Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

556 Ang Panlilinlang ng Tao sa Diyos ay Laganap sa Kanilang mga Gawa

1 Maraming tao ang nais Akong mahalin nang tapat, ngunit dahil hindi nila pag-aari ang mga puso nila, wala silang kontrol sa kanilang mga sarili; maraming tao ang tunay na nagmamahal sa Akin sa kabila ng mga pagsubok na ibinigay Ko sa kanila, ngunit wala silang kakayahang intindihin na talagang umiiral Ako, at minamahal lang nila Ako sa gitna ng kawalan, at hindi dahil sa mismong pag-iral Ko; maraming tao ang pagkatapos ialay ang kanilang mga puso sa Akin ay isinasawalang- bahala lang nila ito, kaya inaagaw ni Satanas ang mga puso nila sa tuwing may pagkakataon ito, pagkatapos kung saan nililisan na nila Ako; maraming tao ang tunay na nagmamahal sa Akin pagkaraan Kong ibigay ang Aking mga salita, ngunit hindi nila pinahahalagahan ang mga salita Ko sa kanilang mga espiritu, sa halip ay pangkaraniwan nilang ginagamit ito na parang pampublikong ari-arian at itinatapon nila ang mga ito sa kanilang pinanggalingan sa tuwing gusto nilang gawin.

2 Hinahanap Ako ng tao sa kalagitnaan ng sakit, at tumitingala siya sa Akin sa gitna ng mga pagsubok. Tinatamasa niya Ako sa panahon ng kapayapaan, kapag nasa panganib ipinagkakaila niya Ako, nakakalimutan niya Ako kapag siya ay abala, at kapag tinatamad siya ay sumasabay lang siya sa agos para sa Akin—ngunit wala kailanman ang sinumang nagmahal sa Akin sa buong panahon ng kanilang buhay. Gusto Ko na maging taimtim ang tao sa harapan Ko: Hindi Ko hinihiling na magbigay siya ng anumang bagay sa Akin, ngunit seryosohin lamang sana Ako ng lahat ng tao, na sa halip na inililigaw Ako, hinahayaan nila Akong ibalik ang katapatan ng tao.

3 Lumalaganap ang kaliwanagan, pagpapalinaw, at ang halaga ng mga pagsisikap Ko sa lahat ng tao ay lumalaganap din sa lahat ng tao ang tunay na katotohanan ng bawat pagkilos ng tao, gayon din ang panlilinlang nila sa Akin. Hindi Ako nalito kailanman ng mga pambobola at panlilinlang ng tao, dahil matagal Ko nang napagtanto ang kanyang diwa. Sino ang nakaaalam kung gaano karumi ang nasa dugo niya, at kung gaano karami ang kamandag ni Satanas sa kanyang kaibuturan? Mas lumalagong nasasanay ang tao dito sa bawat pagdaan ng araw, kaya wala na siyang malay sa mga kapighatiang dulot ni Satanas, at dahil dito wala na siyang pagkawiling hanapin ang “paraan ng isang malusog na pamumuhay.”

Hango sa “Kabanata 21” ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Hindi pa Talaga Naibibigay ng mga Tao ang Kanilang Puso sa Diyos

Sumunod:Ang Kapangitan ng Tao na Nagsisikap na Palugurin ang Diyos para sa Kanilang Hantungan

Baka Gusto Mo Rin