Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

493 Sumunod sa mga Salita ng Diyos para Magkaroon ng Wastong Kaugnayan sa Iba

1 Kung nais mong magkaroon ng wastong kaugnayan sa Diyos, dapat na ibaling ang iyong puso sa Diyos, at sa saligang ito, magkakaroon ka rin ng wastong kaugnayan sa ibang mga tao. Kung wala kang wastong kaugnayan sa Diyos, maging anuman ang iyong gawin upang mapanatili ang iyong kaugnayan sa ibang mga tao, kahit gaano ka man kasikap gumawa o gaano man karaming lakas ang iyong ibuhos, makakabilang pa rin ito sa isang pilosopiya sa buhay ng tao. Pinananatili mo ang iyong kalagayan sa gitna ng mga tao sa pamamagitan ng isang pananaw ng tao at isang pilosopiya ng tao upang purihin ka nila. Hindi ka nagtatatag ng wastong mga kaugnayan sa mga tao alinsunod sa salita ng Diyos. Kung hindi ka magtutuon ng pansin sa iyong mga kaugnayan sa mga tao ngunit nagpapanatili ng isang wastong kaugnayan sa Diyos, kung ikaw ay nakahandang ibigay ang iyong puso sa Diyos at matututuhang sundin Siya, likas lamang na ang iyong mga kaugnayan sa lahat ng tao ay magiging wasto.

2 Sa ganitong paraan, ang mga kaugnayang ito ay hindi itinatatag sa laman, ngunit sa saligan ng pag-ibig ng Diyos. Halos walang mga pakikipag-ugnayan batay sa laman, ngunit sa espiritu ay mayroong pagsasamahan gayundin ng pag-ibig, kaaliwan, at paglalaan para sa isa’t isa. Ang lahat ng ito ay ginagawa sa saligan ng isang puso na pinalulugod ang Diyos. Ang mga kaugnayang ito ay hindi pinananatili sa pananangan sa pilosopiya ng tao sa buhay, ngunit ang mga ito ay napakalikas na binubuo sa pamamagitan ng pasanin para sa Diyos. Hindi kinakailangan ng mga ito ang pagsisikap ng tao—ang mga ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng mga prinsipyo ng salita ng Diyos. Kung hindi ka magtutuon ng pansin sa iyong mga kaugnayan sa mga tao ngunit nagpapanatili ng isang wastong kaugnayan sa Diyos, kung ikaw ay nakahandang ibigay ang iyong puso sa Diyos at matututuhang sundin Siya, likas lamang na ang iyong mga kaugnayan sa lahat ng tao ay magiging wasto.

Hango sa “Ang Pagtatatag ng Isang Wastong Kaugnayan sa Diyos ay Napakahalaga” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Walang Anumang Makakamtan nang Hindi Umaasa sa Diyos

Sumunod:Sundin ang Gawain ng Banal na Espiritu at Makakatahak Ka sa Landas Tungo sa Pagiging Perpekto

Baka Gusto Mo Rin