78 Ang Mamasdan ang Larawan ng Anak ng Tao sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo

1 Sa mga pagdagsa ng mga pagkastigo at paghatol, ipinapahayag ng Anak ng tao ang Kanyang likas na disposisyon sa pamamagitan ng mga pagbigkas, na nagtutulot sa lahat ng tumatanggap ng Kanyang pagkastigo at paghatol na makita ang tunay na mukha ng Anak ng tao, na isang matapat na paglalarawan ng mukha ng Anak ng tao na nakita ni Juan. (Siyempre pa, lahat ng ito ay hindi makikita ng mga hindi tumatanggap sa gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian.) Ang tunay na mukha ng Diyos ay hindi maaaring ganap na bigkasin nang maliwanag gamit ang pananalita ng tao, kaya nga ginagamit ng Diyos ang paraan ng Kanyang pagpapahayag sa Kanyang likas na disposisyon upang ipakita sa tao ang Kanyang tunay na mukha. Na ibig sabihin ay lahat ng nagpahalaga sa likas na disposisyon ng Anak ng tao ay nakita na ang tunay na mukha ng Anak ng tao, sapagkat napakadakila ng Diyos at hindi maaaring lubos na mabigkas nang maliwanag gamit ang pananalita ng tao.

2 Kapag naranasan na ng tao ang bawat hakbang ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian, malalaman niya ang tunay na kahulugan ng mga salita ni Juan nang banggitin niya ang Anak ng tao sa mga ilawan: “Ang Kaniyang ulo at ang Kaniyang buhok ay mapuputing gaya ng balahibong maputi ng tupa, gaya ng niebe; at ang Kaniyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy; At ang Kaniyang mga paa ay katulad ng tansong binuli, na gaya ng dinalisay sa isang lutuang-bakal; at ang Kaniyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig. At sa Kaniyang kanang kamay ay may pitong bituin: at sa Kaniyang bibig ay lumabas ang isang matalas na tabak na may dalawang talim: at ang Kaniyang mukha ay gaya ng araw na sumisikat ng matindi.” Noong panahong iyon, malalaman mo nang walang anumang pagdududa na ang ordinaryong katawan na ito na napakaraming nasabi ay hindi maikakailang ang pangalawang Diyos na nagkatawang-tao. Bukod pa riyan, madarama mo talaga kung gaano ka kapalad, at madarama mo sa sarili mo na ikaw ang pinakamapalad. Hindi ka ba handang tanggapin ang pagpapalang ito?

Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita

Sinundan: 77 Ang Paghatol ng Diyos ay Nagpapakita ng Kanyang Katuwiran at Kabanalan

Sumunod: 79 Ang Gawain ng Paghatol ay Dapat Gawin ng Diyos Mismo

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

610 Tularan ang Panginoong Jesus

ⅠTinapos ni Jesus ang misyon ng Diyos,ang pagtubos sa lahat ng taosa paglalagak sa Diyos ng alalahanin N’ya,nang walang pansariling layunin...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito