwasyon, para malaman kung anong nangyayari. Sa huli, sa pamamagitan ng imbestigasyon nila at pang-unawa, nalaman nila na ang tagaluto sa lugar na iyon ay masama at imoral na tao, na pinapakain sa mga manok ang pagkain na para sa tao, na sinasadyang sayangin ang pagkain ng sambahayan ng Diyos. Talagang maselan sila sa kinakain nila, at masasarap na pagkain lang ang gusto nilang kainin. Hindi sila kakain ng gulay kapag walang karne, at kapag mayroon naman, ni hindi sila kakain ng tokwa. Kapag nakakuha sila ng mga itlog, kinakain nila iyon sa bawat pagkain. Ekslusibo nilang pinipili ang masasarap na pagkain at hindi kumakain ng kahit anong ordinaryong gulay, ni wala silang pakialam kung mabulok ang mga ito. Dahil sa pang-unawa ay napag-alaman na isang masamang tao ang tagaluto—kung gayon, dapat ba silang bigyan ng dagdag na sustento sa susunod na magbigay ng mga bagay-bagay? (Hindi.) Sapat na ba ang hindi pagbibigay nang mas marami sa kanila? Paano dapat pangasiwaan ang problemang ito kapag natuklasan na? Palitan sila kaagad; halinhan sila ng isang taong may kaunting pagkatao para gampanan ang tungkulin. Tuklasin at lutasin kaagad ang problema, at itiwalag ang gayong masasamang tao, mga bulok na tao. Maaaring magtanong ang ilan, “Dahil hindi na sila nagluluto, ayos lang ba na magpakain sila ng mga manok?” (Hindi.) Kung pakakainin nila ang mga manok, hindi na mangingitlog ang mga manok; kung pakakainin nila ang mga baboy, mangangayayat ang mga baboy. Hindi makakabuting sila ang magpapakain sa kahit na ano. Dapat paalisin ang mga gayong tao—hindi sila akma na gawin ang isang tungkulin sa sambahayan ng Diyos. Kung may ibang natuklasang problema habang ipinamamahagi ang mga materyal na aytem ng sambahayan ng Diyos, dapat ding lutasin kaagad ang mga ito. Ano ang layon ng paglutas sa mga problemang ito? Para mabawasan ang pagsasayang at pagkasira na nangyayari sa mga materyal na aytem ng sambahayan ng Diyos. Maaaring magtanong ang ilan, “Para malutas ang mga problemang iyon, kailangang puntahan ng isang tao ang kusina para mag-imbestiga. Hindi ba’t sinabi Mo na hindi pinahihintulutang pumunta sa kusina ang mga lider at manggagawa? Bakit ngayon ay puwede na?” Dalawang magkaibang isyu iyon. Hindi Ko sinabing hindi sila puwedeng pumunta—paghihimay ito sa mga lider at manggagawang hindi alam kung paano gumawa, nakatambay nang walang ginagawa at palakad-lakad, ganid para sa mga pakinabang ng katayuan, palaging pumupunta sa kusina para maghanap ng masasarap na makakain. Sa kasalukuyang kaso, pupunta sila sa kusina para maglutas ng mga problema, hindi para maghanap ng masasarap na makakain. Pumunta kayo kung kinakailangan, at huwag kayong pumunta kung hindi. Maraming kailangang gawin ang mga lider at manggagawa, at isa ito sa mga gampanin nila, isa na malalaman lang ang partikular na mga problema sa pamamagitan ng pagpasok sa kaloob-looban ng kusina at para maunawaan ang mga detalye. Kung nalamang hindi angkop ang tagaluto, dapat siyang tanggalin kaagad at palitan ng isa na angkop. Sa paggawa nito, matitiyak na ang mga aytem na ibinigay ng sambahayan ng Diyos ay hindi masasayang at masisira. Paano Ko man ito sabihin, ang hinihingi sa mga lider at manggagawa ay iyong dapat nilang tuparin ang kanilang mga responsabilidad—kung ikaw ang dapat na mabahala at gumawa, kung gayon, dapat kang mabahala rito at gumawa rito. Dapat kang magmasid at makinig nang mabuti kung ano ang sinasabi ng bawat klase ng tao—at siyempre, dapat mo rin matutuhan sa puso mo na magkaroon ng mga opinyon, kaisipan, at pagkilatis sa lahat ng klase ng bagay; at isa pang mahalagang bagay ay ang isapuso ang mga prinsipyo na hinihingi ng sambahayan ng Diyos na masunod, at hindi lumilihis sa mga iyon sa anumang pagkakataon. Anumang gawain ang ginagawa mo, dapat mo munang maunawaan kung ano ang mga prinsipyo at panuntunang hinihingi ng sambahayan ng Diyos; bago ko gumawa, dapat mong tanungin ang sarili mo nang ilang beses ng mga katanungang gaya ng: Malinaw ba sa akin ang mga prinsipyong hinihingi ng sambahayan ng Diyos? Paano ito dapat gawin, kung ito ay dapat na gawin ayon sa mga prinsipyo ng sambahayan ng Diyos? Paano ito dapat gawin ayon sa mga prinsipyo sa mga espesyal na sitwasyon? Paano ito pangangasiwaan sa mga ordinaryong sitwasyon? Dapat mo talagang tanungin ang sarili mo ng mga ganito at iba pang gayong katanungan bago ka gumawa, at manalangin ka pa sa Diyos. Ang isang bahagi nito ay ang pagsusuri sa sarili; ang isa pa ay ang pagtanggap sa pasisiyasat ng Diyos. Ang paggawa nang gayon ay makakatulong sa mga lider at manggagawa na makagawa ng mas kaunting mga kamalian at paglihis sa kanilang gawain, makabawas ng pagsasayang sa mga materyal na aytem ng sambahayan ng Diyos, at makabawas sa mga kawalan na nangyayari sa Kanyang sambahayan. Ang mas mahalaga ay iyong sa paggawa nito ay natataguyod ang mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa at tinutupad ang mga responsabilidad na iyon. Ito ang tunay na dapat gawin ng mga lider at manggagawa. Ito ang hinihingi sa mga lider at manggagawa. Ang pagtatago at pamamahagi sa iba’t ibang materyal na aytem ng sambahayan ng Diyos ay hindi komplikadong gampanin. Sa isang banda, usapin ito ng pagiging pamilyar mismo ng mga lider at manggagawa sa mga prinsipyo; sa isa pang banda, ang mga lider at manggagawa ang dapat na mas magbahagi ng mga prinsipyong ito sa mga taong namamahala sa pangangasiwa ng iba’t ibang mga materyal na aytem, mas sumusubaybay sa mga bagay-bagay at sinusubukang mas maunawaan ang mga bagay-bagay at mas nag-iimbestiga sa kalagayan ng pamamahala, habang mas nakikipagbahaginan sa mga superbisor tungkol sa pamamahagi ng iba’t ibang materyal na aytem ng sambahayan ng Diyos, para bigyan sila ng masinsing pagkaarok sa mga prinsipyong ito. Siyempre, dapat din patuloy na mag-usisa ang mga lider at manggagawa at magtanong kung paano ipinamamahagi at ipinamimigay ng mga taong iyon ang mga aytem, at kung mayroon bang kahit anong espesyal na sitwasyon—halimbawa, kung ipinamamahagi ba ng mga superbisor ang mga aytem ayon sa mga prinsipyong hinihingi ng sambahayan ng Diyos sa iba’t ibang panahon, sa iba’t ibang pagkakataon, at sa mga sitwasyon kung saan ang iba’t ibang klase ng tao ay may iba-ibang hinihingi. Ang layon sa paggawa niyon ay para mabigyang-kakayahan ang iba’t ibang aytem ng sambahayan ng Diyos na magampanan nang epektibo ang mga layunin nito, at para magamit nang makatwiran sa pinakaposibleng antas, at para maitago sa pinakamainam na posibleng pag-iingat, na may pinakamainam na posibleng pagmementena. Ito ang responsabilidad ng mga lider at manggagawa.

Dahil naunawaan na natin ang mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa, naunawaan na rin ba ninyo ang mga prinsipyo na dapat maarok ng bawat isang kapatid sa kanilang patrato sa iba’t ibang materyal na aytem ng sambahayan ng Diyos? Maaaring hindi kayo mga lider at manggagawa, pero dapat pa rin ninyong tuparin ang responsabilidad ng pangangasiwa. Karapatan ito ng hinirang na mga tao ng Diyos. Gayundin, pagdating sa iba’t ibang materyal na aytem ng sambahayan ng Diyos—ang lahat ng klase ng mga aklat at instrumento; ang pang-araw-araw na pagkain, inumin, at mga aytem; at iba pa—dapat ay tratuhin ito ng lahat nang may pagmamahal at malasakit. Dapat ding magsagawa ang lahat ng mga regular na pagsubaybay, pagkukumpuni, at pagmementena sa iba’t ibang bagay na ginagamit nila, at dapat nilang makatwirang gamitin ito—huwag hayaang masira o masayang ang mga ito habang nasa iyo, o itapon ito nang basta-basta. Sinasabi ng ilan, “Hindi naman sa akin ang bagay na ito. Hindi ko naman binili ito gamit ang pera ko. Ibinigay ito sa akin ng sambahayan ng Diyos—pampublikong pagmamay-ari ito. Hindi ko kailangang makialam kapag minementa at kinukumpuni ito, o kung saan ito nakatago. Hindi ko ito puwedeng dalhin kung saan-saan, na para bang ninakaw ko ito.” Makatwirang pag-iisip ba ito? Hindi ba’t talagang makasarili ito at walang pagkatao? (Ganoon nga.) Kung gayon, anong mga prinsipyo ang dapat na sundin sa paggamit ng mga materyal na aytem ng sambahayan ng Diyos? Kung may isang bagay na inilaan para magamit mo, ikaw ang dapat magkumpuni at mag-ingat rito habang ginagamit mo. Ikaw ang ganap na responsable; kahit wala ang pag-uudyok o pangangasiwa ng iba, dapat mong tratuhin, pahalagahan, at protektahan ang aytem na para bang personal mo itong pagmamay-ari. Iyon ang ibig sabihin ng magkaroon ng pagkatao. Anumang kondisyon ng bagay na iyon noong ibinigay ito sa iyo, kapag hindi ka na pinapayagang gamitin ito o tapos ka na rito, dapat mo itong ibalik sa taong nagtatago nito nang walang kahit anong sira at nasa orihinal na kondisyon nito. Ito ang tinatawag na pagkakaroon ng katwiran; ito ay isang bagay na dapat nasa pagkatao. Sinasabi mong nananampalataya ka sa Diyos, na may konsensiya at katwiran ka, na mahal mo ang katotohanan, at hinahangad ito, at nagpapasakop dito, pero kung wala kahit ang pinakamababang pagkatao na dapat mayroon ka sa pagtrato mo sa isang materyal na aytem, paano mo nasasabi ang tungkol sa pagmamahal sa katotohanan o pagsasagawa rito? Hindi ba’t medyo napakahungkag nito? Kung ni hindi mo matupad ang responsabilidad na dapat gawin mo sa pagtrato mo sa isang materyal na aytem, ibig sabihin masama ang pagkatao mo—“walang pagkatao” ang karaniwang paraan na sabihin ito. Dagdag dito, paano mo man gamitin ang personal mong pagmamay-ari, magaspang ka man o metikuloso sa pagtrato sa mga ito, karapatan mo iyon. Walang makikialam. Pero may mga prinsipyo ang sambahayan ng Diyos para sa paggamit sa mga bagay nito. Ang mga prinsipyong ito ay nakabatay lahat sa konsensiya at katwiran, at bagamat maaaring hindi umabot ang mga ito sa antas ng katotohanan, kahit papaano ay umaayon ang mga ito sa mga pamantayan para sa pagkatao. Kung ni hindi mo matugunan ang pamantayang ito para sa pagkatao, kung hindi mo nga matrato at magamit nang tama ang mga instrumento at panustos na ibinibigay sa iyo ng sambahayan ng Diyos, kung gayon, kaya mo mang maunawaan ang katotohanan at pumasok sa katotohanang realidad, ito ay isang problema—kwestiyonable ito. Kaya, pagdating sa pagtrato mo sa mga ito, may karapatan kang gamitin ang mga ito, at natural na may responsabilidad ka rin na kumpunihin, imentena, at ingatan ang mga ito. Dapat mong seryosohin ang mga ito. Kung gaya ng mga walang pananampalataya ay sinasabi mong, “Hindi naman ito sa akin. Hindi ko naman binili ito gamit ang sarili kong pera. Kung nasira ang pagmamay-ari ng publiko, masisira ito—bumili na lang ng bago, o kumpunihin ito kung kinakailangan. Ganoon pa rin, hindi naman na parang nalugi ako.” Kung ganoon ka mag-isip, problema iyon—nanganganib ka. Wala kang matuwid na katangian, at wala sa tama ang puso mo. Ang magtipid sa sariling mga gamit, pero hindi tinatratong importante ang mga bagay ng sambahayan ng Diyos, hindi nagmamalasakit na pahalagahan ang mga iyon—hindi ba’t isang tao iyon na ang puso ay wala sa tama? Gusto ba ng Diyos ang mga taong ang puso ay wala sa tama? (Hindi.) Sabihin mo sa Akin, sinisiyasat ba ng Diyos ang mga taong ang puso ay wala sa tama? (Sinisiyasat Niya.) Parehong sinisiyasat ng Diyos ang mga taong ang puso ay nasa tama at ang mga wala sa tama. Kapag tinatanggap mo ang pagsisiyasat ng Diyos, ano ang dapat gawin kung matuklasang nag-iisip ka sa ganoong paraan? Hindi mo ba papansinin? Hahayaan na lang na hindi tingnan? Hindi ito intindihin? “Sarili ko ang iniisip ko. Sino ka para makialam? Kung hahayaan mo akong gumamit ng isang bagay, may karapatan akong gamitin ito—anu’t ano man, ayos lang naman basta’t hindi ko sisirain ang kagamitan. Bakit ang tataas at napakarami mong hinihingi?” Tamang paraan ba ito ng pag-iisip? (Hindi.) Ito ay “kawalan ng pagkatao.” Kung may gayon kang mga kaisipan, dapat mong tanggapin ang pagsisiyasat ng Diyos at sabihing, “O Diyos, may tiwali akong disposisyon, at mababa ang pagkatao ko. Iniisip ko dati na talagang marangal at kagalang-galang ako, na may dignidad ako; hindi ko naisip na ibubunyag ako ng maliit na aytem na ito: may mga makasarili akong pagnanais; wala sa tama ang puso ko; mayroon akong sarili kong maliliit na layon. Handa akong tanggapin ang pagsisiyasat at pagdidisiplina Mo, at handa akong magbago.” Dapat kang manalangin at magsisi sa harap ng Diyos, at hayaan Siyang siyasatin ka. Kapag tinanggap mo ang pagsisiyasat Niya, paano mo dapat baguhin ang sarili mo? Sasabihin mong, “Imoral na mag-isip gaya ng ginawa ko dati—pag-iisip iyon ng mga walang pananampalataya, ng mga hindi mananampalataya. Hindi na ako puwedeng mag-isip nang gaya niyon. Hindi ko dapat tahakin ang daang iyon. Mananampalataya ako sa Diyos; kailangan kong maging isang taong may pagkatao at dignidad, kailangan kong gawin ang mga bagay na gusto ng Diyos. Kailangan kong baguhin ang paraan ng paggamit ko sa mga instrumento at kagamitan sa hinaharap. Kailangan kong pagpahingahin ang mga iyon kapag kinakailangan ng mga ito, at kumpunihin ang mga iyon kung kinakailangan, at mentenahin ang mga iyon kung kinakailangan. Dapat kong madalas na linisin ang mga iyon, at regular na suriin ang iba’t ibang bahagi ng mga ito para matiyak ang normal na paggamit. At maglilinis ako kaagad kapag tapos ko nang gamitin ang mga iyon, at ibabalik ang mga iyon sa taguan, para hindi hayaan ang mga walang kinalamang tao na pakialaman ito.” Pagkatapos, kapag ginamit mong muli ang mga kagamitan sa hinaharap, magiging lalo kang maingat at maasikaso. Patuloy na magbabago ang mga pananaw mo, at bubuti ang mga paraan mo, nagbabago ka mula sa makasarili, kasuklam-suklam na pag-iisip at kilos tungo sa isang pagpapahalaga sa responsabilidad, isang kaisipan para ingatan ang mga bagay-bagay, at isang kaisipan para umako ng responsabilidad. Ang pagbabago sa iyong pag-iisip ay pasimula ng tunay na pagbabago ng iyong sarili. Ito ay nagiging pagbabago sa mga paraan mo kapag tinutotoo mo ang iniisip at mga kaisipan mo sa iyong pagsasagawa. Kapag umabot ka na sa antas na ito saka makikita ng Diyos na talagang nagbabago ka at nagsisisi; ang mga pagbabago at pagpapalit na ito ay gagawin kang tunay na katanggap-tanggap sa Diyos. Ito ang pagsasagawa sa katotohanan. Ano ang pinakapangunahing bagay na dapat taglayin ng isang tao sa pagsasagawa ng katotohanan? Ang konsensiya at katwirang dapat taglayin ng mga tao. May konsensiya at katwiran ba ang isang makasarili, kasuklam-suklam na tao? (Wala.) Maaaring alam mo bilang isang bagay ng doktrina na hindi mo puwedeng iwang pakalat-kalat ang mga aytem ng sambahayan ng Diyos, o sirain at sayangin ang mga iyon, o maging iresponsable sa mga ito—pero sa puso at mga kaisipan mo, ano ang saloobin mo? “Anong saysay ng pag-iingat sa mga bagay na iyon? Ni hindi nga sa akin ang mga bagay na ito.” Kokontrolin ng gayong pag-iisip ang pag-uugali mo, kung gayon ay may silbi ba sa iyo ang doktrinang alam mo? Wala—magiging doktrina lamang ito na wala man lang saysay. Kapag nagbago lang ang pag-iisip at mga pananaw mo, at tunay kang nagbago at nagsisi sa Diyos, saka magsisimulang magbago ang pag-uugali at ang iyong mga praktikal na kilos. Doon lang magsisimulang magkaroon ng pagkatao ang isinasabuhay mo; doon ka lang magsisimulang pumasok sa katotohanang realidad. Ibinubunyag ng gayong maliit na usapin ang pagkatao ng isang tao, pati na rin kung minamahal ba talaga ng taong iyon ang katotohanan.

Ang pamamahala sa iba’t ibang materyal na aytem ng sambahayan ng Diyos ay isang responsabilidad na dapat tuparin ng mga lider at manggagawa, at dapat sama-samang maghandog ng pangangasiwa, tulong at buong pusong kooperasyon ang bawat hinirang na mga tao ng Diyos. Responsabilidad ito ng lahat. Dapat magsilbing mga halimbawa ang hinirang na mga tao ng Diyos. Dapat magsimula sila sa sarili nila—kapag ginawa nila mismo nang mabuti ang gawain nila saka sila magiging kuwalipikadong pangasiwaan ang iba, at timbangin kung angkop ba ang ginagawa ng iba at naaayon sa mga prinsipyo. Ito ay isang bagay na kinasasangkutan ng lahat, ang maliit na bagay na iyon ay nagbubunyag sa pagkatao ng mga tao, pati na rin ng kanilang saloobin sa katotohanan. Dapat gawing mabuti ng mga lider at manggagawa ang gawaing ito at nang may lubos na sigla, nang ayon sa mga prinsipyo ng sambahayan ng Diyos, at ang bawat ordinaryong kapatid ay dapat din ituring ang usaping ito nang mahigpit at may pag-iingat. Dapat mong madalas na pagnilayan ang sarili mo, kung may mga problema sa iyong pagkatao at pag-iisip, kung anong klaseng saloobin mayroon ka. Kapag nalaman mong may problema sa saloobin at pag-iisip mo, dapat manalangin at magbago ka kaagad—at kapag pinamamahalaan o ginagamit mo ang mga bagay ng sambahayan ng Diyos, sa isang banda dapat mong pagsikapang hindi sawayin ng konsensiya mo ni magkulang sa Diyos, at sa kabilang banda ay hangaan ng iba at pasang-ayunin sila sa ginagawa mo, at sabihing may pagkatao ka, na naririyan para makita ng lahat. Ang pangunahing bagay ay ang itaguyod ng mga tao ang mga prinsipyo kapag ginagawa ito. Ito ang obligasyong dapat tuparin ng mga tao, isang bagay na dapat makamit ng bawat miyembro ng sambahayan ng Diyos. Hindi lamang ito responsabilidad ng mga lider at manggagawa.

Kahit papaano ay malinaw na ba sa inyo ang ikasampung aytem ng mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa? Dahil naunawaan na ang mga prinsipyong ito, dapat maging mas maingat at metikuloso na ang mga tao sa paggawa sa gawaing ito, at dapat tanggapin nila ang mas maraming pasakit kasama nito, at hindi maging tamad—kapag ganoon ay magagawa na nilang bawasan ang mga pagkasira at pagsasayang sa mga materyal na aytem ng sambahayan ng Diyos, at maiingatan ang mga ito mula sa pagnanakaw ng masasamang tao. Dapat itong makamit. Bakit Ko sinasabing madali itong makamit? Ito ay mga usaping maaaring makaharap ng mga tao sa araw-araw na buhay nila sa bahay. Madaling maging maingat sa pamamahala ng bagay sa sarili mong bahay, kaya kung iniingatan mo ang mga bagay ng sambahayan ng Diyos na para bang sa iyo, na ayon sa mga hinihingi ng Kanyang sambahayan, na makatwirang ipinamamahagi ang mga iyon, at nababawasan ang pagkasira at pagsasayang, at hindi hinahayaang manakaw ng masasamang tao ang mga ito, magkagayon ay natutupad mo na ang responsabilidad ng mga lider at manggagawa. Mukhang sa kalikasan nito, ang gawaing ito ay isang pangkalahatang usaping gampanin. Bakit natin ito tinatawag na isang pangkalahatang usaping gampanin? Kinasasangkutan ito ng pamamahala sa mga materyal na aytem. Kapag pinamahalaan at ipinamahagi mo ang mga ito nang maayos, matutupad mo na ang iyong responsabilidad. Gayundin, napakasimple ng prinsipyo ng gawaing ito—kinasasangkutan lamang ito ng isang simpleng prinsipyo, at hindi ito kinasasangkutan ng mga komplikadong katotohanan. Basta’t may isang pasanin at mga tamang layunin ang isang tao, kaya niyang gawin nang maayos ang gawaing ito nang hindi nangangailangang maunawaan ang napakaraming katotohanan, at nang hindi nangangailangan ng napakaraming katotohanan na pagbahaginan sa kanila. Kaya, ang gawaing ito ay iisang gampanin, at ito ay isang pangkalahatang usaping gampanin. Ito ay isang gawaing madaling gawin ng mga lider at manggagawa. Basta’t medyo mas masipag ka, mas palatanong, mas mausisa, mas nagmamalasakit, at may mga tamang layunin, kaya mo itong gawin. Hindi talaga ito komplikado. Natapos na natin ang pagbabahaginan natin sa ikasampung aytem ng mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa. Ganoon lang kasimple.

Ngayong naunawaan na ninyo ang responsabilidad na ito ng mga lider at manggagawa, tungkol dito ay magpapatuloy tayong himayin ang mga pagpapamalas na ipinapakita ng mga huwad na lider kapag ginagampanan nila ang gawaing ito, at kung anu-anong bagay ang ginagawa nila na puwedeng tumukoy sa kanila bilang mga huwad na lider. Una, kapag ginawa ng mga huwad na lider ang gawaing ito, hindi nila kayang itago nang tama ang iba’t ibang aytem. Ang pagtatago ang unang aytem ng mahalagang gawain pagdating sa lahat ng klase ng materyal na aytem. Magulo ang mga huwad na lider sa lahat ng ginagawa nila; dagdag pa sa pagkaipit sa mahirap na sitwasyon pagdating sa katotohanan at iba’t ibang prinsipyong sangkot dito, magulo rin sila pagdating sa pagtatago ng iba’t ibang materyal na aytem ng sambahayan ng Diyos. Hindi nila alam kung anong mga klase ng tao ang hahanapin para pamahalaan ang mga ito o ang mga paraan para itago ang mga ito. Wala silang tumpak na mga layon at walang mga partikular na plano, lalo pa ang mga detalyadong hakbang sa paggawa ng gawaing ito. Kung mayroong handang pasanin ang gulo, maiingatan ang mga aytem na ito; kung wala, hahayaan ng isang huwad na lider na kaswal itong maisantabi. Hindi sila naghahanap ng angkop na tao para magtago ng mga ito o ng angkop na lugar para pagtaguan ng mga ito, at lalong hindi nila pinagbabahaginan ang mga partikular na prinsipyo ng pagtatago sa mga ito. Gayundin, hindi sila gumagawa ng mga pagsasaayos para sa paglalagak, pagkukumpuni, at pagmementena ng mga materyal na aytem na ito sa hinaharap. Ang ibang huwad na lider ay ganap pa ngang walang alam tungkol sa kung anong mayroon ang mga aytem ng sambahayan ng Diyos—wala silang pakialam at hindi nila tinatanong ang tungkol dito. Ipagpalagay halimbawa na nag-imprenta ng mga bagong libro ng mga salita ng Diyos ang sambahayan ng Diyos. Kung ilang libro ang natira pagkatapos ipamigay ang mga iyon, kung sino ang isinaayos na magtago ng mga iyon, kung paano itinatago ang mga iyon, at kung itinatago ba ang mga iyon sa tamang lugar—ang isang huwad na lider ay walang alam sa mga ito, ni hindi siya magtatanong o mag-uusisa tungkol sa mga ito. Bakit hindi sila mag-uusisa? Iniisip nila na maliit na bagay ang pagtatago ng mga materyal na aytem ng sambahayan ng Diyos, na sila ay lider na gumagawa ng mahahalagang bagay, na eksklusibong nangangaral. Wala man lang silang pakialam sa mga “maliliit na bagay” na ito, kundi ipinapasa nila ito para gawin ng mga taong walang nauunawaang kahit ano, at wala silang pakialam kung maayos o masama itong nagagawa. Kaya, hindi nila siniseryoso man lang ang gawain ng pagtatago ng mga materyal na aytem ng sambahayan ng Diyos. Ito ang isang dahilan. Ang isa pa ay iyong magugulo ang isip ng ilang huwad na lider—hindi maayos ang mga isip nila. Wala silang normal na pag-iisip o kamalayan sa pagtatago ng mga bagay, at wala silang hakbangin o landas kung paano itago ang mga aytem ng sambahayan ng Diyos. Kaya, hindi nila alam kung ilan sa mga ito ang nasira, at hindi rin nila alam kung may ilang pangyayari ng pagsasayang. Kapag may ilang bagay na kinuha ng masasamang tao, sinasabi ng isang huwad na lider, “Hayaan ninyo sila—anu’t anoman, nasa mga kamay naman ng Diyos ang lahat ng bagay.” Ang ilang mahahalagang aytem ay ginagamit ng mga indibiduwal nang walang pagsang-ayon ninuman; kinukuha ng mga taong iyon ang mga bagay-bagay, at hindi magamit ng iba ang mga iyon sa kanilang gawain, at walang nangangahas na ipagtanong ang mga ito. Nagsasabi ang huwad na lider, “Hindi ito malaking usapin. Bumili na lang ng bago. Kinuha na nila iyon, kaya hayaan nating gamitin muna nila ito. Bagay lang naman iyan—pare-parehong lang naman lahat iyan kahit sino pa ang gumagamit ng mga ito. Kung hindi nila ito makatwirang ginagamit, sa pagitan na nila at ng Diyos iyon. Hindi na natin kailangang manghimasok.” Tingnan ninyo kung paano nila ipinapangaral ang isang malaking doktrina para “pangasiwaan” ang isyu, ginagawang maliliit ang malalaking isyu at ginagawang walang halaga ang maliliit na isyu. Walang tinutupad na mga responsabilidad nila ang mga huwad na lider pagdating sa pagtatago ng iba’t ibang aytem ng sambahayan ng Diyos. Wala silang pakialam dito o pinagtatanong ito, at hindi nila nilulutas o pinangangasiwaan ang anumang mga problema. Kahit siyasatin pa ng Itaas ang gawain nila, pabaluktot nila itong sinasabi para iwasan ang mga ito, at iyon na iyon.

Ang ilang kapatid ay bumibili ng mga kagamitan, damit, at gamot para magamit ng sambahayan ng Diyos, at kapag nakita ng isang huwad na lider ang mga aytem na iyon, pagpipilian niya ang mga iyon at kukunin ang magagandang damit, sapatos, at bag para sa kanya, at hahayaan lang ang iba na kunin ang mga natira na hindi na niya kailangan. Kapag nakita ito ng mga estupido na pinamumunuan niya, sasabihin nila, “Pinili ng lider natin ang gusto niya—ngayon, tayo naman. Kapag tapos na tayo, itatapon natin sa mga kapatid na nasa ilalim natin ang mga walang kuwentang bagay na natira.” Kaninumang bagay mapunta ang mga ito, sila na ang nagmamay-ari nito, at ang mga natitirang bagay na walang may gusto ay isasantabi na, at walang nagtatago sa mga ito. Kaya, ang iba’t ibang materyal na aytem ng sambahayan ng Diyos ay may pinagtataguan sa pangalan lang, pero sa katunayan, hindi naman talaga ito itinatago—ang mga lugar na iyon ay basurahan, walang sinumang namamahala sa mga iyon. Basta na lang nilang hinahagis ang mga bagay sa ilang lugar at hinahayaang tumambak ang mga iyon. May mga damit, sapatos at medyas, gamot, at mga elektroniko, pati na rin mga pang-araw-araw na gamit at kasangkapan sa kusina—gulo-gulo ito, may lahat ng klase ng basura roon, at maski ang pagkain para sa tao at pagkain para sa mga aso ay magkakahalo. Kung tatanungin mo kung sino ang namamahala sa mga ito at kung pinabubukod-bukod ba nila ang mga ito; o kung may mga tagubilin ba para sa mga ito; at kung paano kailangang itago ang mga ito; o, kung ang mga ito ba ay hindi kailangan para sa gawain ng sambahayan ng Diyos, kung kailangan ba ito ng mga kapatid—walang nakakaalam ng mga sagot. Talagang normal para sa mga kapatid na hindi ito alam, pero pati ang mga lider at manggagawa ay walang sagot sa kahit ano sa mga tanong na ito—ganap nilang iniiwasan ang responsabilidad para sa mga ito, na nagsasabing “Hindi ko alam,” o “May taong bahala diyan,” magkagayon ay tinatanggihan ka, at dinadaya ang sambahayan ng Diyos. Nagdudulot ito na hindi malutas mga problemang ito. Hindi mahirap para sa mga lider at manggagawa na humanap ng mga akmang tao para pamahalaan ang iba’t ibang materyal na aytem ng sambahayan ng Diyos, hindi ba? Ni hindi ginagawa ng mga huwad na lider ang simpleng gawain ng paghahanap sa isang taong tapat para wastong itago ang mga ito, para magtabi ng magandang rekord at panatilihing magkakabukod ang mga ito. Anong ginagawa nila kung gayon? Kapag ang mga kapatid ay naghandog sa sambahayan ng Diyos ng mga damit o ng pang-araw-araw na pangangailangan, at nakita ng mga huwad na lider ang mga aytem na ito, dinadagsa nila ang mga ito, na parang kawan ng mga gutom na lobong sabay-sabay na nilululon ang karne. Paulit-ulit silang nagsusukat ng alinmang damit na bagay sa kanila, walang tigil na namimili ng mga bagay para sa kanila. Kapag bumibili ang sambahayan ng Diyos ng iba-ibang klase ng mahahalaga at mamahaling kasangkapan at kagamitan, nagmamadali silang pumili ng magaganda para sa sarili muna nila. Bakit nila pinipili ang magaganda? Iniisip nila na bilang isang lider o isang manggagawa, mayroon silang natatanging karapatan ng paggamit sa mga aytem ng sambahayan ng Diyos. Anumang ibinibigay ng sambahayan ng Diyos, palagi muna nilang pinipili ang pinakamagagandang bagay. Ganito nila tratuhin ang mga aytem ng sambahayan ng Diyos. Paggawa ba ito sa gawain? Hindi ba’t isa itong pagpapamalas ng mga huwad na lider? Pagdating sa mga bagay na may petsa ng expiration—halimbawa, ang mga pagkain at gamot—hindi lang basta walang pakialam sa mga ito ang mga huwad na lider. Hindi sila naghahanap ng mga angkop na manggagawa para pamahalaan ang mga ito, ni hindi nila sinasabihan ang mga manggagawa na, “Ang ilang bagay sa mga ito ay may mga petsa ng expiration, kaya i-rekord mo kaagad ang mga ito. Bilisan mong ipamahagi ang mga ito sa mga kapatid bago ang petsa ng expiration ng mga ito, para makatwirang magamit ang mga ito—huwag mong hintaying mag-expire ang mga ito; huwag mong hayaang masayang ang mga ito.” Hindi kailanman ginagawa ng mga huwad na lider ang mga ito. Kapag may nag-expire na, basta na lang nila ito itinatapon. Kapag naggampan ng gawain ang mga lider at manggagawa sa sambahayan ng Diyos, sa mahigpit na pagsasalita, dapat silang maging katiwala ng sambahayan ng Diyos. Ang unang bagay na dapat nilang gawin ay ang makatwirang itago nang maayos ang mga aytem ng sambahayan ng Diyos, mahigpit na binabantayan ang mga ito at nagsasagawa ng mga wastong pagsusubaybay. Ito rin ay isang pundamental na aytem ng gawain ng sambahayan ng Diyos, pero ni hindi magawa ng mga huwad na lider ang gayong pundamental na gawaing gaya nito. Magulo ba ang isip nila, mahina ang kakayahan, at mangmang—o wala sa tama ang mga puso nila? Kung mga mangmang at magugulo ang isip nila, paanong alam nilang mamili ng magagandang aytem para sa mga sarili nila? Bakit hindi nila iwan ang pagmamay-ari nila o kaswal na ibigay ang mga ito sa ibang tao? Bakit hindi nila sirain o wasakin ang pagmamay-ari nila? At bakit ganito ang saloobin nila sa mga bagay ng sambahayan ng Diyos? Malinaw na, wala silang moralidad, at wala sa tama ang mga puso nila. Kapag nagkaroon ng katayuan ang mga lider at manggagawa, at kapag nakapasok siya sa mas malaking saklaw ng gawain ng sambahayan ng Diyos, nagkakaroon sila ng natatanging ugnayan sa iba’t ibang materyal na aytem at sa pampublikong pagmamay-ari ng sambahayan ng Diyos, at sila ang pinakanakakaalam sa mga ito. Pero binabalewala ng ilang lider ang mga ito, hindi wastong itinatago ang mga ito, at hinahayaan ang sinuman na gamitin at kunin ito, hinahayaan lang nila ang sinumang gustong ingatan ang mga ito na gawin iyon, at kung may isang taong ayaw ingatan ang mga ito at iresponsable, wala silang pakialam, at kahit na malaman pa nilang may problema ang isang tao, hindi nila ito nilulutas. Mga huwad na lider ito. Sa puntong ito, ang kongklusyon natin ay iyong ang mga huwad na lider, bukod sa mahina ang kakayahan at hindi nagdadala ng pasanin, ay nasa mali rin ang puso, at may mababang katangian. Dahil ang mga lider na ito ay mahina ang kakayahan at walang abilidad na makaarok, ang paggawa nila ng isang masamang trabaho sa gawain na kinasasangkutan ng katotohanan at buhay pagpasok ay maiintindihan. At dahil mahina ang kakayahan nila at walang kakayahang gumawa, ang paggawa nila ng masamang trabaho sa gawain na kinasasangkutan ng administrasyon ay isang bagay rin na mapapalampas. Pero iyong hindi man lang nila magawang gampanan ang gawaing kinasasangkutan ng pamamahala sa iba’t ibang aytem ng sambahayan ng Diyos—na pinakamababa, simpleng gawain—ay nagpapakita ng isang bagay na mas malinaw: Para sa ilang huwad na lider, ang problema nila ay hindi kasingsimple ng pagkakaroon ng mahinang kakayahan at hindi pagdadala ng isang pasanin, bukod pa rito, partikular silang may mababang katangian at mababang pagkatao. Sa pamamagitan ng ating pagbabahaginan sa ikasampung responsabilidad ng mga lider at manggagawa, isa pang pagpapamalas ng mga huwad na lider ang nabunyag: Hindi lamang sila may mahinang kakayahan, hindi nagdadala ng isang pasanin, at ganid para sa kaginhawahan ng laman—mababa rin ang kanilang katangian, at wala sa tama ang puso nila. Wala silang pakialam sa mga bagay na hindi sa kanila—hindi nga nila ito iniingatan. Ginawa silang mga katiwala ng sambahayan ng Diyos, pero kinakagat nila ang kamay ng nagpapakain sa kanila at hindi nila pinoprotektahan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos habang nabubuhay rito; kaswal nilang inihahagis sa isang lugar ang mga bagay ng sambahayan ng Diyos, na para bang sa mga tagalabas ito, at hindi nila itinatago ang mga ito, at sa tingin nila ay hindi malaking usapin ito. Hindi lamang ito basta isang kabiguang matupad ang mga responsabilidad nila—problema ito sa kanilang pagkatao, ito ay malaking kawalan ng moralidad! Ang hindi magandang pagtatago ng mga bagay na dapat nilang gawin, o hindi pagtatago sa mga ito, ay nagpapahiwatig na walang pagkatao ang mga huwad na lider, at wala sa tama ang puso nila. Hindi man lang nila maitago nang maayos ang mga aytem ng sambahayan ng Diyos, kaya kung ipapamahagi nila ang mga ito, makatwiran ba nilang magagawa iyon? Nagkukulang pa sila sa pagkilos nang naaayon sa mga prinsipyo. Nakikita nilang pabayang itinatapon, nasisira, at nasasayang ang mga bagay ng sambahayan ng Diyos, nang walang sinumang mabuti na namamahala sa mga iyon, at alam na alam nila sa kanilang puso na hindi tamang gawin iyon—pero hindi pa rin nila pinangangasiwaan ito. Iyon ay ang pagkakaroon ng isang pusong wala sa tama. Ang mga walang kwentang tao bang iyon, na wala sa tama ang puso, ay makatwirang maipapamahagi ang iba’t ibang materyal na aytem ng sambahayan ng Diyos? Lalong hindi nila magagawa iyon—kung ipapagawa mo sa kanilang ipamahagi ang mga bagay na iyon, gagawa sila ng mga bagay na mas lalong walang moralidad.

Sa isang iglesia na nasa bukid na nag-aalaga ng mga aso, ang taong responsable para sa pag-aalaga sa mga ito ay masyadong nagmamalasakit para sa mga bagong panganak na tuta. Natatakot siya na hindi makukuha ng mga tuta ang nutrisyong kailangan ng mga ito, kaya nag-aplay siya para mga organikong itlog na ipapakain sa mga aso. Inaprubahan kaagad ng huwad na lider ang hiling; hindi niya inisip kung gaano kakaunti ang mga organikong itlog. Hindi nga sapat ang mga iyon para makain ng mga tao, kaya bakit nila ito ibibigay sa mga aso? Hindi ba isang kakatwang paraan ito ng pangangasiwa sa usaping ito? Ano ang kalikasan ng pag-uugaling ito ng huwad na lider na iyon? Paano ito dapat ilarawan? Hindi ba’t katawa-tawa ang pagsasagawang ito ng huwad na lider na iyon? Ang sinasabi ng huwad na lider na iyon sa lahat ng oras, tuwing binubuksan niya ang kanyang bibig, ay mga doktrina na umaakma sa mga panlasa ng mga tao, pero sa katunayan, hindi niya nauunawaan ni katiting ng mga katotohanang prinsipyo, kaya kapag may nangyari, hinaharap at pinapangasiwaan niya ito ayon sa mga imahinasyon, pamimili, at subhetibong hiling ng tao—at sa huli, nauuwi siya sa paggawa ng gayong kasuklam-suklam na bagay gaya ng pagpapakain ng mga organikong itlog sa mga aso. Puwede bang ituring na makatwiran ang ganitong klase ng pamamahagi ng huwad na lider na iyon sa mga aytem ng sambahayan ng Diyos? (Hindi.) Bakit hindi niya makamit ang makatwirang pamamahagi? Sa panlabas, mukhang nanghihimasok, nagmamalasakit, at sumusubaybay ang huwad na lider kahit sa napakaliit na usaping ito, at na siya ay may sapat na dahilan at mga batayan para suportahan ang aplikasyong ito—pero kumikilos ba siya nang naaayon sa mga prinsipyo? Kumikilos ba siya nang ayon sa mga prinsipyong hinihingi ng sambahayan ng Diyos? Hindi. Kaya, kung titingnan ang kalikasan ng kilos niya, mabuting gawa o masamang gawa ba ito? Pagtupad ba ito sa kanyang responsabilidad o isang kapabayaan? Ito ay isang kapabayaan—ito ay walang prinsipyo, ito ay walang ingat na paggawa ng masasamang bagay! Sa pamamagitan ng usaping ito, ano ang nakikita ninyong diwa ng pagkatao ng huwad na lider na ito? Hindi ba ito baluktot na pagkaarok at pikit-matang aplikasyon ng mga patakaran? Ang bawat sinasabi niya ay tamang mga doktrina, at mukhang walang maling parirala rito, pero sa katunayan, baluktot ito. Ang gayong mga tao ay huwad na espirituwal at may baluktot na pagkaarok—mga piraso sila ng basura na walang espirituwal na pang-unawa. Kababanggit lang natin ngayon na ang pagkatao ng mga huwad na lider ay iyong may hamak na katangian at walang sa tamang lugar ang mga puso nila. Wala silang mga prinsipyo pagdating ng oras ng pamamahagi sa mga aytem ng sambahayan ng Diyos, at pikit-mata nila itong ipinamamahagi, na nagbubunyag na ang mga huwad na lider ay baluktot sa kanilang pagkaarok at pikit-matang inaaplay ang mga patakaran, at wala silang prinsipyo sa kanilang mga kilos—kumikilos lang sila nang pikit-mata at padalos-dalos. Sa panlabas, mukhang napakamapagkawangga at napakabait ng mga huwad na lider, pero sa katunayan naman, ito ay huwad na kawanggawa at huwad na kabaitan. Halimbawa, noong nanganak ng mga tuta ang aso, sinabi ng tagapag-alaga na dapat niyang bigyan ang mga aso ng isang bagong kumot na para dapat sa mga tao. Pagkatapos ay sinabi ng isang tao, “Sayang kung ibibigay ang isang bagong kumot sa mga aso—magiging mas mabuti kung ibibigay na lang ito sa mga kapatid, at ibigay sa mga hayop ang lumang kumot na papalitan na namin.” Ano sa tingin ninyo ang mungkahing ito? Ang paglalaan sa mga tao ng mga bagong bagay at ng mga lumang bagay naman sa mga hayop ay talagang makatwiran. Ito ang prinsipyo; ito ay makatwirang pamamahagi. Paano pinangangasiwaan ng mga huwad na lider ang gayong mga bagay kapag naharap sila sa mga ito? Pagkatapos itong marinig, inisip ng huwad na lider doon: “Hindi pa kailanman nakagamit ng mga bagong bagay ang mga hayop. Palaging gumagamit ng luma, maduduming bagay ang mga ito. Tayong mga tao ay palaging nakakagamit ng mga bagong bagay. Sinabi ng mga salita ng Diyos na minsan ay hindi tayo kasing inam ng mga baboy o aso. Kaya, huwag tayong makipag-away sa mga baboy at aso tungkol sa mga bagay. Walang pagkatao iyon.” Kaya, sa huli, ibinigay nila ang bagong kumot sa mga hayop na iyon. Maaaring hindi nawalan ang mga tao doon sa paggamit ng lumang gamit, pero ang paraan na pinangasiwaan ang bagay na ito ay lubos na naglalarawan sa isyu. Anong papel ang ginampanan ng huwad na lider na ito sa usaping ito? Masasabi ba ninyo na magagawa ng mga normal na tao na gawin ang gayong bagay? (Hindi.) Kung gayon, anong klase ng mga tao ang hahayaang umabot sa puntong ito ang mga bagay-bagay habang pinangangasiwaan ang usaping ito? (Mga katawa-tawang klase na walang katwiran o pag-iisip ng mga normal na tao.) Tamang lahat ang mga sagot na ito—mga walang kwenta ang mga taong iyon. Kapag naharap ang mga normal na tao sa isang bagay gaya nito, kaya nilang makatwirang pangasiwaan ito, pero ang mga di-tunay na espirituwal na huwad na lider na may baluktot na pagkaarok ay hindi alam kung paano ito pangasiwaan. Ang paraan nila ng pangangasiwa rito ay mukha ring may batayan, at mukha rin itong naaayon sa mga prinsipyo ng sambahayan ng Diyos, at nasusuportahan ng marami, makatwirang pagmamatuwid—pero pagkarinig dito ng mga tao, hindi nila alam kung matatawa ba sila o iiyak, dahil napakahangal nito. Paanong ni hindi nila maintindihan ang gayong simple, malinaw na lohika? Paano sila nauwi sa pangangasiwa nito sa gayong isang baluktot na paraan? Nakakasuka ito. Kung ipapagawa mo sa kanila ang pagiging mga tagapangasiwa, gagawin nila na manghuli ng mga daga ang mga aso, na magbantay ng bahay ang mga pusa, at ang mga baboy ay nasa mga kama—magiging magulo ang lahat. Kaya ba ng mga huwad na lider ang makatwirang pamamahagi ng iba’t ibang materyal na aytem ng sambahayan ng Diyos? (Hindi.) Kakaiba silang uri, mga tao na naguguluhan, at kakatwang klase. Bukod sa mga huwad na lider na iyon na may partikular na baluktot na pagkaarok at na ang puso ay nasa maling lugar, ang karamihan sa mga huwad na lider ay ginugulo at pinaghahalo ang ganitong uri ng gawain, bagama’t may kaunti silang kakayahan at hindi baluktot sa kanilang pagkaarok. Hindi man lang nila maisakatuparan ang pinakamabababang responsabilidad na dapat nilang gawin. Kaya, kapag tinanong mo sila tungkol sa gawaing ito, palaging pareho ang sagot nila: “Inaasikaso na ito ni ganito at ganoon. Alam ni ganito at ganoon. Kung may mga tanong ka, itatanong ko kay ganito at ganoon.” At iyon na ang huling maririnig mo tungkol dito. Ito ang pagpapamalas na ipinapakita ng mga huwad na lider kapag ginagawa nila ang gawaing ito.

Pagdating sa gawain ng pamamahagi sa iba’t ibang materyal na aytem ng sambahayan ng Diyos, bukod sa hindi magawa ng mga huwad na lider na gawin ito ayon sa mga prinsipyong hinihingi ng sambahayan ng Diyos, hinahayaan din nila ang marami nilang personal na damdamin, pagpipili, at pagnanais, pati na rin ang personal nilang mga pang-unawa, na mahalo rito. Ginagawa nila itong isang halo-halo at nakakalitong magulong gawain, na wala man lang masasabing mga prinsipyo. Kaya, kapag pinangangasiwaan ng isang huwad na lider ang iba’t ibang aytem ng sambahayan ng Diyos, madalas itong nangyayari, sa mga sitwasyong walang nakakaalam kung ano ang nangyayari, na nawawasak ang mga bagay, nasasayang nang walang kadahilanan, o nawawala ang mga bagay-bagay at hindi magkakatugma ang mga bilang. Kinukuha ng mga indibiduwal ang ibang aytem para sa pampersonal na gamit, nang hindi ito ipinaparehistro o iniuulat. Ni hindi mapangasiwaan nang maayos ng mga huwad na lider ang gayong simpleng bagay ng gawain ng pangkalahatang usapin. Ginugulo nila ang gawaing ito, pero komportable pa rin sila, inaakalang marami silang natapos na gawain. Ang mga huwad na lider ay hindi kailanman nagsasagawa ng regular na inspeksyon, pagmementena, at pag-aalaga sa iba’t ibang materyal na aytem ng sambahayan ng Diyos; sa puso nila, wala sila ni katiting na malasakit sa mga aytem na ito. Ipagpalagay na tinanong mo sila, “May namamahala ba sa pagmementena at pangangalaga sa mga piraso ng mga kagamitang ito? Nagkaroon ba ng anumang kaso ng pag-aaksaya sa pagbili ng mga parte kapag kinukumpuni ang mga ito? O ng sinuman na gumagastos nang sobra o nanloloko? May pinanagot ba sa mga insidenteng iyon? May pinagmulta ba o binigyan ng babala?” Walang alam o walang pakialam sa kahit na ano rito ang mga huwad na lider. Kung ginamit ba nang di-lehitimo ang pera kapag bumibili ng mga bagay para sa sambahayan ng Diyos, kung may naitalaga bang sinuman para pangasiwaan ang mga bagay na iyon pagkatapos bilhin ang mga iyon, kung angkop ba ang mga bagay ba na binili at kung epektibo bang magagamit ang mga iyon, at, kung hindi, kung ibinalik ba o ipinapalitan ang mga iyon sa loob ng takdang panahon—wala silang alam sa mga ito. Mga tanga sila—wala silang alam. Ang iniisp lang ng mga huwad na lider ay kung paano ipangaral ang mga doktrina sa mga pagtitipon para igalang sila ng mga tao; wala silang kakayahan sa gawain pagdating sa partikular na usapin ng pamamahala sa mga aytem, ni wala silang anumang saloobin sa usaping ito. Hindi nila alam na ito ang gawaing dapat ginagawa nila, ni hindi nila alam kung paano ito gawin. Ang pananaw na kinukuha ng mga huwad na lider pagdating sa mga aytem ng sambahayan ng Diyos ay iyong nabibilang ito sa lahat, kaya sinumang gustong gumamit ng isang bagay ay puwede itong gawin, at sinumang nangangailangan ng isang bagay ay maaari itong kunin o mag-aplay para rito mula sa mga nakatataas—na karapatan ito ng lahat, at hindi dapat mapasailalim ng pamamahala o kontrol ng kahit sinong indibiduwal ang mga aytem ng sambahayan ng Diyos. Kaya, kung may isang taong nakasira o nakawala sa isang kagamitan, wala silang pakialam, at kung may isang taong dapat mag-aplay para bumili ng isang bagay, wala silang pakialam kung ito man ay mahal o mura. Ang katunayan ay iyong may mga panuntunan ang sambahayan ng Diyos para sa mga bagay na ito. Basta’t isinasakatuparan ng mga lider at manggagawa ang kanilang mga responsabilidad at nagsasagawa ng mga wastong pagsubaybay ayon sa mga prinsipyo ng sambahayan ng Diyos, ang lahat ng gayong kawalan at pagkasayang ay puwedeng maiwasan. Pero ni hindi ginagawa ng mga huwad na lider ang pinakasimpleng gawaing ito na maaaring pumigil sa mga kawalan. Hindi ba’t kumakain lang sila nang libre ng pagkain ng sambahayan ng Diyos? Hindi ba’t umaasa sila nang walang bayad? Hindi ba ito isang partikular na pagpapamalas ng mga “pagiging huwad” ng mga huwad na lider? Paano ninyo pangangasiwaan ang gayong lider, kapag may isa kayong nakaharap? (Tatanggalin sila.) Tatanggalin lang sila, at iyon na iyon? Hindi ba’t kailangan ninyo silang turuan ng isa o dalawang bagay? “Inilagay ang kagamitang iyon diyan, at nabasa ito, at walang tumingin dito nang ilang araw. Hindi malinaw kung gumagana ang sindihan nito, o kung nangatngat na ng mga daga ang mga kable. Bakit hindi mo isipin ang mga bagay na ito? Sira na at kailangan nang kumpunihin ang computer na ginagamit ko. Maaantala nito ang gawain kung hindi ito makukumpuni. Pero maraming beses na akong nag-aplay nito sa iyo—bakit hindi mo pinapansin? Ano ba ang pikit-mata mong pinagkakaabalahan sa buong araw, na parang dagang nasukol? Kapag ang isang lider na gaya mo ang inasahan para gawin ang gawain, maaantala mo ang lahat ng gawain, at nasisira mo ang lahat ng kagamitan at mga materyal na bagay. Hindi mo binabantayan o pinamamahalaan ang iba’t ibang aytem ng sambahayan ng Diyos. Hindi ka angkop na maging isang lider—bilisan mo at magbitiw ka!” Tama lang ba na pangaralan sila nang ganito? (Oo.) Ano ang taglay ng isang taong naglalakas-loob na pangaralan ang mga lider at manggagawa? Dapat muna siyang maging matapang, at dapat siyang magkaroon ng pagpapahalaga sa katarungan. Maaaring sabihin ng ilan, “Hindi ako mangangahas na pangaralan ang mga lider at manggagawa. Mga opisyal sila, at isang sundalo lang ako, mas napakababa ng ranggo ko kaysa sa kanila. May katotohanan sila at kaya nilang mangaral ng mga sermon. Hindi ako magaling sa kahit ano, at wala ako sa posisyon para pangaralan sila.” Hindi ba’t ito ang lohika ng mga walang-hiya? (Ito nga.) Kung gayon, paano ba ninyo pangangaralan ang ganitong klase ng lider? “Kung kaya mong gawin ang gawaing ito, gawin mo ang makakaya mo para gawin ito, at gawin mo ito nang naaayon sa mga prinsipyo ng sambahayan ng Diyos. Anumang isaayos mong gawin namin, susundin namin ito. Pero kung hindi mo susubukan ang makakaya mo para gawin ang gawaing ito, kung hindi mo ito gagawin ayon sa mga prinsipyo ng sambahayan ng Diyos, hindi kami kailanman makikinig sa iyo! Bukod doon, kung hindi ka gagawa ng anumang tunay na gawain, may karapatan kaming tanggalin ka sa posisyon mo at paalisin ka! Saktan mo ang sarili mo, kung gusto mong manakit ng iba—hindi mo dapat subukang saktan kaming lahat.” Mangangahas ba kayong pangaralan sila nang ganito? (Oo.) Sinasabi ninyo iyan ngayon; gagawin ba ninyo talaga, kapag dumating na ang oras para gawin ito? Sa pangkalahatan, sa mga bagay na nasasangkot sa mga katotohanang prinsipyo at sa mahahalagang usapin, hindi kayo nangangahas na magsalita nang kaswal, dahil sa takot na ang kawalan ng kabatiran, at linaw sa pagsasalita, ay maaaring mangahulugang hinuhusgahan lamang ninyo ang mga lider at manggagawa at nagdudulot ng pagkakagulo. Pero dapat kayong magkaroon ng kakayahan ng pagkakaroon ng kabatiran sa mga usapin ng pamamahala sa mga materyal na aytem; dapat ninyong matutuhan ang pagkilatis sa usaping ito at magkaroon ng pagkaarok sa mga prinsipyo nito.

May isang tao na siyang namamahala sa mga damit sa isang pangkat ng mga gumagawa ng pelikula. Wala siyang pakundangan sa kanyang mga kilos, at palaging palihim na ginagamit sa maling paraan ang mga aytem ng sambahayan ng Diyos. Noong iniwan niya ang pangkat ng mga gumagawa ng pelikula, may dinala siyang ilang bagay, at ang pagsusuri kalaunan sa mga account ay nagpakita na ang maraming pera na natanggap niya ay hindi nagtugma. Bukod pa roon, bagama’t hindi siya nagtatrabaho, may pera siya, at nakabili rin siya ng maraming mamahaling aytem. Binola siya ng maraming tao noong nasa pangkat siya ng mga gumagawa ng pelikula, at gusto nilang lahat na magkaroon ng magandang relasyon sa kanya, para kapag kinailangan nila ng mga damit, kailangan lang nilang manghingi, at bibigyan niya sila ng kaunti. Kapag ang isang tao ay may hindi magandang relasyon sa kanya, ni hindi niya ibibigay dito ang damit na dapat nitong makuha. Anong problema ito? Ito ay isang problema sa tagapamahalang tauhan. Sa isang banda, hindi niya mismo ginagamit sa tamang paraan ang mga bagay; sa isa pang banda ay iyong hindi niya ipinamahagi ang mga aytem ng sambahayan ng Diyos nang naayon sa mga prinsipyo, sa halip ay sumunod sa mga damdamin niya, sa sarili niyang kalooban, at sa mga ugnayan niya. Ayon sa mga prinsipyo, dapat ay inalis na ang taong ito. Ito ay isang malinaw na problema. Bukod sa hindi ito ginawa ng huwad na lider, itinuring pa ng huwad na lider na isa itong mabuting tao at isinaayos na pumunta ito sa ibang lugar para gawin ang kanyang tungkulin. Hindi ba nito pinapalala ang pagkakamali? Ano sa tingin ninyo sa kung paano ginampanan ang gawaing ito? Naaayon ba ito sa mga prinsipyo? Isinakatuparan ba ng lider na ito ang mga responsabilidad na dapat gawin ng isang lider? (Hindi.) Kung isasantabi sandali kung ano ang makukuhang mga pakinabang ng lider sa pangangasiwa nang ganito sa taong iyon—kung hahatulan lang kung paano niya pinangasiwaan ang usaping ito, ano ang kalikasan nito? Ito ay iyong pagpapalakas sa isang masamang tao batay sa mga damdamin, at hindi pangangasiwa rito ayon sa mga prinsipyo ng sambahayan ng Diyos. Kaya, para iugnay ito sa pang-sampung aytem ng mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa, anong pagkakamali ang ginagawa ng ganitong klase ng lider at manggagawa sa kanyang pagtrato sa iba’t ibang materyal na aytem ng sambahayan ng Diyos? Tinupad ba ng lider na ito ang mga responsabilidad niya? Ang pangangasiwa ba niya sa usapin ay batay sa pagprotekta sa mga aytem ng sambahayan ng Diyos? Siguradong hindi. Hindi niya sineryoso ang mga aytem ng sambahayan ng Diyos, nagpikit-mata pa nga siya habang hinayaan niya ang mga aytem na ito na masira o kunin ayon sa kapritso ng masamang tao. Ganito ba niya ito pangangasiwaan kung sarili niyang mga gamit ang nasira o ginamit ng iba sa maling paraan? Hindi—iisipin na niya ang tungkol sa kung paano maghihiganti at mababayaran. Kung gayon, bakit hindi niya pinangasiwaan nang ganoon ang mga aytem ng sambahayan ng Diyos? Sinabi pa nga niya, “Kaya niyang kumuha ng ilang aytem, kung gusto niya—hindi naman ganoon karami ang kinukuha niya. Kaya niyang medyo gamitin sa maling paraan ang mga ito, kung gusto niya—sino ba ang walang kaunting pagnanais na gawin iyon? Ano bang halaga ng kakaunting bagay na ginagamit niya sa maling paraan? Hindi naman ibig sabihin na kaunti ang nakukuha ng iba.” Anong klaseng saloobin ito? Ito ba ang saloobing dapat mayroon ang mga lider at manggagawa sa mga aytem ng sambahayan ng Diyos? (Hindi.) Hindi ba nila kinakagat ang kamay ng nagpapakain sa kanila? At anong lohika ang sinabi nila sa huli? “Hayaan mo siyang gamitin sa maling paraan ang mga bagay na iyon—hindi natin kailangang magbayad sa kanya. Ano bang halaga ng kakaunting pera at maliliit na aytem na iyon? Mas marami pa ngang ginagamit sa maling paraan ang mga anticristo kaysa roon. Ang maling paggamit niya sa mga aytem na iyon sa maling paraan ay sa pagitan niya at ng Diyos—problema na niya kung paano niya aakuin ito sa harap ng Diyos, pagdating ng panahon. Wala itong kinalaman sa atin.” Anong mga kaisipan at damdamin ang nararanasan ninyo pagkatapos ninyong marinig ang isang lider na sabihin ang gayong bagay? Sinumang may kahit anong pagpapahalaga sa katarungan, na may kaunting kamalayan sa konsensiya, ay tatangis sa loob niya kapag narinig ang mga salitang ito, at malulungkot at madidismaya siya, kahit na ordinaryong tagasunod lang siya, lalo na kung isa siyang lider o manggagawa! Ang ganitong uri ng huwad na lider ay masyadong natatamasa ang biyaya at proteksyon ng Diyos, at ang napakarami sa Kanyang mga katotohanan, pero mayroon pa rin siya ganitong uri ng walang-pusong saloobin sa mga aytem ng sambahayan ng Diyos. Nagtataglay ba siya ng pagkatao? Angkop ba siyang maging isang lider o isang manggagawa? (Hindi.) Kapag tinanggal na ang gayong tao, kwalipikado ba siyang maging isang lider o manggagawa sa hinaharap? (Hindi—hindi maganda ang pagkatao niya.) Paano naipapamalas ang kanyang hindi magandang pagkatao? (Sa kanyang hindi pagtataguyod sa mga interes ng sambahayan ng Diyos.) Sa anong partikular na kilos na hindi niya itinataguyod ang mga interes ng sambahayan ng Diyos? Ano ang diwa ng partikular na pagpapamalas na ito? Ang mga taong gaya nito ay wala sa tamang lugar ang puso at mababa sa kanilang katangian; talagang maayos silang magsalita, pero wala silang anumang tunay na ginagawa. Hindi talaga dapat maging mga lider at manggagawa ang gayong mga tao. Ang mga taong ang puso ay wala sa tamang lugar ay hindi mga mangingibig ng katotohanan, kundi naririyan para sa sarili nilang pakinabang; ang mga taong ang puso ay wala sa tamang lugar ay siguradong hindi iniisip ang hinirang na mga tao ng Diyos, at talagang hindi nila itinataguyod ang gawain ng iglesia o ang mga interes ng sambahayan ng Diyos.

Ang unang pundamental na bagay na dapat gawin ng mga lider at manggagawa ay ang panatilihing nababantayan nang tama ang iba’t ibang materyal na aytem ng sambahayan ng Diyos, ang magsagawa ng wastong pagsusuri at magbantay para sa sambahayan ng Diyos, hindi hinahayaan ang anumang aytem na masira, masayang, o magamit sa maling paraan ng masasamang tao. Ito ang pinakamababang bagay na dapat nilang gawin. Kapag nahirang ka bilang isang lider o manggagawa, itinuturing ka ng sambahayan ng Diyos bilang katiwala nito: Kasama ka sa antas ng namamahala, at ang gampaning pinapasan mo ay mas mabigat kaysa sa pinapasan ng iba. Nagdadala ka ng isang malaking responsabilidad. Kaya ang bawat saloobin mo, ang bawat kilos mo, ang bawat plano mo sa pangangasiwa ng mga isyu, at ang bawat pamamaraan mo sa paglutas ng mga problema, ay kinasasangkutan lahat ng mga interes ng sambahayan ng Diyos. Kung ni hindi mo isinasaalang-alang ang mga interes ng sambahayan ng Diyos o isinasapuso ang mga iyon, hindi ka angkop na maging isang tagapangasiwa sa Kanyang sambahayan. Anong klaseng tao ito? Bakit hindi siya angkop na maging isang tagapangasiwa ng sambahayan ng Diyos? Sa mga huwad na lider, may ilan na hindi lang mahina ang kakayahan—ang pangunahing problema nila ay iyong wala silang dinadalang pasanin; hindi nila alam kung paano gumawa, pero hindi nila hinahanap ang katotohanan, at hindi nila kayang isakatuparan maging ang pinakamaliliit na responsabilidad na dapat gawin ng isang tagapangasiwa. Wala silang konsensiya o katwiran. Ito ay dahil wala sa tamang lugar ang puso nila, hindi maganda ang katangian nila, at makasarili at mababang-uri sila; hindi man lang nila itinataguyod ang gawain ng iglesia, kundi madalas na sinisira at ipinagkakanulo ang mga interes ng iglesia, nagpapalakas sa mga tao at itinataguyod ang kanilang mga relasyon sa ibang tao kapalit ng pagpinsala sa mga interes ng iglesia. Hinahayaan nilang masira, masayang, mawala, o magamit pa sa maling paraan ng masasamang tao ang mga materyal na aytem ng sambahayan ng Diyos, at wala man lang silang pakialam dito, o nadadamang kaunting pagkakautang o pagkakonsensiya rito. Kaya, pagdating sa pagpili ng mga lider at manggagawa, kung titingnan ito mula sa perspektiba ng pagkatao, ano ang pangunahing bagay na dapat taglay nila? Dapat ay mayroon silang konsensiya at pagpapahalaga sa katarungan, at dapat ay wasto ang motibo nila. Dapat munang makapasa sa pamantayan ang pagkatao nila. Gaano mang kakayahan sa gawain ang taglay nila, o anong antas ng kakayahan ang taglay nila, ang mga ganoong klaseng tao ay magiging ayon sa pamantayan ng mga tagapangasiwa kung maglilingkod sila bilang mga superbisor. Kahit papaano, magagawa nilang itaguyod ang mga interes ng sambahayan ng Diyos at ang karaniwang interes ng mga kapatid. Siguradong hindi nila ipagkakanulo ang mga interes ng mga kapatid ni ng mga nasa sambahayan ng Diyos. Kapag malapit nang masaktan o mapinsala ang mga interes ng sambahayan ng Diyos at ang mga kapatid, pinag-isipan na nila ito nang maaga, at sila ang mauuna at poprotektahan ang mga ito, kahit na ang paggawa niyon ay makakaapekto sa kaligtasan nila, o hihingin sa kanila na magbayad ng halaga o magdusa. Ito ang lahat ng bagay na kayang gawin ng mga taong may konsensiya at katwiran. Ang ilang huwad na lider at manggagawa ay nagmamadaling humanap ng ligtas na lugar para magtago kapag naharap sila sa mga mapanganib na sitwasyon, pero pagdating sa mahahalagang aytem ng sambahayan ng Diyos—ang mga libro ng mga salita ng Diyos, mga cell phone, computer, at iba pa—wala silang pakialam sa mga ito ni tinatanong ang tungkol sa mga ito. Kung nag-aalala sila kung paano maaapektuhan ng pagkaaresto ang malawak na gawain ng iglesia, kaya nilang magsugo ng iba para pangasiwaan ang mga ito—pero ang mga huwad na lider na ito ay nagtatago lang alang-alang sa kanila mismong kaligtasan. Takot na tako sila, at para matiyak ang kanilang kaligtasan, hindi nila ginagawa kung ano ang kaya nila. Kaya maraming pagkakataon kung saan ang kapabayaan, kawalang aksyon, at iresponsabilidad ng mga huwad na lider ay nagdudulot sa iba’t ibang aytem ng sambahayan ng Diyos at handog sa Diyos na masamsam at makuha ng malaking pulang dragon kapag nangyayari ang mga mapanganib na sitwasyon, na nagdudulot ng mga seryosong kawalan. Kapag ang mga sitwasyong iyon ay nangyari pa lang sa iglesia, ang unang dapat isipin ng mga lider at manggagawa ay ang ilagay sa mga angkop na lugar ang mga kagamitan at materyal na aytem ng mga sambahayan ng Diyos, na ipagkatiwala ang mga iyon sa mga angkop na tao para sa pamamahala; hindi talaga dapat hayaan ang malaking pulang dragon na kunin ang mga iyon. Pero ang mga huwad na lider ay walang gayong mga iniisip kailanman; kailanman ay hindi nila inuuna ang mga interest ng Diyos, sa halip inuuna nila ang sarili nilang kaligtasan. Ang kabiguan ng mga huwad na lider na gumawa ng tunay na gawain ay madalas na nagdudulot na magdusa ng kawalan o pagkawasak ang iba’t ibang mahalagang aytem ng sambahayan ng Diyos. Hindi ba’t isa itong seryosong kapabayaan sa tungkulin sa bahagi ng mga huwad na lider? (Isa itong seryosong kapabayaan.)

Tungkol sa pang-sampung aytem ng mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa, ano ang pangunahing pagpapamalas ng mga huwad na lider na inilalantad natin? Ang saloobin ng mga huwad na lider sa mga materyal na aytem ng sambahayan ng Diyos ay iyong walang malasakit at walang pagpapahalaga; hindi sila sumusunod sa mga prinsipyo, kundi pabayang ipinamamahagi ang mga iyon, batay sa sarili nilang mga imahinasyon at pagpipili. Habang pinamamahalaan nila ang mga bagay-bagay, madalas na napapailalim sa mas malalakas o mahihinang antas ng pagkawasak at pagkasayang ang mga aytem ng sambahayan ng Diyos, na nagdudulot ng mga kawalan sa gawain ng sambahayan ng Diyos. Ito ang pangunahing pagpapamalas ng mga huwad na lider. Ni hindi mapangasiwaan ng mga huwad na lider ang pinakasimple, iisang gawaing ito ng pangkalahatang usapin; ni hindi nila kayang gawin iyon o gawin ito nang maayos—kung gayon, ano ang kaya nilang gawin? Kaya, kapag nakita ninyo ang gayong mga tao na umaakto bilang mga lider, maaari ninyong inspeksyunin at pangasiwaan ang gawain nila. Kung gagawa sila ng gulo sa iisang gawaing ito ng pangkalahatang usapin, ni hindi ginagawa ang kaya nilang gawin, at hindi humahanap ng ibang mga angkop na tao para gawin ito kapag wala silang oras, kung gayon ay dapat agad tanggalin at alisin sa puwesto nila ang gayong mga lider. Hindi sila kailanman gagamitin ng sambahayan ng Diyos. Angkop ba ito? (Angkop.) Bakit? Ang isang taong wala sa tamang lugar ang puso, na baluktot ang pagkaarok, at kumikilos lamang ayon sa mga damdamin at sa kanilang makasarili, mabababang ambisyon at pagnanais, ay hindi mapagkakatiwalaan. Anong gawain ang kayang gawin nang maayos ng isang hindi makapagkakatiwalaang tao? Anong tungkulin ang kaya niyang gawin nang maayos? Kaya ba niyang gumawa ng isang tungkulin nang may katapatan? (Hindi.)

Sa pamamagitan ng pagbabahaginan ngayon tungkol sa pang-sampung aytem ng mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa, hindi Ko pa ba nailatag nang malinaw ang isa pa sa mga prinsipyo at pamantayan na hinihingi sa mga lider at manggagawa? Ang sangkot dito ay hindi usapin ng kakayahan, ni usapin ng abilidad sa gawain, kundi usapin ng pagkatao. Obserbahan ninyo ang mga taong nagseserbisyo bilang mga lider at manggagawa, o ang mga nililinang ng iglesia, at tingnan ninyo kung mayroon sa kanila na may hindi magandang pagkatao at na ang puso ay wala sa tamang lugar, na ang pagkatao ay katulad ng sa mga huwad na lider na hinimay sa pang-sampung aytem. Kung talagang nakakita kayo ng gayong mga lider at manggagawa, kailangan ninyo silang tanggalin, at dapat ninyong tandaan na huwag kailanman ihalal ang gayong mga tao bilang mga lider, at huwag kailanman linangin ang gayong mga tao para maging mga lider at manggagawa. Kung hindi nauunawaan ng ilang tao ang katangian ng gayong mga tao at inihalal ang mga iyon, iulat ninyo kaagad. Huwag ninyo silang bigyan ng pagkakataong maging mga lider at manggagawa. Ang mga taong iyon ay hindi naging mga lider at manggagawa para gumawa ng tunay na gawain, kundi para wasakin ang gawain ng iglesia. Kung magiging mga lider sila, ang iba’t ibang materyal na aytem ng sambahayan ng Diyos ay mawawasak lang bilang resulta nito. Handa ba kayong makakita ng gayong kahihinatnan? (Hindi.) Kung gayon, paano ninyo dapat tratuhin ang gayong mga tao? Kung nagseserbisyo sila sa kasalukyan bilang mga lider, iulat ninyo sila at alisin sila sa kanilang mga posisyon. Kung hindi naman, kung hindi pa sila naihahalal, kung gayon ay sabihin ninyo sa lahat: “Hindi mabuti ang taong ito. Huwag ninyo siyang ihahalal, anuman ang gagawin ninyo; makakasama ito sa iglesia.” At kung nalinlang at naloko ang mga tao na ihalal sila, ipaalam mo kaagad sa lahat: “May nagawa tayong mali ngayon. Naihalal natin bilang lider natin ang isang taong may hindi magandang pagkatao, na wala sa tamang lugar ang puso. Ngayong nagawa natin ito, mapapailalim ang mga interes ng Diyos sa mga kawalan at pinsala. Kailangan natin siyang alisin kaagad sa posisyon niya, para mailayo sa pagkawasak ang mga interes at ang iba’t ibang aytem ng sambahayan ng Diyos. Hindi natin siya dapat hayaang magtagumpay sa kanyang pakana.” Angkop bang gawin ang bagay na ito? (Angkop.)

Ang mga hinirang bilang mga lider at manggagawa ay hinihingang magkaroon ng kakayahan at abilidad sa gawain; ngayon ay may mga kinakailangan din sa kanilang katangian. Ano ang masasabi mo, ganito ba ang karamihan sa mga taong hindi umaabot sa mga pamantayan ng pagiging mga lider at manggagawa? Alin sa tatlong ito ang pinakamahalaga? (Pagkatao.) At ang pumapangalawa? (Kakayahan sa gawain.) Pagkatapos noon? (Kung mayroon silang kakayahan.) Malamang na tama ang pagkakasunud-sunod na ito. Kapag pipili kayo ng mga lider sa hinaharap, sukatin sila ayon sa pagkakasunud-sunod na ito. Sinasabi ng ilang tao, “May problema sa pagkakasunud-sunod na ito. Ipagpalagay na nauuna ang pagkatao, at may ilang tao na may mabuting pagkatao pero may hindi mahusay na kakayahan, at kung napili sila bilang mga lider, hindi nila magagawang gumawa ng kahit anong tunay na gawain—kung gayon, OK pa rin ba na isaalang-alang lamang ang pagkatao ng mga tao?” Ang pagkatao ng mga tao ang pangunahing mahalaga, at ito ang unang bagay na dapat ninyong tingnan, pero hindi lamang ito ang tanging bagay na isasaalang-alang kapag naghahalal ng mga lider at manggagawa. Kung nasa pamantayan ang pagkatao ng isang tao, ang susunod na titingnan ay ang kanyang kakayahan sa gawain. Kung wala siyang kakayahan sa gawain, at hindi kaya gumawa ng kahit anong tunay na gawain, puwede ninyo siyang hilingang gumawa ng gawain na hindi masyadong nagpapahirap sa mga abilidad niya. Kung may mabuti siyang pagkatao, at magagawa niyang pasanin ang gawain at susubukan ang kanyang makakaya para gawin ito nang maayos, at siya ay mapagkakatiwalaan, at hindi na kailangang mag-alala ng sambahayan ng Diyos tungkol sa paggamit sa kanya, at nakakapagpatibay, nakakatulong, at kapaki-pakinabang siya sa karamihan ng mga kapatid, kung gayon siya ay nasa pamantayan. Kung mahina ang kakayahan niya at wala siyang abilidad sa gawain, o kung karaniwan lang siya pagdating sa kanyang abilidad sa gawain, ipagampan ninyo sa kanya ang ilang simpleng gawain o isang trabaho. Kung may mahusay siyang kakayahan at malakas na abilidad sa gawain, kaya niyang gampanan ang ilang mahalagang gawain o ilang iba’t ibang trabaho. Hindi ninyo man lang bang kaya magawang magsaayos ng mga ganitong klaseng pagsasaayos? Kung siya ay may hindi magandang pagkatao at wala sa tamang lugar ang puso niya, kung gayon, gaano man kahusay ang abilidad niya sa gawain, magagawa ba niyang gawin nang maayos ang gawain? (Hindi.) Kung namamahala sila sa isang kumpanya o sa ilang kawani, maaaring hindi ito problema—ngunit anong mga isyu ang lilitaw kung hinilingan silang mamahala sa iba’t ibang materyal na aytem ng sambahayan ng Diyos? Una sa lahat, talagang hindi nila pamamahalaan ang mga aytem na iyono makakagawa ayon sa mga prinsipyong kinakailangan ng sambahayan ng Diyos. Wala sa tamang lugar ang puso nila, hindi nila minamahal ang katotohanan, at puro pakana lamang ang nasa puso nila, walang iba kundi mga buktot na ideya at kaisipan, kaya tuwing kumikilos sila, ginagawa nila iyon ayon sa sarili nilang mga kagustuhan, at batay sa sarili nilang mga interes, hindi batay sa mga katotohanan prinsipyo, ni sa pagkakapantay-pantay. Isinasaalang-alang lamang nila kung ano ang mawawala sa kanila o mapapala nila, at hindi nila iniisip ang mga prinsipyong kinakailangan ng sambahayan ng Diyos—at samakatuwid ay nakatadhana silang mabigo sa gawain ng mga lider at manggagawa. Paano ito natutukoy? Sa pamamagitan ng kanilang katangian; hindi ito natutukoy sa kakayahan nila sa gawain. Kaya nga, kapag tinitimbang kung ang isang tao ay marangal o hamak, at kung naaabot nila ang mga pamantayan ng sambahayan ng Diyos para sa pagpili ng mga lider at manggagawa, tingnan muna ang kanilang pagkatao: Kung sila ay may maaasahan at kwalipikadong pagkatao, pagkatapos ay isaalang-alang kung sila ay nagtataglay ng kakayahan sa gawain at may pasanin; pagkatapos ay isaalang-alang ang iba pang mga aspeto.

Ito ang pang-sampung aytem ng mga responsabilidad ng lider at manggagawa. Ito ang higit-kumulang na hinimay sa pang-sampung aytem ng iba’t ibang pag-uugali ng mga huwad na lider. Puwedeng makita ng isang tao sa mga saloobin at pag-uugali ng kung paano tinatrato ng mga huwad na lider ang mga materyal na aytem ng sambahayan ng Diyos, na karamihan sa kanila ay walang konsensiya at katwiran, na masyado silang mahina sa kanilang pagkatao at hindi umaako ng responsabilidad—puwedeng ninyong masabi na wala sa tamang lugar ang puso nila. Hindi ba’t may isa pa tayong ebidensiya para ilarawan ang mga huwad na lider? Hindi kayang gawin ng ilang huwad na lider ang gawain dahil mahina ang kakayahan nila, at dahil bulag at wala silang kabatiran sa mga bagay-bagay. Ang ilan ay hindi gumagawa ng aktuwal na gawain dahil wala sa tamang lugar ang puso nila, at naroroon sila para lamang sa kanilang mga sariling pakinabang—hindi nila itinataguyod ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, at wala silang pakialam kung mabuhay o mamatay ang hinirang na mga tao ng Diyos. Dapat tanggalin at itiwalag kaagad ang bawat uri ng huwad na lider hangga’t posible, para maiwasan ang mga pagkaantala sa gawain ng sambahayan ng Diyos at pagkapinsala sa Kanyang hinirang na mga tao.

Mayo 1, 2021

Sinundan: Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 10

Sumunod: Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 12

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito