Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

703 Ang Paghatol ng Diyos ay Naghahayag ng Kanyang Katuwiran at Kabanalan

1 Ang Aking sinasabi sa kasalukuyan ay upang hatulan ang mga kasalanan ng mga tao at ang kanilang pagiging hindi matuwid; iyon ay pagsumpa sa pagiging mapanghimagsik ng mga tao. Ang kanilang panlilinlang at kabuktutan, at kanilang mga salita at mga pagkilos, lahat ng bagay na hindi naaayon sa Kanyang kalooban ay sasailalim sa paghatol, at ang pagiging mapanghimagsik ng mga tao ay tinukoy na makasalanan. Siya ay nagsasalita alinsunod sa mga panuntunan ng paghatol, at ibinubunyag Niya ang Kanyang matuwid na disposisyon sa pamamagitan ng paghatol sa kanilang pagiging hindi matuwid, pagsumpa sa kanilang pagiging mapanghimagsik, at pagbunyag sa lahat ng kanilang mga pangit na mukha. Kinakatawan ng Kanyang kabanalan ang Kanyang matuwid na disposisyon; sa katunayan ang Kanyang kabanalan ay ang Kanyang matuwid na disposisyon. Ang pinagmumulan ng Aking mga salita sa kasalukuyan ay pagsasalita, paghatol, ang paggawa ng gawain ng panlulupig batay sa inyong tiwaling mga disposisyon. Ito lamang ang totoong gawain, at ito lamang ang makapaglalagay sa kabanalan ng Diyos sa kapahingaan.

2 Dahil sa mga paghatol na ito kaya ninyo nakita na ang Diyos ay isang matuwid na Diyos, na ang Diyos ang banal na Diyos. Dahil sa Kanyang kabanalan at katuwiran kaya Niya kayo nahatulan at kaya Siya nagalit sa inyo. Dahil maaari Niyang ihayag ang Kanyang matuwid na disposisyon kapag nakikita Niya ang pagkasuwail ng sangkatauhan, at dahil maaari Niyang ihayag ang Kanyang kabanalan kapag nakikita Niya ang karumihan ng sangkatauhan, sapat ito para ipakita na Siya ang Diyos Mismo na banal at walang dungis, ngunit isinilang din sa isang maruming lupain. Kung Siya ay naging isang taong dinudungisan ang sarili pati na ang iba at kung wala Siyang anumang mga elemento ng kabanalan o matuwid na disposisyon, hindi Siya magiging karapat-dapat na humatol sa kasamaan ng sangkatauhan o maging hukom ng sangkatauhan. Kung hahatulan ng tao ang tao, hindi ba parang pagsampal sa sarili nilang mukha, na kasindumi nila? Ang Isang tanging makakahatol sa lahat ng maruming sangkatauhan ay ang banal na Diyos Mismo, at paano mahahatulan ng tao ang mga kasalanan ng tao?

Hango sa “Paano Namumunga ang Ikalawang Hakbang ng Gawain ng Panlulupig” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Protektado Kayo Dahil Kayo ay Kinastigo at Hinatulan

Sumunod:Ang Katotohanan Tungkol sa Gawain ng Pamamahala ng Diyos sa mga Tao

Baka Gusto Mo Rin