76. Sa Wakas, Nakaalis na Ako sa Anino ng Pagiging Mas Mababa

Ni Shimai, Tsina

Simula pa noong bata ako, medyo mabagal na ang reaksiyon at pang-unawa ko. Noong nag-aaral pa ako, kapag nagtatanong ang mga titser ng mga medyo komplikadong tanong, hindi ako agad makasagot at madalas mali ang mga sagot ko. Dahil doon, madalas akong pagtawanan ng mga kaklase ko at sinasabi rin ng mga titser ko na bobo ako. Mula noon, pakiramdam ko ako na ang pinakabobo sa mga ka-edad ko. Sabi pa ng mga titser, ang mga estudyanteng tulad ko na mahina sa pag-aaral ay magiging mga trabahador lang o magsasaka paglaki, habang iyong magagaling mag-aral ay puwedeng maging mga lider o manager. Sobrang sakit para sa akin ng mga salitang iyon. Lalo rin akong naging introvert at hindi handa na magsalita at takot na akong makisalamuha sa iba.

Noong 2006, tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Noong nagsimula akong dumalo sa mga pagtitipon, takot akong pagtawanan, kaya hindi ako nangangahas na makipagbahaginan. Kadalasan, ako ang huling nagbabahagi. Gayumpaman, nalaman ko na hindi ako minaliit ng mga kapatid, at sa halip ay hinikayat pa nila akong mas magbahagi, kaya tumigil ang pakiramdam kong nalilimitahan ako sa puso ko. Kalaunan, nabigyan ako ng tungkulin. Pero, palagi pa rin akong nakakaramdam ng pagiging mas mababa dahil sa mabagal kong reaksiyon at mahinang kakayahan, at madalas maapektuhan ang kalagayan ko kapag ginagawa ko ang tungkulin ko. Sa simula, ang ginagawa ko ay tungkuling nakabatay sa imahe. Sa tuwing tinatalakay namin ang mga imahe kasama ang mga sister na katuwang ko, napakabilis nilang makita ang mga problema sa mga imahe at nakakapagmungkahi sila ng mga pagbabago. Pero, mas mabagal ang reaksiyon ko at kailangan ko pang tingnan nang ilang beses bago makakita ng mga problema. Minsan, kapag nag-iisip kami ng mga ideya para sa paggawa ng mga imahe, gusto ko sanang sabihin ang mga pananaw at ideya ko, pero pakiramdam ko mahina ang kakayahan ko at hindi ko makita ang mga pangunahing problema, kaya wala ring gaanong silbi kung magsasalita ako, at mapapahiya pa ako kapag nagkamali ako ng sinabi. Kaya, bihira akong magpahayag ng mga opinyon ko.

Isang beses, hiniling sa akin ng isang sister na katuwang ko na suriin ko kung kailangan bang gawin ulit ang isang imahe. Pagkatapos kong tingnan, pakiramdam ko maganda naman ang visual effect ng imahe, at hindi na kailangang ulitin. Pero, naisip ko na dahil mahina ang kakayahan ko at hindi tiyak na kaya kong makakita ng mga problema nang tumpak, kaya hiniling ko na lang sa lider ng pangkat na tingnan ito. Sa huli, iba ang opinyon ng lider ng pangkat kaysa sa akin, at sa tingin niya may problema sa konsepto ng imahe at kailangan itong ulitin. Gusto ko sanang sabihin ang opinyon ko, pero naisip ko, “May mahusay na kakayahan ang lider ng pangkat, kabisado na niya ang mga prinsipyo, at mas magaling ang propesyonal na kasanayan niya kaysa sa akin. Bobo na ako mula pagkabata, at hindi mahusay ang abilidad kong umunawa ng mga bagay-bagay. Siguro ako ang nagkamali sa pagsuri ng imahe. Hindi na ako magpipilit. Mahina na nga ang kakayahan ko, kung hindi ko pa tatanggapin ang mungkahi ng iba, mas lalo pa akong mapapahiya. Hayaan mo na, gawin na lang natin ulit ang imahe ayon sa mungkahi ng lider ng pangkat.” Hindi ko inaasahan na kinabukasan, sinabi ng superbisor na angkop naman ang konsepto ng imahe at hindi na kailangang ulitin. Naghanap pa siya ng mga kaugnay na prinsipyo at itinuro ang mga paglihis namin. Naisip ko sa sarili ko, kung paanong pumasok din sa isip ko noong panahong iyon ang mga prinsipyong nahanap ng superbisor. Kung nagpumilit ako, naging mas mainam pa siguro. Gumugol ng mahabang oras ang katuwang ko sa pag-edit ng imahe, pero nauwi lang sa wala ang lahat sa huli, at naantala pa ang ibang gawain. Medyo hindi ako mapalagay at sinisisi ko ang sarili ko, pero hindi ako nagnilay-nilay sa sarili ko pagkatapos. Sa isa pang pagkakataon, noong sinusuri ko ang isang imahe, tiningnan ko ito nang ilang beses at naramdaman ko na angkop naman ang visual effect, at na kailangan lang nito ng kaunting pagbabago. Pero, tiningnan ito ng ilang sister at sinabing hindi malinaw ang temang ipinapahayag nito at wala itong halaga. Sa puso ko, hindi ako sang-ayon sa pananaw nila, at gusto kong sabihin ang sarili kong opinyon. Pero naisip ko, “Mas mahusay ang kakayahan nila, mas naaarok nila ang mga prinsipyo kaysa sa akin, at mas malalim ang pagtingin nila sa mga problema kaysa sa akin. Bobo na ako mula pagkabata at mahina ang kakayahan ko, kaya siguro ako ang nagkamali ng tingin.” Medyo naging negatibo rin ako, “Nakikita ng lahat ng ibang tao ang mga problema at kung ano ang kulang dito, pero ilang beses ko nang tiningnan at wala akong makitang problema. Sobrang hina talaga ng kakayahan ko. Mukhang hindi talaga ako angkop na gawin ang tungkuling ito.” Nang hindi ko inaasahan, tiningnan ng superbisor ang imaheng ito at sinabing puwede na itong gamitin pagkatapos ng kaunting pagbabago. Nagsisi tuloy ako na sana nagpumilit na lang ako noon. Kalaunan, tinanong ako ng superbisor, “Bakit hindi mo pinanindigan ang pananaw mo? Muntik nang masayang ang isang mahalagang imahe! Kung sa tingin mo tama ang pananaw mo, sabihin mo ang opinyon mo at makipagtalakayan sa lahat. Kahit na magkamali ka pa ng sasabihin, ayos lang na itama iyon kalaunan.” Nang marinig ko ang sinabi ng superbisor, sobrang nabagabag ako. Gayumpaman, masyado akong iginapos ng tiwali kong disposisyon, at nang maharap sa mga sitwasyon kalaunan, hindi pa rin ako nangahas na manindigan sa pananaw ko. Dahil palagi akong namumuhay sa negatibong kalagayan, at palaging ayaw kong magpahayag ng mga opinyon sa paggawa ng tungkulin ko, matagal akong hindi umusad at sa huli ay tinanggal ako. Pero, hindi ako nagnilay-nilay sa sarili ko; sa halip, lalo lang nitong pinatunayan sa akin na mahina ang kakayahan ko.

Noong Hulyo 2022, isinaayos ng iglesia na gumawa ako ng tungkulin sa mga pangkalahatang usapin. Nakita ko na kahit hindi gaanong nakapag-aral ang sister na katuwang ko, mabilis ang reaksiyon niya at mabilis matuto ng mga bagay. Mas mahusay din siya kaysa sa akin sa paggawa ng tungkulin niya. Hindi pa rin ako nangangahas na aktibong magpahayag ng mga opinyon ko noong nakipagtulungan ako sa kanya. Minsan, atubili akong nagsasabi ng kaunting salita, pero kapag nagbigay ang sister ko ng ibang pananaw, agad kong ibinabasura ang sa akin nang walang pagdadalawang-isip. Palagi akong kimi at alanganin sa harap ng sister ko, takot na baka sabihin niyang kahit wala akong anumang nauunawaan, nagsasalita pa rin ako ng walang kuwentang bagay at ginugulo ang mga bagay-bagay, kaya naging napakapasibo ko sa tungkulin ko.

Madalas kong isipin, “Bakit ba kahabag-habag at nakakapagod ang buhay ko?” Noon lang Nobyembre 2022, nang mabasa ko ang pagbabahagi ng Diyos tungkol sa paglutas sa mga damdamin ng pagiging mas mababa, saka ko naunawaan ang sarili kong kalagayan. Nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Sa panlabas, ang pagiging mas mababa ay isang emosyon na naipapamalas sa mga tao; pero sa katunayan, ang ugat nito ay ang katiwalian ni Satanas, ang kapaligirang ginagalawan ng mga tao, at sariling mga obhetibong dahilan ng mga tao. Ang buong sangkatauhan ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng masama, lubos na ginawang tiwali ni Satanas, at walang nag-eeduka sa kanilang mga anak nang alinsunod sa katotohanan at mga salita ng Diyos; sa halip, ginagawa nila ito nang alinsunod sa mga bagay na nagmumula kay Satanas. Kaya naman, maliban sa ginagawa nitong tiwali ang mga disposisyon at diwa ng mga tao, ang kahihinatnan ng pagtuturo sa susunod na henerasyon at buong sangkatauhan gamit ang mga bagay na kay Satanas ay ang pag-usbong ng mga negatibong emosyon sa mga tao. … Ipagpalagay na ang iyong mga magulang, guro, nakatatanda, at ang ibang tao sa paligid mo ay pawang may hindi makatotohanang pagsusuri sa iyong kakayahan, pagkatao, at karakter, at sa huli, ang ginagawa nito sa iyo ay aatakihin ka, aapihin, susupilin, itatali, at igagapos. Sa huli, kapag wala ka nang anumang abilidad na lumaban, wala kang ibang pagpipilian kundi ang pumili ng isang buhay ng tahimik na paglunok sa iyong mga hinaing, at piliing labag sa loob na tanggapin at tahimik na pagtiisan ang ganitong uri ng hindi patas at hindi makatarungang realidad. Kapag tinanggap mo ang realidad na ito, ang damdaming sa huli ay lilitaw sa iyo ay hindi kaligayahan, kasiyahan, o isang bagay na positibo o nakapagpapasigla; hindi ka mamumuhay nang may higit na motibasyon at mas malaking pagkadama ng direksyon, lalo namang hindi mo hahangarin ang tumpak at tamang mga layon para sa buhay ng tao, kundi sa halip ay isang malalim na emosyon ng pagiging mas mababa ang lilitaw sa iyo. Kapag lumitaw ang emosyong ito sa iyo, pakiramdam mo ay wala kang magawa. Kapag naharap ka sa isang isyu kung saan nangangailangan na magpahayag ka ng pananaw, hindi mabilang na beses mong pag-iisipan ang gusto mong sabihin at ang pananaw na nais mong ipahayag sa kaibuturan ng iyong puso, pero hindi ka pa rin mangangahas na sabihin ito. Kapag may isang tao na nagpapahayag ng pananaw na pareho ng sa iyo, nadarama mo lang sa puso mo ang isang kumpirmasyon—isang kumpirmasyon na hindi ka mas masahol kaysa sa ibang tao. Pero kapag nangyayaring muli ang ganoong sitwasyon, sinasabi mo pa rin sa iyong sarili, ‘Hindi ako pwedeng magsalita nang walang ingat, pagtinginan, o maging katatawanan. Wala akong kwenta, ako ay estupido, hangal, at tunggak. Kailangan kong matutong magtago; kailangan kong makinig lang at hindi magsalita.’ Mula rito ay makikita natin na simula sa punto ng pag-usbong ng emosyon ng pagiging mas mababa hanggang sa kapag malalim na itong nakabaon sa kaibuturan ng puso ng isang tao, pagkatapos ay napagkakaitan siya ng sarili niyang malayang kalooban at ng mga lehitimong karapatan na ipinagkaloob sa kanya ng Diyos, hindi ba? (Oo.) Sa ganitong paraan siya napagkaitan ng mga bagay na ito. Sino mismo ang nagkait sa kanya ng mga ito? Hindi mo masabi nang tiyak, hindi ba? Wala sa inyo ang makapagsasabi nang tiyak. Ito ay dahil, sa buong prosesong ito, hindi ka lamang biktima, kundi ikaw rin ang salarin—ikaw ang biktima ng ibang tao, at ikaw rin ang biktima ng iyong sarili. Bakit ganoon? Kasasabi Ko lang ngayon na isang dahilan ng pagiging mas mababa na lumilitaw sa iyo ay mula sa sarili mong mga obhetibong dahilan. Mula nang nagsimula ka nang magkaroon ng nagsasariling kamalayan, ang iyong batayan sa paghusga sa mga bagay-bagay ay nagmula sa pagtitiwali ni Satanas, at ang mga pananaw mo sa mga bagay ay ikinintal sa iyo ng lipunan at ng sangkatauhan, at hindi itinuro sa iyo ng Diyos. Samakatwid, kailanman o saan mang konteksto umusbong ang emosyon mo ng pagiging mas mababa, at gaano man kalubha na ang iyong emosyon ng pagiging mas mababa, hindi mo nakokontrol na ikaw ay nakagapos at kontrolado ng emosyong ito, at ginagamit mo ang mga pamamaraang ito na ikinintal sa iyo ni Satanas sa pagharap mo sa mga tao, pangyayari, at bagay sa iyong paligid. Kapag nag-ugat nang malalim sa kaibuturan ng iyong puso ang emosyon ng pagiging mas mababa, bukod sa may matinding epekto ito sa iyo, pinangingibabawan din nito ang iyong mga pagtingin sa mga tao at bagay, at ang iyong sariling asal at mga kilos(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Hangarin ang Katotohanan (1)). Talagang nauunawaan ng Diyos ang mga kalagayan ng tao. Ganoong-ganoon nga ang pag-uugali ko. Mula pa noong bata ako hanggang sa maghustong gulang, pakiramdam ko ay mabagal akong mag-react, bobo, at mahina ang kakayahan, kaya hindi ako nangangahas na magpahayag ng mga opinyon, palaging umaatras, at laging takot na magkamali. Noong nag-aaral pa ako, dahil sa mahina kong pang-unawa at mabagal na reaksiyon, at dahil hindi ako agad natututo tulad ng mas matatalino kong kaklase, sa pagsusuri ng mga titser, ako ay bobo at hangal. Dahil sa panunuya ng mga titser at pangungutya ng mga kaklase ko, naramdaman kong napakababa ko. Matapos akong manampalataya sa Diyos at gumawa ng tungkulin ko, sa tuwing nakakasalamuha ko ang mga kapatid na mabilis mag-isip, iniisip ko na mahusay ang kakayahan ng ganitong uri ng tao at tiyak na magugustuhan sila ng Diyos. Sa kabaligtaran, naniwala akong mahina ang kakayahan ko dahil mabagal akong mag-isip. Palagi akong namumuhay sa negatibong kalagayan, at napakapasibo ko sa paggawa ng tungkulin ko. Kadalasan, hindi ako nangahas na magpahayag ng pananaw ko, at kapag paminsan-minsan ay ginawa ko ito at may tumutol, hindi ako nangangahas na talakayin ang mga ideya ko sa kanila dahil sa mga damdamin ko ng pagiging mas mababa, kahit hindi ako lubos na sang-ayon sa kanila. Naisip ko na matatalino at mahuhusay ang kakayahan ng ibang mga sister, kaya tiyak na mas tumpak ang pagtingin nila sa mga bagay-bagay kaysa sa akin, at isinasantabi ko ang lahat ng sarili kong ideya. Ang negatibong damdaming ito ay parang isang hindi nakikitang lubid na mahigpit na gumagapos sa akin, dahilan para hindi ako mangahas na ipahayag ang mga opinyon ko. Kusang-loob akong nagpapakontrol sa mga damdamin ko ng pagiging mas mababa, namumuhay ng kahabag-habag na buhay, at hindi ko magawa ang mga bagay na kaya kong gawin. Sa huli, nabigo akong gawin nang maayos ang tungkulin ko at tinanggal ako. Sobrang laki ng pinsalang idinulot sa akin ng negatibong damdaming ito!

Nagpatuloy akong basahin ang mga salita ng Diyos: “Ito man ay pagiging mas mababa o iba pang negatibong emosyon, dapat kang magkaroon ng tamang pagkaunawa sa mga komento mula sa mga tao na humahantong sa paglitaw ng emosyong ito. Una, dapat mong maunawaan na ang mga komentong iyon ay hindi tumpak, at ito man ay tungkol sa iyong kakayahan, talento, o sa iyong karakter, ang mga pagsusuri at kongklusyon nila sa iyo ay pawang hindi tumpak. Kaya, paano mo tumpak na masusuri at makikilala ang iyong sarili, at paano ka makalalaya sa emosyon ng pagiging mas mababa? Dapat mong gamitin ang mga salita ng Diyos bilang batayan sa pagkilala sa iyong sarili—subukang alamin kung ano ang iyong pagkatao, kung ano talaga ang iyong kakayahan at mga talento, at kung anong mga kalakasan ang mayroon ka. Halimbawa, ipagpalagay na dati kang mahilig at magaling kumanta, pero palagi kang pinupuna at minamaliit ng ilang tao, sinasabing wala ka sa tono at na wala ka sa himig, kaya nadarama mo na hindi ka magaling kumanta at hindi ka na naglalakas-loob na gawin ito sa harap ng ibang tao. Hindi ka tumpak na sinuri at hinusgahan ng mga makamundong taong iyon, ng mga taong magulo ang isip at ordinaryo, nililimitahan ang mga karapatan na nararapat sa iyong pagkatao, at pinipigilan ang iyong talento. Bilang resulta, ni hindi ka na naglalakas-loob na kumanta ng isang awitin, at matapang ka lang na nakakakanta nang malakas at malaya kapag nag-iisa ka. Dahil mismo karaniwan mong nararamdaman na masyado kang nasusupil na hindi ka nangangahas na kumanta ng awitin kapag hindi ka mag-isa; nangangahas ka lang na kumanta kapag mag-isa ka, tinatamasa ang oras na nagagawa mong kumanta nang malakas at malinaw—sobrang kaaya-aya, malaya, at nakakapagpalaya ang pakiramdam mo sa oras na iyon! Hindi ba’t totoo iyon? Dahil sa pinsalang nagawa sa iyo ng mga tao, hindi mo alam at hindi mo malinaw na nakikita kung ano ba talaga ang kaya mong gawin, kung saan ka magaling, at kung saan ka hindi magaling. Sa ganitong sitwasyon, kailangan mong gumawa ng tamang pagsusuri at sukatin nang tama ang iyong sarili batay sa mga salita ng Diyos. Dapat mong masiguro kung ano ang natutunan mo at kung saan naroroon ang mga kalakasan mo, at gawin mo ang anumang kaya mo; para naman sa mga bagay na hindi mo kayang gawin, ang iyong mga kakulangan at kapintasan, dapat mong pagnilayan at kilalanin ang mga ito, at dapat ka ring magkaroon ng tumpak na pagsusuri at kaalaman sa kung ano ang kakayahan mo, kung mahusay o mahina ba ito. Kung hindi mo maunawaan o wala kang malinaw na pagkilala sa sarili mong mga problema, kung gayon, hilingin mo sa mga tao sa paligid mo na may pagkaunawa na kilatisin ka. Tumpak man o hindi ang sasabihin nila, kahit papaano ay mabibigyan ka nito ng pagbabatayan at mabibigyang-kakayahan ka nito na magkaroon ng batayang paghusga o paglalarawan sa iyong sarili. Pagkatapos, malulutas mo na ang esensiyal na problema ng negatibong emosyong ito—ang emosyon mo ng pagiging mas mababa—at unti-unti kang makakaahon mula rito. Ang emosyon ng pagiging mas mababa ay madaling lutasin kung makakakilatis at mamumulat mula rito ang isang tao, at kung hahanapin niya ang katotohanan(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Hangarin ang Katotohanan (1)). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na hindi tumpak ang pagsusuri sa akin ng mga titser ko sa eskuwelahan, at hindi rin obhetibo ang pagsusuri ko sa sarili ko. Para malutas ang mga damdamin ko ng pagiging mas mababa, kailangan kong magkaroon ng tumpak na pagsusuri sa sarili ko, sukatin ang sarili ko ayon sa mga salita ng Diyos, at pakinggan ang mga pagsusuri at opinyon sa akin ng mga kapatid sa paligid ko. Ang pagsasagawa lang sa ganitong paraan ang magiging tumpak. Samakatwid, hiniling ko sa sister na katuwang ko na suriin ako. Sabi niya, “Sa totoo lang, hindi ka naman ganoon kahina gaya ng sinasabi mo. Nakakaunawa ka rin ng ilang problema, at may ilang pananaw at mungkahi ka na kapaki-pakinabang. Minsan kapag tinatanong kita kung bakit ganoon ang pananaw mo, hindi ko sinasabing mali ka. Gusto ko lang malaman kung alinsunod sa anong mga prinsipyo mo sinasabi iyon. Pero, lagi mong itinatanggi ang sarili mo. Sa hinaharap, kung sa tingin mo ay naaayon sa prinsipyo ang pananaw mo, kailangan mong magsalita, at makipagbahaginan at talakayin ito sa lahat. Pagiging responsable rin ito sa tungkulin mo.” Kalaunan, nagsanay akong ipahayag ang mga opinyon ko habang ginagawa ang tungkulin ko. Karamihan sa mga mungkahi ko ay natatanggap naman ng katuwang kong sister. Mas mabilis ang sister ko sa paggawa ng mga pangkalahatang gawain kaysa sa akin, pero kapag may mga usapin na nangangailangan ng pagsusulat ng mga liham para makipagbahaginan sa mga kapatid, sinabi niyang hindi siya mahusay rito at hiniling niya sa akin na mas gawin ko pa ito. Sa pamamagitan ng pagdarasal sa Diyos at paghahanap at pagninilay sa mga kaugnay na katotohanan, nakatulong din ako sa mga kapatid na lutasin ang ilang problema. Noong sandaling iyon, naramdaman kong hindi pala ako ganap na walang silbi: kaya kong maarok ang katotohanan; bagama’t medyo mas mabagal ang reaksiyon ko kaysa sa iba, sa dahan-dahang pagninilay, nakakaunawa rin ako ng ilang prinsipyo at nakakaisip ng ilang landas ng pagsasagawa. Nang gumawa ako ng mga tungkulin pagkatapos, hindi na gaanong mabigat ang puso ko tulad ng dati.

Noong Mayo 2023, hiniling sa akin ng mga lider na maging superbisor ng pangkat ng sining. Sobrang kaba ko—gawa nang may mahina akong kakayahan, maisasakatuparan ko ba talaga ang tungkulin ng isang superbisor? Gusto ko sanang tumanggi, pero naisip ko na nasa kataas-taasang kapangyarihan at pagsasaayos ng Diyos ang paggawa ko sa tungkuling ito, kaya tinanggap ko ito. Pagkatapos magsanay nang ilang panahon, nakita ko na ang dalawang sister na katuwang ko ay hindi lang mabilis mag-isip at may mahusay na kakayahan, kundi napakagaling din ng kapabilidad sa gawain. Nag-alala tuloy ako na baka maliitin ako ng mga sister dahil mabagal akong mag-react. Pakiramdam ko, hindi ko magagampanan ang papel ng isang superbisor, at mas mabuti pang manahimik na lang ako at gampanan ang pagiging miyembro ng pangkat. Sa ganoong paraan, hindi ako magmumukhang ganoon kahina. Habang mas inisip ko ito, mas lalo akong naging negatibo. Naging napakapasibo ko rin sa paggawa ng mga tungkulin ko. Palagi kong sinasabing hindi ako magaling at mahina ang kakayahan ko, umaasang magtatalaga ang mga lider ng isang taong may mahusay na kakayahan para pumalit sa akin. Labis na nababagabag ang puso ko sa pamumuhay sa ganitong negatibo at pasibong kalagayan. Naisip ko kung gaano kaabala ang gawain, pero pasibo pa rin ako at hindi ko pinagsisikapang humusay pa. Hindi ito pagprotekta sa gawain ng sambahayan ng Diyos! Kailangan kong agad na baligtarin ang negatibo at pasibong kalagayang ito.

Kalaunan, nagnilay ako. Mula pagkabata hanggang maghustong gulang, palagi kong pinaniniwalaan na ang mabagal kong reaksiyon ay nangangahulugang mahina ang kakayahan ko, na naging dahilan para palagi akong maging pasibo at negatibo sa paggawa ng tungkulin ko. Ang pagsukat ba ng mga bagay sa ganitong paraan ay naaayon sa katotohanan? Nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Paano dapat sukatin ang kakayahan ng isang tao? Ang tanging angkop na paraan para gawin ito ay sa pamamagitan ng pagtingin sa kanyang saloobin sa katotohanan at kung kaya ba niyang arukin ang katotohanan o hindi. Napakabilis matuto ng ilang tao ng mga teknikal na kasanayan, ngunit sa sandaling marinig nila ang katotohanan, nalilito sila at inaantok. Naguguluhan ang kanilang isipan, at hindi nila kayang matanggap ang katotohanan ni maunawaan ito. Ito ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng mahinang kakayahan. Tumatanggi ang ilang tao na tanggapin ito kapag sinasabi mo sa kanila na mayroon silang mahinang kakayahan. Iniisip nila na ang pagkakaroon ng mataas na antas ng edukasyon ay nangangahulugang mayroon silang mahusay na kakayahan. Nangangahulugan ba talaga na mahusay ang kakayahan ng isang taong may mataas na antas ng edukasyon? Hindi. Paano dapat sukatin ang kakayahan ng isang tao? Dapat itong sukatin batay sa antas ng pag-arok niya sa mga salita ng Diyos at sa katotohanan. Ito ang pinakatumpak na pamamaraan. Ang ilang tao ay mahusay magsalita, matalas ang isip, at lalong bihasa sa pakikitungo sa mga tao. Ngunit kapag nakikinig sila sa mga sermon, hindi nila ito kailanman maintindihan gaano man nila subukan, at kapag binabasa nila ang mga salita ng Diyos, hindi nila maunawaan ang mga ito. Kapag ibinabahagi nila ang kanilang patotoong batay sa karanasan, palaging mga salita at doktrina lang ito; lumalabas silang mga karaniwang tao lamang, at pakiramdam ng iba ay wala silang espirituwal na pang-unawa. Ang mga ito ay mga taong may mahinang kakayahan(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Upang Matupad Nang Maayos ang Tungkulin ng Isang Tao, Pag-unawa sa Katotohanan ang Pinakamahalaga). Lumalabas na ang pagiging edukado, mabilis mag-isip, at mahusay magsalita ay hindi nangangahulugang may mahusay na kakayahan ang isang tao. Hindi sinusukat ng Diyos ang kakayahan ng mga tao sa pamamagitan ng pagtingin sa antas ng kanilang edukasyon o sa bilis ng kanilang pag-iisip, kundi pangunahing nakabatay sa pagtingin sa antas ng kanilang pag-arok at pagtanggap sa katotohanan. Ang mga taong may mahusay na kakayahan ay may dalisay na pagkaarok at pagkaunawa sa mga salita ng Diyos. Kaya nilang pagnilayan at unawain ang sarili nilang mga tiwaling kalikasan, at makahanap ng tumpak na mga prinsipyo ng pagsasagawa sa mga salita ng Diyos kapag dumarating sa kanila ang mga problema o paghihirap. Ang mga taong may mahinang kakayahan ay hindi kayang maunawaan ang katotohanan, at hindi kayang ihambing ang kanilang sarili sa mga salita ng Diyos o kilalanin ang kanilang sarili. Kapag dumarating sa kanila ang mga bagay-bagay, hindi sila makahanap ng mga prinsipyo ng pagsasagawa, kundi puro pagbigkas lang ng doktrina at pagsunod sa mga regulasyon ang ginagawa. Nang ihambing ko ang sarili ko rito, nakita kong kadalasan, hindi naman baluktot ang pagkaarok ko sa mga salita ng Diyos; talaga lang mas mababaw ang pagkaunawa ko sa ilang isyu, at hindi ko nauunawaan ang mga bagay nang kasingbilis o kasinglalim gaya ng mga taong may mahusay na kakayahan. Gayumpaman, nauunawaan ko naman ang mga ito kapag nakikipagbahaginan sa akin ang mga kapatid tungkol sa mga ito. Hindi naman ganoon kahina ang kakayahan ko na hindi ko na kayang maunawaan ang katotohanan, at maituturing ito na katamtaman. Ngayon, ginagawa ko ang tungkulin ng isang superbisor, at bagama’t hindi ko pa gaanong naaarok ang ilang prinsipyo at may ilang pagkukulang, mas mahusay ang kakayahan ng mga sister na katuwang ko, at, sa pakikipagtulungan sa kanila, nakakagawa pa rin ako ng ilang tungkulin. Dati, hindi ko nauunawaan ang mga prinsipyo sa pagsukat sa kakayahan ng isang tao, at binigyang-hatol ko na ang sarili ko na may mahina akong kakayahan nang makita ko kung gaano kabagal ang mga reaksiyon ko. Namuhay ako sa negatibong kalagayan at ayaw ko nang magsikap na umangat. Hindi lang ako nabigong makatanggap ng kaliwanagan at pamumuno ng Diyos, naantala ko pa ang gawain. Nang maunawaan ko ang katotohanan sa bagay na ito, nagawa kong tratuhin nang tama ang sarili kong kakayahan at harapin nang may katwiran ang sarili kong mga kakulangan.

Pagkatapos, pinagnilayan ko rin, “Mula pagkabata, naramdaman ko na ang mababang pagtingin ko sa sarili. Bukod sa ilang walang-katotohanang perspektiba sa mga bagay-bagay, anong mga tiwaling disposisyon ang mayroon ako?” Nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Kumpara sa mga ordinaryong tao, mas matindi ang pagmamahal ng mga anticristo sa kanilang reputasyon at katayuan, at isa itong bagay na nakapaloob sa kanilang disposisyong diwa; hindi ito isang pansamantalang interes, o ang lumilipas na epekto ng kanilang paligid—ito ay isang bagay na nasa kanilang buhay, nasa kanilang mga buto, kaya ito ay kanilang diwa. Masasabing sa lahat ng ginagawa ng mga anticristo, ang una nilang isinasaalang-alang ay ang kanilang sariling reputasyon at katayuan, wala nang iba pa. Para sa mga anticristo, ang reputasyon at katayuan ang kanilang buhay, at ang layong hinahangad nila sa buong buhay nila. Sa lahat ng kanilang ginagawa, ang una nilang isinasaalang-alang ay: ‘Ano ang mangyayari sa aking katayuan? At sa aking reputasyon? Ang paggawa ba nito ay magbibigay sa akin ng magandang reputasyon? Itataas ba nito ang aking katayuan sa isipan ng mga tao?’ Iyon ang unang bagay na kanilang iniisip, na sapat na patunay na mayroon silang disposisyon at diwa ng mga anticristo—at dahil dito kaya nila isinasaalang-alang ang mga bagay sa ganitong paraan. Maaaring sabihin na para sa mga anticristo, ang reputasyon at katayuan ay hindi kung anong karagdagang hinihingi lamang, lalong hindi mga bagay na panlabas sa kanila na makakaya nila kahit wala ang mga ito. Bahagi ang mga iyon ng kalikasan ng mga anticristo, iyon ay nasa kanilang mga buto, sa kanilang dugo, ang mga iyon ay likas sa kanila. Ang mga anticristo ay hindi walang pakialam kung sila ba ay nagtataglay ng reputasyon at katayuan; hindi ganito ang kanilang saloobin. Kung gayon, ano ang kanilang saloobin? Ang reputasyon at katayuan ay malapit na nauugnay sa kanilang pang-araw-araw na buhay, sa kanilang pang-araw-araw na kalagayan, sa kung ano ang kanilang hinahangad sa araw-araw. Para sa mga anticristo, ang katayuan at reputasyon ang buhay nila. Paano man sila mabuhay, anuman ang kapaligiran na tinitirhan nila, anuman ang gawain na kanilang ginagawa, anuman ang kanilang hinahangad, anuman ang kanilang mga layon, anuman ang direksyon ng kanilang buhay, umiikot ang lahat ng ito sa pagkakaroon ng magandang reputasyon at mataas na katayuan. At hindi nagbabago ang pakay na ito; hinding-hindi nila kayang isantabi ang gayong mga bagay. Ito ang totoong mukha ng mga anticristo at ang kanilang diwa(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikatlong Bahagi)). Inilalantad ng Diyos na hinahangad ng mga anticristo ang reputasyon at katayuan bilang kanilang layon sa buhay. Sa lahat ng sitwasyon, ang tanging iniisip nila ay ang sarili nilang reputasyon at katayuan. Sa pagtingin sa sarili kong pag-uugali, nakita kong kapareho ito ng sa isang anticristo. Labis kong pinahahalagahan ang aking reputasyon at katayuan. Mula pagkabata, mabagal akong mag-react, at mahina ang aking abilidad na umunawa. Dahil dito, nagkamali ako ng mga sagot at pinagtawanan ako ng mga kaklase ko. Pagkatapos noon, ayoko nang sumagot ng mga tanong, at natatakot ako na kung may masabi pa akong mali, ay maliitin ako ng iba. Matapos magsimulang manampalataya sa Diyos at gumawa ng mga tungkulin, ganoon pa rin ako. Kapag may ilang paglihis sa tungkulin ko at itinuro ito ng iba, pakiramdam ko ay mahina ang kakayahan ko, at kapag gumawa akong muli ng mga tungkulin, ayaw kong magpahayag ng mga opinyon, at gusto ko pa ngang iwasan ang tungkulin ko. Nang ginagawa ko ang tungkulin ko bilang superbisor, at nakita kong hindi kasinggaling ng mga sister na katuwang ko ang aking mga reaksiyon at kapabilidad sa gawain, gusto kong tanggalin ako ng mga lider. Sa totoo lang, pinoprotektahan ko ang sarili kong pride, nag-aalala na makikilatis ako ng mga lider at mapagtatanto na hindi ako kasinggaling ng mga sister ko sa lahat ng aspekto sa pamamagitan ng mga resulta ng gawain. Napagtanto ko na ang lahat ng iniisip ko araw-araw ay reputasyon at katayuan. Kapag ang tungkuling ginagawa ko ay nakakaapekto sa reputasyon at katayuan ko, nagiging negatibo ako at nagpapabaya sa gawain, o kaya ay naiisip kong tumakas at magkanulo. Kahit nahadlangan nito ang gawain ng iglesia, wala akong pakialam. Tinatahak ko pala ang landas ng mga anticristo!

Pagkatapos, nahanap ko mula sa mga salita ng Diyos ang isang landas ng pagsasagawa. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang paghahangad sa katotohanan ang pinakamahalagang bagay, sa alinmang perspektiba mo ito tingnan. Maaari mong iwasan ang mga depekto at pagkukulang ng pagkatao, ngunit hinding-hindi mo maaaring iwasan ang landas ng paghahangad sa katotohanan. Kahit gaano pa kaperpekto o karangal ang iyong pagkatao, o maaari mang mas kaunti ang iyong mga kapintasan at depekto, at nagtataglay ka man ng mas maraming kalakasan kaysa sa ibang tao, hindi ito nangangahulugan na nauunawaan mo ang katotohanan, hindi rin nito mapapalitan ang iyong paghahangad sa katotohanan. Sa kabaligtaran, kung hahangarin mo ang katotohanan, kung marami kang nauunawaan sa katotohanan, at kung may sapat na malalim at praktikal kang pagkaunawa tungkol dito, mapupunan nito ang maraming depekto at problema sa iyong pagkatao(Ang Salita, Vol. VII. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Hangarin ang Katotohanan (3)). Sabi ng Diyos, mapupunan ng paghahangad sa katotohanan ang maraming pagkukulang ng tao. Halimbawa, hindi masyadong mahusay ang kakayahan ko, at mas mabagal akong mag-react kaysa sa iba kapag may dumarating na mga bagay. Mga likas na depekto ito at hindi mababago. Gayumpaman, ang mga dahilan kung bakit hindi maganda ang mga resulta ng gawain ko ay, bukod sa mga kapintasan sa aking pagkatao, pangunahin ay dahil hindi ko nauunawaan ang katotohanan at hindi ko naaarok ang mga prinsipyo. Kung magagawa kong mas hanapin ang mga prinsipyo ng katotohanan sa mga problemang hindi ko nauunawaan, at bitiwan ang pride ko, pagbahaginan at talakayin ang mga ito sa mga kapatid, makakaunawa rin ako ng mas maraming katotohanan. Makakatulong din ito sa tungkulin ko. Nang maunawaan ko ito, hindi ko na tinangkang iwasan ang paggawa ng tungkulin ng isang superbisor, at naging maagap rin ako sa paggawa pagkatapos niyon.

Isang beses, nagbabahaginan kami tungkol sa mga pinakabagong prinsipyo sa paggawa ng mga imahe, at kailangan naming sumulat ng liham sa mga kapatid para talakayin at ipatupad ang mga ito. Naisip ko, “Ito ang unang beses na kailangan kong sumulat ng ganito kahalagang liham mula nang maging superbisor ako. Paano kung hindi ko ito maisulat nang maayos at magkaroon ng mga paglihis?” Sobrang kaba ko. Napagtanto kong namumuhay na naman ako sa gitna ng mga damdamin ng pagiging mas mababa, kaya nagdasal ako sa Diyos para ayusin ang kaisipan ko. Bagama’t maaaring hindi ganoon kakomprehensibo ang maisusulat ko, dapat akong magkusa na gawin muna ito, at pagkatapos ay puwedeng remedyuhan na lang ng mga sister ang anumang pagkukulang pagkatapos. Pagkatapos, huminahon ako at nag-isip habang nagsusulat. Habang nagsusulat, nararamdaman ko ang paggabay ng Diyos at mas malinaw pa sa akin ang ilang prinsipyo kaysa noong nagbabahaginan kami tungkol sa mga ito. Naranasan ko na kapag inilalaan mo ang iyong puso sa iyong tungkulin, bibigyang-liwanag at aakayin ka ng Diyos.

Ngayon, mahigit isang taon ko nang ginagawa ang tungkulin ng isang superbisor. Inilipat sa ibang tungkulin ang sister na dati kong katuwang, kaya si Sister Li Yue ang pumarito para makipagtulungan sa akin. Si Li Yue ang dati kong lider ng pangkat noong ginagawa ko ang mga tungkulin sa paggawa ng mga imahe. Naisip ko kung gaano ako kahina noon, at naunawaan ako ni Li Yue. Ano kaya ang iisipin niya sa akin ngayong magkasama kami sa gawain? Napagtanto kong hindi ko dapat isaalang-alang ang aking pride. Anuman ang mga pagkukulang ko noon, o anumang mga kakulangan ang mabunyag sa kasalukuyang panahon ng aming paggawa nang magkasama, kailangan kong harapin ang mga ito nang mahinahon. Pagkatapos, nagkusa akong ipakilala ang takbo ng gawain kay Li Yue, at kapag tinatalakay ang gawain, nagkusa rin akong magpahayag ng aking mga opinyon. Sa panahong ito, kapag hindi kami magkasundo ni Li Yue, sinasabi ko na lang ang mga ideya ko. Ang ilang opinyon ko ay tinanggap, at ang ilan ay hindi angkop. Tanggapin man o hindi, nakakaunawa ako ng ilang prinsipyo sa pamamagitan ng pagbabahaginan. Isang araw, sabi ni Li Yue, “Noong magkasama tayong gumagawa dati, hindi ka nagpapahayag ng anumang opinyon, at ginawa mo lang ang sarili mong trabaho. Pero sa pagkakataong ito kapag nakikipagtulungan sa iyo, nakikita kong malaki na ang ipinagbago mo.” Nang marinig ko siyang sabihin ito, labis akong naantig. Kung hindi dahil sa patnubay ng mga salita ng Diyos, hindi ko kailanman maiwawaksi ang pagpapahirap ng mga damdamin ng pagiging mas mababa, at hindi ko kailanman magagawa ang tungkulin ko nang kasing-aktibo ng ginagawa ko ngayon. Lahat ng ito ay bunga ng mga salita ng Diyos. Salamat sa Makapangyarihang Diyos!

Sinundan: 75. Ang Sakit Ko ay Pagpapala ng Diyos sa Akin

Sumunod: 77. Ang Aking mga Hinihingi at Inaasahan sa Aking Anak ay Makasarili Pala

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito