84. Mga Aral na Natutunan Ko Matapos Magkasakit ang Asawa Ko

Ni Lin Jing, Tsina

Noong Agosto 2001, isang sister ang nagpatotoo sa akin na ang Diyos ay nagkatawang-tao na sa pangalawang pagkakataon para ipahayag ang katotohanan at gawin ang Kanyang gawain ng paghatol, dinadalisay at binabago ang tiwaling disposisyon ng sangkatauhan, at sa huli ay dadalhin ang mga tao sa napakagandang kaharian. Labis akong natuwa pagkatapos itong marinig. Pagkatapos ng isang panahon ng pagsisiyasat, tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Pagkatapos niyon, naging aktibo ako sa pagdalo sa mga pagtitipon at paggawa ng aking mga tungkulin. Kalaunan, nahalal ako bilang isang lider ng iglesia. Noong panahong iyon, madalas akong sinusubukang pigilan ng asawa ko sa pananampalataya sa Diyos at paggawa ng aking tungkulin, pero hindi ako nalimitahan at hindi ko kailanman naantala ang mga tungkulin ko. Buong araw akong abala sa iglesia. Sa umaga, dumadalo ako sa mga pagtitipon, nakikipagbahaginan sa mga kapatid para lutasin ang mga problema nila sa buhay pagpasok. Sa gabi naman, sinusuportahan ko ang mga kapatid na negatibo at mahihina. Dati, hindi gaanong kumikita ang asawa ko, pero sa hindi inaasahan, noong panahong iyon ay naging maganda ang kita niya at hindi nagtagal ay nakaipon kami ng pera. Tuwang-tuwa ako, at naisip ko, “Sa paggawa ko ng tungkulin ngayon, mayroon akong biyaya at pagpapala ng Diyos, at makakapasok pa ako sa kaharian sa hinaharap. Dapat kong gawin nang maayos ang tungkulin ko sa hinaharap, at tatratuhin ako nang patas ng Diyos; pagpapalain Niya ang buhay ng pamilya ko para lalo pa itong bumuti.” Pero habang nagpaplano ako nang ganito, may hindi inaasahang nangyari.

Pagkalipas ng ilang panahon, palaging nagrereklamo ang asawa ko ng pananakit ng ibabang bahagi ng likod, kaya pumunta siya sa ospital para magpa-checkup. Sinabi ng doktor na may herniated disc siya at bone spurs sa kanyang gulugod, at na kung lumubha ang kondisyon, maiipit nito ang mga ugat niya at magdudulot ito ng pagkaparalisa. Sinabihan din siya na hindi na magtrabaho at na kailangan niya ng agarang paggamot. Nagulat ako nang marinig ko ito. Naisip ko, “Malaki ang utang namin sa bagong tayong bahay, at hindi pa naikakabit ang mga pinto at bintana. Nasa unibersidad ang anak naming babae at kailangan din niya ng pera. Sobrang abala ako bilang lider ng iglesia at wala akong oras para kumita ng pera. Tanging ang 14-anyos naming anak na lalaki lang ang nag-aaral ng pagdedekorasyon, pero bata pa siya at isa pa lang apprentice, kaya napakaliit ng kinikita niya kada buwan. Paano namin matutustusan ang mga gastusin ng pamilya sa hinaharap?” Medyo nabahala ako. Pero nang maisip ko kung gaano ako kaabala sa paggawa ng tungkulin ko sa iglesia buong araw, naisip ko na hindi pababayaan ng Diyos ang mga problema sa pamilya ko, at baka gumaling din ang sakit ng asawa ko pagkatapos ng panahon ng pagpapagaling. Nang maisip ko ito, nabawasan nang malaki ang mga alalahanin ko.

Mabilis na lumipas ang mahigit isang taon. Patuloy na naglalagay ng mga plaster na may gamot ang asawa ko para sa gamutan, pero hindi pa rin bumubuti ang kanyang karamdaman, at wala ring epektibong pamamaraan sa paggamot ang mga doktor. Sobrang balisa na ako, hindi ko maiwasang isipin, “Kailan kaya bubuti ang sakit ng asawa ko? Kung hindi lang ako masyadong abala sa tungkulin ko, puwede sana akong kumita ng pera para masuportahan ang pamilya. Pero abala ako sa gawain ng iglesia buong araw at wala akong oras para kumita ng pera. Bakit hindi pinoprotektahan ng Diyos ang pamilya ko? Bakit hindi bumubuti ang sakit ng asawa ko? Sa lahat ng mga problemang ito sa bahay na nasa harapan ko, paano ko lubusang mailalaan ang puso ko sa aking tungkulin?” Habang lalo ko itong iniisip, lalo akong nababalisa. Parang inaapoy sa pagkabalisa ang puso ko. Minsan, hindi ko na talaga matiis at palihim na lang akong umiiyak. Alam kong hindi ako dapat magreklamo sa Diyos, pero hindi ko lang talaga makontrol ang aking mga emosyon at namuhay ako sa gitna ng pasakit at pagdurusa buong araw. Sa partikular, nang makita ko na ang asawa ng sister na katuwang ko ay napakagaling kumita ng pera, at namumuhay siya nang kumportable at hindi nalilimitahan ng pera, pakiramdam ko ay hindi ito patas. Naisip ko, “Mas aktibo pa ako sa paggawa ng tungkulin kaysa sa kanya, kaya bakit ganito ang kalagayan ng pamilya ko? Bakit sila pinagpapala ng Diyos pero ako hindi? Ayaw ba sa akin ng Diyos? Hindi pinagpapala ng Diyos ang pamilya ko kahit nagbabayad ako ng halaga at ginugugol ang sarili ko nang ganito, kaya bakit ako dapat patuloy na maging napakaaktibo?” Pero naisip ko rin, “Sinusubok kaya ako ng Diyos? Kung magpapatuloy akong maging aktibo sa aking mga tungkulin, baka pagpalain ng Diyos ang pamilya ko kapag nakita Niya ang debosyon ko. Kung gagawin ko ang tungkulin ko nang pabasta-basta, ano ang gagawin ko kung hindi ako pansinin ng Diyos sa hinaharap?” Kaya sinabi ko sa sarili ko na hindi ako puwedeng maging pabasta-basta at kailangan kong gawin nang maayos ang tungkulin ko. Kaya naman, nagpatuloy pa rin akong maging abala sa paggawa ng aking tungkulin buong araw. Pero pagkalipas ng ilang panahon, hindi pa rin bumubuti ang kalagayan ng asawa ko, at hindi pa rin nalulutas ang mga problema ng pamilya ko. Mas lalo pang nalito at nahirapan ang puso ko, at pakiramdam ko ay walang daan palabas. Ang puso ko’y singpait ng apdo. Sa isang pagtitipon, nabanggit ko ang mga problema namin sa bahay. Puno ng pighati ang mukha ko habang nagrereklamo: “Parang nasa langit kayong lahat, pero ako, parang sa sobrang pagdurusa, pakiramdam ko ay nasa impiyerno ako.” Mahigpit akong pinungusan ng sister ko, sabi niya, “Hindi ba’t nagrereklamo ka na hindi matuwid ang Diyos?” Labis kong ikinagulat ang mga salita ng sister ko. Hindi ba’t nagrereklamo ako tungkol sa Diyos? Naalala ko ang mga salita ng Diyos: “Ang bawat pagrereklamo mo ay nag-iiwan ng mantsa, at isa iyong kasalanang hindi mabubura!(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pananampalataya sa Diyos, Pinakamahalagang Bagay ang Pagkakamit ng Katotohanan). Nang mapagtanto ko ang kabigatan ng problema, mabilis akong yumuko at hindi na nagsalita. Pag-uwi ko, lumuhod ako at humagulgol sa panalangin, “Diyos ko, alam kong hindi ako dapat magreklamo kapag dumarating ang mga problema sa pamilya ko, pero hindi ko alam kung ano ang Iyong layunin o kung paano ito dadanasin. Diyos ko, nawa’y bigyang-liwanag Mo ako at akayin Mo ako para makilala ko ang Iyong gawain at maunawaan ang Iyong layunin.”

Isang araw, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos at nagkamit ako ng kaunting pagkaunawa sa mga layunin ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Para sa lahat ng tao, ang pagpipino ay napakasakit, at napakahirap tanggapin—ngunit sa panahon ng pagpipino ibinubunyag ng Diyos ang Kanyang matuwid na disposisyon sa tao, at idinedeklara ang Kanyang mga hinihingi para sa tao, at nagbibigay ng mas maraming kaliwanagan, at mas maraming praktikal na pagpupungos. Sa pamamagitan ng paghahambing sa mga katunayan at sa katotohanan, higit na nakikilala ng tao ang kanyang sarili at higit na nalalaman ang katotohanan, at higit na nauunawaan ang mga layunin ng Diyos, sa gayon ay tinutulutan ang tao na magkaroon ng mas tunay at mas dalisay na pagmamahal para sa Diyos. Iyon ang mga layunin ng Diyos sa pagsasakatuparan ng gawain ng pagpipino. Lahat ng gawain na ginagawa ng Diyos sa tao ay may sariling mga layunin at kabuluhan; ang Diyos ay hindi gumagawa ng walang kabuluhang gawain, hindi rin Siya gumagawa ng gawain na walang pakinabang sa tao. Ang pagpipino ay hindi nangangahulugan ng pag-aalis sa mga tao mula sa harap ng Diyos, ni hindi rin ito nangangahulugan ng pagwasak sa kanila sa impiyerno. Sa halip, nangangahulugan ito ng pagbago sa disposisyon ng tao sa panahon ng pagpipino, pagbago sa kanyang mga intensyon, sa kanyang dating mga pananaw, pagbago sa kanyang pag-ibig sa Diyos, at pagbago sa buong paraan ng pamumuhay niya. Ang pagpipino ay isang praktikal na pagsubok sa tao, at isang uri ng praktikal na pagsasanay, at sa panahon lamang ng pagpipino magagampanan ng kanyang pag-ibig ang likas nitong tungkulin(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Pagpipino Maaaring Magtaglay ang Tao ng Tunay na Pag-ibig). Habang pinagninilayan ko ang mga salita ng Diyos, lumiwanag ang puso ko. Anuman ang mga kapaligirang isinasaayos ng Diyos para sa iyo, ang layunin Niya ay hindi para itiwalag ka, kundi para dalisayin at baguhin ang iyong tiwaling disposisyon, at tulungan kang maunawaan ang Kanyang disposisyon at ang Kanyang gawain. Kapag nakilala mo ang Diyos, makakapagpasakop ka sa Kanyang gawain. Noon ko napagtanto na ang layunin ng Diyos sa likod ng matagal na pagkakaroon ng sakit sa likod ng asawa ko ay para hanapin ko ang katotohanan at matuto ng mga aral mula rito, nang sa gayon ay malinis at mabago ang tiwaling disposisyon ko. Naisip ko noong una kong tinanggap ang bagong gawain ng Diyos. Alam ko na sa mga huling araw, ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol at pagdadalisay, pero hinangad ko pa ring magtamo ng biyaya at mga pagpapala tulad ng sa Kapanahunan ng Biyaya, gusto kong pagalingin ng Diyos ang sakit ng asawa ko. Nang hindi pa rin ito bumuti, nagreklamo ako tungkol sa Diyos at namuhay sa pagkanegatibo at maling pagkaunawa. Ako mismo ang nagdulot ng lahat ng pagdurusa kong ito. Lahat ng ito ay dahil sa kakulangan ko ng pagkaunawa sa gawain ng Diyos, at dahil mali ang landas na tinatahak ko sa aking pananampalataya sa Diyos. Nang maunawaan ko ito, nabawasan nang malaki ang pasakit sa puso ko.

Kalaunan, naisip ko ang paglalantad ng Diyos sa mga tao na tumatrato sa Kanya bilang isang Swiss Army knife at isang kornukopya, kaya hinanap ko ang siping iyon ng mga salita ng Diyos para basahin. Sabi ng Diyos: “Dahil ang mga tao sa ngayon ay hindi nagtataglay ng pagkatao na gaya ng kay Job, ano ang kanilang kalikasang diwa, at ang kanilang saloobin sa Diyos? Natatakot ba sila sa Diyos? Lumalayo ba sila sa kasamaan? Ang mga walang takot sa Diyos o hindi lumalayo sa kasamaan ay maaari lamang na ilarawan sa tatlong salita: ‘kaaway ng Diyos.’ Madalas ninyong sabihin ang tatlong salitang ito, ngunit hindi ninyo kailanman nalaman ang kanilang tunay na kahulugan. Ang mga salitang ‘mga kaaway ng Diyos’ ay may makabuluhang aspekto: Ang mga ito ay hindi nagsasabi na nakikita ng Diyos ang tao bilang kaaway, kundi ang tao ay nakikita ang Diyos bilang kaaway. Una, kapag ang mga tao ay nagsimulang maniwala sa Diyos, sino sa kanila ang walang sariling mga pakay, motibasyon, at ambisyon? Kahit na may isang bahagi sa kanila na naniniwala sa pag-iral ng Diyos, at nakakita sa pag-iral ng Diyos, ang kanilang pananampalataya sa Diyos ay naglalaman pa rin ng ganoong mga motibasyon, at ang kanilang pinakapakay sa paniniwala sa Diyos ay ang pagtanggap ng mga pagpapala at ng mga bagay na gusto nila mula sa Kanya. Sa mga karanasan ng mga tao sa kanilang buhay, madalas nilang naiisip sa kanilang sarili: ‘Tinalikuran ko ang aking pamilya at karera para sa Diyos, at ano ang ibinigay Niya sa akin? Dapat kong kuwentahin ito, at siguraduhin ito—may natanggap ba ako na anumang pagpapala kamakailan? Marami akong iginugol sa panahong ito, ako ay tumakbo nang tumakbo, at labis na nagdusa—may isinukli bang anumang pangako ang Diyos para sa paggampan ko sa panahong ito? Natandaan ba Niya ang aking mabubuting gawa? Ano ang magiging kinalabasan ko? Makakatanggap ba ako ng mga pagpapala? …’ Sa puso, ang bawat tao ay madalas at patuloy na gumagawa ng ganitong mga pagkalkula, nagtataglay ng mga motibasyon, ambisyon, at transaksiyonal na pag-iisip habang humihingi sila ng mga bagay mula sa Diyos. Ibig sabihin, sa kanyang puso, ang tao ay patuloy na sinusubukan ang Diyos, patuloy na gumagawa ng mga plano tungkol sa Diyos, at patuloy na ‘ipinagtatanggol ang sarili’ para sa kanyang sariling kinalabasan sa Diyos, at sinusubukang makakuha ng pahayag mula sa Diyos, at tingnan kung ibibigay ba o hindi ng Diyos ang kanyang nais. Kasabay ng paghahangad sa Diyos, hindi itinuturing ng tao ang Diyos bilang Diyos. Palagi niyang sinusubukang makipagtawaran sa Diyos, walang hintong humihingi ng mga bagay-bagay mula sa Diyos at pinipilit pa ang Diyos sa bawat hakbang, tinatangkang humingi nang higit pa matapos mapagbigyan nang kaunti. Kasabay ng pagsisikap na makipagtawaran sa Diyos, ang tao ay nakikipagtalo rin sa Diyos, at mayroon pang mga tao na, kapag may sumasapit na mga pagsubok sa kanila o kaya ay nalagay sila mismo sa ilang sitwasyon, madalas na sila ay nagiging mahina, negatibo, at pabaya sa kanilang trabaho, at puno ng mga reklamo tungkol sa Diyos. Magmula nang ang tao ay magsimulang maniwala sa Diyos, itinuturing ng tao ang Diyos na isang kornukopya, isang Swiss Army na lanseta, at itinuturing ang sarili niya na pinakamalaking pinagkakautangan ng Diyos, na para bang ang panghihingi ng mga pagpapala at pangako mula sa Diyos ay ang kanyang likas na karapatan at obligasyon, habang ang pagpoprotekta, pangangalaga, at pagtutustos sa tao ang mga responsabilidad na dapat tuparin ng Diyos. Ganito ang pangunahing pagkaarok sa tatlong salitang ‘pananampalataya sa Diyos’ ng lahat ng taong nananampalataya sa Diyos, at ito ang kanilang pinakamalalim na pagkaunawa sa konsepto ng pananampalataya sa Diyos(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II). “Umaasa ka na ang iyong pananalig sa Diyos ay hindi magsasanhi ng anumang mga paghihirap o kapighatian, o ng kahit katiting na pagdurusa. Lagi mong hinahangad ang mga bagay na iyon na walang-halaga, at hindi mo pinahahalagahan ang buhay, sa halip ay inuuna mo ang iyong sariling malabis na kaisipan bago ang katotohanan. Ikaw ay napakawalang-halaga! Nabubuhay ka na parang isang baboy—ano nga ba ang pagkakaiba sa pagitan mo, at ng mga baboy at mga aso? Hindi ba’t lahat ng hindi naghahangad sa katotohanan, at sa halip ay iniibig ang laman, ay pawang mga hayop? Hindi ba’t ang mga patay na walang mga espiritu ay mga naglalakad na bangkay? Gaano na karaming salita ang nasambit sa gitna ninyo? Kaunting gawain lamang ba ang nagawa sa gitna ninyo? Gaano na karami ang naipagkaloob Ko sa inyo? Kaya bakit hindi mo ito nakamit? Ano ang iyong mairereklamo? Hindi ba’t wala kang natamo dahil sa iyong labis na pag-ibig sa laman? At hindi ba’t dahil ito sa ang iyong mga kaisipan ay masyadong maluho? Hindi ba’t dahil ito sa ikaw ay napakahangal?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol). Tumagos sa puso ko ang paglalantad ng mga salita ng Diyos. Pagkatapos kong manampalataya sa Diyos, marami akong tinamasang biyaya at mga pagpapala ng Diyos, at labis akong nagkaroon ng motibasyon sa paggawa ng tungkulin ko. Naniwala ako na hangga’t ginagawa ko nang maayos ang tungkulin ko, ipagkakaloob sa akin ng Diyos ang masaganang biyaya, poprotektahan Niya ako mula sa mga sakuna at kasawian, at pananatilihing ligtas at maayos ang pamilya ko. Ginawa ko ang aking tungkulin nang may ganitong mga maling layunin. Sa simula, noong magkaroon ng herniated disc ang asawa ko at sinabi ng doktor na kung lumala ito, mapaparalisa siya, naniwala ako na hangga’t aktibo kong ginagawa ang mga tungkulin ko, tatratuhin ako nang patas ng Diyos at hindi magtatagal ay gagaling ang sakit ng asawa ko. Kaya, hindi nabawasan ang sigasig ko sa paggawa ng aking mga tungkulin. Gayumpaman, nang hindi pa rin gumagaling ang asawa ko at naharap sa mga suliranin sa pera ang aming pamilya, habang ang mga kapatid sa paligid ko ay nagtatamasa ng masagana at kumportableng buhay, pakiramdam ko ay hindi ito patas at nagreklamo na hindi ako pinagpapala ng Diyos, at hindi na ako naging kasing-aktibo sa paggawa ng aking tungkulin gaya ng dati. Kalaunan, nag-alala ako na baka sinusubok ng Diyos kung tapat ako sa Kanya, at na kung pabasta-basta ako sa tungkulin ko, hindi ko matatanggap ang biyaya at mga pagpapala ng Diyos, at kaya wala akong pagpipilian kundi ipagpatuloy ang paggawa ng aking tungkulin. Pagkalipas ng ilang panahon, hindi pa rin bumubuti ang kalagayan ng asawa ko, at hindi pa rin nalulutas ang mga problema sa buhay ko. Mas lalo pa akong nagreklamo tungkol sa Diyos sa puso ko, at nagbulalas pa nga ako ng sama ng loob sa Diyos sa harap ng mga sister ko, nagrereklamo tungkol sa Kanyang di-umano’y kawalan ng katuwiran sa akin. Ang kapangitan ng pagtatangka kong makipagtawaran sa Diyos ay ganap na nalantad, at lubos akong nabunyag! Sa mga taon na may sakit ang asawa ko, hindi ako naghanap ng katotohanan. Sa halip, palagi akong namuhay sa pagkanegatibo, nagrereklamo at mali ang pagkaunawa sa Diyos. Kahit na ginagawa ko ang aking tungkulin, sinusubukan ko lang makipagtawaran sa Diyos kapalit ng Kanyang mga pagpapala, tinatrato Siya bilang isang kornukopya at isang Swiss Army knife. Dati, akala ko ay medyo aktibo ako sa paggawa ng aking mga tungkulin. Hindi ko kailanman pinabayaan ang mga tungkulin ko kahit na may sakit ang asawa ko, at nakamit ko ang ilang resulta sa aking gawain. Dahil dito, binansagan ko ang aking sarili bilang isang taong “tapat sa Diyos” at “tunay na nananampalataya sa Kanya.” Talagang wala akong kamalayan sa sarili! Ang mga tapat sa Diyos ay iyong mga gumagawa nang maayos sa kanilang tungkulin nang buong puso at isipan, at hindi nagrereklamo kahit kaunti, pagpalain man sila ng Diyos o hindi. Gaya na lang ni Job. Nagbigay man ang Diyos o kumuha, nagawa ni Job na magpasakop sa Diyos at palaging purihin ang Kanyang pangalan. Paano man siya tratuhin ng Diyos, walang sariling mga kahilingan si Job. Ito ang tunay na kahulugan ng pagiging isang taong tapat sa Diyos. Nanampalataya ako sa Diyos at ginawa ko ang aking tungkulin para makakuha ng mga pakinabang mula sa Diyos. Wala akong katapatan o anumang sinseridad. Isa lang akong oportunista. Huwad ang aking pananampalataya sa Diyos at pagsunod sa Kanya, at tanging ang aking paghingi ng biyaya at mga pagpapala ang tunay. Pinahalagahan ko ang mga materyal na bagay na ito nang higit sa lahat, at palagi akong humingi ng biyaya at mga pagpapala mula sa Diyos. Hindi talaga ako isang taong tunay na nananampalataya sa Diyos, at talagang nagdulot ng Kanyang pagkasuklam at pagkamuhi. Kung hindi ako inilantad ng Diyos sa ganitong paraan, hindi ko kailanman makikita nang malinaw ang aking tunay na pagkatao.

Pagkatapos, pinagnilayan ko ang sarili ko: Bakit kapag may magagandang bagay na nangyayari, kaya kong purihin ang Diyos, pero nang magkasakit ang asawa ko at nagkaproblema kami sa pera, nagreklamo ako tungkol sa Diyos? Nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Sa loob ng maraming taon, ang mga kaisipang sinasandigan ng mga tao para sa pananatili ng kanilang buhay ay unti-unting sumisira sa kanilang puso hanggang sa punto na sila ay maging tuso, duwag, at kasuklam-suklam. Hindi lamang sila hindi nagtataglay ng pagtitiyaga o determinasyon, ngunit naging sakim, mayabang, at matigas din ang ulo nila. Walang-wala sila ng anumang determinasyon na lampasan ang kanilang sarili, at higit pa riyan, wala sila ni katiting na lakas ng loob na iwaksi ang mga paglilimita ng madidilim na impluwensiyang ito. Ang buhay at mga kaisipan ng mga tao ay napakabulok na ang kanilang mga perspektiba sa likod ng pananampalataya sa Diyos ay napakapangit pa rin, at lubos na kasuklam-suklam pakinggan. Ang lahat ng tao ay duwag, walang kapangyarihan, kasuklam-suklam, at marupok. Hindi sila nasusuklam sa mga puwersa ng kadiliman, at wala silang nadaramang pagmamahal para sa liwanag at katotohanan; sa halip, ginagawa nila ang kanilang makakaya upang mapatalsik ang mga ito(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Bakit Ayaw Mong Maging Panghambing?). “Mas lalong ignorante sa kung ano ang Diyos o sa kung ano ang kahulugan ng pananampalataya sa Diyos iyong isinilang sa pinakamalubhang natiwali sa lahat ng lupain. Mas tiwali ang mga tao, mas kakaunti ang kanilang kaalaman sa pag-iral ng Diyos, at mas mahina ang kanilang katwiran at kabatiran. Ang ugat na dahilan ng pagsalungat at pagiging mapaghimagsik ng tao laban sa Diyos ay ang kanyang katiwalian sa pamamagitan ni Satanas. Dahil sa katiwalian ni Satanas, naging manhid ang konsensiya ng tao, siya ay tiwali sa moral, bulok ang kanyang mga saloobin, at paurong ang kanyang pangkaisipang pananaw. Bago siya ginawang tiwali ni Satanas, dating nagpapasakop sa Diyos ang tao at nagpapasakop sa Kanyang mga salita pagkatapos marinig ang mga ito. Siya ay dating may maayos na katwiran at konsensiya, at may normal na pagkatao. Matapos gawing tiwali ni Satanas ang tao, ang dating katwiran, konsensiya, at pagkatao ng tao ay pawang naging manhid at sinira ni Satanas. Sa gayon, nawala sa kanya ang pagpapasakop at pag-ibig sa Diyos. Naging abnormal ang katwiran ng tao, naging katulad na ng sa hayop ang kanyang disposisyon, at lalong nadaragdagan at lumulubha ang kanyang pagiging mapaghimagsik laban sa Diyos. Ngunit hindi pa rin ito batid ni nauunawaan ng tao, at walang tigil lang siyang sumasalungat at naghihimagsik. Ang mga pagbubunyag ng disposisyon ng tao ay ang mga pagpapahayag ng kanyang katwiran, kabatiran, at konsensiya. Dahil wala sa ayos ang kanyang katwiran at kabatiran, at sukdulan nang naging manhid ang kanyang konsensiya, mapaghimagsik laban sa Diyos ang kanyang disposisyon(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Manatiling Hindi Nagbabago sa Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos). Habang pinagninilayan ko ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na si Satanas ang nagtiwali at sumira sa isipan ng mga tao. Ang mundong ito ay puno ng iba’t ibang satanikong panuntunan ng pananatiling buhay, gaya ng “Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba,” “Unahin ang kita,” at “Makakuha ng benepisyo nang walang pagdurusa o pagkalugi.” Ang lahat ay namumuhay ayon sa mga satanikong pilosopiyang ito, nagiging makasarili at kasuklam-suklam sila at ganap na binabalewala ang konsensiya. Sa lahat ng kanilang ginagawa, iniisip muna nila kung ito ba ay kapaki-pakinabang sa kanila. Kung kapaki-pakinabang ito, gagawin nila; kung hindi, hindi nila ito gagawin. Lubha rin akong ginawang tiwali ng mga satanikong kaisipan at ideyang ito. Nang makita ko na mayroon akong pangangalaga at proteksyon ng Diyos mula sa pananampalataya sa Kanya at paggawa ng aking tungkulin, at tila bumubuti ang buhay ng aking pamilya, naniwala ako na ang mga ito ay mga pagpapala mula sa Diyos na natamo ko dahil naging deboto ako sa paggawa ng aking tungkulin, at hangga’t patuloy akong aktibong gumagawa ng aking tungkulin sa ganitong paraan, matatanggap ko rin ang kaligtasan at makakapasok sa kaharian sa hinaharap. Nang magkasakit ang asawa ko at naghirap sa pera ang aming pamilya, mali ang naging pagkaunawa ko sa Diyos at nagreklamo ako tungkol sa Kanya, at naging pabasta-basta sa paggawa ng aking tungkulin. Nabunyag ng mga pangyayari na wala akong anumang sinseridad sa paggawa ng tungkulin ko. Ang lahat ng ginagawa ko ay pagtatangkang linlangin ang Diyos at gumawa ng mga plano laban sa Kanya, walang saysay na sinusubukang dayain ang Diyos para sa mga pagpapala sa pamamagitan ng paggawa ng tungkulin ko. Ang Diyos Mismo ay nagkatawang-tao at nagpapahayag ng katotohanan upang iligtas tayo. Ibinubuhos Niya sa atin ang lahat ng dugo ng Kanyang puso, at hindi Niya kailanman isinasaalang-alang ang Kanyang sariling mga interes. Ang diwa ng Diyos ay tapat; ito ay hindi makasarili, at ito ay maganda at mabuti. Sa kabaliktaran, may mga tawaran, kahilingan, at panlilinlang na nakatago sa kaunting tungkulin na ginawa ko, at hindi ko talaga itinuturing na Diyos ang Diyos. Isa akong makasarili at kasuklam-suklam na tao na nawalan ng lahat ng pagkatao at katwiran. Kung hindi sumapit sa akin ang mga bagay na ito, hindi ko kailanman makikita nang malinaw kung ano talaga ako. Noon ko lang naunawaan na ang pagkakasakit ng aking asawa at ang mga problema sa pera ng aking pamilya ay hindi sinadya ng Diyos para pahirapan ako. Sa halip, ang layunin ay upang malinaw kong makita ang aking sariling makasarili at kasuklam-suklam na pangit na mukha, pukawin ang aking puso, at ipakita sa akin kung paano umasal. Ito ang dakilang pagliligtas ng Diyos sa akin, na may pagmamahal Niya sa loob nito, pero naging masyado akong bulag para maunawaan ang Kanyang layunin, at palaging mali ang naging pagkaunawa ko sa Kanya at palagi akong nagreklamo tungkol sa Kanya. Nang maunawaan ko ito, napuno ako ng pagsisisi, at kinamuhian ko ang aking sarili. Pagkatapos niyon, naging handa akong magsisi sa Diyos at magpasakop sa Kanyang mga pamamatnugot at pagsasaayos, bumuti man o hindi ang sakit ng asawa ko o ang buhay ng aming pamilya.

Habang patuloy akong naghahanap, nakita ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Hindi sinubukan ni Job na makipagtawaran sa Diyos, wala siyang mga hinihingi sa Diyos, at hindi siya humingi ng anumang bagay mula sa Diyos. Ang kanyang pagpupuri sa pangalan ng Diyos ay dahil sa dakilang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos sa paghawak ng kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay, at hindi ito nakasalalay sa kung siya ay nagkamit ng mga pagpapala o nakatanggap ng kasawian. Naniwala siya na kung tumatanggap man ang mga tao ng mga pagpapala ng Diyos o kasawian, ang dakilang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos ay hindi magbabago, at dahil dito, anuman ang kalagayan ng isang tao, ang pangalan ng Diyos ay dapat na purihin. Dahil sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, pinagpala ang tao, at kapag sumapit ang kasawian sa tao, ito ay dahil din sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Ang dakilang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos ay may kataas-taasang kapangyarihan at nagsasaayos ng lahat tungkol sa tao; ang pabago-bagong kapalaran ng tao ay ang pagpapamalas ng dakilang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos, at sa ano mang perspektiba mo ito tinitingnan, ang pangalan ng Diyos ay dapat na papurihan. Ito ang naranasan at nalaman ni Job sa mga taon ng kanyang buhay. Ang lahat ng mga inisip at ikinilos ni Job ay umabot sa mga tainga ng Diyos, at dumating sa harap ng Diyos, at itinuring na mahalaga ng Diyos. Itinangi ng Diyos ang kaalamang ito ni Job, at pinahalagahan Niya si Job sa pagkakaroon ng ganitong puso. Ang pusong ito ay palaging naghihintay sa utos ng Diyos, at sa lahat ng lugar, at kahit ano pa ang oras o lugar nito tinatanggap ang anumang sasapit sa kanya. Walang hiningi si Job sa Diyos. Ang hiningi niya sa sarili niya ay ang maghintay, tumanggap, humarap at magpasakop sa lahat ng pagsasaayos na nanggaling sa Diyos; naniwala si Job na ito ang kanyang tungkulin, at ito mismo ang nais ng Diyos(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II). Nang mawala kay Job ang lahat ng kanyang tupa at baka at ang lahat ng kanyang kayamanan, bagama’t naghirap ang kanyang damdamin, makatwiran siya. Hindi siya agad gumawa ng kongklusyon noong hindi niya naunawaan ang layunin ng Diyos, at hindi siya kailanman nagsabi ng kahit isang salita ng reklamo o paghihimagsik laban sa Diyos. Alam niya na ang Diyos ang nag-iisa at tanging tunay na Diyos, na lumikha ng lahat ng bagay at may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay at nagbibigay man ang Diyos o kumukuha, ang Kanyang pangalan ay dapat laging purihin at dakilain. Nagawa ni Job na tumanggap mula sa Diyos at magpasakop sa lahat ng kapaligirang inihanda ng Diyos. Sa kabaliktaran, nang tingnan ko ang aking sarili, nakita ko na kapag pinagkakalooban ako ng Diyos ng mga biyaya at pagpapala, tuwang-tuwa akong pinupuri ang Kanyang pangalan, pero nang magkasakit ang asawa ko at dumanas ng mga suliranin sa pera ang aming pamilya, hindi ako nagdasal para hanapin at arukin ang Kanyang layunin. Sa halip, ginusto kong gamitin ang paggawa ng aking tungkulin para subukang kunin ang tiwala ng Diyos sa mapanlinlang na paraan, at para tulungan Niya akong lutasin ang mga problema ng aking pamilya. Kapag hindi naaayon sa kagustuhan ko ang ginawa ng Diyos, nagrereklamo ako na hindi Siya matuwid sa akin. Hindi ako nagpakita ng tunay na pagpapasakop sa Diyos kahit kaunti. Napakalaki talaga ng pagkakaiba namin ni Job. Napakababa ng aking pagkatao!

Kalaunan, nagbasa pa ako ng mas maraming salita ng Diyos at naunawaan ko kung paano nauugnay ang pananampalataya sa Diyos at paggawa ng aking tungkulin sa pagtanggap ng mga pagpapala o pagdanas ng kasawian. Sabi ng Diyos: “Walang kaugnayan sa pagitan ng tungkulin ng tao at kung siya ay nakatatanggap ng mga pagpapala o napupunta sa aba. Ang tungkulin ay kung ano ang nararapat tuparin ng tao; ito ang bokasyong mula sa langit, at dapat niya itong gampanan nang hindi naghahanap ng gantimpala, at nang walang mga kondisyon o dahilan. Ito lang ang matatawag na paggampan sa tungkulin ng isang tao. Ang pagtanggap ng mga pagpapala ay tumutukoy sa mga pagpapalang natatamasa ng isang tao kapag siya ay ginawang perpekto matapos makaranas ng paghatol. Ang mapunta sa aba ay tumutukoy sa kaparusahang natatanggap ng isang tao kapag ang kanyang disposisyon ay hindi nagbago matapos siyang sumailalim sa pagkastigo at paghatol—ibig sabihin, kapag hindi siya ginagawang perpekto. Ngunit nakatatanggap man sila ng mga pagpapala o napupunta sa aba, dapat tuparin ng mga nilikha ang kanilang tungkulin, gawin ang dapat nilang gawin, at gawin ang kaya nilang gawin; ito ang pinakamaliit na bagay na dapat gawin ng isang tao, isang taong naghahangad sa Diyos. Hindi mo dapat gampanan ang iyong tungkulin alang-alang sa pagtanggap ng mga pagpapala, at hindi ka dapat tumangging gampanan ang tungkulin mo dahil sa takot na mapunta sa aba. Sasabihin Ko sa inyo ang isang bagay na ito: Ang paggampan ng tao sa kanyang tungkulin ang dapat niyang gawin, at kung hindi niya ginagampanan ang kanyang tungkulin, ito ang kanyang paghihimagsik(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Diyos na Nagkatawang-tao at ng Tungkulin ng Tao). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang buhay ng tao ay kaloob ng Diyos, at lahat ng tinatamasa ng tao ay ibinibigay ng Diyos. Dapat gawin ng mga tao ang kanilang mga tungkulin nang walang kondisyon. Ito ay ganap na likas at may katwiran. Hindi dapat magbigay ng mga kondisyon o kahilingan ang mga tao; lalong hindi sila dapat gumawa ng kanilang mga tungkulin para lamang makatanggap ng mga pagpapala at biyaya. Iyon ang pinaka-hindi makatwirang bagay na magagawa nila. Tulad ng kung paano nagdurusa ang mga magulang sa pagpapalaki sa kanilang mga anak, dapat suportahan ng mga anak ang kanilang mga magulang. Kung sinusuportahan lang ng mga tao ang kanilang mga magulang kapag nakikita nila na may matatanggap silang mana, at itinataboy ang kanilang mga magulang kapag walang anumang ari-arian ang mga ito, ang mga taong ito ay mga mapaghimagsik na anak; sila ay mga hayop. Wala silang pagkatao. Ang paggawa ng tungkulin ko ay bokasyon ko na galing langit bilang isang nilikha, at hindi ako dapat magdala ng anumang mga layunin o hangarin sa paggawa nito. Pagpalain man ako ng Diyos o hindi, dapat kong tuparin nang maayos ang aking tungkulin nang walang kondisyon. Bukod pa rito, sinubukan akong pigilan ng asawa ko sa pananampalataya sa Diyos. Kasalanan niya na hindi gumaling ang kanyang sakit. Hindi siya karapat-dapat na kaawaan. Ang mister ko ay isang taong lumalaban sa Diyos, pero hiniling ko pa sa Diyos na pagalingin ang kanyang sakit at nagreklamo pa ako tungkol sa Diyos. Talagang hindi ito makatwiran, at nagdulot ito ng pagkasuklam at pagkamuhi ng Diyos. Sa hinaharap, gumaling man ang asawa ko sa kanyang sakit o hindi, handa akong magpasakop sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos, itama ang aking saloobin, at gawin nang maayos ang aking tungkulin nang buong puso at isipan. Sa sandaling naunawaan ko ito, hindi na ako nakaramdam ng pait. Pagkatapos ay naisip ko ang sinasabi sa Bibliya: “Masdan ninyo ang mga ibon sa himpapawid: sapagkat ang mga ito’y hindi naghahasik, ni umaani, ni nagtitipon man sa mga kamalig; ngunit ang mga ito’y pinakakain ng inyong Ama sa langit. Hindi ba lalong higit ang halaga ninyo kaysa sa mga ito?(Mateo 6:26). Sinabi ng Diyos na ang mga ibon sa himpapawid ay hindi naghahasik o nag-aani, ngunit pinapakain pa rin Niya ang mga ito, paano pa kaya ang mga tao? Ayaw ng Diyos na maghanda o magplano ako para sa mga mangyayari sa hinaharap, kundi nais Niyang hayaan ko na lang ang mga bagay na mangyari nang natural. Dapat akong maging kontento sa pagkakaroon lang ng sapat na pagkain at damit. Bagama’t may mga problema sa pera ang aming pamilya, nakakaraos pa rin kami, at handa akong magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, hindi na nagdurusa sa pagkabagabag at pagkabalisa para sa kinabukasan.

Kalaunan, ang tiyuhin ng kaibigan ng asawa ko ay dumating sa aming lugar para magbakasyon. Itinuro niya sa asawa ko ang paggamit ng mga plaster na may gamot at mga paraan ng paggamot sa pananakit ng likod at binti, at ginamot pa siya nang libre. Pagkaraan ng ilang panahon, bumuti nang malaki ang kalagayan ng asawa ko, at nagbukas din siya ng isang klinika sa palengke para gamutin ang pananakit ng likod at binti, kumikita ng kaunting pera para madagdagan ang kita ng pamilya. Matapos maranasan ang mga bagay na ito, hindi na ako gaanong hinahadlangan ng asawa ko sa pananampalataya sa Diyos. Pagkatapos, ilang beses na bumalik ang sakit ng asawa ko, pero hindi na ako nagreklamo tungkol sa Diyos dahil sa sakit ng aking asawa. Alam kong anuman ang ipinapamatnugot ng Diyos ay mabuti, at dapat akong magpasakop sa Diyos at gawin nang maayos ang aking tungkulin. Ang magawa kong magbago sa ganitong paraan ay bunga ng pamumuno ng mga salita ng Diyos. Salamat sa Diyos!

Sinundan: 83. Tunay na Pag-ibig Ba ang Pagmamahal Ko sa Aking Anak na Babae?

Sumunod: 85. Walang Pagkakaiba sa Katayuan o Ranggo sa mga Tungkulin

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito