62. Mga Aral na Natutunan Mula sa Isang Maliit na Usapin

Ni Jian Xi, Tsina

Responsable ako para sa gawain ng ebanghelyo sa iglesia namin. Noong Pebrero 2023, sinabi sa akin ng lider na nag-ulat ang diyakono ng pagdidilig na si Brother Wang Tao ng ilang isyu sa gawain ng ebanghelyo. Ang ilang tagapangaral ng ebanghelyo ay pabasta-basta sa kanilang gawain, ipinapasa ang mga baguhan para madiligan ng mga tagadilig nang hindi malinaw na ibinabahagi ang katotohanan tungkol sa gawain ng Diyos o nilulutas ang kanilang mga kuru-kuro, na nagsanhi ng maraming suliranin sa gawain ng pagdidilig. Dagdag pa rito, hindi malinaw na naisulat ng mga tagapangaral ng ebanghelyo ang mga oras kung kailan puwedeng dumalo sa mga pagtitipon ang mga baguhan, kaya nahirapan ang mga tagadilig na gumawa ng mga napapanahong pagsasaayos at naantala ang mga pagtitipon ng mga baguhan. Pagkarinig ko sa sinabing ito ng lider, inamin ko na mayroon ngang ganitong mga problema, pero nang makita kong direktang iniulat ni Wang Tao sa lider ang mga problema, nahirapan akong tanggapin ito. Kahit pa mga problema ang mga iyon sa mga tagapangaral ng ebanghelyo, responsable ako para sa gawain ng ebanghelyo, kaya kung lilitaw ang ganitong mga problema, ano ang magiging tingin sa akin ng lider? Napagtanto ko na naging pabasta-basta ako sa mga pagsusuri ko sa gawain, at tungkol sa kung paano nagbahagi at nagpatotoo ang mga tagapangaral ng ebanghelyo, at kung gaano nauunawaan ng mga baguhan ang katotohanan tungkol sa gawain ng Diyos, hindi ko maingat na inusisa ang tungkol sa mga detalyeng ito ng gawain. Pero kung aaminin ko ang mga problemang ito, hindi ba’t sasabihin ng lider na ako ay hindi mahusay, at iresponsable at hindi mapagkakatiwalaan sa mga tungkulin ko? Ayaw kong aminin na problema ko ito, pero alam kong mali ang kalagayang ito at nilalabanan ko ang sitwasyong ito na isinaayos at inilatag ng Diyos, kaya tahimik akong nagdasal sa Diyos, hinihiling sa Kanya na protektahan ang puso ko para hindi na ako makipagtalo at matanggap ko nang maayos ang paalala ng brother ko. Pagkatapos magdasal, medyo kumalma ang puso ko, at nakipag-usap ako sa mga tagapangaral ng ebanghelyo kung paano lutasin ang mga isyung ito.

Hindi nagtagal, kinausap ulit ako ng lider, “Muling nag-ulat si Wang Tao ng mga isyu sa mga tagapangaral ng ebanghelyo, at nag-uulat din ng mga isyu ang ibang mga kapatid. Kumusta na ang mga tagapangaral ng ebanghelyo sa paggawa ng mga tungkulin nila ngayon? Nalutas na ba ang mga isyung ito?” Nang marinig ang mga sunod-sunod na tanong sa akin ng lider, talagang sumama ang loob ko, at naisip ko, “Siguradong iniisip ng lider na wala akong pasanin at mga kapabilidad sa gawain, kung hindi, bakit hindi pa nalulutas ang mga problemang ito? Siguradong masama na ang impresyon sa akin ng lahat.” Nang makita ko ang mga isyung muling binanggit ni Wang Tao sa liham niya, hindi ako mapakali at hindi ko mapag-aralan at mapagnilayan ang mga problemang ito. Patuloy akong nagdahilan sa puso ko, sinisisi ko pa nga si Wang Tao, “Bakit hindi mo na lang diretsong sabihin sa akin ang mga puna mo? Bakit kailangan mo pang kausapin ang lider? Bukod pa roon, kung may mga hindi nalutas na kuru-kurong panrelihiyon ang mga baguhan, hindi ba puwedeng magbahagi rin ang mga tagadilig para lutasin ang mga ito? Hindi malinaw na nakasulat ang mga oras ng pagtitipon ng ilang mga baguhan, pero kung may pasanin ang mga tagadilig, hindi ba puwedeng makipag-ugnayan na lang sila sa mga baguhan para mas maunawaan nila ang mga ito? Bakit hindi mo lutasin ang mga isyu ng mga tagadilig sa halip na tumuon ka lang sa mga isyu ng mga tagapangaral ng ebanghelyo?” Habang mas iniisip ko ito, mas nakakaramdam ako ng sama ng loob at paglaban, at napaisip ako kung bakit nakatutok lang sa amin si Wang Tao. Gusto ko na talagang sumulat ng liham para tukuyin ang mga isyu niya at ibulalas ang mga emosyon ko, pero alam kong masasaktan siya roon. Kaya, pinigilan ko ang mga emosyon ko at hindi ko ito isinulat. Nang lumabas ang ganitong kalagayan sa akin, medyo natakot ako, at naramdaman kong hindi tama ang saloobin ko. Kaya, atubili kong inamin ang mga pagkukulang ko. Sa paggawa nito, gusto kong protektahan ang imahe ko sa mga mata ng lider. Talagang masama ang loob ko pagkatapos. Alam kong wala akong natutunan mula rito, at na sa paggawa nito, sinusubukan kong linlangin ang lider. Pero ipinahayag ko pa rin ang pagkiling ko laban kay Wang Tao sa harap ng mga katuwang kong sister, ibinubulalas ang lahat ng nasa isip ko. Dahil dito, nagkaroon din ng pagkiling laban kay Wang Tao ang mga katuwang kong sister, at sinabi nilang mainitin ang ulo ni Wang Tao. Nang marinig ko ang mga sister na nagsasalita bilang suporta sa akin, mas ginanahan ako, at patuloy kong inuungkat ang mga isyu ni Wang Tao. Ang pakay ko ay ang ipakita sa lahat na ang paglitaw ng mga paglihis at pagkakamaling ito ay hindi lang problema sa mga tagapangaral ng ebanghelyo kundi pati na rin kay Wang Tao, at na dapat may pananagutan din ang lahat dito. Pagkatapos kong sabihin iyon, nakonsensiya talaga ako—masyado kong binubusisi ang mga tao at bagay-bagay! Gusto kong isantabi ang pag-uugaling ito, pero hindi ko kayang lampasan ang hadlang na ito. Pagkatapos, naisip ko, kung paanong iniulat ni Wang Tao ang mga isyu ng mga tagapangaral ng ebanghelyo para mapabuti ang gawain, pero lumalaban at nakikipagtalo ako, na siyang labag sa layunin ng Diyos. Kaya, nagdasal ako sa Diyos, “O Diyos, nararapat lang na banggitin ni Brother Wang Tao sa liham niya ang mga isyu, pero lumalaban ako at ayaw kong tanggapin ang mga bagay na ito, at ang brother ko ang pinagbuntunan ko ng pansin. O Diyos, nais kong baguhin ang kalagayang ito; pakiusap, gabayan Mo ako.” Matapos magdasal, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Patungkol sa isang bagay na, sa panlabas, ay tila nagkataon lang, dapat mo itong tingnan sa iyong puso nang ganito: ‘Hindi ito nagkataon lang—inihanda ito ng Diyos. Nangyari ang bagay na ito dahil sa isang dahilan at may pinag-ugatan; hindi ito isang bagay na maihahanda ng mga tao—nagmumula ito sa Diyos.’ Kaya, paano mo ito dapat harapin? Sapat na bang walang mga reklamo, hindi mangatwiran tungkol dito, at magpasakop na lang? Dapat mong hanapin ang layunin ng Diyos sa bagay na ito, hanapin ang katotohanang dapat mong isagawa, pati na rin kung ano ang hinihingi ng Diyos at kung paano kumilos sa paraang naaayon sa layunin ng Diyos(Pagbabahagi ng Diyos). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang lahat ng bagay na nangyayari sa bawat araw ay pinamamatnugutan at isinasaayos ng Diyos, at may mga layunin ang Diyos sa likod nito. Nag-aalok man ng mga mungkahi ang isang tao o pinupungusan ako, isinasaayos ng Diyos ang mga sitwasyong ito nang may layuning makita na kaya kong magkaroon ng saloobin ng pagpapasakop kapag may nangyayari sa akin at hanapin ang katotohanan. Kung hindi ko tatanggapin ang mga bagay na ito bilang mula sa Diyos at patuloy akong maghahanap ng mali sa mga tao at bagay-bagay, wala akong matututunang anumang aral, at mananatiling nasisiraan ng loob at apektado ang kalagayan ko. Nang tukuyin ni Wang Tao ang mga problema ko, tinanggihan at nilabanan ko ang sinabi niya at nakipagtalo ako, nagrereklamo na nakatutok lang siya sa amin. Pero ang totoo, walang sinumang partikular na tao ang nilalabanan ko, kundi sa Diyos talaga ako nakikipagtuos at nagiging hindi makatwiran, ayaw magpasakop sa mga sitwasyong ito at matuto ng mga aral. Matapos kong mapagtanto ito, medyo kumalma ako, at handa akong taimtim na pagnilayan ang sarili ko at hanapin ang katotohanan.

Kalaunan, nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Paano pangunahing naipamamalas ang uri ng disposisyon na pagiging tutol sa katotohanan? Sa pagtangging tumanggap ng pagpupungos. Ang hindi pagtanggap na mapungusan ay isang uri ng kalagayang ipinamamalas ng ganitong uri ng disposisyon. Sa kanilang puso, matindi ang paglaban ng mga taong ito kapag pinupungusan sila. Iniisip nila, ‘Ayaw kong marinig iyan! Ayaw kong marinig iyan!’ o, ‘Bakit hindi ibang tao ang pungusan? Bakit ako ang pinag-iinitan?’ Ano ang ibig sabihin ng pagiging tutol sa katotohanan? Ang pagiging tutol sa katotohanan ay kapag ganap na walang interes ang isang tao sa anumang may kinalaman sa mga positibong bagay, sa katotohanan, sa hinihingi ng Diyos, o sa mga layunin ng Diyos. Kung minsan ay nasusuklam siya sa mga ito; kung minsan ay ganap nilang binabalewala ang mga ito; kung minsan ay nagkakaroon siya ng saloobin ng kawalan ng paggalang at kawalan ng pakialam, hindi sineseryoso ang mga ito, tinatrato ang mga ito nang pabasta-basta at nang walang pakialam; o pinapangasiwaan niya ang mga ito nang may saloobin na ganap na walang responsabilidad. Ang pangunahing pagpapamalas ng pagiging tutol sa katotohanan ay hindi lamang pagkasuklam kapag naririnig ng mga tao ang katotohanan. Kabilang din dito ang pag-ayaw na isagawa ang katotohanan, pag-atras kapag oras na para isagawa ang katotohanan, na para bang walang kinalaman sa kanila ang katotohanan. … Sa puso nila, alam na alam ng mga taong ito na ang mga salita ng Diyos ang katotohanan, na positibo ang mga ito, at na ang pagsasagawa ng katotohanan ay makapagdudulot ng mga pagbabago sa mga disposisyon ng mga tao at dahil dito ay matutugunan nila ang mga layunin ng Diyos—ngunit hindi nila tinatanggap o isinasagawa ang mga ito. Ito ay pagiging tutol sa katotohanan. Sino ang kinakitaan na ninyo ng disposisyon ng pagiging tutol sa katotohanan? (Ang mga hindi mananampalataya.) Tutol sa katotohanan ang mga hindi mananampalataya, napakalinaw niyan. Walang paraan ang Diyos para iligtas ang gayong mga tao(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Kaalaman Lamang Tungkol sa Anim na Uri ng Tiwaling Disposisyon ang Tunay na Pagkakilala sa Sarili). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na anuman ang sitwasyong kinakaharap ng isang tao o ang mga problemang tinutukoy sa kanya, kung palagi siyang lumalaban at kumokontra, ayaw tumanggap kahit may mga problema nga siya, ang ibinubunyag nito ay isang disposisyon ng pagiging tutol sa katotohanan. Isa itong pagpapamalas ng pagiging isang hindi mananampalataya. Hindi ko maiwasang magtaka kung bakit tinatawag ng Diyos ang pagiging tutol sa katotohanan bilang pagpapamalas ng isang hindi mananampalataya. Kung tunay na nananampalataya sa Diyos ang isang tao at may Diyos sa puso niya, maniniwala siya na ang lahat ng bagay na nangyayari ay parte ng kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, at makakaya niyang magpasakop at matuto ng mga aral. Gayumpaman, ang mga hindi mananampalataya ay hindi nananampalataya sa Diyos o sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos; kapag may mga nangyayari sa kanila, maaaring nakikipagtalo sila o hindi kaya ay nagdadahilan, ang lahat ng ibinubunyag nila ay ang mga perspektiba ng mga walang pananampalataya, at hindi nila hinahanap ang katotohanan kahit kaunti. Sa pag-iisip ko nito, labis akong natakot. Bagaman araw-araw akong nagbabasa ng mga salita ng Diyos at nagdarasal, kapag may mga nangyayari, hindi ko tinatanggap ang mga ito bilang mula sa Diyos o hinahanap ang katotohanan. Hindi ba’t sinasabi ko lang na nananampalataya ako sa Diyos, pero kumikilos ako nang wala ang Diyos? Walang kinalaman sa Diyos o sa Kanyang mga salita ang ganitong uri ng pananampalataya. Hindi ba’t kumikilos lang ako tulad ng isang hindi mananampalataya? Nakakakilabot ang ganitong kalagayan! Pinagnilayan ko kung paanong, noong naharap ako sa pagtukoy ni Wang Tao sa mga problema, hindi ako nag-umpisa sa pamamagitan ng pagtanggap nito para pagnilayan ang sarili ko o suriin ang mga paglihis ko sa mga tungkulin ko. Sa halip, patuloy akong nagdahilan, sinasabi na mayroon ding mga problema sa gawain ng pagdidilig na hawak niya. Nagreklamo pa nga ako na sadyang ginagawang mahirap ni Wang Tao ang mga bagay-bagay, at nag-uulat siya sa lider ng mga problema para ipahiya ako. Sa mga sitwasyong ito, hindi ko tinanggap ang mga bagay na ito bilang mula sa Diyos at patuloy akong naghanap ng mga panlabas na dahilan. Hindi ito ang saloobin na dapat talagang taglayin ng isang mananampalataya. Ito ang saloobin na mayroon ang isang hindi mananampalataya o isang walang pananampalataya kapag nahaharap sa mga sitwasyon. Naalala ko na iniulat sa akin ni Wang Tao ang mga isyung ito noon, pero dahil nabigo akong lutasin nang maagap ang mga isyung ito, iniulat niya ang mga ito sa lider, pero lumalaban ako at ayaw ko itong tanggapin, sinasabi ko pa ngang sinusubukan ni Wang Tao na gawing mahirap ang buhay ko. Napagtanto ko kung gaano ako ka-hindi makatwiran, at nalaman ko na kung magpapatuloy ako nang ganito, itataboy at ititiwalag ako ng Diyos sa huli. Nang nakakaramdam ng takot, tahimik akong nagdasal sa Diyos, hinihiling sa Kanya na tulungan akong mabilis na baguhin ang kalagayang ito at taos-pusong magpasakop at tanggapin ang sitwasyong ito at matuto ng mga aral.

Kalaunan, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Ang karaniwang pag-uugali ng mga anticristo sa pagpupungos ay ang masidhing tanggihan na tanggapin o aminin iyon. Gaano man karaming kasamaan ang ginagawa nila o gaano mang pinsala ang ginagawa nila sa gawain ng sambahayan ng Diyos at sa buhay pagpasok ng hinirang na mga tao ng Diyos, hindi sila nakakaramdam ni katiting na pagsisisi o na may pagkakautang silang anuman. Mula sa pananaw na ito, mayroon bang pagkatao ang mga anticristo? Talagang wala. Nagdudulot sila ng samu’t saring pinsala sa hinirang na mga tao ng Diyos at nagdadala ng pinsala sa gawain ng iglesia—kitang-kita ito nang maliwanag pa sa sikat ng araw ng hinirang na mga tao ng Diyos, at nakikita nila ang sunod-sunod na masasamang gawa ng mga anticristo. At gayumpaman ay hindi tinatanggap o kinikilala ng mga anticristo ang katunayang ito; nagmamatigas silang tumatangging aminin na mali sila o na sila ang may pananagutan. Hindi ba’t isa itong indikasyon na tutol sila sa katotohanan? Tutol ang mga anticristo sa katotohanan hanggang sa puntong ito—gaano man karaming masamang bagay ang gawin nila, matigas silang tumatangging aminin ito, at nananatili silang hindi nagpapasakop hanggang sa huli. Sapat nitong pinatutunayan na hindi kailanman sineseryoso ng mga anticristo ang gawain ng sambahayan ng Diyos o tinatanggap ang katotohanan. Hindi sila naparito para manampalataya sa Diyos; mga alipin sila ni Satanas, na naparito para gambalain at guluhin ang gawain ng sambahayan ng Diyos. Reputasyon at katayuan lamang ang laman ng puso ng mga anticristo. Naniniwala sila na kung aaminin nila ang kanilang pagkakamali, kakailanganin nilang tanggapin ang responsabilidad, at kung magkagayon, lubhang makokompromiso ang kanilang katayuan at reputasyon. Bilang resulta, lumalaban sila nang may saloobin ng ‘magkaila hanggang mamatay.’ Paano man sila inilalantad o hinihimay-himay ng mga tao, ginagawa nila ang makakaya nila para itanggi ito. Kung sinasadya man o hindi ang kanilang pagtanggi, sa madaling salita, sa isang banda, inilalantad ng mga ugaling ito ang kalikasang diwa ng mga anticristo na tumututol at namumuhi sa katotohanan. Sa isa pang banda, ipinapakita nito kung gaano pinahahalagahan ng mga anticristo ang kanilang sariling katayuan, reputasyon, at mga interes. Samantala, ano ang kanilang saloobin ukol sa gawain at mga interes ng iglesia? Iyon ay paghamak at pagiging iresponsable. Walang-wala silang konsensiya at katwiran. Ipinapakita ba ng pag-iwas ng mga anticristo sa responsabilidad ang mga problemang ito? Sa isang banda, ang pag-iwas sa responsabilidad ay nagpapatunay sa kanilang kalikasang diwa ng pagtutol at pagkamuhi sa katotohanan, habang sa isa pang banda, ipinapakita nito ang kawalan nila ng konsensiya, katwiran, at pagkatao. Gaano man napipinsala ng kanilang panggugulo at masasamang gawain ang buhay pagpasok ng mga kapatid, hindi sila nakadarama ng paninisi sa sarili at hindi kailanman nalulungkot tungkol dito. Anong uri ng nilikha ito? Kahit ang pag-amin sa kaunting parte ng kanilang pagkakamali ay maituturing bilang pagkakaroon nila ng kaunting konsensiya at katwiran, ngunit wala ni katiting na ganoong pagkatao ang mga anticristo. Kaya ano sila sa palagay ninyo? Ang mga anticristo ay mga diyablo sa diwa(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikatlong Bahagi)). Mula sa mga salita ng Diyos, nakita ko na ang nasa puso ng mga anticristo ay ang sarili nilang reputasyon at katayuan lang, at na kapag ginagabayan at inilalantad sila ng iba, tumutugon sila nang may paglaban at pagkontra. Kahit na alam nilang batay sa katunayan ang mga isyung tinutukoy ng iba, at na nakakaapekto at nakakapinsala nga ang mga ito sa gawain ng iglesia at sa buhay pagpasok ng mga kapatid, tumatanggi pa rin silang tanggapin ito. Hindi sila nakokonsensiya, ni iniisip na gumawa ng mga pagbabago. Sinasabi ng Diyos na ang gayong mga tao ay mga alipin ni Satanas at mga diyablo! Pinagnilayan ko kung ano ang lumabas sa akin nang panahong ito. Nang makita kong iniulat ni Wang Tao sa lider ang mga paglihis ko at ng mga tagapangaral ng ebanghelyo sa gawain, pakiramdam ko ay sinisikap talaga niya na subukang ipahiya ako. Para maprotektahan ang reputasyon at katayuan ko, patuloy akong nakipagtalo at sumubok na pangatwiranan ang sarili ko, pero hindi ko pinagnilayan ang sarili ko o nilutas ang mga problema sa gawain. Kalaunan, nang makita kong lubos na sineryoso ng lider ang mga isyu at paglihis na tinukoy ni Wang Tao, at naramdaman kong nasisira ang reputasyon at ang katayuan ko, naisip kong sulatan si Wang Tao para turuan siya ng leksiyon at ibulalas ang mga personal kong hinanakit, para matakot siya na muling iulat ang mga isyu ko. Sinisi at hinusgahan ko rin si Wang Tao sa harap ng mga katuwang kong sister, nagsasabi ng mga palusot para iwasan ang responsabilidad ko at hinihimok ang mga sister na magkaroon ng pagkiling laban kay Wang Tao sa pagtatangkang makuha ang loob ng mga sister. Nang sumulat ang lider para paalalahanan ako, nagsabi ako ng ilang salita ng pagkakilala sa sarili dahil kinakailangan para lang linlangin ang lider at protektahan ang reputasyon at katayuan ko. Nakita ko kung gaano kalubha ang disposisyon ko ng pagiging tutol sa katotohanan! Nang tukuyin ni Wang Tao ang mga paglihis ko sa tungkulin ko, nangangahulugan ito na isinasaalang-alang niya ang mga layunin ng Diyos, na responsable siya, at mayroon siyang pagpapahalaga sa katarungan. Pero dahil natapakan nito ang pride at katayuan ko, bukod sa hindi ko tinanggap ang mga mungkahi niya, pinaghalo ko rin ang tama at mali, hinuhusgahan at minamaliit siya sa harap ng mga katuwang kong sister. Tumanggi akong pahintulutan ang sinuman na tukuyin ang mga paglihis ko sa gawain ko, at kung may gumawa niyon, nang pinapakialaman ang mga personal kong interes, bukod sa hindi ko ito aaminin o tatanggapin, huhusgahan ko rin ang taong iyon bilang kaaway, nagbubunyag ng isang disposisyon na mapaminsala at tutol sa katotohanan. Inilalantad ng Diyos na kapag umiiwas sa responsabilidad ang mga anticristo, hindi lang ito nagpapakita ng kawalan ng pagtanggap sa katotohanan, kundi ng kawalan din ng pakialam para sa gawain ng iglesia at kawalan ng pagkatao. Naisip ko na sa lahat ng panahong ito, mga pansariling interes ko lang ang isinasaalang-alang ko, at hindi ang gawain ng iglesia. Hindi sumasama ang loob ko o hindi ako nakokonsensiya na maapektuhan ang gawain ng pagdidilig o maantala ang mga pagtitipon ng mga baguhan, at nakita ko na alang-alang sa mga pansariling interes, nagiging tunay akong makasarili at walang pakialam nang walang anumang pagkatao. Bilang isang diyakono ng ebanghelyo, dapat sana ay tinanggap ko ang pangangasiwa ng mga kapatid para mas maitaguyod ang gawain ng ebanghelyo. Pero para maprotektahan ang reputasyon at katayuan ko, bukod sa hindi ako tumanggap ng gabay o tulong, sinulsulan ko rin ang mga katuwang kong sister na magkaroon ng mga pagkiling laban kay Wang Tao. Ginagampanan ko ang isang negatibong papel at hindi ako kumikilos para sa ikakabuti ng iglesia! Kung hindi ko ito babaguhin, itataboy ako ng Diyos sa huli. Sa pagninilay-nilay sa mga bagay na ito, talagang nabagabag ako, at napagtanto ko na isang mabuting bagay ang pangangasiwa ng mga kapatid sa akin sa tungkulin ko, dahil ang mga bagay na ito ay ginagawa para tulungan akong agarang ituwid ang mga paglihis sa tungkulin ko at gawin nang maayos ang gawain ng iglesia. Kung tinanggap ko ang mga mungkahi ni Wang Tao nang mas maaga, siguradong matagal na sanang nalutas ang mga isyung iyon sa gawain.

Kalaunan, higit pa akong nagbasa ng mga salita ng Diyos: “Kapag hinahanap mo ang katotohanan, dapat kang maghanap sa maraming tao. Kung may masasabi ang sinuman, dapat kang makinig sa kanila, at seryosohin ang lahat ng kanilang sinasabi. Huwag silang balewalain o isnabin, dahil nauugnay ang kanilang sinasabi sa mga bagay na nasa saklaw ng iyong tungkulin at dapat mong seryosohin ito. Ito ang tamang saloobin at ang tamang kalagayan. Kapag ikaw ay nasa tamang kalagayan, at hindi ka nagpapakita ng isang disposisyong tutol at napopoot sa katotohanan, kung gayon, mapapalitan ang iyong tiwaling disposisyon ng ganitong pagsasagawa. Ito ang pagsasagawa sa katotohanan. Kung isasagawa mo ang katotohanan sa ganitong paraan, ano ang magiging mga bunga nito? (Magagabayan tayo ng Banal na Espiritu.) Ang pagtanggap ng patnubay ng Banal na Espiritu ay isang aspekto. Minsan, magiging napakasimple ng bagay at maaaring makamit gamit ang sarili mong pag-iisip; matapos ibigay ng iba ang kanilang mga mungkahi sa iyo at naunawaan mo, magagawa mong iwasto ang mga bagay-bagay at kumilos alinsunod sa mga prinsipyo. Maaaring isipin ng mga tao na isa itong maliit na bagay, ngunit para sa Diyos, isa itong malaking bagay. Bakit Ko sinasabi ito? Sapagkat, kapag nagsasagawa ka sa ganitong paraan, para sa Diyos, isa kang taong kayang magsagawa ng katotohanan, isang taong nagmamahal sa katotohanan, at isang taong hindi tutol sa katotohanan—kapag nakikita ng Diyos ang puso mo, nakikita rin Niya ang disposisyon mo, at isa itong malaking bagay. Sa madaling salita, kapag ginagawa mo ang iyong tungkulin at kumikilos sa presensiya ng Diyos, ang isinasabuhay at ibinubunyag mo ay pawang mga katotohanang realidad na dapat taglayin ng mga tao. Ang mga saloobin, kaisipan, at kalagayan na taglay mo sa lahat ng iyong ginagawa ay ang pinakamahahalagang bagay para sa Diyos, at ang mga ito ang sinisiyasat ng Diyos(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Madalas na Pamumuhay Lamang sa Harap ng Diyos Magkakaroon ng Normal na Relasyon ang Isang Tao sa Kanya). Sa pamamagitan ng siping ito ng mga salita ng Diyos, naunawaan ko na kapag nag-aalok ang mga kapatid ng mga mungkahi o pinupungusan ako, dapat muna akong makinig nang may saloobin ng paghahanap, at na hindi ko puwedeng balewalain lang sila o basta lang na igiit ang sarili kong opinyon o pangatwiranan ang sarili ko. Kung mayroon akong hindi nauunawaan, puwede akong maghanap ng kasagutan sa mga kapatid nang may saloobin ng pagtanggap sa katotohanan. Ito ang kahulugan ng pagiging isang taong nagmamahal sa katotohanan. Ang lahat ng nangyayari araw-araw ay may layunin ng Diyos, at ang tinitingnan ng Diyos ay hindi lang ang tama o mali sa ginagawa ko o kung mayroon bang mga paglihis sa tungkulin ko, kundi pati na rin ang saloobin ko sa katotohanan at sa tungkulin ko. Ito ang mga bagay na nais makita ng Diyos. Nang mapagtanto ko ito, tahimik kong sinabi sa sarili ko na mula noon, anuman ang sitwasyong kakaharapin ko o mga mungkahing maaaring ibigay sa akin ng iba, tatanggapin ko muna ang mga ito at hahanapin ang katotohanan. Hindi na ako puwedeng makipagtalo o mamuhay ayon sa isang disposisyong tutol sa katotohanan.

Sa mga sumunod na araw na iyon, palagi kong iniisip na ako ang direktang responsable sa gawain ng ebanghelyo, pero hindi ko kailanman nilutas ang mga problema sa gawaing ito na iniulat ni Wang Tao. Ang pangunahing dahilan nito ay na tunay akong naging pabasta-basta at iresponsable sa mga tungkulin ko. Nabasa ko ang ilan sa mga salita ng Diyos: “Kung pabaya ang mga tao kapag ginagawa ang kanilang tungkulin, o laging magulo ang isip nila, anong uri ng saloobin ito sa tingin ninyo? Hindi ba’t pagiging pabasta-basta lang ito? Iyon ba ang pag-uugali ninyo sa inyong tungkulin? Isa ba itong problema sa kakayahan o sa disposisyon? Dapat malinaw ito sa inyong lahat. Bakit ba pabasta-basta ang mga tao kapag ginagawa nila ang kanilang tungkulin? Bakit hindi sila deboto kapag gumagawa sila ng mga bagay para sa Diyos? Nagtataglay man lang ba sila ng konsensiya o katwiran? Kung tunay kang nagtataglay ng konsensiya at katwiran, kapag ginagawa mo ang mga bagay-bagay, mas isasapuso mo ang mga ito, at lalakipan mo ng kaunti pang mabuting kalooban, responsabilidad, at pagsasaalang-alang, at magagawa mong mas magsikap pa. Kapag kaya mong mas magsikap, gaganda ang mga resulta ng mga tungkuling ginagampanan mo. Gaganda ang mga resulta mo, at masisiyahan dito kapwa ang ibang mga tao at ang Diyos. Kailangan mong isapuso ito! Hindi maaaring lumipad ang isip mo, na parang nagtatrabaho ka sa sekular na mundo at kumikita lang ng pera batay sa oras na ginugugol mo. Kung ganoon ang ugali mo, magkakaproblema ka. Hindi mo posibleng magagampanan nang maayos ang tungkulin mo(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Buhay Pagpasok ay Nagsisimula sa Paggampan ng Tungkulin). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na para magawa ko nang maayos ang tungkulin ko, ang pinakamahalagang bagay ay ang magkaroon ng pagpapahalaga sa responsabilidad at konsensiya, na may kinalaman sa pagkatao ng isang tao. Kapag ang mga taong may pagkatao ay nahaharap sa mga paalala at mungkahi—kahit kanino man nanggaling ang mga ito—basta’t nasasangkot ang mga interes ng iglesia, seseryosohin nila ang mga ito at mabisang lulutasin ang mga isyu. Gayumpaman, iyong mga walang pagkatao ay walang gayong kamalayan sa puso nila, hinaharap nila ang mga bagay-bagay nang may palalong saloobin, hindi kailanman nagiging seryoso sa anumang bagay, at hindi iniisip na solusyonan agad ang mga problema. Ilang beses na binanggit ng lider at ni Wang Tao ang mga isyu sa gawain ng ebanghelyo, at gusto nilang lutasin kaagad ang mga bagay na ito para maiwasan ang pagkaantala sa gawain ng pagdidilig. Pero hindi ko ito gaanong pinag-isipan. Mayabang at palalo ako at pakiramdam ko ay madali lang lutasin ang mga problemang ito, at kaswal ko lang na tinalakay ang mga ito sa mga tagapangaral ng ebanghelyo, nang hindi nagsisikap na masinsinang lutasin ang mga ito. Dahil dito, tumagal ang mga problema at naantala ang gawain. Ngayon, nakita ko na hindi ko lang pinapabayaan ang tungkulin ko, kundi na wala rin ako ng saloobin na kinakailangan para harapin ang mga paglihis sa tungkulin ko. Wala talaga akong pagkatao! Mula noon, anuman ang mga mungkahing inilalahad ng mga kapatid, natututuhan kong tanggapin ang mga ito at hanapin ang katotohanan para maagap na matugunan ang mga ito. Inumpisahan ko sa pamamagitan ng pagsusulat kay Wang Tao para sabihin sa kanya ang tungkol sa kalagayang lumalabas sa akin at sa mga aral na natutuhan ko sa panahong ito, at nakipagkasundo ako sa kanya kung paano lutasin ang isyu ng pakikipagtulungan sa mga tagadilig. Pagkatapos, sinuri ko ang mga paglihis na ito kasama ang mga tagapangaral ng ebanghelyo, tinutukoy ang mga problema sa saloobin na mayroon silang lahat sa mga tungkulin nila. Pagkatapos ng ganitong uri ng pagsasagawa, nalutas ang ilang isyu sa gawain, at malaki ang ibinuti ng pakikipagtulungan namin sa mga tagadilig kumpara sa dati.

Isang beses, tinukoy ng lider na hindi ko inuuna ang gawaing sinusubaybayan ko batay sa pagkaapurahan nito, at labis akong nalungkot. Dahil madalas magkaroon ng mga problemang kailangang tukuyin sa gawaing sinusubaybayan ko, nakaramdam ako ng pagkapahiya, at napaisip ako kung ano na lang ang iisipin sa akin ng lider. Nalito rin ako, dahil inakala ko na sa pamamagitan ng pagsusubaybay sa lahat ng gawain nang sabay-sabay, naiiwasan ko ang mga pagkaantala sa gawain, kaya bakit napupuna pa rin ang mga isyu ko? Sa sandaling ito, napagtanto kong malapit na naman akong magsimulang makipagtalo, kaya tahimik akong nagdasal sa puso ko, hinihiling sa Diyos na protektahan ang puso ko para maiwasan ang pagkilos ayon sa tiwaling disposisyon ko. Pagkatapos magdasal, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Kung may magbibigay sa iyo ng mungkahi kapag hindi mo nauunawaan ang katotohanan, at magsasabi sa iyo kung paano kumilos alinsunod sa katotohanan, dapat mo munang tanggapin ito at tulutan ang lahat na makipagbahaginan dito, at tingnan kung tama o hindi ang landas na ito, at kung naaayon ba ito sa mga katotohanang prinsipyo o hindi. Kung makumpirma mong naaayon ito sa katotohanan, magsagawa ka sa ganoong paraan; kung matukoy mo na hindi ito naaayon sa katotohanan, kung gayon, huwag kang magsagawa sa ganoong paraan. Ganoon lang ito kasimple(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Madalas na Pamumuhay Lamang sa Harap ng Diyos Magkakaroon ng Normal na Relasyon ang Isang Tao sa Kanya). Isinaayos ng Diyos ang sitwasyong ito; kinailangan kong matuto ng mga aral mula rito at hindi ako puwedeng kumilos ayon sa tiwaling disposisyon ko. Tinukoy ng lider ang mga paglihis ko sa tungkulin ko, at naging kapaki-pakinabang ito para sa gawain, kaya kailangan ko munang tanggapin ito, magnilay, at hanapin ang katotohanan. Sa pagsasaalang-alang sa mga bagay na ito, nakita ko na angkop ang mga isyung binanggit ng lider, at na sa pagsubaybay sa lahat ng gawain nang sabay-sabay ay magsasanhi lamang na hindi matutukoy ng mga kapatid ang mga priyoridad sa gawain nila, at madali nitong maaantala ang mahahalagang gampanin. Kung sinunod ko ang mga mungkahi ng lider sa pagbibigay-prayoridad, makatwirang pagsubaybay, at pagpapatupad sa gawain, magiging mas kapaki-pakinabang ito para sa gawain. Pagkatapos niyon, sinunod ko ang mga mungkahi ng lider para subaybayan ang gawain. Pagkatapos magsagawa nang ganito, mas napanatag ang pakiramdam ko, at umusad din ang gawain, at tunay akong nagpapasalamat sa Diyos! Kalaunan, kapag tinutukoy ng ibang mga kapatid ang mga problema sa tungkulin ko, nagagawa ko ring tratuhin nang tama ang mga ito.

Sa pamamagitan ng karanasang ito, bagaman naging dahilan ng pagkapahiya ko ang paggabay at paglalantad ng mga kapatid ko, nakita ko na marami pa rin akong pagkukulang at kahinaan sa tungkulin ko. Ibinunyag din ng sitwasyong ito ang satanikong disposisyon ko ng pagiging tutol sa katotohanan at paglaban sa mga positibong bagay, na nagbibigay-kakayahan sa akin para makilala ko nang kaunti ang sarili ko. Naramdaman ko na tunay na isang mabuting bagay ang pagkakaroon ng gabay at tulong mula sa mga kapatid ko, at napagtanto ko kung gaano ito kakapaki-pakinabang sa gawain at sa aking buhay pagpasok.

Sinundan: 61. Isang Pagpili sa Gitna ng Pag-uusig ng Pamilya

Sumunod: 63. Matapos Magsakit Ang Bata Kong Anak na Lalaki

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito