48. Isagawa ang Katotohanan upang Maisabuhay ang Pagiging Kawangis ng Tao

Ni Miao Xiao, Tsina

Inakala ko noon na sa pamamagitan ng paggawa ng tungkulin ko, pakikipagkasundo sa mga kapatid, at hindi paggawa ng mga hayag na kasalanan, ay namumuhay ako na kawangis ng tao. Pero ako ay nahatulan at ibinunyag nang paulit-ulit ng mga salita ng Diyos at sa wakas ay nakita ko na ang pagiging kawangis ng tao ay hindi lang tungkol sa panlabas na asal. Ang susi ay ang isagawa ang mga salita ng Diyos, pakawalan ang ating sariling mga interes, at panghawakan ang mga prinsipyo kapag may bagay na nangyayari, itaguyod ang gawain ng Diyos, at isaalang-alang ang Kanyang kalooban.

Noong Hulyo 2018, isang sister sa simbahan ang inaresto habang nagpapalaganap ng ebanghelyo. Nagpunta siya sa bahay ko, kaya malalaman ng pulisya kung saan ako nakatira kung sinusundan nila siya. Nagmadali kaming lumipat sa ibang lugar. Pagkatapos lumipat, isang superbisor ang dumating at nagsabi, “Tatlong kapatid ang sinundan at inaresto. Lahat ng nasa lugar na pinuntahan nila para sa mga pagtitipon ay inilipat. Dapat kayong mag-ingat.” Naisip ko, “Dahil inaresto na ng pulisya ang ilang kapatid, maaring sinusubaybayan na sila nang matagal na panahon. Napopoot ang Partidong Komunista sa Diyos at sa katotohanan. Naghihintay silang mahanap ang mga palatandaan at mahuli ang malaking isda upang wasakin ang iglesia ng Diyos at hulihin ang mga mananampalataya. Lahat ng mga lugar ng pagtitipon namin ay maaring minatyagan na at ang lahat ng nakatira sa mga lugar na iyon ay dapat lumipat sa lalong madaling panahon.” Pero inabisuhan lang ng superbisor ang mga lugar na pinuntahan ng mga inaresto, hindi ang iba pa. Inisip ko kung dapat kong sabihin ito sa kanya. Kung hindi ako magsasabi at may nangyari, sino ang makakaalam kung ilan ang maaaresto at papahirapan? Mapipinsala rin nito ang gawain ng iglesia. Pero kapag nagsalita ako at hindi siya nakinig, o sinabi niya na napakahina ng loob ko, hindi ba masisira ang positibong imahe ko sa kanya? Naisip ko ang mga salitang ito mula sa Diyos habang inaalala ko ito: “Gawin mo ang lahat ng bagay na kapaki-pakinabang sa gawain ng Diyos at hindi ang anumang nakasasama sa kapakanan ng gawain ng Diyos. Ipagtanggol mo ang pangalan ng Diyos, ang patotoo ng Diyos, at ang gawain ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Sampung Atas Administratibo na Dapat Sundin ng Hinirang na Bayan ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian). Ipinaalala nito sa akin na bilang isang mananampalataya, dapat kong itaguyod ang gawain ng Diyos at ang mga interes ng iglesia. Dahil dito, sinabi ko ang mga iniisip at pananaw ko sa kanya. Hindi pa ako nakakatapos sa pagsasalita ay nalungkot na siya at sinabi, “Lumipat? Kung tatakas tayo dahil sa napakaliit na bagay, pananampalataya ba iyon sa pamumuno ng Diyos? Akala ko dati ay mayroon kang tayog at kayang mamuno sa grupo, pero lumalabas na umuurong ka agad sa oras na may nangyayari.” Sobrang sumama ang loob ko nang marinig ko ito. Ano ang iisipin ng iba pagkatapos na pinakitunguhan niya ako sa ganoong paraan? Paano ko siya haharapin matapos niyon? Pero naisip ko ang tungkol sa pagtataguyod sa gawain ng iglesia at pagpoprotekta sa kaligtasan ng mga kapatid, kaya gusto ko uling sabihin ito sa kanya. Pero nag-alala ako dahil nakita ko kung gaano siya naninindigan. Kung patuloy ko itong babanggitin pagkatapos na maiwasto, sasabihin niya na wala akong realidad ng katotohanan at mayabang at matigas ang ulo ko. Ituturing pa rin ba niya ako bilang isang naghahanap ng katotohanan? Lagi niya akong pinahahalagahan, isinasali ako sa mga importanteng tungkulin at kinokonsulta ako ukol sa mga bagay-bagay. Kapag pinagpilitan ko ang sarili kong opinyon, maaaring itigil niya ang pagsasanay sa akin at ang iba ay bababa ang tingin sa akin. Nagpasya ako na hayaan ito. Tumungo ako at hindi na umimik.

Pagkatapos niyang umalis, talagang hindi ako mapalagay, kaya nanalangin ako nang tahimik. Pagkatapos ay naisip ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Ang pinakapangunahin at pinakamahalagang mga bahagi ng pagkatao ng sinuman ay ang konsiyensya at katwiran. Anong klaseng tao ang isang taong walang konsiyensya at walang katwiran ng normal na pagkatao? Sa pangkalahatan, siya ay isang taong walang pagkatao, isang taong masama ang pagkatao. Suriin natin itong mabuti. Paano nagpapakita ng tiwaling pagkatao ang taong ito para sabihin ng mga tao na wala siyang pagkatao? Anong mga katangian ang taglay ng gayong mga tao? Anong partikular na mga paghahayag ang ipinapakita nila? Ang gayong mga tao ay basta lang sa kanilang mga pagkilos, at walang malasakit sa mga bagay na wala silang pansariling kinalaman. Hindi nila isinasaalang-alang ang mga kapakanan ng tahanan ng Diyos ni nagpapakita sila ng pagsasaalang-alang para sa kalooban ng Diyos. Wala silang pinapasang kabigatan ukol sa pagpapatotoo sa Diyos o sa pagganap sa kanilang mga tungkulin, at hindi sila responsable. … May iba pa ngang mga tao na, kapag nakakakita ng problema sa pagganap sa kanilang tungkulin, nananatiling tahimik. Nakikita nila na ang iba ay nagsasanhi ng mga pag-antala at mga paggambala, datapuwa’t wala silang ginagawa para pigilan ito. Hindi nila isinasaalang-alang kahit man lamang ang mga kapakanan ng tahanan ng Diyos, ni iniisip man lamang ang kanilang sariling mga tungkulin o pananagutan. Sila ay nagsasalita, kumikilos, namumukod-tangi, nagpupunyagi, at gumugugol ng lakas para lamang sa kanilang sariling kalayawan, karangalan, katungkulan, mga kapakanan, at karangalan(“Ipagkaloob ang Iyong Tunay na Puso sa Diyos, at Makakamit Mo ang Katotohanan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Inihayag ng mga salita ng Diyos ang eksaktong kalagayan ko. Nalaman ko na ang mga lugar na iyon ay maaaring nasa panganib at ang mga tao roon ay maaring maaresto kung hindi sila nailipat. Pero natakot ako na sabihin ng superbisor na duwag ako at walang pananampalataya at hindi na magiging mataas ang tingin niya sa akin. Hindi ako naglakas-loob na manatili sa mga prinsipyo at panindigan ang gawain ng iglesia. Nalaman ko ang katotohanan pero hindi ko isinagawa ito. Nanalangin ako sa Diyos, “O Diyos! Ipinakita ng realidad na hindi ko isinasagawa ang katotohanan sa aking pananampalataya. Hindi ko itinataguyod ang gawain ng Diyos. Iniisip ko lang ang sarili kong reputasyon, estado, at mga interes. Labis akong makasarili at kasuklam-suklalm! Diyos ko, pakiusap, ibigay Mo sa akin ang Iyong patnubay. Nais ko pong tunay na magsisi.” Pagkatapos, naalala ko na itinakda ng Mga Isinaayos na Gawain na dapat laging nasa isip natin ang kaligtasan sa ating tungkulin. Sa ligtas na paligid, makakagawa nang matiwasay ang mga kapatid ng kanilang tungkulin, at ang gawain ng sambahayan ng Diyos ay hindi madaling magagambala. Pagkatapos niyon, ibinahagi ko ang mga iniisip ko sa ilang tao sa grupo, at sumang-ayon sila sa akin na ang ibang mga lugar ay nasa panganib at dapat na mailipat. Nagpasya ako na muling banggitin ito sa superbisor kapag nakita ko siya. Nanalangin din ako sa Diyos at humingi sa Kanya ng katapangan na maisagawa ang katotohanan.

Pagkalipas ng ilang mga araw, si Sister Zhang na isa pang superbisor, ay bumisita sa aming team. Tinanong niya kami kung narinig namin ang tungkol sa mga pag-aresto at kung ano ang naisip namin. Mabilis kong sinabi, “Sa tingin ko ang ibang mga lugar ng pagtitipon ay maaaring hindi rin ligtas. Dapat natin silang sabihan na umalis agad kung sakali—” Bago ako makatapos, mahigpit na sinabi ni Sister Zhang, “Ligtas? Saan ligtas manampalataya sa Diyos sa China? Saan tayo malaya mula sa panganib? Napakaimportanteng panahon ito para ipahayag ang ebanghelyo. Paano tayo makakagawa ng tungkulin natin kung natatakot tayo lagi? Gusto ba ninyong magtago hanggang matapos ang gawain ng Diyos at bumabagsak na ang Partidong Komunista?” Matapos marinig ang sinabi niya, naisip ko, “Hindi iyan ang ibig kong sabihin. Sinabi sa atin ng Diyos na sa Kapanahunan ng Biyaya, ‘Narito, sinusugo Ko kayong gaya ng mga tupa sa gitna ng mga lobo: mangagpakatalino nga kayong gaya ng mga ahas at mangagpakatimtimang gaya ng mga kalapati(Mateo 10:16). ‘Pagka kayo’y pinagusig nila sa isang bayang ito, ay magsitakas kayo tungo sa kasunod na bayan(Mateo 10:23).” Ang paggawa ng tungkulin natin sa China ay nangangailangan ng karunungan. Pero sa sagot ni Sister Zhang, nakita ko na hindi niya gustong mailipat ang mga lugar na ito at kung ipagpilitan ko ito, maaaring sabihin niya na hindi ko matanggap ang katotohanan, na may mali sa akin. Pagkatapos ay nagpatuloy siyang magsabi, “Hindi makakagawa ang mga duwag ng tungkulin nila. Magiging mga Judas sila kapag inaresto sila.” Naguluhan talaga ako dahil dito. Kung patuloy akong magmumungkahi na ilipat ang lahat, maaaring ituring lamang akong duwag ng mga superbisor. Baka tanggalin pa nila ako. Ano ang iisipin ng iba sa akin pagkatapos? Dahil sa sigasig ko, nagkaroon sila ng mabuting impresyon sa akin at hinihiling nila sa akin na magbahagi tungkol sa kanilang mga problema. Kung naisip nila na ako ay naduwag at hindi tumatangap ng katotohanan, hindi nila ako ituturing sa parehong paraan at mahihiya akong harapin sila. Pinag-isipan ko itong mabuti, pero ang pagnanais kong gawin ang tama ay naglaho. Ayokong paging isang pahirap sa superbisor. Sinabi ko, “Nagbabahagi lang ako ng mga ideya ko. Anuman ang mangyari ay kayo ang bahala.”

Isang umaga, pagkalipas ng ilang araw, sinabi ng isang sister sa amin, na natataranta, na pagkatapos ng mga pag-arestong iyon ang ilan sa mga lugar ng pagtitipon ay hindi agad nailipat. Sinusubaybayan sila ng pulisya, kaya tatlong superbisor at ilang mga tao mula sa mga lugar ng pagtitipon ang ikinulong. Sobrang nakakasama ng loob sa akin na marinig ito. Kung nanindigan ako sa mga prinsipyo at ipinaliwanag ang halaga sa oras na iyon, o kung kinontak ko nang direkta ang pinuno ng iglesia, maaaring wala kami sa sitwasyong iyon. Napakaraming inaresto at ang gawain ng simbahan ay seryosong nahadlangan. Direktang may kaugnayan ito sa akin dahil ako ay hindi naging responsable o sumunod sa mga prinsipyo. Pero sobrang huli na ang lahat ngayon. Ang tanging bagay na magagawa ay abisuhan agad ang lahat ng posibleng nasa panganib upang hindi sila mahulog sa masasamang kamay ng CCP. Inutusan ko agad ang mga kapatid ukol doon.

Pinagnilayan ko ito kalaunan. Nalaman ko na dapat kong protektahan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos at ang gawain ng iglesia, pero bakit hindi ko ginawa iyon? Bakit naging napakamakasarili ko, bakit prinotektahan ko lang ang sarili kong mga interes? Pagkatapos ay binasa ko ito sa mga salita ng Diyos: “Hangga’t hindi nararanasan ng mga tao ang gawain ng Diyos at natatamo ang katotohanan, ang likas na pagkatao ni Satanas ang namamahala at nagdodomina sa kanilang kalooban. Ano ba ang partikular na nakapaloob sa likas na pagkataong iyon? Halimbawa, bakit ka makasarili? Bakit mo pinoprotektahan ang sarili mong katungkulan? Bakit ka mayroong gayon katinding mga damdamin? Bakit ka nasisiyahan sa mga di-matutuwid na bagay na iyon? Bakit gusto mo ang mga kasamaang iyon? Ano ang batayan ng pagkahilig mo sa mga ganoong bagay? Saan nagmumula ang mga bagay na ito? Bakit ka masayang-masaya na tanggapin ang mga ito? Sa ngayon, naunawaan na ninyong lahat na ang pangunahing dahilan sa likod ng lahat ng bagay na ito ay dahil nasa kalooban mo ang lason ni Satanas. Tungkol naman sa kung ano ang lason ni Satanas, lubos itong maipapahayag sa mga salita. Halimbawa, kung tatanungin mo ang ilang masamang tao kung bakit sila gumawa ng kasamaan, sasagot sila: ‘Dahil ang bawat tao ay para sa kanyang sarili, at bahala na ang iba.’ Ipinahahayag ng nag-iisang pariralang ito ang pinakaugat ng problema. Ang lohika ni Satanas ay naging buhay na ng mga tao. Maaari silang gumawa ng mga bagay-bagay para sa ganito at ganoong layunin, ngunit ginagawa lamang nila iyon para sa kanilang sarili. Iniisip ng lahat ng tao na dahil ang bawat tao ay para sa kanyang sarili at bahala na ang iba, dapat mabuhay ang mga tao para sa sarili nilang kapakanan, at gawin ang lahat ng makakaya nila para magkaroon ng magandang posisyon alang-alang sa pagkain at marangyang pananamit. ‘Bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba’—ito ang buhay at ang pilosopiya ng tao, at kinakatawan din nito ang likas na pagkatao. Ang mga salitang ito ang mismong lason ni Satanas, at kapag isinapuso ito ng mga tao, nagiging kalikasan na nila ito. Ang kalikasan ni Satanas ay inilalantad sa pamamagitan ng mga salitang ito; lubos itong kinakatawan ng mga ito. Ang lasong ito ay nagiging buhay ng mga tao at nagiging pundasyon din nila sa buhay, at ang sangkatauhang ginawang tiwali ay patuloy nang pinangingibabawan ng lasong ito sa loob ng libu-libong taon(“Paano Lakaran Ang Landas ni Pedro” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Inihahayag ng mga salita ng Diyos ang ugat ng ating pagkamakasarili. Namumuhay tayo sa mga satanikong pilosopiya gaya ng, “Ang bawat tao para sa kanyang sarili, bahala na ang iba” at “Matitinong tao’y mabuti’t maingat sa sarili, tanging hangad nila’y hindi magkamali.” Naging tunay na kalikasan natin ang mga ito. Lahat ay nakikipaglaban at nabubuhay para sa kanilang sarili at magsasakripisyo ng mga interes ng iba para sa kanilang sarili. Ang lahat ng tiwaling tao ay nabubuhay sa ganitong paraan, nagiging mas makasarili at mapanlinlang, at ang mundo’y nagiging mas madilim at mas masama. Kahit bilang isang tao ng pananampalataya, hindi ko naging buhay ang mga salita ng Diyos. Ang isipan ko ay sinisira pa rin ng mga satanikong lason, kaya nga alam ko ang katotohanan ngunit hindi ko isinagawa ito. Natakot ako na mapasama ko ang loob ng mga superbisor at masira ang reputasyon ko. Hindi na ang katotohanan at ang gawain ng iglesia ang pinakamahalaga, kundi ang sarili kong pangalan at estado. Naging napakamakasarili ko! Itinalaga ng Diyos kung anong tungkulin ang gagawin ko at kung kailan. Pero inisip ko nang may kahangalan na ang tadhana ko ay nasa mga kamay ng mga superbisor, kaya ang pasamain ang loob nila ay magiging katapusan ng tungkulin ko. Hindi ko ba itinatanggi na ang katotohanan at ang pagiging matuwid ang nangunguna sa sambahayan ng Diyos? Nakita ko lang ang mga bagay-bagay gaya ng isang hindi mananampalataya. Hindi ako naging isang mananampalataya. Pagkatapos ay naisip ko ito sa mga salita ng Diyos: “Gaano man kalaki ang nawala sa gawain ng Diyos at sa mga interes ng Kanyang sambahayan, wala kang madaramang paninisi mula sa iyong konsiyensya, na nangangahulugan na magiging isa kang tao na nabubuhay ayon sa kanilang malademonyong disposisyon. Kinokontrol ka ni Satanas at hinihikayat kang mamuhay nang hindi bilang tao ni demonyo. Kinakain mo ang sa Diyos, iniinom mo ang sa Diyos, at tinatamasa mo ang lahat ng nagmumula sa Kanya, subalit, kapag dumaranas ng anumang kawalan ang gawain ng sambahayan ng Diyos, iniisip mo na walang kinalaman iyon sa iyo, at, kapag nakita mong nangyayari ito, nagagawa mo pang ‘ibaluktot ang siko mo palabas,’[a] at hindi ka pumapanig sa Diyos, ni hindi mo pinaninindigan ang gawain ng Diyos o mga interes ng sambahayan ng Diyos. Nangangahulugan ito na may kapangyarihan si Satanas sa iyo, hindi ba? Namumuhay ba ang gayong mga tao bilang mga tao? Malinaw na sila ay mga demonyo, hindi mga tao!(“Yaon Lamang Mga Nagsasagawa ng Katotohanan ang May Takot sa Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Tinusok ang puso ko ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos na gaya ng isang espada. Nilanghap ko ang hangin at kinain ang pagkaing ginawa ng Diyos, nasisiyahan sa buhay at katotohanang mula sa Kanya na hindi iniisip ang pagsusukli sa Kanyang pag-ibig. Nakita ko ang gawain sa sambahayan ng Diyos na seryosong nasira at ang mga kapatid ay nasa panganib, pero hindi ako naglakas-loob na itaguyod ang mga prinsipyo, dahil sa takot para sa sarili ko. Iyan ay nagdulot ng lagpas dalawampung katao na naaresto, nakulong at napahirapan at ang aming gawain ng ebanghelyo ay seryosong nahadlangan. Ang pamumuhay sa katiwalian ay nagkaroon ng napakasasamang resulta. Gumagawa lang ako ng kasamaan. Hindi ko kailanman naunawaan kung bakit napopoot ang Diyos sa mga makasariling tao, kung bakit sinabi Niya na sila ay kulang sa pagiging tao at pag-aari ni Satanas. Naintindihan ko na ngayon na ang makasarili ay iniisip lang ang kanilang sarili, at hindi ang iba, at pinoprotektahan nila ang kanilang sariling mga interes sa ikapipinsala ng gawain ng iglesia. Paano naging makatao iyon? Mas mabuti pa ang mga hayop. Alam ng mga aso kung paano maprotektahan ang mga bahay ng kanilang mga amo at maging tapat, pero kahit na binigyan ako nang labis ng Diyos, kinagat ko pa rin ang kamay ng nagpakain sa akin. Hindi ako lubusang naging matapat at hindi ako nararapat na tawaging tao. Pagkatapos ay nakita ko na ang pagtawag ng Diyos sa mga makasariling tao bilang mga buhay na Satanas ay hindi kalabisan. Kung hindi ako magsisisi at magbabago at magsasagawa ng katotohanan, ako ay gagawa ng kasamaan, lalaban sa Diyos, at mapaparusahan Niya. Ipinakita ng kabiguang ito sa akin na kung walang paghahangad sa katotohanan at paglutas sa mga satanikong disposisyon, hindi natin maisasagawa ang katotohanan at masusunod ang Diyos. Kung gayon ay hindi tayo kailanman makapagbabago ng ating mga disposisyon o maliligtas gaano man katagal tayong manampalataya, gaano man tayo magsakripisyo o magdusa. Pagkatapos ay nanalangin ako sa Diyos, “Makapangyarihang Diyos! Labis na pinsala ang dumating sa gawain ng iglesia at sa mga kapatid dahil ako ay hindi nagsagawa ng katotohanan o naging maprinsipyo. Diyos ko, gumawa ako ng kasamaan. Handa akong magsisi at tanggapin ang Iyong pagsusuri. Kung hindi pa rin ako magbabago, kundi ay magiging makasarili at hindi susuportahan ang gawain ng sambahayan ng Diyos, nawa’y hatulan at kastiguhin Mo ako.”

Binasa ko ito sa mga salita ng Diyos pagkatapos ng panalangin ko: “Kapag ibinunyag mo ang iyong sarili na makasarili at di-marangal, at nagkaroon ng kabatiran nito, dapat mong hanapin ang katotohanan: Ano ang dapat kong gawin upang maging kaayon ng kalooban ng Diyos? Paano ako dapat kumilos upang mapakinabangan ito ng lahat? Ibig sabihin, kailangan mong simulang isantabi ang iyong sariling mga interes, dahan-dahang isuko ang mga ito ayon sa iyong tayog, nang paunti-unti. Matapos mong maranasan ito nang ilang beses, naisantabi mo na ito nang lubusan, at habang ginagawa mo ito, madarama mong mas lalo kang matatag. Kapag lalo mong isinasantabi ang iyong mga interes, lalo mong madarama na bilang isang tao, dapat kang magkaroon ng konsiyensya at katwiran. Madarama mo na kung wala kang mga makasariling motibo, ikaw ay prangka at matuwid na tao, at ginagawa mo ang mga bagay-bagay para lamang palugurin ang Diyos. Madarama mo na ang gayong pag-uugali ay ginagawa kang karapat-dapat na matawag na ‘tao,’ at na sa pamumuhay nang ganito sa lupa, ikaw ay bukas at tapat, ikaw ay isang tunay na tao, mayroon kang malinis na konsyensya, at karapat-dapat ka sa lahat ng bagay na ipinagkaloob sa iyo ng Diyos. Kapag lalo kang namumuhay nang ganito, lalo kang magiging matatag at mas masigla ang pakiramdam mo. Sa gayon, hindi ka ba nakatahak na sa tamang landasin?(“Ipagkaloob ang Iyong Tunay na Puso sa Diyos, at Makakamit Mo ang Katotohanan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). “Huwag kang laging gumawa ng mga bagay para sa sarili mong kapakanan at huwag mong palagiang isaalang-alang ang iyong mga sariling interes; huwag isipin ang iyong sariling katayuan, katanyagan, o reputasyon. Huwag mo ring isaalang-alang ang mga interes ng tao. Kailangan mo munang isipin ang mga interes ng bahay ng Diyos, at unahin ang mga iyon. Dapat mong isaalang-alang ang kalooban ng Diyos at magsimula sa pamamagitan ng pagmumuni-muni kung ikaw ay naging dalisay o hindi sa pagtupad mo sa iyong tungkulin, kung nagawa mo ang lahat ng iyong makakaya upang maging matapat, nagawa ang lahat ng iyong makakaya upang matupad ang iyong mga pananagutan, at naibigay ang lahat mo, gayundin kung buong-puso mo nang naisaisip o hindi ang iyong tungkulin at ang gawain ng bahay ng Diyos. Kailangan mong isaalang-alang ang mga bagay na ito. Isipin mong madalas ang mga ito, at magiging higit na madali sa iyong gampanan nang maayos ang iyong tungkulin(“Ipagkaloob ang Iyong Tunay na Puso sa Diyos, at Makakamit Mo ang Katotohanan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Pagkatapos ay naunawaan ko na bilang isang Kristiyano, ang tanging paraan upang mabuhay na may integridad, karangalan, at pagkatao ay ang ipamuhay ang mga salita ng Diyos at ang katotohanan, ang isaisip ang Kanyang kalooban, pakawalan ang ating mga interes at protektahan ang gawain ng Diyos sa lahat ng bagay. Kung magkagayon ay makakaramdam tayo ng kapayapaan. Alam kong kailangan kong isagawa ang mga salita ng Diyos at hangaring maging isang matuwid na tao.

Isang gabi ng Nobyembre, pagkatapos mag-alas diyes ng gabi nang si Sister Li, isang bagong superbisor, ay nagpunta sa aming grupo. Sinabi niya na si Sister Liu, na kasama niya sa gawain, ay umalis para makipagkita sa isang sister na galing sa ibang bayan dalawang araw na ang nakalilipas, pero hindi pa siya nakakabalik. Natakot siya na baka naaresto siya. Kung ganoon, dapat masabihan ang iba na maglipat na agad. Naisip niya na maaaring umuwi rin si Sister Liu dahil sa ilang dahilan at ang paglilipat sa lahat ay makakaapekto sa kanilang mga tungkulin. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Pagkarinig ko nito, naisip ko, “Nanampalataya si Sister Liu sa Diyos sa maraming taon at naging matatag sa kanyang tungkulin. Ipapaalam niya sa amin kung nakauwi na siya. Maaring inaresto siya. Dapat kong sabihin ito kaagad sa mga pinuno.” Pero naisip ko, “Superbisor si Sister Li. Kung hindi siya tiyak at takot siyang gambalain ang gawain ng iglesia, paano ako makakatiyak? Kung gagawin namin ang lahat para mailipat ang lahat pero hindi naman inaresto si Sister Liu, maaaring harapin kami ng pinuno at sabihan na ginagambala namin ang gawain ng iglesia. Magsasalita ba ako o hindi?”

Sa paghihirap ko, binasa ko ang mga salita ng Diyos: “Gawin mo ang lahat ng bagay na kapaki-pakinabang sa gawain ng Diyos at hindi ang anumang nakasasama sa kapakanan ng gawain ng Diyos. Ipagtanggol mo ang pangalan ng Diyos, ang patotoo ng Diyos, at ang gawain ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Sampung Atas Administratibo na Dapat Sundin ng Hinirang na Bayan ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian). “Kung sa mas mapanganib na sandali, mas nagagawa ng mga tao na magpasakop at talikdan ang kanilang sariling mga interes, kahambugan, at kayabangan, at isagawa nang wasto ang kanilang mga tungkulin, saka lamang sila aalalahanin ng Diyos. Iyon ay pawang mabubuting gawa! Anuman ang gawin ng mga tao, alin ang mas mahalaga—ang kanilang kahambugan at kayabangan, o ang kaluwalhatian ng Diyos? (Kaluwalhatian ng Diyos.) Alin ang mas mahalaga—ang iyong mga responsibilidad, o ang sarili mong mga interes? Ang pagganap sa iyong mga responsibilidad ang pinakamahalaga, at tungkulin mo ang mga ito(“Pagtatamo sa Diyos at sa Katotohanan ang Pinakamasaya sa Lahat” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Malinaw na sinasabi sa atin ng Diyos na itaguyod ang Kanyang gawain at gawin ang tungkulin natin nang maayos. Ngayong humaharap sa isang sigalot sa pagitan ng mga interes ko at ng iglesia, nakatingin ang Diyos. Kung magiging makasarili ako gaya noon, iyon ay kakulangan sa pagiging tao. Naging isang masakit na aral ang nangyari nitong huli, isang teribleng halaga ang kabayaran. Hindi ko maaaring ulitin ang pagkakamaling iyon. Sinabi ko kay Sister Li, “Posibleng umuwi si Sister Liu, pero hindi tayo nakakatiyak. Dapat tayong magplano para sa pinakamasama at ilipat ang mga kapatid na iyon. Kahit na mali tayo, para ito sa gawain ng iglesia at para sa kaligtasan ng lahat. Tinitingnan natin ang pangkalahatang sitwasyon. Kung nakakita tayo ng panganib at hindi nakakilos agad at naaresto ang mga tao, magiging mga Judas tayo at anumang panghihinayang ay magiging huli na. Lumalaki ang panganib bawat araw. Ayusin natin ito agad.” Sinabi ko sa kanya kung paano inaresto dati ang ilang mga miyembro ng simbahan at sumang-ayon siya sa akin. Maaga niyang inumpisahan ang mga bagay-bagay kinabukasan ng umaga, at sa gabi pagkatapos niyon, umalis na rin kami sa lugar namin.

Habang ginagawa ito, sinabi ng superbisor, “Sina Sister Liu at ang isa pang sister na iyon ay inaresto at kinuha rin ng pulisya ang apat na iba pa mula sa isang lugar ng pagtitipon. Lumipat kami sa tamang oras. Kung naghintay kami, mas maraming tao pa ang madadampot.” Nagngitngit ako nang narinig ko ito. Ang Partido Komunista ay napakasama! Sa isang bansang kasing laki ng China, walang lugar na mapagtataguan ang mga Kristiyano! Naramdaman ko rin kung gaano kahalaga ang maprotektahan ang mga interes ng iglesia. Mas maayos ang pakiramdam ko dahil ngayon nakaya kong maisagawa ang katotohanan at maging responsable at dahil dito ay mas kaunting pinsala ang nagawa. Naramdaman ko na ang pamumuhay ng mga salita ng Diyos ang tanging paraan upang mabuhay nang may pagkatao. Personal ko ring naranasan na kung walang paghatol ng mga salita ng Diyos, matatali pa rin ako sa mga satanikong pilosopiya at disposisyon, gumagawa ng masama at lumalaban sa Diyos. Hindi ko magagawang pakawalan ang sarili kong mga interes at sumunod sa mga prinsipyo, at hindi ako kailanman magkakaroon ng pagkatao. Gaya ng sinasabi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Kung kaya mong tuparin ang iyong mga responsibilidad, gampanan ang iyong mga obligasyon at tungkulin, isantabi ang iyong mga makasariling hangarin, isantabi ang sarili mong mga layon at motibo, mayroon kang konsiderasyon sa kalooban ng Diyos, at inuuna mo ang mga interes Niya at ng Kanyang sambahayan, kung gayon pagkaraang danasin ito sa sandaling panahon, madarama mo na maganda ang ganitong pamumuhay. Ito ay pamumuhay nang prangka at tapat, nang hindi nagiging isang hamak at walang-silbing tao, at pamumuhay na makatarungan at marangal kaysa pagiging makitid ang utak o salbahe. Madarama mo na ganyan dapat mamuhay at kumilos ang isang tao(“Ipagkaloob ang Iyong Tunay na Puso sa Diyos, at Makakamit Mo ang Katotohanan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw).

Talababa:

a. Ang “ibaluktot ang siko mo palabas” ay isang kawikaang Tsino, na ang ibig sabihin ay isang taong tumutulong sa iba kahit mapahamak ang mga taong malapit sa kanya, halimbawa’y mga magulang, anak, kamag-anak, o kapatid.

Sinundan: 47. Makakamit Ba ng mga Nagpapalugod sa Tao ang Kaligtasan ng Diyos?

Sumunod: 49. Isang Magandang Paraan Para Mabuhay

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

70. Hindi Na Isang Pasikat

Ni Mo Wen, SpainNaalala ko noong taong 2018, nasa tungkuling ebanghelyo ako sa iglesia, at pagkatapos ay ginawang tagapamahala ng gawaing...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito