97. Isang Pagpili Habang Nasa Panganib

Ni Qin Mo, Tsina

Isang taglamig, ilang taon na ang nakalilipas, sinabi sa akin ng isang nakatataas na lider na naaresto ng mga pulis ang mga lider at manggagawa mula sa isang kalapit na iglesia. Mayroong ilang gawain ng pagsubaybay na kailangang harapin sa iglesia, at walang sinumang sumusuporta sa mga kapatid. Nakaramdam ng takot, pagkanegatibo at panghihina ang ilan sa kanila, at hindi makasali sa buhay iglesia. Tinanong niya kung gusto kong pamunuan ang gawain ng iglesiang iyon. Nang tanungin niya ako, nakaramdam ako ng kaunting pag-aalangan, “Kakaaresto lang sa ilang mga kapatid sa iglesiang iyon. Kung ako ang papalit sa gawain doon, paano kung maaresto rin ako? Dahil matanda na ako, paano nga ba kakayanin ng katawan ko ang pagpapahirap at mga pambubugbog ng malaking pulang dragon? Kung hindi ko makayanan ang pagpapahirap at maging Hudas ako, na ipagkakanulo ang Diyos, kung gayon hindi ba mawawalan ng saysay ang lahat ng mga taon ng aking pananalig?” Pero naisip ko na, dahil sa kagipitan ng kasalukuyang sitwasyon, kailangan ng gawain ng iglesia ng isang tao na mangunguna sa napakahalagang sandaling ito, kaya nag-aatubili akong pumayag.

Pagdating ko sa iglesia, ipinaalam sa akin ni Sister Wang Xinjing na ang mga lider, manggagawa, at ilang mga kapatid ay naaresto, at kaunting kapatid lang ang nagawa niyang makontak sa buong iglesia. Hindi niya makontak ang karamihan sa mga miyembro ng iglesia, kaya hindi sila makapagtipon. Nang marinig ko ito, naisip ko, “Napakasama ng sitwasyong ito. Ngayon, ginagamit ng malaking pulang dragon ang mga kapitbahay namin para manmanan kami. Paano kung kapag pumunta ako at sinuportahan ko ang mga kapatid na ito, mapansin ng mga kapitbahay nila at iulat ako sa mga pulis? Saka, napakaraming kapatid na ang inaresto—kung hindi makayanan ng sinuman sa kanila ang pagpapahirap at isumbong ang ibang mga kapatid, mamanmanan sila ng mga pulis. Kaya, hindi ba’t maglalakad lang ako sa bitag nila kung pupuntahan ko ang mga kapatid na ito? Kung maaresto ako, hindi makayanan ang pagpapahirap at maging isang Hudas, hindi ba magwawakas ang aking mga araw bilang isang mananampalataya? Kung magkagayon, tiyak na hindi ko makakamit ang kaligtasan.” Mas lalo akong natakot habang mas iniisip ito—naisip ko na napakadelikado na gawin ang tungkulin ko roon. Para itong paglalakad sa lugar na maraming bomba—isang maling hakbang at matatapos na ang lahat. Noong panahong iyon, talagang pinagsisihan ko ang pagpunta para mangasiwa sa gawain doon, at wala akong motibasyon na gawin ang tungkulin ko. Tapos naisip ko kung paanong si Wang Xinjing ay miyembro dati ng iglesiang ito at mas pamilyar siya sa pangkalahatang sitwasyon doon, kaya magiging mas madali para sa kanya na bisitahin ang mga kapatid. Kararating ko lang at hindi pa ako pamilyar. Puwede kong ipabisita kay Wang Xinjing ang mga kapatid, sa ganitong paraan, hindi ko na kailangang ilagay ang aking sarili sa panganib.” Pero naisip ko, “Walang mabuting pagkaunawa sa maraming prinsipyo si Wang Xinjing at walang karanasan. Sa kanyang kalagayan, kaya ba talaga niyang subaybayan ang gawain nang maayos? Malulutas ba niya ang mga isyu ng mga kapatid? Sa kabilang banda, kung ako mismo ang pupunta, hindi ba’t ipapahamak ko lang ang sarili ko?” Pagkatapos ko itong pag-isipang mabuti, nagpasya akong ipagawa na lang ang gawain kay Wang Xinjing. Pero makalipas ang ilang araw, wala pa rin siyang nagawang pag-usad. Nang makita ito, alam kong dapat kong suportahan nang personal ang mga kapatid. Kung hindi, hindi malulutas ang mga problema nila at magdurusa ng mga kawalan ang kanilang buhay pagpasok. Pero, dahil mapanganib ang kasalukuyang mga sitwasyon, maaari akong maaresto sa anumang oras na makipag-ugnayan ako sa mga kapatid. Kaya hindi na lang ako nangahas na gawin mismo ang gawain. Dahil dito, lumipas ang mahigit isang buwan at hindi kami nakagawa nang gaanong pag-usad sa gawain ng iglesia. Namumuhay si Wang Xinjing sa isang kalagayan ng pagkanegatibo. Pero namumuhay ako sa takot at pangamba, kaya hindi ako naglakas-loob na makipagtulungan sa kanya sa gawain.

Isang araw, bigla akong nagkasakit, at hindi matukoy kung ano ang sanhi ng sakit. Noong panahong iyon, napagtanto ko na maaaring ito ang pagdidisiplina ng Diyos sa akin, kaya nagdasal ako sa Kanya, humihiling na bigyang-liwanag Niya ako para malaman ko ang layunin Niya. Kalaunan, binasa ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Ang kalungkutan Niya ay dahil sa sangkatauhan na mayroon sana Siyang pag-asa ngunit nahulog na sila sa kadiliman, sapagkat hindi umaabot sa mga inaasahan Niya ang gawaing ginagawa Niya sa tao, at sapagkat lahat sa sangkatauhang minamahal Niya ay hindi kayang makapamuhay sa liwanag. Nakakaramdam Siya ng kalungkutan para sa inosenteng sangkatauhan, para sa tapat ngunit mangmang na tao, at para sa taong mabuti ngunit sa kanyang sariling mga pananaw ay nagkukulang. Ang kalungkutan Niya ay sagisag ng kabutihan Niya at ng awa Niya, isang sagisag ng kagandahan at ng kabaitan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Napakahalagang Maintindihan ang Disposisyon ng Diyos). Malalim ang naging epekto sa akin ng mga salita ng Diyos. Lalo na nang mabasa ko ang mga salita ng Diyos, “Ang kalungkutan Niya ay dahil sa sangkatauhan na mayroon sana Siyang pag-asa ngunit nahulog na sila sa kadiliman,” Lubos na nakonsensiya ako. Dahil sa mga pag-aresto ng malaking pulang dragon, hindi makapamuhay nang normal na buhay iglesia ang mga kapatid, at kaya nasadlak sila sa pagkasira ng loob at kadiliman at nagdusa ng mga kawalan ang kanilang buhay. Nang makita ito, nakaramdam ng pagkabalisa at pighati ang Diyos at apurahang umasa na may magsasaalang-alang sa Kanyang layunin at mabilis na tutulong at susuporta sa mga kapatid para makapamuhay sila ng normal na buhay iglesia. Pero ako, ipinasa ko ang gawain ko sa aking kapatid para mapangalagaan ang seguridad ko, at nagtago para mamuhay nang walang dangal. Alam na alam ko na hindi makapamuhay ng normal na buhay iglesia ang mga kapatid at nagdusa ng mga kawalan ang kanilang buhay, pero hindi ako gumawa ng hakbang para lutasin ang isyu. Masyado akong makasarili at kasuklam-suklam! Naisip ko kung paanong madalas, kapag wala ako sa isang mapanganib na sitwasyon, naniniwala ako na tapat ako at nagagawang tumalikod at gumugol ng aking sarili. Madalas pa nga akong makipagbahaginan sa iba kung paano mahalin at palugurin ang Diyos. Pero nang maharap sa sitwasyong ito, sariling seguridad ko lang ang iniisip ko. Hindi ko man lang isinaalang-alang ang layunin ng Diyos o kung magdurusa ba ng mga kawalan ang buhay ng mga kapatid. Nakita ko na nagsasalita lang ako ng mga salita at doktrina—nililinlang ko pareho ang Diyos at ang mga tao. Nang mapagtanto ko ito, labis akong nagsisi, at nagdasal ako sa Diyos, “Mahal na Diyos, lagi kong pinoprotektahan ang sarili kong mga interes at nabigo akong isaalang-alang ang layunin Mo. Wala talaga akong konsensiya at katwiran! O Diyos, handa po akong isaalang-alang ang layunin Mo at gawin ang aking makakaya para suportahan ang mga kapatid.” Pagkatapos niyon, nagpunta ako para tulungan at suportahan sila, sinusubukang lutasin ang kanilang mga problema at paghihirap.

Isang araw, narinig kong sinabi ng isang sister, “Dalawang taon na ang nakalipas, mahigit sampung kapatid sa iglesiang ito ang naaresto. Hanggang ngayon, hindi pa rin nakakalaya ang ilan sa kanila. Nagbanta pa ang mga pulis na wawasakin nila ang iglesia namin.” Galit na galit ako nang marinig iyon—ang mga demonyong ito ay napakamapang-api! Pero hindi ko namalayan na natakot din ako, iniisip na, “Pagkatapos lang ng dalawang taon, dumating sila at napakarami pang mga miyembro ang naaresto. At nagbanta pa silang wawasakin ang iglesia. Kapag nalaman ng mga pulis na ako ang lider ng iglesia, hindi ba ako magiging pangunahing puntirya nila?” Ang maisip kung paanong ang aming mga kapatid ay pinahirapan pagkatapos maaresto ay nagpanginig sa akin sa takot, “Kung talagang maaaresto ako, kakayanin ko ba ang pagpapahirap nila? Kung bubugbugin ako hanggang mamatay o magiging isang Hudas, hindi ba katapusan ko na iyon?” Sa puntong iyon, nabalitaan kong mas marami pang kapatid ang naaresto, at para bang napakamapanganib na gawin ang tungkulin ko sa ganitong kapaligiran. Naisip ko na baka maaresto ako ng mga pulis anumang oras, talagang nakaramdam ako ng takot at pangamba. Nagdasal ako sa Diyos at binasa ang Kanyang mga salita: “Kahit gaano pa ‘kalakas’ si Satanas, kahit gaano pa ito kapangahas at kaambisyoso, kahit gaano pa katindi ang abilidad nito para magdulot ng pinsala, kahit gaano pa kalawak ang mga paraan para gawing tiwali at akitin nito ang tao, kahit gaano pa kagaling ang mga pandaraya at mga pakana nito sa pananakot ng tao, kahit gaano pa pabago-bago ang anyo ng pag-iral nito, hindi pa ito kailanman nakalikha ng kahit isang buhay na nilalang, hindi pa kailanman nakapagtakda ng mga batas at patakaran para sa pag-iral ng lahat ng bagay, at hindi pa kailanman naghari o kumontrol ng anumang bagay, may buhay man o wala. Sa loob ng kosmos at sa kalangitan, wala ni isang tao o bagay ang naisilang mula rito, o umiiral nang dahil dito; wala ni isang tao o bagay ang pinaghaharian nito, o kinokontrol nito. Sa kabaligtaran, hindi lamang nito kailangang sumailalim sa kapamahalaan ng Diyos, kundi, higit pa rito ay kailangang sumunod sa lahat ng atas at kautusan ng Diyos. Kung walang pahintulot ang Diyos, mahirap para kay Satanas na hipuin kahit na ang isang patak ng tubig o butil ng buhangin sa lupa; kung walang pahintulot ang Diyos, ni hindi malaya si Satanas na galawin man lamang ang mga langgam sa lupa, lalo na ang sangkatauhan, na nilikha ng Diyos. Sa mga mata ng Diyos, mas mababa pa si Satanas sa mga liryo ng kabundukan, sa mga ibon na lumilipad sa himpapawid, sa mga isda sa karagatan, at sa mga uod sa lupa. Ang papel nito sa lahat ng bagay ay para pagsilbihan ang lahat ng bagay, at gumawa para sa sangkatauhan, at pagsilbihan ang gawain ng Diyos at ang Kanyang plano ng pamamahala(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I). Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, napagtanto ko na lahat ng bagay ay nasa ilalim ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Gaano man kabagsik si Satanas, nasa mga kamay pa rin ito ng Diyos. Kung walang pahintulot ng Diyos, hindi mangangahas si Satanas na gumawa ng maling hakbang. Naalala ko noong sinubok si Job, dahil walang pahintulot ng Diyos, nasaktan lang ni Satanas ang kanyang laman pero hindi ito nangahas na nakawin ang buhay ni Job. Sa sitwasyong nararanasan ko, hindi ba’t nasa Diyos lang kung maaaresto ako? Gaano man kabagsik at kalupit si Satanas, kung walang pahintulot ng Diyos, hindi nito makukuha ang gusto nito kahit subukan akong hulihin ng malaking pulang dragon. Kung pahihintulutan naman ng Diyos, hindi ako makakatakas kahit pa subukan ko. Nasa mga kamay ng Diyos ang buhay ko at walang magagawa rito si Satanas. Sa pagbulay-bulay sa mga salita ng Diyos, nagkaroon ako ng kaunting kaalaman sa Kanyang awtoridad at kataas-taasang kapangyarihan, at hindi na ako gaanong natakot, at mas malaya na ang pakiramdam ko. Gusto kong isaayos na muling maipamuhay ng mga kapatid ang kanilang buhay iglesia sa lalong madaling panahon. Noong panahong iyon, nagdasal at umasa kami ni Wang Xinjing sa Diyos. Nag-isip kami ng mga paraan para makipag-ugnayan sa mga kapatid at sinuportahan sila. Bilang resulta, unti-unti silang nagsimulang dumalo sa mga pagtitipon, namumuhay ng kanilang buhay iglesia at ginagawa ang kanilang mga tungkulin sa abot ng kanilang makakaya.

Kalaunan, Gusto kong isaayos na muling maipamuhay ng mga kapatid ang kanilang buhay iglesia sa lalong madaling panahon. Alam na ng mga pulis na isa akong lider at kung saang nayon ako nakatira, at sinabi pa nga nila na nagpalabas sila ng warrant para sa akin sa Security Bureau. Nang malaman ko iyon, kinabahan ako at sobra akong nabalisa at natakot. Dahil marami nang impormasyon ang mga pulis tungkol sa akin, maaari akong maaresto anumang oras at saanmang lugar. At kung maaaresto ako, tiyak na pahihirapan ako. Habang mas iniisip ko ito, mas lalo akong natatakot at pansamantala akong nanghina. Para bang ang pananampalataya sa Diyos sa bansa ng malaking pulang dragon ay parang paglalakad sa manipis na yelo; matinding panganib ang naghihintay sa akin sa bawat hakbang. Noong panahong iyon, naisip ko, “Puwede akong pumunta at magtago saglit sa lugar ng mga kamag-anak ko. Kapag kumalma na ang mga bagay-bagay rito, puwede kong ipagpatuloy ang tungkulin ko.” Pero naalala ko na ang ilang kapatid ay natatakot, negatibo at nanghihina at lubhang nangangailangan ng pagdidilig at suporta. Kung iiwan ko ang puwesto ko sa mahalagang sandaling ito, hindi ba't ako ay naghihimagsik laban sa Diyos at sinasaktan ang puso Niya? Nakaramdam ako ng paghihirap at pagdurusa, at hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin, kaya nagdasal ako sa Diyos, humihiling na bigyan Niya ako ng lakas at pananalig na patuloy na gawin ang tungkulin ko. Kalaunan, nakita ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Sa Mainland China, patuloy ang malaking pulang dragon sa malupit nitong panunupil, mga pag-aresto, at pag-uusig sa mga mananampalataya sa Diyos, na madalas na nahaharap sa ilang mapanganib na sitwasyon. Halimbawa, nagsasagawa ang pamahalaan ng mga paghahanap sa ilalim ng iba’t ibang pagbabalatkayo para sa mga taong may pananampalataya. Kapag nakakita sila ng isang lugar kung saan nakatira ang isang anticristo, ano ang unang iniisip ng anticristo? Hindi niya iniisip na wastong isaayos ang gawain ng iglesia; sa halip, iniisip niya kung paano tatakasan ang mapanganib na suliraning ito. … Sa kaibuturan ng puso ng isang anticristo, ang personal na kaligtasan niya ang pinakamahalaga at siyang pangunahing isyu na palagi niya ipinapaalala sa kanyang sarili na isaalang-alang. Iniisip niya sa sarili, ‘Hinding-hindi ko dapat hayaang may anumang mangyari sa akin. Hindi ako maaaring maaresto, kahit sinumang iba pa ang maaresto. Kailangan ko pang mabuhay. Hinihintay ko pa ang kaluwalhatiang makakamit ko sa Diyos kapag natapos na ang Kanyang gawain. Kung mahuhuli ako, magiging Hudas ako—at kung isa akong Hudas, katapusan ko na; wala akong kahihinatnan at mapaparusahan ako ayon sa nararapat sa akin.’ … Kapag ligtas nang naisaayos ng isang anticristo ang kanyang sarili at pakiramdam niya ay walang mangyayaring masama sa kanya, na hindi siya nanganganib, saka lamang siya gagawa ng kaunting paimbabaw na gawain. Napakaingat na isinasaayos ng anticristo ang mga bagay-bagay, ngunit depende iyon sa kung para kanino siya gumagawa. Kung makikinabang siya mismo sa gawain, pag-iisipan niyang mabuti iyon, ngunit pagdating sa gawain ng iglesia o anumang may kinalaman sa tungkulin ng anticristo, ipapakita niya ang kanyang pagkamakasarili at kasamaan, ang kanyang pagiging iresponsable, at wala siya ni katiting na konsensya o katwiran. Dahil sa gayong pag-uugali kaya siya itinuturing na isang anticristo(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikalawang Bahagi)). Isiniwalat ng Diyos kung paanong partikular na makasarili, kasuklam-suklam, at walang pagkatao ang mga anticristo. Sarili nilang interes at personal na seguridad lang ang iniisip nila at hindi nagpapakita ni katiting na malasakit sa gawain ng iglesia. Sa mga mapayapang panahon, nagkukunwari silang masigasig sa kanilang mga tungkulin, pero sa pinakamaliit na banta ng panganib, o sa anumang sitwasyon na maaaring manganib sila, umuurong sila at nagtatago sa malayo. Gaano man karaming kawalan ang idinudulot nito sa gawain ng iglesia at sa mga kapatid, wala man lang pakialam ang mga anticristong ito. Napagtanto ko na walang pinagkaiba sa isang anticristo ang mga kilos ko. Kapag walang kasalukuyang panganib, sa panlabas ay tila kaya kong magdusa at gumugol ng sarili ko sa aking tungkulin, pero kapag talagang nagiging mapanganib ang mga bagay-bagay, umiiwas ako, iniisip lang na protektahan ang sarili ko at ipasa ang mapanganib na tungkulin sa ibang sister. Pasibo lang akong nanonood habang nabibigong umusad ang gawain ng iglesia at napagkakaitan ng buhay iglesia ang mga kapatid. Hindi ko mabisang hinarap ang sitwasyon at ginawa ang gawain ng iglesia at nagising lang ako mula rito noong disiplinahin ako. Sa sandaling narinig ko na iniulat ako at hinahanap ako ng mga pulis, ginusto kong iwanan ang posisyon ko, hindi man lang ko isinasaalang-alang ang gawain ng iglesia. Napakamakasarili ko at napaka-kasuklam-suklam! Ibinunyag ng katunayan ng sitwasyong iyon na kasingmakasarili ako ng isang anticristo. Sa tuwing nararamdaman kong nasa panganib ako, ninanais kong talikuran ang aking tungkulin at naghahanap ng paraan para tiyakin ang aking seguridad. Wala akong kahit katiting na katapatan sa Diyos at kasuklam-suklam ito sa Kanya. Nang napagtanto ko ito tungkol sa aking sarili, nagsisi ako at nakonsensiya. Binasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Napakahirap para sa Diyos na isakatuparan ang Kanyang gawain sa lupain ng malaking pulang dragon—ngunit sa pamamagitan ng hirap na ito na ginagawa ng Diyos ang isang yugto ng gawain Niya, na nagpapamalas ng Kanyang karunungan at kamangha-manghang mga gawa, at ginagamit ang pagkakataong ito upang gawing ganap ang grupong ito ng mga tao. Sa pamamagitan ng pagdurusa ng mga tao, sa pamamagitan ng kanilang kakayahan, at sa pamamagitan ng lahat ng satanikong disposisyon ng mga tao ng maruming lupaing ito ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain ng pagdadalisay at paglupig, upang, mula rito, magkamit Siya ng kaluwalhatian, at makamit Niya yaong mga magpapatotoo sa Kanyang mga gawa. Ganyan ang buong kabuluhan ng lahat ng sakripisyong ginawa ng Diyos para sa grupong ito ng mga tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Simple ba ang Gawain ng Diyos na Tulad ng Inaakala ng Tao?). Sa pagbubulay-bulay sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na hindi iyon maiiwasan at pauna na itong itinalaga ng Diyos na tayong mga mananampalataya na nabubuhay sa ilalim ng nasasakupan ng CCP ay sasailalim sa pang-uusig at kapighatian. Ginagamit ng Diyos ang pang-uusig ng malaking pulang dragon bilang paraan ng pagpeperpekto sa ating pananalig at pagmamahal. Pero nang maharap sa mapanganib na sitwasyon, hindi ko hinanap ang layunin ng Diyos at natakot at nangamba ako, tanging sarili kong seguridad ang inaalala ko at ayaw ko man lang gawin ang tungkulin ko. Nakita ko na talagang mahina ang pananalig ko, at sa halip na magpatotoo sa harap ng Diyos, naging katatawanan ako ni Satanas. Nang mapagtanto ko ito, nakaramdam ako ng labis na pagsisisi at pagkakautang, at ayaw kong talikuran ang puwesto ko at mamuhay pa nang walang dangal. Handa akong magpasakop at ipagkatiwala ang sarili ko sa mga kamay ng Diyos. Maluwag sa loob kong hayaan ang Diyos na mamatnugot kung maaaresto ako at kung mabubuhay ba ako o mamamatay. Kung mahuhuli ako ng malaking pulang dragon, ito ay may pahintulot ng Diyos at kahit na ikamatay ko pa ito, maninindigan ako sa aking patotoo para sa Kanya. Kung hindi nila ako aarestuhin, ito ay dahil sa awa at proteksyon ng Diyos, at mas magiging determinado akong gawin ang aking tungkulin ng maayos. Nang napagtanto ko ito, medyo mas napayapa ako at napawi ang dati kong pagkabalisa at takot.

Pagkatapos niyon, nagnilay-nilay ako kung bakit isinasaalang-alang ko lang ang sarili kong interes kapag nahaharap sa panganib, sa halip na isaalang-alang ang layunin ng Diyos. Isang araw, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Ang lahat ng tiwaling tao ay nabubuhay para sa kanilang mga sarili. Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba—ito ang buod ng kalikasan ng tao. Ang mga tao ay naniniwala sa Diyos para sa kanilang sariling mga kapakanan; kapag tinatalikdan nila ang mga bagay-bagay at ginugugol ang kanilang mga sarili para sa Diyos, ito ay para pagpalain, at kapag tapat sila sa Kanya, ito ay para gantimpalaan. Sa kabuuan, lahat ito ay ginagawa para sa hangaring pagpalain, gantimpalaan, at makapasok sa kaharian ng langit. Sa lipunan, nagtatrabaho ang mga tao para sa kanilang pansariling pakinabang, at sa sambahayan ng Diyos, gumagawa sila ng tungkulin para pagpalain. Alang-alang sa pagtatamo ng mga pagpapala kaya tinatalikdan ng mga tao ang lahat at nakatatagal sa matinding pagdurusa: Wala nang mas maganda pang katibayan ng satanikong kalikasan ng tao. Gayunman, iba yaong mga nagdaan na sa isang pagbabago sa disposisyon; naniniwala sila na ang paraan kung paano mabuhay nang makabuluhan, paano tuparin ang mga tungkulin ng isang tao upang maging karapat-dapat na matawag na tao, paano sambahin ang Diyos, at paano bigyang kaluguran at magpasakop sa Diyos—lahat ng ito—ay ang pundasyon ng kahulugan ng pagiging tao, at ito ay isang obligasyon na inorden ng Langit at kinilala ng lupa. Dahil kung hindi, hindi sila magiging karapat-dapat na matawag na tao; magiging hungkag at walang kabuluhan ang buhay nila. Pakiramdam nila ay dapat mabuhay ang mga tao upang palugurin ang Diyos, gampanan ang kanilang tungkulin nang maayos, at mabuhay nang makabuluhan, upang kapag oras na para mamatay sila, makukuntento sila at hindi magkakaroon ng kahit katiting na panghihinayang, at na hindi sila nabuhay nang walang saysay(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, nakita ko na ang dahilan kung bakit patuloy kong pinoprotektahan ang sarili ko sa mga mapanganib na sitwasyon, gustong talikuran ang aking tungkulin at mamuhay nang walang dangal, ay dahil napapangibabawan ako ng mga satanikong pilosopiya tulad ng “Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba,” “Hayaan lang ang mga bagay-bagay kung hindi naman personal na nakakaapekto ang mga ito sa iyo,” “Huwag tumulong kung walang gantimpala,” at iba pa. Naging bahagi ng kalikasan ko ang mga pilosopiyang ito, at palagi akong kumikilos dahil sa pansariling interes anuman ang mangyari. Ipinagkakanulo ko ang Diyos sa tuwing nakataya ang sarili kong mga interes . Naisip ko kung paanong mula nang pumunta ako sa iglesiang ito at nalagay ako sa isang mapanganib na sitwasyon, ang iniisip ko lang lagi ay ang sarili kong seguridad. Bagama’t alam kong kailangan kong suportahan ang mga kapatid na iyon nang mabilis sa abot ng aking makakaya, para makapamuhay sila ng buhay iglesia, nagtago pa rin ako dahil natatakot akong maaresto at mapahirapan, at ipinasa ko ang gawain sa sister ko nang walang katiting na pagsasaalang-alang sa gawain ng iglesia o sa seguridad ng sister ko. Kahit na nakikita kong sobra-sobra ito para mag-isang gawin ng sister, at hindi nakakapamuhay ng kanilang buhay iglesia ang mga kapatid, hindi pa rin ako kumilos at gumawa ng aking tungkulin. Namumuhay ako ayon sa mga pilosopiya ni Satanas. Kumikilos ako nang makasarili at kasuklam-suklam at wala akong kahit katiting na pagkatao, konsensiya, o katwiran. Inililigtas ng Diyos ang mga tapat at mapagpasakop sa Kanya, iyong mga tumatalikod sa kanilang mga personal na interes at pumoprotekta sa gawain ng iglesia sa mahahalagang sandali; ang gayong mga tao lamang ang nagkakamit ng pagsang-ayon ng Diyos. Pero sa mahahalagang sandali, tumalikod ako at wala akong katapatan sa Diyos. Kung ganito ako kamakasarili at kakasuklam-suklam, kahit na naiwasan ko ang mga pulis at patuloy na nakapamuhay nang walang dangal, bakit pipiliin ng Diyos na iligtas ako? Naisip ko kung paanong, para iligtas ang sangkatauhan, nagkatawang-tao ang Diyos sa Tsina at nagtiis ng labis na kahihiyan at pagdurusa, sinasagupa ang napakalaking panganib para ipahayag ang Kanyang mga salita at gawin ang Kanyang gawain, dumaranas ng walang tigil na pangtutugis at pang-uusig ng malaking pulang dragon, pati na rin ang pagtanggi at paninirang-puri ng mundo ng relihiyon, pero hindi kailanman sumuko ang Diyos sa pagliligtas sa atin. Ibinigay ng Diyos ang lahat-lahat Niya sa Kanyang nag-iisang layunin na iligtas ang sangkatauhan. Labis na mabuti at hindi makasarili at maganda ang diwa ng Diyos. Samantalang ako, wala akong anumang sinseridad sa Diyos, at namuhay pa rin ayon sa pilosopiya ni Satanas at na makasarili, kasuklam-suklam, manloloko at mapanlinlang. Isinaalang-alang ko lang ang sarili kong seguridad habang ginagawa ang tungkulin ko at hindi ko man lang pinangalagaan ang gawain ng iglesia. Kung hindi ako magsisisi, kasusuklaman ako ng Diyos at ititiwalag ako.

Sa panahon ng aking mga espirituwal na debosyonal, nabasa ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Ang mga naglilingkod sa Diyos ay dapat mga kaniig ng Diyos, dapat ay nakalulugod sila sa Diyos, at may kakayahan ng sukdulang katapatan sa Diyos. Kumikilos ka man sa pribado o sa harap ng publiko, nagagawa mong makamit ang kagalakan ng Diyos sa harap ng Diyos, nagagawa mong manindigan sa harap ng Diyos, at paano ka man tratuhin ng ibang mga tao, lagi mong tinatahak ang landas na dapat mong tahakin, at masusing pinangangalagaan ang pasanin ng Diyos. Tanging ganitong mga tao ang mga kaniig ng Diyos. Na nagagawa ng mga kaniig ng Diyos na direktang maglingkod sa Kanya ay dahil nabigyan na sila ng dakilang atas ng Diyos at pasanin ng Diyos, nagagawa nilang damahin ang puso ng Diyos bilang kanila, at akuin ang pasanin ng Diyos bilang kanila, at hindi nila isinasaalang-alang ang kanilang mga inaasahan sa hinaharap: Kahit na wala silang mga inaasahan, at hindi sila makikinabang, sila ay palaging maniniwala sa Diyos nang may mapagmahal na puso. At dahil dito, ang ganitong uri ng tao ay kaniig ng Diyos. Ang mga kaniig ng Diyos ay Kanya ring mga pinagkakatiwalaan; ang mga pinagkakatiwalaan lamang ng Diyos ang maaaring makibahagi sa Kanyang pagkabalisa, at sa Kanyang mga saloobin, at bagaman ang kanilang laman ay makirot at mahina, natitiis nila ang kirot at tinatalikdan iyong gustung-gusto nila upang mapasaya ang Diyos. Nagbibigay ang Diyos ng mas maraming pasanin sa gayong mga tao, at kung ano ang nais gawin ng Diyos ay pinatutunayan sa patotoo ng ganoong mga tao. Sa gayon, nakalulugod ang mga taong ito sa Diyos, sila ay mga tagapaglingkod ng Diyos na kaayon ng Kanyang sariling puso, at ang mga tao lamang na tulad nito ang maaaring mamuno kasama ng Diyos. Kapag ikaw ay tunay na naging kaniig ng Diyos ay kung kailan ka talaga mamumuno na kasama ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Maglingkod na Kaayon ng Kalooban ng Diyos). Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, napagtanto ko na mahal ng Diyos ang mga nagsasaalang-alang ng Kanyang mga layunin at nagdadala ng Kanyang mga pasanin. Anuman ang sitwasyon na lumitaw, gaano man kalaki ang pagdurusang tiisin nila, at kahit na hindi tiyak ang kahihinatnan, kaya nilang isuko ang minamahal nila para palugurin ang Diyos at hindi iniisip ang sarili nilang interes. Tanging ang mga ganoong tao ang makakamit ng Diyos sa huli. Sa napakahalagang sandaling iyon, nang naaresto ang mga kapatid, alam kong dapat kong isaalang-alang ang layunin ng Diyos, makibahagi sa Kanyang pagkabalisa at Kanyang mga isipin, protektahan ang gawain ng iglesia at tuparin ang aking mga responsabilidad at tungkulin. Nang mapagtanto ko ito, gumawa ako ng isang resolusyon: Anuman ang mga panganib na naghihintay, gagawin ko nang maayos ang aking tungkulin para bigyang-ginhawa ang puso ng Diyos.

Isang araw, nabalitaan kong inaresto ang isang lider mula sa isang kalapit na iglesia. Napagtanto ko na ang mga aklat ng iglesia ay kailangang mailipat kaagad sa ibang lugar, kung hindi ay mapapasakamay ito ng malaking pulang dragon. Kaya, agad akong nakipag-ugnayan kay Sister Zhang Yi para tumulong sa paglipat ng mga aklat. Pagdating ko sa aming tagpuan, sumugod siya sa akin na mukhang kinakabahan at sinabi sa akin na nasundan siya. Naging mahirap para sa kanya na mailigaw nang tuluyan ang nakabuntot sa kanya at sinabi niya sa akin na ilipat ang mga aklat sa lalong madaling panahon. Nang marinig ko iyon, kumabog ng mabilis ang puso ko at nakaramdam ako ng kaba at takot. Naisip ko, “Lihim na nagtatago ang mga pulis samantalang lubusan kaming nakalantad. Kapag nahanap ako ng mga pulis at naaresto ako, malamang na bubugbugin nila ako hanggang mamatay!” Habang mas iniisip ko ito, lalo akong natatakot at gusto kong may ibang maglipat ng mga aklat. Pero naalala ko na nagtakda na si Zhang Yi ng oras para makipagkita kami sa mga kapatid na nagtatago ng mga aklat at wala nang oras para maghanap ng kapalit. Saka, kung mas maraming pagkaantala ang mayroon sa panahon ng paglilipat, mas mataas din ang panganib. Habang nag-aalinlangan ako, napagtanto kong natatakot ako at kaya sa puso ko, paulit-ulit akong tumawag sa Diyos para bigyan ako ng pananalig at lakas. Nang sandaling iyon, naisip ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Alam na alam ng mga taong tapat sa Diyos na may kaakibat na mga panganib, at handa silang harapin ang mga panganib na iyon upang harapin ang kinahinatnan ng mga pangyayari at maingatang huwag masyadong mawalan ang sambahayan ng Diyos bago sila mismo ang umatras. Hindi nila inuuna ang sarili nilang kaligtasan. Ano ang masasabi ninyo rito: Magagawa ba ng mga taong hindi intindihin kahit bahagya ang sarili nilang kaligtasan? Sino nga ba ang hindi nakababatid sa mga panganib sa kanilang paligid? Gayunpaman, dapat kang sumuong sa mga panganib upang matupad ang iyong tungkulin. Responsibilidad mo ito. Hindi mo dapat unahin ang pansarili mong kaligtasan. Ang gawain ng sambahayan ng Diyos at ang bagay na ipinagkatiwala sa iyo ng Diyos ang pinakamahalaga, at ang mga ito ang dapat unahin higit sa lahat(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikalawang Bahagi)). Ang mga tapat sa Diyos ay kayang isaalang-alang ang mga layunin Niya. Gaano man kamapanganib ang mga sitwasyon, nagagawa nilang itaya ang lahat para makumpleto ang mga kinakailangang gawain ng pagsubaybay at matupad ang kanilang mga responsabilidad. Naisip ko ang mga taon ko bilang mananampalataya, natamasa ko nang husto ang pagdidilig at pagtutustos ng mga salita ng Diyos, kaya ngayon na oras na para gawin ko ang tungkulin ko, hindi ko puwedeng talikuran ang konsensiya ko at walang gawin habang nakokompromiso ang mga interes ng iglesia. Gaano man kadelikado ang sitwasyon, kailangan kong maghanap ng paraan para mailipat ang mga aklat mula roon. Hindi ko puwedeng hayaang mapunta ang mga ito sa kamay ng malaking pulang dragon. Naisip ko ang mga salita ng Panginoong Jesus na nagsasabing: “Sapagka’t ang sinomang magibig iligtas ang kaniyang buhay, ay mawawalan nito; datapuwa’t sinomang mawalan ng kaniyang buhay dahil sa akin, ay maililigtas nito yaon(Lucas 9:24). Kahit na arestuhin at bugbugin ako hanggang mamatay habang tinutupad ang tungkulin ko, magiging makabuluhan ito at sasang-ayunan ng Diyos. Naisip ko kung paanong ipinako si Pedro nang patiwarik para sa Diyos at wala siyang pag-aalala sa sarili niyang buhay, dala-dala niya ang malakas at matunog na patotoo para sa Diyos. Alam kong dapat kong tularan si Pedro, maging tapat sa Diyos anuman ang mangyari, at gawing mabuti ang tungkulin ko para bigyang-ginhawa ang puso ng Diyos. Binigyan ako ng salita ng Diyos ng pananalig at lakas para hindi na ako mamuhay sa takot. Nakipagtulungan ako sa iba pang mga kapatid, gamit ang aming karunungan para maiwasan ang pulis, at sa pangangalaga at proteksyon ng Diyos, matagumpay naming nailipat ang mga aklat. Salamat sa Diyos!

Sinundan: 96. Ang Kawalang-Katuturan ng Pagpapasikat

Sumunod: 98. Mga Aral na Natutunan Mula sa Pag-atake

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito