41 Ang Papuri para sa Makapangyarihang Diyos ay Hindi Kailanman Magtatapos

Cristong nagkatawang-tao, Makapangyarihang Diyos,

nagpapahayag ng katotohanan,

nag-uumapaw sa kaluwalhatian,

nagpakita na sa Silangan.

Kumikinang nang buong liwanag ang mga salita ng Diyos

sa buong sanlibutan at sa arko ng langit.

Tanggapin ang paghatol ng Diyos

at mamumuhay tayo sa loob ng liwanag.

Dali, mga kapatid, halina at masdan.

Ang kaharian ay bumababa sa mundo.

Dali, mga kapatid, halina at makinig

sa mga tunog ng papuri sa lahat ng lugar.

May galak na sinasalubong ng mga tao ng Diyos ang pagbabalik ng Tagapagligtas!


Ang paghatol ng mga huling araw

ay nagsimula na sa pamilya ng Diyos.

Nagpakita na ang Diyos at dinala Niya sa atin

ang daan ng buhay na walang hanggan.

Narinig na ng Kanyang tupa ang Kanyang tinig

at nagbalik sa Kanyang harapan,

tinamasa ang Kanyang mga salita habang nasa

piging ng kasal ng Cordero.

Dali, mga kapatid, halina at masdan.

Nag-uumapaw ang piging ng kaharian.

Dali, mga kapatid, halina at makinig.

May awtoridad ang mga salita ng Diyos.

Nalupig na ng mga salita ng Diyos ang puso ng milyon-milyon!


Bakit ang ating mga kapatid

ay umaawit ng nagagalak na papuri?

Ito ay dahil ang Makapangyarihang Diyos

ay iniligtas na tayo kay Satanas.

Ang paghatol ng mga salita ng Diyos

ay nilinis at iniligtas na tayo.

Sa pamumuhay sa loob ng mga salita ng Diyos,

hindi na tayo kailanman makararamdam ng sakit o kalungkutan.

Dali, mga kapatid, bumangon na.

Magpatotoo tayong lahat sa Diyos.

Dali, mga kapatid, huwag titigil.

Ibigay ang ating puso para masiyahan ang Diyos.

Ilaan natin ang lahat para sa pagtupad ng ating mga tungkulin.


Mga kapatid, halina at sumayaw sa ikaliligaya ng ating puso,

pinupuri ang Makapangyarihang Diyos dahil sa kaluwalhatiang nakamit Niya.

Nakagawa na ang Diyos ng mga mananagumpay, nagwagi laban kay Satanas.

Kinakanta natin ang masayang papuri sa Diyos dahil sa Kanyang tagumpay.

Awitin ang mga bagong kanta, mga kapatid,

umaalingawngaw sa lahat ng lugar ang ating mga tinig.

Sumayaw, mga kapatid, habang buong-puso tayong umaawit ng papuri,

inaawit ang walang hanggang papuri sa Makapangyarihang Diyos.

Sinundan: 40 Magpakailanmang Umaawit ng mga Awit ng Papuri sa Diyos

Sumunod: 42 Purihin ang Pagkabuo ng Dakilang Gawain ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

281 Panahon

IIsang malungkot na kaluluwa’ng naglalakbay,sinusuri’ng bukas, hinahanap nakalipas,masipag na nagsisikap,naghahangad ng isang pangarap.‘Di...

74 O Minamahal Ko, Hinahanap Kita

INasa’n Ka, minamahal ko?Alam Mo bang hanap-hanap Kita?‘Pag walang liwanag, kay sakit mabuhay.Sa kadiliman, hinahanap Kita.Di ako nawawalan...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito