Ang Paglutas Lamang sa Tiwaling Disposisyon ng Isang Tao ang Makapagdudulot ng Tunay na Pagbabago

Ngayon, lahat kayo ay masiglang-masiglang ginagawa ang inyong tungkulin, at nakakayanan ninyo ang kaunting pagdurusa; kaya, pagdating sa buhay pagpasok, mayroon ba kayong landas pasulong? Nagkakaroon ba kayo ng bagong kaliwanagan o nakakakita ba kayo ng bagong liwanag? Ang buhay pagpasok ay isang kritikal na bagay para sa mga nananalig sa Diyos, tulad ng paggawa ng isang tungkulin; ngunit upang magawa ninyo nang maayos ang inyong tungkulin, makapasok sa pamantayan, magawa nang tapat ang inyong tungkulin—ano ang paraan para makamit ang mga bagay na ito? (Ang paghahangad sa katotohanan.) Tama iyan, kailangan ninyong hangarin ang katotohanan. Ano ang paraan para hangarin ang katotohanan? Dapat kayong magbasa pa ng maraming salita ng Diyos; tanging ang mga salita ng Diyos ang katotohanan. Dapat ninyong isagawa ang mga salita ng Diyos at danasin ang mga ito nang mas madalas para makamit ang katotohanan, at saka lamang ninyo mauunawaan ang katotohanan. Kaya upang maunawaan ang katotohanan, hindi ba’t kailangan ninyong magsikap tungo sa mga salita ng Diyos? Sinasabi ng ilang tao: “Sa mga taon na nananalig ako sa Diyos, nabasa ko ang higit sa iilang salita ng Diyos at tunay kong naunawaan ang ilang katotohanan, pero kapag may nangyayaring kakaiba sa akin, hindi ko mahanap ang landas at hindi ko alam kung paano isagawa ang katotohanan; bakit hindi ko magamit ang mga bagay na nauunawaan at tinatalakay ko? Sa oras na ito, napagtatanto ko na ang tanging alam ko ay mga salita at doktrina, at hindi ko alam kung paano isagawa ang katotohanan kapag may nangyayari sa akin. Napakaaba ko at kahabag-habag.” Ang ilang tao ay kadalasang walang tigil na naglilitanya kapag nakikipagbahaginan, at nagagawa pa nga nilang magbigkas ng ilang salita ng Diyos mula sa memorya, kaya iniisip nila na nauunawaan nila ang katotohanan, na sila ay espirituwal, at na mayroon silang kaunting katotohanang realidad; ngunit kapag isang araw ay may nangyari sa kanila na hindi naaayon sa kanilang kagustuhan, nagkakaroon sila ng mga kuru-kuro sa Diyos. Kung minsan, maaaring magreklamo pa nga sila tungkol sa Diyos. Nabubunyag ang kanilang mga tiwaling disposisyon, at paano man sila magdasal, hindi nila malulutas ang kanilang mga problema. Kapag nakikipagbahaginan ang ibang tao sa kanila tungkol sa katotohanan, sinasabi nilang: “Mas nauunawaan ko ang doktrinang ito kaysa sa iyo. Pagdating sa pag-unawa sa katotohanan, mas nakauunawa ako kaysa sa iyo; pagdating sa pangangaral ng doktrina, mas magaling akong magsalita kaysa sa iyo; pagdating sa pakikinig ng mga sermon, mas marami na akong napakinggan kaysa sa iyo; pagdating sa pagsusumikap, mas nagsusumikap ako kaysa sa iyo; pagdating sa pananampalataya sa Diyos, mas matagal na akong nananampalataya kaysa sa iyo. Huwag mong subukang turuan ako; nauunawaan ko ang lahat.” Iniisip nila na nauunawaan nila ang lahat, ngunit kapag ang kanilang mga ambisyon at pagnanais na ang gumagana at nagiging kontrolado sila ng kanilang mga tiwaling disposisyon, hindi na nila alam kung ano ang gagawin. Ang mga espirituwal na doktrina na karaniwan nilang nililitanya ay hindi kayang lumutas sa mga paghihirap nila. Malaki ba talaga ang tayog nila o maliit? Iniisip nila na naiintindihan nila ang katotohanan, kaya bakit hindi nila malutas ang kanilang kasalukuyang mga paghihirap? Ano ang nangyayari dito? Hindi ba’t madalas kayong nakararanas ng ganitong mga problema? Ito ay isang karaniwang suliranin na kinakaharap ng mga mananampalataya pagdating sa buhay pagpasok, at ito ang pinakamalaking suliranin ng tao. Bago may mangyari sa iyo, maaaring iniisip mo na ilang panahon ka nang nananalig sa Diyos, na mayroon ka nang partikular na tayog at pundasyon, at kapag nangyayari ang mga bagay-bagay sa ibang tao, medyo naaarok mo ang mga ito. Nagagawa mo pa ngang magdusa nang kaunti habang ginagawa mo ang iyong tungkulin, nagagawa mong magbayad ng malaking halaga, at nagagawa mong lampasan ang marami sa iyong mga paghihirap, tulad ng pisikal na karamdaman, mga kapintasan, at mga kakulangan; ngunit ang pinakamahirap na lutasin ay ang iba’t ibang tiwaling disposisyon na madalas na ibinubunyag ng mga tao. Ang “tiwaling disposisyon” ay isang terminong pamilyar sa mga tao, ngunit hindi malinaw sa lahat kung ano mismo ang isang tiwaling disposisyon, kung aling mga pagbubunyag ang bumubuo sa isang tiwaling disposisyon, at kung aling mga kaisipan at kilos ang mga pagbubunyag ng isang tiwaling disposisyon. Kung hindi nauunawaan o naaarok ng mga tao kung ano ang tiwaling disposisyon, o kung aling mga kilos ang pagpapamalas ng tiwaling disposisyon, hindi ba’t maaaring isipin ng isang tao na kahit namumuhay siya alinsunod sa tiwaling disposisyon ay isinasagawa niya ang katotohanan hangga’t hindi siya nagkakasala? Mayroon ba kayong ganoong kalagayan? (Mayroon.) Kung hindi mo nauunawaan o naaarok kung ano talaga ang isang tiwaling disposisyon, makikilala mo ba ang iyong sarili? Mauunawaan mo ba ang sarili mong tiwaling kalikasan? Tiyak na hindi. Kung hindi mo alam kung ano ang tiwaling disposisyon, malalaman mo ba kung paano kumilos para maisagawa ang katotohanan, aling mga kilos ang tama, at alin ang mali? Tiyak na hindi. Kaya, ang mga taong hindi kilala ang kanilang sarili ay hindi magkakaroon ng buhay pagpasok.

Ang landas ng buhay pagpasok ay may kinalaman sa maraming kalagayan. Malamang ay alam ninyong lahat ang salitang ito, “kalagayan,” ngunit ano ang tinutukoy nito? Paano ninyo nauunawaan ito? (Ang kalagayan ay ang mga pananaw at pag-iisip na lumalabas sa isang tao kapag may nangyayari sa kanya; maaari nitong impluwensyahan at kontrolin ang kanyang pananalita, asal, at mga pagpapasya. Ang lahat ng bagay na ito ay isang kalagayan.) Malapit na iyon. Sino pa ang gustong magsalita? (Ang kalagayan ay nangangahulugan na ang isang tao ay namumuhay sa isang negatibo, at medyo hindi normal na kalagayan dahil pinangingibabawan siya ng isang uri ng tiwaling disposisyon, sa isang partikular na panahon, o sa isang partikular na bagay—halimbawa, kapag mahigpit siyang pinupungusan, o kapag nahaharap siya sa ilang paghihirap.) (Kamakailan, nang magkaroon ako ng ilang resulta habang ginagawa ko ang aking tungkulin, medyo nasa isang uri ako ng kalagayan na nasisiyahan ako sa sarili ko at kampante ako. Akala ko ay nagbago na ako, na mayroon akong katotohanang realidad, at na tiyak na sasang-ayunan ako ng Diyos; sa katunayan, ayon sa mga hinihingi ng Diyos, malayo pa ako. Ngayon ko lang nauunawaan na isa itong uri ng kalagayan na mayabang at may labis na pagtingin sa sarili.) Ang mga kalagayang natalakay ninyo ay pawang negatibo, kaya, mayroon bang mga tama at positibong kalagayan? (Oo. Halimbawa, kapag gusto kong palugurin ang Diyos sa abot ng aking makakaya, nagagawa kong maghimagsik laban sa aking laman at isagawa ang katotohanan: Positibo ang ganoong uri ng kalagayan.) Sa ngayon, nailalarawan pa lang ninyo ang ilang kalagayan nang hindi talaga nabibigyang-kahulugan kung ano ang isang kalagayan. Kaya ngayon, ibuod natin kung ano talaga ang isang kalagayan batay sa lahat ng sinabi ninyo. Ano ba talaga ang tinutukoy ng “kalagayan”? Ito ay isang uri ng pananaw na taglay ng mga tao o isang kondisyon na kinalalagyan ng mga tao kapag may nangyayari sa kanila, gayundin, ito ay ang mga kaisipan, mood, at paninindigan na idinudulot ng kondisyong ito. Halimbawa, kapag pinupungusan ka habang ginagawa mo ang iyong tungkulin, hindi ka matutuwa, at magiging negatibo ang kalagayan mo. Sa panahong ito, ang mga pananaw at saloobin na ibinubunyag mo, gayundin ang mga paninindigan mo—ito ang ilan sa mga nauugnay na detalye ng iyong kalagayan. Hindi ba’t may kinalaman ito sa mga bagay na madalas ninyong nararanasan? (Mayroon nga.) Ito ay may kaugnayan sa buhay ng mga tao; isa itong bagay na nakikilala ng lahat—isang bagay na nararamdaman, nararanasan, at nakakaugnayan nila—sa bawat araw ng kanilang pang-araw-araw na buhay. Kaya ano sa palagay ninyo: Kapag nasa negatibong kalagayan, anong mga bagay ang lumalabas sa isang tao? (Ang maling pagkaunawa, pag-iwas, paghatol sa sarili, at lubusang pagsuko pagkatapos ng anumang mga problema; kapag malubha ito, maaaring may isang taong tuluyang iiwas pa nga sa kanyang mga responsabilidad.) Kapag malubha ito at gusto nilang umiwas sa kanyang mga responsabilidad, iyon ba ay isang saloobin o isang paninindigan? O may iba pa bang tawag dito? (Ito ay isang uri ng kondisyon at mood.) Mas matatawag itong isang kondisyon at mood. Sa panahong ito, ano ang saloobin ng isang tao habang ginagawa niya ang kanyang tungkulin? (Negatibo siya at nagpapakatamad, wala siyang motibasyon, at iniraraos lang niya ang tungkulin.) May kinalaman ito sa tunay na kalagayan ng mga usapin. Ang pagsasabi na “wala siyang motibasyon” ay isang parirala na walang kabuluhan; dapat kang magsalita tungkol sa totoong kalagayan ng mga usapin. Kapag ginagawa ng mga tao ang kanilang tungkulin nang walang motibasyon, ano ang iniisip nila sa kanilang puso? Ano ang tiwaling disposisyong ibinubunyag nila sa panahong ito? (Pabaya sila sa kanilang tungkulin; walang gana nilang ginagawa ang mga bagay.) Hindi ito isang disposisyon kundi isang depinisyon na inilalapat sa iyo pagkatapos mong kumilos; isa itong paraan ng pagkilos. Ngunit tungkol sa kung ano ang nagsanhi sa iyo na maging pabaya, hindi ba’t kailangan mong mas pag-isipan nang mabuti? Sa pag-iisip nang mas mabuti, matutuklasan mo ang iyong tiwaling disposisyon. Ang pagiging pabaya ay isang pagbubunyag ng isang tiwaling disposisyon. Ang paraan ng iyong pag-iisip sa puso mo ay maaaring humantong sa pagiging pabaya habang ginagawa mo ang iyong tungkulin, at maaaring magsanhi na mabawasan ang iyong sigla kaysa dati. Ang kaisipan mong iyon ay isang tiwaling disposisyon, at ang bagay na nagsanhi ng kaisipang iyon ay ang kalikasan mo. Ang ilang tao ay nahaharap sa pagpupungos habang ginagawa nila ang kanilang tungkulin, at sinasabi nila na: “Dahil limitado lang ang aking mga abilidad, gaano ba talaga karami ang kaya kong gawin? Wala akong gaanong nauunawaan, kaya kung gusto kong gawin nang maayos ang trabahong ito, hindi ba’t kailangan kong matuto habang gumagawa ako? Magiging madali ba iyon para sa akin? Hindi lang talaga naiintindihan ng Diyos ang mga tao; hindi ba’t pamimilit ito sa isang tao na gumawa ng isang bagay na hindi nito kaya? Hayaang gawin ito ng isang taong mas higit na nakakaunawa kaysa sa akin. Ganito lang ang magagawa ko—hindi ko kayang gawin ang higit pa rito.” Karaniwang sinasabi at iniisip ng mga tao ang mga ganoong bagay, tama ba? (Tama.) Magagawang aminin iyon ng lahat. Walang taong perpekto, at walang sinuman ang anghel; ang mga tao ay hindi nabubuhay nang nag-iisa. Ang bawat tao ay may ganitong mga kaisipan at mga pagbubunyag ng katiwalian. Ang bawat isa ay may kakayahang ibunyag ang mga bagay na ito at mamuhay nang madalas sa mga kalagayang ito, at hindi nila ito sinasadya; hindi nila maiwasang mag-isip nang ganito. Bago may anumang mangyari sa kanila, ang mga tao ay medyo may normal na kalagayan, ngunit naiiba ang mga bagay kapag may nangyayari sa kanila—napakadaling natural na ibunyag nila ang negatibong kalagayan, nang walang hadlang o pagpigil, at nang walang pang-uudyok o panunulsol ng iba; hangga’t ang mga bagay na kanilang kinakaharap ay hindi naaayon sa kanilang sariling kagustuhan, nabubunyag ang mga tiwaling disposisyong ito sa lahat ng oras at lugar. Bakit lumalabas ang mga ito sa lahat ng oras at lugar? Nagpapatunay ito na ang mga tao ay may ganitong uri ng tiwaling disposisyon at tiwaling kalikasan sa loob nila. Ang mga tiwaling disposisyon ng mga tao ay hindi iginigiit sa kanila ng iba, hindi rin ikinikintal sa kanila ng iba ang mga ito, lalong hindi itinuturo, inuudyok, o isinusulsol ng iba ang mga ito; sa halip, ang mga tao mismo ang nagtataglay ng mga ito. Kung hindi lulutasin ng mga tao ang mga tiwaling disposisyong ito, hindi sila mamumuhay sa tama at positibong kalagayan. Bakit madalas nabubunyag ang mga tiwaling disposisyong ito? Sa totoo lang, alam na ninyong lahat na ang mga kalagayang ito ay mali at hindi normal, na kailangang baguhin ang mga ito; hanggang ngayon, hindi pa rin ninyo naiwaksi ang mga tiwaling disposisyong ito o nabitiwan ang mga maling kaisipan at pananaw na ito, at hindi pa nagkaroon ng anumang makabuluhang pagbabago ang kalagayan ninyo. Makalipas ang sampu o dalawampung taon, wala pa rin kayong anumang pagbabago, at nasa parehong kalagayan kayo tulad ng dati nang magbunyag kayo ng katiwalian, na walang kapansin-pansing pagbawas sa inyong katiwalian, kaya ano ang problema? Ano ang pinatutunayan nito? Matapos ang lahat ng taon na ito, karamihan sa inyo ay hindi nagkaroon ng anumang paglago; naiintindihan lamang ninyo ang ilang salita at doktrina, ngunit hindi ninyo maisagawa ang katotohanan, at hindi ninyo kayang magbigay ng patotoo batay sa karanasan; ito ay dahil, sa lahat ng taon na ito, hindi ninyo hinangad ang katotohanan, at walang makabuluhang pagbabago sa inyong tiwaling disposisyon. Pinatutunayan nito na masyadong mababaw ang inyong karanasan sa buhay, at wala itong lalim; masasabi nang may katiyakan na napakababa ng kasalukuyan ninyong tayog, at wala kayong anumang katotohanang realidad. Kaya ba ninyong tanggapin ang sinabi Ko? Ang mga may kaunting praktikal na karanasan ay malamang na nakauunawa sa Aking mga salita, ngunit ang mga hindi nakauunawa sa katotohanan at hindi pa nakakaalam sa kung ano ang buhay pagpasok ay maaaring hindi nauunawaan ang kahulugan ng mga salitang ito. Bakit Ko kayo tinanong kung ano ang kalagayan? Kung hindi ninyo nauunawaan kung ano ang isang kalagayan, hindi ninyo mauunawaan man lang ang sinasabi Ko; makikinig lang kayo sa mga salita, ituturing ang mga ito na tila tama ang mga ito. Kung mayroon kayong ganitong pananaw, nagpapatunay ito na wala kayong karanasan, at hindi ninyo nauunawaan ang mga salita ng Diyos. Kung nais ng mga tao na pumasok sa katotohanang realidad, na magkaroon ng tunay na buhay pagpasok, dapat nilang maunawaan ang ilang kalagayan; dapat nilang maunawaan at mapangasiwaan ang sarili nilang mga problema, at malaman kung nasa anong uri ng kalagayan sila sa kanilang totoong buhay, kung ang kalagayang iyon ay tama o mali, kung anong uri ng tiwaling disposisyon ang ibinubunyag ng mga tao kapag nasa maling kalagayan sila, at kung ano ang diwa ng tiwaling disposisyong ito—dapat nilang maunawaan ang lahat ng bagay na ito. Kung hindi mo nauunawaan o naaarok ang mga bagay na ito, kung gayon, sa isang banda, hindi mo malalaman kung saan magsisimula para makilala ang sarili mong tiwaling disposisyon, para tulutang magbago ang iyong sarili; sa kabilang banda naman, hindi mo malalaman kung saan magsisimula para kumain at uminom ng mga salita ng Diyos o pumasok sa katotohanan. Madalas ba kayong nahaharap sa sitwasyong ilalarawan Ko? Pagkatapos makinig sa Akin na magsalita tungkol sa isang bagay, alam lamang ninyo ang tungkol sa bagay na iyon, ngunit hindi ang kalagayang tinutukoy nito, at hindi ninyo ito nagagamit sa inyong sarili? (Ganoon nga.) Ipinapakita nito na hindi pa umabot sa puntong iyon ang karanasan ninyo. Kung may kinalaman sa inyo ang sinasabi Ko, at malapit na nauugnay sa buhay ninyo—halimbawa, ang pagtatalakay tungkol sa mga bagay na kinakaharap ng mga tao araw-araw habang ginagawa nila ang kanilang mga tungkulin, o ang mga tiwaling disposisyon na ibinubunyag ng mga tao habang ginagawa nila ang kanilang mga tungkulin, o ang mga bagay na may kaugnayan sa mga intensiyon ng mga tao, sa kanilang mayayabang na disposisyon, sa kanilang pagiging pabaya, o sa kanilang mga saloobin habang ginagawa ang kanilang mga tungkulin—sa sandaling makinig kayo, baka magamit ninyo ito sa inyong sarili. Kung tatalakayin Ko ito nang mas malalim, may mga bagay na maaaring hindi ninyo magamit sa inyong sarili. Nangyayari ba ito minsan? (Oo.) Tungkol naman sa mga bagay na hindi ninyo magamit sa inyong sarili, pinakikinggan ba ninyo ang mga ito nang tulad ng pakikinig sa doktrina, pumapasok sa isang tainga at lumalabas lang din sa kabila ninyong tainga? Kung gayon, paano ninyo dapat unawain ang mga bagay na maaari ninyong gamitin sa inyong sarili? (Pagnilayan at kilalanin ang aming mga sarili, at hanapin ang katotohanan para lutasin ang aming sariling katiwalian.) Ito ang tamang paraan ng pagdanas.

Ang sabihin na mahalaga ang pagninilay at pagkilala sa sarili mong tiwaling disposisyon ay isang pahayag na masyadong masaklaw. Paano mo tunay na pagninilayan at kikilalanin ang iyong sarili? Mayroong isang landas para dito: Kapag may nangyayari sa iyo, dapat mong tingnan ang iyong pananaw at saloobin, ang mga iniisip mo, at mula sa kung anong uri ng paninindigan mo tinitingnan, hinaharap, at tinatrato ang problemang ito. Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito, mapagninilayan at makikilala mo ang sarili mong tiwaling disposisyon. Ano ang layon ng ganitong uri ng pagninilay-nilay at pagkakilala sa sarili? Ito ay upang mas maunawaan ang iyong sariling tiwaling kalagayan, at pagkatapos ay hanapin ang katotohanan para lutasin ang iyong mga problema at kamtin ang pagbabago ng disposisyon. Kaya, nasa anong yugto kayong lahat sa kasalukuyan? Gaano kalalim ang pagkakilala ninyo sa inyong sarili? Gaano ninyo nauunawaan kung ano ang kalagayan ninyo sa iba’t ibang panahon o kapag nangyayari sa inyo ang iba’t ibang bagay? Nagsumikap ba kayo o nagawa ba ninyo ang inyong takdang-aralin sa bagay na ito? Naranasan na ba ninyo ang anumang pagpasok? (Kapag nangyayari sa akin ang mga mas halatang bagay o malalaking kaganapan, maaaring nakikita ko ang ilan sa naibubunyag ko samantalang madali ko namang nakakaligtaan ang mas maliliit na isyu. Minsan hindi ko namamalayan na namumuhay ako sa maling kalagayan.) Kapag wala kayong kamalayan, nasa anong uri kayo ng kalagayan? Sa anong uri ng sitwasyon kayo walang kamalayan? (Sa paggawa sa aking tungkulin na parang basta-basta lamang ito na paggawa sa mga bagay, nang hindi nagsusumikap tungo sa katotohanan sa mga salita ng Diyos, kaya, kahit na mabunyag ang isang tiwaling disposisyon, hindi ko ito malalaman.) Ang pagtrato sa iyong tungkulin bilang paggawa lamang ng mga bagay-bagay, bilang isang uri ng trabaho, gampanin, o responsabilidad, at paggawa nito nang walang pakialam, nang hindi ito iniuugnay sa buhay pagpasok, ay isang napakakaraniwang kalagayan; ito ay pagtrato sa iyong tungkulin bilang isang bagay na kailangan lamang gawin, sa halip na bilang isang landas o paraan sa buhay pagpasok. Katulad lang ito ng pagpasok sa trabaho: Ang ilang tao ay itinuturing ang kanilang trabaho bilang isang propesyon, iniuugnay ito sa kanilang buhay, at iniuugnay ito sa kanilang mga interes at libangan, pati na rin sa kanilang mga mithiin at layon sa buhay. Samantala, itinuturing ng iba ang pagpasok sa trabaho bilang isang uri ng responsabilidad—hindi puwedeng hindi sila papasok sa trabaho. Pumapasok sila sa tamang oras araw-araw para magkapera upang maitaguyod ang kanilang mga pamilya ngunit wala silang mga layon o mithiin sa buhay. Ngayon, hindi ba’t ang karamihan sa inyo ay nasa ganitong uri ng kalagayan? Ang inyong tungkulin ay nakahiwalay sa mga salita ng Diyos o sa katotohanan. Kahit pa kinikilala ninyo ang sarili ninyong mga pagkakamali, hindi kayo nagtatamo ng anumang tunay na pagbabago; bumabalik lamang kayo sa pag-iisip tungkol sa mga usapin ng buhay pagpasok kapag medyo nakokonsensiya kayo sa puso ninyo. Pero karaniwan ay ginagawa lang ninyo ang kahit anong gusto ninyo. Mas hinuhusayan mo nang kaunti ang paggawa kapag nasisiyahan ka o kapag napakaganda ng iyong mood, ngunit kung may mangyayari isang araw na salungat sa mga ninanais mo, o kung binangungot ka na nagpasama ng iyong mood, maiimpluwensyahan nito ang pag-iisip mo nang ilang araw, pati na ang mga resulta ng iyong tungkulin. Gayunpaman, hindi mo ito namamalayan sa puso mo; naguguluhan ka, at sa loob ng sampung araw na iyon, o dalawang linggo pa nga, inaantala mo ang mga bagay-bagay, pabaya ka lang. Kapag ang isang tao ay namumuhay sa gayong kalagayan, hindi ba’t natitigil ang buhay pagpasok? Kung matitigil ang buhay pagpasok, malulugod ba ang Diyos sa mga pagkilos ng mga tao at sa tungkulin na kanilang ginagawa? (Hindi.) Bakit hindi? Ang kanilang mga kilos at tungkulin sa sitwasyong ito ay walang kinalaman sa katotohanan at hindi katumbas ng pagpapatotoo sa Diyos, kaya ang paggawa ng kanilang tungkulin sa ganitong paraan ay hindi makapagpapalugod sa Diyos. Posibleng hindi ka nagkakamali sa iyong tungkulin nang ilang panahon, kaya iniisip mo na ang paggawa ng iyong tungkulin sa ganitong paraan ay lubos na naaangkop; hangga’t palagi kang abala sa iyong tungkulin, nang hindi iniiwan ang iyong gawain, at hindi nag-iisip ng iba pang mga bagay, pakiramdam mo ay ayos lang ang paggawa ng tungkulin mo sa ganitong paraan. Hindi ba’t ang ganitong uri ng saloobin ay halimbawa ng pagiging pabaya? Kung nasisiyahan ka na sa mga kilos lamang, nakahiwalay sa mga katotohanang prinsipyo, kung gayon, makapagkakamit ka ba ng mga resulta sa paggawa ng iyong tungkulin? Kapag natapos na ang gawain ng Diyos, paano ka magpapaliwanag sa Diyos? Kung hindi ka umaako ng responsabilidad habang ginagawa mo ang iyong tungkulin, at hindi mo hinahanap ang katotohanan at pinangangasiwaan ang mga bagay ayon sa mga prinsipyo, ito ba ay paggawa sa iyong tungkulin nang pasok sa pamantayan? Makakamit ba nito ang pagsang-ayon ng Diyos? Kung bigla kang nakatagpo ng isang pagsubok o pinupungusan ka, at pagkatapos ay napagtanto mo na sumapit ang paghatol at pagkastigo sa kadahilanang nilabag mo ang disposisyon ng Diyos, at bigla kang natauhan, dahilan para sa wakas ay magtino ka nang ilang araw, ito ba ay isang normal na kalagayan para sa buhay pagpasok? (Hindi.) Ang malinaw na pagbabago sa iyo pagkatapos kang pungusan ay katulad ng sakit pagkatapos mahampas ng latigo. Mayroon kang kaunting pagkakilala sa iyong sarili. Sa panlabas, maaaring mukhang lumago ka na nang kaunti at nagkamit ng kaunting pagkaunawa sa pagpupungos, paghatol at pagkastigo sa iyo. Pero kung kayo ang tatanungin, kung hindi man lang nauunawaan o naaarok ng mga tao ang kanilang sariling mga tiwaling disposisyon at ang kanilang iba’t ibang tiwaling kalagayan, at kung hindi nila kailanman maingat na sinuri ang mga bagay na ito, at hindi kailanman nalutas ang mga problemang ito, magkakamit ba sila ng isang normal na kalagayan para sa buhay pagpasok? Makapapasok ba sila sa katotohanang realidad? Sa tingin Ko ay hindi madali para sa kanila na magkamit. Sinasabi ng ilang tao na: “Nakauunawa ako ng mga prinsipyo sa mga usapin ng paggawa ng aking tungkulin; hindi ba’t pagkaunawa ito sa katotohanan at pagpasok sa katotohanang realidad?” Madaling sundin ang mga patakaran, at madaling panghawakan ang mga panlabas na kilos, ngunit ang mga ito ay hindi katumbas ng pagsasagawa sa katotohanan, at hindi rin katumbas ng pangangasiwa sa mga bagay-bagay ayon sa mga prinsipyo. Halimbawa, sabihin nang dapat kang bumangon ng alas-singko ng umaga araw-araw, at matulog ng alas-diyes ng gabi; magagawa mo bang sundin ang prinsipyong ito sa iyong pang-araw-araw na buhay? (Hindi.) Ang isang iskedyul na mula alas singko hanggang alas diyes ay medyo maganda; naaayon ito sa likas na ritmo ng mga tao, at mabuti ito para sa kanilang katawan, ngunit bakit mahirap para sa kanila na tanggapin ito? May problema rito. Hindi ibig sabihin na hindi alam ng mga tao ang pangangatwiran na ito o hindi alam ang karaniwang kaalamang ito—alam na alam nila ito—kaya bakit hindi nila ito matanggap? Bakit ayaw ng mga tao na sumunod sa iskedyul na ito, ayaw mamuhay ayon sa pamamaraan at kagawiang ito? Kabilang dito ang mga pisikal na interes ng mga tao. Hindi ba’t ang pag-ayaw na gumising nang maaga ay katulad ng pagnanais na mas matulog pa, gaya ng pagnanais na sundin ang iyong mga pisikal na kagustuhan at pisikal na pakiramdam? Ang paggising nang maaga ay sumasalungat sa pisikal na kaginhawahan ng mga tao, kaya ayaw nilang gawin ito, at nalulungkot sila dahil dito. Kaya, matatanggap ba ng mga tao ang katunayan na “ang pagbangon nang maaga ay mabuti para sa inyong katawan”? Hindi. Hindi kayang isuko ng mga tao ang kahit maliit na bahaging ito ng kanilang interes, at gayunpaman, dapat pa rin nilang disiplinahin ang kanilang mga katawan, dapat pa rin silang magdasal, at pagbutihin ang kanilang mga kaisipan. Dapat din silang maimpluwensyahan ng kanilang kapaligiran: Bumabangon lamang sila kapag nakikita nilang bumangon na ang ibang tao at nahihiya sila sa kanilang pagnanais na matulog. Napipilitan silang bumangon araw-araw, at talagang hindi sila nasisiyahan dito. Ano ang nagsasanhi sa mga kaisipan at kalagayang ito? Ang mga tao ay nagnanasa ng pisikal na kaginhawahan, gusto nilang kumilos sa anumang paraang gusto nila, at nagkikimkim sila ng mga kaisipan ng katamaran at pagpapalayaw sa sarili. Sa isang banda, hindi nila isinasaalang-alang ang mga regular na ritmo ng kanilang mga katawan, at sa kabilang banda naman, hindi nila isinasaalang-alang ang tungkulin na kanilang ginagawa; sa halip, tumutuon muna sila sa pagbibigay-kasiyahan sa kanilang mga pisikal na interes. Sa huling pagsusuri, mayroong isang aspeto sa tiwaling disposisyon ng tao, na kung saan nais nilang laging magpakasasa sa laman at hindi magpapigil. Kung pinupungusan sila, sinusubukan nilang mangatwiran, palaging ipinagtatanggol ang kanilang sarili, na medyo hindi makatwiran. Ang paggising nang maaga ay isang maliit na bagay na hindi nakakaapekto sa mga pakinabang o kawalan ng mga tao—hangga’t kaya mong madaig ang iyong pagnanais para sa mas mahabang tulog, magagawa mo ito—ngunit napakahirap para sa mga tao na talikuran ang maliit na pisikal na benepisyo ng medyo mas matagal na pagpapahinga. Kapag ang pagnanais mo para sa mas maraming tulog ay nakakaapekto sa iyong gawain, malalaman mo na hindi ito naaayon sa mga katotohanang prinsipyo; bukod sa hindi ka nagninilay-nilay sa sarili, mayroon ka pang mga reklamo sa puso mo, at hindi ka nasisiyahan, palaging iniisip na: “Bakit hindi ko kailanman mapagbigyan ang aking sarili kahit kaunti, o gawin ang anumang gusto ko kahit sandali lang?” Madalas na may ganitong mga pag-iisip ang mga tao. Kaya, paano dapat lutasin ang kalagayang ito? Dapat kang magdasal, kayanin mong lampasan ang iyong mga pisikal na paghihirap, sikaping lumago, itigil ang pagnanasa ng kaginhawahan, kayaning magdusa, maging tapat sa iyong tungkulin, huwag gawin ang anumang gusto mo, at matutong pigilan ang iyong sarili. Madali bang pigilan ang iyong sarili? (Hindi.) Bakit hindi? (Dahil ang mga tao ay ayaw magpapigil, ayaw nilang pinangangasiwaan sila, at nais nilang bigyang-layaw ang kanilang sarili.) Ang mga taong hindi nakauunawa sa kung ano ang pagpipigil sa sarili, na hindi kayang pigilan ang kanilang sarili, may mahinang pagpipigil sa sarili, at palaging kumikilos nang walang pakundangan at nagpapakasasa sa pantasya ay mga taong mayroong immature na pagkatao, anuman ang kanilang edad. Kapag ang maliit na bagay na ito ay nakakaapekto sa interes ng mga tao, nabubunyag ang kanilang tiwaling disposisyon. Kapag nangyari ito, kailangan nilang hanapin ang katotohanan para malutas ito; kailangan nilang makilala ang kanilang sarili at maunawaan ang katotohanan, upang malutas ang problema ng kanilang katiwalian. Kapag nalinis ang mga tao sa kanilang tiwaling disposisyon, hindi namamalayang nakapapasok sila sa katotohanang realidad, lumalago ang kanilang buhay, at nagbabago ang kanilang disposisyon sa buhay.

Nagbigay lang Ako ng isang simpleng halimbawa tungkol sa kung paanong ang isang bagay na kasingliit ng pang-araw-araw na nakagawian ay maaaring magbunyag sa mga tiwaling disposisyon ng mga tao at kung ano talaga ang tumatakbo sa kanilang isipan; lahat ng ito ay nalantad na ngayon. Sa paglalantad ng mga tiwaling disposisyong ito, natuklasan mo na talaga ngang labis kang nagawang tiwali ni Satanas. Kahit pa maraming taon ka nang nananampalataya sa Diyos, at nakauunawa ka ng kaunting doktrina, hindi mo pa naiwawaksi ang iyong tiwaling disposisyon. Anuman ang tungkuling ginagawa mo, hindi mo ito nagagawa nang pasok sa pamantayan; anuman ang mga bagay na pinangangasiwaan mo, hindi mo ito nagagawa nang ayon sa mga prinsipyo; hindi ka pa isang taong tunay na nagpapasakop sa Diyos. Kaya batay sa kasalukuyang kalagayan ng mga tao, talaga bang nailigtas na sila ng Diyos? Hindi pa, dahil hindi pa nila tuluyang naiwaksi ang kanilang mga tiwaling disposisyon, napakalimitado pa rin ng kanilang pagsasagawa sa katotohanan, at malayo pa sila sa tunay na pagpapasakop sa Diyos; ang ilang tao ay may potensyal pa ngang sumunod kay Satanas, o sa tao. Sapat na ang mga katunayang ito para patunayan na hindi pa talaga umabot ang tayog ng mga tao sa puntong kung saan nailigtas na sila. Dapat ikategorya ng bawat isa ang kanilang sarili batay sa kanilang sariling totoong kalagayan at tukuyin kung anong uri sila ng tao. Sa pagninilay-nilay sa kanilang mga tiwaling disposisyon, nakikilala ng ilang tao ang kanilang sariling iba’t ibang panloob na kalagayan, gayundin ang mga kaisipan, pananaw, at mga saloobin na umuusbong habang nangyayari sa kanila ang iba’t ibang bagay. Nakikita ng ilang tao na sila ay mayabang at may labis na pagtingin sa sarili, na mahilig silang magpakitang-gilas, at na mahilig silang umaktong nakahihigit sila sa iba at isiping mas mataas sila kaysa sa iba. Nakikita ng ilang tao na sila ay baluktot at mapanlinlang, na gumagamit sila ng lahat ng uri ng pandaraya, at na sila ay mapaminsala. Nakikita ng iba na inuuna nila ang pakinabang, na mahilig silang manamantala ng iba, at na sila ay makasarili at kasuklam-suklam na mga tao. Ang ilang tao ay nagninilay-nilay sandali at napagtatanto nila na mapagpaimbabaw sila. Kadalasang iniisip ng iba noon na sila ay may talento, na sila ay may kakayahan, at na mahusay sila sa kanilang propesyon, ngunit pagkatapos magnilay-nilay nang ilang panahon, napagtatanto ng mga ito na sila ay walang kahit isang positibong katangian; sila ay walang talento at, bukod dito, sila ay hangal at walang prinsipyo sa kanilang mga kilos. Ang ilang tao ay nagninilay-nilay nang ilang panahon at napagtatanto na makitid ang utak nila, na nakikipagtalo sila sa maliliit na bagay; hindi katanggap-tanggap na magsabi ang iba ng anumang bagay na nakakaapekto sa kanilang mga interes, at wala silang alam tungkol sa pagpaparaya. Makatutulong ba sa iyong buhay pagpasok ang magkamit ng kaalamang tulad nito mula sa pagninilay-nilay sa sarili? (Makatutulong ito.) Paano ito makatutulong? (Matutulungan kami nitong magkaroon ng pusong naghahanap sa katotohanan. Kung hindi namin kikilalanin ang mga problemang ito, hindi namin malalaman na madalas kaming nagbubunyag ng tiwaling disposisyon, lalong hindi namin magagawang hanapin ang katotohanan para malutas ang aming mga problema.) (Kung hindi namin alam ang tungkol sa mga ito, hindi namin malalaman na kami ay nasa isang kahabag-habag na sitwasyon. Matapos makilala ang mga ito, nanaisin naming hanapin ang katotohanan para malutas ang aming mga problema. Magiging handa kaming kumalas sa mga paglilimita ng aming tiwaling disposisyon, at nanaisin naming hanapin ang katotohanan para iayon ang aming sarili sa mga salita ng Diyos.) Isipin ang isang tao na nag-aakalang siya ay dakila, na may malakas silang kamalayan sa katarungan, na napakamapagbigay nila, may talento, mapagparaya, mabait, sinsero, at labis na tapat sa iba, at na ang kanyang sariling tiwaling disposisyon ay may maliliit na kapintasan na gaya sa mga ordinaryong tao, tulad ng kayabangan, pagmamatuwid sa sarili, poot, at inggit, pero iniisip din nila na, maliban sa maliliit na kapintasang ito, sila ay perpekto, at mas kagalang-galang, mas marangal, at mas mapagmahal kaysa iba—kung ang isang tao ay palaging nasa gayong kalagayan, sa tingin mo ba ay makakaharap siya sa Diyos at tunay na makakapagsisi? (Hindi.) Sa anong mga sitwasyon talagang makakaharap ang isang tao sa Diyos upang makilala ang kanyang sarili, tunay na magpatirapa sa harap Niya, at magsabing, “O Diyos, lubos akong ginawang tiwali ni Satanas. Hindi ako handang bitiwan ang anumang bagay na may kaugnayan sa aking sariling mga interes. Isa akong makasarili at kasuklam-suklam na tao, na walang kahit isang positibong katangian. Handa akong tunay na magsisi at isabuhay ang wangis ng isang tunay na tao—nais kong iligtas ako ng Diyos”? Kapag ang isang tao ay may kahandaang tunay na magsisi, mabuti ito; kung gayon, madali para sa kanya na pumasok sa tamang landas ng pananampalataya sa Diyos, at magkamit ng kaligtasan.

Sabihin nang may isang taong nagpipinta ng isang larawan—sa tingin niya ay perpekto ito at kontento siya, hanggang sa isang araw, may isang taong nagsabi na maraming kapintasan ang kanyang painting. Bago pa man ito idetalye ng taong iyon, pakiramdam niya ay isa itong pag-atake sa kanya. Sumasama ang loob niya, at agad siyang kumokontra: “Sinasabi mong hindi ako magaling magpinta? Mas pangit kang magpinta kaysa sa akin at mas maraming problema ang mga gawa mo! Ni wala ngang gustong tumingin sa mga iyon!” Bakit nagagawa niyang sabihin ang gayong bagay? Nasa anong uri ng kalagayan siya para makapagsabi ng gayong bagay? Bakit siya nagagalit at nagngingitngit nang husto, at bakit nagiging mapaghiganti at agresibo ng pag-iisip niya dahil sa gayon kaliit na bagay? Ano ang nagdulot nito? (Iniisip niya na perpekto ang kanyang painting, at sumasama ang loob niya na may ibang nagsasabing may mga kapintasan ito.) Hindi mo maaaring sirain ang kanyang perpektong imahe. Kung sa tingin niya ay maganda ang isang bagay, pinakamainam na huwag mong tukuyin ang anumang kapintasan o banggitin ang anumang pag-aalinlangan. Dapat mong sabihin na: “Talagang maganda ang painting mong larawan. Maaari itong tawaging isang obra maestra. Sa tingin ko, maging ang mga kasanayan ng mga dakilang maestro ay hindi mas mahusay kaysa sa mga kasanayan mo. Kung ipapakita mo sa publiko ang obrang ito, tiyak na magiging usap-usapan ito sa industriya, at magiging isang mahalagang yaman ito sa loob ng maraming henerasyon!” Pagkatapos ay masisiyahan siya. Ang kasiyahan at galit ay mula sa iisang tao, kaya paanong mayroon siyang dalawang magkaibang pagbubunyag? Alin ang tiwaling disposisyon sa mga ito? (Kapwa tiwaling disposisyon ang mga ito.) Alin sa mga tiwaling disposisyong ito ang mas malubha? (Ang pangalawa.) Ang pangalawa ay nagbubunyag ng kanyang pagiging mapagpaimbabaw, kamangmangan, at kahangalan. Kapag may nagsasabing hindi ka magaling magpinta, bakit masyado kang nalulungkot, hanggang sa puntong nagkakaroon ka na ng napopoot, agresibo, at mapaghiganting kaisipan? Bakit labis kang nasisiyahan kapag may nakapagsasabi ng iilang magandang salita sa iyo? Bakit napakahambog mo? Hindi ba’t lubos na walang kahihiyan ang gayong mga tao? Wala silang kahihiyan; pareho silang hangal at kahabag-habag. Bagamat hindi masyadong maganda pakinggan ang mga salitang ito, ito ang totoo. Saan nagmumula ang kamangmangan, kahangalan, at pangit na mga ekspresyon ng mukha ng mga tao? Nagmumula ang mga ito sa mga tiwaling disposisyon ng mga tao. Kung ang isang tao ay may gayong saloobin kapag nangyayari ang mga ganitong bagay, ang mga bagay na ibinubunyag nila ay hindi ang katwiran at konsensiya na dapat taglayin ng isang taong may normal na pagkatao, at hindi rin ang mga ito ang dapat na isabuhay ng isang taong may normal na pagkatao. Kung gayon paano dapat harapin ang mga bagay na tulad nito? Sinasabi ng ilang tao: “May paraan ako. Kapag may ibang nagyabang na magaling ako, mananahimik ako; kapag may nagsabi na masama ako, mananahimik din ako. Haharapin ko ang lahat nang hindi nagpapaapekto. Hindi kasali rito ang pagiging tama o mali, at hindi rin ito isang pagbubunyag ng isang tiwaling disposisyon. Hindi ba’t maganda ito?” Kumusta ang pananaw na ito? Nangangahulugan ba ito na ang mga taong ito ay walang tiwaling disposisyon? Gaano man kahusay ang isang tao sa pagpapanggap, kahit pa kaya niyang gawin ito nang ilang panahon, ang gawin ito habang-buhay ay hindi madali. Gaano ka man kahusay sa pagpapanggap, o gaano mo man kahigpit na pinagtatakpan ang mga bagay-bagay, hindi mo mapagtatakpan o maikukubli ang iyong tiwaling disposisyon. Maaaring malinlang mo ang mga tao tungkol sa kung ano ang nasa puso mo, ngunit hindi mo malilinlang ang Diyos, at hindi mo rin malilinlang ang iyong sarili. Maibubunyag man ito o hindi, sa huli, ang iniisip ng isang tao at ang lumalabas sa kanyang isipan, matindi man ito o hindi, malinaw man ito o hindi, ay kumakatawan sa kanyang tiwaling disposisyon. Kaya, hindi ba’t ang mga tiwaling disposisyong ito ay natural na nabubunyag kahit saan at anumang oras? Iniisip ng ilang tao na maaaring madulas ang dila nila minsan kapag hindi sila nag-iingat, na maglalantad sa kanilang kaloob-loobang mga iniisip, at pagsisisihan nila ito. Iisipin nila na, “Sa susunod, wala na akong sasabihin; ang taong maraming sinasabi ay madalas na nagkakamali. Kung wala akong anumang sasabihin, hindi mabubunyag ang aking tiwaling disposisyon, tama?” Sa huli, gayunpaman, kapag kumikilos sila, muling nabubunyag ang kanilang mga tiwaling disposisyon, at muli nilang inilalantad ang kanilang mga intensiyon, na maaaring mangyari kahit saan at anumang oras, at imposibleng maging mapagbantay laban dito. Kaya, kung hindi nalutas ang iyong tiwaling disposisyon, normal lang na regular na mabunyag ang tiwaling disposisyon na iyon. Mayroon lamang isang paraan para malutas ito, iyon ay ang dapat mong hanapin ang katotohanan at magsikap, hanggang sa talagang maunawaan mo ang katotohanan, at lubos mong maunawaan ang diwa ng iyong tiwaling disposisyon; pagkatapos, magagawa mong kamuhian si Satanas at ang iyong laman, at sa ganitong paraan, magiging madali para sa iyo na isagawa ang katotohanan. Kapag naisasagawa mo ang katotohanan, ang naibubunyag mo ay hindi isang tiwaling disposisyon, bagkus ay pagpapakita ng konsensiya, katwiran, at normal na pagkatao. Kaya, sa pamamagitan lamang ng paghahanap sa katotohanan mo malulutas ang problema ng isang tiwaling disposisyon; ang umasa sa pagtitimpi, pagpipigil, at pagdidisiplina sa sarili ay hindi isang epektibong paraan, at hindi talaga nito kayang lutasin ang tiwaling disposisyon.

Kaya, paano mo malulutas ang mga tiwaling disposisyon? Una, dapat mong kilalanin at himay-himayin ang pinagmulan ng mga tiwaling disposisyong ito, pagkatapos ay hanapin ang kaukulang pamamaraan ng pagsasagawa. Ikonsidera ang halimbawang ibinigay Ko. Iniisip ng taong ito na perpekto ang kanyang painting, ngunit sa huli, ang isang taong may pagkaunawa sa pagpipinta ay nagsasabing marami itong kapintasan, kaya’t hindi natuwa ang taong nagpinta, at pakiramdam nito ay nasaktan ang kanyang kumpiyansa sa sarili. Kapag nasaktan ang iyong kumpiyansa sa sarili, at kapag nabunyag ang iyong tiwaling disposisyon, ano ang maaaring gawin? Ang ibang tao ay nagbibigay ng iba’t ibang ideya at pananaw, kaya ano ang maaaring gawin kapag hindi mo ito kayang tanggapin? Ang ilang tao ay walang kakayahang pangasiwaan ito nang tama. Kapag may nangyayari sa kanila, sinusuri muna nila ito: “Ano ang ibig nilang sabihin niyon? Ako ba ang pinupuntirya nila rito? Dahil ba tiningnan ko sila nang masama kahapon, kaya ngayon ay gusto nila akong gantihan? Kung ako ang pinupuntirya nila rito, hindi ko ito bastang palalampasin: ngipin sa ngipin, mata sa mata. Kung hindi sila magiging mabait sa akin, hindi ako magiging makatarungan sa kanila. Dapat akong gumanti!” Anong klaseng pagbubunyag ito? Ito ay pagbubunyag pa rin ng isang tiwaling disposisyon. Sa pagsasagawa, ang ganitong uri ng pagbubunyag ng tiwaling disposisyon ay nagpapakita ng kagustuhan at intensiyong gumanti. Sa diwa, ano ang katangian ng ganitong pagkilos? Hindi ba’t mapaminsala ito? May mapaminsalang kalikasan na nakapaloob dito. Maghihiganti ba ang mga tao kung wala silang mapaminsalang kalikasan? Hindi nila maiisip ito. Kapag nag-iisip ng paghihiganti ay saka lang lumalabas sa kanila ang ganitong uri ng pananalita: “Sinasabi mong hindi ako magaling magpinta? Mas pangit kang magpinta kaysa sa akin at mas maraming problema ang mga gawa mo! Ni wala ngang gustong tumingin sa mga iyon!” Ano ang katangian ng gayong pananalita? Ito ay isang uri ng pag-atake. Ano ang palagay mo sa ganoong paraan ng pagkilos? Ang pag-atake at paghihiganti ba ay positibo o negatibo? Ang mga ito ba ay papuri o panlalait? Malinaw na negatibo at mapanlait ang mga ito. Ang pag-atake at paghihiganti ay isang uri ng pagkilos at pagbubunyag na nagmumula sa mapaminsala at satanikong kalikasan. Isa rin itong uri ng tiwaling disposisyon. Ganito mag-isip ang mga tao: “Kung hindi ka mabait sa akin, gagawan kita ng masama! Kung hindi mo ako pakikitunguhan nang may dignidad, bakit kita pakikitunguhan nang may dignidad?” Anong klaseng pag-iisip ito? Hindi ba’t isa itong mapaghiganting klase ng pag-iisip? Sa pananaw ng isang karaniwang tao, hindi ba’t tama ang ganitong perspektiba? Hindi ba’t makatwiran ito? “Hindi ako aatake maliban na lang kung inatake ako; kung inatake ako, siguradong gaganti ako ng atake,” at “Ito ang karma mo”—madalas na sabihin ng mga walang pananampalataya ang gayong mga bagay; sa kanila, ang lahat ng ito ay mga pangangatwirang tama at lubos na umaayon sa mga kuru-kuro ng tao. Subalit paano nga ba dapat tingnan ng mga naniniwala sa Diyos at ng mga naghahangad sa katotohanan ang mga salitang ito? Tama ba ang mga ideyang ito? (Hindi.) Bakit hindi tama ang mga ito? Paano ba dapat kilatisin ang mga ito? Saan ba nanggagaling ang mga bagay na ito? (Mula kay Satanas.) Walang pagdududang nanggagaling ang mga ito kay Satanas. Sa aling mga disposisyon ni Satanas nagmumula ang mga ito? Nagmumula ang mga ito sa malisyosong kalikasan ni Satanas; nagtataglay ang mga ito ng lason, at tinataglay ng mga ito ang totoong mukha ni Satanas na puno ng pagkamalisyoso at kapangitan. Naglalaman ang mga ito ng ganitong uri ng kalikasang diwa. Ano ang katangian ng mga perspektiba, kaisipan, pagbubunyag, pananalita, at pati na rin ng mga kilos na naglalaman ng ganoong uri ng kalikasang diwa? Walang duda na ito ang tiwaling disposisyon ng tao—ito ang disposisyon ni Satanas. Nakaayon ba sa mga salita ng Diyos ang mga satanikong bagay na ito? Umaayon ba ang mga ito sa katotohanan? May batayan ba ang mga ito sa mga salita ng Diyos? (Wala.) Ang mga ito ba ang mga pagkilos na dapat gawin ng mga sumusunod sa Diyos, at mga saloobin at pananaw na dapat nilang taglayin? Ang mga kaisipan at paraan ng pagkilos na ito ay naaayon ba sa katotohanan? (Hindi.) Yamang hindi naaayon sa katotohanan ang mga bagay na ito, naaayon ba ang mga ito sa konsiyensiya at katwiran ng normal na pagkatao? (Hindi.) Ngayon ay malinaw mong makikita na ang mga bagay na ito ay hindi naaayon sa katotohanan o sa normal na pagkatao. Inakala ba ninyo dati na ang mga paraan ng pagkilos at pag-iisip na ito ay angkop, presentable, at may katwiran? (Oo.) Pinangingibabawan ng mga satanikong kaisipan at teoryang ito ang puso ng mga tao, pinangungunahan ang kanilang mga pag-iisip, pananaw, asal, at mga paraan ng pagkilos, gayundin ang kanilang iba’t ibang kalagayan; kaya, kaya bang maunawaan ng mga tao ang katotohanan? Talagang hindi. Sa kabaligtaran—hindi ba’t isinasagawa at pinanghahawakan ng mga tao ang mga bagay na sa tingin nila ay tama na para bang ang mga ito ang katotohanan? Kung ang mga bagay na ito ang katotohanan, bakit hindi nalulutas sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ito ang iyong mga praktikal na problema? Bakit hindi nagbubunga ng tunay na pagbabago sa iyo ang pagsunod sa mga ito, sa kabila ng iyong pananampalataya sa Diyos nang matagal? Bakit hindi mo magamit ang mga salita ng Diyos para makilatis ang mga pilosopiyang ito na galing kay Satanas? Pinanghahawakan mo pa rin ba ang mga satanikong pilosopiyang ito na parang ang mga ito ang katotohanan? Kung tunay kang may pagkilatis, hindi ba’t natuklasan na ang ugat ng mga problema? Dahil ang pinanghahawakan mo ay talagang hindi ang katotohanan—sa halip, ito ay mga satanikong maling paniniwala at pilosopiya—naroon ang problema. Lahat kayo ay dapat na sundin ang landas na ito upang siyasatin at suriing mabuti ang inyong mga sarili; tingnan kung aling mga bagay sa loob ninyo ang sa tingin ninyo ay may katwiran, na naaayon sa sentido komun at makamundong karunungan, na sa tingin ninyo ay maipepresenta ninyo—ang mga maling pag-iisip, pananaw, paraan ng pagkilos, at pundasyon na itinuring na ninyong katotohanan sa puso ninyo, na sa tingin ninyo ay hindi mga tiwaling disposisyon. Ipagpatuloy ang paghuhukay para sa mga bagay na ito; marami pa ang nandoon. Kung huhukayin ninyo ang lahat ng tiwali at negatibong bagay na ito, hihimayin ninyo ang mga ito hanggang sa magkaroon kayo ng pagkakilala, at hanggang sa magawa ninyong bitiwan ang mga ito, pagkatapos ay madaling malulutas ang inyong mga tiwaling disposisyon, at kayo ay malilinis.

Balikan natin ang halimbawa kanina. Kapag narinig ng pintor ang mga pagsusuri ng iba sa kanyang gawa, kapwa negatibo at kaaya-aya, anong uri ng tugon ang tama, na may pag-uugali at pagpapamalas na parehong may pagkatao at katwiran? Kasasabi Ko lang na ang mga kaisipang iyon sa loob ng mga tao, tingin man nila ay tama o mali ang mga ito, ay lahat nagmumula kay Satanas, mula sa kanilang tiwaling disposisyon; ang mga ito ay mali, at hindi ang katotohanan. Gaano man katama ang iniisip mo, o gaano mo man inaakala na sinasang-ayunan ng iba ang iyong mga iniisip, hindi nagmumula ang mga ito sa katotohanan; hindi mga pagbubunyag o pagsasabuhay sa katotohanang realidad ang mga ito, at hindi naaayon sa mga layunin ng Diyos ang mga ito. Kaya paano mo talaga dapat tratuhin ang bagay na ito nang may pagkamakatwiran at pagkatao? Una sa lahat, huwag maging hambog dahil sa mga papuri na ibinibigay sa iyo ng iba; iyon ay isang uri ng kalagayan. Bukod dito, huwag mong kontrahin o kamuhian ang masasamang bagay na sinasabi ng iba tungkol sa iyo, lalong hindi ka dapat magkaroon ng mapaminsala at mapaghiganting pag-iisip. Pinupuri ka man nila o hindi, o nagsasabi man sila ng masasamang bagay tungkol sa iyo, dapat kang magkaroon ng wastong saloobin sa puso mo. Anong klaseng saloobin? Una, dapat kang manatiling kalmado, pagkatapos ay sabihin mo sa kanila: “Ang pagpipinta ay isang simpleng libangan lamang para sa akin. Alam ko naman ang antas ng aking kakayahan. Anuman ang sabihin mo, kaya kitang tratuhin nang tama. Huwag na nating pag-usapan ang pagpipinta; hindi ako interesado rito. Mas interesado ako sa kung masasabi mo ba sa akin kung saan ako mayroong mga pagbubunyag ng mga tiwaling disposisyon na hindi ko pa napagtatanto, na hindi ko namamalayan. Magbahaginan tayo at siyasatin ang mga bagay na ito. Danasin natin pareho ang paglago sa ating buhay pagpasok, at magkaroon tayo ng mas malalim na pagpasok—magiging napakaganda niyon! Ano ang silbi ng pag-uusap tungkol sa mga panlabas na bagay? Hindi iyon makakatulong sa isang tao na gawin nang maayos ang kanyang tungkulin. Sabihin mo mang maganda o pangit ang aking ipinintang larawan, wala talaga akong pakialam. Kung pupurihin mo ang ipininta kong larawan, hindi kaya mayroon kang lihim na motibo? Hindi kaya nais mo akong gamitin para gumawa ng isang bagay para sa iyo? Kung gusto mong tulungan kitang pangasiwaan ang isang bagay, tutulong ako sa abot ng aking makakaya, nang walang hinihinging kabayaran; kung hindi ako makakatulong, maaari kitang bigyan ng ilang mungkahi. Hindi na kailangan pang pakitunguhan ako nang ganito. Ito ay mapagpaimbabaw, at nasusuklam at nasusuka ako rito! Kung sinasabi mong pangit ang ipininta kong larawan, sinusubukan mo ba akong tuksuhin, at ihulog ako sa tukso? Gusto mo bang ipakita ko ang pagkamainitin ng ulo ko, at pagkatapos ay gumanti sayo at atakihin ka? Hindi ko gagawin iyon; hindi naman ako ganoon kahangal. Hindi ako malilinlang ni Satanas.” Ano ang tingin mo sa gayong saloobin? (Mabuti ito.) Ano ang tawag sa paraang ito ng pagkilos? Ito ay tinatawag na pagganti kay Satanas. Ang ilang tao na hindi naghahangad sa katotohanan ay walang magawa, at nagsasabi sila ng lahat ng uri ng walang kwentang salita: “Ah, napakamatagumpay ng dati mong propesyon, nakakainggit iyon!” “Ah! Tingnan mo kung gaano ka kaganda! Ang mukha mo ay ang ehemplo ng magandang kapalaran.” Tinitingnan nila kung sino ang makapangyarihan, kung sino ang may hitsura, o kung sino ang may silbi sa kanila, at pagkatapos ay patuloy silang magiging malapit sa mga ito, bobolahin ang mga ito, pupurihin, at magiging sipsip sa mga ito. Gumagamit sila ng lahat ng uri ng kasuklam-suklam at kahiya-hiyang pamamaraan para matugunan ang kanilang sariling lihim na mga intensiyon at hangarin. Hindi ba’t nakasusuklam ito? (Oo.) Kaya paano mo dapat tratuhin ang ganitong uri ng tao kapag nakatagpo mo siya? Tama bang sundin ang ngipin sa ngipin, mata sa mata? (Hindi.) Kung wala kang oras, magsabi ka lang ng ilang masasakit na salita para gantihan at hiyain sila. Maaari mong sabihin: “Bakit ba sobra kang nakakabugnot? Wala ka bang ibang nga bagay na dapat asikasuhin? Anong silbi ng pagtsitsismis tungkol sa gayong mga bagay?” Kung sa tingin mo ay masyadong mababaw at nakakasuka ang kanilang pambobola, ayaw mong makinig, at wala kang oras na magsalita nang mahaba, kung gayon, tumugon ka lang sa ilang pangungusap na ito at tapusin mo na ang usapan. Kung may oras ka, makipagbahaginan ka sa kanila. Sa pakikipagbahaginan, walang tiwaling disposisyon, walang pagkamainitin ng ulo o pagiging natural, walang pang-aatake o paghihiganti, walang poot, at walang bagay na kinasusuklaman ng mga tao—ang mga bagay na ibinubunyag mo ay dapat naaayon sa normal na pagkatao, dapat naaayon sa konsiyensiya at katwiran, dapat taglay ang katotohanang realidad, dapat nakatutulong sa iba, at dapat na nakabubuti at kapaki-pakinabang sa iba. Ang lahat ng bagay na ito ay positibong pagbubunyag. Kaya, ano ang ilang negatibong pagbubunyag? Subukang ibuod ang mga ito. (Paghihiganti, pang-aatake, ngipin sa ngipin.) Paghihiganti, pang-aatake, ngipin sa ngipin, mata sa mata, at ang mga ideya na nakaugaliang isipin ng mga tao na tama: “Ito ang karma mo,” at “Gusto kong maging isang matuwid na ginoo; ayaw kong maging isang kasuklam-suklam na tao o isang mapagpaimbabaw.” Naaayon ba sa katotohanan ang mga bagay na ito na sa tingin ng mga tao ay tama? (Hindi.) Ang mga bagay na ito ay nararapat siyasatin. Iyong mga bagay na simple, malinaw, at madaling makita sa isang sulyap lang ay medyo mas madaling makilatis. Tungkol naman sa mga bagay na hindi nakikita ng karamihan sa mga tao, na inaakala ng maraming tao na tama at mabuti—hindi kinikilatis ng mga tao ang mga ito, kaya madali para sa kanila na tratuhin at sundin ang mga ito na parang ang mga ito ang katotohanan. Sa pagsunod sa mga ito, iniisip ng mga tao na ang isinasabuhay nila ay ang katotohanang realidad at normal na pagkatao; iniisip nila kung gaano kaperpekto, gaano kahusay, gaano kamakatarungan at kakagalang-galang, at kung gaano sila kabukas at katapat. Ang pagsasabuhay at pagpapalit sa katotohanan ng mga bagay na iyon na mainitin ang ulo, natural, makalaman, etikal, at moral na tila ba ang mga ito ang realidad ng katotohanan ay isang pagkakamali na karaniwang nagagawa ng karamihan sa mga tao, na kahit na ang mga nananampalataya sa Diyos nang maraming taon ay hindi nakakakilatis dito; halos lahat ng nananampalataya sa Diyos ay kailangang dumaan sa yugtong ito, at ang mga naghahangad lamang sa katotohanan ang makatatakas sa maling ideyang ito. Kaya, dapat kilalanin at suriing mabuti ng mga tao ang mga bagay na ito na nagmumula sa pagkamainitin ng ulo at sa pagiging natural. Kung maaarok at malulutas mo ang mga bagay na ito, ang ilan sa mga bagay na karaniwang ibinubunyag mo ay magiging naaayon sa katotohanang realidad. Ang pagsasagawa sa katotohanan ay maaaring matamo kapag may normal na pagkatao; ang pagsasagawa sa katotohanan ang tanging pamantayan na nagpapatunay na ang isang tao ay may konsensiya at katwiran. Gaano man karami sa katotohanan ang isinasagawa nila, lahat ito ay positibo; talagang hindi ito isang tiwaling disposisyon, lalong hindi ito pagkilos nang may init ng ulo. Kung may nanakit sa iyo dati, at ganoon mo rin siya tinatrato, naaayon ba ito sa mga katotohanang prinsipyo? Kung, dahil sa sinaktan ka niya—sinaktan ka nang husto—ay sinubukan mo sa patas o maruming paraan na gantihan at parusahan siya, ayon sa mga walang pananampalataya, ito ay makatarungan at makatwiran, at walang maipipintas dito; ngunit anong uri ng paraan ng pagkilos ito? Ito ay pagkamainitin ng ulo. Sinaktan ka niya, kung saan ang paraan ng pagkilos na ito ay pagbubunyag ng tiwaling satanikong kalikasan, ngunit kung gaganti ka sa kanya, hindi ba’t katulad ng sa kanya ang iyong paraan ng pagkilos? Ang mentalidad, pinagsisimulan, at pinagmumulan ng iyong paghihiganti ay pareho ng sa kanya; walang ipinagkaiba. Kaya, ang katangian ng iyong mga kilos ay tiyak na mainitin ang ulo, natural, at sataniko. Sapagkat ito ay sataniko at mainitin ang ulo, hindi ba’t dapat mong baguhin ang pagkilos mong ito? Dapat bang magbago ang pinagmulan, intensiyon, at motibasyon sa likod ng iyong mga kilos? (Oo.) Paano mo babaguhin ang mga ito? Kung maliit na bagay ang nangyayari sa iyo, kahit na hindi ka komportable rito, kapag hindi ito nakakaapekto sa iyong sariling mga interes, o nakakapanakit sa iyo nang husto, o nagsasanhi sa iyo na kamuhian ito, o inuudyukan kang itaya ang buhay mo para gumanti, kung gayon, maaari mong isuko ang iyong poot nang hindi umaasa sa pagkamainitin ng ulo; sa halip, maaari kang umasa sa iyong katwiran at pagkatao para mapangasiwaan nang tama at mahinahon ang bagay na ito. Maaari mong prangka at taimtim na ipaliwanag ang bagay na ito sa taong iyon, at lutasin ang iyong poot. Pero kung masyadong malalim ang poot na ito, kung kaya’t umabot ka sa punto na gusto mong gumanti at nakararamdam ka ng mapait na poot, makakayanan mo pa bang magtimpi? Kapag nagagawa mong hindi umasa sa pagkamainitin ng ulo, at mahinahon mong masasabi na, “Dapat maging makatwiran ako. Dapat akong mamuhay ayon sa aking konsensiya at katwiran, at mamuhay ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Hindi ko puwedeng tugunan ang kasamaan ng kasamaan, kailangan kong manindigan sa aking patotoo at ipahiya si Satanas,” hindi ba’t ibang kalagayan ito? (Iba nga.) Anong mga uri ng kalagayan ang mayroon kayo noon? Kung may ibang taong nagnakaw ng isang bagay na pag-aari mo, o kumain ng pagkain mo, hindi ito katumbas ng isang malaking, matinding poot, kaya hindi mo iisipin na kailangang makipagtalo sa kanya hanggang sa mamula ang mukha mo dahil sa isyung ito—hindi mo ito dapat pagtuunan ng pansin, at hindi karapat-dapat pag-aksayahan ng oras. Sa ganitong uri ng sitwasyon, mapapangasiwaan mo ang usapin nang makatwiran. Ang kakayahang pangasiwaan ang bagay nang makatwiran ay katumbas ba ng pagsasagawa sa katotohanan? Katumbas ba ito ng pagkakaroon ng katotohanang realidad sa usaping ito? Talagang hindi. Ang pagkamakatwiran at pagsasagawa sa katotohanan ay dalawang magkahiwalay na bagay. Kung makatatagpo ka ng isang bagay na talagang ikinagagalit mo, ngunit nagagawa mong harapin ito nang makatwiran at mahinahon, nang hindi hinahayaang mabunyag ang pagkamainitin ng ulo o katiwalian mo—hinihingi nito na maunawaan mo ang mga katotohanang prinsipyo at umasa sa karunungan para harapin ito. Sa gayong sitwasyon, kung hindi ka mananalangin sa Diyos o maghahanap sa katotohanan, madaling lilitaw sa iyo ang pagkamainitin ng ulo—maging ang karahasan. Kung hindi mo hahanapin ang katotohanan, gagamitin lamang ang mga pamamaraan ng tao, at haharapin ang isyu ayon sa sarili mong mga kagustuhan, hindi mo ito malulutas sa pamamagitan ng pangangaral ng kaunting doktrina o pag-upo at paglalantad sa puso mo. Hindi iyon ganoon kasimple.

Ngayon, saklaw lahat ng pagbabahaginan natin ang problema ng mga tiwaling disposisyon at tiwaling kalikasan ng mga tao. Ang ilang tao ay ipinanganak na may simple at prangkang ugali; kapag nagdudulot ang iba ng mga kawalan sa kanilang mga interes, o may sinasabing hindi kasiya-siya sa kanila, tinatawanan lang nila ito at pinapalampas. Ang ilang tao ay makitid ang isip, at hindi nila kayang palampasin ito, buong buhay silang nagkikimkim ng sama ng loob. Alin sa dalawang uri ng taong ito ang may tiwaling disposisyon? Sa totoo lang, kapwa sila may tiwaling disposisyon, kaya lang, magkaiba ang likas na ugali nila. Hindi maiimpluwensyahan ng ugali ang tiwaling disposisyon ng isang tao, at hindi rin maitatakda ng ugali ang lalim ng kanyang tiwaling disposisyon. Hindi maitatakda ng pagpapalaki, edukasyon, at mga sitwasyon ng pamilya ng mga tao ang lalim ng kanilang tiwaling disposisyon. Kaya may kaugnayan ba ito sa mga bagay na pinag-aaralan ng mga tao? Sinasabi ng ilang tao: “Nag-aral ako ng literatura at nakabasa ng maraming aklat; mahusay ang sensibilidad ko at may pinag-aralan ako, kaya mas malakas ang abilidad kong magpigil sa sarili kaysa sa iba, mas higit akong nakauunawa sa mga tao kaysa sa iba, at mas malawak ang pag-iisip ko kaysa sa iba. Kapag nahaharap ako sa mga bagay-bagay, may paraan ako para malutas ang mga ito, kaya maaaring hindi masyadong malalim ang aking tiwaling disposisyon” Sinasabi ng ilang tao: “Nag-aral ako ng musika, kaya may espesyal na talento ako. Pinapasigla ng musika ang kalooban ng mga tao at dinadalisay ang kanilang mga kaluluwa. Habang inaantig ng bawat nota ang kaluluwa ng isang tao, ang kanyang kaluluwa ay nadadalisay at nababago. Ang pakikinig sa iba’t ibang musika ay nagdudulot sa mga tao ng iba’t ibang lagay ng pag-iisip at iba’t ibang lagay ng kalooban. Kapag negatibo ang lagay ng kalooban ko, nakikinig ako ng musika para malutas ito, kaya unti-unting humihina ang aking tiwaling disposisyon habang nakikinig ako ng musika. Unti-unti ring nalulutas ang aking tiwaling kalikasan habang humuhusay ang abilidad ko sa musika.” Sinasabi ng ilang taong kumakanta na: “Ang mga kaaya-ayang kanta ay nakapagdudulot ng kaligayahan sa kaluluwa ng mga tao. Habang mas kumakanta ako, mas gumaganda ang boses ko, mas humuhusay ang kasanayan ko sa pagkanta, at mas nagiging propesyonal ako, na nakapagpapabuti sa kalagayan ko. Habang mas bumubuti ang kalagayan ko, hindi ba’t liliit nang liliit ang tiwaling disposisyon ko?” Sa tingin ba ninyo ay ganito ang lagay? (Hindi.) Kaya, maraming tao ang may maling mga ideya sa kanilang kaalaman at pagkaunawa sa mga tiwaling disposisyon; kapag nakatanggap sila ng kaunting edukasyon, akala nila ay nabawasan na ang kanilang tiwaling disposisyon. Iniisip pa nga ng ilang matatanda na: “Noong bata pa ako, nagdusa ako nang husto, at napakasimple ng buhay; tumuon ako sa pag-iipon at hindi sa pag-aaksaya. Anuman ang trabaho ko, napakalinis kong gumawa at magalang ang pananalita ko. Nagsalita ako nang prangka at isa akong inosenteng tao. Kaya, wala akong ganoon karaming tiwaling disposisyon. Ang ilang kabataan ay naiimpluwensyahan ng kanilang panlipunang kapaligiran: Gumagamit sila ng droga, at naghahangad sila ng masasamang uso. Lubha silang nahawaan ng panlipunang kapaligiran, at malalim na nagawang tiwali!” Ang mga nakalilinlang na pagkaunawa at kaalaman sa mga tiwaling disposisyon na ito ay nagdudulot sa mga tao ng iba’t ibang damdamin at pagkiling hinggil sa kanilang tiwaling diwa at satanikong kalikasan. Dahil sa mga damdamin at pagkiling na ito, nadarama ng karamihan sa mga tao na bagamat mayroon silang tiwaling disposisyon, bagamat sila ay mayabang, mapagmagaling, at mapanghimagsik, ang karamihan sa kanilang pag-uugali ay mabuti pa rin. Sa partikular, kapag ang mga tao ay nakakasunod sa mga panuntunan, may normal at organisadong espirituwal na buhay, at nakapagsasalita ng ilang espirituwal na doktrina, lalo pa silang nagiging kumbinsido na mayroon silang mga natamo sa landas ng pananampalataya sa Diyos, at na malaking bahagi ng kanilang tiwaling disposisyon ang nalutas na. Mayroon pa ngang ilang tao na, kapag hindi gaanong masama ang kanilang kalagayan, kapag mayroon silang mga natatapos sa paggawa ng kanilang tungkulin, o kapag may nakakamit silang isang bagay, nag-iisip na sila ay espirituwal na, na sila ay mga banal na tao na naperpekto at nalinis na, at na wala na silang tiwaling disposisyon. Hindi ba’t ang gayong mga kaisipan ng mga tao ang iba’t ibang maling akala na umuusbong sa ilalim ng mga sitwasyon ng walang tunay na pagkakilala sa kanilang sariling mga tiwali at satanikong disposisyon? (Ganoon na nga.) Hindi ba’t ang mga maling akalang ito ang pinakamalaking hadlang sa mga tao sa paglutas ng kanilang mga tiwaling disposisyon at paghihirap? Ito ang pinakamalaking balakid, ang siyang dahilan kung bakit pinakamahirap iwasto ang mga tao.

Nauunawaan ba ninyo kung ano ang pinagbahaginan natin ngayong araw? Naarok ba ninyo ang mga pangunahing elemento? Kung hindi malulutas ang mga tiwaling disposisyon ng mga tao, hindi sila makapapasok sa katotohanang realidad. Kung hindi nila alam kung aling mga tiwaling disposisyon ang mayroon sila, o kung ano ang sarili nilang satanikong kalikasang diwa, kaya ba talaga nilang aminin na sila mismo ay mga tiwaling tao? (Hindi.) Kung hindi talaga kayang aminin ng mga tao na sila ay sataniko, na sila ay mga miyembro ng tiwaling lahi ng tao, magagawa ba talaga nilang magsisi? (Hindi.) Kung hindi talaga nila magagawang magsisi, maaari kayang madalas nilang iisipin na hindi sila napakasama, na sila ay marangal, mataas ang posisyon, na sila ay may katayuan at karangalan? Maaari kayang madalas silang magkaroon ng gayong mga kaisipan at kalagayan? (Maaari nga.) Kaya bakit lumilitaw ang mga kalagayang ito? Ang lahat ng ito ay maaaring ibuod sa iisang pangungusap: Kung hindi malulutas ang mga tiwaling disposisyon ng mga tao, kung gayon, ang kanilang puso ay palaging mababagabag, at mahihirapan silang magkaroon ng normal na kalagayan. Ibig sabihin, kung ang iyong tiwaling disposisyon ay hindi nalutas sa isang aspeto, labis kang mahihirapan na makawala sa impluwensya ng negatibong kalagayan, at labis kang mahihirapan na umalis sa negatibong kalagayang iyon, kaya maaaring iisipin mo pa nga na tama, wasto, at naaayon sa katotohanan ang kalagayan mong ito. Panghahawakan at ipagpapatuloy mo ito, at natural na mabibitag ka rito, kaya’t magiging napakahirap na umalis dito. Pagkatapos, isang araw, sa sandaling maunawaan mo ang katotohanan, mapagtatanto mo na ang ganitong uri ng kalagayan ay nagdudulot sa iyo na magkamali ng pagkaunawa at lumaban sa Diyos, at nagdudulot sa iyo na salungatin at husgahan ang Diyos, hanggang sa punto na pagdududahan mo kung ang mga salita ng Diyos ay ang katotohanan, pagdududahan ang gawain ng Diyos, pagdududahan na ang Diyos ang pinakamakapangyarihan sa lahat, at pagdududahan na ang Diyos ang realidad at pinagmulan ng lahat ng positibong bagay. Makikita mo na napakamapanganib ng kalagayan mo. Ang matinding kahihinatnang ito ay dahil sa wala kang tunay na kaalaman sa mga satanikong pilosopiya, ideya, at teoryang ito. Sa oras na ito mo lang makikita kung gaano kasama at kamapaminsala si Satanas; si Satanas ay lubos na may kakayahang iligaw at gawing tiwali ang mga tao, na nagsasanhi sa kanila na tahakin ang landas ng paglaban sa Diyos at pagkakanulo sa Kanya. Kung hindi malulutas ang mga tiwaling disposisyon, magiging malubha ang mga kahihinatnan. Kung may kakayahan kang taglayin ang kaalamang ito, ang realisasyong ito, ito ay ganap na resulta ng iyong pagkaunawa sa katotohanan, at sa mga salita ng Diyos na nagbibigay-liwanag at nagtatanglaw sa iyo. Ang mga taong hindi nakauunawa sa katotohanan ay hindi nakakahalata kung paano ginagawang tiwali ni Satanas ang mga tao, kung paano nito inililigaw ang mga tao at inuudyukan silang labanan ang Diyos; sobrang mapanganib ang kahihinatnang ito. Habang nararanasan ng mga tao ang gawain ng Diyos, kung hindi nila alam kung paano pagnilay-nilayan ang sarili, tukuyin ang mga negatibong bagay, o tukuyin ang mga satanikong pilosopiya, hinding-hindi sila makakawala sa panlilihis at pagtitiwali ni Satanas. Bakit hinihingi ng Diyos sa mga tao na magbasa ng marami pang salita Niya? Ito ay upang maunawaan ng mga tao ang katotohanan, makilala ang kanilang sarili, malinaw na makita kung ano ang nagsasanhi ng kanilang mga tiwaling kalagayan, at makita kung saan nagmumula ang kanilang mga ideya, pananaw, at pamamaraan ng pagsasalita, pag-uugali, at pakikipagharap sa mga bagay-bagay. Kapag nalaman mo na ang mga pananaw na ito na iyong pinanghahawakan ay hindi naaayon sa katotohanan, na sumasalungat ang mga ito sa lahat ng sinabi ng Diyos, at na hindi ang mga ito ang ninanais Niya; kapag mayroong mga hinihingi sa iyo ang Diyos, kapag sumapit sa iyo ang Kanyang mga salita, at kapag hindi tinulutan ng iyong kalagayan at mentalidad na magpasakop ka sa Diyos, ni maging masunurin sa mga sitwasyong isinaayos Niya, o na makapamuhay ka nang libre at malaya sa presensiya ng Diyos at makapagbigay-kasiyahan sa Kanya—lahat ito ay nagpapatunay na mali ang pinanghahawakan mong kalagayan. Naharap na ba kayo sa ganitong uri ng sitwasyon dati: Namumuhay ka sa mga bagay na sa tingin mo ay positibo, na sa tingin mo ay pinaka-kapaki-pakinabang sa iyo; ngunit sa hindi inaasahan, kapag may nangyayari sa iyo, ang mga bagay na sa tingin mo ay pinakatama ay kadalasang wala namang positibong epekto—sa kabaligtaran, nagiging sanhi ang mga ito na pagdudahan mo ang Diyos, iniiwan kang walang landas, nagdudulot sa iyo ng mga maling pagkaunawa sa Diyos, at nagdudulot ng pagtutol sa Diyos—naranasan mo na ba ang gayong mga pagkakataon? (Oo.) Siyempre, tiyak na hindi mo panghahawakan ang mga bagay na sa tingin mo ay mali; patuloy ka lamang kumakapit at nagpupursige sa mga bagay na sa tingin mo ay tama, palaging namumuhay sa gayong kalagayan. Kapag isang araw ay naunawaan mo ang katotohanan, saka mo lang mapagtatanto na ang mga bagay na pinanghahawakan mo ay hindi positibo—ganap na mali ang mga ito, mga bagay na inaakala ng mga tao na mabuti, ngunit hindi ang katotohanan ang mga ito. Gaano kadalas ninyo napagtatanto at namamalayan na ang mga bagay na pinanghahawakan ninyo ay mali? Kung madalas na batid ninyo na mali ang mga ito, ngunit hindi kayo nagninilay-nilay, at may pagtutol sa puso ninyo, hindi matanggap ang katotohanan, hindi maharap nang tama ang mga bagay na ito, at nangangatwiran kayo sa inyong sarili—kung ang ganitong uri ng maling kalagayan ay hindi nabago, lubha itong mapanganib. Kung palagi ninyong panghahawakan ang gayong mga bagay, malamang na kayo ay mamighati, matisod at mabigo, at bukod pa rito, hindi kayo makapapasok sa katotohanang realidad. Kapag palaging nakikipagtalo ang mga tao para sa kanilang sarili, ito ay paghihimagsik; ibig sabihin ay wala silang katwiran. Kahit na wala silang sabihing anumang bagay nang malakas, kung hawak nila ito sa kanilang puso, hindi pa rin nalulutas ang ugat ng problema. Kaya sa anong mga panahon ka may kakayahang hindi sumalungat sa Diyos? Dapat mong baguhin ang iyong kalagayan at lutasin ang mga ugat ng iyong problema sa aspetong ito; dapat malinaw sa iyo kung nasaan mismo ang pagkakamali sa pananaw na pinanghahawakan mo; dapat mong siyasatin ito, at hanapin ang katotohanan para lutasin ito. Saka ka lang makapamumuhay sa tamang kalagayan. Kapag namumuhay ka sa tamang kalagayan, hindi ka magkakaroon ng mga maling pagkaunawa sa Diyos, at hindi ka sasalungat sa Kanya, lalong hindi lilitaw sa iyo ang mga kuru-kuro. Sa panahong ito, ang paghihimagsik mo sa aspetong ito ay malulutas. Kapag nalutas na ito, at alam mo kung paano kumilos alinsunod sa mga layunin ng Diyos, hindi ba’t magiging tugma sa Diyos ang mga kilos mo sa oras na ito? Kung katugma mo ang Diyos sa usaping ito, hindi ba’t aayon sa Kanyang mga layunin ang lahat ng ginagawa mo? Hindi ba’t alinsunod sa katotohanan ang mga paraan ng pagkilos at pagsasagawang naaayon sa mga layunin ng Diyos? Habang naninindigan ka sa usaping ito, namumuhay ka sa tamang kalagayan. Kapag namumuhay ka sa tamang kalagayan, ang ibinubunyag at isinasabuhay mo ay hindi na isang tiwaling disposisyon; nagagawa mo nang magsabuhay ng normal na pagkatao, madali na para sa iyo na isagawa ang katotohanan, at tunay ka nang mapagpasakop. Ngayon, ang karanasan ng karamihan sa inyo ay hindi pa umabot sa puntong ito, kaya’t marahil ay hindi ninyo masyadong nauunawaan ang mga salita ng Diyos, at ang inyong pagkaunawa sa mga ito ay hindi malinaw. Kaya ninyong tanggapin ang mga ito sa teorya at tila ba nakauunawa kayo, ngunit tila rin ba hindi kayo nakauunawa. Ang bahaging nauunawaan ninyo ay ang doktrina, at ang bahaging hindi ninyo nauunawaan ay ang bahaging tungkol sa mga kalagayan at realidad. Habang lumalalim ang iyong karanasan, mauunawaan ninyo ang mga salitang ito, at malalaman ninyo kung paano isagawa ang mga ito. Ngayon, gaano man kalalim ang karanasan mo, talagang hindi kakaunti ang mga paghihirap na mayroon ka sa iba’t ibang bagay na nangyayari sa iyo, kaya, paano mo malulutas ang mga paghihirap na ito? Una, dapat mong pagnilayan ang mga tiwaling disposisyon na dapat mong siyasatin: Anong iba’t ibang aspeto ang mayroon? Sino ang gustong subukang ilarawan ang mga ito? (Kabilang dito ang limang aspeto: mga ideya, pananaw, kondisyon, lagay ng kalooban, at paninindigan.) Sa sandaling maunawaan mo ang doktrina, paano ka dapat magsagawa at dumanas kapag may nangyayari sa iyo? (Kapag may nangyayari, dapat naming suriin kung anong disposisyon at kalikasan ang tinutukoy ng mga saloobin at ideyang naipapamalas namin, alamin ang mga mentalidad, ideya, at pananaw na ito, at pagkatapos ay simulang lutasin ang mga ito mula rito.) Tama ito. Kung lubos mong kilala ang iyong sariling mga tunay na mga kalagayan, saloobin, ideya, at pananaw, kalahati ng problemang ito ay nalutas na, at sa pamamagitan ng paghahanap sa katotohanan at pagsasagawa nito, ang paghihirap ay nawala na.

Marami-rami ang kabataan sa inyo, pati na mga taong hindi pa nakabuo ng pamilya. Lahat kayo ay iniwan ang inyong tahanan para gawin ang inyong tungkulin sa loob ng ilang taon, kaya, nangungulila ba kayo sa inyong tahanan? Nangungulila ba kayo sa inyong mga magulang? Madalas ba kayong namumuhay sa kalagayan ng pangungulila sa inyong mga magulang? Pakinggan natin ang kalagayan ng pangungulila sa inyong mga magulang—isa itong tunay na karanasan. (Noong bagong dating pa lang ako sa ibang bansa, nangulila ako sa aking nanay at kapatid na babae; noon pa man ay palagi na akong umaasa sa kanila, kaya noong umalis ako nang mag-isa, palagi akong nangungulila sa kanila. Ngunit sa napakaraming karanasang ito sa ibang bansa, nararamdaman ko na ang Nag-iisang hindi ko maiiwan ngayon ay ang Diyos; kapag may anumang nangyayari, nananalangin ako sa Kanya, at hindi na ako nangungulila sa kanila.) Dalawang magkaibang kalagayan ito. Ano ang unang kalagayan? Palaging nangungulila sa iyong tahanan, nangungulila sa nanay at kapatid mong babae. Ano ang mga detalye ng ganitong uri ng kalagayan? Ito ay na kapag may nangyayari, hindi mo alam kung paano gawin ang anumang bagay, kaya pakiramdam mo ay wala kang magawa; hindi mo kayang mawalay sa tabi ng mga mahal mo sa buhay, at wala kang maaasahan. Sa pagdilat ng iyong mga mata sa umaga, nagsisimula kang mangulila sa kanila, at bago ka matulog sa gabi ay iniisip mo sila; naiipit ka sa ganitong uri ng kalagayan ng pangungulila sa iyong mga mahal sa buhay. Kaya, bakit labis kang nangungulila sa kanila? Ito ay dahil nagbago ang sitwasyon mo at iniwan mo sila. Nag-aalala ka sa kanila, at higit pa rito, nasanay kang umasa sa kanila, sumasalig at umaasa sa kanila para mabuhay. Hindi na kayo napaghihiwalay sa isa’t isa sa maraming bagay sa buhay, kaya’t labis kang nangungulila sa kanila; nasa ganitong uri ka ng kalagayan. Kaya, nasa anong uri ka ng kalagayan ngayon na hindi ka na nangungulila sa kanila? (Pakiramdam ko, ang paglisan sa aking tahanan at paggawa ng tungkulin ko ay ang pagmamahal ng Diyos, ang Kanyang pagliligtas, na nagbigay-daan sa akin na matuto kung paano umasa sa Kanya. Medyo nagbago ang aking tiwaling disposisyon, at napanatag ang aking kaluluwa; bukod pa rito, sa pamamagitan ng pagkilala sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, alam ko na nasa mga kamay Niya ang kapalaran ng lahat ng tao. May misyon ang nanay at kapatid kong babae, at may misyon din ako, kaya hindi na ako nangungulila sa kanila.) Nalutas na ba ang problema? (Pakiramdam ko oo.) Ano ang palagay ng lahat, nalutas na ba ito? (Ito ay pansamantalang nalutas.) Ito ay pansamantalang nalutas. Kung isang araw ay makatatagpo ka ng isang sister na ang hitsura, tono ng boses, o paraan ng pakikitungo sa iyo ay katulad na katulad ng sa nanay mo, o talagang katulad ng sa kapatid mong babae, ano ang mararamdaman mo? (Mangungulila na naman ako sa kanila.) Muli kang masasadlak sa kalagayan ng pag-iisip sa kanila, kaya’t hindi malulutas ang problema. Kaya paano mo malulutas ang ugat ng problemang ito? Kapag nangungulila kayo sa inyong mga mahal sa buhay, saan kayo nangungulila? Kadalasan kapag nangungulila kayo sa isang tao, nangungulila kayo sa isang mahal sa buhay, o nangungulila kayo sa inyong tahanan, tiyak na hindi kayo nangungulila sa mga bagay na nagpalungkot sa inyo; nangungulila kayo sa mga bagay na nagbigay-kasiyahan sa inyo, ang mga bagay na nagpasaya at nagpagaan ng inyong pakiramdam, at na nagbigay-kasiyahan sa inyo, gaya ng kung paano ka inaalagaan ng iyong nanay dati, kinagigiliwan ka, at pinahahalagahan ka, o ang magagandang bagay na dating binibili ng iyong ama para sa iyo. Nangungulila ka sa lahat ng magagandang bagay na ito, kaya’t hindi mo mapigilang mangulila sa mga mahal mo sa buhay. Habang mas iniisip mo ang iyong mga mahal sa buhay, mas lalong hindi mo sila kayang bitiwan, at hindi mo mapigilan ang iyong sarili. Sinasabi ng ilang tao: “Pagkatapos ng lahat ng taong ito, hindi ko kailanman iniwan ang nanay ko noon. Sinusundan ko siya kahit saan siya magpunta, pinakamamahal niya ako. Paanong hindi ako mangungulila sa kanya pagkatapos ng matagal na pagkawala?” Natural ang mangulila sa kanya; sadyang ganito ang laman ng mga tao. Ang mga tiwaling tao ay namumuhay sa kanilang mga damdamin. Iniisip nila na: “Tanging ang pamumuhay sa ganitong paraan ang pagkakawangis ng isang tao. Kung hindi man lang ako nangungulila sa mga mahal ko sa buhay, o iisipin sila, o hahanap ng panustos sa kanila, tao pa nga ba ako? Hindi ba’t magiging katulad ako ng isang hayop?” Hindi ba’t ganito mag-isip ang mga tao? Kung wala silang pagmamahal o pagkakaibigan, at hindi nila iniisip ang iba, iisipin ng iba na wala silang pagkatao at na hindi sila mabubuhay sa ganitong paraan. Tama ba ang pananaw na ito? (Hindi.) Sa katunayan, hindi naman malaking isyu kung nangungulila ka man o hindi sa iyong mga magulang. Hindi mali ang mangulila sa kanila, hindi rin mali na hindi mangulila sa kanila. Ang ilang tao ay talagang hindi umaasa sa iba, habang ang ilang tao naman ay nakadikit sa kanilang mga magulang, ngunit nagawa ninyong lahat na lisanin ang inyong mga tahanan at mga magulang para gawin ang inyong tungkulin. Una sa lahat, mayroon kayong kahandaang gawin ang inyong tungkulin, ang kagustuhang gawin ang inyong tungkulin, ang kagustuhang igugol ang inyong sarili at isantabi ang mga bagay para sa Diyos; ngunit hindi malulutas ang inyong mga paghihirap sa isang bugso ng pagsisikap, hindi rin ninyo malulutas ang inyong mga tiwaling disposisyon sa isang bugso ng mabubuting gawa at mabuting asal. Naiintindihan naman ninyo ang doktrinang ito, tama ba? Kaya, paano ninyo lulutasin ang ugat ng usapin ng pangungulila sa inyong mga magulang? Ang ilang tao ay umalis sa kanilang tahanan at namumuhay nang mag-isa sa loob ng dalawa o tatlong taon; lumago na sila, at hindi na gaanong nangungulila sa kanilang mga magulang. Kung gayon, nalutas na ba ang problema? Hindi. Kung tatanungin mo sila kung sino ang pinakamalapit sa kanila, sasagot sila ayon sa inaasahan ng iba: “Pinakamalapit ako sa Diyos, ang Diyos ang pinakamamahal ko!” Ngunit sa kanilang puso ay iniisip nila: “Wala ang Diyos sa tabi ko, hindi rin Niya ako magawang alagaan. Pinakamalapit pa rin ako sa nanay ko. Nagmula ako sa mismong laman niya, ako ang pinakakinagigiliwan niya, at siya ang higit na nakauunawa at nakaiintindi sa akin. Kapag napakahirap at napakasaklap ng mga bagay-bagay, laging nandiyan ang nanay ko para aluin, tulungan, at alagaan ako. Ngayong nilisan ko na ang aking tahanan, walang katulad ng nanay ko na mag-aalaga sa akin kapag may sakit ako. Sinasabi mong mabuti ang Diyos, ngunit hindi ko makita ang mukha Niya, kaya nasaan Siya? Hindi praktikal iyon.” Iniisip nila na hindi praktikal na umasa sa Diyos, at ang mga salita nila tungkol sa pagiging pinakamalapit ng Diyos sa kanila ay medyo sapilitan, medyo mapagpaimbabaw. Sa katunayan, sa kaibuturan ng kanilang puso, sa tingin nila, ang nanay nila ang pinakamalapit sa kanila. Ngunit bakit? “Nananampalataya ako sa Diyos dahil sa ebanghelyong ipinalaganap sa akin ng nanay ko; kung wala siya, wala sana ako rito.” Hindi ba’t ganito sila mag-isip? (Ganoon nga.) Sa palagay ba ninyo ay nauunawaan ng gayong mga tao ang katotohanan? (Hindi nila nauunawaan.) Ipinanganak at inalagaan ka lamang ng nanay mo sa loob ng mga dalawampung taon. Maipagkakaloob ba niya sa iyo ang katotohanan? Mabibigyan ka ba niya ng buhay? Maililigtas ka ba niya mula sa impluwensya ni Satanas? Malilinis ba niya ang iyong tiwaling disposisyon? Hindi niya magagawa ang alinman sa mga bagay na ito. Ang biyaya at pagmamahal ng magulang ay lubhang limitado. Ano ang magagawa ng Diyos para sa iyo? Maipagkakaloob ng Diyos sa mga tao ang katotohanan, maililigtas sila sa impluwensya ni Satanas at sa kamatayan, at mabibigyan sila ng buhay na walang hanggan—hindi ba’t dakilang pagmamahal ito? Ang pagmamahal na ito ay kasingtaas ng langit at kasinglalim ng lupa. Napakadakila nito: isang daan, hindi, isang libong beses na mas malaki kaysa sa pagmamahal ng isang magulang. Kung talagang malalaman ng mga tao kung gaano kadakila ang pagmamahal ng Diyos, ganoon pa rin kaya katindi ang mararamdaman nila para sa kanilang mga magulang? Iisipin pa rin ba nila ang mga ito sa maghapon tuwing Bagong Taon at tuwing may pagdiriwang? Kung nauunawaan nila ang katotohanan, higit nilang iisipin ang pagmamahal ng Diyos. Kung ang isang tao ay matagal nang nananampalataya sa Diyos at iniisip pa rin na ang pagmamahal ng kanyang mga magulang ay mas higit pa sa pagmamahal ng Diyos, kung gayon, bulag ang taong iyon, at wala siyang anumang pananalig sa Diyos. Kung ang isang tao ay nananampalataya sa Diyos, ngunit hindi hinahangad ang katotohanan, malulutas ba niya ang kanyang tiwaling disposisyon? Makakamit ba niya ang kaligtasan? Hindi. Kung ang iyong tiwaling disposisyon ay hindi pa nalutas at ang iyong espirituwal na buhay ay hindi pa lumago sa isang partikular na tayog, maaari kang magbigkas ng ilang sawikain, ngunit hindi mo maisasakatuparan ang mga ito, dahil hindi mo taglay ang tayog. Magagawa mo ang mga bagay sa abot ng iyong makakaya. Malalampasan ang mga pagsubok sa abot ng makakaya ng iyong tayog. Makapapasok ka sa mga katotohanang realidad na kasingdami ng nauunawaan mo; ganoon karaming katotohanang realidad ang maisasabuhay mo. Kaugnay nito, ito rin ay kung gaano karami sa pagbubunyag ng iyong tiwaling disposisyon at gaano karami sa sarili mong mga paghihirap ang malulutas; ito ay magkatimbang.

Balang araw, kapag nauunawaan mo na ang ilan sa katotohanan, hindi mo na iisipin na ang nanay mo ang pinakamabuting tao, o na ang mga magulang mo ang pinakamabubuting tao. Matatanto mo na mga miyembro din sila ng tiwaling sangkatauhan, at na pare-pareho ang kanilang mga tiwaling disposisyon. Ang tanging nagbubukod sa kanila ay na magkadugo kayo. Kung hindi sila naniniwala sa Diyos, kapareho sila ng mga walang pananampalataya. Hindi mo na sila titingnan mula sa pananaw ng isang kapamilya, o mula sa pananaw ng inyong ugnayan sa laman, kundi mula sa panig ng katotohanan. Ano ang mga pangunahing aspetong dapat mong tingnan? Dapat mong tingnan ang kanilang mga pananaw tungkol sa paniniwala sa Diyos, ang kanilang mga pananaw tungkol sa mundo, ang kanilang mga pananaw tungkol sa paglutas ng mga problema, at ang pinakamahalaga, ang kanilang saloobin ukol sa Diyos. Kung sisiyasatin mo nang tumpak ang mga aspetong ito, malinaw mong makikita kung sila ay mabubuti o masasamang tao. Isang araw ay maaaring malinaw mong makita na sila ay mga taong may mga tiwaling disposisyon katulad mo. Maaari pa ngang maging mas malinaw na hindi sila ang mababait na tao na may tunay na pagmamahal sa iyo na tulad ng inaakala mo, at na hindi ka nila talaga maaakay sa katotohanan o sa tamang landas sa buhay. Maaaring malinaw mong makita na ang nagawa nila para sa iyo ay walang gaanong pakinabang sa iyo, at na wala itong silbi sa pagtahak mo sa tamang landas sa buhay. Maaaring makita mo rin na marami sa kanilang mga pagsasagawa at opinyon ay salungat sa katotohanan, na sila ay makalaman, at na hinahamak, kinasusuklaman at tinututulan mo sila dahil dito. Kung makikita mo ang mga bagay na ito, matatrato mo na nang tama ang iyong mga magulang sa puso mo, at hindi ka na mangungulila at mag-aalala sa kanila, at makakaya mo nang mamuhay nang malayo sa kanila. Nakumpleto na nila ang kanilang misyon bilang mga magulang, kaya hindi mo na sila ituturing na pinakamalapit na mga tao sa iyo o iidolohin sila. Sa halip, ituturing mo silang mga ordinaryong tao, at sa panahong iyon, hindi ka na magpapaalipin nang lubusan sa iyong mga damdamin at talagang makakahiwalay ka na sa iyong mga damdamin at pagmamahal sa pamilya. Sa sandaling magawa mo na iyon, mapagtatanto mo na hindi karapat-dapat pahalagahan ang mga bagay na iyon. Sa puntong iyon, makikita mo na ang mga kamag-anak, pamilya, at relasyon sa laman ay mga balakid sa pag-unawa sa katotohanan at sa pagpapalaya ng iyong sarili sa mga damdamin. Ito ay dahil mayroon kang pampamilyang relasyon sa kanila—iyong relasyon sa laman na nagpaparalisa sa iyo, nagliligaw sa iyo, at nagpapapaniwala sa iyo na sila ang may pinakamabuting pagtrato sa iyo, na sila ang pinakamalapit sa iyo, pinakamabuting mag-alaga sa iyo, at pinakanagmamahal sa iyo—dahil sa lahat ng ito, hindi mo malinaw na matukoy kung sila ba ay mabuti o masamang tao. Sa sandaling tunay na lumayo ka sa mga damdaming ito, bagamat maaaring iisipin mo pa rin sila paminsan-minsan, mangungulila ka pa rin ba sa kanila nang buong puso, aalalahanin mo pa rin ba sila, at hahanap-hanapin sila gaya ng ginagawa mo ngayon? Hindi na. Hindi mo sasabihing: “Ang taong talagang hindi ko kayang mawalay sa akin ay ang nanay ko; siya ang nagmamahal sa akin, nag-aalaga sa akin, at pinakanag-aalala sa akin.” Kapag mayroon kang ganitong antas ng pang-unawa, iiyak ka pa rin ba kapag naiisip mo sila? Hindi na. Ang problemang ito ay malulutas. Kaya, sa mga problema o usapin na nagdudulot sa iyo ng paghihirap, kung hindi mo pa nakamit ang aspetong iyon ng katotohanan at kung hindi ka pa nakapasok sa aspetong iyon ng katotohanang realidad, makukulong ka sa gayong mga paghihirap o kalagayan, at hinding-hindi ka makakalabas sa mga ito. Kung tinatrato mo ang mga ganitong uri ng mga paghihirap at problema bilang mga pangunahing problema ng buhay pagpasok at pagkatapos ay hahanapin mo ang katotohanan para malutas ang mga ito, magagawa mong pumasok sa aspetong ito ng katotohanang realidad; nang hindi sinasadya, matututunan mo ang iyong aral mula sa mga paghihirap at problemang ito. Kapag nalutas na ang mga problema, mararamdaman mo na hindi ka na ganoon kalapit sa iyong mga magulang at kapamilya, mas malinaw mong makikita ang kanilang kalikasang diwa, at makikita mo kung anong uri ng mga tao talaga sila. Kapag malinaw mong nakikita ang iyong mga mahal sa buhay, sasabihin mong: “Hindi talaga tinatanggap ng nanay ko ang katotohanan; sa totoo lang, tutol siya sa katotohanan at kinasusuklaman niya ito. Sa diwa niya, isa siyang masamang tao, isang diyablo. Ang ama ko ay isang mapagpalugod ng tao, pumapanig sa nanay ko. Hindi niya talaga tinatanggap o isinasagawa ang katotohanan; hindi siya isang taong naghahangad sa katotohanan. Batay sa inaasal ng aking nanay at tatay, silang dalawa ay hindi mananampalataya; pareho silang diyablo. Kailangang kong ganap na maghimagsik laban sa kanila, at kailangan kong maglatag ng malinaw na limitasyon sa aming relasyon.” Sa ganitong paraan, titindig ka sa panig ng katotohanan, at magagawa mo silang itakwil. Kapag nagawa mong kilatisin kung sino sila, kung anong uri ng tao sila, magkakaroon ka pa rin ba ng emosyonal na ugnayan sa kanila? Magigiliw ka pa rin ba sa kanila? Magkakaroon ka pa ba ng relasyon sa laman sa kanila? Hindi na. Kakailanganin mo pa bang pigilan ang iyong mga damdamin? (Hindi na.) Kaya, sa ano ka ba talaga umaasa para malutas ang mga paghihirap na ito? Umaasa ka sa pag-unawa sa katotohanan, sa pag-asa sa Diyos, at paghingi ng patnubay sa Diyos. Kung malinaw ang mga bagay na ito sa iyo sa puso mo, kailangan mo pa bang pigilan ang iyong sarili? Nararamdaman mo pa rin ba na naagrabyado ka? Kailangan mo pa bang magdusa ng gayon katinding pasakit? Kailangan mo pa ba ang iba na makipagbahaginan sa iyo at gumawa ng gawaing pang-ideolohiya? Hindi na kailangan, dahil naayos mo na mismo ang mga bagay-bagay—napakadali nito. Sa pagbabalik sa usapin, paano mo dapat lutasin ang isyu nang sa gayon ay hindi mo sila isipin o mangulila sa kanila? (Hanapin ang katotohanan para lutasin ito.) Kumplikado ang mga salitang iyan na medyo pormal kung pakikinggan—ngunit medyo mas praktikal nang kaunti ang mga ito. (Gamitin ang mga salita ng Diyos upang lubusang maunawaan ang kanilang diwa; ibig sabihin, kilatisin sila batay sa kanilang diwa. Pagkatapos, magagawa nating isantabi ang ating pagkagiliw, at ang ating relasyon sa laman.) Tama iyan. Dapat mong ibase ang iyong pagkaunawa sa kalikasang diwa ng mga tao sa mga salita ng Diyos. Kung wala ang paglalantad ng salita ng Diyos, walang sinuman ang makakahalata sa kalikasang diwa ng iba. Sa pamamagitan lamang ng pagbatay sa mga salita ng Diyos at sa katotohanan makikita ng isang tao ang kalikasang diwa ng mga tao; saka lamang malulutas ang pinagmulan ng problema ng mga damdamin ng tao. Magsimula sa pamamagitan ng pag-iwan ng iyong mga pagkagiliw at relasyon sa laman; kung kanino pinakamatindi ang iyong mga damdamin, siya ang una mong kailangang himayin at kilalanin. Ano ang palagay mo sa solusyong ito? (Mabuti ito.) Sinasabi ng ilang tao: “Ang kilatisin at himayin ang mga taong may pinakamatindi akong emosyonal na ugnayan—napakalupit naman niyan!” Ang punto ng pagkilatis mo sa kanila ay hindi para putulin mo ang iyong relasyon sa kanila—hindi ito para putulin ang iyong ugnayan sa iyong magulang bilang kanilang anak, hindi rin para tuluyan mo silang talikuran, at hindi na muling makipag-ugnayan sa kanila. Kailangan mong tuparin ang iyong mga responsabilidad sa iyong mga mahal sa buhay, ngunit hindi ka maaaring magpapigil o magpatali sa kanila, dahil ikaw ay isang tagasunod ng Diyos; dapat mong taglayin ang prinsipyong ito. Kung maaari ka pa rin nilang mapigilan at magulo, hindi mo magagawa nang maayos ang iyong tungkulin, at hindi mo rin magagarantiya na masusundan mo ang Diyos hanggang sa dulo ng daan. Kung hindi ka isang tagasunod ng Diyos o isang nagmamahal sa katotohanan, walang sinuman ang hihingi nito sa iyo. Sinasabi ng ilang tao: “Kasalukuyang hindi ko nauunawaan ang katotohanan; hindi ko alam kung paano kilatisin ang iba.” Kung wala kang ganitong tayog, isantabi mo muna ang pagkilatis sa ngayon. Kapag sapat na ang tayog mo, at magagawa mo nang lampasan ang gayong mga pagsubok, at magkusa kang ikaw mismo ang magsasagawa sa ganitong paraan, hindi pa magiging huli para sa iyo na isagawa ang aspetong ito ng katotohanan.

Maraming tao ang dumaranas ng hindi kinakailangang emosyonal na pagdurusa; sa totoo lang, lahat ng ito ay hindi kailangan at walang saysay. Bakit Ko sinasabi ito? Ang mga tao ay palaging napipigilan ng kanilang mga damdamin, kaya hindi sila makapagsagawa ng katotohanan at makapagpasakop sa Diyos; dagdag pa rito, ang mapigilan ng mga damdamin ay hindi talaga kapaki-pakinabang sa paggawa ng tungkulin at pagsunod sa Diyos ng isang tao, at higit pa rito, ito ay isang malaking hadlang sa buhay pagpasok. Kaya, walang kabuluhan ang magdusa sa pagpigil ng mga damdamin, at hindi ito naaalala ng Diyos. Kaya paano mo palalayain ang iyong sarili sa walang-kabuluhang pagdurusang ito? Kailangan mong maunawaan ang katotohanan at mahalata at maunawaan ang diwa ng mga relasyon sa laman na ito; pagkatapos ay magiging madali sa iyo na makalaya sa mga pagpipigil ng mga damdamin ng laman. Ang ilang taong nananalig sa Diyos ay inuusig nang husto ng kanilang mga walang pananampalatayang magulang; kung hindi sila pinipilit na maghanap ng asawa, pinipilit naman silang maghanap ng trabaho. Maaari nilang gawin ang anumang gusto nila, ngunit hindi sila pinahihintulutang manalig sa Diyos. Ang ilang magulang ay lumalapastangan pa nga sa Diyos, kaya’t nakikita ng mga taong ito ang tunay na maladiyablong kulay ng kanilang mga magulang. Doon lamang sisigaw ang kanilang puso: “Tunay nga silang mga diyablo, kaya hindi ko sila maaaring ituring bilang mga mahal ko sa buhay!” Mula noon, malaya na sila sa mga hadlang at gapos ng kanilang mga damdamin. Nais gamitin ni Satanas ang pagkagiliw upang pigilan at gapusin ang mga tao. Kung hindi nauunawaan ng mga tao ang katotohanan, madali silang malilinlang. Kadalasan, para sa kapakanan ng kanilang mga magulang at mga mahal sa buhay, hindi sila masaya, umiiyak sila, nagtitiis sila ng mga paghihirap, at nagsasakripisyo sila. Ito ang kanilang moral na kamangmangan; matapang nila itong tinitiis, at inaani nila ang kanilang itinatanim. Ang magdusa sa mga bagay na ito ay walang halaga—isang walang saysay na pagsisikap na hindi man lang maaalala ng Diyos—at maaaring sabihin ng isang tao na nasa impiyerno siya. Kapag talagang nauunawaan mo ang katotohanan at nahahalata mo ang kanilang diwa, magiging malaya ka; mararamdaman mo na ang pagdurusa mo noon ay kaignorantehan at kamangmangan. Hindi mo sisisihin ang sinuman; sisisihin mo ang iyong sariling pagkabulag, ang iyong kahangalan, at ang katunayan na hindi mo naunawaan ang katotohanan o nakita nang malinaw ang mga bagay-bagay. Madali bang lutasin ang problema ng mga damdamin? Nalutas na ba ninyo ito? (Hindi pa. Hindi pa kami nakapagsagawa o nakapasok sa landas ng pagsasagawa na itinuro ng Diyos; mayroon lamang kaming sanggunian kapag nangyayari ang ganitong uri ng bagay.) Sa pagsasabi ng lahat ng ito, sa pagsasalita man tungkol sa mga praktikal na bagay, o tungkol sa mga bagay na inyong binigyang kahulugan bilang mga landas, sinasabi Ko sa inyo: Kapag nakatagpo kayo ng ganitong uri ng bagay, ang pinakamainam na paraan para harapin ito ay ang manalangin sa Diyos at hanapin ang katotohanan, at pagkatapos ay magkakaroon ka ng paraan para lutasin ito. Kapag lubos na ninyong naunawaan ang diwa ng mga damdamin ng laman, magiging madali para sa inyo na pangasiwaan ang mga bagay ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Kung palagi kayong napipigilan ng inyong relasyon sa laman sa inyong mga mahal sa buhay, hinding-hindi ninyo maisasagawa ang katotohanan; kahit pa naiintindihan ninyo ang doktrina at nagbibigkas kayo ng mga sawikain, hindi pa rin ninyo malulutas ang inyong mga tunay na problema. Ang ilang tao ay hindi lang talaga alam kung paano hanapin ang katotohanan. Ang iba ay nagagawang hanapin ang katotohanan, ngunit kapag malinaw na ibinabahagi ng mga tao ang katotohanan sa kanila, hindi sila ganap na naniniwala at hindi nila ito kayang tanggapin nang lubusan; pinakikinggan lang nila ito na para bang ito ay doktrina. Kaya, ang iyong problema sa pagiging napipigilan ng inyong mga damdamin ay hinding-hindi malulutas; kung hindi ito malulutas, hinding-hindi ka makakawala mula rito, at patuloy kang mapipigilan at magagapos. Kung nananalig ka sa Diyos ngunit hindi mo magawang sundan Siya o gawin ang tungkulin na dapat mong gawin, sa huli, hindi ka magiging karapat-dapat sa pagtanggap ng pangako ng Diyos, hanggang sa isang araw, masasadlak ka sa sakuna at maparurusahan—ang pag-iyak at pagngangalit ng mga ngipin ay magiging walang saysay, at walang sinuman ang makapagliligtas sa iyo. Malinaw na ba sa iyo ngayon ang mga kahihinatnan ng hindi paglutas sa mga tiwaling disposisyon?

Ano ang napagbahaginan natin ngayong araw? Nagbahaginan tayo tungkol sa mga kalagayan ng mga tao, sa kanilang mga tiwaling disposisyon, gayundin sa kung paano pumasok sa katotohanang realidad, kung paano tratuhin nang tama ang mga bagay na nakakaharap mo, kung anong uri ng mga pananaw ang dapat mong panghawakan, at kung paano alamin, himayin, at lutasin ang sarili mong tiwaling disposisyon. Ang aral sa buhay pagpasok ay dapat laging matutunan; hindi kailanman magiging huli na para matuto, o magiging huli na para magsimula. Kaya, kailan ba magiging huli na? Kung namatay ka na, magiging huli na; kung buhay ka pa, hindi pa huli ang lahat. Sa ngayon lahat kayo ay buhay pa, hindi patay, ngunit talaga bang malinaw sa inyo kung ano ang buhay at ang patay? Sa Tagalog, palaging sinasabi ng mga tao na, “Buhay pa ako.” Ano ang ibig sabihin niyon? Ito ay kapag hindi ninyo alam ang gagawin kapag may nangyayari sa inyo, o kapag nakaladkad kayo sa impluwensiya ng lipunan, o nararamdaman ninyong mababang uri kayo, at pagkatapos ay tinutusok ninyo ng karayom ang inyong sarili at nararamdaman ito—kung gayon, mararamdaman ninyo na buhay pa kayo, na hindi pa namatay ang puso ninyo. Kung nabubuhay pa kayo, dapat kayong magkaroon ng mga hangarin at isabuhay ang pagkakawangis ng isang tao. Dati, mababang-uri kayo, sumunod kayo sa mga makamundong bagay at namuhay kayo sa agos ng kasamaan; hindi ba’t oras na para ayusin ang inyong sarili ngayon at iwasan na lalo pang maging mababang uri? Alam mo, hindi pa natagpuan ng mga taga-Kanluran ang tunay na daan, at nakararamdam sila ng kawalan ng pag-asa pagdating sa buhay ng tao at sa kanilang pamumuhay, kaya ang kanilang mga salita ay puno ng malalim na emosyon, at medyo mayroong kalungkutan at kawalan ng pag-asa—ibig sabihin, sa loob ng kanilang mga salita ay naroon ang pakiramdam nila na wala na silang magagawa pa. Habang nabubuhay sila, madalas nilang nararamdaman na hindi sila tao, ngunit kailangan nilang mamuhay sa ganitong paraan; kahit pakiramdam nila ay para silang multo, hayop, o halimaw, dapat magpatuloy silang mamuhay sa ganitong paraan. Ano ba ang maaaring gawin? Wala na silang magagawa. Kung hindi sila mamamatay, kailangan nilang mamuhay sa ganitong paraan; wala nang ibang landas para sa kanila, at mamumuhay sila nang kahabag-habag. Ganito ba kayong lahat? Kung isang araw ay puno kayo ng malalim na emosyon, iniisip na, “Ah, buhay pa ako, hindi pa patay ang puso ko”—kung mabubuhay ang isang tao hanggang sa puntong iyon, ano ang mangyayari sa kanya? Nasa malaking panganib na siya! Para sa isang mananampalataya, lubhang mapanganib na ito. Hinding-hindi ninyo maaaring sabihin ang isang bagay tulad ng “Buhay pa ako, ngunit walang laman ang pisikal kong katawan, at isa akong naglalakad na bangkay. Buhay ang puso ko, at ang iilan lamang na mga hangarin at mithiin sa puso ko ang sumusuporta sa aking laman.” Huwag kayong magpaabot sa puntong iyon! Kung aabot kayo sa puntong iyon, magiging napakahirap na iligtas kayo. Kung titingnan kayong lahat ngayon, hindi masama ang mga sitwasyon ninyo. Kung babasahin mo ang salita ng Diyos sa isang walang pananampalataya, hindi siya magkakaroon ng anumang kamalayan; kaya, kung gagamit Ako ngayon ng malulupit na salita para pungusan kayo, magkakaroon ba kayo ng anumang kamalayan tungkol dito? (Oo.) Ang ilan sa inyo ay nakikilala lamang ang inyong sarili pagkatapos mapungusan; saka lang kayo nakararamdam ng pagsisisi. Nangangahulugan ito na may kamalayan pa kayo, at hindi pa ganap na namatay ang puso ninyo, na nagpapatunay na kayo ay gising pa, buhay pa! Kung matatanggap ninyo ang katotohanan at maisasagawa ito, may pag-asa pa kayong mailigtas. Kung ang isang tao ay aabot sa puntong basta na lamang niyang hindi tatanggapin ang katotohanan, ganap na siyang namatay, at hindi na siya maliligtas pa. Mayroong higit pa sa iilang tao sa iglesia ang sadyang hindi tumatanggap sa katotohanan. Bagamat humihinga ang mga taong ito, ang totoo ay wala silang espiritu. Sila ang mga patay na walang espiritu, naglalakad na mga bangkay. Ang gayong mga tao ay tuluyan nang nabunyag at naitiwalag.

Oktubre 5, 2016

Sinundan: Ang Limang Kondisyong Dapat Matugunan para Makapagsimula sa Tamang Landas ng Pananalig sa Diyos

Sumunod: Sa Pananalig sa Diyos, ang Pinakamahalaga ay Isagawa at Danasin ang Kanyang mga Salita

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito