442 Napakahalaga na May Normal na Kaugnayan sa Diyos

I

Sa lahat ng ginagawa mo,

kailangan mong siyasatin

kung ang mga layunin mo ba’y tama.

Kung ika’y kumikilos ayon sa hinihingi ng Diyos,

kaugnayan mo sa Diyos ay normal.

Ito ang pinakamababang pamantayan.

Usisain mo ang iyong mga layunin,

at kung mayroon kang nakitang

mga maling layunin,

talikdan mo’ng mga ito

at kumilos ayon sa mga salita ng Diyos;

sa gayon ika’y magiging tamang tao

sa harap ng Diyos,

tamang tao sa harap ng Diyos,

na nagpapakita naman na normal

ang kaugnayan mo sa Diyos,

at na lahat ng ginagawa mo’y para sa Diyos,

‘di para sa iyong sarili.


II

Sa lahat ng ginagawa’t sinasabi mo,

itama ang ‘yong puso

at maging matuwid sa ‘yong mga kilos,

at ‘wag padala sa ‘yong damdamin,

‘wag kumilos nang sarili.

Ito’ng mga prinsipyong dapat niyong sundin.

Ang maliliit na bagay ay makapagbubunyag

ng mga layunin at tayog ng ‘sang tao.

Ang maliliit na bagay ay makapagbubunyag

ng mga layunin at tayog ng ‘sang tao,

kaya nga, para makapasok ang isang tao

sa landas ng pagpeperpekto ng Diyos,

kailangan muna nilang ituwid

ang kanilang mga layunin

at kanilang kaugnayan sa Diyos.


III

Kapag normal ang kaugnayan mo sa Diyos,

saka ka lamang Niya magagawang perpekto;

saka lang eepekto ang pagwawasto, pagtatabas,

disiplina’t pagpipino ng Diyos sa iyo.

Ibig sabihin, kung naisasapuso ng tao ang Diyos

at ‘di naghahangad ng pansariling pakinabang,

sa halip dala’ng pasanin sa pagpasok sa buhay,

ginagawa’ng lahat para hanapin ang katotohanan,

magpasakop sa gawain ng Diyos—

kung magagawa mo ‘to,

mga layon mo’y magiging tama,

at kaugnayan mo sa Diyos ay magiging normal.

Kung ika’y magagawang perpekto

o makamit ng Diyos

ay depende kung

kaugnayan mo sa Diyos ay normal.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kumusta ang Kaugnayan Mo sa Diyos?

Sinundan: 441 Paano Magtatag ng Normal na Kaugnayan sa Diyos

Sumunod: 443 Ang Pakikipag-ugnayan sa Ibang Tao ay Dapat Maitatag Ayon sa mga Salita ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito