Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

554 Talaga bang Namumuhay Ka Ayon sa mga Salita ng Diyos?

1 Lumilipas ang panahon, at sa isang kisap-mata ang ngayon ay nakarating. Sa ilalim ng paggabay ng Aking Espiritu, ang lahat ng tao ay namumuhay sa gitna ng Aking liwanag, at walang sinuman ang nag-iisip ng nakalipas o nagbibigay-pansin sa kahapon. Sino ang hindi kailanman nabuhay sa kasalukuyan? Sino ang hindi gumugol ng mga kahanga-hangang araw at buwan sa kaharian? Sino ang hindi nabuhay sa ilalim ng araw? Bagaman ang kaharian ay nakababa na sa tao, walang sinuman ang totoong nakaranas ng init nito; ang tao ay itinuturing ito mula sa labas lang, di-nakauunawa ng diwa nito.

2 Sa panahong nabubuo ang Aking kaharian, sino ang hindi nagagalak dahil dito? Kaya ba talagang tumakas ng mga bansa sa daigdig? Talaga nga ba na ang malaking pulang dragon ay may kakayahang makatakas dahil sa katusuhan nito? Ang Aking mga atas administratibo ay inihayag sa buong sansinukob, itinatatag ng mga ito ang Aking awtoridad sa lahat ng tao at gumagana sa buong kosmos; gayon pa man, ang tao ay hindi kailanman tunay na batid ito. Kapag ang Aking mga atas administratibo ay inihayag sa sansinukob ay siya ring nalalapit na pagtatapos ng Aking gawain sa lupa. Kapag Ako ay namumuno at humahawak ng kapangyarihan sa lahat ng tao at kapag Ako ay kinikilala bilang ang isang Diyos Mismo, ang Aking kaharian ay lubos nang mananaog sa lupa.

3 Ngayon, lahat ng tao ay may bagong simula sa pamamagitan ng bagong landas. Nasimulan nila ang isang bagong buhay, gayon pa man walang sinuman ang tunay na nakaranas kailanman ng isang buhay sa lupa tulad ng sa langit. Kayo ba'y tunay na nabubuhay sa gitna ng liwanag Ko? Kayo ba'y tunay na nabubuhay sa gitna ng Aking mga salita? Sino ang hindi pinag-iisipan ang kanilang mga sariling inaasam? Sino ang hindi namimighati sa kanilang sariling kapalaran? Sino ang hindi nagpupunyagi sa gitna ng dagat ng kadalamhatian? Sino ang hindi nais na palayain ang kanilang mga sarili? Ang mga pagpapala ng kaharian ba ang kapalit ng pagpapagal ng mga tao sa lupa? Maaari nga ba na ang lahat ng hinahangad ng tao ay matupad ayon sa kanyang mga pagnanais?

Hango sa “Kabanata 25” ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Mahalagang Isagawa ang Katotohanan sa Iyong Tungkulin

Sumunod:Hindi pa Talaga Naibibigay ng mga Tao ang Kanilang Puso sa Diyos

Baka Gusto Mo Rin