85. Walang Pagkakaiba sa Katayuan o Ranggo sa mga Tungkulin

Ni Lei Bing, Tsina

Noong 2023, isinaayos ng mga lider na mangaral ako ng ebanghelyo dahil mahina ang kakayahan ko at hindi ko kinaya ang mga tungkuling nakabatay sa teksto. Noong panahong iyon, pakiramdam ko ay napahiya ako. Naisip ko, “Kung malaman ng mga kapatid ko na natanggal ako dahil sa mahina kong kakayahan, ano na lang kaya ang iisipin nila sa akin?” Sobrang sama ng loob ko. Isang araw, pag-uwi ko galing sa pangangaral ng ebanghelyo, nakatanggap ako ng sulat mula sa mga lider. Sabi nila, kulang sila sa tao at gusto nilang bumalik ako sa lugar kung saan ko dating ginagawa ang tungkulin ko. Napakasaya ko nang makita ko ito, at naisip ko, “Ngayon ay makakagawa na ulit ako ng mga tungkuling nakabatay sa teksto!” Pero nang nagpatuloy ako sa pagbabasa, agad akong nanlumo. Iyon pala, gusto ng mga lider na pumunta ako roon para gawin ang tungkulin ng pagpapatuloy. Lubos akong nadismaya. Sa isip-isip ko, “Wala na. Ang tungkuling ito ng pagpapatuloy sa bahay ay laging ginagawa ng mga mas nakatatandang kapatid. Paano naman ako nauwi sa pagluluto para sa mga tao? Sobrang nakakababa naman nito! Masyadong nakakahiya! Saka, dati, mga tungkuling nakabatay sa teksto ang ginagawa ko, pero ngayon, sa isang iglap, pagpapatuloy na ang ginagawa ko. Paano pa ako makakatingin sa mata ng mga brother na dati kong katuwang? Naging lider ako at gumawa ng mga tungkuling nakabatay sa teksto, at itinuturing akong isang taong may talento ng mga kapatid sa bayan ko. Ano na lang kaya ang iisipin nila sa akin kung malaman nilang nagpapatuloy na ako sa bahay ngayon? Wala na akong mukhang ihaharap!” Nang maisip ko ito, nakaramdam ako ng labis na paglaban, at ayaw kong tanggapin ang tungkuling ito. Gayumpaman, atubili akong sumang-ayon dahil nag-alala ako na baka sabihin ng mga lider na hindi ako masunurin.

Pagdating ko sa tahanang matutuluyan, medyo nahirapan akong tumingin sa mata ng mga brother na kilala ko noon pa; pakiramdam ko ay mas mababa ako. Para maiwasan ang kahihiyan, sinikap kong manatili sa kuwarto ko nang mag-isa hangga’t maaari at bawasan ang pakikisalamuha sa kanila. Kapag nakikita ko silang umaalis para gawin ang mga tungkulin nila pagkatapos kumain, habang ako naman ay abala sa paghuhugas ng pinggan, pagpupunas ng mesa, at pagwawalis, habang ginagawa ko iyon, nagsimula nang sumama ang loob ko. Pakiramdam ko ay para akong isang katulong. Minsan, inihahagis ko na lang sa isang tabi ang walis at hindi ako naglilinis nang ilang araw, at kung minsan, tinutulungan ako ng mga brother sa paglilinis. May isang brother na may problema sa kalusugan at hindi puwedeng kumain ng sobrang anghang, at maraming beses niya akong pinaalalahanan na huwag masyadong anghangan ang luto. Pero, hindi ko ito matanggap nang tama at inakala kong tinatrato nila ako na parang alila, kaya nagalit ako. Kapag nagluluto ako, hindi ako naglalagay ni isang sili, at hinahayaan kong mabulok ang mga sili kaysa kainin para lang mailabas ang sama ng loob ko. Nang makita ang saloobin ko, huminto na sa pagbibigay ng mga suhestiyon sa akin ang aking mga kapatid. Pagkatapos, sinisi ko ang sarili ko at alam kong hindi ko dapat ginawa iyon, pero hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko. Naging lalo akong iresponsable sa tungkulin ko, at kung hindi sobra, kulang naman ang niluluto kong pagkain. Hindi ko tinanong kung nabubusog ba ang mga kapatid, at palagi kong gustong takasan ang tungkuling ito. Pero, natatakot ako na baka sabihin ng mga kapatid na hindi ako nagpapasakop, at kaya hindi ko binanggit ito. Gayumpaman, sumasama ang loob ko sa tuwing kaharap ko na ang mga kaldero’t kawali, at ang paghuhugas. Naisip ko na ang tungkuling ito ay laging ginagawa ng mga mas nakatatandang kapatid, at kung malalaman ng mga kapatid na nakakilala sa akin na isa akong tagapagluto, walang sinumang titingala sa akin. Nang maisip ko ito, talagang hindi ako mapalagay dahil sa matagal ko nang kinikimkim na pagkadismaya. Napagtanto kong mali ang kalagayan ko, at nanalangin ako sa Diyos sa puso ko, “Mahal kong Diyos, alam kong nasa tungkuling ito na sumasapit sa akin ang pahintulot Mo. Nagmamakaawa ako sa Iyo, akayin Mo akong magpasakop!”

Pagkatapos, nagnilay-nilay ako, “Bakit ayaw na ayaw kong gawin ang tungkulin ng pagpapatuloy?” Isang araw sa aking mga debosyonal, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na talagang tumama sa kalagayan ko. Sabi ng Diyos: “Kumpara sa mga ordinaryong tao, mas matindi ang pagmamahal ng mga anticristo sa kanilang reputasyon at katayuan, at isa itong bagay na nakapaloob sa kanilang disposisyong diwa; hindi ito isang pansamantalang interes, o ang lumilipas na epekto ng kanilang paligid—ito ay isang bagay na nasa kanilang buhay, nasa kanilang mga buto, kaya ito ay kanilang diwa. Masasabing sa lahat ng ginagawa ng mga anticristo, ang una nilang isinasaalang-alang ay ang kanilang sariling reputasyon at katayuan, wala nang iba pa. Para sa mga anticristo, ang reputasyon at katayuan ang kanilang buhay, at ang layong hinahangad nila sa buong buhay nila. Sa lahat ng kanilang ginagawa, ang una nilang isinasaalang-alang ay: ‘Ano ang mangyayari sa aking katayuan? At sa aking reputasyon? Ang paggawa ba nito ay magbibigay sa akin ng magandang reputasyon? Itataas ba nito ang aking katayuan sa isipan ng mga tao?’ Iyon ang unang bagay na kanilang iniisip, na sapat na patunay na mayroon silang disposisyon at diwa ng mga anticristo—at dahil dito kaya nila isinasaalang-alang ang mga bagay sa ganitong paraan. Maaaring sabihin na para sa mga anticristo, ang reputasyon at katayuan ay hindi kung anong karagdagang hinihingi lamang, lalong hindi mga bagay na panlabas sa kanila na makakaya nila kahit wala ang mga ito. Bahagi ang mga iyon ng kalikasan ng mga anticristo, iyon ay nasa kanilang mga buto, sa kanilang dugo, ang mga iyon ay likas sa kanila. Ang mga anticristo ay hindi walang pakialam kung sila ba ay nagtataglay ng reputasyon at katayuan; hindi ganito ang kanilang saloobin. Kung gayon, ano ang kanilang saloobin? Ang reputasyon at katayuan ay malapit na nauugnay sa kanilang pang-araw-araw na buhay, sa kanilang pang-araw-araw na kalagayan, sa kung ano ang kanilang hinahangad sa araw-araw. … Masasabi na sa puso ng mga anticristo, ang paghahangad sa katotohanan sa kanilang pananampalataya sa Diyos ay ang paghahangad sa reputasyon at katayuan, at ang paghahangad sa reputasyon at katayuan ay ang paghahangad din sa katotohanan—ang magkamit ng reputasyon at katayuan ay ang makamit ang katotohanan at buhay. Kung nararamdaman nila na hindi sila nagkamit ng kasikatan, pakinabang, o katayuan, na walang tumitingala sa kanila, nagpapahalaga sa kanila, o sumusunod sa kanila, nasisiraan sila ng loob, naniniwala silang wala nang saysay pang manampalataya sa Diyos, wala na itong kabuluhan, at napapaisip sila sa loob-loob nila, ‘Nabigo ba ako sa pananampalataya sa Diyos nang ganito? Wala na ba akong pag-asa?’ Madalas na kinakalkula nila ang gayong mga bagay sa kanilang puso. Kinakalkula nila kung paano sila makalilikha ng sariling puwang sa sambahayan ng Diyos, kung paano sila maaaring magkaroon ng matayog na reputasyon sa iglesia, kung paano nila mapapakinig ang mga tao kapag nagsasalita sila, at mapagsasabi ang mga ito ng paghanga sa kanila kapag kumikilos sila, kung paano nila mapapasunod sa kanila ang mga tao nasaan man sila, at kung paano sila magkakaroon ng maimpluwensiyang tinig sa iglesia, at ng kasikatan, pakinabang, at katayuan—talagang pinagtutuunan nila ang gayong mga bagay sa puso nila. Ang mga ito ang hinahangad ng gayong mga tao(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikatlong Bahagi)). Inilalantad ng Diyos na itinuturing ng mga anticristo ang katayuan at reputasyon bilang pinakabuhay nila. Anuman ang tungkuling ginagawa ng mga anticristo, hindi nila kailanman isinasaalang-alang ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Sa halip, ang iniisip lang nila ay kung magkakaroon ba sila ng katanyagan at paghanga ng iba, at sa sandaling hindi nila makamit ang reputasyon at katayuan, para na ring kinuha ang buhay nila. Ito ay itinatakda ng diwa ng mga anticristo. Ang disposisyong ibinunyag ko ay katulad ng sa isang anticristo. Naniniwala ako na ang pagiging isang lider o paggawa ng tungkuling may teknikal na aspekto ay kagalang-galang at kapansin-pansin, at na magdudulot ng paghanga ng mga tao sa akin, at na saka lang magiging mahalaga o makabuluhan ang buhay. Sa kabaligtaran, naniniwala akong mas mababa ang paggawa ng tungkulin ng pagpapatuloy at walang sinumang titingala sa akin. Matapos akong matanggal mula sa mga tungkuling nakabatay sa teksto, natakot akong mamaliitin ako ng mga kapatid kung malaman nilang binago ang pagkakatalaga ng tungkulin ko dahil sa mahina kong kakayahan, at talagang nahiya ako. Lalo na noong hilingin sa aking gawin ang tungkulin ng pagpapatuloy, pakiramdam ko ay ganap akong naparalisa. Naisip ko kung paanong, noong lider pa ako ng iglesia, madalas akong nakikipagtipon at nakikipagbahaginan sa mga kapatid at nagpapatupad ng gawain, pero ngayon, naging tagapagluto na ako, at pakiramdam ko ay lubos akong napahiya. Sa tuwing naiisip ko ito, nakakaramdam ako ng pagkakasakal, paghihinanakit, at pagiging miserable, at hindi ako makapagpasakop. May isang brother na hindi makakain ng sobrang anghang dahil sa problema sa kalusugan, at maraming beses niya akong pinaalalahanan na bawasan ang sili. Makatwiran naman ang hiling na iyon at isang bagay na dapat kong isinaalang-alang bilang isang gumagawa ng tungkulin ng pagpapatuloy, at dapat sana ay tinanggap ko ito. Pero hindi ko siya isinaalang-alang at inakala ko pang minamaliit niya ako, kaya nakaalitan ko siya, at sa tungkulin ko pa ibinunton ang galit ko. Sobra akong nilamon ng katayuan at reputasyon na nawalan pa nga ako ng normal na pagkatao. Hindi ko isinaalang-alang kung paano gawin nang maayos ang tungkulin ko ng pagpapatuloy sa mga brother. Puno ang isip ko ng tungkol sa aking reputasyon at katayuan, at palagi kong gustong takasan ang tungkulin ko. Talagang wala akong pagkatao! Nanalangin ako sa Diyos sa puso ko, handang magsisi at tratuhin nang tama ang aking mga tungkulin.

Isang araw, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos at nagkamit ako ng kaunting pagkaunawa sa sarili kong mga problema. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kapag nagkaroon ng sitwasyon kung saan nabigo ang isang tao na tumindig sa kanyang tamang lugar at maisakatuparan ang dapat niyang gawin—ibig sabihin, kapag nabigo siyang tuparin nang maayos ang kanyang tungkulin—nagkakaroon siya ng buhol sa kanyang puso. Isa itong napakapraktikal na problema, at isang problemang dapat lutasin. Kung gayon, paano ito dapat lutasin? Anong uri ng saloobin ang dapat taglayin ng isang tao? Bago ang lahat, dapat siyang magkaroon ng pagnanais na magbalik-loob. At kung mayroon siyang gayong pagnanais, paano siya dapat magsagawa? Halimbawa, sabihin nating may isang taong naging lider sa loob ng isa o dalawang taon at, dahil sa kanyang mahinang kakayahan, hindi niya kaya ang trabaho, wala siyang kakayahang kumilatis ng anuman, hindi niya alam kung paano gamitin ang katotohanan para lutasin ang mga problema, at wala siyang kakayahang gumawa ng tunay na gawain, na nagreresulta sa kanyang pagkakatanggal. Kung, pagkatapos matanggal, nagagawa niyang magpasakop, at nakapagpapatuloy sa paggawa ng kanyang tungkulin at may pagnanais na magbago, ano ang dapat niyang gawin? Una sa lahat, dapat ay mayroon siyang ganitong pagkaunawa: ‘Tama ang Diyos sa ginawa Niya. Napakahina talaga ng kakayahan ko. Sa napakatagal na panahon ay wala akong nagawang tunay na gawain, inaantala ang gawain ng iglesia at ang buhay pagpasok ng mga kapatid. Mabuti na nga lang at hindi ako pinatalsik ng sambahayan ng Diyos. Napakawalang-hiya ko, nakakapit lang ako sa posisyong ito sa lahat ng panahong ito, habang iniisip ko pa ring napakahusay kong gumawa. Talagang wala akong katwiran!’ Kung kaya niyang kamuhian ang kanyang sarili at makaramdam ng pagsisisi sa kanyang puso, hindi ba’t isa iyong pagpapamalas ng pagkakaroon ng pagnanais na magbago? Ang masabi ito ay nangangahulugang mayroon siyang pagnanais. Ipagpalagay na sinasabi niya ito sa kanyang puso: ‘Sa napakatagal na panahon sa aking posisyon bilang isang lider, wala akong ginawa kundi hangarin ang mga pakinabang ng katayuan; nangangaral lang ako ng mga doktrina at sinasangkapan ko ang sarili ko ng mga doktrina, hindi hinahangad ang buhay pagpasok. Ngayon lang na natanggal ako, nakikita ko na labis akong nagkukulang at napakarami kong kakulangan. Tama ang ginawa ng Diyos, at dapat akong magpasakop. Dati, noong may katayuan ako, napakabuti sa akin ng mga kapatid; nagkukumpulan sila sa paligid ko saanman ako magpunta. Ngayon, walang pumapansin sa akin, at itinatakwil ako ng lahat; nararapat ito sa akin, ito ang ganting dapat kong matanggap. Bukod pa rito, paanong magkakaroon ng anumang katayuan ang isang nilikha sa harap ng Diyos? Gaano man kataas ang katayuan ng isang tao, hindi ito ang kanyang kinalabasan ni ang kanyang hantungan. Sa pagbibigay sa akin ng aking atas, hindi nilalayon ng Diyos na umakto akong nakatataas o magpakasaya sa aking katayuan, kundi para gawin ko ang aking tungkulin. Dapat kong gawin ang lahat ng aking makakaya. Dapat akong magkaroon ng saloobin ng pagpapasakop sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos at mga pagsasaayos ng sambahayan ng Diyos. Bagama’t mahirap magpasakop, dapat ko itong gawin. Tama ang Diyos sa ginagawa Niya, at kahit pa ipagpalagay na mayroon akong libo-libo o sampu-sampung libong dahilan, wala sa mga iyon ang magiging katotohanan. Ang pagpapasakop sa Diyos ang katotohanan!’ Ang mga ito mismo ang mga pagpapamalas ng pagbabago. Kung taglay ng isang tao ang mga ito, paano susuriin ng Diyos ang taong iyon? Sasabihin ng Diyos na ito ay isang indibidwal na may konsensiya at katwiran. Mataas ba ang pagsusuring ito? Hindi ito masyadong mataas—mayroon lang siyang konsensiya at katwiran; hindi pa niya naabot ang pamantayan ng magawang perpekto ng Diyos. Ngunit para sa ganitong uri ng tao, ito ay isang bagay na dapat pahalagahan—ang kakayahang magpasakop ay bihira at mahalaga. Susunod, kung paano maghahangad ang tao para baguhin ng Diyos ang Kanyang pananaw sa taong ito, iyon ay nakasalalay sa landas na pipiliin nito(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Paglutas Lamang sa mga Kuru-kuro ng Isang Tao Siya Makakapagsimula sa Tamang Landas ng Pananampalataya sa Diyos (3)). Pagkatapos kong basahin ang mga salita ng Diyos, nakaramdam ako ng hiya at pagkakonsensiya. Kapag binabago ang pagkakatalaga ng tungkulin o tinatanggal ang isang taong may konsensiya at katwiran, nagagawa niyang magpasakop, magnilay sa sarili, at makaunawa sa kanyang mga kakulangan. Tumatanggap sila nang hindi nangangatwiran o nakikipagtawaran sa mga kondisyon, at gusto nilang magbago. Naisip ko kung paanong mahina ang kakayahan ko at hindi ko kaya ang paggawa ng mga tungkuling nakabatay sa teksto. Pagkatapos ng ilang buwang paggawa ng tungkulin ko, wala akong nakamit na anumang resulta, at ganap na naaayon sa katotohanang prinsipyo na binago ng mga lider ang pagkakatalaga ng mga tungkulin ko. Kung ipinagpatuloy ko ang tungkuling iyon, maaantala ko lang ang gawain at magiging negatibo ako dahil sa hindi sapat na kakayahan ko. Ang pagsasaayos na ito ay kapaki-pakinabang kapwa sa gawain ng iglesia at sa akin. Pero, hindi ko pinasalamatan ang Diyos, at naging negatibo pa ako at nagreklamo, sa paniniwalang ang paggawa ng tungkulin ng pagpapatuloy ay lubhang nakakababa para sa akin, na para bang labis akong ipinahiya. Araw-araw, ginagawa ko ang tungkulin ko nang labag sa loob. Mahina ang kakayahan ko, pero hindi ako itiniwalag ng sambahayan ng Diyos, at sa halip ay binigyan pa ako ng isa pang pagkakataong gawin ang tungkulin ko. Biyaya ito ng Diyos, at dapat sana ay nagpasalamat ako sa Diyos at tinanggap ito at nagpasakop nang walang kondisyon. Pero dahil hindi ko alam kung ano ang makabubuti sa akin, naging negatibo ako, nagpabaya, at nakaramdam ng galit at hindi pagtanggap. Talagang wala akong konsensiya at katwiran!

Pagkatapos, nagnilay-nilay ako sa sarili ko: Bakit palagi akong nalilimitahan ng katayuan at pride sa tungkulin ko? Nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos at nahanap ko ang pinakaugat ng problema ko. Sabi ng Diyos: “Gusto ba ninyo na palaging maging superyor sa iba, na ibuka ang inyong mga pakpak at lumipad, at maging isang agila sa halip na isang munting ibon? Anong disposisyon ito? Ito ba ang prinsipyo ng sariling asal? Ang inyong sariling asal ay dapat nakabatay sa mga salita ng Diyos; ang mga salita ng Diyos lamang ang katotohanan. Lubha na kayong nagawang tiwali ni Satanas, at lagi ninyong itinuturing ang tradisyonal na kultura—ang mga salita ni Satanas—bilang katotohanan, bilang layon ng inyong paghahangad, na ginagawang madali para sa inyo na tumahak sa maling landas, na tumahak sa landas ng pagsalungat sa Diyos. Ang mga kaisipan at pananaw ng tiwaling sangkatauhan, at ang mga bagay na hinahangad nila ay pawang salungat sa mga pagnanais ng Diyos, sa katotohanan, at sa batas ng pagiging kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng bagay, sa Kanyang pamamatnugot sa lahat ng bagay, at sa Kanyang pagkontrol sa kapalaran ng sangkatauhan. Kaya gaano man kawasto at kamakatwiran ang paghahangad mo ayon sa mga kaisipan at kuru-kuro ng tao, hindi positibong bagay ito sa perspektiba ng Diyos, at hindi ito naaayon sa Kanyang mga layunin. Dahil nilalabanan mo ang katunayan ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa kapalaran ng sangkatauhan, at nais mong gumawa ng sarili mong daan, na inilalagay ang iyong kapalaran sa sarili mong mga kamay, palagi kang bumabangga sa mga pader, iniiwan ang iyong sarili na bugbog at may pasa, at hindi kailanman nagtatagumpay ang lahat para sa iyo. Bakit hindi nagtatagumpay ang lahat para sa iyo? Dahil ang batas na ito na itinatag ng Diyos ay hindi mababago ng sinumang nilikha, at ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos ay nangingibabaw sa lahat ng iba pa, at hindi maaaring labagin ng sinumang nilikha. Masyadong mataas ang tingin ng mga tao sa kanilang mga abilidad. Ano ba ang palaging nagpapanais sa mga tao na maging malaya sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, at palaging nagpapanais sa kanilang kontrolin ang sarili nilang kapalaran at planuhin ang sarili nilang hinaharap, at nagpapanais na kontrolin ang kanilang mga kinabukasan, direksiyon, at layon sa buhay? Saan nanggagaling ang motibasyong ito? (Sa mga tiwaling satanikong disposisyon.) Ano kung gayon ang idinudulot ng mga tiwaling satanikong disposisyon sa mga tao? (Pakikipaglaban sa Diyos.) Ano ang nangyayari sa mga taong nakikipaglaban sa Diyos? (Pasakit.) Ang pasakit ay wala pa sa kalahati nito—ito ay pagkawasak. Ang nakikita mismo ng iyong mga mata ay pasakit, pagiging negatibo, at kahinaan, at ito ay paglaban at mga reklamo—ano ang idudulot na kinalabasan ng pakikipaglaban sa Diyos? Pagkalipol! Hindi ito maliit na usapin, at hindi ito biro(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Malulutas Lamang ang mga Tiwaling Disposisyon sa Pamamagitan ng Pagtanggap sa Katotohanan). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na pangunahin akong nagapos ng mga satanikong lason tulad ng “Iniiwan ng tao ang kanyang pangalan saanman siya maglagi, tulad ng pagputak ng gansa saanman ito lumipad” at “Nagsusumikap ang tao na umangat; dumadaloy ang tubig pababa,” at na nabubuhay ako para sa kasikatan at pakinabang. Noong bata pa ako, matindi na ang pagnanais ko para sa reputasyon at katayuan. Noong tin-edyer ako, nakita ko ang maraming taong nagtatrabaho bilang kantero, at sinabi ko sa sarili ko, “Kahit mamatay pa ako sa kahirapan, hindi ako kailanman magiging kantero!” Ganoon ang inisip ko dahil naniniwala akong trabaho iyon ng mga taong walang kasanayan at walang kinabukasan. Talagang naiinggit ako sa mga may malaking negosyo, kagalang-galang ang pananamit, at hinahangaan at kinaiinggitan saanman sila magpunta. Kalaunan, nagsimula akong matutong magnegosyo, at pinuri ako ng lahat ng taga-nayon, sinasabing, “Matapang ang batang ito. Tiyak na may maganda siyang kinabukasan.” Tuwang-tuwa ako nang marinig ko ito. Sa lahat ng ginagawa ko, kailangan kong isaalang-alang kung kagalang-galang ba ito o hindi at kung magiging dahilan ba ito para tingalain ako ng mga tao. Matapos kong manampalataya sa Diyos, patuloy akong namuhay ayon sa mga satanikong lason na ito. Inakala ko na ang pagiging isang ordinaryong mananampalataya na gumagawa ng tungkuling nangangailangan ng pagpapakapagod ay hindi makakapagpakita ng aking halaga. Inakala ko na ang pagiging isang lider o paggawa ng isang tungkuling may aspektong teknikal ay magpapasikat sa akin at magiging dahilan para kainggitan at hangaan ako ng mga tao; tanging sa paraang ito magiging mahalaga at makabuluhan ang buhay. Kaya, sa paggawa ng aking tungkulin, naging napakaaktibo ko, at nagawa kong isuko at iwanan ang mga bagay-bagay. Naisip ko noong lider pa ako, at kung paanong hinahangaan ako ng mga kapatid saanman ako magpunta. Lalo na kapag hinihiling nila sa akin na mas madalas akong makipagtipon at makipagbahaginan sa kanila, sa sobrang tuwa ko ay hindi ko na alam ang sasabihin ko. Pakiramdam ko ay ginagalang ako, at ganadong-ganado akong gawin ang tungkulin ko. Gayumpaman, nang hilingin sa aking gawin ang tungkulin ng pagpapatuloy sa bahay, para akong nalantang dahon. Pakiramdam ko ay mas mababa ang paggawa sa tungkuling ito, kaya lumaban ako at nagreklamo sa puso ko, at naging negatibo ako at nagpabaya sa paggawa ng aking tungkulin. Kapag nagluluto ako, kung hindi sobra-sobra, masyadong kaunti naman ito, at walang sapat na makakain. Minsan, kapag may nakikita akong tirang pagkain, basta na lang ako naghahanda ng pagkain mula roon nang pabasta-basta, walang pakialam kung sapat ba ito para sa mga kapatid o hindi. Kapag nagluluto, hindi ko isinasaalang-alang ang kalusugan ng brother ko, at kapag pinaaalalahanan niya ako, sumasama pa ang loob ko. Kapag masama ang timpla ko, ni hindi man lang ako naglilinis. Habang namumuhay ako ayon sa mga satanikong lason, lalo akong nawawalan ng katwiran at normal na pagkatao. Kung hindi ako magsisisi, hindi lang magkakaroon ng pagtutol sa akin ang mga kapatid, hindi rin malulugod ang Diyos at, sa paglipas ng panahon, aabandonahin ako ng Banal na Espiritu. Nang maunawaan ko ito, medyo natakot ako, kaya nanalangin ako sa Diyos na handa akong magpasakop sa Kanyang mga pamamatnugot at pagsasaayos at gawin nang maayos ang tungkulin ko.

Kalaunan, nabasa ko ang dalawa pang sipi ng mga salita ng Diyos at naunawaan kung paano tratuhin ang mga tungkulin ko. Sabi ng Diyos: “Sa sambahayan ng Diyos, sa tuwing may isinasaayos na gawin mo, mahirap man ito o nakapapagod na gawain, o gusto mo man itong gawin o hindi, tungkulin mo ito. Kung maituturing mo itong isang atas at responsabilidad na ibinigay sa iyo ng Diyos, at kaya mo itong tapusin nang iyong buong puso at lakas, kung gayon, masasabi na ang gawaing ginagawa mo—ang tungkuling ginagampanan mo—ay nauugnay sa gawain ng Diyos ng pagliligtas ng tao. Kung kaya mong taimtim at taos-pusong tanggapin ang atas na ibinigay ng Diyos sa iyo, paano ka Niya ituturing? Ituturing ka Niya bilang isang miyembro ng Kanyang pamilya. Isa ba iyong pagpapala o isang kaabahan? (Isang pagpapala.) Isa itong malaking pagpapala(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ano ang Paggampan ng Isang Tao sa Kanyang Tungkulin nang Pasok sa Pamantayan?). “Ano ang gampanin ninyo bilang mga nilikha? May kaugnayan ito sa inyong pagsasagawa at tungkulin. Isa kang nilikha, at kung binigyan ka ng Diyos ng kaloob ng pag-awit, at isinasaayos ng sambahayan ng Diyos na umawit ka, kailangan mong umawit nang maayos. Kung may kaloob ka ng pangangaral ng ebanghelyo, at isinasaayos ng sambahayan ng Diyos na ipangaral mo ang ebanghelyo, kung gayon, dapat mo itong gawin nang mahusay. Kung inihahalal ka ng hinirang na mga tao ng Diyos bilang isang lider, dapat mong akuin ang atas ng pamumuno, at pangunahan ang mga hinirang ng Diyos sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, sa pagbabahagi tungkol sa katotohanan, at sa pagpasok sa realidad. Kapag ginawa mo ito, magagawa mo nang maayos ang iyong tungkulin. Lubhang mahalaga at makahulugan ang atas na ibinibigay ng Diyos sa tao! Kaya, paano mo ba dapat akuin ang atas na ito at isagawa ang iyong gampanin? Masasabi na ito ang isa sa pinakamalalaking isyu na kinakaharap mo, isang napakahalagang sandali na magpapasya kung makakamit mo ba ang katotohanan at mapeperpekto ka ba ng Diyos o hindi. Dapat kang gumawa ng pagpili(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pag-unawa Lamang sa Katotohanan Malalaman ng Isang Tao ang mga Gawa ng Diyos). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na sa mga tungkulin ng sambahayan ng Diyos, walang pagkakaiba sa pagitan ng malaki at maliit, mataas at mababa, o marangal at hamak. Ang mga tungkulin ay nagmumula sa gawain ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan. Anuman ang tungkuling ginagawa mo o kung mapapansin ka man o hindi, kung taos-puso mong matatanggap ang iyong tungkulin, seryosohin ito, gampanan ang iyong papel ayon sa mga hinihingi ng Diyos, at gawin nang maayos ang iyong tungkulin sa praktikal na paraan, kung gayon, malulugod ang Diyos. Pero, itinuring kong mataas na uri ng mga tungkulin ang pagiging lider o paggawa ng tungkuling nakabatay sa teksto o isang tungkulin na may teknikal na bahagi. Naniniwala akong ang mga taong gumagawa ng ganitong uri ng tungkulin ang mga ililigtas ng Diyos, habang ang mga nagpapatuloy at nag-aasikaso ng mga gawain ay nagpapakapagod at nagseserbisyo lang. Hinati ko ang mga tungkulin ng sambahayan ng Diyos sa mataas at mababa, marangal at hamak, at iba’t ibang antas. Talagang katawa-tawa ang pananaw na ito at ganap na lumalabag sa katotohanan. Naisip ko kung paanong wala akong mga kasanayan para gawin ang tungkuling nakabatay sa teksto, mahina rin ang kakayahan ko, at nabigo akong magkamit ng anumang resulta sa tungkulin ko sa loob ng mahabang panahon. Kung pipilitin ko ang sarili ko na makipagtulungan para lang hindi mapahiya, hindi ko lang mahahadlangan ang gawain ng iglesia, kundi malamang na magiging negatibo rin ako, na walang maidudulot na pakinabang sa sarili kong buhay. Isinaayos ng iglesia na gawin ko ang tungkulin ng pagpapatuloy sa bahay, na isang tungkuling kaya kong gawin, at dapat ko itong tanggapin at dapat akong magpasakop dito, at tumupad sa mga responsabilidad ko. Saka lang ako magkakaroon ng konsensiya at katwirang dapat mayroon ako.

Kalaunan, napagtanto ko rin na mayroon akong pananaw na walang-katotohanan, naniniwalang kung mahalaga ang tungkuling ginagawa mo, magiging mataas ang katayuan mo, at kung hindi kapansin-pansin ang tungkuling ginagawa mo, magiging mababa ang katayuan mo. Isang araw, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na nagpabago sa pananaw kong walang-katotohanan. Sabi ng Diyos: “Kung napakababa ng katayuang panlipunan ng isang tao, napakahirap ng kanyang pamilya, at mababa ang antas ng edukasyon niya, pero nananampalataya siya sa Diyos sa isang praktikal na paraan, at minamahal niya ang katotohanan at mga positibong bagay, kung gayon, sa mga mata ng Diyos, mataas o mababa ba ang halaga niya, marangal o aba ba ito? May halaga siya. Kung titingnan ito sa ganitong perspektiba, saan ba nakadepende ang halaga ng isang tao—kung mataas man o mababa, marangal man o hamak? Nakadepende ito sa kung paano ka nakikita ng Diyos. Kung nakikita ka ng Diyos na isang taong naghahangad ng katotohanan, kung gayon ikaw ay may kabuluhan at mahalaga—ikaw ay isang mahalagang sisidlan. Kung nakikita ng Diyos na hindi mo hinahangad ang katotohanan at na hindi mo tapat na ginugugol ang sarili mo para sa Kanya, kung gayon ikaw ay walang kabuluhan at walang halaga—ikaw ay isang hamak na sisidlan. Gaano man kataas ang pinag-aralan mo o gaano man kataas ang katayuan mo sa lipunan, kung hindi mo hinahangad o inuunawa ang katotohanan, kung gayon kailanman hindi magiging mataas ang halaga mo; kahit na maraming taong sumusuporta sa iyo, nagtataas sa iyo, at sumasamba sa iyo, isa ka pa ring basura. … Kung titingnan ito ngayon, ano ang batayan sa pagtukoy ng halaga ng isang tao bilang marangal o hamak? (Ito ay ang kanilang saloobin sa Diyos, katotohanan, at mga positibong bagay.) Tama iyon. Una sa lahat, dapat maunawaan ng isang tao kung ano ang saloobin ng Diyos. Ang maunawaan ang saloobin ng Diyos at maunawaan ang mga prinsipyo at mga pamantayan kung paano binibigyang-hatol ng Diyos ang mga tao, at pagkatapos ay sukatin ang mga tao batay sa mga prinsipyo at mga pamantayan ng pagtrato ng Diyos sa mga tao—ito lamang ang pinakatumpak, pinakaangkop, at pinakapatas(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikapitong Aytem: Sila ay Buktot, Lihim na Mapanira, at Mapanlinlang (Unang Bahagi)). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang pagiging marangal ng isang tao sa sambahayan ng Diyos ay hindi nakadepende sa kung may katayuan siya o wala, at hindi nakadepende sa kung may humahanga o sumasamba sa kanya. Sa halip, nakadepende ito sa kung minamahal ba ng mga tao ang katotohanan at kung hinahangad ba nila ang katotohanan. Kung hindi hinahangad o minamahal ng isang tao ang katotohanan, gaano man kataas ang kanyang katayuan at gaano man karaming tao ang pumapalibot at sumasamba sa kanya, hindi lang ito walang halaga, kundi mabubunyag at matitiwalag din siya dahil sa pagtatamasa sa mga pakinabang ng katayuan. Kahit na walang katayuan ang isang tao at walang tumitingala sa kanya, kung minamahal niya ang katotohanan, mayroong may-takot-sa-Diyos na puso, at kayang manampalataya sa Diyos at gawin ang kanyang tungkulin sa praktikal na paraan, mahalaga ang gayong mga tao sa paningin ng Diyos. Dati, palagi kong iniisip na ang mga tungkulin sa pagpapatuloy at pangkalahatang usapin ay trabahong nangangailangan ng pagpapakapagod, na minamaliit ng lahat, at gaano mo man kahusay gawin ang mga tungkuling ito, wala iyong silbi. Kaya, ayaw kong gawin ang ganitong uri ng tungkulin, at ang tanging hinangad ko ay maging lider o gumawa ng tungkuling may aspektong teknikal. Ngayon, napagtanto ko kung gaano talaga kakatwa ang pananaw ko! Naisip ko kung paanong walang ibang hinangad si Pablo kundi ang maging mas mataas sa lahat ng iba pang apostol. Naglakbay siya sa halos buong Europa para ipangaral ang ebanghelyo, at nagsulat din ng maraming liham, nakuha ang paghanga at pagsamba ng lahat. Pero, hindi niya nakamit ang katotohanan at buhay, at mayroon siyang malalim na nakaugat na tiwaling disposisyon. Sa huli, sinabi pa niya ang isang mapangahas at mapagkanulong bagay na “Sa akin ang mabuhay ay si cristo,” at pinarusahan siya ng Diyos. Nakita ko na ang landas na tinatahak ko ay ang landas ni Pablo, at kung hindi ko babaguhin ang mga bagay-bagay, sa huli ay magiging katulad ng kay Pablo ang kinalabasan ko. Kailangan kong magsisi at magbago agad. Pagkatapos niyon, nagawa ko nang tratuhin nang may pag-iingat ang aking tungkulin ng pagpapatuloy sa bahay, at araw-araw kong pinag-iisipan kung paano gagawin nang maayos ang tungkuling ito at maayos na maging host ng mga kapatid. Hindi na ako nakaramdam na mas mababa ako.

Sa panahong ginagawa ko ang tungkulin ng pagpapatuloy sa bahay, natutuhan ko kung paano magpasakop sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos, nagkamit ako ng kaunting pagkaunawa sa sarili kong mga tiwaling disposisyon, napatahimik ko ang aking puso para gawin ang aking tungkulin, at naisabuhay ko ang kaunting wangis ng tao. Lahat ng ito ay mga aral na natutunan ko sa paggawa ng tungkulin ng pagpapatuloy sa bahay. Nagpapasalamat ako sa Diyos mula sa kaibuturan ng aking puso!

Sinundan: 84. Mga Aral na Natutunan Ko Matapos Magkasakit ang Asawa Ko

Sumunod: 86. Ano ang Idinulot sa Akin ng Paghahangad ng Isang Perpektong Pag-aasawa?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito