215 Papuri para sa Diyos mula sa mga Inapo ni Moab

Umiiyak ang mga anak ni Moab sa matinding paghihirap,

malungkot na mga mukha basa ng mga luha.

Ang paghatol ng mga salita ng Diyos,

pinanginginig ako sa takot.

May naluluhang mga mata,

ibinibigay ang aking laman sa mga apoy ng paghatol.

Umiiyak ang mga anak ni Moab sa matinding paghihirap.

Ipinadadala ako sa impiyerno ng walang-awang paghatol.


Sumasapit sa akin ang kirot at pagkastigo.

Sa mga pagsubok Ikaw ay tinatawag at hinahanap ko.

Lumulubog sa kawalan ng pag-asa, lalo pa akong namumuhi sa aking sarili.

Nagaganap ang isang trahedya, naniniwala ako ngunit hindi ako sa Iyo.

Nakararamdam ako ng pagkakonsensya at isinusumpa ang sarili ko sa pagsisisi.

Ang pagsubok ng pugon ang nagpapahirap sa puso ko.

Umiiyak ang mga anak ni Moab sa matinding paghihirap,

ang pagnanasang pagpalain

ay ganap na naglalaho sa paghatol ng Diyos,

isinasantabi ang katiwalian sa pamamagitan ng pagkastigo.

Sa pagsisisi, nagpapasya akong pukawin ang aking sarili at mahalin ang Diyos.

Bumibigkas ang mga anak ni Moab ng taos-pusong papuri.

Ang Diyos ay labis na kaibig-ibig, at lagi ko Siyang mamahalin.


Naniniwala sa Iyo ngunit hindi Ka pinalulugod,

hindi karapat-dapat na tawaging tao.

Kung mayroon akong konsensya, dapat akong bumangon, magpatotoo sa Iyo.

Kahit na kinamumuhian Mo ako, mamahalin pa rin Kita, nang di-nahihiya.

Bagama’t anak ako ni Moab,

hindi magbabago ang puso kong nagmamahal sa Iyo.

Napakarami ng naghahangad na maunawaan ang Iyong kalooban.

Napakarami ng nananabik na mahalin Ka nang lubos.

Napakarami ng naghahanda ng kanilang patotoo upang mabigyan Ka ng kasiyahan.

Napakarami ng handang magbigay ng kanilang buhay upang suklian ang Iyong pagmamahal.

Umiiyak ang mga anak ni Moab sa matinding paghihirap,

ang pagnanasang pagpalain

ay ganap na naglalaho sa paghatol ng Diyos,

isinasantabi ang katiwalian sa pamamagitan ng pagkastigo.

Sa pagsisisi, nagpapasya akong pukawin ang aking sarili at mahalin ang Diyos.

Bumibigkas ang mga anak ni Moab ng taos-pusong papuri.

Ang Diyos ay labis na kaibig-ibig, at lagi ko Siyang mamahalin.

Sinundan: 214 Mapalad Kaming Makapaglingkod sa Diyos

Sumunod: 216 O Diyos, Hindi Kita Maaaring Iwan

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

418 Ang Kahulugan ng Dasal

ⅠAng panalangin ay isa sa mga paraankung paano nakikipagtulungan ang tao sa Diyos,upang tumawag sa Kanyang Espiritu at maantig ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito