85. Paano Haharapin ang mga Hindi Kanais-nais na Katotohanan

Nagsimula ito noong Nobyembre ng 2017, noong nahalal ako bilang lider sa iglesia. Noong una akong nakipagtipon o nakipagtalakayan sa mga kapatid, naibahagi ko ang mga pananaw ko, at may kaunting liwanag sa pagbabahagi ko. Mataas ang tingin ng mga kapatid sa akin at magalang silang nakipag-usap sa akin. Kaya naramdaman kong mahalaga ako at talagang natuwa ako sa sarili ko. Paglipas ng panahon, napansin kong prangka ang kapareha kong si Sister Wendy sa paraan ng pakikipag-usap niya sa akin, at minsan direkta niyang binabanggit ang mga problema ko kapag naobserbahan niya ang mga ito. Halimbawa, noong hindi ko isinaalang-alang ang mga pangkalahatang usapin ng iglesia, sinabi niya ito at pinagsabihan niya akong pagtuunan ko iyon ng pansin. Pero pakiramdam ko ay medyo napahiya ako, kaya sinabi kong pagtutuunan ko ito ng pansin sa hinaharap, kung hindi ay magkakaroon ng masamang impresyon ang mga tao sa akin. Pero medyo kulang ako sa larangang ito—hindi ko maisaalang-alang ang ilang bagay, o kung maisaalang-alang ko man, hindi ko alam kung paano gawin ang mga ito. Kinalaunan, noong sinabi ito ni Wendy nang ilan pang beses, sinabi kong pagtutuunan ko ito ng pansin sa hinaharap, pero ang talagang iniisip ko: “Palaging sinasabi ng lahat ng tao na may dinadala akong pasanin sa tungkulin ko, pero may kritisismo si Wendy sa akin. Ano kaya ang iisipin ng iba sa akin ngayon.” Pakiramdam ko, laging nagmamatyag si Wendy sa mga isyu ko, na mababa ang tingin niya sa akin, kaya umiwas ako sa kanya. Minsan, kapag nag-uusap kami tungkol sa gawain at may binanggit akong ideya, direktang sasabihin ni Wendy na sa tingin niya ay hindi ito akma. Minsan, hindi angkop ang tono niya at nailalagay niya ako sa alanganin. Pakiramdam ko, masyado siyang agresibo at wala siyang pakialam sa dignidad ko. Pakiramdam ko, masama ang pagkatao niya at mahirap siyang pakisamahan. Sa ilang pagkakataon, sinubukan kong kausapin si Wendy o ayain siyang kumain kapag nasa telepono siya, pero hindi siya agad sumagot, na nakakumbinsi lalo sa akin na masama ang pagkatao niya at masyado siyang mahirap lapitan, kaya nabawasan pa lalo ang kagustuhan kong makipag-usap sa kanya. Mas naging madali sa akin ang makapareha ang dalawang ibang kapatid. Naramdaman ko na mataas ang tingin nila sa akin kapag pinag-uusapan namin ang gawain o ang kasalukuyan naming kalagayan at magalang nila akong kinakausap. Kapag nagkakaroon sila ng mga isyu, madalas silang lumalapit sa akin para humingi ng payo at madalang nilang pansinin ang mga isyu ko. Panatag ako tuwing nakikipag-usap ako sa kanila o nagtatalakay kami ng gawain. Sa lalo kong pakikipag-usap sa kanila, mas naramdaman kong mahirap pakisamahan si Wendy, at lumayo na lang ako sa kanya hangga’t maaari. Ang totoo, nadama ko na handang makipagtulungan si Wendy sa akin, hinahanap niya ako para pag-usapan ang mga bagay-bagay, pero pabasta-basta lang akong sumasagot, at hindi ko talaga gustong maging malapit sa kanya, dahil pakiramdam ko ay masama ang pagkatao niya. Minsan, nagkakaroon ako ng ilang masasamang kaisipan, “Mas mabuti kung hindi kasama si Wendy sa grupo namin, para walang papansin ng mga kapintasan ko.” Naaalala ko isang beses, habang may taunang halalan ng lider sa iglesia, sinubaybayan ko ang mga resulta ni Wendy sa halalan. Naisip ko: “Imposibleng mahalal siya dahil sa masama niyang pagkatao.” Pero ikinagulat ko na sinabi ng lahat na nagdala siya ng pasanin sa tungkulin niya at napakaresponsable niya. Walang sinumang nagsabi na mayroon siyang anumang lantad na problema sa pagkatao niya. Sinabi rin ng nakakataas na pamunuan na si Wendy ay isang tamang tao. Nalito ako nang labis: “Ibig sabihin, walang nakakilatis kay Wendy? Napakayabang niya at gustung-gusto niyang ilantad ang mga kahinaan ng ibang tao—malilinaw na senyales ng masamang pagkatao.” Ayaw ko talagang makapareha siyang muli, pero nang lumabas ang mga resulta, pareho kaming nahalal bilang lider. Bumigat ang pakiramdam ko nang maisip ko kung paanong kailangan kong makapareha si Wendy sa hinaharap. Pagkatapos niyon, madalang ko nang hanapin si Wendy para pag-usapan ang gawain. Madalas si Wendy ang pumupunta sa akin at ipinagpapaliban ko ang mga pulong hangga’t maaari. Makikipagtalakayan lang ako sa kanya kapag hindi ko na iyon puwedeng ipagpaliban pa at ayaw kong magtapat sa kanya at sabihin kung ano ang nasa puso ko.

Isang beses, may iniulat na isyu ang dalawang kapatid tungkol kay Wendy. Sabi nila, madalang siyang magbahagi tungkol sa buhay pagpasok at mukhang mas pinagtutuunan niya ang gawain. Napagtanto ko na simula noong makapareha ko si Wendy, madalang siyang magsalita tungkol sa buhay pagpasok, at hindi siya maagap na nagbabahagi sa mga pagtitipon. Nang hindi sinusubukang unawain ang aktuwal niyang sitwasyon o makipagbahaginan sa kanya, agad kong binanggit ang isyung ito sa dalawang diyakono. Sa panlabas, mukhang tinatalakay ko lang ang isyu niya, pero ang totoo, ang sinasabi ko talaga ay: “Lider sa iglesia si Wendy, at kung pagtutuunan niya lang ang gawain at hindi bibigyang-diin ang pagbabahagi ng katotohanan para lutasin ang mga isyu, hindi siya nababagay sa tungkulin.” Noong panahong iyon, nagsasalita ako para sa mga pribado kong layunin. Sumang-ayon ang mga diyakono sa akin na hindi pinapahalagahan ni Wendy ang buhay pagpasok at hindi siya nababagay na maging lider sa iglesia. Sinabi ko rin sa kanila: “Medyo dominante si Wendy, at hindi niya isinasaalang-alang ang damdamin ng ibang tao kapag nagsasalita siya, na puwedeng makapigil sa iba.” Sa sandaling sabihin ko iyon, sumabad ang isa pang kapatid para sabihin na kamakailan ay binanggit ni Wendy ang mga pagkukulang niya at medyo hindi siya naging komportable. Lalo nitong pinatunayan sa akin na may problema si Wendy sa pagkatao niya. Pagkatapos, sinabi ko: “May masamang pagkatao si Wendy at medyo mahirap lapitan.” At nagbanggit ako ng ilang halimbawa para sa kanila. Kahit na may kaunti akong pagkakasalang nadama habang sinasabi ko ito, nang maisip ko kung paano ako napigilan ni Wendy, nasiguro ko na may problema sa kanya. Pagkatapos nilang marinig ang sinabi ko, sumang-ayon din ang dalawang diyakono na may masamang pagkatao si Wendy. Pribado rin nilang pinupuna si Wendy gaya ko, at kapag nagkakaroon kami ng mga online na pagtitipon, nagpapadala kami ng mga mensahe sa isa’t isa habang nagbabahagi si Wendy, sinasabi kung gaano kababa ang buhay pagpasok at pagbabahagi niya. Isang beses, nakipag-usap sa akin ang isang diyakono at ang isa pang kapatid tungkol sa kasalukuyan kong kalagayan. Nang kumustahin nila ang pakikipagtulungan ko kay Wendy, sinabi ko: “Medyo dominante siya, hindi angkop ang tono niya at minsan, hindi niya ako pinapansin kapag kinakausap ko siya. Mukha siyang mahirap lapitan at pakiramdam ko ay napipigilan niya ako.” Noong panahong iyon, walang pagkilatis sa akin ang dalawang kapatid at sinabi nilang tatanungin nila ang nakakataas na lider. Tutal, dahil lider sa iglesia si Wendy, makakaimpluwensiya sa gawain ng iglesia ang anumang problema niya. Pagkatapos kong marinig iyon, naisip ko: “Kung papalitan siya ng nakakataas na lider, hindi ko na siya kailangang makapareha.” Noong sumunod na araw, nagkaroon kami ng pulong sa nakakataas na lider at marami akong binanggit na isyu ni Wendy. Nabanggit ko ang mababa niyang buhay pagpasok at pagkatao at kung paano ko nadama na napigilan niya ako. Nagdagdag din ng sarili nilang mga komento ang dalawa pang kapatid. Medyo nagulat ang nakakataas na lider nang marinig ang lahat ng iyon—sinabi niya na pamilyar siya kay Wendy at hindi niya napagtanto na ganoon ito. Pinangako niyang susuriin niya nang mas malalim ang usaping ito.

Ilang araw lang ang nakalipas, sinabihan ako ng nakakataas na lider na batay sa paraan ng pagharap ko kay Wendy, kung paano ko siya pinagkaisahan, patagong sinubukang siraan, hinusgahan, at kung paanong hindi naging positibo ang papel ko, malinaw na masama ang pagkatao ko, hindi ako karapat-dapat linangin, at ayon sa prinsipyo, dapat akong palitan. Nagulat ako—hindi ko kailanman naisip na ganoon ang kalalabasan ng mga bagay-bagay. “Pinagkakaisahan,” “patagong sinisiraan,” “hinuhusgahan,” “masamang pagkatao,” “hindi karapat-dapat linangin,” tinamaan ako ng mga paglalarawang ito na parang isang toneladang bloke. Hindi ako makapaniwala rito, lalong hindi ako handang tanggapin ito. Hindi ko lang maunawaan: Simula pa noong bata ako, palaging mabuti ang iniisip sa akin ng iba. Paano nangyari na ngayon ay sinabi niyang may masama akong pagkatao? Mali ba ang pagkarinig ko sa kanya? Ang prosesong iyon ng pagkalantad at pagkahimay ay parang bangungot, at labis akong nagdusa.

Pagkatapos akong mapalitan, ayaw kong harapin ang nangyari. Hindi ko matanggap ang kritisismong iyon sa pagkatao ko, hindi ko naisip na ganoong uri ako ng tao at hindi man lang ako nag-abalang pagnilayan ang sarili ko. Noong tinalakay ko ang pagpalit sa akin, hindi ko binanggit ang seryosong kalikasan ng sitwasyon ko, sinabi ko na palaging sinasabi ng mga tao na may mabuting pagkatao ako, na mabait at maunawain ako. Ang ibig kong sabihin, aksidente lang ang lahat ng ito at hindi sumasalamin sa tunay kong kalikasan. Pagkatapos niyon, sa ilang pagkakataon, inisip ng lider ko na atasan ako ng isang mahalagang tungkulin, pero sa huli ay nagpasya siya na hindi iyon ituloy dahil sa masama kong pagkatao. Pinasama nito ang loob ko, at tumatangis akong nagsumamo sa Diyos: “O Diyos, wala na ba talagang pagliligtas sa akin? Ganoon na ba talaga kasama ang pagkatao ko? Pakiusap gabayan Mo ako para makilala ko ang sarili ko. Handa akong magnilay.” Pagkatapos kong manalangin, nakita ko ang talatang ito ng mga salita ng Diyos: “Sa aling mga bagay ng inyong pang-araw-araw na buhay kayo mayroong takot sa Diyos na puso? At sa aling mga bagay kayo walang takot sa Diyos na puso? Nagagawa mo bang kamuhian ang isang tao kapag napapasama niya ang loob mo o naaapektuhan ang iyong mga interes? At kapag kinamumuhian mo ang isang tao, kaya mo bang parusahan siya at maghiganti? (Oo.) Kung gayon, lubha kang nakakatakot! Kung wala kang takot sa Diyos na puso, at nakagagawa ng masasamang bagay, kung gayon, napakalubha nitong masamang disposisyon mo! Ang pagmamahal at pagkamuhi ay mga bagay na dapat taglayin ng normal na pagkatao, ngunit kailangan mong makita nang malinaw ang pagkakaiba sa pagitan ng iyong minamahal at ng iyong kinamumuhian. Sa puso mo, dapat mong mahalin ang Diyos, mahalin ang katotohanan, mahalin ang mga positibong bagay, at mahalin ang iyong mga kapatid, samantalang dapat mong kamuhian si Satanas at ang mga diyablo, kamuhian ang mga negatibong bagay, kamuhian ang mga anticristo, at kamuhian ang masasamang tao. Kung nagagawa mong pigilan at gantihan ang iyong mga kapatid dahil sa galit, lubhang nakakatakot iyan, at iyan ang disposisyon ng isang masamang tao. Ang ilang tao ay mayroon lamang kapoot-poot na mga saloobin at ideya—masasamang ideya, pero hinding-hindi sila gagawa ng anumang masama. Hindi masasamang tao ang mga ito dahil kapag may nangyayari, nagagawa nilang hanapin ang katotohanan, at binibigyang-pansin nila ang mga prinsipyo sa kung paano sila umasal at humarap sa mga bagay-bagay. Kapag nakikipag-ugnayan sa iba, hindi sila humihingi sa mga ito ng labis sa nararapat; kung nakakasundo nila nang maayos ang tao, patuloy silang makikipag-ugnayan dito; kung hindi nila nakakasundo, hindi sila makikipag-ugnayan. Halos hindi ito nakakaapekto sa pagganap ng kanilang tungkulin o sa kanilang pagpasok sa buhay. Ang Diyos ay nasa puso nila at mayroon silang takot sa Diyos na puso. Ayaw nilang magkasala sa Diyos, at natatakot silang gawin iyon. Bagama’t maaaring magkimkim ang mga taong ito ng ilang maling saloobin at ideya, nagagawa nilang maghimagsik at abandonahin ang mga iyon. Nakakapagpigil sila sa kanilang mga kilos, at hindi bumibigkas ng isang salita na hindi naaangkop, o nagkakasala sa Diyos. Ang isang taong nagsasalita at kumikilos sa ganitong paraan ay isang taong mayroong mga prinsipyo at nagsasagawa ng katotohanan. Ang iyong personalidad ay maaaring hindi tugma sa personalidad ng ibang tao, at maaaring ayaw mo sa kanya, ngunit kapag kasama mo siyang gumagawa, nananatili kang walang pinapanigan at hindi mo ibubunton ang mga pagkadismaya mo sa paggawa ng iyong tungkulin, o ilalabas ang mga pagkadismaya mo sa mga interes ng pamilya ng Diyos; mapapangasiwaan mo ang mga bagay-bagay ayon sa mga prinsipyo. Ano ang ipinamamalas nito? Ito ay isang pagpapamalas ng pagkakaroon ng takot sa Diyos na puso. Kung mayroon kang higit pa riyan, kapag nakita mo na may ilang kakulangan o kahinaan ang ibang tao, kahit na napasama niya ang loob mo o nagkaroon siya ng pagkiling laban sa iyo, may kakayahan ka pa ring tratuhin siya nang tama at mapagmahal siyang tulungan. Ang ibig sabihin nito ay may pagmamahal ka, na ikaw ay isang taong nagtataglay ng pagkatao, na ikaw ay isang taong mabait at kayang magsagawa ng katotohanan, na ikaw ay isang matapat na taong nagtataglay ng mga katotohanang realidad, at na ikaw ay isang taong may takot sa Diyos na puso. Kung maliit pa rin ang iyong tayog ngunit mayroon kang kahandaan, at handa kang magpunyagi para sa katotohanan, at magsikap gawin ang mga bagay-bagay ayon sa prinsipyo, at nagagawa mong harapin ang mga bagay-bagay at pakitunguhan ang iba nang may prinsipyo, maituturing din ito na pagkakaroon ng takot sa Diyos na puso kahit papaano; pinakabatayan ito. Kung hindi mo man lang magawang makamit ito, at hindi magawang mapigilan ang sarili, nasa malaking panganib ka at talagang nakatatakot. Kung ikaw ay mabigyan ng posisyon, maparurusahan mo ang mga tao at mapahihirapan sila; malamang na magiging anticristo ka sa anumang sandali(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Limang Kondisyong Dapat Matugunan para Makapagsimula sa Tamang Landas ng Pananalig sa Diyos). Sa mga salita ng Diyos natutunan ko na ang mga taong may-takot-sa Diyos na puso ay hindi magsasalita o kikilos nang walang kabuluhan. Kahit pa banta ang ibang tao sa mga interes nila, hindi sila aatake o magtatakwil ng mga tao sa takot na salungatin ang Diyos. Walang lugar ang Diyos sa puso ng mga taong walang takot sa Kanya, kaya ginagawa at sinasabi nila kung ano ang nais nila. Pinaparusahan at ginagantihan nila ang sinumang banta sa mga interes nila. Sinasabi ng Diyos na ito ang disposisyon ng isang masamang tao. Talagang masakit ang pariralang “ang disposisyon ng isang masamang tao” at napuno ang isip ko ng bawat eksena ng pakikisalamuha ko kay Wendy. Medyo prangka siyang magsalita at madalas niya akong binibigyan ng ilang payo at tinutukoy ang mga pagkukulang ko sa tungkulin ko, at dahil dito, pakiramdam ko ay napahiya ako. Kaya, pakiramdam ko ay may mababang pagkatao si Wendy at mahirap siyang pakisamahan. Minsan, kapag hindi agad sumasagot si Wendy kapag kinakausap ko siya, mas nakukumbinsi akong may mababa siyang pagkatao at lalo ko siyang hindi nagugustuhan. Nang may marinig akong nagsabi na hindi siya nagtutuon sa buhay pagpasok, hindi ko tiningnan ang konteksto at hindi ko inisip ang karaniwan niyang pag-uugali, at sinamantala ko lang ang pagkakataon para sabihin ito sa mga kapareha ko. Sinabi ko sa kanila na nakatuon lang si Wendy sa gawain at hindi sa buhay pagpasok kaya hindi siya akma na maglingkod bilang isang lider. Gusto kong maging kakampi sila para ihiwalay si Wendy. Sa pag-alala ko nito ngayon, dumaranas si Wendy noon ng matinding pressure bilang tagapangasiwa ng gawain ng ebanghelyo ng iglesia. Marami siyang gawaing kailangang subaybayan at minsan ay nababagabag siya kapag may mga isyu sa gawain at wala silang nakuhang resulta. Ang pakikipag-usap lamang tungkol sa gawain at hindi pagtuon sa pagbabahagi ng mga katotohanang prinsipyo ay isang paglihis sa tungkulin niya. Hindi iyon nangangahulugan na hindi siya angkop sa tungkulin. Pero hinusgahan ko si Wendy dahil layunin ko na mapalitan siya para hindi ko na siya kailangang makapareha. Hindi ba’t sinusubukan ko siyang parusahan? Higit pa rito, paminsan-minsan ay sinusumpong ang lahat ng tao. Sino ba ang kayang maging masaya sa lahat ng oras? Kung tutuusin, abala si Wendy sa gawain, kaya normal na wala siyang panahong bigyan ako ng atensyon, madali namang unawain iyon. Pero pinalaki ko ang katunayang hindi niya ako pinansin, at ipinagpalagay ko na may mababa siyang pagkatao at masyadong mahirap lapitan. Hindi ito umaayon sa realidad—pikit-mata ko siyang binigyan ng di-makatwirang bansag at kinondena. Ikinalat ko rin ang mga ideyang ito sa ibang kapatid, kaya nagkaroon sila ng patindi nang patinding pagkiling laban kay Wendy. At sumunod sila sa akin sa panghuhusga sa kanya kapag nakatalikod siya at tumigil sila sa pagtuon sa mga tungkulin nila. Marahil ay napakasama ng disposisyon ko para makagawa ng mga ganoong bagay. Noong banta sa mga interes at reputasyon ko ang mga kilos at pananalita ni Wendy, kinondena, inatake, at ginantihan ko siya. Nakita ko na wala akong ni katiting na takot sa Diyos sa puso ko. Bilang isang lider ng iglesia, hindi lang ako nabigong makapareha nang mabuti ang mga kapatid ko at gumawa ng tungkulin ko ayon sa prinsipyo, ako pa ang namuno sa paggawa ng masama at ginambala ko ang gawain ng iglesia. Hindi talaga ako karapat-dapat na gumawa ng ganito kahalagang tungkulin. Dati, inisip ko na may dakila akong pagkatao, na mabait at maunawain ako, pero iyon ay dahil lang walang ibang taong nagbabanta sa mga interes ko. Sa sandaling mangyari iyon, naisiwalat ang masama kong kalikasan at nagawa kong manghusga, umatake, at gumanti sa mga tao. Sa pagkatanto nito ko lang nakita na may mababang pagkatao ako. Dahil sa pagiging matuwid ng Diyos ay pinalitan ako, karapat-dapat sa akin ang kapalarang iyon. Nagtapat ako sa mga kapatid ko, hinimay ko ang mga layunin sa likod ng mga kilos ko at ibinahagi ko ang mga napagnilayan at nalaman ko tungkol sa sarili ko. Pinatibay ng mga kapatid ang loob ko. Sinabi nila, “Puwede kang magkaroon ng pagkakilala sa sarili sa pamamagitan ng mapalitan, mabuting bagay ito!” Nagkaroon ako ng ilang kaalaman tungkol sa sarili ko sa pamamagitan ng karanasang iyan at hindi ako gaanong nalumbay. Natanggap ko rin na maisiwalat hanggang sa isang antas. Nanalangin ako sa Diyos: “O Diyos, talagang nakagawa ako ng kasamaan. Mula ngayon, handa na akong magsisi.” Pagkatapos niyon, kapag nagpapakita ako ng tiwaling disposisyon ko kapag nakikisalamuha sa iba, nananalangin ako sa Diyos, nagninilay sa sarili, at nagtutuon sa maayos na pakikipagtulungan sa iba. Nagsimula na rin akong mas masigasig na maghanap sa tungkulin ko at pakiramdam ko ay puno at sagana ang mga araw ko. Pagkatapos lang ng ilang araw, lumapit sa akin ang nakakataas kong lider at sinabi niya na noon ay masyado akong mayabang, hindi ako tumatanggap ng payo ng ibang tao at hindi ko tinatrato ang mga tao nang ayon sa prinsipyo, pero pagkatapos kong mapalitan, natutunan kong pagnilayan at kilalanin ang sarili ko, kaya sumang-ayon ang lahat na hayaan akong bumalik sa tungkulin ko bilang lider. Nagulat talaga ako nang marinig ko ito. Hindi ko kailanman inakala na mabibigyan ako ng isa pang pagkakataon na maglingkod bilang lider. Hindi ko maipahayag kung gaano ako naantig at napuno ako ng pasasalamat sa Diyos. Kasabay nito, talagang nagsisi ako sa lahat ng nagawa ko dati. Nanalangin ako sa Diyos sa puso ko at nagpasya akong magsisi, na hindi na ulitin ang mga mali ko dati, na maging maayos na kapareha ng iba at ibigay ang puso ko sa tungkulin ko. Kinalaunan, pinagnilayan ko uli ang sarili ko: “Bakit ba hindi ko mabitawan ang pagkiling ko laban kay Wendy dati at hinusgahan ko pa siya sa likuran niya at siniraan ko siya?” Isang beses sa debosyonal, may nakita akong talata ng mga salita ng Diyos na nagsabing: “Una sa lahat, pagdating sa usapin ng pagkakapungos, hindi ito kayang tanggapin ng mga anticristo. At may mga dahilan kung bakit hindi nila ito matanggap, ang pangunahing dahilan ay na kapag pinupungusan sila, pakiramdam nila ay napahiya sila, nawalan ng reputasyon, katayuan, at dignidad, na naiwan silang wala nang mukhang maihaharap sa lahat. May epekto sa puso nila ang mga bagay na ito, kaya’t nahihirapan silang tanggapin ang pagkakapungos, at pakiramdam nila, ang sinumang pumupungos sa kanila ay pinupuntirya sila at kaaway nila. Ito ang mentalidad ng mga anticristo kapag pinupungusan sila. Makakasiguro ka rito. Sa katunayan, sa pagpupungos lubusang nabubunyag kung kaya bang tanggapin ng isang tao ang katotohanan at kung tunay ba siyang makakapagpasakop. Ang matinding paglaban ng mga anticristo sa pagkakapungos ay sapat na para maipakita na tutol sila sa katotohanan at hindi nila ito tinatanggap kahit kaunti. Ito, kung gayon, ang pinakabuod ng problema. Hindi ang kanilang pride ang pinakabuod ng usapin; ang hindi pagtanggap sa katotohanan ang diwa ng problema. Kapag pinupungusan sila, hinihingi ng mga anticristo na gawin ito nang may magandang tono at ugali. Kung seryoso ang tono ng pumupungos at mabagsik ang kanyang ugali, lalaban at magiging suwail ang isang anticristo, at magagalit siya dahil sa kahihiyan. Hindi niya iniisip kung tama ba ang inilalantad sa kanya o kung katunayan ba ito, at hindi rin siya nagninilay-nilay kung saan siya nagkamali o kung dapat ba niyang tanggapin ang katotohanan. Ang iniisip lang niya ay kung nasaktan ba ang kanyang banidad at pride. Ganap na hindi kayang kilalanin ng mga anticristo na ang pagpupungos ay nakakatulong, mapagmahal, at nakapagliligtas sa mga tao, na kapaki-pakinabang ito sa mga tao. Ni hindi nila ito makita. Hindi ba’t medyo wala silang pagkilatis at katwiran? Kung gayon, kapag napupungusan, anong disposisyon ang ibinubunyag ng isang anticristo? Walang duda na disposisyon ito ng pagtutol sa katotohanan, pati na rin ng kayabangan at pagiging mapagmatigas. Ibinubunyag nito na pagtutol sa katotohanan at pagkamuhi rito ang kalikasang diwa ng mga anticristo(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikawalong Bahagi)). Ibinubunyag ng Diyos kung paanong labis na inaalala ng mga anticristo ang pagprotekta sa katayuan at reputasyon nila, at kapag nahaharap sa pagpupungos, talagang hindi nila pinagninilayan at kinikilala ang mga sarili nila, sa halip ay lumalaban at tumatanggi sila, at iniisip nilang pinag-iinitan sila ng ibang tao. Inaatake pa nga nila at ginagantihan ang mga tao—ang lahat ng pag-uugaling ito ay pagpapakita ng mga disposisyon nila na tutol at namumuhi sa katotohanan. Nang gamitin ko ang pagbubunyag ng mga salita ng Diyos sa sitwasyon ko, nakita ko na ang panghuhusga, paninira, pang-aatake, at paghihiganti ko kay Wendy ay lahat pagpapakita ng anticristong disposisyon ko. Nang makapareha ko si Wendy, madalas niya akong bigyan ng payo at tukuyin ang mga pagkukulang ko, pero hindi niya ako pinupungos. Hindi ko pinagnilayan kung tama ba ang sinabi ni Wendy sa akin, kung mali ba ang ginawa ko o kung ano ba ang matututunan ko sa mga sinabi niya. Sa halip, palagi ko lang siyang tinitingnan nang masama, iniisip kong pinag-iinitan niya ako at minamaliit. Naisip ko pa ngang may mababa siyang pagkatao. Hindi ko man lang nakilatis ang sarili kong mga isyu. Noong panahong iyon, naglilingkod ako bilang lider ng iglesia at hinahati ko rin ang oras ko sa pangangasiwa ng mga pangkalahatang gawain, pero dahil naramdaman ko na hindi ako mahusay sa mga pangkalahatang gawain, hindi na ako nag-abalang mamahala o magtanong tungkol sa gawaing iyon, ni humingi ng tulong sa ibang mahusay sa larangang iyon. Nabigo akong gumawa ng praktikal na gawain—tama si Wendy na banggitin ito! Noong binabanggit ni Wendy ang mga paglihis sa gawain ko at nagbibigay siya ng ilang mungkahi, tinutulungan niya akong bumuti. Pero, isinaalang-alang ko lang ang reputasyon at katayuan ko at nadama ko na kinukwestyon niya ang mga kakayahan ko. Pinersonal ko pa nga ang mga paalala at pagtulong niya, at hinangad ko pa siyang gantihan sa pamamagitan ng paghahanap ng ibang taong kakampi sa akin, at paghikayat sa mga tao na husgahan at itakwil si Wendy kasama ko, lahat ng ito ay nakapinsala kay Wendy. Lumikha din ito ng isang kalagayan ng hindi pagkakasundo na pumigil sa lahat na makatuon sa tungkulin nila at nagambala ang gawain ng iglesia. Hindi ba’t ginagampanan ko lang ang papel ni Satanas? Tunay na dapat akong sumpain at parusahan! Inisip ko ang mga taong gumagawa ng masama at mga anticristo na pinaalis sa iglesia. Sila ay tumutol at namuhi sa katotohanan, bigo silang tanggapin ang mga sitwasyon mula sa Diyos, at tinutukan lang nila ang mga taong nagbabanta sa mga interes nila, iniisip na pinag-iinitan sila ng mga taong iyon at lubha nilang sinusuri ang mga kilos ng mga iyon; bigo talaga silang magnilay at makilala ang sarili nila kapag madalas silang pinaaalalahanan, tinutulungan o pinupungos ng iba. Bukod pa roon, namuhi sila sa sinumang sumubok na itama sila at inatake at itinakwil nila ang mga ito, ginugulo ang mga nasa paligid nila, ginagambala ang gawain ng iglesia at sa huli ay gumagawa ng napakaraming kasamaan kaya pinaalis sila. Lahat ng ito ay mga kinahinatnan ng hindi pagtanggap at ng pagtutol sa katotohanan—nakuha nila kung ano ang nararapat sa kanila! Sa mga katangiang ito, hindi ba’t kumikilos lang ako gaya ng isang taong gumagawa ng masama at ng isang anticristo? Napagtanto ko na tunay akong tiwali at may mababang pagkatao. Takot na takot ako, nasa napakadelikado akong sitwasyon at kung hindi ako magsisisi ay kasusuklaman ako ng Diyos at ititiwalag ako. Kinailangan kong samantalahin ang pagkakataon para magsisi at magawa ang lahat ng makakaya ko para hangarin ang katotohanan, harapin ang mga sitwasyon nang may pusong may takot sa Diyos, hanapin ang katotohanan, pagnilayan at kilalanin ang sarili, maging maingat sa pagsasalita ko, at magtakda ng mabubuting layunin sa mga pakikisalamuha ko. Lumapit ako sa Diyos sa panalangin at sinabi ko na titigil na akong kumilos gaya ng dati, at handa akong tanggapin ang pagsisiyasat ng Diyos at tunay na magsisi.

Kinalaunan, may nakita pa akong talata ng mga salita ng Diyos, na nakatulong sa aking maunawaan kung paano husgahan ang pagkatao ng isang tao at kung paano tratuhin ang mga taong prangkang magsalita at nagbibigay ng payo. Sabi ng Diyos: “Dapat kang maging malapit sa mga taong kayang makipag-usap nang totoo sa iyo; ang pagkakaroon ng mga taong tulad nito sa tabi mo ay lubos na malaking kapakinabangan sa iyo. Sa partikular, ang pagkakaroon ng gayong mabubuting tao sa paligid mo tulad ng mga iyon na, kapag natutuklasan nila ang isang problema sa iyo ay may lakas ng loob na sawayin ka at ilantad ka, mapipigilan kang maligaw ng landas. Wala silang pakialam kung ano ang iyong katayuan, at sa sandaling matuklasan nilang gumawa ka ng isang bagay na labag sa mga katotohanang prinsipyo, sasawayin at ilalantad ka nila kung kinakailangan. Ang gayong mga tao lang ang matutuwid na tao, mga taong may pagpapahalaga sa katarungan, at gaano ka man nila ilantad at sawayin, ang lahat ng ito ay tulong sa iyo, at ang lahat ng ito ay tungkol sa pangangasiwa sa iyo at pagtulak sa iyo pasulong. Dapat kang mapalapit sa gayong mga tao; ang pagkakaroon ng mga gayong tao sa tabi mo, tumutulong sa iyo, magiging mas ligtas ka—ganito ang pagkakaroon ng proteksiyon ng Diyos. Ang pagkakaroon ng mga taong nakauunawa sa katotohanan at nagtataguyod ng mga prinsipyo sa tabi mo araw-araw na nangangasiwa sa iyo ay lubhang kapaki-pakinabang sa paggawa mo ng iyong tungkulin at gawain nang maayos. … Kapag gumawa ka ng bagay na labag sa mga prinsipyo, ilalantad ka nila, magbibigay ng mga opinyon sa iyong mga isyu, at tutukuyin ang iyong mga problema at pagkakamali nang deretsahan at matapat; hindi ka nila susubukang tulungang mapanatili ang iyong dignidad, at ni hindi ka nila bibigyan ng pagkakataong maiwasan ang kahihiyan sa harap ng maraming tao. Paano mo dapat tratuhin ang gayong mga tao? Dapat mo ba silang parusahan o maging malapit sa kanila? (Maging malapit sa kanila.) Tama iyan. Dapat mong buksan ang iyong puso at makipagbahaginan sa kanila, sinasabi na, ‘Tama ang isyung mayroon ako na tinukoy mo sa akin. Noong panahong iyon, napuno ako ng banidad at pag-iisip ng katayuan. Naramdaman kong naging lider ako sa loob ng maraming taon, subalit hindi mo man lang sinubukang mapanatili ang aking dignidad, kundi itinuro mo rin ang mga problema ko sa harap ng napakaraming tao, kaya’t hindi ko matanggap ito. Subalit ngayon, nakikita ko na na talagang salungat ang ginawa ko sa mga prinsipyo at sa katotohanan, at hindi ko dapat ginawa iyon. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng posisyon ng lider? Hindi ba’t tungkulin ko lang ito? Lahat tayo ay gumagawa ng ating tungkulin at lahat tayo ay pantay-pantay ng katayuan. Ang pinagkaiba lang ay nagpapasan ako ng medyo mas maraming responsabilidad, iyon lang. Kung may matutuklasan kang anumang problema sa hinaharap, sabihin mo kung ano ang dapat mong sabihin, at hindi magkakaroon ng personal na sama ng loob sa pagitan natin. Kung magkaiba tayo sa ating pagkaarok sa katotohanan, maaari tayong magbahaginan nang magkasama. Sa sambahayan ng Diyos at sa harap ng Diyos at ng katotohanan, dapat tayong magkaisa, hindi magkakahiwalay.’ Ito ay isang saloobin ng pagsasagawa at pagmamahal sa katotohanan. Ano ang dapat mong gawin kung gusto mong iwasan ang landas ng isang anticristo? Dapat kang magkusang maging malapit sa mga taong nagmamahal sa katotohanan, mga taong matuwid, maging malapit sa mga taong kayang tukuyin ang iyong mga isyu, na kayang magsalita ng totoo at sawayin ka kapag natutuklasan nila ang iyong mga problema, at lalo na ang mga taong kaya kang pungusan kapag natutuklasan nila ang iyong mga problema—ito ang mga taong pinakakapaki-pakinabang sa iyo at dapat mo silang pahalagahan. Kung ibubukod at aalisin mo ang gayong mabubuting tao, mawawala sa iyo ang proteksiyon ng Diyos, at unti-unting darating sa iyo ang sakuna. Sa pagiging malapit sa mabubuting tao at mga taong nakauunawa sa katotohanan, magkakaroon ka ng kapayapaan at kagalakan, at maiiwasan mo ang sakuna; sa pagiging malapit mo sa mga taong ubod ng sama, mga walang hiyang tao, at mga taong nambobola sa iyo, manganganib ka. Hindi ka lang madaling malilinlang at maloloko, kundi maaari pang dumating sa iyo ang sakuna anumang oras. Dapat malaman mo kung anong uri ng tao ang pinakamagiging kapaki-pakinabang sa iyo—ang mga ito ay iyong makapagbababala sa iyo kapag may ginagawa kang mali, o kapag itinataas at pinatototohanan mo ang iyong sarili at nililigaw ang iba, na maaaring maging pinakakapaki-pakinabang sa iyo. Ang paglapit sa gayong mga tao ang tamang landas na dapat tahakin(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikaapat na Aytem: Itinataas at Pinatototohanan Nila ang Kanilang Sarili). Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, napagtanto ko na ang mga taong may pagpapahalaga sa katarungan at nagtataguyod ng katotohanang prinsipyo ay kayang tukuyin kapag may mga isyu o pagkukulang ang mga kapatid nila, at kaya nilang magpungos, magsiwalat, at maghimay ng mga tao kapag nilalabag ng mga ito ang mga prinsipyo sa mga kilos nila, ang mga ganitong tao ay may mabuting pagkatao at dapat ko silang lapitan. Kung sa panlabas ay mapagmahal ang isang tao, marunong makisama sa mga tao, hindi nagpapasama ng loob ninuman at gusto ng nakararami, pero kapag may naobserbahan siyang nangyayari na hindi umaayon sa prinsipyo o nakakapinsala sa mga interes ng iglesia at pinili niyang protektahan ang mga relasyon niya at hindi siya tumitindig, inilalantad at nilulutas ang problema, makasarili at mapanlinlang siya at hindi niya pinoprotektahan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Naisip ko kung paanong palagi kong hinusgahan ang pagkatao ng mga tao batay sa kung palakaibigan ba sila at sa kung nagsasalita ba sila sa paraang nagpapanatili ng dignidad ng mga tao, pero hindi umaayon sa katotohanan ang paghusgang ito. Napagtanto ko na makatwiran lang na madalas na tukuyin ni Wendy ang mga isyu at pagkukulang ko. Sa kabila ng katunayang direktang magsalita si Wendy, katotohanan ang sinabi niya at kaya niyang tukuyin ang mga isyu ko, nakatulong ito sa akin na magampanan ang tungkulin ko at mapagbuti ang buhay pagpasok ko. Dapat mas maglaan ako ng oras sa kanya at makinig sa mga mungkahi niya. Pagkatapos niyon, humingi ako ng tawad kay Wendy. Alam kong hindi mababawi ang pinsalang idinulot ko sa kanya pero kung may pagkakataon uli akong makapareha siya, pahahalagahan ko ang pagkakataong iyon.

Kinalaunan, nakapareha ko ang kapatid na si Leonard. May mabuting kakayahan si Leonard at talagang responsable sa tungkulin niya. Kapag nakita niya akong lumilihis sa tungkulin ko, ipapaalam niya ito sa akin sa harap ng iba. Noong una, kahit na pakiramdam ko ay medyo napahiya ako, natanggap ko ang kritisismo niya bilang aral mula sa Diyos. Pero nang lumipas ang panahon, at nagpatuloy ito, nagsimula akong medyo mainis. Minsan ay medyo nanunuya si Leonard sa kritisismo niya, at hahanap siya ng mali sa gawain ko. Napahiya talaga ako, na para bang kilalang-kilala niya ako at ayaw ko na siyang makapareha. Inisip ko na masyado siyang mayabang at hindi katanggap-tanggap ang tono ng boses niya. Ilang beses habang tinatalakay ko ang pakikipagpareha ko sa iba, gusto kong siraan si Leonard, pero bago pa man ako makapagsabi ng anuman ay napagtanto kong mali ako—talagang marami akong mapapasok sa kritisismo ni Leonard. Kaya, nanalangin ako sa Diyos, nagtakda ako ng mabubuting layunin at hinanap ko kung paano ko makakapareha si Leonard sa paraang naaayon sa layunin ng Diyos. Hindi ko pwedeng husgahan si Leonard nang may masasamang layunin. Kinalaunan, nakita ko ang isang talata ng mga salita ng Diyos na talagang nakatulong sa akin: “Kapag nadiskubre mong may mali kang ginagawa o may pagbubunyag ka ng tiwaling disposisyon, kung nagagawa mong magtapat at makipag-usap sa mga tao, makakatulong ito sa mga nasa paligid mo para mabantayan ka nila. Talagang kailangang tumanggap ng pangangasiwa, ngunit ang pinakamahalaga ay magdasal sa Diyos at umasa sa Kanya, na isinasailalim ang iyong sarili sa palagiang pagsisiyasat. Lalo na kapag mali ang landas na natahak mo o nakagawa ka ng mali, o kapag akmang kikilos o magdedesisyon ka na nang mag-isa, at binanggit ito ng isang tao sa malapit at binalaan ka, kailangan mong tanggapin iyon at magmadali kang pagnilayan ang iyong sarili, at aminin ang iyong pagkakamali, at itama iyon. Maaari nitong pigilan ka sa pagtahak sa landas ng mga anticristo. Kung may isang taong tumutulong at nagbababala sa iyo sa ganitong paraan, hindi ka ba pinoproktektahan nang hindi mo nalalaman? Pinoprotektahan ka—iyan ang proteksiyon mo(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Tamang Pagtupad ng Tungkulin ay Nangangailangan ng Maayos na Pagtutulungan). Pinaalala sa akin ng Diyos na ang pagkakaroon ng isang tao sa tabi ko na may pagpapahalaga sa katarungan at may kumpiyansang magsalita nang direkta at agad na ipaalam ang mga pagkukulang ko ay isang uri ng proteksyon, na pipigilan ako niyon na maligaw at pagmamahal iyon ng Diyos. Ang tamang gawin ay ang tanggapin ang sitwasyon! Noong panahong iyon, nakuntento na ako sa paggawa lang ng ilang di-mahahalagang gawain. Pero nabigo akong magbayad ng halaga sa paggawa ng anumang mahalagang gawain ng pagdidilig sa mga baguhan. Ginawa akong medyo mas pragmatiko sa tungkulin ko ng madalas na paalala sa akin ni Leonard. Marami rin akong nakamit mula sa mga landas ng pagsasagawang sinabi sa akin ni Leonard. Napagtanto ko na talagang mahalaga ang tulong at payo niya. Dahil ako ay walang taglay na katotohanan, may mga napakatiwaling disposisyon pa rin at pwedeng makagawa ng mali anumang oras, ang presensya ni Leonard para subaybayan ako ay tunay na nagpapalakas sa akin at pumipigil sa aking gumawa ng maraming kasamaan. Nang mapagtanto ko ito, pakiramdam ko ay handa na akong lutasin ang mga paglihis sa tungkulin ko at nagkaroon ako ng mas mabuting saloobin sa mga payo ni Leonard. Pinadalhan ko siya ng mensahe na nagsabi: “Mula ngayon, ipaalam mo sa akin kung may mapansin kang anumang problema sa akin. Maaaring mapahiya ako nang kaunti, pero malaking tulong ito para sa akin.” Ngayong inaalala ko ito, maraming inilagay ang Diyos na ganitong tao sa tabi ko nitong mga nakaraang taon, pero lagi ko silang gustong iwasan dahil iniisip kong mahirap silang pakisamahan. Ang totoo, hindi ako magaling humusga ng tao, hindi ko alam kung paano suriin o tratuhin ang mga tao, kaya hindi ko napansing nawalan ako ng mga pagkakataong matuto sa mga kapareha ko. Nang muling patnugutan ng Diyos ang sitwasyong ito, sa wakas ay naunawaan ko na ang layunin Niya, natrato ko na ang iba nang may prinsipyo at mas malaya ang pakiramdam ko! Nagpasalamat ako sa Diyos sa puso ko!

Sinundan: 84. Nakawala Ako Mula sa Pagkabalisa Tungkol sa Aking Sakit

Sumunod: 86. Ang Pagyabong Sa Kabila ng Pagsubok

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito