29. Maging ang Matatanda ay Dapat Magsumikap na Hangarin ang Katotohanan

Ni Li Jing, Tsina

Sa taon na naging 46 na taong gulang ako, tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Natutuhan ko mula sa mga salita ng Diyos na ito ang huling yugto ng gawain ng Diyos upang iligtas ang mga tao, na sa huli, dadalhin ng Diyos sa isang bagong panahon ang mga iniligtas Niya. Nakaramdam ako ng matinding saya, at tinalikuran at ginugol ko ang aking sarili at ginampanan ko ang tungkulin ko nang may isandaang beses na higit na pananampalataya. Noong panahong iyon, medyo bata pa ako, marami akong lakas, at kapag ginagampanan ko ang aking tungkulin kasama ang mga batang kapatid, hindi ko itinuturing na matanda ang aking sarili. Kumanta at sumayaw ako, punong-puno ng buhay, at kung minsan ay nagbibisikleta ako ng mga animnapung milya para ipalaganap ang ebanghelyo, nang hindi napapagod. Nadama ko na ang paggugol ng aking sarili para sa Diyos at pagganap ng tungkulin ko sa ganitong paraan ay tiyak na hahantong sa aking kaligtasan kapag natapos na ang gawain ng Diyos. Noong 65 taong gulang ako, nagkaroon ako ng tinnitus sa isa sa mga tainga ko, at madalas na may huni sa tainga na iyon. Noong una itong nagsimula, hindi ko ito masyadong inalala, at inisip ko na gagaling din ito paglaon. Pero kalaunan, lumala ito nang lumala; kung minsan ay hindi ko marinig nang malinaw ang sinasabi ng ibang tao, at noong lumala ito, nahilo ako. Nang pumunta ako sa ospital upang ipatingin ito, sinabi ng doktor na hindi na nakaririnig ang tainga ko, at wala nang paraan upang gamutin ito. Noong oras na iyon, negatibo talaga ang pakiramdam ko, at naisip ko, “Katapusan ko na. Bingi na ang taingang ito at hindi ko marinig nang malinaw ang ibang tao, na makakaapekto sa pagganap ko ng aking tungkulin. Ano pa ang magiging silbi ko sa sambahayan ng Diyos kung gayon? Kung hindi ko magagampanan ang tungkulin ko, magkakaroon pa ba ako ng anumang pag-asa na matamo ang kaligtasan? Gugustuhin pa ba sa kaharian ang isang kagaya ko na bingi at malabo ang paningin kapag malapitan?” Habang mas iniisip ko ito, mas nagiging negatibo ako. Nagdasal ako sa Diyos at hiniling ko sa Kanya na alisin ako mula sa negatibo kong kalagayan.

Isang araw, nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos: “Lahat niyaong nagnanais na magawang perpekto ay mayroong pagkakataon na magawang perpekto, kaya ang lahat ay kailangang huminahon: Sa hinaharap papasok kayong lahat sa hantungan. Ngunit kung ayaw mong magawang perpekto, at ayaw mong pumasok sa kamangha-manghang kinasasaklawan, kung gayon sarili mo nang suliranin iyon. … Ang bawat tao ay may pagkakataon upang magawang perpekto: Basta’t ikaw ay handa, basta’t patuloy kang naghahangad, sa huli ay magagawa mong makamit ang resultang ito, at walang sinuman sa inyo ang mapapabayaan. Kung mahina ang iyong kakayahan, ang Aking mga kakailanganin sa iyo ay alinsunod sa iyong mahinang kakayahan; kung magaling ang iyong kakayahan, ang Aking mga kakailanganin sa iyo ay alinsunod sa iyong magaling na kakayahan; kung ikaw ay ignorante at mangmang, ang Aking mga kakailanganin sa iyo ay alinsunod sa iyong kamangmangan; kung ikaw ay may pinag-aralan, ang Aking mga kakailanganin sa iyo ay alinsunod sa antas ng iyong pinag-aralan; kung ikaw ay nakatatanda, ang Aking mga kakailanganin sa iyo ay alinsunod sa iyong katandaan; kung ikaw ay may kakayahang magbigay ng kagandahang-loob, ang Aking mga hihingin sa iyo ay magiging alinsunod sa kakayahang ito; kung sinasabi mong hindi ka makapagbibigay ng kagandahang-loob, at magagampanan mo lamang ang isang partikular na tungkulin, maging ito man ay pagpapalaganap ng ebanghelyo, o pag-aalaga sa iglesia, o pagdalo sa iba’t ibang mga pangkalahatang ugnayan, ang Aking pagpeperpekto sa iyo ay magiging alinsunod sa tungkulin na iyong ginagampanan. Ang pagiging tapat, ang pagpapasakop hanggang sa pinakahuli, at ang paghahangad na magkaroon ng pinakadakilang pag-ibig sa Diyos—ito ang kailangan mong tuparin, at wala nang iba pang mas magandang mga pagsasagawa kaysa sa tatlong bagay na ito. Sa kahuli-hulihan, kinakailangang makamit ng tao ang tatlong bagay na ito, at kung makakamit niya ang mga iyon, sa gayon ay gagawin siyang perpekto. Ngunit, sa ibabaw ng lahat, dapat kang talagang maghabol, dapat kang aktibong magpatuloy nang pasulong at pataas, at huwag maging walang-kibo sa bagay na iyan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan). Nakita ko ang pagiging matuwid ng Diyos sa mga salita Niya. Ang lahat ay binibigyan ng Diyos ng pagkakataon na matamo ang kaligtasan at magawang perpekto. Hindi Siya nagliligtas ng mga tao batay sa kanilang edad, at hindi Niya rin ginagawang perpekto ang mga tao batay sa kung gaano karaming tungkulin ang kanilang tinutupad; sa halip, hinihingi Niya sa mga tao na gumanap ng mga tungkulin batay sa kanilang mga kakayahan, na hangarin ang katotohanan at magkaroon ng pagkamatapat at pagpapasakop sa Kanya, at magkaroon ng mapagmahal-sa-Diyos na puso—ito ang nakakakuha ng pagsang-ayon ng Diyos. Anuman ang edad o tungkulin na ginagampanan ng isang tao, gusto ng Diyos ang pagkamatapat at pagpapasakop nito. Hindi ko naunawaan ang layunin ng Diyos, at naniwala ako na dahil ako ay matanda na at bingi na ang isang tainga, at hindi na ako makagaganap ng anumang tungkulin, ay mawawalan na ako ng pag-asa na makamit ang kaligtasan—ito ay mga kuru-kuro at imahinasyon ko. Sinasabi ng Diyos na ang matatanda ay dapat na umaayon sa mga hinihingi sa matatanda. Bagamat ako ay matanda na at bingi na ang isang tainga, may isa pa akong tainga na maaaring makapakinig sa mga salita ng Diyos; kung hindi ko kayang gampanan ang isang malaking tungkulin, pwede ko namang gampanan ang isang maliit na tungkulin na kaya ko. Nang maglaon, ipinalaganap ko ang ebanghelyo kasama ng mga kapatid sa iglesia, at naging masaya ako.

Noong Marso ng taong 2023, Naaksidente ako sa sasakyan at nabali ang kaliwang binti ko. Habang nagpapagaling ako sa bahay, namuhay ako na palaging balisa. Ngayon ay 70 taong gulang na ako, at mahina na ang kalusugan ko, wala na akong pandinig, mas lumalabo na ang aking paningin. Ngayong bali pa ang binti ko, ano pa ang magagawa ko sa hinaharap? Noong una ay gusto kong ipalaganap ang ebanghelyo at ipakita ang aking pagkamatapat, at naghahanda akong gumawa ng ilang mabubuting gawa. Hindi ko kailanman inakala na mababali ang binti ko, at sino ba ang nakakaalam kung kailan ito gagaling. Kung hindi ko magagampanan ang aking tungkulin sa hinaharap, magkakaroon pa ba ako ng pag-asa na maligtas? Habang mas iniisip ko iyon, mas lalo akong nalulungkot, at hindi ko napigilang magsimulang magreklamo: “Mula nang sumampalataya ako sa Panginoon, lubos kong ginugol ang aking sarili. Pagkatapos tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, isinara ko pa nga ang restawran ko para magampanan ko ang aking tungkulin. Maraming beses na akong muntik arestuhin at hindi ako makauwi sa bahay ko. Sa loob ng mahigit 20 taon, nagsumikap at gumawa ako, at nagbigay nang labis. Akala ko kung ipagpapatuloy ko ito, makakatanggap ako ng kaligtasan, ngunit hindi ko inasahan na hindi ko man lang magagampanan ang aking tungkulin, ngayong malapit nang matapos ang gawain ng Diyos. May pag-asa pa ba akong maligtas? Kung mas bata ako nang sampu o dalawampung taon, mas matagal kong magagawa ang aking tungkulin, at magkakaroon ako ng kaunting pag-asa na maligtas. Bakit ba ako ipinanganak noong panahon ng aking kapanganakan? Ngayon ay tumatanda na ako taon-taon, at ayaw nang gumalaw ng katawan ko. Anong uri ng pag-asa ang mayroon ako sa hinaharap?” Nang makita ko ang mga batang kapatid na kumakanta at sumasayaw sa mga video, inggit na inggit ako: “Ang mga kapatid na ito ay talagang ipinanganak sa isang magandang dekada, bata pa sila, lumalago ang kanilang lakas, at mayroon silang matalas na memorya, mabilis silang natututo ng mga bagay, at nagagawa nila ang maraming tungkulin. Ngayon ang mahalagang oras para gawing perpekto ng Diyos ang mga tao, at kapag natapos na ang gawain ng Diyos, tiyak na makakamit ng mga kabataang ito ang kaligtasan at makaliligtas sila. Kung ipinanganak ako noong dekada 80 o 90, nasa tamang oras sana ako. Bakit ba kinailangan akong ipanganak noong dekada 50? Malapit nang matapos ang gawain ng Diyos pero matanda na ako at hindi ko na magawa ang aking tungkulin. Ano ang pag-asa kong maligtas? Malamang na mamamatay na ako anumang araw ngayon.” Napakanegatibo ng pakiramdam ko noong panahong iyon, at kapag naiisip ko iyon ay nadudurog ang puso ko at napapaluha ako. Nakikita ko ang mga walang pananampalataya sa pamilya ko na abala sa pagkain, pag-inom, at paglilibang; sinubukan nila akong pasayahin, pero ni hindi ko magawang pasayahin ang sarili ko. Pakiramdam ko ay wala nang pag-asa ang buhay ko. Bagamat araw-araw kong binabasa ang mga salita ng Diyos, pabasta-basta ko lang ginagawa iyon, at parang ritwal lang din ang panalangin ko, kaya naramdaman kong napakalayo na ng puso ko sa Diyos. Napagtanto ko na mali ang sarili kong kalagayan, kaya nagdasal ako sa Diyos, at hiniling ko sa Kanya na alisin ako mula sa negatibong kalagayan na ito.

Isang araw, nabasa ko ang isang sipi sa mga salita ng Diyos na lubhang umantig sa akin. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Mayroon ding matatandang kapatid na ang edad ay 60 hanggang bandang 80 o 90, at dahil sa kanilang katandaan, nakakaranas din sila ng ilang paghihirap. Sa kabila ng kanilang edad, hindi palaging tama o makatwiran ang kanilang pag-iisip, at ang kanilang mga ideya at pananaw ay hindi palaging naaayon sa katotohanan. May mga problema rin ang mga matatandang ito, at palagi silang nag-aalala, ‘Hindi na masyadong malakas ang katawan ko at may mga limitasyon na sa kung anong tungkulin ang aking magagampanan. Kung gagampanan ko lamang itong maliit na tungkulin na ito, tatandaan kaya ako ng Diyos? Minsan ay nagkakasakit ako, at kailangan ko ng mag-aalaga sa akin. Kapag walang nag-aalaga sa akin, hindi ko magampanan ang aking tungkulin, kaya ano ang magagawa ko? Matanda na ako at hindi ko na naaalala ang mga salita ng Diyos kapag binabasa ko ito at nahihirapan akong maunawaan ang katotohanan. Kapag nakikipagbahaginan tungkol sa katotohanan, magulo at hindi maayos ang pagsasalita ko, at wala akong karanasan na karapat-dapat na ibahagi. Matanda na ako at kulang na ako sa enerhiya, malabo na ang aking paningin at hindi na ako malakas. Ang lahat ay mahirap na para sa akin. Maliban sa hindi ko magampanan ang aking tungkulin, madali rin akong makalimot ng mga bagay-bagay at magkamali. Minsan ay nalilito ako at nagdudulot ako ng problema sa iglesia at sa aking mga kapatid. Gusto kong makamtan ang kaligtasan at mahangad ang katotohanan ngunit napakahirap nito. Ano ang puwede kong gawin?’ Kapag iniisip nila ang mga ito, nagsisimula silang mabahala, iniisip na, ‘Bakit ba kung kailan matanda na ako ay saka lang ako sumampalataya sa Diyos? Bakit ba hindi ako katulad niyong mga nasa edad 20 at 30, o maging niyong mga nasa edad 40 at 50? Bakit ba natagpuan ko lang ang gawain ng Diyos kung kailan napakatanda ko na? Hindi naman sa masama ang aking kapalaran; kahit papaano ngayon ay natagpuan ko na ang gawain ng Diyos. Maganda ang kapalaran ko, at naging mabuti ang Diyos sa akin! May isang bagay lang na hindi ako nasisiyahan, at iyon ay ang masyado na akong matanda. Hindi na matalas ang aking memorya, at hindi na rin malakas ang kalusugan ko, ngunit matatag ang kalooban ko. Kaya lang ay hindi na ako sinusunod ng katawan ko, at inaantok ako pagkatapos kong makinig nang matagal-tagal sa mga pagtitipon. Minsan ay pumipikit ako upang magdasal at nakakatulog ako, at lumilipad ang isip ko kapag nagbabasa ako ng mga salita ng Diyos. Matapos magbasa nang kaunti, inaantok ako at nakakatulog, at hindi ko nauunawaan ang mga salita. Ano ang magagawa ko? Nang may ganitong mga praktikal na suliranin, mahahangad at mauunawaan ko pa ba ang katotohanan? Kung hindi, at kung hindi ako makapagsasagawa ayon sa mga katotohanang prinsipyo, hindi ba’t mawawalan ng saysay ang lahat ng aking pananampalataya? Hindi ba’t mabibigo akong makamtan ang kaligtasan? Ano ang puwede kong gawin? Nag-aalala ako nang husto! …’ … Nakikita nila ang mga kabataan na nakakakain at nakakainom, nakakatakbo at nakakatalon, at naiinggit sila. Habang mas nakikita nila ang mga kabataan na nagagawa ang gayong mga bagay, mas lalo silang nababagabag, iniisip na, ‘Nais kong gampanan nang maayos ang tungkulin ko at hangarin at unawain ang katotohanan, at nais ko ring isagawa ang katotohanan, kaya bakit napakahirap nito? Napakatanda ko na at wala akong silbi! Ayaw ba ng Diyos sa matatanda? Talaga bang walang silbi ang matatanda? Hindi ba kami makapagkakamit ng kaligtasan?’ Malungkot sila at hindi nila magawang maging masaya paano man nila ito pag-isipan. Ayaw nilang palampasin ang gayon kagandang panahon at pagkakataon, ngunit hindi nila magugol ang kanilang sarili at magampanan ang kanilang tungkulin nang buong-puso at kaluluwa gaya ng mga kabataan. Nahuhulog sa malalim na pagkabagabag, pagkabalisa, at pag-aalala ang matatandang ito dahil sa kanilang edad. Sa tuwing nahaharap sila sa ilang pagsubok, kabiguan, paghihirap, o hadlang, sinisisi nila ang kanilang edad, at napopoot pa nga sila sa kanilang sarili at hindi nila gusto ang kanilang sarili. Pero anu’t anuman, wala itong saysay, walang solusyon, at wala silang daan pasulong. Posible nga talaga kayang wala silang daan pasulong? May solusyon ba? (Dapat pa ring magampanan ng matatanda ang kanilang mga tungkulin sa abot ng kanilang makakaya.) Katanggap-tanggap naman na gampanan ng matatanda ang kanilang tungkulin sa abot ng kanilang makakaya, tama ba? Hindi na ba mahahangad ng matatanda ang katotohanan dahil sa kanilang edad? Wala na ba silang kakayahan na maunawaan ang katotohanan? (Kaya nila.) Kaya bang unawain ng matatanda ang katotohanan? Maaari nilang maunawaan ang ilan, at maging ang mga kabataan ay hindi rin naman maunawaan ang lahat ng ito. Ang matatanda ay palaging may maling akala, iniisip nilang malilituhin na sila, na mahina na ang kanilang memorya, kaya hindi nila maunawaan ang katotohanan. Tama ba sila? (Hindi.) Bagaman higit na mas marami ang enerhiya ng mga kabataan kaysa sa matatanda, at mas malakas ang kanilang katawan, ang totoo, ang kanilang kakayahan na makaunawa, makaintindi, at makaalam ay katulad lamang ng sa matatanda. Hindi ba’t minsan ding naging kabataan ang matatanda? Hindi sila ipinanganak na matanda, at darating din ang araw na ang mga kabataan ay tatanda rin. Hindi dapat palaging isipin ng matatanda na dahil sila ay matanda na, mahina ang katawan, may karamdaman, at mahina ang memorya, ay naiiba na sila sa mga kabataan. Ang totoo, wala namang pagkakaiba. Ano ang ibig Kong sabihin na walang pagkakaiba? Bata man o matanda ang isang tao, pare-pareho ang kanilang mga tiwaling disposisyon, pare-pareho ang kanilang mga saloobin at opinyon sa lahat ng bagay, at pare-pareho ang kanilang mga perspektiba at pananaw sa lahat ng bagay. … Kaya hindi totoo na wala nang magagawa ang matatanda, o hindi na nila kayang gampanan ang kanilang mga tungkulin, at lalong hindi totoo na hindi nila kayang hangarin ang katotohanan—marami silang pwedeng gawin. Ang iba’t ibang maling pananampalataya at maling paniniwala na naipon mo sa buong buhay mo, pati na rin ang iba’t ibang tradisyonal na ideya at kuru-kuro, mga kamangmangan at katigasan ng ulo, mga bagay na konserbatibo, mga bagay na hindi makatwiran, at mga bagay na baluktot na naipon mo ay nagkapatong-patong na sa puso mo, at dapat kang gumugol ng mas maraming oras kaysa sa mga kabataan upang alisin, suriin, at kilalanin ang mga bagay na ito. Hindi totoo na wala kang magagawa, o na dapat kang mabagabag, mabalisa, at mag-alala kapag wala kang ginagawa—hindi ito ang iyong gawain o responsabilidad. Una sa lahat, dapat magkaroon ng tamang pag-iisip ang matatanda. Bagamat tumatanda ka na at medyo tumatanda na rin ang iyong katawan, dapat ay parang sa kabataan pa rin ang iyong pag-iisip. Bagamat tumatanda ka na, ang iyong pag-iisip ay bumabagal na at ang iyong memorya ay humihina na, kung nakikilala mo pa rin ang iyong sarili, nauunawaan pa rin ang mga salitang sinasabi Ko, at nauunawaan pa rin ang katotohanan, pinatutunayan niyon na hindi ka pa matanda at sapat pa ang iyong kakayahan. Kung ang isang tao ay nasa 70 na ngunit hindi pa rin niya nauunawaan ang katotohanan, ipinapakita nito na napakababa ng kanyang tayog at hindi niya kaya ang gawain. Samakatuwid, walang kinalaman ang edad pagdating sa katotohanan(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan I. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 3). Alam ng Diyos na masusumpungan nating matatanda ang ating sarili sa ganitong kalagayan, kaya ipinapahayag Niya ang mga salitang ito upang ipakita sa atin ang isang landas ng pagsasagawa. Ipinapakita nito na ang Diyos ay may labis na pagmamahal sa atin. Sinisiyasat ng Diyos ang puso ng tao, at sinasabi ng mga salitang ito ng Diyos ang aking tunay na kalagayan. Nang makita ko kung gaano kaliksi ang isipan ng mga batang kapatid, kung gaano lumago ang kanilang lakas, na kayang gawin ang bawat tungkulin sa sambahayan ng Diyos, nakaramdam ako ng inggit sa kaloob-looban ko, at naisip ko na nasa tamang panahon sila upang magawang perpekto ng Diyos ang mga tao, habang sa aking edad, sa aking malabong paningin at mahinang memorya, hindi ko na maalala ang nabasa ko sa mga salita ng Diyos. Lalo na ngayong bali ang aking binti, at hindi ko magampanan ang aking tungkulin, pakiramdam ko ay wala nang natitirang pag-asa sa aking buhay, at bumababa ang aking pagkakataong maligtas. Kaya, madalas akong mamuhay sa isang negatibong kalagayan at makaramdam ng pagiging pesimista at kawalan ng pag-asa. Itinuro ng mga salita ng Diyos ang isang landas ng pagsasagawa para sa akin: Hindi naman na kapag tumanda na ang mga tao at hindi na nila magampanan ang kanilang mga tungkulin, ay wala na silang landas na tatahakin. Kung matanda na sila at hindi na makalabas at makagawa ng kanilang tungkulin, maaari pa naman nilang hangarin ang katotohanan at lutasin ang kanilang tiwaling disposisyon. Katulad noong hindi ako nagpapasakop sa katandaan, kundi sa halip ay pinipilit ko ang aking sarili na makipagsabayan sa mga kabataan—ito ang aking mapagmataas na disposisyon. Palagi kong naramdaman na kapag tumanda na ako ay hindi ko na magagampanan ang mahahalagang tungkulin, kaya nag-alala ako na hindi ako maliligtas. Palagi akong may hinihingi sa Diyos at hindi ako makapagpasakop sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos—ito rin ay aking tiwaling disposisyon. Gayundin, habang ginagampanan ko ang aking tungkulin, palagi kong hinahangad ang reputasyon at katayuan, at gusto kong hangaan ako ng mga tao. Ang lahat ng ito ay aking tiwaling disposisyon, at kailangan kong pagnilayan at kilalanin ang mga ito, hanapin ang katotohanan upang malutas ang mga ito. Bukod dito, pagkatapos kong manalig sa Diyos sa loob ng napakaraming taon, nagkaroon ako ng ilang karanasan at kaalaman sa mga salita ng Diyos. Bagaman hindi ako makalabas at makagawa ng aking tungkulin, maaari akong manatili sa bahay at magsulat ng mga artikulong batay sa karanasan upang magpatotoo sa Diyos. Hindi ba’t ito ay paggawa rin ng isang tungkulin? Bukod dito, bagaman may matatalas na memorya ang mga kabataan, at mabilis ang kanilang mga pag-iisip, reflex, at kilos, hindi ito nangangahulugan na wala silang anumang tiwaling disposisyon. Tulad ng matatandang tao, kailangan nilang maranasan ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos. Kahit matanda na ako ngayon, marami pa rin akong tiwaling disposisyon na kailangan kong hanapin ang katotohanan upang malutas. Ito ay isang bagay na dapat kong gawin.

Nagbasa pa ako ng mga salita ng Diyos: “Pinagpapasyahan Ko ang hantungan ng bawat tao hindi batay sa gulang, katandaan, tindi ng pagdurusa, at lalong hindi batay sa kung gaano siya kaawa-awa, kundi batay sa kung taglay niya ang katotohanan. Wala nang ibang pagpipilian kundi ito. Dapat ninyong matanto na parurusahan din ang lahat ng hindi sumusunod sa kalooban ng Diyos. Ito ay isang di-nababagong katotohanan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan). “Sa kasalukuyang daloy, lahat niyaong mga tunay na nagmamahal sa Diyos ay may pagkakataon na magawa Niyang perpekto. Maging sila man ay bata o matanda, hangga’t mayroon silang pusong nagpapasakop at natatakot sa Kanya, sila ay kaya Niyang gawing perpekto. Ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao ayon sa kanilang iba’t ibang mga tungkulin. Basta’t ginugugol mo ang lahat ng iyong kalakasan at nagpapasakop sa gawain ng Diyos, ikaw ay magagawa Niyang perpekto. Sa kasalukuyan wala sa inyong perpekto. Kung minsan nagagampanan ninyo ang isang uri ng tungkulin, at sa ibang pagkakataon nagagampanan ninyo ang dalawa. Hangga’t ginagawa ninyo ang lahat ng inyong makakaya upang gugulin ang inyong sarili para sa Diyos, sa kahuli-hulihan kayo ay mapeperpekto ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Pagganap ng Bawat Isa sa Kanilang Tungkulin). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na hindi ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao batay sa kanilang edad o kung gaano sila nagdusa, kundi sa kung taglay ba nila o hindi ang katotohanan, at kung nagbago ba ang kanilang buhay disposisyon. Dati, palagi akong naniniwala na ang lakas ng mga kabataan ay lumalago, at mabilis ang kanilang pag-iisip, na mabilis nilang tinatanggap ang mga bagong bagay, at kaya nilang gumanap ng maraming tungkulin sa sambahayan ng Diyos—na ang ganitong uri ng tao ay maaaring maligtas. Lalo na nang makita ko na maraming kabataan ang itinataas ang ranggo, naisip ko na ang matatanda ay hindi kapaki-pakinabang sa sambahayan ng Diyos, na hindi sila gusto ng Diyos, at wala silang pag-asa na maligtas. Itinuring ko ang sambahayan ng Diyos bilang isang pabrika para sa mundo ng mga walang pananampalataya, at naniwala ako na mananatili ang mga kabataan, ngunit hindi gugustuhin ang matatanda at mga walang silbi—ito ang mali kong pagkaunawa sa Diyos, at isa itong kalapastanganan sa Kanya. Ang totoo, itinataas ng sambahayan ng Diyos ang ranggo ng mga tao dahil sa mga pangangailangan ng gawain ng ebanghelyo, at nangangailangan ang bawat gawain na magtulungan ang lahat ng uri ng mga dalubhasang tao, ngunit hindi ibig sabihin niyon na hindi na gusto ng Diyos ang mga tao kapag sila ay tumanda na, at lalong hindi ito nangangahulugan na wala na silang anumang pag-asa na maligtas. Sa mata ng Diyos, hindi mahalaga kung ang isang tao ay bata o matanda, pantay-pantay silang lahat—sadyang magkakaiba lang ang edad ng mga tao, at hindi pare-pareho ang kanilang pisikal na kondisyon, ngunit hinihingi ng Diyos na ang lahat ng tao ay pare-parehong pumasok sa katotohanan. Nakita ko na ang Diyos ay matuwid, hindi niya tinatasa ang mga tao batay sa kanilang edad, kundi sa kung kaya ba nila o hindi na hangarin ang katotohanan at matamo ang katotohanan. Kung hindi hinahangad ng isang tao ang katotohanan at wala siyang mga prinsipyo sa kung paano niya pinangangasiwaan ang mga bagay, kahit pa siya ay bata, may kakayahan, at gumaganap ng isang mahalagang tungkulin, nilalabanan pa rin niya ang Diyos. Bagama’t matanda na ako, at hindi ako makagawa ng anumang mahalagang tungkulin, nauunawaan ko pa rin ang mga salita ng Diyos, at normal pa rin ang aking isip at pangangatwiran, kaya dapat kong hangarin ang katotohanan at pahalagahan ang bawat araw na ako ay nabubuhay, upang ako ay makapagbunga.

Nang maglaon, nakita ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Sino sa inyo ang gumagampan sa inyong tungkulin sa sambahayan ng Diyos ngayon nang aksidente lamang? Anuman ang pinagmulan mo upang gampanan ang tungkulin mo, wala sa mga ito ang nagkataon lang. Hindi magagampanan ang tungkuling ito sa pamamagitan lang ng basta-bastang pagpili ng ilang mananampalataya; ito ay isang bagay na pauna nang itinalaga ng Diyos bago pa ang mga kapanahunan. Ano ang ibig sabihin kapag ang isang bagay ay nauna nang itinalaga? Ano sa partikular? Ang ibig sabihin nito ay sa Kanyang kabuuang plano ng pamamahala, matagal nang naiplano ng Diyos kung ilang ulit kang darating sa mundo, sa aling lipi at sa aling pamilya ka isisilang sa panahon ng mga huling araw, ano ang mga magiging kalagayan ng pamilyang ito, ikaw ba ay magiging lalaki o babae, ano ang iyong magiging mga kalakasan, anong antas ng edukasyon ang maaabot mo, gaano ka magiging mahusay magsalita, ano ang iyong magiging kakayahan at ano ang magiging itsura mo. Pinlano Niya ang edad na darating ka sa sambahayan ng Diyos at magsisimulang gumanap ng iyong tungkulin, at anong tungkulin ang iyong gagampanan at anong oras. Matagal nang paunang itinalaga ng Diyos ang bawat hakbang para sa iyo. Bago ka pa isinilang, at nang namuhay ka sa lupa sa iyong nakaraang ilang buhay, naisaayos na ng Diyos para sa iyo ang tungkuling iyong gagampanan sa panahong ito ng huling yugto ng gawain. Tiyak na hindi ito biro! Na nagagawa mong makinig ng sermon dito ay pauna nang itinakda ng Diyos. Hindi ito dapat na balewalain!(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na itinakda ng Diyos kung anong taon ako ipanganganak at kung kailan ako mananalig sa Kanya. Pagdating naman sa kung magagampanan ko ba ang aking tungkulin kalaunan, at kung anong uri ng destinasyon at kapalaran ang magkakaroon ako, lahat ito ay nasa kamay ng Diyos. Palagi akong nagrereklamo na hindi ako ipinanganak sa isang magandang dekada—talagang hindi ako naging mapagpasakop, at masyado akong naging mayabang at hindi makatwiran. Ipinanganak ako noong dekada 50, gayunpaman ang katunayan na nakaabot ako sa oras kung kailan magpapakita ang Diyos at gagawa ng gawain sa mga huling araw, naging sapat na mapalad na marinig ang mga salita ng Diyos at makita ang Kanyang pagpapakita, at matanggap ang Kanyang pagdidilig at pagpatnubay, nakasunod sa Diyos sa loob ng napakaraming taon hanggang ngayon—ipinahahayag na nito ang dakilang biyaya at pagtataas ng Diyos sa akin. Iyon namang mga walang pananampalataya na kasing edad ko: Ginugol nila ang kanilang buong buhay nang hindi nalalaman kung bakit sila naparito sa mundong ito o kung bakit kailangang mabuhay ang mga tao. Sa buong buhay nila, ang alam lang nila ay kumita ng pera, makipagkumpitensya sa ibang tao, at tamasahin ang laman—nakipaglaban sila sa kanilang kasalanan. Ngunit maaari akong lumapit sa Diyos at maunawaan ang ilang katotohanan, kaya kong malaman kung bakit nabubuhay ang mga tao at kung anong uri ng buhay ang mahalaga, at malaman na ang kapalaran ng mga tao ay nasa ilalim ng kontrol ng Diyos, at kung ano ang tungkulin na dapat gampanan ng mga tao, at ang destinasyon ng sangkatauhan, atbp. Tinamasa ko ang napakalaking biyaya at mga pagpapala mula sa Diyos, ngunit hindi pa rin ako nasiyahan, at nagreklamo pa nga ako kung bakit hindi ako pinayagan ng Diyos na ipanganak noong dekada 80 o 90. Nangatwiran at nakipagtalo ako sa Diyos. Wala talaga akong anumang pagkatao! Napakaraming ginawa ang Diyos sa akin, Siya ang namatnugot sa mga tao, pangyayari, at bagay para maranasan ko, at sa tuwing nakakaramdam ako ng pagiging negatibo, pinagbabahagi ng Diyos sa akin ang mga kapatid, at sa bawat pagkakataon ay binibigyang-liwanag at ginagabayan Niya ako sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, at ipinaunawa Niya sa akin ang Kanyang mga layunin at inilabas Niya ako mula sa pagiging negatibo—hindi ba’t ang lahat ng ito ay pag-ibig ng Diyos? Nang maisip ko ang mga bagay na ito, nakonsensiya ako at naniwala ako na wala talaga akong konsensiya. Kaya’t nanalangin ako sa Diyos, sinabing, “Diyos ko, nabigo akong pahalagahan ang Iyong kabaitan. Pinakitunguhan Mo ako nang mabuti, ngunit palagi Kitang hindi nauunawaan. Ngayong nabali ang aking binti, sa wakas ay nakapagnilay na ako; kung hindi, aakalain ko pa rin na makakatanggap ako ng mga pagpapala sa pamamagitan ng pagpunta kung saan-saan at pagpapalaganap ng ebanghelyo, pamumuhay sa sarili kong kuru-kuro at paglaban sa Iyo nang hindi ko nalalaman. Anuman ang gagawin Mo sa hinaharap, anuman ang aking kahihinatnan, iyon ay Iyong pagiging matuwid—nagpapasakop ako sa Iyong kataas-taasang kapangyarihan.” Nang maunawaan ko ang mga layunin ng Diyos, medyo bumuti ang kalagayan ko. Nang maglaon, nagsanay akong magsulat ng mga artikulo sa bahay, at pinatahimik ko ang aking puso sa harap ng Diyos, nagnilay sa aking sarili.

Pagkalipas ng ilang buwan, unti-unting bumuti ang aking binti, nakapagsimula na ulit akong maglakad at magampanan ang aking tungkulin. Habang ginagampanan ko ang aking tungkulin, binigyang-diin ko rin ang paghahanap sa katotohanan at paglutas sa sarili kong mga tiwaling disposisyon, at hindi ko na naramdaman na napipigilan o nagagapos ako ng aking edad. Kaya ko nang tratuhin nang tama ang mga bagay na ito. Nitong ilang taon, palagi kong nararamdaman na napipigilan ako ng aking edad. Kung hindi dahil sa patnubay ng mga salita ng Diyos, talagang hindi ako makakalaya rito. Ang mga salita ng Diyos ang nag-alis ng mabigat na pasanin sa aking puso, kaya hindi na ako nakaramdam ng pag-aalala o pagkabalisa tungkol sa hindi pagkaligtas o pagkakaroon ng magandang kalalabasan dahil sa aking katandaan. Nakahanap ang puso ko ng kalayaan at kaginhawahan.

Sinundan: 28. Pagkilatis sa mga Tao Batay sa mga Salita ng Diyos

Sumunod: 31. Maituturing Ko Na Nang Tama Ang Aking Kakayahan

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

60. Ang Diyos ay Napakamatuwid

Ni Zhang Lin, JapanNoong Setyembre 2012, ako ang namamahala sa gawain sa iglesia nang makilala ko ang pinuno kong si Yan Zhuo. Nalaman kong...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito