206 Diyos Lamang ang May Landas ng Buhay

Ang landas ng buhay ay

bagay na di-taglay ng sinuman;

bagay na di madaling kunin ng kahit na sino.

Dahil buhay ay sa Diyos lang nagmumula,

Diyos lang ang may diwa ng buhay,

Diyos lang ang may landas ng buhay.

Kaya Diyos lang pinagmumulan ng buhay,

at ang laging dumadaloy na bukal

ng buhay na tubig ng buhay.

Mula sa paglikha ng mundo,

maraming gawaing nagawa ang Diyos

na kasama ang sigla,

na nagbibigay ng buhay sa tao;

Nagbayad Siya nang mahal

upang tao’y makatamo ng buhay.

Dahil ang Diyos Mismo

ang walang hanggang buhay;

Siya ang daan upang tao’y muling mabuhay.


Kailanma’y Diyos di-nawalay sa puso ng tao,

Siya’y laging kasama nila.

Siya ang pwersa ng kanilang pamumuhay,

at ang pundasyon ng kanilang pag-iral;

Siya’y masaganang deposito para tao’y mabuhay.

Siya’ng dahilan na tao’y muling ipanganak,

at pinapalakas silang ipamuhay ang tungkulin.

Diyos lang Mismo ang may diwa ng buhay,

Diyos lang ang may landas ng buhay.

Kaya Diyos lang pinagmumulan ng buhay,

at ang laging dumadaloy na bukal

ng buhay na tubig ng buhay.

Dahil sa kapangyarihan

at di nabibigong pwersa ng buhay Niya,

tao’y nabuhay ng sali’t salinlahi.


Kapangyarihan ng buhay ng Diyos,

suporta sa tao’y patuloy;

Nagbayad ang Diyos ng halaga

na kailanman tao’y di-naibigay.

Pwersa ng buhay ng Diyos ay nananaig sa lahat;

at nangingibabaw ito sa lahat ng kapangyarihan.

Buhay Niya’y walang-hanggan,

kapangyarihan Niya’y di-pangkaraniwan.

Walang nilalang o kaaway

ang dadaig sa Kanyang pwersa ng buhay,

na umiiral at nagliliwanag sa anumang oras at lugar.

Diyos lang Mismo ang may diwa ng buhay,

Diyos lang ang may landas ng buhay.

Kaya Diyos lang pinagmumulan ng buhay,

at ang laging dumadaloy na bukal

ng buhay na tubig ng buhay.


Langit at lupa ma’y magbagong lubos,

kailanma’y hindi ang buhay ng Diyos.

Lahat ma’y mawawala,

buhay ng Diyos mananatili,

dahil ang Diyos ang puno

at ugat ng pag-iral ng lahat ng bagay,

dahil ang Diyos Mismo ang

walang-hanggang buhay.

Buhay ng tao sa Diyos nagmumula,

umiiral ang langit dahil sa Diyos,

at lupa’y umiiral dahil sa kapangyarihan

ng buhay ng Diyos.

Walang nabubuhay ang makakadaig

sa kapangyarihan ng Diyos,

at walang lakas ang makatatakas

sa sakop ng kapamahalaan ng Diyos.

Diyos lang ang may diwa ng buhay,

Diyos lang Mismo ang may landas ng buhay.

Kaya Diyos lang ang pinagmumulan ng buhay,

at ang laging dumadaloy na bukal

ng buhay na tubig ng buhay.

Dahil dito, maging sinuman sila,

sangkatauha’y dapat magpasakop

sa dominyon ng Diyos,

mabuhay sa ilalim ng utos Niya.

Walang makakatakas, walang makakatakas,

makakatakas sa kontrol Niya.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan

Sinundan: 205 Ang Diyos Mismo ay ang Katotohanan at ang Buhay

Sumunod: 207 Alam Mo Ba ang Pinagmumulan ng Buhay na Walang Hanggan?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

610 Tularan ang Panginoong Jesus

ⅠTinapos ni Jesus ang misyon ng Diyos,ang pagtubos sa lahat ng taosa paglalagak sa Diyos ng alalahanin N’ya,nang walang pansariling layunin...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito