86. Ano ang Idinulot sa Akin ng Paghahangad ng Isang Perpektong Pag-aasawa?

Ni Zhou Xiaoou, Tsina

Noong 2012, tinanggap namin ng asawa ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Madalas kaming magkasamang nagtitipon at nagbabasa ng mga salita ng Diyos, at masaya’t makabuluhan ang bawat araw. Pagkalipas ng dalawang taon, nahalal ako bilang lider ng iglesia. Dahil abala ako sa mga tungkulin ko at nabawasan ang oras ko sa bahay, medyo hindi natuwa ang asawa ko, sinasabing hindi ko na raw inaasikaso ang pamilya at wala na akong pakialam sa kanya. Kahit na alam kong ganap na likas at may katwiran na gawin ang tungkulin ng isang nilikha, pakiramdam ko rin ay may punto ang sinabi ng asawa ko, at na dapat kong tuparin ang responsabilidad ko bilang asawa at alagaan nang mabuti ang asawa at anak ko para magkaroon kami ng masayang buhay may-asawa at perpektong pamilya. Kaya, kapag nasa bahay ako, gumagawa ako ng maraming gawaing-bahay at nagluluto ng masarap na pagkain para sa asawa ko, pinagsisikapan na maging isang mabuting mister. Minsan, dahil sa sobrang abala sa mga tungkulin ko, hindi ko na masyadong naaasikaso ang asawa ko, at pagkatapos, ginagawa ko ang lahat para makabawi, dahil takot ako na maaapektuhan ng kawalan niya ng kasiyahan ang mga damdamin sa pagitan namin. Kalaunan, naging mangangaral ako, at lalo pang nabawasan ang oras ko para makasama ang asawa ko sa bahay. Minsan, dahil abala sa mga tungkulin, ilang araw akong magkakasunod na nawawala sa bahay, at nagrereklamo ang asawa ko tungkol sa akin. Kahit na hindi naman naantala ang mga tungkulin ko dahil dito, sa puso ko ay palagi pa rin akong nakokonsensiya sa asawa ko. Kaya bago ako umalis, maaga ko na siyang ipinaghahanda ng pagkain, at pag-uwi ko, ginagawa ko ang lahat para matugunan anuman ang hilingin niya o hindi kaya ay inilalabas siya. Naisip ko na ito ang tanging paraan para gawin kung ano ang dapat gawin ng isang mabuting mister at para gawing masaya ang buhay may-asawa namin.

Kalaunan, lubos nang nakatuon ang asawa ko sa paghahangad ng pera at mga makamundong kalayawan, at iniraraos niya ang araw-araw sa pagkain, pag-inom, at pakikipagsaya sa mga kaibigan. Hindi lang niya pinabayaan ang pamilya, madalas pa siyang pumunta sa mga bar. Habang pinanonood kong lalong nalulugmok sa kasamaan ang asawa ko, nagsimula akong mag-alala na gumugugol ng napakaraming oras ang asawa ko kasama ang mga taong ito na hindi na niya magawang labanan ang tukso at pagtaksilan niya ako. Hindi ba at masisira lang ang pamilyang pinaghirapan kong buuin? Madalas kong kinakausap nang masinsinan ang asawa ko at binabasahan siya ng mga salita ng Diyos, umaasa akong lalayuan niya ang mga magugulong lugar na iyon. Papayag siya sa salita, pero pagkatapos, walang kahit na anong pagbabago. Unti-unti, paunti nang paunti ang napag-uusapan naming mag-asawa, at pag-uwi ko, hindi niya ako kinikibo. Madalas akong mag-alala tungkol sa kung pinagtaksilan na ba ako ng asawa ko. Lalo na kapag umuuwi ako at nakikita kong walang tao sa bahay, palagi kong nararamdaman sa puso ko na mag-isa ako. Naisip ko na ang pinagsamahan naming mag-asawa sa loob ng maraming taon ay maaaring masira, at napuno ng matinding pasakit at pagdurusa ang puso ko. Kung kailan nakakulong na ako sa pasakit at hindi na makawala, isang araw noong Agosto 2020, nakatanggap ako ng sulat mula sa lider, sinasabing ang katuwang kong si Brother Wang Qiang ay inaresto ng mga pulis, na nakakuha ng surveillance footage at iniimbestigahan ang mga tao na nakaugnayan niya, at na kailangan kong umalis agad ng bahay at magtago. Sa harap ng biglaang balitang ito, noong una ay hindi ko malaman kung ano ang gagawin. Naisip ko na kung aalis ako, hindi ko na maaalagaan pa ang asawa at anak ko, at baka masira pa ang pamilya. Labis akong nasaktan sa loob-loob ko. Pero kung hindi ako aalis, haharapin ko ang pagkakaaresto at pagpapahirap. Sa huli, nagpasya pa rin akong umalis ng bahay. Pagkalipas ng dalawang buwan, nakatanggap ako ng sulat mula sa pamilya ko, na nagsasabing ilang araw na ang nakararaan, pitong pulis ang biglang pumasok sa bahay namin para arestuhin ako, at nang hindi nila ako makita, inaresto nila ang ate ng asawa ko. Dahil sa pagsasaalang-alang sa aking kaligtasan, kinailangan kong pumunta sa ibang lugar para magtago.

Isang araw noong Hulyo 2023, nakatanggap ako ng sulat mula sa bahay, na nagsasabing namalayan ng asawa kong tatlong taon na akong wala, kaya naghahanda na siyang makipagdiborsiyo at magpakasal sa iba. Kahit na maraming beses kong naisip na baka hindi na ako hintayin ng asawa ko, nang talagang mangyari ito sa akin, wala pa rin akong lakas ng loob na harapin ito. Naisip ko, “Kapag nasira na ang kasal namin, hindi ba’t mawawala na ang tahanang pinaghirapan kong buuin sa loob ng maraming taon? Labing-isang taon na kaming kasal ng asawa ko, at mayroon kaming isang kaibig-ibig na anak na babae. Napakaraming masasaya at maliligayang sandali ang pinagsamahan namin. Kung magdidiborsiyo kami, paano na ako mabubuhay nang mag-isa?” Sa gabi, nakahiga ako sa kama pero hindi ako makatulog, iniisip kung paanong magdurusa rin ang anak ko sa hinaharap. Napuno ng pasakit at pagkabagabag ang puso ko, at sumagi sa isip ko ang ideyang umuwi para isalba ang aming buhay may-asawa. Pero tinutugis ako ng mga pulis, at sa halos tatlong taon na nalayo ako sa bahay, ilang beses nagmanman ang mga pulis sa bahay ko, at binabantayan din ng mga pulis ang telepono ng asawa ko. Kung padalos-dalos akong uuwi, bukod sa mahuhuli ako, makapagdudulot pa ako ng gulo sa iglesia. Isa pa, ginagawa ko ang mga tungkulin ko, kaya kung umalis ako, pagtalikod iyon sa aking mga tungkulin at pagkakanulo sa Diyos. Batay sa katwiran, alam kong hindi ako puwedeng umuwi, pero ang hindi pag-uwi ay mangangahulugan ng pagkasira ng pagsasama naming mag-asawa. Sa gitna ng aking pasakit, sumulat ako sa asawa ko para pakiusapang manatili siya, umaasang maiintindihan niya ang mga paghihirap ko. Kahit pagkatapos kong isulat ang liham, alam kong marahil ay walang magiging epekto sa asawa ko ang mga taos-puso kong salita. Sobrang sakit ang naramdaman ko sa puso ko, kaya nagdasal ako sa Diyos.

Kalaunan, nabasa ko ang mga salita ng Diyos, at naunawaan ko kung paano tratuhin ang buhay may-asawa at pamilya. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Huwag mong kalimutan kailanman na ikaw ay isang nilikha, na ang Diyos ang nag-akay sa iyo sa buhay patungo sa sandaling ito, na ang Diyos ang nagbigay sa iyo ng buhay may-asawa, ang nagbigay sa iyo ng pamilya, at na ang Diyos ang nagkaloob sa iyo ng mga responsabilidad na dapat mong tuparin sa loob ng balangkas ng buhay may-asawa, at na hindi ikaw ang pumili ng buhay may-asawa, hindi ka nag-asawa nang bigla-bigla na lang, o na kaya mong panatilihin ang iyong kaligayahan sa buhay may-asawa sa pamamagitan ng pag-asa sa sarili mong mga abilidad o lakas. Malinaw Ko na ba itong naipaliwanag ngayon? (Oo.) Naiintindihan mo na ba kung ano ang dapat mong gawin? Malinaw na ba sa iyo ang landas? (Oo.) Kung walang di-pagkakatugma o kontradiksiyon sa pagitan ng mga responsabilidad at obligasyon na dapat mong tuparin sa buhay may-asawa at sa iyong tungkulin at misyon bilang isang nilikha, kung gayon, sa gayong mga sitwasyon, dapat mong tuparin ang iyong mga responsabilidad sa loob ng balangkas ng buhay may-asawa sa paraang dapat tuparin ang mga ito, at dapat mong tuparin nang maayos ang iyong mga responsabilidad, pasanin ang mga responsabilidad na dapat mong pasanin, at huwag subukang iwasan ang mga ito. Dapat kang maging responsable sa iyong kabiyak—sa kanilang buhay, mga damdamin, at sa lahat ng bagay tungkol sa kanila. Gayumpaman, kapag may pagkakasalungat sa pagitan ng mga responsabilidad at obligasyon na iyong pinapasan sa loob ng balangkas ng buhay may-asawa at sa iyong misyon at tungkulin bilang isang nilikha, kung gayon, ang iyong dapat bitiwan ay hindi ang iyong tungkulin o misyon kundi ang iyong mga responsabilidad sa loob ng balangkas ng buhay may-asawa. Ito ang ekspektasyon ng Diyos sa iyo, ito ang atas ng Diyos sa iyo, at siyempre, ito ang hinihingi ng Diyos sa sinumang lalaki o babae. Kapag nagawa mo na ito ay saka ka lamang maghahangad sa katotohanan at susunod sa Diyos. Kung hindi mo kayang gawin ito at hindi mo kayang magsagawa sa ganitong paraan, ikaw ay isang mananampalataya sa pangalan lamang, hindi ka sumusunod sa Diyos nang may tapat na puso, at hindi mo hinahangad ang katotohanan. … Sinasabi ng ilang tao, ‘Kung mangingibang-bansa ako para gawin ang aking tungkulin, kakailanganin kong talikuran ang aking pamilya. Hindi ko na ba kailanman makikitang muli ang aking asawa? Hindi ba’t kakailanganin naming mamuhay nang magkahiwalay sa magkaibang lugar? Masisira ba ang aming buhay may-asawa? Paano ako mabubuhay kung wala ang aking asawa kung gayon?’ Dapat mo bang isipin kung ano ang magiging kinabukasan mo? Ano ang bagay na pinakadapat mong isipin? Kung gusto mong maging isang taong naghahangad sa katotohanan, ang pinakadapat mong isipin ay kung paano bibitiwan ang ipinabibitiw sa iyo ng Diyos at kung paano isasakatuparan ang ipinapasakatuparan sa iyo ng Diyos. Kahit na hindi ka makapag-asawa at wala ang iyong kapareha sa iyong tabi sa hinaharap, mabubuhay ka pa rin hanggang sa iyong mga huling taon at mamumuhay nang maayos. Gayumpaman, kung tatalikuran mo ang pagkakataong ito na gawin ang iyong tungkulin, katumbas iyon ng pagtalikod mo sa tungkuling dapat mong gawin at sa misyon na ipinagkatiwala sa iyo ng Diyos. Para sa Diyos, hindi ka magiging isang taong naghahangad sa katotohanan, isang taong tunay na nagnanais sa Diyos, o isang taong naghahangad ng kaligtasan. Kung aktibo mong tatalikuran ang iyong pagkakataon at karapatang makamit ang kaligtasan, tatalikuran ang iyong misyon, at sa halip ay pipiliin mo ang buhay may-asawa, pipiliing mamuhay kasama ang iyong asawa, pipiliing samahan at bigyang-kasiyahan siya, at pipiliing panatilihin ang integridad ng iyong buhay may-asawa, sa huli ay tiyak na may mawawala sa iyo habang may nakakamit ka. Nauunawaan mo naman kung ano ang mawawala sa iyo, hindi ba?(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Hangarin ang Katotohanan (10)). “Binigyan ka ng Diyos ng isang matatag na buhay at ng isang kabiyak para lamang mamuhay ka nang mas maayos at mayroong mag-aalaga sa iyo, upang mayroon kang kapiling, hindi upang makalimutan mo ang Diyos at ang Kanyang mga salita o talikuran mo ang iyong obligasyon na gawin ang iyong tungkulin at ang iyong layon sa buhay na hangarin ang kaligtasan kapag may asawa ka na, at pagkatapos ay mamumuhay ka para sa iyong asawa. Kung talagang kikilos ka nang ganito, kung talagang mamumuhay ka nang ganito, kung gayon ay umaasa Ako na magbabago ka ng landas sa lalong madaling panahon. Gaano man kahalaga sa iyo ang isang tao, o gaano man siya kahalaga sa iyong buhay, sa iyong pamumuhay, o maging sa landas ng iyong buhay, hindi siya ang iyong destinasyon dahil siya ay isa lamang tiwaling tao. Isinaayos ng Diyos ang iyong kasalukuyang asawa para sa iyo, at maaari kang mamuhay kasama siya. Kung isasaayos ng Diyos ang ibang tao para sa iyo, maaari ka pa ring mamuhay nang maayos, kaya naman, ang iyong kasalukuyang kabiyak ay hindi ang iyong natatangi, ni hindi siya ang iyong destinasyon. Tanging sa Diyos lamang maaaring ipagkatiwala ang iyong destinasyon, at tanging sa Diyos lamang maaaring ipagkatiwala ang destinasyon ng sangkatauhan. Maaari ka pa ring mabuhay kung iiwan mo ang iyong mga magulang, at siyempre, maaari ka pa ring mamuhay nang maayos kung iiwan mo ang iyong kabiyak. Ang iyong mga magulang at ang iyong kabiyak ay hindi ang iyong destinasyon. Huwag mong kalimutan ang pinakamahalagang bagay sa buhay, ang usapin ng pag-aatas sa iyo ng Diyos na gawin ang iyong tungkulin, dahil lang sa mayroon kang asawa, isang kapareha: isang lugar na mapagpapahingahan ng iyong puso at ng iyong laman. Kung makakalimutan mo ang Diyos, makakalimutan kung ano ang ipinagkatiwala Niya sa iyo na gawin, makakalimutan ang tungkulin na dapat gawin ng isang nilikha, at makakalimutan kung ano ang iyong pagkakakilanlan, kung gayon ay ganap ka nang walang konsensiya at katwiran(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Hangarin ang Katotohanan (11)). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang pag-aasawa, pamilya, at mga anak ay pawang mga kaloob mula sa Diyos, at ibinigay ng Diyos ang mga ito sa mga tao para hindi nila maramdamang mag-isa sila, at para maalagaan at masamahan ng mag-asawa ang isa’t isa para mas maging maayos ang buhay, pero hindi para ituring ng mga tao ang kanilang asawa bilang hantungan ng kanilang buhay, o ituring ang pagpapanatili ng pamilya o pagsasama ng mag-asawa bilang layon sa buhay. Pero hindi ko naunawaan ang katotohanan, at inakala kong ang kabiyak ko ang hantungan ko at ang kaligayahan sa buhay may-asawa ang layon na dapat kong hangarin sa buhay. Dahil kulang ako sa pagmamahal ng mga magulang ko at sa init ng isang pamilya noong bata pa ako, paglaki ko, inasam ko ang init at kaligayahan ng isang pamilya. Pagkatapos kong pakasalan ang asawa ko, naranasan ko ang pagmamahal ng asawa ko at ang kaligayahan at kagalakang dulot ng anak ko, at lalo akong nakumbinsi na ang pagkakaroon ng perpektong pamilya ay isang napakagandang bagay. Kaya, nang marinig kong gusto ng asawa kong makipagdiborsyo, nadurog ang puso ko, at pakiramdam ko ay hindi ko na kayang mabuhay nang wala ang pagsasama naming mag-asawa at ang pamilya. Naisip ko pa ngang talikuran ang mga tungkulin ko at umuwi ng bahay para lang maisalba ang aming pagsasamang mag-asawa. Noon ko lang napagtanto na mas mahalaga pala sa akin sa puso ko ang pag-aasawa kaysa sa Diyos at sa paggawa ng tungkulin ng isang nilikha. Ang totoo, binigyan ako ng Diyos ng asawa at pamilya, at binigyan ako ng responsabilidad ng pamilya, pero hindi layunin ng Diyos na talikuran ko ang mga tungkulin ko pagkatapos kong magpakasal. Sa lahat ng oras, ang paghahangad sa katotohanan at paggawa sa tungkulin ko bilang isang nilikha ay ang mga bagay na dapat kong gawin, at ang mga pinakamahalagang bagay. Naisip ko kung gaano karaming misyonerong Kanluranin, na para maipakalat ang ebanghelyo ng Panginoon, ay kusang isinuko ang pag-aasawa, mga trabaho, at magiginhawang buhay, at naglakbay nang libo-libong milya papuntang Tsina para ipangaral ang ebanghelyo, at kung paanong dahil sa kanila, lumaganap ang ebanghelyo ng Panginoong Jesus sa buong Tsina. Natamasa ko ang pagdidilig at pagtustos ng napakaraming salita ng Diyos, pero ano ba ang nagawa ko para sa Diyos? Nang sabihin ng asawa ko na gusto niyang makipagdiborsyo, ang una kong inisip ay na pagkatapos ng diborsyo, kung wala ang aming pamilya, magdurusa ang anak ko, at hindi ko na matatamasa ang init at kaligayahang dulot ng pamilya. Napuno ng pasakit at pighati ang puso ko, at naisip kong talikuran ang mga tungkulin ko para umuwi at isalba ang pagsasama naming mag-asawa. Puro sarili ko lang na mga interes ang iniisip ko, at wala akong pakialam sa layunin ng Diyos. Kung ikukumpara sa mga misyonerong Kanluraning iyon, lubos akong walang konsensiya at puno ng pagkamakasarili, at hindi ako karapat-dapat sa lahat ng taon ng paggabay at pagtustos ng Diyos na natanggap ko. Nang maisip ko ito, lubha akong nakonsensiya, at naisip kong hindi na ako dapat mag-alala o maligalig tungkol sa buhay ko sa hinaharap. Ang pinakamahalaga sa puntong ito ay ang isipin kung paano ko matutupad nang maayos ang mga tungkulin ko. Kalaunan, tumuon na ako sa aking mga tungkulin.

Makalipas ang isang buwan, nakatanggap ako ng sulat mula sa biyenan ko, na nagsasabing nalaman daw ng bayaw ko sa mga koneksiyon niya sa loob na malamang ay wala ako sa wanted list, at hinahanap lang daw ako ng mga pulis para arestuhin. Basta’t umalis ako sa lugar namin, hindi ko na raw kailangang patuloy na magtago. Ang asawa at anak ko, pati ang biyenan ko, ay nasa ibang probinsiya lahat, at tinanong ako ng biyenan ko kung gusto ko raw bang pumunta roon. Sa isip-isip ko, “Kung makababalik ako sa asawa at anak ko, hindi magkakawatak-watak ang pamilya ko, at mararanasan ng anak ko ang init ng isang pamilya.” Pero bigla kong naalala na nanalangin ako sa Diyos na paninindigan ko ang mga tungkulin ko. Ang bitiwan ang mga tungkulin ko at bumalik para isalba ang pagsasama naming mag-asawa ngayon ay magiging panlilinlang sa Diyos! Bukod pa roon, walang sinumang mas angkop na gumawa ng tungkuling ito kaysa sa akin. Kung aalis ako, siguradong maaapektuhan ang gawain. Sa mga sandaling iyon, napagtanto ko na ang pagtanggap ko sa sulat ng biyenan ko noong araw na iyon ay isang pagsubok para sa akin, para makita kung ano ang pipiliin ko. Kailangan kong piliing mapalugod ang Diyos at unahin ang mga tungkulin ko. Kaya, nanalangin ako sa Diyos, “O Diyos, medyo nanghihina ang puso ko, at gusto kong bumalik para isalba ang pagsasama namin, pero alam kong hindi ko puwedeng talikuran ang mga tungkulin ko, at lalong hindi Kita puwedeng ipagkanulo. O Diyos, pakiusap, gabayan Mo ako na makapanindigan sa aking patotoo.”

Kalaunan, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos at nahanap ko kung paano magsagawa. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Namumuhay ang mga tao sa isang materyal na mundo, at bagama’t sumusunod ka sa Diyos, hindi mo kailanman nakikita o nararanasan kung paano nagtutustos ang Diyos para sa iyo, nagmamahal, at nagpapakita ng malasakit para sa iyo. Kaya ano ang nakikita mo? Nakikita mo ang mga kamag-anak mo sa dugo na nagmamahal sa iyo o lubos na nag-aalala para sa iyo, nakikita mo ang mga bagay na kapaki-pakinabang sa iyong laman, at inaalala mo ang mga tao at mga bagay na mahal mo. Ito ang tinatawag na pagiging hindi makasarili ng tao. Ngunit ang mga ganitong ‘hindi makasariling’ tao ay hindi kailanman nagbibigay-pansin sa Diyos na nagkakaloob sa kanila ng buhay. Kung ihahambing sa pagiging hindi makasarili ng Diyos, ang pagiging ‘hindi makasarili’ ng tao ay nagiging makasarili at kasuklam-suklam. Ang pagiging ‘hindi makasarili’ na pinaniniwalaan ng tao ay hungkag at hindi makatotohanan, may halo, hindi tumutugma sa pagiging hindi makasarili ng Diyos, at hindi kaugnay sa Diyos. Ang pagiging ‘hindi makasarili’ ng tao ay para sa sarili niya, samantalang ang pagiging hindi makasarili ng Diyos ay isang tunay na pagbubunyag ng Kanyang diwa. Dahil mismo sa pagiging hindi makasarili ng Diyos na patuloy Niyang tinutustusan ang tao. Maaaring hindi kayo gaanong apektado ng paksang tinatalakay Ko sa araw na ito at tumatango lamang sa pagsang-ayon, ngunit kapag sinusubukan mong danasin ang puso ng Diyos sa iyong puso, matutuklasan mo ito nang hindi sinasadya: Sa lahat ng tao, pangyayari, at bagay na nadarama mo sa mundong ito, tanging ang pagiging hindi makasarili ng Diyos ang totoo at kongkreto, dahil ang pag-ibig lamang ng Diyos para sa iyo ang walang pasubali at walang dungis. Bukod sa Diyos, ang tinatawag na pagiging hindi makasarili ng sinuman ay huwad, mababaw, hindi tunay; mayroon itong mga partikular na layon, mga partikular na intensiyon, may kasamang transaksiyon, at hindi kakayanin ang pagsubok. Maaari pa nga ninyong sabihin na ito ay marumi at kasuklam-suklam. Sang-ayon ba kayo sa mga salitang ito?(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I). Bawat pangungusap ng salita ng Diyos ay tumagos sa puso ko, lalo na ang mga salitang ito ng Diyos: “Namumuhay ang mga tao sa isang materyal na mundo, at bagama’t sumusunod ka sa Diyos, hindi mo kailanman nakikita o nararanasan kung paano nagtutustos ang Diyos para sa iyo, nagmamahal, at nagpapakita ng malasakit para sa iyo. Kaya ano ang nakikita mo? Nakikita mo ang mga kamag-anak mo sa dugo na nagmamahal sa iyo … at inaalala mo ang mga tao at mga bagay na mahal mo.” Totoo ang sinasabi ng Diyos. Mula nang tugisin ako ng mga pulis ng CCP, ang mga kapatid ang palaging nagpapatuloy sa akin, at kahit may banta ng panganib, inililipat nila ako sa ibang lugar. Pagmamahal lahat ito ng Diyos. Lalo na noong kaaalis ko lang sa bahay, madalas kong naiisip ang asawa at anak ko, at napupuno ng pasakit at panghihina ang puso ko. Ang mga salita ng Diyos ang patuloy na nagdilig at nagbigay-liwanag sa akin, na nagbigay-daan sa aking maunawaan ang katotohanan at magkaroon ng pananalig na magpatuloy. At sa mga nakalipas na taon habang ginagawa ko ang tungkulin ko, naghanda ang Diyos ng iba’t ibang tao, pangyayari, at bagay para sa akin, na nagbibigay-daan sa akin na maranasan ang mga salita ng Diyos at magkaroon ng kaunting pag-usad sa buhay. Napakarami ko nang natanggap mula sa Diyos! Pero nang makatanggap ako ng sulat mula sa bahay na nagsasabing hindi ako wanted at puwede akong pumunta sa ibang lugar para muli silang makasama, ang una kong naisip ay ang asawa at anak ko. Naisip ko na basta’t makabalik ako sa asawa ko, maililigtas ko ang pagsasama naming mag-asawa. Kaya hindi ko mapigilang matuwa, at sabik na sabik na akong bumalik agad sa pamilya ko. Pinatunayan nito na tanging ang asawa at anak ko ang nasa puso ko: Walang puwang ang Diyos sa puso ko. Sa pag-iisip kung gaano kadakila ang pagmamahal ng Diyos sa akin, at kung paanong halos wala akong naisukli sa Diyos, labis akong nakonsensiya at nagsisi sa puso ko. Hindi ko napigilang umiyak dahil sa nadarama kong pagkakautang, at kinamuhian ko ang sarili ko sa pagiging sobrang makasarili at walang pagkatao. Ang pagmamahal ng Diyos sa sangkatauhan ay taos-puso, walang pag-iimbot, at banal, walang anumang karumihan o hinihinging kapalit. Pero ang pagmamahal ng tao ay pawang transaksiyonal at marumi, at puno ng mga huwad na damdamin, at pagkamakasarili. Tulad noong gusto kong umuwi para isalba ang pagsasama namin, may mga personal na intensyon sa likod nito. Nag-alala akong mamumuhay akong mag-isa pagkatapos masira ang pagsasama namin, at hindi ko na muling matatamasa ang init at kaligayahang dulot ng pamilya. Ang kagustuhan ng asawa kong makipagdiborsyo ay batay din sa pag-aalala niya sa kanyang kinabukasan. Noong nasa bahay ako, madalas sabihin ng asawa ko, “Kung hindi lang dahil sa pag-aalaga mo sa akin at sa mabuting pakikitungo mo, matagal na sana kitang iniwan.” Ngayon, nagkatotoo na ang mga salitang ito. Dahil hindi ko siya laging nasasamahan, malapit na niya akong iwan. Ang pagmamahal ng asawa ko sa akin ay hindi kailanman naging totoo. May mga kondisyon ito. Kasabay nito, naisip ko rin, “Hindi naghahangad ng katotohanan ang asawa ko at sa halip ay nakatuon siya sa mga makamundong kalakaran. Madalas siyang magsalita ng mga negatibong bagay sa harap ko, pinipigilan ako, at humihingi sa akin ng magandang materyal na buhay. Sa katunayan, isang hindi mananampalataya ang asawa ko. Hinahangad niya ang kayamanan at kalayawan at tinatahak ang landas ng mga tao sa mundo. Samantala, gusto kong sumunod sa Diyos at tahakin ang landas ng paghahangad ng katotohanan. Nakatadhana kaming hindi maging magkaayon, at kung ipipilit naming magsama, mawawalan na nga ng kaligayahan, magdudulot pa ito ng walang katapusang pagdurusa sa akin.” Sariwa pa sa alaala ko ang mga pag-aaway at di-pagkakasundo namin ng asawa ko bago ako umalis ng bahay. Kung pipiliin kong umuwi ngayon, maaaring maisalba ang pagsasama naming mag-asawa, pero magiging katulad lang ako ng dati, tatlong taon na ang nakalipas, bilanggo ng mga damdamin ng laman, at walang pagnanais na hangarin ang katotohanan o gawin ang mga tungkulin ko, lalo na ang maligtas. Bukod pa rito, palagi akong nag-aalala kung paanong masasaktan ang anak kong babae sa aming pagdidiborsyo, o kung paano siya magdaranas ng higit pang paghihirap sa hinaharap. Pero sa totoo lang, hindi ako ang magpapasya ng mga bagay na ito, dahil ang mga magulang ay makapag-aalok lamang ng tulong at pangangalaga sa kanilang mga anak sa pisikal at materyal na aspekto, pero kung paano ang magiging takbo ng kapalaran ng isang anak, anong pagdurusa ang kanyang titiisin, at anong mga pagpapala ang kanyang matatanggap, ay pauna nang inorden at isinaayos ng Diyos. Palagi akong nag-aalala tungkol sa anak ko—ito rin ang kawalan ko ng pananalig sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Pagkatapos maunawaan ang lahat ng ito, naging handa akong ipagkatiwala ang aking anak sa mga kamay ng Diyos. Kalaunan, pinadalhan ako ng biyenan ko ng isang liham na nagsasabing maayos naman ang kalagayan ng anak ko, at natutunan raw nito ang higit sa isang dosenang himno ng iglesia at nakakasayaw pa nga para purihin ang Diyos. Napagtanto kong hindi kailangan ang mga pag-aalala ko. Nanalangin ako sa Diyos, nanunumpa na hindi na ako malilimitahan ng aking buhay may-asawa, at na wasto kong hahangarin ang katotohanan at gagawin ang aking mga tungkulin. Noong Oktubre 2023, nalaman kong tinukoy ang asawa ko bilang isang hindi mananampalataya at pinaalis sa iglesia, pero medyo panatag ang loob ko, at nagpasalamat ako sa Diyos sa pagprotekta sa akin mula sa pagtalikod sa aking mga tungkulin dahil sa kanya.

Pagkatapos, hindi ko maiwasang magnilay-nilay, “Bakit ko palaging itinuturing ang pagkakaroon ng masayang buhay may-asawa at pamilya bilang hangarin ko sa buhay, at ginagawa ang lahat para mapanatili ang mga ito? Ano ang ugat ng problemang ito?” Nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Ang mga mapanirang impluwensiya at pyudal na pag-iisip na naitanim nang malalim sa puso ng tao sa pamamagitan ng libu-libong taon na ‘pambansang diwa’ ay ginapos at kinadena ang mga tao, iniwan silang wala ni gatuldok na kalayaan, walang ambisyon o pagtitiyaga, at walang pagnanais na umusad, sa halip ay pinananatili silang negatibo at paurong, nakabaon sa kaisipan ng isang alipin, at iba pa. Ang mga obhetibong salik na ito ay nag-iwan ng di-mabuburang bakas ng karumihan at kapangitan sa ideolohikal na pananaw, mga adhikain, moralidad, at disposisyon ng sangkatauhan. Tila nakatira ang mga tao sa isang madilim na mundo ng terorismo, at hindi iniisip ng sinuman sa kanila na lagpasan ito, o iniisip na lumipat sa isang ideyal na mundo; sa halip, ginugugol nila ang mga araw nila nang may pakiramdam ng pagkakontento sa kalagayan nila sa buhay: panganganak at pagpapalaki ng mga anak, pagsusumikap, pagpapapawis, pag-aasikaso ng mga trabaho, at pangangarap na magkaroon ng isang maginhawa at masayang pamilya, mapagmahal na buhay may-asawa, ng paggalang ng mga anak, ng kagalakan sa kanilang katandaan, at ng payapang pamumuhay…. Sa loob ng mga dekada, ng libo-libo, sampu-sampung libong taon hanggang sa ngayon, inaaksaya na ng mga tao ang kanilang oras sa ganitong paraan, na walang sinuman ang lumilikha ng pinakamagandang buhay sa lahat ng buhay ng tao, nakatuon lamang sa pagpapatayan, nakikipagkarera para sa kasikatan at pakinabang, at nagpapakana laban sa isa’t isa sa madilim na mundong ito. Sino ang naghanap na sa mga layunin ng Diyos? Mayroon na bang nagbigay-pansin sa gawain ng Diyos? Ang lahat ng bahagi ng mga tao na sinakop ng impluwensiya ng kadiliman ay matagal nang naging kalikasan ng tao, kaya napakahirap na isakatuparan ang gawain ng Diyos, at lalo pang walang pagnanais ang mga tao na bigyang-pansin ang ipinagkatiwala ng Diyos sa kanila ngayon(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok (3)). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na naimpluwensiyahan at nalason ako ng tradisyonal na kultura at mga kaisipan na ikinintal ni Satanas gaya ng “magkahawak kamay at tatanda nang magkasama” at “isang mapagmahal na mag-asawa na sumusuporta sa isa’t isa sa hirap at ginhawa,” tinatrato ang masayang buhay may-asawa at nagkakasundong pamilya bilang mga layon na hinahangad ko, hindi nalalaman kung bakit nabubuhay ang mga tao o kung paano mamuhay sa isang makabuluhan at mahalagang paraan. Naalala ko noong bata pa ako, dahil hindi ako binigyan ng mga magulang ko ng isang mapagkalingang pamilya, naawa ako sa sarili ko, at itinuring kong simbolo ng kaligayahan ang pagsasama-sama ng pamilya. Pagkatapos ng kasal, natamasa ko ang pangangalaga at pagsasaalang-alang ng asawa ko, pati na rin ang kaligayahang dulot ng aking pamilya at anak, kaya gusto kong ilaan ang buong buhay ko sa pagpapanatili ng kaligayahan ng aking buhay may-asawa. Pagkatapos kong manampalataya sa Diyos, ginawa ko ang tungkulin ko sa iglesia, pero ang puso ko ay nasa bahay, at iniisip kong umuwi agad para makasama ang asawa’t anak ko, at iniraraos ko lang ang tungkulin ko. Minsan, sobrang abala ako sa tungkulin ko na napapabayaan ko ang asawa ko, at pag-uwi ko, sinusubukan kong bumawi. Kahit ano pa ang gustong kainin, bilhin, o puntahan ng asawa ko, kahit na hindi makatwiran ang mga hiling niya, ginagawa ko ang lahat para pagbigyan siya. Sinubukan ko ang lahat ng paraan para pasayahin siya. Kalaunan, dahil sa mga pag-aresto ng pulis, hindi ako nakauwi sa loob ng tatlong taon, at gusto ng asawa kong makipagdiborsiyo. Nag-alala ako na kung magdidiborsiyo kami, mawawala ang tahanang pinaghirapan kong buuin, kaya gusto kong umuwi para isalba ang pagsasama naming mag-asawa. Muntik ko pa ngang talikuran ang mga tungkulin ko at ipagkanulo ang Diyos nang dalawang beses. Sa pagbabalik-tanaw, talagang nanganib ako. Ngayon, sa wakas ay malinaw ko nang nakikita na ang mga ideya at pananaw sa paghahangad ng isang masayang buhay may-asawa at nagkakasundong pamilya ay iginagapos ako, na nagtulak sa aking ituring ang buhay may-asawa at pamilya bilang mas mahalaga kaysa sa tungkulin ng mga nilikha, na naging dahilan para hindi ako masyadong makapasok sa katotohanang realidad sa pito o walong taon ng pananampalataya ko sa Diyos, inaaksaya ang maraming oras. Noon, palagi kong pinaniniwalaan na hangga’t mabuti ako sa asawa ko at nagsikap ako para sa pamilyang ito, magiging masaya ang aking buhay may-asawa. Kaya, sinusubukan ko ang lahat ng posibleng paraan para pasayahin ang asawa ko, umaasa na maisalba ang pagsasama naming mag-asawa sa paggawa niyon, pero sa huli, iniwan pa rin ako ng asawa ko. Ang kabaitan ng asawa ko sa akin ay ganap na dahil sa pagsisikap na inilaan ko at sa halagang ibinayad ko para sa kanya, at dahil pa nga sa pagbaba ko ng aking integridad at dignidad para lang mapasaya siya. Pero ngayon na hindi na matamasa ng asawa ko ang kabaitang ipinakita ko sa kanya, pursigido na siyang makipagdiborsyo para makahanap ng iba. Ang aming pagsasamang mag-asawa ay ganap na transaksyonal. Noong mayroong napapala, may pagmamahalan at tamis sa pagitan namin, pero noong wala nang mapakikinabangan, itinulak na ako palayo. Nasaan ang kaligayahan dito? Sa pagbabalik-tanaw sa mga bagay na ito, napagtanto kong ang lahat ng aking pagsisikap at pagsasakripisyo sa loob ng maraming taon ay hindi makapagdudulot sa akin ng tunay na pagmamahal o kaligayahan; sa halip, ang kapalit lang ay pighati at pasakit. Noon ko lang napagtanto na ang ideya ng pagmamahalan ng mag-asawa at kaligayahan sa buhay may-asawa ay isa lamang matamis na pain na ginagamit ni Satanas para iligaw ang mga tao, puro kasinungalingan at panlilinlang. Ang kabayaran ng paghahangad ko sa kaligayahan sa buhay may-asawa sa loob ng maraming taon ay napakalaki at hindi sulit! Nanampalataya ako sa Diyos pero hindi ko hinangad ang katotohanan, at sa halip, hinangad ko lang ang kaligayahan sa buhay may-asawa. Dito, nahulog ako sa mga pakana ni Satanas. Ginugol ko ang lahat ng aking oras at lakas na sinusubukang pasayahin ang asawa ko at panatilihin ang aming pagsasama, na naging dahilan para hindi ko makamit ang katotohanang dapat kong makamit o matupad ang mga tungkuling dapat kong tuparin. Hindi lang nito naantala ang aking paglago sa buhay kundi binigo ko rin ang mga inaasahan ng Diyos. Napakahangal ko talaga!

Kalaunan, nabasa ko ang mga salita ng Diyos, at nagsimula akong magkamit ng kaunting pagkaunawa sa kung ano ang dapat hangarin ng mga tao sa buhay. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Isa kang nilikha—mangyari pa ay dapat mong sambahin ang Diyos at hangaring mamuhay nang makahulugan. Kung hindi mo sasambahin ang Diyos kundi mamumuhay ka sa loob ng iyong maruming laman, hindi ba isang hayop ka lamang na nakasuot ng damit ng tao? Dahil isa kang tao, dapat mong gugulin ang sarili mo para sa Diyos at tiisin ang lahat ng pagdurusa! Dapat mong tanggapin nang masaya at may katiyakan ang kaunting pagdurusang pinagdaraanan mo ngayon at mamuhay ka nang makahulugan, kagaya nina Job at Pedro(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa (2)). “Dapat hangarin ng lahat ng tao na isabuhay ang isang makabuluhang buhay, at hindi dapat masiyahan sa kanilang kasalukuyang mga kalagayan. Dapat nilang maisabuhay ang wangis ni Pedro, at dapat nilang taglayin ang kaalaman at mga karanasan ni Pedro. Dapat nilang hangarin ang mga bagay na mas matatayog at mas malalalim. Dapat nilang hangarin ang isang mas malalim, mas dalisay na pagmamahal sa Diyos, at isang buhay na may halaga at kahulugan. Ito lamang ang buhay; sa ganito lamang sila magiging katulad kay Pedro. Dapat kang tumuon sa kusang pagpasok sa positibong panig, at hindi ka dapat maging pasibo at hayaan ang iyong sarili na umurong dahil kontento ka sa pansamantalang ginhawa, habang kasabay nito ay binabalewala ang mas malalim, mas detalyado, at mas praktikal na mga katotohanan. Dapat kang magtaglay ng praktikal na pagmamahal, at dapat kang humanap ng lahat ng posibleng paraan upang mapalaya ang iyong sarili mula sa dekadente at walang-pakialam na pamumuhay na walang pinagkaiba sa paraan ng pamumuhay ng isang hayop. Dapat mong isabuhay ang isang buhay na may kabuluhan at halaga, at hindi mo dapat linlangin ang iyong sarili o ituring ang iyong buhay na parang isang laruan na dapat paglaruan. Para sa lahat ng may determinasyon at nagmamahal sa Diyos, walang katotohanang hindi maaabot at walang katarungan na hindi nila mapaninindigan. Paano mo dapat ipamuhay ang iyong buhay? Paano mo ba dapat ibigin ang Diyos, at gamitin ang pag-ibig na ito para matugunan ang Kanyang mga layunin? Wala nang mas mahalagang bagay sa iyong buhay. Higit sa lahat, ikaw ay dapat magkaroon ng ganitong uri ng determinasyon at pagtitiyaga, at hindi dapat maging mahina na walang gulugod. Dapat mong matutunan kung paano maranasan ang isang makahulugang buhay, at maranasan ang makahulugang mga katotohanan, at hindi dapat ituring ang iyong sarili nang pabasta-basta sa ganitong paraan. Ang iyong buhay ay lilipas nang hindi mo namamalayan; pagkatapos niyon, magkakaroon ka pa rin ba ng ganitong uri ng oportunidad na mahalin ang Diyos? Maaari bang mahalin ng tao ang Diyos pagkatapos niyang bawian ng buhay? Dapat kang magkaroon ng determinasyon at ng konsensiya na katulad ng kay Pedro; dapat kang mamuhay ng makabuluhang buhay, at hindi mo dapat pinaglalaruan ang iyong sarili. Bilang isang tao, at bilang isang tao na naghahangad sa Diyos, dapat mong isaalang-alang at harapin ang buhay mo nang maingat—isinasaalang-alang kung paano mo dapat ialay ang iyong sarili sa Diyos, kung paano ka magkakaroon ng isang mas makabuluhang pananalig sa Diyos, at dahil sa iniibig mo ang Diyos, paano mo Siya dapat ibigin sa paraang mas dalisay, mas maganda, at mas mabuti(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol). Napakalinaw ng mga salita ng Diyos. Bilang mga mananampalataya, dapat nating hangaring mahalin at sambahin ang Diyos. Tanging ang mamuhay na tulad nina Job at Pedro ang siyang makabuluhan. Naisip ko kung paanong si Pedro, sa kanyang kabataan, ay buong-pusong sumunod sa Diyos, pero umasa ang mga magulang niya na magiging matagumpay siya at magiging isang opisyal. Gayumpaman, hindi niya ginawang layon ang mga ekspektasyon ng kanyang mga magulang, ni hindi niya inalintana kung makakaapekto ba ang kanyang mga pinili sa relasyon niya sa kanyang mga magulang. Sa halip, inilaan niya ang kanyang sarili sa paghahangad na makilala at mahalin ang Diyos, at sa huli, ipinako siya nang patiwarik sa krus para sa Diyos, na naging isang huwaran ng pagmamahal sa Diyos. Nariyan din si Job. Sa mga pagsubok, nawala ang lahat ng kanyang baka, tupa, at mga anak, at napuno ng mga sugat ang kanyang katawan, at sinabi ng kanyang asawa, “Itakwil mo ang diyos, at mamatay ka” (Job 2:9). Nang marinig ni Job ang sinabi ng kanyang asawa, pinanghawakan pa rin niya ang kanyang pananalig sa Diyos, at pinagsabihan niya ang kanyang asawa, tinawag itong isang hangal na babae. Nanindigan siya sa kanyang patotoo para sa Diyos at ipinahiya si Satanas. Mula sa mga karanasan nina Pedro at Job, nakita ko na sa pamamagitan lamang ng paghahangad na makilala at mahalin ang Diyos, maayos na paggawa ng ating mga tungkulin, at paninindigan sa ating patotoo, makatatanggap tayo ng pagsang-ayon ng Diyos. Ito ang tanging paraan para mamuhay nang may sukdulang kabuluhan. Pagkatapos, pinatahimik ko ang aking puso at inilaan ang aking sarili sa aking mga tungkulin, at kasabay nito, nagsanay akong magsulat ng mga artikulo ng patotoong batay sa karanasan. Kalaunan, nalaman kong ang isa sa mga artikulo kong batay sa karanasan ay ginawang video. Dahil nagamit ko ang aking karanasan para magpatotoo sa Diyos, labis akong naantig. Lalo kong naramdaman na ang paghahangad lamang sa katotohanan at pagpapatotoo sa Diyos ang pinakamakabuluhan, at ito lamang ang makapagdudulot ng tunay na kaligayahan at kagalakan.

Noong Pebrero 2024, nakatanggap ako ng sulat mula sa mga magulang ko, na nagsasabing nagsampa ng petisyon sa diborsyo ang asawa ko sa korte. Nang matanggap ko ang balitang ito, medyo kalmado ako, at hindi ako nabagabag o nalungkot sa pakikipagdiborsyo ng asawa ko. Sa halip, naramdaman kong isa itong uri ng pagpapalaya. Ngayon, kaya ko nang bitiwan ang mga pasaning ito at buong-pusong sumunod sa Diyos. Ito ang pagliligtas ng Diyos para sa akin, at nagpapasalamat ako sa Makapangyarihang Diyos mula sa kaibuturan ng aking puso!

Sinundan: 85. Walang Pagkakaiba sa Katayuan o Ranggo sa mga Tungkulin

Sumunod: 87. Ano ang mga Ikinababahala Ko Nang Umiwas Ako sa Aking Mga Tungkulin

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito