63 Dapat Tayong Maging Palaging Tahimik sa Harap ng Diyos

Nahaharap sa kabiguan, hangarin ang katotohanan;

alamin ang kalooban ng Diyos at magkakaroon tayo ng lakas.

Sabihin sa Kanya nang madalas kung ano ang ating kakulangan,

laging magbahagi ng Kanyang katotohanan.

Pagdating ng mga pagsubok, tanggapin ang mga ito.

Umupo nang tahimik sa harapan ng Diyos,

basahin ang Kanyang salita, alamin ang Kanyang mga katotohanan,

ituwid ang ating mga paglabag.

Masigla ang ating kaluluwa at sinasamba natin Siya.

Maging tahimik sa harap ng Diyos, magnilay sa ating mga sarili.

Hindi natin dapat saktan ang puso ng Diyos

sa ating paghihimagsik at pangangalaga sa laman.

Maging tahimik sa harap ng Diyos, maging tahimik sa harap ng Diyos.

Mamuhay bilang isang tao sa pamamagitan ng Kanyang katotohanan.

Tumayong saksi sa ating mga pagsubok, upang magawa nating mapalugod Siya.

Maging tahimik sa harap ng Diyos.

Maging tahimik at magnilay sa harap ng Diyos.


Kahit na lumalabag tayo,

dapat nating hangaring mahalin ang Diyos.

Hangga’t nagsisisi tayo,

tiyak na makakamit natin ang awa Niya.

Dapat nating hanapin ang katotohanan

at magpatotoo sa Diyos.

Ito ang tungkuling dapat nating gawin.

Masigla ang ating kaluluwa at sinasamba natin Siya.

Maging tahimik sa harap ng Diyos, magnilay sa ating mga sarili.

Hindi natin dapat saktan ang puso ng Diyos

sa ating paghihimagsik at pangangalaga sa laman.

Maging tahimik sa harap ng Diyos, maging tahimik sa harap ng Diyos.

Mamuhay bilang isang tao sa pamamagitan ng Kanyang katotohanan.

Tumayong saksi sa ating mga pagsubok, upang magawa nating mapalugod Siya.

Maging tahimik sa harap ng Diyos.

Maging tahimik at magnilay sa harap ng Diyos.


Mamuhay bilang isang tao sa pamamagitan ng Kanyang katotohanan.

Tumayong saksi sa ating mga pagsubok, upang magawa nating mapalugod Siya.

Maging tahimik sa harap ng Diyos.

Maging tahimik at magnilay sa harap ng Diyos, sa harap ng Diyos.

Maging tahimik sa harap ng Diyos.

Maging tahimik at magnilay sa harap ng Diyos.

Sinundan: 62 Pinapayapa ang Sarili Ko sa Harap ng Diyos

Sumunod: 64 Tunay na Pag-ibig ng Diyos

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

Kaugnay na Nilalaman

281 Panahon

IIsang malungkot na kaluluwa’ng naglalakbay,sinusuri’ng bukas, hinahanap nakalipas,masipag na nagsisikap,naghahangad ng isang pangarap.‘Di...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Kontakin Kami Gamit ang Messenger