72. Ang Pagkakaroon ba ng Katayuan ay Naggagarantiya ng Kaligtasan?

Ni Claude, Cameroon

Noong Mayo 2018, tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Makalipas ang isang taon, nahalal ako bilang isang lider ng iglesia, at pagkatapos ng apat na taon, nahalal ako bilang superbisor ng iglesia sa Cameroon. Akala ko ang galing-galing ko, na para bang nakahihigit ako sa ibang tao. Sa aking mga kuru-kuro, inakala ko na mas pinahahalagahan ng Diyos iyong mga may katayuan, at na ang mga ganitong tao ay mas mahalaga kaysa sa iba, at mas mataas ang tsansa nilang maligtas. Sa mga nakaraang taon ng pagiging lider, marami akong natamo, kaya nakaramdam ako ng katiyakan sa aking kaligtasan. Dahil dito, mas naging masigasig ako sa aking tungkulin. Kahit na ang iba ay natutulog na sa gabi, patuloy ko pa ring ginagawa ang aking tungkulin. Naisip ko na dahil nagbabayad ako ng mas malaking halaga at nagtataglay ng mas maraming responsabilidad kaysa sa iba, higit akong pagpapalain ng Diyos. Bilang isang lider, palagi akong naglalakad nang taas-noo, at may pakiramdam ng kahigitan. Naisip ko na hangga’t nananatili akong lider, tiyak ang aking kaligtasan. Pero hindi nangyari ang aking inaasahan.

Dahil nangangailangan ng mga tao ang gawain ng ebanghelyo, isinugo ako upang ipalaganap ang ebanghelyo. Naging maayos ang lahat dito, at nakakuha ako ng ilang magagandang resulta sa aking tungkulin. Hindi nagtagal, itinaas ang posisyon ko bilang lider ng grupo. Sobrang saya ko na maitaas ng posisyon. Pareho akong lider ng grupo at superbisor ng iglesia. Mas lalo kong naramdaman na malapit na ako sa kaligtasan, at mas tiyak ang aking hantungan. Noong unang bahagi ng Setyembre 2022, inilipat ako sa New Light Church para gawin ang aking tungkulin. Doon ay mayroon na silang mga lider ng grupo ng ebanghelyo at mga superbisor ng iglesia. Kaya isa lang akong ordinaryong tagapagpalaganap ng ebanghelyo, at nawala ang aking mga titulo bilang lider ng grupo ng ebanghelyo at superbisor ng iglesia. Sa pagharap sa gayong mga pagbabago, naramdaman kong bumaba ang aking katayuan. Nawala ang aking pakiramdam ng kahigitan at naramdaman ko pa nga na baka nawala na ang pagkakataon kong maligtas. Pagkatapos niyon, nawala ang motibasyon ko sa aking tungkulin at gusto ko na lang manahimik. Noong mayroon akong katayuan, taas-noo akong maglakad, labis ang aking pagmamalaki, ngunit nang wala nang katayuan, nawala ang aking sigla. Pero patuloy pa rin akong umasa, iniisip na, “Kadarating ko lang, kaya hindi pa ako kilala ng mga kapatid sa New Light Church. Basta’t patuloy akong gumagampan nang mabuti sa aking tungkulin, sa aking kakayahan at abilidad sa paggawa, tiyak na maaakit ko ang atensyon ng mga taong nakapaligid sa akin, at hindi magtatagal, muli akong mahahalal bilang isang lider. May pag-asa pa akong maligtas!” Sa pag-iisip nito, hindi ako naging masyadong negatibo at ipinagpatuloy ko ang paggampan sa aking tungkulin.

Sa pagtatapos ng Disyembre 2022, kinailangan ng New Light Church na muling maghalal ng mga superbisor ng iglesia. Bago sumapit ang eleksiyon, sobrang tiwala ko sa aking sarili, at naisip kong tiyak na mahahalal ako, dahil alam ng lahat na matagal na akong lider at may mga kuwalipikasyon ako rito. Pero sa hindi inaasahan, nang mahayag ang mga boto, lumabas na dadalawang boto lamang ang aking natanggap. Natalo ako sa eleksiyon. Talagang napakahirap nitong tanggapin. Pakiramdam ko ay napakawalang-kuwenta ko, na para akong isang ibon na walang pakpak, at halos hindi ko makayanan na tinitingnan ako ng ibang tao. Noong panahong iyon, napakanegatibo ko at nagtaglay ako ng maling pagkaunawa sa Diyos. Inisip ko na ang pagkakaroon ng katayuan ay magbibigay-daan sa akin na gawin nang mas mahusay ang aking tungkulin at makilala ako ng Diyos. Ngayong nawala na ang katayuan ko, naisip ko na ang ibig sabihin nito ay hindi na ako ililigtas ng Diyos, at nawalan na ako ng mabuting hantungan. Ayaw ko nang dumalo sa mga pagtitipon ng grupo o tumugon sa mga mensahe ng aking mga kapatid. Gusto ko na lang magtago at magmukmok. Atubili akong dumalo sa mga pagtitipon, at sa mga pagtitipon na ito, hindi ako aktibong lumalahok sa pagbabahaginan. Ayaw kong mapansin ng mga tao ang aking presensya dahil wala na akong katayuan. Natatakot ako na baka maalala na lamang ako ng mga kapatid bilang isang dating lider na isinantabi. Ni hindi ko nais na basahin ang mga salita ng Diyos o manalangin, at kahit na kapag nananalangin ako, pabasta-basta ko lang itong ginagawa at hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa Diyos. Hindi na ako aktibo sa aking tungkulin, at kung minsan, hindi ko mapakalma ang aking puso, at tumitingin ako sa mga website ng balita, mga website sa pulitika, at mga video ng hayop. Matapos panoorin ang mga ito, hindi ko naramdaman na parang may nakamit akong kahit ano, at hungkag ang kalooban ko. Nadama kong hindi tama ang aking kalagayan, at na maaaring may layunin ng Diyos sa likod ng aking pagkabigo sa eleksiyon. Kaya nanalangin ako sa Diyos, “Diyos ko, hindi ko magawang kumalma upang gawin ang aking mga tungkulin ngayon, at nais ko pang ilayo ang aking sarili sa Iyo. Hindi ko maintindihan kung bakit ako nagkakaganito. Bigyang-liwanag at gabayan Mo nawa ako upang maunawaan ko ang aking kalagayan.”

Pagkatapos ay sinabi ko kay Brother Matthew ang tungkol sa aking kalagayan, at pinagbasa niya ako ng dalawang sipi ng mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Sa inyong paghahangad, napakarami ninyong indibidwal na mga kuru-kuro, pag-asam, at hinaharap. Ang kasalukuyang gawain ay para pungusan ang inyong pagnanais na magkaroon ng katayuan at ang inyong maluluhong pagnanasa. Ang mga pag-asam, katayuan, at mga kuru-kuro ay pawang mga halimbawang kumakatawan ng satanikong disposisyon. Umiiral ang mga ito sa puso ng mga tao dahil palaging sinisira ng lason ni Satanas ang isipan ng mga tao, at palaging hindi maiwaksi ng mga tao ang mga tuksong ito ni Satanas. Nakasadlak sila sa kasalanan subalit hindi sila naniniwala na kasalanan iyon, at iniisip pa rin nila: ‘Naniniwala kami sa Diyos, kaya kailangan Niya kaming pagkalooban ng mga pagpapala at angkop na isaayos ang lahat para sa amin. Naniniwala kami sa Diyos, kaya kailangan makalamang kami sa iba, at kailangan magkaroon kami ng mas magandang katayuan at kinabukasan kaysa sa iba. Dahil naniniwala kami sa Diyos, kailangan Niya kaming bigyan ng walang-hanggang mga pagpapala. Kung hindi, hindi iyon matatawag na paniniwala sa Diyos.’ … Hindi ba ganito rin ang inyong kasalukuyang mga iniisip at pananaw? ‘Dahil naniniwala ako sa Diyos dapat akong buhusan ng mga pagpapala at dapat matiyak na ang aking katayuan ay hindi bababa kailanman at na mananatili itong mas mataas kaysa sa mga walang pananampalataya.’ Hindi ka nagkikimkim ng ganyang klaseng pananaw sa iyong kalooban sa loob ng isa o dalawang taon lamang, kundi sa loob ng maraming taon. Sobra-sobra ang pag-iisip mong makipagkasundo. Bagama’t nakarating ka na sa hakbang na ito ngayon, hindi ka pa rin bumibitiw sa katayuan kundi palagi mong pinipilit na alamin ang tungkol dito, at inoobserbahan ito araw-araw, nang may malaking takot na balang araw ay mawala ang iyong katayuan at masira ang iyong pangalan. Hindi pa isinasantabi ng mga tao ang pagnanais nilang guminhawa(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Bakit Ayaw Mong Maging Panghambing?). “Kayo ngayon ay mga alagad, at nagtamo na kayo ng kaunting pagkaunawa tungkol sa yugtong ito ng gawain. Gayunman, hindi pa rin ninyo naisasantabi ang inyong pagnanasa sa katayuan. Kapag mataas ang inyong katayuan naghahanap kayong mabuti, ngunit kapag mababa ang inyong katayuan hindi na kayo naghahanap. Palagi ninyong iniisip ang mga pagpapala ng katayuan. Bakit hindi maialis ng karamihan sa mga tao ang pagiging negatibo? Hindi kaya dahil palaging malabo ang mga maaasahan? … Habang mas naghahanap ka sa ganitong paraan, mas kakaunti ang napapala mo. Kapag mas matindi ang paghahangad ng isang tao sa katayuan, kailangan ay mas mahigpit siyang pungusan at mas nararapat siyang sumailalim sa matinding pagpipino. Ang gayong klaseng mga tao ay walang kuwenta! Kailangan silang pungusan at hatulan nang sapat upang lubusan nilang talikuran ang mga bagay na ito. Kung magpapatuloy kayo sa ganitong paraan hanggang sa huli, wala kayong mapapala. Yaong mga hindi naghahangad na matamo ang buhay ay hindi maaaring mabago, at yaong mga hindi nauuhaw sa katotohanan ay hindi matatamo ang katotohanan. Hindi ka nagtutuon sa paghahangad na matamo ang personal na pagbabago at pagpasok, kundi sa halip ay sa maluluhong pagnanasa at mga bagay na pumipigil sa iyong pagmamahal sa Diyos at humahadlang sa iyo na mapalapit sa Kanya. Mababago ka ba ng mga bagay na yaon? Madadala ka ba ng mga iyon papasok sa kaharian?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Bakit Ayaw Mong Maging Panghambing?). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, nagnilay ako sa aking sarili. Mula nang umanib ako sa iglesia, palagi akong nagiging lider, at naniwala ako na ang pagkakaroon ko ng katayuan ang gumarantiya sa aking kaligtasan. Habang lumilipas ang mga taon, lalo kong pinagtuunan ng pansin ang aking katayuan. Habang lalong tumataas ang aking posisyon, mas lalo kong nararamdamang pinahahalagahan at kinikilala ako ng Diyos, na nagbigay-lakas sa akin upang magdusa at magbayad ng halaga sa aking tungkulin. Naisip ko pa na kung tatapusin ng Diyos ang Kanyang gawain ngayon, dapat maliligtas ako. Noong eleksiyon, umasa akong mahalal, at pakiramdam ko, mas kuwalipikado ako kumpara sa iba dahil sa pagiging lider ko dati. Ngunit natalo ako sa eleksiyon at hindi nagkaroon ng katayuan. Pakiramdam ko ay nabigo ako at nawalan na ako ng pag-asa na maligtas, kaya nawala ang motibasyon kong gawin ang aking tungkulin. Hindi ko na binasa ang mga salita ng Diyos, binalewala ko ang mga mensahe mula sa mga kapatid, pabago-bago ang paraan ko ng pagdalo sa mga pagtitipon, at hindi ko na sinubaybayan sa oras ang mga potensyal na tatanggap ng ebanghelyo. Hindi ko gustong makipag-usap o makipag-ugnayan sa mga kapatid. Gusto ko lang mapag-isa. Hindi ko mapatahimik ang aking puso sa harap ng Diyos at nawalan ako ng pagnanais na hangarin ang katotohanan Nanood pa nga ako ng mga sekular na pelikula. Nagdilim nang nagdilim ang aking puso, at pakiramdam ko ay nawala ko ang gawain ng Banal na Espiritu. Sabi ng Diyos: “Hindi ka nagtutuon sa paghahangad na matamo ang personal na pagbabago at pagpasok, kundi sa halip ay sa maluluhong pagnanasa at mga bagay na pumipigil sa iyong pagmamahal sa Diyos at humahadlang sa iyo na mapalapit sa Kanya. Mababago ka ba ng mga bagay na yaon? Madadala ka ba ng mga iyon papasok sa kaharian?” Ang paghahangad ng katayuan ay hindi makapagbibigay sa akin ng katotohanan o isang mabuting hantungan, at ang pagkakaroon ng katayuan ay hindi makapagbibigay sa akin ng pagpasok sa kaharian ng Diyos. Sapagkat ang paghahangad ng katayuan ay isang tiwaling disposisyon at nagmumula kay Satanas, hinahadlangan nito ang paghahangad ko sa katotohanan at inaakay pa ako na maging malayo sa Diyos at salungatin Siya. Sa huli, maaari lamang itong humantong sa aking pagkawasak. Ipinakita sa akin ng mga salita ng Diyos na may layunin ang Diyos sa aking pagkatalo sa eleksiyon na ito. Ginagamit ng Diyos ang pagkatalong ito upang pungusan ang aking pagnanais para sa katayuan at upang ipaalis sa akin ang mapagpasasa kong pagnanais para sa katayuan at pagnilayan ko ang aking sarili. Sa pang-unawa sa taos-pusong layunin ng Diyos, nanalangin ako sa Diyos, “Diyos ko, nais kong magsisi. Gabayan Mo nawa ako upang makilala ko ang aking sarili.”

Pagkatapos, binasa ko ang ilan sa mga salita ng Diyos at ilang artikulo ng patotoong batay sa karanasan. Binasa ko ang mga salita ng Diyos: “Naniniwala ang ilang tao na kung maraming taon na silang nananampalataya sa Diyos, mas malamang na maligtas sila. Iniisip ng ilang tao na kung nauunawaan nila ang maraming espirituwal na doktrina, mas malamang na maligtas sila, o iniisip ng ilan na tiyak na maliligtas ang mga lider at manggagawa. Ang lahat ng ito ay mga kuru-kuro at imahinasyon ng tao. Ang susi ay dapat maunawaan ng mga tao ang ibig sabihin ng kaligtasan. Ang maligtas ay nangangahulugang, unang-una, na makalaya mula sa kasalanan, makalaya mula sa impluwensiya ni Satanas, at tunay na bumaling sa Diyos at magpasakop sa Diyos. Ano ang dapat ninyong taglayin para makalaya mula sa kasalanan at mula sa impluwensiya ni Satanas? Ang katotohanan. Kung hangad ng mga taong matamo ang katotohanan, dapat silang masangkapan ng marami sa mga salita ng Diyos, dapat magawa nilang maranasan at maisagawa ang mga ito, nang sa gayon ay maunawaan nila ang katotohanan at makapasok sa realidad. Saka lamang sila maaaring maligtas. Kung maliligtas man o hindi ang isang tao ay walang kinalaman sa kung gaano katagal na siyang naniniwala sa Diyos, kung gaano karaming kaalaman ang mayroon siya, kung nagtataglay siya ng mga kaloob o kalakasan, o kung gaano siya nagdurusa. Ang tanging bagay na may direktang kaugnayan sa kaligtasan ay kung kaya bang matamo ng isang tao ang katotohanan o hindi. Kaya sa kasalukuyan, gaano karaming katotohanan ang tunay na naunawaan mo? At gaano karami sa mga salita ng Diyos ang isinabuhay mo? Sa lahat ng hinihingi ng Diyos, alin ang nakamit mo ang pagpasok? Sa mga taon ng pananampalataya mo sa Diyos, gaano ka na nakapasok sa realidad ng salita ng Diyos? Kung hindi mo alam, o kung hindi mo nakamit ang pagpasok sa realidad ng anumang salita ng Diyos, kung gayon ay sa totoo lang, wala kang pag-asa sa kaligtasan. Imposibleng maligtas ka. Hindi mahalaga kung nagtataglay ka ng mataas na uring kaalaman, o kung matagal ka nang nananampalataya sa Diyos, may maayos na kaanyuan, kayang magsalita nang mahusay, at naging isang lider o manggagawa sa loob ng ilang taon. Kung hindi mo hinahangad ang katotohanan at hindi mo maayos na isinasagawa at dinaranas ang mga salita ng Diyos, at wala kang tunay na patotoong batay sa karanasan, kung gayon ay wala ka ngang pag-asang maligtas(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pagpapahalaga sa mga Salita ng Diyos ang Pundasyon ng Pananampalataya sa Diyos). “Pinagpapasyahan Ko ang hantungan ng bawat tao hindi batay sa gulang, senyoridad, tindi ng pagdurusa, at lalong hindi batay sa kung gaano siya kaawa-awa, kundi batay sa kung taglay niya ang katotohanan. Wala nang ibang pagpipilian kundi ito. Dapat ninyong matanto na parurusahan din ang lahat ng hindi sumusunod sa kalooban ng Diyos. Isa itong bagay na hindi mababago ng sinumang tao. Samakatuwid, lahat ng pinarurusahan ay pinarurusahan nang gayon para sa katuwiran ng Diyos at bilang ganti sa kanilang maraming masasamang gawa(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na patas na tinatrato ng Diyos ang lahat ng tao, at na tinatakda ng Diyos ang mga kinalalabasan ng mga tao batay sa kung taglay nila ang katotohanan. Nakakamit ng mga tao ang pagsang-ayon ng Diyos at naliligtas sila, hindi dahil sa sila ay isang lider o may hawak na isang tiyak na posisyon, kundi dahil sila ay naghahanap at sa huli ay nagkakamit ng katotohanan. Naisip ko na dahil ilang taon akong naging lider at nagkaroon ng katayuan, sasang-ayunan ako ng Diyos na ako ay pinapaboran ng Diyos at maraming pribilehiyo, na may lugar na ako sa kaharian ng Diyos, at maliligtas at makapapasok na ako sa Kanyang kaharian. Mali ang pananaw kong ito. Ang totoo, ang pagkakaroon ng posisyon sa iglesia ay hindi isang kondisyon para sa kaligtasan, ni ang pagkakaroon ng katayuan ay nagpapahiwatig na ang isang tao ay mas mahalaga kaysa sa iba, o mas malamang na magkamit ng pagkilala ng Diyos. Sa sambahayan ng Diyos, walang pagtatangi ng katayuan. Lahat ay pantay-pantay sa harap ng Diyos. Anuman ang tungkulin na ginagampanan ng isang tao, basta’t taimtim niyang hinahangad ang katotohanan, iwinawaksi ang kanyang mga tiwaling disposisyon, at nagpapasakop sa Diyos, kaya niyang makamit ang pagliligtas ng Diyos. Kung ang isa man ay lider ng grupo o lider ng iglesia, ito ay isang pagkakataon lamang na ipinagkaloob ng Diyos upang matamo ang katotohanan. Nagbibigay-daan ito sa atin upang maranasan ang gawain ng Diyos sa pamamagitan ng pagtupad sa ating mga tungkulin, upang maunawaan ang mas maraming katotohanan, at upang mas mabilis tayong lumago. Gayumpaman, hindi ito nangangahulugan na ang pagiging isang lider ng grupo o isang lider ng iglesia ay gumagarantiya ng kaligtasan. Sa pagninilay-nilay sa aking mga taon bilang lider, pagtitiis sa mga paghihirap at pagbabayad ng halaga, dumalo ako sa bawat pagtitipon anuman ang oras nito, kung minsan ay nagtatrabaho hanggang sa kalaliman ng gabi habang ang iba ay natutulog na, nagpupursige na tapusin ang gawain sa lalong madaling panahon, kaya naisip ko na maayos kong ginagawa ang aking mga tungkulin at na mahal ko ang Diyos. Pero nang matalo ako sa eleksiyon at mawala ang aking katayuan, lumitaw ang aking pagiging mapaghimagsik at nabunyag ang aking maling pagkaunawa sa Diyos. Inisip ko na hindi na ako maliligtas, kaya’t sumuko na ako sa paghahangad sa katotohanan, naging negatibo ako at nagpakatamad sa aking mga tungkulin, ayaw kong basahin ang mga salita ng Diyos, at nanood pa ako ng mga sekular na pelikula. Nakita ko na hindi ko mahal ang katotohanan, at ang pagkukusa ko sa aking tungkulin ay upang makamit ang isang mabuting hantungan, hindi ang katotohanan, kaya naman hindi ako nakakuha ng maraming katotohanan sa limang taon kong pananampalataya sa Diyos. Ibinunyag nitong pagkatalo ko sa eleksiyon ang aking katiwalian, na nagpaunawa sa akin na ang lahat ng aking ginawa noon ay para sa kapakanan ng katayuan at isang mabuting hantungan, at sinusubukan kong makipagtransaksyon sa Diyos. Ang totoo, hindi ko minahal ang Diyos gaya ng inakala ko, naghihimagsik ako laban sa Diyos, at hindi nakikinig sa Kanyang mga salita, at dahil sa pagkawala ng katayuan ko, inilayo ko pa ang sarili ko sa Diyos at ayaw kong gawin ang aking mga tungkulin. Naalala ko ang sinabi ng Panginoong Jesus: “Hindi ang bawat nagsasabi sa Akin, ‘Panginoon, Panginoon,’ ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit(Mateo 7:21). Nais ng Diyos iyong mga taong naghahangad ng katotohanan at sumusunod sa Kanyang daan. Ang gayong mga tao ay karapat-dapat na maligtas at makapasok sa kaharian ng langit. Noon, palagi akong abala, dumadalo sa bawat pagtitipon, nagbibigay ng impresyon sa lahat na ako ay masipag at responsable sa aking mga tungkulin, ngunit panlilinlang ang lahat ng iyon. Ginagawa ko ang aking mga tungkulin sa layuning magtamo ng mga pagpapala, na hindi naman pagsunod sa kalooban ng Diyos, at hindi magpapalugod sa Kanya o makapagkakamit ng Kanyang pagsang-ayon. Nanalangin ako sa Diyos nang may luha sa aking mga mata, “Diyos ko, gusto kong magbago at bumalik sa Iyo, pakiusap, pungusan Mo ako at hatulan, upang mapakawalan ko ang aking mapagpasasang mga kaisipan at hinihingi, anuman ang posisyon na paglagyan Mo sa akin, kahit na tingnan ito ng mga tao bilang pinakamababang posisyon, tatanggapin ko ito, handa akong magpasakop sa lahat ng Iyong mga pagsasaayos.”

Isang araw, binasa ko ang mga salita ng Diyos: “Bilang isang nilikha, dapat hangaring tuparin ng tao ang tungkulin ng isang nilikha, at hangaring mahalin ang Diyos nang hindi pumipili ng iba pa, sapagkat ang Diyos ay karapat-dapat sa pagmamahal ng tao. Yaong mga naghahangad na mahalin ang Diyos ay hindi dapat maghangad ng anumang personal na mga pakinabang o hangarin yaong personal nilang inaasam; ito ang pinakatamang paraan ng paghahangad. Kung hinahangad mo ang katotohanan, kung isinasagawa mo ang katotohanan, at kung nagtatamo ka ng pagbabago sa iyong disposisyon, tama ang landas na iyong tinatahak. Kung hinahangad mo ang mga pagpapala ng laman, at isinasagawa mo ang katotohanan ng sarili mong mga kuru-kuro, at kung walang pagbabago sa iyong disposisyon, at hindi ka mapagpasakop kailanman sa Diyos na nasa katawang-tao, at nabubuhay ka pa rin sa kalabuan, siguradong dadalhin ka sa impiyerno ng iyong hinahangad, sapagkat ang landas na iyong tinatahak ay ang landas ng kabiguan. Kung gagawin kang perpekto o ititiwalag ay depende sa iyong sariling paghahangad, na ibig ding sabihin ay ang tagumpay o kabiguan ay depende sa landas na tinatahak ng tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao). Ang mga salita ng Diyos ay nagbigay sa akin ng landas ng pagsasagawa. Bilang isang nilikha, dapat kong hangarin ang katotohanan ayon sa layunin ng Diyos at gawin nang maayos ang aking tungkulin, na hindi naghahanap ng anumang gantimpala. Noon, naisip ko na ang pagkakaroon ng katayuan ay makatutulong sa akin na makamit ang kaligtasan, at ang pagtatamo at pagkapit sa katayuan ng lider ay sisiguruhing may isang magandang resulta para sa akin, kaya buong-puso kong hinangad ang katayuan at reputasyon sa halip na hanapin ang katotohanan, na nagresulta sa tiwaling disposisyon ko na manatiling hindi nagbabago sa kabila ng aking pananampalataya sa Diyos sa loob ng maraming taon. Kung hindi ko babaguhin ang aking paghahangad, tiyak na ititiwalag ako ng Diyos. Naunawaan ko rin, na sa iglesia, mayroong iba’t ibang tungkulin, at ginagawa ng bawat isa ang kanilang mga tungkulin ayon sa kanilang sariling mga sitwasyon at pangangailangan ng gawain, at kahit ano pa man ang uri ng tungkuling ito, ito ay isang bagay na dapat nating gawin, lahat ng ito ay para sa layon ng pagbibigay-daan sa mga tao na maisagawa ang katotohanan at makamit ang pagbabago sa disposisyon. Ito ay tulad ng ating katawan, na binubuo ng maraming organo. Ang bawat organo ay may sariling funsiyon, at walang isang organo ang mas kapaki-pakinabang kaysa sa iba. Lahat ng funsiyon ay kinakailangan para sa kaligtasan ng katawan, at wala ni isang organo ang maaaring mawala. Ang mga tungkulin ay hindi nahahati sa mataas na antas at mababang antas. Ang paggawa ng isang espesyal na trabaho o pagiging isang lider ay hindi nagpapataas sa isang tao kaysa sa iba, nagpapaangat kaysa sa iba o mas malamang na maligtas kaysa sa iba, at ang mag-isip nang ganito ay mali. Kahit bilang isang lider, kung hindi isasagawa ang katotohanan, hindi ko makakamtan ang katotohanan o kaya ay maliligtas ako. Matapos maunawaan ito, pinagsisisihan kong palaging nagsusumikap para sa katayuan, at nagpasya akong gawin nang maayos ang aking tungkulin. Hindi na ako negatibo at huminto na ako sa panonood ng mga sekular na pelikula, regular na akong dumadalo sa mga pagtitipon at madalas na nagbabahagi ng aking kaalaman sa sarili, at binago ko ang aking saloobin sa aking tungkulin, naging makusa sa pagpapalaganap ng ebanghelyo. Ibinahagi ko rin ang mga salita ng Diyos sa mga kapatid, tinutulungan silang lutasin ang kanilang abnormal na kalagayan, at bumuti ang pagiging epektibo ng aking tungkulin.

Sa pagtatapos ng Hunyo 2023, isa pang iglesia ang naitatag at kinailangang pumili ng mga lider at diyakono. Naisip ko, “Matagal na akong nananampalataya sa Diyos at naging lider ng iglesia dati, kaya malamang na ako ang mahalal.” Pero sa huli, nahalal lang ako bilang isang diyakono ng ebanghelyo. Ang una kong naisip ay nabawasan ang pag-asa ko na maligtas, lalo na nang makita ko na isang sister na nananampalataya sa Diyos nang ilang taon na mas maikli kaysa sa akin ang nahalal bilang lider ng iglesia, nakaramdam ako ng sobrang sama ng loob. Naisip ko rin na sa hinaharap, mas maraming baguhan ang sasapi sa iglesia, na mahihigitan nila ako, at sa paglipas ng panahon ay mawawalan na ako ng lugar. Sa pag-iisip ko sa mga bagay na ito, sumama nang sobra ang loob ko at nawala ang motibasyon ko na gawin ang aking tungkulin. Nanalangin ako sa Diyos, “Diyos ko, huwag Mong hayaan na guluhin ng mga kalagayang ito ang aking puso. Handa akong bitawan ang paghahangad ko ng mga kinabukasan at katayuan, magpasakop sa lahat ng Iyong mga pagsasaayos, at gawin ang aking tungkulin para lamang mapalugod Ka. Kung kumakapit pa rin ako sa paghahangad ng katayuan, umaasa akong sana ay disiplinahin Mo ako.” Binasa ko ang mga salita ng Diyos: “Sa huli, kung magtatamo man ng kaligtasan ang mga tao ay hindi nakasalalay sa kung anong tungkulin ang ginagawa nila, kundi kung kaya ba nilang maunawaan at makamit ang katotohanan, at kung, sa huli, ay kaya ba nilang lubos na magpasakop sa Diyos, magpasailalim sa Kanyang pamamatnugot, hindi isaalang-alang ang kanilang hinaharap at tadhana, at maging isang karapat-dapat na nilikha. Matuwid at banal ang Diyos, at ang mga ito ang pamantayan na ginagamit Niya upang sukatin ang buong sangkatauhan. Hindi nababago ang mga pamantayang ito, at dapat mo itong tandaan. Ikintal mo ang mga pamantayan na ito sa iyong isipan, at kahit anong oras, huwag mong isipin na maghanap ng iba pang landas sa paghahangad ng ilang bagay na hindi totoo. Ang mga hinihingi at pamantayan ng Diyos para sa lahat ng nais na matamo ang kaligtasan ay hindi nagbabago magpakailanman. Nananatiling pareho ang mga iyon maging sino ka man(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Ang Diyos ay matuwid at banal, at ang Diyos ang nagtatakda ng hantungan ng bawat tao batay sa kung nakamit nila ang katotohanan. Dapat din akong maghangad ayon sa mga hinihingi ng Diyos, bitawan ang aking pagnanais na hangarin ang katayuan at hantungan, at buong-pusong gampanan ang aking mga tungkulin at hangarin ang katotohanan. Ito ay umaayon sa layunin ng Diyos. Ang aking abilidad sa paggawa ay medyo kulang, at ang pagkakahalal sa akin ngayon bilang isang diyakono ng ebanghelyo ay isa pang pagkakataon para sa pagsasagawa na ibinigay ng Diyos. Dapat kong pahalagahan ang pagkakataong ito at ilaan nang buong puso ang aking sarili sa aking mga tungkulin, hangarin at kamtin ang katotohanan, lutasin ang aking tiwaling disposisyon, at gampanan ang aking mga tungkulin upang mapalugod ang puso ng Diyos. Ito ang pinakamahalaga. Pagkatapos, inilaan ko ang aking sarili sa aking mga tungkulin, at ang lahat ng mga pagbabagong naranasan ko ay dahil sa patnubay ng mga salita ng Diyos. Salamat sa pagliligtas ng Diyos!

Sinundan: 70. Paano Ko Isinantabi ang Naramdaman Kong Poot

Sumunod: 73. Matapos Matanggal ang Lider na Hinahangaan Ko

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

40. Pag-uwi

Ni Muyi, South Korea “Ang masaganang pag-ibig ng Diyos ay malayang ipinagkaloob sa tao at bumabalot sa tao; ang tao ay inosente at...

40. Gamot Para sa Inggit

Ni Xunqiu, TsinaSabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang laman ng tao ay kay Satanas, ito ay puno ng mga masuwaying disposisyon, nakakahiya ang...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito