Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

920 Ang Buhay sa Kapahingahan

1 Ang buhay na nasa kapahingahan ay isa na walang digmaan, walang karumihan, walang namamalagi sa di-pagkamakatuwiran. Ibig sabihin nito ay walang panliligalig ni Satanas. Ang pagtitiwali ni Satanas, pati na rin ang pagsalakay ng anumang puwersang tutol sa Diyos. Lahat ng bagay ay sumusunod sa sarili nitong uri at sumasamba sa Panginoon ng sangnilikha. Ang langit at lupa ay ganap na payapa. Ito ang matiwasay na buhay ng sangkatauhan. Kapag pumasok ang Diyos sa kapahingahan, walang di-pagkamakatuwiran ang magpapatuloy sa ibabaw ng lupa, at walang pagsalakay ng anumang kalabang mga puwersa. Ang sangkatauhan ay papasok din sa isang bagong dako; sila ay hindi na magiging isang sangkatauhan na ginawang tiwali ni Satanas, bagkus ay isang sangkatauhan na nailigtas na pagkatapos na nagáwáng tiwali ni Satanas.

2 Ang araw ng kapahingahan ng sangkatauhan ay araw din ng kapahingahan ng Diyos. Nawala ng Diyos ang Kanyang kapahingahan dahil sa kawalang-kakayahan ng sangkatauhan na pumasok sa kapahingahan; hindi iyon dahil sa Siya ay dati-rating hindi makapagpahinga. Ang pagpasok sa kapahingahan ay hindi nangangahulugan na ang lahat ng bagay ay titigil sa paggalaw, o na ang lahat ng bagay ay titigil sa pag-unlad, o nangangahulugan ito na ang Diyos ay titigil sa paggawa o ang tao ay titigil na mabuhay. Ang tanda ng pagpasok sa kapahingahan ay ganito: Si Satanas ay nawasak na; yaong masasamang tao na sumasapi kay Satanas sa masama nitong gawain ay naparusahan at napawi na; lahat ng puwersang laban sa Diyos ay tumitigil sa pag-iral.

3 Ang pagpasok ng Diyos sa kapahingahan ay nangangahulugan na hindi na Niya isasakatuparan ang Kanyang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Ang pagpasok ng sangkatauhan sa kapahingahan ay nangangahulugan na ang buong sangkatauhan ay mabubuhay sa loob ng liwanag ng Diyos at sa ilalim ng Kanyang mga pagpapala; wala na ang pagtiwali ni Satanas, ni mangyayari man ang anumang bagay na di-matuwid. Ang sangkatauhan ay mamumuhay nang normal sa lupa, at mamumuhay sila sa ilalim ng pangangalaga ng Diyos. Kapag ang Diyos at ang tao ay magkasamang pumasok sa kapahingahan, ito ay mangangahulugan na ang sangkatauhan ay nailigtas na at si Satanas ay nawasak na, ang gawain ng Diyos sa gitna ng tao ay lubusang natapos na. Hindi na magpapatuloy sa paggawa ang Diyos sa gitna ng tao, at ang tao ay hindi na mamumuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas. Kaya, ang Diyos ay hindi na magiging abala, at ang tao ay hindi na magmamadali; ang Diyos at ang tao ay sabay na papasok sa kapahingahan.

Hango sa “Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Kapag Namahinga na ang Sangkatauhan

Sumunod:Ang Inihahanda ng Diyos para sa Sangkatauhan ay Hindi Maiisip ng Tao

Baka Gusto Mo Rin

  • Ang Dapat Hanapin ng mga Naniniwala sa Diyos

    I Gaano karaming gawain ang nagawa ng Diyos sa iyo? Gaano na ang iyong napagdaanan at natikman? Siya'y sinusubukan ka, dinidisiplina ka. Isinasagawa…

  • Kayhirap ng Gawain ng Diyos

    I Ang mga hakbang ng gawain ng Diyos sa lupa ay may kasamang malaking paghihirap. Ang kahinaan, kakulangan, batang isip, at kamangmangan ng tao at la…

  • Panahon

    I Isang malungkot na kaluluwa ang naglakbay mula sa malayo, sinusuri ang bukas, hinahanap ang lumipas, masipag na gumagawa, at naghahangad ng isang pa…

  • Hindi Ibinibigay ng mga Tao ang Kanilang Puso sa Diyos

    1 Tumatayo Ako sa ibabaw ng sansinukob sa bawat araw, nagmamasid, at mapagpakumbabang itinatago ang Aking Sarili sa Aking dakong tahanan upang maranas…